Author's Note
SORRY MEDYO BORING HAHAHA. LAST NA TO PROMISE LOL.
Xander’s POV
Sa buhay hindi natin maiiwasang
alipustahin ka ng isang tao ng dahil lang sa estado mo sa buhay, sae dad mo at
lalong lalo na sa estado ng pamumuhay mayroon ka. May mga taong sagana sa
yaman, ngunit salat sa karangalan, may mga taong salat man sa buhay pero
mayaman sa pangangaral ng magulang.
Hindi nasusukat at kailan man
hindi batayan ang estado mo sa buhay para ipakita mo at gawin kung ano ang
gusto mo, maaaring ayawan ka ng ibang tao ng walang dahilan, at maaaring
gustuhin ka rin nila ng biglaan. Sabi nga nila, you were born to be true not to
be perfect, we cannot please everybody so why should you explain yourself to
them? Kung ayaw nila sa iyo, let them be, lagi mo na lang tandaan, na hindi
ikaw ang nawalan. Kung hindi sila.
Matapos nya akong itaboy at
mapahiya sa mga kaibigan nya, nandito kami ngayon sa canteen ng school kasama
si jiji
“ friend anyare? Bat ganyan
mukha mo? Diba dapat masaya ka kasi exempted kana sa exam?” ang pambungad ni
jiji.
“ ah eh ano, wala to hehe” ang
palusot ko
“ sus, sakin ka pa nagkaila
no??”
Hanggang sa napaamin na nga ako
sa kanila, hindi naman masamang magsabi diba? Laong lalo na at mahirap itago
ang isang problema ng para sa sarili mo lamang. Hindi lagi sa buhay na
tutulungan ka ng sarili mo, kakailanganin mo pa rin ng tulong at payo ng iba.
“ jusme! The nerves! Ang yabang
ha?! Sinasabi ko na nga ba eh, kung sino pa ang tahimik sya pa ang mala demonyo
ang ugali ang yabang!” ang nang gagalaiting sabi ni jiji
“ alam mo xander, sa totoo lang
ha? Wag mo sana tong masamain, kasi yung style mo, medyo luma na, why don’t you
try to be in sa mga trends ngayon? Like wearing clothes, makihalubilo sa iba
bukod samin? You know? Mingle with other companions?” ang pag singit ni jay
“ uhuh, may point sya friend”
ang sabi naman ni jiji
“ eh pano ko naman gagawin yun,
kung pang load nga lang par maitext ko mga magulang ko wala ako eh, pambili pa
kaya ng mararangyang damit?” ang pa gamin ko naman
“ yun ba? Sus, kami na ang
bahala” ang sabay sabay nilang sabi
Wala man akong kaide ideya sa
mga sinasabi nila ay di na lang ako umimik.
Ng makarating kami sa room ay
kakaunti pa lang ang tao marahil yung iba ay nasa baba pa dahil anong oras pa
lang naman, kaninang umaga ay late si Nil, so wala akong pakialam don!
Mayabang.
Habang nag mumuni muni, bigla
akong tinawag ng kalikasan at mukhang bubuhos na ang water falls sa aking
katawan kaya dali dali akong pumunta ng C.R para magpalabas haha!
Wooo! Success! Habang
naghuhugas ako ng kamay, nagulat na lang ako ng biglang may tumabi sa akin,
pero since wala naman akong pakialam dun, ay hindi ko na lang pinansin. Pero
nagulat ako ng biglang
“ xander, ahhmmm, ano kasi…”
shit! Boses niya yun at hindi ako pwedeng magkamali.
Since tapos na akong maghugas
ng kamay ay agad na lang rin akong lumabas ng C.R at dumiretso ng classroom.
(fastforward LOL)
It’s been 4 days magmula ng
pang iisnob k okay Nil, may times na binabanggit nya ang pangalan ko pero hindi
ko na lang pinapansin, para saan pa? para ipamukha nyang hindi kami pwedeng
magkaibigan dahil mahirap lang ako at saksakan sya ng yaman? Ganoon ba yon?
Matapos ang klase ay nagtaka
ako dahil hila hila ako ng mga kaibigan ko dahil may pupuntahan daw kami.
Maaaring eto yung sinasabi nilang sila na ang bahala pero may kung ano sa akin
ang kinakabahan na medyo naiilang. Pero gayunpaman ay sumunod na lang ako
Nil’s POV
Shit! Bakit ko ba kasi ginawa
yun eh! Wala naming ginawa yung tao ng masama sa akin pero pinahiya at
niyurakan ko pa ang pagkatao! Napaka bobo mo talaga nil kahit kailan!
4 na araw. APAT NA ARAW NA
AKONG HINDI PINAPANSIN NI XANDER!
(flashback)
Simula kahapon hanggang ngayon
ay wala kaming maayos na tulog ni xander dahil gusto ko talagang maganda ang
gawa at ma exempt sa final examination. Almost 1 am na rin siguro pero ‘tong si
xander eh parang ang laks lakas pa samantalang ako eh onting pikit na lang ata
ng mata ko eh makakatulog na ako, habang nagpipinta sya ay hindi ko maiwasang
tignan ang maaliwalas nyang mukha, mukhang napakasimple at walang karate arte,
mukhang makikita mo ang bakas ng pagkamasayahin at pagiging kuntento sa buhay. Hindi
ko namamalayan na nakatitig na lang pala ako sa kanya ng buong gabi hanggang sa
“ uy, okay ka lang?”
Tae! Nahuli nya akong
nakatingin sa kanya arrgghh!!!
“ ah eh ano,kasi a-ano eh
inaantok na a-ako, oo tama, inaantok na ako, bukas na lang natin tapusin” ang
pagpapalusot ko. Shit! Gumana ka please!
“ ah ganun ba, sige. Pagod na
rin ako e” haaaayyysss! Buti kinagat nya
Pinipilit nyang sa lapag na
lang sya matutulog pero I insist, doon na lang sya sa kama at ako na lang sa
lapag, hanggang sa nagtalo kami at ang resulta? Ayun. Tabi kami sa kama.
Ilang minute pa ang nakalipas
ng tignan ko sya na mukhang mahimbing na ang tulog. Pero ako? Gising na gising
ang diwa, ultimo sa utak ko nag aappear ang mukha nya. Pero shit! Bakit ganito?
Parang may mali. Yung labi nyang maninipis, yung pisngi nyang kay kinis kinis
at higit sa lath,, ang mata nyang mapang akit.
Wtf nil! What are you
thinking?!
Is this?
Is this love?
Naahhh. Ang bilis naman?!
Pero paano kung love nga?!
Love sa kapwa ko lalaki?! WHAT
THE EF!
Buong gabi ako hindi mapakali
and it turns out na halos mag uumaga na ako nakatulog.
Habang mahimbing na mahimbing
ang pagtulog ko, nakaramdam ako ng bigat sa may bandang dibdib ko pero parang,
parang ang sarap sa feeling?
Am I dreaming or what?
Hanggang sa lalong humigpit ang
pagyakap ng kung sino man, ng imulat ko ang mata ko.
O.O
Si Xander nakahiga sa braso ko
at yakap yakap ako!!!!!
Shit! Bat ganito tibok ng puso
ko? Parang hindi normal! Potek. Nahawaan na ata ako ni Stephan haha.
Pero kasi, ang sarap sa
pakiramdam eh, tinignan ko lang ang orasan sa tabi ko at 6:38 pa lang, kaya,
Kaya ninamnam ko ang sandaling
ito ang niyakap din sya pabalik. Pero kapg dumating ang 7 am ay tinatanggal ko
na rin para hindi sya makahalata. Ang sarap lang talagang pagmasdan ng mukha
nya habang natutulog. Hanggang sa nagging daily routine ko yun ng one week at
nung last day nya sa pag stay nya dito?
Hindi na ako nakapagtimpi pa at
hinalikan ko na sya sa labi. Doon ko natagmpuan ang sagot na hinahanap ko. Walang
duda, mahal ko na ata tong bulinggit na’to
( end of flashback)
OO, MUKHANG MAHAL KO NA SYA! At
ang tanga tanga ko par gawin sa kanya yun. Natakot lang naman ako nab aka hindi
matanggap ng “ itinuring” kong mga kaibigan kung sino ako at kung sino ang
mahal ko. Natatakot akong layuan nila ako, sila lang naman ang mga kaibigan ko
eh. Pero hindi ko naman kayang ipagpalit ang taong nagbigay kulay sa boring na
buhay ko. Kaso wala eh, naunahan ang ng peer pressure. Naunahan ako ng takot at
pangamba. At ngayon? Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Matapos ang klase ay lagi kong
binabalak na kausapin sya pero lagi syang umiiwas. Aminin ko man o hindi ay
nakaramdam ako ng takot at pangamba, takot nab aka hindi na nya muli akong
kausapin at pangamba na maaaring iyon na ang huli naming pag uusap. Masakit man
pero kailangan kong tiisin ang pag iwas nya. Kasalanan ko naman eh. Kakausapin ko
sana sya ngayon pero nagtaka lang ako ng hila hila sya ni jiji papalabas at
isinakay sa kotse kasama pa ang iba nilang mga kaibigan.
Susundan ko sana sya ng
harangin ako ng mga kaibigan ko
“ ey, san ka pupunta?” ang
pambungad ni cristy
“ susundan ko lang si xander”
ang malumanay kong sagot
“ are you crazy nil? That jologs
and cool wanna be? Hahabulin mo yun? Don’t tell me, gusto mo syang kaibiganin? Duh?
Anong tapat nyan samin no?” ang ingratang sagot ng isa ko pang kaibiganin
“ hindi ko lang sya gusting kaibiganin,
mahal ko na sya kaya kung pwede ba tigil tigilan nyo ang panglalait sa kanya?!!
Isa pang lait, baka kalimutan kong kaibigan ko kayo” ang nanggigigil kong sabi
sabay walk out pauwi.
This week breaks my heart
little by little. Gusto kong mabuo sya sa susunod na araw at umaasang si xander
ang bubuo nito. Mabilis man sa nyong paningin, kaso wala eh. Pag inatake ka
talaga ni kupido wala ka ng magagawa.
Xander’s POV
It’s been 2 days, 2 days na akong
pinag eeksperementuhan ng mga ‘to. Ano na bang nangyayari, sa tuwing may
gagawin sila sa akin ay lagi akong nakablind fold. Para silang mga timang na
ewan. Haynako bahal na sila. At ngayon naka blind fold nanaman ako. Potek na
buhay to.
“ finally! Ariel happened to
you” ang bulalas ni jiji
“ ready ka na?” ang sabi ni bev
Napa tango na lang ako ng
walang dahilan hanggang sa tanggalin nila ang blind fod ko pero medyo matagal
bago ako makarecover sa sobrang dilim na dulot ng blind fold. Hanggang sa unti
unti kong nakita ang itsura ko sa salamin.
Sobrang gulat ko ng makitang
ibang iba na ang itsura ko kumpara noon. Mula buhok, mga binigay nilang damit
at mga creams na iaapply sa mukha
“ mygadd!!! Ang gwapo mo pala
sobra xander! Shet! Asawahin moko!” sigaw ni bev
“ hindi pwede, di kayo talo, si
nil lang gusto nyan” ang sabi naman ni jiji. Agad ko lang syang inandilatan ng
mata at nakuha pa nyang mag peace sign.
And yes, mula ng araw ng hindi
ko pagpapansin sa kanya ay nakaramdam ako ng guilt sa tuwing lalapit sya sa
akin para kausapin ako pero lumalayo lang ako ng basta. Hindi ko namamalayang
gusto ko na pala sya, ara akong timang na umaaasang pagtapos ng klase ay
lalapit sya sa akin tapos lalayo ako. Para akong gago na umaaasang tinitignan
nya ulit ako habang wala kaming guro sa loob ng classroom. Hindi ko
namamalayang nagugustuhan ko na pala sya pero lagging natatakpan ng galit ko sa
kanya.
“ for sure bukas maglalaway
silang lahat sa’yo. Tignan lang natin ang bagsik mo. Haha gaddd! Pakiss xander!!”
bulalas ulit ni bev.
Dumating ang Monday at lumabas
na ako ng dorm. Hindi na ako nagtaka kung bakit marami na ang tingin ng tingin
sa akin dahil ibang iba ako kumpara noong unang hindi ako pansinin ng tao. Pero
ngayon? Halos lahat ng mata ay nakatingin sa akin.
Habang naglalakad sa hallway ay
nakita ko ang mga kaibigan ni nil at syempre ay sya na rin. Ng biglang sa di
inaasahang pagkakataon ay lumapit si cristy
“ hi babe, bago ka lang ba dito?
Anong section mo? I can be your sweetest nightmare baby” ang malanding boses ng
punyetang to
“ sorry miss? Hindi moko kilala?
Ako nga pala yung pinagtawanan nyo nung pahiyain ako ng kaibigan nyo” sabay
tingin kay nil na halatang gulat na gulat sa nakikita nya.
At para naming estatwa si
cristy na nakatingin lang sa akin kaya nilampasan ko lang.
Dumating ang ilang araw at
ganoon pa rin ang nangyayari puro snob ang ginagawa ko habang pilit pa ring
lumalapit si Nil.
Andito ako ngayon sa C.R dahil
kailangan ko nanamang magbawas ng tubis sa nawasa dam, pero nagulat ako ng
biglang tumunog ang lock ng pinto. Shit! Nalock ata ako!
Haharap n asana ako ng biglang
may humila sa akin papuntang cubicle and it turns out na si nil pala ang taong
yun
“ xander let me explain please”
ang nagmamakaawa nyang sabi
“ you don’t need to explain. Wala
ka naming maling ginawa eh. Tanga lang talaga ako na umasang kaibigan din ang
turing mo sa akin”
“ patawarin moko kung nasabi ko
yun, hindi ko naman ginusto yun pero naunahan ako ng takot na baka mabigla ang
mga nakapaligid sa akin”
Naguluhan man, nanatili pa rin
akong tahimik at nag iintay ng sasbaihin nya
“ akala ko nung una infatuation
lang dahil magkasama tayo sa bahay pero hindi eh, mahal na kita xander. MAHAL
NA MAHAL! At nasasaktan ako sa palagi mong pag iwas sa akin” hanggang sa nakita
ko ang butil ng luhang dumaloy sa kanya.
Nakaramdam ako ng kung anong
bumalot sa puso ko na para bang natutuwa sa narinig. Hindi ko namalayang
inilalapit ko na pala ang mukha ko sa mukha nya ng bigla nya akong sunggaban ng
halik. Halik na puno ng pagmamahal. Pero ako na rin ang bumitaw
“ pasensya na kung nagalit ako,
nasaktan ako eh, pero sa mga araw na ginagawa ko yun sayo eh nakaramdam din ako
ng guilt, at hindi ko namamalayang mahal na rin pala kita”
“ s-so, ta-tayo na?” ang
nauutal nyang sabi marahil sa gulat ng nalaman nya
Hindi ko na sya sinagot pa
bagkus halik ang nagsilbing sagot para malaman nyang OO ang sagot ko sa
tinatanong nya.
Minsan sa love hindi nating
namamalayan na nahuhulog na pala tayo sa kanila dahil malalaman na lang natin
ito kapag wala na sila sa ating paningin ang piling. You may be unconsciously inlove
to a person because love moves in mysterious ways and no one can stop from it.
Sus, tinapos agad. Sana may apat o limang chapters pa. Maganda sana pero bitin. Salamat sa kwento mo. Take care.
ReplyDeleteHmmmm.. Anyare? Un na ba un?
ReplyDelete