AUTHOR’S NOTE: So ‘yon! Nakapag-update na rin.
Salamat sa lahat ng nangungulit. You know who you are. Love you! :)
Wala na muna akong masyadong sasabihin. Hahahaha! Thanks kay Sir MIKE sa pag-add sa akin sa K-FED family. Kay Sir PONSE na tinawag ang pansin ko dahil may naghahanap na ng next update ko. Hello din sa aking mga minamahal na RYESTERS, and of course sa mga kapatid kong writers sa MSOB, sa mga ka-BLUE ko, at kay PINUNONG BLUE, magdiwang! HAPPY 11TH MONTHSARY!, sa mga kaibigan ko sa FACEBOOK, sa walang kamatayang #BTBBC na miss na miss na ni BUNSOY, sarreh, like lang ako ng like. Hahahaha!
May nadaanan lang akong malubak na daan kaya naglie-low ako ng mahabang panahon. Nawawala ako sa mood magsulat noon e. Pagpasensyahan niyo na rin lang ang update na ito kung hindi maganda. Nawawala pa ‘yong puso ko, kaya’t mahirap magsulat.
Anyways, change topic. Hindi ko alam kung okay na ‘tong chapter na ‘to e. My Editor-Baest Friend is nowhere to be found. May outing kasi sila ng ‘twin’ niya sa Donsol. So ‘yon! E bakasyon nga naman.
Enjoy!
PS: Ignore niyo na lang kung meron mang typo or grammatical errors. Sarreh! :)
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. All images, videos and other materials used in this story are for illustrative purposes only; photo credits should be given to its rightful owner.
LOVE IS…
Rye Evangelista
theryeevangelista@gmail.com
PREVIOUS CHAPTERS
ADD US TO YOUR BLOGGER APP
(Reading List)
ADD ME UP!
KINDLY READ THESE STORIES TOO!
Crayonbox’s Starfish (On-going)
Gio Yu’s Final Requirement (On-going)
Axel De Los Reyes’ Love Game (Completed)
Ponse’s Ang MAGIC sa Coffee Farm (On-going)
Seyren Windor’s Loving You… Again (On-going)
Bluerose Claveria’s Just For A Moment (On-going)
Prince Justin Dizon’s Me And My Rules (On-going)
Rouge Mercado’s Way Back Into Love 2 (On-going)
Vienne Chase’s Strings From The Heart (On-going)
Apple Green’s (Jace Page) The John Lloyd Diary (Ongoing)
Cookie Cutter’s Gapangin Mo Ako, Saktan Mo Ako. 2 (On-going)
CHAPTER XXXIV
Riel’s POV
“Since it’s your intention to enter into marriage, join your right hands, and declare your consent before God.” Pagsisimula ng Pari na nasa harap namin ngayon.
Hindi na magkamayaw ang sayang nararamdaman ko ngayon. This wedding, and my birthday surprise is epic! Idagdag pa ang papalubog na araw sa harapan namin.
Nagkatinginan kami ni Red nang magdikit ang aming mga kamay. Isang ngiti ang nasilayan ko sa kanyang mukha. Hindi ko na rin napigilan ang suklian iyon.
Kaya, mahal na mahal ko siya e!
But that doesn’t mean, I fell in love with him because of his pretty face. Well, I admit, ‘yon ‘yong unang nakapagpabali sa leeg ko noon, pero, masasabi kong bonus na lamang ngayon ‘yon.
“I, Jared Isaiah Ariola, take you, Gabriel Dela Rama to be my partner.” Anito saka napakamot sa batok, napalunok tuloy ako. Nanunuyo ata ang lalamunan ko! “I promise to be true in good times and in bad times. In sickness and in health. I will love you and honor you all the days of my life.”
“Wooh! Katol pa more!” Sigaw ni Yuki.
Napailing na lang ako. Nagmomoment kami rito’t lahat-lahat, nagpapatawa naman ‘tong isang ‘to.
“Tahimik nga, Yuki! ‘Wag kang epal! Moment nila ‘to! Moment!” Rinig kong asik sa kanya ni Josh.
Napalingon na ako sa kanila’t binigyan lamang ng thumbs up si Josh na kahit sinabi niyang moment nga namin ‘to, ayun naman siya’t parang sila pa ‘yong kinakasal ni Riley.
Nasapo ko na lang ang aking noo’t pinagsisisihan na pinasalamatan ko siya.
Naku! Naku! Naku!
Nagbalik lang ako sa moment ng kasal namin ng umubo ang Pari. Ako na pala ang magsasalita. Pinigilan ko na lang tumawa’t tumingin sa napakagwapo kong magiging asawa.
Ang sarap pakinggan!
“I, Gabriel Dela Rama, take you, Jared Isaiah Ariola, to be my partner.” Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ni Red sa kamay ko. Tss. Hindi po ako tatakbo! “I promise to be true in good times and in bad times. In sickness and in health. I will love you and honor you all the days of my life.”
Pagkatapos noon ay nagpatuloy na sa pagbibigay ng sermon ang Pari tungkol sa buhay mag-asawa. Doon ko rin naiplano sa utak ko ang lahat ng pwedeng mangyari pagkatapos ng seremonyang ito.
Hindi namin alam kung ano ba ang kahaharapin namin sa mga susunod na araw, pero, nagkasundo kaming kahit ano pa man iyon ay dapat naming harapin ng magkasama, na iisa ang puso at damdamin namin sa pagdidesisyon, at sa lahat ng bagay.
“Marami-rami rin naman akong nagustuhang babae, pero, sa huli heto ako ngayon at ikinakasal sa una at nag-iisang lalaking nagpatibok ng puso ko.” Panimula ni Red sa kanyang wedding vow.
Naghiyawan naman ang mga nakakakilala sa amin nang marinig nila iyon mula kay Red. Napapangiti lamang ako sa mga naririnig kong bulungan sa paligid.
“3 years ago, napako ang mga mata ko sa kanya noong una ko siya makita. It’s kinda weird, right? Natural ba naman kasing magdrool ka sa lalaki, when in fact, lalaki ka’t dapat sa babae mo lamang iyon gawin…”
Nagsitawanan ang mga tao sa sinabi niyang iyon.
Kahit paunti-unti nang natatanggap ng lipunan ang gaya namin, hindi pa rin maiiwasan ang kulturang nakagisnan ng mga tao mula noon. Kaya’t marami-marami paring tutol dito.
“Buti na lang at may consent ako galing sa mga mahal kong magulang…” Aniya saka sumulyap kila Mama at Papa. Napakamot na naman ito sa kanyang batok ng makitang umiiyak na roon si Mama.
“Mom! Ba’t ka umiiyak?!” Inis na tanong nito. Tinapik ko na lang ito para hayaan ang kanyang ina sa ginagawa. KJ naman nito! Syempre! Tears of joy lang iyon! “Baka maiyak din ako e.” Pagpapaliwanag niya.
“Then, cry.” Bulong ko.
Umiling lamang ito sa akin. Pinunas ang tumakas na luha na dumaloy sa kanyang pisngi at tumawa. Nakitawa na rin tuloy ang mga tao. Nasa kanya pa naman ang mikropono, kaya’t rinig kahit ano pa man na gawin niyang tunog roon.
Inabot ng isa kong kamay ang isang mata niyang may papatulong luha at pinunas iyon.
“Thank you.” He mouthed. Tumango lang ako.
“Ayoko nang balikan pa ‘yong mga ginawa ko sa’yo makuha ko lang ang atensyon mo. Though, hindi ko iyon pinagsisisihan…” Aniya saka tumawa. Umiling na lang ako’t hindi nagsalita. May moment din ako mamaya.
“Kasi… kung hindi ko ginawa iyon, wala tayo ngayon dito. Wala itong kasalan na ito. At… hindi ako magiging masaya ngayon…”
Napangiti na lang ako sa kanyang sinabi.
“I might be the stupidest planner… kasi lahat na lang ng pinaplano ko ay ‘yong kailangan ka pang masaktan para lang mapansin mo ako. Para lang masiguradong ako lang ang mahal mo. Sinasabi ko sa’yong ayaw kong saktan ka pero, paulit-ulit ko pa rin iyong ginagawa… at nariyan ka naman lagi, hindi nagsasawang patawarin ako kahit gaano pa kagago ang ginawa ko sa’yo.”
Umiiling ako sa kanya para sabihin ‘wag na niyang intindihin iyon. Kasi naman e! Dapat kasi nagprepare na lang kami ng printed para wala nang ganito, si Dave kasi! Sabi niya, mas maganda ‘yong impromptu, maihuhugot daw kasi from the heart. Tss.
“Alam kong ayaw mo na itong marinig pa mula sa akin, pero… sasabihin kong muli. I’m really really sorry, so sorry, for all the pain that I’ve caused you. Kaya nga andito tayo ngayon sa harap ng lahat, nagpapakasal before God, kasi gusto kong pagbayaran lahat ng mga kasalanan ko sa’yo sa pamamagitan nito. I will be forever indebted to you, my love.”
Hindi ko na napigilang umiyak. Kasi naman e! Kainis na mokong na ‘to!
“Wag kang umiyak.” Aniya.
“Kasalanan mo ‘to!” Tugon ko.
Tumawa lamang siya sa sagot ko’t naramdaman ko na lang na niyakap niya ako.
“Kaya nga mahal na mahal kita e.”
Narinig ko na lang ang palakpakan ng mga taong naroroon. Nahagip ng mga mata ko ang mga kaibigan kong babae na hindi na mawari ang mga mukha dahil sa umiiyak na rin sila.
Inagaw ko ang mikropono kay Red saka nagsalita roon.
“Girls, ang make-up masisira.” Pagkatapos noon ay kahit garagal ang boses ko’y itinawa ko na lang din iyon.
“Tapusin mo na nga ‘yang speech mo! Dumadrama na tayo rito e.” Bulong ko kay Red saka ko binigay muli sa kanya ang mikropono.
“As you wish, my love.” Bulong nito sa aking tenga.
Putek! Parang may kuryenteng dumaloy sa buo kong katawan. Argh!
“Gaya nga ng sabi mo, hindi natin kailangang mangako sa isa’t isa. Kailangan lang nating punan ng masasayang alaala ang bawat araw na ibibigay pa sa atin ng Panginoon. We just need to trust each other, that’s all we need and of course, Love. I love you.” Pagtatapos niya.
Tumango lang din ako bilang pagsang-ayon.
It’s my turn.
Isang ngiti lang ang isinukli ko sa magiging asawa ko.
“Dahil po naconsume masyado ng mokong na ‘to ang oras…” Sabay turo kay Red. “I’ll make mine, short.” Umiling na lang ako sa kanya ng magtama ang aming mga mata.
“Hindi ko alam kong nasabi ko na ba ito sa’yo noon, pero… yes… sasabihin ko pa rin kahit nasabi ko na ba talaga… Hahaha! Ang gulo ko! Gaya mo, napapako ang mga mata ko at hindi ko alam kung okay pa ba ang buto ko sa leeg, dahil ang alam ko ay nababali iyon sa tuwing makikita kita. Syempre, unang kita ko palang noon sa’yo, hulog na hulog na ang puso ko.”
“Woooh!”
“Lalim!”
“To the nth power!”
Rinig kong sigawan ng mga kaibigan namin. Syempre, sino pa ba ang pasimuno ng lahat doon. Tanging pagtaas ng kilay lamang ang isinagot ko sa kanila. Kailangan kong magyabang. Lol!
Masayang nakikinig lang din naman ang mga taong naroroon. Sina Tita Rina, Sina Mama, Seb and Dave, ang pamilya ni Reese. At ang mga Ninong at Ninang namin na kahit hindi ko pa nakikilala’y alam kong galing sa industriyang gaya ng sa mga Ariola.
“Sabi nga noon ni Ate Karisma noong nalaman niyang may nagugustuhan na ako’y para daw akong baliw. Tss. Siya nga rin noon noong naging sila ni Kuya Terrence e. Buti na lang nasa langit na sila, babatukan ako no’n sigurado. Hehehe!”
Agad na lang akong nagsign of the cross. Nagsitawanan naman ang mga tao sa ginawa ko, maging si Red ay gano’n din.
“Well, I guess, that’s Love. To think na sa kapwa lalaki ako nagkagusto, pwede na rin sigurong matawag akong baliw. Baliw na baliw kasi ako sa lalaking ‘to.” Pagturo ko ulit sa kanya.
Abot tengang ngiti ang nasilayan ko sa magiging asawa ko. Derp! Parang Ewan! Pero… ‘Yon nga lang, okay na ako e, ito pa kayang magiging akin na siya habang buhay.
“Ano ba itong pinagsasasabi ko! Sabi ko papaikliin ko lang ‘tong speech ko e!” Pagharap ko sa mga tao para magpaumanhin.
“We’ve been through ups and downs, Red. Pero heto pa rin tayo’t matayog na nakatayo sa kabila ng malaking unos na pinagdaanan natin. Salamat kasi andito ka na ulit. Salamat kasi hindi mo hinayaang matalo ka ng insecurities mo. Salamat kasi mahal mo ako…”
“Hindi man ako perpekto gaya ng ganda ng sunset sa harap natin, sisiguraduhin kong lagi akong naririto. Laging handa ang balikat ko para masandalan mo. Laging handa ang mga braso ko para yakapin ka ng mahigpit. Hindi ko pagsasawaan na gawin ‘yon sa’yo. Buong-buo na sa’yo ako.”
Tahimik ata ang paligid.
“Gaya ng paglubog at muling pagsikat ng araw, paulit-ulit kong sasabihing mahal na mahal na mahal kita… higit pa sa iyong inaakala.”
Nagsipalakpakan ang lahat.
------
“May tumututol ba sa kasalang ito?” Tanong ng Pari. Napatingin naman kami ni Red sa aming mga kaibigan na nasa likuran lang namin.
Seryosong nagmasid-masid ang bawat naroroon, naghihintay sa pwedeng mangyari.
“Ako! Ako, Father! ‘Di dapat matuloy ang kasal na ito!” Sigaw ni Axel.
Napatingin tuloy ako kay Red, papalit-palit mula sa kanya pabalik sa kanyang kaibigan. Siya nama’y sa kaibigan lamang nakatingin, matalim. Parehong nagtataka ang aming reaksyon. Maging ang mga hindi nakakakilala ay matalim ang titig sa kanya.
“DE. LOS. RE. YES!” Gigil na sigaw nito sa kaibigan.
“Joke lang, Bro! Ikaw naman ‘di mabiro!” Takot na tugon naman ni Axel saka tumawa.
“Gago!” Naiiling na napatingin ito sa akin. Sumilay sa kanyang mukha ang ngiting hindi mo masukat ang saya. Nawala na sa isipan ko ‘yong mukha niyang halos isumpa ang kaibigan dahil sa pagtutol nito sa kasal namin.
Natutuwa ako ng sobra sa pagiging possessive niya.
Akala ko nga ay seryoso e. Tss. Kitang-kita sa mukha ni Axel ang intesidad na tutulan ang kasalan na ito. Hmm. If ever, sino kaya sa amin ang dahilan? Lol! It’s Red, of course! Sa gwapo ba naman ng kaibigan nila’y sino ang hindi bibigay?
Teka?! Ang gagwapo ng mga ‘yon! Ano na nga ba talagang nangyayari sa mundo! Lol! Kung makapagsalita ako’y parang hindi ako ikinakasal sa kapwa ko lalaki. Baka lang naman.
Ako nga, tatlong taon ding itinago ang damdamin para sa mokong na ‘to! Sila pa kayang halos simula pa noong grade school ay magkakakilala’t magkakasama na. Ewan!
“Peace, Bro!” Anito saka tumawa. Nagsitawanan na rin kasabay nito ang kanilang mga kaibigan. Itinaas lamang ni Red ang kanyang kanang kamao bilang tugon dito.
Remember the group whom just laughed at me during the opening ceremony last year? No’ng nabuhusan ako ng napakalamig na de kulay na tubig na may crushed ice pa?
Ugh! Nakakabaliw palang balikan ‘yon! Anyways, Axel’s one of them. Alongside Zeke, Nate, and Ren-Ren. Pero, wala ata si Nate ngayon.
“Pwera biro, Bro!” Patutsada ulit nito.
Napailing na lang ako. Babatuhin kasi sana ni Red ng kanyang itim na sapatos ang kaibigan, pero syempre, biro lang naman daw iyon kaya’t pinigilan ko. Natural na sigurong magkaroon ng ganitong pagbibiruan sa barkada. That will make their bond, strong.
“Isa pa Axel, tatamaan ka na talaga sa akin! Hindi na rin ako magbibiro this time.” Sigaw ni Red pabalik sa kaibigan, pero tumatawa na ito.
“Father, wala naman po talagang totoong tumututol. Subukan lang nila’t babasagin ko ang mga mukha nila. Tapusin na po natin ‘to?” Agad na pakiusap nito sa Pari.
Siniko ko ito bilang pagpapaalala sa kanyang Pari ang nasa harap namin ngayon. Kung makapagbanta ay parang hindi iyon iindahin ni Father.
“Please, Father? Tapusin na po natin? Excited na po ako sa honeymoon.” Pakiusap ulit nito.
Nagkamot na naman ito sa batok at nag-aastang nahihiya pa. Umiiling na ngumiti na lang sa kanya si Father. Buti na lang at kaming dalawa lamang ang nakakarinig sa pinagsasabi nitong mokong na ‘to.
Natawa na rin lang ako sa kanyang utos sa Pari. Seriously? Inutusan talaga ‘yong Pari. Teka! Excited daw sa ano? Grabe talaga ‘to! Ang hilig!
“Aray! Para saan ‘yon?” Hiyaw nito.
“Ang pilyo mo kasi!” Pilit kong sagot sa kanya habang nakatingin sa Pari na ngumi-ngiti. “Tapusin na nga ho natin ito, Father. Ang kulit na po kasi nitong magiging asawa ko.” Pakiusap ko na lang dito.
“Sanay na ako, hijo. Marami na rin akong naikasal na gaya ninyo. Laging minamadali ang kasal. Ito lang ang masasabi ko… ang kasal ay sagradong seremonya para sa dalawang taong nagmamahalan…” Anito.
Kinurot ko na lang ulit si Red para magseryoso na. Aangal pa sana ‘to pero nilakihan ko na lang ng mata. Gifted ako e. Lol!
“Tama lang na maging masaya kayo. Nagkakaintindihan. Nagmamahalan. Nagkakapatawaran. Ganyan dapat sa pag-ibig. When things seems to be odd, all you have to do is trust each other and fix things as soon as possible. It’s just like our love for God, hindi natin kailangang pag-isipan ng matagal.” Dagdag nito.
Tumango na lang ako kay Father. Ganoon din ang ginawa ng katabi ko.
Dumating ang mga singsing, binasbasan at ibinigay iyon ni Father sa amin.
Nakakapanood ako ng kasal sa telebisyon pero, hindi ko alam ang gagawin ngayon. Overwhelmed pa rin siguro ako na nangyayari na talaga ito sa amin.
Buti na lang at palaging nauuna si Red.
“Riel, take this ring as a sign of my love and fidelity. In the name of the Father, and of the Son and of the Holy Spirit.”
Sukat na sukat!
“Red, take this ring as a sign of my love and fidelity. In the name of the Father, and of the Son and of the Holy Spirit.”
Nagulat na lang ako nang hawakan niya ang kamay kong may singsing saka itinaas ito para makita ng mga taong nasa likod lang namin.
Kita ang galak sa kanilang mga mukha.
Huli ngunit ang importante sa lahat ay ang huling basbas ng Pari sa amin. To make our marriage official.
Wala pa ngang sinasabi si Father ay agad na lang niya akong siniil ng halik.
“Hindi pwede makalimutan.” Aniya ng magbitiw kami sa halik na iyon.
Napailing na lang ako and then, we’re officially married!
------
Parang fiesta ang nangyayaring salu-salo dito ngayon sa isla. Iniwan ako sandali ni Red para makipag-usap sa kanyang mga kaibigan, kaya’t naisipan ko na lang na makihalubilo sa barkada.
Nahagip nga ng aking paningin ang pagsuntok nito sa braso ng kaibigang si Axel, pero nauwi lamang iyon sa tawanan. Initaas nga nila sa akin ang mga hawak-hawak na wine glass bilang pagkocongratulate. Inginuso ni Red kung okay lang ba ako, tango lamang ang isinukli ko doon.
Hindi lang naman ako ang dapat niyang asikasuhin dito. Tapos na rin naman kaming magpunta sa bawat lamesang kailangang puntahan. Sa mga Ninong at Ninang na dapat pasalamatan sa pagtayo nila bilang saksi sa pag-iisa namin. Pagkilala na rin sa mga ito.
“Pakarga naman ako sa miss na miss ko nang inaanak!” Bungad ko sa mesa kung saan naroroon ang barkada.
“Congrats Pars! And Happy Birthday!” Ani Iris sabay bigay sa akin kay Beegee.
“Salamat, Mars!” Tugon ko sa kanya. “Kumusta ang mahal na mahal kong inaanak? Ang bigat mo na ah?” Pagkausap ko naman kay Beegee. Ang sarap pisilin ng pisngi niya! Kyaaaaah!
“How was it, Best?” Tanong ni Brett.
Sumenyas ako kay Iris para ibigay ulit sa kanya si Beegee. May kasalanan ‘to sa aking tatay niya e. Teka! Lahat sila may kasalanan sa akin! Mga magkakasabwat! Kinuha naman agad ni Iris ang kanyang anak.
“Kainis ka alam mo ba ‘yon?!” Sigaw ko sa kanya matapos kong suntukin ang kanyang braso.
“Lakas no’n ah?!” Inundayan din sana ako ng suntok, pero nakaiwas ako. “Hindi ako ang may kasalanan ‘no! Sisihin mo ‘yong asawa mo! Ang sakit!” Anito. Intense ang pagpapaliwanag ni Best. Nasaktan talaga siguro sa suntok ko. Hahaha!
“Wushu! ‘Di niya naman ‘yon matitiis.” Pasaring ni Yuki pagkatapos ay sumubo ng pagkain.
Sarkastiko ko lamang itong tiningnan, pero nakayuko ito’t ninanamnam ang pagkain sa kanyang bibig.
“Waaah! Ang sarap ng luto ni Chef Seb!” Anunsyo nito.
“Kung alam ko lang na mangyayari na ‘to, sana pala tinawagan ko si Kuya Ryou, ano guys? Teka! ‘Wag niyo ngang winawala ang usapan! May kasalan din kayo sa akin! Mga accomplices kayo ng asawa ko!” Pagpaparinig ko sa old maid na si Yuki at sa barkada.
Umirap lang naman ito sa hangin. ‘Yong iba naman ay parang walang narinig sa sinabi ko.
“Taray! Hala sige! Kain pa more! Nakalimutan mo atang diet ka ngayon para sa susunod na buwan. Lagot ka kay Tita!” Ani Ate Xynthia sa best friend.
“Anong meron next month?” Tanong ni Josh.
“Ate!” Nanlalaking matang tugon ni Yuki sa best friend.
“Ooops! Sorry!” Pagpapaumanhin naman ni Ate Xynthia.
Hindi na ata nila inintindi ‘yong pagtatampo ko sa kanila dahil nakipagsabwatan sila sa asawa ko. Oh well! Divert!
“Gano’n? Nagsisekreto na guys sa atin si Yuki, oh?” Pagpapakonsensya ko sa kanya.
“Eeeee! Si Ate kasi e!” Parang batang asta nito. Nagsign of peace lamang si Ate sa kanya.
“Ano na, Yuki? Sabihin mo na! Ilalayo ko ang pagkain sa’yo!” Ani Josh.
“Oo na! Oo na! Sasabihin na nga e! Dapat kasi next month ‘to. Si Ate Xynthia kasi e! Kainis!” Ani Yuki.
“Sorry na nga, ‘di ba? ‘Di ba, best friend?” Ani Ate Xynthia na may paglalambing with her sparkling eyes blinking.
“Tss.” Umirap pa ito sa hangin. “Ikakasal na kami ni Ryou next month! Masaya na kayo?” Anito.
“WHAT?!”
“SERIOUSLY?!”
“WEH?! ‘DI NGA?!”
Sabay-sabay naming sigaw. Nagsitinginan tuloy sa amin ang mga taong naroroon.
Napailing na lang ako.
“Sabi ko na nga ba e. Pakipot pa ‘tong isang ‘to, gusto rin naman pala. Tss. Diyan na muna nga kayo, tawag ako ni Mama.” Nakita ko kasing kumakaway ito mula sa kanilang mesa. “Teka! Asan pala si June? Si Eri?” Tanging kibit-balikat lamang ang sagot ng mga ito sa akin.
Saan kaya silang dalawa? ‘Di pa nila ako nakocongratulate!
“Nagrest room lang si Eri.” Tugon ni Kuya. “Congrats, Riel. Alam kong masaya ka ngayon.” Dagdag pa niya.
Agad ko itong niyakap ng mahigpit. “Salamat, Kuya! Sino pala nakapagpapayag sa’yong kumanta? Ako lang ang nakakapilit sa’yo ‘di ba?”
“Sige na. We’ll talk later. Tawag ka na nila Tita Helena.” Anito. Tumango lang ako sa kanya bilang tugon.
Ang swerte ko sa mga taong nakapalibot sa akin. Sobra-sobrang pagmamahal ang natatanggap ko.
Hinalikan ko na lang sa pisngi ang inaanak ko saka nagpaalam sa barkada.
Sa mesa kung saan naroroon si Mama, ay naroroon din ang pamilya Chua at ang pamilya ni Reese. Syempre si Papa, Andrei, Dave at Seb na rin.
Gulat akong napaiktad dahil sa biglaang paghawak sa akin sa tagiliran. Nang makita ko kung sino ‘yon ay agad ko itong pinaulanan ng kurot. Tumatawa lang naman ito.
“Fuck you!” Bulong ko sa kanya.
“Tara?” Bulong nito pabalik.
Napailing na lang ako. Oo, gabi na, pero, ‘di pa tapos ang salu-salo. Kailangan pa naming asikasuhin ang mga naririto bilang bagong kasal.
Isang nakaw na halik ang nagpatigil sa akin sa paglalakad.
“I love you!” Aniya.
Isang ngiti lang ang isinagot ko sa kanya, saka nagpatuloy ulit sa paglalakad. Nakita kong nagtatawanan na sina Mama roon. Nakita siguro nila ‘yong ginawa ng pilyo niyang anak.
“I love you!” Pag-uulit niya. “I love you!”
Napailing na lang ako’t hinarap siya.
“Alam ko.” Tugon ko sa kanya. ‘Di ko na mawari ang sayang nararamdaman ko ngayon. Ayoko munang sulitin. Alam niyo ‘yong pakiramdam na ayoko munang matapos lahat ng ito? Can somebody stop the clock from ticking?
“I love you!” Pag-uulit ulit nito. Kita mo na rin sa kanya ang frustrations. Alam ko! Naghihintay ka ng sagot ko. Tss. Atat masyado e! ‘Di makuha sa tingin.
“Alam ko. Kahit hindi mo sabihin. Alam ko. Ramdam ko.” Tugon ko saka hinalikan siya sa labi. “Mahal na mahal na mahal din kita. That’s for sure.” Iniwan ko na lang siyang muli sa kinatatayuan niya. Nahawa na rin siguro sa akin sa pagdi-daydream ‘tong mokong na ‘to.
Malapit na sana ako sa mesa nila Mama nang maramdaman kong parang umikot ang mundo ko. Shit! Heto na naman ‘to!
“Riel!” Rinig kong sigaw ni Mama.
Napapikit ako dahil sa aking naramdaman. Buti na lang at nakahawak ako sa upuang malapit sa dinaanan ko.
“Okay ka lang ba, hijo?” Tanong noong Ale na nakaupo sa nahahawakan kong upuan. Bahagya lamang akong tumango sa kanya.
Argh! Pinilit kong imulat muli ‘yong mga mata ko, pero, andon parin ‘yong pag-ikot ng mundo ko. Napahawak na rin ako sa aking ulo dahil sa sudden jolt ng kirot na. Fudge! What is happening to me? Napapadalas ata ito.
Red’s POV
That kiss was so sweet!
Papunta na sana ako sa mesa ng barkada nang marinig ko ang pangalan ng asawa ko.
“Riel!” Si Mom pala iyon.
Nakita ko na lang na nakahawak si Riel sa isang upuan, nakapikit, at nakahawak sa kanyang ulo. Agad akong tumakbo patungo sa kanya.
“Blueberry! Okay ka lang ba?” Nag-aalala kong tanong sa kanya nang madaluhan ko siya.
Bahagya naman itong tumango.
“Cheesecake. Please, tulungan mo akong makaupo. Nahihilo pa ako e.” Anito. Nakapikit pa rin siya.
Agad ko naman siyang inalalayan patungo sa mesa kung saan sila Mom. Tumayo si Dad at isinenyas niya sa akin ang kanyang upuan. Doon ko naman pinaupo si Riel.
“God! What just happened?” Nakaluhod na ako sa buhanginan, nakatingala sa nakapikit pa ring mga mata ng asawa ko.
“Are you okay, hijo?” Tanong ni Tita Rina.
“May masakit ba sa’yo, anak?” Ani Mom.
Marahan namang tumango sa kanila si Riel.
“Sa puyat lang po siguro ‘to.” Anito.
“Hay nako! Kasi naman kayong mga bata kayo! Alas tres y media na kayo umuwi! Si Red kasi! Alam mo namang magaganap ‘tong kasalan na ito! Hay! Okay ka na ba?” Sermon ni Mom.
“Honey!” Pagsuway sa kanya ni Dad.
“Nahihilo ka pa ba? Punta na muna tuloy tayo sa rest house, magpahinga ka muna.” Tanong ko sa kanya.
Umiling lamang ito sa akin.
“Dito na lang, Red. Nakakahiya sa mga bisita natin.” Anito.
“It’s okay hijo. Kami na ang bahala sa mga bisita.” Ani Dad.
Umiling lamang sa kanya si Riel bilang tugon. Ang tigas naman ng ulo nito! Argh! Kung ‘di ko lang ‘to mahal e! Argh! Umiling na rin ako kila Dad para sabihing ‘wag nang pilitin pa si Riel. Hindi ito magpapapilit.
Nag-antay na lang kami ng konting oras para maging okay na siya. Nagpakuha nga rin ng gamot si Mom para sa kanya. Nang maging okay na siya’y nabunutan ako ng tinik.
“Magpapatingin tayo sa doktor bukas, ha?” Saad ko sa kanya.
Nakatungo lamang siya sa kinauupuan niya’t nakatingin sa hawak-hawak nitong basong may lamang tubig.
“Okay na ako. Puyat lang ‘to.” Aniya.
“Kahit na. Simula ngayon, hindi na lang ikaw ang magdidesisyon sa sarili mo. Andito na ako. Asawa mo na ako. Asawa na kita. Walang pero-pero, okay?”
Tumango na lang ito sa akin bilang sagot.
“Good. Kaya mo na bang tumayo? Nakabalik na ata sina June at Eri doon sa mesa ng barkada.” Tumango ulit ito bilang sagot.
“Red, Riel.” Pagkuha sa aming atensyon ni Mom.
“Ano po iyon, Mama.” Tugon ni Riel.
“Here.” Aniya sabay abot ng dalawang magkaparehong susi.
“Ano po ito, Mom.” Tanong ko.
“Ano pa? Edi susi! Nako! Nag-asawa ka lang naging mapurol na ang utak mo, son!” Tugon ni Mom.
“Mom! Alam kong susi ito! What I mean is kung para saan?! You’re driving me nuts!”
“No no no! Mali ang tanong mo! Sabi mo ‘ano’ hindi ‘para saan’.” Aniya saka tumawa.
“Fine! Then, for what?” Nayayamot kong tanong ulit sa kanya. Sarap batukan ni Mom e. Grr!
“Bahay ninyo.”
“Bahay lang pala…” Buffering… 30%... 75%... 100%... “Ano?! Bahay?! Namin?!” Gulat na tanong ko. Napatingin na rin ako sa asawa ko. God! Ang sarap palang pakinggan no’n! Asawa ko! Music to my ears!
“Yes! Bahay niyo!” Aniya.
Agad ko na lang niyakap si Mom sa sobrang sayang nadarama ko ngayon.
“Heto naman saamin.” Ani Tita Rina sabay abot kay Riel ng isang envelope.
“Ano pong laman nito, Tita?” Tanong ni Riel.
“Buksan mo, Hijo. Congratulations ulit sainyong dalawa, at maligayang kaarawan!” Tugon naman ni Tita sa kanya.
Agad akong lumapit sa asawa ko’t inakbayan siya. Napatingin ito sa akin habang dahan-dahang kinukuha ang laman ng sobreng ibinigay sa kanya ni Tita Rina.
“Ticket?” Aniya saka sinuri ito ng mabuti. “Paris, France?” Dagdag nito.
“Mom said it’s for your honeymoon! Wait! What do you do in a honeymoon trip?” Ani Joyce.
“Baby! You’re too young to know about that.” Natatawang tugon sa kanya ni Tito Armando.
Nagkatinginan lamang kami ni Riel at napangiti sa bawat isa. Well, hindi lang naman siguro ‘yon’ lang ang ginagawa sa honeymoon trip, ‘di ba? But… I like the idea of ‘that’ in a honeymoon trip. If you know what I mean. *wink*
Riel’s POV
Lumuhod ako upang magkatapat ang paningin namin ni Joyce.
“You’ll know when you grow older, Joyce. For now, ienjoy mo muna ang pagiging bata, okay? And by the way, aside from that thing you don’t need to know for now, parang vacation trip lang naman iyon.” Saad ko sa batang nagtatanong.
“Ahhh! Okay, Kuya! Happy birthday ulit sa’yo, and Congratulations sa inyo ni Kuya Red!” Aniya saka niyakap ako ng mahigpit.
“Maraming salamat, Joyce!” Nakangiting tugon sa kanya ng asawa ko tsaka ni-pat si Joyce sa ulo.
May ibinigay din ‘yong pamilya ni Reese pero hindi na namin iyon nabuksan dahil sa pagkakaroon ng ingay mula sa pinapatunog na wine glass gamit ang kutsara. Si Mama ang nagpanimula noon at nang maintindihan ng lahat ang ibig niyang sabihin ay nakisali na rin ang lahat sa kanya.
Alam na kung ano ang hinihingi nila.
Nakita ko lamang si Red na parang ewan sa kangingiti. It’s not like we can say no to them. Alam kong parte ito pagkatapos ng kasal.
Agad na lang akong tumayo mula sa pagkakaluhod ko at hinarap ang mga tao. Hinawakan naman ni Red ang kamay ko’t hinila ng marahan papunta sa mesa namin kung saan naroroon ang wedding cake na ginawa ni Seb para sa amin.
Iniabot sa akin ni Red ang isang wine glass at ngumiti.
“Unang-una po ang pasasalamat namin sa ating Panginoon, dahil sa magandang panahon, sa aming mga magulang na naging punong abala sa paghahanda ng kasal na ito. Pati na rin sa aming mga kaibigan na tumulong, lalong lalo na sa bawat pamilyang naririto sa isla na walang pag-iimbot na tumulong sa paghahanda nitong kasal.” Ani Red.
“Sa lahat ng dumalo at nakiisa sa mahalagang araw na ito sa buhay naming mag-asawa, taos puso at hindi po namin pagsasawaang pasalamatan kayo.”
“Kiss!” Sigaw ni Yuki.
Hindi naman nagpatumpik-tumpik pa si Red at agad akong hinalikan. Hindi man lang ako pinagprepare! ‘Yon ‘yong bagay na excited siyang gawin. PDA na, exhibitionist pa. Lol! Ang hilig talaga nito.
“Let’s have a toast for the newly wed!” Anunsiyo ni Mama gamit ang mikroponong nasa gitna.
Itinaas namin ang aming mga wine glass at nagtoast.
“Congratulations to the newly wed. Best wishes!” Dagdag ni Mama.
“Congratulations!” Sigaw ng lahat.
Nang makabalik kami sa mesa ng barkada ay purong kalokohan na lang ang pinag-uusapan namin doon.
Walang imik si June sa isang tabi, pero panay ang sulyap sa kanyang cell phone. Para na nga siyang timang sa kakangiti mag-isa. Hindi ko na nga muna nilapitan e. Mukhang busy sa pagtitext.
Si Eri naman ay ligalig at napapasarap ata ang pag-inom ng wine. Kanina pa ‘tong yakap ng yakap sa akin. Buti na lang at napagsabihan ni Kuya. The best talaga siya!
Hindi rin nila alam ‘yong nangyari sa akin kanina kaya’t hindi iyon napag-usapan. Hindi ko na rin naman nimention. I don’t want them to worry.
Lalo na si Eli. Kukulitin na naman ako nito.
Hindi naman ako pagod. Hindi ko rin naman nararamdaman na inaantok ako. Ano ba talagang nangyayari sa akin? Takot rin naman akong malaman iyon. Hindi ko maimagine na matatapos agad ang sayang tinatamasa ko ngayon.
“We’re not staying here tonight.” Ani Red nang nagsimula nang magsipag-uwian ang mga tao sa dalampasigan. Alas nuebe na rin naman kasi.
“Huh? Saan?” Naguguluhan kong tanong sa kanya.
“Red, heto ‘yong susi sa villa.” Ani Brett sabay hagis ng susi kay Red.
“Gaya ba ‘to ng napag-usapan?” Ani Red.
“Yep.” Tugon naman ng best friend ko.
Ako? Naguguluhan sa pinag-uusapan nila. Malinis magplano ‘tong mokong na ‘to. Talaga naman! Grr!
“Kaya niyo pa bang pumalaot, son? Medyo gabi na rin.” Bungad ni Mama sa likod namin. Pati ba naman mga in-laws ko? Napailing na lang ako.
“Yes, Mmy. We have to. It’s our first night together as spouse. Unless, you want to hear Riel moan? Ang ingay pa naman nito.” Anito pero pabulong doon sa huling mga salita.
Nang marinig ko iyon ay agad kong kinurot sa tagiliran ang kapilyuhan ng mokong na ito.
“Stop!” Saad ko. “Bakit Ma, saan po kami magpapalipas ng gabi ngayon?” Tanong ko na lang kay Mama na tumatawa. Ewan kung sa sinabi ba ni Red o dahil sa ginawa ko sa anak niya.
“Sa Amanpulo hijo. Just like what my son had said, it is indeed, your first night as spouse. Traditions. We have to conform. You know!” Tugon niya saka humagikgik.
Tahimik na dumadaing sa tabi ko si Red dahil sa ginawa ko sa kanya. Ang pilyo pilyo kasi! Argh! Bakit ko ba mahal ‘tong mahilig na ‘to!
“Ang hilig mo talaga!” Bulong ko sa kanya.
“Sayo lang naman ako mahilig e.” Tugon niya saka nagwink pero halatang sakit na sakit pa rin siya sa kurot na ginagawa ko sa kanya.
“Ewan ko sayo!” Nagpaalam lang ako kay Mama saka iniwan siya roon.
“Mahal naman!” Tawag nito sa akin.
Napangiti lang ako. Kainis! Bakit ba sobrang mahal ko siya kahit ang hilig-hilig niya? Kasi gusto ko rin naman? Pero?! Pero?! Hindi naman ‘yong araw-araw ‘no!
Ingrata! Sigaw ng isipan ko. Napailing tuloy ako sa pag-alingawngaw nang salitang ‘yon sa utak ko. Oo na! Oo na!
“Darling!” Sigaw ulit nito.
“Honey!” Dagdag pa nito. Pero hindi ko pa rin siya pinansin.
Kainis! Napapangiti ako ng todo!
“Baby!” Isa pang sigaw nito.
“Hindi na ako bata! At lalong hindi mo ako anak! Asawa mo ako!” Tugon ko.
“Bae!” Mukhang nakuha na niyang pinaglalaruan ko lang siya.
“Hindi ako tae!” Natatawa kong sagot muli. Narinig ko na rin ang halakhak niya.
Natapos lamang ang habulan naming ‘yon nang iharap niya ako sa kanya’t siniil ng mapusok ngunit matamis na halik.
“I love you.” Aniya ng magbitiw kami sa mahabang halikan na iyon.
“I love you too.” Tugon ko.
Hindi pa nga ako nakakahinga ng matagal ay hinalikan niya na ako ulit. Ako na ‘yong unang bumitaw.
“Magmamadali na ba tayo’t pupunta sa Amanpulo o maghahalikan lang tayo rito?” Bulong ko sa kanya.
Natawa naman ito sa sinabi ko.
“Akala ko ba ayaw mo?”
“May sinabi ba ako?” Ngumiti lamang siya’t agad akong hinila papunta sa resthouse.
-----
Nang makarating kami sa Amanpulo ay naisipan muna naming maglakad-lakad ni Red sa dalampasigan.
“Thanks for today, Red.”
“Anything for you, Riel.”
Itinaas ko ang kamay ko kung saan niya isinuot ‘yong singsing kanina sa kasal. Kuminang ito dahil sa tumamang liwanag ng buwan. Nahagip ng aking paningin ang imahe ng Ursa Major at itinapat ang kamay ko roon.
“Sa tingin mo? May forever nga ba talaga? I mean… kahit na mawala man tayo dito sa mundo, ‘yong lahat ng ito… ‘yong tayo… magkakasama pa rin kahit sa kabilang buhay?”
“I don’t really believe in forever… pero… alam mo ‘yong nangyari ka kasi sa buhay ko. Kaya naniniwala na ako. Kung hindi ko nilakasan ang loob ko noon to confess my feelings for you, I think, I still doubt there’s what they call forever. Andito ka na ngayon e. Kaya may forever nga talaga.”
Naglapat ang aming noo at ang aming mga ilong. Aba? Forevermore ba ‘to? Nose to nose? Lol!
“Palitan na lang natin ng ‘lifetime’ ‘yong ‘forever’, ano sa tingin mo?” Tumawa na lang ako sa sinabi ko.
“Well, mas appropriate naman ‘yong ‘lifetime’ kesa sa ‘forever’ ‘di ba?”
Masaya na lang akong tumango sa sinabi niya.
Ito ang pinakamasayang araw sa 20 years ng existence ko dito sa mundong ibabaw.
-----
Nagising ako na wala sa tabi ko ang asawa ko. Baka naliligo na. Hmmm. Sana sabay na lang kami gaya kagabi. Lol!
Sa bintana agad ng villa ang tungo ko. Malumanay na isinasayaw ng hangin ang manipis na kurtinang nakakabit doon. Nadama ko rin ang maalat ngunit preskong simoy ng hangin.
Gaya ng pagpunta namin dito kahapon ni Brett, marami pa ring mga turistang kung makapagbilad sa araw ay parang wala ng bukas. May naggijetski, may mga nasa bangka na’t pumalaot para sa island hopping, may mga nagsasand surfing, at marami pang iba.
Ano pa nga bang dapat gawin kapag andito ka sa mala paraisong isla na ito. You just can’t afford to slack off. Kami kaya? Anong gagawin namin?
“Daydreaming agad?”
Napalingon na lang agad ako sa aking likuran nang marinig ko ang boses ng asawa ko. Damn! Napapangiti ako sa isiping asawa na ang tawag ko sa mokong na ito.
“You can say that.” Tugon ko. Napansin ko agad ‘yong dala-dala niyang tray na may lamang pagkain.
“Breakfast? Ang sexy mo talaga.” Aniya tsaka ipinatong iyong tray sa mesang naroroon sa loob ng kwarto namin. Naalala kong tanging boxers lamang ang suot ko. Oh well, kami lang naman ang naririto, bakit pa ako magsusuot ng damit. Tsaka mag-asawa na naman kami ah! Bawal ba ‘yon?!
“Luto mo? Wow! It seems, mapapakinabangan naman pala kita kapag nasa bahay na tayo.” Tapos may naalala ako. “Shame! Pano na pala ‘yong bahay namin kapag lumipat na tayo sa bahay na bigay nila Papa? Paano sina June? Kuya Melvin at Ate Rose? Kuya and Eri? Baka magtampo sa akin sina Mama. Bibisitahin ako no’n.” Agad akong nagsign of the cross.
“They’ll understand na kailangan mo rin namang umalis doon. Gusto mo bang ako lang mag-isa do’n?”
“Bakit pwede ka namang matulog do’n ah? As if naman hindi mo iyon ginagawa noon.”
“Hehehe. Oo nga pala.”
“Tss. Kain na nga muna tayo! Mamasyal pa tayo.”
“At pupunta sa ospital. Remember?”
Mukhang wala na nga akong takas. Wala naman sigurong mawawala kung magpapacheck lang naman ako doon, ‘di ba?
“Okay!” Sagot ko na lang.
Inilapag niya sa harap ko ang plato’t inilagay sa magkabilang side ang kutsara’t tinidor. Pagkatapos noon ay nilagyan niya ang pinggan ko ng kanin, sunod ay bacon, hotdog, at sunny side up.
Taenes! Bakit ang gentleman nitong mokong na ‘to? Hindi naman ako babae para pagsilbihan ng ganito!
“What?” Natatawang tanong niya.
Napansin niya sigurong panay ang ngiti at pagmasid ko sa ginagawa niya.
“Isn’t this weird? You, doing all that stuff for me? Hindi ako babae, remember?” Natatawa kong tugon sa kanya.
“Bakit? ‘Di ko ba pwedeng pagsilbihan ang asawa ko?” Aniya. Matamis na ngiti ang sumilay sa kanya.
“Well… Uhm…” Shit! “Maybe… Uh…” Napalunok ako. “Once in a while.” Nag-iwas na lang ako ng tingin sa kanya. Nag-iinit na ang pisngi ko.
“Hindi ka ba napagod kagabi? Apat na rounds ‘yon ah? Tara’t praktisin ulit natin ‘yang human rights mo!” Pagbibiro niya.
“Ewan ko sa’yo!” Sigaw ko sa kanya.
“Kain na po, mahal kong hari.” Tumatawang saad niya.
Umirap na lang ako sa hangin saka marahas na tinuhog ‘yong hotdog. Napagbuntongan ko tuloy ng excitement ‘yong kawawang pagkain. Lol! Nakagat ko na lang ang labi ko nang iniharap ko ‘yong jumbo hotdog sa bibig ko.
Nag-isip ako nang mabuti kung nangalay ba ang bibig ko kagabi? Lol! Ke aga aga e, ang halay ng iniisip ko.
“Kahit prito lang lahat ng kaya kong gawin, alam kong masarap ‘yan.” Aniya.
“Wala naman akong sinabi ah?” Agad na tugon ko, pagkatapos ay kinagat agad ‘yong hotdog. “Hmmm! Sarap nga!” Tapos isang kagat pa.
Napailing ako ng todo nang ‘yong ‘hotdog’ niya pala ang nasa isip ko. Takte! Naging mag-asawa lang kami, naging mahalay na akong mag-isip! Fudge!
Lord! Kasalanan po bang pagnasahan ko ang asawa ko ng ganito ka aga?
“Parang alam ko na ang iniisip mo.” Aniya. Naroon na naman ang pilyong ngiti sa mukha niya.
“W-Wag ka nga! Parang kumakain lang e! Anong pinagsasabi mo!”
“Okay! Okay!” Pagsuko niya lang.
Mahal nga ako. Nagpapatalo e. Lol!
“Eng sherep nemen telege e.” Pagbawi ko na lang sa kanya. Okay na ‘to kahit sa breakfast niya lang ako maipagluluto. At least ‘di ba? Thoughtful pa rin.
“Wushu! Sa sunod, pagluluto kita ng ibang putahe. Magpapaturo ako kila Manang.”
“Sabi mo e. Sarapan mo ha? Good luck!”
“Talaga!”
Naligo kami ng sabay. At ‘yon, hindi ko rin napigilan ang sarili kong kainin siya. Lol! Aba! Nasa harap mo ba naman ang mala Adonis niyang katawan. Tsaka ‘di na ‘yon bawal ‘no! Kasal na kaya kami! Lol!
What a pervert! Sinasabi kong ang hilig ng asawa ko, pero ako rin naman pala. Nasapo ko na lang ang noo ko.
“Are you ready?” Aniya nang nasa harap na kami ng isang ospital dito sa Palawan. Nasabi na namin ito kina Mama at babalitaan na lang namin sila tungkol sa magiging findings ng doktor tungkol sa nangyayari sa akin.
Sana hindi naman iyong malala. Gaya nga ng sabi ko, ayokong matapos ang sayang nangyayari ngayon sa buhay ko. Kung malala man ay sana iyong malulunasan pa, hindi ko naman iyon inaalis sa mga posibling dahilan.
God, ikaw na po ang bahala sa akin.
Mahabang buntong-hininga ang ginawa ko bago ko siya sinagot.
“Yep.”
“Relax, okay? Andito lang ako. Whatever it is, we’ll face it together.”
Magkasabay kaming pumasok at nagtanong sa counter para sa check-up. Nag-intay kami ng mahigit isang oras doon hanggang sa matawag ang aming numero. Pagkapasok namin sa opisina ay ngiti ang sumalubong sa amin mula sa doktor na naroroon.
Dr. Cedrick Romero. ‘Yon ‘yong nakalagay doon sa kanyang mesa.
“Good morning! Ano ang maipaglilingkod ko sainyo.” Bati nito sa amin. “Wait, mag-asawa kayo, right?” Dagdag niya.
“Paano po ninyo nalaman?” Tanong ni Red.
“Instinct lang siguro, alam niyo na. And the ring.” Turo niya sa mga singsing namin. Napansin niya agad ‘yon?
“Are you saying that…” Tanong ko.
“Yep.”
Napatunayan kong may ganoon ngang kapangyarihan ang mga kagaya namin. Lol! Pero, hindi ko iyon naramdaman sa kanya. Gaya siya ni Red. He’s so manly. Ang brusko pa. ‘Di ko lubos akalain.
“Hon…” Biglang bukas ng pinto doon sa opisina ni Doc. “Oops, sorry! May pasyente ka pala. Ihahatid ko lang ‘tong lunch mo. Punta na rin ako sa work e.”
He’s kinda like June. Hindi naman payat, pero tamang-tama lang naman ang pangangatawan.
Agad tumayo si Doc sa kinauupuan niya’t inabot ang lunch box na dala no’ng lalaki.
“Salamat, Hon.” Aniya saka ito hinalikan. “Ingat ka. Bye!” Malaki ang ngiti nito.
Agad namang umalis ‘yong lalaki.
Wala kaming imik dalawa pero panay ang ngiti namin sa bawat isa. What a lovely couple.
“Asawa ko. Ang sweet talaga no’n.” Aniya.
Tumango naman kami bilang pag-sang-ayon sa kanya.
“So… what brought you here, Mr. and Mr. Ariola? Who’s Gabriel?” Itinaas ko naman ang kamay ko. “According to this note, palagi kang nahihilo. What do you mean by this? Hindi ka naman buntis, right?” Dagdag niya.
Natawa naman sa sinabi ni si Red.
“Sana nga po gano’n na lang, Doc.” Tugon ni Red.
Inirapan ko na lang ang asawa ko.
“Hindi ko rin po Doc maexplain e. Umiikot po ‘yong paningin ko, and may konting kirot akong nararamdam dito sa parte ng ulo ko.” Tugon ko sabay turo sa kung saan may sumasakit. “Di po kaya sa sobrang puyat po ito?”
“Bakit? Call Center Agent ka?” Agad nitong tanong.
“Hindi po. Nag-aaral pa ho ako.” Tugon kong muli.
“Any history of accident, surgery, na involved ang ulo mo?” Tanong niyang muli.
Tumango naman ako.
“Naaksidente po kami last year. Nagkaroon po ako ng head injury dahil do’n.” Sagot ko saka sinulyapan si Red.
Naramdaman ko na lang ang paghawak niya sa kamay ko.
“Kung gano’n, you need further check-ups. I don’t think it’s just simply because of lack of sleep. I really doubt it. Gawin na rin lang natin para makasigurado. Baka kasi hindi maayos ‘yong pagkakaopera sa’yo noon. Let’s see.”
Kinabahan ako sa narinig kong iyon mula sa doktor. Naramdaman iyon ni Red kaya’t humigpit lalo ang hawak niya sa kamay ko.
“Let’s just hope it’s not severe. Base on the symptoms, may posibilidad na gano’n nga. We’ll see.” Dagdag pa ni Doc. “Don’t worry too much.”
Agad kaming nagtungo sa counter para sa bilin ni Doc. Kailangan kong mag-undergo ng CT Scan para malaman kung anong problema sa ulo ko. Kanina ko pa iniisip kung paano, kasi bakit ngayon lang, ‘di ba?
“Wag ka munang mag-alala, okay? Relax.” Hawak-hawak pa rin ni Red ang kamay ko. Alam kong ramdam niya ang kaba sa dibdib ko. Ayoko ng ganitong pakiramdam. Feeling ko ay sasabog ako sa sobrang kabang nararamdaman ko.
“I can’t help it.” Tugon ko.
“Mr. Gabriel Ariola?” Tawag noong isang nurse. Agad naman akong tumayo, gano’n din naman si Red. “Pasok na po.”
Tumingin ako kay Red, tumango lang naman ito sa akin.
“Everything will be okay. Relax. Have faith.” Aniya.
Ano ba naman ‘tong ginagawa ko! Para namang mamatay na ako e! ‘Di ko pa nga alam ang result, abot-abot na ang kabang nararamdaman ko. Ito na ng aba ang sinasabi ko e! Ang saya-saya ko! Matatapos ba kaagad? Argh!
Malungkot kong binitawan ang kamay ni Red saka pumasok sa lab.
Red’s POV
Kahit sinasabi kong magiging okay din ang lahat sa asawa ko, sa loob-loob ko’y kinakabahan din ako. Alam kong natatakot siya sa magiging resulta kaya dapat isa sa amin ang matatag pa rin ang paniniwala.
Gusto kong suportahan siya sa pagpapakitang okay lang ang lahat. Wala pa namang resulta ‘di ba? Wala pang dahilan para kabahan.
Nakamasid lamang ako sa glass wall ng lab kung saan kita ang mga nangyayari sa loob. Naramdaman kong may tumabi sa akin na nakaputi. Si Doc Romero pala ‘yon.
“Ilang taon na kayong kasal?” Aniya.
“K-Kahapon lang po.” Tugon kong hindi man lang siya tinitingnan. Tutok pa rin ako kay Riel, kahit nasa loob siya ng lab.
“Really? That’s nice.” Aniya. Tumango lang ako sa kanya.
“Alam ko ang nararamdaman mo. Nangyari na rin sa amin ‘to ng asawa ko. We’re married for 3 years now. He’s a cancer survivor. Ako ang doktor niya. It’s hard to accept, pero kailangang tanggapin. Kailangan maging matatag. Mahal mo ‘yong tao e.”
Nakinig akong mabuti sa kanya.
“Whatever the result may be, just support your partner all the way. Hindi ko sinukuan ang asawa ko sa mga panahong iyon, kaya nagkaroon ng milagro. Sana gano’n ka rin.”
Tumango ako sa kanya. Kahit naman hindi niya iyon sabihin, gagawin ko naman talaga iyon. Ano pang silbi ng binitawan kong salita sa kanya kahapon kung iiwan ko na naman siyang muli.
Nakita kong papalabas na ng lab si Riel.
“Sa opisina ko na lang kayo maghintay. I’ll see you in 30 minutes.” Sabi ni Doc. Tumango na lang ulit ako sa kanya. Words aren’t coming out of my mouth.
Nang makapagbihis ng kanyang damit si Riel ay agad kaming pumunta sa opisina ni Dr. Romero. Magmula noong lumabas siya sa lab ay hindi pa siya nagsasalita. Hinayaan ko na muna. Sobra sobra lang siguro ang kaba nito.
“Red, ayoko ng nararamdaman ko ngayon. Parang ‘yong sayang tinamasa ko hanggang kahapon ay mawawala agad.” Aniya. Napansin ko ang butil ng luha sa gilid ng kanyang mga mata.
“Wag kang umiyak.” Saad ko sa kanya.
“I can’t help it. Hindi ko pa nga alam ang resulta, para na akong mamatay e. Ano pa kaya kapag nalaman ko na? Sabi ko sa’yo e. Ayokong magpatingin sa doktor! Mababaliw na ata ako!” Umiiyak siya at the same time ay tumatawa.
“Ano ka ba? Wala ka pang rason para umiyak kasi hindi mo pa naman alam ang resulta. Sige ka, iiyak din ako. Mas mabuti na ‘tong malaman natin kung ano ang nangyayari sa’yo kaysa sa malaman nating kapag wala ng pag-asa.”
“Kasi naman e!”
“Wag ng matigas ang ulo, okay? Natatakot din akong malaman ang resulta.” Iyon ang nakapagpakalma sa kanya.
Oo. Takot ako. Takot na takot ako na baka… na baka… maiwan ako. Higit sa lahat ng iyon ay kasalanan ko kung bakit andito kami ngayon. Pinagsisisihan kong umalis ako’t pinatagal iyon ng isang taon. Tiniis kong mawalay sa kanya ng isang taon.
Nagsisimula pa lang nga kami na magkasama ulit, may posibilidad pa na matatapos agad.
“Mr. and Mr. Ariola…” Seryosong bungad ni Doc sa amin.
Agad kong hinawakan ng napakahigpit ang kamay ni Riel. Umupo si Doc sa kanyang swivel chair at hinarap kaming dalawa.
Bumuntong-hininga si Doc bago nagsalita. Hawak-hawak niya na rin ‘yong result ng CT Scan ni Riel.
“Base on the result… may tumor na nakita sa utak niya.” Ani Doc.
Itutuloy…
Salamat po sa pag update :) ilang months ba ako naghintay ng update? Hmmmm.
ReplyDeleteNext chapter na please.MATSALAM
Hmmm how sad naman sang nngayri my tumor........ dito na ba matatapos any kaligayahang umaapaw name raramdaman ng dalawang ng mamahalan, hope Hindi pa huli any lahat....
ReplyDeleteJharz
Grabe kung kelan sila lumagay sa tahimik saka naman nagkaroon ng tumor si Riel :(( nakakaungkot naman hay buhay!! Kaya nyo yan!! Aja
ReplyDeleteDi ba naoperahan ang tumor? Sa panahong ito, modern na ang facilities at techniques. Malampasan mo yan Riel. Ikaw pa. Tahnks sa update.
ReplyDelete