Followers

Monday, July 21, 2014

Love Is... 2


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.


LOVE IS…
  Rye Evangelista
theryeevangelista@gmail.com


CHAPTER II


“GODDAMNIT! BAKIT KA PA NAGPAPALIWANAG KUNG WALA KA NAMAN PALANG KINALAMAN?” Matigas kong sigaw sa kanya. At tuluyan nang pumasok sa Infirmary.

-----

Nagpalipas lang kami ng ilang minuto doon, binigyan ako ng mainit na tsokolate’t nagpalit na lang ako ng P.E. Uniform ko na pinakuha ko kay Brett sa locker.

After that, usual first day of school.

Gaya nga ng inaasahan ko, kahit ang mga high officials ng school ay walang nakuhang konkretong sagot kung sino man ang gumawa noon sa akin. Kahit nga ako, hindi ko magawang ipagdiinan siya. Wala ngang ebidensiya di ba?

Naiinis ako sa pang-uusisa ng mga kaklase ko. Nakakadagdag lang sila sa init ng ulo ko.

Nahihiwagan nga ako sa sarili ko, puno ng crushed ice yung naibuhos sa akin, pero nag-iinit pa rin ang ulo ko. Argh! What am I thinking? Nakakapag-isip pa akong magbiro kahit nasa kalagayang ganto ako ngayon. Hay naku! Nasisiraan na yata ako ng bait.

Wala akong magawa para makalma ang sarili ko. Makikita at makikita ko talaga ang pagmumukha niya. We’re classmate di ba? But, gaya nga ng sinabi ko kanina, I’ll treat him like he’s invisible. I’ll just ignore him, as long as tumigil na siya sa mga kalokohan niya sa akin.

Itinuon ko na lang ang isip at paningin ko sa labas, good thing sa may bintana ang upuan ko.

Wala pa namang maraming tinuturo, typical first day of school nga di ba.

All things went to a success para sa pagsisimula ng bagong school year. But not for me. Unang araw pa lang, napahiya na ako. Yes! I’m bothered! Sino bang hindi. Kahit nasa akin yung simpatya ng lahat, hindi ko naman maakusahan yung taong gumawa nun sa akin.

Like who’s the top investor of this school anyway?


Ariola!

Putek!

I can’t stand him!

Bakit di siya nagmana sa magulang niya?

Bakit di siya kagaya ni Brett?

Last year was a big mess.

I was the clown of the year because of the things he did, para lang ipahiya ako.

Lahat na ata ng ginagawa ng bullies ay nagawa na niya saakin. Basta! Alam niyo na yun! I don’t want to elaborate! Maaalala ko lang lahat ng yun. Baka mapatay ko na siya sa isipan ko. Haha!

“Hey Riel! Riel! Huy!” Pag-alog sa akin ni Brett.

Nagulat naman ako sa sigaw niya. “Ah… Eh…” Sagot ko.

“Tsk. Tsk. Spacing-out again, huh? Creepy pa ang pagngiti mo.” Sarcastic niyang tanong.

“Uhm… No… I’m not…” Pagsisinungaling ko.

“Tara’t uwian na po. Kanina pa ko tawag ng tawag sayo, yun naman pala, you’re out of this world again. Sasabay ka ba sakin? You know you’re always welcome.” Pahayag niya. Mayroon pang ngiti sa kanyang labi.

Ewan ko ba, dadaan naman sila sa subdivision na kinatatayuan ng bahay namin, pero hindi ako komportable eh. Haha. Choosy ko masyado. Hindi, gusto ko kasi ng naglalakad lamang pauwi. Listening to my playlist I made inside my iPod. Then, payapa na ang isip ko. Mas matagal na lakaran pauwi, mas marami ang napapakinggan. That’s what I want.

But that was a big LIE! As in nagsisinungaling lang po ako! My Gahd! Lols.

Snap!

“Ay Puuutek!” Naisigaw ko nang magulat ako.

Ugh!

“Brett naman eh!” Nabatukan ko na.

“Aray ha! Kaw talaga! Kailan ba maaalis sa sistema mo yang daydreaming, spacing-out, whatsoever na yan. Tsaka ang bibig mo! Presidente ka kaya ng Student Council!” Mahabang paninermon niya.

Ah ewan ko ba rito sa best friend ko. Hindi na nasanay sa akin.

Yun, kapag naninermon na naman siya, pasok sa isang tenga tapos labas naman sa kabila.

“Yeah, yeah. Got it already Brett. Para namang di mo ako kilala di ba? Alam naman ng lahat na ganito na ako ah!” Sagot ko’t sabay tayo para lumabas na. “Tara na nga’t baka pangaralan mo na naman ako. Memorized ko na kaya lahat ng mga sinasabi mo.” Dagdag ko.

“Ahhhh! Ewan ko talaga sayo, Riel! Oo nga’t memorized mo na, hindi mo naman ginagawa. Tss.” Frustrated ata sa best friend niyang matigas ang ulo.

Ah ewan ko nga ba! Sigaw ng isip ko.

Pagkalabas ko ng gate, nakita ko ang isang pamilyar na kotse. Kotse ng mga Lim. Sundo ni Iris. Ang fiancée ni Brett. Nawala lang yun ngiti sa aking mga labi.

Tumingin ako sa aking likuran at kinausap ang nakabuntot kong best friend. “Oh. May sundo ka ata. Tapos ang lakas ng loob na sabihing, sumabay na ako. Tss.” Nag-angat naman ito ng tingin at parang excited na hinanap ang kotse ng kanyang fiancée.

Lumabas si Iris sa kotse.

Mabait, maganda, sexy, matalino, maalaga, friendly, at higit sa lahat mahal na mahal si Brett. That would be my introduction about my best friend’s fiancée, seems like she’s perfect, huh? She is! The epitome of beauty! Ganun!

Nakita ko siyang kumaway sa direksyon namin ni Brett.

Kumaway naman kami pabalik.

“Ehehe. Pasensiya na best friend huh? Sinundo pala ako ng asawa ko. Di ko alam eh.” Saad niya ng humarap siya sakin. Napakamot rin ito ng ulo kasabay ng pagyuko-yuko nito.

Asawa.

Stab!

Binatukan ko na.

“Ano ka ba! A-SA-WA mo kaya yan no! Kaya talagang ganun.” Sambit ko. Asawa.

Stab!

Fuck! I need to see a doctor! Mauubusan siguro ako ng dugo rito! Lols!

“Sure ka? Pahatid na lang kita sa driver ko.” Aniya.

“Yeah. I’m good.” But seriously? I’m not! Lols! “Ayoko nga sabi eh. Maglalakad na lang ako.” Tumango-tango pa ako. Ayoko nga kasi wala ka naman dun! Puuutek!

Selos mode, Deactivated!

Puuuuuuuuuuuuuuuuutek!

“Ah okay. Alam kong di ka nagpapapilit. Sige best friend! Alis na ako huh?” Pagpapaalam niya sabay tapik sa braso ko.

Napatango na lamang ako.

Yeah, yeah. Hindi talaga ako magpapapilit, di naman kita makakasabay eh. Psh!

Kumaway na lang muli ako sa kanila ng magbukas sila ng pinto ng sasakyan.

Napabuntong-hininga na lamang ako.

Kaya nga ayoko nang sumasabay sa kanya kapag uwian. Madidisappoint lang ako lagi. Mas pipiliin niya na makasama ang mahal na mahal niyang asawa.

Bitter ko masyado. Hahaha!

Mahal na mahal nila ang isa’t-isa. Pano pa ako makikipagkompitensya sa puso ni Brett di ba?

Yes! I like my best friend. As in higit pa sa pagiging magbest friend namin.

Noong nalaman ko na mayroon na siyang fiancée, I kept the feeling.

Hindi na ako umasa. I know that some relationships are meant to stay as to what degree they have. Kung magbest friend, hanggang dun na lang yun, kung hihigit naman dun, edi mas okay, mas masaya. Kaya nga lang, dapat sang-ayon ang bawat isa sa kanila sa relasyon na gusto nilang mabuo.

Love is never selfish. Magpaparaya ka kapag kinakailangan.

Love is not a switch. Na kapag gusto mo, i-o-on mo lang okaya nama’y i-o-off kapag ayaw mo na. Titibok ang puso kahit kanino man nito naisin. No restrictions at all!

Love is all about everything or anything you can ever imagine.

Dapat natanggap ko na, dapat matagal na, na… na FRIEND-ZONED lang ako. Haha!

Inilagay ko na lang ang earpods ko sa aking mga tenga.

I don’t wan’t to complicate things inside my head. Alam kong nahihirapan ang puso ko, pero kahit papaano’y ang musika ang nagpapagaan nito.

May isang tao kasing kauna-unahang nagpadrool sa akin ng sobra, as in na-love at first sight sana ako, kaso, Boom! Panes! Naturn-off ako. Hayst! Bakit ko ba siya inaalala. Binaon ko na siya sa limot no! Joke! Too bad, classmate ko siya. Psh.

Oo na! Aaminin ko na kung sino!

Si Red!

Oo, si Jared Isaiah Ariola!

Gusto ko siya, Mahal pa nga eh! Love at first sight nga di ba? Gwapo naman kasi siya, tulad ng pinsan niya. Pero, nawala lahat ng pagka-in-love ko sa kanya, gusto ko na lang siya. Chos!

Sinong hindi? Ay! Ako lang pala! Ikaw ba naman ang pagdiskitahan, at araw-araw na lamang ipahiya sa madla.

Bakit ko ba yun naisip out of the blue?

Napailing na lang ako sa lahat ng aking naiisip.

Halos sampung minuto na rin akong naglalakad pauwi. Ang sarap sa pakiramdam na nakikinig lamang ng musika.

I thought it was peaceful.

Halos manlaki ng mga mata ko dahil sa isang bagay na nakatutok sa tagiliran ko.

Diyos ko. Ayaw ko ng mga ganto.

Napadasal ako bigla.

Holdup ba ito?

“Holdup to. Ibigay mo sa akin lahat ng mga dala mo.” Anito.

Fuck! Fuck! Fuck!

Di na lang ako lalaban para mabuhay pa ako. Ganun ba dapat?

“Dali!” Dagdag nito.

Napabalikwas naman ako. Bakit ba kasi ang dami kong iniisip.

Marami pa akong pangarap.

Syet!

This isn’t happening, right?

This is just a dream.

Pinipilit kong itanim yun sa utak ko.

“Kung ayaw mong itusok ko tong kutsilyo sa tagiliran mo, bilisan mo!” Pagbabanta muli nito.

Bumalik ako sa reyalidad. Ayoko ko pang mamatay no!

Hayst! This is reality! Ano bang iniisip ko.

“Ibibigay ko po lahat ng gusto niyo, wag niyo lang po akong patayin. Maawa po kayo sa akin, kami na lang po ng Ate ko sa buhay. Ito po, yung wallet ko, kunin ninyo na. Ito pa pong iPod ko. Pati narin po itong bag ko. Wag niyo lang po akong patayin. Marami pa po akong pangarap na gustong makamit!”

Walang preno kong pagsasalita. Nakalahad na rin yung lahat ng gamit ko. Nakayuko pa ako. Medyo napapaluha na rin ako sa sobrang takot dahil sa kung ano man na nakatutok sa tagiliran ko kanina.

Wala man lang nagsalita.

Bwesit! Todo effort ako dun ha!

Argh! Nasa bingit na nga ako ng kamatayan, ganito pa ang iniisp ko.

Baka nabigla lang sa mga pinagsasabi ko kanina? Ang daldal ko kasi. Tss.

Unti-unti kong iniangat ang ulo ko sa kung sino man na taong nasa harap ko.

Nakita ko na nakabulagta na yung mama sa kalsada.

“Eh?” Naibulalas ko. Nakakainis naman to si Kuya! Akala ko ba hoholdupin niya ako, bakit siya natutulog dyan sa kalsada? Psh!

Nakarinig naman ako ng payak na pagtawa.

Naiangat ko tuloy ang paningin ko sa kung sino man yun.

Nagkatitigan kami.

Muling ibalik, ang tamis ng pag-ibig… Kanta ng malanding konsensiya ko.

Konsensiya! Alam mo bang bwesit ka?

Napailing ako sa aking iniisip.

I drooled again! Putek!

Nakita ko si Red hawak-hawak ang kabilang braso na may umaagos na dugo.

Anyare?

Napatingin ulit ako sa holduper kanina. What? As in what?

Napabuntong-hininga ako.

Siya ba ang nagligtas sa akin?

Malamang! Saad ulit ng malanding konsensiya ko.

Tss.

Gulat man ako sa nangyari, agad-agad akong tumakbo sa kung nasaan si Red at mahigpit itong niyakap.

He’s my hero!

Akala ko mamatay na ako ng hindi oras!

“Ouch!” Daing nito.

“Ay. Hehe. Sorry!” Pagpapaumanhin ko sabay yuko-yuko. Nakalimutan kong sugatan pala siya. “Hala, parang gripo kung makabuhos ang dugo mo. Tara na sa ospital nang magamot yan.” Mahigpit kong hinawakan ang kaliwang kamay niya’t mabilis na pumara ng taxi.

Hindi ko alam kung ilang minuto rin kaming bumyahe. Pero heto na rin kami sa ospital at agad din namang nalunasan yung sugat ni Red. Lol.

Wait!

Let me process everything that happened.

Naglalakad ako pauwi.

May manghoholdup sana sakin.

Panong?

“Teka! Bakit ka nandun noong muntikan na akong maholdup? Stalker ka no?” Bulalas ko sa kanya.

Namula naman ito.

Weirdo!

Bakit nga pala ako nakikipag-usap sa kanya. Invisible siya para sa akin di ba?

Fuck! Fuck! Fuck!

I just broke my rules!

Ugh!

Hayaan mo na, kung wala siya ron, edi pinaglalamayan ka na sana ng Ate mo ngayon! Choosy ha! Aba si Red kaya yan! Saad ng malanding konsensiya ko. Anong si Red? So ano naman kung si Red? Pero, kung sabagay, tama nga naman yun di ba? Ikaw na yung iniligtas, magrereklamo ka pa?

Hindi! Dapat ituring siyang kaaway! Pinahiya ka niya! Saad naman nitong demonyong konsensya ko. No comment ako sa kanya. Totoo naman kasi eh.

What am I thinking!

Alright! I’ll thank him for saving me. Tapos, after this balik normal kami! Yosh!

“Ah… Eh…” Saad niya. Nagbalik naman ako sa ulirat ng marinig ko yun.

“What?” Medyo mataray na tanong ko. Kelangan niya pa palang sagutin yung tanong ko.

“Magsosorry sana ako sa’yo.” Mahinahon niyang saad. Napabuntong-hininga pa ito ng malalim.

Lowering your pride, huh?

“Wow! The Great Jared Isaiah Ariola, magsosorry sa isang Gabriel Dela Rama? Bumaliktad na ba ang mundo?” Sarkastikong tugon ko.

“You know what? I’m so sorry, okay? I didn’t mean to go that far. It’s supposed to be a prank, but it turned-out like that.” Paliwanag nito.

“Wow ha! Prank lang pala. Prank mong mukha mo! Let me enumerate all the things you’ve done to me. Ever since Junior years, almost every day kung ipahiya mo ako sa lahat. I get it. Ako ang napagdidiskitahan mo. Bored ka? That’s always your reason. But, what the hell? Tinitiis ko lahat ng yun. Kahit minsan okay lang naman. Sanay na kasi ako eh, pero minsan, di mo ba naiisip na nasasaktan din naman ako? And now? After all that you’ve done, magsosorry ka?” Napailing na lang ako sa pagpapaliwanag ko. Hindi ko pala na-enumerate! Lols! Shrug the humor, off Riel! Galit-galitan muna! 

I had enough.

“Sorry. Kung kailangan kong lumuhod, I will do that. Just forgive me. Okay? I’m so sorry.” Panimula nito. “Kaya ako ganito, kasi kahit ni minsan, hindi mo man lang ako napansin. We’re schoolmates, or should I say classmates. Pero, you have never laid any attention on me…” Mahinahon niyang dagdag.

Natigilan ako sa sinabi niya? What the hell? All this time nagpapapansin lang pala siya? Pero bakit kailangan niya pa akong saktan ng paulit-ulit? Chos!

Aba malay ko ba kung sincere siya.

I can’t tell.

Nakayuko lang siya. I need to see his eyes para makasigurado ako.

Pero ayun. Damn! I really can’t tell how to react! Di ko siya mababasa!

“I don’t know if I can forgive you, just like that. Okay, nagpapasalamat ako na nailigtas mo ako sa holduper na yun. Utang ko sayo ang buhay ko. Pero… damn, I don’t know!” Napabuntong-hininga na lang ako.

Katahimikan ang bumalot sa loob ng kwarto na pinaggamutan kay Red.

Dumating na rin ang Mommy niya.

“Oh, Mr. Dela Rama, what happened here? Anak, okay ka na ba?” Sunod-sunod na tanong niya saamin. Pinayuhan ko kasi siyang tawagan ang Mommy niya kanina.

“Nailigtas po kasi ako ni Red sa holduper kanina. Imbes po na ako ang masaksak, siya po. Buti na lang, hindi naman po ganun kalala.” Tanging naisagot ko. Tumango na lang ito saakin.

“I’m okay, Mom.” Paninigurado nito sa ina. Nalipat naman ang tingin nito sa anak.

“Uhm… Alis na po ako. Baka po kasi hinahanap na ako ni Ate sa bahay.” Pagpapaalam ko kay Madaam.

“Ihahatid ka na namin iho.” Saad nito.

“Naku, wag na po. Kelangan po ni Red ng pahinga. Siya na lamang po ang alalahanin niyo.” Sagot ko rito.

“Sigurado ka ba?” Aniya.

Isang tango lamang ang naitugon ko sa kanya.

Naglipat ako ng tingin kay Red.

Nagtagpo ang aming mga mata.

Now I know. Sincere siya.

Pero di ko alam, hindi naman ganun kadali ang magpatawad di ba?

“Salamat ulit sa pagliligtas sakin…” I don’t really get it now. Bakit parang gusto ko siyang bigyan ng pagkakataon? Kasi, originally, gusto ko naman talaga siya? That, mali pala yung pagkakaintindi ko sa mga ginagawa niya sa akin?

“About sa napag-usapan natin…” I really don’t know. Seeing his eyes like that? It proves to me that he’s willing to lower his pride. He’s really sorry. Bakit kasi ang gwapo niyang mukha ang nakikita ko ngayon? Nagigiba tuloy ang pader na matagal kong itinayo sa pagitan namin. Aish! Kung anu-ano na naman ang iniisip ko! Erase! Erase!

“Pag-iisipan ko. It’s not like it’s easy to forgive, but I’ll try to consider.” Huling salita ko’t tuluyan nang umalis doon. Naguguluhan man ako. Perhaps, I’ll have my time to think about it all over.



Itutuloy…



AUTHOR’S NOTE: [IMPORTANT MATTERS] Unang-una sa lahat ang aking pasasalamat kina Kuya Ponse at Kuya Mike, sa pagbigay ng opportunity na makapagpost dito sa blog ng ginagawa kong kwento. I know it’s not as big as those written by Bluerose, Jace Page, Alex Chua, Vienne Chase, nina Kuya Ponse at Kuya Mike, at marami pang iba, but I’ll make sure na, mapupulutan ninyo ito ng aral, inspirasyon, at ng kung anu-ano pa.

Thank you Bluerose, sa advices na naishare mo sa akin. Nagulat ako nung in-add mo ako! Grabe! As in napa-O talaga yung bibig ko!

Thank you Jace, real friends in real life na tayo! Haha! Salamat sa confidence boost, saying that nothing is impossible. Basta happy lang, walang ending! Good luck sa studies!

Thank you Vienne, Oh? Wag nang paranoid ha? We’re here, all ears kami para sa’yo! :D

Thank you din sa mga in-add ako sa Facebook na sina: Ako si MJ Suplado, Mae Noypi, Sai Tionko, at may isa, pero hindi ko matandaan yung name eh. Kung sino ka po na nakaligtaan ko rito, please pakibatukan ako, Haha. Message mo ako, babawi ako sa’yo next chapter. Hehe.

Thank you din sa mga nag-abalang magcomment at may mga suggestions: Sa limang ANONYMOUS, sayang! Hindi ko kayo mapangalanan eh. Kila –hardname–, Joe, Angel, Jihi of Pampanga, Alfred of T.O, Eric Dowe, at kay Jace Page! Haha! Salamat sa pagbabasa. Well appreciated ang time niyo sa pagbasa nitong story ko. Just keep on dropping comments and suggestions. You can add me up on facebook too. Though dummy lang yun, online pa rin ako dun every end of shift ko.

Unang issue – Habaan ang chapters – Hmm. Handa na po kasi yung chapters 1-9, so wala na po akong magagawa doon, mawawala ang order kapag pinagtagpi-tagpi ko pa eh. Kaya sorry po kung ang iikli. Hehe. Susubukan ko na lang sa chapters 10-onwards, okay ba yun?

Ikalawang issue – Dates ng update – Susubukan ko po na twice a week ang update, pero ‘wag niyo po sana akong madaliin, please? With matching puppy eyes pa ha?

Ang haba ng A/N, grabe! Pasensya na! I just want to take this opportunity para sa pagsagot ng mga tanong at pasasalamat na rin.

Ihuhuli ko na lagi ang A/N for reading purposes, at para na rin sa aking beloved readers :D. Pero, announcements are mentioned here, so please do make time reading the A/N’s of the writers.


Thank you! As in BIG TIME!

11 comments:

  1. Un oh. Magsisimula na ang mga kilig moments nyan. Ayiiiii!

    -hardname-

    ReplyDelete
  2. Yun oh may update na. mukha maganda talaga yung story enemies turned to lovers ata ang kwentong to.
    Author lagay rin po kayo ng POV ng ibang characters para maintindihan namin yung side nila.

    ReplyDelete
  3. Nice nice nice. Keep it up Mr. A. Im ready for the next chap.ehe.

    Az

    ReplyDelete
  4. Nice Chapter :))

    - Prince Justin

    ReplyDelete
  5. wow nice hehehe.. galing ng malanding kunsensya niya ehhehe..

    ReplyDelete
  6. I am impressed. Nice nice nice writing. IKAW NA.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails