Ako nga pala si Michael
Castillo, magfe1st year college palang ako sa isang kilalang unibersidad dito
sa Batangas. Nakakuha kasi ako ng full scholarship dahil nung grumaduate ako
bilang valedictorian ng aming batch… hindi sa pagmamayabang… OO! VALEDICTORIAN!
.hehehehe….
Buti nalang at nakakuha
ako ng scholarship para kahit papaano ay hindi na mahirapan ang aking magulang
para sa aking pag aaral. Nag-aaral pa rin kasi ang dalawa kong kapatid…
katunayan ako ang nag iisang lalaki at panganay pa… ilang araw na nga lang pala
at magsisimula na ulet ang pasukan. Malayo ang samen sa Batangas kung kaya’t
naghanap ako ng pwedeng marentahang maaring matuluyan. Nakahanap ako bilang
bedspacer na malapit sa iskwelahan kaya pwedeng lakarin. Total full scholarship
ang nakuha ko kaya itong sa rent lang at baon ko para sa dalawang linggo ang
ginagastos ng aking magulang. Kailangan kong magtipid dahil sa maliit na sari
sari store lang ang kinabubuhay namin sa probinsya. Mula kasi ng ma stroke si
Itay hindi na muli itong nakapagtrabaho, kaya heto kailangang magtipid dahil
katulad ng aking nabanggit may mga kapatid din ako na nag-aaral. Hehehehehe…..
Tanggap naman ni Itay ang
aking pagkatao .. ako kaya ang dahilan kung bakit sya na stroke…. Hehehe.. sama
ko.. tawa pa.. pero mahal a mahal ko si Itay dahil natanggap nya din ako… sino
ba namang ama ang hindi magagalit kung ang nag iisang lalaking anak
nya,panganay pa, ay ganito… hehehe.. pero ganun talaga… ito ako! Proud ako sa
sarili ko. Ito ako nung ginawa ng Diyos! Wala akong magagawa. So yun nga…
dumating ang araw ng pagsisimula ng pasukan sa bawat unibersidad. Excited na
kinakabahan.. hehehe.. naglakad ako patungo sa iskwelahan pagpasok ko palang ng
gate napanganga na ako!
“WOW”…….. ang nasambit ko sa aking isip… sobra ang paghanga ko… pero
nanliit din ako sa aking sarili… halos lahat ng istudyante yata dito ay
mayayaman. May mga sariling sasakyan, magagara ang damit at kasuotan… patuloy
ako sa aking paglalakad, patingin tingin sa mga istudyanteng aking
malalampasan, pero dahil sa isang pangyayari…
“shit! Hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo” Sabi ng magandang babaeng aking
nabangga..
“Naku sorry miss. Hindi po kita nakita”
“Ang sabihin mo tatanga tanga ka! Hindi ka marunong tumingin sa dinaraanan
mo”
Sa sobrang hiya ko ay
nagtatakbo na ako palayo.. dahil napansin kung lahat ng istudyante naruruon ay
sa amin nakatingin… yung iba nagtatawanan. Kaya di ko na napigilan sa sobrang
hiya.. habang tumatakbo ako palayo ay tumulo ang luha ko… pakiramdam ko mas
lalong nanliit ako sa sarili ko.. hindi ko namalayan may nabangga nanaman ako..
“Nako pasensya na po” sorry po di ko sinasadya..” ang aking paghingi ng
paumanhin.. ng tumunghay ako nakita ko ang kanyang maaliwalas na mukha.. ako’y
napahanga sa angkin nyang kagwapuhan… hehehe.. CHOS!!
“Pasensya na po” paghingi kong muli ng paumanhin.”
Nabigla ako dahil inabutan niya ako ng panyo. Siguro ay napansin niyang
umiiyak ako…… pero sa halip na tanggapin ko ay kaagad akong umalis. Habang
patungo ako sa una kong klase ay inayos ko muna ang aking sarili. Pagpasok ko
ay kaagad akong dumeretso sa likurang bahagi ng silid at doon ako naupo.
Maya maya ay iniluwa mula
sa pituan ang babaeng aking nabangga kanina. Mabilis ang kabog ng aking dibdib.
Hindi ko alam ang aking gagawin.
“Hi! Bell”, ang dinig kong bati ng
isang babae sa loob ng silid.
“Bell pala ang pangalan ng babaeng ito, ang sarap sampalin”, sabi ko sa aking isip
“Ow, Hi! Hi!”, sagot ni Bell sa tonong
may dalang kaartihan.
“There you’re”, ang muli niyang sambit.
Sa aking pagtunghay ay
nakita ko siyang papalapt sa akin…
“Patay”, ang tangi kong nasabi sa
aking sarili.
Agad akong yumuko dahil
nabasa ko sa mga mata niya ang matinding galit at inis.
“So, classmate pala kita”, ang pagalit niyang sabi na may halong kaartihan. Hindi ako sumagot.
“Pipi ka ba o talagang bastos lang?!”, ang pataas niyang tonong pagtatanong.
Takot na ako ng mga oras
na ito. Kaya wala akong nagawa kundi ang tumunghay.
Sa aking pagtunghay ay
isang malakas na sampal ang aking natanggap. Na nagdulot ng ingay at palakpakan
sa buong silid. Lumingon ako sa paligit at nakita kong halos lahat sila ay
nagtatawanan na tila may isang show na pinagkakaguluhan. Subalit may isang tao
na lubos na nakapagpaisip sa akin kung bakit tahimik lang siya at walang kibo
na amino’y nakikiramdam.
“Wow Bell, as usual hindi ka pa rin nagbabago”, papuri ng isang kaklase.
Dahil sa nagyari
napagtanto kong hindi pala ito ang mundo ko. Tama ba ang naging desisyon kong
dito ako mag-aral? Ito ang isa sa mga taong na pumapasok sa isip ko. Sa mga
oras na iyon, ang tanging nagawa ko na lang ay ang yumuko at pabayaang tumulo
ang aking mga luha. Ilang minute palang ang nakakaraan ay patuloy pa rin ang
aking pagiyak at patuoy pa rin ang panglalait na ginagawa ni Bell sa akin.
“Ikaw hampaslupa hindi ka nababagay dito, bumalik ka sa pinaggalingan mo
at matuto kang rumispeto”
Isa ulit malakas na
sampal ang natamo ng kabila kong pisngi. Hindi na ako nakapagpigil.
nakakainis ka bellbel. wala kang modo. isumbong mo para mapatalsik s skul haha
ReplyDeletebharu
Very intriguing ang umpisa ng story mo anak. Keep us on the edge. Take care.
ReplyDeletethanks po.... bitin po mr. author.....
ReplyDeletenext chapter po kaagad.... hehehe
tagal din hndi nkapag basa dito.. me bago na pla po..ahaha
ReplyDeletehoping lang na masustain po yung paguupdate.. ganda po ng start e.. hihi
jihi ng pampanga
Very interesting. Good start! Keep it up!
ReplyDeletemaraming bagong story but this one caught my attention :)
ReplyDeletesna may follow up na agad