Followers

Saturday, July 26, 2014

The Tree The Leaf and The Wind 24: The Prelude



The Tree, The Leaf, and The Wind

Chapter 24

“The Prelude”

By: Jace Page

https://www.facebook.com/jace.pajz




Author’s Note:

Sorry po! It took me a long time to make an update. Sorry po talaga. Busy talaga sa school. We have Midterm’s coming up next week, then pagkatapos nun, magdi-defend na kami ng ginagawa naming Feasibility Studies. I still do hope na may nag-aabang pa rin dito. Sorry talaga sa mga na-disappoint ko.

Salamat din po ng marami kay Kuya Bluerose Claveria. Kung di niya pa ako kinausap kagabi sa FB, di ko mare-realize na malapit ng mag-isang buwan simula nung huling update ko. Sorry po talaga. Sa ngayon, wala na po muna tayong batian portion. Pero hinihiling ko naman sana na mag comment din kayo sa ibaba para naman ganahan din ako sa pagmamadaling gumawa ng updates. Siguro matatapos ito sa Chapter 27 or 28, depende nalang po kung ano mangyayari. Basta, I’ll try to give you a show sa mga susunod na chapter. Dito kasi, papa-climax na tayo eh. So stay tuned.

Kung di pa ako nakakapag-update, basa-basa din po muna kayo ng mga gawang akda nina Kuya Bluerose Claveria, kay Vienne Chase, at kay Kuya Rye Evangelista. Mas maganda po ang gawa nila. So please, support them too. Mahal ko po kayo!

Eto na, ang 24th chapter ng TLW. Sana magustuhan nyo pa rin po.

Jace


====================================

“And so the TREE and the LEAF thought that they could stay on each other’s side ‘til eternity. With the WIND and the STORM’s disappearance, they thought everything was over. But they were wrong. With the surroundings being calm once again, they have thought that it was the start of a new chapter. But the truth was that, they were in the eye of the STORM..”



== The TREE ==

February 1. Wednesday.

Desperado na akong makahanap ng magiging alas ko laban sa Dela Cruz na yun. He was getting on my nerves, and I know, I need to stop his madness the soonest.

All I wanted is to be with my Babe’s side while our secret is safe. Ayokong masira ang magandang samahang iyon nang dahil lang sa kaduwagan ko. Oo. Hanggang ngayon, naduduwag pa rin akong harapin ang lipunan at aminin ang isang kakaibang relasyon sa pagitan namin ni Jayden. We are just not ready yet.

Siguro ito din ang isa sa mga naging dahilan ni Yui kung bakit mas pinili niyang lumayo. Besides the fact that we both love Jayden, and that I was the first one to confess about my feelings, siguro natakot din siya sa posibilidad na matahin ng mga tao sa paligid nila.

I promised Jayden that I will be brave enough to face the world with him. But unfortunately, I failed him. Siguro nga humaharang na naman ang pride at ego ko. Or maybe, I just don’t know how to protect him against the consequences of having such relationship.

Kahit gustuhin ko mang ipaglaban tong relasyon namin, kokomplikado at kokomplikado pa rin ang mga sitwasyon na kinalalagyan namin, at maging ng mga taong nasa paligid namin.

“Toot. Toot. Toot.” Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko sa bulsa ko, at agad ko itong kinuha. Si Paul tumatawag.

“Pare, you need to see this!” Aligagang saad ni Paul sa kabilang linya.

“What about?” Malamig na tugon ko. Ano na naman kaya ang raket ng mokong na to? For sure, mga walang kabuluhang bagay na naman ang nasa isip nito.

“There’s so much explaining to do dude. Just get your ass down here, then we’ll talk!” Pautos na sabi nito. “Alam kong magugustuhan mo tong nakita namin.”

“Tungkol san nga?”

“Wala naman.” Tss. Kalokohan mo Paul! “Tungkol lang naman sa bespren mong si Dela Cruz.” Sarkastikong tono ni Paul.

Agad naman akong napangisi sa narinig. “Where are you?” At sinabi nito ang lugar kung san ko siya matatagpuan. “Hold on. I’m coming.”

..

Monday, the 6th of February.

Mukhang lumiliwanag na lahat ang dadaanan namin ni Babe patungo sa pinaplano kong unang Valentine’s Date namin. At kasi nga first time namin mag-celebrate ng magkasama, gusto ko espesyal ang magiging gabing iyon. I want only the most special for the man I truly love.

What Paul and the gang found out last week? It definitely paved the way to us being secure with our little secret. At dahil sa mga nalaman namin, alam kong hindi na magiging hadlang sa amin si Ralph.

Si Paul at ang mga piling kasamahan ko sa The Elite ay pinakiusapan kong mangalap ng magiging ebidensya namin laban kay Dela Cruz. I asked them weeks ago. I can’t do it since it would be obvious on Ralph’s senses. Syempre syempre, kelangan kong magpakaamo na parang tupa. I wanted to surprise Ralph with a bang. And then here it goes!

Last week pala, may nakapag-tip kina Paul tungkol sa gagawing Annual Welcoming Rites ng kalaban naming frat na The Brotherhood of the Fist, kung saan lider ng samahang ito si Ralph.

Pasalamat ako kay Paulna kahit minsan ay mukhang unreliable ito, nakahanap naman siya ng paraan upang makunan ng video ang illegal na Hazing na dati pa’y nababalitaan naming ginagawa nila Ralph. Pagkatapos naming pagplanuhan ang mga susunod na aksyon sa nakuhang video, tila nabunutan ako ng isang malaking tinik sa dibdib.

At ngayong araw, ipapahayag na ng Board of Directors ng school ang naging resulta ng kanilang sariling imbestigasyon ukol sa video’ng  isinumite namin last week. Walang ibang nakakaalam na kami ang nagpadala ng video, maliban sa isang taong pinagkakatiwalaan ko sa buong administrasyon ng school.

At ngayon, kasalukuyan na akong papunta sa opisina nito para alamin ang naging hatol ng Board.

Pagkabukas ko sa pintuan ng opisina, nakita ko agad ang isang matandang lalaking nasa mga early 50’s na. Nakatunghay lang ito sa monitor ng computer nito habang muling pinapanood ang video na isinumite namin sa Board.

“Mr. Samonte. Come in. Have a seat.” Pinaunlakan ko naman ang paanyaya nito. Nakita ko lang ang magarbong name plate sa lamesa nito. “Hon. Guillermo E. Monteclaro, University President.”

Yes. He is my Tito Guiller. Nakakatandang kapatid ni Mom, at isa sa mga pinagkakatiwalaan kong tao sa buhay ko. Siya ang naging tulay ko sa pagpapalabas ng naturang video na nakalap nina Paul. Pinatawag niya ako ngayong araw dahil alam niyang gustong-gusto ko malaman agad ang naging hatol ng Board sa imbestigasyon ng mga ito.

“Mr. Samonte, the Board of Directors had conducted their own investigation about the alleged Hazing Video of The Brotherhood. And according to the school rules and policies, Hazing is an illegal activity.” Nakatitig lang ito ng diretcho sa mga mata ko. “Kung dadalhin ng kampo ng mga akusado ang nasabing kaso sa korte, nakahanda ba kayong humarap at maging testigo laban sa mga ito?”

“Yes tito. The Elite are fully aware of that possibility.” Magalang na tugon ko dito. Natural! Nagsasabi lang naman kami ng pawing katotohanan, bakit kami matatakot humarap sa korte?

“Good.”

“With all due respect Sir, what was the Board’s decision about the case?”

“Well, effective today, the Board had decided to expel the five head members of The Brotherhood for severely violating the school rules and policies.” Nakangiting pahayag nito.

Bigla namang lumundag sa tuwa ang puso ko. “Yes! Finally!” Masayang sigaw ko sa sarili.

“The expulsion will take effect starting tomorrow, so until then, iwasan mo munang maka-engkwentro sa grupong iyon. Alam kong isa ang The Elite sa pagsususpetsyahan nilang kumuha nung video.”

“We will, Sir. Thank you.” Tumayo na ako at aktong lalabas ng marinig ko itong nagsalita.

“So the rumors are true after all. The arrogant Alfer Samonte had finally achieved enlightenment.” Napalingon naman ako dito at nakita ko itong nakangiti sa akin. “Masyado ka ng proper ngayon kompara sa Alfer na dumadating dito sa opisina noon at nagtatalak ng kung anu-anong excuses kapag inirereklamo ng mga estudyante’t professor ng school.” At tumawa pa ito ng malakas.

“People change Tito. And I think I’ve changed for the better.” Matipid kong sagot.

“That’s good pamangkin.” Sumaludo lang ako dito at tuluyan ng lumabas ng office nito.

Pagkalabas ko ng Administration Building, dinaanan ko muna si Babe sa tambayan nito sa may fountain. Nakita ko lang itong nagbabasa ng libro habang naka-headset at nakikinig ng music sa ipod nito. Maswerte naman ako’t wala ng masyadong ta sa school.

Palihim akong lumapit dito habang iniiwasang makita niya ang paglapit ko. Sa may bandang likuran niya ako lumapit. At nung nasa likuran na niya ako, tinakpan ko ang mga mata nito gamit ang dalawa kong kamay.

“Yoh!” Sigaw ni Babe. Agad naming nagpanting ang mga tenga ko sa sinambit nito.

Oo, inaamin ko. Nagseselos pa rin ako kay Yui kahit na alam kong akin na si Jayden, at wala na ito sa tabi ng mahal ko. At ngayon, selos na selos pa rin ako kay Yui.

“Babe, ako to.” Malamig na sabi ko habang kinukuha ang mga kamay ko’ng nakatakip sa mata niya.

Lumingin naman agad si Babe sa likuran niya kung san ako naroroon. “Ay sorry babe! Nasanay kasi akong si Yukito lang ang gumagawa sakin nun. Sorry.” Paghingi ni Babe ng patawad.

“Okay lang yun babe, nu ka ba? So kumusta naman ang araw ng babe ko?” Okay nalang. Pasalamat ka Yukito at good mood ako ngayon.Tss.

“A-ayos naman babe.Eto, nakakapagpahinga pa naman sa sobrang busy. Malapit na kasi ang event ng college natin eh. Ikaw ba, kumustang practice nyo para sa susunod na season?”

“Okay lang babe. Medyo bossy na si coach kasi nga malapit na ang opening. Pero nakakaya naman ng team.” Nakita ko lang itong ngumiti sa akin. Ang ngiting bumago sa akin. “But anyways babe, may surprise ako sayo.”

“Ako din. It’s not actually a surprise, pero basta.” Ngiti nya pa.

“What about?”

“Ikaw muna.Ikaw una nagkwento eh.”Simangot niya.

“Ikaw na muna Babe. Sigurado akong magugustuhan mo ang surprise ko sayo.” Pagpupumilit ko.

“Okay. Diba pumunta kami ng mall kahapon ni Erin, dahil nag canvass kami ng mga materyales na gagamitin para sa Ball?”

“Yeah.Then?”

“Nakita ko lang naman silang magkasama.” Sabi ni Babe. Sino? “At kumpirmado, may ugnayan nga sila.”

“Who?”

“Si Ralph at yung ginulpi mo last week. Yung nagmanman sa atin. Karl pala pangalan nun.” Napangiti nalang ako sa narinig. Atleast ngayon, alam na ni Babe na hindi mapagkakatiwalaan ang Ralph na iyan. “Sorry babe, kung di agad ako naniwala sayo.” Nakatungong sabi ni Babe.

“That’s okay Babe.”

Nag-angat ulit ito ng tingin. “Pero come to think of it. Ano naman ang magiging motibo ni Ralph para gumawa ng ganung klaseng bagay?”

“Don’t worry about it Babe. Ako na ang bahala sa bagay na yan.” At ngumisi lang ako. Kumunot naman ang noo ni Babe nung makita ang pagngisi ko.

“Hoy Samonte! Alam ko yang binabalak mo. Wag mo ng ituloy!” Banta nito sa akin. Napahagalpak naman ako ng tawa.Inambahan naman niya ako ng suntok.“Seryoso ako. Makakatikim ka talaga sa akin!”

Bigla naman akong nagpaawa ng mukha kuno.“Magagawa mo sakin yun babe? Akala ko ba mahal mo ako?”

“Mahal kita, kaya ko gagawin yun. Ayokong gumawa ka pa ng paraan para mas lalong lumala pa ang sitwasyon natin. Basta. Behave ka ---“

“Eh may ginawa na nga ako tungkol dun eh. Ano pa magagawa ko?” Sabi ko sa sarili, habang tumatawa pa rin. Pinandilatan naman ako ng mga mata ni babe. At nang masiguro kong walang nakakakita  sa amin, ninakawan ko agad ito ng isang mabilis na halik sa labi. “Trust me babe. Kaya ko na to.”

Nabigla man, agad naman syang ngumiti dahil sa halik na yun. “Siguraduhin mo lang Babe. Patay ka talaga sakin.”

“Opo mahal ko. Tara na, hatid na kita pauwi.”

Nung gabing yun, hinatid ko lang si Babe sa bahay nila. Sabay kaming nagdinner, kasama si Nanay Nimfa, tumambay sa kwarto ni Babe, at umuwi na.

The day after that was just an ordinary day. But not until the talks came out about the expulsion, which spread like a wildfire in the campus.

Di nalang muna ako nagbigay ng sariling komento pag tinatanong ako ng mga kaklase at kasamahan ko sa team nung nagpa-practice na kami tungkol sa issue. Pati si Coach, tikom ang bibig tungkol sa pagkawala din ni Ralph sa Varsity.

Tinext ko lang si Babe na di ko na naman sya masasamahan sa pag-uwi kasi male-late na naman ako dahil sa practice naming. Tas birthday pa ng isa naming team mate, at nag-ayang magpa-inom pagkatapos ng practice.

Salamat naman kay Babe at naiintindihan ako nito. Kahit nagi-guilty na ako sa ginagawa kong pang-iichapwera kay Babe, sige pa rin ako ng sige. Ang swerte ko talaga kay Babe.

Mga bandang 10PM na nung pinakawalan kami ni Coach at tuluyang makaalis sa school. Agad kaming dumiretcho sa Bar na pinagdalhan sa amin ni Rei, ang manlilibre sa amin ngayon.

Umorder agad si Rei ng inumin at mga pulutan namin. Grabe! Andaming tao. May mga umiinom, may mga sumasayaw sa dance floor, at may mga babaeng nagpapa-cute sa grupo namin. Agad naman kaming tumoma dahil sa uhaw na kanina pa naming naramdaman sa practice.

Enjoy lang kami nun. Medyo lasing na ako ng maalala kong di pa pala ako nakakapagtext kay Babe simula nung matapos kami. Agad kong kinuha sa bulsa ko ang phone ko, pero nakita ko lang itong namatay na at ayaw ng mag turn on.

“Shite!Lowbat.” Reklamo ko sa sarili. Hindi ko naman masyadong kabisado ang number ni Babe, at nung tinanong ko si Paul kung may pantext siya, sabi niya wala din daw. Patay ako nito kay babe.  Pero siguro naman, maiintindihan naman ako ni Babe.

“Dude! Mr. Team Captain. Inom pa!” Narinig kong sabi ni Rei. Agad ko naming kinuha ang inalok nitong isang baso ng tequila at ininum. Kabi-kabilang baso ang itinatagay sa akin, pero kinukuha ko pa rin upang inumin. Hilong-hilo na ako, pero sige lang ako. Gusto kong magpakasaya sa pagkawala ni Ralph sa landas namin ni Babe.

Umiikot na ang aking mga paningin. Maya-maya pa’y natagpuan ko nalang ang aking sarili na nagsasayaw na sa dance floor kasama ang tatlong babaeng kay gaganda at halatang-halata na gusto akong i-kama.

Tuluyan ng nawaglit sa isip ko si Babe, at nagpaanod sa makamundong sensasyon na iwinawagayway ng tatlong dilag sa harapan ko. Yun na ang huli kong natandaan nung gabing iyon.

“Toooot! Toooooot! Tooot!” Agad akong nagising sa tunog ng telephone sa may bedside table ko. Umaga na pala! Nung tinignan ko ang wallclock sa dingding ng kwarto ko, alas onse na pala ng umaga. Wait, pano ako nakauwi? Anong nangyari kagabi?

“H-hello?” Pupungas-pungas na sagot ko nung sinagot ko ang tawag. Masakit pa rin ang aking ulo dahil dun sa ininum namin kagabi. Ang huli ko lang na natatandaan ay ang pagsasayaw ko sa dance floor.

“Alfer! Asan ka na ba kasi?! Kanina pa ako tumatawag sayo!” Agad na bulyaw sa akin ni Kira sa kabilang linya. Takte naman to oh, ke-aga aga. Sumasakit na nga ulo ko eh, dumadagdag pa tong babaeng ito.

“Bakit ba?” Naiinis na tanong ko dito.

“Asan ka ba kasi kagabi?!Si Jayden na-ospital!”

“W-what?! Paanong…?” At kinwento sa akin ni Kira ang nangyari. Habang nagkukwento ito, di ko naman mapigilang umiyak at manghina sa kwinento nito. “P-papunta na ako!”




===========================================


== The LEAF ==

Di ko lubusang maimulat ang mga mata ko. Ang nakikita ko lang ay puting ilaw na sumasabog sa buong paligid. Gustuhin ko mang bumangon at ilibot ang mga paningin ko sa kung saan man ako naroroon, hindi ko magawa.

Masakitang ulo ko. Masakit ang leeg ko. Masakit ang buong katawan ko. Asan ako?Anong nangyari? Bakit masakit ang halos lahat ng parte ng katawan ko?

“A-anak!”Si Nanay Nimfa yun ah? Narinig ko naman ang pagtakbo nito, at ang pagbukas ng pinto. “M-miguel! Si Jayden!” Di ko talaga maimulat ng maayos ang mga talukap ko sa mata, kaya pumikit nalang muna ako. Narinig ko namang may mga taong nagsilapitan sa akin.

“A-anak.Kumusta pakiramdam mo?Karin, tumawag ka ng doktor.” Si Papa.

Sinubukan ko namang imulat ang mga mata ko, pero bahagya lang talaga. Nanghihina pa rin ang buo kong katawan. “P-pa.A-ano pong nangyari?N-nasaan po ako?”Wala akong matandaan. Sumasakit ang ulo ko na para bang sasabog na ito. “Pa, masakit po ang ulo ko.”

“Nasa ospital ka ngayon anak.Teka lang. Papunta na ang doktor.” Sabi ni Nanay na nandun din pala sa tabi ko.

“Excuse me Mr. Gonzales. Labas po muna kayo. Iche-check lang ni Doc ang pasyente.” Narinig kong sabi nung nurse at pumasok na nga ang doktor, habang sila Papa ay nagpaalam muna at lumabas ng kwarto.

Tinanong ako ng mga kung anu-ano ng doktor. Inireklamo ko ang ulo kong sumasakit kaya binigyan niya ako at pinainom ng pain-reliever. Mukhang effective naman kasi maya-maya pa’y di na masyadong sumasakit ang ulo ko.

Lumabas na ang nurse at ang doktor sa kwarto ko, at pagkalipas ng ilang minute, agad namang pumasok sila Papa, Nanay, Karin at si Kira sa kwarto.

“Kumusta ang pakiramdam mo bro?May masakit pa ba?” Tanong sa akin ni Kira.

Ngumiti naman ako ng pilit. First-time kong ma-ospital, at kitang-kita sa mga mata nila, lalo na kay Papa at kay Nanay, ang sobrang pag-aalala. “Medyo okay na ako Sis. P-pinainom na ako ng doktor ng pain-reliever.”

“Asan na ba kasi siya? Na-contact mo na ba siya Kira? Tengeneng Alfer naman yan o. Napaka lousy.” Iritadong sabi ni Karin kay Kira. Buti nalang at nag-uusap sa may gilid si Papa at si Nanay, kundi baka narinig si Karin ni Papa.

“Teka lang. Tatawagan ko ulit.” Sabi ni Kira at lumabas muna ng kwarto.

“A-ano ba ang nangyari sa akin Karin? B-bakit nasa ospital ako?” Naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari. Medyo di pa rin klaro sa akin ang lahat. My memory’s too vague and I can’t get something from it.

“Wala ka ba talagang maalala sa mga nangyari?”Tanong niya.Umiling naman ako. Dun lumapit sa amin sina Papa at si Nanay.

“Isinugod ka dito kaninang madaling araw anak. May mga tanod at mga ruurondang mga pulis na nakakita sa iyo na pinagtulungang bugbugin ng limang kalalakihan sa isang abandonadong warehouse sa kabilang bayan. Sabi ng doktor, mukhang nahataw ka daw ng isang matigas na bagay sa ulo mo, kaya medyo di pa masyadong nakakabawi ang utak at memorya mo.” Mahabang paliwanag ni Papa sa akin.

“Naku anak, pasalamat tayo sa Diyos at matigas yang ulo mo at di ka napuruhan masyado. Wag naman sana.” Mangiyak-ngiyak si Nanay Nimfa na hawak-hawak pa rin ang kaliwang kamay ko.

Sinubukan ko namang paganahin ang utak ko at mamingwit ng impormasyon sa nagdaang gabi. Ano nga ba ang nangyari?Sa sobrang pag-iisip, unti-unti namang bumabalik sa akin ang alaala ko nung gabing papauwi na sana ako galling sa school.

Papaliko na ako mula sa college namin papuntang gate, nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Bumalik naman ako sa building namin at nag-antay muna ako ng ilang sandali upang hindi mabasa habang binabagtas ang daan palabas ng school.

Nang medyo humihina na ang ulan, tatakbo na sana ako papuntang gate, nang may biglang humablot sa balikat ko at niyakap ako sa likod at may inilagay na panyo sa ilong ko. Naamoy ko naman ang kemikal na nasa panyong iyon at unti-unting nawawalan ng lakas.

“Babe. Tulungan mo ako….” Nasabi ko nalang ng pabulong at tuluyan ng nawalan ng malay tao.

Hindi ko alam kung gano ako katagal pinatulog ng kemikal na iyon, basta bigla nalang akong nagising ng sabuyan ako ngmalamig na tubig sa mukha.

Natagpuan ko nalang ang sarili kong nakatayo sa isang tingin ko’y abandonadong bodega habang nakataas at nakagapos ang mga kamay ko. Ang mga paa ko naman ay nakatali din.

Nang inilibot ko ang aking mga paningin, nakita ko ang isang lalaking naka-maskara habang hawak-hawak ang isang balde. Agad namang nagsilapitan sa amin ang apat pang kasamahan ng lalaki. Pati sila ay nakamaskara din.

“A-ano ba ang kailangan nyo sa akin?! Pakawalan nyo ako!” Sigaw ko sa kanila.

“Eh kung pakakawalan ka namin agad, bakit ka pa naming itinali jan? Mag- isip ka nga!”Bulyaw nung isang lalaki at lahat sila ay nagtawanan.“Malaki ang atraso mo sa amin, Gonzales.”

“B-bakit?! Wala naman akong ginawang masama ah?! Pakawalan nyo ako dito, mga duwag!” Matapang kong bulyaw sa lima. Nagngangalit na ang mga bagang ko sa galit. “Hoy! Pakawalan nyo ako---“

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang lumapit ang sa tingin ko’y lider ng mga ito, at binigyan ako ng isang malakas na suntok sa simura. Napaluhod naman ako sa sobrang pamimilipit sa sakit, pero masakit din pala ang kamay ko dahil ito lang ang sumusuporta sa lahat ng bigat ko kaya pinilit kong tumayo kahit masakit pa din ang tiyan ko.

“Tingnan ko lang kung hindi ka magtatanda nyan Gonzales. Wag ka na kasing pumalag!” At tumawa pa ang lider ng mga ito. “O, asan na yang boypren mo ngayon Gonzales?!” Wait. Ang boses ng taong ito. At pano niya nalaman ang tungkol sa amin?

“Ralph! H-hayop ka Ralph! Alam kong ikaw yan! Pakawalan mo ako ngayon din.” Narinig ko lang itong tumawa ng malakas. “Wag ka ng magkunwari. Alam kong ikaw yan Ralph! Duwag ka!”

Nagtanggal ng maskara ang apat na kalalakihan. Nakilala ko naman agad sila. Sila yung kasamahan ni Ralph sa The Brotherhood na kasamang na expel kahapon. Ang huling nagtanggal ng mascara ay ang taong nanikmura sa akin. At hindi nga ako nagkamali. Si Ralph.

“Pre, ano ba ang gusto mong gawin natin sa baklang ito?” Tanong nung isang lalaking may hawak na baseball bat.

“Easy lang mga pre.Pahihirapan muna natin yan. Sayang naman ang pagkakataon kung tutuluyan agad natin.” Ngisi pa ni Ralph at lumapit sa akin. Itinaas nya lang ang aking ulo sa pamamagitan ng paghila sa aking buhok.

Tiningnan ko naman ito ng mata sa mata. Kahit masakit pa rin ang parteng tinamaan kanina ng suntok, pinilit kong magpakatatag at ipakitang matapang ako. “Duwag!” Sabay dura sa mukha nito.

“Lintek!” Pinunasan nya lang ang laway ko sa mukha niya na may halong inis, at kinuha ang baseball bat na hawak-hawak ng isang kasamahan. Hinataw ako nito sa may bandang tagiliran.

Masakit.Sobrang sakit. Pero pinipilit ko pa ring wag manghina at mawalan ng malay. Tila umiikot na ang paningin ko sa sobrang sakit ng tama ng baseball bat, pero sinubukan kongwag matinag.

“Sa susunod Gonzales, pipiliin mo ang mga taong kakalabanin mo huh?!” Iritadong asik ni Ralph sa akin. Sabay talikod. Pero napahinto siya nung magsalita ako.

“Duwag ka Ralph! Ikaw ang bakla sa atin! Ikaw ang hindi marunong lumaban ng patas.” Tumawa pa ako ng hilaw para inisin ito. “Porke’t di mo mapatumba si Alfer, gagawa ka ng mga bagay na lalong ikakasira mo! Gago ka!”

At muling pinatamaan na naman ako ni Ralph ng baseball bat sa aking mga binti.

“Arrrrrgggh!” Sigaw ko sa sobrang sakit. Halos mabali ata ang buto ko sa kanang binti na tinamaan ng baseball bat. Dito na ata ako mamatay. Wag naman sana.

“May sinasabi ka Gonzales?” Ngisi ni Ralph. “Kung ako sayo, tatahimik nalang ako eh. Baka sakaling madugtungan pa ng konting panahon ang buhay ko. Mahirap na, baka di ka na maabutang humihinga ng mahal mong boyfriend.”

“B-bakla!” Pang-iinis ko pa dito. Perosa halip na paluin ulit ako nito. Sinenyasan nito ang mga kasamahan at nakita ko lang itong naglakad papalayo. Dahan-dahan namang lumapit sa akin ang apat na kasamahan ni Ralph.“A-anong gagawin nyo? P-pakawalan nyo a-ako dito.” Nanghihina na ang buong katawan ko.

“Wag kang mag-alala Gonzales. Reresbak lang kami sa ginawa mo at ng boyfriend mo. Sigurado kaming mag-eenjoy ka.” Nakangising saad nung lalaking may hawak kanina ng baseball bat.”Ikaw ang dahilan kung bakit kami na-expel sa school, tarantado ka!”

“Wala akong k-kinalaman sa video’ng iyon! At isa pa, h-hindi ako ang may hawak sa buhay nyong wala namang kwenta!”

“Oh, eh di kung wala, siguro yung boyfriend mo!” Sinenyasan ng isa ang tatlo pa nitong mga kasama. Nagsingiti namang parang mga asong ulol ang tatlo. “Fiesta na mga pre!” Sigaw nung isa.

Dun na ako pinagtulungan ng mga ito. May humahawak sa akin para tumayo, at palitan ang tatlong ugok na gulpihin ako.

Suntok dito, suntok doon. Tadyak dito, tadyak doon. Hindi ko na matandaan kung ilang suntok at tadyak ang nakuha ko mula sa mga taong iyon. Akala ko, mamamatay na ako. Di ko na maramdaman ang aking mukha at buong katawan sa sobrang sakit.

“O Diyos ko. Ikaw na po ang bahala sa akin.” Dasal ko sa sarili.

I give up. I give up everything to God. Hindi ko alam kung hanggang saan ako tatagal, pero alam kong, malapit na akong mawala sa reyalidad.

Manhid na manhid na ang buo kong katawan sa sobrang sakit. “P-please, t-tama na.” Mahina kong saad.

Hindi pa sila nakuntento. Hindi pa sila tumitigil sa pangbababoy nila sa akin. Isang malakas na suntok sa mukha ko ang gumising sa aking ulirat. Naririnig ko silang nagtatawanan. Buti naman at nagpahinga muna sila.

 Pagod na ako. Masakit na. Tama na. Ipinikit ko ang mga mata kong kanina pa natatamaan ng mga suntok. Grabe. Papatayin na talaga nila ako. “Diyos ko, Ikaw na ang bahala sa akin.” Dasal ko. Di ko na kaya.

“Na-contact mo na ba si Samonte?” Narinig kong tanong nung isa.

“Putang-ina, ayaw sumagot!” Iritadong saad ni Ralph. “Leche!”

“So papano ngayon yan? Papano tong si Mister Lover Boy natin?”

“Teka, nangangati ang mga kamay ko. Kung ayaw ni Samonte, ang boyfriend nya na muna ang gagawin kong punching bag!” At naramdaman ko na naman ang isang malakas na suntok sa mukha ko na naging dahilan ng pagputok ng labi ko. Nalalasahan ko pa ang dugo na nanggagaling sa sugat.

“Uy!Sali kami.”Sigaw nung isang lalaki.

“Wag nyong pupuruhan ha? Gagamitin pa natin to bukas!” Si Ralph.

Ilang segundo ang lumipas at may narinig akong malakas na pito sa may kalayuan. Di ko na talaga maimulat ang mga mata ko sa sobrang sakit. Di ko na alam kung san galing ang pitong iyon.

“Patay! Nalintikan na. Ralph, tumakas na tayo!” Narinig kong saad ng isang lalaki.

H-ha? Lintek!” Naramdaman kong lumapit sa akin si Ralph, at pilit na tinatanggal ang mga kadenang nakagapos sa kamay ko. Nasasaktan ang mga kamay ko dahil sa pagmamadali nitong matanggal ang mga ito sa kadenang gumagapos sa akin.

“Putek Ralph! Ano bang ginagawa mo?! Tara na! Gusto mo bang makulong?!” Sigaw nung isa nyang kasamahan.

“Eh kung m-makawala ito at makapagsumbong sa mga pulis? Eh di m-makukulong din tayo!”

“Gago! Maaabutan na tayo! Pabayaan mo na yan!” Iminulat ko naman ang aking mga mata para asarin pa si Ralph.

“S-sumuko ka na R-ralph! W-wala ka ng kawala.” Nakita ko naman itong tila natataranta na sa pangyayari. Papalapit na ang mga pulis, pero ayaw niya akong pakawalan. Di pa rin nito matanggal ang kamay ko sa kadenang itinali nila sakin. At sa sobrang pagmamadali nito, mas lalong di niya ito magawa ng maayos. Tarantang-taranta na ang mukha ni Ralph.

“D-dyan ka n-nagkakamali!” Nakita ko itong kinuha ang isang bakal na tubo at bumwelo. The next thing I knew was that tinamaan ang ulo ko. Ang sakit. Sa sobrang sakit, nawalan agad ako ng malay tao.

Naikwento ko naman kina Papa ang mga nangyari. Sila Nanay at si Karin ay umiiyak habang isinalaysay ko ang malagim na karanasan kong iyon. Si Papa at si Kira naman ay mukhang galit na galit sa mga nangyari. Si Papa, hindi makatingin sa akin ng diretso, at nakakuyom lang ang mga kamao.

“B-bro, I am really s-sorry. Kung bakit ba kasi hindi ako n-nakinig sa inyo. I am s-sorry.” Umiiyak na si Kira. “A-ako ang m-may kasalanan ng lahat ng ito.”

Hinawakan ko naman ang mga kamay niya. “Sis, w-wala kang kasalanan dito. Wala namang may gustong m-mangyari to eh.” Pampalubag-loob k okay Kira. Kitang-kita kasi sa mga mata nito ang guilt sa mga nangyari. And honestly, I don’t blame her. Kung tutuusin, nadamay nga lang siya dito eh.

“Hindi anak! Magbabayad ang Ralph dela Cruz na yan! Makikita niya!” Noon ko lang nakitang magalit ng husto si Papa. Naririnig kong nagkikiskisan na ang mga ngipin nito sa sobrang galit.

“Pa, o-okay na ako. Let’s just not make this big Pa, please.” Nakatungong saad ko.

 Ayaw ko naman din kasi pang mas lumaki at gumulo pa ang gulong ito. Hindi ko alam kung papano magrereact ang kampo nila Ralph pag nalamang sasampahan ito ng demanda nila Papa.

“Baka may masaktan pa ulit. Please Pa, wag na po.”

“Anak, hindi pwede yan. Pano kung tinuluyan ka nung mga yun? Pano kung ulitin na naman nila sayo ang mga ginawa nila?” Sabi ni Nanay sa aking gilid. “Buti nalang at di ka nagka-amnesia o di kaya’y na-coma, at nasuplong mo sa amin kung sino ang may kagagawan nito.”

“Excuse me! Pupunta lang ako ng presinto at tatawagan ko ang abogado ko. Jayden, wag mo na akong pigilan! Di ko hahayaang maulit pa ito. Magbabayad sila!” Matigas na sabi ni Papa. At pagkatapos ihabilin ako kina Nanay at kina Kira at Karin, umalis na din si Papa. Lumabas din ng kwarto si Kira para sunduin si Babe.

Si Babe nga pala. Haay. Salamat Panginoon at di Ninyo ako pinabayaan. Thank you at magkikita pa din kami ng taong mahal ko.

Sa mga nangyari, wala naman talaga akong sinisisi. Di ko din masisisi si Babe kung bakit wala siya sa tabi ko nung dukutin ako. May buhay din naman kasi yung tao. At kahit sabihing mag boyfriend kami, hindi din naman sa akin lang umiikot ang mundo niya.

Ang aral na iyon ay natutunan ko kay Yui. I can never be too selfish and have everything for myself. At hindi sertipikasyon ang relasyon namen ni Babe para mag-demand ako ng mga kung anu-anong bagay sa kanya. Siguro, ganun lang talaga ang depinisyon ko nga mga bagay-bagay.

Ilang minute pa ang nakalipas ng muling bumukas ang pinto. At unang niluwa nito si Alfer na alalang-alala sa akin at patakbong lumapit sa kinahihigaan kong kama.

“Babe!” Tawag nito.

“Tss. The late Alfer Samonte.” Irap ni Karin. Lumabas naman ng kwarto sina Nanay at sina Kira.

“Babe. I’m sorry. I’m so sorry.” Naupo si Babe sa katabing silya ng aking kama. Nakikita kong namumula na ang mga nito. “Sorry babe. I’m sorry.” Hanggang sa humihikbi na ito.

“Shhh.” Saway ko dito, habang hinahaplos ang buhok nito. Naawa naman ako dito. “Babe,  wala kang kasalanan sa mga nangyari. Please. Tahan na.” Ngiti ko dito.

“Kasi babe. Kasi babe, inakala kong di na sya manggugulo. Napakapabaya kong boyfriend!” At sinabutan pa niya ang sarili, pero napatigil ko din ito. “I am really sorry babe!”

“Babe. Please. Don’t say that. Pareho nating di ginusto ang nangyari. Ang mahalaga, okay na.”

“K-kumusta na p-pakiramdam mo b-babe? Masakit ba? Ang tanga ko kasi! Di man lang ako nagtanda sa pang-iiwan sayo sa ere!”

“Babe! Wag mo ngang sabihin yan!” Hinatak ko ito papalapit sa akin at niyakap ko ito ng mahigpit. “Kahit kamuntikan na akong mamatay, nagpapasalamat pa rin ako’t binigyan Niya pa rin ako ng pag-asang makasama ka Babe. Please, wag mo ng sisihin ang sarili mo.”

Mas hinigpitan niya pa ang pagkayakap niya sa akin. “Babe. Binigo kita. I’ve failed as your boyfriend. I’ve failed myself. Patawarin mo ako.” Umiiyak pa din si Babe kaya kinurot ko ang tagiliran nito.

“Tatahan ka ba o dedextrose-san kita?” At nung inangat ko ang mukha nito, nakita ko itong malungkot pa din ang mukha nito. “Babe naman. Okay na ako oh!”

“Sino?” At bumalik ito sa pag-upo sa tabi ko. “Sino ang gumawa nito sayo?” Malamig na tanong nito.

“Wag mo ng intindihin yun Babe.” Alam ko. Sa oras na sabihin ko sa kanya na si Ralph ang may pakana ng lahat ng ito, magwawala ito sa galit. Wala na nga akong nagawa kay Papa, lalo na siguro pag nalaman ni Babe.

“Sino nga?!” Asik nito.

Tss. Ang kulit mo din Babe! “Aray!” Pagkukunwari ko. “Sumasakit ang ulo ko Babe! Tawagin mo si Nanay.” Nakita ko naman itong nataranta at agad na tumalima. Tinawag nito si Nanay na nasa labas ng kwarto.

“Haay. Salamat. Nakalusot din.” Sabi ko sa sarili ko. Agad naming pumasok sila Nanay sa kwarto. At nung kinausap ni Kira si Babe, binulungan ko si Nanay.

Pinakiusapan ni Nanay si Babe na wag munang mag-usisa tungkol sa nangyari kagabi, dahil na rin sa pakiusap ko. Sinabi nalang ni Nanay na ipaubaya nalang ang lahat kay Papa, at kahit di pa rin matahimik si Babe, pumayag nalang ito sa pakiusap namin ni Nanay.

Pero kilala ko si Babe. Hahalungkatin nito ang mga pangyayari. Siguro, nasa listahan na niya ang pangalan ni Ralph. Tahimik lang sa gilid ng kama ko si Babe na nakaupo habang hawak-hawak pa rin ang kamay ko. Malalim ang tinatahak ng isipan nito. At alam ko ang iniisip nya.

“Babe, please. Chill lang.” Pakiusap ko dito. “Babe, masakit na ang katawan ko. Please. Wag ka ng dumagdag ha?” Malambing kong dagdag.

Tumango naman ito. At binitiwan ang isang pilit na ngiti.

“Babe. Wag naman sana.”


………………..


Kinagabihan, biglang dumating si Papa. Nataranta naman si Babe dahil nakatulog ito sa tabi ko at kamuntikan na siyang maabutan ni Papa na nakahawak pa rin sa mga kamay ko.

“G-good e-evening po Tito.” Natatarantang bati nito kay Papa.

“Papa.” Ako.

“Ikaw pala Alfer. Salamat at dinalaw mo ang anak ko.” Halatang napagod si Papa sa nilakad nito. Ano na kaya ang nagging resulta ng lakad niya? Gusto kong malaman agad pero nandito pa si Babe.

Sinenyasan ko na muna si Kira na lumabas muna sila ni Alfer. “Alfer, samahan mo ko. Bili na muna tayo ng dinner. Nagugutom na ako.” Agad naman nitong sabi at napilitan si Babe na sumama muna kay Kira. Haay salamat.

Nung makaalis sina Kira at si Babe, agad na nagsalita si Nanay. “Miguel, k-kumusta ang lakad mo? Nahuli na ba si Dela Cruz?”

Napabuntong-hininga naman si Papa at pinikit muna ang mga mata habang nakaupo sa sofa ng kwarto. “Nahuli na siya at ang apat pa niyang kasama. Hinayupak na batang yun! Nakipaghabulan pa sa amin. Ang sarap lang basagin ng mukha nung batang yun!”

“Pa, tama na po. Ang importante, nahuli na sya. Pasalamat nalang po tayo dun. At salamat Pa.” Sabi ko.

“Nakasuhan na ba sila, Miguel?” Tanong ni Nanay.

“Nakapagdemanda na kami ng abogado ko Aling Nimfa. Serious Physical Injuries at Illegal Detention. At pinakiusapan ko na rin ang abogado ko na kung maaari lang, gawin nang Serious Illegal Detention ang pangalawang kaso para mabulok na sa bilangguan yang Dela Cruz na yan!”

Nanahimik nalang akong nakahiga sa kama ko, habang nag-uusap sila Nanay at si Papa. Si Karin naman, nasa tabi ko lang at nagbabasa ng Wattpad sa tab niya. Bigla ko naming naalala si Yoh habang tinitignan ko lang si Karin.

“S-sis. Nagkausap na ba kayo ni Y-yui?”

“Hindi pa bro. Di naman nagparamdam simula pa nung isang araw.” Si Karin habang di pa rin natatanggal sa binabasa nito ang tingin.

“Ahh, ganun ba?” Malungkot kong saad.

Sumilip naman ito sa akin at ngumisi. “Namimiss mo si Yui no?”

“Syempre naman. B-bestfriend ko kaya yun!”

“Bestfriend nga lang ba?” Panunukso pa nito. Naramdaman ko naming uminit ang mga pisngi ko, kaya nag-iwas nalang ako ng tingin.

“Ano pa nga ba? Ikaw Karin, kakabasa mo nyang Wattpad jan, kung anu-ano ng kahibangang naiisip mo. May Babe na nga ako diba?”

Binalik naman nito ang tingin sa binabasa nito. “Ikaw bahala. If that would make you sleep tonight, dear brother, push mo yan!” At narinig ko pa itong nagpipigil ng tawa.

“Sis, favor naman o. Wag mo nalang tong sabihin kay Yui ah? Ayokong nag-aalala yun sakin. Busy pa naman yun dun sa pagiging mayaman.” Sinabayan ko pa yun ng isang malutong na tawa para lang di ako mahalata.

“Sige bro.”

Maya-maya pa, dumating na sina Kira at si Babe. Nagulat naman ako ng kinausap ni Babe si Papa.

“T-tito.” Bahagya pang lumingon sa akin si Babe. “P-pwede po ba tayong mag-usap?”

“Sige hijo. Tungkol saan?” Nagkatinginan namin kaming tatlo ni Kira at ni Karin. Pareho lang kaming kinakabahan sa binabalak na Babe, na maski kami ay walang ideya.

“P-pwede po bang sa labas nalang t-tayo mag-usap Tito?” Paanyaya ni Babe.

Tumango naman si Papa at lumabas na sila sa kwarto ko. Kinakabahan man, ay wala na akong nagawa para pigilan sina Papa at si Babe.

“Babe, please. Wag ka ng mag-usisa pa.” Panalangin ko.




====================================

== The TREE ==

Halos madurog ang puso ko ng dumating ako kanina sa ospital.

Nakita ko si Babe na may benda sa ulo at sa kanang braso at balikat. Putok ang mga labi nito at nagka block-eye ang dalawang mata. Kabila’t kanan naman ang mga pasa nito sa katawan.

I’ve failed him. I’ve failed as his boyfriend and his protector. Ang laki-laki kong tanga kasi hindi ko na nga siya nasamahan kagabi, nakipag-inuman at nakipaglandian pa ako kagabi sa bar.

Hiyang-hiya akong humarap kay Babe kanina. All I could say is sorry. And I know, that wasn’t enough to turn back time. That wasn’t enough to take all the pain that he is feeling now.

Kinukulit ko kanina si Babe na umamin kung sino ang may gawa sa kanya nun, pero ayaw na magsalita ni Babe. Si Tito nalang daw ang bahala sa mga salaring gumago kay Babe. Pero di ko pa rin maiwasang mangati ang mga kamay kong sarap na sarap ng mamasag ng mukha.

“I.. I’m really sorry.. I’m sorry Alfer. Kasalanan ko to.” Narinig kong humihikbi na si Kira. Lumabas muna kami para bumili ng hapunan namin nung dumating si Tito Miguel kinagabihan. “Kasalanan ko to. Kung nakinig ako sayo dati pa, h-hindi ito mangyayari sa kapatid ko.”

Inakbayan ko ito at inilapit ito sa akin. Eureka! Sa sinabing iyon ni Kira, mukhang lumiliwanag na ang mga kuro-kuro sa aking isipan. “Hindi Kira. Wag mong sabihin yan. Ako ang may kasalanan ng lahat ng ito. Ako ang boyfriend ni Jayden pero di ko man lang siya magawang ipagtanggol.”

Ayoko na! Kinakain na ako ng konsensya ko. Binitiwan ko naman agad ang balikat nito ng maramdaman kong tumutulo na din ang mga luha ko.  Alam kong hindi nito direktang sasabihin kung sino ang may kagagawan ng lahat, pero dahil sa sinabi nito kanina, mukhang alam ko na.

“I’m really sorry. Hindi ko man lang naprotektahan si Babe. Binigo ko sya. Binigo kita. Binigo ko kayong lahat.”

Tinapik naman ako ni Kira sa balikat. “Alam mo, gusto kong magalit sayo dahil pinabayaan mo ang kapatid ko, p-pero pare-pareho lang tayong may kasalanan. Walang may gustong mangyari ang lahat ng ito.” Napatahan naman ako sa kakaiyak. “Mahal ka ng kapatid ko, at nirerespeto ko yun.”

Pagkarating namin ng ospital, at ng masilayan ko kung gaano kahirap gumalaw si Babe dahil sa mga tinamong pasa at mga sugat nito, naging desperado na ako. I really wanted to get to the bottom of all this crap and make someone pay for what he had done to Babe.

“T-tito.” Alam kong narinig ako ni Babe, kaya nilingon ko ito. Nakita ko itong umiling sa akin tanda na ayaw na nitong kausapin ko pa si Tito Miguel. Agad ko namang ibinalik ang tingin sa kausap. “P-pwede po ba tayong mag-usap?”

“Sige hijo. Tungkol saan?” Kinakabahan ako sa gagawin ko, pero kelangan kong malaman ang katotohanan.

“P-pwede po bang sa labas nalang t-tayo mag-usap Tito?” Request ko kay Tito.

Pinaunlakan naman ni Tito ang aking hiling. Lumabas kami ng kwarto kung nasan naka confine si Babe. I’m sorry babe, pero gusto ko lang malaman ang buong katotohanan.

“T-tito, pwede po bang malaman k-kung anoa ng n-nangyari kay Jayden?”

“Hijo, nagpapasalamat ako at talagang concern ka sa anak ko. Pero okay na ang lahat. Nadakip na namin kanina ng mga pulis ang mga gumawa nito sa kaibigan mo.” Tinapik naman ako nito sa aking balikat. “Maraming salamat sa pag-aalala hijo.”

“Pero Tito…” Kinakabahan na ako sa ginagawa ko. But damn I’m gonna suck it just to get to the truth. “Sino po ba ang mga suspek?”

Nakita ko namang napangiti si Tito. Pero maya-maya pa’y humugot ito ng isang malalim na hininga. “Sina Ralph Dela Cruz at ang mga kasamahan niya sa frat sa school nyo.” Pagkikibit ng balikat ni Tito.

Agad namang nagpanting ang tenga ko sa narinig. Totoo nga pala ang mga hinala ko. Sa ngayon, nagets ko na kung bakit humihingi ng sorry si Kira kanina. Gusto kong magwala at sugurin si Ralph sa kulungan.

“Hijo, kalma ka lang. Wag kang padalos-dalos. Ang importante ay nadakip na silang lima.”

Nag-iinit na ang mukha ko pati ang buo kong pagkatao. Gustong-gusto ko na makita at makaharap si Ralph! “Sorry po, pero kailangan ko po munang umalis!” At natagpuan ko nalang ang aking sariling tinatakbo na ang daan palabas ng ospital. “Magbabayad ka Ralph!” Sigaw ko sa sarili ko.

Dis-oras na ng gabi at di na ako pinapasok ng pulis na naka duty. Pero mabuti nalang at nasilaw ito sa suhol na ibinigay ko at pinagbigyan ako ng kahit sampung minuto para kausapin si Ralph sa selda na kinalalagyan nito.

Alam kong mali ang ginawa kong pangsusuhol pero anong magagawa ko? Desperado na akong makaharap ang gagong bumaboy sa mahal ko. Kating-kati na ang mga kamao ko. Gusto ko ng basagin ang mukha nito.

“Dela Cruz! May bisita ka. Hoy, Dela Cruz!” Tawag dito ng pulis. Agad naman akong sinenyasan at pumasok na din ako.

“Tss. Nakikitang tulog na ang tao eh! Tas anong oras na ba? Bakit may bisita pa? Lintek naman to oh!” Pagdadabog ni Ralph habang kinukusot nito ang mga mata. Nakatayo na ako sa harapan ng selda nito. “O-oy! Look who’s here!” At may gana pa talaga itong ngumisi sa harapan ko.

“Bakit mo ginawa yun?!” Bulyaw ko dito. “Hayop ka Ralph!” Pasalamat ito at may bakal na nakaharang sa pagitan namin. Dahil kung wala, baka di na maabutan ng umaga ang mukha nito.

“Wow. Ang lakas naman ng loob mo Samonte. Bakit? Asan ka kagabi nung kinailangan ka ng boyfriend mo? At ako lang talaga ang hayop dito ah? Big words!” At pumapalakpak pa ito habang lumapit sa akin.

“Pagbabayaran mo tong lahat! Sisiguraduhin kong mabubulok ka dito sa kulungang ito hanggang sa mamatay ka na!” Bulyaw ko dito.

“Come to think of it, bakit ko ba ginawa yun? Natanong mo na ba ang sarili mo?”

“Dahil isa kang duwag! Isa kang kaawa-awang nilalang na hindi man lang ako kayang itumba sa tama at patas na paraan! Gago ka Ralph! Siguro ganun ka talaga ka insecure sa akin.”

“Ipagpalagay na nating tama nga lahat ng mga sinabi mo. Pero sigurado ka na bang tapos na ang lahat? Mag-isip isip ka Samonte. Ikaw ang puno’t dulo ng lahat ng ito! Kaawa-awa nga ang mahal mo kagabi eh. Di mo man lang nasaklolohan. Tsk tsk tsk.” Ngumisi pa ito. Nakwelyuhan ko naman ito at inilapit sa bakal ang katawan nito.

“At ano naman ang magagawa mo?! Eh nakakulong ka jan? At sa tingin mo, may magagawa ka pa para i-angat ang lugmok na lugmok mo ng sarili? Wag kang tanga Dela Cruz!”

“Siguro ako, wala. Pero tandaan mo, di ako nag-iisa. Ingat-ingat nalang Samonte. Di pa tapos ang lahat. Di pa ako tapos sa iyo.” Ngiti pa nito.

Agad naman akong inabisuhan ng pulis na sinuhulan ko at ipinaalam sa akin na kailangan ko ng umalis. Wala na akong nagawa kundi ang lumisan na lamang.

Pero habang lulan ako ng sasakyan ko pabalik ng ospital, di ko mapigilang wag kabahan sa mga sinabi ni Ralph kanina.

“Siguro ako, wala. Pero tandaan mo, di ako nag-iisa. Ingat-ingat nalang Samonte. Di pa tapos ang lahat. Di pa ako tapos sa iyo.” Ang mga salita nito’y nag-eecho pa sa tenga ko.

“Hindi! Hindi maaari. Sa pagkakataong ito, hindi na kita hahayaang mapahamak pa babe! Not this time.” Alam kong seryoso si Ralph sa mga banta nito. At alam kong kahit nakakulong na ito, may mga galamay pa rin ito sa eskwelahan.

Mahal ko si Babe, at binigo ko na sya sa mga nangyari. Pero sa pagkakataong ito, di na ako papayag na mapahamak pa ito. Hindi na!

Pagkarating ko sa ospital, natutulog na si Babe. Ang tangi ko lang naabutan ay si Nanay Nimfa at si Kira na nagbabantay kay Babe. Umuwi na muna daw sina Tito Miguel at Karin para makapagpahinga, at babalik nalang daw bukas para palitan sa pagbabantay sina Nanay.

“Nay, umuwi na po muna kayo ni Kira. Ako na po muna bahala kay Jayden.” Magalang na sabi ko dito. Ewan ko. Siguro pagod lang ako. Pero mukhang nakita ko si Nanay na bahagyang umismid sa akin. Siguro pagod lang talaga ako.

“Nay, sige na po. Kami na dito bahala ni Alfer. Bukas pagbalik nyo, pakidalhan nalang po ng mga gamit si Jayden.” Ngiti pa dito ni Kira. Salamat naman at tumayo na si Nanay at inasikaso ang mga dadalhing gamit pauwi. Hinatid pa ito ni Kira sa may pintuan, pero sa di sinasadyang pagkakataon, narinig ko ang sinabi nito kay Kira.

“Kira, yang kapatid mo ha? Ingatan mo. Wala na akong tiwala sa Alfer na yan!” Mahina pero narinig ko pa ring sabi ni Nanay. At binuksan na nito ang pinto palabas. Pero bago pa man ito lumabas, may sinabi pa ito na mas lalong ikinasakit ng damdamin ko. “Kung naririto lang si Yui eh, hinding-hindi yan mangyayari sa kapatid mo. Haaay!”

“Si Nanay talaga. Hinay-hinay po. Baka marinig kayo. Sige na po, kami na dito. Ingat po sa pag-uwi.” Si Kira. Pagkaalis ni Mama, naupo na din ito sa sofa na nasa tapat ng kama ni Babe.

“Pati si Nanay, na-disappoint ko pa.” Malungkot na sabi ko.

“Wag mo ng intindihin yun. Bumawi ka nalang. Ipakita mong deserving ka pa din.” Ngiti sa akin ni Kira.

“S-salamat Kirara.” Ngumiti naman ako kahit na pilit. “Sige na, matulog ka na jan. Ako na bahala kay Babe.” Tumango naman ito at nagkumot na sa sariling humiga sa sofa.

Ako naman ay andito lang sa tabi ni Babe. Hawak-hawak ang kanyang kamay habang hindi makatulog sa sobrang dami ng tumatakbo sa aking utak.

“Ang tanga mo kasi Alfer! Tinetake for granted mo lang yang si Jayden! Hindi ka na naawa. Puro basketball nalang kasi yang nasa kokote mo!” Pangaral sakin ng konsensya ko. “Pati sila Nanay, iba na ang tingin sayo!”

Ang mas masakit pa nito, kahit na wala na dito si Yui, ay tila nakikipag-kompetensya pa rin ang anino nito sa akin.

Pero naisip kong may tama din naman si Nanay. Si Yui. Si Yui na bestfriend ng mahal ko, at ang pinakamalaking karibal ko sa lahat. Si Yui na palaging nandyan para kay Jayden.

Noon, nung hindi pa kami ni Babe, palagi ko silang nakikitang magkasama. At simula pa noon, kahit di ko aminin sa sarili ko, nagseselos na ako noon pa man sa ka-close-an ng dalawa. Idagdag pang si Yui ang nagsalba sa buhay ni Babe nung minsang nabato ako sa tabi nung kamuntikan ng malunod at mawala si Babe.

Haaay! “Napaka-incompetent mo kasi Alfer!” Sigaw ko sa sarili ko.

Pero hindi. Simula ngayon, pupunan ko na ang mga pagkukulang ko. Hinding-hindi ko na iiwan si Babe. I’ll be his savior, I’ll be his protector.

“This time, I’ll love you even better babe.” At hinalikan ko ang mga kamay nito at ang mga labi nito habang natutulog pa rin ito.


..


Pagkatapos ng apat araw na pananatili at pag-oobserba ng mga doctor kay Babe sa ospital, ay sa wakas, pinayagan na itong maka-uwi.

Sa apat araw nito sa ospital, umuwi lang ako ng dalawang beses at bumabalik agad ako sa tabi ng mahal ko. Pinakita ko kay Nanay na deserving pa din akong pagbigyan ng pangalawang pagkakataon para patunayan ang sarili kong karapat-dapat para kay Babe.

Kahit na minsan ay nahahalata kong mukhang alam na ni Tito Miguel ang tungkol sa amin, bahala na si Batman. Pasalamat nalang ako at di na ito pumalag pa, kung totoong alam na nito ang lahat. Pinapabayaan nalang ako nito sa kung anumang gusto kong gawin. Pero minsan, pinapaalalahanan din ako nitong may pamilya din akong naghihintay sa akin sa bahay. Pero todo palusot nalang ako.

Si Babe naman, gusto ng bumalik ng school para bumalik sa pag-oorganize ng event sa Valentine’s Day, pero tinawagan ko na si Dean Miro at pinaalam ang nangyari, kinabukasan nung dinala siya sa ospital. Pasalamat naman ako’t naging positibo naman si Dean na sumagot sa pakiusap kong ipahawak nalang muna sa iba ang ginagawang preparasyon habang nagpapagaling pa si Babe.

Sa pananatili ni Babe sa ospital, madami din naman ang dumalaw. Sina Mom at Dad, na nakipagkumustahan pa kay Tito Muiguel. Sina Dean Miro at ang ibang Council members ng college. At sina Tita Pearl at si Ate Reema, na pinakiusapan pa ni Babe na wag ng banggitin ang nangyari kay Yui.

February 12, after lunch. Pauwi na kami ng bahay nila Babe. Gusto ni Tito na dun na muna umuwi sa bahay nila si Babe, pero tumanggi ito. Sabi pa nito, mas gagaling sya dun sa nakasanayan niyang bahay.

Nagkaroon ng handaan kinagabihan sa bahay nina Babe. Nagluto sina Nanay at ang kambal. Kami-kami lang ang nagsipunta doon, kasama na si Paul. Naging masaya naman kami at mabilis ang recovery ni Babe.

Pagkatapos ng kainan na iyon, pinilit ako ni Kira na umuwi muna at magpahinga. Pati si Babe, nakiusap na ding umuwi na muna ako at magpahinga.

“Babe, please. Umuwi ka na muna. Hinahanap ka na ng Mommy mo. Okay lang ako dito.” Pakiusap ni babe habang naka puppy-eyes pa para lang pumayag ako. Hawak-hawak nito ang aking mga kamay nung nasa labas na kami ng kanilang bahay at hinatid na ako sa kotse ko.

“Pero kasi babe..”

“Babe, sige na. Ilang araw ka ng walang pahinga. Promise, ayos lang ako dito. Dito naman matutulog si Papa at sina Kira at Karin eh. Please?”

“S-sigurado ka bang okay ka lang dito?”

“Siguradong-sigurado.” Ngumiti pa ito ng pagkatamis-tamis.

Kahit may mga pasa pa din ito at block eye, di pa din nababawasan ang kapogian ng mahal ko. Kaya’t di ako nakapag-timping hindi ito halikan sa mga labi at yakapin ito ng mahigpit.

Wala naming tao sa paligid eh, kaya ayos lang. Disoras na rin ng gabi.

“Good night babe! Babalik din ako bukas ng umaga!” Paalam ko dito at pinaharurot na ang kotse.

Nakita ko naman itong kumakaway pa sa may side mirror ng sasakyan, habang nakatanaw sa aking unti-unting paglalaho.

“Haay Babe, mahal na mahal kita!” At napangiti nalang ako.

“Kumusta si Jayden, anak?” Nagulat pa ako pagkapasok ko ng bahay. Naabutan ko pa sina Mom at Dad na gising pa at nagkakape sa may terrace ng second floor ng bahay.

“Ayos naman Mom. Nakauwi na sya kanina. Mabilis naman ang recovery niya.” Sa di ko maipaliwanang na rason, di ko mapigilang di ngumiti. Nagmumukha na akong asong ulol sa harapan nina Mom.

“Mukhang masaya ka ata ngayon anak?” May himig-sarkastikong tanong ni Dad.

“H-ha? W-wala naman po!” Natataranta kong sagot. Nakita ko naman ang mga itong nagkatinginan nalang at ngumisi. “Ah sige po. Aakyat na po ako sa itaas. Good night Mom, Dad.” At humalik pa ako sa mga pisngi ng mga ito.




============================

== The LEAF ==

Mabuti naman at naunawaan ni Dean Miro ang mga nangyari at ipinaubaya sa pangangasiwa ng Vice-Governor ng College namin ang paghahanda para sa event na unang ipinagkatiwala sa akin. Pasalamat ako’t mababait ang mga tao sa paligid ko.

February 14. Valentine’s Day. Naka crutches  pa din ako sa tindi ng tama ng baseball bat sa kanang binti ko. Pero unti-unti nang naghihilom ang mga sugat at pasa na natamo ko. Ang mga mata ko’y unti-unti na ding bumabalik sa normal.

Tinawagan ako ni Dean Miro kahapon at ipinaalam sa akin na imbitado pa din akong dumalo sa Valentine’s Ball mamayang gabi. Natuwa naman ako sa paanyayang iyon. Syempre, agad akong nagbihis kinahapunan para sa gabing iyon. Pero, hindi si Babe ang ka-date ko mamaya, kasi alam ko naming ayaw pa nitong malaman ng lahat ang tungkol sa amin. Kaya’t si Karin nalang ang inimbitahan kong maging ka-date ko.

Si Babe nga pala. Di ko to nakita buong araw. Basta nalang ito tumawag kaninang umaga para i-greet ako ng Happy Valentine’s Day, at sinabing magkikita nalang kami mamaya sa gymnasium ng school kung san gaganapin ang Ball. Siguro busy na naman ito. Ayo slang. Ganito talaga pag gwapo at sikat ang boyfriend mo. Hahaha!

Nakasuot ako ng isang Silver na Americana na may sky blue na shirt at gray na tie. Si Karin naman ay nakasuot ng isang Pink na gown na lalong nagpalitaw sa ganda nito.

“No wonder I had fallen for you, sis.” Biro ko dito. Kinurot naman ako nito sa may tagiliran. “Arekup!”

“Tumigil ka nga. Landi-landi mo lalaki ka! Incest! Hahaha!” At nakitawa na rin ako kay Karin.

“Pero, seriously, ang ganda mo ngayon sis. Maiinggit silang lahat pag nakita nila kung sino ang ka-date ko ngayon.” At tuluyan na kaming sa looban ng gym.

“We acknowledge the arrival of the Governor of the College of Business Administration, Mr. Jay Denzel Gonzales.” Pangwelcome sa amin ng dalawang emcee ng program. Kumaway naman ako habang naka-crutches pa rin na lumapit sa table ng mga Faculty and Staff ng college namin.

Kinumusta naman ako nina Dean at mga professors ng college namin. Pati na din ng mga kasamahan ko sa council. Puro tawanan at kwentuhan lang, habang hinihintay ang pagsa-start ng program.

Maya-maya pa’y nagstart na ang programa. Nag-prayer, tas kinanta ang Pambansang Awit. Pagkatapos magsi-upo ang lahat, nagsalita ang dalawang emcee.

“In behalf of the College of Business Administration, we would like to thank the Student Council of the college for making these all possible.” Sabi nung babaeng emcee.

“The CBA Student Council is headed by the very dedicated Governor, Mr. Jay Denzel Gonzales. A round of applause for them please.” Sabi nung lalaking emcee. Tumayo naman ako at kumaway-kaway sa mga tao at estudyante.

Pero bago pa man ako makaupo ulit, nakita ko si Sheena Alvero na head cheerleader ng school na nakikipag-usap sa mga Technician na siyang nangangasiwa sa event na ito.

Why is she here? Diba tiga College of Tourism siya? Bakit sya andidito? Sa di maipaliwanag na rason, bigla akong nakaramdam ng pangamba sa aking nakita. Bakit lumalakas ang kabog ng dibdib ko? Nagkakaroon na ako ng masamang kutob. Sana di naman totoo.

“And to give us his words of welcome, ladies and gentlemen, let us all welcome the council Governor, Mr. Jay Denzel Gonzales.” Narinig ko nalang na tinawag ang aking pangalan at wala sa sariling naglakad papunta sa harapan. Nakatayo na ako sa may podium ng biglang magsalita ang babaeng emcee.

“But before anything else, the students would like to present a Video Presentation, as a tribute to our ever dearest Council Governor.” At may video na nag-play sa malaking showboard ng gymnasium.

“No! This can’t be..”


- Itututuloy -

17 comments:

  1. Midterm? Kaka prelims pa lang ng mga schools ah? Hahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. yep. we don't have prelims in our school po. only midterms and final exams.

      Delete
  2. OMG!! Anong Video yun? Fudge.. ganda talaga. Long time no post author. Haha..

    ReplyDelete
  3. Hoy! Haha! Wag mo muna nga i-compare yung gawa ko sa mga gawa niyong tatlo! Haha! Anyways! Bukas ko na to babasahin, nasa work ako at mahirap na, na malowbat agad ako. Nice! Reader mode ako bukas! :D

    ReplyDelete
  4. Alfer, just let go off Jayden! Find yourself a girl. Hinde kayo bagay! Your only taking advantage of him! Specially for Sex.

    ReplyDelete
  5. Hi Mr Author. Oo nga eh medyo nagtagal ung update mo. lagi ko pa namn to inaabangan. I have read stories like this but I can only count stories that I got hooked with. This is one of the best stories from the time I started reading on this blogspot. It's a bit sad na malapit na matapos. But just to think about it that this is actually not the ending but a start of a new and another great stories of yours. ^_^ More power to you and good luck.

    *bluekakero*

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha. oo nga eh. sorry talaga. naging busy lang sa school. thanks for the compliments anyways. reading comments like these, kahit bola, nakakamotivate talaga. hehehe. ;)

      Delete
    2. Hahahah.Bola talaga. Cge na nga ayaw ko na mag comment. Heheheh. Good luck sau. Sana more great stories and more updates. ^_~

      *bluekakero*

      Delete
  6. Gooooosh matindeeeee ano ituuuuu~ Next chapter na! Antagal ko ng di nagcocomment dito e! ~Ken

    ReplyDelete
  7. musta na Jace! sorry at bumitaw muna ako sa Mga comment.
    but this time okey na ako, congrats at medyo mabilis na takbo ng story mo at sana mabilis ng konti yung follow up chapter.

    red 08

    ReplyDelete
    Replies
    1. will try my very best Red to post an update ASAP. maski ako naeexcite na din sa mga mangyayari. hehehe. that's okay. i understand. stay tuned ah?

      Delete
  8. Hmmm exciting na!! Grabe.. I like it MR. Author great Job!!
    Kawawa naman c jayden.. Pero tingin ko mas kawawa c papa alfer.. Hahaha afected ako lagi pag binabasa ko to.. Ang ganda kasi.. Team #alfer4ever - dave :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. sa lahat ng nagko-comment dito, ikaw lang ang maka-Alfer eh. nyahaha! ikaw na Dave. :0

      Delete
  9. Ang ganda pa din. Lagi ko dn yong inaabangan. Kakabitin lang. Ano kayang video yun, jayden and alfer scandal or alfer and his girls scandal nung gabing nag bar sila. Haha. Excited. Yui balik ka na.! Thanks sa update mr. Author!

    -tyler

    ReplyDelete
  10. this confirms my thoughts. pero marami pa ring question mark sa isip ko eh. tas, asan na si Yui? magbabalik pa po ba sya Kuya Jace? pupush na ba talaga yang Al-Den na yan? Bigay mo sakin phone number ni Yui kuya! Pakakasalan ko sya. bwahahaha. nice update po! sana masundan agad. :)

    excellion

    ReplyDelete
  11. Wahahahahaha! Parating na siya! Hahahaha!

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails