Followers

Monday, July 7, 2014

Fated Encounter 19


PASENSYA na kung natagalan.
Salamat sa mga readers, BTW..


CHAPTER NINETEEN

PAGKARATING ni Vin sa bahay ni Mack kasama si Joen ay agad na pagkailang ang nadama niya. Kaunti lang naman ang tao sa sala ngunit lahat ng ito ay magagara ang kasuotan kompara sa kanya. Alam niyang party ang pupuntahan nila ngunit hindi niya i-ne-expect na masyadong formal ang kasuotan ng mga ito. He was only wearing a plain black shirt and paired it with semi-tattered jeans. Simpleng loafers lang ang sapin sa paa niya. Bakit ba kasi kinalimutan niya na mayayaman ang magiging bisita ng kapatid ni Mack? Parang gusto niya tuloy ang magtago sa likuran ni Joen at gawin itong shield sa nag-uuring tingin ng ibang bisita doon. Ang sabi sa kanya ni Mack ay simple ang magiging party ngunit hindi pala.
            Napatingin siya kay Joen na nakatingin sa kanya. Ngumiti ito na ginantihan niya. Napatingin siya sa parte ng katawan nito na suot ang bagay na binili nila kanina. Kahit na kinakabahan ay hindi niya maiwasan balikan ang nangyari kanina.
            Agad na sinagot ni Vin ang cellphone niya nang makitang si Mack ang tumatawag. Alam niyang tumawag ito para pag-usapan nila ang pagdalo niya sa birthday party ng kapatid nito na hindi natapos kaninang nag-usap sila nito dahil sa panggugulo ni Joen na katabi niya. Pangatlong pagtawag na nito iyon. Lagi siya nitong tsi-ni-check kahit hindi naman dapat.
            "`Wag kang mag-alala Mack. Pupunta ako," agad niyang sagot dito.
            Natawa ito. "Mind reader ka na pala ngayon, Vin," pagbibiro nito.
            "Oo. Mind reader na ako ngayon," aniya. "Pero pwera biro, Mack. Alam ko naman na kaya ka tumawag dahil sa continuation ng pag-uusap natin kanina. May epal kasi kanina."
            Pagpaparinig niya sa katabing si Joen na abala sa panonood ng pelikula sa Star Movies. Tumingin ito sa kanya at sinimangutan siya.
            "Hindi ako epal. Masama bang magtanong kanina?" Parang bata na sagot nito. Sa pangalawang pag-uusap kasi nila kanina ni Mack ay bigla na lang sumingit ito at kinuha sa kanya ang cellphone niya at pinatay iyon. Tinanong siya ni Mack kung bakit siya biglang nawala kanina. Tanging sagot niya dito ay biglang namatay ang cellphone niya. Hindi naman niya pwedeng sabihin kasi dito na pinatay ni Joen ang cellphone niya habang kausap ito. Mabuti na nga lang talaga at hindi siya nito pinapakialaman ngayon.
            Binelatan niya ito. Hindi naman nito iyon pinansin at bumaling muli sa telebisyon. Nagpapasalamat talaga siya na pagkatapos ng pag-iisip niya ay maayos na ulit ang estado ng pagkakaibigan nilang apat.
            "Kasama mo pa si Joen?" Nagtatakang tanong ni Mack sa kanya.
            "Oo. Bakit? Hindi pa siya umaalis dahil sabay na kaming pupunta dyan. May problema ba doon?"
            "Wala naman," anito. "Bakit palagi mo na lang siyang kasama?" Ang sabi nito. May pagseselos sa tono.
            "Dahil magkaibigan kami," maiksi niyang sagot.
            "Magkaibigan lang?" Diskumpiyadong tanong nito.
            Napakunot na lamang ang noo niya sa reaksyon nito. "Ang tanong mo naman, Mack, nakakabobo alam mo ba `yon? Mukha ba, ay mali, tunog sinungaling ba ako? Bakit para na ba kaming mag-boyfriend ni Joen dahil palagi kaming magkasama?" Alam ko na alam mo ang totoong pagtingin ko sa kanya, na mahal ko na siya pero hanggang sa lihim na pagmamahal lang ako. Nais sana niyang idugtong pero nasa tabi niya si Joen. Mabubuko siya kung sasabihin niya iyon.
            "Hindi naman," maasim na sagot nito. "It's just I'm jealous. You two been inseperable since the day you met. At nang bumalik siya ay palagi na ulit kayong magkasama. And take note magkakilala na kayo nang masyado. Nagseselos ako, Vin. Palagi mo siyang kasama samantalang `pag kami ni Nick ang nagyayaya sa`yo na lumabas ay umaayaw ka. Mukhang close na close na kayo ng pinsan ko. Sana ay hindi iyan mauwi sa tuluyang pagkakagustuhan niyong dalawa. Kahit kasi bangayan kayo ng bangayan sa simpleng bagay in the end magkasundo pa rin kayo. Ikaw pa lang ang natagalan ni Joen na kasama. At ikaw pa lang ang nakakatagal sa kanya. Natatakot ako kasi mahal mo na siya at baka lalo kang mahulog sa kanya. Bigyan mo naman ako ng pagkakataon."
            "Dapat ba akong matuwa?" Pagbibiro niya. Pero deep inside ay natutuwa siya sa mga nalaman. Pinagkakatiwalaan siya ni Joen. Isa pa ay komportable ito sa kanya at ganoon din siya dito kahit na mahilig silang magtalo sa mga simpleng bagay. Komportable ulit sila sa isa't-isa pagkatapos ng nangyari. Sa kabilang banda naman ay nalulungkot siya sa mga sinabi ni Mack. Totoo kasi ang lahat ng sinabi nito. Tuwing magyayaya ang ito na lumabas sila ay lagi na siyang tumatanggi. Lalo na pagkatapos nito siyang halikan. Ang pagsundo nito sa kanya sana kanina ay hindi siya kumontra dahil kahit papaano ay kaibigan niya ito. Iyon nga lang ay iba ang pagtingin nito sa mga bagay na ginagawa nito para sa kanya.
            Damang-dama niya ang pagseselos nito sa bawat katagang sinabi nito. Gusto niyang sabihin dito ang mga sinabi niya na wala itong pag-asa sa kanya pero pinigilan niya ang sarili. Ang mga ganoon na bagay ay hindi niya dapat sabihin dito lalo na at nasa tabi niya si Joen.
            Napangiti na lamang siya nang mapait. Talagang makakasakit siya ng damdamin kahit ayaw niya. Hindi naman kasi talaga maiiwasan iyon.
            "Ewan ko sa `yo, Vin. Nakakabobo ka ring kausap." Ang sabi nito, tila talunan. "Tutal nand'yan na si Joen sa kanya ka na lang magpasama mamaya." May pait sa tinig nito. Halos padaskol rin iyon pero bumawi ito. "Mukha kasing hindi kita masusundo dahil abala rin ako. I'm expecting you later. Okay lang kung wala kang regalo katulad kanina. Dapat bago mag-five ay nasa bahay ka na. Understood?"
            "Wow, Mack! Pakiramdam ko special ako ng bonggang-bongga. Hindi ako pwedeng hindi magdala ng regalo. Nakakahiya kaya `yon."
            "Ikaw ang bahala. Basta pumunta ka. Sige, kailangan ko nang tapusin ang tawag. I have something to do. Bye, Vin, see you later. I love you."
            Natigilan siya sa huling sinabi nito. "O-okay. Bye. See you later."
            Bumuntung-hininga siya saka bumaling kay Joen. Still, his eyes were focused on the television. "Anong pwedeng panregalo sa kapatid ni Mack?"
            Sumagot ito ngunit hindi tumingin sa kanya. "Kay Danna ba?"
            "Oo. Nakalimutan ko kasing itanong kung ano ba ang gusto ng kapatid ni Mack, eh."
            "Anything will be fine, Vin," nonchalant na tugon nito. "Wala akong alam sa mga ganyan na bagay."
            "Wala kang kwentang kausap."
            Nakasimangot na humarap ito sa kanya. At last humarap din kahit nakasimangot.
            "Walang kwenta pa talaga ako? Ayos ka rin, no? Mabuti nga sinasagot pa kita kahit na wala akong alam sa mga ganoon."
            "Eh, totoo naman, ah. Kinakausap kita hindi ka tumitingin sa `kin. Nonchalant ka pa."
            "Pasensya ka na, ah. Nakita mong abala ako sa pinapanood ko, eh." Nang-aasar na sabi nito.
            Inirapan niya ito. Adik talaga ang lalaking ito. "Nanligaw ka ba?"
            Nag-iwas ito ng tingin. Hindi sumagot. Lihim siyang napangiti. Sa ganoon na katanungan lang pala siya makakaganti sa pang-aasar nito. "Ang pananahimik na `yan ay oo ang sagot." Panggagaya niya sa sinasabi nito tuwing nananahimik siya kapag gusto siya nitong halikan. Speaking of halikan, hindi siya pumayag na magpahalik dito kanina. "Paano ka nagkaroon ng girlfriend kung hindi ka nanligaw?"
            "Kailangan ba talagang itanong mo `yan sa akin? Sa hitsura kong ito mukha ba akong nanliligaw? Ako ang nililigawan,Vin."
            "Ang yabang! Ikaw ang nililigawan kung ganoon?"
            "Tinatanong pa ba `yan."
            "Malamang. Kaya nga ako nagtatanong."
            "Alam mo `pag nag-uusap tayo walang pinatutunguhan."
            "Ay! Pansin mo rin pala." Pang-aasar niya dito.
            "Nakakaasar ka. Alam mo ba `yon?"
            Nginisihan niya ito. "Okay lang `yon Joen. Komportable ka naman sa `kin." Pagyayabang niya.
            "Mayabang ka rin."
            "Namana ko`yon sa `yo."
            "Ewan ko sa `yo," nakasimangot na sabi nito.
            "Ewan ko din sa `yo."  
            Napa-halakhak na lang siya ng guluhin nito ang magulong buhok at naaasar na iniwanan siya. Sa huli ay siya ang nagwagi at si Joen ang dakilang sawi. Natahimik siya nang sumagi sa isip niya ang reaksyon nito.Ang gwapo ng kumag kapag naaasar. Kahit na anong reaksyon ang ipakita ng mukha nito ay nagsusumigaw pa rin na magandang lalaki ito.
            Para mawala ang pagka-asar ni Joen sa kanya ay niyaya na lang niya ito na magpunta sa malapit na mall para makabili siya ng regalo. Hindi sana ito papayag pero kinulit niya ito. Sumakay sila ng jeep. Bumaba sa harap ng mall. Pumasok sa loob pero malaki pa rin ang pagkakasimangot ni Joen. Para mawala ang simangot nito ay hinila niya ito sa harap ng isang ice cream stand.
            Tiningnan siya nito.
            "Pumili ka ng flavor na gusto mo, ako ang magbabayad."
            "Anong tingin mo sa `kin, bata? Ayoko nga niyan. Hindi ako mahilig sa ice cream."
            "Eh, anong gusto mo? Anong gusto mong gawin ko para mawala ang simangot na `yan sa mukha mo?"
            "Alam mo kung ano ang gusto ko," Agad na sabi nito, sabay tingin sa mukha niya, partikular sa kanyang labi, saka siya iniwanan. Natameme na lamang siya. Nang matauhan ay sinundan niya ito. Hindi na lang niya pinansin ang pagka-bad-trip nito. Iba rin talaga ang lalaking ito. Siya na nga ang nag-e-effort para mawala ang simangot nito ay ayaw pa nito. Well. Kasalanan rin naman pala niya kung bakit ganoon ang tabas ng mukha nito. Ang lakas kasi niyang mang-asar.
            Kahit saan ito nagpunta at tahimik lamang siya nakasunod. Sa huli ay nauwi sila sa isang jewelry shop. Tumingin ito sa mga kuwintas na naka-display doon. Dahil wala naman siyang interes sa mga alahas ay hindi siya nag-abala na tumingin sa mga iyon. Nagdesisyon siyang lumabas at doon na lang hintayin si Joen. Palabas na siya ng boutique nang maagaw ang atensyon niya ng dalawang singsing na naka-display. Promise ring ang mga iyon at pwedeng i-engrave ang pangalan ng mga magsusuot niyon. Napahinto siya sa tapat niyon at sinipat ang magkaparehang singsing. Minsan naisip niya kung pagdating ng panahon ay may magbibigay rin sa kanya ng ganoon. Alam niya na malayo na mangyari iyon ngunit hindi niya mapigilan ang sariling mangarap.
            "Gusto mo ba `yan?" tanong ni Joen na nagpagulat sa kanya. Nasa tabi na pala niya ito at nakatingin rin sa singsing. Hindi na ito nakasimangot at parang wala ng iniinda. Good mood na ang loko.
            "Oo, gusto kong magkaroon ng ganyan. Minsan naisip ko na sana may magbigay sa `kin ng ganyan."
            "Gusto mo bilhin ko para sa `yo. Pwede rin naman `yan sa magkaibigan."
            Nanlaki ang mata niya na nakatingin dito. "Gagawin mo `yon?" Hindi naniniwalang tanong niya.
            "`Yun ay kung gusto mo naman. Promise ring ang mga `yan, hindi ba?"
            "Oo." Mabilis niyang sagot. "Gustong-gusto. Pero mas masaya sana kung ang magbibigay sa `kin ng ganyan `yong tao na magiging bahagi ng buhay ko. `Yung hanggang sa pagtanda kasama ko." Makahulugan niyang sabi.
            "Magkaibigan tayo. Hindi lang basta magkaibigan dahil.." Huminto ito at ibinulong sa kanya ang sasabihin pa. "..naghahalikan tayo. We're more than that, Vin." Natigilan siya at napatingin dito habang lumayo ito sa kanya. So, katulad niya ay napansin din nito iyon. They were more than that. Walang label pero ganoon sila. "Promise ring `yan at pwede sa `tin. I'll buy it in one condition. Ibibigay mo sa `kin ang singsing na may pangalan mo ang nakalagay at ibibigay ko sa `yo `yong singsing na pangalan ko ang nakalagay."
            Maluwang siyang napangiti. Mabuti na lang at hindi siya mahilig magbigay ng kulay sa mga bagay pero sa sinabi ni Joen ay nag-iba ang pananaw niya. Sa halik lang na nangyari sa kanila siya nag-isip nang ganoon pero hindi na ngayon. Lahat ng aksyon na gagawin nito ay bibigyan niya ng kulay, kahit alam niya na sa gagawin niya ay masasaktan siya kapag natapos na iyon. Kahit na mag-isip siya ng ganoon alam naman niya na hindi na malabo iyon. Hindi rin niya mapigilan ang puso niya na umasa. Gusto niyang maging masaya sa piling nito. He will seize the moment with Joen, the man he loved. He wishes that somehow Joen also feel that something special to him. `Yong katulad ng special na pakiramdam na nararamdaman niya ngayon. Na sana ay dama din nito ang 'connection' na nararamdaman niya para dito kahit na pareho silang lalaki. Na sana ang halik na namagitan sa kanila ay 'something' para dito kagaya ng nararamdaman niya. Na pwedeng mag-lead on sa 'love'.
            May something sa inyo, Vin. May connection din. Hindi ko alam kung manhid ka ba o sadyang nagmamanhid-manhidan. Kahit hindi sabihin ay mayroon sa inyo ni Joen na nag-uugnay. Narinig mo naman kung ano ang iniisip niya tungkol sa halik, `di ba? Takot ka lang. Sobrang takot sa kaiisip ng mga mangyayari kahit na wala pa kayo doon. `Wag kang matakot. Just go with the flow. Stop being pessimistic about things that will happen between the two of you. Ani ng sarili niya. Pati iyon ay sinesermunan na siya sa mga pinagagawa niya.
            Tinawag nito ang saleslady. Agad naman iyong lumapit. Habang kausap nito ang saleslady ay nakatingin lang siya dito. Hindi pa naging maganda ang una nilang pagtatagpo ngunit ang atraksyon na nadarama niya dito ay malubha. Malubhang atraksyon na nagbibigay sa kanya ng kaligayahan but at the same time ay takot at kalungkutan. Sana ay maging handa siya sa malalim na pagbagsak niya. Mahal na mahal na niya ang lalaking ito. Bakit ba kasi sobra siyang takot na makasakit kahit alam naman niya na nagawa na niya iyon?
            Bumaling ito sa kanya. Hindi siya nag-iwas ng tingin."Baka matunaw ako n'yan," nakangiting sabi nito.
            "Hindi ka matutunaw. Makapal mo kaya."
            "Hindi kaya," mariing tanggi nito.
            "Alam mo kung hindi ka lang straight, iisipin ko na may gusto ka sa `kin," pabiro niyang sabi dito. Binabaliktad lang niya ang sitwasyon. Tanga ka talaga. Hindi pa ba, Vin. Parang hindi mo narinig ang sinabi niya kanina.
            Nawala ang ngiti nito. Napalitan iyon ng kaseryosohan. "`Di ganoon ang isipin mo. Wala akong paki-alam. Wala `yong kaso sa akin." anito. "Mas okay nga `yon, eh. Para kapag sinabi ko na sa `yo ang totoo kong nraramdaman ay maging madali na lang at maging tayo agad."
            "May sinasabi ka?" Kunot ang noong tanong niya.
            "Wala," anito saka siya iniwanan para puntahan ang saleslady.
            Natigil siya sa pagbabalik-tanaw nang maramdaman niya ang paghawak ni Joen sa kamay niya. Napatingin siya dito.
            "Don't worry, Vin. Hindi nangangagat ang mga `yan. Bagong mukha ka lang kaya ganyan makatingin."
            "Sigurado ka?" Ang paniniyak niya.
            "Siguradong-sigurado." May katiyakan na sagot nito. "In any case na may mangagat man sa `yo, `wag kang mag-alala. Ihaharang ko ang sarili ko."
            Kinilig siya sa sinabi nito. Ang sarap pa naman sa pakiramdam ang mahawakan ang kamay nito.  
            Binati nito ang mga taong nakasalubong nila. Kinakausap naman nito ang mga iyon ngunit agad din itong nagpapaalam. Habang kausap rin nito ang mga iyon ay hindi nito binibitawan ang kamay niya. Tila walang balak na pakawalan siya.
            Nang makarating sila sa second floor ng bahay nina Mack ay saka pa lang binitawan ni Joen ang kamay niya. Nakadama siya ng panghihinayang. Parang gusto niya tuloy hilahin ito pababa at lumabas ulit sila para hawakan nito muli ang kamay niya.
            "Nasaan na ba si Mack?" Tanong niya dito.
            "Hindi ko alam. Baka dyan lang sa tabi-tabi. Busy sa pag-aasikaso ng mga bisita nila."
            "Tawagan mo na kaya," utos niya dito. "Nakapasok na tayo pero wala pa `yong anino niya dito."
            "Ang galing mo talagang mang-utos, no?" Nang-aasar na sabi ni Joen pero kinuha naman ang cellphone nito at tinawagan ang pinsan.
            "Wala. Hindi sinasagot," sabi ni Joen saka itinago ang cellphone sa bulsa ng suot nitong pantalon.
            "Ano ba naman `yan?" reklamo niya. Naramdaman niya ang pag-vibrate ng cellphone niya. Kinuha niya iyon para mabasa kung sino ang nag-text. Ang pangalan ni Nick ang nasa screen. Binasa niya ang text nito.
            Vin, nasa bahay na ako ni Mack. Saan ka? I need a companion. Naiilang ako dito. Ang dami ng nakatingin sa `kin.
            Napangiti siya sa nabasa.
            "Sino `yan? Ang lawak ng ngiti natin, ah."
            Nag-reply siya sa text ni Nick. Pagkatapos ay isilid niya ang cellphone sa bulsa niya. Tiningnan niya si Joen. Nakakunot ang noo nito. Ano na naman kaya ang problema ng lalaking ito? Ang bilis magbago ng mood.
            "Anong problema mo?" Tanong niya dito.
            "Tinatanong kita tapos sinasagot mo ako ng tanong. Nakakairita lang."
            Napahiya siya ng bahagya. Nakalimutan niya ang tanong nito. "Ano nga ulit ang tanong mo."
            "Sino ba `yang nag-text sa `yo? Nabasa mo lang nawala ka sa sarili."
            "Si Nick," agad niyang sagot.
            "Textmate na kayo katulad kay Mack?"
            "Oo. Parang ganoon na rin `yon."
            "Palagi mo bang ka-text ang mga pinsan ko?"
            Kumunot ang noo niya. "Ano kita? Boyfriend? Tatay? Kung makatanong ka naman. Para matigil ka sa kakatanong mo. Hindi ko sila madalas ka-text. Hindi pa sa ngayon. At isa pa, Joen, magkasama kaya tayo palagi. Palagi ko bang hawak ang cellphone ko?"
            "Hindi mo `ko boyfriend pero may unawaan na tayo," sagot nito. "Hindi, isang beses lang na hawak mo ang cellphone mo." Mabilis na sagot nito sa huling tanong niya.
            "Nandito na rin daw si Nick. Kailangan daw niya ng kasama marami daw ang nakatingin sa kanya." Imporma niya dito.
            "Nagpapasama siya sa `yo?"
            "Oo nagpapasama siya pero hindi lang sa `kin, sa atin."
            "Ikaw lang ang ti-next, `di sa `yo nagpapasama. Go. Puntahan mo na siya."
            Bahagya siyang nakadama ng pagka-irita dito. "Alam mo ang moody mong lalaki ka. Kasama kita n'ung pumunta ako dito tapos itataboy mo ako para puntahan si Nick. Anong akala mo sa `kin walang hiya?"
            Lumapit siya dito. Hinawakan niya ito sa kamay at hinila ngunit ang moody na lalaki, nagmamatigas. Hindi ito gumagalaw at pinapabigat ang sarili para hindi niya magalaw. Dinadaan nito sa tangkad at bigat ang hilahan nila.
            "Nakaka-asar ka!" Pagmamaktol niya.
   "Puntahan mo na kasi siya. `Wag mo na akong isama. I can manage here. Okay lang sa `kin na iwanan mo ako."
            "Sa akin hindi `yon okay. Kailangan kitang isama. Huwag ka na kasing magmatigas."
            "Hindi ako nagmamatigas. Nagseselos ako," anito na ikinatigil niya. "Gusto kong kapag ako ang kasama mo ay akin lang ang atensyon mo. May unawaan na tayo, hindi ba? We also have connection that only the two of us knew. Kahit hindi tayo magsabihan ng 'I love you' sa isa't-isa ay higit pa tayo sa magkaibigan, Vin."
            "Sige, sabihin natin na may connection tayo pero hindi tayo. May unawaan nga tayo pero hindi tayo"
            "Hindi nga tayo pero may unawaan na tayo," giit nito.
            "Makulit ka talaga," aniya.
            "Ikaw naman pakipot. Nagmamanhid-manhidan."
            "Ewan ko sa `yo. Adik ka. Baliw."
            "Ikaw rin naman, eh. Baliw ka rin. Adik ka rin."
            Nagpatuloy sila sa paghilahan. Walang nagpapatalo. Nagulat siya nang hilahin siya ni Joen palapit dito. Napasubsob siya dito. Hinawakan nito ang mukha niya at itinaas iyon. Nagtama ang paningin nila. Again, unti-unting bumaba ang mukha nito sa mukha niya. Ilang distansya na lang ang layo ng mukha nila. Natigil lamang iyon ng may dumating at magsalita ang mga ito. Pareho silang napabaling ni Joen sa mga taong iyon.
            "May lovers pala dito, Nick. Mukhang istorbo tayo, pinsan," ani Mack.
            "Mukha nga. Mukha ngang may mangyayari na naman na hindi dapat. Kaya pala ang tagal nilang bumaba dahil doon," pag-segunda naman ni Nick.
            Nasa tono ng mga ito ang pagbibiro ngunit iba ang pinapakita ng mukha ng mga ito. Seryoso. Nakita niya rin ang pagtiim ng bagang ni Nick at pagkuyom ng kamao nito. Ganundin ang reaksyon ni Mack. Ayaw ang nakikita. Nakadama siya ng hiya at pagkailang. Sunod doon ay tensyon. Mabilis siyang lumayo kay Joen.
            Ano na naman ba `to? Muli bang magkakagulo dahil sa nakita ng mga ito? `Wag naman sana dahil ayaw kong lumayo kay Joen. Ayaw na niyang magkagulo pa ang mga ito dahil lang sa kanya. Nahihirapan siya.


TENSYONADO iyon ang mga pakiramdam ni Vin habang kasalo ang tatlong lalaki sa pabilog na mesa na laan para sa kanilang apat. Pagkatapos ng insidente kanina ay walang nagsalita sa mga ito. Bumaba na lang basta si Mack kasunod si Nick. Nagkatinginan sila ni Joen ngunit wala namang nagsalita sa kanilang dalawa. At ngayon, habang kasalo niya ang mga ito ay wala pa ring nagsasalita. Tila nagpapakiramdaman sa bawat kilos ng isa't-isa. Parang gusto niya tuloy ang lumipat ng ibang mesa ang kaso ay wala naman siyang kilala sa mga bisita ng mga ito. Dapat ay matuwa siya dahil napapaligiran siya ng tatlong gwapong lalaki, mga walang tulak kabigin na kagwapuhan pero hindi iyon ang nararamdaman niya. Pamasid-masid lamang sa paligid ang ginagawa niya.
            Damang-dama niya ang tensyon sa tatlong lalaki na kasalo niya sa mesa. Nagtitinginan ang mga ito at nagpapalitan ng masasamang titig. Kung kanina pa may sibat o kaya ay pana ang mga tingin na ibinibigay ng mga ito sa isa't-isa ay baka patay na si Joen. Kinakabahan na siya. Piping nagdarasal na sana ay hindi muling mag-away ang mga ito.  
            Mabuti na lang at lumapit sa kanila ang isang pinsan ng mga ito. Pansamantalang nawala ang ilang at hiya niya. Ngumingiti siya kapag nginingitian. Sumasagot kapag tinatanong. Ngunit nang umalis ang pinsan ng mga ito ay balik na naman sa dati. Hindi niya tuloy alam kung ano ang iaakto sa harap ng tatlong lalaking ito. Kimi niyang nginitian si Joen. Gumanti rin ito ng ngiti. Nakahinga siya nang maluwang dahil mukhang good mood na ulit ito. Bumaling siya kay Mack. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya. Si Nick naman ay ganoon din. Namomroblema na siya. Baka kasi sumabog na lang ang mga ito at magkagulo.
            Napansin niyang wala pa pala siyang pagkain. Buffet style kaya kailangan pa niyang kumuha ng pagkain. Patayo na sana siya nang pigilan siya ni Nick sa pamamagitan nang paghawak sa kamay niya.
            "Ako na ang kukuha ng pagkain mo. Kahit ano naman `ata kinakain mo." Ang sabi nito hindi maipagkakaila ang lungkot sa mukha.
            "Ako na lang ang kukuha ng pagkain ni Vin," pag-singit ni Joen.
            Nakadama siya ng tensyon. "Ako na lang ang kukuha ng pagkain ko. Hindi n'yo kailangang obligahin ang sarili n'yo. Kaya ko ang sarili ko. Hindi na ako bata na aalagaan pa."
            "Ako na ang kukuha ng pagkain ni Vin," ani Mack saka tumayo. Napasunod na lamang ang tingin niya dito. Hindi na siya naka-kontra.
            Napahugot siya ng isang malalim na paghinga.
            Mga ilang minuto na ang nakakalipas ay hindi pa bumabalik si Mack. Of course may ideya siya kung ano ang problema ng lalaking iyon. Kaya hindi nagsasalita si Mack dahil sa nakita nito kanina sa pagitan nila ni Joen. Nagseselos ito kay Joen.
            Kailangan na niya itong kausapin. "Kakausapin ko muna si Mack," ang sabi niya sa dalawa. Walang naging tugon ang mga ito. "Pagkatapos ko siyang kausapin ay ikaw naman Nick." Tumango lang ito.
            Tumayo siya at hinanap kung saan si Mack.
            Dumiretso siya sa loob ng bahay. Nang makita niya ang isang katulong ay agad siyang nagtanong dito kung nakita nito si Mack. Nang sabihin nito na nakita nitong umakyat at baka nasa kwarto ay nagpaalam siya at agad na umakyat. Siyempre ay kinuha niya ang direksyon kung saan ang kwarto ni Mack.
            Nang makarating siya doon ay huminga muna siya nang malalim. Kinakabahan siya sa gagawin niya pero kailangan niyang gawin ito para sa ikabubuti niya at sa ikabubuti nito. Ayaw na niyang mahirapan, pati ito. Kahit alam niyang makakasakit siya ay ito ang mabisang paraan.
            Mahina siyang kumatok.


DUMIRETSO si Mack sa kanyang kwarto imbes na kumuha ng pagkain ni Vin. Nang makapasok siya ay agad siyang sumigaw. Gusto niyang magwala. Nang makita niya ang kanyang unan ay kinuha niya iyon at basta na lang niya itinapon. Galit siya. Galit na galit sa nasaksihan kanina lang. Bakit ganoon? Wala na ba talagang puwang siya sa puso ni Vin? Ganoon na ba nito kamahal si Joen at kahit na sa bahay nila ay hindi maipagkakaila ang koneksyon ng mga ito sa isa't-isa.
            Nang makausap niya kanina si Vin sa cellphone niya ay bumangon na ang pagseselos sa kanyang puso nang malaman na nasa bahay nito si Joen. Hindi siya pwedeng magreklamo dahil wala naman sila. Inamin niya kay Vin na nagseselos siya pero hanggang doon lang naman iyon. Hindi naman niya kasi pwedeng rendahan si Vin kung sino ang gusto nitong kasama sa kanilang tatlo dahil walang sila. Si Joen. Si Joen ang matimbang dito at silang dalawa ni Nick, siya ay laging nahuhuli. Sa mga nakita niya ay dapat na ba siyang sumuko? Dapat na ba niyang sukuan si Vin? At hayaan ito na makasama si Joen kung saan ito magiging masaya.  
            Napangiti siya nang mapait at padausdos na umupo sa isang sulok. Sinabunutan niya ang sarili sa kamiserablehan na nararamdaman niya. Hindi niya kayang isuko si Vin. Nahihirapan siya, oo, pero mahal niya si Vin at hindi niya ito susukuan. It selfish may sound but he don't care. He will fight for him no matter what. Sa ginawa ni Joen ay tila nabalewala lang ang pinag-usapan nilang tatlo. Hindi pa rin ito patas lumaban.
            Kumuyom ang kamao niya. Hinayaan niyang tumulo ang kanyang luha. Napatingin siya sa pintuan ng kanyang kwarto nang marinig ang mahihinang katok doon. Hindi siya sumagot. Wala siyang balak na magpakita kung sino man ang nasa labas ng kwarto niya. Ayaw niyang makita ng taong iyon ang kamiserablehan na sitwasyon niya. Gusto niyang mapag-isa at mag-isip.
            Wala na siyang narinig na katok ngunit pinihit ng nasa labas ang seradura at dahan-dahan ay bumukas ang pintuan ng kwarto niya. Pumasok si Vin. Ang taong dahilan ng paghihirap niya. Ang taong mahal niya kahit alam niyang wala siyang makukuha mula dito.
            "Mack," ang tawag nito sa kanya.
            Hindi siya tumugon. Sinalubong lang niya ang malungkot nitong tingin.
            "Mack," muling sabi nito saka siya nilapitan. Umupo ito sa tabi niya. "I'm sorry. Please, tigilan mo na ito. Alam kong mahal mo `ko pero hindi ko `yon matutugunan, Mack. Mahal ko si Joen at hindi iyon magbabago kahit na hindi ko sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Tigilan mo na ang ginagawa mo kasi hindi lang naman ikaw ang nasasaktan, eh, pati ako. Nasasaktan ako kapag nakikita kitang nasasaktan kasi mahalaga ka sa `kin, bilang kaibigan. Hindi ako para sa `yo. Hindi magiging tayo kahit na ano man ang gawin mo. I'm sorry kasi nahihirapan ka dahil sa `kin. I'm sorry kasi dahil sa `kin ay malungkot ka. I'm sorry kasi dahil sa `kin ay nagkakagulo kayong mag-pi-pinsan. I'm sorry kasi kahit na ano man ang gawin mo ay hindi ko matutugunan ang pagmamahal mo."
            Tumulo ang luha ni Vin. Niyakap siya nito nang mahigpit. Ang tahimik niyang pagluha ay nagkaroon ng tunog, ganoon din ito. Mas masakit ang nararamdaman niya ngayon kaysa sa una niyang sakit sa puso. Mas masidhi ang nararamdaman niya ngayon kay Vin.
            "I'm sorry, Vin. Alam kong nahihirapan ka ng dahil sa `kin. I'm sorry kasi hindi ako susuko sa pagmamahal ko sa `yo. Sa mga sinabi mo, alam kong wala na talaga akong pag-asa pero makulit ang puso ko. Hindi ito titigil sa pagmamahal ko sa `yo. Call me a masochist for not giving up and for hurting myself but I don't care. I love you and I won't let you go without a fight."
            "Mack.." A long pause come between them. Nawalan ng masasabi si Vin.
            Niyakap niya ito nang mahigpit. Hindi siya susuko. Alam niyang wala na siyang pag-asa na makuha ang pagmamahal nito kay Joen pero hindi niya ito susukuan kahit na masaktan siya nang sobra.
            "Mahal na mahal kita, Vin," sabi niya saka ito hinalikan sa labi na ikinagulat nito.
            Katulad ng dati ay itinulak siya nito palayo dito. Nakakalungkot ngunit wala siyang panghihinayang na nararamdaman.
             And for, Joen, magtutuos sila nito. Simula sa araw na ito ay i-te-take aside niya na magpinsan sila. Lalabanan niya ito sa abot ng kanyang makakaya. Lamang pa rin siya dahil hindi nito alam ang totoong nararamdaman ni Vin dito. Sabihin nang naghalikan ang mga ito, wala siyang pakialam. Wala pa ring pinanghahawakan si Joen kay Vin.
            "Please Mack, stop this," ang sabi ni Vin. Tila nabasa ang nasa utak niya. "Tigilan mo na ang pagpapahirap sa sarili mo. Ilang ulit ko ba dapat sabihin sa `yo na wala kang aasahan sa `kin. Na hindi magiging tayo. Para na akong sirang plaka na sinasabi iyon sa `yo. Alam ko na sa mga sinasabi ko ay nasasaktan kita nang paulit-ulit pero iyon ang katotohanan, Mack. I can't love you in return. Kanina, bago kayo dumating ni Nick ay sinabi sa `kin ni Joen na may unawaan na kami. Hindi kami pero may unawaan kami," pagbibigay diin nito sa 'unawaan'. "Ano ba ang dapat kong gawin para itigil mo na ito?"
            "Titigil ako kapag nasabi mo na kay Joen ang totoo mong nararamdaman. `Yong hindi lang kayo basta nagkaka-unawaan. `Yong higit pa doon. Nasasaktan ako ng sobra-sobra, Vin, pero ayaw naman tumigil nito, eh," itinuro nito ang kaliwang dibdib. Sa tapat ng puso nito. "Masakit na masakit, Vin, pero hindi siya tumitigil na mahalin ka. Kahit na nagsusumigaw na ang katotohanan na wala akong aasahan sa `yo."
            Humagulgol si Vin. "I'm sorry, Mack. I'm sorry. I'm sorry. Sana hindi ko na lang kayo nakilalang tatlo. Masyado ko na kayong nasasaktan na tatlo. Ikaw, si Nick, pati si Joen. Gusto ko siya pero hindi ko naman masabi sa kanya ang nararamdaman ko. Nasasaktan ako kapag nasasaktan ka. Ayokong makasakit pero hindi ko naman `yon maiwasan. Sana hindi ko na lang kayo nakilala. Sana hindi ko na lang kayo naging kaibigan. Sana iba na lang ang minamahal ko at hindi na ang pinsan mo para hindi ko kayo nasasaktan ni Nick. Masakit na para sa `kin ang sitwasyon ko, Mack. May pinagdadaanan na ako at mas nadagdagan pa iyon sa pagdating n'yong tatlo sa buhay ko. Hindi ko na kaya `to. "
            Tumigil si Vin sa pagsasalita. Umiyak ito ng umiyak.
            Natigilan si Mack at niyakap si Vin. Kung nasasaktan siya ay mas nasasaktan niya ito. Sa kanilang sitwasyon na apat ay ito ang mas nahihirapan. Maliban sa problema sa kanila ay may malaki pa itong problema. Tila naliwanagan siya sa mga narinig at sa nakikitang pagluha at paghihirap nito. Ayaw niyang nakikitang nahihirapan ito. Sa pag-iisp niya sa pagmamahal dito at sa sarili niya ay nakalimutan niya na sa kanilang apat ay si Vin ang nahihirapan. Ito ang naiipit. Naging makasarili siya at walang ibang iniisip kundi ang sarili niya. Ang pagmamahal niya dito.
            "I'm sorry, Vin. I'm sorry for being selfish. Kahit masakit sa `kin na huwag magpatuloy ay gagawin ko para sa ikatatahimik mo. Kahit hindi tayo ay ibinibigay na kita kay Joen. I'll still love you no matter what. Magkakasya na lang ako na maging kaibigan sa `yo." Ang sabi niya. Masakit ang sumuko pero iyon na ang mabisang paraan para huwag masaktan si Vin. Ang pagmamahal ay pagpaparaya. Kung mahal niya talaga ito ay hahayaan niya ito sa taong magpapaligaya dito. Masakit pero kakayanin niya.
            Hindi ito nagsalita. Nagpatuloy lang ito sa pag-iyak.


KANINA pa naiinip si Joen habang naghihintay sa pagbalik ni Vin. Kanina pa ito umalis para kausapin si Mack ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin ito. Gusto na niyang umalis at puntahan ito. Hindi niya pinapansin si Nick kahit na matalim ang titig na binibigay nito sa kanya. Hindi siya kinakabahan doon o natatakot. Wala siyang pakialam dito. Tatayo na sana siya nang magsalita si Nick.
            "Hindi ka talaga patas lumaban, Joen," anito. "Bantay-salakay ka talaga sa kanya. Ganoon ka na ba ka-desperado para makuha si Vin sa `min."
            "Hindi ako desperado," mariin niyang tanggi. Alam niya na nagmumukha na siyang ganoon. "I just wanted to be with him everytime. Wala akong pakialam sa `yo o kay Mack man, Nick. Alam kong nag-usap na tayo sa set-up natin pero hindi `ko `yon sineseryoso. Kahit na pinsan ko kayo ay karibal ko pa din kayo sa kanya. Hindi ako magpapatalo sa inyong dalawa. At isa pa ay walang kayo ni Vin. Manliligaw lang naman kayong dalawa."
            Nagtagis ang bagang nito. "Mahal mo siya pero wala kang lakas ng loob na sabihin iyon sa kanya. Sabihin na natin na dinadaan mo `yon sa action mo pero sa tingin mo ba may magagawa ka doon? Wala kang panghahawakan kay Vin. Oo, naghalikan kayo but that doesn't matter."
            Natigilan siya sa sinabi nito. Yes, he and Vin kiss but still it doesn't matter. Kahit na sinabi niyang may unawaan sila ay tila hindi pa rin iyon sapat. Kung dinadaan niya iyon sa aksyon ay mahahalata ba iyon ni Vin. Wala siyang panghahawakan kay Vin kahit na nag-kiss sila. Wala ba siyang lakas ng loob?
            "Hindi totoong wala akong lakas ng loob, Nick. Right time will come for my confession. Kung hindi ko man `yon masabi sa kanya, at least ay naipapadama ko. Hindi rin totoong wala akong pangahahawakan sa kanya. Mayroon kaming dalawang koneksyon na tanging kami lang ang may alam. May unawaan na kaming dalawa kahit hindi kami. Bago kayo dumating ay sinabi ko na iyon sa kanya. You and Mack were nothing compared to me."
            Galit na tumayo si Nick at nilapitan siya. Kinwelyuhan siya nito at pinatayo. Sa ginawa nito ay nakakuha sila ng atensyon. Kumuyom ang kamao ni Nick at malakas siyang sinuntok sa kaliwang pisngi malapit sa kanyang labi. Nalasahan niya ang dugo na nagmula doon. Itinulak niya ito at saka binigyan rin ng suntok. Nagpalitan sila ng suntok. Nagkaroon ng komosyon dahil sa kagagawan nilang dalawa. He heard scream. Pero wala siyang pakialam doon.
            Sinimulan ni Nick ang gulong ito at wala siyang balak na tapusin. They'll be damn and punish after ruining Danna's birthday but it don't matter. Ang importante ngayon ay mailabas ang galit nila sa isa't-isa.
            "Masakit, hindi ba?" nang-aalaska niyang sabi kay Nick habang matalim itong tinitigan. "Akin lang si Vin," he said possessively. "Tigilan n'yo na ang panliligaw sa kanya dahil wala na kayong aasahan sa kanya. He's mine, just mine."
            Sumugod si Nick. Naiwasan niya ang pagsuntok nito sa kanya. They throw punches with each other. Walang balak sumuko sa kanilang dalawa. Hindi pa man sila ni Vin at hindi pa niya nasasabi ang totoong nararamdaman niya dito ay aariin na niya ito. Sa kanya lang ito at walang makakakuha kay Vin sa kanya.
            "Sino ka para patigilin ako sa panliligaw ko sa kanya, Joen. Hindi totoong wala kami kompara sa `yo. Para sabihin ko sa `yo ay may pinanghahawakan akong bagay tungkol kay Vin. Hindi siya sa `yo kaya `wag mo siyang angkinin. Oo, naghalikan kayo at may unawaan na nga kayo pero hindi pa rin kayo. Stop being a jerk cousin."
            Sinugod niya ito. Naiwasan nito ang suntok niya. Muli silang nagsuntukan. Pareho silang napahinto nang marinig niya ang mawtoridad na boses ng daddy niya at boses ng papa at mama ni Nick.    
            Lumapit ang mga ito sa kanilang dalawa at pumagitna. "Stop this nonsense fight the two of you!" galit na sabi ng daddy niya. "Umuwi ka Joen sa bahay!" bumaling ito sa Tita Tasha niya. "Papuntahin mo rin si Nick sa bahay, Tasha. Tawagin mo rin si Mack at Vin," maawtoridad na utos nito. "Kakausapin ko silang apat."
            Bigla siyang kinabahan nang marinig ang pangalan ni Vin. Ano ba ang nagawa niya? Bakit siya nagpadala sa init ng ulo? Nakalimutan niya ang consequences ng ginawa niya. Nakalimutan niya ang sinabi ni Lola Fe.

7 comments:

  1. Sa wakas may update na! eto na talaga yun eh. mag- kakaaminan na sa susunod na kabanata. excited for the next chapter...

    ReplyDelete
  2. Woah exciting!

    Bakit ganun naaawa na ako kay Mack at Nick. Hmm kasi from the start palang naman eh nakapili na si Vin. Di tulad nung kay Franz, ang landi kasi niya. Na associate ko talaga no? Haha

    But whatever it is that you're going through, I hope you'll realize how you give inspiration to your readers. You are a great writer, minor edits and everything will be perfect. Go Vienne! I hope too that you'll find that source of inspiration to keep you going.

    Marvs :-)

    ReplyDelete
  3. whaaaaasa......
    super galing ni mr.A i like the story very mattured...

    ReplyDelete
  4. ang gulo-gulo talaga ng magpipinsan na ito, parang mga asot pusa lang. ayusin nyo yan. di nmn sagot ang suntukan sa problema.matutong tumanggap ng pagkatalo.

    bharu

    ReplyDelete
  5. Vienne, what made you worried about this update? Maganda naman ah? Justified! Amazing! Well written, at ang lakas ng naging impact! Grabe, ang galing mong mag-organize ng thoughts. I really admire you, and this story.

    ReplyDelete
  6. Nagsuntukan na naman sila. Ang haba talaga ng hair mo vin.

    -hardname-

    ReplyDelete
  7. Sir V pa update nman po ng chapter 20 d ko masusundan ung story pag lumagpas ako at bnasa ang 21 haha >_< mapapaisip kc ako pag nbasa ko ung 21 ganda p nman ng story mxadong mlakas ang hatak ni vin sa tatlo pls pls pls update me

    -japerski-

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails