May work na po pala ako kaya sarreh if mabagal ang Update ok sarreh :)
May nabasa lang ako comment last Chapter (25), I do appreciate your comment, and Thank you sa pagbabasa ng story ko :) I’m not rude or anything (Ask my Readers na Friend ako sa FB) yun lang If you’re not happy you can always stop reading and go on with your life. Tao lang din kami tulad mo, may problema, may ups and down sa buhay.
Ok Road map: 2 or 3 Chapters na lang po at Tapos na ang Story ko :)
Maraming Salamat sa pagbabasa :) Promise to make another Story :) Pinag-iisipan ko na gawan ng book 2 ito pero papasabikin ko muna kayo.
I love you J ko :) lapit na mag-2nd mot mot hohoho mwaaaah yung salitang “Mahal kita” hindi yun sapat para sa feelings ko sayo <3
Hi Regimar, Eros/Ken ,NaitsirhC, Llemit, Jomar, Dyan, Boy Cookies (Super Friend), Kuya Er win, Parekoy!, Brother :), Joey, Kuya Erickson Kuya Akihiko, Lester, Kuya Sai, Kuya Romeo, Kuya Prince, Jonathan , Angel Exo Tacos, Paul, Ethan, Keirlan, Ryan Hormel, John Renz, KUYA Jeys :P, Kris Deleon, Hole Shooter,Red Ian, - - - - > To Follow yung iba gusto mamention? Add me maybe XD
Malapit na po matapos ang Final Requirement masaya po ako na nasurvive ko ito despite na nagthesis ako, nag-ospital, pabalik balik sa ospital para sa checkups. Actually hindi pa tapos ang pinagdadaanan ko pero pilit ko naman kinakaya dahil alam ko na may taong naka-alalay sa akin.
Salamat Readers at sa mga nagcocomment, I’m trying to be more mature in writing my Story.
Hi K-Fed :)
- g!o Yu :-)7 #05
You can also give your comments/Suggestions/Reactions but please avoid using bad/harsh words.
Sa mga gustong mag-add sa akin type Gio Yu (Geevee) at kapag nakakita kayo ng gwapo ako yun :P kapal lang ng muka ko.
THANK YOU SA NAG PM SA AKIN NA SILENT READER KAYA NAAYOS KO ANG SECURITY NG FB KO PWEDE NIYO NA AKO I-ADD :)
Ito po ang unang story na ginawa ko sana magustuhan nyo :)
Final
Requirement 26
Higit
namang nangingibabaw ang kasiyahan kapag kasama ko siya, pero bakit napakahirap
ang magpatawad? Sabi nga nila napakadaling magtiwala sa isang tao pero subukan
mong sirain ito kahit isang beses lang paniguradong mawawala ito at hindi na
muling maibalik pa. Mahirap kapag tiwala ang nasira, maihahalintulad ito sa
salamin na kapag nabasag mahirap na ibalik sa dati, mananatili ang marka ng
pagkakabasag nito.
Mahal ko
si Chard oo sapat na ang pagmamahal ko sa kanya para muli kong ibalik ang
pagtatawala ko sa kanya, siguro gusto ko lang muna malaman kung karapatdapat
siya sa ibibigay kong pagtitiwala. Ito siguro ang dahilan kung bakit hindi ko
agad maibigay ulit ang bagay na yon.
"Babe?"
"Babe
gising na"
"Tss.
Hirap mo naman gisingin Baaaaaaabe”
"Babangon
o babangon ng masakit ang tyan o babangon ng masakit ang butas sa pwet?"
Unti unti
kong minulat ang aking mga mata at ang mala anghel na mukha ni Chard ang
bumungad sa akin.
Niyakap ko
siya ng mahigpit.
Sobrang
higpit.
Akala ko
mawawala siya sa akin, at kailangan pa talagang dumating sa ganoong pagkakataon
para marealize ko na hindi ko pala siya kayang mawala sa buhay ko.
“A-aray
Babe hindi ako makahinga dahan dahan naman, h-hey I can’t breathe”
"Babe
s-salamat at ayos ka lang h-hindi ko alam kung anung gagawin ko kung may
masamang nangyari sayo"
"Saan
mo ba nakuha yang linya mo? Gasgas na eh baguhin mo naman" < --- Chard
"Choosy
mo! Pero totoo naman kasi yun babe, baka magpakamatay na lang din ako kung
mawawala ka sa akin"
Biglang
nag-iba ang muka ni Chard, ang matatamis niyang ngiti ay napalitan ng pagbagsak
ng kanyang mga luha.
“B-babe
bakit ka naiyak?”
Niyakap
niya ako, at patuloy na umiiyak.
“B-babe
bakit ba?”
Tumingin
siya sa ng derecho sa aking mata
"W-wala
Babe I'm so happy na finally pinatawad mo na ako" < --- Chard
"Sorry
Babe kung natagalan ah, kung hindi pa nangyari yung kanina hindi ko pa
marerealize na hindi ko kayang mabuhay ng wala ka, pero eto ligtas ka at gusto
sabihin sayo na mahal na mahal po kita Babe"
"Thank
god were ok now, I can finally take a nice long rest" < --- Chard
"Halika
dito sa tabi ko Babe tulog pa tayo"
"Ayoko
matulog, gusto lang kita pagmasdan ng malapitan habang natutulog. K-kasi baka
hindi ko na to magawa" < --- Chard
"H-ha?
Wag ka nga ganyan babe kinikilabutan ako sa sinasabi mo eh kahit kailan hindi
ko iniisip ang ganyang bagay"
Ngumiti
lang siya at muli akong niyakap.
"Babe
mahal na mahal po kita, kahit wala na ako gusto ko ay magpatuloy ka sa buhay
mo, Grab every opportunity like there’s no other one coming. Siguro nga may
taong darating lang sa buhay natin para ituro sa atin ang ilang mahahalagang
bagay para mas maging tayo sa mga mas malalaking pagsubok na maari nating
harapin sa hinaharap” < --- Chard
“Tumigil
ka nga sa kakaganyan mo. Nakakinis ka na ah”
“Pumikit
ka” < --- Chard
“Bakit?”
“Basta
pumikit ka na lang ang dami namang satsat” < --- Chard
“Tss,
pakasunget nito”
Pagkapapikit
ko ay naramdaman ko ang labi ni Chard, ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya
sa halik na yon, kasabay nito ang mga luha na galing sa mga mata niya.
“Basta
kung wala man ako lagi sa tabi mo, tatandaan mo mahal na mahal kita, ikaw na
dahilan kung bakit lagi may ngiti sa labi ko kada umaga, ikaw na super
matampuhin kapag may away tayo, ikaw na mabubuhay sa mundo na puro fries lang
ang laman sa tiyan. Basta ikaw lang ang una at huling taong mamahalin ko” <
--- Chard
Unti
unting nawawala. . .
Nawawala
ang pagkakalapat ng labi ni Chard kasabay nito ang pag-ihip ng malamig na simoy
ng hangin.
Pagmulat
ko ay wala na siya.
“B-babe?”
“Baaabe
nasaan ka?”
Napakatahimik
sa loob ng silid, hindi ko alam kung saan nagpunta si Chard, pero
napakaimposible na makapagtago siya sa sandaling panahon.
"Chard
hindi nakakatuwa lumabas ka na nga"
.
. .
"Babe
naman eh"
.
. .
Naramdaman
ko muli ang malamig na ihip ng hangin na parang may nakayakap sa akin pero wala
naman, naaamoy ko lang ang pabango ni Chard.
Katawan
ko’y nanlamig at nangilid ang luha sa mata, hindi ko alam kung paano, kasi
pagtingin ko sa salamin ng Cabinet nakita ko si Chard na nakayakap sa akin.
"H-hindi
to totoo, Hindi hindi HIIINDI!"
.
. .
"Anak,
anak huminahon ka"
Nakita ko
si Tatay, mabilis ko siyang niyakap.
"Tahan
na anak panaginip lang yun" < --- Tatay
"Parang
totoo po kasi Tay t-tapos a-ang s-sama po k-kasi ng panaginip ko, hindi ko
kakayanin k-kapag nangyari yun sa amin ni Chard"
"Huminahon
ka muna anak" < --- Tatay
Ang alam
ko nasa Star city kami. Nakita ko na may dalawang bus na papunta sa direksyon
ni Chard at nawalan ata ako ng malay? Panaginip lang ba? pero imposible.
"T-tay?
Nasaan po si Chard?"
"Inumin
mo muna ito anak" < --- Nanay
Pinainom
muna ako ni Nanay ng isang basong tubig.
"Nasaan
po siya nay? Tay?"
"Ah
eh, Tay pinapupunta na po tayo ni Tito Sam" < --- Kuya Kian
"Ha?
Bakit daw tayo pinapapunta ni Tito Sam?"
"Magbihis
kana anak tara doon muna malalaman" < --- Tatay
Nasaan ba
si Chard?
Baka nasa
ospital?
Bakit ba
ayaw nila magsalita?
Ayoko ng
ganitong pakiramdam yung wala kang kaalam alam sa mga mangyayari. Yung silang
lahat alam at ikaw lang ang hindi.
"Kuya?
Nasaan si Chard?"
“Ang kulit
mo bunso, magbihis ka na kasi” < --- Kuya Kian
Kanina pa
ako kinakabahan kasi pakiramdam ko sooner or later may hindi magandang balita
akong maririnig. Wala kahit isang matinong sagot ang nakuha ko sa kanila.
.
. .
Sa loob ng
sasakyan nanatiling tikom ang mga labi nila samantalang ako ay hindi mapalagay sa aking kinauupuan.
Pinilit
kong pakalmahin ang aking sarili, sinubukan kong idivert sa iba ang aking
pag-iisip pero kahit anong pagliban ko laging sumasagi sa aking pag-iisip si
Chard.
Nasaan ba
si Chard? Ayoko isipin na may nanyaring masama sa kanya, pakiramdam ko
nag-iintay lang siya kung saan man kami pupunta. nararamdaman ko na nasa
maaayos siyang kalagayan.
"Malayo
pa tayo bunso matulog ka muna." < --- Kuya Kian
Ipinaling
ko na lang sa daan ang aking paningin, nakatitig sa mga poste ng ilaw na
nadaanan namin.
Bakit ba
ang lungkot ng paligid?
"Anak
kahit anung mangyari nandito kami ah" < --- Nanay
"Ano
po ba ang nangyayari? Kanina ko pa kayo tinatanong eh"
"Malalaman
mo din mamaya anak" < --- Nanay
"Halika
nga dito bunso, wag ka nga masyado mag-isip" < --- Kuya Kian, lumapit
siya sa upuan ko at pinahiga sa balikat niya.
"Magiging
ayos din ang mga bagay bagay bunso wag kang susuko ah, alam ko madami ka nang
pinagdaanan sa maiksing panahon" < --- Kuya Kian
"Sana
nga kuya gusto ko na maging maayos ang lahat"
Sana nasa
mabuti kang kalagayan Chard.
Sana . . .
Sana . . .
Sa . . .
.
. .
Itinigil
nila ang kotse sa harap ng bahay nila Chard, napakatahimik parang walang tao sa
loob. Lumabas sa loob ng bahay sila Tito, Tita, Kuya Adam, Baby Simon kasama si
Jet at Alexa.
Pagkababa
ko sa sasakyan ay naramdaman namin umihip ang malamig na hangin. Nagsitayuan
ang aking mga balahibo sa katawan, katulad ito ng hangin na naramdaman ko sa
panaginip ko kani-kanina lang.
Ramdam ko
din ang bigat at tension sa paligid
"Ah
Tita nasaan po si Chard?" < --- Ako
Nakita ko
kung papaano nag-iba ang mga reaksyon ng mga muka nila. Matagal silang
nanahimik waring hindi alam kung saan huhugutin ang lakas ng loob para masabi
sa akin ang katotohanang kanina ko pa hinihingi.
Yumakap si
Tita kay Tito Sam
"I'm
sorry Andrei but he didn't make it" < --- Tito
Parang
tumigil ang buong paligid sa narinig ko, maging ang aking puso.
"A-ano
p-pong ibig nyong s-sabihin?" < --- maluha luha kong tanong
"Naalala
mo nagpunta kayo ng Star city? Pauwi na kayo when Richard has been hit by the
bus and h-his body was . . ." < --- Tita
"Hindi
h-hindi totoo yan, buhay siya at nandiyan lang siya sa loob para supresahin
ako" < --- sabay takbo sa loob
ng bahay nila
Pagkapasok
ko ay sumalubong sa akin ang mga bulaklak.
Bulaklak
ng patay.
Napatingin
ako sa Receiving area kung saan may isang kabaong, nanlumo ako dahil nasa taas
ng kabaong ang litrato ni Chard.
"Hindi!
H-hindi to totoo sabihin niyo hindi to totoo!" < --- Ako
"Anak
huminahon ka" < --- Tatay
"Tay
p-panaginip lang to! Sampalin nyo ako tay! Hindi to totoo! Hindi!!!"
Lumapit
ako sa may kabaong, nakita ko ang walang buhay na si Chard.
Sa puntong
ito hindi ko na napigilan ibuhos ang lahat ng emosyon na kanina ko pa
pinipigilan, ang buong akala ko binibiro lang ako nila tita, pero ngayon na
nakita ko na ang walang buhay na katawan ni Chard wala nang saysay na pigilan
ito.
"Babe
akala ko b-ba walang iwanan? B-bakit ang daya daya mo? Bumangon ka dyan please
hindi ko kaya babe! Please! "
"Babe
s-sabi mo kakantahan mo pa ako ng Thousand years sa harap ng madaming tao?
Babe, mahal na mahal kita bakit sumuko ka? H-hindi ko kaya, b-bumangon ka nga
diyan, ang init init kaya sa loob ng kagong hindi ka ba naiinitan? Baaabe"
"Alam
mo the moment na dinala namin siya papuntang ospital puro pangalan mo ang
binabanggit, mahal na mahal ka daw niya at sana mapatawad mo daw siya sa lahat
ng nagawa niyang mali sayo at sorry daw kasi h-hindi ka na niya masasamahan sa
mga susunod na mga araw" < --- Kuya Adam
“Papa
Andrei hindi mahuhustuhan ni Chard na nagkakaganyan ka" < --- Alexa
"BAAAABE!
GUMISING KA NA! H-Hindi pa kita napapatawad kaya bumangon ka d-dyan please
naman oh!"
Biglang
nanikip ang aking dibdib kakaiyak, nahirapan din akong huminga.
Nangatag
ang mga tuhod ko at nawalan ng balance.
Mabuti na
lang at nasambot ako ni Kuya Adam
"Andrei?!
Dad! Ikuha nyo po ng tubig si Andrei dali! Nahahyper ventilate siya, pakalmahin
mo ang sarili mo Andrei" < --- Kuya Adam
"Anak,
anak magpakatatag ka, hindi yan magugustuhan ni Chard na nakikita ka ng
ganyan" < --- Nanay
"Ang
d-daya daya kasi nay, H-hindi niya daw ako iiwan eh, bakit ganun? iniwan niya
ako, M-madami pa kaming pangarap, p-paano na yon? baaaabe parang awa mo na kung
ginogood time mo lang ako bumangon ka na dyan. . ."
“Kasalanan
ko, k-kasalanan ko sana ako na lang ang namatay, napakawala kong kwentang tao,
ako na lang dapat ang kinuha niyo”
Hindi pa
din ako makapaniwala, parang ang bilis ng lahat para sa aming dalawa, hindi pa
maganda ang huling pag-uusap namin. Kung sana pinatawad ko na siya nung
naandyan pa siya, kung alam ko lang na hanggang dito na lang ang love story
naming dalawa sana sinulit ko na. Ngayon haharapin ko ang mga magdadaang mga
araw ng walang isang Richard Alvarez sa tabi ko. Iniisip ko pa lang parang
hindi ko kaya parang gusto na sumunod sa kanya kung saan man siya papunta.
Dahil sa
labis na pag-iyak nahirapan akong huminga kaya pinaupo muna nila ako malapit sa
kabaong ni Chard para mahimasmasan kahit papaano.
. . .
Pumasok na
muna ako sa kwarto ni Chard at sinalampak ang katawan ko sa kama. Sa loob ng
apat na sulok na to buhay na buhay ang alaala niya, ang mga kulitan namin,
banatan ng pick-up lines, mga kamanyakan niya. Pero isa ang nangibabaw dito
namin pinangako na habang buhay kami magmamahalan.
Pero sa
dahil isang masalimuot na pangyayari lahat yon ay hindi na mauulit. . .
Kahit
kailan.
"Nakakainis
ka Babe! Forever pala ah... T-tapos ngayon? Iiwan mo ako! B-badtrip ka! Bakit
hindi ka lumaban! Nakakainis ka nakakainis ka NAKAKAINIS KA! Mahal na mahal
kita p-pero bakit mo ako iniwan. . ."
Wala akong
ginawa sa loob ng kwarto ni Chard kung hindi umiyak at sumigaw. Kung sana
pinatawad ko lang siya ng maaga, lahat ng ito ay hindi mangyayari.
Kasalanan
ko, at huli na para maitama ang aking nagawa at dadalhin ito habang ako'y
nabubuhay.
Totoo nga
na kapag kapag nagmahal ka, kakambal nito ang sakit. At sa kalagayan ko ngayon
ito yung pinakamasakit, ang mawala ang taong mahal mo ng buong puso, wala
tinira para sa sarili.
Hindi ko
alam kung anong pumasok sa isip ko at kinuha ko yung kutsilyo doon sa drawer sa
may gilid ng kama at itinutok ito sa aking kamay.
"Mabuhay
ka para sa akin"
Narinig ko
ang boses ni Chard, sinubukan kung hanapin siya sa loob ng kwarto niya pero
bigo ako.
Parang
hindi ko na din kayang mabuhay.
Desedido
na ako, muli kong kinuha ang kutsilyo at muling tinutok sa kamay ko.
Unti-unti
kong ginigilitan ang aking pulso
Nakita ko
kung paano lumabas ang dugo.
PAAAK!!!
"Aaaray
naman"
"Ayan
edi gising. . . Kung anu-ano nanaman ang napapanaginipan mo bunso iyak ka pa ng
iyak" < --- Kuya Kian
"Nasaan
tayo?"
"Dito
daw sinugod si Chard" < --- Kuya Kian
"Nawalan
ka daw ng malay sabi nila Jet, binalak mo daw puntahan si Chard nang malapit na
siyang mabunggo ng Bus" < --- Tatay
"Binalak
ko po siyang iligtas pero mukang wala din akong nagawa, napakawala ko talagang
kwenta"
"Wag
mo nga sabihin yan bunso, at least sinubukan mo diba? Pero sa tingin mo ba sa
saglit na pangyayaring yon maliligtas mo siya? Sige sabihin nating magagawa
mong iligtas siya pero maliligtas mo ba ang sarili mo?" < --- Kuya Kian
Ipinagtanong
namin kaagad ang room kung saan nakaconfine si Chard, laking pasasalamat ko at
panaginip lang yung kanina, may pag-asa pa para maitama ang pagkakamali
maraming salamat sa pagkakataon.
Hindi ko
na din sinabi sa kanila ang masalimuot kong panaginip kanina.
Pero hindi
pa din nawawala ang kaba ko oo nga at nasa ospital si Chard ngunit hindi ko pa
din alam ang tunay niyang kalagayan.
Madali
namin naabot ang room 601 salamat sa elevator.
Ramdam na
ramdam ko ang bawat pagtibok ng puso ko parang gustong kumawala sa aking
dibdib, hindi ako mapapanatag hangga't hindi ko nalalaman ang kalagayan ni
Chard.
"Eto
na yung Room" < --- Kuya Kian
May
naririnig kaming pag-uusap sa loob, mukang kinakausap nila tito at tita ang
doktor ni Chard. Minaganda naming patapusin muna ang pag-uusap nila bago kami
pumasok.
Kamusta
kaya siya?
.
. .
Pagkalabas
ng doctor pumasok na kami. Nanlumo ako pagkasulyap ko sa kalagayan ni Chard,
May tube na nakakonekta sa ilong at bibig papunta sa oxygen tank, wires na
nakakonekta sa makina para malaman kung normal ba ang pagtibok ng puso. May
sugat sa may ulo na nilagyan ng benda malapit sa may Tenga. Benda sa may
kaliwang balikat, nakasemento ang kaliwang kamay at mga galos sa tuhod at
binti. Nawalan ako ng balanse habang papalapit kay Chard, pasalamat at nasambot
ako ni Kuya Adam.
"Sorry
po kasalanan ko po ang lahat ng to, kung sana h-hindi po ako nagmatigas hindi
sana mangyayari yan kay Chard"
"Don't
make it hard for yourself Andrei, hindi mo kasalanan, alam ko yan din ang
sasabihin ni Richard sayo" < --- Tita
"Naalala
ko nang ikaw Andrei iho ang nasa ospital, ganyan din ang sinabi Chard, wag niyo
nga sisihin ang mga sarili nyo aksidente ang nangyari" < --- Tito Sam
"Anong
lagay pala ni Chard?" < --- Kuya Kian
"Well
kita nyo naman, he's really not in good condition right now, at sabi ng doctor
ay 50-50 ang chances niya to live so now were hoping for the best, that he will
fight for his own sake, para sa atin at para sa inyo Andrei"
Umupo ako
sa gilid ng kama ni Chard at hinawakan ang kamay niya maiparamdam ko sa kanya
na nandito ako at handang sumoporta.
"Babe
lalaban ka ah, marami pa tayong pangarap na magkasama nating aabutin, hindi mo
pa ako nakakantahan ng Thousand years sa madaming tao napakadami pa nating
gagawin. Sorry b-babe sinisisi ko talaga ang sarili ko sa nangyari sayo, kung
sana hindi ako nagmatigas, h-hindi ka sana nag-aagaw buhay ngayon, napakasama
ko, naiinis ako sa sarili ko"
"Shhhhh
. . . Walang sumisisi sayo Andrei hindi magugustuhan yan ni Chard paggising
niya" < --- Kuya Kian
Nanatili
ako sa tabi ni Chard buong magdamag, Sila Nanay naman ay umuwi na muna, hindi
ako pumayag na umalis sa tabi ni Chard kahit anong pilit nila. Kasama ko dito
sa loob ng kwarto si Tito at Tita pati sila Jet at Alexa at ang isang private
nurse na binayaran ng pamilya ni Chard. Buong magdamag nakatitig sa walang
malay na katawan ni Chard habang hawak ang mga kamay nito, na sana maramdaman
niya na nandito ako at hindi nawawalan ng pag-asa na magigising pa siya upang
ako'y makabawi sa mga kasalanan na aking
nagawa.
"Papa
Andrei magpahinga ka na, bukas na yung Ball hindi maganda yan sa boses mo"
< --- Alexa
"Hindi
na ako kakanta"
"Loko
ka, hindi yan magugustuhan ni Chard, at lagot ka panigurado kay Sir Peps"
< --- Jet
“Paano ako
makakakanta kung yung nag-aagaw buhay dito sa ospital si Chard, ang gusto ko
dito lang ako sa tabi niya sa lahat ng oras, hindi ko siya iiwan”
“Alam mo
bang isa sa request ni Chard ay kumanta ka sa ball, sinabi niya yan bago siya
mawalan ng malay” < --- Alexa
“Hindi ko
kaya”
“Kayanin
mo, para sa kanya” < --- Jet
“Susubukan
ko”
Hating
gabi na pero hindi pa din ako dalawin ng antok, pero sino nga naman ang
aantukin kung nasa ganitong sitwasyon ang mahal mo, sana maging maayos na ang
pakiramdam mo Chard gusto ko bumawi.
.
. .
“Totoot”
< --- 1 new SMS
0935*******:
Hayop ka anong ginawa mo kay Chard!
Ako: Sino
ka? Wala kang alam sa mga nangyari.
0935*******:
Si Shane to lumabas ka ng kwarto niya wala kang karapatan tumapak diyan!
Lumabas ka harapin mo ako!!!
Ang lakas
din naman ng loob pumunta ng babaeng yun dito, at ipinapamuka pa niya sa akin
na ako ang may kasalanan ng lahat? Kung hindi siya umeksena, kung hindi niya
binalak agawin si Chard sa akin, hindi mangyayari ang lahat ng ito.
Siya naman
talaga ang puno’t dulo ng kaguluhang ito eh.
Nagpaalam
ako kila Tita na lalabas lang sandali para sumagap ng hangin.
Ito na ang
oras para harapin ko siya. masyado na siyang pumapapel sa buhay namin ni Chard.
Oras na
para tapusin ang kahibangan niya. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa
paghaharap naming dalawa pero handa akong protektahan ang sarili ko.
Nakita ko
si Shane sa dulo sa may Terrace ng ospital.
Malalim
ang mga mata, parang lango sa alak, yan ang tumambad na itsura ni Shane sa
akin, gusto ko maawa sa kalagayan niya pero maalala ko lang ang mga ginawa niya
sa akin parang hindi ko na kayang kaawaan ang tulad niya.
“Anong
ginagawa mo dito?”
PAAAK!
“Kasalanan
mo lahat! Tingnan mo nag-aagaw buhay si Chard dahil sa kagagawan mo!” < ---
Shane
“At sino
ka para sampalin ako? Sayo nagsimula ang lahat ng ito ikaw Shane! Kung hindi ka
nakisawsaw sa amin wala ngayon si Chard dito sa ospital na to”
“Pero kung
hindi dahil diyan sa pag-iinarte mo hindi mabubungo si Chard, sana ikaw na lang
ang nabunggo!” < --- Shane
“Sana nga
ako na lang”
“Sinasabi
ko sayo Andrei, kapag may hindi magandang nangyari kay Chard, itaga mo sa bato
hindi kita patatahimikin” < ---- Shane
“Bakit
sino ka ba? ako BOYFRIEND ni Chard eh ikaw? Kabit? Ay hindi nagpupumilit na
kumabit, yun nga lang hindi nagpa-kabit yung kinakabitan. Kaya wala kang
karapatan na pagbantaan ako dahil ikaw ang epal dito tandaan mo yan”
“Hayop
ka!” < --- Shane
Sinugod
ako ni Shane at sinabunutan.
Hinawakan
ko ang kamay niya at pinisil.
“A-aray .
. . B-bitawan mo ako!” < --- Shane
“Wala kang
karapatang saktan ako, matagal na akong nagtitimpi sayo, pasalamat ka at babae
ka, kung hindi baka hindi ka na nahinga ngayon. Hindi siya sayo Shane at kahit
kailan hindi siya magiging sayo sinisigurado ko yan. Handa akong protektahan
ang sarili ko kung kinakailangan”
“Hinding
hindi ko palalagpasin ang mga ginagawa mo sa akin Andrei, akala mo basta basta
na lang ako susuko?” < --- si Shane kinuha ang dalang patalim sa bag niya.
Wala na
akong takot, hindi ko alam sa mga oras na to wala na akong nararamdaman na
kahit ano. Ang gusto ko kang ay matapos na ang lahat ng sigalot na nangyayari.
“Yan na
ang pinagmamalaki mo?”
“Yes at
sapat na ito para patayin ka, siguro kapag nangyari yun mamahalin na ako ni
Chard”
“Desperada”
“Farewell
Andrei” < --- Shane
Sinugod
ako ni Shane, winasiwas ang kutsilyo.
Nakaiwas
naman ako pero nadaplisan ng kaunti ang aking braso. Masyado malayo ang nurse
station para makahingi ng tulong. Muling lumapit sa akin si Shane dala pa sin
ang kutsilyo, hindi na ako nagpasindak. Kinuha ko yung trash can sa tabi ko at
binato sa kanya.
BLAAAG!
“Walang
hiya ka papatayin talaga kita!” < --- Shane
“Sige
lumapit ka, nakikita mo tong paso? Ito ang lalanding sa ulo mo sinisigurado ko
sayo!”
Nagsidatingan
ang mga Nurse at security guard, narinig siguro nila ang ingay na ginawa ng
pag-kakabato ko sa Trash can.
“Miss,
ibaba mo na yang hawak mo” < --- Security
“H-hinde
hinde! Walang makakapigil sa akin! Lumayo kayo, lumayo kayo!!!” < --- Shane
“Sumuko ka
na Shane”
“Malapit
na kita mapatay so bakit ako susuko? I’m gonna make sure na hindi masasayang
ang paghahanda ko para sa araw na ito!” < --- si Shane sumugod sa akin.
Kinuha ko
yung paso at binato ko sa kanya.
Nakailag
siya.
Lumapit
ako sa kanya at nakipag-agawan sa kutsilyo. Wala na sa sarili si Shane marahil
sa labis na alak na ininom. Kitang kita ko sa mga mata niya kung gaano kasidhi
ang pagnanais niya na mapatay ako.
“Tumigil ka
na Shane, wala naman pupuntahan yang pagpupumilit mo eh”
“Wala kang
pakialam!” < --- Shane
Madali
kong naagaw ang patalim na hawak niya at tinulak ko papunta doon sa security
guard. Nagpupumilit siyang magpumiglas pero higit na mas malakas ang security
guard kaya wala siyang nagawa. Nanlilisik pa din ang mga mata ni Shane, matindi
talaga ang galit sa akin ng babaeng ito.
“Oh my god
Andrei are you ok? Yung braso mo may sugat” < --- Tita
“Ok lang
po ako Tita, siya po ang may kagagawan nito”
“And who
are you young lady? Bakit mo sinaktan si Andrei?” < --- Tita
“Ano po
bang pakialam niyo at sino po ba kayo?!” < --- Shane
“I’m
Chard’s mother” < --- Tita
“S-sorry
po Tita ako po si Shane, mahal na mahal ko po ang anak niyo, hahayaan niyo po
bang mapunta na lang sa isang baklang katulad ni Andrei ang anak niyo?” <
--- Shane
PAAK!
Nabigla
ako sa pagsampal ni Tita kay Shane
“How dare
you, alam mo naman na bakla din ang anak ko? At anong karapatan mong “Langin”
ang bakla eh mas matino pa sila kaysa sa tulad mong babae, and please tanggap
ko kung ano ang anak ko, at alam ko kung gaano yan kasaya kay Andrei, at yan si
Andrei ay napakagandang impluwensiya sa anak ko kaya wala akong nakikitang mali
sa kanilang dalawa. Sige na ikulong niyo muna yan ng 24 oras para magtanda”
< --- Tita
“HINDI PA
TAYO TAPOS!” < --- sabi ni Shane sa akin
“Subukan
mo ulit na saktan si Andrei I’m telling you young lady hindi mo magugustuhan
ang gagawin ko” < --- Tita
Hinila na
ng security si Shane, ako naman ay bumalik sa room ni Chard at doon nilagyan ng
bondage ang sugat ko sa braso. Pasalamat na lang ako at hindi nagtagumpay si
Shane sa plano niya laban sa akin. Tulad ng sabi ni Tita nakahold sa police
station si Shane at doon siya magpapalipas ng gabi sa loob ng kulungan.
Tinatanong din ako nila Tito kung gusto ko ireklamo si Shane, ngumiti na lang
ako at umiling gusto ko na lang matapos ang kaguluhan.
“Babe
sorry ah gumawa kasi ng eksena si Shane eh ayan tuloy usap-usapan tayo sa labas
pero wag muna pansinin yun ok na nagawan na ng paraan kaya magpahinga ka lang
diyan ah”
Yumuko ako
sa kama ni Chard at doon natulog habang hawak ko ang isa niyang kamay.
.
. .
“TOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOT”
“Chard?
Chard!!! Nuuurse!!!” < --- Tita
“T-tita
ano po ang nangyayari?!”
“S-si
Chard h-hindi na tumitibok ang p-puso” < --- Tita
Nagising
ang buong pagkatao ko sa sinambit ni Tita.
“B-babe?
Babe! wag kang ganyan Babe ito ito, nararamdam mo yung t-tibok ng puso ko diba?
Tumutibok yan para sayo, wag kang susuko Babe p-parang awa mo na . . . h-hindi
ko kaya ng wala ka, hindi ko kakayanin”
Pinaalis
ako ng mga nurse, mas mabuti dawn a sa ICU irevive si chard para mas matutukan
iyo ng mga nurse at doctor.
Mabilis na
itinakbo si Chard Pababa sa ICU, parang mawawasak ang puso ko kanina habang
pinapanood kung papaano nila sinusubukang irevive si Chard habang papunta sa
ICU. Pinipilit kong maging matibay para kila Tita, kay Tito, kay Kuya Adam at
syempre para kay Chard.
Magiging
ayos din ang lahat.
Lalaban si
Chard, tama lalaban siya para sa amin.
“Tita
magiging ok po si Chard, magiging maayos po siya”
Kailangan
kong maging matatag, si Chard hindi sumusuko dapat kami din. Sila tita
sinusubukang maging mahinahon sa lahat ng oras dapat ganoon din ang gawin ko.
.
. .
Ngayon na
pala ang Ball, wala akong gana pumunta gusto ko lang ay ang bantayan si Chard.
Makalipas
ang 15 minuto lumabas ang doctor ni Chard.
“Stable na
ang kondisyon ni Mr. Alvarez pero para mas makatiyak tayo ay dito muna siya
maglalagi, maari po muna kayo mag-intay sa room ng pasyente”
“Thank
god, thank god” < --- Tita
“Ah eh
Kailan po kaya magigising si Chard Dok?”
“Maybe
after 3 days kung mag-stabilized ang condition niya ngayon, we still need to
monitor his condition” < --- Doc
“S-salamat
naman kung ganon, Tita sabi ko naman sa inyo lalaaban siya para sa atin”
“I know,
salamat at hindi siya sumuko” < --- Tita
Bumalik
muna kami sa Room ni chard para dito na lang siya intayin, ako naman ay
nagpapractice ng kakantahin ko para mamaya sa Ball, sana lang makanta ko ito ng
maayos.
Pinauwi
muna ako nila Tita para daw makapagprepare sa Ball, hindi sana ako papayag pero
mas mainam ito para makapag-ayos at makondisyon ang aking boses para sa
pagkanta mamaya.
Bago ako
umuwi, naisipan kong dumaan sa Sea side.
Makulimlim
na kalangitan, malamig ang simoy ng hangin ang sumalubong sa akin pagkarating
ko sa sea side, naisipan ko magpahangin dito dahil nakakapanatag ng kalooban
pagmasdan ang alon sa dagat.
“Tootoot”
< --- 1 New SMS
Alexa:
PAPA ANDREI NASAAN KA NA BA? NANDITO SA BAHAY NIYO SI SIR PEPS!!!
Balikwas
ako sa pagkakaupo sa sea side at nagmadaling umuwi, akala siguro ni Sir Peps
hindi ako kakanta sa Ball.
.
. .
Pagkarating
sa amin, nandoon si Jet at Alexa kasama si Sir Peps.
“Naikwenta
na sa akin ng kaibigan mo ang nangyari Andrei, I hope Chard’s ok now? And I
hope you can sing for the event later” < --- Sir Peps
“Pero sir
baka po madisappoint ko kayo hindi ko alam kung makakakanta ako sa sitwasyon
ngayon”
“Ofcourse,
gamitin mo ang “Sitwasyon” nay an and I’m sure you’ll do well” < --- Sir
Peps
“H-hindi
ko po maintindihan ang ibig niyong sabihin sir”
“Dapat
alam mo yan Andrei, It’s for you to figure that out, sige aalis na ako madami
pang dapat gawin sa hall” < --- Sir Peps
“Kamusta
si Chard?” < --- Jet
“Kanina
dinala sa ICU pagkatapos kanina pag-alis ko merely stable na ang kalagayan
niya, ayoko sana umalis eh pero may responsibilities din ako sa ball”
“Tama,
magiging maayos din si Chard, par wag ka mag-alala masamang damo yun” < ---
Jet
“Kayo
talagang mag-pinsan”
“HOOOY!!!
Aba kilos kilos! Malalate tayo sa Ball my goodness kayong dalawa kwentuhan ng
kwentuhan” < --- Alexa
“Sus ok
lang malate, hindi din naman ako mag-eenjoy masyado doon eh, siguro pagkatapos
ko kumanta uuwi na agad ako para magbantay kay Chard”
“Hay naku
Papa Andrei mag-laan ka naman ng oras para sa sarili mo, umaga hapon gabi puro
siya ang inaalala mo, oo walang masama doon pero alalahanin mo din ang sarili
mo, paano kung ikaw ang magkasakit?” < --- Alexa
“Alam ko
naman yun Alexa pero syempre mahal ko si Chard ngayon hindi maayos ang lagay
niya, gusto ko siyang alagaan sa ganitong pagkakataon”
“Ok fine
wala na akong sinabi, maligo na kayo anong oras na! magsabay na kayong dalawa”
< --- Alexa
“Ayoko nga
baka pag-nasaan pa ako ni Andrei” < --- Jet
“Ah ganun?
Halika dito at bibikwasan kita! Kapal mo oy!”
“Wahaha
ako na mauuna” < --- Jet
“Bilisan
mo ah para kang babae maligo” < --- Alexa
“Ikaw nga
dalawang oras maligo” < --- Jet
“Syempre
maganda ako no. . . It’s a part of my daily regimen”
“Arte mo”
< --- Jet
“TSE!”
< --- Alexa
“Ingay
niyo, teka aayusin ko lang yung susuotin ko”
Iniwan ko
na silang dalawa doon sa baba, at naligo sa banyo ng kwarto ko, kung iintayin
ko pa matapos si Jet malamang sa malamang late na kami.
.
. .
Nakarating
na kami nila Jet at Alexa sa Venue ng ball si Alvin naman ay minabuting intayin
na lang kami sa labas. Masasabi mong talagang pinagkagastusan ang Ball, ang
paligid ay puno ng palamuting puso at mga lantern na kulay pula. Ang entrance
ay naka red carpet animoy isa itong awards night kung titingnan. ang mga puno
sa paligid ng hall ay nilagyan ng Christmas lights na talaga namang nagbigay ng
liwanag sa loob ng campus.
Si Alexa
ang naging partner ko sa pagpasok sa ball, dapat si Chard ang partner ko pero
dahil nasa ospital pa at nagpapagaling si Alexa na ang nagrepresenta na maging
partner ko. Maasahan talaga si Alexa kahit sobrang arte at ingay isa yang tunay
na kaibigan.
Pumasok na
kami.
Kung sa
labas ay elegante na tingnan lalo na sa loob, ang kisame ay puno ng lobo, ang
mga table naman ay may isang animoy kandila pero isa lamang de bateryang ilaw.
Sa isang gilid nakalagay ang pagkain, nasa likod nito ang mga waiters na
maglalagay ng pagkain sa iyong plato. Sa stage naman ay makikita mo ang
dalawang maskara isang nakangiti at isang malungkot, napapalibutan din ito ng
iba’t ibang kulay ng ilaw.
Pero kung
anong ginanda nito ay hindi ko na naapreciate. Isa lang ang nasa isip ko at si
Babe na yun wala nang iba.
Tinawagan
ko si Tita.
“Hello
Tita kamusta na po si Chard?”
“kanina
medyo nawala uli yung heart beat niya pero ok na kalagayan niya iho so no need
to worry” < --- Tita
“Salamat
sa diyos sige po Tita nandito na po kami sa Ball medyo maingay po kasi eh,
punta na lang po ako pagkatapos nito para naman makapag-bantay ako sige bye po
tita”
- - - Call Ended
"Magiging
ayos din ang lahat Papa Andrei" < --- Alexa
"Tama
siya par may dahilan ang lahat kung bakit nangyayari ang mga bagay bagay, at ang
dahilan na yun ay malalaman natin paglipas ng panahon" < --- Jet
"Salamat
sa inyo ah, salamat at pilit nyo akong iniintindi" < --- Ako
"Sus
wala yon magkakaibigan tayo eh, kaya dadamayan ka namin sa abot ng aming
makakaya at alam naman namin na special child ka kaya malawak ang pang-unawa
namin sayo" < --- Alexa
“Ah Par
magkano pala yung dress na binili natin noong isang araw?”
“Joke lang
papa Andrei eto naman” < --- Alexa
“Hahahahaha!
O ayan magsisimula na pala" < --- Jet
Nagsimula
ang program sa pagkanta ng Lupang Hinirang pagkatapos isang prayer song na
kinanta ng Choral group, sinundan ng acknowledgement ng mga professors, Deans
at mgamatataas na taong nandoon sa event.
Nagbigay
ng isang inspirational message ang aming School president pagpapasalamat sa
amin na kung dahi hindi daw sa aming participation ay hindi magiging possible
ang event na to, pasasalamat sa mga professors na wala daw sawang nagtuturo sa
amin, at syempre ang ating panginoon na may likha ng lahat.
Matapos
ang speech ng predisident lumabas na ang representative bawat course per year,
pansin na wala si Shane dito, nalaman ko na walang gusto pumares sa kanya
matapos ang insidente sa pagitan namin. Hindi ko pa din nakikita si Shane,
marahil ito ay nandoon pa din sa kulungan naka detain o wala na siyang muka na
maihaharap sa amin dahil sa ginawa niya.
“Ok now
let’s hear Mr. Alvin Nikko Crisanto for his rendition of I’m all yours” <
--- MC
Lumabas si
Alvin sa Stage halata na kinakabahan ito pero nakanta niya ng maayos, puno ng
buhay makakaramdam ka ng kasiyahan sa iyong puso sa bawat pagkanta niya ng
liriko ng kanta.
I’m
all yours tonight
Got
a feeling that I can’t deny
Everything
about you gets me high
Girl
I want this for the rest of my life
I’m
all yours
Isang
masigabong palakpakan ang nakuha ni Alvin, kita ko ang kasiyahan sa kanyang mga
mata pagkatapos niyang kumanta, proud kami sa aming bagong kaibigan.
Matapos
kumanta ni Alvin ay may isang intermission number ang School dance troupe.
Lumapit sa
amin si Alvin.
“Wooow ang
galing mo Alvin akalain mo may talent ka pala” < --- Alexa
“Sobra ka
naman, pero kanina sobrang kaba ko kasi lahat sila nakatingin sa akin parang
hinihintay ng magkamali ako at pagtawanan” < --- Alvin
“Halos
lahat naman ng tao Alvin ganyan mapang-husga madalas mali ang tinitingnan at
hindi yung tama, pero sa ginawa mo nakuha mi ang respeto nila, galing mo eh”
< --- Jet
“Andrei
oi, ang tahimik mo naman” < --- Alvin
“Ah eh
wala lang”
“Naku alam
mo naman kung bakit diba? oi Andrei tawag ka na sa Back Stage” < --- Alexa
“Sige
maiwan ko muna kayo”
Nagtungo
na ako sa back stage, nandoon si Sir Peps hinihintay ako.
"Ok
Andrei, I know your emotionally disturbed right now, use that and you'll get
through" < --- Sir Peps
"Ok!
Now lets welcome Mr. Andrei de Dios! Let's hear what is the other side of love
from him " < --- MC
"Sige
hinahanap ka na nila, ipakita mo kung gaano ka kagaling" < --- Sir Peps
Tumungtong
na ako sa stage, lahat sila ay naghiyawan.
"Ok
Andrei what can you say about love?" < --- MC
"Magandang
gabi po sa inyo uhm actually hindi ko alam na may ganito pala, ang akala ko
kakanta lang ako." < --- Ako
"Ang
masasabi ko lang po ang pag-ibig ay isang bagay na hindi natin ineexpect na
darating sa ating buhay, may isang taong magpapatibok sa ating puso. Kaya
habang nandiyan pa ay sulitin bawat oras, bawat minuto, bawat segundo. Sabihin
nating may mga bagay na hindi permanente sa mundo, unexpectedly bigla na lang
sila mawawala, b-basta na lang babawiin ng walang pasabi. Swerte k-kayo kung
kasama nyo pa a-ang t-taong mahal niyo k-kasi yung sa akin? Nasa ospital siya
ngayon at nag-aagaw buhay dahil sa akin. Hindi ko alam kung magiging masaya pa
ako kung m-mawawala siya. Kung kasama nyo ang taong mahal nyo y-yakapin mo siya
ng mahigpit, iparamdam mo ang pagmamahal mo ng buong buo, ok lang sumobra wag
lang magkulang hindi natin alam ang maaring mangyari kinabukasan" < ---
Ako habang tumutulo na ang luha
"Kaya
Babe lumaban ka, gusto kong malaman mo na mahal na mahal na mahal kita and
S-sorry gusto kong malaman mo na wala sayo ang mali, kaya magpagaling ka diyan
sa ospital I know kaya mo yan at k-kahit wala ka dito ngayon, Ikaw ang una at
huling lalaking mamahalin ko Mahal na mahal kita Richard Alvarez" < ---
Ako
Lahat sila
ay pumalakpak, may mga babaeng nakayakap sa mahal nila, ang iba ay pasimpleng
nagpupunas ng kanilang luha at karamihan sa kanila ay umiiyak, gaya ko may
mapait din silang pinagdadaanan sa buhay. Nanatili akong nakangiti kahit
patuloy ang pagdaloy ng luha, hindi ako magaling magtago ng nararamdaman ko
kaya naman hinayaan ko na lang tumulo.
"Ang
sabi po niya sa bago siya dalhin sa ospital idedicate ko daw sa kanya ang
kantang ito kaya Babe this is for you" < --- Ako
On
the first page of our story
The
future seemed so bright
Then
this thing turned out so evil
I
don't know why I'm still surprised
Even
angels have their wicked schemes
And
you take that to new extremes
But
you'll always be my hero
Even
though you've lost your mind
Just
gonna stand there and watch me burn
But
that's all right because I like the
way it hurts
way it hurts
Just
gonna stand there and hear me
cry
cry
But
that's all right because I love the
way you lie
way you lie
I
love the way you lie, oh, I love the
way you lie
way you lie
Now
there's gravel in our voices
Glass
is shattered from the fight
In
this tug of war you'll always win
Even
when I'm right
'Cause
you feed me fables from your
hand
hand
With
violent words and empty threats
And
it's sick that all these battles
Are
what keeps me satisfied
Just
gonna stand there and watch me
burn
burn
But
that's all right because I like the
way it hurts
way it hurts
Just
gonna stand there and hear me
cry
cry
Well
that's all right because I love the
way you lie
way you lie
I
love the way you lie, oh, I love the
way you lie, oh
way you lie, oh
So
maybe I'm a masochist
I
try to run but I don't wanna ever
leave
leave
'Til
the walls are goin' up
In
smoke with all our memories
Just
gonna stand there and watch me
burn
burn
But
that's all right because I like the
way it hurts
way it hurts
Just
gonna stand there and hear me
cry
cry
Well
that's all right because I love the
way you lie
way you lie
I
love the way you lie, oh, I love the
way you lie, oh
way you lie, oh
Habang
kumakanta ako ay muli kong sinariwa ang mga pinagdaanan namin ni Chard
Unang
pagkikita pa lang natin alam kong may kakaiba sayo, mahirap ipaliwanag. May
umusbong na kung ano dito sa puso ko na nagbigay ng espasyo para sayo. Naging
masaya tayo legal sa panig ko at panig mo at tanggap tayo ng ating mga kaibigan
kahit hindi normal ang relasyon nating dalawa sa mata ng maraming tao,
tinawanan natin ito at tinawag na 'unique'. Pero tulad ng ibang relasyon may mga
pinagdaanan tayong mga unos, unos na naging sanhi ng away natin, tampuhan dahil
sa maling akala at minsan nasaktan natin ang isa't isa dahil sa maling hinala.
Lahat ng
yon nalagpasan natin ang saya no? Sabi nga nila ang mga unos na to ay
nagsisilbing pagsubok, pagsubok kung gaano katatag ang ating samahan kung gaano
kadalisay ang pag-ibig natin sa isat isa at kung ang pag-iisip natin ay handa
na sa malaking hamon na maaring dumating sa ating buhay.
Bawat oras
pinaparamdam kung gaano natin kamahal ang isa't isa at kung siguro kung maari
kada segundo pero masyado nang OA yun. Haha makakalimutan ko ba ang pinakauna
nating pagniniig, nangangatal ako ng mga oras na yun, hindi ko alam kung anung
gagawin ko tinawanan mo ako ang sama ng ugali mo alam mo yon? Pagkatapos nun
humirit ka pa ng isa pang round pero hindi kita pinagbigyan napagtanto ko na
ibang level ang libog mo sa katawan.
Aminado
ako madalas akong magtampo sayo pero alam mong fries lang ang katapat ko at
minsan nga ngiti mo pa lang tunaw na lahat ng tampo ko sayo ewan ko ba kung
anung meron sa mga ngiti mo.
Pero isang
unos ang naging mitsa ng lahat. Unos na maaring maiwasan kung namayani ang
pagpapatawad sa puso ko at hindi galit.
Ngayon
huli na ang lahat, nasaktan kita ng lubusan. Pinilit mong ibalik ang dati pero
nagmatigas ako, ngayon ikaw ay walang malay sa ospital nilalabanan ang
kamatayan. Kung pwede ko lang sana ibalik ang oras, kung pwede lang sana.
Hindi ko
alam kung ano na ang aking itsura habang kumakanta basta kailangan ilabas ang
lahat ng emosyon na nasa loob hindi dahil eto ang hinihingi ng kanta dahil
gusto ko kahit papaano nakakagaan sa pakiramdam.
Panandalian
akong tumigil sa pagkanta, nanlalabo ang aking mata dahil sa pag-iyak pero
naririnig ko ang pagsinghot ng manonood na parang umiiyak na dahil sa akin.
Matapos
kong kumanta ay isang nakakabinging palakpakan ang aking natanggap mula sa
kanila inakay naman ako ni Jet paupo sa table namin nila Alexa at Alvin,
pinuntahan nila ako sa stage, nanginginig ang buong katawan ko sa labis na pag-iyak.
"Par
tingnan mo sila umiiyak, ganyan ka kagaling par congrats" < --- Jet
"Pero
h-hindi naman niya ako narinig, baliwala rin" < --- Ako
"Ok
lang Andrei navideohan ko naman eh, grabe nagtaasan ang balahibo ko sa galing
mong kumanta" < --- Alvin
"Papa
Andrei nakakainis ka, nagmuka akong zombie. Nadala ako sa kinanta mo umiyak
tuloy ako. Tingnan mo ako!" < --- Alexa
"Grabe
guys that was an outstanding performance! I can feel the emotion pouring out at
habang kumakanta ni Mr. Andrei talaga namang maluha luha ako, pati pala kayo
grabe. . . Palalakpakan natin ulit natin Mr. Andrei De Dios! " < --- MC
Isang
nakakabinging palakpakan ang binigay nila sa akin.
"Ngayon
naman ay maghahanap ako ng isang studyante na umiyak sa performance ni Mr.
Andrei. Ikaw! Ate ikaw nga! Halika dito" < --- MC
"Hello"
"Anong
pangalan ni Ate?" < --- MC
"I'm
Sam"
"Ok
at anong masasabi mo kay Mr. Andrei ay mali sarreh, ano masasabi mo sa
performance niya?" < --- MC
"Emegerd!
Akin ka na lang po kuya!!! Hihi ang galing mo po kumanta! At ramdam na ramdam
namin ang emosyon mo, talaga pong naiyak ako grabe ang galing mo talaga kuya I
love you po!" < --- Sam
"Emegerd!
Nainlove si Sam" < --- MC
"Kuya
Andrei eto po number ko 093 . . ."
"Oops
bawal yan nena pasensiya na po, makakabalik ka na sa upuan mo" < --- MC
"Jet
ikaw muna bahala kay Andrei ah, mag mmc na ako patahanin mo yan" < ---
Alexa
"Sige
sige" < --- Jet
"Uuwi
na ako"
"Wag
muna par" < --- Jet
"Pupuntahan
ko si Chard par, hindi din naman ako mag-eenjoy dito. Gusto ko isa ako sa una
niyang makita paggising niya, kailangan niya ako ngayon"
"Sige,
pero magpahinga ka naman muna kahit kalahating oras lang, maupo ka muna"
< --- Jet
"Hi!
Kamusta kayo! Ako ang pinakamaganda at bukod na pinagpalang babae sa lahat! Ako
po si Alexa at your service!" < --- Alexa
"Wooow!
Nahiya ang introduction mo!" < --- MC
"I
know right! But wait grabe ang performance ng Papa Andrei ko, nagmuka akong
Lady gaga kakaiyak. Tama po kayo ng pagkakadinig ikakasal na po kami ni Andrei
kaya wag na po kayong umasa girls, gays and bi's" < --- Alexa
"Alexa
hindi masama ang mangarap wag lang ipilit sa realidad" < --- MC
"Hay
wala na ako masabi sayo girl, magsayawan na lang tayo!" < --- MC
"wooooo!"
< --- Crowd
"But
wait friend may isang humabol na kakanta" < --- Alexa
"What?
Wala naman sa Program ah" < --- MC
“Alvin
wala naman sa program to ah ang alam ko tayong dalawa lang ang kakanta”
“Oo nga
eh, hmmmm baka may biglang naisip si Sir Peps at may nahanap siyang singer”
< --- Alvin
"Hindi
lahat ng pangyayari planado, nakasulat sa papel. May mga pangyayari na hindi
natin inaasahan tulad nito, ang tawag dito ay PANIRA ng moment CHAROT!” <
--- Alexa
“Eh sino
naman kaya yan?”
“Walang
nakakaalam intayin na lang natin ipakilala” < --- Jet
Kakaiba
ang kutob ko,
"Ok
friend I give you the privilege of introducing whoever it is" < --- MC
"Yes
friend we witness happiness and sadness. Now let’s welcome the one who will
represent love that will last FOREVER" < --- Alexa
Dumilim
ang buong paligid.
Bukod
tanging stage lang ang maliwanag na unti unting binabalot ng usok.
Lumabas
ang isang lalaking nakamaskara.
Lahat ay
nagtatanong kung sino ang misteryosong lalaki na nasa stage, ang buhok nito ay
nakaporma na parang buhok ni Edward Cullen.
"Magandang
gabi po sa inyong lahat" < --- Masked guy
Bumilis
ang tibok ng puso ko sa hindi malaman na dahilan. Bakit pakiramdam ko magiging
malaking parte siya ng aking buhay?
Sino ka?
Sino ang
lalaking nagtatago sa likod ng maskara.
Kaboses
niya si . . .
Itutuloy >>>
Ang drama nito..si Chard ba to?
ReplyDeleteAlam n haha
ReplyDeleteRICHARD!!! OMG I just cried thoughtout the end of this chapter :**( kakainis grabe ikaw na Talaga author magaling mangbitin at super hnd ko ini expect kala ko Talaga nagwawala na si chard HUHUHU kakainis update kaagad please pretty please :)) -mrcdryl
ReplyDeleteWahahaha is this a big joke? Richard? Hahaha can't wait sa next episode. Hahaha preo worth to wait, ne of my fav. Series dto. Haha thank you.. :-) :-) more more more.. God Bless.. chard ur so drama but then again iloveit.
ReplyDeleteOo nga lakas mgbitin ni author.... pero the best tlga
ReplyDelete....nice one
-waxe-
maraming salamat po sa story at sa inspirasyon...
ReplyDeletesna po mabilis ang update!
ReplyDeletetnx tlgah..sa author neto
Wow grabee. Ive waited so long for this, eventhough nangapa nnman akong mag remenisce ngstory aus lang. Its worth waiting for. Grabe huge emotion on that song and i felt it. Haha. Cant wait for the next update.
ReplyDeleteAz
waaahhhhh, super bitin aman mr author! kakainis ka. hmph! Joke lng po he he he he. super nice chapter po.goodluck and keep up the good work!.
ReplyDeleteWh0ah! Kuya gio pinaiyak m0 na naman ako sa chapter nato...
ReplyDeletehi geo...hyan ha ngcoment na ako....godluck..tgal ng update
ReplyDeleteBkit d na nasundan? Anyare?
ReplyDeleteWala pa rin update si author :(
ReplyDeleteWala pa rin update si author?
ReplyDeleteLa na kong masabi....bow..................
ReplyDelete3 months n from last chapter.. Joketime ito! 9 months more p daw pra sa next chapter. Finishing touches n lng dw.. Mga 9 months pa pra 1 year! Ngsimula ksi writer ng istorya g d nya matapos
ReplyDelete