Followers

Tuesday, May 13, 2014

Final Requirement 24


1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14  15 16 17 18 19 20   
21 22 23

Sorry sa Update may problema lang po sa buhay ko :)

May 12 2014 ng tuluyan na akong sumuko.

but kaya ko to  :) :) 

Hi ngets :P

Ch@tmate ang Next story ko :)

Book 2 ng FNR hindi ko pa alam :)


Ayun lang

I love you all



Hi Regimar, Eros,NaitsirhC, Llemit, Jomar, Dyan, Boy Cookies (Super Friend kami), Kuya Er win, Parekoy!, Brother :), Joey :|, Kuya Erickson aba move on na hahaha :P, Neil :) Randsmesia, baru, Kuya Rome Tama ata basta lahat ng readers :)



PUSH KO PA RIN YUNG CHATMATE :) MAY MASAMA  AKONG BALAK EH :p ABANGAN

Hi K-Feds :)

Sa mga naging kaibigan ko maraming salamat :)
  

-  g!o Yu - :|


You can also give your comments/Suggestions/Reactions but please avoid using bad/harsh words.

Sa mga gustong mag-add sa akin type Gio Yu at kapag nakakita kayo ng gwapo ako yun :P kapal lang ng muka ko.

THANK YOU SA NAG PM SA AKIN NA SILENT READER KAYA NAAYOS KO ANG SECURITY NG FB KO PWEDE NIYO NA AKO I-ADD :)

Ito po ang unang story na ginawa ko sana magustuhan nyo :)



Final Requirement 24



Maaga ulit ngayon sa school kasi magpipintura ulet kami ni Alexa at ng iba pang mga involve sa ball tapos practice pa sa mga magpeperform tulad ko. Hindi ko alam kung susunduin ako ni Chard oh hindi, bahala siya kagabi pa ako nag-eeffort na makausap siya, sana manlang naisip niya na may naghihintay ng text mula sa kanya na nagmumukang tanga.


Nagrepresenta na si tatay na siya na ang maghahatid sa akin, since hindi ko alam kung susunduin ako ni Chard pumayag na ako libre pa sa pamasahe.


Tahimik.
Ewan sa ginagawa ni Chard na hindi pagpaparamdam naiinis talaga ako, nakakalungkot kasi I never imagine na kaya niyang gawin ito sa akin.
Si tatay naman mukang nagtataka kung bakit ang tahimik ko kasi.

Totoot < --- Calling Chard

Bahala ka diyan.

Ignore.

Totoot < --- Calling Chard

Ignore.

"May problema ba kayo anak?" < --- Tatay

"Wala naman po, uhm medyo nagseselos lang po ako doon sa partner niya. 

Tapos po hindi nagpaparamdam kagabi nakakainis nakailang text at tawag din po ako"

"Ah, nako anak dapat kaya mong kontrolin yang selos na yan, madalas yan ang nakakasira sa isang relasyon, magtiwala ka lang" < --- Tatay

“nakokontrol ko naman po tay eh hindi po nagparamdam kagabi tapos nalaman ko po kasama niya yun kagabi”

“Let him explain, siya yung natawag diba paano mo malalaman yung side niya if you keep on ignoring his calls?" < --- Tatay

"Magkikita naman po kami mamaya tay, at mas gusto ko po personal siya magpaliwanag" 

"Basta anak tandaan mo na huwag kayong gagawa ng desisyon kapag galit sa isa't isa" < --- Tatay 

"Sige po tay salamat sa payo" < --- Ako

Nagtext si Chard.

Chard <3: Babe sorry kung hindi ko nasasagot mga sms mo kagabi. I'll explain later papunta na din ako sa school see you there :'(

"Fries lang katapat nan anak, teka hanap tayo drive through" < --- Tatay

"Yey! Salamat tay alam niyo talaga kung paano ako pasayahin" < --- Ako

"Para ka talagang bata" < --- Tatay

"Bata pa naman po ako ah" < --- Ako

"Isip bata to be exact" < --- Tatay

"Eh, wala tay ganito ako eh, bilis gusto ko na fries wala pa bang drive through?" < --- Ako

. . .


Pagkababa sa school doon ko lang narealize na school festival pala namin ngayon. Kaya naman puro booth ngayon sa loob ng campus. Nandito ang pinakamaingay na videoke booth na pakana ng IT organization, may isa pang estudyante pa na kumakanta ng “My Way” na talaga namang samusabit sa mga ngipin ang boses. Ang walang kamatayang color game ng DASTE ang dahilan kung bakit nagmumukang peryahan ang campus. Ang all-time favorite barilan na pinamumunuan ng JPIA, may mga estatwa, padamihan ng mapatumba may premyo, napansin ko yung malaking Teddy Bear na kulay blue ang cute. Mawawala ba naman ang nakakapagod na Jail Booth ng Criminology student, nakakainis lang wala namang kasalanan ikukulong ka, tapos kailangan pang may tumubos sayo mula sa labas, at sila ang may pinaka-malaking kita sa festival kada taon. At syempre ang tinitiliang Marriage booth ng CS org, magbabayad ka, isusulat ang pangalan ng dalawang taong gustong ipakasal at sila na ang bahalang maghanap.

Mukang may ikakasal ah todo tilian ang mga babae na nandoon, makasilip nga.
Hmm pwede kaya na kami ni Chard ang ikasal dito? Hahaha ang cute siguro nun. Pero syempre gusto ko siya makaisip noon.

“Kiss kiss kiss kiss kiss!” < ---- mga babaeng supporter ng ikakasal na babae.

Teka mga kaibigan ni Shane yun ah.

Nagmadali akong lumapit.

Hindi ako nagkamali si Shane nga at si . . .

“Babe?”

Lahat sila napatingin sa akin, si Shane nabigla rin. Nawala ang maingay na pangbuburyo nilang magkiss at napalitan ng bulungan.

“B-babe, w-wala to ah it’s just for fun” < --- Chard

“Ah for fun? Nice! Sige nga kiss kiss kiss!”

“Babe naman” < --- Chard

“Ano? I’m “supporting” you Babe sige nga tapusin mo na ako best man!”

“Andrei it’s just for fun naman eh get a life my goodness” < --- Shane

“OO nga eh ang saya saya mo. Sige alis na ako pakiramdam ko ako yung “Tumutol” sa kasal niyo eh”

Kahit alam kong peke lang yung kasal na yon masakit pa rin para sa akin makita ang taong mahal mo at ang taong kinaiinisan mo. 

Tumakbo ako palayo, hindi na din natuloy ang kasal-kasalan ni Shane at Chard dahil alam kong sinundan ako ni Chard. Tumakbo lang ako ng tumakbo  tinatawag ako ni Chard pero hindi ko siya nililingon. Nakapagtago ako sa malaking puno sa field ng campus namin.

Umupo ako sa malalaking ugat nito at dito nagpapahangin, nagpapawala ng ka-badtripan sa kanila. Alam naman ni Chard na naiinis na ako kay Shane pagkatapos gagawin pa niya yun? Mukang enjoy na enjoy pa sa pang-buburyo ng mga kaibigan na i-kiss niya si Shane, paano kaya kung hindi ako dumating ng maaga? 

“Baaaaaaaabe!” < --- Chard

Bahala ka diyan mamatay ka sa kakahanap sa akin, pagkatapos mo akong hindi pansinin kagabi. Hindi kita papansinin sa pagtatawag mo ngayon.
Dahil nasa gilid ang puno kung saan ako nakaupo medyo mahirap at tago ang lugar kung nasaan ako ngayon kaya imposible na makita ako ni Chard dito.

“totooot” < --- Calling Chard

Ay lintek matalino talaga, panigurado narinig niya yung tone ng phone ko.
Eto na nga papunta na sa lugar na kanilalagayan ko nakakainis.
Umupo siya sa tabi ko.

Hindi ko siya pinapansin at wala akong balak.

Binubunggo niya ang balikat ko gamit ang katawan niya, hindi ko pa din pinapansin. Inulit niya ulet, wala pa din akong pakialam. Hinawakan niya ang kamay ko, hindi ako nagpapatinag sa ginagawa niya.

“Alam ko nagtatampo ka sa akin” < --- Chard

“Hindi papaano mo naman naisip ang ganyang bagay, kagabi lang naman hindi ka man lang tumawag, kahit magtext manlang. Pagkatapos malalaman kong sabay sabay kayong umuwi nila Shane. Pagkatapos kanina may mock up wedding pa kayo ni Shane at mukang may balak kang ikiss siya. sabihin mo anong katampo-tampo sa ginawa mo?” < --- mahaba kong litanya kay Babe habang nakatingin sa malayo.

Hindi daw papansinin hay naku Andrei.

“Babe hinatid ko lang sila sa sakayan ok? Gabi na kasi baka mapano sila, babae yung mga yon. Kaya naman hindi ako makapagtext sayo kasi po kagabi lowbat phone ko kaninang umaga ko lang naicharge sobra po kasi pagod ko kagabi, at doon sa nakita mo kanina wala akong balak na halikan si Shane Babe, hinding hindi ko gagawin yun, yes she may be pretty but I have you, hindi na ako maghahanap ng iba pa” < --- Chard

“Bola mo”

“Sorry na Babe after this ball everything will get back to normal ok?” < --- Chard 

“Eh bakit hindi ka na ang nagbayad para tumanggi sa kasal na yon”

“K-kasi Babe ang daming natutuwa, lahat gusto na ikasal kami kaya pinag-bigyan ko na lang” < --- Chard

“At hindi m-mo manlang inisip ang mararamdaman ko? Marami ka nga mapapasaya pero iniisip mo naman sana yung mararamdaman ko, masakit kaya”

“Babe, do you think gusto ko yon? Ofcourse inisip ko yung mararamdaman mo, hindi ko lang alam kung paano ako tatakas and thank god dumating ka nagkaroon ako ng dahilan para makaalis doon” < --- Chard 

“Kung hindi ako dumating ano? Itutuloy mo?”

“No, aalis na sana ako pero bigla kang dumating at nagalit, sorry Babe lalayo na ako kay Shane after the Ball, if you want sabi ko nga dati mag-baback out na lang ako”

“Pero nakikita ko na gusto mo yung ginagawa mo Babe at ayoko naman na magbaback-out ka dahil sa akin”

“Sorry Babe promise hindi ako magpapaseduce sa kanya” < --- Chard

“Aba dapat lang! Sorry din, I don't trust you enough, siguro masyado lang ako nagselos" 

"Ok lang babe, I would feel the same if I were you" < --- Chard




Richard --- >>>

Last night Shane asks me if I want to go the bar together with her friends, and since wala naman ako gagawin so might as well enjoy the night.

"Chard thank you for coming" < --- Shane

"Wala din naman akong gagawin eh"

"Ok this will be a great night" < --- Lyka

"Get ready to party" < --- Roxanne

“Are you sure Andrei won’t mind this?” < --- Shane

Low bat ang phone ko hindi ako makapagtext kay Babe para makapagpaalam, for sure he'll let me pero magagalit yun panigurado kasi kasama ko si Shane.

When we reach the club I saw the man who causes babe so much trouble si Jake. Nakaramdam ako ng inis, parang gusto ko siyang sapakin but at some point nananahimik na siya kaya panigilan ko na alng itong inis na aking nararamdaman. 

“Ah never mind kayo na lang Shane bigla sumama ang pakiramdam ko eh enjoy the night na lang”

“Sayang naman” < --- Shane

“Yeah Sorry ah” 

“Wanna go somewhere? Para maglabas ng stress? Problems? Or anything na gusto mo ilabas? Shoot it at me” < --- Shane

I feel some weird feeling sa tanong ni Shane, hindi ko tuloy mapigilang isipin na may hidden agenda siya sa sinabi niya.

“Hey natulala ka dyan, so are you game?” < --- Shane

“Ah, No shane go with your friends uuwi na lang ako at magagalit si Andrei if he finds out na nasa bar ako”

“Oh your boyfriend ok sige balik na lang ako doon” < --- Dismayadong tugon ni Shane

“Have fun”

Hindi ako makapaniwala na ganyan ang ugali ni Shane, especially when she said that “Anything na gusto mo ilabas”. I do’t know if maduma lang ang pag-iisip ko or she was really seducing me.

Pag-kauwi ko naman ay sermon ang inabot ko ma mommy at daddy.

“Hey young man, mabuti naman at saulado mo pa ang pauwi dito sa atin” < --- Mommy

“Sorry po mom, doon po kasi ako natulog kila Andrei kahapon sorry if hindi ako nakapag-paalam” 

“I would really tell Athan na doon ka na patirahin, since mas gusto mo sila kasama” < --- Daddy

“Eyyooow Tito Chad! I miss you” < --- Baby Simon

“Aaaaaaw I miss you too Baby Si”

“Tingnan mo na miss ka na ng pamangkin mo kasi hindi ka lagi mahagilap dito sa atin” < --- Kuya Adam

Come to think of it medyo naging abala nga ako masyado kay Babe at sa school but is not a bad thing may be I just forgot na may family din na nakaka-miss sa akin, I should spend more time with them nakakamiss din kasi sila.

After nila akong sermunan I hurriedly throw myself in the bed, I need some sleep. I didn’t even bother to charge my phone.

Kinabukasan naman sinusubukan ko tawagan si Babe after juicing up my phone and as expected nagtampo nga sa akin kasi hindi ko siya natawagan at nai-text kagabi.

Kaninang umaga naman pagkababa ko ng kotse may humablot sa akin, and I end up at the marriage booth bago pa man ako makatanggi dumating si Babe at nakita ko sa mga mata niya ang matinding pagseselos. 

Ngayon eto umiisip ako ng paraan para mawala ang tampo niya sa akin. Alam ko at ramdam ko na may galit pa din siya sa akin.

Then I saw this Giant Teddy bear.

"Babe you want that giant Bear?"

"Hindi mo naman yan kaya makuha" < --- Andrei

"Kapag nakuha ko? Anong premyo ko?”

"sige may kiss ka sa akin I’m sure hindi mo makukuha yan" < --- Andrei

"Watch me"

Bang.

Bang.

Bang.

Bang.

Bang.

Bang.

Bang.

Bang.

Bang.

Bang.

"Anong kulay gusto mo?"

"Hmp, blue, dinaya mo naman eh" < --- Andrei

"Asa naman, nakita mo naman diba? Tumba lahat"

"Ok kiss na kita?" < --- Andrei

“Nah save it later if you know what I mean” 

“Halay mo talaga” < --- Andrei

“No Babe, tulad nga ng sabi ko I just have a sexy imagination”
Umupo muna kami sa bench para makapagpahinga, and I volunteer na ako na ang bumili ng pagkain namin late na kasi ako nagising kanina kaya I haven’t eat anything since then.

Pero bago yan . . .


Andrei --- >>>

Nakakainis! Kanina pa umalis yun ah bibili lang daw ng pagkain ang tagal tagal nagmumuka na din akong tanga dito mag-isa nakaupo sa bench.
Katabi ko ngayon yung blue giant teddy bear na napanalunan ni Chard doon sa baril barilan.

"Hoy bakit ang tagal ng isa mo pang tatay nagugutom na ko"

Nasisiraan na ako ng bait pati teddy bear kinakausap na, tagal tagal kasi.
Sa sobrang inis ko aalis na sana ako para pumasok sa loob ng school at tumabay na lang sa loob ng library pero may biglang may nagtakip sa akin ng makapal na tela.

"H-hoy teka?! Sino kayo? Saan niyo ako dadalin?! Pakawalan niyo ako!"

"Eto yung mayaman na anak ng de Dios di ba?" < --- K2

"Tiba tiba tayo dito" < --- K1

"Teka sino ba kayo ah?! TUUULONG!"

Naguguluhan na ako, hindi to sa Jail Booth or sa marriage Booth eh, at anong tiba tiba ang pinagsasasabi. Mukhang mga tunay na kidnapper ang mga to ah, pero papaano naman makakapasok sa liib ng campus to? Pero kahit anong sigaw ang gawin ko nagmumukang kinuha lang ako ng mga tauhan ng isang booth, lahat yan ang iniisip kaya walang tumutulong sa akin.

“Ano ba?! lagot kyo sa akin kapag nakawala ako dito!”

“KUNG makakawala ka pa dahil pagkatapos nito mayaman na kami” < --- K1

. . .


Sinakay nila ako sa kotse at lumabas kami sa School. Hindi ko alam kung saan nila ako dadalhin.

“Toot” < --- Calling Chard <3

“Ui natawag boyfriend mo oh ako na sasagot” < --- K1

“Babe nasaan ka?” < --- Chard over the phone

“Magsalita ka” < --- K1

“S-sino ka?” < --- Chard

“B-babe I think kinidnapped nila ako”

“W-what?! Anong kailangan niyo ibalik niyo si Andrei!” < --- Chard

“Oo naman bigyan mo kaming 1 million” < --- K1

“O-ok please ibalik niyo si Babe agad” < --- Chard

“Babe wag!”

“manahimik ka!” < --- K1

. . .

Wala akong makita nakatakip ang mga mata ko at hawak nila ang mga kamay ko. Naglakad kami sa madamong lugar, napakatahimik at malinsangan ang panahon, nasaan na ba ako?

“Sige alisin mo na ang piring mo” < --- K2

Tinanggal ko yung blindfold.

Huh?

Marriage Booth?

Kumpara kanina mas maganda na ito dahil kumpleto na ito sa Tela na nakaribbon sa mga upuan, sa gitna may red carpet na, kumakanta ang choral group ng “Thousand years”. Sa dulo naman nag-iintay ang mastermind, ang nagpadukot sa akin, ang nagplano na hingan ako ng 1 million ransom money.

Walang iba kung hindi si Chard.

Naglakad ako papalapit sa altar.

Kumpleto pala ang casting, nakaupo sila Jet, Alexa at ang barkada ni Chard. Ang mga teachers ng computer studies maliban kay Sir Jake. Baliw talaga to si Chard panigurado usap-usapan nanaman kami nito.
Aba may photographer pa ah.

“Surprised?” < --- Chard

“Very surprise”

Hinawakan niya ang palad ko at sabay umupo at humarap sa Pari kuno ng marriage Booth.

“First of all I would like to thank Mr. Richard Alvarez by making our Booth more look like a wedding entourage and sorry for the English” < --- Pari kuno

Pumalakpak sila lahat.

“Nandito tayong lahat upang masaksihan ang pag-iisang dibdib ng dalawang lalaking nagmamahalan ng wagas wagas. isang hindi pangkaraniwang pag-ibig na hindi mo makikita sa tabi-tabi, ang pag-iisang dibdib ni Richard Alvarez at Andrei De Dios” < --- Pari

“Babe adik ka talaga, prepared sila ah” < --- bulong ko kay chard

“Naman, anything for my Babe, sana nga totoo na to eh” < --- Bulong din ni Chard

“Mayroon bang tumututol sa kasal na ito?” < --- Pari kuno

“Ako po!

“Ako ako!”

“Kami!”

“B-babe hahaha hindi na matutuloy ang kasala natin yung mga may crush sayo oh tumututol”

“Ahaha hindi naman lahat yan sa akin may crush eh yung iba sayo” < --- Chard

“Pero kahit po tumutol kaya wala po kayong magagawa tuloy pa rin ang kasal nilang dalawa, sila po ang major sponsor ng booth na ito” < --- Pari kuno

Adik pala to eh bakit pa magtatanong? Kung kahit anong pagtutol nila ay matutuloy at matutuloy ang kasal namin ni Babe. Pero ang saya kasi parang hinayang na hinayang ang mga babae sa amin ni Babe, at kahit hindi man ito totoo ang sarap sa pakiramdam, ikakasal ka sa taong mahal mo.

“Richard Alvarez tinatanggap mo ba si Andrei de Dios, sa hirap at ginhawa, sa sarap at sakit, sa sikip at luwag?”

“Opo Father dali na doon na sa kiss part” < --- Chard

-___- Timang talaga to baka ganito ang gawin nito sa kasal namin if ever kami hanggang huli. Sarap at sakit? Sikip at luwag? Parang ang halay ng dating sa akin.

“Ikaw Andrei, tinatanggap mo ba si Richard, sa hirap oh ginhawa, sarap at sakit, sa sikip at luwag?”

“Opo Father”

“Dali Kiss part na!” < --- Chard

“Ay nakakaloka to atat?!” < --- Alexa

“Sa kapangyarihan na ibinigay sa akin ng diyos I pronounce you Husband and W- eh este husband you may kiss each other” < --- Pari

Tumayo kami ni Babe at unti unting naglapat ang aming mga labi.
Nagsipalakpakan naman silang lahat. Ang sarap sa feeling kahit hindi ito totoo pero sa puso namin ni Chard totoong totoo ito.

Pero hindi pa din ako tinitigilan ni Babe sa kakahalik, nakayakap siya sa akin kaya hindi ako makalayo.

“Ah, um Babe sobra na ata?”

“Mas mabuti na ang sobra kaysa kulang” < --- Chard

“Gagew ka talaga”

Nagpasalamat si Chard sa mga professor na pinilit niyang manood sa kasal-kuno namin. Syempre hindi mawawala ang picture taking after the ceremony, kasama ang mga barkada ni Chard at mga kaibigan ko. Pagkatapos ay hinila ako ni Chard sa kotse niya, natawa ako kasi may nakalagay na “Just Married” sa likod, feel na feel ni Babe yung Wedding namin.

“Nagustuhan mo Babe” < --- Chard

“Soobra, kahit fake lang yun para sa akin totoo na yun asawa na kita at hinding hindi na kita pakakawalan pa”

“Ako din, at dahil kasal na tayo oras na para sa honeymoon natin” < --- Chard

“A-anung ibig mong sabihin?”


“Pupunta tayo sa SG” < --- Chard

“huh? Sa KFC So Good?”

“Hindi kaya yun meaning nun” < --- Chard

“Eh ano?”

Binulong sa akin ni Chard kung ano ang ibig sabihin ng SG pinaghahampas ko nga, tanghaling tapat adik to at hindi ako papayag no, at ayoko doon at hindi ko nanaisin na pumasok doon no kahit nacucurious ako kung anong itsura sa loob.
Kumain kami ng lunch ni Chard sa usual sa KFC SG! So Good! As usual puro fries ulit ang kinakain ko nagagalit si Chard pero kasalanan naman niya kasi siya ang umorder nito eh sayang naman kung hindi kakainin.

Totoot < --- 1 new SMS

Sir Peps: 1 pm sharp may practice tayo

Nakakainis naman may event sa school tapos magpapractisin kami. Sira tuloy ang plano namin ni Babe na mag-ice skating sa MOA ngayon tss. Sila Chard walang practice ngayon kaya samama na lang siya sa akin sa pagpapractice. Bumalik ulit kami sa School at nagpunta sa auditorium.

Kaunti lang ang tao doon,si Sir Peps ako at Chard, si Alvin ang kakanta ng Happy side of love, ang choral na kakanta ng National Anthem at yung mga banda na binubuo din ng grupo ng estudyante. Ang pinagtataka ko lang bakit nandito ang grupo ni Shane?

Nakaupo si Chard malapit sa lugar kung saan kami nagppractice hawak niya si Blue Teddy bear. Si Alvin, na hindi ko alam kung bakit sobrang sweet sa akin eh hindi naman kami nagpapansinan niti kahapon lang, 4th year BSA student si Alvin medyo may itsura at napapabalitang BI. Huling huli ko ang mga tingin niya sa akin, parang may mali kasi kahapon naman hindi siya ganyan, halos hindi nga kami magpansinan niyan eh pero ngayon kung makadikit akala mo sobrang close. Hindi naman nakaligtas yun sa mga mata ni Chard kana nakita ko na lang na nandoon sa kinauupuan niya nakasimangot, miya miya nagpunta sa banyo kaya nagpaalam ako at sinundan siya.

“Babe bakit ka naman nakasimangot? Panget ba yung kanta ko?”

“No, Bakit ba dikit ng dikit yung Alvin na yon sayo?” < --- Chard

“nagseselos?”

“Ako? Sa gwapo kong to magseselos doon? You gotta be kidding me” < --- Chard

“Eh bakit namamawis yang ilong mo?”

“Mainit summer” < --- Chard

“Halika nga dito, alam mo Richard Alvarez wag ka na po magselos ok? Kasal na tayo diba?”

“Eh kasi lapit ng lapit sayo eh! Naiinis ako masyadong feeling close eh hindi naman yan ganyan dati” < --- Chard

“Cute mo naman magselos Babe”

“Hmmmmp, naiinis pa din ako sa Alvin nay un ah . . . bakit ba ang dami kong karibal sayo?” < --- Chard

“Asuuuuuuuuus ang drama naman, halika dito hug kita”

Ang cute magselos ng mokong hehehe mas obvious pa sa akin. Yung ilong nagpapawis, yung mata naniningkit. I feel so loved when he acts that way.
Napapa-english tuloy ako.

Bumalik na ako sa pagpapractice si Chard naman nandoon sa isang sulok may pinapanood na kung ano. Sila Shane naman hindi ko alam pero kanina pa tignin ng tingin sa akin nakakatakot tuloy baka kinukulam na ako nun.

“Ah I saw your wedding to that guy over there” < --- Alvin

“Ah nakita mo pala yun, nakakahiya sikat na ata kami sa buong school siya pala si Chard Boyfriend ko”

“I have questions, paano ka nag-out?” < --- Alvin

“Ah kasi nakita kami ng kuya ko na nag-kiss na Chard sa loob ng kotse niya once nung hinatid niya ako sa amin, kaya noong gabing yon tinanong nila ako, eh wala nanaman akong tatakasan sinabi ko sa kanila, kasi lately ko lang din nalaman ang preference ko kaya mahirap tanggapin at first pero wala naman akong choice, hindi ko pinili maging ganito sadyang ito siguro ang nakatakda”

“Alam mo hanga ako sayo, kasi kaya niyo mag-out ng BF mo eh ako wala I need to hide natatakot sa mga sasabihin nila, hindi ko alam ang magiging reaction nila if malaman nila ang preference ko lalo na ng magulang ko” < --- Alvin

“Totoo pala ang mga bulungan. Ganyan din naramdaman ko noon, natakot din ako sa mga sasabihin ng iba, natakot din ako sa sasabihin ng magulang ko at yung tatay ko nga hindi tanggap nung una eh, alam mo Alvin walang masama maging silahis oh bading, depende yan sa gagawin mo, kung gusto mo ng respeto wag kang gagawa ng bagay na ikakasira mo, magdamit ng tama at mabuhay ng may takot sa diyos at higit sa lahat may respeto sa kapwa. Kung malaman nila kung anuman ang preference mo as long na wala kang ginagawa sa kanila they will still repect you. Oo may mga taong mang huhusga sayo wag kang magalit sa kanila, ipakita mo sa kanila na mas magaling ka, prove them wrong na mali na hinusgahan ka nila”

“Salamat Andrei ah, Sana maging magkaibigan tayo, gusto ko may kasama akong kaibigan sa pagtahak sa bagong buhay na tatahakin ko” < --- Alvin
“Suure walang problema”

“Aaaah mukang nagkakaintindihan na kayo ah” < --- Si Chard na biglang sumulpot sa likod ko sabay lingkis ng mga braso niya sa katawan ko

“Kakagulat naman to ah Babe si Alvin and guess what? BI din siya kaso takot  mag-out”

“Mukang nainspired ka sa amin ah, alam mo walang masama basta ang mahalaga magpakatotoo ka” < --- Chard

“Ayun nga sinabi ko inulit mo lang”

“Ah . . . bakit bawal ulitin? < --- Chard

“Opo may bayad”

“Ah ganoon may bayad pala ah” < --- Si chard kiniliti nanamaan ako

“Hahaha tumigil ka nga bugok ka! Hahaa! Oo na libre na hahahahaha!”

“Ang sweet niyo naman nakakainggit tuloy” < --- Alvin

“Oo kaya wala kang pag-asa sa Babe ko kung balak mo siyang pormahan” < --- Pagbabanta ni Chard

“Ulols ka talaga, takutin ba babe?”

“Naninigurado lang ako, Ano Alvin wala ka naman balak diba?” < --- Paninigurado ulit ni Chard

“No, I don’t have any plans at all. Oo gwapo si Andrei pero alam ko kung ano at saan ako lulugar” < --- Alvin

“Good” < --- Chard

Nag-kwento kami ni Babe ng mga karanasan namin kay Alvin. Hindi man ganoong ka-magical or ka-fairytale ang panagdaanan namin still worth mentioning naman kasi madami na din kaming napag-daanan ni Chard and thankfully nalagpasan namin lahat ng yun.

“Wow sa maikling panahon you’ve been through a lot ah, sana makahanap ako ng partner na mamahalin ako tulad ng pagmamhalan niyo walang iwanan” < --- Alvin

“Ah malabo yan Alvin nag-iisa sa mundo si Chard eh”

“Wow, kinilig naman ako doon babe halika nga dito pakiss” < --- Chard

“Waaah wag nakakahiya kay Alvin oh”

“Nah . . . sige lang I don’t mind”

“Dapat sa akin kayo mahiya”

Napatayo kami ni Babe nasa likod pala namin si Sir Peps, ay oo nga pala pinagpaparactice kami ni Alvin, lagot kami nito.

“Hoy Mr. alvarez since nandiyan naman ang partner mo bakit hindi din kayo mag-practice ng hindi mo inaabala itong sa Mr. de dios” < --- Sir Peps

“Ay hindi sir pabalikin niyo na lang po si Chard doon sa upuan niya kanina”

“No since nandiyan na din naman si shane might as well take their practice” < --- Sir Peps

Haist nakakainis naman! Tinawag na nga ni sir Peps si Shane na mukang tuwang tuwa kasi makakasama nanaman niya ang Babe ko. May pag-irap pa sa akin naku pasalamat ka mabait ako kung hindi dudukutin ko yang mga mata mo.

. . .

Balik practice kami ni Alvin at si Chard napilitan din mag-practice kasama si Shane, naiinis ako pero wala akong magagawa kasi naman itong si sir Peps dapat kahit bukas na lang sila mag-practice eh, ayoko na sa nakikita kong actions ni Shane, determinado na siyang kunin si Chard at sa kahit anong paraan hindi ko yon papayagan.

Pak!

“Aray . . .”

“Nasaan ang focus mo Andrei?” < --- Sir Peps

“Sorry po, may bumabagabag lang po sa isip ko”

“Andrei alam ko nagseselos ka doon sa partner niya, magtiwala ka kay Chard mahal na mahal ka niyan” < --- Alvin

“Hindi ko lang mapigilan sorry”

“Look Andrei, mahal ka ng boyfriend mo I saw his mock wedding with shane and he refuse to finish that because he follows you, then after several hour nakita ko ang engrandeng mock wedding nyo ng boyfriend mo and I saw the happiness in his eyes kaya I’m sure he’d loyal to you?”

“Salamat sir”

“Ok last set, then let’s call it a day” < --- Sir Peps

“Ah sir pwede po bang . . .”

“Yes Andrei you can take your boyfriend” < --- Sir Peps

Since maaga natapos ang practice, napag-desisyunang naming gumala ni Babe kasama si Jet, Alexa at syempre si Alvin gusto ko siyang maging malapit na kaibigan.

“Aaaaaaay Papa Andrei regalo mo sa akin?” < --- Alexa

“Bi din siya Alexa, depende sa kanya kung magugustuhan ka niyan”

“Hi alexa, Hi Jet” < --- Alvin

“Ay half half din I gave up! Wala na talagang matinong lalake sa mundo!” < --- Alexa

“Ayan si Jet” < --- Chard

“NO WAY!” < --- Jet at Alexa

“Wow wagas naman makatanggi ng dalawang to, Alexa diba may nanliligaw sayo?”

“Naku! May hidden power sa underarms hindi ko kinaya my god” < --- Alexa

. . .

Sumakay kami sa kotse ni Chard, kami sa harap tapos si Jet at Alvin sa magkabilang gilid, nasa gitna si Alexa na todo sandal ng ulo kay Alvin.

"Ah Babe saan tayo pupunta?"

"Sa Luneta Babe, gusto ko makita yung dancing fountain dun" < --- Chard

"Ay bongga ngayon ko lang makikita yun" < --- Alexa

"Nakita ko na sa Tv yan" < --- Alvin

"Waah kaexcite naman malayo pa ba babe?"

"Opo, SLEX palang tayo eh, Manila pa yon, baka matrapik pa" < --- Chard



Richard --- >
Eto na nga ang trapik, but luckily medyo gumagalaw naman siya so we'll be there in a while.

Tulad ng dati tulog nanaman si Babe sa biyahe, hindi na talaga to magbabago. I heard from tito Athan that he refuse to have a car dahil lagi lang naman daw siya tulog at nandito naman daw ako para magkasabay kaming pumasok sa school.

"Tulog nanaman c Papa Andrei" < --- Alexa

"Well he's always like that since I met him, minsan ko lang yan nakitang gising, naalala nyo yung hiking? Tulog kayo noong pauwi tayo eh kami lang ang gising at pinipilit niyang pawalain antok ko"

"Kaya wag mo palagi pinapasama loob nan Papa Chard" < --- Alexa

"Oo nga agaw eksena kaya yung habulan nyo kaninang umaga" < --- Jet

"I know, lagi ko na lang siya nasasaktan dahil sa mga maling aksyon na nagagawa ko, I swear guys after the ball iiwasan ko na si Shane"  

"Ay ang tahimik naman ni Alvin pwede po magsalita, bad breath ka ba?" < --- Alexa

"Ay potek tulog din" < ---  Alexa

Ayan may ka-jamming na si Babe sa pagtulog. Hindi na ako nagselos pa kay Alvin, well that he's one of us now at muka namang wala siyang balak agawin si Babe.

Nakarating din kami sa Luneta humanap ng parking lot.

"Bakit hindi mo pa ginigising si Andrei?" < --- Alvin

"Ah teka panoorin nyo to"

Hinalikan ko si Babe.

*Kiss

Unti-unting nagmulat ng mata si Babe.

"Nandito na pala tayo, napasarap ata ng tulog ko" < --- Andrei


"Antaray Sleeping beauty ang peg" < --- Alexa

"Palagi naman masarap tulog mo Babe, tara na"

"H-hindi naman grabe kayo ikaw ah kagigising ko lang baka gusto mong may mangyaring masama sayo" < --- Andrei

“Sunget naman babe”

“Gwapo naman” < --- Andrei

Medyo madilim na ang paligid kaya panigurado na malapit na mag-liwanag ang dancing fountain mamaya-maya lang. humanap kami ni Babe ng magandang lugar, pinabayaan namin silang tatlo ang magsama, gusto ko kasi masolo si Babe. Sa harap ng fountain mayroong mga upuan na maaring tambayan at panooran ng gustong makasaksi sa liwanag na dala ng dancing fountain. Niyaya ko umupo si Babe.

“Babe bakit parang ang tagal magsimula? Kanina pa tayo dito ah” < --- Andrei

“Babe relax, maya maya magsisimula na yan, wait I have something for you”

“wow saan mo binili to Babe?” < --- Andrei

Well, dyan sa MCDO near the National Library alam ko na gutom ka pagkagising”


)

“Oh ayan na pala eh”
Nagsimula na sumayaw ang tubig sa fountain area, kasabay ang iba’t ibang kulay ng mga ilaw na waring nagsasayaw, sumasabay sa bawat ritmo ng tugtugin. Namangha naman si Babe, literal siyang napanganga dahil ngayon lang niya nasaksihan ito. Habang tinititigan ko siya kita ko sa mga mata niya ang kasiyahan, yung ning ning na galak na galak, parang isang bata na ibinili ng pinakagusto niyang laruan. Inakbayan ko siya at inihilig ang ulo niya aking balikat, bilang ganti inayakap niya ang isang kamay niya sa likod ko. Ramdam ko panatag na tibok ng puso ni Andrei, payapa, walang inaalala o bumabagabag sa isip niya ngayon. Alam ko na lagi siyang nag-aalala kapag magkasama kami ni Shane sa practice dahil sabi niya ayaw niya na maagaw ako ni Shane o ng iba pa. Mahal ko si Andrei siya lang at wala nang iba pa.






Hindi ko namalayan na nasa likod pala namin sila Jet, Alexa at si Alvin tahimik din na nanonood.

“Baba salamat sa pagdadala mo dito sa akin, nakakagaan ng pakiramdam” < --- Andrei

“Alam ko madami ka iniisip this past days kaya naman this is the perfect place para mawala lahat ng worries mo Babe, and I want you to know that I love you, sa iyo lang ako, walang makaka-agaw”
“Salamat Babe, mas panatag ako dahil sa sinabi mo” < --- Andrei

*kiss

“Eeeeee! Kakaingget naman kayo! Alvin, kiss mo nga ako dali na” < --- Alexa

“H-h-ha? E-eh kasi wag sa iba na lang” < --- Alvin

“Tse!!!” < --- Alexa

“Kay Jet ayaw mo? < --- Andrei

“Yuck!!!” < --- Jet at Alexa

. . .


Andrei --- >>>

Ngayon ko lang nasaksihan yung dancing fountain sa Luneta astig mas maganda talaga sa personal. Magaan ang pakiramdam ko ngayon kasi alam kong ako pa din ang mahal ni Chard at sinigurado niya na akin lang siya. Babalik kami dito, yayakagin ko ulit si Babe sa lugar na to.

Bumalik kami sa may parking lot at doon kumain sa loob ng kotse ni Chard ng hapunan, bumili sila sa MCDO ng hapunan kasama doon ang fries ko. Masaya kaming nag-kwentuhan habang kumakain, nilagay naman sa hot seat ang bago naming kaibigan si Alvin kaya marami rami din kaming nalaman sa kanya at ginawa namin ito para maging palagay ang loob niya sa mga kasama ko. Nakakatuwa kasi game na game niyang sinagot ang mga tanong namin sa kanya, masyado siyang tapat, derecho sumagot pero makalipas ang ilang minuto ay nakukuha na din nitong magbiro, alam niya kasing malaya siya kapag kami ang kasama niya, walang halong pagbabalat kayo, naipapakita niya ang tunay na siya.

Pagkatapos kumain ay pauwi na sana kami pero ewan ko, hindi ko lam kung paano nila nalaman na nandito kami, sinundan niya na ba kami kanina? Nakakainis hanggang dito sa Maynila nakikita ko pa din ang pagmumuka ni Shane kasama yung dalawa niyang kaibigan na si Roxanne at Lyka.

“Oh fancy seeing you here? What a coincidence na magkikita tayo dito, so what are you doing here?” < --- Shane

“Ah nanood lang ng dancing fountain dito sa luneta” < --- Chard
Pakiramdam ko talaga sumunod itong mga ito sa amin eh, nakakainis akala ko naman bukas ko na makikita ang pagmumuka ng babaeng to, talagang inuubos ang pasensya ko.

“So uuwi ni kayo?” < --- Shane

“Ah yeah, it’s almost 9 pm na din eh” < --- Chard
Ayoko magsalita naiinis ako baka kung ano lang lumabas sa bibig ko kapag nagkataon.

“Ah, sayang naman ang punta niyo sa Manila, alam ko na I have a brilliant idea, why don’t you join us? We are going to the club” < --- Shane

“Ah eh, it’s kinda late Shane so we better heading back to Laguna” < --- Chard

“Aaaaaw, is it because kasama mo si Andrei, oh common Andrei please come with us?” < --- Shane

“Babe, no please” < --- Bulong sa akin ni Chard

Nakakainis to ah, pinapalabas ba niya na kaya hindi makapag-party si Chard dahil sa akin? Parang sinasabi niya na kinukulong ko si Chard, na walang kalayaan kapag ako ang kasama. Kaunti na lang ang pasensya ko sa babaeng to.

“Ok tara Babe”

Sabay talikod para sumakay sa kotse ni Chard, pupunta kami sa club. Hindi ko uurungan ang pang-babadtrip mo Shane. Tingnan lang natin kung sino ang mapapahiya.

"Babe, what was that? Bakit ka pumayag? No uuwi na tayo" < --- Chard

"Hindi ko alam Babe, iba pinapalabas niya eh, sige na pagbigyan na natin kahit sandali lang tayo"

"Bruha talaga yung babaeng yun! Naku kung ako ang sinabihan non, mag-asawang sampal ang aabutin niyan sa akin!" < --- Alexa

"Pero it's not a good Idea na pumunta pa tayo" < --- Jet

"Sige na pagbigyan nyo na ang babaeng yun nakakahiya naman"

"Ok basta saglit lang tayo ah" < --- Chard

Sinundan namin ang kotse nila Shane, ayoko talaga sa lahat pinagbibintangan ako ng bagay na hindi ko naman ginawa eh, tulad ng sinabi ni Shane. Nakasimangot talaga ako habang nasa biyahe.

Hinawakan ni Chard ang kamay ko.

"Ok lang ako Babe"

"No you’re not, sige na tell me what's on your mind" < --- Chard

"Kasi nainis ako sa sinabi ni Shane, parang ang dating sa akin pinipigilan kita sa pag-gogood time. Nasasakal ka ba sa akin Babe?"

"Hindi po, kahit kailan hindi ko inisip na kinukulong mo ako kasi hindi naman talaga. Babe karapatan mo din naman yun kasi ikaw ang bf ko at karapatan ko din yon sayo" < --- Chard

"Thank you Babe"

"Smile ka na ah, don't mind anything Shane said" < --- Chard


 . . .

Nakarating kami agad sa Club, maganda yung lugar halata mo na mayayaman lang ang nagpupunta dito. Pumasok kami sa loob, may parang tunnel ka pa na dadaanan upang makarating sa loob, pagkarating namin sa loob ay sobrang ingay, madaming nagsasayaw sa loob, nakakahilo yung ilaw na patay sinde, medyo nakakarinding sound system na may madagundong na bass.
Sinamahan kami ng waiter sa table namin.

Umorder si Shane ng drinks, hindi ko alam kung anong tawag doon, hindi ko kasi iniintindi ang sinasabi niya naiinis kasi ako sa kanya inom lang ng inom.

"So finally makakabonding na din namin si Andrei" < --- Shane

"Hindi naman kasi yan mahilig sa ganitong lugar" < --- Chard

"Bakit ikaw ba Chard hindi?" < --- Shane

"Hindi mahilig si Chard sa ganitong lugar"

“aaah I see, I’m sure itong so Alexa party girl” < --- Roxanne

“Alam niyo yan ng bongga bongga dati um-aura tayo noong 1st year kung saan saan” < --- Alexa

Nagkukuwentuhan sila, kami ni Chard tahimik lang na nainom, si Alexa naman kinukulit si Jet at Alvin. Si Shane pasimpleng natingin kay Chard, sineseduce niya talaga sa pasimpleng  paraan, nandiyan yung I baba yung damit niya sabay sabing “Ay ang inet” pero sa totoo lang fully air conditioned naman yung lugar, at kahit nakakailang inom na ako ng alak na inorder niya ay hindi naman ako masyado naiinitan. Kaya ako pasimple  ko din kinukuha ang atensyon ni Chard, bigla ko na lang siya susubuan ng pulutan, pero madalas ay nagkukwentuhan kaming dalawa. Hindi naman makakatakas sa akin ang pasimpleng pag-irap ni Shane, pinapalagpas ko yon dahil alam ko na ako ang panalo sa mga sandaling yon.


“Ok guys spin the bottle tayo” < --- Angelica

“Game” < --- Jet

Inikot ni Jet ang isang bote ng ubos na alak. Hindi ko namalayan nakaubos na pala kami. Medyo tinatamaan na ako ng alak, sinasalo na ni Chard yung ibang tagay ko, bakit ba kasi ang dali ko malasing. Kailangan ko maging alerto.
Tumapat ang bote kay Alexa.

“Truth or dare?” < --- Shane

“Truth” < --- Alexa

Kahit kalian talaga ang lakas ng loob ng babaeng ito.

“Ok so who is your crush? Kung nandito siya puntahan mo siya ngayon at yakapin with matching kiss sa cheeks" < --- Shane

Tumayo si Alexa, papunta sa lugar ni Jet, sabi na may crush to kay Jet at teka lumagpas?

Huh?

O___O

Pinatayo ako ni Alexa.

Niyakap.

Sabay kiss sa Cheeks.

“Ay naku Papa Andrei crush kaya kita, pero hanngang doon lang yun no kasi may papa Chard ka” < --- Alexa

“Akala ko kay Jet ka pupunta sayang”

“Eeeew!” < --- Jet at Alexa

Bakit ba nag-iisa ang isipan nila kapag silang dalawa pinag-uusapan, nakakahalata na ako sa inyo ah.

“Ok round 2” < --- Jet

Inikot si Bote.

Nahihilo na talaga ako, pero hindi talaga ako pwede matulog.

“Andrei, tagay mo na” < --- Angelica

“Akin na” < --- Chard

“Nooo, si Andrei ang iinom nito” < --- Angelica

“Akin na” ininom ko na yung tagay ko ayaw na nila ako payagan mag-pass eh, at pansin ko na medyo lasing na si Chard, paano pa kaya kami makakauwi nito. Si Alexa, Jet at Alvin mukang matitino pa mukang sabak lagi sa inuman at sanay na sanay, samantalang si Shane at ang kaibigan niya ay mukang sinasaniban na din ng espiritu ng alak.

“Shane, truth or dare?” < --- Jet

“Truth” < --- Shane

Nagkatinginan kami ni Alexa, alam niya ang iniisip ko at sumenyas na sinasabing 
“ok lang yan”. Pakiramdam ko kasi alam ko na ang mangyayari.

“Ok same Question sino ang crush mo at kung kasama siya ngayon ay yakapin mo sabay kiss sa pisngi” < --- Jet

Wala nga palang alam si Jet sa rivalry na namamagitan sa amin ni Shane.
Tumayo na nga si Shane, lumapit kay Chard at pwersahang itong hinila papunta sa kanya, panulupot niya ang mga kamay niya sa likod ni Chard at hinalikan niya sa pisngi.

“Well It’s not a surprise anyway crush ko talaga si Chard since 3rd year pa lang tayo, kaso he’s a bisexual” < --- Shane

“Ah ok na Shane you can let me go now” < --- Chard

“Oh sorry napasarap, Oh common guys it’s just a game. I’m sure Andrei won’t mind this right?” < --- Shane

“Kung tumagal ka pa ng ilang segundo, siguro oo pero hindi naman so I don’t mind”

Badtrip, yan ang kaisa-isang salitang nararamdaman ko sa mga oras na yon, yung mga titig ni shane kay Chard habang yakap niya kanina, yung pasimpleng pagtingin niya sa akin sabay pakawala ng nakakainis na ngiti.

“Ok tamana muna yan tagay pa guys” < --- Alvin na mukang lasing na

“Ah saglit CR lang ako”

“Samahan na kita Babe” < --- Chard

“Hindi na Babe kaya ko pa t…”

“Ayan, kaya pala eh tataob ka na halika na” < --- Chard

Pumunta kami ni Babe sa banyo, nagpunta agad ako sa Lababo para maghilamos ng mukha.

Baka sakaling mawala ang inis na nararamdam ko.

Baka sakaling mawala ang hilo ko

Baka sakali . . .


“Babe kaya mo pa?” < --- Chard

“oo kaya ko pa Babe, pero ang pasimpleng paglalandi sayo ni Shane hindi”

“Babe, sorry alam ko kanina pa ako sineseduce ni Shane pero don’t worry hindi ako naseduce or what, bumaba ang tingin ko sa kanya dahil sa mga actions niya, halika na uuwi na tayo lasing ka na oh, sa amin kana matutulog ah, pagpapaalam na lang kita kay Tito” < --- Chard

“Sige Babe”

Pinunasan ni Chard ang mukha ko parang bata, basing basa kasi ng tubig.
Bumalik kami sa table naman para yakagin silang umuwi pero wala sila lahat doon, nakita na lang namin na nasa dance floor sila at nagsasasayaw.
Nakakahilo talaga yung malalakas na ilaw, doon pa kami nagpunta ni Chard para yakagin sila pero sandali lang daw at kakasayaw lang nila.

“Sige Babe sayaw na lang din tayo”

Hindi ko na talaga alam ang ginagawa ko basta sumayaw ako, alam ko pa naman ang nangyayari nasa tabi ko si Chard, pinagtatawanan ako ni Alexa kasi para daw akong ewan sumayaw, Si Shane naman ay nakikipag dirty dance sa ibang mga lalaki, sa likod ng maamong mukha eto nagtatago ang masamang ugali na wala ni sinuman ang nag-akala.

Biglang natahimik ang paligid.

Ang patay sinding ilaw ang tumigil, bumagal naman ang paggalaw ng ibang ilaw na kasama nito. Ang ang mababasag tengang tugtugin ay napalitan ng mahina at musikang kailangan ng partner.

“ok grab you crush” < --- Roxanne

Walang sabi sabi tumakbo si Shane kay Chard, wala akong nagawa pumunta ako kay Alexa, si Jet at Angelica ang magpartner at si Roxanne naman ay kay Alvin. 

Planado nila to nararamdaman ko, sagad na talaga ang inis ko kay Shane.

“Papa Andrei alam ko yang iniisip mo, please wag ka gumawa ng away ok?”  < --- payo sa akin ni Alexa

“Hindi naman ako ganoon Alexa, pero may plano ako”
Binulong ko ang plano ko kay Alexa habang sumasabay sa saliw ng musika. Hindi man pumayag si Alexa dahil alam niyang may binabalak ako sa gusto ko mangyaro ay wala din siyang nagawa kung hindi mapayag sa huli.

. . .

Nagpalit na ng musika.

“Ok punta naman sa susunod na crush” < --- Alexa

Hinila ko si Babe, nakita ko na nakahinga siya ng maluwag, yayakap na sana siya sa akin pero itinulak ko siya papunta kay Alexa. Ako ang nagpunta kay Shane, ibinalot ko ang kamay ko sa bewang niya, nakita ko ang pagngisi niya at ipinatong ang kamay niya sa likod ko.

“Hindi ko alam na crush mo pala ako Andrei” < --- Shane

“Wag kang umasa Shane, gusto ko lang lumayo ka kay Chard”

“Hahahaha don’t tell me nagseselos ka? Sabagay hindi na ako magtataka maganda naman ako, at kayang kaya ko agawin kahit na sinong nais ko” < --- Shane

“Ayoko ng gulo shane kaya please kung may balak kang agawin si Chard sinasabi ko sayo wag muna ituloy sinasabi ko sayo hindi mo ako kilala. Lumayo ka sa Boyfriend ko”

Tumindi ang nararamdaman kong hilo dahil sa matapang na pabango ni Shane

“Wow, ang ganda ko talaga. Ako ang pinapakiusapan na lumayo. Eh paano kung sabihin ko sayong ayoko? Dahil gusto ko ang boyfriend mo” < --- Shane

Niyakap ko si Shane.

“Aaaaah, how sweet Andrei pero hindi mo ako mapipigilan sa binabalak ko. Gusto ko si Chard and what I want, I always get” < --- matapang na tugon ni Shane

“Gwwuuuuaaaaark!!!” < --- hindi ko na napigilang sumuka, ayon ang dahilan kung bakit ko siya niyakap hindi ko na talaga mapigilan ang pag;abas ng suka ko.

“DAMN YOU!!!” < --- Si Shane sabay tulak sa akin, nawalan ako ng balance nawalan ng lakas ang mga binti ko para ibalanse ang sarili ko.
Pero laking pasalamat ko at nasalo ako ni Chard.

“Babe ayos ka lang? halika na uuwi na tayo” < --- Chard

“YUCK!!! Look what you’ve done!” < --- Shane

“S-sorry nahilo ako sa pabango mo eh, h-hindi ko sinasadya”

“Shane sorry sa nagawa ng Babe ko but you have NO right to shout at him like that nagsorry na nga diba?, I’m sure you have extra cloth on your car right? Sige uuna na kami” < --- Chard


Richard --- >>>

That girl, I never imagine na sisigawan niya si Andrei ng ganun, oo nagkamali si Babe pero humingi nan g tawad yung tao tapos ganoon pa ang magiging response niya? I won’t let her.

Pasalamat na lang at nasalo ko si Babe if not baka madali pa yung sugat niya sa ulo. Thank god at umabot ako.

Inikay ko palabas si Andrei papunta sa kotse para makapagpalit ng damit, may kaunting suka kasi na natira sa damit niya. Pagkapalit ko ng damit sa kanya ay nagpasya na kaming umuwi na lang din since medyo bad vibes na ako sa nangyari kanina. Alvin volunteered to drive my car pauwi pumayag na ako I need to take care of my Babe, nakatulog na siya sa sobrang hilo.

Naramdaman ko na nilalamig si Babe, niyakap ko siya. ngayon ko lang narealize na nasasaktan ko siya sa pagiging tahimik ko, sa hindi ko pagkibo sa mga ginagawa ni Shane sa akin.

I’m so so sorry Babe babawi ako promise.

“Insan sorry hindi ko alam na may namamagitan palang issue ka Andrei at Shane, sana pala pinalitan ko yung tanong ko sa spin the bottle kanina” < --- Jet


“Wala yun insan alam ko naman na hindi mo alam”

“Ok lang ba siya Papa Chard?” < --- Alexa

“Oo alam mo naman to mahiluhin sa alak, dapat kasi hindi na to pumayag sa pagpunta sa club eh”

“Akala ko mabait si Shane pero hindi pala” < --- Alvin

“True Alvin, hindi lahat ng may mala-anghel na maukha ay mabait, ako lang” < --- Alexa

“mmmmm ang ingay naman eh!” < --- Andrei

Natahimik kaming lahat, gawa na Babe hahaha napaka-sunget palibhasa ay lasing. Umidlip na lang ako sa biyahe, si Jet naman ay nakikipagkwentuhan kay Alvin para hindi ito antukin.

Nasa kalagitnaan na ako ng tulog, biglang nagsalita ng tulog si Babe.

“B-babe? w-wag mo ako iiwan ah, titiisin ko a-ang lahat ng sakit basta akin ka lang, h-habaan kang pasensiya ko kay Shane basta pangako mo sa akin na iiwasan mo na siya pagkatapos ng lintik na ball na yan ah, m-mahal na mahal kita ayoko mawala ka sa akin” < --- Andrei

“Shhhhhh . . . Sorry sa lahat Babe please don’t cry alam mo naman na ayoko nakikita ka naiyak eh, pangako hindi kita iiwan”
Niyakap ko ng mahigpit si Andrei, nalulungkot ka dahil sa akin, pangako matatapos din to.

Hinatid namin si Alexa, sumunod naman si Alvin, si Jet naman ay sa harap ng bahay naman nakatira.

Halos 11:30 na ng gabi kami nakauwi, gising pa sila mommy nakita nilang lasing si Andrei ako yung pinagalitan nila bakit daw nilasing ko si Andrei eh alam ko naman daw na hindi malakas uminom yung tao. Hinayaan ko na lang nagpapaliwanag ako hindi naman sila nakikinig eh magulang nga naman nagsasabi naman ng totoo ipipilit at ipipilit ang gusto nila.
Inakyat ko sa kwarto si Babe, pinunasan ng malamig na bimpo para maging presko ang pakiramdam niya, pinalitan ko na din ng damit pantulog.

Bago ako matulog pinag-iisipan ko na magback out na lang sa sayaw. Ayoko na makasama si Shane hindi ko inasahan na ganoon siya kabastos na tao. At ang pinaka-dahilan kung bakit ayoko na tumuloy ay dahil kay Andrei, ayoko na siya saktan.

Inaamin ko minsan natutukso ako kay Shane pero kahit kailan hindi ko ipagpapalit ang kasiyahan na nararamdaman ko kay Andrei para lang sa panandalian aliw na gusto mangyari ni Shane.

Alam ko nasa akin ang solusyon sa problemang to kaya ako ang gagawa ng paraan para matapos to, Hindi si Andrei, at mas lalong hindi si Shane kung hindi ako.


Promise Babe hindi ka na masasaktan pa.


Itutuloy >>>

 

Comment :)



14 comments:

  1. TY Po sa pag update and sana po ma ayos na po ung sarili mong problem :)

    ReplyDelete
  2. woooooooh ~~~ tagal kong inantay 'to ,


    waiting for the next chapter :))

    -- esod

    ReplyDelete
  3. atleast hindi nangyari ang super duper to the highest level na paulit ulit na clichè na may mangyayari between Richard and Shane. Or maybe sa susunod na chapters eh mangyayari din. Eh since matatapos na tong series, maruruin niya yung na build up na emotion if ever na mangyari yun.

    Tapusin mo na ho ito para mapanatag na ang team Andrei-Richard na tulad ko hehehe.

    ReplyDelete
  4. Kung may book 2 pa to, it only means a sad ending for chard and drei at sa book 2 na magkakaayos. Wag naman author, i really like your story its light at konti lang ang drama hindi nakakastress

    ReplyDelete
  5. Next chapter pls..tagal masundan

    ReplyDelete
  6. tgal next chap huhuuhuh

    ReplyDelete
  7. Well, si Richard hindi pa rin trustworthy, at may pagka immature pa rin. Sana at the end, si jake at andrei or si alexa at andrei ang magkatuluyan. Richard and Shane ay pareho lang ng ugali. They both need to learn some lesson. Sanay mabugbog ng mga gangster si Richard at si Shane naman ay ma gang rape ng school frat. Wala akong trust diyan kay Richard. Parang tunay. (LOL)

    ReplyDelete
  8. ikaw na mag kwento.!

    ReplyDelete
  9. tgal ng update

    ReplyDelete
  10. Pwedeng lagyan ng mas dramatic thrill? Yung tipo na na-amnesia na talaga si Andrei for months para naman matuto ng leksyon si Chard! Ahahahahahaha!

    ReplyDelete
  11. nkaka bagot n to basahin. !!!!! sa sobrang tgal ng update syempre maghahanap nlng ng ibang mababasa

    ReplyDelete
  12. ano na nganga na ba kaming lahat sa update ng story na ito???

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails