Waahhh! Chapter nine na po.
Supposedly, ten chapter lang ang story na `to. Pero napansin ko na marami pa palang issue na dapat i-solve.
Sana po ay mag-enjoy kayo sa chapter na `to.
At kung maiksi uli, pasensya na ulit.
Maraming salamat ulit sa mga reader na nagbabasa ng story na ito. :)
CHAPTER NINE
PAGDATING SA
KANILANG BAHAY ay agad na dumiretso si Joen sa kusina nila. Nagmano muna ito
kay Lola Fe na nanonood ng palabas sa telebisyon. Lihim na lang siyang napapangiti
dahil at home na at home ang lalaki. Talagang komportable ito sa kanya pati na
rin sa Lola Fe niya. Dumiretso siya sa kanyang kwarto at nagpalit ng damit.
Naisip niyang muling pahiramin ng damit si Joen kahit hindi ito magsabi.
Napansin niya na pawisin ito pero kahit na ganoon ay mabango pa rin itong
amuyin at tingnan. Well, bakit ba niya iyon nasabi? Kanina habang sakay sila ng
jeep pauwi dito sa kanila ay nasa unahan niya ito kaya naman langhap na langhap
niya ang amoy nito. Kung hindi nga lang siya dinapuan ng hiya ay baka lumapit
siya dito at sininghot-singhot ito. Napangiti na lang siya.
Kumuha siya ng damit na magkakasya
kay Joen. Palabas na siya ng kwarto nang mahagip ng paningin niya ang mga
pinamili ni Nick at Joen sa kanya. A wide smile formed in his lips as he picked
the books that Joen bought for him. Nakakairita man ang kakulitan ng lalaki ay
bumabawi naman ito sa mga simpleng paraan nito. Naisip niyang bibili siya ng
plastic cover para balutin ang apat na libro. Ayaw niyang ma-baboy iyon. Iingatan
niya ang mga libro dahil bigay iyon ni Joen.
Sunod niyang kinuha ang asul na
stuff toy na binigay ni Nick. Sa buong buhay niya ay ngayon lamang siya
nakatanggap ng ganitong bagay. Para lang siyang babae kung ituring ni Nick sa
pagbili nito sa kanya ng ganitong bagay. He think of giving a name to the
thing. Nag-isip siya ng magandang pangalan para sa stuff toy. Dahil si Nick ang
nagbigay niyon, siguro ang bagay na pangalan dito ay Chollo. Galing rin iyon sa
pangalan ni Nick. Nang ma-satisfied siya sa binigay na pangalan ay inilagay
niya ang stuff toy sa tabi ng unan niya.
He decided to go out. Baska
naghihintay na sa kanya si Joen. Dumiretso siya sa kusina pero hindi niya doon
naabutan si Joen. Nakapatong sa mesa ang dalawang box ng pizza at tila hindi pa
nagagalaw. May tatlong baso rin na malapit doon. Napakunot-noo siya. Saan kaya
nagpunta ang lalaking iyon? Lumabas siya ng kusina at pinuntahan ang lola niya
na abala pa rin sa panonood ng programa sa telebisyon habang kumakain ng pizza.
Mali pala siya. Nagalaw na pala iyon
dahil kumakain na ang kanyang abuela. Lumapit
siya dito at umupo sa bakanteng sofa.
"`La, saan po si Joen?"
tanong niya dito.
"Lumabas," matipid na
sagot nito saka sumubo ng pizza.
"Ano daw po ang gagawin niya sa
labas?" tanong niya ulit.
"Hindi ko alam, Nezzer. Basta
nagpaalam na lalabas daw siya. Hindi naman sinabi kung ano ang gagawin."
"Bakit ba hindi `yon nagpaalam
sa `kin?" tanong niya sa sarili na naibigkas niya. Dahil doon ay nakuha
niya ang buong atensyon ng lola niya. Tinitigan siya nito ng mataman.
"Bakit n'yo po ko tinitingnan
ng ganyan?" Ang naiilang na usisa niya.
"Masama ba apo?"
Napangiwi siya. "Hindi naman po
pero may kahulugan kasi ang pagtitig n'yo sa `kin ng ganyan. Parang nagkasala
ako sa sinabi ko."
"Paanong hindi kita titingnan
ng mabuti kung mag-alala ka at magsabi na hindi man lang siya nagpaalam sa `yo,
eh, parang obligasyon niya iyon. Bakit boyfriend mo ba siya? May relasyon ba
kayo, Nezzer? O may gusto ka sa kanya? May hindi ka ba sinasabi sa `kin?"
"`La naman," reklamo niya.
"Masyado naman kayong malisyosa." Ang nasabi niya. "Siyempre po
kaibigan niya ako kaya ako nag-aalala. Malay n'yo `la, umalis lang basta tapos
hindi man lang nagpaalam. Para naman akong baliw n'un kung ganoon nga ang ginawa
niya. Saka ilang beses ko po bang uulitin sa inyo na wala kaming relasyon. Ang
gwapo-gwapo ni Joen papatol sa `kin?"
"Gwapo ka naman, ah, may hitsura.
Habulin ka nga dati at naging escort ka pa sa klase n'yo n'ung high school ka.
Maalaga ka noon sa sarili mo. Kapag may nagsisitubuan na pimples sa mukha mo,
masyado kang nag-aalala. Banidoso ka rin. Hindi ko alam sa `yo kung bakit bigla-bigla
ka na lang na nag-iba. Pinabayaan mo ang sarili mo."
Hindi siya nakasagot. May tama ang
lola niya. Actually ay tama ang lahat ng sinabi nito. Noon ay maalaga siya sa
sarili. Masyado siyang nag-aalala kapag may pimples na tumutubo sa mukha niya.
Hindi siya nawawalan ng powder. May vanity kit nga siya sa bag palagi pero
binago niya ang ganoon na lifestyle dahil sa mga pangyayari sa buhay niya na
lubos na nagbibigay sa kanya ng kalungkutan at galit.
He used to be good looking student
in their school during high school. Madalas ay napapansin siya dahil sa hitsura
niya, sa ka-cute-an niya. Minsan nagtanong siya sa mga kaklase niya kung ano
ang meron sa kanya at bakit palagi na lang siya sinusundan ng tingin ng ibang mga
estudyante sa school nila at sinagot siya na masyado daw siyang appealing. Malakas
daw ang sex appeal niya at ang kinis pa niya. Hindi naman daw siya sobrang
gwapo, average looking lang siya pero meron sa kanya na nagpapasunod ng tingin
ng ibang estudyante. Kahit na narinig niya ang mga ganoon mula sa bibig ng
classmate niya ay hindi siya nagbago. Oo, inaamin niya na lumaki rin ang ulo
niya pero nagbago ang lahat sa kanya pagkatapos niya sa high school.
"Lola, hindi ko po pinabayaan
ang sarili ko. Ganoon talaga `pag nagbibinata este nagdadalaga, tinutubuan ng
pimples kahit na ayaw natin." Pagpapatawa niya pero hindi naman kinagat ng
lola niya.
"Ewan ko sa `yo apo. Umalis ka
na nga dyan at nanood ako." Ang pagtataboy nito sa kanya na ikinasimangot
niya. "Kung nag-aalala ka sa gwapo mong bisita, sundan mo sa labas ng
bahay o kaya ay hintayin mo sa labas."
"Sige na nga," aniya saka
tumayo at iniwanan ito.
Lumabas siya ng bahay nila para doon
hintayin si Joen. Eksakto namang nakalabas na siya nang makita niya si Joanna
kasama ang pinsan nito na si Charles. Si Charles ay isa sa masasabi niya na
acquaintance. Hindi sila nito nag-uusap pero nagngingitian sila tuwing nagkikita
sila. May hitsura ito. Isa ito sa tinitilian ng mga babae at bakla sa barangay
nila. Mas matangkad sa kanya si Charles ng tatlong pulgada. Moreno at maganda
ang mata. Kapansin-pansin rin ang dimples nito sa kaliwang pisngi.
Huminto ang mga ito at lumapit sa
kanya. Nginitian niya ang dalawa.
"Hello Vin!" Ang masiglang
bati sa kanya ni Joanna
"Hi Vin." Ang tila
nahihiyang pagbati sa kanya ni Charles.
Napapansin niya na kapag nakikita
siya nito ay palaging 'hi' lang ang nasasabi nito. Parang palagi itong nahihiya
sa kanya sa hindi niya alam na dahilan.
"Kumusta ka na, Vin?"
"Okay na okay, Joanna.
Magkasama `ata kayo ngayon ni Charles. Anong meron?"
"Wala naman," anito.
"Pero may gusto daw kasing makita ang pinsan ko sa street na ito kaya kami
naglalakad-lakad. Si--"
Natigil si Joanna sa pagsasalita
nang takpan ni Charles ang bunganga ng kaibigan niya.
Natawa na lang siya.
"Sino ba ang ang gusto mong
makita, Charles?" He playfully asked. Hindi ito sumagot. Yumuko lang ito.
"Sus, Vin, `wag mo nang
tanungin ang lalaking`yan kung sino ang gusto niyang makita. Hindi naman `yan
sumasagot, obviously." Ang sabi ni Joanna
nang makawala
ito sa pinsan nito.
"Tumahimik ka na nga
Joanna," saway dito ni Charles.
Binelatan lang ito ng bruha kasunod
ng panglalaki ng mata nito. Kulang na lang ay mahimatay ito sa nakita. May
nalalaman pa itong pasapo-sapo sa dibdib na tila inaatake ng heart attack.
Tiningnan niya ang tinitingnan nito.
Palapit sa kanila si Joen. May hawak
itong dalawang bote ng 1.5 litre na coke sa magkabilang kamay nito. Pawisin
talaga ang loko dahil tumutulo na ang pawis nito sa noo. Even his sweaty look,
Joen still look handsome. Para ngang mas gumwapo pa ito dahil doon. Idagdag pa
na nasisikatan ito ng araw na palubog na at tila demigod kung maglakad palapit
sa kanila.
Stop
praising him that much, Vin. Kung malalaman lang ni Joen ang nilalaman ng isip
mo ngayon, tiyak ko na lalaki ang ulo niya. May maipagmamalaki nga siya pero
`wag mo nang ipagduldulan. Ang saway ng matinong bahagi ng utak niya.
Hindi na siya kumontra pa doon dahil
may punto naman ang inner self niya.
"My God, Vin. I think I'm gonna
die. I'm gonna die. Palapit na sa `tin ang irog ko," sabi ni Joanna at
niyugyog pa siya.
"Ano ba? Para ka naman
baliw." Ang saway niya dito habang kumakawala sa pagyugyog nito sa kanya.
Natigil lang si Joanna sa ginagawa
nito nang makalapit na sa kanila si Joen at magsalita.
"Bumili ako ng panulak, Vin.
Wala pala tayong drinks," anito.
"Anyare. Bati na kayong dalawa? Kailan pa? Paano nangyari `yon?"
Sunod-sunod na tanong ni Joanna sa kanila. Sa kaniya.
Dahil sa pagtatanong nito ay nakuha
nito ang atensyon ni Joen. Bumaling dito ang lalaki. Pagkatapos ay sa kanya.
"Sino sila, Vin?" tanong
nito.
"Joen, si Joanna kaibigan ko at
ang pinsan niya, si Charles," pagpapakilala niya sa kaibigan at pinsan
nito kay Joen.
"Nice meeting you Joen,"
ani Joanna sabay lahad ng kamay. Pinapungay pa nito ang mata.
"Nice meeting you too,"
ani Joen pero hindi tinanggap ang pakikipag-kamay ni Joanna. Tiningnan lang
nito iyon.
Umiral na naman ang kasupladuhan ng
lalaki. Oo nga pala. Nakalimutan niya na medyo homophobic pala si Joen dahil sa
sinabi nitong experience nito sa ibang bakla. Bearable naman ang rason nito
kung ayaw nitong makipag-kamay kay Joanna. Siguro, naiisip nito na baka
matsansingan ito. Mukha pa namang mananakmal ang kaibigan niya. Lihim na lang
siyang natawa sa naisip.
"Nice meeting you din
pala," ani Charles na tila napipilitan lamang.
Hindi naman ito pinansin ni Joen sa
halip ay bumaling ito sa kanya. "Papasok na muna ako. I'll just wait for you
inside," paalam nito
Tumango lang siya. Nahihiya siyang
bumaling kay Joanna at Charles.
"Pagpasensyahan n'yo na `yon.
May topak kasi ang lalaking `yon `pag minsan kaya ganoon."
"My God, Vin! Bakit hindi mo
sinasabi sa `kin, sa `min ni Diega na magkaibigan na pala kayong dalawa?"
May panunumbat na sabi nito. "Ang daya-daya mo! Sinosolo mo ang biyaya sa
mata sa mga katulad namin ni Diega. Ang sama mong kaibigan."
Napangiwi siya sa sinabi nito.
"Hindi ko `yon intensyon, no,"
pagtatanggol niya sa sarili. "Isang araw pa lang naman kaming magkasama
saka mabait naman si Joen at siya ang nakipag-kaibigan sa `kin."
Hindi na niya binanggit na natulog
siya sa bahay ni Joen at nakatabi pa niya ito sa higaan nito. Tiyak niya kasing
maghuhuramentado ito. Matagal nang crush ni Joanna at Diega si Joen ayon sa mga
ito n'ung gabi na nag-away sila ng lalaki.
"Hindi daw," mataray na
sabi nito. "Hindi ko matatanggap ang rason mo. To make it up to me, papasukin
mo ako --" bumaling ito kay Charles na tahimik lang na nakatingin sa
kanilang dalawa. "--kami pala ni Charles sa loob ng bahay n'yo. Gusto kong
makasama at makita si papa Joen ko." Pagde-demand nito.
"Ayoko nga!" Tanggi niya.
"Selfish!" Akusa ni Joanna
sa kanya.
Natawa na lang siya pati si Charles.
Bumaling siya sa lalaki. "Adik ang pinsan mo, Charles."
"Sinabi mo pa. Dahil lang sa
lalaki, naghuhuramentado. Malala na ang sayad niyan, Vin. Nagtataka nga ako
kung paano mo ba naging kaibigan `yang si Joanna. Matino ka samantalang baliw
siya."
"Madaldal ka rin pala," puna
niya dito na ikinatahimik ulit nito. Nahiya ulit sa kanya. Natawa na lang siya.
"Ipagpatuloy mo lang `yan Charles, magkakasundo tayo."
Charles just smiled.
"Hoy kayong dalawa! `Wag n'yong
iibahin ang usapan natin. Vin! Papasukin mo kami Ni Charles sa loob. Ayaw mo
bang papasukin kami dahil gusto mo si Joen? Gusto mo siyang solohin." Ang
akusa ni Joanna sa kanya.
Para lang itong timang kung
mag-histerya.
"Umayos ka nga Joanna. Wala
akong tinatago. Hindi ko gusto si Joen," pagsisinungaling niya. Gustong-gusto. "Hindi ko rin siyang
gustong solohin. Para mapatunayan ko `yon sa `yo, `di pumasok ka sa loob."
"Talagang papasok ako,"
taas noong sabi nito. At tila beauty queen na rumampa papasok sa bahay nila.
Napailing na lang siya. Natatawa
naman si Charles sa behavior ng pinsan nito.
"Malandi talaga `yan si Joanna,"
naiiling na sabi nito.
Magkasabay silang pumasok ni Charles
sa loob ng bahay nila. Nauuna naman sa kanila si Joanna na kumekendeng pa
habang naglalakad.
Kinumusta muna ni Joanna ang lola
niya at ipinakilala naman niya dito si Charles. Pagkatapos nang konting kamustahan
sa pagitan ni Joanna at Lola Fe niya ay nagpaalam na sila dito na pupunta ng
kusina. Agad naman sumang-ayon ang lola niya.
Naabutan nila si Joen na nakaupo sa
isang upuan doon at tila kanina pa siya hinihintay. Makikita sa mukha nito ang
pagkabagot.
"Pasensya na kung ngayon lang
ako pumasok," agad na sabi niya dito nang makalapit siya.
Joen just gave him a cold stare.
"Pasensya na talaga." Ang ulit niya na paumanhin dito.
"Bakit niyaya mo pa sila?"
tanong nito sa mahinang boses. Halos pabulong iyon. Ang tinutukoy nito ay ang
dalawa na nakatayo sa may hindi kalayuan sa kanila.
"Gusto daw nilang makikain ng
pizza," pagsisinungaling niya.
Hindi niya kayang sabihin dito ang
totoong rason na inaakusa sa kanya ni Joanna. Medyo totoo kasi iyon at baka
kung ano ang maging reaksyon ni Joen kapag nalaman iyon. Baka lumaki ang ulo
nito.
"Then give this to them,"
sabi nito sabay abot sa kanya ng isang kahon ng pizza.
"`Wag na Joen. Dito na sila
kakain. Pasensya ka na talaga sa `kin. Dapat pala nagpaalam muna ako sa
`yo."
"Sana naisip mo `yon kanina,"
anito.
"Pasensya na talaga. Makisama
ka na lang muna sa kanila. Katulad mo mga kaibigan ko rin sila."
Joen sighed. "Wala naman akong
magagawa. Nandyan na ang mga `yan, eh. Let's just eat."
Malawak siyang napangiti.
"Salamat."
Nilapitan niya ang dalawa at
pinaupo. Thankful siya dahil nakisama si Joen. Kahit na halatang naiirita na
ito kay Joanna ay nagtitimpi ito. Kahit na ano-anong bagay ang itinatanong ng
kaibigan niya kay Joen at simpleng 'yes', 'no', 'oo' at 'hindi' ang sinasagot
nito. Wala nang elaboration pa.
Para hindi naman magmukhang out of
place si Charles ay ito ang kinakausap niya. Tila nakalimutan na kasi ito ni
Joanna. Sa tuwing sasagot ito ay natatawa na lang siya dahil kwela rin ito.
Napansin naman niya ang matatalim na
tingin ni Joen kay Charles pati sa kanya. Mamaya na siya mag-uusisa kung bakit
ganoon na lang nito tingnan ang lalaki. Sa kanya, alam niya kung ano ang
dahilan nito.
At last! Natapos ang munting
salo-salo nila. Nang tingnan niya ang relo sa sala ay alas-sais na ng gabi. Kahit
na tapos na silang kumain ay ayaw pang umalis ni Joanna. Pero sa pamimilit dito
ni Charles na umuwi na ay nagpatianod na rin ito. Iyon nga lang ay may
pagdadabog. Inihatid niya ang mag-pinsan sa labas ng bahay nila. Naiwan naman
si Joen sa sala . Kausap nito ang Lola Fe niya.
"Sa uulitin, Vin," ani
Charles. "Nag-enjoy ako na kausap ka."
"Sige. Sa uulitin,"
ganting sabi niya.
"Sana hindi na lang
gumabi," ani Joanna. "Bakit ba kasi kailangan ko pang sumabay sa `yo,
Charles? Malaki na `ko. Kaya ko nang umuwing mag-isa." Reklamo pa rin
nito.
"Hindi ka ba nahihiya kay Vin,
John. Gabi na. Pagpahingahin mo naman ang kaibigan mo. Gusto mo ba siyang
mapagod? Kapag napagod `yan si Vin, lagot ka."
"Nangonsensya ka pang damuho
ka!" Asik nito sa pinsan. "`Wag mo `kong tawagin na John."
Natawa na lang sila ni Charles.
"Alam ang dahilan kung bakit
ayaw mo pang umuwi. `Wag kang mag-alala, Joanna, may mga susunod pa. Tatawagan
o kaya i-te-text kita kapag dito si Joen."
Sinabi niya lang iyon para matahimik
na ito umalis na. Pero duda siya sa sarili kung gagawin ang mga sinabi niya
dito. It may sounded selfish but he is thinking of not doing it. Alam niya kasi
na ayaw ni Joen na mapaligiran ng mga katulad ng kaibigan niya. Pero siya ay
okay lang na madikit dito kahit alam nitong kaibigan niya ang mga katulad ni
Joanna at Diega. Biased din ang lalaki pero pabor naman sa kanya.
Nakahinga siya nang maluwang ng
magpaalam na rin si Joanna. Kinagat rin ng kaibigan niya ang sinabi niya. Nang
hindi na niya makita ang mga ito ay pumasok na siya sa bahay.
Sa huli ay sila na ulit ni Joen ang
magkasama. Naabutan niya ang lalaki na abala sa panonood ng evening news kasama
ang lola niya.
Lumapit siya dito at umupo sa tabi
nito.
"Uy," untag niya dito pero
hindi siya pinansin.
"Uy," muli niyang untag
dito, sabay tusok sa tagiliran nito gamit ang kanyang daliri.
"Ano ba Vin?" Naiiritang
sabi nito sabay layo sa kanya. "Nanonood `yong tao iniistorbo mo."
Mukhang alam na niya kung ano ang inaarte
nito. Nagtatampo si Joen sa kanya dahil sa nangyari kanina.
"Kaya ba hindi mo `ko pinapansin
dahil sa nangyari kanina. Huh?"
Walang tugon. Nanatiling nakatuon
ang atensyon ni Joen sa pinapanood nito. Talagang nagtatampo ang loko.
"Pasensya ka na ulit,"
aniya. "Hindi na `yon mauulit." Hindi pa rin siya nito pinansin.
"Uy, Joen, pansinin mo ako. Tatlong beses na akong humingi ng pasensya sa
`yo kanina. Pang-apat na ito ngayon. Ay mali apat na beses na pala, pang-lima
na ngayon," pagtatama niya sa sarili. "Hindi mo pa ba ako pinapatawad?
Grabe ka naman." Ang sabi niya sa malakas na boses.
Medyo naiirita na rin siya dito
dahil mahirap rin palang please ang peste. Talagang pinapahirapan pa siya nito.
"Humihingi ka nga ng pasensya
nanunumbat ka naman," sabi nito.
"Nakakinis ka naman kasi,"
pag-aaburido niya.
"Ikaw pa talaga ang may ganang
mainis, huh. Ako lang dapat ang maiinis sa `tin na dalawa dahil sa ginawa mo.
Alam mo naman na slight homo ako tapos papapasukin mo dito ang kaibigan mo at
padidikitin sa `kin na parang linta. I so hate it, Vin. Mabuti na lang at
nakapagtimpi ako dahil kung hindi ay baka nasapak ko na `yon."
"Pasensya ka na nga. Hindi na
`yon mauulit. Bati na tayo."
"Wala ba kayong dalawang
pakiramdam?" Sabay silang napabaling ni Joen sa Lola Fe niya.
Nakatingin ito sa kanilang dalawa ni
Joen at nakakunot ang noo. "Nanonood ako, hindi ba? Bakit ang ingay n'yong
dalawa? Dito pa talaga kayo, sa harapan ko, nag-uusap tungkol sa tampuhan
n'yong dalawa. Nakakaistorbo kayo, ah."
Pareho silang napayuko ni Joen.
Parehong napahiya sa inasta nilang dalawa.
"Pasensya na po, lola,"
ani Joen.
"Pasensya na, `la,"
pagsunod niya.
"Bahala nga kayong dalawa dyan.
Makasaing na nga lang ng bigas," anito saka sila iniwan.
Nang makaalis ang lola niya ay
kinurot niya si Joen sa tagiliran.
"Aray! Ouch! Bakit mo `ko
kinurot? Ang bayolente mo! Ikaw na nga ang may kasalanan sa `kin, ikaw pa ang
ganang manakit."
"Ang arte mo kasi. Kanina pa
ako humihingi ng pasensya sa `yo, hindi mo tinatanggap. Ang arte-arte mong
lalaki ka."
"Kasalanan mo naman kung bakit
ako ganito. I already told you my reason but you didn't mind it."
"Alam ko naman kung ano ang
dahilan kaya nga ako humihingi ng pasensya. Pero maarte ka, eh. Ano ba ang
gusto mong gawin ko para mawala `yang tampo mo?"
Sa sinabi niya ay nakuha niya ang
buong atensyon ni Joen.
"Lahat kaya mong gawin?"
"Oo. Depende." Unsure na
sagot niya.
"You're still unsure, eh."
Joen said.
"Sige na. Lahat para lang
mawala `yang inis mo at tampo sa `kin," aniya.
Bwisit
kasi! Bakit ba ganito na lang siya mag-alala sa pagtatampo ng lalaking ito?
Parang hindi niya kaya na magtampo sa kanya nang matagal ang lalaking ito.
Bwisit na puso niya!
Napalunok siya nang makita ang
kaseryosohan sa mukha ni Joen.
"`You sure?" He asked in
low voice.
Tumango siya. "Si-sigurado
ako."
"What if I asked you to kiss
me. Will you do that?"
Saglit siyang natigilan. Hindi siya
nakapag-isip.
"Ano Vin?" untag sa kanya
ni Joen.
"Anong klaseng halik? Depende
sa klase ng halik."
Joen smiled triumphantly. "So,
payag ka?"
"Yeah. Just to ease your
annoyance to me."
Napausog siya nang umusog si Joen
palapit sa kanya.
"`Di ba straight ka? Hindi ba
masisira ang paniniwala mo kung hahalikan mo `ko? Baka ma-in-love na niyan sa
`kin." sabi niya. He wanted to deprive him from kissing him. Gusto niyang
mahalikan ng labi nito pero baka kasi hindi siya makapag-pigil kung magtagpo na
ang labi nila.
"That tactic won't deprived me
from kissing you, Vin. Wala namang ibang makakaalam sa gagawin natin. Tayo lang
ang nandito sa sala. Busy si Lola Fe sa kusina."
Umusog ito.
"Baka magakaroon ng lamat ang
pagkalalaki mo sa gagawin mo, Joen.Major turn off sa mga babaeng popormahan mo
ang gagawin mo sa `kin." Hindi papatalong sabi niya dito.
"As I've told you. Your tactic
won't deprived me. I'll still kiss you. Tayo lang ang makakaalam ng gagawin
natin. Pwera na lang kung may CCTV dito sa loob ng bahay n'yo." anito.
Lumapit sa kanya.
Sa kakalapit sa kanya ni Joen ay
nahulog siya sa sahig mula sa sofa. Mukhang iyon naman ang hinihintay na
pagkakataon ni Joen. Bumaba rin ito at pumatong sa kanya. Para siyang bilanggo
nito dahil nakatukod ang mga braso nito. Napapagitnaan siya.
Nang nagtaas siya ng paningin ay eksakto
naman na sinakop ni Joen ang labi niya. He stiffined. Ngunit panandalian lamang
ang paninigas na iyon nang maramdaman niya ang paggalaw ng labi ni Joen sa
ibabaw ng labi niya. He kissed him with so much passion. It was gentle but very
passionate. Ang sarap nitong humalik. Ang lambot pa ng mapupulang labi nito.
Namalayan na lang niya na gumaganti
na siya ng halik. He responded to his kisses with equal fervor. Parang wala na
siyang pakialam kahit na makita sila ng lola niya. All important was his lips
over his lips. The way it moved and the way he exchanged his kisses.
Para siyang lumilipad sa halikan na
namamagitan sa kanila. Parang ayaw na niyang matapos iyon at namnamin hanggang
sa maubusan sila ng hangin. He feel heaven.
Naputol lang ang halikan nila nang
kapusin sila ng hangin. They both gasping for air. Nagkatitigan sila. Bigla
siyang tinubuan ng hiya.
Talagang
nahiya ka pa, Vinnezer Ilagan. Pagkatapos ng mainit n'yong halik. Ang pagsingit ng mahaderang bahagi ng
pagkatao niya.
Itinulak niya si Joen at lumayo siya
dito. Tumayo siya at nagbigay ng ilang distansya sa pagitan nila.
Narinig niya ang mahinang pagtawa ni
Joen. Tiningnan niya ito. Nakatayo na rin ito. "Talagang nahiya ka pa sa
`kin. You don't need to, Vin. Pareho naman tayong nag-enjoy sa ginawa natin.
Don't think too much about the kiss, mapapagod ka lang. Halik lang `yon. Just
charged it to experience. Or better yet, if you think about it, isipin mo na
privilige iyon."
"A-ang yabang mo," nauutal
na sabi niya. "`Wag kang mag-alala. Hindi ko masyadong iisipin `yon."
Ang nasabi na lang niya. Kahit alam niya sa sarili na laging iisipin ang
naganap sa kanila.
The kiss.
"Dahil sa nangyari sa `tin ay
bati na tayo."
"Mabuti naman," tanging sabi
niya
Tapos na ang halik at lahat-lahat
pero hindi pa rin iyon nawawala sa sistema niya. Still it was playing in his
mind. He was thinking of doing it again. With him. Pakiramdam niya ay addict na
siya dahil hahanap-hanapin niya ang halik nito.
Nakakalungkot nga lang dahil hindi
sila pareho nang nararamdaman ni Joen. Kung sa kanya ay malaking bagay ang
namagitan sa kanilang halik dito ay balewala lang iyon. Big deal sa kanya ang
halik.
Tinalikuran niya ito at iniwanan sa
sala.
Tinawag siya nito. Huminto siya.
"Bakit ganyan ang reaksyon mo,
Vin? Big deal ba sa `yo ang mahalikan?"
Hindi agad siya nakasagot. "Hi-hindi."
Pagsisinungaling niya.
Hindi naman niya pwedeng sabihin
dito na big deal iyon sa kanya dahil mapapahiya lang siya. Ayaw niyang mapahiya
sa harap nito.
"Sigurado ka ba?"
Tumango siya. "Sige, Joen.
Tutulungan ko lang si lola sa kusina," paalam niya dito.
"O-okay."
MAY
PANGHIHINAYANG SA puso ni Mack pagkatapos niyang iwanan si Vin.Bakit ba kasi nagpatalo
siya sa pagkapikon kay Joen kanina at ang labas tuloy ay parang nabalewala niya
si Vin. Tinatanong siya nito kanina pero basta na lang niya ito tinalikuran.
Nanghihinayang na nga, dinadagdagan pa iyon ng pagkabahala. Sa ginawa niya ay
baka kung ano ang isipin ni Vin. Hindi pa nga siya nakakapalipad hangin ay turn
off na agad ang ikinilos niya.
Bakit ba kasi hindi siya nag-isip?
Bakit ba kasi pinairal niya ang inis kay Joen? Siguro dahil maliban sa
pagkainis niya kay Joen ay nagseselos rin siya sa kaalaman na magkasama ang
dalawa buong araw.
Maliban pa doon ay nababahala rin
siya sa sinabi ni Nick at sa mga reaksyon ni Joen n'ung nasa bahay sila ng
huli. Hindi niya akalain na magiging kaagaw niya ang pinsan kay Vin. Natatandaan
pa niya ang sinabi ni Nick.
"When
I'm into someone. I'll do everything just to get it
Nang sabihin ni Nick ang mga iyon ay
damang-dama niya ang conviction nito. And also he knew his cousin. Alam niya na
gagawin nito ang lahat para sa isang bagay. Pero, siyempre in the good way.
Si
Nick ang pinakamatindi niyang magiging karibal kay Vin. Hindi ito nalalayo sa
kanya. Kahit na mas matanda siya dito ng isang taon ay nasa paerho silang
estado. Kung ano ang meron siya ay meron din ito.
Ang isa pa ay si Joen. Alam niya at
kilala niya ang pinsan niyang iyon pero ang mga actuation ni Joen kay Vin ay
tila iba. Ang mga aksyon nito ay nagpapakita ng isang lalaki na nanliligaw.
Bakit palagi nitong kasama si Vin? Bakit ganoon na lang nito bakuran si Vin? Bakit
ang mga reaksyon nito kanina sa bahay ng mga ito ay iba patungkol sa mga sinabi
ni Nick? Na-we-weirduhan siya sa ginagawa ng pinsan. Kung hindi niya lang ito
kilala mula pagkabata ay baka iba ang isipin niya. Pero ang mga katanungan sa
isipan niya ay hindi pa rin nabubura.
Idagdag pa na mataas pa rin ang
lebel ng pagka-inis niya kay Joen. Panira ito ng diskarte. m na niya ang bahay
ni Vin. Anytime ay pwede siyang pumunta sa bahay nito at kung pwede ay doon na
magpalipas ng gabi.
Ilang minuto lang ang inilaan ni
Mack sa pagmamaneho ng kotse niya. Agad rin siyang nakarating sa bahay ni Vin.
Ipinarada niya ang sasakyan sa hindi kalayuan. Bumaba siya at naglakad patungo
sa tapat ng kulay kahel na gate. Nakailang katok siya bago buksan iyon ng isang
matandang babae. Sa tantiya niya ay naglalaro sa pagitan ng sixty to sixty five
ang edad nito.
"Good evening po,"
magalang na bati niya.
"Magandang gabi din hijo,"
ganting bati nito. May pagtataka sa mukha. "Sino ka? Sino ang hinahanap
mo?"
"Ako nga po pala si Mack,"
pakilala niya sa sarili. "Kaibigan po ako ni Vinnezer. Nandyan po ba
siya?"
"Ganoon ba. Nandito siya.
Kasama niya sa loob si Joen."
Bahagya siyang nagulat sa sinabi
nito pero hindi niya iyon pinahalata. Hanggang ngayon ay nandito pa rin si
Joen? Hindi siya makapaniwala. He really smell something fishy about Joen's
action. Parang hindi na niya kilala ang pinsan. Ano ba talaga dito si Vin?
Karibal rin niya ba ito?
Pilit siyang ngumiti. "Ganoon
po ba. Pinsan ko po si Joen."
"Ay, ganoon ba. Kaya naman pala
magkasinggwapo kayo ng batang `yon," anito saka niluwagan ang pagkakabukas
ng gate. "Pasensya ka na sa `kin, hijo. Naninigurado lang kasi ako, alam
mo naman ang mga nangyayari sa mga panahon ngayon."
"Wala pong kaso `yon sa
`kin," aniya. Pumasok siya sa loob, siya na rin ang nagsara ng pintuan.
"Nasa sala ang apo ko. Hindi na
kita maihahatid doon dahil nagsasaing ako. Feel at home na lang sa `yo hijo.
Hindi ka naman maliligaw dito sa bahay namin."
He just smile. He was comfortable to
the old lady. Matanda na ito pero young at heart pa rin. Ang cool lang.
"Okay lang po," aniya.
"Sige. Punta ka na lang
doon."
Iyon nga ang ginawa niya. Naglakad
siya papunta sa sala. Habang patungo doon ay inilibot niya ang paningin sa
paligid. May kalakihan ang bahay nina Vin. Madarama sa aura ng bahay ang buhay
katulad ng matingkad niyon na pintura.
Dahan-dahan siyang pumasok sa
pintuan ng sala. Alam niyang sala na iyon dahil sa ingay na naririnig niya mula
sa ingay ng telebisyon. Ngumiti siya at handa na sanang batiin ang dalawa pero
hindi niya nakita ang mga ito. Lumapit siya sa single seater sofa at mula doon
ay nakita niya ang hindi dapat makita. Nawala ang ngiti sa labi niya.
Nasa sahig ang dalawa. Nakapatong si
Joen kay Vin at magkalapat ang mga labi.
He tasted something bitter in his
mouth. Next to it was pain in his heart and then jealousy strike.
Wala naman siyang karapatan na magselos
pero hindi niya maiwasan.
Seeing what happening just confirmed
one thing to him. Karibal niya rin si Joen kay Vin. At mukhang isa ito sa
magiging mahigpit niyang katunggali kay Vin kasunod kay Nick. Ang mga pinsan pa
niya talaga.
Hindi na niya inistorbo pa ang
dalawa. Nagdesisyon siyang umalis sa sala at bumalik sa kusina. Naabutan niya
doon ang lola ni Vin.
"Nakita mo ba `yong
dalawa?" Usisa nito.
"Hindi po. Malaki kasi ang
bahay n'yo," pagsisinungaling niya. "May kukunin lang po ako sa kotse
ko," aniya.
Tumango ito. "Sige."
Habang papunta sa nakaparada niyang
sasakyan ay paulit-ulit na naglalaro sa isipan niya ang nakita. He clenched his
fist. Hindi naman dapat siya makadama ng galit kay Joen pero hindi niya
maiwasan. Sobra siyang nagseselos. Dapat ay gumawa siya ng paraan para mailayo
ito kay Vin.
The more na magkasama ang dalawa ay
baka mahulog dito nang tuluyan si Vin.
At si Joen. Mukhang na-de-develop na
rin ito kay Vin.
Dahil kung hindi ay walang mamagitan
na halik sa dalawa.
Friends don't kiss, right? Especially
two guys.
This is getting exciting...
ReplyDeleteTalaga. Salamat po :)
DeleteGo #teamjoen! Pwede joen magtapat ka na rin bago mahuli ang lahat?!
ReplyDelete-hardname-
Hardname, hindi siya mahuhuli. Una na nga siya, eh. HahahaHahaha
DeleteWawa nman c Mack umpisa pa lng talo na agad ?
ReplyDeleteOo nga eh. That's hurt. Wala siyang panghahawakan..
DeleteWawa nman c Mack umpisa pa lng talo na agad ?
ReplyDeleteHaaayyy! nakakakilig naman! Ang swerte naman ni Vin!
ReplyDeleteBen
Hahaah.. salamat sa comment mr. Ben
Deleteso it was sealed with a kiss..hahaah.. mahrot na joen.. pasimple pa.. haha
ReplyDeletepero muhang apat na sila kuya na kukuha sa puso ni ni vin?? haahaa
hay kaingit lang din.. pero kabitin.. enjoy2 lng pag binabasa.. keep it up po
jihi ng pampanga
Ewan ko lang jihi, magulo pa eh.. hahaah.. hindi ko pa alam kung magiging ano ba ang part ni charles sa story na to.
Deletehaist! first time ko mag comment dito sa Faded..... Pero silent follower..
ReplyDeletehe..he...he.... pang apat si Charles Kay vin...
grabeeeee! haba ng hair ..... ha..ha...ha..
red 08
Salamat sa komento.. unsure pa po ang parte dito ni charles. Hinuhugot ko pa kung ano ba siya. Hahaah
Deleteso kakakiliggggggggggggggg!!!!!! sana ako si Vin.. hihihi salamat author sa pagpapakilig mo sa akin! mwah!
ReplyDelete-nikolo06290
new comment. Salamat din sa `yo, sa pagbibigay mo ng pagkakataon na mabasa ang istoryang ito.
DeleteSa uulitin, Nikolo06290
may Charles pa si Vin? ganda mo talaga Vin sayo na ang korona! CHAAARRR!
ReplyDeleteilang beses ka mag shampoo sa isang araw? CHARRR!
team Joen at team Nick ako
go writer galing mo talaga keep it up! :>
si mack, hindi mo bet? Magpakilala ka, babatiin kita! Salamat sa komento.
Deletesa ngayon team Joen at Nick muna ako.
Deletepara sa akin na lang si Mack o kaya pasok na rin sa banga si Charles. CHARRR!!!
pero seriously gusto ko yung personality ni Joen at Nick, sila yung standout sakin sa ngayon sa mga love interest ni Dyosang Vin, CHAR!
kailangan ko pa siguro mas makilala yung character ni Mack.
keep it up writer.
-LIGHTLESS
Kilig naman :) pero bakit wala pa yatang update?
ReplyDeleteKilig naman :) pero bakit wala pa ang next chapter? :(
ReplyDelete