Followers

Monday, May 5, 2014

Fated Encounter 6

Unang-una sa lahat, thank you kay Mr. Michael Juha at kay Kuya Ponse sa pribilihiyong ito. Siyempre, nagpapasalamat rin ako sa sarili ko dahil kinapalan ko ang mukha ko na mag-pass dito para maibahagi ang isinulat ko. Lol xd
Pangalawa, maraming thank you sa mga readers na nagbabasa ng istoryang ito. Sa mga comment na maganda pati na rin sa pangit. haha.. 
Thank you po sa pagsubaybay.
Sa uulitin!

CHAPTER SIX



MALUWANG ANG NGITI sa labi ni Mack kahit na basta na lamang tinapos ni Vin ang tawag niya dito. Masaya siya sa muling pag-uusap nila. Naka-dalawang tawag muna siya dito bago nito masagot ang pangatlong tawag niya.
            Totoong gusto niyang imbitahan ito sa birthday party ng kapatid niyang si Danna. Ngunit maliban doon ang tunay na rason ng pagtawag niya ay para marinig ang boses nito. Kahit na bagong kakilala pa lang niya ito ay na-miss na niya ito agad. Kahit siya ay na-we-weirduhan sa sarili. They just met yesterday but their something connecting with them. At kung ano iyon ay hindi niya alam. Pero kahit na ganoon ay masaya siya na nakilala niya ito.
            Vin served as his light in the dark path he was currently into. Ito ang nagsilbing liwanag sa kalungkutan na nadarama niya dulot ng pagkabigo at pagtataksil sa boyfriend niya. Nakita lang naman niya ang ex-boyfriend niya na may kahalikan sa loob ng condo unit nito. Noong una ay naniwala siya na ang lalaking kahalikan nito ay ang nang-seduce nito pero naulit ang nangyari. Nahuli niya ito at ang kaparehong lalaki in the act of making up inside his boyfriend's room. Para siyang pinagsakluban ng langit sa nakita dahil imbes na ito ang masorpresa niya para sa one year anniversary nila ay siya ang nasorpresa. Marami na sa kanyang mga kaibigan ang nagsasabing matagal na siyang niloloko ni Sherwin pero sa sobrang pagmamahal niya dito ay nagbingi-bingihan siya. Hindi niya pinansin ang mga sinasabi ng mga ito at ang pakunswelo niya sa sarili ay naiinggit lamang ang mga ito sa maganda nilang relasyon ni Sherwin pero masakit, sobrang sakit na makita ng dalawa niyang mata ang mga nangyari. Totoo pala ang lahat. He caught them not once but twice and the second was lethal and brought so much pain in his heart. The pain was unbearable.
            Siya ang klase ng nagmamahal na ibibigay ang lahat maging masaya lamang. Marunong siyang umunawa. Kahit na mawalan siya ng oras para sa sarili ay ibibigay niya. He wanted everything to be perfect when he was in a relationship. Gusto niyang maging perfect at ayaw niyang magkulang. Pero nagawa pa rin siyang lokohin ni Sherwin. 
            Binigyan siya ni Sherwin nang maraming rason ngunit sa huli ay siya pa rin ang sinisi nito. Sa karamihan ng rason na ibinigay nito sa kanya ay tumatak lamang sa isip niya ang sinabi nito na siya ang dahilan ng pangangaliwa nito. There and then, tinapos niya ang isang taon na relasyon nila. Lahat ng pagmamahal na ibinigay niya dito ay napalitan ng galit, poot at pagkamuhi. Mga sakit na hanggang ngayon ay nararamdaman pa rin niya.
            Until he met Vin. Nang makilala niya si Vin ay tila naging madali sa kanya ang makalimot. Naging madali para sa kanya na huwag isipin ang mga nangyari. Imbes na ang sakit na dulot ni Sherwin ang maisip niya ay pinalitan iyon ng nakangiting mukha ni Vin. At ang ka-cute-an  
nito. Thankful siya dahil doon. Si Vin lang pala ang magiging lunas sa kalungkutan niya.
            Nakarinig siya nag mahinang katok sa pintuan ng kwarto niya. napatingin siya doon. Hindi na siya nag-abalang pagbuksan pa ang kumakatok tutal ay hindi naman iyon naka-lock.
            "Kuya Dwayne, `yong inuutos daw ni mama sa `yo gawin mo na," pasigaw na sabi ni Danna. Hindi na ito nag-abalang pumasok sa kwarto niya. Dumungaw lang ito. Si Danna ang sixteen years old niyang kapatid na siyang may kaarawan.
            "Oo. Gagawin ko `yon. Maghintay lang kayo," pasigaw niya ring sagot.
            "Okay," anito saka inilabas ang ulo at isinara ang pintuan.
            Sa ngayon ang kailangan niya munang gawin ay ang pumunta sa bahay ng Tito Ric niya para personal itong imbitahan sa birthday party ng kapatid niya. Ewan niya sa mama niya, pwede naman nilang tawagan ito o kaya ay utusan ang katulong nila pero siya pa talaga ang inutusan. Pero ayos na rin iyon sa kanya para maka-usap niya ang paborito niyang pinsan pagdating sa asaran, si Johanson.
            Tumayo siya mula sa kama niya at nag-ayos sa sarili. Pagkatapos ay lumabas siya ng kanyang kwarto. Nang makita niya ang mama niya ay nagpaalam siya dito na pupunta sa malaking bahay na nasa tapat na bahay nila. Pagkarating sa kabila ay agad siyang pinagbuksan ng pintuan ng gwardiya. Dumiretso siya sa loob ng bahay. Nginitian niya si Aling Mercy, ang isa sa mga kasambahay ng tito niya. Sanay na siya sa bahay ng Tito Ric niya. Nagtungo siya sa dining area. Alam niya na ganitong oras, alas dose ng tanghali, madalas mananghalian ang mga ito. Naabutan niya ang Tito Ric niya na mag-isang nakaupo sa upuan na nasa kabisera ng pahabang mesa. Tila may hinihintay.
            "Tito," tawag niya.
            Tumingin ito sa kanya at ngumiti. "Napadalaw ka, Mack. Anong atin?"
            "Nautusan, eh." Pabiro niyang sagot. "Gusto ni mama na personal kayong imbitahan sa birthday party ni Danna at ako ang nautusan niya para gawin iyon."
            "Ganoon ba. Kailan ba `yon?"
            "Bukas po yata pero tentative pa." Ang sagot niya. Kanina nang makausap niya ang mama niya ay sinabi nitong baka mabago ang date ng party ni Danna. His sister wanted it to be grand na sinang-ayunan naman ng magulang niya. Ang problema niya ay kung paano sasabihin kay Vin ang pag-iiba ng date kung sakali na mangyari iyon. Pero sa ngayon ay hindi na muna niya iyon iisipin. May oras pa naman siya at pwede niyang gawin na alibi iyon para makasama si Vin.
            "`Yon lang ba ang pakay mo?"
            Tumango siya. Tiningnan niya ang mga pagkain na nakahain sa mesa. Hindi pa siya kumakain at natatakam siya sa mga iyon. Mukhang napansin iyon ng tito niya.
            "Kumain ka na muna. Pero bago iyon hintayin muna natin ang pinsan mo at ang bisita niya."
            Nagulat siya sa sinabi nito. "Ma-may bisita si Joen?"
            Ngumiti ito. "Alam kong magugulat ka. Ito ang unang pagkakataon na nagdala ng isang kaibigan dito si Joen."
            Talagang nagulat siya. Bihira lamang kung magdala si Joen ng kaibigan sa bahay ng mga ito. Unang pagkakataon. Madalas ay ito ang laging pumupunta sa bahay ng kaibigan nito at minsan nga ay doon na natutulog dahil sa pagrerebelde nito sa ama nito.
            Marami silang napag-usapan nito. Natigil lamang ang pag-uusap nila nang ianunsyo nito na nandyan na si Joen at ang kaibigan nito. Tumayo siya at humarap sa mga ito. Nagulat siya nang makita kung sino ang kasama ni Joen. Si Vin, ang dahilan ng kasiyahan niya. Nang maka-recover siya sa pagkagulat ay nginitian niya ito. Natulala ito, hindi nagulat muna ng makita siya. Pareho lamang ang reaksyon nila.
            Talagang maliit lamang ang mundo at dito pa niya ito makikita sa bahay ng kamag-anak niya.


PAGKAGULAT. Iyon ang inisyal na reaksyon ni Vin nang makita kung sino ang kasalo ng daddy ni Joen sa hapag kainan. Kausap ng daddy ni Joen ang lalaking kahapon lang rin niya nakilala si Mack. Natigil sa pag-uusap ang dalawa nang mapansin ng mga ito ang pagdating nila ni Joen. Tumayo ang mga ito. Humarap sa kanya si Mack. Halata na nagulat ito sa pagkakakita sa kanya ngunit agad naman itong ngumiti. Mababanaag na sa mukha nito ang kasiyahan.
            "Natulala ka na. Batiin mong daddy ko," bulong ni Joen sa kanya.
            Bigla siyang natauhan. Nahihiyang bumaling siya kay Mr. Castillo at binati ito. Ginantihan nito iyon ng isang ngiti. Gumanti siya ng ngiti kahit na naiilang siya. Naiilang siya sa pagkakatingin sa kanya ni Mack. Alam niyang nakasunod pa rin ang tingin nito sa kanya kahit hindi siya nakatingin.
            "Umupo na kayo," utos ni Mr. Castillo.
            Agad naman silang tumalima kahit na nagtataka siya kung bakit hindi siya pinakilala ni Joen sa daddy nito at kay Mack. Naunang umupo si Joen sa upuan na nasa kanang bahagi ng mesa. Nasa sentro naman si Mr. Castillo. Umupo siya sa tabi ng upuan ni Joen. Nakita niya ang pagkadismaya sa mukha ni Mack nang tingnan niya ito. Parang nadismaya ito na hindi siya tumabi dito. Bakante rin ang katabi nitong upuan at napansin niya na may plato din doon.
             "We're still waiting for someone," anunsyo ni Mr. Castillo.
            "Sino pa ba ang hinihintay natin, dad?" Tanong ni Joen.
            "`Yung pinsan mo. Nag-apply rin siya kahapon sa agency nila Mack. Tanggap rin siya at nagdesisyon ako na dito na rin siya interview-hin kasabay ng kaibigan mo."
            "Nasaan na daw ba siya?" May pagka-asar na tanong ni Joen sa ama.
            "He's in his way Joen. `Wag kang mainipin. By the way, Vinnezer."
             Nagulat siya ng banggitin ni Mr. Castillo ang buong first name niya. "Kilala n'yo po ako?" Parang timang na tanong niya. Nawala na naman siya sa sarili. Gusto niyang batukan ang sarili. Halatang-halata na kinakabahan siya. Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Joen. Ngumiti naman si Mack at Mr. Castillo. Kung pwede lang siyang mawala na parang bula ay ginawa na niya.
            "Of course, Vin. Kaibigan ka ng anak ko at the same time ay magiging employee kita."
            Tumungo siya. "Pasensya na po kayo. Kinakabahan lang."
            "It's alright. Dumaan rin ako sa ganyan, just relax. Hindi ako nangangagat." Pagbibiro nito.
            Nagtaas siya ng tingin at pilit na nginitian ito. Hindi niya talaga maiwasan ang kabahan. Ngumiti nga siya sa pagbibiro nito ngunit pilit naman. Dapat ay wala siyang magawang mali sa harap nito. Magsasalita lamang siya kung tatanungin siya nito. Makikinig siya sa mga sasabihin nito. Naiilang rin siya sa mataman na pagtitig sa kanya ni Mr. Castillo. Tila inaalisa ang mga kilos niya. Parang kinakabisa ang mukha niya. Maya-maya ay napansin niya ang kasiyahan sa mukha nito. Sunod ay satisfaction. Maluwang itong ngumiti na parang may nakitang interesante sa kanya. Bakit? Ano?
            They lost their eye contacts when Joen interfered.
             "Dad, hindi mo pa ba kakausapin si Vin? O hindi mo na `yon gagawin dahil tanggap na si Vin."
             "Tanggap na si Vin, Joen, kanina pa. Kasasabi ko pa lang, `di ba? Kailangan ko bang ulit-ulitin iyon, Joen?" Pagsusungit ni Mr. Castillo sa tanong ng anak. Ginantihan lang iyon ng simangot ni Joen. Nagpatuloy si Mr. Castillo, hindi pinansin ang hitsura ng anak. "Kung kakausapin ko man siya ay for further information and some clarification na lang. Mamaya ko na lang `yon gagawin dahil hihintayin pa natin ang pinsan mo. Sabay ko na silang kakausapin para sa last interview nila." Bumaling sa kanya si Mr. Castillo. "Siguro kilala mo na siya sa mukha o kaya naman ay nakausap mo na kahapon."
             "Siguro nga po." Mabilis niyang sagot.
            "Bakit hindi mo ipakilala si Vin sa pinsan mo Joen?"
            "Do I really need to do that? Hindi ko siya bisita. Wala akong rason para ipakilala siya kay Vin."
            Damang-dama niya ang animosidad sa tinig nito habang sinasabi ang mga salitang iyon. Tiningnan niya si Mack. Nakangiti ito habang umiiling.
            "Kailangan mong gawin `yon, Joen. Act as a civilized person. Hindi kita pinalaki para maging bastos. Umakto ka na naaayon sa edad mo. Hindi ka na bata."
            Lihim siyang napangiti sa panenermon ni Mr. Castillo kay Joen. Alam niyang bati na ang mga ito sa paraan ng pag-uusap ng mga ito pero pasaway lang talaga si Joen. Sasagot pa sana ito sa daddy nito ngunit pinigilan niya ito sa pamamagitan ng paghawak nang mahigpit sa wrist nito. Tumingin ito sa kanya. Pasimple siyang umiling para sabihin na tumigil na ito.
            Thankful siya dahil sumunod naman ito. Bumunot muna ito ng isang malalim na paghinga bago gawin ang pinapagawa ng daddy nito. "Mukhang wala rin naman akong magagawa. "Vin, pinsan ko si Mack. Mack, kaibigan ko si Vin."
            Matamis siyang nginitian ni Mack. Gumanti naman siya ng ngiti dito.
            "Hindi mo na kailangang gawin pa `yon, Joen. Kahapon ko pa kilala si Vin."
            "And what do you mean by that?" Naiiritang tanong ni Joen kay Mack.
            "Magkaibigan na kami, kahapon pa." Nang-aasar na sabi ni Mack.  Nagsagutan ang dalawa. Mukhang may cousin rivalry ang dalawa.
            "Enough the two of you. Ang tatanda n'yo na hanggang ngayon nagtatalo pa rin kayo sa mga simpleng bagay." Pag-saway sa mga ito ni Mr. Castillo.   Bumaling sa kanya si Mr. Castillo. "Papasensiyahan mo na ang dalawang `yan. Talagang ganyan ang mga `yan. Parang lahat ng gustong gawin ay paligsahan. Just bear with them lalo na kay Joen at makakasama mo siya sa restaurant."
            Bumaling siya kay Joen. Hindi siya makapaniwala sa narinig.Sinimangutan niya ito. Nakangiti naman ang lalaki na parang sayang-saya. Nag-iwas siya ng tingin dahil bumilis ang tibok ng puso niya. Ang gwapo talaga ng kumag! Bumaling siya kay Mack. Nakangiti rin ito ngunit hindi kasinlakas ang tama ng ngiti nito sa kanya.
           Naramdaman niya ang pagkalabit sa kanya ni Joen. Nakasimangot ang loko. "Bakit?" Naiiritang tanong niya rito.
            "`Wag mong tingnan si Mack ako na lang," parang batang ungot nito na nagdulot ng pamumula ng kanyang mukha.
             Napayuko siya sa hiya. Sa lakas ba naman ng pagkakasabi nito ay alam niyang narinig iyon ni Mack at ni daddy nito. Adik talaga ang lalaking ito. Pasaway! Ano na lang ang sasabihin ni Mack at ni Mr. Castillo kung sakali? Nakakahiya. Mabuti na lang at tila hindi napansin ng dalawa ang sinabi ni Joen. Para makaganti dito ay inapakan niya ang paa nito sa ilalim ng mesa.
             "Aray!" Malakas na daing nito.
             "Anong nangyari sa `yo, Joen?" Agad na tanong ni Mr. Castillo.
             "Nothing, dad. Someone just stepped on my foot," anito. Pinagdiinan ang 'stepped on my foot'.
             "Tutal wala pa ang pinsan ng mga ito. Ikaw na muna Vinnezer ang kakausapin ko. Let's go to the library." Anunsyo ni Mr. Castillo.
            "Si Vin lang dad?" Tanong ni Joen. "`Di ba dapat kasama ako sa pag-uusap na `yan. Empleyado mo na rin ako."
            "Hindi na kailangan ang presensiya mo, Joen. We already talked earlier. Si Vin na lang. Isipin n'yo na lang na one-on-one interview ang mangyayari."
             Joen sighed in defeat. "Ano pa ba ang magagawa ko? Wala naman, `di ba?"
             "That's good to hear," ani Mr. Castillo. Tumayo ito. Tumayo na rin si Vin.     Bago umalis ay nagbilin pa ito kay Mack at Joen na mag-behave. Sumimangot ang dalawa na tinawanan ni Mr. Castillo. Lihim naman siyang napangiti sa ka-cute-an ni Joen at ni Mack.

FIRST IMPRESSION LAST. Ang nasa isip ni Vin habang nakasunod kay Mr. Castillo. Ggawin niya ang lahat ng makakaya niya para sa interview kahit na alam na niyang pasok na siya sa tulong ni Joen. Kailangan niyang  ma-impress Mr. Castillo para sa trabaho niya. Sawa na rin kasi siyang tumambay at laging nakapalad sa lola niya tuwing aalis siya. Gusto naman niyang maiba. Gusto rin niya na mabili ang mga gusto niyang bagay sa sarili niyang pera, sa sarili niyang pagsisikap.
            Tumunog ang kanyang cellphone. Hindi niya pinansin iyon. Huminto si Mr. Castillo at bumaling sa kanya.
            "May tumatawag yata sa `yo. Bakit hindi mo muna sagutin `yan?"
            "Si-sige po," nahihiyang sagot niya.
            "Okay. Answer it, mukhang mahalaga ang tawag na `yan. Mauuna na ako, hihintayin na lang kita sa library room. Alam mo naman siguro kung saan iyon."
            Tumango siya. "Opo."
            Tumango ito saka siya tinalikuran. Nang makalayo ito ay agad niyang kinuha ang cellphone sa kanyang bulsa at agad na tiningnan kung sino ang tumatawag. Ang lola niya. Napangiwi siya nang maalala na hindi pa pala niya nasasagot ang text nito. Nawala iyon sa isip niya. Sinagot niya ang tawag.
            "Hello `la," nananantiyang sagot niya. Alam niyang bubungangaan siya nito. At hindi nga siya nagkamali. Agad na nagbunganga ito.
            "Saan ka ba nagpupuntang bata ka? Hoy, Vinnezer, `wag mong sabihin na bente uno anyos ka na ay magagawa mo na ang gusto mong gawin. Baka nakakalimutan mo kahit hindi ka na menor de edad ay ako pa rin ang guardian mo. Kargo pa rin kita! Saan ka ba natulog? Bakit hindi ka man lang nag-reply sa mga text ko?"
            Kahit hindi niya ito nakikita sigurado siyang nandidilat ang mga mata nito. Ganoon naman ito palagi.
            "`La pasensya na po. Nakalimutan ko pong magpaalam sa inyo. Eh, kasi naman n'ung umuwi ako dyan sarado na `yung gate. Hindi na ako nakapasok kaya nakitulog na lang po ako sa isang kaibigan."
            "Kaibigan? Sinong kaibigan `yan? Si Diega ba o si Joanna? Aba naman, Vin, ang lapit lang naman ng bahay nila bakit hindi ka pa umuuwi?"
            "`La hindi po ako sa kanila nakitulog. Sa iba pong kaibigan."
            "Sino ba `yan na kaibigan na `yan? Lalaki ba o babae?"
            "Lalaki po."
            "`Wag mong sabihin na kumekerengkeng ka na. Aba! Nagamit ka na ba?"
            "Lola!" Nabubwisit na saway niya sa lola niya. Kung makapagsalita ito ay parang hindi matanda. Walang preno ang bunganga. "Lola, mamaya na po tayo mag-usap. Sige po, paalam." Hindi na niya hinintay pang makasagot ito. Agad niyang in-end call. Gusto pa naman sana niyang sabihin dito na may trabaho siya ngunit hindi na niya ginawa dahil mangungulit lang ito.
   Inilagay niya sa bulsa ang cellphone. Hinanap niya ang library room. Hindi naman siya natagalan sa paghahanap. Nasa harap na siya ng pintuan ng library room. Kumatok muna siya ng tatlong beses. Nang marinig niya ang boses ni Mr. Castillo na pinapapasok siya ay dahan-dahan niyang pinihit ang seradura. Pinaupo siya nito sa single seater sofa na nakaharap sa mahogany table kung saan ito nakaupo. Maya-maya ay tumayo ito at umupo sa sofa na kaharap ng inuupuan niya.
            "Uulitin ko, masaya ako na nakilala na kita ng personal, Vin. Tutal ay kaibigan ka ng anak ko at magiging employer mo na rin ako soon ay pwede mo akong tawagin ng tito. Tito Enrico."
            "Hindi po ba nakakahiya `yon?" Alangan na sabi niya. "Amo ko po kayo."
            "Amo mo nga ako but at the same time ay kaibigan ka ng anak ko. So you have the privilige to call me tito. After all, ikaw ang rason kung bakit nag-volunteer si Joen na magtrabaho sa restaurant."
            Naguluhan siya sa sinabi nito. Paanong siya ang ang naging rason? "Ano po ang ibig n'yong sabihin? Paano po ako ang naging dahilan?"
            "Alam mo kasi, matagal ko nang sinasabihan ang anak ko na magtrabaho siya doon. Pag-aralan niya ang pamamahala dahil siya rin ang magmamana `pag nawala ako. Pero matigas ang ulo n'un. Ayaw niyang gawin ang kagustuhan ko at kung ano-anong bagay ang pinagagawa to displease me. Minsan, pumasok siya sa restaurant, ang saya ko sana n'un pero nakatanggap ako ng tawag mula sa manager at sinabi na wala siyang ibang ginawa kundi ang guluhin ang staff ko. My son was really a pain in the neck. Kahit anong gawin kong pag-di-disiplina sa kanya ay hindi tumalab until I gave in. But then you came. What you saw earlier was just one of our fight but thank God because of you he already made up to his senses. Kaninang madaling araw, habang tulog ka nag-usap kami, nagkasundo. At sa pagkakasundo namin ay gumawa siya ng desisyon. Nag-desisyon siya na pumasok sa restaurant sa kapalit ng isang kondisyon at iyon ay i-hire ka."
            "Sa totoo lang po hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko," sabi niya. "Ang totoo po ay kagabi ko pa lang siya nakilala at hindi po maganda ang unang encounter namin ng anak n'yo. Nag-away kami. Pansamantala kaming nakulong dahil sa ginawa namin."
            Ngumiti ito. "Alam ko `yan. Tinawagan niya ako kagabi at nag-usap kami kanina. Ikaw pa lang ang nakakasampal sa anak ko."
            Napangiwi siya sa sinabi nito. "Sorry po."
            "Hindi mo na kailangan pang humingi ng paumanhin. Natutuwa pa nga ako na may katapat na ang anak ko sa katauhan mo. Ikaw lang pala ang magpapatino sa kanya."
            "Wala naman po akong ginagawa para mapatino siya, eh."
            Sa totoo lang ay kanina pa siya naguguluhan sa sinasabi ni Mr. Castillo. Sa tingin niya rin ay tila may ibang pagkahulugan ito sa lahat ng sinasabi nito. Siya daw ang dahilan kung bakit nagbago si Joen. Wow naman! Dapat ba siyang matuwa sa mga sinasabi nito? Sa isang sampal lang niya kay Joen ay nagbago ito?
            "Tito Enrico," alangan niyang sabi.
            "Bakit, Vin?"
            "Salamat po. Salamat po sa pag-hire sa `kin. Makakaasa po kayo na gagawin ko ang lahat na makakaya ko para magawa po ng mabuti ang trabaho ko. Hindi ko po kayo bibiguin."
            "Aasahan ko `yon," anito. "Pwede ka nang umalis, Vin," pag-di-dismiss nito sa kanya.
            Muli siyang nagpasalamat dito. Nagtungo siya sa tapat ng pintuan. Palabas na siya ng magsalita ito. "Siyanga pala, Vin, nasabi ko ba sa `yong may naaalala ako sa `yo?"
            "Hindi pa po. Sino naman po?"
            "A friend in the past," sagot nito. "Sige, makaka-alis ka na."

NANG MAKALABAS SI Vin sa library room ay maluwang ang pagkakangiti niya. Napakasaya siya. Pakiramdam niya ay lumilipad siya sa himpapawid. Sa wakas ay may trabaho na siya. Malaki ang pasasalamat niya kay Joen at Tito Enrico. Lalong-lalo na kay Joen, mali ang unang impression niya dito. Mabait si Joen kahit may kayabangan at kapilyuhan ito. May pagka-adik rin ito. Kahit na kanina ay pinag-ti-tripan nito ang kasarian niya. Napangiti na lamang siya nang maalala ang eksenang iyon kanina. Excited siyang nagtungo sa dining area. Naabutan niya si Joen at Mack na nag-uusap. Nang makita siya ng mga ito ay tumigil ang mga ito.
             "Ano ang nangyari, Nezzer?
            "What happened, Vin?"
            Halos magkasabay na tanong ng dalawa. Nagkatinginan ang mga ito. Nagpalitan nang masamang titig sa isa't-isa.
            "May trabaho na ako!" nakangiting sabi niya.
            Ngumiti si Joen ganundin si Mack.
            "Congrats Nezzer," ani Mack.
            "Now we can see each other more often," Joen said.
            Humarap siya dito. "Thank you sa `yo Joen. Dahil sa `yo ay may trabaho na ako at mas napabilis ang pagpasok ko." Pasasalamat niya dito. Kung pwede lang niya itong yakapin ay baka kanina pa niya ginawa. Pero hindi naman pwede dahil baka masuntok lamang siya nito.
            "It's nothing, Vin, deserve mo naman ang magkatrabaho, eh. Now, I'm not just your friend, your co-worker as well and lastly the son's employer."
            "Oo nga. Salamat talaga pero `wag mong kakalimutan na bago tayo maging magkaibigan ay mag-kaaway muna tayo."
            Ngumiwi ito. "I'm not forgetting it."
            Tumikhim si Mack. Bumaling siya dito. Bigla tuloy siyang nahiya dahil parang na-itsapwera ito sa pag-uusap nila ni Joen.
            "I guess you should also thanking me, Nezzer," sabi nito.
            "And why will Vin do that?" Kunot ang noong tanong ni Joen dito.
            "I'm not talking to you cousin," panonopla dito ni Mack. "Kami ang may-ari ng agency na inaplayan mo. Kahapon ko pa ibinigay kay tito ang requirements mo."
            "Huh?" Naguguluhang sabi niya.
            "That's impossible!" Matigas na reaksyon ni Joen.
            "Of course it's possible, Joen. Remember na bago mo siya nakilala rather nakaaway ay ako muna ang nakilala niya."
            "Inilalayo mo ang usapan, Mack. We're talking here about the requirements of Vin. Paano na na-i-forward mo `yon?"
            Tumawa si Mack. "Gullible ka rin pala, pinsan. I'm just joking. Alam mo naman na hindi ako tauhan sa agency."
            "Damn you, Mack!" Nanggigigil na sabi ni Joen na tinawanan lang ni Mack. Napapiling na lang siya sa dalawang magpinsan. Magpinsan nga ang mga ito parehong makulit.
            Nag-seryoso si Mack. "Seryoso na Vin. You should also thanking me remember, yesterday."
            "Hindi ko `yon nakakalimutan, noh. Kaya nga tayo naging mag-kaibigan dahil sa panlilibre no sa `kin at sa isang daan na inutang ko sa `yo." Napansin niya na dumoble ang kunot sa noo ni Joen. Nakangiti naman ng malawak si Mack na tila nang-aasar. Kinuha ng una ang pitaka nito na nakalagay sa bulsa. Kumuha ito doon ng limang daan. Ibinigay nito iyon kay Mack pero hindi nito tinanggap. Inilapag ni Joen ang pera sa mesa.
            "Para saan `yan?"
            "Bayad `yan ni Vin sa inutang niya sa `yo kahapon. Binabayaran ko na para wala ng utang sa `yo si Vin. And I also don't care if you meet him first."
            Payak na tumawa si Mack. "Nakakatawa ka. Si Vin ang may utang sa `kin kaya siya lang ang magbabayad at hindi ikaw. At kung sakali mang babayaran ako ni Vin ay hindi ako tatanggap ng cash."
            "And why is that?"
            Palipat-lipat lamang ang tingin ni Vin sa dalawa. Naguguluhan siya sa inaakto ng mga ito. May rivalry talaga sa pagitan ng mga ito.
            "It's none of your business, Joen. Kung anuman ang hihingiin ko na kapalit ay sikreto iyon sa pagitan namin ni Vin. Wala ka na d'un."
            "Anong wala na ako d'un? It's my business, Mack. Kaibigan ako ni Vin at bilang kaibigan ay responsibilidad ko siya."
            "Talking about responsibilty, huh, Joen. Sa vocabulary mo pala ang salitang `yon. Ngayon ko lang nalaman."
            Bago mag-kainitan ang mga ito ay pumagitna na siya.
            "Pareho ko kayong kaibigan kaya `wag na kayong mag-away." Humarap siya kay Mack. "Thank you kung isa ka sa rason kung bakit may trabaho ako." Bumaling siya kay Joen. "And also, salamat sa `yo kahit hindi naging maganda ang first encounter natin. I'm glad of having you as my friend. Kung pwede kayong dalawa kung mag-aaway kayo `wag sa harapan ko. Wala naman akong kinalaman sa away n'yo, eh."
            Dumaan ang sandaling katahimikan sa pagitan nilang tatlo. Natigil lamang iyon nang dumating ang katulong kasama ang taong hindi niya inaasahan na makita.


      Si Nick!

33 comments:

  1. nice story..

    mag pipinsan pla ang mga manliligaw ni vin...

    nice..z

    Team MACK AKO!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Dahil dito sa comment na ito, mukhang mapapalaban ako na maglagay ng scene na silang dalawa ang magkasama. How would it be? Tsk.

      Delete
  2. Sobrang bitin... More... Hehe

    Tnx sir author.

    -madztorm

    ReplyDelete
    Replies
    1. Madztorm, bitin ka na naman. :) hinabaaan ko na `to, eh.

      Delete
  3. Hahaha..matutuhog pa ata ni vin ang magpipinsan. Also, there is a possibility that vin is the son of joens fathers ex.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Makikita natin, Jazzuah sa mga susunod na kabanata kung ano nga ba talaga si Vin.

      Delete
  4. Hahaha..matutuhog pa ata ni vin ang magpipinsan. Also, there is a possibility that vin is the son of joens fathers ex.

    ReplyDelete
  5. Magkatuhogan pa ata ng magpipinsan ah...there is a possibility that vin is the son of joens fathers ex.

    ReplyDelete
  6. hahaha! san ba makakahano ng magpipinsan na hotties at makatambay nga dun? kidding.. nice chapter. im a fan :)

    ReplyDelete
  7. Sbi ko na nga ba eh mag pi2nsan clang tatlo....mejo predictable ang mga scenes sna lagyan mu ng konting twists para d magsawa agad..just piece of advice

    Sna habaan mu ng konti

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pano ba maglagay ng twist? Hindi ko alam kung paano, Mr. Raffy.

      Delete
  8. Nakakabitin KaLa ko po ba hahabaan pa ang nga susunod na chapter?? Ampft! Nakakatakot haha nice job author! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Bitin? Ilang pages ba sa MS word ito? Ayoko ng magsabi na hahabaan ko.. harhar .

      Delete
  9. Kuya Alex, wala `ata, eh. Gawa-gawa na lang sa isip para masaya.. hahaha :)

    ReplyDelete
  10. Grabe to! Haha. Magpipinsan ang magkocompete sa puso ni Vin.

    Daisuke! Arigatou!


    -- Rye Evangelista

    ReplyDelete
  11. so far sa lahat ito ang pinakagamanda na story sa batch ng mga new writers , keep up , and hahabaan pa ang mga chapter , C O N G R A T U L A T I O N S

    ReplyDelete
  12. Exciting #teamjoen ako



    -dave

    ReplyDelete
  13. pag talga writer magaling na mananahi din.. ahaha boom panes
    at mukhang pahanginan to the max na ... rak na ituuu hahaaha
    at sempre si papakabog si team JoVin ko..ahaha

    jihi ng pampanga

    ReplyDelete
    Replies
    1. Jihi, nahihirapan na nga `yong makina ko, eh. Wala na ring sinulid. Waaaahhhhhh! Nawawalan na ako ng ideya.

      Delete
    2. Jihi, nahihirapan na nga `yong makina ko, eh. Wala na ring sinulid. Waaaahhhhhh! Nawawalan na ako ng ideya.

      Delete
    3. yie bigyan kita ng sinulid sige.. mga pang ilang yards ba kuya?? ahaha
      bastat JoVin pa rin dpat... me ganern..ahahaa... bstat continue to write na lang po

      Delete
    4. Cge bah.. hindi ko tatanggihan ang offer mo, mr. Anon. Saka fuel na rin para sa makinang inaamag. Hahaah..

      Delete
    5. sabihin ko sana kuya tampo nako. mr. anonymous pla un... whahaha..
      medyo adik lang..haaahaaa..

      jihi ng pampanga

      Delete
  14. this is fucking cute lol.am waiting for the update.

    ReplyDelete
  15. Wow nakakainggit naman si Vin! ang daming nakikipag agawan sa kanya!...
    Nice Story mr author, looking forward for the next exciting chapters..
    God Bless you!

    Ben

    ReplyDelete
  16. GANDA MO GIRL!!!
    anong shampoo mo? CHAAARRRR!
    sayo na ang korona!

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails