Isang linggo rin akong nawala. Pasensya na sa mga nagbabasa nito na naghihintay ng update. (meron ba?haha..)
Salamat sa mga magbabasa nito.
Bago ko pa makalimutan ay magpapasalamat na ako kay JACE PAGE, siya po kasi ang nagsilbing tanungan ko nung hindi pa ako nagpapasa ng story dito tungkol sa mga ilang bagay. Nag-me-message rin ako sa kanya sa facebook tuwing natatapos kong basahin ang TLW. Salamuch!
CHAPTER TEN
PAKIRAMDAM NI
Nick ay lumilipad siya sa alapaap. Masaya siya sa nangyari sa kanya, sa kanila
ni Vin ngayong araw. Habang nasa bahay siya kanina nina Joen ay sobrang panghihinayang
ang nadama niya nang hindi na niya makita si Vin sa dining room pagkatapos
siyang kausapin ng Tito Enrico niya. Nalaman na lang niya kay Aling Mercy na
umalis na ito at inihatid ng pinsan niya. Nagpasya na lang sila ni Mack na
umalis na rin. Pagkarating iya sa kanilang bahay ay dumiretso siya sa kanyang
kwarto. Nagmuni-muni at binalikan sa kanyang alala ang mga reaksyon ni Vin sa
biro niya. Hindi siya nagsisisi sa pagsisinungaling niya dahil nasolo niya si
Vin ngunit ang kinalabasan naman niyon ay naasar ito sa kanya at sinipa pa siya
sa binti.
Nang ma-boring sa
kanyang kwarto ay nagdesisyon siyang lumabas ng bahay nila at nagtungo sa mall
para maghanap ng libro. Habang nasa loob siya ng booksale at naghahanap ng
libro ay si Vin pa rin ang nasa isip niya. N'ung interview nila ay nasabi nito
na mahilig rin itong magbasa ng libro. Iyon nga lang ay romance ang genre na
kadalasan nitong binabasa.
Sa kaabalahan niya sa paghahanap ng
libro ay hindi napansin na may kasalubong siya. Nabangga niya iyon. At laking
tuwa niya nang makita kung sino ang nabangga niya. Si Vin. Sino ang mag-aakala
na ang taong nasa isipan lang niya ay makikita niya sa loob ng store at
nakatayo na sa harapan niya.
Kaya hindi na siya nagpaligoy-ligoy
pa. Niyaya niya itong kumain at agad naman itong pumayag. Nauwi sila sa mga
kainan sa gilid ng school at kumain ng kwek-kwek, calamares at banana cue. They
ate with so much gusto. Nagkaroon pa siya ng pagkakataon na masubuan si Vin sa
tulong ng tindero na walang kaide-ideya kung ano ang pagkatao nilapero malaki
ang pasasalamat niya dito dahil sa sinabi nito.
At sa Blue Magic.
A wide smile formed in his lips.
Kung hindi lang siya nagmamaneho ay baka tumingala na siya at parang baliw na
ngingiti. Mas tumaas pa ang paglipad niya dahil doon ay nahalikan niya si Vin
sa pisngi at nahawakan ang malambot nitong kamay. Nahalikan niya si Vin, hindi
lang isang beses kundi dalawa. At ang pangalawa ay sa parking lot.
Okay na sana ang moment nilang
dalawa ni Vin. Naka-iskor na siya dito at nasabi na niya na may gusto siya dito
at liligawan niya ito kung hindi lang sumingit ang asungot niyang pinsan na si
Joen. Panira ito ng moment. At talagang nabwisit siya sa mga sinabi nito. Kung
hindi nga lang siya nakapag-pigil at sinaway ni Vin ay baka nasuntok na niya ito.
Medyo naguluhan rin siya sa sinabi
ng pinsan dahil tila may pinaghuhugutan iyon. Tunog nagseselos ito.
Natigilan siya nang may maisip.
Nawala ang ngiti sa labi niya. Hindi kaya may gusto rin si Joen kay Vin kaya
ganoon na lang ang reaksyon nito? But he easily ignored the idea. It was
stupid. Imposible iyon. Kilala niya ang pinsan, sa pagiging babaero nito ay
hindi ito papatol sa mga binabae. Lalaking-lalaki si Joen. Natatawa nga siya
dahil may gana itong pagsabihan siya samantalang ito ang madalas na magpa-iyak
ng mga babae. Naunahan nga lang siya ng inis dahil sa mga sinabi nito sa kanya
sa harapan pa ni Vin.
Sa ngayon ay hindi na muna niya
iisipin ang mga actions ni Joen. Ang mahalaga ay ang nangyari sa pagitan nila
ni Vin.
Nasubuan niya ito.
Sa pagkain nila sa gilid ay para na
rin silang nag-date.
Nahalikan niya ito ng dalawang
beses.
Nahawakan niya ang kamay nito.
At nasabi niya dito na gusto niya
ito at liligawan niya.
Sapat na sa kanya ang mga iyon, sa
ngayon. Ang reaksyon ni Vin ay sapat na rin dahil alam niyang nabigla ito sa
biglaan niyang pagtatapat. Maghihintay siya kung kailan siya papayagan nito na
ligawan ito. Pero hindi ibig sabihin niyon ay hihinto siya sa pagpaparamdam
dito.
Tumingin siya sa labas ng bintana.
Nasa street na pala siya nang hindi niya namamalayan. Masyado siyang na-engross
sa pag-iisip.
Inihinto niya ang kotse sa labas ng
bahay nila nang makarating siya doon. Wala pa siyang balak ipasok iyon dahil
may pupuntahan pa siya. His mother called him earlier for some important
matter. Hindi naman niya alam kung ano ang matter na iyon. Basta ay pinapauwi
siya nito.
Nang makapasok siya sa sala ng bahay
nila ay bahagya siyang nagulat sa nakitang lalaki na nakaupo doon. Pamilyar ito
sa kanya. Saglit siyang nag-isip. Tila may bumbilyang umilaw sa utak niya nang
maalala kung saan ito nakita. Ito ang lalaki na nakausap niya sa loob ng men's
comfort room sa agency ng tita niya. Anong ginagawa nito sa bahay nila?
Nang makita siya ng lalaki ay tumayo
ito at lumuwang ang pagkakangiti. Pamilyar sa kanya ang ngiti nito. Parang may
kahawig rin ito pero hindi niya maalala kung sino. Sa tantiya niya ay naglalaro
sa pagitan ng thirty at thirty three ang edad nito.
"Fancy seeing you here, mister,"
he said.
"Fancy seeing you here, also,"
anito.
"Sino ang pakay mo dito sa
`min?" Tanong niya.
"Your mother," sagot nito.
"`Di ba sinabi ko naman sa `yo na kilala ko ang mama mo. Hindi ka kasi
naniwala sa `kin," sabi nito.
Of course. He still remember that.
N'ung nasa CR siya ay ito ang nag-approach sa kanya at sinabihan siya na ang
laki na niya. His first reaction was shocked. Hindi niya ito kilala at hindi
nagpakilala sa kanya. Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy lang sa pagsasalita
noong mga panahon na iyon. Marami itong sinabi pero iilan lang ang natatandaan
niya. At iyon ang mga sumusunod :
"Lumaki
ka na napakagwapong bata."
"Kumusta
na ang mga pinsan mo?"
"I'm
a family friend. Kaso ay matagal na akong hindi nagpapakita sa pamilya
mo."
"How's
your parents? Si Kuya Ric, kumusta na?"
"You
know what, halos kasing-edad mo ang kapatid kong dalawa, ang kaso ay hindi ko
sila kasama."
Bago pa may masabi ang lalaking sa
harapan niya ay umalis na siya at iyon nga ay nakuha niya ang pitaka ni Vin.
"Now I believe you," he
said. "What's your name, mister?"
"Stop calling me mister,
Nichollo. I'm just thirty years old, call me 'kuya'. I'm Arkin by the way."
"Nice meeting you," aniya.
"Sino ang pakay mo dito sa bahay namin?" Ulit niya sa tanong.
"Ang mama mo. Si Ate Tasha,"
"Ano ang kailangan mo kay mama?"
"Ang totoo, nasabi ko na sa
kanya ang kailangan ko, Nichollo. Sa ngayon ay ikaw na ang kailangan ko."
"Ako?" biglang tanong
niya. "Ano naman ang kailangan mo sa `kin?"
"Can we sit first. Masyadong
mahaba ang kailangan ko sa `yo at mapapagod tayo kung tatayo tayo habang
nag-uusap."
Sumang-ayon siya sa paanyaya nito. Umupo
siya sa single seater sofa habang ito naman ay pumwesto sa dati nitong
kinauupuan kanina.
"Anong pakay mo sa `kin,
Kuya," he address. Okay lang sa kanya na tawagin itong 'kuya' dahil wala
siyang kuya. Maliban doon ay komportable rin siya dito kahit na naasar siya
dito noong una.
Nagsimula itong sabihin sa kanya ang
pakay nito. Pagkagulat ang unang reaksyon niya sa nalaman. Pero napangiti rin
siya. Mukhang may malaki talaga siyang parte sa pagkatao ng taong may malaking
puwang sa kanyang puso. Panghahawakan niya iyon at susundin niya ang gustong ipagawa
ni Kuya Arkin sa kanya.
"Wala kang pagsasabihan ng
ipapagawa ko sa `yo. Sa pagitan lang natin ito."
Tumango siya. "Makakaasa kayo.
Sa atin lang ito."
SA HALIP NA
MAGTUNGO sa kusina gaya ng sinabi ni Vin kay Joen ay hindi niya ginawa.
Nagtungo siya sa kanyang kwarto at nagkulong doon. I-ni-lock niya rin iyon para
makasiguirado siya. Baka kasi sundan siya ni Joen at mahirap na.
Until now he was blown away with the
kiss that he and Joen shared. Hindi siya makapaniwalang mangyayari iyon sa
pagitan nila. Ang halik ay patuloy na naglalaro sa isipan niya. Ang kanyang
reaksyon at ang gawi ng pagganti niya doon. Inaamin niyang nasarapan siya sa
halik, dahil kung hindi ay hindi naman siya gaganti.
Kung sana ay pareho sila ni Joen ng
pagpapahalaga sa halik na iyon kaso ay hindi. For him the kiss was something.
Hindi iyon ang una niyang halik pero pakiramdam niya ay iyon ang kauna-unahan
niyang halik. Joen's lips was soft, the way he kiss him was gentle but he felt
passion in it. Kung magkadikit lang ang katawan niya ay tiyak niyang madarama
nito ang epekto niyon sa ibabang bahagi ng pagkatao niya.
Subalit kay Joen ay wala lang iyon.
It was nothing. Para dito ay simpleng pagdidikit lamang iyon ng labi. Walang
halong emosyon o pagmamahal man lang. Siguro, may pagmamahal din pero para sa
kaibigan lang. Ang mga emosyon na nadama niya sa halik nito ay balewala lamang
para dito. Masakit, oo, pero kailangan niyang tiisin iyon. Ang dating para sa
kanya ay parang eksperimento lang iyon. Hindi man sinabi ni Joen nang haragan,
iyon ang nararamdaman niya.
But friends don't kiss, right?
Pero bakit nga ba nangyari sa kanila
ang halik? Ano ba ang totoong dahilan niyon? Bakit sa dami-dami ng pwedeng ipagawa
ni Joen sa kanya ay iyon ang ginawa nito?
Naguguluhan na talaga siya.
Ngayon na nangyari na ang nangyari,
ano ang dapat niyang gawin? Alam niya na pagkatapos nang nangyari ay maiilang
na siya kay Joen. Paano niya pakikitunguhan si Joen? Kung sana ay walang
kahulugan sa kanya ang halik ay ayos lang. Alam niya na sa tuwing makikita niya
si Joen ay maaalala niya ang halik.
Bumuntung-hininga siya.
Ang pinakamabisang paraan para hindi
na maulit iyon at hindi niya maalala ang halik ay ang lumayo kay Joen. Dapat ay
maglagay siya ng distansya sa pagitan nila. Pagkatapos nito ay agad niya iyong
sasabihin kay Joen. Ayaw man pumayag ng buong kalooban niya ay kailangan niyang
gawin iyon. Kahit na komportable na siya na nasa paligid ito ay kailangan
niyang lumayo muna dito. Iiwas siya sa hindi nito mahahalatang paraan Hindi naman
permanente ang paglayo niyang gagawin. Kailangan muna niyang mag-isip ng ilang
araw. Pagkatapos niyang makapag-isip nang matino ay baka maging komportable
ulit sila sa isa't-isa. Dapat ay huwag niyang masyadong alalahanin iyon.
Humarap
siya sa may kalakihang salamin na nasa kwarto niya. Tinitigan niya ang
repleksyon doon. Ilang minuto na ang nakakalipas mula nang nangyari ang halik ngunit
namumula pa rin ang mukha niya. Pakiramdam niya ay namamaga ang kanyang labi
dahil doon.
Napailing siya.
Kasasabi pa lang niya sa sarili na
dapat niyang kalimutan ang halik pero heto siya. Inaalala na naman ang nangyari.
Talagang malala na siya. Malubha na ang tama niya.
Nang mahimasmasan ay nagdesisyon
siyang lumabas ng kwarto. Nagtungo siya sa kusina. Nagulat siya nang makita si
Mack doon. Nakaupo sa isang upuan. Bigla siyang nangamba. Baka nakita nito ang
nangyari.
Stop
being paranoid, Vin. Kung nakita man ni Mack ang halikan niyo ni Joen. Eh, ano
naman? Wala kang dapat ikatakot o ikapangamba.
Pwera na lang kung may gusto ka kay Mack.
Natigilan siya. May gusto kay Mack?
Imposible iyon dahil ang tinitibok ng puso niya ay si Joen. Para lang iyon kay
Joen. Bakit ganito? Bakit siya nagkakaroon ng confusion ngayon? Ano ba ang
nangyayari sa kanya? Nagiging salawahan na siya. Hindi iyon maaari.
Inaamin niya na attracted siya kay
Mack nang una niyang makita ito. Pero ang nararamdaman niya kay Joen ay mas
matindi sa nararamdaman niyang atraksyon dito. Ang nararamdaman niya kay Joen
ay may pinanggalingan. Tila matagal na sila nitong magkakilala at may kung
anong bagay ang kumokonekta sa kanila. Kaya nga kumportable sila sa isa't-isa.
Siguro kaya siya nangangamba dahil
nag-aalala siya sa posibleng isipin ni Mack kay Joen. Alam niyang magpinsan ang
dalawa pero hindi niya hawak ang isipan ni Mack. Tama, nag-aalala siya para sa
kapakanan ni Joen at hindi dahil sa may nararamdaman siya kay Mack.
Nang matimbang ang sarili ay lumapit
siya kay Mack at pilit itong nginitian.
"Nandito ka pala, Mack. Kanina
ka pa ba dito?"
"Kanina pa," matipid
nitong sabi. Napansin niya ang lungkot sa mukha nito.
"May problema ka ba, Mack?"
usisa niya.
Hindi pa ito nakakasagot ay umeksena
na ang lola niya.
"Kanina pa `yan dito, apo.
Pinapunta ko nga sa sala kaso ang sabi sa `kin hindi daw niya makita, kaya iyan
bumalik na lang dito," anang lola niya.
"Ganoon ba, `la," sabi
niya.
"Oo," sagot nito saka sila
iniwanan.
Muling bumangon ang pangamba sa puso
niya. Kung kanina pa ito dito ay baka may nakita nga ito. Siguro ay hindi nila
napansin ni Joen dahil sa abala sila sa kanilang ginagawa.
"Masyado kang tense Vin,"
sabi ni Mack.
Gulat siyang napatingin dito. Ganoon
ba siya kahalata?
"Ba-bakit naman ako ma-te-tense?"
Nagkibit ito ng balikat. "Ewan
ko sa `yo. Baka may nangyari sa `yo na hindi dapat." May kahulugan na sabi
nito.
"A-ano naman? Gutom lang siguro
ako kaya ganito." Pag-iwas niya. "Bakit ka pala nandito? Gabi na,
ah."
"Bawal ba? Si Joen nga nandito
pa. Masama bang dumalaw, Vin?"
"Hi-hindi naman pero para kang
manliligaw sa ginagawa mo." Pagpapatawa niya na hindi naman nito kinagat.
Sa halip ay malalim itong
napabuntung-hininga.
"Sorry me for being sardonic,
Vin. I just can't help it. May inaalala lang kasi ako," anito. "Before
I forgot, I'm here to say sorry on what happened at the mall. Pasensya ka na sa
inasal ko kanina. Masama lang ang pakiramdam ko at naiinis ako kay Joen."
"Okay lang `yon, wala ng kaso
sa `kin ang nangyari. Dapat nga ay humingi rin ako ng pasensya sa `yo. Dapat hindi
ako pumayag na sumama sa `kin si Joen dahil ako lang naman ang niyaya mo. Bakit
ka ba naiinis kay Joen?"
"For personal matter," sagot
nito. Hindi na nagbigay ng elaboration. "Para pala sa `yo `to," anito,
sabay abot sa kanya ng paper bag na may tatak ng isang fastfood chain. Inabot
niya iyon. "That's my peace offering.Salamat dahil wala na ang nangyari sa
`yo pero gusto ko pa rin bumawi sa `yo. Kung yayayain ba kita na muling
mamasyal sasama ka pa rin sa `kin pagkatapos ng nangyari kanina?"
"Oo naman. Katulad nga ng
sinabi ko sa `yo, wala na sa `kin `yon. Hindi mo na kailangan na gawin iyon."
Ngumiti si Mack. "I still
insist. Pwede ba kitang yayain na lumabas ulit, Vin?"
"Pwedeng-pwede," aniya.
"Pero gusto ko lang malaman kung bakit ganoon ka na lang ka-eager na gusto
akong makasama sa labas?"
"Didiretsuhin na kita, Vin.
Because I like you. Kaya ako nainis kay Joen dahil palagi mo siyang kasama.
Nagseselos ako kapag nakikita ko siyang nakadikit sa `yo."
Hindi siya nakapagsalita sa sinabi
nito. Gaya ng reaksyon niya sa confession ni Nick kani-kanina lang ay nagulat
rin siya. Tiningnan lang niya ito.
"Alam kong hindi mo inaasahan
ito pero kailangan ko ng gawin. I'm very jealous and I can't stand seeing you
with him. Kahit nga kay Nick ay ayaw kong dumikit ka. I know that I'm being
unreasonable but I can't help it. Kaya nga ako bahagyang nasaktan sa reaksyon
mo kaninang tawagan kita, nang yayain kitang lumabas. The truth was alibi ko
lang `yong bibili tayo ng mga gagamitin sa birthday party ni Danna. Gusto ko
lang talaga na makasama ka pero iyon nga ang nangyari. Umeksena si Joen."
Nakakagulat! Hindi niya
alam kung ano ang sasabihin sa mga sinabi nito. Kahit ang kanyang reaksyon ay
hindi niya lam kung ano ba dapat. Dapat ba siyang matuwa sa sinabi nito? Sa
isang araw ay dalawang lalaki ang nagsabi sa kanya na gusto siya at magpinsan
pa.
Narinig niya ang paghungot ng
malalim na buntunghininga ni Mack.
"I respect your silence, Vin.
Sa ngayon ay hindi muna ako magtatanong ng kung anu-ano sa `yo. Let's change
the topic. Nasaan na pala si Joen?" Pag-iiba nito ng topic. Iyon nga lang
ay out of the blue ang pagtatanong nito ng tungkol kay Joen. Malay ba niya kung
saan ito ngayon. Basta ang alam niya ay nasa sala ito. Doon niya iniwanan si
Joen.
"Nasa sala `ata," unsure
na sagot niya.
"Akala ko magkasama kayo? Bakit
unsure ka?"
Hindi pa siya nakakasagot ay
sumingit na si Joen. "I'm here," anito.
Pareho silang napatingin ni Mack
dito. Nnag magkasalubong ang tingin nila ay agad siyang nag-iwas ng tingin.
Hindi niya kayang tingnan muna ito sa mukha. Nahihiya siya. At bumabalik sa
alaala niya ang nangyari kanina lang.
"I'M
HERE," ang sabi ni Joen nang marinig niya ang tanong ni Mack kay Vin. Habang nag-uusap ang mga ito ay kanina pa
siya nakatago sa likuran ng pintuan. Narinig niyang lahat ang mga sinabi ni
Mack kay Vin. Nakadama siya ng selos at inggit sa mga sinabi nito. Mabuti pa
ito ay pwedeng sabihin ang totoong nararamdaman nito kay Vin. Samantalang siya
ay hindi pa niya kaya. Hindi naman siya takot pero tila may bumubulong sa kanya
na hindi pa iyon ang tamang panahon para sabihin kay Vin ang totoo niyang
nararamdaman. Sinusunod niya ang intuition na `yon. May tamang oras para sa
pag-amin niya.
Ngunit ang halik na nangyari sa
pagitan nila ay ang magsisilbing lamat sa samahan nila. Hindi pa nga siya
umaamin ay may nagawa na agad siyang bagay na posibleng sumira sa pagkakaibigan
na binuo niya, nila.
Hindi niya pinagsisisihan ang ginawa
dahil ginusto niya iyon. Mula nang mahalikan niya si Vin sa loob ng kwarto niya
ay laging sumasagi sa isipan niya na muling mahalikan ang mapupulang labi nito.
Masaya siya, oo, ngunit hindi niya maiwasan ang mangamba sa posibleng mangyari.
Base sa reaksyon na nakita niya kay Vin ay mukhang may magbabago talaga sa
pagitan nila. Mukhang magiging mitsa ang halik ng paglayo nito sa kanya.
Imbes na umupo siya sa upuan na nasa
tabi nito gaya ng una niyang naisip ay hindi niya ginawa. Pinili niyang umupo
sa upuan na may kalayuan dito. Hindi rin siya matingnan ni Vin. Ang sabi nito
ay walang kaso iyon dito, hindi big deal pero ang ipinapakita nito ay iba.
Kung ibang katulad siguro nito kapag
hinalikan niya ay magtititili. Iba talaga ito. Hindi katulad si Vin sa ka-uri
nito. Nirerespeto nito ang sarili.
"Kanina ka pa ba dito, Mack?"
pag-uusisa niya sa pinsan.
Sinalubong niya ang matalim nitong
titig. Nakikita rin niya doon ang selos. Pagseselos? Nakita ba nito ang
nangyari sa pagitan nila ni Vin? Kung nakita nito iyon ay tiyak niyang alam na
nito ang sikreto niya. Hindi bobo ang pinsan niya. He knew that his cousin
would easily figured things out.
"Yeah. Kanina pa ako dito.
Enough for me to see things." Makahulugang sabi nito.
Bumaling siya kay Vin. Nakita niya
ang pagkabahala sa mukha nito.
Pareho silang bumaling kay Mack nang
tumawa ito.
"Bakit ba ang seryoso niyong dalawa?
May nangyari ba sa pagitan niyo na hindi dapat may mangyari? May namagitan ba
na hindi dapat?" Sarkastikong sabi nito. Ang tonong ginamit nito kanina habang
kausap si Vin.
Kahit na sarkastiko iyon ay malinaw
na narinig niya ang pagseselos doon. Kumpirmado na niya. Nakita ni Mack ang nangyaring
halikan sa kanila ni Vin. Imbes na mabahala ay natuwa pa siya. Kahit hindi niya
punahin, nakikita niyang itinuturing siya ng pinsan na 'threat' at 'karibal'
kay Vin. Well, he ready to fight.
Tahimik. Walang nagsalita sa kanilang
tatlo. Natigil lamang ang katahimikan na iyon nang pumasok si Lola Fe.
"Bakit ang tahimik niyong
tatlo? Parang may dumaan na anghel dito. May problema ba kayo?" Tanong
nito. Wala sa kanilang nagsalita. "Mukhang wala kayong balak sabihin sa
`kin, kumain na nga lang tayo."
Habang kumakain ay nakikiramdam si
Joen. Dama niya ang animosidad sa kanya ni Mack samantalang pagkagiliw kay Vin
at Lola Fe. Nag-uusap si Vin at Mack na tila may sariling mundo. Kung wala si Lola
Fe ay baka napanis na ang laway niya doon. Tuwing sisingit siya sa usapan ng
dalawa ay walang tugon ang mga ito. Total out of place ang drama niya.
Sa isipan niya, naglalaro ang isang
bagay: mukhang ito ang dapat niyang bayaran sa ginawa niya. Ang paglayo ni Vin
sa kanya.
DAHIL SA
NANGYARI sa pagitan ni Vin at Joen ay nagdesisyon si Vin na pansamantalang
lumayo muna sa lalaki. Tuwing makikita kasi niya ito ay patuloy niyang maaalala
ang halik.
Ilang gabi na rin siyang hindi
pinapatulog ng halik. Dalawang gabi para eksakto. It taunted him. Ang masama pa
ay hinahanap-hanap niya ang halik. Gusto niyang mangyari ulit iyon sa kanila
kaya gusto niya talagang magkaroon ng distansya sa pagitan nila. Nag-aalala
kasi siya na baka kapag naulit ang nangyari ay humantong iyon at sumobra pa
kaysa sa inaasahan niya.
Napahikab siya. Dahil sa halik ay
hindi siya nakatulog ng maayos. Pagtingin niya sa salamin ay nakita niya ang
eyebags niya. Hindi niya alam kung mapapansin ba iyon ng lola niya pero bahala
na.
Lumabas siya ng kanyang kwarto. Imbes
na ang lola niya ang makita ay hindi. Si Joen agad ang napansin niya. Hindi
niya ito pinansin. Umupo siya sa upuan na nasa harap ng upuan nito. Hindi siya
nag-abala pang batiin ito gaya ng nakasanayan niya.
Kapag hindi ito nakatingin sa kanya
ay tinitingnan niya ito. Joen looked fresh. Kung titingnan ito ay tila hindi
iniinda ang halik na namagitan sa kanila. Wala man lang siyang nababakas na
pag-aalala sa mukha nito. Hindi katulad niya. Napadako ang kanyang paningin sa
labi nito. Napalunok siya nang maalala na naman ang halik. Talagang malala na
siya. Hulog na hulog na nga siya dito, ngayon ay namamanyak na siya sa labi
nito. Grabe talaga ang epekto ng lalaking ito sa kanya.
Nang tumingin ito sa kanya ay agad
siyang nag-iwas ng tingin. Nagkunwari siyang kinuha ang kutsara at naglagay ng
kanin sa plato niya.
"Vin, okay ka lang ba
talaga?" tanong ni Joen sa kanya.
Hindi siya umimik. Hindi niya ito
pinansin.
"Ang sabi mo hindi sa `yo big
deal ang mahalikan. Pero, bakit ganito ang pakikitungo mo sa `kin? Magkaibigan
tayo, `di ba? Matitiis mo ba na hindi ako kausapin."
"Nasaan si lola?" tanong
niya sa halip na sagutin ang tanong nito.
"May pinuntahan," tipid
nitong sagot. "Siyanga pala, ako ang nagluto ng mga `yan," anito na
ang tinutukoy ay ang pagkain nila. Sinangag at dried fish iyon. May sawsawan
din na suka na nilagyan ng bawang at sili.
"Talaga," aniya. Hindi rin
niya matiis na hindi ito kausapin. "May talent ka pala sa pagluluto."
Tumingin siya dito. Napangiti ito
nang maluwang.
Bumuntung-hininga naman siya.
"Nagsinungaling ako sa `yo
Joen. Big deal sa `kin ang mahalikan. Alam kong hindi naman dapat dahil hindi
naman ako babae pero hindi ko maiwasan, eh. Magkaibigan tayo pero naghalikan
tayo. Meron ba n'un?"
"Dapat sinabi mo sa `kin ang totoo.
Hindi naman ako nagsisisi sa ginawa ko. Sa katunayan, habang nakikita kita
ngayon, iniisip kong mahalikan ulit ang mga labi mo."
Nagulat siya sa sinabi nito. In any
chance, may gusto rin ba ito sa kanya? Pareho ba sila ng nararamdaman? Pero
kung ganoon nga ang mangyayari ay hindi naman pwede. Hindi siya nararapat dito.
Alanganin na nga siya ay hindi pa siya buo. Marami ang naglalarong katanungan
sa utak niya. Idagdag pa ang mga pangyayari sa buhay niya na hindi dapat
nangyari sa katulad niya.
"A-anong sabi mo?"
Sasagot na sana ito nang bigla
namang pumasok ang lola niya sa dining area. Pareho silang natahimik. Nagsimula
silang kumain. Wala sa kanilang nag-imikan. Kahit hindi siya sanay sa
katahimikan na iyon ay nagtiyaga siya. Naiilang pa rin siya kay Joen nang
kaunti at naglalaro sa loob isipan niya ang sinabi nito. Narinig niya iyon ng
mabuti pero gusto niyang ipaulit dito.
"Pumunta ka sa palengke
pagkatapos nating kumain, Nezzer," anang lola niya. Ito ang bumasag sa
katahimikan nila.
Tumingin siya dito. Hindi niya alam
kung napapansin ba nito ang pakikitungo nila ni Joen sa isa't-isa. Siguro, kung
napapansin man nito iyon ay sinarili na lamang nito iyon.
"Sige po, `la."
"Marami akong ipagbibili sa
`yo. Tutal nandito naman si Joen, magpasama ka na sa kanya. Magkaroon lamang ng
silbi ang kakisigan niya." Ang sabi ng lola niya.
Tipid siyang napangiti sa sinabi
nito. Lumawak naman ang pagkakangiti ni Joen. Kapag pinupuri talaga ito ay
lalong yumayabang.
"Hindi na kailangan, `la. Kaya
ko na pong mag-isa."
"Bakit?" Biglang tanong ng
lola niya.
Napansin niya ang pagkawala ng ngiti
sa labi ni Joen.
"Kahit na marami po ang
bibilhin kaya ko na mag-isa `yon. Marami po akong ka-vibes na tricycle driver
sa palengke."
"Ikaw ang bahala," ani
lola niya.
"Hindi rin naman po ako
makakasama kay Vin, Lola Fe. Pagkatapos po nating kumain ay aalis na rin ako.
May pupuntahan pa po pala ako." Ang sabi ni Joen.
"Ganoon ba. Ang sabi mo sa `kin
kanina ay dito ka sa bahay tatambay buong maghapon."
"Change of plan po," tipid
na sagot ni Joen saka tumingin sa kanya.
Nagtama ang paningin nila. Nakita
niya ang lungkot sa mata nito at pagtatanong. Hindi niya kayang makita ito ng ganoon.
Siya ang unang nag-iwas ng tingin.
"Ikaw ang bahala," anang
lola niya.
Natapos ang agahan. Imbes na manatili
sa kusina gaya ng nakasanayan niya para siya na ang maghugas ay hindi niya
ginawa. Si Joen na kasi ang nagprisinta na maghugas.
Ang ginawa niya ay dumiretso siya sa kanyang
kwarto para magpalit ng damit. Habang nasa loob ng kwarto niya ay iniisip niya
na tama ang gagawin niyang pag-iwas kay Joen. Kahit na sinasabi ng bahagi ng
utak niya na hindi iyon tama dahil dapat ay walang kaso ang halik na nangyari
sa kanila.
It's
just a kiss. A kiss will just a kiss without emotion. Ang nangyari sa pagitan
niyo ni Joen ay hindi mo dapat bigyan ng kahulugan. Sa gagawin mong pag-iwas sa
kanya ay ikaw din ang masasaktan. Dahil sa ginagawa mo ay may magbabago sa
pagitan ninyong dalawa. And I'm assuring that to you.
Kung
iyon ang magiging consequences ng action ko ay okay lang sa `kin. Kailangan
ko lang mag-isip. Kailangang magkaroon ng distansya sa pagitan namin hanggang
sa mawala ang 'awkwardness' ko sa kanya.
Kumuha siya ng damit sa drawer niya.
Hinubad niya ang suot na damit. Hindi pa niya naisusuot ang itim na t-shirt
niya nang makarinig siya ng sunod-sunod na katok.
"Sino `yan?" tanong niya.
Naninigurado siya na ang lola niya ang tao sa labas. Mahirap na kung si Joen
iyon.
"Ang lola mo `to, Nezzer,"
anang lola niya. Inilapag niya ang t-shirt sa kama niya.
Nagtungo siya sa pintuan at binuksan
iyon.
Sana may kasunod agad :) # teamjoen
ReplyDeleteMaiksi lang pala `to. Ngayon ko lang napansin. Pasensya na po. Mamaya ay may update ulit ako. Dapat pala sinunod o kaya ay inisa ko na lang. Tsk.tsk.
ReplyDeletePasensya na ulit. Ako na ang magsasabi. BITIN!!
:)
Kelan po update?
DeleteJoen please magtapat ka na. Please naman. Bago mahuli ang lahat. #TeamJoen
ReplyDeleteAt sino ung arkin na un? Ano plano nila? Exciting!
-hardname-
At malalaman natin kung sino si Arkin sa pagdating ng takdang panahon. :)
DeleteAt isa pa pala, akala mo lang walang nag-aabang. Pero palagay ko marami. Ang ganda kaya ng story mo.
ReplyDeleteSuggestion lang. Since madami kang characters at lahat cla ay may kanya kanyang POV, pwede palagay sa simula ung name ng character? Para alam lang kung kaninong pov un at alam na ibang pov na. Hehehehe. Thanks po.
-hardname-
Sige, lalagyan ko na ng ganoon. Hehehe.. nakakalito ba `yon?
DeleteSalamuch sa komento, hardname.
Hindi naman nakakalito. Hehehe. May palatandaan naman. Madalas pag puro capital ang simula ibang POV na. Siguro para madali lang malaman kung kaninong POV. Pero oks lang din naman kahit wala.
Delete-hardname-
Wag na nga lang.. hardname.
Delete:)
hahaha atleast alam ni author na bitin well we are expecting na may mangyayaring nakakasabik sa susunod na update (demanding, sorry po) :p
ReplyDeletemaganda pa rin ang flow ng story kahit medyo bitin, eneweys thanks po for the update ^_^
Hindi ko alam kung kasabik-sabik ba ang mga mangyayari, Ruthra.. hahaha.. kung meron man yata sa pagbabalik pa `yon ni Joen at sa moment nilang dalawa..
Deletecause it makes your lihhihipss so kissable
ReplyDelete-irresistable/1D hahahahaa
hayyyy..magkikiss jya cla ule.. ayy..hahaha
kuya hoping na marami pa tong chapters..mganda kc talga e
jihi ng pampanga
Siguro, jihi. Mag-ki-kiss sila pero sa takdang panahon ulit..
DeleteHahaah!
Dear Author maraming salamat sa napakagandang chapter. What a beautiful story to start my week!
ReplyDeleteBen
Thank you din po sa pag-comment, sir!
Delete