Followers

Saturday, May 17, 2014

The Tree The Leaf and The Wind 19: When The Wind Stopped Blowing



The Tree, The Leaf, and The Wind
Chapter 19
“When The Wind Stopped Blowing”
By: Jace Knight
https://www.facebook.com/jace.pajz






Yukito Ramirez Fujiwara


Author’s Note:

I’m not quite sure kung may magbabasa pa rin neto sa sobrang tagal ng update. Guys, am really sorry. Naging busy talaga ako sa Internship at enrollment namin eh. Sorry talaga. Alam kong may mga nayamot sa katagalan, sorry talaga. Gusto ko din pong magpasalamat sa mga taong hindi bumitaw at hindi ako sinukuan kahit na matagal bago ako nakapag-post ulit. Sorry talaga. At thank you pos a mga nakakaunawa sa akin. Mahal ko po kayo. :D

Salamat kina Red 08, Vienne Chase, Boholano Blogger, Alex Chua (I just read his novel, and grabe! Ang galing niya. Please support Start Over guys.), Tyler, Jihi from Pampangga, Rye Evangelista, Elleno Gultiano, Jed of Cavite, Dave, at syempre kay Jayver Flores at sa lahat-lahat na nagpapadala ng kani-kanilang mga reaksyon at komento. Kay Sir Exway po pala, if you are reading this, salamat po sa mga reaksyon niyo at nirerespeto ko kayo.

Guys, masyado pa kasing maaga para mahusgahan nyo agad tong ginagawa ko. Konting chill lang naman. Madami pa naman kasing mangyayari eh. Kaya wag agad magpadala sa mga nangyayari. Kasi I believe that bad things are meant to convey good things in the future. So chill lang ha?

Pinahaba ko talaga ang chapter na ito, para naman makabawi sa inyo. Sorry ulit sa delayed. Pero eto na ang 19th chapter ng TLW. Sana magustuhan nyo..


=======================================

== The TREE ==

Babe was and is still the best thing that happened in my life. Because of him, I was relieved of that heavy shackle that kept me at bay all this years, my Pride. Dahil kay Babe, nakayanan kong i-remodel ang aking sarili. From being the arrogant and selfish kid, I can say that somehow, I’m a different being now.

Sa dalawang buwan na pinagsaluhan namin ni Babe, masaya ako at naging masaya naman siya sa piling ko. I’ve tried my very best to make him smile all the time. Dinadalhan ko sya ng meryenda sa tambayan nya sa may malapit sa fountain, dinadala siya sa kung saan-saang magagandang lugar, sinasabayan siya tuwing meryenda at lunch breaks sa school, at lalong-lalo na ang pagiging mabait na estudyante sa kanyang tutor.

I still can’t believe that I did things at first I didn’t intend to do to anyone. Pero siguro nga ang salitang pag-ibig. Binabago nito ang katauhan ng isang tao sa isang kumpas at tibok lang ng puso. Babe? Well, his name is always tattoed in my heart.

Hindi ko pa sinasabi kela Mom at Dad yung tungkol sa amin ni Babe. Hahanap pa kami ng tamang tyempo. Pero from the looks of it, mukhang wala naman kaming magiging problema sa parents ko. They seem to like Jayden that much. Despite the fact that Babe is my parent’s bestfriend’s son, Jayden has this really special talent to make people easy with him. Lalo na si Dad. Napapansin ko siyang tuwang-tuwa kay Babe.

And oh, speaking of Dad, well isang araw he just approached me and asked to play basketball together.

“Son, you busy?” Sabi ni Dad ng mapagbuksan ko ito ng pinto one Saturday morning. May hawak siya nung basketball at naka jersey shorts at putting tshirt.

Napangiti naman ako. Maybe this is the right time to fix our relationship. Me and Dad. “N-nope. Bakit po?” Kinakabahang tanong ko.

“Wanna play hoops with me?” Nakangiti na ring tanong ni Dad. Then I nodded.

That fateful Saturday morning was the start of mending the gaps between me and Dad. Simula noon, nagging close na ulit kami ni Dad. Just like before.

 Namiss ko si Dad. Siguro, he just lost sight of his goal before, kaya medyo lumayo ang loob nya sa amin. O baka, nagging masyadong matigas lang ako kaya di ko siya napapansin.  But I’m glad na okay na kami. Better days are coming. Hopefully.


..


December 17. Second Monthsary namin ni Babe. Wala ng klase kasi Christmas Break narin. I was about to prepare and reserve a Special Dinner sa isang kilalang hotel for our special night ni Babe. Kaso he called me up bago ko pa macontact ang hotel.

“Babe?” Sabi niya pagkasagot ko ng telepono.

“Yes Babe?”

“Uhhm, Babe. Pwede bang dito nalang tayo sa bahay mamayang gabi? Let’s celebrate together with them.” Malambing na pakiusap ni Babe. Sus, kung ganito ba naman ka-sweet ang pakiusap ng mahal mo, tatanggi ka pa?

“Sige babe. Sure. Masaya nga yun eh. Atleast, they were there when our love story began.” At napangiti naman ako. Na-iimagin ko rin si Jayden na napapangiti rin sa kabilang linya. “Anyways, sige. Pupunta na ako jan Babe para matulungan ka sa mga preparations.”

“Di na kelangan Babe. Tumawag na ako kay Kira. Sa kanya nalang ako magpapatulong. See you later Babe. I miss you.”

“Sige Babe. I miss and love you even more. See you.” Sabay putol ng linya.

Si Babe. Ang swerte ko talaga sa kanya. Napaka selfless niya. Napapangiti ako na ma realize na he just don’t want us to celebrate our Monthsary alone, but he wanted to celebrate with the people that first accepted us for who we are.

Alam kong hindi madali tong tinatahak naming daan ngayon ni Babe pero Masaya ako’t anjan ang barkada para sa aming dalawa na handing sumuporta. After what we’ve been through, masaya ako na naging kaibigan ko sila.

Si Paul na matakaw at palaging nanghahalungkat ng mga bagay na di pinapakialaman ng mga normal na tao. Si Karin na naging first love ng Babe ko. Kahit nararamdaman ko pa rin ang awkwardness nila sa isa’t isa pero alam kong baling araw, magiging okay din sila ng Babe ko. Si Kira na ipinahiya ko sa buong campus masunod lamang ang aking gusto, pero sa kabila ng nangyari, eto pa rin sya at napaka-supportive sa kapatid niya.

At si Yui. Si Yui na anging best friend ni Babe na lihim na umiibig kay Babe noon. Sa ngayon, ewan ko kung ano na ang lagay ng puso niya ngayon, pero sa nakikita ko, mukhang masaya naman sila ni Karin. Pero teka lang, sila na nga ba? Sana naman, tumupad ito sa naging usapan namin noon sa resthouse namin na hindi siya makikigulo sa amin ni Babe.

It’s not like I’m being greedy, in fact I even encouraged him to try and fight for Jayden if he really is serious with him. Pero siya na mismo ang tumanggi. I just hope wala ng maging gulo sa pagitan naming tatlo, But if worse comes to worst, I’ll definitely fight for Babe.

“Dude, ano na balita?” Tanong ni Paul ng dinaanan ko ito sa kanila para sabay kaming pumunta sa bahay nila Babe. “Ui, may pa-flowers flowers at chocolates ka pang nalalaman ah? Di naman babae pagbibigyan mo eh.”

Tiningnan ko lang ito ng masama at tinuon ulit ang pansin sa pagmamaneho.

“Pero seryoso dude. Kumusta kayo ni Jayden? Naka-score na ba?” Ayan na naman yang pagka-pakialamero ni Paul. “Ui, ano na?”

Napangiti lang ako at tiningnan siya at ngumisi ng nakakaloko. Balik ulit sa pagmamaneho.

“Pano nyo ginawa?” Kamuntikan ko ng maapakan ng todo ang break ng sasakyan dahil sa pabigla-biglang tanong nito na napaka kontrobersyal naman. Natawa ako. “So sino nga ang inano?” At natawa na rin si Paul.

“Dude, bago pa lang kami ni Jayden. Alam ko naman na pareho pa kaming nangangapa sa ganitong klaseng relasyon. Ayoko naming ipressure at pilitin sya na gawin naming agad yun.” Paliwanag ko dito.

“Ang kupad mo dude. Kelan ka pa bumagal ng ganyan?” Kantsaw pa ni Paul.

“Ewan ko sayo.” At nag-drive na nga lang ako. Mahirap na. Kung san-san na napupunta usapan namin nitong si Paul eh.

Pagkarating naming kela Babe, inabot ko agad ang dala-dala kong Flowers at Chocolates sa kanya. Namula naman ito sa binigay ko. Alam kong di siya naging komportable sa mga ito, kaya laking pasalamat ko at to-the-rescue itong si Kira at inagaw kay Jayden ang mga bulaklak at tsokolate.

Sinenyasan ko lang si Babe na “sorry” at nginitian nya lang ako ng matamis. Ewan ko ba kung bakit naisip ko tong ideyang ito. Siguro nasanay lang ako dati na babae ang mga nagiging karelasyon ko.

“Pero this time, iba na Alfer. So be sensitive naman sa partner mo.” Sermon ng aking utak.

Nagkatuwaan kaming tumagay pagkatapos pagsaluhan ang prinepare na dinner ni Babe, Kira at Nanay Nimfa. Nandudun kami sa may benches nina Babe sa may garden, at pinagsasaluhan ang beer at mga tsitsirya. Kwentuhan at kulitan, syempre.

“Ring! Ring!” Tumunog ang phone ni Yui. Lahat kami natahimik at napatingin sa seryosong mukha ni Yui na binabasa sa screen ng phone kung sino ang tumatawag.

“Yes hello?” Pagsagot niya sa tawag habang sinenyasan kaming lima na tumahimik muna. “Yes, this is Yukito Fujiwara speaking.”

Mukhang may seryosong pakay ang taong kausap ni Yui sa kabilang linya. Halata sa mukha nito ang pagkabalisa at ang mga tinging hindi sigurado. Kapagkuwan ay bumuntong-hininga ito.

“Hai. Wakarimashita.” Then he ended the call. Wait. That was Japanese ah? Ano kayang meron?

“Ui, sino yun dude? Mukhang taga Japan ah?” Ang usiserong si Paul.

I just saw how Yui answered Paul with an unsure smile. There’s something na bumabagabag sa kanya. And that was because of that call.

“Tara! Tagay pa.” Pilit na pag-iiba ng usapan ni Yui. “Cheers!”

“Cheers!” Sigaw na rin ni Karin at Kira. Sumabay nalang din kami ni Babe sa alon ng usapan.

This is our special night, so kung anuman ang bumabagabag sa Yoh ni Babe, am pretty sure mapag-uusapan yan bukas o sa mga susunod na araw. Knowing Yui, he’s good in handling pressure.

“So, bro.” Umakbay si Kira kay Jayden. “Kumusta na kayo ni Babe? Are we expecting any pamangkins anytime soon?” Nakita ko naman na namula si Jayden sa tanong na iyon ni Kira, so syempre, to the rescue na ako.

“Sis, nagmamadali ka naman ata eh. Wala namang taxi na nag-aantay sa labas diba?” Biro ko pa sa kanila. Hinawakan naman ni Jayden ang kamay ko, at nakita ko itong ngumiti lang sa akin. Siguro nagpasalamat for speaking up for the two of us.

“Kow! Sa dalawang buwan wala?! Wag nyo nga kaming pinagloloko. Curious lang naman kami eh.” At napahagikgik pa ng tawa itong sina Kira at Paul, habang nakikinig lang sa usapan sina Yui at Karin. “Ang bagal nyo naman. Anong petsa na?” At mas lalong umugong ang tawanan,

“Di ko naman minamadali si Babe eh. I know he’s still not ready. Kasi nga bago pa lang sa amin itong ganitong klase na pakikipagrelasyon. Bear with us, dear friends.” Paliwanag ko.

“W-wait! Ano ba tong pinag-uusapan natin? Are we talking about this now?” Tumatawa na rin sa Jayden pero halatang namumula pa rin ito dahil sa beer at sa awkwardness. “W-wait, kukuha muna ako ng pulutan.”

“Ako na Yoh. Iihi na din ako.” Pigil ni Yui kay Jayden nang tatayo na sana ito. Si Yui na nga ang pumasok sa kusina at kumuha ng pulutan.

Na-bothered naman ako sa pagkabalisa at pananahimik ni Yui pagkatapos matanggap ang tawag na iyon so naisipan ko itong sundan at kausapin ng mag-isa. “Babe, iihi muna ako. Kanina pa gustong pumutok ng pantog ko.”

“Sige Babe. I love you.” At ginawaran pa ako ng halik nito sa labi. Awwwh, ang sweet ng Babe ko.

“I love you more babe.” At tinungo ko na nga ang kusina.

Nakita ko lang si Yui na nakatayo sa harap ng breakfast table at nakatungkod ang dalawang kamay sa lamesa habang nakayuko at mukhang malalim ang iniisip.

“You okay dude?” Tanong ko sa kanya at kunwari ay pumunta sa ref at kumuha ng tubig. “You seem bothered. What happened?”

Oo. Alam kong dapat akong ma-threaten sa best friend ng Babe ko kasi alam ko we are loving the same person. For the nth time. But nevertheless, kaibigan ko parin at ni Babe si Yui. Atleast man lang maramdaman nitong kahit ganito ang sitwasyon naming tatlo, at kahit na awkward kung minsan, andito pa rin kami bilang mga kaibigan niya.

“Dude?” Tapik ko pa sa balikat niya. Nag-angat lang ito ng mukha at tumingin sa akin ng direcho. Mata sa mata. Napakaseryoso ng mga tingin nito. “May problema ba?”

“A-alfer.” Bumuntong-hininga ito. “I need a favor from you.”



=================================================

== The LEAF ==

Tengene! Andaldal kasi nitong si Kira. Nagmukha tuloy akong aong-kamatis sa pamumula dahil sa tanong nito. Shite!

Sa dalawang buwan na pagiging magkarelasyon namin ni Babe, di pa talaga nangyayari ang bagay na “iyon”. Call me a hypocrite, but di pa naman namin yan iniisip sa ngayon. Pareho pa talaga kaming baguhan sa ganitong klase ng pakikipagrelasyon, and we are still clueless kung sino ang ano. Basta alam nyo na yun.

Alam kong awkward pa din ang ganong topic sa aming dalawa at kapag may nagbukas ng topic tungkol jan, especially si Alfer, iniiba nalang ng isa ang usapan para di na lumalim pa.

Nagpapasalamat naman ako at napaka considerate at sensitive ni Alfer para respetuhin ako sa mga bagay na ayaw ko munang pag-isipan, pag-usapan at gawin.

Siguro sa ngayon, i-enjoy muna namin ang bagong environment na ginagalawan namin, bago namin i-explore ang mas malalim na aspeto ng pakikipagrelasyon sa kapwa mo lalaki.

“So kapatid? Kumusta kayo ni Alfer?” Tanong ni Kira. Kami lang apat nina Kira, Karin at Paul ang naiwan sa may garden kasi umihi si Babe, tas si Yui ay kumukuha ng pulutan.

“Ayos lang naman.” Ngiti ko kay Kira.

“Ayos, meaning? Ayos na okay lang, or ayos na da best?” Dagdag na tanong ni Kira.

“Ano?” Naguguluhan ako sa tanong nito.

“What Kira is pointing out is be specific Dude.Mga kaibigan nyo naman kami eh. So you need to tell us everything that is going on between you two.” Nakangisi si Paul. Weird. Hahahaha!

“Grabe anything talaga?” Napatawa ako at si Kira. “Invasion of privacy naman yan.” At nakitawa na rin si Karin.

“Pero seryoso kapatid, ano at nasan na ba kayo ni Alfer, ha?” Sumeryoso naman ang tingin ni Kira.

“Well.” Bumuntong-hininga naman ako. “I like the feeling of being with Alfer. Though we are still trying to get to know each other better, nandudun pa rin yung takot na baka isang araw, magkasawaan kami.”

“That’s natural kapatid.” Si Kira.

“I agree with Kira. Working out a relationship is a choice dude. Kung mahal nyo talaga ang isa’t isa, dapat handa kayong mag-adjust para maging at one kayo ng partner nyo.” Teka. Did it just come out of Paul’s mouth?

“Naka naman o!” at ginulo ni Kira ang buhok ni Paul. “Tingnan mo’t may alam ka palang ganyan lalaki ka!” At natawa na kaming tatlo ni Kira at Karin.

“Totoo naman diba?” Napapangiti naman si Paul. I never knew na may soft side din pala tong taong to.

“O sya. Totoo na kung totoo. Hahahaha. O ikaw Sis, walang chika ah? Ano to? Pang audience impact ka lang?” Biro ni Kira kay Karin. Alam kong awkward pa rin kami ni Karin sa isa’t isa dahil sa mga nangyari, pero para sa akin, matagal na yun. At handa naman akong kalimutan yun eh. Hinihintay ko lang na sya mag-approach sa akin.

“K-kung mahal mo ang isang tao, handa kang masaktan para maging maligaya ang taong mahal mo.” Si Karin habang nag-iiwas ng tingin.

“Ha? Ano daw? Far-out naman ang sagot nito.” Reklamo ng utak ko.

“Not related to the topic presented on the table Sis. Okay ka lang ba? Baka lasing ka na ah?” Tanong dito ni Kira. Nakita ko lang itong nakatanaw sa malayo at umiiling-iling.

“Well anyways, cheers tayo guys!” Sigaw ni Paul at sabay-sabay naming tinungga ang beer na nasa mga baso namin. “Asan na ba yung dalawang yun?”

“Hala bro, baka na-Monica ka ng The Legal Wife! Boompanes!” Tili ni Kira at humalakhak ng malakas.

“Ewan ko sayo. Puro ka kalokohan. Teka, pupuntahan ko nalang sila.” At tumayo na rin ako. Medyo tipsy na ako, kasi ramdam ko ng umiikot ang paligid ko. Haaay. Ayos lang, minsan lang naman.

Papasok na ako ng kusina ng marinig ko ang usapan nina Babe at Yoh. Kaya umatras muna ako at nagtago sa pader upang mag-eavesdrop muna. Di ko gawain to talaga, pero dala ng ispirito ng alak, nagkakasala ako.

“Just for a couple of days Dude. 2 weeks siguro.” Narinig ko si Yui na nagsasalita.

“Dude, is it that necessary? Nag-usap na tayo tungkol dito diba?” Si Babe.

“I know dude, and I won’t break that promise. I just have to do something first. It was my conviction na dapat magawa ko yun sooner or later. Pero the circumstances are already presenting themselves, so dapat gagawin ko na yun ng mas maaga.”

“Dude. Kasi..”

“Dude alam kong natatakot ka. Pero please, trust me. Kahit ngayon lang. For the last time bro. I’m begging you.” Did I just heard it right? Ano ba kasi pinag-uusapan nila?

“Siguro naman bro kung ikaw nasa kalagayan ko, di ka rin makakapagdesisyon agad diba? Nag-usap na tayo eh.” Si Babe ulit.

“Alam ko dude. At naiintindihan kita. Pero huli na talaga to. Alam mo na naman ang kwento diba? Just let me do it for the last time.”

Yui’s voice was so sincere na mas pinagtuunan ko ng pansin ang salitang “last time”. Ano ba kasi ang nangyayari?

Naririnig ko ba ang lahat ng ito? Or baka naman lasing lang talaga ako?

“Achooo!” Shit. Nabahing pa ako. Nakita naman ako ng dalawa na halatang nagulat. Si Babe, lumapit agad sa akin at nag-abot ng panyo, habang si Yui nama’y di makatingin sa akin ng direcho.

“B-babe k-kanina k-ka pa ba jan?” Bakit mukhang tensyonado ang tono ni Babe.

“Di naman babe. Ngayon lang. Hinahanap na kasi kayo nina Paul sa labas. Antagal nyo kasi.” Inakbayanan naman ako ni Babe at igigiya na palabas ng kusina para bumalik sa labas, nang lingunin ko si Yui at nakita ko lang itong nagpupunas ng mata.

“Wait. Was he crying? Or baka lasing na talaga ako at kung anu-ano na ang nakikita ko?” Tanong ko sa sarili ko. Sumunod naman ako kay Babe na lumabas na. Pero ewan. Nababalisa ako sa mga inaasta ni Yui sa mga nakalipas na araw, lalo na kanina pagkatapos niyang matanggap ang tawag na iyon.

Pero di ko muna yun iisipin. Bukas ko nalang sya kakausapin. Bahala na si Batman.

Umaga na ng matapos namin ang kasiyahang iyon. Mga alas dos na ng umaga ng ihatid na ni Babe sina Karin, Kira at Paul sa mga bahay nila. Si Yui naman, dala niya ang motor niya kaya nagpa-iwan muna ito para tulungan ako sa pagliligpit ng mga naging kalat namin.

Nilalagay na namin sa lababo ang mga baso at mga lalagyan ng pulutan na ginamit namin kanina nang makaramdam ako ng matinding pagkahilo. Kaya sinabihan ako ni Yui na umakyat na sa kwarto ko at magpahinga na.

Sumunod naman ako sa utos ni Yoh at umakyat na nga sa kwarto ko. Pagkasalampak ko sa kama, sinalakay agad ako ng matinding antok dala ng kalasingan.



====================================


== The WIND ==

Tapos ko na iligpit ang mga kalat namin. Si Yoh, pinauna ko na sa itaas para makapagpahinga na. Alam kong napagod ito sa kaka-prepare ng isang espesyal na gabi, hindi lang para sa kanilang dalawa ni Alfer, kundi pati na rin sa buong barkada.

For the past two months? Mejo drastic na mga pagbabago din ang pinagdaanan at pinagdadaanan ko hanggang ngayon.  Syempre, may boyfriend na si Jayden. Alangan namang maging pareho pa rin kami nung dati diba? Tama si Taylor Swift eh. Everything has changed.

Di ko na masyadong inilalapit ang sarili ko kay Jayden kasi nga tanga ako. Tanga ako na aminin sa kanya na minamahal ko na sya. At ngayong may Alfer na sya, di na ako dapat umeextra-extra sa pelikula kung saan sila ang bida. Haaay.

I’ve tried to forget the feeling I have for Yoh. Pero ang hirap pala once na marealize mo na mahal mo talaga siya. Kahit anong pilit mong lagyan ng distansya sa pagitan nyo, mas lalo mo lang siyang mamimiss.

Oo. Inaamin ko. Tanga ako. Stupid. Pathetic. At kung anu-ano pang negatibong salita na pwede mong i-desribe sa akin. Tanga na kung tanga. Ako naman ang masasaktan eh. I’ve chose to be like this because andaming complications ang maaaring umusbong once I decided to do something about this shitty feeling.

Kasalanan ko naman to eh, alam ko naman. Kaya nga ako na ang gumawa, gumagawa, at gagawa pa ng paraan para di na makagulo sa kanila eh. Kasalanan ko kung bakit nawala sa akin ang tsansang maging masaya sa piling ng mahal ko.

“And this is why I’m doing this.” Desididong pahayag ng utak ko. “I don’t need to do this, but I want to. Para na rin kina Jayden at Alfer. At lalong-lalo na, para sa sarili ko.

Umakyat na ako sa kwarto ni Yoh para sana magpaalam na uuwi na ako. Pagkapasok ko ng kwarto, nakita ko lang ito na nakahiga at tulog na sa ibabaw ng kama nito. Lumapit ako dito at umupo sa tabi nya.

Hinawi ko ang buhok na tumatakip sa mukha ni Jayden. Haaay. Si Yoh ko. Ang mahal kong Yoh na may mahal ng iba. “If only..” Ang mga katagang namutawi sa labi ko. Haaay. Puro nalang ako “what if’s” and “if only” nito for the past couple of weeks. Namiss ko talaga ang best friend ko. Pero sad to say, kelangan na naming tanggapin ang pagbabagong dala ng panahon.

“Uhmmm.” Ungol ni Jayden. Hindi ko namamalayang hinahaplos ko na pala ang pisngi nito habang nakatitig lang sa maamong mukha nito. Lasing talaga ito.

“Y-yoh, uuwi na ako. Goodnight.” Babawiin ko na sana ang mga kamay ko ng bigla niyang hinila pabalik at hinawakan ng mahigpit ang mga kamay ko. “Yoh. I have to go.”

“Uhmm. Dito ka na matulog Yoh.” Nakapikit pa rin ito habang nagsasalita. Ewan ko lang kung alam nya ang ginagawa niya ngayon.

“Yoh, alam mo namang di na pwede diba? Marami nang nagbago Yoh. Ayoko sa mga pagbabagong yun, pero siguro, kasalanan ko naman eh.” Nasabi ko sa sarili ko. Di ko nalang sinabi verbally. Mahirap na. “Yoh, umaga na. Hahanapin na ako ni Mama neto. Tas baka magalit babe mo. Uuwi na ako.”

Nagmulat sya ng mata, pero halata pa rin na inaantok na talaga siya. “Yoh, kakatampo ka naman eh. Di ka na nga nagpapakita sa akin nitong mga nakaraang araw, tas ngayong nakasama kita, ganyan ka pa din? Di mo ba ako namimiss?” Nakasimangot lang ito na parang bata sa harapan ko. “Nagpaalam ako kay Alfer, sabi niya okay lang daw. Mag best friend naman daw tayo.”

“Yoh, I really have to go.”

“Dito ka matutulog. Hindi kita binigyan ng option na tumanggi Yukito, so suck it up. Dito ka matutulog.” Napangiti ako sa tinuran ni Jayden. I love it when he gets so bossy like this.

“Kasi Yoh, h-hindi talaga pwede eh. M-maaga kami nina Ate Reema na aalis mamaya.” Pagpapalusot ko pa. Siguro pa hard-to-get ako, pero, ayokong magmukhang sabik na aso na nakawala sa kadena nito. Baka hindi ako makapagtimpi kay Jayden. Mahirap na talaga.

“Oh sige! Dun ka nalang sa girlfriend mo! Alis na!” Simangot nito. Binitiwan ni Jayden ang mga kamay kong kanina nya pa hinahawak-hawakan.

“Girlfriend?”

“Si Karin! Sino pa nga ba? Kaya ka pala umiiwas ah? Now I get it. Sige na. Dun ka nalang sa kanya.” At padabog pa itong tumalikod sa akin ng higa. “Ganyan naman kayo eh.”

Napangiti na naman ako sa inaakto nito. Para itong bata kung magselos eh. Hahaha. Ang cute.

“Oh, ano pa hinihintay mo? Lakad na! Hinahanap ka na ng babae mo. Tss.” Pagmamaktol nya pa.

“Haay Yoh, kung alam mo lang.” Sabi ko sa sarili ko.

Tinanggal ko nalang sapatos ko at humiga na sa tabi ni Jayden.Tumagilid ako paharap sa kanya na nakatalikod pa rin.

“Pasalamat kang lalaki ka, mahal kita. Haaay.” Sabi na naman ng puso ko. “Yoh, wag ka na kasing magalit. Ito na po o. Dito na ako matutulog.”

“Ewan ko sayo! Umuwi ka nalang.” Pagdadabog niya pa.

Hinawakan ko sya sa tagiliran nya at pinipilit na humarap sa akin. “Yoh. Wag ka na kasing magalit. Naging busy lang ako this past few days. Sorry na Yoh.”

Wala lang itong imik. At hindi pa rin siya humaharap sa akin. Haaay. Ang hirap talaga amuhin nitong mahal ko. Sana. Sana. Haaay. Hanggang sana nalang ako neto.

“I’ll make it up to you Yoh. Promise. Good night. Sana wala na yang tampororot mo bukas. Sweet dreams Yoh.” Napangiti lang ako at hinayaan na nga syang matulog.

Nawala naman ang antok ko sa dami ng mga bagay na bumabagabag at tumatakbo sa aking isipan sa ngayon. Kung ano at papaano gagawin ang mga susunod kong hakbang. Kung pano ko sasabihin kela Mama yung naging desisyon ko. At kung ano ang magiging resulta ng magiging desisyon ko.

Yung tawag kanina? Siguro yun na nga yung sign na hiningi ko sa langit para malaman ko ang dapat kong gawin sa sitwasyong kinalulugmukan ko.

Pero ang tanong, kakayanin ko ba? Kakayanin ko ba ang mga binabalak kong gawin sa buhay? Ewan. Pero kung papalagpasin ko pa ang pagkakataong ito, baka tuluyan na akong malunod at maipit sa mga nangyayari. Siguro this is what I really need.

And then it hit me. Pano ko ba sasabihin kay Jayden ang tungkol sa desisyon ko? Haaay. Sige na nga. Bahala na si Batman neto. Basta. I’ve already decided. And it’s irrevocable. But first, I wanna fulfill the promises I gave to myself. For Jayden. For the only person na nagpatibok sa puso ko ng ganito ka grabe. Haaay.

Kanina, yung eksena namin sa kusina ni Alfer. Desperado na ako eh. I don’t have a choice but to ask for his approval, bago ko pa man maisagawa ang mga plano ko. Fortunately, pumayag naman si Alfer na makipagtulungan sa akin. Anyways, this is a selfless sacrifice naman eh. Jayden will be happy kung magagawa namin ito ng tama ni Alfer.

This plan, well, it doesn’t concern about me and Jayden, nor Alfer and Jayden. Pero ang lahat ng magiging hakbang ko ay para sa kabutihan ni Jayden. This is the least I can do before…

“Haaay. Matulog ka na nga lang Yukito. You need all the guts to tell your Mama kung ano ang naging response mo sa tawag na iyon.” Pangaral ng utak ko. Tama naman. So ayun, natulog na nga ako sa tabi ni Yoh. Sa tabi ng taong mahal ko.

Pero bago pa man ako makatulog, naramdaman kong unti-unti nang humaharap sa akin si Jayden. Maya-maya pa’y nakapulupot na ang kamay nito sa bewang ko, at nakadantay na ang mga paa nito sa akin.

Pero mas nagulat ako ng unti-unti nang lumalapit ang mukha ni Jayden sa mukha ko. The next thing I know was that his lips met mine. And we shared a passionate kiss. Tila nakuryente na naman ang buo kong pagkatao. Huminto ang paligid, at nangangamoy rosas ang buong kwarto ni Jayden.

His kiss was so sweet. Unti-unti kong nakakalimutan ang lahat ng takot at pangamba dito sa aking puso, at tuluyan ng nagpaanod sa mala roller coaster na emosyong nararamdaman para sa best friend ko. Unti-unti ko ng tinutugon ang mga halik niya. Oo, alam kong lasing lang siya, pero, ewan ko ba sa mga labi ko’t may sariling mga utak ata na ayaw makinig sa akin. Kusa lang itong gumagalaw at sinasalubong ang bawat pag-indayog ng mga labi ni Jayden.

Hindi ko na namalayan ang mga sumunod na nangyari. When I came to, I found myself on top of him. Jayden was locking his arms around my neck. At ang mga kamay ko nama’y nagsisimula nang maglakbay sa buo niyang katawan.

And then, pak! “Shit! What was I doing?!” Unti-unti akong bumitaw sa mga sandaling iyon. Humiga ulit ako sa tabi ni Jayden at tumalikod sa kanya. I felt bad about myself. Hindi dapat nangyari to. May Alfer na siya, at ako naman ay tinake advantage agad ang pagiging lasing niya. “Jayden. I’m sorry.” Nasabi ko nalang.

Pero nung humarap ako muli sa kanya, nakita ko lang itong tulog na pala at humihilik pa. Haaay. Buti nalang. Sa pangatlong pagkakataon, hindi na naman ako nakapagtimpi sa sarili ko. Patawad Yoh. Sorry.

“Sorry Yoh, but I really have to go.” Mahina kong nausal. Tumayo ako at isinuot ang sapatos ko at muling tumitig sa mahimbing na pagkakatulog ni Jayden, sa huling beses. “Good night Yoh.”

..

Nagising ako ng mga bandang 9am. Sa lakas ba naman ng katok sa may pintuan, sino ba naman ang di magigising? Kahit 5am na ako nakatulog kanina, nayayamot pa rin akong pagbuksan ang pinto. Pero no choice eh. Alam ko si Mama na naman to.

“Ma? Ang aga pa eh. Patulugin nyo muna ako ulit.” Sabi ko nang pagbuksan ko ito ng pinto. Tss. Badtrip eh.

“May hindi ka sinasabi sa akin?” Malungkot ang tono ni Mama.

Ha? Bakit alam niya? “Ma?”

“So desidido ka na ba talaga?” At pumasok na sa kwarto ko si Mama. Naupo lang ito sa kama ko at ako naman ay nakatayo lang sa harap niya. “Anak?”

Alam na nga niya siguro. “Yes Ma. Sigurado na po ako. Eto lang po siguro ang makakabuti sa amin ngayon. Ewan po. Bahala na.” Unti-unti nang nagbabagsakan ang mga luha mula sa aking mga mata. “Ma, alam mo naman ang totoong kwento diba? Maiintindihan mo naman ako diba?”

Napaluhod lang ako sa harap ni Mama at binitiwan na ang lahat ng sakit at pagdurusang nararamdaman ko. Kay Mama ko lang ipinapakita ang ganitong side ng pagkatao ko. Niyakap ako ni Mama at hinaplos-haplos ang likod ko. “Oo Anak. Naiintindihan kita. Gawin mo ang sa tingin mo’y makakabuti sa iyo. Masakit mang tanggapin ang naging desisyon mo, pero sige. I just want you to be happy anak.”

“Salamat Ma. Sana nga po. Sana po.”

Kinahapunan, nag brainstorm na ako sa planong gagawin namin ni Alfer. Pagkatapos naming pag-usapan sa telepono ang naisip ko, nag-dial ako ng number at isinagawa ko na nga ang parte ko sa plano.

“Hello Tito. Good afternoon po. This is Yui, yung kaibigan nina Kira at Jayden. Can I have some of your time po?” Confident na tanong ko dito nung sinagot na nito ang telepono. Alam ko namang matagal na ring gusto ito ni Tito Miguel eh. At alam kong magagalit si Jayden sa gagawin naming ito, pero bahala na.

======================================


== The LEAF ==

11am na ako nagising kinaumagahan. Ang sakit ng ulo ko dahil sa kasiyahan naming magbabarkada kagabi. The last thing I remember was that nagtampo ako kay Yui for not spending the night with me. Namiss ko pa naman siya. Haaay.

Alam ko namang may Alfer na ako eh, pero wala naman sigurong malisya kung magtatabi kami ng tulog ni Yui diba? I mean, mag best friend naman kasi kami. Oo, may naramdaman ako sa kanya dati, pero hanggang kaibigan at kapatid lang naman ang turing niya sa akin eh.

Sa ngayon, wala naman talagang malisya. At alam kong alam iyon ni Babe ko, kaya siya pumayag kagabi na magpasama ako kay Yui.

Hapon noon. Kasalukuyan akong nagbabasa ng libro ng marinig ko ang pag ring ng phone ko. Si Alfer tumatawag.

“Hi Babe. What’s up?” Tanong ko dito.

“Hey babe. Busy ka ba ngayon?”

“Hindi naman. Wala nga akong magawa dito sa bahay eh. Bakit? Ikaw ba?”

“Ahhh, wala din. Gusto mo dinner tayo sa labas? Di pa kita nadadala dun sa paboritong restaurant nina Mom at Dad. Maganda dun. Treat ko.” Paanyaya niya.

“Sige babe. Maliligo na ako.”

“Ahh babe, pwede bang mag commute ka na muna? Di kasi kita masusundo ngayon eh. May nakalimutan pala akong gawin. May pinapagawa kasi si Mom, pero promise, hahabol ako. Just please go out with me tonight? Please?”

Ay! Ano ba yan? Nag-aaya pero di man lang ako masundo dito sa bahay. Pero sige na nga. Mahal ko naman eh. “Sige Babe. Ayos lang. Wala din naman akong magawa dito eh. Sige, see you later babe.”

“Yes!” Napasigaw si babe. Ano bang meron at mukhang may naaamoy akong di ordinaryo sa kanya. “I love you babe. Ingat ka ah? 7pm tayo magkita doon.”

“Okay po. Bye babe.”

“Bye. Later.” At naputol na nga ang tawag.

6:50PM palang nandudun na ako sa Restaurant na sinasabi ni Babe. Tinawagan ko naman siya ng nakaupo na ako sa isang pandalawahang mesa.

“Babe, teka lang. Parating na ako.”

“Okay lang babe. Take your time. Ingat sa pagda-drive.” Sabi ko dito.

Palinga-linga ako sa paligid nang mamataan ng mga mata ko ang isang lalaki na papalapit sa akin. Medyo nag-init lang ang ulo ko ng ma realize ko kung sino yung taong papalapit na sa akin. Tatayo na sana ako para umalis na nang hawakan nito ang aking mga kamay.

“Anak. Please. Mag-usap naman tayo.” Sabi nito sa akin.

Bumuntong-hininga lang ako at umupo ulit. Wala lang kaming imikan. Napaka-awkward ng agpong iyon between me and this Miguel Gonzales. Haaay. I thought I was over this issue. Pero ewan. Di ko pa rin maiwasang alalahanin ang dinanas naming hirap sa pagtalikod nito sa amin ni Mama.

Humanda talaga si Babe sa akin. Takte! Hindi ko inakalang he’s capable of pulling something like this. Haaay. Siguro concern lang siya sa akin, pero kasi. Pero kasi, hindi pa ako handa eh.

“A-akala ko ba mag-uusap tayo?” Malamig na tanong ko.

Hindi lang ito umimik. Nakayuko lang ito at puro buntong-hininga lang ang naririnig ko sa kanya. Bastusan ba to? He said we need to talk pero di man lang sya maka-imik.

“May sasabihin pa po kayo?” Binigyang-diin ko pa talaga ang salitang po. “Kasi kung wala na, aalis na ako. You’re wasting my time.” Then there goes the old Jayden. Cold and unwelcoming.

Nag-angat lang ito ng tingin at nakita ko itong umiiyak. Naawa naman ako sa nakita ko. Its as if he went through a lot of pain also. “Anak. Sorry. Hindi ko lang alam kung san ko sisimulang humingi ng patawad sa iyo.”

“Buti alam nyo. Buti alam nyong malaki ang atraso nyo sa akin.” Sabi ng isip ko. Sumandal lang ako sa aking upuan at pinagmasdan ito na wari ay kinikilatis kung sinsero ba talaga ang mga luhang dumadaloy mula sa mga mata niya.

“Sorry anak. Malaki ang pagkukulang ko sa inyo ng Mama mo. Alam kong mahirap patawarin ang mga iyon, pero sana naman, hayaan mong makabawi man lang ako kahit konti sa mga pagkukulang ko sa iyo anak.” Hinawakan ni Papa ang mga kamay ko. “Anak, handa akong maghintay kung kailan mo ako mapapatawad. Pero sa ngayon, hayaan mo muna akong pagbayaran ang lahat n kasalanan ko sa iyo.”

“Do you know what? I hate you.” Malamig pa rin ang boses ko.

“I know. At hindi sapat ang mga sorry ko para maibalik ang mga taong nawala ako sa tabi mo ako anak.” Umiiyak na naman si Papa. Ako nama’y malapit na rin. Pinagtitinginan na kami ng mga tao, pero wala akong pakialam.

“Alam nyo bang malaki ang insecurity ko sa mundo kasi lumaki akong walang mga magulang? I won’t blame Mama for that. She sacrificed everything for me. Pero kayo? Anong ginawa nyo? Asan kayo nung nangailangan ako ng ama? Pinabugbog ako ng asawa mo, pero ano ginawa nyo nun? Wala diba? Tas ngayon, hihingi ka ng sorry?”

At tuluyan na ngang sumabog ang mga kinikimkim kong galit sa aking dibdib. Pati luha ko ay nakikisimpatya na rin at nag-uunahan ng dumadaloy sa aking pisngi.

“I loathed the day I had you as my father. I cursed the day I had your blood coursing through my veins. I fucking hate the day I was given your name. It’s like I was forever cursed kasi dala-dala ko ang isang kamuhi-muhing parte ng aking pagkatao. I really hated you for that Mr. Miguel Gonzales.”

“Anak..”

“Pero salamat pa rin. At dahil sa inyo, naging matatag ako. Dahil sa nangyari, natuto akong mabuhay ng mag-isa. Maraming salamat po. Siguro sa ngayon, kilalanin po muna natin ang isa’t isa. Masyado pang maaga para patawarin kita. Pero hindi ko po sinasara ang puso ko para dyan.”

Oo. Bibigyan ko si Papa ng pagkakataon. Naniniwala akong di pa huli ang lahat para sa amin. Yun ang natutunan ko kay Yui. Open your hearts and minds for second chances. Napangiti naman ako ng maalala ko ang aking best friend.

“Di na ako babalik sa mga nangyari sa nakaraan. At susubukan kong patawarin ka sa abot ng aking makakaya. Sana nga lang totoo ang mga sinasabi nyo ngayon, dahil malaki ang isinusugal ko dito.”

Hinawakan nya ang aking mga kamay at ngumiti. “Pangako anak. Di na kita sasaktan pa. Andito na si Papa. At pangako, I’ll get you back, no matter what it takes.”

Ayun na nga. Nag dinner lang kami ni Papa. Libre daw niya. Medyo tahimik lang kami. Awkward nga eh. Pero sa assesment ko sa kanya, mukhang sincere naman sya sa mga sinabi niya. Napapangiti lang ako na isipin na gusto ko syang pahirapang makuha ang loob ko, pero ang totoo naman ay rumeresbak lang ako sa kanya. Napatawad ko na siya actually. Pero ewan. Basta. Hahahaha.

“Anak, basta okay na na dalaw-dalawin kita dito from time to time ah? Sabi mo naman diba, magsisimula tayo ulit?” Sabi ni Papa pagkababa namin ng sasakyan nito. Hinatid na ako ni Papa pagkatapos naming mag dinner at ngayo’y nag-uusap lang kami dito sa may gate ng bahay.

“Opo,P-pa.” Nauutal pa rin ako pero nakita ko lang siyang ngumiti.

“Ang sarap namang pakinggan na tinatawag mo na akong Papa anak. Sorry sa lahat ah? Madami akong kasalanan sayo, pero nakahanda ka pa ring patawarin ako. Salamat anak. Salamat at napalaki ka ng maayos ni Gary.” Niluwagan pa ni Papa ang ngiti niya.

“Pa, sa t-totoo lang po, m-matagal na kitang n-napatawad. Kaso kanina, n-nahiya lang ako magsabi sa inyo.”

“Talaga anak?” At tumango ako. Sinugod lang niya ako ng yakap at halik sa pisngi. “Naku salamat anak! Maraming salamat. Pinasaya mo ako ngayon.”

“Pa, basta, magsisimula po tayong muli. At yung mga sinabi mo kanina, panghahawakan ko yun.” Ngiti ko kay Papa ng kumawala siya mula sa pagkakayakap sa akin.

“Oo anak. Promise yan!” Ang saya talaga tignan ni Papa. Todo ngiti ito. Para naman akong nabunutan ng tinik sa dibdib. At last! Malaya na ako mula sa matinding galit na naipon noon sa puso ko. “Salamat kay Yui, anak.”

What? Si Yui? “Si Yui po Pa? Bakit?”

“Oo, si Yui. Si Yui na best friend mo. Siya yung nagset-up ng dinner natin kanina. Maswerte ka anak dahil kahit ganun ang pinagdaanan mo, may mga kaibigan kang handa kang damayan tulad ni Yui.” Naguluhan naman ako sa nalaman ko. Akala ko kasi si Babe eh. “Salamat anak. Mahal na mahal kita.” At niyakap akong muli ni Papa.

“O, pano ba yan Dad? Kainan na tayo! Tara!” Narinig ko si Kira na kanina pa pala sa likod namin. Nakita ko ding kasama niya sina Karin, Yui at si Babe. “Libre naman jan Dad!”

“Yehey! Kainan na!” Sigaw ni Babe. “Congrats po Tito.”

“Salamat sa inyo. O sige ba. Kira, mag-order na kayo ng pizza at ice cream ha?” Sabi ni Papa kay Kira. Ngumiti naman ako sa suporta nilang apat sa akin.

Habang kumakain kami ng mga inorder nila Kira, nag-usap naman sina Nanay Nimfa at si Papa. Kami namang lima ay sa garden lang tumatambay habang lumalamon.

Masaya ako . Sobrang saya ko kasi finally, naging okay na kami ni Papa. Haaay. Sana tuloy-tuloy na ito. Para merry na ang pasko ko.

“Yoh, salamat nga pala sa ginawa mo kanina ah? Maraming salamat.” Seryosong sabi ko kay Yui na noon ay katabi si Karin sa isang bench na pandalawahan.

Ngumiti naman ito. “Ui, grabe ka naman Yoh. Di ko naman yun magagawa kundi ako tinulungan ni Alfer eh.” At bumaling ito kay Alfer at kinindatan ito. “Wag mo namang balewalain ang effort nung babe mo.” Sabay tawa, at nakitawa na rin kaming lahat.

Lumapit lang ako kay Babe at ginawaran ito ng halik sa pisngi. “Thank you Babe. Thanks for making me happy today.”

“Anything for you Babe. I love you so much.”

“And I love you more babe!” Tas nginitian ko lang ito ng ubod-tamis.

“Aray!” Tili ni Kira. “Andaming langgam o. Putek! Hahahaha!”


..


January 2. Friday. Kakatapos pa lang ng New Year, pero aligaga na kaming mga estudyante kasi may pasok na sa Lunes. Hapon nun nang dumating si Yui sa bahay na nakamotor. Himala ata, at nagpakita ito ng kusa sa akin.

Nung mga nakaraang araw kasi, di siya sumasama sa lakad ng barkada para sa Simbang Gabi at kung anu-ano pang maisipan nila Babe at Paul. Sabi naman ni Karin marami lang daw inaasikaso.

“Yoh. Birthday ni Mama. Punta ka sa bahay mamaya ah?” Sabi nito ng dumungaw ito sa pinto ng kwarto ko. Nakaupo lang ako sa harapan ng computer nang Makita ko si Yui at sinenyasan itong pumasok. Pumasok naman agad ito.

“Ngayon ba yun Yoh? Takte ka! Bakit di mo sinabi sakin agad? Naku. Di ako nakabili ng gift para kay Mama!” Simangot ko dito.

“Eh, busy ako this past few weeks eh. Sorry na.”

“Ano ba kasi pinagkakaabalahan mo at pati ako ay nakakalimutan mo na? Nakakatampo ka na Yoh.” Kunwari malungkot na tanong ko.

“Basta Yoh. You will know soon.” Humiga ito sa kama ko. “Mamimiss ko ito.” Mahinang sabi ni Yui pero narinig ko pa rin.

“Ang alin Yoh?”

“Ano?”

“Sabi mo mamimiss mo to. Ano ba tinutukoy mo?”

“A-ah. Wala. Tara na. Maligo ka na at tutulungan mo pa sina Ate sa mga pagkain.” Biro pa nito.

Kinurot ko nalang ito sa tagiliran. “Ewan ko sayo Yoh.” At naligo na nga ako.


..


“Happy Birthday Ma!” Sabay bati namin nina Ate Reema, James at Yui kay Mama Pearl pagkatapos naming siyang kantahan ng Happy Birthday. Kami-kami lang ang tao nun sa bahay nila. Di na sila nag-imbita ng iba pa, kasi sabi ni Mama, gusto niyang masolo muna ang mga anak niya.

“Happy Birthday Hon.” Bati ni Tito Conrad sa asawa. Nakita ko naman si Mama na nagsisimula ng na-iyak. Siguro dahil lang sa sobrang saya kaya napapa-iyak.

“Ma, wag na po tayong mag drama. Di bagay sayo. Dapat masaya ka.” Sabi ni Yui at tinapik-tapik sa balikat ang ina. Mas lalo pa itong napahagulgol at yumakap kay Yui.

“Anak. Kasi eh..” Hagulgol pa ni Mama.

“Ma, please.”

“S-sorry anak.”

“Oh tara na. Tama na ang drama. Kumain na tayo.” Pag-iiba ng usapan ni Ate Reema.

Kahit maraming tanong ang bumabagabag sa akin nung gabing iyon, di nalang ako nag react kasi nga ang importante maging masaya ang gabing ito para kay Mama. Naging masaya naman ang buong selebrasyon dahil puro pagkain, kwentuhan at kalokohan lang ang inatupag naming lahat.

Pero di ko pa rin maiwasang di mapansin ang kakaibang hangin sa aming paligid. At yun ang di ko nagustuhan. Naramdaman kong may mali eh. Pero I’ve kept my silence pa rin.

Kinabukasan, tinadtad na ako ng text ni Yui.

“Yoh, aalis tayo. Magbihis ka na ah?”

“Yoh, kelangan kita sa pupuntahan ko. Wag kang KJ. Sama ka.”

“Napagpa-alam na kita kay Babe mo. Talked to him last night pagkahatid ko sayo.”

“I’m on my way. Bihis ka na ba?”

Buti nalang at nakaligo na ako kanina pa. Magbibihis nalang ako. After 5 minutes, I’m done. Naka Blue Polo Shirt lang ako at Black Pants na may kasamang gray na sneakers.

Pero nanlumo ako ng makita ko si Yoh na bihis na bihis. Ayos naman ang bihis niya, pero di ko lang maiwasang pansinin ang sobrang kagwapuhan niya ngayon. At naka jacket pa ang mokong.

“Tara na!” Sabi ni Yui sa akin at sabay na kaming lumabas ng bahay at sumakay na ng kotse niya.

“San ba tayo pupunta?” Sabi ko sa kanya.

“Basta. You will find out soon Yoh. Chill.” At nanahimik na nga lang ako sa may front seat at pinlug nalang ang ipod ko sa stereo speakers ng kotse ni Yui.

Maya-maya pa’y napansin ko n gang daang binabagtas ng kotse ay ang daang papunta sa may airport. Mas lalo naman akong nagtaka. “Papuntang Airport to ah? May susunduin ba tayo Yoh?”

“Wag ka kasing maingay. Malalaman mo din mamaya.” Sabi ni Yui na mas lalong nagpapakaba sa akin. Masama ang hinala ko sa pananahimik ni Yui. Wala naman kasi siyang nasabi na may darating o kaya’y susunduin sa Airport eh. Basta na lang niya akong pinilit na sumama sa kanya.

“And we’re here.” Sabi ni Yoh at sabay na kaming lumabas sa sasakyan. Nagtaka naman ako nang makita ko sina Mama Pearl, Papa Conrad, Ate Reema at James na nag-aantay sa isang sulok na may mga malalaking maleta na katabi.

Agad kaming lumapit sa kanila. Malaking question mark pa rin ang nakapatong sa ulo ko. Kung may susunduin sila ditto sa airport, bakit andito na ang mga maleta? At bakit wala pa ang may-ari nito?

Yumakap naman si Yui kela Mama at Papa. Si Mama, umiiyak na naman. Patay! Hindi kaya? Oh no.

“Anak, mag-iingat ka dun ah? Tawagan mo kami pag kailangan mo ng tulong.” Narinig kong sabi ni Mama. Agad naming nagpanting ang mga tenga ko sa mga narinig.

Shit! Ano to?! Bakit?! Tila nagging estatwa lang ako sa may gilid at nakatulala lang na pinapanood sila Mama. Yoh, how could you do this?! Shit!

Pagkatapos ng pamamaalam nila, agad naming lumapit sa akin si Yui na may mga luha sa mata. He held my hands. And looked straight into my eyes.

“I’m sorry Yoh kung hindi ko nasabi sayo. It’s not like we’re not going to see each other again. Pero as of now, kailangan ko muna magpaalam sayo. Skype nalang tayo palagi ah? Mamimiss kita Yoh.”

At binukaka niya ang kanyang mag kamay, senyales na gusto niyang yumakap ako sa kanya. But instead of complying…

Pak! Binigyan ko siya ng isang malakas na sampal. At kasabay ng sampal na iyon ang isang matinding tusok sa puso ko. Ang sakit-sakit. Ni hindi man lang ako nakapagsalita simula ng bumaba ako sa kotse. Nagmukha akong estatwa na nakatulala lang habang unti-unti ng pumapasok sa loob ng airport si Yui.

Nung nilapitan ako ni Mama at niyakap, dun ko palang nagsink-in sa utak ko ang lahat ng mga nangyayari. Si Yui na best friend ko, iiwan na ako.

“Yoh..” Nasambit ko nalang habang walang humpay pa rin ang bagsakan ng mga luha ko..


- Itutuloy -

26 comments:

  1. Hi nga po pala sa mga kapatid kong sina Kuya Mr. CPA at Bunso Kenken at Bunso Hao Inoue. enjoy po kayo! sorry sa delay :)

    ReplyDelete
  2. Arghh! Ang lungkot lang.. sacrifices. Sa mga sakripisyo ni Yui, makikita talaga kung gaano niya kamahal si Jayden!

    Tama ka, Jace, wag masyadong magpadala sa chapter nito. There's always a rainbow after the rain. The sun will shine after the storm. Hihintayin ko na lang ang pagiging happy ni Yui. At sana ang happiness na iyon ay ang mag-bestfriend pa rin in the end.

    Is it possible?

    ReplyDelete
  3. That hurts..... Don't worry author may mas late ba dito..... Hahahaha

    ReplyDelete
  4. I saw myself on Yui's sacrifices, i did the same thing, lumayo ako sa taong pinakamamahal ko kahit sobrang sakit at dahil hindi pa ako isang ganap na abogado. I need to sacrifice my feelings, my dream and worse my stint for top 10 on board exam. Hay. Hope this story ends in a good way unlike my story with her.

    Anyways, Kudos to you Jace.

    Mr. CPA

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pde kba ma add s fb? Me tatanong sana ako e...

      Delete
    2. ako po ba? o si Kuya MR.CPA? hahaha. ingat ka jan kuya. nangangagat yan ng tao.. :D

      Delete
  5. jace, baket ganun.. tagal ko nagintay sa story tas baket sad parin pagdating kay yui... huhuhu... baket kasi sumusuko ka agad yui... sad sad talaga...

    ReplyDelete
  6. Hay. Kawawa naman c yui. Pero grabe ang pagmamahal nya kay jayden. Handa syang magsacrifice para lang kay jayden. Pero di lang nya alam. Hay. Sana sila parin sa dulo.

    -hardname-

    ReplyDelete
  7. Shooocks Yuiiiiii kooooooo huhuhuhu :( Haaaay huhuhu nakaka-iyaaaak! ~Ken

    ReplyDelete
  8. Bakit Yui? Ipaintindi mo sakin, please... Hahaha. Nakakainis pa nga si Yui! Aish!

    ReplyDelete
  9. Grabeng emosyon sa chapter na to. Yui's sacrifices. Ugh! Nalulungkot ako para sa kanya.

    Well, that's love. We're all willing to do anything, para lang masatisfy natin ang sarili natin or ang iba. Making decisions aren't easy too. Kailangan nating dumaan sa napakahaba at mahirap na proseso.

    ReplyDelete
  10. Nadala ako sa chapter na to, naiyak ako, grabe kung magmahal si yui.


    Boholano blogger

    ReplyDelete
  11. shit! jace pina iyak mo na naman ako.
    ang sakit grabeee!
    kanya mo yan YUI!
    thanx for that update jace!
    red 08

    ReplyDelete
  12. update agad JACE! ha..ha..ha...
    Hindi pa ako maka move on para Kay YUI.
    thank you again Jace....

    red 08

    ReplyDelete
  13. update agad JACE! ha..ha..ha...
    Hindi pa ako maka move on para Kay YUI.
    thank you again Jace....

    red 08

    ReplyDelete
  14. hoped you guys liked Jin Akanishi for Yui's role.. hehehe :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. babalik poh ba si papa yui..

      mas bet ko si yui for jayden

      Delete
  15. it's always worth the wait ika nga.. kaso kakabitin sa ganda.. ahahaha
    sana po makapag update na agad..ahhaaa

    jihi ng pampanga

    ReplyDelete
  16. hi jace i know bumitaw ako sa story nung last pm ko sayo pero kinain ko ung sinabi lage ko paring inaabangan toh lage ko hinihintay kung may update ba hindi ko kasi matiis weh ganda kasi talga ng story weh im sorry nhihiya ako peo nilakasan ko na loob ko . i hope d ka galit skin im sorry. sana friends na ulet tayu sorry again

    cord of bulacan

    ReplyDelete
    Replies
    1. kuya CORD! na miss kita. di naman ako nagalit eh. hahahaha. kumusta po? di ka na namamansin sa FB ah. heheheh :3

      Delete
    2. eh baka kasi kung anu isipin ng bf ko mjo seloso un weh sorry wah peo sabi ko nga lage ko hinihintay update mo kahit cnbi ko d ko muna bbasahin d ako matiis eh hehehehe cnxa na tlga


      cord of vulacan

      Delete
  17. Grabe naman .. C yui... Ooouuucchh.. Hahhaha nakarelate lang ako.. Buti nalang may alfer talaga c jayden... Sorry medyo late na din ako.. Kasi nakabakasyon ako.. Walang net sa bundok.. Hahaha :) ganda mr. Authror :) bumigat yung dibdib ko sa mga pangyayari..


    -dave

    ReplyDelete
  18. Aaaargh! I promised not to cry but the more I scroll down this page, the harder it is to stop. I hate you for making me cry! (kiding,) Great Job Jace. It's worth the wait. til next time:)

    thanks by the way for reading my story, cheers!

    ReplyDelete
  19. My first time to comment in any story at any blog i am visiting.. promise! Isa ito sa pinakagusto ko.. sakto lahat! Nung una di ko pinapansin to pero nung binasa ko yung chap 1, hanep! Ang ganda pala..ituloy mo lang ang maganda mong likha. Thanks for sharing this..

    Superman03

    ReplyDelete
    Replies
    1. maraming salamat Sir Ruben! humahaba buhok ko ngayon. nyahahaha. will do po, so as not to disappoint you.. :)

      Delete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails