Followers

Sunday, May 25, 2014

Start Over 15




"I'm in love with you.." He said. The World again stopped on its own. Ang mga katagang mula sa mga labi nito'y pumukaw sa aking puso, lalo na nang mapansin ko ang mga butil ng luha na dumaloy mula sa kanyang mga mata. Alam kong mahirap para sa kanya ang sabihin lahat ng mga ito at aminin kung gaano siya kahina. Kilala ko si Tyler bilang isang mayabang, maangas, arogante at makasariling tao, at ibang iba sa kaharap ko ngayon, mahina, umiiyak at kinakabahan sa ano mang kadahilanan. Pansin ko rin ang takot nitong nadarama, at ang mga kamay nito ay hindi mapigil sa panginginig. Gusto ko itong yakapin, halikan at sabihing parehas lang din ang aking nadarama para sa kanya mula pa noong unang araw ko itong masilayan. Hinawakan ko ang mukha nito at dahan dahan kong pinunasan ang mga luhang dumadaloy gamit ang aking mga daliri. Napangiti itong si Tyler at dinamdam ang init ng aking palad sa kanyang malambot na pisngi.

"Please say something..." Pakiusap nito habang pilit na pinapakalma ang kanyang sarili. Tinignan ko ito sa kanyang mga mata at ramdam ko ang uhaw nito sa aking mga sasabihin, natatakot at nangangamba kung ano mang mga susunod na lalabas sa aking mga labi.

"I once said, for this day to come that you kneel and yield your emotions, I will laugh at you."  Panimula ko.  Inalis nito agad ang kanyang tingin sa akin at yumuko. Pansin ko rin ang pag-iba ng itsura nito. Alam kong natatandaan niya ang mga linyang binitiwan ko noong araw na sinaktan niya ako. Alam ko natatandaan niya ang lahat ng mga nangyari at ang kanyang pagsisinungaling. Ang mga sakit at kahihiyang idinulot ng kanyang pagkukunwari.  Ito ang pinakahihintay ko sa loob nang halos isang buwan, ang dumating ang araw na ito na hindi na niya kayang itago at kimkimin ang kanyang nararamdaman at emosyon, na dumating ang araw na mapagod ito sa pagpapanggap at pagsisinungaling nang tunay nitong pagkatao. Ito na nga iyon.  Ito na nga iyon.

"I want to laugh at you..." dagdag ko. Tinakpan nito nang kamay ang kanyang mga labi upang hindi marinig ang kanyang sigaw at iyak nang pagka dismaya at pagkatalo. Lalong napaiyak ito na parang nagsisisi nang mapansing walang emosyon ang aking itsura, blanko at nasa iisang timpla. Hindi ko alam kung nagsisisi ito sa mga pagsisinungaling niya noon o nagsisisi dahil naglakas ng loob na aminin ang tunay niyang nararamdaman para sa akin.

"I want the whole world to know that finally I won against you."  dugtong ko. Hindi ako nakarinig nang kahit ano pa man mula sa kanyang mga labi bukod sa mga hagulgol nito at pasakit. Naawa ako sa itsura nito at ramdam ko ang kanyang pagsuko. Nasa punto ako na hindi ko na naman  alam kung patuloy kong susundin ang utos ng aking isipan at i-pamukha sa kanya lalo ang mga paghihirap na naranasan ko mula sa kanyang baluktot na ugali't pagkukunwari. Gusto kong malaman nito kung gaano ako nasaktan at umasa na lahat ng mga pinakita niya noon ay totoo at kanya ring kagustuhan. Gusto kong magdusa ito at kainin ang mga salitang binitiwan niya sa mukha ko. "hear your heart..." isang malamig na bulong sa aking isipan. Naalala ko ang usapan namin ni Joy kahapon habang pauwi dito sa bahay. Naalala ko ang mga eksaktong salita nito. "you won't get what your heart really wants if you keep on letting your mind decides."  Pinikit ko ang aking mga mata at sinubukang pakinggan ang aking puso. "What do you really want? What is it that really makes you happy?" mga tanong nang aking isipan sa aking puso. Binuksan ko ang aking mga mata at napabuntong hininga. Tumayo ako at naglakad papunta sa harapan nito. Nakayuko parin si Tyler at pilit na tinatahan ang sarili. Lumuhod ako at inabot ang mukha nito para magtagpo ang aming mga mata.

"but my heart says otherwise." huling dagdag ko. Inabot ko ang aking mga labi sa kanyang mga basang labi. Ginawaran ko ito nang halik galing sa aking puso, isang mabilis pero ang pakiramdam ay parang panghabang-buhay.  Inilalayan ako nito para tumayo at niyakap ng mahigpit. Hindi ko maikakaila ang bilis ng pagtibok ng aming puso, sumasayaw ang mga ito sa iisang indak ng saya at pagmamahalan. Hinalikan nito ang aking noo at bumulong sa aking kanang tainga.

"I can see beautiful days with you.."   bulong nito. Hinalikan nito ang tongki ng aking hanggang sa marating ulit ang mga labi ko. 

"I see my dreams in you..." bulong ko rin sa mga labi nito at sabay kaming napangiti.

At sa wakas, ang araw na pinakaaasam ng aking puso ay dumating na rin. Lahat ng agam agam at mga pagdududa ay biglang naglaho na parang bula. Lahat ng mga katanungan sa aking isipan ay nasagot. Lahat ng takot at pagaalinlangan ay naghilom. Hindi ko lubos maisip na lahat ng mga ito ay mawawala kung papakinggan ko lang ang aking puso.

"what now?"  tanong nito habang ang mga kamay nakapalibot parin sa aking katawan.

"what what now?"

"you and I?" sunod na tanong nito. 

"are you sure about this?"  patanong na sagot ko. 

"I have been living my life with so many uncertainties, I know this one's the only true in my life.
I regret to doubt it at first but now I can say,  I am ready to fight for it, to fight for you and I am ready to fight for us." malambing na sagot ni Ty.

"it will be hard... The World may even try to stop us.." babala ko. 

"just hold my hand and let's forget the World.." nakangiting sagot nito.  Hinawakan ko naman ang kamay nito at ngumiti.

"I..."  bulong nito ulit nito sabay halik sa kaliwang pisngi ko. 

"Love..."  sunod na bulong nito at halik sa kabila kong pisngi. Pinikit ko ang aking mata at hinintay ang susunod na sasabihin nito. 

"You..." huling bulong nito sa aking tainga.  Oh God, hindi ito iyong unang beses na narinig ko ang mga salitang ito pero  bakit pakiramdam ko nasa alapaap ako pagkarinig ko ng mga ito mula sa kanyang mga labi? Hindi ko mapigilan ang aking sarili nang hindi mapaiyak. Dapat nga sa mga oras na ito, nagdadasal na ako na kung panaginip man lahat ng mga ito, huwag sana akong magising. Palihim kong kinagat ang aking mga labi,  pero kahit gaano ko ito laliman, nakatayo pa rin sa harapan ko si Tyler, nakangiti at nag aantay sa ano mang sasabihin ng aking puso.

"You have always been a jerk, selfish and arrogant dick, but now I understand everything, that's just your way to get into my heart. You are good, really good.. coz you know what? you really made it down to my heart. 
I love you too, even that makes me the dumbest man in this World."  sunod kong sagot. Napatawa ito sa mga sinabi ko at niyakap ako ulit ng mahigpit. Ngayon, opisyal na ngang kami na ni Tyler. Hindi ko alam anong susunod na mga mangyayari, hindi ko alam hanggang kailan, pero dama ko ang kasiyahan at gaan ng aking pakiramdam.

"Oh My God!,  does this mean?!?!" sigaw ni Joy palapit sa amin. Napalingon kami sa kanya at sabay na tumango sinyales ng pag-amin ng aming pagmamahalan . Para itong dose anyos na nagtatatalon at kinikilig.

"I am so happy for both of you.  I always knew even from the start that you like each other.
Well of course, aside from confessing your mutual feelings though..." sunod nitong mga salita. 

"WHAT?!" sabay naming sigaw ni Tyler.

"well, okay. Tyler confessed to me first that he really likes you, my friend, that he finds you cute and smart, you're actually the first person who can make him eat his words, he said he's happy when he sees you and near you, he's feeling something but not really sure about it before and he feels sorry for not trusting his heart and just lied about it. Then you, my friend, you said yesterday you feel something for him, that you're also happy when you're with him and you were expecting something else than his lies.  So, I'm really not that surprise seeing you together now, coz I told him everything. I don't intend to break my promise, it just slipped out of my big mouth, but I'm glad it did, look at you two, my dearest friends. Bromance na ito!"  dagdag nito at sabay yakap sa aming dalawa. 

"Bagay na bagay kayo. Why all the hot guys are gays?"  pabiro nitong tanong. 

"coz there are no hot girls anymore?"  pabirong sagot naman ni Tyler. 

"ang sama mo! but if there comes a day that you want a baby, you know you can ask me right? haha" banat ni Joy. 

"NO fucking way!" sabay ulit naming sigaw ni Ty. 

"I'm just so desperate. Damn,  I feel like I am the only 22 year-old left virgin in this world" 

"oh shut up! I am too.." pagbubunyag ko.

"hahahahaha really, my friend?" si Joy. 

Tumango lang ako at sabay silang tumawa. Bigla akong nahiya sa mga pag-amin ko. 

"Well, count your remaining days, coz I swear, I am not stopping." pilyong bulong nitong si ty at sabay hila sa aking beywang at halik sa aking leeg.  Ugh! Thrilling!

"Jesus, come on, get a room, perverts!" sigaw nitong si Joy.

Then we all laughed. Ang saya ng aking pakiramdam. I feel light and heaven. Hindi ko lubos  inakala na papasok ulit ako sa ganitong relasyon pagkatapos namin ni JM.  It may sound too soon but the feeling's never rushed and forced. I am feeling happy, and that I believe,  matters most. Pumasok kaming lahat sa loob at ibinalita ang aming bagong relasyon kay Nanay Cleng.  Sa una, parang naging Staged-Mom itong si Nanay Cleng sa daming sermon, isabay mo pa ang mga pananakot nito at paalaala. Hindi rin maiwasan ang pagtataka nito dahil ngayon lang daw niya nakita si Tyler.  Isinuwalat niya mga dinanas kong paghihirap at kalungkutan. Naging pranka rin ito sa kanyang takot na maulit lang ang lahat ng mga nangyari sa akin sa nakaraan. Wala namang inaksayang pagkakataon itong si Tyler at nagbitiw ng mga pangakong sinegundahan ni Joy. Words of Promises and Love ika nga nila. Mga pangakong hindi na bago sa akin, mga pangakong narinig ko na mula kay JM but that's not for me to worry now. Napangiti naman ako nang huminahon itong si Nanay Cleng at binigay ang kanyang basbas sa aming relasyon. We all are happy.

Nagluto si Nanay Cleng ng pasta at sabay kaming lahat kumain. Magkatabi kami ni Tyler at magkahawak ang aming mga kamay sa ilalim ng mesa.  This is strange. Unang pagkakataon ito na hindi kami nagbabangayan habang magkatabi at kumakain sa iisang mesa.  Sa mga nakaraang linggo kasi, pag tumatabi ito sa akin sa pantry, I ended up walking away dahil sa mga pang aasar nito at kayabangan. Ngayon, nakayuko itong kumakain na parang tupa habang ang kanyang kamay ay pinipisil pisil ang sa akin and filling all the spaces between my fingers.

"OA na yan" biglang singit nitong si Joy.

"what?" sabay ulit naming sigaw sabay ngiti.

"this?!" sagot nito sabay hila at taas ng aming mga kamay mula sa ilalim ng mesa. Napatawa naman itong si Nanay cleng at sinabihan itong si Joy na hayaan nalang kami.

After namin kumain at magpahinga, nagpaalam na itong si Joy na mauna na siya. Ayaw pang umuwi rin sana ni Tyler pero ako na ang nagpumilit, pansin ko kasi ang pamumugto ng kanyang mga mata na parang hindi pa natutulog. I don't know if it's because of their house party last night, or he was worried because I got sick.  Hindi ko nalang ito pinag aksayahan pa ng panahong tanungin.  Ako na ang nakiusap rito na umuwi na muna at magpahinga. He frowned but nodded to my command. Ang sarap ng pakiramdam na finally, I get to decide for him, that now he listens to me and takes my word. Hinatid ko ang mga ito hanggang sa gate. Nauna nang sumakay sa kotse si Joy at si Tyler naman ay naiwang nakatayo sa harapan ko, smiling and staring straight to my eyes. 

"where's your phone?"  tanong ko. Inilabas naman nito ang kanyang cellphone mula bulsa ng kanyang pantalon. 

"why?" tanong nito. 

"I think there's something wrong with it."

"huh?" he looks confused.

"my number's still not on your phone. And you just earned yourself to save it." banat ko. Tumawa ito ng malakas at kinurot ako sa pisngi. Fuck, sa kanya na ata ang pinakasexing halakhak na narinig ko sa tana ng buhay ko. No Kidding.

"I already have your number even before the day I asked you. I just want to know how long it will take you to give it up." sagot nito. Napailing naman ako sa kilig. This man's fucking unbelievable.  All this time pala, he has my number and prefered to get from me.

"you're crazy, you know that?" pag-iinarte ko. 

"I know, and I can do all crazy stuff JUST for you." sagot nito sabay lapit sa aking mukha at bulong sa aking mga labi.

"okay, that's enough. I'll see you tomorrow." sagot ko sabay tulak sa kanya palayo. Pero parang wala itong narinig at lumapit ulit. Nilagi nito ang kanyang noo sa akin, and moved his lips closer to mine. Pinikit ko ang aking mga mata at nag-antay ng kanyang huling halik pero wala akong naramdaman kundi ang malambing nitong boses.

"I'm not gonna promise you anything but I will do everything to make you happy everyday..." bulong nito.  Iminulat ko ang aking mga mata at wala na ito sa aking harapan, tumakbo na pala ito at sumakay ng kotse. Napangiti ako. He thinks for my happiness over his, and that's something sweet and incomparable. I waved my hand as they drive their way home. "I love you.."  bulong ko sa hangin, hoping it still catches his ears.

Dali dali akong pumasok sa loob at niyakap yakap si nanay cleng. Pansin nito ang kasiyahang nararamdaman ko pero hindi ako nakaligtas sa kanyang mga payo at paalaala. Nay cleng's the only person who actually witnessed what I have been through, and I can't blame her if she's worried like this. Hinalikan ko ito sa pisngi and assured her, I am a big man now, stronger and wiser.

Umakyat na ako ng kuwarto at tamang pagkahigang pagkahiga ko, naalala ko si Jek. Of all people, jek deserves to know it first. Kinuha ko ang aking cellphone at tinext ko ito if he can come over, pero hindi ako nakatanggap ng response. Sinubukan ko itong tawagan pero patuloy lang ito sa pang-ring. Hinayaan ko nalang muna ito at baka busy sila ni Joyce. Napailing naman ako sa naisip ko, baka sinusundan si Baby Alex. 

Maya maya pa, nakatanggap ako ng mensahe galing kay jek,  nasa bahay nila Joyce daw ito at hindi muna makakapunta. Hindi rin maikakaila ang pag-aalala nito at tinanong ako kung may problema ba.

"Kami na ni Tyler..:) " sunod kong text. I know he's been wishing for my happiness since I came back here, and he deserves to know it first. Jek's been my source of strength. He's maybe crazy and childish sometimes at loko loko, but that what makes him who really he is. Jek's always jek, and will always be my bestfriend even when everything else fails.

Nag antay ako ng isang minuto, dalawa, isang oras, pero wala na itong sagot. Mukha ngang busy talaga si Jek. Sana nga lang ay okay siya. Alam ko kasi ang pagtutol nito sa mga plano ng kanyang biyenan. Hinayaan ko nalang muna si Jek at nagpahinga na rin ako.


Monday.

Pagkatapos kong maligo at magbihis, lumabas na ako ng kuwarto para makapag almusal muna bago pumasok sa school. Habang pababa ako, tamang tama namang tumayo itong si Tyler mula sa pagkakaupo sa sala and started my day with his gorgeous smile. Everything became blurry and he's the only thing that's focused and sharpened. Kung sa Picture lang, para itong naka camera360 at OA sa paggamit ng filters. Para akong a-attend nang Prom Night, pababa ako ng hagdan dahan dahan habang nakangiting nagaantay sa baba ang Prom King ko. Ang sagwa. But seriously, he's glowing and fuck, he's getting hottier and hottier everyday. Ngumiti ako nang magtagpo ang aming mga mata. Lumapit agad ito sa akin pagkababa ko ng hagdan. 

"Good Morning sunshine.." bulong nito sabay kulong ng aking katawan sa kanyang mga matipunong bisig. Hindi pa ako nag-aalmusal pero sa palagay ko sapat na ang yakap nito for me to make it through the day. Napailing ako sa kilig.

"Good Morning.." bulong ko rin. Inabot nito ang isang pulang bulaklak. The flower looks fresh. Napangiti ako lalo sa kilig.  Hindi ko maisip na itong jerk na ito can really be this sweet.  Inamoy ko ang mga petals nito and oh sweetest life, it really smells fresh. Napansin ko ang stem nito na parang sariwang putol nga at halatang pinuwersa at minadaling pinitas. Binalik ko ulit ang aking tingin sa bulaklak and please rape me now twice and hard, sigurado akong galing ito sa garden ni Nanay Cleng sa labas. Tinignan ko nang masama itong si Tyler at parang naramdaman naman niya na alam ko na ang ginawa niyang kalokohanan. Tumawa lang ito nang malakas

"What the fuck ty, this is nanay cleng's...." pasigaw ko pero bago pa man matapos sana ang sasabihin ko, mabilis pa sa alas kuwarto nito tinakpan ang aking mga labi nang kanyang kamay.  He giggled devishly. Dali dali kong itinago ang bulaklak sa loob ng bag ko nang mapansin ko si nanay cleng palapit sa amin galing dinning room. Lalong napalakas ang tawa nitong si Tyler.Aaargh kahit kailan talaga!

Inaya kami ni nanay cleng mag almusal at gaya kagabi, sabay kaming kumain. Tahimik itong si Ty habang kumakain, animo'y parang nahihiya kay Nay Cleng, unlike si jek, maingay at laging bida sa pagkukuwento. 

"she may look serious, but she's sweet. Don't be afraid of her." bulong ko rito. Napatango lang ito at tinuloy ulit ang pagkain. 

"nakakaintindi ka ba nang tagalog hijo?" tanong ni Nanay Cleng kay Tyler. 

"Opow, but mahirapan pow akow salita." sagot ni Tyler at sobrang namula ang mukha nito sa kahihiyan.  Natuwa itong si Nanay Cleng  sa pilit na pilit na pagta-tagalog niya. At simula noon, nagkapalagayan na sila ng loob at nagkuwentuhan.

Dala nito ang kanyang kotse kaya sa nakisabay nalang ako. Bigla kong naisip ko si jek. Huminto kami sa tapat ng bahay nila pero sumigaw lang itong si tita lorna na kanina pa raw nakaalis ang matalik kong kaibigan. Weird.

Pagkarating na pagkarating namin sa School, inakbayan ako agad nito pagkalabas ng koste. He's all around me habang naglalakad papasok at papuntang classroom namin. Lahat ng tao ay nagulat at ang kanilang mga mata ay nakatitig sa amin ni Tyler. Bigla akong nahiya at napayuko. Pero itong si Tyler, parang feel na feel pa ang spotlight at pakaway kaway pa sa mga kakilalang nadadaanan namin. If you remember Edward Cullen and Bella, noong araw na pumasok sila sa Campus na magkasabay after aminin ang kanilang pagmamahalan, ganoon na ganoon ang eksena namin, iyon nga lang parehas kaming lalaki.  Starting from the parking lot hanggang sa hallway, lahat nakamasid at mga itsura nila ay hindi maipinta. Siguro, nagtataka ang mga ito kung bakit magkasama ang dalawang taong dati ay halos magpatayan sa asaran. May mga naririnig akong mga bulong, mga ipit na pagtawa na animo'y kinikilig o nangungutya, mga tawanan at palakpakan. I can hear my name, and so as Ty's. He held my hand as we reached the door of our classrom. The gods almost cried and this guy's could care less of what the word will say. Ako na nga talaga! "Mamatay kayo sa inggit mga putang hitad kayo!" sigaw ng kontrabida kong isipan.

Sinalubong kami nang mga tili at palakpakan mula sa aming mga kaklase. Hindi ko naisip na makakarating sa kanila ang balita nang ganito kabilis, not until I saw Joy screaming out her happiness. Sigurado ako, ito na naman ang may pakana at nagtsismis ng lahat.

Napalingon ako sa lalaking nakaupo sa sulok, si Jek. Walang reasksyon sa ingay ng mga tao at parang walang naririnig. Dali dali akong tumakbo at nilapitan ang aking matalik na kaibigan.

"uy pogi.." bati ko. Hindi ito lumingon at kunwari nagbabasa ng libro. Hinablot ko ang binabasa nito and he lifted his head but can't look straight to my eyes. He looks different. He looks sad or something.  "Anong nangyari sa bestfriend ko?" tanong ng aking isipan.  

"may problema ba?" sunod kong tanong pero kagaya nang nauna, hindi parin ito sumagot. Napahinto ako. Alam kong may mali nga. Hahawakan ko sana ang balikat nito nang biglang tumayo si jek sabay hablot ng libro mula sa aking kamay. At bago ko pa man matanong ulit ,  lumabas ito nang classroom at tumakbong palayo.  Buti nalang busy ang iba sa kaka-tsismis at hindi nila napansin ang pagwalk out ni jek.

"something wrong?" tanong sa akin ni Tyler nang mapansing naiwan akong nakatayo sa sulok, tulala. Hindi ako makasagot kasi hindi ko naman alam ang isasagot ko. "What happened to Jek? Nag away ba sila ni Joyce? Pinagdiskitahan ba siya ng mga in-laws niya?" sunod sunod na mga tanong sa aking isipan. Damn it! Ayoko nang ganito si jek.

"I dunno. Jek's not the same." sagot ko kay Tyler. 

"You want me to talk to him?" He asked. 

"No! It's okay. Nagkatampuhan lang siguro sila ng asawa niya. I'll talk to him later." 

Hanggang sa dumating na nga si Eng'r Guengco para sa una naming klase pero di parin bumabalik itong si jek. I am worried, well yeah, really worried. This is actually the first time na makita kong ganito si Jek and I can't stand it. Gusto ko itong hanapin at samahan sa kung ano mang pinagdadaanan nito.  "Jek, where the hell are you?" pabulong ko sa aking sarili.  Lagi akong napapalingon sa bintana baka sakaling dumating  si jek, pero wala! Wala kahit anino nito.

"He'll be fine.." bulong sa akin ni tyler habang busy sa pagdidiscuss itong si Sir sa harapan. Pinilit kong ngumiti.

After ng klase namin, tumayo ako agad at nagpaalam kay tyler na hahanapin ko lang ang kaibigan ko. Nag-alok itong samahan ako pero hindi nalang ako pumayag at nakiusap na antayin nalang ako dito sa classroom. Tumango naman ito at wala nang nagawa. Lumabas ako agad ng room at inikot ko ang buong campus,  pero wala paring jek akong maaninag. Pumunta ako sa tambayan namin sa ilalim ng puno, sa library, sa computer labs, sa sports center, sa labas, walang jekjek! Arrrgh! Jek asan ka na ba? Hindi ko na maiwasang magworry at malungkot.  I know there's something wrong. Sinubukan kong tawagan ang cellphone nito pero unattended. Fuck!

Hanggang sa mga sumunod na klase namin, walang jekjek na nagpakita. Buong araw na lumiban si jek at hindi nagparamdam.  Nagpahatid ako kay Tyler pagkatapos ng mga klase namin. I really want to see jek,  my bestfriend. Pumayag naman ito and drove me back home. Nasa tapat kami nang bahay nila jek nang bumaba ako agad at hinanap si jek kay tita lorna, sabi lang nito hindi pa raw nakakauwi ang aking kaibigan simula noong pumasok kaninang umaga. Hinanap ko si Joyce, ang asawa ni Jek,  pero sabi rin nito, nasa kanila pa ang mag ina at hindi umuwi kagabi. That gave me an idea na nagkatampuhan nga ang mag-asawa.

Bumalik na ako kay ty at kinuwento rito ang mga nalaman ko mula kay tita Lorna. Tyler then assured me that jek will talk to me soon, he probably just needs time to be alone. Sumang-ayon nalang ako kahit may mga tanong pang tumatakbo sa aking isipan.  Nangako kasi kami dati na walang lihiman, na lagi kami magdadamayan. But why is he facing this alone? He knows he always has me and I am all ears to whatever he wants to say. Tsk! Sinubukan ko ulit itong tawagan but his god damn phone's still fucking off. Aaargh!

Pumasok na muna kami sa loob ng bahay para magpahinga. Nasa sala kami,  nag aantay sa ano mang balita kay jek at sinasamahan si Nanay Cleng sa panunuod ng kanyang paboritong palabas.  Hanggang sa makatanggap nang tawag itong si Tyler. Tumayo ito at sinagot ang tawag.

"what?" sigaw ni  Tyler. Nagulat ako at kinabahan. Basi sa reaksyon nito, ramdam kong may masamang balita. 

"I am on my way." dugtong nito sabay baba ng phone. Nagpaalam ito na uuwi muna siya sa bahay nila sa San Fernando kasi hinimatay daw ang kanyang lola at isusugod sa hospital. Halata ko ang lungkot at kaba sa itsura nito. Niyakap ko ito nang mahigpit para pakalmahin, pansin ko kasi ang kanyang pagkataranta. 

"you want me to go with you?" tanong ko. 

"No babe. It's okay. You stay here,  so you can talk to jek when he comes back. I gotta go. I'll call you later Okay?" paalam nito sabay halik sa aking pisngi. Nagpaalam din ito kay nay cleng at sinabi ang rason ng kanyang pagmamadali. Hinatid ko ito hanggang sa gate.

"Ty, you take care okay?" paalala ko rito. Tumango ito at nagbitiw nang isang matamis na ngiti. 

He rolled down the window and I can see his lips forming the words I LOVE YOU. I didn't hear the sound of it but it touched my heart so deeply. Lumapit ako sa kotse nito at ipinasok ang aking ulo para abutin ang mga labi nito. I kissed him and he cupped my face with his two hands.

"call me as soon as you get there.." pakiusap ko. 

"I will."

At nagdrive na nga ito paalis. Pumasok na rin ako sa loob at umupo ulit sa sala para antayin si jek. Isang oras, dalawang oras, wala parin. Sinubukan ko ulit tawagan ang kanyang cellphone pero nakapatay parin. Naalala ko si Tyler, it only takes an hour for him to drive until San Fernando and he said he will call me as soon as he gets there pero wala rin akong natanggap na kahit ano mula rito. Sinubukan ko rin itong tawagan but his phone just kept on ringing and ringing. Arrrrgh! Ano bang klaseng mga lalaking ito at pinapakaba ako lagi. Tanaydana!

Umakyat na ako ng kuwarto at naligo muna. Sinubukan ko ulit tawagan itong si Tyler after ko magbihis but I just got his Voicemail.

"call me when you hear this." mensahe ko sa inbox nito. I tried to call jek too, but again, unattended. Hanggang sa makarinig ako ng doorbell, sumilip ako sa bintana nang aking kuwarto and saw jek's standing and waiting outside. Dali dali akong lumabas ng kuwarto at tamang tama naman na palabas si Nay Cleng.

"nay ako na, si jekjek po iyan." pahabol ko rito bago pa man makalabas. Tumakbo ako palabas nang bahay at pinagbuksan si jek. Oh God. He looks really different. He looks wasted. At ang dumi nang suot nitong t-shirt na parang nagpagulong gulong sa kalsada. Pumasok ito pagkabukas na pagkabukas ng gate, Walang pasabi sabi, walang Hi, walang Hello. Lasing na lasing ito at pagewang gewang maglakad. May dala pa talaga itong isang bote ng red horse. Umupo ito at sinubsob ang mukha sa mesa. Naawa ako sa itsura nito. I can feel how sad he really feels. Napapaiyak ako sa nakikita ko. Hindi ako sanay na ganito ngayon si Jekjek, ang taong naging matatag para sa akin, ang taong never akong sinukuan.


"jek..." bulong ko sabay haplos sa buhok nito. Tahimik. Ramdam ko ang bigat ng kanyang nararamdaman. Hindi ito sumagot.  Hinawakan ko ang mukha nito at ini-angat para magtagpo ang aming mga mata. His eyes are really cold and lonely.  I can see pain and heartaches.

"jek....." sunod kong bulong. 

"wala na! wala na! wala na!" paulit ulit nitong sigaw at parang bata na nagwawala at pinagsisipa ang upuan.

"anong pinagsasabi mo?" tanong ko. 

"wala na! wala na! wala na, alex" sabay inom ng alak at pagtulo nang mga luha mula sa malulungkot nitong mga mata.

"anong bang problema mo gago ka? wala ka na ng wala diyan, sabihin mo nga sakin."

"Paano na ako? Paano naman ako Alex?" 

"anong paano ka? ano ba jek? ano bang nangyayari sayo?" 

"Putang ina naman oh, nagseselos ako alex!" sigaw nito sa mukha ko.


30 comments:

  1. Argh.. alam na!
    May gusto rin siya kay Alex.
    Ang haba ng hair niya, kuya.

    Nice chapter po ;)

    ReplyDelete
  2. awwwww fck this story keeps on getting better. :)

    janjanjanpol

    ReplyDelete
  3. ahhhhhhh.. alex wawa nmn.. me anak ata asawa na kasi..
    pero sana banda sa sn.fernando c tyler kuya?? ahahaha mapunthan nga
    jokeee..hahaa

    jihi ng pampanga

    ReplyDelete
  4. hi, alex wow naman Bakit ba pag LOVE napaka complicated! pag kabiguan sabay sabay, pag siya ganun din. Hindi ba Pede ba one at a time!
    sorry ngayun lang ako nag comment. Pero silent follower mo ako.

    red 08

    ReplyDelete
  5. Oh shit! Grabe bebe.. Anung wala na? Anong dahilan bat nagseselos si jek jek ko? Ano? Sumagot bebe ko please.. Ahahaha.. Ito ka naman bebe.. Nangbibitin ka. This chapter is so WOW.. Ginulo ang nanahimik kong linggo. Luv u bebe ko.. Mwuah - red orange

    ReplyDelete
  6. I feel for Jek...I know it is really hard for him to weigh and handle everything...I know a lot of crazy things is crossing in his mind knowing what he truly feels towards his bestfriend. Haist... Ano kaya ang feeling being caught in this situation? Being madly in love with someone na hindi pwede maging kayo kasi kakataken lang niya and worse you are committed with someone else and worst it is bound with marriage and an innocent kid is involve.... Masakit for sure pero sabi nga nila hindi ka marunong magmahal kung hindi ka marunong masaktan.... Fighting Jek!!!

    Great chapter author!!!

    Cheers!!
    ~Jazzuah

    ReplyDelete
  7. Mama Mia! Ang ganda talaga ni Alex! LOL. You already got Ty and now Jek is sniffing your tail. Ipasok na rin si JM and Andrew para rambulan na. LOL. This is nice, Alex, but something's telling me how the next chapters will be. But yeah, I'll be looking forward to them of course :) -Kris

    ReplyDelete
  8. WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHH
    TOLD YOU :)
    JEK.ii PLEASE AGAWIN MO SIYA, and TYLER PLEASE WAG KANG PUMAYAG...
    " CONFUSE "
    I want both of them for ALEX, pede magshift nlng cla,
    >JEK.ii (MWF), > TYLER (TTH) ahahaha

    FUDGE author your giving me a HEADACHE...
    but i LOVE the way it feels :) yung puno ng BUTTERFLIES yung tiyan mo tapos sobrang sarap sa pakiramdam.♪♪♪♫ I JUST WANT TO FEEL THIS MOMENT

    advice lng guys PLAY nyo to para mas fun:
    TYLER SCENE-----> ALL OF ME- john legend
    JEK.ii SCENE-------> SAY SOMETHING- christina aguilera.

    I LOVE YOU AUTHOR :*

    ReplyDelete
  9. Argh! Tama ka Sir Vienne. Paktay na! Haha. Yun ung unang pumasok sa utak ko when Jek's actually ignoring calls and texts from Alex. Kinakabahan ako kay Tyler! He's not responding!

    Anyways, ganda talaga nito! Thanks a lot Sir Alex for sharing this story. Para lang akong nagbabasa sa Wattpad! Haha.

    ReplyDelete
  10. Argh! Tama ka Sir Vienne. Paktay na! Haha. Yun ung unang pumasok sa utak ko when Jek's actually ignoring calls and texts from Alex. Kinakabahan ako kay Tyler! He's not responding!

    Anyways, ganda talaga nito! Thanks a lot Sir Alex for sharing this story. Para lang akong nagbabasa sa Wattpad! Haha.

    ReplyDelete
  11. Awwttzz... Haba ng hair... Hahaha.. Kakakilig :)


    - dave

    ReplyDelete
  12. Boom! Iba talaga kapag inamin ang narramdaman kesa sa babasahin mo lang yung kinikilos ng isang tao. Thats what I realized on this chapter :)

    ReplyDelete
  13. Hi first of all im cord of bulacan kilala na ko jace ung author ng the twl anyways

    I started reading your works last week and damn you story is so good lalo na ung mga twists and turns some events were so unpredictable like may asawa na pla si jek
    Tpos ung pag lied ni ty nunh dumating unh ex ni alex and ung pagganti sbay bawi ni alex kay ty at naging sila na

    Galing mo thumbs up to you author
    Ask ko lang i was browsing your fb but i cudnt add you weh

    Bsta keep up the good work
    I am your fan now

    Nga pla i was sending email to you kaya lang nageerror i dont know y
    Hope we cud chat sa email tnx

    ReplyDelete
  14. Oh my g! Mas kinilig ako sa dulo. Nung sabihin ni jek na nagseselos sya! Waaaaaahh. Next chapter na!

    Natawa ako ng bigla na lang may sumulpot na kapampangan word na "tanaydana". Hahahaha

    -hardname-

    ReplyDelete
  15. Nice..
    Eh pano kung nagseselos pala si Jek kay Alex, hindi kay Tyler...
    Si Tyler pala gusto nya, hehe. What if?

    ReplyDelete
  16. ok lang ang magselos ka jek pero may asawa kana at anak..

    be man enough para sa kanila.. hayaan muna sila...

    haha affected lang sa story? galing..

    ReplyDelete
  17. Ohmygod! Sabi na nga, may gusto si Jek kay Alex! Matagal ko ng hinala to e! And finally, #TeamTyler na itoooo! Pero hindi pa tapos ang laban! Fighting pa rin! ~Ken

    ReplyDelete
  18. Well inlove c jek kay alex nun kea nga pangalan ng anak nyah alex eee hahaha update agad agad

    ReplyDelete
  19. W0w!! habang tumatagal lalong nagiging exciting! I cant wait for the next chapter!
    Saludo ako sa galing mo Mr author! God Bless you always!

    Ben

    ReplyDelete
  20. Ohemgeee! Charot! Sabi na nga ba meron pagtingin si jek jay lex. Tama ako author kaso bumalentong na ako from team jek to ty's camp. Grrrr. Ayaw ko bumalik sa team jek kahit gustong gusto ko.. Kaasar ka author bakit mo ginawa sa akin ito? Ang hirap ng lagay ko ah!

    Salamat ulit sa pagpapakilig sa akin lagi ;)

    -Nikolo06290

    ReplyDelete
  21. Ok... nagseselos kanino? Ung asawa ba nia may iba na? O nagseselos kay Alex? That totally complicates the situtation.

    ReplyDelete
  22. wawa naman jekjek ko...
    Speechless ako..

    Macmac

    ReplyDelete
  23. YEpCarl, pwedi ring magseselos se Jek dahil mas pinili ni Joy ang mga byenan nya. Paano na sya ngayon kung tuluyan nang mag migrate si Joy kasama si Baby Alex? Sa isang banda nag seselos si Jek dahil mabawasan na ang oras Ni Alex sa kanyan ngayong may Ty na sya. Ang hirap kaya ng magselos sa bestfriend na parang kapatid na parang lover without pagnanasa syempre.
    -maki

    ReplyDelete
  24. Replies
    1. Ikaw po ba yang nasa pic? Bakit ang gwapo at ang hot?

      Un lang! K! Thanks! Bye!

      #OutOfTopic

      -hardname-

      Delete
  25. Ang hirap ng situation ni jek kasi he's stuck up with his family. Sayang naman! Team Jek-Jek pa rin ako! Agawin mo na siya jek! pleease! :D

    ReplyDelete
  26. yeahh thats my FAVORITE part of this story nakakaKILIG na nakakaINGGIT, lols.
    anyways another Very Good xhapter kuya Ty sana pagtapoos nato ma-publish agad sa book para lagi kong mabasa. hehe.



    PS: kuya Lex pwede po ba kita maturing na kuya pls.. :D

    - Marckii

    ReplyDelete
  27. Awwwwwe. Kawawa si Jek2! Team jek2 all the way! :((((

    -Zar

    ReplyDelete
  28. Ano bang story ito? Wala akong itulak kabigin sa 2 ito... pero kungtalaga papipiliipapipiliin mo ako ng isa lang ..gusto ko ang best friend ko...
    IM JUST PUTTING MYSELF INTO ALEX SHOES.

    *** JAN ARIEZ ***

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails