Followers

Saturday, May 10, 2014

Fated Encounter 7

Unang-una sa lahat, thank you kay Mr. Michael Juha at kay Kuya Ponse sa pribilihiyong ito. Siyempre, nagpapasalamat rin ako sa sarili ko dahil kinapalan ko ang mukha ko na mag-pass dito para maibahagi ang isinulat ko. Lol xd
Pangalawa, maraming thank you sa mga readers na nagbabasa ng istoryang ito.Na sina Mr. Alfred of T.O., Jihi ng Pampanga,  Kuya Joma, RenzZ, Raffy Asuncion, Aj Antonio, Ran, Rye Evangelista, KVRT61, Bruneiyuki214, Blaze, Madztorm, Hiya, L. Nolleba, Ben, Jayver Flores, Bing at Zar. Pati rin po pala sa mga Anon na nag-comment.
Thank you po sa pagsubaybay. 
MABALOS!
Sa uulitin!


CHAPTER SEVEN 


MAAGANG NAGISING SI Nick dahil sa pagtunog ng kanyang cellphone. Unregistered caller iyon. Numero lang ang nasa screen. Agad niyang sinagot ang tawag at nalaman niya na mula sa agency iyon. Nang malaman ng nag-interview sa kanya na pamangkin siya ng may-ari ng agency at may-ari ng restaurant na inaplayan niya ay naging extra ang pagsisilbi ng mga ito sa kanya. Bagay na ayaw niyang mangyari kaya nga nag-apply siya bilang ordinaryong tao. Pero kahit na ganoon ay satisfied naman siya dahil sa sarili niyang pagsisikap nakuha ang trabaho.
            Malawak siyang napangiti nang maalala ang experience sa pag-a-apply. Nag-apply siya sa posisyon na waiter sa restaurant ng tito niya. He was glad that at last his vacation will be productive. Kapag nagustuhan niya ang pagtatrabaho sa restaurant ay baka magtuloy-tuloy na siya doon para makakuha ng experience at tips mula sa tito niya para sa pagtayo niya ng sariling restaurant.
            Nagmamadali siyang naligo. Pagkatapos ay pumili ng damit na presentable. Kahit na kamag-anak niya ang mag-i-interview sa kanya ay kailangan pa rin niyang magpa-impress. Pagkatapos niyang mag-ayos at suotin ang eyeglasses niya ay agad siyang lumabas ng kwarto niya. Naabutan niya ang dalawang kambal na lalaking kapatid na nanonood ng morning news.
            "Ang gwapo mo kuya, ah. Saan ang lakad natin?" Ang sabi ni Nico nang makita siya.
            Nginitian niya ito. "Matagal na akong gwapo, Nico," pagbibiro niya kahit na may katotohanan iyon.
            "Humangin." Magkasabay na sabi ng dalawa.
            Tinawanan na lamang niya ang mga ito. "Ano ang agahan?"
            "Hindi namin alam. Dumiretso ka na lang sa kusina," sagot ni Mico.
            Iyon nga ang ginawa niya. Nagpaalam muna siya sa dalawa bago magtungo sa dining area. Naabutan niyang nag-aagahan ang kanyang magulang. Lumapit siya sa mga ito at binigyan ang mga ito ng halik sa pisngi. "Goodmorning, `Ma, `Pa."
            "Ang aga mo naman yatang nakabihis, Nichollo. May pupuntahan ka ba?" tanong ng papa niya.
            Umupo muna siya sa kanyang pwesto bago sumagot. "Pupunta po ako sa bahay ni Tito Enrico, `Pa, para sa final interview ko," imporma niya sa mga ito sabay tingin.
            Halata ang pagkagulat sa mukha ng mga ito. Walang alam ang mga ito sa pinagagawa niya dahil hindi niya iyon sinabi sa mga ito. Alam niya kasi na kapag sinabi niya sa mga itong nag-apply siya sa restaurant ng Tito Enrico niya ay hindi siya dadaan sa mga proseso na dinaraanan ng karaniwang naghahanap ng trabaho. Alam niyang isusubo na naman ng mga ito sa kanya iyon na laging ginagawa ng mga ito.
            "Bakit hindi mo sinabi sa `min, Nichollo?" Ang agad na tanong ng mama niya.
            "You know the answer, `Ma," matipid niyang sagot.
            "Masama bang gawin naming magaan ang buhay mo anak? Alam mo na ayaw ka naming nahihirapan." This time ang papa naman niya ang nagsalita.
            "It's okay to me na mahirapan, papa. Gusto kong ma-experience ang buhay ng may paghihirap. Hindi po masama na pagaanin n'yo ang buhay ko pero pakiramdam ko kasi ay sobra naman `ata ang pampering na ginagawa n'yo sa `kin. I'm already twenty one and I think I'm mature enough to make my own decision."
            Bumuntung-hininga ang papa niya. Ang mama naman niya ay may namumuong luha sa sulok ng mata. Bigla siyang kinabahan.
            "Binata ka na talaga anak. Don't worry, Nichollo, we understand. Your mother and I will support your decision."
            Nakahinga siya nang maluwang. Ang akala niya ay kokontra ang mga ito o kaya ay papagalitan siya sa ginawa niya.
            "Mag-iingat ka lang. Kapag may nang-api sa `yo doon sabihin mo sa `kin at kakastiguhin ko," anang mama niya na ikinatawa na lamang nila ng papa niya.
            Their breakfast went smoothly. Pagkatapos niyang kumain ay nagpahinga muna siya ng matagal saka nagpaalam sa magulang niya. Inabot pala siya ng tanghali sa kakapanood ng programa sa telebisyon. Sayang lang ang paggising niya nang maaga. Napailing na lang siya.  Walking distance lang naman ang distansya ng bahay nila sa bahay ng tito niya kaya maglalakad na lang siya. They were living in the same subdivision. Iyon nga lang ay magkaiba ng street. Habang naglalakad papunta sa bahay ng tito niya ay ay kinuha niya ang cellphone niya sa kanyang bulsa. He dialled Vin's number. Tinawagan niya ito kanina kaso ay hindi nito sinagot. Kahapon lang niya ito nakilala pero at ease na agad siya dito. Sa kadaldalan nito kahapon ay napawi ang uneasiness na nadarama niya. He was also proud of Vin telling him what his prefence was. Simpleng 'okay' at 'walang masama sa pagiging bakla' ang tanging nasabi lamang niya nang sabihin nito iyon. Kung sana ay katulad rin siya ni Vin na katapang na sabihin kung ano ang pagkatao pero hindi. Isa siyang discreet bisexual at tanging ang dalawang pinsan lamang ang nakakalam ng sekreto niyang iyon. Wala ng iba pa.
             Napangiti siya nang marinig niya ang pag-ring ng cellphone ni Vin at kasunod ang boses nito.
            "Hello Nick! Napatawag ka?" Masiglang bati nito sa kanya.
            "Mangungumusta lang, Vin. Saka hindi mo rin kasi sinagot ang tawag ko kanina, eh."
            "Okay lang ako. Pasensya ka na. Tulog pa kasi ako kaya hindi ko nasagot tawag mo. Ikaw? Kumusta ka na?"
            "Okay lang. `Yon lang naman ang sadya ko," aniya, saka tumawa. "Wala na akong ibang sasabihin sa `yo. I-end call mo na lang. Ikaw na muna ang magbaba ng tawag bago ako."
            "Naks! Gentleman lang ang peg mo, Nick. Sige, paalam na. Ingat ka palagi at ingat rin sila sa `yo." Napatawa siya nang malutong sa sinabi nito. Tinapos nito ang tawag. Kahit na tapos na ang pag-uusap nila ay natatawa pa rin siya. It's really good to start his morning with a smile. Mali, afternoon na pala.
            Nang nasa harap na siya ng malaking bahay ng Tito Enrico niya ay nag-doorbell siya. Agad naman na binuksan iyon ng gwardiya. Tumambad sa kanya ang isang katulong ng nasa pintuan na siya. Malapit siya sa mga ito kaya sinamahan siya na magpunta sa dining area. Nandoon daw ang tito niya kasama ang dalawa niyang pinsan at bisita ni Johanson. Nagulat siya sa sinabi nito dahil unang pagkakataon na nagdala ng isang kaibigan si Joen sa bahay ng mga ito. Kadalasan kasi ay ito ang pumupunta sa bahay ng isang kaibigan at doon na nagpapalipas ng gabi dahil sa pagrerebelde nito. Nakadama siya ng excitement na makita ang kaibigan na sinasabi ng katulong lalo na at sinabi nitong cute iyon. Agad kasing pumasok sa isip niya ang mukha ni Vin.
            Nang makarating sila sa dining area ng katulong ay agad niyang nakita ang dalawang pinsan. Nasa gitna ng mga ito ang isang lalaki. Maliit ito at walang panama sa height ng dalawa niyang pinsan. Sa tingin niya ay nasa five feet at five inches ang height ng lalaki. Hindi niya pa nakikita ang mukha nito dahil nakatalikod ito sa kanya. Nang makalapit siya sa mga ito at ang katulong ay nagulat siya nang makita kung sino ang lalaking iyon. Ang lalaking kausap niya kanina sa cellphone. Ang lalaking nasa isipan niya kani-kanina lang. Ang lalaking kahapon lamang niya nakilala.
             Si Vinnezer!
            Lumampas ang tingin niya dito at napunta iyon sa mga pagkain na nakahain sa mesa. Agad siyang natakam at nakadama ng gutom. Imbes na lumapit sa mga ito ay hindi niya ginawa. Diretso siyang nagtungo sa mesa at agad na umupo. Kumuha siya ng ulam at kanin at inilagay iyon sa plato niya. Gutom na siya. Mamaya na lamang niya kakausapin ang mga pinsan niya especially si Vin.


NAIILANG ang nararamdaman ni Vin habang kasalo sa hapag ang tatlong lalaki na kahapon lang niya nakilala. Sinong mag-aakala na ang tatlong lalaki na nakilala niya kahapon ay magpi-pinsan pala? What a coincidence! Dapat ay matuwa siya o kaya ay magsaya dahil napapaligiran siya ng tatlong lalaki na pulos gwapo. Mga walang tulak kabigin na kagwapuhan pero kabaliktaran ang nararamdaman niya. Pamasid-masid lamang ang ginagawa niya. Ngumingiti kapag nginingitian. Sumasagot kapag kinakausap. Hindi niya alam kung ano ang dapat iakto sa harap ng tatlo. Si Joen at si Mack ay nagpapalitan ng matalim na titig. Alam niyang hindi pa tapos ang verbal argument sa pagitan ng mga ito. Si Nick naman ay pangiti-ngiti lamang at patingin-tingin sa kanya. Hindi ito lumapit sa kanya kanina na tila hindi siya kilala pero nasa mukha naman nito ang rekognisyon. Dumiretso ito sa hapag at umupo doon. Kumain na parang gutom na gutom.
            Napansin niya na wala na pala siyang ulam. Malayo sa kanya ang kinalalagyan ng pork adobo. Malapit iyon kay Nick. Napansin rin siguro nito na wala na siyang ulam. Ito na ang kusang nag-abot sa kanya niyon.
            "Kumain ka pa Vin. Kuha ka lang ng ulam," sabi nito na kumuha sa atensyon ng dalawa nilang kasalo.
            Napatingin siya kay Joen sunod kay Mack. Nagtatanong ang tingin ni Mack. Napakunot-noo naman si Joen. Isa lang ang pagkakapareho ng reaksyon ng mga ito: Naghihintay ng sagot kung bakit siya kilala ni Nick.
            "Salamat, Nick," nahihiya niyang sabi.
            Napansin siguro ni Nick ang nagtatanong na tingin ng dalawa sa kanya. Ito na ang sumagot. "Siyanga pala mga pinsan. Si Vinnezer at ako ay magkakilala at magkaibigan na rin. Kasabay ko siya kahapon habang naghihintay kami ng turn namin sa interview."
            "Bakit hindi mo sa `min sinabi, Nichollo?" Tanong ni Mack.
            Cool na sumagot si Nick. "Hindi naman kayo nagtanong, eh."
            "Kaya ba hindi ka nag-abala na magpakilala sa kanya kanina dahil doon? Sa tingin ko dapat magpaliwanag kayo sa `min na dalawa ni Joen."
            Kumunot ang noo ni Nick sa sinabi ni Mack. Si Joen naman ay tahimik lamang pero halata sa mukha nito ang curiousity.
            "Why are you making a big fuss about it, Mack Dwayne? Sa palagay ko ay hindi namin kailangang magpaliwanag ng kung ano sa inyo ni Joen, lalo na sa `yo. Besides I already answered your questioning look earlier."
            "Kahit na. Kailangan n'yo pa rin magpaliwanag." Ang giit pa rin ni Mack.
            Medyo kinakabahan na siya sa pag-uusap ng dalawa. Ang tingin niya tuloy sa nangyayari ay para siyang bata na nahuli ng magulang na nagtatago ng kendi sa ilalim ng unan kahit matutulog na. O kaya naman ay isang teenager na babae na nahuli ng tatay na nakiki-pag-date sa boyfriend sa plaza. Bakit ba kasi big deal iyon kay Mack? Si Joen ay hindi naman nagsasalita ngunit ang tingin na ibinibigay naman nito sa kanya ay nakakatakot.
            Nagdesisyon siyang magsalita na rin. "Gaya nga ng sinabi ni Nick, magkakilala at magkaibigan kaming dalawa. Katulad n'yo, nakilala ko rin siya kahapon. Siya `yong kausap ko habang naghihintay kami ng turn namin sa interview. Before meeting you two nauna si Nick."
            "Iyon lang ba `yon?" Naniniyak na tanong ni Joen. At last nagsalita ang kumag. Hindi na nakakatakot ang tingin na ibinibigay nito sa kanya. Ewan ba naman niya sa sarili kung bakit siya naaapektuhan sa titig nito. Dahil dito kaya siya nagsalita.
            "Iyon lang `yon."
            "Akala ko kasi may itinatago kayo sa `min," ani Mack.
            Maya-maya ay natigilan siya ng may ma-realize. Napakunot ang noo niya. Iniisip ba ng dalawang ito na may relasyon sila ni Nick? Si Nick at Mack ba ang sinabi ni Joen sa kanya na pinsan nito na bisexual?
            "Teka. Kaya ba ganoon na lang ang reaksyon niyo dahil iniisip n'yo na may relasyon kami ni Nick?" Walang prenong tanong niya.
            Nag-iwas ng tingin ang mga ito. Napangiti naman si Nick.
            "Bakit may masama ba kung may relasyon tayo? Ikinakahiya mo ba ako, Vin?" Tila nagtatampong sabi ni Nick.
            Tameme siya sa sinabi nito. Nabilaukan naman si Joen.
            "What?! May relasyon nga kayo?"
            "Oo." Agad na sang-ayon ni Nick.
            Tiningnan niya ng masama si Nick. Hindi nito iyon pinansin, ngumiti pa ito ng malawak. Bibilib na sana siya sa galing nitong umarte kung hindi lang siya ang isa sa mapapahamak. "Ang totoo ay three days na kami. Gusto ni Vin na maging sekreto ang relasyon namin kaso mapilit kayo kaya umamin na ko." Tumingin sa kanya si Nick. Tila sising-sisi. "I'm sorry Vin kung sinabi ko sa kanila ang totoo. I just can't help it."
            "I don't believe you," sabi ni Joen.
            "At bakit naman Joen?"
            "Basta. Hindi ako naniniwala sa `yo." Ang sabi ni Joen.
            Hindi na siya nakatiis. Nanggigigil siya sa kasinungalingan ni Nick. Alam niyang hindi maniniwala si Joen dahil sa sinabi niya dito n'ung nag-away silang dalawa at kaninang sa kwarto sila nito..
            Tumayo siya. "Excuse me!" Malakas niyang sabi. Pumunta siya sa kinauupuan ni Nick at hinila itong patayo. Bumaling siya sa nagtatakang si Joen at Mack. "Excuse me sa inyong dalawa, ah. Kakausapin ko lang ang 'boyfriend' ko," sabi niya na pinag-diinan ang salitang 'boyfriend'. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay nito at hila-hilang lumabas sila sa dining area. Huminto siya nang masigurado niyang malayo na sila sa kinaroroonan ng dalawa.
            Humalukipkip siya at masama itong tiningnan. "Baliw ka ba?" Naaasar na tanong niya rito. "Bakit mo sinabi ang mga ganoon sa harap ng mga pinsan mo?"
            Imbes na sumagot ay ngumiti ito at lumapit sa kanya. Kinurot nito ang magkabila niyang pisngi. "Ang cute mo. Alam mo ba `yon?"
            Tinabig niya ang kamay nito. Ang buong akala niya ay seryoso at tahimik ito gaya ng pinapakita nito kahapon ngunit hindi pala. Katulad ni Joen ay mapagbiro rin ito at mukhang mas malala ito sa lalaki. Nang hindi pa ito sumagot ay sinipa niya ito sa binti.
            Napahiyaw ito. "Aray! Ouch! Bakit mo ginawa iyon?" anito habang sapo ang nasaktang binti.
            "Nagtatanong ka pa!" He sarcastically replied. "Umayos ka nga Nichollo. Hindi nakakatuwa ang ginawa mo. Nakakabwisit iyon. Bakit mo ba pinalabas na may relasyon tayo? Ano bang naisip mo at sinabi mong mga iyon?"
            Nawala ang ngiti sa labi ni Nick. Sumeryoso ito. He also adjusted his eyeglasses and after that he looked intently at him. Hindi naman ito nagsasalita.
            "A-ano na?" Untag niya. May kaba. Pilit niyang sinalubong ang titig nito ngunit hindi niya kaya. Nag-iwas siya ng tingin.
            "Well," umpisa nito. "Wala naman akong naiisip kanina. Gusto ko lang mang-asar. Gusto ko rin na makita ang reaksyon mo at ng mga pinsan ko. By the way, Vin, katulad ako ni Mack. I'm also a bisexual but a discreet one. Si Mack at Joen lang ang nakakaalam ng gender preference ko at ikaw na rin."
            Just as he figured out. Si Nick at si Mack ang sinasabi ni Joen na pinsan nito na mga bisexual.
            Tinaasan niya ito ng kilay. "Pakialam ko ba." Pagtataray niya. "Ano ngayon ang nakuha mong reaksyon? Satisfied ka ba?"
            Mabilis itong tumango. Inirapan niya ito at iniwanan. Tinawag nito ang pangalan niya ngunit hindi na niya ito pinansin. Imbes na dumiretso siya sa dining area ay dumiretso siya sa kwarto ni Joen para kunin ang gamit niya. Hindi na siya babalik doon. Uuwi na siya. Nang makuha niya ang pakay ay agad siyang lumabas ng kwarto at nagtungo sa library para magpaalam kay Tito Enrico. Kumatok siya ng tatlong beses sa pintuan ng library room. Nang marinig niya ang 'come in' ay agad niyang pinihit ang seradura at pumasok.
            "Anong kailangan mo Vinnezer?" Nakangiting tanong nito.
            "Magpapaalam po ako na uuwi na."
            "Nag-lunch ka na ba?"
            Tumango siya. "Opo."
            "Ipapahatid na kita kay Jojo." Alok nito.
            Agad siyang umiling. "`Wag na po, kaya ko na pong umuwi ng mag-isa. Salamat na lang po."
            "Sige. Ikaw ang bahala. Mag-iingat ka, Vin. Siyanga pala, makakasama mo sa restaurant ang anak ko at si Nick."
            Lihim siyang napangiwi sa sinabi nito. Mukhang kailangan niyang paghandaan ang paparating na araw lalo na ang pagpasok niya sa restaurant. Kailangan niyang ihanda ang sarili sa mga biro ni Joen at ni Nick. At higit sa lahat kailangan niyang ihanda ang sarili at gwardiyahan ang puso niya sa pagkahulog kay Joen.

"ANONG PINAG-USAPAN N'YO?" Ang bungad na tanong ni Joen kay Nick nang pumasok ito sa dining area. Hindi nito kasama si Vin. Magtatanong sana siya kung nasaan si Vin ngunit pinigilan niya ang sarili. Alam niya kasi na kapag ginawa niya iyon ay aasarin lamang siya ng mga ito lalo na si Mack na simula pa noong mga bata sila ay kalaban na niya sa lahat ng bagay. Nabuo ang rivalry nilang dalawa ng pinsan ng minsan siyang i-pair up dito sa isang activity sa school. Mula noon ay lagi na silang nagpapataasan sa mga bagay-bagay. Kaya nga naaasar siya nang sabihin nito na nauna nitong nakilala si Vin kaysa sa kanya. At idagdag pa sa pagka-asar niya na pati si Nick ay nakilala rin kahapon si Vin. Kung sa dalawa ay maganda ang naging encounter ng mga ito sa kanya ay hindi.
            Nang sabihin kanina ni Nick na may relasyon ito kay Vin ay mahigpit na tumutol ang kalooban niya lalo na ang puso niya. Pagtutol na alam niya kung ano ang dahilan at kung saan nanggaling. It was confusing that he felt this kind of feeling toward Vin but he accepted it wholeheartedly. Alam niya kung ano siya ngunit kung magiging iba man siya dahil kay Vin ay okay lang sa kanya. Ang malaki lang niyang problema ay kung paano iyon masasabi kay Vin pagkatapos niyang sabihin dito na para lamang siya sa babae.
            "Tungkol sa relasyon namin." Ang cool na sagot ni Nick na nagpabalik sa diwa niya.
            Magsasalita sana siya nang maunahan siya ni Mack. "Stop it Nichollo. Hindi ka nakakatuwa." Ang naiiritang saway ni Mack dito.
            Tila hindi naman ito naapektuhan. Ngumiti pa ito na parang tanga. "I'm inlove mga pinsan. Bakit ako titigil sa nararamdaman ko? Ang cute ng boyfriend ko, noh? He is perfect in his own beautiful way."
            Sumang-ayon siya sa isip sa sinabi nito. Yeah, Vin is perfect. Pero grabe ang pagpipigil niya na huwag mabulyawan si Nick sa mga sinasabi nito. Nagseselos siya at gusto niya ay siya lang. Alam niya at naniniwala siya na walang relasyon ang dalawa dahil sa sinabi ni Vin sa kanya na hindi ito kukuha ng bato na ipupokpok sa ulo nito. Oo, parte ng third sex si Vin ngunit iba ito sa typical na katulad nito na gagawin ang lahat para lamang sa boyfriend nito.
            "Shut up Nichollo!" Nanggigigil na saway ulit dito ni Mack.
            "Tigilan mo na siya Mack," aniya. "Kahit isang araw ko pa lang nakakasama si Vin ay kilala ko na siya. Hayaan mo si Nick sa pantasya niya. Kilala ko si Vin, kahit na parte siya ng third sex katulad niyong dalawa ay hindi siya basta pumapatol kung kani-kanino lang."
            "Ouch. That's hurt, Johanson Enrique," nang-aasar na sabi nito at hinawakan pa ang kaliwang dibdib na tila nasaktan sa sinabi niya. "Ang harsh mo magsalita Enrique. I'm your cousin and I'm not a just. I'm maybe a discreet bisexual but you two knew me. When I'm into someone I'll do everything just to get it. And this time ay ang person of interest ko ay si Vin. I'll do everything just to get him." Ang seryosong sabi nito. Bumaling ito sa kanya. "Sa ating tatlo ikaw lang ang straight, Johanson. Nakakapanibago na ipinagtatanggol mo si Vin, ang mga katulad niya. `Di ba slight homophobic ka? Anyare?"
            "May point si Nick. Nakakapanibago na sinabi mo ang mga iyon Johanson. May sakit ka ba o nausog ka lang?" Ang pagsang-ayon ni Mack. Minura niya ang mga ito. Minura niya ang sarili. Bakit ba kasi nagsalita pa siya? Tuloy ngayon ay pinagkakaisahan siya ng dalawa.
            "Katulad ka na rin ba namin ni Mack, Joen?"
            Tiningnan niya ng masama si Nick. For now, he'll deny what he really feel. Kung ipapakita man niya ang nararamdaman niya ay kay Vin at hindi sa mga ito. "Tigilan mo nga ako Nichollo. Kaibigan ko si Vin kaya ipinagtatanggol ko siya sa inyo. At katulad nga ng sinabi ko kanina, iba si Vin."
            "At paano mo naman nasabi `yon?" Tanong ni Mack.
            Nagdesisyon siyang ikwento sa mga ito ang encounter nila ni Vin. Ang not-so-good first encounter nila.
            "Ang galing ni Vin. May katapat na pala ang kabalastugan mo pinsan. Sa mga kinwento mo ay mas lalo akong nagkakagusto sa kanya. He's awesome even he's much smaller than you nagawa niya iyon."
            Sang-ayon siya sa sinabi ni Nick. Sa tangkad niya ay nakaya siya ni Vin na sabunutan at hindi makaganti dito.
            "Sa mga narinig ko mula sa `yo mas lalo akong naging interesado kay Vin." Ang sabi ni Mack.
            "`Wag ka nga Mack Dwayne. Kagagaling mo pa lang sa break-up. Pahingahin mo naman ang puso mo." Ang saway dito ni Nick.
            Hindi nagsalita si Mack. Tila nahulog ito sa malalim na pag-iisip. Maya-maya ay nagsalita ito. "Kagagaling ko pa nga lang sa break-up pero hindi iyon dahilan para hindi ako maging interesado kay Vin. He's cute and fun to be with. Walang dull moment kapag kasama siya."
            "Tama ka d'un. Ang saya niyang kasama at lagi akong nakangiti kapag nasa tabi ko siya," pagsang-ayon ni Nick.
            Gusto sana niyang sang-ayunan ang mga sinabi ng mga ito ngunit pinigilan niya ang sarili. Sa loob-loob niya ay ito. He's really fun to be with. Because of him I'm happy. Kahit na iba ang preference niya ay gusto at mahal ko siya.
            "Nakabuo na ako ng desisyon," anunsyo ni Mack.
            Napatingin siya dito. "Anong desisyon?"
            "Papasok rin ako sa restaurant. Apat na waiter ang kailangan, `di ba?" Tumango siya. "Then I'll be the fourth one. I'm gonna take this chance to be with him, too."
            "That's fun," ani Nick.
            Umiling-iling siya. Hindi siya natutuwa sa nangyayari.
            Tumayo si Mack kasunod si Nick.
            "Saan kayong dalawa pupunta?" Nagtatakang tanong niya sa mga ito.
            "Sa library. Kakausapin ko si Tito. Sasabihin ko sa kanya na papasok rin ako sa restaurant n'yo."
            Bumaling siya kay Nick. "Ikaw?"
            "Sa banyo iihi ako."
            Nang makaalis ang mga ito ay tumayo siya. Naglakad-lakad. Pabalik-balik. Bumangon ang kaba sa dibdib niya. Nalintikan na! May kaagaw na agad siya kay Vin at ang dalawang pinsan pa niya. Kahit na malapit silang tatlo at minsan ay nagbabangayan ay ayaw niyang makasama ang mga ito. Ayaw niyang may kaagaw siya sa atensyon ni Vin.
            Nagdesisyon siyang lumabas para makasagap ng sariwang hangin. Kailangan niyang mag-isip ng matino. Kailangan niyang mag-isip kung paano mailalayo ang dalawang kumag niyang pinsan kay Vin. Dapat siguro ay lagi niya itong bakuran sa hindi mahahalatang paraan.    
            Maya-maya ay nakita niya ang lalaking nagpapagulo sa isip niya lalo na sa puso niya. Palinga-linga ito sa paligid na parang may hinahanap. Nang makasalubong nito si Aling Mercy ay pansamantalang nag-usap ang mga ito. Napangiti siya sa mga ekspresyon ng mukha ni Vin. Cute. Pagkatapos mag-usap ng mga ito ay magkasabay naglakad ang mga ito patungo sa gate. Dali-dali siyang pumunta sa mga ito nang maisip niya ang plano ni Vin. mukhang aalis ito ng hindi nagpapaalam sa kanya.


PAGKATAPOS MAKAUSAP ni Vin si Tito Enrico ay agad niyang hinanap ang daan palabas sa malaking bahay ng mga Castillo. Nagpasya na siyang agad na umuwi at huwag nang magpaalam kay Joen kahit dilat na dilat ang mata niya na si Joen ang host niya. Ang iniisip na lang niya ay nagpaalam naman siya sa may-ari ng bahay.
            Nang makalabas ng malaking bahay ay palinga-linga siya sa paligid. Naninigurado siya na wala ang tatlong lalaki sa daraanan niya. Nang dumaan siya kasi kanina sa dining area ay wala na ang tatlong lalaki doon. Baka kasi nagkalat ang mga ito sa malaking bahay kahit duda siya na makakasalubong niya ang mga ito. Kailangan niyang manigurado. Nang masigurado niya na wala ang mga ito ay nagpatuloy siya sa paglalakad. Nakasalubong niya ang isang katulong. Sa tantiya niya ay naglalaro sa pagitan ng thirty at forty ang edad nito. Nginitian niya ito.
            "Magandang tanghali po," magalang niyang bati dito.
            Gumanti ito ng ngiti saka siya binati. "Magandang tanghali din po sir. Mercy po pala ang pangalan ko."
            Bigla siyang nahiya sa pagbati nito sa kanya ng 'sir'. Hindi siya sanay. "Vin na lang po ang itawag n'yo sa `kin. Hindi n'yo po ako sir. Pareho po tayong empleyado ng amo natin."
            Lumuwang ang pagkakangiti nito. "Kung `yon ang gusto niyo. Uuwi na ba kayo?"
            Tumango siya. "Opo. Nagpaalam na po ako kay Tito Enrico pati sa tatlo." Ang pagsisinungaling niya.
            "Ganoon ba. Hindi ka ba magpapahatid kay Jojo?"
            "Hindi na po. Maglalakad na lang po ako pagkatapos ay sasakay na lang ng jeep."
            "Kung ganoon ihahatid na kita palabas ng bahay."
            Agad siyang sumang-ayon. Mabuti at nag-volunteer ito na ihatid siya dahil nahihirapan siya na hanapin ang palabas ng bahay. Magkaagapay silang naglakad patungo sa labasan ng bahay. Nakikita na niya ang malaking gate ng bahay. Malapit na sila doon nang makarinig sila ng ugong ng motorsiklo. Napahinto sila. Napatingin sa pinanggalingan ng ingay. Sakay ng motorsiklo si Joen at patungo sa kinatatayuan nila. Natuon ang mata niya dito. Bakit ba ang gwapo ng lalaking ito? Walang itatapon kahit na nakakunot ang noo.
            Inihinto nito ang motorsiklo sa harapan nila ni Aling Mercy. "Saan ka pupunta Vinnezer?"
            "Uuwi na, bakit?" Matapang niyang sagot kahit na kinakabahan siya. Kapag nagsalita pa ito ay tiyak niyang mabubuko siya ni Aling Mercy sa pagsisinungaling niya dito.
            "Uuwi nang hindi nagpapaalam?" Bumaling ito kay Aling Mercy. Ramdam niya ang biglang pangingilag ng katulong sa uri ng tingin na ibinibigay ni Joen dito.
            "Walang alam si Aling Mercy dito. Nagsinungaling ako sa kanya na nagpaalam ako sa `yo kahit na hindi."
            Bakit ba kasi hindi siya nag-iisip? Bakit ba hindi niya naisip na mahuhuli siya ni Joen? At sa pagsisinungaling niya kay Aling Mercy ay pwedeng manganib ang trabaho nito.
            "Makaka-alis ka na Aling Mercy. Mag-uusap pa kami ng bisita ko. `Wag po kayong mag-alala wala po akong gagawin sa trabaho niyo."
            "Salamat, sir," sagot ni Aling mercy na parang nakahinga nang maluwag. Pagkatapos ay agad din itong umalis.
            "Ano ang pag-uusapan natin?" Ang agad niyang tanong kay Joen nang bumaling ito sa kanya.
            "Ang attitude mo," agad na sabi nito.
            "Anong problema mo sa attitude ko?"
            "Marami. Baka kapag inisa-isa ko iyon ay abutin tayo ng hapon dito sa bahay. Pero ang pnaka-una doon ay ang pagiging disrespectful mo. Pangalawa, ang katarayan mo. Alam mo bang pagiging 'disrespectful' ang gagawin mong pag-alis ng hindi nagpapaalam sa `kin? Ako ang nagyaya sa `yo dito sa bahay, guest kita at host mo ako pero ganoon ang ginawa mo. Hindi ka ba nag-aral ng GMRC sa school mo dati? At kung pwede lang, ang katarayan mo pwede bang bagu-baguhin mo? Mas maarte ka pa sa babaeng kilala ko."
            Speechless. Tameme. Hindi nakapag-salita.
            Natamaan siya nag malubha sa mga sinabi nito. Nakadama siya ng pinong kurot sa puso niya pati sa kanyang konsensya. Lahat ng sinabi ni Joen ay totoo. Talagang disrespectful siya. Alam niyang mataray at masungit talaga siya. Iyon kasi ang kadalasan na reklamo ng taong malapit sa kanya. Sa mga sinabi ni Joen ay tila nagising siya. Wala siyang maisagot sa mga sinabi nito dahil totoo ang lahat ng iyon. Sapul na sapol siya.
            "Pa-pasensya na," nahihiyang sabi niya. Napayuko siya. "Ipapaalam ko lang sa `yo na hindi nga ako nagpaalam sa `yo pero nagpaalam naman ako sa daddy mo." Nasabi na lamang niya iyon para kahit papaano ay mabawasan ang guilty feeling niya.
            Hindi ito nagsalita . Sa halip ay inabot nito sa kanya ang isang helmet.        
            "Ano `yan?" Wala sa sariling tanong niya.
            He heard him chuckled. "Helmet, I guess?"
            Nagtaas siya ng tingin . Sinalubong siya ng maaliwalas nitong mukha. Good mood na ang loko. May naglalarong ngiti sa labi nito.
            Inirapan niya ito ng ma-realize niya na pinagtatawanan nito ang tanong niya.
            "Alam kong helmet ito. Ang tanong ko ay bakit mo ako binibigyan niyan?"
            "Nagtataray ka na naman. Malamang binibigyan kita ng helmet para isuot mo. Ihahatid na kita kung hindi mo pa naiisip iyon. Bawas-bawasan mo nga ang pagiging masungit. Mas lalo kang nagiging pangit." Pagbibiro nito.
            "HIndi ako pangit, noh! Kasasabi mo pa lang kagabi sa `kin na cute ako. Dalawang beses iyon kung nakakalimutan mo. Umayos ka kung hindi sasampalin kita."
            "Never na akong magpapasampal sa `yo, Vinnezer. Kunin mo na nga `tong helmet. Masyado kang madada."
            Inabot niya ang helmet saka isinuot sa ulo niya. Bumaba ito sa motor at binuksan ang malaking gate kahit na nandoon na ang guard. Muli niyang inalis ang helmet at sinundan ito ng tingin. Bumangon ang paghanga niya para dito. Mabait ang lalaking ito. Good looking pa. Adik nga lang minsan.  
            Kung hindi siya mabait sa tingin mo tutulungan ka niya kanina na makalabas ng presinto? Kung hindi siya mabait sa tingin mo tutulungan ka niya na agad nang makapasok sa trabaho? Kung hindi siya mabait sa tingin mo magkakagusto ka sa kanya? Nag-umpisa lang kayo sa hindi mabuting paraan pero mabait siya. Gusto mo nga siya, hindi ba? At kahit na ano pa siya ay komportable ka sa kanya. Pakiramdam mo ay nasa maayos ka na kalagayan kapag kasama mo siya.
            Hindi ko siya nagustuhan dahil mabait siya. Nagustuhan ko siya dahil.. Hindi ko alam. Basta gusto ko siya pero wala namang mangyayari sa nadarama ko sa kanya dahil lalaki siya. Straight. At nagmula na mismo sa bibig ni Joen na para lamang sa babae ito. Wala siyang pag-asa. At kung may pag-asa man ako sa kanya sa tingin mo isusulong ko itong nadarama ko? I am not perfect. There's a big secret, a dark secret to be exact lying inside me. Isang sekreto na pilit niyang kinakalimutan ngunit kahit na ano ang gawin niya ay patuloy na mapapanaginipan at magiging bahagi ng buhay niya, kung anuman ako ngayon at sa pagdating ng panahon. Hindi na iyon mabubura sa sistema ko.
            Nagising siya sa pakikipag-usap sa kanyang sarili nang pitikin ni Joen
ang noo niya. Napatingin siya dito sabay sapo sa nasaktang noo.
            "Tulala ka na?" Nakangising sabi nito.
            "Pakialam mo ba," pagsusungit niya.
            Umiling-iling ito. "Isuot mo na `yan na helmet," utos nito sa kanya habang isinusuot ang helmet nito. Nang maisuot na ang helmet ay agad itong sumakay sa motor. Akmang sasakay na siya nang pigilan siya nito.
            "Bakit?"
            "Pwedeng ikaw na ang magsara ng gate. Sa labas ka na lang sumakay."
            Hindi na siya kumontra pa. Sinunod niya ang utos nito.
            Nang makalabas ang motorsiklo ay isinara niya ang gate. Nginitian niya ang guard na ginantihan naman nito.
            "Sumakay ka na. Nagpapa-cute pa," naiiritang sabi ni Joen.
            "Nakikingitian lang. Agad-agad nagpa-pa-cute?" Sagot niya dito saka isinuot ang helmet at sumakay sa motor.
            "Humawak ka ng mabuti. Aalis na tayo." utos nito.
            Iyon ang ginawa niya.

TINANGGAL NI Vin ang suot na helmet saka ibinigay iyon kay Joen. Madali silang nakarating sa bahay nila dahil sa mabilis na pagpapatakbo nito. Para lang silang nakipa-karera sa ginawa nito. Kahit na nakababa na siya ng motor pakiramdam niya ay nakasakay pa rin siya doon.  
            "Adik kang lalaki ka!" Asik niya dito. "Kung magpapakamatay ka bakit isinama mo pa ako?" Pagkasabi niyon ay agad niyang tinalikuran ito.
            Tumawa lang ito saka bumaba sa sasakyan. "Nerbiyoso ka pala."
            "Bwisit ka! Iyon ang sabihin mo."
            "Uy, hindi ka pa nagpapasalamat sa `kin. Talagang pinapanindigan mo ang pagiging 'disrespectful' mo. Dadagdagan mo pa ng 'walang utang na loob'," sabi nito na pinagdiinan pa ang disrespectful at walang utang na loob.
            Huminto siya at humarap dito. Binalikan niya ito. Prente na itong nakasandal sa motorsiklo nito.
            "Salamat, ah. Salamat sa paghatid sa `kin." Sarcastic na sabi niya.
            "Labas sa ilong," anito. "Nagpasalamat ka nga sarcastic naman. Grabe! Iba ka talaga. Disrespectful, walang utang na loob, maarte," sunod-sunod na sabi nito. "Ang dami ng bad traits mo, Vin, parang gusto ko tuloy mag-back-out na maging kaibigan ka."
            "Care ko." Walang pakialam niyang sabi. "`Ka-lalaki mong tao ang arte mo."
            Sumimangot ito. "Bakit kayo lang ba ang pwedeng mag-inarte? Porke't lalaki hindi pwede?" wika nito na ginaya pa ang tono niya.
            "Ewan ko sa `yo."
            Ang totoo ay thankful naman talaga siya kay Joen. Ang problema nga lang niya ay hindi niya alam kung paano iyon maipapakita dito. Ang paraan ng pag-uusap nila ay parang hindi sila kahapon lang nagkakilala. Sa maikling araw ay agad nitong nakita ang ugali niya at wala itong kiyeme na sabihin iyon sa harapan niya.
            "Salamat, ah," sabi niya. Sa pagkakataong iyon ay bukal na sa kanyang loob.
            Nawala ang pagkakasimangot ni joen. Ngumiti ito. "Hindi mo ba ako papapasukin sa bahay n'yo?"
            "Hindi," mabilis niyang sagot.
            "Wala ka talagang awa," anito. "Hindi mo man lang ako ipapakilala sa kasama mo sa bahay? Talagang gusto ko na mag-back-out na maging kaibigan ka." Ang ulit nito sa sinabi kanina.
            "Care ko."
            "Wala ka talagang pakialam sa nararamdaman ko, no?" Pag-da-drama nito. "You are mean, cruel and harsh."
            Ayos na `yon. Tinamaan siya sa sinabi nito ngunit hindi niya iyon pinahalata. Masisisi ba siya nito kung iyon ang paraan niya para ma-i-deprive ang sarili sa nararamdaman niya para dito. Ang paghanga na malaki ang posibilidad na mauwi sa malalim na pakiramdam. Hindi na nga 'mauwi' dahil tuluyan ng 'nauwi' iyon sa malalim na pakiramdam.
            "Wala akong paki-alam kung ano man ang sabihin mo sa `kin. Ganito na ako bago mo pa ako makilala. Just deal with it. Alam mo bang ikaw lang ang nag-iisa na sinabi sa `kin ng harapan ang mga masama kong ugali?"
            "Hindi ko alam. Pero mas mabuti na rin `yon para baguhin mo ang ugali mo. Pero kung ayaw mong baguhin ang ugali mo ayos lang sa `kin. I can still deal with it. Wala naman na akong magagawa, gusto kitang maging kaibigan, eh. Pero bakit ganoon, Vin? Kay Mack at Nick close ka. Hindi mo sila sinusungitan. Bakit `pag sa `kin ang sungit mo? Dahil ba `to sa encouter natin? Huh?" Malungkot na tanong nito.
            Nag-iwas siya ng tingin. Lihim niyang minura ang sarili. Naapektuhan siya sa kalungkutan na ipinapakita nito. Bakit ba kasi ang expressive ng mukha lalo na ang mata nito. Pilit niyang binalewala iyon.
            "Nilibre ako ni Mack. Magaan ang loob ko kay Nick. Actually, sa kanilang dalawa. They both helped me yesterday."
            "Tinulungan naman kita, ah." Hindi papatalong sabi nito.
            He bit his lower lip. Mali ang rason niya. "I'm sorry."
            "Sorry? Para saan?"
            "Sa pag-aakto ng ganito. Sige, susubukan ko na baguhin ang attitude ko sa `yo. Kasi, kahit bali-baliktarin ang nangyayari lumalabas talaga na wala akong utang na loob at wala pang respeto sa `yo. Pagpasensiyahan mo na `ko."
            Nawala ang lungkot sa mukha nito. "Sigurado ka?"
            Tumango siya saka ito nginitian. "Oo. Sigurado ako. Para masimulan ang kasiguraduhan ng pagkakaibigan natin. Pumasok ka muna sa bahay. Ipapakilala kita sa lola ko."
            Dali-dali itong nagtungo sa tapat ng gate. "Tara," anito at talagang nauna pa sa kanya.
            Natawa na lang siya at inunahan ito. Binuksan niya ang gate at naunang pumasok dito. Sumunod ito.
            "Totoo bang kayo ni Nick?" Maya-maya ay usisa nito.
            "Hindi. Naniwala ka naman d'un. Sinungaling `yon, eh. Saka sinabi ko naman sa `yo na hindi ako kukuha ng ipupokpok ko sa sarili ko, hindi ba?" Tumango ito. "Ayokong maging komplikado ang buhay ko."
            "Sinabi ko na nga ba," sabi nito na tila sayang-saya.
            Pumasok sila sa bahay. Naabutan nilang nakaupo sa single seater sofa ang lola niya at abala sa panonood ng It's Showtime. Kung hindi pa siya lumapit ay hindi pa nito mapapansin na dumating na siya. Nang makalapit ay nagmano siya dito. Sumunod si Joen. Palipat-lipat ang tingin nito sa kanya at kay Joen.
            "Sino ang kasama mo, Nezzer?" Tanong nito sa kanya ngunit nakatingin kay Joen.
            "Kaibigan `la." Matipid niyang sagot.
            "Kaibigan?" Susog nito. "Maniwala ako sa `yo. Siya ba ang kasama mo kagabi? Boyfriend mo ba `yan?"
            Napangiwi siya sa walang prenong pagtatanong nito. Ayos lang ang magkaroon ng cool na lola at tanggap ang pagkasino niya ngunit mukhang nasobrahan naman ang coolness na ipinapakita nito.
            "Kaibigan ko lang po siya, `la." Muling giit niya.
            "Totoo?" Hindi papatalong tanong pa nito.
            "Totoo po `yon. Sa tingin n'yo `la, ang ganyan kagwapo papatol sa katulad ko?"
            Hindi umimik ang lola niya. Muling nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa ni Joen. "Hindi ko alam pero malay mo naman, apo. Sa panahon ngayon ang mga imposible noon ay nagiging posible na ngayon. Unpredictable na nga pati panahon. Siyempre pati ang mga tao."
            Sa pagkakataong iyon ay siya naman ang nawalan ng imik. May punto ang lola niya sa sinabi nito. Hindi na niya pinatulan ang sinabi nito dahil alam niya na hahaba lang ang diskusyon nila. Isa pa ay sa harapan lang nila ang pinag-uusapan nila. Baka kung ano ang isipin ni Joen. Ipinakilala niya ang dalawa sa isa't-isa.
            "Joen ang Lola Fe ko, Lola si Joen po, kaibigan ko."
            "Nice meeting you po," ang magiliw na sabi ni Joen sabay mano nito.  
            "Ikaw ba ang kasama ng apo ko kagabi at kaninang madaling araw?" Ang tanong nito kay Joen.
            Tumango si Joen. "Opo. Ako nga po."
             "Hindi ka ba talaga boyfriend ng apo ko?"
            Napakamot na lang sa noo si Joen habang nakangiting nakatingin sa lola niya saka ito bumaling sa kanya. Talagang inilagay pa ng lola niya sa hot seat ang loko.
            "Lola ang kulit mo," naiinis na saway niya dito. Nginitian lang siya nito saka ibinaling ang atensyon sa panonood.
            Bumaling siya kay Joen. "Pagpasensyahan mo na ang lola ko makulit talaga `yan."
            "Halata nga," nakangiting sabi nito. "Pero astig ang lola mo, ang cool nga, eh."
            "Gusto mo bang kumain?" Ang alok niya dito.
            "Kakakain pa lang natin sa bahay, ah? `Wag mong sabihin na hindi ka nabusog?"
            "Kung natatandaan mo hindi na ako dumiretso sa dining room. Pasibat na sana ako kung hindi mo ako nakita. Remember?"
            "Oo nga pala," anito. "Bakit ba kasi hindi ka bumalik? Tatakasan mo pa ako. Hindi ka pa nagpaalam."
            "Baliw ka ba? Magbigay ka nga ng taong tumakas na nagpaalam?"
            Saglit itong natigilan. "Wala."
            Natawa na lang siya. "Mag-isip ka nga. HIndi mo ginagamit ang utak mo."
            "Ang yabang mo." Nakasimangot na ganti nito pero natawa na rin. Natigil lang sila sa pagtatawanan ng sawayin sila ng lola niya. Pinigilan nila ang sarili na muling matawa. Bago sila pumunta ng kusina ay nagtanong muna siya sa lola niya. "Lola, ano pong ulam?"
            "`Yung paborito mo. Kumain ka na. Pakainin mo na rin ang kaibigan mo." Pagbibilin nito na diniinan ang salitang 'kaibigan'.
            Niyaya niya si Joen papunta sa kusina nila.
            "Umupo ka na dyan," sabi niya dito. "Gusto mo bang manghiram ng damit? Magpalit ka muna. Pawis na pawis ka, o."
            Napayuko siya ng mapansin ang malapad na ngiti sa labi ni Joen. "Uy, concern siya sa `kin. Salamat na lang. Pwede ko naman tanggalin ang damit ko."
            Nasa akto na itong huhubarin ang damit ng pigilan niya ito. "`Wag ka ngang maghubad," pag-saway niya dito. "Papahiramin na kita ng damit. Wait here," aniya saka ito iniwan. Narinig niya ang pagtawa ito.
           Habang papunta sa kwarto niya ay grabe ang tambol ng puso niya. Alam niya rin na namumula ang mukha niya. Okay lang naman na maghubad si Joen ngunit hindi sa harapan niya. Alam niya kasi na ma-te-tempt lang siya na tingnan ang katawan nito at lalong alam niya na mawawala siya sa focus. Agad siyang kumuha ng malaking damit nang makapasok siya sa kwarto niya. Nang makuha niya iyon ay agad rin siyang bumalik sa kusina. Namangha siya sa nadatnan niya. Nakaayos na ang mga plato sa mesa at maganda ang pagkakalagay niyon doon. Nakahanda na ang lahat ng gagamitin nila. Tiningnan niya si Joen. Nakangiti ito at tila proud na proud sa ginawa. Gumanti siya ng ngiti.
            "Ayos ba? Hinanda ko na ang gagamitin natin para huwag ka ng mahirapan."
            "Ayos na ayos. Akalain mo may alam ka rin pala sa pag-aayos ng mesa. Akala ko lahat isinusubo na lang sa `yo." Pang-aasar niya dito.
            Sumimangot ito. "Alam mo ikaw, masyado mong hinahamak ang pagkatao ko. Anong akala mo sa `kin walang alam? Kahit na ganito ako marami akong alam. Magpasalamat ka na lang kaya."
            "Salamat," sabi niya saka ibinato dito ang t-shirt na dala niya. "Magpalit ka na muna. Ako na ang maghahain."
            Agad naman itong tumalima. Natigilan siya ng basta na lamang ito maghubad ng damit sa harapan niya. Napalunok siya. Kitang-kita niya, ng mas malapitan ang katawan nito. Nakakatakam ang ganda ng katawan nito. Hindi nakakasawang pagmasdan ngunit naaasiwa siya. Pilit niyang inaalis ang paningin sa katawan nito ngunit bumabalik pa rin ang mata niya doon. Natigilan siya nang maisuot na nito ang t-shirt.
            Nakita niya ang pag-ngisi nito. "Sa katawan ko lang pala ikaw tatahimik. Iyon pala ang panlaban ko sa pang-aasar mo sa `kin. Maghubad na lang kaya ako palagi."
            Sinimangutan niya ito na ikinatawa naman nito. "Try mo lang na gawin, magsusuntukan tayo."
            Tumigil ito sa pagtawa at tinaasan siya ng kanang kilay. Ang gwapo lang nitong pagmasdan. "Marunong ka bang makipag-suntukan? N'ung nag-away nga tayo puro sabunot ang inabot ko sa `yo."
            "Ganoon talaga," nasabi na lang niya. Wala siyang panlaban sa sinabi nito. "Maupo ka na nga lang. Ang dami mong alam."
            Agad naman itong tumalima.
            "May kalakihan ang bahay n'yo, dalawa lang kayo dito, pero kahit na ganoon parang puno ng buhay hindi katulad sa bahay namin."
            Nag-iba ang mood nito. Naging malungkot. "Masaya naman sa bahay n'yo, ah. Ang laki pa kaya, saka kahit na busy ang daddy mo sa pamamalakad ng mga restaurant n'yo ay may time siya sa `yo."
            "Yeah. Nagpapasalamat nga ako sa kanya."
            "Bati na kayo, `di ba?" Ang sabi niya habang kumukuha ng kanin sa rice cooker.
            Tumango ito. "Oo. Kanina lang. Nakakahiya nga, eh. Ang tapang-tapang kong magrebelde sa kanya tapos malalaman ko lang na hindi niya ako tunay na anak. Na ampon lang ako."
            Nabitawan niya ang hawak na sandok. Nabigla siya."A-ampon ka lang?"
            "Oo," sagot nito, cool na cool.
            "Mabuti at natanggap mo agad. Wala ka man lang bang hinanakit?"
            "Meron. Konti. Pero kahit na ganoon ay thankful pa rin ako ng sobra sa kanya. Alam mo bang katulad mo rin ang daddy ko, discreet lang siya."
            Mas nabigla siya sa sinabi nito. Kung magkwento ito ay napaka-komportable. Walang takot na sabihin sa kanya ang personal na aspeto sa buhay nito. Sana ay magawa rin niya iyon. Kahit na komportable siya dito ay naglalaan pa rin siya ng espasyo ng pagitan nilang dalawa.
            "Katulad ko ang papa mo? Infairness hindi halata. Ngayon na nalaman mo na ampon ka, anong balak mo?"
            "Oo nga. He sacrifices a lot, just for me. Sapat na sa `kin ang daddy ko. So, wala na akong balak na hanapin pa ang totoo kong magulang. I'll live my life to the fullest with my love ones."
            Bilib rin siya sa lalaking ito. Sa mga sinasabi at ipinapakita nito ay lalo siyang humahanga dito. Lalong umuusbong ang nararamdaman niya. Sana nga lang ay katulad rin siya nito.
            "Alam ba ng mga pinsan mo na ampon ka?" Usisa niya.
            "Hindi." Matipid na sagot nito. "Ikaw kumusta naman ang family mo? Nasaan pala sila?"


35 comments:

  1. OMG! Team Joen talaga akoooo. hihi nakakabitin..

    -Zar

    ReplyDelete
    Replies
    1. Joen ka? Hahaha.. talagang nagkaroon ng mga team.

      May isa pang team! Hahaha!

      Delete
    2. Wait, so aside sa tatlo? Mayroon pang bagong magkakagusto kay Vin?!! Ohmygee. Vin ikaw na!

      -Zar

      Delete
    3. Hindi. Titingnan natin kung magiging ano siya sa buhay ng apat. Hahaha

      Delete
  2. Magkapatid yang dalawa. Haha

    -Bing

    ReplyDelete
  3. sobrang cute ang chapter na ito lalo na sa bangayan ni vin at joen, nakakainlove , thanks my author he he he, hinabaan mo na , i love it hindi nakakasawa, huwag intidihin ang mga bad comments sa iyo, ituloy mo lang kung ano ang nasa isip at puso, inggit lang sila alam mo naman ang mga pinoy may CRAB MENTALITY

    ReplyDelete
    Replies
    1. Err.. defender lang ang peg mo ..hihihi.. salamuch

      Mas masaya sila pag may bangayan.. hahaha..

      Delete
  4. AUTHOR, UPDATE NA! AGAD AGAD! NGAYON DIN! CHAAAARRRR!
    chos lang author. taray ni Vin, share your blessings teh 3 yan. haha.
    author pagkailangan mo na ng love interest sa 2 hindi mapipili ni Vin, nandito lang ako CHAAARRR! haha

    oh mga readers kaninong team kayo?
    team Nick? Mack? Joen?

    author galing mo, keep it up! :)

    ReplyDelete
  5. Ang cute magselos ni joen.. hahaha.. nice chappy kuya author... keep up the good work.. :))

    -joma

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you.. maraming salamat sa appreciation :)

      Delete
  6. Type ko na c joen..astig ang personality parang masarap mahalin :)))

    Thanks sa pag acknowledge ah

    ReplyDelete
    Replies
    1. Walang anuman po, Mr. Raffy.

      Type ko rin ang personality ni Joen. :)

      Delete
  7. bastat angat parin si Joen..haahha.. pero lalaki ka kung di ka papakalalaki sa pag amin kay vin mauunahan kana nila mack at nick..hayyyy talga pag nmn nangyari un...hay...
    sa'kin ka na lang pd?? hahaha..

    kuya kht c mack o nick pd na sa'kin... wahhaaha... nice one again po:))

    jihi ng pampanga

    ReplyDelete
    Replies
    1. May tamang panahon para sa pagtatapat na yan, Jihi.

      Mauunahan siya sa malamang ng dalawa. Pero sino ba ang pinakamabilis?

      Let's see..

      Delete
  8. bastat angat parin si Joen..haahha.. pero lalaki ka kung di ka papakalalaki sa pag amin kay vin mauunahan kana nila mack at nick..hayyyy talga pag nmn nangyari un...hay...
    sa'kin ka na lang pd?? hahaha..

    kuya kht c mack o nick pd na sa'kin... wahhaaha... nice one again po:))

    jihi ng pampanga

    ReplyDelete
  9. Hayst! Pinatawa mo ako ng lubos dito, Vienne! Ang saya ng story no? Ang gandang ilagay sa katauhan mo yung karakter ni Vin. Ang ganda ng pagkakasulat!

    MABALOS? Are you a Bicolano? If not, from where?

    Nosy ba ako? Nacurious lang po.

    Thanks, Vienne! Til the next update!


    - Rye Evangelista

    ReplyDelete
    Replies
    1. Opo, Mr. Rye, Bicolano by blood at birth po ako. :) sa Albay to be exact. :)

      Delete
    2. Oh? Ang layo! Haha. Naga City ako eh. Nice to know.


      -- Rye

      Delete
  10. Napangiti ako na mag open ng blog na to, may bagong update na itong isa sa paborito kong kwento at di ako nabigo dahil isa na anamn napakagandang chapter ang aking nabasa, parang kumpleto na ang week ko. Looking forward to the next exciting chapters. Thank you mr author, God bless you always!

    Ben

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nakakataba ng puso!!

      Salamuch ng marami sa magandang comment mr. Ben :)

      Delete
  11. Ang haba naman ng hair ni vin. Pahingin nga ng gunting at nang maputol. Naaapakan ko na kasi.

    San ba yang restaurant na yan? Makapag-apply nga.

    Good job author!

    -hardname-

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ung grass cutter na ang gamitin mo, Hardname.

      Sa imagination ko lang.. hahaha

      Delete
    2. Pwede ba ako jan sa imagination mo?

      Bakit po pala nakadisable ung add friend button ng fb mo?

      -hardname-

      Delete
    3. Fb q? Anong name q dun sa fb, hardname?
      Haha..
      Naka-private `yong isa eh..
      2 Ang fb q.

      Delete
  12. Malamang sa malamang Team Joen din ako. Hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Counted.. marami ang maka-team Joen..

      Kay mack at nick? Meron ba?

      Delete
  13. I enjoyed reading this amazing chapter...I can't wait for the next chapter/s and I can't wait for the clashes of the three cousins to win over Vin. Pretty excited kung sino magiging victorious sa kanila at the end... i am rooting for Joem... kudos author!!

    ~Jazzuah




    ReplyDelete
    Replies
    1. Another team Joen. Sino nga ba ang magiging victorious?

      Let's see, Jazzuah.

      Delete
  14. Lamang si Joen...Siya ang napusuan ni Vinnie. Btw, Mr author, pls dont address me with a Mr. Too formal. Alfred na lang. Thanks for sharing you story to us...Its beautiful ang interesting.Medyo malalim. Keep up the good work. Take care.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you! Thank you!
      Sige po.. wala ng mister, alfred na lang.. :)

      Delete
  15. Nice chapter. :) diba ampon so joen? what if magkapatid si vin at joen.. sana naman hindi ;(

    -jeo

    ReplyDelete
    Replies
    1. jeo, malalaman yan natin sa mg susunod na chapter

      Delete
  16. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails