Followers

Tuesday, May 6, 2014

Mi Pobre Amor (The Flirtatious Bi) 2

Mi Pobre Amor
(The Flirtatious Bi)
by: Mr. O/Akihiko

A/N: Eto na po ang Chapter 2. Sorry po kung natagalan. Sana po masiyahan kayo sa kuwento ko. Salamat po kay Kuya Ponse, Kuya Mike para sa oportunity na ito. Godbless po. Mabuhay MSOB FAMILY. Keep Reading. Comment and Suggtestions are highly apreciated.






Chapter 2: "Truth is stranger than fiction"





"Galit?" napataas na lang ng kilay si Niccoli nang bumalik siya sa kanyang sarili mula sa pagkabigla sa kagwapuhang taglay ng lakaki.



"At bakit mo nasabing galit ako sa iyo?" ngayon ay nakatayo na siya mula sa pagkasalampak niya sa buhangin at nakapamaywang pa itong nakaharap sa lalaki.



And to his surprise, ang tangkad pa pala niya. Nagmukha pa siyang unano sa taas niyang 5'8" ni hindi siya makapaniwala. Sa tantiya niya nasa 6'5" ang lalaki dahil nangawit pa ang kanyang leeg sa kakatingala.



"Ah kasi, nakatitig ka sakin kanina nang papalapit ang bangka ko sa dalapamsigan, tapos nakita kong ningitian mo ako, tapos ay bigla mo na lang akong sinimangutan nung nginitian na rin kita." wika niya habang nangiting nakakaloko at napapakamot sa ulo nito.



"What? Nakatitig ako sayo? Tapos nginitian kita't tapos sinimangutan? He can't even remember na ginawa niya iyon. Laki niyang pagtataka.



"Oo eh, kaya nga nilapitan kita kasi nagtataka ako sa reaksyon mo."



"Ganoon?" mas lalo na tumaas ang kilay ni Niccoli. Nagtataka tuloy siya. Oo nga't aminado siyang gwapo talaga ang lalaki pero hindi nangangahulugan na aatre na lang siyang gano'n sa harap niya.



"At anong akala ng lalaking ito, komo ba gwapo ito ay ngingiti na siya agad para magpapansin sa kanya" isip niyang mataray.



"Goodness" sambit niya.



Hindi yata niya dream ang makipagflirt sa isang. . . sa isang kagaya nito na-



Ayaw niya sanang matahin ang itsura nito dahil sa nangungumitim na sando, lumang pantalon at bahagyang tan na balat, pero.



"Hoy! Lalaki, for your information, bulok na ang style mo, ha? Kung type mo ako at you want to know me, sorry, as in S-O-R-R-Y. Hindi kita type!" mataray na sambit niya dito.



"Type?" natatawa ang lalaki.



"Naku, Miss ay este, hindi ako pumapa-" bigla siyang sinapawan ni Niccoli.



"Pwede ba, excuse me! Naaabala mo ang pamamahinga ko!" inirapan niya ito at saka naglakad papalayo sa lalaki.



Naiwan namang nagtataka at napakamot sa ulo ang lalaki. Naiiling nitong sinundan ng tingin si Niccoli.



**********************


"WOW! Prospect #1." napangiti si Niccoli ng makitang papalabas ng hotel ang foreigner na  naiispotan niya.



Sinundan niya nang palihim ang foreigner papunta sa tabing dagat. Isang matandang hapon ang nilapitan nito at kinauasap.



"What seems to be his business dun sa sakang na iyon? Anyway, I don't care, ang mahalaga ay makakuha ako ng tiyempo  nang makalapit at makaibigan ko siya."



Pinagmasdan niya lang ang kanyang prospect at ang kausap nito. Hindi niya alintana ang sikat ng araw kahit pa tirk na tirik na ito dahil kanina ay nakapaglagay naman siya ng sunblock spf 50+.



Mayamaya pa ay naghiwalay na ng landas ang hapon at kanyang prospect.



Hudyat na ito na kanyang hinihintay upang masagawa niya ang kanyang binabalak.



Nang makita niyang bumalik ang foreigner sa hotel ay dali-dali niya itong sinundan.



"Whoops! Ayyy!"



"Hey! Watch your steps young lady." maagap na nasalo ng foreigner si Niccoli ng madulas ito kunwari sa makintab na lobby ng hotel.



"Oh" kunwari ay nahiya siya sa kanyang kalpahan.



"Thank you, I owe you one" dagdag nito at isang matamis na ngiti sa mga labi at kukurap kurap pa siya ng kanyang mata.



"Oh, For a minute there I thought you we're a lady, but that's okay your still good looking for a young boy. Next time you should be more careful, you know you might just ruin your pretty face." litanya ng foreigner.



"Thank you for the compliments" kinikilig.kunwari niyang wika. (Bagay na bagay kang artista teh. Bigyan ng Jacket.)



"Anyways, I'm Niccoli Dominguez, and you are? pakilala niya sabay lahad ng kanyang kamay.



Tinanggap naman iyon ng foreigner at nagpakilala rin.



"I'm Erwein Dvanz Scherzinger, a german national, it's a pleasure to meet you, Niccoli. Maybe we can grab some lunch  or anything if you don't mind." paanyaya nito sa kanya.



"Yes, this is it." sigaw niya sa kanyang utak.



"The pleasure is mine, yes, of course and I know a good place to eat." sagot ni Niccoli.



"Well, let's go lead the way dear." tugon naman ng foreigner.



"Sure." sagot naman ni Niccoli at nagtungo na sila sa restaurant.



**********************



Matapos ang isang masarap na lunch, nagyaya ang foreigner na maglakad-lakad sa may dalampasigan na agad namang sinang-ayunan ni Niccoli.



Guwapo at mukhang mabait naman si Erwein. Hindi man lang to nailang na kasama si Niccoli patunay lamang ito na tanggap siya bilang kung ano ang kanyang kasarian at dahil napakagentleman nito. Lalo tuloy mas nagkainterest si Niccoli sa kanya.



"Actually, I have two lovely children back in germany." panimula ni Erwein habang sila ay naupo sa isang bato sa may dalamsigan at nakatanaw sa karagatan, maghahapon na nuon. Masyadong slang na ingles na may accent ng pagkagerman ang pagsalita ni Erwein.

(Nakow teh! wala na, taken na siya bwahahaha)

Medyo na lungkot ng konti si Niccoli sa narinig pero hindi niya ito pinahalata.



"But, I'm totally single, well I mean that's because we're divorce and also I'm a bit into guys and stuffs like that, if you got what I mean." dagdag pa niya.



"Really?" hindi siya makapaniwala sa pinapahiwatig sa kanya ng foreigner. Sumilay naman ang ngiti sa labi ni Niccoli at kunwari ay engrossed na engrossed siya sa pakikinig dito.



"Well, that's interesting." dagdag pa ni Niccoli.



"Yes, and I think I might starting to like someone special." ngiti ni Erwein saka tumitig ng matiim sa kanya waring may ipinahihiwatig.



"Really, well whos the lucky person?" kahit papano nakadama siya ng pagkailang sa mga titig ng foreigner. Umiwas siya sa mga tingin nito.



"Hopefully, he feels the same way like I do." lalong naging matiim ang titig ni Erwein kay Niccoli at hinaplos pa nito ang baba niya.



Lalo lamang tong nagpailang kay Niccoli at the same time nagbigay ng kilig factor sa kanya. Medyo may idea siya kung sino tinutukoy ng foreigner.



"Yes, ito na talaga yon, ang katuparan ng aking mga pangarap!" sigaw niya sa kanyang utak.

(Masyado kang assuming girl. Hinay hinay lang.)



"So, your turn." biglang wika ni Erwein.



"H-ha?" maang tanong ni Niccoli.



"I mean is, tell me about you. I want to know you better."



"Ah."



Pero ano ba ang masasabi niya tungkol sa kanyang sarili.



Siya na isang anak lamang ng tindera ng isda sa palengke, nakapag-aral sa pamamagitan din ng pagtitinda ng isda, naging scholar sa isang state university dahil likas na matalino at masipag kaya kahit papaano ay nakapagtapos sa kursong Hotel Restaurant and Resort Management.



"Ah, well I'm the only child of my mom." panimula niya pero totoo naman iyon naisip niya.



"My dad died when I was still in my mothers womb. So, basically my mom who just took care of me since then." pahayag niya.



At marami pa siyang ikinuwento tungkol sa kanyang sarili na partly kasinungalingan at hindi nagbigay ng idea kay Erwein na siya ay isang mahirap lamang.



**********************



Sa kabilang dako. . .



"Shit!" bulyaw ni Kael. Nakakuyom ang kamao niya habang nakasilip sa binoculars.



Naroon siya sa isa sa mga Yate na nakastand by sa dagat at kasalukuyang minamanmanan ang kanyang target.



"Hindi man lang niya alintana ang panganib na kanyang sinusuong sa pakikipaglapit sa foreigner na iyon." bulong niya sa kanyang isipan.



At ewan kung bakit kumukulo ang dugo ni Kael dahil halatang nagugustuhang makipagflirt ang kausap ng foreigner. May kung ano sa kanya amg hindi niya maipaliwanag na nararamdaman.



"I have to do something. Baka malingat lang ako sandali eh laslaa na ang leeg ng babaeng iyon." bulong ulit nito.



He's on the move dail-dali siyang bamaba sa Yate at lumipat sa bangkang nakatali aa gilid nito. Sumagwan aiya patungo sa pampang.



Habang palapit siya sa dalampasigan, palapit naman siya nang palapit kay Erwein at sa inaakalang babaeng kausap nito.



He's eyes widen and was focus to that familiar face na kahapon lang ay umagaw ng kanyang atensiyon. To his surprise ang inaakala niyang babae ay iyon palang binabaeng nameet niya kahapon. Naisip niya tuloy ang pabago-bagong reaksyon ng mukha nito na naging dahilan kung bakit siya lumapit dito. Naisip nga niya kahapon kung nagkataong babae talaga ang binabaeng yon ay tpak na liligawan niya ito. Pero hindi niya maipagkakaila na nagkakainterst siya kay Niccoli kahit pa binabae ito.



Napatawa na lang siya sa kanyang mga naiisip.



Subalit nang maisip niyang muli, na nasa panganib ang buhay ni Niccoli ay hindi na niya maiwasan ang mag-alala sa kaligtasan nito. Lalo na't parang nagkakamabutihan na ang foreigner na si Erwein at si Niccoli. Natatanaw na niyang tumayo na ang dalawa at magalang na inilahad ng foreigner ang kamay nito kay Niccoli. Nakangiti naman itong tinanggap ni Niccoli at sabay na silang naglakad patungo sa hotel.



"Shit!" Delikado na talaga. Paano ako lalapit sa binabaeng iyon na hindi mahahalata ang cover up ko?" tanong niya sa kanyang sarili.







ITUTULOY. . . 

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails