Followers

Monday, May 26, 2014

Fated Encounter 11

Maiksi lang ang chapter na `to. Sana ay hindi kayo ma-boring ;)


CHAPTER ELEVEN

NAGTUNGO SIYA SA PINTUAN AT BINUKSAN IYON.
            Sa halip na ang lola niya ang tumambad sa kanya ay hindi kundi si Joen. Isasara sana niya ang pintuan dahil sa kalagayan niya ngunit agad na naiharang ni Joen ang katawan nito. Pumasok ito sa kwarto niya kahit walang paanyaya. Isinara din nito ang pintuan.
            "Ta-tapos ka na ba maghugas?" Kinakabahan niyang tanong.
            "Kanina pa," anito. "Kailangan nating mag-usap, Vin."
            "Ano naman ang pag-uusapan natin?"
            "Stop the feign, Vin. We need to talk about us. About you and me and our actions towards each other. Tell me honestly Vin. Bakit ba big deal sa `yo ang halik? May nararamdaman ka ba sa `kin. Gusto mo ba ako ng higit pa sa kaibigan? Are you falling in love with me?"
            He composed his self with Joen's question. Nag-ipon siya ng kumbiksyon sa sarili para masagot ang katanungan nito nang walang pag-aalinlangan. Katulad nga ng sinabi niya kanina sa sarili. Hinding-hindi siya aamin sa nararamdaman niya dito.
            "Wala." Taas ang noong sagot niya. "Iniisip ko lang na hindi dapat mangyari ang halik sa `tin dahil magkaibigan tayo. Friend's don't kiss, right? Lalo na at pareho pa tayong lalaki. Kahit na ganito ako gusto kong irespeto ang sarili ko. Oo, gumanti ako sa halik mo dahil nagustuhan ko `yon. You are a good kisser, Joen. Aaminin ko sa `yo na katulad ng sinabi mo kanina ay gusto ko ring mangyari ulit sa `tin `yon pero natatakot ako na baka lumampas tayo at mangyari ang hindi dapat mangyari. I respect you as a friend at ayokong magkaroon ng lamat ang pagkakaibigan natin. Kaya kung pwede lang, bigyan mo ako ng panahon para mag-isip. Magkaibigan pa rin naman tayo pero kailangan ko lang gumawa ng distansya sa pagitan natin, natatakot ako. `Wag muna tayong magkita hanggang sa maging okay ang lahat at hindi ko na `yon maisip."
            Bumuntung-hininga ito. "Okay, I respect your decision. Siguro tama ka nga. Kailangan muna kitang bigyan ng oras para makapa-isip. Tama ka rin. Friends don't kiss. I'm sorry but I'm not sorry. Hindi muna ako magpapakita sa `yo. Kung okay na ka na at hindi mo na maaalala ang halik, tawagan mo ako."
            Ngumiti ito. May pait nga lang.
            "Bye for now, Vin, we'll see each other again."
            Pagkasabi nito niyon ay lumabas na ito ng kwarto niya. Sinundan na lamang niya ito ng tingin. May bahagi ng pagkatao niya ang nagsasabing pigilan ito pero pinatibay niya ang kagustuhan na makapag-isip at makalimutan ang nangyari. Magkaibigan pa rin naman sila. Kailangan niyang gawin ito para bumalik ang dati nilang samahan.


KUNG MAY DAPAT mang sisihin sa nangyari sa pagitan ni Joen at Vin, ay si Joen iyon. Sabihin man niya na walang kaso ang halik sa kanya ay nababahala siya. Kailangan niyang magsinungaling sa totoong nararamdaman niya dahil hindi pa siya handa na umamin kay Vin. For him, the kiss was something. Masaya siya na marinig mula kay Vin na gusto ulit nito na mangyari sa kanila iyon. Pero nalungkot at nabahala siya sa kagustuhan nito na pansamantala siyang lumayo dito para makapag-isip ito. Ayaw man niya sa ideyang iyon ay pumayag na lang siya. Siguro, iyon nga ang makakabuti para sa kanilang dalawa para bumalik ang dati nilang samahan.
            Hindi siya nagsisisi sa nangyari dahil ginusto niya iyon. Ang epekto ng halik ay sadyang malubha sa parte niya. Kung hindi lang nakatukod ang mga kamay niya at magkadikit sila ni Vin ay sigurado siya na mararamdaman nito ang epekto nito sa kanya. The kiss that happened between them was something. A something that he will treasure and cherish.
            Pagkatapos nilang mag-usap ni Vin ay lulugo-lugo siyang umalis sa bahay ng mga ito. Diretso siyang umuwi sa kanilang bahay. Habang nagmamaneho ng motor niya ay ang pag-uusap na namagitan sa kanila ni Vin ang naglalaro pa rin sa isipan niya. Hindi niya alam kung makakaya niya na malayo dito nang matagal. Wala siyang ideya kung hanggang kailan si Vin mag-iisip at kung kailan nito makakalimutan ang halik. Dapat pala ay tinanong niya ito. Bumuntung-hininga siya. It's not a proper way to do. Kung gagawin niya iyon ay parang pangungunahan niya si Vin.
            Ayaw man niya ay sumige na lang siya. Pinanatili niyang positibo ang pag-iisip. Hindi naman siguro magtatagal ang gagawin ni Vin na pag-iisip. Habang gagawin nito iyon ay kailangan niya ring abalahin ang sarili at gumawa ng paraan para hindi niya mahila ang sarili na pumunta sa bahay ng lalaking mahal niya.
            Nang makarating siya sa kanilang bahay ay nagtaka siya nang makita ang isang asul na kotse sa garahe nila. Itinabi niya ang kanyang motor doon.
            Pumasok siya sa kanilang bahay. Nang makita niya ang isang katulong ay agad siyang nagtanong.
            "Aling Mercy, kanino po ang kotse na asul?"
            "Kay Sir Arkin po `yun, sir." Matipid nitong sagot.
            Napakunot noo naman siya. "Sino `yon? Nasaan sila?" Curious niyang tanong.
            "Kaibigan ng daddy n'yo, sir. Nasa living room po sila," ani Aling Mercy saka nagpaalam sa kanya.
            Nagpasalamat siya dito bago umalis.
            Ang inisyal na plano ni Joen ay ang diretsong magtungo sa kwarto niya ngunit hindi niya ginawa. Sa halip ay nagtungo siya sa living room. He was getting curious about the Arkin guy. Nagtataka siya dahil tila kilalang-kilala ni Aling Mercy ang lalaki. Ngayon lang niya narinig ang pangalan ng lalaki at na-ku-curious siya. Baka boyfriend iyon ng daddy niya. Kung ganoon nga ang senaryo niya ay gusto niyang makita ito para makilatis.
            Naabutan niya na nagtatawanan ang dalawa. Nang makita siya ng daddy niya ay tumigil ang mga ito sa pagtatawanan at sabay na bumaling sa kanya.
            "Dad," he addresses then kiss his father's cheeks. Habang ginagawa niya iyon ay nakatuon ang atensyon niya sa lalaking may pangalan na Arkin. Maluwang ang pagkakangiti nito habang nakatingin sa kanila. Partikular na sa kanya.
            "Joen, I wanted you to meet my old friend, Arkin Angeles," pagpapakilala ng daddy niya dito. Napansin siguro nito ang tingin na ibinibigay niya sa bisita nito. "And Arkin, gusto kong makilala mo ang anak ko."
            Tango lang ang naging tugon niya. Napangiti ito at tila naiiling sa reaksyon niya.
            "Nice meeting you, Joen. Lumaki ka na napakagwapong bata."
            "Thanks for the compliment," he said.
            Bumaling siya sa daddy niya. "Ano po ba siya natin?'
            "He's a family friend." Matipid na sagot ng daddy niya.
            Tinantiya niya ang sagot nito. Nang masiguro na hindi ito nagsisinungaling ay nagsalita siya. "Ganoon po ba. Sige, akyat na po ako. Gusto kong magpahinga," paalam niya sa mga ito.
            "May problema ka ba, Joen?" Tanong ng daddy niya.
            "Wala po," pagsisinungaling niya.
            "Sigurado ka ba? Bakit parang matamlay ka."
            "Wala po `to, dad. `Wag n'yo na po akong alalahanin. I'm okay."
            "Ikaw ang bahala. Tandaan mo na nandito ako."
            Tumango lang siya. Hindi na nagsalita. Palabas na siya ng living room nang marinig niya ang sinabi ng Arkin sa daddy niya.
            "Ang gandang lalaki na ng anak mo Kuya Ric. Tiyak ko na ganyan na rin ang kapatid ko ngayon."
           
PAGKARATING NI Joen sa kanyang kwarto ay pabagsak siyang humiga sa kanyang kama. Hindi na siya nag-abala pa na i-lock ang pintuan ng kwarto niya.
            Ipinatong niya ang kanang kamay sa noo niya at tiningnan ang blangkong kisame. Kahit na blangko iyon ay tila nakikita niya doon ang mukha ni Vin. Ang iba't-ibang reaksyon ng mukha nito kapag naasar sa kanya. Muling bumalik sa isipan niya ang halik. That was the sweetest kiss that he ever had. The sweetest lips that he ever tasted. Kung alam lang ni Vin ang epekto nito sa kanya, ano kaya ang magiging reaksyon nito? Siguro ay mas malala pa sa reaksyon nito ngayon.
           Vin's lips was addictive. Beacuse of that he was craving for more. Gusto niyang maulit ang nangyari sa kanila. N'ung hinalikan niya nga ito habang natutulog ay palagi niyang naalala ang lambot ng labi nito. Ngayon pa kaya na gising it at gumanti ng halik sa parehong intensidad.
            Bumuntung-hininga siya.
            Mula nang mangyari ang halik ay palagi na lang siyang napapabuntung-hininga. Umupo siya sa kanyang kama at tumingin sa lahat ng sulok ng kwarto niya. His life will be boring again without Vin in his side but he need to sacrifice. Para sa kanila naman ang gagawin ni Vin. Para sa pagkakaibigan nila.
            Napatingin siya sa pintuan ng kwarto niya nang basta na lang pumasok ang hindi niya inaasahan na tao. He looked at him with blank expression in his face.
            "What are you doing here, Mack?" Walang emosyon natanong niya.
            Mack was not a problem for him. Wala siyang pakialam kung nakita man nito na hinalikan niya si Vin. Mas mabuti nga iyon para malaman nito kung ano ang nararamdaman niya kay Vin. Kung ano ito para sa kanya.
            "We need to talk." Ang sabi nito.
            Kung nakakamatay lamang ang tingin ay baka kanina pa siya bumagsak sa binibigay nito sa kanya. Of course, he knew what his cousin felt towards him. Alam niyang nagagalit ito at nagseselos.
            "Wala tayong dapat pag-usapan." Ang sabi niya saka lumapit dito.
            "Anong wala?! Meron tayong dapat pag-usapan, Johanson Enrique. You need to explain what I saw two days ago."
            "Wala akong dapat ipaliwanag sa `yo. Kung ano ang nakita mo ay iyon na `yon. Wala ka na doon. Dalawang araw na ang nakakalipas mula nang mangyari iyon pero hindi ka pa makapag-move on. Does it hurt so bad, Mack?"
            Nagtagis ang mga bagang nito sa sinabi niya. Kumuyom ang kamao nito. Nagulat na lang siya sa ginawa nito. Hindi na siya nakaiwas. Binigyan siya nito ng isang malakas na suntok sa kaliwang pisngi.
            "Bakit mo ginawa `yon?" Tanong niya habang sapo ang nasaktang pisngi. Wala siyang balak gumanti sa ginawa nito. Kung sa ibang pagkakataon ay baka gumanti na siya.
           "Kailangan mo pa bang itanong `yon, Joen! Damn you! I'm jealous on what I've saw. I'm mad because of you. Wala naman kayong relasyon ni Vin pero hinalikan mo siya. Tell me, Joen. Sabihin mo sa `kin ng harapan kung ano ba para sa `yo si Vin?"
            "Kagaya ng sinabi ko, wala akong dapat sabihin o ipaliwanag sa `yo. Hindi kita tatay para sabihin ko sa `yo ang nararamdaman ko."
            "Meron! Meron kang dapat ipaliwanag. Hindi ka nanliligaw kay Vin pero hinalikan mo siya. Ano ba talaga sa `yo siya sa `yo? Katulad ba namin ni Nick ay may pagtingin ka rin sa kanya kaya mo siya hinalikan?"
            "Desperado ka na." Nasabi niya.
            "Wala akong pakialam. Gusto kong malaman ang totoo dahil kung pareho rin sa `kin ang nararamdaman mo sa kanya ay itatrato kita bilang karibal at hindi pinsan."
            "Hindi pa ba?" Sarkastikong sabi niya. "Sige, aaminin ko sa `yo na pareho niyo ni Nick ay may nararamdaman rin ako para sa kanya. I kiss him because I like him."
            "Kaya pala ganoon mo na lang siya bakuran," anito. "Fight fairly, joen. `Wag kang bantay salakay. `Wag mo kaming kataluhin ni Nick behind our back."
            "Maswerte nga kayo ni Nick dahil nasabi niyo na sa kanya ang nararamdaman niyo. Ako hindi pa." Nasabi niya.
            "Wala akong pakialam. Just fight fairly." Ang sabi nito saka siya iniwanan.
            Nang makaalis ito ay agad niyang isinara ang pintuan. Hinaplos niya ang nasaktang pisngi. Masakit ang suntok na iyon. Parang buong pwersa ang ibinigay ni Mack sa kanya. Bumalik siya sa pagkakaupo sa kanyang kama.
            Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinwagan si Vin. Kasasabi pa lang niya na magsasakripisyo siya kahit ayaw niyang malayo dito pero nami-miss na niya agad ito. Gusto niyang marinig ang boses nito. Naka-ilang ulit rin siya sa pagtawag pero walang tugon.
            Frustrated niyang tinapon ang cellphone sa kanyang kama. Humiga siya at ipinikit ang kanyang mata. Nakatulugan na niya ang pag-iisip kay Vin.


NAGISING SI Joen sa mahinang pagyugyog ng kung sino sa balikat niya. Iminulat niya ang mata para makita kung sino ang istorbo sa mahimbing niyang pagtulog. Sumimangot siya. Sinalubong naman iyon ng nakangiting mukha ng daddy niya.  
            "Bakit dad?" tanong niya saka lumayo dito.
            "Mabuti naman at gising ka na," masayang sabi nito. Hindi pinansin ang tanong niya. "Tumayo ka na dyan," utos nito.
            "Bakit?" Ang ulit niya sa tanong saka napahikab.
            "Just stand up. May pupuntahan tayo."
            Umupo siya. "Saan?"
            "Magbabakasyon tayo. Pupunta tayo sa probinsya ng Kuya Arkin mo. May-ari siya ng isang resort doon. Niyaya niya ako kaya nagdesisyon ako na isama ka."
            "Ayoko," aniya saka humiga ulit. Ipinikit niya ang mata.
            Muli siyang niyugyog nito. Sa pagkakataong iyon ay mas malakas.
            "Hindi pwedeng hindi ka sumama Joen, kaya nga ako pumayag na magbakasyon tayo dahil sa `yo. Hindi mo man sabihin sa `kin, alam ko na may problema ka. Nang makita kita kanina ay nahalata ko na iyon. You can tell it to me, Joen."
            Wala talaga siyang maitatago dito. Kahit hindi niya ito tunay na ama ay kilalang-kilala na siya nito.
            "Si Vin, dad," maiksi niyang sagot.
            "Anong problema mo kay, Vin?"
            "I kissed him."
            "Again? Namomroblema ka dahil hinalikan mo siya? Hindi ba dapat ay masaya ka."
            "Yeah, I kissed him, again. But this time ay gising na siya, gumanti nga siya, eh. Kaso mukhang ang halik na iyon ang maging dahilan ng paglayo niya sa `kin."
            "Bakit mo kasi siya hinalikan?"
            "Because I want to."
            "Kaya ba namamaga ang kaliwa mong pisngi dahil sinuntok ka niya?" Nagtatakang tanong nito. "Pero ang sabi mo ay gumanti siya? Ano ba talaga ang nangyari?"
            "Hindi siya ang may gawa nito," sabi niya sabay sapo sa nasaktang pisngi.
            "Kung hindi siya, sino?"
            "Si Mack."
            Nagulat ito. "Don't tell me that Mack also feel the same way to Vin."
            Tumango siya. "Hindi lang naman siya pati si Nick."
            Umiling-iling ito. "Sa dinami-dami ba naman ng pwede mong maging kaagaw sa kanya ang mga pinsan mo pa talaga. Kaya ka sinuntok ni Mack dahil nakita niya ang halikan na nangyari. Dahil doon ay nagselos siya at sumugod dito para suntukin ka." Conclusion nito.
            Muli siyang tumango.
            "Problema pala ang pagkakagusto mo kay Vin."
            Matiim ang tingin na ibinigay dito sa sinabi nito. Natawa na lang ang daddy niya.
            "I didn't mean it that way."
            "I don't consider falling in love with him as a problem, dad. Ang pinoproblema ko ay ang consequences ng ginawa ko. Because of that wonderful kiss our friendship was at risk. Dalawang araw niya akong hindi kinausap. Well, kanina kinausap niya ako pero ang sabi niya sa `kin ay pansamantala muna kaming hindi magkita."
            "Pansamantala lang naman pala."
            "Pansamantala nga lang, dad. Pero hanggang kailan ba ang pansamantalang `yon? Hindi ko kaya na malayo sa kanya."
            "Halata nga," nang-aasar na sabi ng daddy niya.
            "`Wag ka nang mang-asar, daddy," napipikon niyang sabi na tinawanan lang nito.
            "Seriously, son, intindihin mo ang kaibigan mo. Tama naman ang ginawa niya. Give him time to think, Joen. Talagang magkakaganoon iyon dahil basta mo na lang hinalikan tapos wala naman sa inyong namamagitan."
            "Tama po kayo." Pagsang-ayon niya.
            "Siguro, blessing in diguise na rin ang pagbabakasyon mo. Habang nag-iisip si Vin ay magpalamig ka muna ng ulo mo. Gaya nga ng sinabi mo kanina ay hindi mo kayang malayo sa kanya. So, may malaking porsiyento na punta-puntahan mo pa siya sa bahay nila."
            "Siguro nga mabisang paraan po iyon. Ayoko man na malayo sa kanya ay kailangan kong gawin. Kailangan kong magsakripisyo. Sige, dad, sasama ako sa inyo ni Arkin."
            "Don't address him by just his first name, Joen. Call him Kuya Arkin."
            Sumang-ayon na lang siya para wala nang pag-uusap pa.
            Nagpaalam sa kanya ang daddy niya na mag-aayos ng gamit na dadalhin nito. Nang makaalis ito ay tumayo na siya mula sa kanyang kama. HInanda niya ang mga dadalhin sa maiksing bakasyon na iyon.
            Nakita niya ang kanyang cellphone at kinuha iyon. He compose a message for Vin.
            Magbabakasyon muna ako, Vin. I'll give you time to think. Sana pagkatapos mong mag-isip ay maging okay na ulit tayo.


KAHIT DALAWANG ARAW NA mula nang makita ni Mack ang halikan ni Joen at Vin ay malinaw na malinaw pa rin iyon sa kanyang isipan. Paulit-ulit iyon na nag-pe-play at para na siyang masisiraan ng ulo. Hanggang walang linaw sa kanya ang nararamdaman ni Joen kay Vin ay hindi siya matatahimik.
            Nagdesisyon siyang lumabas ng kwarto niya at nagtungo sa balkonahe ng bahay nila. Kailangan niyang mag-isip ng mabuti. Kailangan niyang iklaro ang utak sa nakita. Naiisip niya na ang pinakamabisang paraan para matahimik siya tungkol sa nakita ay ang tanungin at komprontahin ang pinsan niya.
            Kahit na dalawang araw na ang nakaklipas ay may nakakapa pa rin siyang galit sa kanyang pinsan. Nang gabi na mangyari iyon ay balak na sana niyang komprontahin ito pero hindi niya nagawa dahil kaharap nila si Vin. Hinatid rin sila nito sa kanya-kanyang sasakyan. Nauna sa kanyang umuwi si Joen nang gabing iyon. Ang balak sana niyang pag-kompronta dito ay hindi nangyari dahil sa mama niya. Nang makita kasi siya ng ina niya ay pinapasok na siya nito sa bahay nila at ipinakilala sa taong bisita nito.
            That night he met, Arkin Angeles. Ang pakilala sa kanya ng mama niya sa lalaki ay long-lost friend nito iyon. Pati nga daw ang Tito Ric niya at ang Tita Tasha niya na ina ni Nick ay kilala ito. Kahit ayaw niyang humarap sa mga ito ay hindi rin siya nakaligtas dahil sa pagpipilit ng mama niya. Pinabukas niya ang pangongompronta kay Joen. Ngunit hindi rin niya iyon nagawa sa kadahilanan na inutusan siya ng mama niya sa maging punong abala sa kaarawan ng kapatid niyang si Danna. Sa dami ng ginawa niya at pinuntahan ay nawala sa isip niya ang kay Joen.
            Sa tingin niya ay ngayon na ang mabisang araw para komprontahin ang pinsan. Agad siyang bumaba at nagtungo sa bahay na kaharap ng bahay nila. Eksakto naman na patungo siya doon ay lumabas si Joen sakay ng motorsiklo nito at matulin na pinatakbo. Naisip niyang sundan ito at iyon nga ang ginawa niya gamit ang motorsiklo niya.
            Nauwi si Joen sa bahay ni Vin. Hindi na siya nag-abala pang bumaba ng motorsiklo niya. Mula sa malayo ay tinanaw niya doon si Joen. Bumangon na naman ang selos sa puso niya. Halata naman kung ano si Vin para kay Joen ngunit heto siya. Gusto pa ring komprontahin si Joen at marinig mula sa bibig nito ang mga salitang gusto niyang marinig.
            PInaandar niya ang motorsiklo at umuwi siya sa kanilang bahay. Sa balkonahe siya pumwesto para makita niya ang pagdating ni Joen. Mga ilang oras din ang ginugol niya sa paghihintay sa pinsan. Nakita niya ang pagdating nito. Kapansin-pnsanin ang katamlayan nito. Lulugo-lugo nitong pinasok ang motor nito at itinabi iyon sa asul na kotse. Sa pagkakatanda niya ay kay Arkin iyon.
            Naghintay siya ng ilang minuto bago magtungo sa bahay ni Joen.
            Nang makapasok siya sa bahay ng mga ito ay agad niyang nakita sa living room ang Tito Ric niya kausap si Arkin. Ayaw sana niyang lumapit sa mga ito pero nakita na siya at tinawag pa.
            "Nadalaw ka, Mack?"
            "Si Joen, tito, hinahanap ko. Nandyan po ba siya?" tanong niya kahit alam naman niya na nandoon si Joen.
            "Sa kwarto niya. Puntahan mo na lang."
            Nagpaalam siya sa mga ito at umakyat sa hagdan. Diretso niyang tinungo ang kwarto ni Joen at walang babala na pumasok doon. Tumambad sa kanya ang nakaupong si Joen at blangko ang ekspresyon ng mukha na nakatingin sa kanya.
            "What are you doing here, Mack?" Walang emosyon na tanong nito.
            Joen is not a problem for him until he saw what the two doing. Dahil doon ay nabahala siya at pinoproblema na niya ito.
            "We need to talk." Ang sabi niya.
            Kung nakakamatay lamang ang tingin ay baka kanina pa si Joen bumagsak sa binibigay niya dito.
            "Wala tayong dapat pag-usapan." Ang sabi nito saka lumapit sa kanya.
            "Anong wala?! Meron tayong dapat pag-usapan, Johanson Enrique. You need to explain what I saw two days ago." Galit na sabi niya. Kapag nakikita niya ito ay laging naglalaro sa kanya ang eksena.
             "Wala akong dapat ipaliwanag sa `yo. Kung ano ang nakita mo ay iyon na `yon. Wala ka na doon. Dalawang araw na ang nakakalipas mula nang mangyari iyon pero hindi ka pa makapag-move on. Does it hurt so bad, Mack?"
            Nagtagis ang mga bagang niya sa sinabi nito. Kumuyom ang kamao niya. Walang babala na sinuntok niya ito sa kaliwang pisngi. Hindi ito nakaiwas. Sumabog na lang siyang bigla. Hindi na siya makapagpigil sa galit na nadarama niya sa pinsan. Bakit kung ituring nito ang halik ay parang wala lang.
             "Bakit mo ginawa `yon?" Tanong ni Joen sa kanya habang sapo ang nasaktang pisngi.
            Kung gaganti ito ay nakahanda siya. Wala na siyang pakialam kung magrambulan sila. Ngunit hindi niya inaasahan ang reaksyon nito. Tila walang balak na gumanti sa kanya. Ang kaharap niyang Joen ay iba sa Joen na nakasanayan niya. Iyong gaganti kapag nasaktan.
             "Kailangan mo pa bang itanong `yon, Joen! Damn you! I'm jealous on what I've saw. I'm mad because of you. Wala naman kayong relasyon ni Vin pero hinalikan mo siya. Tell me, Joen. Sabihin mo sa `kin ng harapan kung ano ba para sa `yo si Vin?"
            "Kagaya ng sinabi ko, wala akong dapat sabihin o ipaliwanag sa `yo. Hindi kita tatay para sabihin ko sa `yo ang nararamdaman ko."
             "Meron! Meron kang dapat ipaliwanag. Hindi ka nanliligaw kay Vin pero hinalikan mo siya. Ano ba talaga siya sa `yo? Katulad ba namin ni Nick ay may pagtingin ka rin sa kanya kaya mo siya hinalikan?"
            "Desperado ka na." Nasabi nito.
             "Wala akong pakialam! Gusto kong malaman ang totoo dahil kung pareho rin sa `kin ang nararamdaman mo sa kanya ay itatrato kita bilang karibal at hindi pinsan."
            "Hindi pa ba?" Sarkastikong sabi ni Joen. "Sige, aaminin ko sa `yo na pareho niyo ni Nick ay may nararamdaman rin ako para sa kanya. I kiss him because I like him."
            "Kaya pala ganoon mo na lang siya bakuran," aniya, may pait sa boses. "Fight fairly, Joen. `Wag kang bantay salakay. `Wag mo kaming kataluhin ni Nick behind our back."
            "Maswerte nga kayo ni Nick dahil nasabi niyo na sa kanya ang nararamdaman niyo. Ako hindi pa," ani Mack.
            "Wala akong pakialam. Just fight fairly." Ang sabi niya saka ito iniwanan.
             Nang makalabas siya ay agad siyang nagtungo sa sala para magpaalam sa tito niya. Hinaplos niya ang nasaktang kamao. Masakit iyon. Masyadong matigas ang mukha ni Joen. O sadyang hindi lang siya sanay sa ganito. Hindi naman siya bayolente pero dahil kay Vin ay nag-iiba ang attitude niya. Sobra ang pagseselos niya. Buong pwersa ang ibinigay niya kay Joen na suntok.
            Nakakahiya man na magpaalam pa siya sa Tito Ric niya pagkatapos ng nangyari ay gagawin niya. Tanda lang niya iyon na nirerespeto niya ito. Naabutan niya ang mga ito na nag-uusap. When he heard the word vacation, his curiousity rises. Mukhang pagkakataon na para malayo si Joen kay Vin sa pamamagitan nito.
            Nang pumayag si Tito Ric sa suhestiyon ni Arkin at narinig niyang isasama si Joen ay napangiti siya. Habang wala si Joen ay siya muna ang eeksena at wala ng epal. Si Nick naman ay okay lang.
            Lumapit siya sa mga ito at nagpaalam.
            Nang makapasok siya sa kwarto niya ay agad siyang nag-text kay Vin.
            Can we go out tomorrow.


17 comments:

  1. lets do the moves ne mack..hahaaha
    pero babalik pa rin c joen ko..ahhaa

    jihi ng pampanga

    ReplyDelete
    Replies
    1. Babalik pa rin siya.. hindi ko alam kung tama ang kasabihan na 'absence make the love grow fonder' . Yon ang mangyayari sa kanila. Excited na ako doon kahit krokis pa lang!

      Delete
  2. Vin, ikaw na talaga ang mahaba ang hair. Teka lang, kelan sila magsisimulang magtrabaho sa restaurant? Wala lang naisip ko lang bigla.

    Sino ba talaga itong c kuya arkin? May kinalaman ba sya sa buhay ni vin?

    -hardname-

    ReplyDelete
    Replies
    1. Chill lang, hardname, malapit na tayo doon. Mga apat pang chapter bago ang restaurant. :)

      Delete
  3. So ito na ung moment na sinasbi ni author na mawawala c joen. #TeamJoen parin ako. Cgurado akong may mangyayaring maganda sa pagbabalik nya. Lalo lang nilang mamimiss ang isat isa sa paglayo ni joen. Eeeeehhhh. Di na ako makapaghintay.

    -hardname-

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yup, heto na yon, hardname. Meron nga ba na mangyayaring maganda?

      Meron ata, krokis pa nga lang. :)

      Delete
    2. i support u hardname..ahhaaa

      jihi ng pampnaga

      Delete
  4. wow ang bilis ng update (y) thanks :)))

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kailangan, Ruthra. Isang linggo akong hindi nag-update at nag-fan mode. Sa palagay ko, I owe one to those readers who read this story.. isa ka na dun :)

      Delete
  5. Sana naman mag open up na si Joen kay Vin! back up pan ka namin!
    Ano naman ang napagkasunduan ni Mack at Ni arkin? may kinalaman naman kaya si Vin dito? Can't wait for the next chapter! next update na please mr author!

    Ben

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sa takdang panahon pa mangyayari `yon, Sir Ben.. malalaman natin kung sino ba si Arkin Angeles pagdating ng panahon.. ano nga ba siya?

      Delete
  6. ayan may moment na si Mack
    the moves na koyaaa, CHARRR!

    akin na muna si Joen magbabakasyon siya sa probinsiya kasama ako, CHARRR!

    ganda talaga ng story writer, excited na ako sa mga pasabog ni Arkin, may nasesense akong something sa character niya. (Madam Auring lang?! CHARR!)


    -LIGHTLESS

    ReplyDelete
  7. NAKALIMUTAN MO NA BA ANG PINAG USAPAN NATIN ABOUT SA
    THREE DAYS GRACE PERIOD SA PAG A-UPDATE???

    HA???!!!

    HUWAG MONG SUNOD SUNURIN ANG POSTING NG MGA CHAPTERS MO AT BAKA MAGING TAMBAKAN NA NAMAN ANG MSOB.

    THIS IS OUR WARNING.

    ULITIN MO PA ULIT YAN...

    ReplyDelete
  8. Hindi na muulit, kuya ponse. Pasensya na po.
    Pasensya na talaga. :(

    ReplyDelete
  9. Hello Mr. Author!

    I've been reading this story and I find it very interesting... The way you twist things and events...

    Your readers here... Some of them are a pro... May konting problema lang sa grammar... If you have a friend to help, pwede ka mag seek ng tulong... Kung wala nmn, I'd be happy to help you out...

    Pakialamero lang? Pero seriously, 2 thumbs up aq sayo.. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat..

      Wala aqng friend na pro.. hahah.. oo, nga po, ang ibang reader talaga ay pro na pagdating sa mga bagay-bagay.. at pagdating talaga sa grammar ay sawi ako.. aaminin ko yon.... hindi po ako tatanggi sa tulong. Salamat.

      Salamat sa pagbabasa.

      Delete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails