Starfish
[Chapter 5]
By: crayon
****Kyle****
6:23 pm, Saturday
June 21
Kapwa kami tahimik ni Aki sa loob ng sasakyan. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa kanyang isip pero alam kong kapwa kami kinakabahan. Kanina pa nagpapawis ang aking mga palad at para akong maiihi na ewan. Pilit kong inaaliw ang aking sarili sa mga nadadaanan naming tanawin pero kusang bumabalik ang aking isip sa kung anong maaaring mangyari mamaya.
Eto na yata ang isa sa pinakamahirap na pag-amin sa buong buhay ko. Tinext ko lamang sila Mama kahapon na maghanda ng kaunting pagkain dahil ipapakilala ko sa kanila ang boyfriend ko. Para akong nasa bingit ng kamatayan kahapon habang naghihintay ng reply nila. Mahigit limang minuto bago nakasagot si Mama pero parang limang oras akong naghihintay ng reply mula sa kanya. Tanging 'ok' lang ang sinagot niya sa text ko.
Hindi ko alam kung naiintindihan niya yung sinabi ko o sadyang wala lang siyang pakialam. Baka iniisip niyang nagkamali lang ako ng type sa text o baka nagbibiro lamang ako. Gusto ko sana magreply pa sa kanya pero naubusan na ako ng lakas ng loob para magtanong pa.
Hanggang ngayon ay nagdadasal pa din ako na sana ay matanggap ako ng aking pamilya at maging maayos ang kalalabasan ng aming dinner.
Nang ibalita ko kay Aki na tuloy ang pagpunta namin sa amin ay labis ang kanyang tuwa. Pero batid kong labis na din ang kanyang kaba ngayon.
Nasa Nlex na ang sasakyan ni Aki at alam kong wala ng atrasan ang gagawin namin. Hindi ako halos nakatulog kagabi sa pag-iisip sa maaaring maging reaksyon ng aking pamilya. Ina-anticipate ko na ang aking ina na iiyak o kaya ay ang pagsuntok sa akin ni Papa. Ine-expect ko na din na baka palayasin na ako sa amin na handa ko namang gawin kung sakali. Alam kong hindi naman ako pababayaan ni Aki at kaya ko din namang tumayo sa sarili kong mga paa.
"Aki, daan ka muna dyan sa gas station. Naiihi uli ako eh.", mahina kong sabi kay Aki. Ngayon pa lang ay nawawala na ang aking boses, paano pa kaya kapag kaharap ko na sila Papa?
"Sige, naiihi din ako.", sagot ni Aki. Sa kabila ng malakas na aircon sa loob ng kotse ay kita ko ang butil-butil na pawis sa kanyang noo.
Nang makapag-park si Aki ay sabay naming tinungo ang restroom. Hindi naman talaga ako naiihi gusto ko lang talagang maihi dahil sa kabang nararamdaman ko.
Bago kami sumakay sa kotse ay naisip kong bumili ng yosi sa convinience store na nasa station na iyon.
"Aki, magyoyosi lang ako ng isa ha?", paalam ko kay Aki.
"Sige, pahingi din ako ng isa. Parang ang ginaw ngayon eh.", napangiti naman ako sa palusot niya. Mukhang ayaw niyang umamin na kinakabahan din siya.
"Maginaw ba? Eh bakit pinagpapawisan ka?"; medyo nang-iinis kong banat kay Aki.
"Basta, bili ka na lang ng yosi.", masungit nitong sagot na akin ng ikinatawa.
Pagkabili ko ng yosi ay sabay namin iyong inubos ni Aki. Pilit naming pinapakalma ang aming mga sarili.
"Okay ka lang?", tanong sa akin ni Aki.
"Medyo kinakabahan lang. Ikaw?"
"Excited na ako makita uli ang parents mo.", pilit na siglang sabi ni Aki.
"Sinungaling, kanina ka pa nga kinakabahan eh.", pambubuko ko sa kanya.
"Hindi ah, bakit naman ako kakabahan?", mayabang na sagot ni Aki.
"Eh bakit ka pinagpapawisan kahit malamig? Tsaka bakit bigla-bigla kang nagyoyosi? Ilang beses ka na ding ihi ng ihi.", pang-uusig ko.
"Bakit ba ang kulit-kulit mooooooo?", naiinis na wika ni Aki habang kinukurot ang aking pisngi.
"Araaay!", natatawa kong reklamo habang kumakawala sa kurot niya sa aking pisngi. Nang akmang gaganti na ako ay nagtatakbo si Aki na parang bata patungo sa kotse.
Pinatay ko naman ang hinihithit kong sigarilyo at sumunod na din kay Aki sa kotse.
"Tara na?", nakangiting bungad sa akin ni Aki.
"Andaya mo, gaganti ako sayo mamaya.", tumawa lamang si Aki at pinaandar na ang kotse.
Pasado alas-syete na ng gabi ng makarating kami sa bahay. Pinark lang namin ang kotse ni Aki sa labas ng aming gate. Bukas ang ilaw sa loob ng bahay kaya tiyak na nandoon sila Mama sa loob.
"Ready?", tanong sa akin ni Aki habang nakatayo kami sa harap ng aming bahay.
"Rea---", hindi ko na nagawa pang tapusin ang aking sasabihin ng bigla akong halikan sa labi ni Aki. Mabilis lang ang halik na iyon pero ubod ng tamis. Kahit papaano ay nabawasan ang kaba ko ng mga sandaling iyon. Nakangiti lamang sa akin si Aki.
Huminga ako ng malalim bago kumatok sa pinto ng aming bahay dahil wala akong dalang susi. Makalipas ang ilang sandali ay pinagbuksan kami ng nakababata kong kapatid na babae.
"Waaaaaahhh!", bungad na sigaw ng aking kapatid ng makita kami ni Aki na nakatayo sa pinto. Hindi man lang kami nito inimbitang pumasok, sa halip ay nagtatakbo ito patungo sa ikalawang palapag ng bahay habang nagsisisigaw.
"Paaaaa! Maaaaa! Andyan na si kuuuyaaa! Aaay si Ate pala! Hindi si kuya talaga na ate ko naaaaa!!!!!", hurumentado ng aking kapatid. Hindi mapigilang magsalubong ng kilay ko dahil sa pang-iinis ng aking kapatid.
"Ipaalala mong babatukan ko yung kapatid ko na yun bago tayo umalis ha.", naiinis kong bulong kay Aki.
"Relax ka lang.", sagot ni Aki.
Naputol ang aming pag-uusap ng makita kong pababa ng hagdan si Mama kasama ang dalawa kong kapatid.
"Bakit ngayon lang kayo?", bungad ng aking ina habang magkasalikop ang kamay. Hindi ko alam kung naiinis itong makita kami dahil blangko ang kanyang mukha.
"Goodevening po tita!", magiliw na bati ni Aki. "Pasensya na po na-trapik kame."
"Kyle, sumunod ka sa akin. Kakausapin ka namin ng papa mo.", wika ni Mama na hindi man lang tinapunan ng tingin si Aki.
"Paano si Aki?", kinakabahan kong tanong.
"Paupuin mo na lang muna siya dyan. Ikaw lang ang gusto naming makausap.", malamig pa ring tugon ni Mama. Hindi na ako nito hinintay na makasagot pa at nagpatuloy na siya sa pag-akyat sa hagdan.
"Sige na Kyle. Sumunod ka na sa Mama mo. Okay lang ako dito.", hikayat ni Aki.
"Oo nga kuya, wag mo ng paghintayin si Papa. Kahapon pa iyon bad mood.", biglang singit ng bunso kong kapatid.
"Kami na ang bahala dito sa bisita mo.", dagdag pa ng kapatid kong babae.
Wala na akong nagawa kundi ang sumunod kay Mama. Nakita ko namang naupo sa sofa si Aki bago ako magsimulang umakyat ng hagdan. Lalo lamang akong kinabahan sa paraan ng pakikitungo ni Mama sa amin. Mukhang hindi magiging madali ang mga susunod na pangyayari.
Naabutan ko ang aking mga magulang na nakaupo sa salas sa ikalawang palapag ng bahay. Nakabukas ang tv pero agad din iyong pinatay ni Papa ng makita ako.
"Maupo ka.", utos ni Papa sa akin. Tahimik lang akong umupo sa sofa na kaharap nila.
"Kelan ka pa natutong maglihim sa amin Kyle?", panimula ni Mama.
"Alam mo ba ang mga ginagawa mo?", sunod na tanong ni Papa bago pa man ako makasagot.
"Naisip mo ba ang mararamdaman namin?", pangungunsensya ni Mama.
"Naisip mo ba ang sasabihin ng ibang tao?", si Papa.
"Tingin mo ba may patutunguhan yang desisyon mo?", si Mama.
"Hindi mo ba gustong magkaanak?"
"Masyado ka pang bata baka naguguluhan ka lang.", hirit ni Mama.
"Tingin mo ba na hahayaan ka namin sa gusto mong mangyari?"
"Saan ba ka----"
"Ma....", pagputol ko sa sasabihin sana ng aking ina. Alam kong kapag hindi ko pa sila inawat ngayon ay tuluyan na akong mawawalan ng lakas ng loob na sabihin ang nais kong malaman nila.
"Pa... Alam nyo pong mahal ko kayo pareho kaya ginagawa ko to. Gusto ko pong matanggap nyo ako bilang ako. Mahal ko po si Aki at sigurado po ako doon."
"Alam ko pong madami ang hindi makakatanggap sa klase ng relasyon na meron kame pero wala po kaming pakialam sa kanila. Kung mayroon man pong taong gusto naming matanggap kami, kayo po yon. Kaya nga po nandito kaming dalawa eh.", hindi ko na mapigilang maiyak dahil sa buhos ng emosyon. Hindi ako makahinga dahil sa paghikbi ko habang nagsasalita. Pakiramdam ko ay bata akong muli na umaamin ng nagawang kasalanan sa magulang.
"Ka-kahit po natatakot at kinakabahan ako, gusto ko pong malaman nyo kung ano ako. Kung hindi nyo po ako matatanggap ay maiintindihan ko po, pero sana po isang araw ay maging welcome kami sa pamilyang ito.", litanya ko habang nakayuko.
"Hon, tama na hindi ko na kaya.", singhot-singhot na sabi ng aking ina. Napataas naman ako ng ulo para tingnan ang reaksyon ng aking ina. Lumuluha ng mga oras na iyon ang aking ina samantalang blangko pa din ang mukha ng aking ama.
"Mana ka talaga sa nanay mo sa kadramahan. Lika nga dito payakap kami sa Baby Girl namin.", nakangiting sabi ni Papa.
Para naman akong batang nagtatakbo sa bisig nila Mama at Papa. Walang tigil pa din ang aking pag-iyak. Hindi magkasya ang sayang aking nadarama sa aking puso kaya gayon na lamang ang aking paghagulgol.
"Sorry po kung hindi ko na-meet ang expectations nyo.", usal ko habang nakasubsob sa dibdib ni Mama na parang bata.
"Huwag kang mag-sorry anak. Wala kang kasalanan. Sana lang sinabi mo ng mas maaga para natulungan kita sa iyong pagdadalaga. May buwanang dalaw ka na ba?", biro ni Mama.
"Ma naman eh. Hindi ko naman gustong maging babae.", reklamo ko.
"Tama ang mama mo. Sa susunod wag kang mahihiyang magsabi sa amin. Ang tunay na responsibilidad ng mga magulang ay ang mahalin at tanggapin nila ang kanilang mga anak.", wika ni Papa habang hinahagod ang aking likod para hindi na ako umiyak.
"Thank you po. Sobrang salamat."
"Wala iyon anak. O sya dun ka muna sa kwarto mo ng makausap naman namin ang asawa mo.", wika ni Mama.
"Bakit po kelangan ko pang pumasok sa kwarto?", taka kong tanong.
"Basta, bawal mong marinig ang pag-uusapan namin.", pagmamatigas ni Papa.
"Ma, anu naman binabalak niyo? Mabait naman si Aki.", pagtutol ko.
"Sige na anak, sumunod ka na lang at ng makakain na tayo."
Hindi na ako kumontra pa at naglakad na lang ako patungo sa aking kwarto. May sumilay namang ngiti sa aking mga labi. Ngiti ng saya, ng nag-uumapaw na saya.
****Aki****
7:33 pm, Saturday
June 21
Habang hinihintay na matapos ang pag-uusap ni Kyle at ng kanyang magulang ay hindi naman ako mapakali sa aking kinauupuan. Nakakalusaw kasi ang mga titig na ibinabato sa akin ng mga kapatid ni Kyle.
"Anong pangalan mo?", tanong ng babaeng kapatid ni Kyle na sa tantya ko ay nasa dis y ocho anyos lang.
"Achilles pero Aki na lang itawag mo sa akin.", nakangiti kong sagot. Kailangan kong magpa-good shot sa pamilya ni Kyle. "Ikaw, what's your name?"
"Hoy bawal ang mga pa-sosyal dito baka pasabugin ko yang nguso mo.", maangas na sabi ng bunsong kapatid nila Kyle na mukhang nasa edad dis y sais pa lang.
"Don't mind him, utak kanto kasi ang isang yan. I'm Camille and this is Jace. So gaano na kayo katagal ni Kuya?", walang prenong tanong ni Camille.
"Eleve----", hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa biglang pagsasalita ni Jace.
"Ate alam mo ba pinahanap sa akin ni Papa kahapon yung baril nya. May silencer pa nga sya eh. Di ko alam na may ganun pala sya. Sabi nya may didispatsahin daw sya ngayon, eh hindi naman sya umalis maghapon.", napalunok naman ako ng laway sa sinabi ni Jace. Nung makita ko noon ang Papa ni Kyle ay mukha naman itong mabait at hindi bayolente.
"Wala namang kaaway si Papa di ba?", tanong ni Camille kay Jace.
"Wala nga pero hindi natin alam, parang di mo kilala si Papa. Maiksi ang pasensya non lalo na kapag na-aagrabyado tayong mga anak nya.", sagot ni Jace.
Lalo naman akong pinagpapawisan dahil sa pinag-uusapan ng dalawa. Baka pinagti-tripan lang ako ng dalawang to. Pero paano kung totoo yung sinasabi nila.
Natigil lamang ang aking pag-iisip ng biglang dumating ang ina ni Kyle.
"Aki sumunod ka sa akin. Kayong dalawa, pumasok kayo sa kwarto nyo. Huwag kayong lalabas kahit na anong ingay pa ang marinig nyo. Tatawagin ko na lang kayo kapag pwede na kayong lumabas.", dali-dali namang sumunod ang mga kapatid ni Kyle.
Pakiramdam ko ay singputi ko na ang suka sa pamumutla ng mga sandaling iyon. Kahit na kinukumbinsi ko ang aking sarili na walang mangyayaring masama ay wala pa ring patid ang pagtulo ng aking pawis.
Nagsimula nang umakyat ng hagdan ang Mama ni Kyle at sumunod agad ako. Dinatnan namin ang ama ni Kyle na nakaupo sa sofa sa salas sa ikalawang palapag. Halata ang pagkakakunot ng noo nito na tila hindi masayang makita ako.
"Good evening po Tito!", wika ko sabay abot sana sa kamay niya pero agad din nitong iniwas ang kanyang kamay.
"Maupo ka.", malamig nitong utos. Hindi naman ako nakasagot at napaupo na lamang.
Pagkaupo ko ay noon ko lamang napansin ang itim na bagay na nakalagay sa maliliit na mesang katabi ng sofang kinauupuan ng mga magulang ni Kyle. Mukhang napansin ng ama ni Kyle ang pagkakatitig ko sa bagay na iyon.
"Mahilig ka ba sa baril Aki?", tanong ng ama ni Kyle.
"Ah, hindi po eh.", kinakabahan kong sagot.
"Ganun ba? Hilig ko kasi ang shooting. Laging may baril dito sa bahay para kung may mga manggugulo sa amin lalo na sa mga anak ko, mabilis kong mapapaalis.", malamig na sabi ng ama ni Kyle.
"Hindi ka naman siguro nandito para manggulo Aki?", masungit na dagdag pa ng ina ni Kyle. Napalunok naman ako ng laway sa mga sinasabi nila sa akin.
" Hi-hindi po...", gusto ko ng tumakbo ng mga sandaling iyon, pero alam kong kelangan kong maging matapang para kay Kyle.
"Kung ganon, anung kailangan mo sa anak ko?", tanong muli ng ama ni Kyle.
"Mahal ko po ang anak nyo, nandito po kami para hingin ang basbas ninyo.", sagot ko habang pinipigilan ko ang panginginig ng aking boses.
"Bakit namin dapat ipagkatiwala sa'yo ang anak namin?", tanong ng mama ni Kyle.
"Mahal na mahal ko po si Kyle, at ipinapangako ko pong aalagaan at iingatan ko siyang palagi.", agad kong sagot. Alam kong hindi sapat ang sinasabi ko para makumbinsi sila na mabuti ang intensyon ko kay Kyle pero nanaig pa din sa akin ang kaba kaya hindi ako makasagot ng maayos.
"Siguraduhin mo lang Aki. Nakita ko ng masaktan ang anak ko. Hindi man siya magkwento sa akin noon ay alam kong may kinalaman kayo nung isa mo pang kaibigan sa nangyari sa anak ko. Napakasakit para sa akin bilang isang ina ang makita ang anak na lumalayo sa amin at nalulungkot dahil niloko ng mga taong walang pagpapahalaga sa kanya.", pangaral ng ina ni Kyle.
"Naiintindihan ko po kayo. Inaamin ko pong may mga pagkukulang ako ng mga panahong iyon kay Kyle. Pinili kong umalis nung mga panahong kailangan niya ng karamay. Sa pagkakataon pong ito ay desidido po akong ingatan at mahalin ang anak ninyo. Alam ko pong may mga pagkakataong magkakaroon kami ng hindi pagkakaunawaan pero hinding-hindi po ako bibitaw sa aming relasyon.", sinsero kong sagot.
"Bakit mo ba mahal ang anak ko? Hindi naman kami ganoon kayaman wala kang mahuhut-hot sa amin, mukha ka din namang may kaya. Bakit anak ko pa ang napili mo?", tanong naman ng ama ni Kyle.
Hindi agad ako nakapagsalita dahil wala akong maisip na isagot. Sa totoo lang ay wala akong maisip na konkretong dahilan kung bakit siya ang minahal ko. Di hamak na mas madaming mas gwapo at mas mayaman akong nakilala kaysa kay Kyle. Ang malinaw lamang sa akin ay siya ang tinitibok ng aking puso.
"Kasi po---"
"Pa, kinakawawa nyo naman si Aki eh. Mabait naman yan.", hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil sa biglang dating ni Kyle. Masyado akong kinakabahan sa mga tanong ng kanyang magulang kaya hindi ko na namalayan ang paglapit niya.
Umupo siya sa gitna ng kanyang mga magulang at agad na yumakap sa kanyang ina. Bahagyang nabawasan ang aking kaba dahil sa ngiting nakapinta sa mukha ng aking kasintahan. Sa tantya ko ay naging maayos ang kanyang pakikipag-usap sa mga magulang niya kanina.
"Bakit lumabas ka na agad anak? Hindi pa kami tapos kausapin 'tong asawa mo. Anu Aki? Bakit mo mahal ang anak ko?", lumingon ako kay Kyle para sana humingi ng saklolo pero tila naaaliw ito sa hitsura ko ng mga sandaling iyon. Dahil mukhang wala din akong makukuhang tulong mula sa kanya ay sumagot na lamang ako.
"Hindi ko rin po alam, basta ang malinaw po sa akin ay siya ang laman ng puso ko at siya ang gusto kong makasama sa habang buhay. At sa araw-araw po na kami ay magkasama ay mas lalo ko lamang po siyang minamahal.", hindi ko maiwasang pamulahan dahil sa mga sinasabi ko. Masyado atang cheesy. Nang lingunin ko si Kyle ay kita ko ang pagpipigil nila ng tawa ng kanyang ina, na nakadagdag lang sa pagkahiya ko.
"Mabuti naman kung ganoon. Palagi mo sanang iingatan ang anak ko. Mukha lang yang matapang pero iyakin talaga ang isang iyan.", wika ng ama ni Kyle. Hindi ko naman maiwasan mapangiti dahil sa wakas ay natapos din ang panggigisa sa akin at natanggap kami ng pamilya ni Kyle.
"At ikaw naman! Huwag mong abusuhin ang asawa mo! Baka masyado mong pinaiiral ang pagka-isip bata mo! Ang gwapo-gwapo pa naman ng son-in-law ko.", pangaral ng mama ni Kyle sa kanya.
"Tara na iho at kumain na tayo sa baba.", wika ng ama ni Kyle sabay akbay sa akin at iginiya na ako patungo sa baba.
"Salamat po sir."
"Wag mo na akong sini-sir, Papa na lang din ang itawag mo sa akin bilang parte ka na din ng pamilyang ito.", magiliw na wika ng ama ni Kyle.
"Salamat po Papa.", wika ko habang malapad na nakangiti. Tila napakagaan ng pakiramdam ko ng mga oras na iyon.
"Mauna na kayo sa baba Ma, ilalagay lang namin ni Aki yung gamit namin sa kwarto.", paalam ni Kyle.
"Sige, basta sumunod kayo agad. Ipapahain ko na yung hapunan natin."
Nang makaalis ang mga magulang ni Kyle ay hinila na ako nito patungo sa kanyang kwarto. Nang makapasok kami ay agad din niyang isinara ang pinto. Napaupo naman ako sa kanyang kama dahil medyo nanghihina pa ang tuhod ko buhat sa pakikipagusap sa mga magulang ni Kyle. Nagulat naman ako ng bigla akong talunin ni Kyle at dumagan sa akin. Napahiga naman ako sa kanyang kama dahil sa kanyang kakulitan. Mahigpit na nakayakap sa akin si Kyle habang nakasubsob ang kanyang mukha sa aking leeg.
"I love you Aki.", bulong nito sa akin.
"I love you more.", sagot ko sa kanya. Agad naman siyang nagtaas ng mukha at binigyan ako ng isang mariing halik sa labi.
"Sarap naman nun.", nakangiti kong sabi ng maghiwalay ang aming mga labi.
"Mas masarap yung gagawin ko mamaya bago tayo matulog.", pilyong sagot ni Kyle.
"Promise?", natatawa kong paniniguro. Hindi naman mapigilang tumigas ng laman sa pagitan ng aking mga hita sa sinabi ni Kyle.
"Oo. Kinabahan ka ba kanina?", tanong ni Kyle habang nakadapa pa din sa aking katawan.
"Hindi ah, sabi ko naman sayo kayang-kaya ko yun eh.", palusot ko.
"Ang yabang mo! Puro pawis ka kaya nung inabutan kita kanina. Naawa lang ako sayo kaya ako biglang sumingit sa usapan ninyo eh."
"Hindi mo na dapat ginawa yun, kaya ko naman eh."
"Sinungaling, ayaw pa umamin. Namumutla ka na nga eh. Pagpasensyahan mo na lang yung pamilya ko, napagtripan ka lang ng mga yun. Mabait naman sila eh pati si Papa.", pagpapaliwanag ni Kyle.
"Alam ko naman yun, nagulat lang ako nung may makita akong baril.", pag-amin ko.
"Hahaha, siraulo talaga si Papa. Panakot niya lang yun, alam ko sira yung baril na yun eh. Bakit hindi ko naman napansin yun kaninang kausap nila ako?"
"Ewan, kakuntsaba pa ata nila yung mga kapatid mo eh. Sabi nung bunso nyo inutusan daw siya ng Papa mo na hanapin yung baril nya eh. Tapos nung pag-upo ko kanina yun yung una kong nakita."
"Hahaha, sorry na. Batukan na lang natin mamaya yung dalawa kong kapatid."
"Hayaan mo na sila. Ang importante, okay na tayo dito sa inyo. Pwede na tayo umuwi dito sa inyo ng sabay.", masaya kong sabi kay Kyle.
"Right, tara na sa baba. Baka hinahanap na nila tayo. Mamaya na lang natin ayusin yung gamit natin.", aya ni Kyle.
...to be cont'd...

Author's Note:
ReplyDeleteGuys, pasensya na medyo na-delay ang post ng chapter na ito... Gusto ko pala magpasalamat sa mga nagbabasa at sumusubaybay sa kwentong ito. Sobrang maraming salamat sa mga nagco-comment mula noong LSI hanggang dito sa Starfish sobra ko po kayong, na-appreciate. pasensya na kung hindi ako nakakapag comment back sa inyo.. hindi ko na kayo iisa-isahin dahil alam nyo namang tamad ako... hahaha :))
Pasensya na din kung medyo maiksi ang mga susunod na chapters at medyo mabagal ang pacing ng story natin this time. i will do my best to make it longer on the next batch of chapters...
agin thankyou! thank you po! sa lahat sa inyo....happy reading everyone...
Nga po pala, sa mga nagtatanung po wala po akong fb accnt kahit yung personal na accnt hahaha taga-bundok ako eh..
ReplyDeletefor feedback, criticisms, suggestions, what have you , please feel free to comment.. :)) or kung mahiyain kayo at gusto ninyo ng private conversation you may email me at crayonross@gmail.com... yan din id ko sa google+ hehehehe yun lang...
wow. walang fb pero may blog hahaha. ligawan kita jan e. haha single ka pa ba mr. author?
DeleteOpo sir! Isa kong hopeless romantic...
DeleteNakakatawa naman ang chapter na ito... Hahahaha
ReplyDeleteThis is fast becoming my all-time MSOB fave. Ang galing. Yung LSI tumatak talaga sa akin. And I can relate to Me and My Saturdays. Mag- FB ka na rin, Crayon. Or kahit Twitter. Keep inspiring us! - Kris :)
ReplyDeleteHahaha kilig! Wagas ang pamilya ni Kyle e! Lakas mantrip! ~Ken
ReplyDeletethanks sa update ...
ReplyDeletekiko of sk
keep it up mr.author :)
ReplyDeletelooking forward for the next next next next chapters :)
--esod
magcomment muna ko bago ko basahin tong chapter na ito.
ReplyDeletearaw araw akong nagtsecheck dito sa MSOB, nang makita kong may bagong update sa Starfish ang kwentong lagi kong inaabangan ay napangiti ako. Mr author you made my beautiful day complete, no my whole week complete. Ganyan ang epekto ng yong story sa akin. congrats!
Ben
Walang mintis or palya sa pagpapangiti si Crayon! Love the characters from LSI to Starfish!
ReplyDelete-dilos
Dahil dito, sisimulan ko nang basahin ang LSI! Yay! Ganda nito! Naintriga ako bigla dun sa nakaraan ng dalawa eh. Parang kulang kasi yung kaaalaman ko tungkol sa Characters. Anyways, thanks a lot crayon! Bakit tiga san ka bang bundok at kahit FB wala ka? Sayang naman!
ReplyDelete-- Rye Evangelista
Magandang ideya yan rye para mas maka-relate ka...
DeleteHahahaha kulit lang ng pamilya ni kyle.. Pero infairness ang hirap talaga mag confess sa mga magulang eh kahit alam mong alam nila kung ano ka
ReplyDeleteMay fb naman ako dati guys naka-deactivate lang haha madame ako pimagtataguan... Email nyo lang ako kung may concern kau... Thank u all for reading...
ReplyDeleteKris- sabihan ko kau kapag may fb na uli ako... :)
ReplyDeleteKen- buti nagustuhan mo ken...
Kiko and esod - thank you guys...
Ben- sana nagustuhan mo Ben...
Dilos- maraming salamat... :))
hay! gusto talaga kitang maging kaibigan gawa ka ng account sa FB please!, Love you Author :)
ReplyDelete~YeorimHere
maka-baby girl naman ang papa ni kyle.. nice.. thanks sa update..
ReplyDeletearejay kerisawa, Qatar
I am your avid fan reader since time immemorial, lolz kidding aside, yiu really are have a prowess in writing.
ReplyDeleteI love it the way yout story go.
Always keep it up!
Kakatuwa cla hahang papunta. Parehong kinakabahan. Gusto ko ung moment na un. At syempre ung moment na tanggap cla ng family ni kyle. Ang saya lang. :))
ReplyDelete-hardname-
Galng mo mo tlaga sir crayon... wala paring kupas....
ReplyDelete