Followers

Wednesday, May 28, 2014

Starfish [Chapter 7]





Starfish
[Chapter 7]



By: crayon




****Kyle****


8:36 am, Monday
June 23



Napakagaan ng pakiramdam ko ngayong umaga. Pakiwari ko ay mina-magnet ko papunta sa akin ang lahat ng good vibes sa umagang ito. Tahimik akong nakaupo sa loob ng kotse habang nakikinig sa kantang nagmumula sa radyo sa loob ng sasakyan ni Aki. Hindi ring maikakaila na good mood ang aking kasama dahil mukha siyang tanga na nakangiti habang nagdi-drive kahit na wala namang nakakatawa. Hinayaan ko na lamang siya sa kanyang trip dahil gwapo pa din naman siya tingnan sa kanyang ayos kahit na parang may sira siya sa ulo.


Ibinaling ko ang tingin ko sa may bintana at pinagmasdan ang mga palayang nilalagpasan namin sa kahabaan ng NLEX. Maaga kaming nagpaalam kanina kela Mama na babalik na ng Maynila. Matapos kumain ng almusal ay gumayak na kami paalis. Gusto kong sulitin ang buong araw na si Aki lang ang kasama. Pakiramdam ko ay dapat kaming mag-celebrate ng kami lang dahil sa magandang kinalabasan ng pagpapakilala ko sa kanya sa pamilya ko. Kapwa kami naka-leave ngayon sa opisina kaya malaya kaming gawin ang nais namin sa buong araw.


Sa totoo lang ay mas gusto ko na magkulong lang kaming dalawa sa loob ng aking unit. Sa ganoon kasing paraan ay mas nakakapag-bonding kami kaysa sa paglabas o panonood ng sine. Ipagluluto ko na lang uli siya mamaya o kaya mamasahehin ko na lang siya tapos may extra service na kasama.


"Para kang sira, nakangiti ka mag-isa. Pinagnanasahan mo na naman ako no?!", nagulat ako sa biglang pagsasalita ng mahal kong kasintahan. Medyo namula naman ako dahil parang nabasa niya yung nasa sa isip ko.


"Conceited much? Bakit? Masama ba ngumiti mag-isa? Ikaw din kaya nakangiti mag-isa kanina!", medyo may kasungitan kong sagot.


"Hahahaha! Bakit biglang ang sungit mo? Guilty ka no?!", patuloy na pang-iinis ni Aki.


"Hindi nga ang kulit mo! Bakit naman kita pagnanasahan?", depensa ko.


"Haha! Kasi gwapo ako. Kasi may 6-pack abs ako. At dahil patay na patay ka sakin!"


"Hahahaha pilingero! Iba kaya iniisip ko hindi naman ikaw!", ganti kong pang-iinis.


"Sus, wala naman kaya akong kasing-gwapo. Sinu naman yang iniisip mo, sige nga."


"Anu... si ano... uhmmm... ahhh... yung... ano... yung bago kong crush sa office!!!", natataranta kong sagot.


"Puro kaya panget tao sa inyo!", pambabara ni Aki.


"May bago kaming officemate no! Gwapo, hunk, kissable lips!"


"Type mo?", nanunubok na tanong ni Aki.


"Crush ko nga di ba?!", pambabara ko. Nagulat naman ako sa biglang paghinto ng sasakyan. Di ko namalayang nasa toll gate na pala kame.


"Ate, may tanong po ako?", wika ni Aki sa babaeng nasa loob ng toll booth. Halatang kinikilig naman ang babae sa pagpansin ni Aki sa kanya. 


"Ano po yun sir?", matinis na sagot nito.


"Gwapo ba ako ate? Eto kasing kasama ko ayaw maniwala na gwapo ako eh.", pagpapa-cute na tanong ni Aki.


"Opo naman sir, para nga kayong artista eh. Kung wala nga lang po ako dito sa loob ng booth kanina pa ako nagpa-picture sa inyo eh.", kilig na kilig na tugon ng babae.


"Sige ate maraming salamat! Next time na lang tayo mag-picturan ha? Have a good day!"


"Sige po sir! Ingat po kayo sa pagdi-drive. Ang gwapo niyo po talaga.", paalam ng babae na lalong ikinahaba ng nguso ko.


Hindi ko talaga maiwasang mainis o magselos sa tuwing nakikipag-usap ng ganoon si Aki sa mga babaeng may gusto sa kanya. Alam niyang naiinis ako sa mga ganoong bagay pero ginawa niya pa din. Bigla tuloy akong na-bad trip.


"Flirt!", di ko mapigilang bulalas ng makalayo na kami sa toll gate.


"Ha? Anong flirt don nagtanong lang naman ako.", natatawa nitong sagot sa akin. Mukhang sinadya talaga nito na inisin ako.


"Whatever.", pinasya ko na lamang na tumahimik hanggang sa makarating kami sa condo ko. Hindi na rin naman ako inasar ni Aki, marahil ay napansin na din nito ang pagkainis ko.


Nang makarating kami sa unit ko ay tuluyan na akong sinumpong ng aking pagka-isip bata at nagdadabog na ako sa aking paligid. Pabalibag kong isinara ang pinto ng aking kwarto para hindi ako masundan ni Aki sa loob.


"Kyle, open the door.", sigaw sa akin ni Aki habang kinakatok ako sa aking kwarto. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lamang ako sa pagbibihis ko ng pambahay.


"Huy Kyle! Saan ko ilalagay tong gamit ko?", muling sigaw ni Aki.


"Tanong mo don sa babae sa may toll gate sa Nlex! Baka alam niya kung saan yan pwede ilagay!", ganti kong sagot.


"Napakapikon nito! Joke lang naman yun eh. Dali na Kyle buksan mo na tong pinto. Inaantok pa ako, gusto ko matulog.", pakiusap ni Aki pero nagtakip na ako ng unan sa ulo para makatulog. Bahala siya kung gusto niyang umuwe o matulog sa sala.


Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako habang nakikinig sa pagkatok ni Aki. Nang magising ako ay pasado alas onse na ng tanghali at nakaramdam na ako ng pagkagutom. Agad akong bumangon sa aking kinahihigaan para makapaghanda ng pananghalian.


Nang makalabas ako ng aking kwarto ay wala na sa sala si Aki. Tinungo ko ang kusina pero wala din siya doon. Marahil ay umuwi na ito para magpahinga. 


'Nakakainis hindi man lang ako nilambing para magkabati kami.', bulong ko sa aking sarili.


Dahil bad mood pa din ako ay tinamad na akong magluto. Naghanda lamang ako ng sandwich at naupo sa harapan ng tv. Binuksan ko ang tv at naghanap ng maaaring panoorin para pampalipas oras habang kumakain.


Nasa kalagitnaan na ako ng aking pagkain nang marinig kong bumukas ang pinto ng aking study. Bahagya pa akong nagulat nang may lumabas na lalaki doon na nakasuot lamang ng boxer shorts. Hindi ko alam kung anong ginagawa ni Aki roon habang natutulog ako at mas lalong hindi ko alam kung bakit naka-neck tie siya at boxer shorts lamang.


Walang ekspresyon ang kanyang mukha habang naglalakad sa aking harapan. Para naman akong tangang pinapanood ang kanyang bawat galaw. Pinatay niya ang TV at hinugot ang cellphone na nakaipit sa garter ng shorts niya. May kung ano siyang kinakatikot roon bago tumugtog yung Koreanong kanta na 'open the door'.


Hindi ko alam kung uunahin kong iluwa yung nginunguya kong sandwich o kung hahagalpak na ako ng tawa nang magsimulang sumayaw si Aki. Halos perpekto na para sa akin ang boyfriend ko pero hindi kasama sa listahan ng mga pogi points niya ang pagsasayaw. Pinilit kong pigilan ang aking pagtawa para magpatuloy lang siya sa pagsasayaw. Pero habang tumatagal ay parang si Mr. Bean na ang pinapanood kong sumayaw kaya napabunghalit na din ako ng tawa. 


Noon lamang ngumiti si Aki. Alam kong ginawa niya iyon para mawala ang inis ko. Hindi ito ang unang beses na nag-away kami dahil sa pagkaisip bata ko. At sa tuwing naiinis na ako ay lagi siyang may bagong pakulo para magkabati kami.


"Hahahahahaha! Pwede isa pa? Ivi-video ko lang.", pakiusap ko habang pinapahid ang nangingilid na luha sa aking mata buhat sa pagtawa.


"Hindi ka na naiinis?", pa-cute na tanong ni Aki.


"Pano pa ako maiinis eh laugh trip ka sumayaw, parang si Mr Bean lang.", nakangiti kong sagot.


"Grabe ka hindi mo man lang na-appreciate yung mga dance moves ko. Ang tagal ko kaya yung prinactice kanina.", reklamo ni Aki.


"Hahaha may practice ka pa nyan ha? Paano pa kung wala?"


"Ang sama mo!", parang batang humaba ang nguso ni Aki sa pang-aalaska ko.


"Wala bang sexy dance?", hirit ko pa.


"Ayaw, dun ka na lang sa crush mo manghingi ng sexy dance.", tampu-tampuhan nito. Alam kong turn ko naman na lambingin siya.


"Ikaw naman kasi talaga yung iniisip ko kanina, kunyari lang yung bagong crush.", paliwanag ko kay Aki habang niyayakap siya. "Wag ka na magtampo."


"Hmp! Pinag-lockan mo pa ako ng pinto, inaantok pa kaya ako."


"Sorry na, ikaw kasi eh kung makapagpa-cute ka dun sa babae sa toll gate parang di mo kasama boyfriend mo. Ipagluluto na lang kita, anu bang gusto mo?", tanong ko.


"Ikaw, alam mo namang ikaw lang ang gusto ko eh. Ewan ko ba kung bakit ka pa nagseselos dun sa babae.", nakangisi nang sagot ni Aki.


"Hahahahaha, kadiri ka Aki. Ang korni mo! Anu ngang lulutuin ko? Dali, nagugutom pa din ako eh.", kinikilig kong sagot.


"Hahaha, bahala ka na. Kahit ano naman basta luto mo masarap eh, pero parang gusto ko ng pasta.", request ni Aki.


"Carbonara?", tumango lang si Aki bilang sagot at saka ako hinalikan sa noo.


"I love you Kyle."


"I love you too Aki. Kainin mo muna yung sandwich ko habang nagpre-prepare ako ng pagkain.", suhestyon ko dahil naawa din naman ako na naiwan siyang mag-isa kanina sa labas ng kwarto ko.


Kasalukuyan na akong naghihiwa ng rekado ng lulutuin kong carbonara nang may marinig akong pagkatok. Lalapit na sana ako sa pinto ng magsalita si Aki.


"Ako na Kyle, tuloy mo na lang yang ginagawa mo. May ine-expect ka bang bisita?", tanong sa akin ni Aki.


"Wala naman. Nagpadeliver ka ba ng pagkain?", taka kong tanong, dahil nga wala naman akong inaasahang bisita. At iilang tao lang ang nakakaalam ng aking tinitirhan.


"Hindi, saglit titingnan ko kung sino.", tumango lamang ako bilang sagot at ipinagpatuloy ang aking ginagawa.


Wala pang ilang minuto ay narinig ko ng may kausap si Aki.


"Kyle may bisita ka.", narinig kong sigaw sa akin ni Aki.




****Lui****



12:13 pm, Monday
June 23


Malungkot akong umalis ng bahay namin kahapon sa Rizal, ganun pa man ay pakiramdam ko ay tama ang aking ginawang desisyon. Mas gusto ko nang mamuhay na lamang ng mag-isa kaysa mabuhay kasama ng taong hindi ko naman gusto. Wala sa balak ko ang ma-engage sa isang babaeng hindi ko naman lubusang kilala at mahal.


Naguguluhan din ako sa aking sarili. Hindi ko alam kung bakit allergic na allergic ako sa mga babaeng inirereto sa akin ng aking mga magulang. Halimbawa na lamang si Jane, kung tutuusin ay hindi na din naman masamang maging fiancee si Jane. Maganda ito, mukha din naman siyang witty, galing sa magandang pamilya, kahit na sinong lalaki ay magsasabing isa siyang ideal girlfriend. Sa katunayan ay mga katulad niya ang tipo ko noon.


'Noon...'


Naiwan sa aking utak ang salitang iyon. Hindi ko mapigilang kwestyunin ang aking sarili sa kung ano na ba ang mga tipo ko ngayon?


Eh di yung katulad ni Kyle, alam kong iyon ang sagot na awtomatiko kong maiisip sa tuwing tinatanong ko ang sarili ko ng mga ganitong bagay. Laging si Kyle ang gusto ko. Laging katangian niya ang hinahanap ko, laging ugali niya ang gusto ko. Ang mahirap lang ay wala akong makitang katulad niya sa bawat lalaki o babaeng nakakasalamuha ko.


Sa totoo lang ay nakakapagod na din ang nangyayare sa akin. Hindi ko alam kung saan ilulugar o kung paano kakalingain ang sarili ko. Dumagdag pa ang problema sa bahay at sa aking mga magulang.


Dahil sa hindi ko na nakayanan ang stress ay nagpakalango na lamang ako sa alak kahapon. Masama ang alak sa kalusugan pero walang pakialam dyan ang taong may pinagdadaanan. Labis kong na-enjoy ang tipsy na feeling ng nakainom kaya hindi ko na namalayan na napadami na pala ang aking nainom na alak.


Naaalala kong nag-check in ako sa isang hotel malapit sa bar na pinag-inuman ko. Doon na ako inabutan ng liwanag at nagising na lamang ako sa sakit ng aking ulo pasado alas diyes ng umaga kinabukasan. Nang makapag-almusal ako ay agad akong gumayak at tinungo ang tanging taong maaari kong takbuhan ngayon.


Nasa ganoon akong pag-iisip ng bumukas ang pinto ng unit ng sinadya kong condo sa Taguig. Bahagya pa akong nagulat nang ibang mukha ang mabungaran ko. Pero kung sabagay nobyo ito ng aking kaibigan kaya normal lang siguro na nandito ito sa condo niya.


"Hi!", alanganin kong bati sa aking kaharap. Hindi naman kasi kami close at buhat nung maging sila ng aking kaibigan ay iilang beses ko pa lamang siya nakakausap.


Base sa mga pag-uusap na iyon ay mukha naman itong mabait kahit na pinahirapan nito ang kaibigan ko nung nagtrabaho ang huli sa kanilang kumpanya. Hindi ko maiwasang mailang dahil natatandaan ko na ang una naming pagkikita ay hindi maganda ang kinalabasan. Natatandaan ko pa kung pano rumehistro sa kanyang mukha noon ang sakit nang ipakilala ako ni Kyle bilang boyfriend niya.


"Lui, ikaw pala. Kamusta? Halika pasok ka.", nakangiti nitong sagot sa akin. Sa kabila ng hindi magandang pagkikita namin noon ay hindi naman ako nito pinakitaan ng anumang masamang ugali ng maging sila ni Kyle.


"Salamat Aki, nandyan ba si Kyle?", tanong ko sa taong aking pakay.


"Oo, tara muna dito sa loob.", binukas ni Aki ng maluwang ang pinto bilang pag-iimbita sa akin sa loob. Pumasok na din ako. "Kyle, may bisita ka.", sigaw ni Aki sa kapareha habang sinasara ang pinto.


Pagkapasok ko sa kanilang living room ay noon ko natanaw si Kyle na naghahanda ng pagkain sa may kusina.


"Huy!", gulat na bati sa akin ng aking kaibigan.


"Sobra to! Ang tagal nating hindi nagkita yan lang ang sasabihin mo sa akin. Sana kinamusta mo man lang muna ako, nakakatampo ka ha!", biro ko kay Kyle. Gustong-gusto ko kasing nakikipag-asaran sa kanya. Narinig ko ang bahagyang pagtawa ni Aki.


"Pre, juice o beer?", alok sa akin ni Aki.


"Beer na lang dre, salamat.", sagot ko.


"Bakit nag-iinarte ka sir Willard?", ganting pang-aasar ni Kyle. Naghugas siya ng kamay at saka ako nilapitan sa sala.


"Pwedeng Lui na lang? Lakas makatanda ng Willard eh.", reklamo ko.


"Eh matanda ka naman na talaga ah!"


"Ikaw lang ang nagsabi sa akin niyan. Babyface kaya ako kaya bentang-benta pa din ako sa mga chicks!", depensa ko.


"Palibhasa madilim sa loob ng bar kaya ka may nauuto. Maupo ka na, wag ka masyadong piling bisita ha.", natatawang sabi ni Kyle.


"Napakasama talaga ng ugali mo. Aki bakit ganito tong boyfriend mo?", sumbong ko sa boyfriend ni Kyle habang nilalapag nito ang dalang beer. Agad naman akong lumagok ng beer dahil nauuhaw na ako.


"Pagpasensyahan mo na buntis eh.", biro ni Aki na ikinatawa ko naman.


"Aaaahhh!!!! Kampihan ganon? Maghiwa ka nga muna dun sa kusina Aki. Haharapin ko lang tong bwisita ko."


"Kita mo Lui, maski ako sinusungitan.", reklamo din ni Aki bago tumungo ng kusina.


"Ayusin mo hiwa ah, gusto ko pantay-pantay. Kolokoy dito ka na kumain ng lunch baka sabihin mo hindi ako hospitable eh."


"Ayaw ko napipilitan ka lang ata eh. Baka mamaya sakitan pa ako ng tiyan kasi di bukal sa loob ang imbitasyon mo."


"Tadyakan na lang kaya kita para mabawasan kaartehan mo."


"Lagi ka na lang bayolente pag dating sa akin Kyle. Nakakabaliw ba ang kagwapuhan ko kaya ka nagkakaganyan lage?", pang-aalaska ko.


"Hoy, malamig na dito sa loob ng unit ko. Di ko kelangan ng pagpapahangin mo. Bakit ka nga napunta dito?", seryoso nang sabi ni Kyle.


"Wala, kinakamusta lang kita.", sagot ko. Bigla akong tinablan ng hiya na sabihin ang nais ko kay Kyle.


"Lui tumigil ka. Hindi mo ko pupuntahan dito ng walang pasabe kung hindi importante. Nakabuntis ka na naman ba?Grabe ka pang-ilan mo na yan? Hindi ka asong kalye wag kang mambuntis ng kung sinu-sino. Hahaha", pang-aasar muli ni Kyle.


"Dito na ba nakatira si Aki?", seryoso kong tanong.


"Hindi. Bakit?", takang tanong ni Kyle.


"Uhmmm, i need a place to stay. I wonder if i'm welcome here.", kinakabahan kong tanong.




...to be cont'd...

21 comments:

  1. Eto na lagi king hinihintay mag-update dito. Ang galing.. mambitin! Hahaha! Apir tayo Sir Crayon! - Kris

    ReplyDelete
  2. Eto na lagi king hinihintay mag-update dito. Ang galing.. mambitin! Hahaha! Apir tayo Sir Crayon! - Kris

    ReplyDelete
  3. Akala ko ay kay Renz na siya pupunta... Hahahaha excited lang 💏💑

    ReplyDelete
  4. ano ba yan!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! sobrang bitin naman!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! siguro yung next chapter ang alam lang kung sasang-ayon si kyle o hindi. dun lang iikot. kumabga sa sentence, fragment lang!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! kainis!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

    ReplyDelete
  5. Ang sarap pa ring basahin ng mga happy moments nila Aki at kyle, kelan naman kaya papasok ulit and karakter ni ...? ano ba yan nakalimutan ko na yung pangalan ng dating nagpaiyak kay Kyle na paborito ko rin!

    Ben

    ReplyDelete
  6. Si Crayon talaga for me ang MSOB's master storyteller. At ang master din ng pambibitin. Hehehe! I'm excited kung pano makikilala ni Lui ang magiging partner nya(which I hope si Renz nga). Kudos, Crayon! - Kris

    ReplyDelete
  7. bitin po! sana update n kaagad.. hehe

    ReplyDelete
  8. bilis ng update... tnx...

    -kiko

    ReplyDelete
  9. bilis ng update... tnx...

    -kiko

    ReplyDelete
  10. haaayyyyyyy... sana wag maging issue si lui..


    -arejay kerisawa, Qatar

    ReplyDelete
  11. Umpisahan na ang World War 3 haha, jan na papasok ang Selos ni Aki...

    Gahasain si Crayon ang galing mambitin... di ako maka isa hahaha, parang di kana tulad ng dati ang haba mong mag update ngayon wala pang nagyayari to be continued na agad.


    Alwaysyourbaby,
    ~YeorimHere!

    ReplyDelete
  12. update na po pls.. sobrang bitin e

    ReplyDelete
  13. wa.... sobrang bitin

    ReplyDelete
  14. guys, malate ako ng 1 week sa update bka monday pa po uli or tuesday... sorry ngaun ko lng nasabi ngaun lng uli ako ngcheck ng site e ---crayon

    ReplyDelete
  15. yey.. cge hintayin po namin.. eto story pinakaabangan k ng sobra

    ReplyDelete
  16. hala ka crayon. late posting ka na naman.

    ReplyDelete
  17. paupdate na po mr crayon..

    ReplyDelete
  18. ganito ba talaga rito????? ktagal naman ng next episode....

    nakakawala ng gana....... wag na lang sana magsulat kung
    mambitin........

    ReplyDelete
  19. uala na update? syang nman ung momentum ng story kung humahaba ung update.. though understandable nman kc may pasok ngayon eeehh.. ndi bakasyon...

    ReplyDelete
  20. mr crayon iupdate mo na si starfish pls..

    miss k na si lui.. hehe.. actually si lui crush k hindi si renz.. haha

    ReplyDelete
  21. THIS IS CRAZY! NASAN N ANG KASUNOD? SANA MAN LANG MAY PASABI NA AABUTIN PLA NG HALOS ISANG BUWAN ANG WALANG UPDATE!

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails