Starfish
[Chapter 2]
By: crayon
****Aki****
June 15
Madilim pa sa labas ng bintana ng kwarto ni Kyle pero gising na ako. Medyo inaantok pa ako dahil sa pagod sa mga bagay na ginawa namin ni Kyle kanina. Mahimbing na natutulog si Kyle sa aking tabi, may isang guhit ng ngiti sa kanyang maamong mukha. Madalas naman na ako ang unang nagigising sa aming dalawa dahil nais kong panoorin siya sa kanyang pagtulog. I just can't get enough of this guy.
Napalingon ako sa kanyang bedside table at nakita kong muli ang kanyang regalo. Napangiti naman ako ng maalala kung paanong nagdalawang isip si Kyle na ibigay sa akin ang kanyang regalo kagabi. Marahil ay iniisip niyang hindi ko ito magugustuhan pero kabaligtaran noon ang nararamdaman ko.
Kinuha ko yung scrapbook na ginawa niya saka muling tiningnan ang mga litratong laman noon.
Sa unang pahina ay may tiket ng bus at may caption sa ibaba. 'My ticket to my Happily Ever After'. Iyon yung ticket namin sa bus noong pauwi kami galing sa bakasyon namin sa isla nila Manang Delia. Hindi ko alam na itinago nya pala talaga iyon. Sa pahina ding iyon nakalagay ang mga litrato naming dalawa sa isla.
Sa sumunod na pahina naman ay may litrato ni Kyle na nakapang-opisina, alam kong kuha ito nung nagtatrabaho pa sya sa company namin. Gwapong-gwapo siya sa suot niyang long sleeves at kurbata. Napangisi naman ako ng mabasa ko ang caption. 'I worked as an executive assistant to the meanest, most insufferable and terrifying CEO in Makati... :))'
Katabi ng picture ni Kyle ay ang litrato ko na nakapang-opisina din. Caption: 'But i have to say that he's also the hottest, most caring, and loving boyfriend i will ever want..."
Sa ibaba ng pahina ay nakasulat ang paboritong linya ni Kyle sa opisina : 'Good morning Sir! Coffee?'
Sa sumunod na pahina ay nakasulat ang recipe ng sopas ni mama. Ayon sa sulat na caption ni Kyle ay ito raw ang pinaka-effective na gamot niya sa tuwing may sakit sya.
Litrato namin noong unang monthsary namin ang laman ng sunod na pahina. Kuha ito sa Tagaytay kung saan namin ipinagdiwang ang aming espesyal na araw.
Hindi ko mapigilang mapahagikgik habang binabasa ang mga kalokohang caption na nilalagay doon ni Kyle. Para akong nagbabalik-tanaw sa bawat pahina ng scrapbook. Natigilan naman ako ng makita ang card na nasa dulo ng scrapbook. Natatandaan ko pa ang sagot sa akin ni Kyle nang tanungin ko sya kung ano iyon.
"Bulag ka ba? Eh di card! Akin na nga, pinagtatawanan mo lang yung gawa ko eh.", halatang naiinis na siya sa aking pagtawa habang tinitingnan ang scrapbook at card.
Binuksan kong muli ang card at binasa ang laman noon.
Aki,
There's so many things i'd like to say, I don't know where to start.
I want to tell you how daze i am to have a Hercules for a boyfriend...
I want you to know how happy i am whenever i'm with you and whenever you cross my mind...
I want you to feel how much i love you...
I would always be grateful to our Lord Father for always giving me more than what i deserve. Isa ka dun sa mga taong hinayaan niyang makilala ako at mahalin ako sa maikling buhay na pinahiram niya sa akin. I don't know what i did to deserve someone like you but i am most thankful that you are part of my life now. You have always been a blessing to me, Aki.
You don't know how hard i tried not to blush whenever you look at me as if i'm the only person that exist in your universe. You always drive butterflies in my stomach whenever you say my name in your own sweet way. My knees buckle whenever you show your tooth-paste-commercial smile. I try not to do backflips when you say you love me like its the surest thing you ever said in your entire life.
I want to thank you for so many reasons. Thank you for always making me feel special. Thank you for taking care of me and having the patience when i have my tantrums. Thank you for always believing in me and trusting me wholeheartedly. Thank you for loving me always.
There is a rough road ahead of us and there will be times that it will be hard for us to smile but whatever happens please know that you will always be in my heart. Ours may not be the perfect relationship but we will both make it the right one.
You may not be the hottest guy i will meet in this lifetime but it is you i will always want. You may not be the kindest boss but i will always want to serve you. You may not have the freshest breath in the morning but my lips will always touch yours when i wake up. You are the corniest man i know yet i will always seek your company. You may not be the greatest gift i received but you will always be the last gift i would ever want to lose. You may not be the first guy i have loved but i mean you to be the last.
I love you Mr. Achilles Ross 'Aki' Del Valle...
Your overly hot boyfriend,
Kyle Allen Quijano-Del Valle
"Anung nginingisi-ngisi mo dyan?", nagulat ako sa biglang pagsasalita ni Kyle. Hindi ko namalayang gising na pala sya.
"Wala naman.", nakangiti ko pa ring sagot. Tila noon lamang nya napansin na hawak ko ang regalo niya sa akin.
"Ang sama mo talaga! Pinagtatawanan mo na naman yung gawa ko.", parang bata niyang pagrereklamo.
"Hindi ah."
"Ewan ko sayo! Dyan ka na nga!", naiinis pa ding sagot ni Kyle sabay akmang tatayo mula sa pagkakahiga.
"Haha, hindi ko naman pinagtatawanan yung gawa mo .", sagot ko sabay hila sa kanyang kamay para mapahiga sa kama. Nagpupumiglas siya pero agad ko din siya kinulong sa aking yakap.
"Bitawan mo nga ako, bad ka.", parang bata pa ring pagtatampo ni Kyle habang nagwre-wrestling kami sa kama. Pumaibabaw ako kay Kyle at dinagan ang bigat ng aking katawan para hindi na sya makawala sa akin.
"Bakit ba ang sunget mo?", tanong ko habang nakatingin sa lukot na mukha ng aking kasintahan.
"Kasi nga pinagtatawanan mo yung regalo ko.", asik nya.
"Hindi nga."
"Mukha mo! Huling-huli kaya kita.", bwelta nya sa akin. Agad ko namang inilapit ang aking mukha kay Kyle.
"Eh anung magagawa ko? Eh sa kinikilig ako sa mga sinulat mo don sa love letter na bigay mo."
"Wee---", hindi ko na pinatapos pang makapagsalita si Kyle at agad ko siyang siniil ng halik. Napatahimik naman siya sa aking ginawa.
"Thank you Kyle. Hindi ikaw ang unang taong nagbigay sa akin ng love letter pero ikaw lang ang tanging taong nanaisin kong bigyan ako ng sulat na ganoon.", nakita ko naman na napangiti si Kyle sa aking sinabi. Alam kong wala na yung pagkainis nya sa akin kanina. Muling pinaglapit ni Kyle ang aming mukha at binigyan ako ng halik.
"Tara na, ipagluluto kita ng breakfast baka kung anu na namang gawin mo sa akin. Hindi na nga ako nakapagpahinga kagabi eh.", nakangiting sabi ni Kyle.
"Gusto mo naman eh.", mabilis lang akong hinalikan ni Kyle sa labi bilang sagot. Saka lumabas ng kwarto.
"Sumunod ka na ah.", bilin ni Kyle.
Bumangon na ako mula sa pagkakahiga at nagsuot ng boxer shorts. Inayos ko ang kama ni Kyle bago siya sundan sa kusina.
Dinatnan ko si Kyle na naglalabas ng mga lulutuin mula sa ref.
"Coffee sir?", nakangiting tanong ni Kyle. Halatang good mood na ito.
"Tea na lang.", agad naman siyang nagsalin ng mainit na tubig sa mug at nilagyan ito ng tea bag saka inabot sa akin.
"Thank you pogi.", wika ko. Nginitian lamang ako ni Kyle. Naupo ako sa isang stool sa may kitchen counter. "May maitutulong ba ako?"
"Maupo ka na lang dyan, kaya ko na to. Gusto mo lagyan ng milk yang tea mo?", napangiti naman ako dahil natutuwa ako sa tuwing ganitong bine-baby ako ni Kyle.
Madalas niya akong pinapapunta dito sa condo niya para ipagluto kapag hindi kami busy sa trabaho. Kapag naglalambing naman siya ay nagpapaluto din sya sa akin na masaya kong ginagawa.
"Ok na ko dito.", pinagmasdan ko lamang si Kyle habang hinahanda ang almusal namin.
"Saan pala tayo magsisimba?", tanong ni Kyle. Nakasanayan na kasi naming magsimba ng magkasama kapag nasa Manila sya ng weekends. Minsan kasi ay umuuwi siya sa Bulacan at doon na nagsisimba.
"Sa Makati.", tumango lang sya bilang pagsang-ayon.
Ilang minuto lang ay handa na ang aming breakfast. Toasted bread w/ cinnamon, bacon, ham, at scrambled egg.
"Grea---"
"Minsan lang naman.", agad na sabat ni Kyle. Sasabihin ko sanang greasy dahil halos puro prito ang kakainin namin. Ngumiti na lamang ako.
Alam kong paborito niya ang mga pritong pagkain, mula ng maging kami ay nilimitahan ko na sya sa pagkain ng mga matataba at pritong pagkain. Hindi dahil sa takot ako na tumaba sya kundi dahil sa hindi rin healthy para sa kanya.
Masaya kaming kumain ng umagang iyon. Halata ang gana namin pareho dahil mabilis naming naubos yung hinanda niya.
Matapos kumain ay tinulungan ko si Kyle na maghugas ng pinggan.
"Maligo ka na Aki.", wika ni Kyle habang tinutuyo ang mga pinggan.
"Sabay na tayo.", alma ko.
"Tumigil ka, male-late lang tayo kapag nagsabay tayo maligo, alam ko yang iniisip mo Achilles.", sermon ng aking kapareha.
"Behave ako promise.", pangungulit ko.
"Hindi. Tsaka, ipagpaplantsa pa kita ng damit mo.", pangungumbinsi ni Kyle. Yumakap ako sa kanya mula sa likod at binigyan sya ng halik sa pisngi.
"Hehe, pwede na talaga kitang pakasalan, sanay ka na sa gawaing bahay eh.", komento ko sa pagiging maalaga nya sa akin.
"Haha! Huwag mo na akong utuin, hindi ako sasabay sayo maligo.", mula sa pagkakayakap ko ay hinarap ako ni Kyle at binigyan ng isang halik. "Sige na, maligo ka na po."
Sumunod na ako kay Kyle dahil binigyan nya na ako ng isang halik. Alam nyang kaya niya akong pasunurin kapag dinaan niya sa halik. Pumasok ako sa banyo at binuksan ang gripo.
Basa na ang buong katawan ko ng marinig ko ang katok ni Kyle sa pinto ng banyo. Napangiti naman ako.
"Aki...", pagtawag ni Kyle bago buksan ang pinto ng banyo.
"Yes? Sabay ka na?", tanong ko kay Kyle na nakaduwang ang ulo sa nakabukas na pinto ng kwarto.
"Sira! Yung twalya mo, naiwan mo na naman.", sagot niya habang inaayos ang pagkakalagay ng twalya sa sabitan sa banyo.
May mga sarili kasi akong gamit sa condo ni Kyle gaya ng twalya, underwear, shirts, at pants na ginagamit ko kapag dito ako natutulog.
"Thank you."
"Bilisan mo na dyan. Andun na sa kama yung damit mo tsaka brief."
"Ok.", sagot ko habang nagsasabon.
"Sexy.", natatawang komento ni Kyle habang palabas ng banyo.
Umabot naman kami ni Kyle sa 9am na misa. Tahimik akong nakikinig sa sermon ng misa at ganoon din si Kyle.
"Anung pinag-pray mo?", curious kong tanong kay Kyle ng makalabas kami ng simbahan. Medyo matagal kasi siyang nakaluhod kanina na nagdarasal.
"Secret.", nakangiting sagot ni Kyle.
"Bakit secret?", taka kong tanong.
"Basta."
"Anu nga? Bakit ayaw mo sabihin?" pangungulit ko habang nagdi-drive papunta sa isang mall.
"Bakit ba kasi gusto mo malaman?"
"Para maipag-pray ko din.", sagot ko.
"Secret na lang muna. Saka ko na sasabihin."
"Andaya.", reklamo ko.
"Hwag ka na magtampo. Lilibre na lang kita ng movie.", panunuyo sa akin ni Kyle.
"Tsaka lunch?", pang-aabuso ko. Natawa naman si Kyle.
"Oo na pati lunch."
"Tas pwede uli ako matulog sa condo mo mamaya?"
"Kahit pati bukas ng gabe.", nakangiting sagot ni Kyle.
"I love you Kyle!", malambing kong sabi.
"I love you too, Aki."
"Kiss mo nga ako.", request ko kay Kyle.
"Mamaya na, abuso ka na eh. Tsaka baka mabangga pa tayo.", pagtanggi ni Kyle. Hindi na ako nagpumilit at nag-focus na lang sa pagdi-drive.
Nang makarating kami sa mall ay naglakad-lakad lang kami ni Kyle. May ilang bagay din siyang biniling gamit para sa condo nya. Bumili rin kami ng tig-isang aklat sa bookstore. Nung maging kami na ay natuklasan naming pareho kaming may hilig sa pagbabasa at mula non ay sabay kaming bumibili ng libro sa bookstore.
Sa mall na din kami kumain ng pananghalian. Katulad ng sinabi ni Kyle ay siya ang nagbayad ng aming lunch. Tumanggi siya kaninang inaabutan ko sya ng perang pambayad.
Matapos kumain ay nanonood kami ng movie. Hinawakan ko ang kanyang kamay habang nasa loob kami ng sinehan. Hindi naman nagreklamo si Kyle dahil sanay na syang hinahawakan ko ang kamay niya kahit sa harap ng madaming tao. Hindi naman kami nahihiya dahil proud kami sa isa't-isa.
Bago kami umuwi ay dumaan kami ni Kyle sa grocery para bumili ng lulutuin sa hapunan.
Pasado alas-singko na kami dumating ng condo ni Kyle. Agad nagbihis si Kyle para makapaghanda ng hapunan.
"Ako na magluluto Kyle, ikaw na nag-prepare ng breakfast kanina eh.", pagpre-presenta ko.
"Ako na Aki, nuod ka na lang ng tv.", nakangiti niyang sagot. Pakiwari ko ay mas gusto nya talagang pinagsisilbihan ako ngayon.
"Ang bait naman ng asawa ko. Inilibre na ako kanina, ipagluluto pa uli ako ngayon.", papuri ko kay Kyle.
"Syempre, anything for the love of my life.", nginitian ko lamang sya at pinanood sya habang naghahanda siya ng dinner.
"Uuwi ka ba sa inyo next week?", tanong ko kay Kyle. Nakita ko namang bigla siyang natigilan sa kanyang ginagawa.
"Bakit?", tanong ni Kyle na biglang pinagpawisan.
"Wala, ayain lang kita umalis. Wala na ako masyadong trabaho sa opisina next week eh. Ok ka lang ba?", hindi ko mapigilang mag-alala dahil parang hindi siya mapakali at may butil-butil ng pawis sa kanyang noo kahit bukas naman ang aircon.
"Ok lang naman. Oo, uuwi ako sa Bulacan. Nami-miss na kasi ako nila mama.", sagot ni Kyle.
"Hmmm...", sagot ko habang tumatango-tango.
"Uhhhmmm, ano... Arghh!", nagulat ako sa biglang paghiyaw ni Kyle. Agad kong nakita ang pagtagas ng pulang likido mula sa kanyang daliri. Napabalikwas naman ako sa aking pagkakaupo at agad na lumapit sa tabi ni Kyle.
"Anu ba kasing problema? Nahiwa ka tuloy, akin na hugasan natin.", hinila ko si Kyle papunta sa sink at hinayaan agusan ng tubig yung hiwa sa kanyang hintuturo.
"Mababaw lang naman eh."
"Mababaw? Eh ayaw ngang tumigil sa pagdurugo.", medyo dinagdagan ko naman ang pressure sa daliri nya para tumigil na sa pagdugo. "Dyan ka lang. Kuha lang kita ng band aid. Maupo ka muna dun sa stool."
Pagkabalik ko ay nilagay ko lang ang band aid sa nahiwang daliri ni Kyle at pinanatili siyang nakaupo.
"Ako na lang magluluto, baka kung anu pa mangyare sayo.", pinagpatuloy ko naman yung paghihiwa kanina ni Kyle.
"Ok lang naman ako. Ano lang... Kung ano... I mean kung gusto mo sama ka sa akin sa bahay, papakilala kita kela Mama."
"Arggghhhh.", nagulat ako sa sinabe ni Kyle at para kong nakidlatan sa narinig, hindi ko na namalayang daliri ko na pala yung dinapuan ng kutsilyo.
"Ok ka lang?", agad ding napatayo si Kyle at nilapitan ako. Hinugasan ko naman agad yung sugat ko. Kumuha akong muli ng band aid para naman sa sarili kong daliri.
"Eh Kyle, kilala naman na ako ng Mama mo di ba?", hingal kong sabi ng makabalik ako kay Kyle. Baka kasi mali lang ako ng pagkakaintindi.
"Right. What i mean is, im gonna introduce you to my family as my boyfriend.", sagot ni Kyle habang nakayuko at naghihiwa ng muli ng gulay.
"Tigil mo muna yan Kyle, baka mahiwa ka na naman. Mag-usap muna tayo.", payo ko sa kanya. Lumapit ako sa kinatatayuan ni Kyle at pinaloob siya sa aking yakap.
Halo-halo ang emosyong nararamdaman ko, saya, fulfillment, kaba. Alam ko kasing hindi pa alam kela Kyle ang kanyang sexual orientation. Ganun din naman ako sa amin pero walang takot kong ipapakilala si Kyle sa mga magulang ko any moment.
Gayunpaman ay hindi ko ito ginagawa dahil alam kong once na ipakilala ko si Kyle sa parents ko at matanggap kami ay tiyak na ipe-pressure ni Kyle ang sarili niya na ipakilala din ako sa magulang niya. Which i dont want to happen until he's ready. Kaya kahit na matagal ko na syang gustong makilala ng pamilya ko ay nagpipigil ako para sa kapakanan ni Kyle.
Sa mga ganitong relasyon naman kasi ang makuha nyo ang blessing ng mga magulang nyo ay isang napakalaking bagay. Kaya kahit na nag-aalala ako para kay Kyle ay nanaig pa din ang saya dahil sa wakas ay magiging legal na kami.
"Are you sure you're ready for that? I'm not rushing you or anything, i want you to do it when you think you're ready.", bulong ko kay Kyle habang nakayakap pa din ako sa kanya.
"I have prepared for this Aki, for a long time. I know i'm ready to do it. Besides we are a couple now for almost a year and i love you so much, i want you to be part of our family.", lalo kong hinigpitan ang yakap ko kay Kyle dahil na-touch ako sa sinabi niya.
"I guess i have to look for a barong tagalog?", biro ko kay Kyle para gumaan ng konti ang pakiramdam niya dahil alam kong kinakabahan din siya.
"Hehe, you better check a plan with St. Peter's, mahilig manghabol ng taga si Papa.", pananakot sa akin ni Kyle.
"Right, check ko na din yung insurance ko sa opisina.", narinig ko namang natawa din si Kyle. Kaya pinakawalan ko na din sya mula sa aking yakap.
"In that case the week after next week, i'm going to introduce you to my parents.", sabi ko kay Kyle at marahan lamang siyang tumango bilang sagot. Siniil ko siya ng halik dahil sa tuwang nararamdaman ko ng mga sandaling iyon.
"I love you Kyle, and thank you for having the courage to do this. It means a lot to me and i appreciate the initiative. Thank you! Thank you! Thank you!", masaya kong sabi.
"I love you too Aki.", sagot ni Kyle.
"O sya, magluto na tayo."
...to be cont'd...
Kinikilig akooooo! Huhuhu ang galing mo sir Crayon! :D ~Ken
ReplyDeletethank you po sa update kuya, feeling ko mapapatumbling aq sa twist na mangyayari, na cucurious ako nang sobra haha.
ReplyDelete-elocihn
Uwaaah! Ayoko nang matapos ang kasiyahan sa story na to! Pero I doubt. Haha. Twists and Turns. Ready pa rin ako.
ReplyDeleteCrayon, saan matatagpuan ang ibang tapos mo ng stories? Dito ba? Titles? Curious lang ako dun sa 'Basta Crayon's work' daw eh maganda. Like what I have noticed here sa Starfish, maganda ang writing skills mo. Hehe. Am I too nosy? Haha. Sorry!
--- Rye Evangelista
Here sa blog din. LOVE SEX AND INSECURITY. Two books yun actually. And it's worth your reading time. :)
Delete-dilos
Thanks, dilos!
Delete-- Rye
i thought this story is all about renz, e mukhang 5 chapters pa yata ng aki-kyle ang mangyayari bago kay renz. kaumay. we already get it na sweet na sila, msaya sila, move on na tayo kay renz naman.
ReplyDeleteIdeally, I limit what's in my faves lists to up to 3. And as a long time MSOB reader, I only had 3 fave reads. Now I'm making an exemption to include Starfish and LSI to make it all 5. And Crayon now made it to my fave contributors list of 3. I'm looking forward to more Crayon's exceptional works :) - Kris
ReplyDeleteWow thank you po Mr. Author.. Kahit kailan wala kang kupas s pagsulat ng mga stories mo.. Looking forward for your update... Kilig moments tlg...ready for twist and turns sana si Aki at Kyle p rin s huli at tanggap sila both sides.. Keep it up Crayon.. Thumbs up.. ;))
ReplyDeletebook 2 , what the -- i cant wait for the next chapter ...
ReplyDeletehhhhhanggaaaaling mo po :))
--esod
looking forward for you next masterpiece :)
Awwwww. This is so good. Chill and Kalma Lang pero may on point yung story! :)
ReplyDelete-dilos
Yes! Nagbalik name any crush Kong Author tagal kitang Inantay ah..
ReplyDeleteBTW, gusto kitang imaging kaibigan kahit through FB long plzz.Thanks! love US..
~YeorimHere
Sobrang kiliiigggg :) 💑💑👬💗💟💞💕💖💓💜
ReplyDeletewwaaaahhhh.. ang sarap lang talaga ng may mahal.. salamat sa update!
ReplyDelete-arejay kerisawa. qatar