CHAPTER FIVE
PABILING-BILING SA kanyang higaan si Joen.
Hindi siya makatulog kahit madaling araw na. Para siyang namamahay sa sarili
niyang pamamahay. Samantalang ang katabi niyang si Vin ay himbing na himbing sa
pagtulog. Naririnig pa niya ang mahina nitong paghilik. Tila walang iniinda.
Tila sanay na sanay na may katabi. Hindi niya alam kung ano ang meron dito
dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay umiyak siya sa harap nito kanina. Nang
yakapin niya ito ay nakadama siya ng kapanatagan at nadama niya na may kakampi
siya sa katauhan nito. All the burden and the sadness he felt just vanished by
hugging him.
Gumalaw
ito. Tumagilid paharap sa kanya. Tinanggal niya ang unan sa pagitan nila.
Inilagay niya iyon sa paanan nila. Malaya niyang napagmasdan ang mukha ni Vin.
Average
looking lang ito ngunit alam niya na kapag nag-ayos ito ay mapapansin ito ng
karamihan. May sarili itong karisma at dating. Dahil kung wala ay hindi niya
ito mapapansin nang bumaba ito sa jeep at makipa-kwentuhan sa dalawang bakla na
nakapangbihis ng babae kanina. May mga blemishes ang mukha nito katulad ng
ilang butas sa mukha at pimple mark. Ngunit magkaganunpaman ay hindi iyon
naging kabawasan sa ka-cute-an nito. Kung may maipagmamalaki ito sa facial
feature nito iyon ay ang natural na mapula nitong labi at ang may kakapalan na
kilay nito.
Pagkatapos
niyang i-assess ang facial feature nito ay muling natuon ang paningin niya sa
labi nito. Bahagyang nakaawang ang mga iyon. Suddenly, an urge to kiss those
lips came to him. Napalunok siya. Binasa niya ang kanyang labi na tila natuyo
dahil sa 'urge' na nararamdaman niya.
Umiling-iling
siya. Pilit na nilalabanan ang pagnanasa na halikan ito. Hindi niya maaaring
gawin iyon. Lalaki siya at lalaki ito. Tunay siyang lalaki at para lang siya sa
babae. Hindi para sa katulad ni Vin. Magkaganunpaman, kahit na anong pilit
niyang pagrarason ay natatalo ang matuwid na reasoning ng utak niya sa puso
niyang malakas na ang pagtibok. Unti-unti niyang inilapit ang mukha sa mukha
nito.
Natigilan
siya. Muling nanaig ang utak kaysa sa puso. Mind over heart ang labanan sa loob
niya. His mind was telling him to stop because it's not the right thing to do.
While his heart was saying 'go for it'. Idiinadagdag pa ng makulit niyang puso
na walang makakaalam kung hahalikan niya ito. He deeply sighed. Mas matimbang
ang sinasabi ng puso niya. mas matimbang ang kagustuhan niyang mahalikan ang
labi ni Vin. Mas malakas ang kagustuhan niya na madama kung gaano kalambot ang
mapupulang labi nito. Tama ang puso niya. Walang makakaalam kung hahalikan niya
ito. He wasn't thinking of giving him a torrid kiss or a french kiss. Kung
gagawin niya iyon ay tiyak na magigising ito at baka kung ano ang isipin nito
lalo na at pinaglaruan na niya ito kanina. A peck or a smack would be fine for
him.
Mas
lalo niyang inilapit ang mukha niya sa mukha nito. Ang labi niya sa labi nito.
Nang madikit ang labi niya sa labi nito ay mas dumoble ang bilis ng tibok ng
puso niya. Kagaya ng intensidad na nadama niya nang mahalikan niya ang
ex-girlfriend niya.
Inilayo
niya ang labi sa labi nito. Nanlalaki ang mata na napatitig siya dito. Hindi
ito maaari. Hindi maaari ang nararamdaman niya. Tumayo siya mula sa kanyang
kama. Lumabas siya ng kwarto at nagtungo sa veranda. Naguguluhan siya sa
nadarama niya. Kailangan niyang mag-isip. Tuloy ay nagsisisi siya na nagpatalo
siya sa pagnanasang iyon. Tuloy ngayon ay nagbigay iyon sa kanya ng confusion.
Kailangan niyang i-klaro ang isipan.
Bumuga
siya ng hangin.
Naramdaman
niya ang presensya ng kung sino sa tabi niya. Tiningnan niya kung sino iyon.
Ang daddy niya.
"Sino
ang kasama mo, Joen?" usisa nito.
Inilayo
niya ang tingin dito. Tumingin siya sa madilim na kalangitan.
"A
friend."
"A
friend? Kailan ka pa nagkaroon ng kaibigan na bakla?"
Marahas
siya napabaling ulit dito. Kumunot ang noo niya. Bahagya siyang nakadama ng
inis sa sinabi nito tungkol kay Vin kahit na may katotohanan iyon. Why he
suddenly feeling this kind of thing? Why he suddenly became protective to him?
Naguguluhan na talaga siya. Gusto niyang sabunutan ang sarili sa frustration.
Alam na niya ang sagot ngunit pilit niyang itinatanggi iyon sa sarili. Mali.
"Naamoy
mo ba siya, dad?" Ang tanong niya. May sarcasm sa boses.
"Kahit
hindi ko maamoy, nakita ko Joen. Sa unang tingin, sa mga hindi siguro
nakakakilala sa kanya ay iisipin na tunay siyang lalaki. Pero kung titingnan mo
siya ay hindi siya tunay na lalaki. I can't consider him as paminta though."
"Paminta?"
"A
term used for gays who acting like a real man, dress as a real man, but gay
deep inside," paliwanag nito. "Back to Vin. May pagkamahinhin siya
kung kumilos. May tikwas sa kamay niya at kapag naglalakad."
"You're
really good in assessing your own kind father," he said in sarcasm again.
"Ofcourse
son. Are you forgetting that I'm one of them?" anito. Tila wala nang
pakialam kahit anak nito ang kausap nito. Anak
nga ba talaga?
"Tell
me, dad. Am I really your son? Sa inyo ba ako nanggaling?" Ang tanong niya
dito. Ang mga katanungan na gusto niyang itanong dito mula ng magkaroon siya ng
sariling pag-iisip. Dati ay binabalewala niya ang sinasabi ng ibang tao tungkol
sa laki ng pagkakaiba ng hitsura nila ng kanyang ama. Na kahit siya ay
napapansin. Pero ang pagbabalewal na iyon ay naglaho na parang bula. Natuto
siyang magtanong dahil sa isang pangyayari na hindi niya sinasadyang makita.
Eksena na nagbigay sa kanya ng maraming katanungan. Eksena na naging dahilan
para lumayo ang loob niya sa ama at magtanim ng galit dito, na naging dahilan
ng pagrerebelde niya. Ang eksenang iyon ay nang mahuli niya itong nasa ibabaw
ng kama walang saplot habang may katalik na lalaki sa loob ng kwarto nito. Ang
sakit sa kanya na malaman na bakla ang ama niya. Mula noon ay nagkaroon na siya
ng pagdududa sa sariling pinanggalingan.
Lumapit
sa kanya ang daddy niya at inakbayan siya. Gusto niyang lumayo dito pero
pinigilan niya ang sarili.
"Tell
me, dad. Maging totoo naman po kayo sa `kin kahit ngayon lang. Sabihin n'yo sa
`kin ang totoo."
Narinig
niya ang malalim nitong pagbuntung-hininga. "You already know what my
preference is. Maybe it's also the right time for me to tell you the truth
about who you are. I think it's inevitable. I'm not your father, Joen. Ang
totoo ay ampon lang kita."
Lihim
siyang napangiti ng malungkot. Expected na niya na iyon ang sasabihin nito
ngunit hindi niya maiwasan ang malungkot. Twenty two years nitong itinago sa
kanya ang katotohanan.
Nagpatuloy
ito.
"Nakuha
kita sa isang eskinita, Joen. Nang minsan akong mabigo sa pag-ibig ay napadpad
ako doon dala ng sobrang sakit at lungkot. First heartbreak ko iyon. Sobra
akong nasaktan sa panloloko na ginawa ng lalaking mahal na mahal ko. Ng
lalaking inalay ko ang lahat huwag lang malayo sa `kin. Ngunit hindi pala sapat
ang pagmamahal na ipinakita ko dahil lalaki siya, totoong lalaki, at ang mga
katulad niya ay naghahanap ng babae na magbibigay dito ng anak. Ang sakit-sakit
lang malaman na habang may relasyon kami ay may karelasyon pala siya na babae.
Ginawa niya akong palagatasan para matustusan ang babae niya. Ang sakit-sakit
ng mahuli ko silang magkasama at makita ng dalawa kong mata na buntis ang babae
at kabuwanan na. Gumawa ako ng eksena, kinompronta ko sila. Ngunit sa huli ako
pa rin ang naging masama sa tingin ng ibang tao. Ako na ang naloko ako pa ang
nagmukhang masama. I feel so devastated that day. I felt so betrayed and
fooled. Pagkatapos ko silang komprontahin ay naglakad-lakad ako sa walang tiyak
na direksyon. Nanlalabo ang aking paningin sa mga oras na `yon hanggang sa
mapadpad ako sa eskinitang iyon. Naisip ko sa mga oras na `yon na ayoko nang
mabuhay. Nawalan na ako ng dahilan para magpatuloy dahil ang taong sinasandalan
ko at akala ko ay makakasama ko hanggang sa pagtanda ay iniwan at niloko lang
ako."
Tumigil
ito sa pagkukwento. Humagulgol ito. Damang-dama niya ang sakit na ininda nito
noon. Nagpatuloy ito.
"Nagbalak
ako n'ung mga panahon na iyon na magpakamatay. Pumunta sa pinakamalapit na
tulay at doon magpatiwakal. Handa na akong gawin iyon. Paalis na sana ako sa
eskinitang iyon nang makarinig ako ng iyak ng isang bata. At ikaw `yon, Joen.
Hinanap ko kung saan ang pinanggalingan ng iyak mo. Nang makita kita sa may
basurahan ay tila nagliwanag ang buhay ko. Tila isa kang anghel na sugo ng
langit para itigil ko ang binabalak ko. Ang tanging suot mo n'un ay isang
t-shirt at pajama. Nababalot ka ng makapal na towel. Sa bulsa ng t-shirt na
suot mo ay may nakita akong sulat. Your name Johanson was written on the paper
together with your age. That's the only information written on it. Kinuha kita.
Inangkin na parang akin. Sinabi ko ng mga oras na `yon sa aking sarili na
magpapakalalaki ako para sa `yo. Na magiging huwaran ako sa pagpapalaki sa `yo
ngunit nabigo pa rin ako. Dahil hindi ko napigilan kung sino at ano talaga ako.
I'm sorry, son."
Pinunasan
niya ang luhang naglandas sa kanyang pisngi. He is very much thankful to the
man beside him. Kung hindi dahil dito ay wala siya ngayon sa kinatatayuan niya.
Hindi siya lalaking ganito, gwapo at sa karangyaan. Ang sakit at galit na
nararamdaman niya dito ay naglahong parang bula. Napalitan iyon ng hiya sa
sarili at hiya para dito. Nahiya siya sa pagsasabi ng mga masasamang bagay
dito.
Inalis
niya ang braso nitong nakaakbay sa kanya. Nakita niya ang sakit sa mukha nito
sa ginawa niya.
"It's
up to yo kung hahanapin mo ang biological parents mo. I'm here to help you.
Pero pangungunahan na kita, wala akong kaide-ideya kung sino at saan ka
nanggaling. Kung sino at anong klaseng tao ang mga magulang mo. Isa lang ang
alam ko may lahi kang banyaga. Ang gwapo ng anak ko."
Nagulat
ang daddy niya ng yakapin niya ito nang mahigpit. Sa mahigpit na yakap niyang
iyon ay gusto niyang iparamdam dito ang pasasalamat, ang pagmamahal at ang
pagtanggap kung anong klaseng tao ito.
"Wala
akong balak na hanapin ang totoo kong magulang, dad. Sapat na sa `kin ang
nandyan ka. Sapat ka na para maging magulang ko. There's no use in finding
people who abandoned their son. I'm sorry for everything I did and I said to
you. Tanggap ko na po kung ano kayo. I'll support your every decision regarding
your relationship."
Ngumiti
ito. "Thank you, Joen. Pinasaya mo ko anak. Salamat sa pagtanggap sa akin.
Sa kung ano ako. I'll support your every decision too." Masayang sabi
nito. "Now that we cleared things between us, maybe it's time for us to
talk about the guy inside your room, Joen."
"He's
just a friend, dad," sagot niya dito. "A friend that started as an
enemy just earlier. Siya pa lang ang nakakasampal sa `kin at kauna-unahang tao
na kinalaban ako. Siya po ang dahilan kung bakit ako nakulong," natatawang
kwento niya. Natigilan siya nang mapansin ang seryosong titig ng daddy niya.
"Bakit po?"
Umiling
ito. "Nothing. It's just that I'm happy watching you laugh like that.
Matagal rin tayong hindi nakapag-usap ng ganito, anak."
"Don't
worry, dad, from now on, lagi na tayong mag-ba-bonding."
Halatang
natuwa ito sa narinig. "I'm looking forward to it. By the way, for me, Vin
was impressive. Siya lang pala ang katapat mo."
"You're
right," pagsang-ayon niya. Kung dati ay mahirap sa kanyang aminin na may katapat
siya ngayon ay hindi. Tama ang daddy niya nakahanap na nga siya ng katapat.
Nakahanap na rin ang puso.. Natigilan siya. Binura niya sa isipan niya ang
naisip.
"Wait
lang, may kukunin po ako sa kwarto ko. I have a favor to ask, dad."
"Okay,
I'll be waiting."
Bumalik
siya sa kanyang kwarto. Ang pakay niya doon ay ang envelope na dala ni Vin.
Hindi pa niya nakikita kung ano ang laman niyon ngunit malakas ang kutob niya
na requirements nito iyon sa pag-apply. Nakuha na niya ang pakay niya nang
tumunog ang cellphone nito. Hinanap niya kung saan iyon nakalagay. Sa loob ng
suot na pantalon ni Vin kanina niya nakita ang aparato. Kinuha niya iyon.
Sasagutin na sana niya ang tawag nang huminto iyon. Inilagay na lamang niya ang
cellphone sa ibabaw ng bedside table. Bumalik siya sa veranda. Nakaupo na sa
upuang nandoon ang daddy niya.
"Ano
`yan?" Ang usisa ng daddy niya nang makalapit siya dito.
"Requirements
ni Vin, daddy. Naghahanap siya ng trabaho. Ito po sana ang ipapakausap ko sa
`yo. I wanna help him. I wanted you to hire him. I'm willing to work in the
restaurant for you to hire him."
Halata
ang pagakatuwa sa mukha nito sa narinig. Inabot niya dito ang envelope. Agad
naman nitong kinuha at binuksan iyon. Isa-isa nitong tiningnan ang mga papel
doon. Matagal ng inuungot sa kanya ng daday niya ang magtrabaho siya sa
restaurant. Gusto nitong pumasok siya doon para mapag-aralan niya ang
pasikot-sikot ng restaurant nila.
"I'm
in luck hijo," anito.
"Bakit?"
Nagtataka niyang tanong.
"Sa
restaurant natin si Vin nag-apply through agency ng Tita Digna mo. He's already
hired. I'm happy Joen. So happy, may dalawa akong baong empleyado tapos
ikaw."
"Thanks,
dad."
Biglang
nag-seryoso ang daddy niya. Tinitigan siya ng mabuti.
"Bakit
po?" Kinakabahan niyang tanong.
"Why
are you so eager in helping him? Una, naging magkaaway kayo, na-detention pa.
Pangalawa, wala pang isang araw ang pagkakaibigan n'yo. You only meet him last
night. Ni hindi mo pa siya lubusang kilala pero kung mag-alala ka ay parang ang
tagal n'yo ng magkakilala."
Nag-iwas siya ng tingin. Hindi niya
alam kung paano sasabihin dito ang dahilan niya. Kahit siya ay naguguluhan siya
sa ikinikilos niya. He acted as if they were not just meet last night. Ang
pakiramdam na nararamdaman niya maliban sa mabilis ng tibok ng puso niya ay
higit pa. He felt so much connected with him. And his feeling that raising to
Vin was good. Very good in beautiful and marvelous way.
"I
smell something fishy." Narinig niyang sabi ng daddy niya. "`Care to
tell me what you are thinking right now."
HUminga
muna siya ng malalim bago nagsalita. "Hindi ko po alam kung paano ko
sasabihin sa hindi nakakahiyang paraan, dad," umpisa niya. "TAma po
kayo. We only meet just last night. Our encountered didn't started right. But
when.." Hindi niya maituloy ang sasabihin.
"But
when?" gagad nito na naghihintay sa idudugtong niya.
Kinalma
niya ang sarili. Kinalma niya ang malakas na pagtibok ng puso niya. "But
when I kissed him--"
"What
you kissed him?" Gulat na reaksyon nito.
Nahihiya
siyang tumango. "Yeah i kissed him. It's not the way you think, dad,"
defensive niyang sabi.
"Bakit
ano ba ang iniisip ko?' Natatawang tanong nito.
Hiyang-hiya
siya sa pinagagawa niya. Who would have thought that the rebel son like him and
popular to be cool and tought will be shy saying this to his own father. His
image was tainted because of this but he need to do it for the sake of having
clarity in his heart.
"It's
just a smack," aniya. "Dad, ang nagawa ko ay nagbigay ng kalituhan sa
`kin. Alam ko pong tunay akong lalaki pero bakit ko iyon ginawa? Bakit n'ung
mahalikan ko siya ay mas dumoble ang bilis ng tibok ng puso ko? Naramdaman ko
lang naman po ang ganoon sa dati kong naka-relasyon. Naguguluhan po ako. I
think I'm inlove with him for just a span of short time. But I feel inside me
that somehow in someway I knew him in the past. I feel so connected with him.
Gusto ko po ng kasagutan. Tama ba ang nararamdaman ko?"
Tumawa
ang daddy niya. "I'm so happy. My son is in love," anito. Maya-maya
ay sumeryoso ulit ito. "Hindi mali ang nararamdaman mo, Joen. Sabi nga sa
kanta 'love moves in mysterious way'. Talaga namang misteryoso ang pag-ibig.
Hindi mo alam kung kanino ka makakadama ng mabilis na tibok ng puso. Love will
struck you in unexpected ways. Hindi porke't tumibok ang puso mo kay Vin ay
bakla ka na. Ofcourse tama ang nararamdaman mo. Just show your love to him.
Kung magiging ano ka pa ay tanggap kita, tatanggapin kita, Joen."
Hindi
na siya nagkomento sa sinabi nito. Sa huling sinabi nito. Just show your love to him. Mukhang malabo na maipakita niya iyon
kay Vin. Lalo na at sinabi niya ditong hindi siya magkakagusto sa katulad nito
at para lang sa babae ang puso niya.
NAGISING SI VIN SA tama ng sikat ng araw sa
kanyang mukha. Iminulat niya ang mata at bahagya siyang nasilaw sa sinag ng
araw. Bukas ang sliding window at may pumapasok na hangin sa loob ng kwarto ni
Joen.
Napabalikwas
siya nang mapansin na mataas na ang sikat ng araw. Tiningnan niya ang alarm
clock sa bedside table. Alas dose na ng tanghali! Mahimbing pala siyang
nakatulog. Mahimbing siyang nakatulog katabi ang taong kakikilala pa lang niya
at sa sariling kama nito. Hindi nga siya nakadama ng kahit anong takot kahit na
mapagbiro si Joen at inakit siya ng loko-loko. He felt so much more secured. At
may pakiramdam siya na tila matagal na niya itong kilala. He felt somehow
connected to him.
Napakunot
siya ng noo nang makita ang cellphone niya na nakapatong doon. Sa pagkakaalam
niya ya nasa bulsa iyon ng pantalon niya. Sino ang naglagay ng cellphone niya
doon. Agad na pumasok sa isip niya si joen. ito lang naman ang kasama niya sa
kwarto. Kinuha niya ang cellphone niya na nakapatong sa bedside table. Ten
messages received at ten missed calls. Binuksan niya iyon. Karamihan sa text ay
galing sa lola niya.
Vinnezer, saan ka?
Saan ka natulog na bata ka?
Bakit hindi ka umuwi?
Mag-text ka nga. Kung wala kang
load, makigamit o maki-text ka sa kasama mo.
Mag-text ka. Pinag-aalala mo akong
bata ka!
Pagkatapos
niyang basahin ang mga text messages ng lola niya ay isinunod naman niya ang sa
numero lang. Unregisterde number.
Goodmorning Vin! Nick here. Hindi ko
pala nasabi sa `yo na kinopya ko ang number mo sa likod ng picture mo. Can we
be friends? Magaan ang loob ko sa `yo.
I-si-nave
niya ang numero ni Nick. Wala siyang load kaya hindi niya ito masasagot. Ang
tatlong huling message ay galing kay Diega at Joanna. Nag-aalala ang dalawa sa
kanya kung nasaan na siya. Pumunta raw ang mga ito sa presinto pero wala na
siya.
Ang
mga tawag naman ay galing kay Nick at sa lola niya. Limang beses sa lola niya.
Dalawang beses kay Nick. Dalawang beses kay Mack at ang dalawang huling tawag
ay kay Joanna.
Nagulat
siya nang tumunog ang cellphone niya. Si Mack ang tumatawag. Agad niyang
sinagot iyon.
"Hello."
"Hi
Vin!" Masiglang bati nito sa kabilang linya. "Mabuti at nasagot mo na
ang tawag ko. Kumusta ka na?"
"Mabuti
naman. Iyon nga lang hindi naging maganda ang gabi ko kagabi."
Pagku-kwento niya.
"Bakit
naman?"
"`Wag
ka na magtanong. Bakit ka pala tumawag?"
Narinig
niya ang pagtawa nito. "Grabe ka talaga. Magku-kwento ka tapos hindi mo
naman tatapusin. Binibitin mo `ko."
"`Wag
na nga."
"Okay
you're the boss, Vin. Siyanga pala. Tumawag ako para yayain ka sana sa birthday
ng kapatid ko."
"Weh?"
"Bakit
parang hindi ka naniniwala?"
Natawa
siya. "Naniniwala ako. Pero ang akala ko kasi tumawag ka dahil na-mi-miss
mo na ako? O kaya naman ay gusto mong marinig ang boses ko over the
phone," pagbibiro niya.
"Well,
sabihin na natin na parang ganoon na nga rin `yon. I already miss you."
Pakiramdam
niya ay namula ang mukha niya sa sinabi nito. Hindi siya nakaimik. Kung siguro,
sa harap siya nito ay pagtatawanan nito ang reaksyon niya."
"Ka-kailan
naman ang birthday party ng kapatid mo? Ilang taon na ba?" Pag-iiba niya
sa usapan.
"Uy,
iniiba niya ang usapan," tudyo nito. "Tinamaan ka ba sa sinabi
ko?"
Hindi
siya nagsalita.
"Hey,
Vin, nawala ka na?"
"Pasensya
na may iniisip lang ako," palusot niya.
"Ako
ba ang iniisip mo?"
"Okay
ka lang? Ang kapal rin ng mukha mo, noh? Humangin dito nang malakas."
Tumawa
lang ito. "Sige na. Sasama ka ba sa `kin, Vin? Papayag ka ba?"
"Oo,"
mabilis niyang sagot. Nakita niya ang pagpasok ni Joen sa kwarto. Nakakunot ang
noo nito na nakatingin sa kanya. Bigla siyang nahiya. Nakalimutan niyang hindi
pala siya sa bahay nila.
"Mack,
mamaya ka na lang tumawag. Mamaya na nating pag-usapan ang pagsama ko sa
`yo."
HIndi
pa nakakasagot si Mack ay tinapos na niya ang tawag. Hindi niya alam kung paano
pakikitunguhan si Joen pagkatapos ng nangyari kanina. He managed to smile at
him.
"Magandang
tanghali."
Tumango
ito. "Magandang tanghali rin. Sino ang kausap mo? Jowa mo ba?" Tanong nito. May diin sa salitang Jowa.
"Kaibigan."
Ang matipid niyang sagot.
"By
the way, I'm sorry for what happened earlier."
"Okay
na `yon, Joen. `Wag ka na lang uulit. Dapat nga ako rin ang humingi sa `yo ng
sorry dahil talo ko pa ang may-ari ng bahay kung umasta dito kanina.
Magsasalita
sana si Joen nang tumunog ang cellphone niya. Tiningnan niya iyon. Si Nick ang
tumatawag. Bumaling siya kay Joen. "Sasagutin ko muna ito, ah,"
paalam niya dito.
"Bakit
kailangan mong magpaalam sa `kin? Go ahead, answer it."
Hindi
niya pinansin ang kasupladuhan nito. Sinagot niya ang tawag.
"Hello
Nick! Napatawag ka?" Masiglang bati niya dito.
"Mangungumusta
lang, Vin. Saka hindi mo rin kasi sinagot ang tawag ko kanina, eh."
"Okay
lang ako. Pasensya ka na. Tulog pa kasi ako kaya hindi ko nasagot tawag mo.
Ikaw? Kumusta ka na?"
"Okay
lang. `Yon lang naman ang sadya ko," anito, saka tumawa. "Wala na
akong ibang sasabihin sa `yo. I-end call mo na lang. Ikaw na muna ang magbaba
ng tawag bago ako."
"Naks!
Gentleman lang ang peg mo, Nick. Sige, paalam na. Ingat ka palagi at ingat rin
sila sa `yo." Narinig niya ang malutong nitong tawa bago niya tapusin ang
tawag.
"Sino
naman `yon? `Yun na ba ang jowa mo
talaga?" Muling tanong nito. Muling diniinan ang salitang jowa.
Sinimangutan
niya ito. "Pwede ba. Tigilan mo nga ako Joen. Wala akong boyfriend, noh?
Single at available kaya ako." Pagmamalaki niya. Nakita niya ang mabilis
na pag-iiba ng tabas ng mukha ni Joen. From having a knotted forehead it
changed into a calm one. Mukhang nasiyahan rin ito sa nalaman nito. Binalewala
na lang niya iyon. Inayos niya ang mukha at ngumiti dito. "By the way,
Joen. Salamat uli sa pagpapatulog mo sa `kin dito. Salamat sa pagiging mabuting
host kahit na kinawawa at pinagsupladuhan kita."
Ngumiti
ito. "It's nothing."
"Okay,"
aniya. Tumayo siya mula sa higaan at kinuha ang damit niya na maayos nang
nakalapag sa upuan. Nang makuha niya iyon ay nagtungo siya sa banyo at agad
nagbihis. Nakalabas na siya ng banyo nang magsalita si Joen.
"Naghahanap
ka ng trabaho, hindi ba?"
Napatingin
siya dito kasabay ng paniningkit ng mata. "Paano mo nalaman? Pinakialaman
mo ba `yong envelope na dala ko?"
Ngumiti
ito kasabay ng pagtango. "Yeah. Wala kasi ako magawa kanina. Hindi ako
makatulog kaya ko pinakialaman ang gamit mo. Gusto mo tulungan kitang maghanap
ng trabaho?"
"Thank
you na lang. May trabaho na `ko. Tawag na lang ang kailangan mula sa
agency."
"Para
mapadali. Kung may recommendation mula sa `kin ay pasok ka na agad. Wala ng
kuskos-balungos."
"Para
mapadali? Bakit kilala mo ba `yong may-ari ng restaurant na papasukan ko?"
"You're
already speaking to one."
Nanlaki
ang mata niya. "To-totoo?"
"Mukha
ba akong nagbibiro?" Balik-tanong nito.
"Hindi,"
pagsagot niya sa katanungan nito.
"Hindi
naman pala. So, payag ka na ba na tulungan kita? Ako ang magiging backer mo.
Kung papayag ka agad nating kakausapin si daddy. Nakausap ko na siya kanina
pero gusto niyang makausap tayong dalawa."
"Weh?
`Di ba magkaaway kayo ng papa mo? Nagsagutan pa nga kayo kaninang madaling
araw."
"Oo,"
matipid na sagot nito ngunit may kapilyuhan sa mga mata.
"Oo
pala. So paano mo kakausapin ang daddy mo ng hindi kayo nagsasagutan? Ng
mahinahon?"
"Simple
lang, ikaw."
"Huh?
Ako?" Naguguluhan niyang sabi. Hindi siya nakaimik.
"Ikaw
ang ibabala ko. Magsisilbi kang mediator sa pagitan namin ni daddy. Your
silence just means yes, right?" It's settled then. Kung kokontra ka `wag
mo ng gawin."
Bigla
siyang natauhan. "Hoy! Johanson Enrique! Hindi pa ako pumapayag sa gusto
mo," Napa-atras siya ng lumapit ito sa kanya. "Oo, aaminin ko gusto
ko `yong offer mo pero hindi pwede. Gusto kong makuha ang trabaho ko sa sarili
kong pagsisikap."
Sumimangot
ito. "Sus. Pride. `Wag mo `yang pairalin, Vinnezer. Sa panahon ngayon
dapat sugod lang ng sugod. You should always grab every opportunity coming in
your hands."
"Sus
ka rin. Sugod ka ng sugod ka dyan. Paano pala kung sugod ka lang ng sugod tapos
wala ka namang ibabala. Eh, `di patay ka n'un. Patay ako kung sakali."
"Masyado
ka kasing negative, kaya `yon. Saka nakakalimutan mo sigurong nandito ako. I'm
always ready to back you up. Ano pang silbi kong backer kung hindi kita
tutulungan? `Wag ka ng tumanggi pa. `Wag ka ng makipag-argumento pa."
"Ang
kulit mo rin, noh? Sige na papayag na `ko. Wala naman akong magagawa sa
kakulitan mo, eh. Siguraduhin mo lang na ipagtatanggol mo ako sa daddy
mo."
Ngumiti
ito. "Then it's settled, Vinnezer. Let's go out and talk to my
father."
Lumapit
ito sa kanya at inakbayan siya. Nagulat siya sa ginawa nito. Muli na naman
niyang nadama ang malakas na elektrisidad kapag nadidikit ito sa kanya. An
electricity that felt so good for him. Ngunit sa kabila niyon ay nakadama siya
ng takot. Kahit na gusto niya ang pakiramdam na sa malapit ito ay lumayo siya.
Nagbigay siya ng ilang distansya sa pagitan nila.
Nagulat
ito sa ginawa niya ngunit hindi nagkomento. "Magbabanyo muna ako,"
paalam nito.
Hindi
naman nagtagal si Joen sa banyo. Natulala siya sa mukha nitong nakangiti. He
looked so fresh. Napakagwapo talaga nito. Mula ulo hanggang paa ay walang
tapon. Hindi hipon, hindi lollipop kundi ice cream. Sulit kumbaga.
"Uy.
Natulala ka na," paggising ni Joen sa diwa niya.
Nahiya
siyang bigla. "Pasensya na. May naalala lang ako," palusot niya. Sana
ay kumagat.
"Ako
ba ang naalala mo? Mahirap `yan, Vin. baka magkagusto ka sa `kin. Well, wala
namang masama kung magkakagusto ka sa `kin. Talagang gwapo naman ako, eh.
Flattered pa ako kung mangyayari `yon. At sobrang pabor sa `kin."
"Pabor
sa `yo? Mayabang ka talaga."
"Okay
lang. May ma-i-pag-mamayabang naman ako."
Nag-iwas
siya ng tingin nang seryoso siya nitong tingnan. "Tara na nga.Tama na ang
kayabangan. Hindi ako magkakagusto sa `yo, Joen," pagsisinungaling niya.
"Hindi ako kukuha ng bato na ipupokpok ko sa ulo ko. masakit kaya
`yon."
"Talaga
lang, ah. Paano `yan? Hindi ako bato, Vin, tao ako." Pamimilosopo nito.
"Ewan
ko sa `yo," aniya. "Bilisan na natin. `Wag nating paghintayin ang
daddy mo. First impression last pa naman."
"Hayaan
mo muna siya. Nag-uusap pa tayo."
"Hindi
naman tayo nag-uusap. Nag-aasaran pwede pa. Bilisan mo na, Joen."
Naglakad
siya palapit sa pintuan. Hindi pa siya nakakarating doon ay humarang na si Joen
sa kanyang daraanan.
"Ang
kulit mo talaga!" May bahid na inis na sabi niya. "Umalis ka nga
dyan."
"Imposible
ka bang magkagusto sa `kin?" Seryosong tanong nito.
"Ano
bang pinagsasabi mo? Siyempre, imposible `yon. Hindi ko tipo ang sobrang
gwapo." Natutop niya ang bibig sa sinabi.
Ngumiti
ito. "Sobrang gwapo. Wow, Vin! You just complimented my looks. I'm
overwhelmed. Hindi imposible na magkagusto ka sa `kin."
Hindi
na siya sumagot. Tama ito. Hindi imposible na hindi siya magkagusto dito.
Posible na posible iyon. Instant attraction nga agad ang naramdaman niya dito.
At kung hindi ba naman ano ang tawag niya sa mabilis na tibok ng puso niya? Ang
masarap na pakiramdam tuwing nadidikit ito sa kanya katulad na lang kanina.
Ngunit hindi naman pwede. Lalaki ito at mula sa bibig nito ay para sa babae
lang ito. Ano naman ang kalalabasan niya kung tuluyan siyang mahulog dito?
Sawi.
Ahhh 1st!!!
ReplyDeleteShet nakakabitin naman. Sana ma post agad ang next chapter. Hihi. Ang galinh ni author.
-Zar
Ay. Nakakabitin pa pala `to. Hahaha..
DeleteHayaan mo, Zar, next chapter hahabaan ko na..
Ako na ang incharge, eh. :)
Nice....its getting nicer every time...
ReplyDeleteMr. Alfred of T.O ang kauna-unahang nag-comment sa chapter 1 ng Fated Encounter!
DeleteSalamat po sa pagbasa at pagbigay ng comment :)
wahhhh!!! haahaa nagpaparamdam na ung dalawa author..
ReplyDeletepero y iz it parang me ano cla Joen at Vin ko (me ko talga hahaa)
na baka ano tas magiging ano sl... tas tas tas
author noooo... haahhaa OA na nmn
nice one uli p o author.. upfate uli ng mblis..hahaa
jihi ng pampanga
`yong dalawa naman ang magpaparamdam, Jihi.
DeleteSalamat sa komento! Sa uulitin. :)
Super iksi. Nakakabitin... More. Hehe
ReplyDeleteEmanding lng. Thanks sir author. More updates po.
-madztorm
Madztorm, akala ko mahaba na siya. Hahaha.. umabot ito ng six pages kapag hindi doubled space. Hahaha..
DeleteSige sa susunod na update hahabaan ko na :)
Magkapatid sila. Iba lang ang ama ni joen. Hahaha Kaya tingin nila matagal n sila mgkakilala. :) hahahhahaha
ReplyDelete-Bing
Titingnan po natin, Bing, sa mga susunod na kabanata :)
DeleteRelieving!
ReplyDeletesuper ganda talaga
ReplyDeleteUy, salamat :)
DeleteSana Daily ung update o dikaya sobrang haba ng update hahaha
ReplyDeletedemanding
-Hiya!
Sana magawa ko ngang daily. :)
Deletehaha. i do like the characters. weird and distinct. sana masundan na.
ReplyDeleteAt last! Salamat po dahil nakita nyo yon (nakita talaga)., ang distinction.
DeleteMayroon na naman akong masusundang magandang kwento! Cant wait for the next chapter! Thank you mr aurhor! Gpd Bless you always!
ReplyDeleteBen
God bless you din po! Salamat :)
DeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteKeLan ang next chapter?? Woah! Bakit ba ang Lakas mambitin ng mga author dito?? Haha Lagi tuLoy akong nakaabang sa susunod na chapter hehe nice job Mr. !
ReplyDeleteHindi ko pa alam kung kailan ang next chapter. Nahihirapan akong mag-UD gamit tablet, eh.
DeletePasensya sa paghihintay.
great story! :)
ReplyDeleteWooahhh! Nag-comment ka sir Alex sa gawa ko!
DeleteHindi ako makapaniwala!!!
hehe eto naman, siyempre ganda kasi nito ito.. :) will be waiting for the next chapter.. keep it up.. :) im your fan.
DeleteErr,.. speechless ako
Delete