Chapter eight na!! Pagpasensyahan n'yo na po kung medyo maiksi `to. ;]
Maraming salamat ulit sa mga nagbabasa nito.
Iyon lang po.
Sana ay mag-enjoy kayo!
CHAPTER EIGHT
"IKAW
KUMUSTA naman ang family mo? Nasaan pala sila?"
Natigilan si Vin sa tanong ni Joen
sa kanya. Kapag may nagtatanong sa kanya tungkol sa pamilya niya ay lagi siyang
umiiwas. Oo, nami-miss niya ang mga ito kaya kung maaari ay ayaw niyang maalala
ang mga ito. Nagiging emosyonal lamang siya kapag naaalala niya ang mga ito
lalo na ang mama at apat niyang kapatid.
"Hey, Vin. Kumusta na ang
pamilya mo? Nasaan pala sila?" Ulit ni Joen sa tanong nito.
"O-okay naman sila," sabi
niya.
"Bakit unsure ka?"
Pag-uusisa nito.
Ang totoo ay wala siyang balita sa
mga ito. Ang lola lang niya ang laging nakakausap ng mama niya at sinasabi sa
kanya nito ang kalagayan ng mga ito. Alam niyang nagmumukha siyang walang
pakialam sa kanyang pamilya ngunit may pinanggagalingan siya...
"Sigurado ka ba talaga?"
"Oo. Sigurado ako. Nasa
probinsiya sina mama. Ang apat kong kapatid lahat nag-aaral. May kambal akong
kapatid, sumunod sa `kin."
"Eh, ang tatay mo?"
Hindi siya nakaimik sa tanong nito.
Sinadya niyang huwag banggitin ang ama ngunit hindi talaga yata iyon maiiwasan
especially na pamilya ang pinag-uusapan. Kung lungkot at pangungulila ang
nadarama niya kapag naaalala ang ina at kapatid ay kabaliktaran ang
nararamdaman niya para sa ama.
"Uy. Natahimik ka na."
Untag ni Joen sa kanya.
"Okay naman siguro siya," sagot
niya, may animosidad sa tono.
"I guess were in the same
shoes. Pareho ang terms natin pagdating sa mga ama natin pero okay na kami ng
daddy ko ngayon. If I were you, magbati na rin kayo."
"Hindi iyon ganoon kadali!"
Nagulat si Joen sa outburst niya.
Gulat itong napatingin sa kanya. Kung nagulat ito ay natigilan naman siya sa bilis
ng pagbabago ng mood niya.
"Bakit ka sumisigaw? I'm just
suggesting, Vin."
"I'm sorry," sabi niya.
"Kumain na lang tayo, Joen. `Wag na nating pag-usapan ang pamilya
natin."
"Okay." Agad nitong
pagsang-ayon.
Hindi sila nag-imikan habang hinahanda
niya ang pagkain. Alam niyang nakasunod ang tingin sa kanya ni Joen. Alam
niyang nagtataka ito kung bakit ganoon na lamang ang reaksyon niya pero hindi
na ito nag-usisa. Napilitan na lamang itong sumang-ayon sa kanya. Alam niyang
gusto nitong magtanong pero pinipigilan nito ang sarili. Para mawala sila sa awkward
na sitwasyon ay nagdesisyon siyang mag-explain dito.
"I'm sorry, Joen," aniya.
"Hindi lang talaga ako sanay na pag-usapan ang tungkol sa pamilya ko. Lalo
na--"
"I get it," pamamatlang
nito sa kanya. "Hindi mo na kailangan pang mag-explain sa `kin, I
understand it, Vin."
"Salamat. Kumain na tayo,"
aniya.
Inilapag niya sa mesa ang bandehado
ng kanin kasunod ang ulam. Mabuti na lang at madaling mag-shift ang mood ng
lalaki.
"Ano `yan?" tanong ni Joen
na ang tinutukoy ay ang ulam.
Napangiti siya. "Ulam."
Sinimangutan siya nito. "Alam
kong ulam `yan Vin. Ang tanong ko ay kung anong pangalan niyan?"
"Ginataan na isdang
tulingan."
"Obvious nga," anito.
"Iyon ba talaga ang pangalan niyan?"
"Oo `ata pero sa `min sa
probinsya adobado ang tawag diyan.
Kumakain ka ba niyan?"
"Oo naman. Lagi kaya akong
kumakain nito kapag sa bahay ng kaibigan ko."
"Talaga?" Diskumpiyadong
sabi niya.
"Talagang-talaga.
Pagdating sa pagkain hindi ako maselan. I can eat every food I want. Kahit na pakainin
mo ako sa tabi-tabi, ayos lang sa `kin."
"Eh `di ikaw na ang hindi
maselan," aniya.
Nagsimula silang kumain. Habang
kumakain ay hindi nila maiwasan ang mag-asaran at magkulitan. They were really
comfortable with each other regarding their first encounter. Nangangamba man
siya sa nararamdaman niya para dito ay ayos na iyon sa kanya. Sino ba naman ang
hindi dito magkakagusto? Sa konting panahon na magkasama sila ay unti-unti niya
itong nakikilala. He was tough in the outside but a soft-hearted man inside.
Kahit na barumbado, may pagka-adik at minsan ay moody ay mabait ito. Mayaman
pero nakaapak sa lupa. Hindi ito mahirap abutin. At sa concern na ipinakita
nito sa kanya ay tiyak niya na magiging mabuting kaibigan ito sa kanya.
KINUHA NI VIN
ang nag-iingay niyang cellphone na nakapatong sa bedside table. Pagkapasok na
pagkapasok niya ay ang ingay niyon ang agad niyang narinig. Tiningnan niya kung
sino ang tumatawag sa kanya, si Mack. Sinagot niya ang tawag.
"Hello. Napatawag ka?"
"Can I invite you out, Vin?"
Nagulat siya sa paanyaya nito.
"Bakit?"
"Uhmm.." Dumaan ang long
pause. "Ibig kong sabihin kong pwede mo kong samahan na mamili ng
kailangan para sa party ng kapatid ko."
"Ganoon ba," sabi niya.
Nakahinga siya nang maluwang sa sinabi nito. Sa sinabi nito kanina ay bigla
siyang kinabahan.
"Yeah. Pwede mo ba akong
samahan?"
"Pwede naman. Wala naman akong
gagawin dito sa bahay."
"That's good. Susunduin na lang
kita dyan sa inyo. Just give me the direction to your place."
Agad naman niyang sinabi ang
direksyon dito. Tinapos na ni Mack ang tawag. Agad siyang nagpalit ng damit. Nakakahiya
naman kung paghihintayin niya si Mack. Ito pa naman ang nagkusa na susunduin
siya. Abusado ang labas niya kung paghihintayin ito. Nagpaalam siya sa lola niya
na lalabas. Nang makapag-paalam ay nagdesisyon siyang sa labas na lamang ng
kanilang bahay hintayin si Mack. Palabas na siya ng bahay, binuksan niya ang
gate nang magulat siya sa nakita. Nakatayo sa tapat ng gate nila si Joen. Nasa akto
na ito pagkatok.
"Bakit nandito ka pa?" tanong
niya. Pagkatapos nilang kumain ay nagpaalam itong uuwi na kaya siya dumiretso
sa kwarto niya pero nandito pa rin ito sa kanila. Halatang kanina pa ito
nakatayo doon base sa pawisan nitong mukha at bahagyang namumula na mukha dala
ng init ng sikat ng araw.
Joen smile shyly. "Ayoko pa
kasing umuwi."
"Ayaw mo pa palang umuwi. Bakit
hindi ka pa pumapasok? Kanina ka pa ba dito?" Ang tanong niya kahit
obvious naman na kanina pa ito nakatayo doon.
"Hindi. Bumalik lang ako. Eksaktong
pagbukas mo nang dumating ako." Pagsisinungaling nito. "Saan ka pala
pupunta?"
Alam niya na iniiba nito ang usapan
dahil halata iyon dito. Hinayaan na lamang niya ito. "Pupunta dito si
Mack. Susunduin niya ako. Pupunta kami sa mall. Nagpapasama siya sa `kin sa
pamimili niya ng kailangan sa party ng kapatid niya, ng pinsan mo."
Kumunot ang noo nito. "Bakit
ikaw ang isasama niya? Anong ginagawa ng katulong nila?"
"Ewan ko sa pinsan mo."
Matipid niyang sagot.
"Bakit ka pumayag?"
"Dahil wala naman akong gagawin
dito sa bahay."
"Sasama ako sa inyo."
Pagdedesisyon nito.
"Ikaw ang bahala. Mas maganda
nga `yon para marami tayo. Hindi rin ako magbibitbit ng mga pinamili. Pero
magpaalam ka pa rin kay Mack para sigurado."
Mas
dumoble ang kunot sa noo nito. "Bakit pa ako magpapaalam kay Mack? Hindi
ko gagawin `yon. Basta sasama ako sa inyo."
"Ikaw nga ang bahala,"
aniya.
Mga ilang minuto ang dumaan ay
dumating na si Mack. Sakay ng kotse nito.
"Bakit ka nandito?" Nagtatakang
tanong nito kay Joen na katabi niyang nakaupo sa pahabang upuan.
Hindi sumagot si Joen. Tiningnan
lang nito si Mack. Lihim na lang siyang napailing. Mukhang tinotopak na naman
ang lalaking ito. Siya na ang sumagot sa tanong ni Mack. "Siya ang
naghatid dito sa `kin. Kumain rin siya dito sa bahay."
"Talaga."
"Yeah." Maangas na sabi ni
Joen. Sa wakas nagsalita ito, iyon nga lang ay maangas.
Magsasalita pa sana ito nang unahan
niya. "Sasama daw siya sa `tin."
"Bakit?" Tanong ni Mack.
Napansin niya na nawala ang ngiti nito sa labi. Tila hindi sang-ayon sa gusto
nilang mangyaring dalawa.
"O-okay lang ba na sumama siya
sa `tin Mack?" Kinakabahan niyang tanong. Baliw kasi siya. Basta na lang
nagdedesisyon na hindi kumukonsulta sa nagyaya.
"Kahit hindi okay sa `kin wala
naman na akong magagawa, `di ba?" anito. May pagka-aburido sa boses. "Mauna
na ako sa kotse. Sumunod na lang kayong dalawa," anito saka sila
tinalikuran.
Natameme siya. Napatingin kay Joen
na tila hindi apektado sa inakto ni Mack. Nakangiti pa ito ng nakakaloko.
"Loko-loko ka talagang lalaki
ka. Hindi na nga gusto ng pinsan mo na makasama ka makangiti ka pa."
"Okay lang `yon sa `kin. Kahit
na ayaw niya pumayag pa rin siya."
"Ewan ko sa `yo. Sasabay ka ba
sa kotse niya o mag-mo-motor ka?"
"Siyempre sasabay ako sa inyo,"
sagot nito. "Hindi pwedeng hindi dahil masosolo ka niya. Hindi ako
papayag."
"May sinasabi ka ba?"
"Wala. Tara bilisan na natin.
`Wag na natin paghintayin ang moody kong pinsan."
"Na katulad mo," dugtong
niya.
Ngumiti lang ito kasabay ng pagtango.
HABANG
NAGLALAKAD SA LOOB ng mall ay nasa pagitan ni Mack at Joen nakapwesto si Vin. Nananantiya
siya sa kinikilos ng dalawa. Kung cool na cool si Joen at malawak ang
pagkakangiti ay kabaliktaran naman ang hitsura ni Mack. Nakasimangot ito at
matalim ang tingin na ibinibigay kay Joen. Sa bawat tingin na ibinibigay nito
kay Joen ay ngiti lang ang iginaganti ng huli. Tila nanalo sa laban si Joen
samantalang talunan si Mack.
"Saan ba tayo pupunta?"
Ang tanong niya kay Mack. Para mawala ang tingin nito kay Joen. Hinawakan niya
ito sa braso at hinila niya palayo kay Joen. Pakiramdam niya ay may kasalanan
siya kung bakit ganito ang mood ni Mack.
"Kahit saan na lang. Wala na
ako sa mood na mamili ngayon."
"Ganoon ba," sabi niya. Hindi
niya tuloy maiwasan ang ma-guilty sa pagbabago ng mood nito.
"By the way Vin, na-move `yong
party ni Danna. Sa Martes na lang daw gaganapin."
"Bakit daw?"
"Ewan ko." Nonchalant na
sagot nito.
"May problema ka ba?"
"Meron. Malaki," sabi nito
saka naunang naglakad.
Napatingin siya kay Joen na nasa
tabi na niya. "Now you see Vin. Hindi lang ako ang moody sa aming
magpi-pinsan, pati si Mack."
"Lahat naman `ata kayo
moody."
"Exactly. Wait `til you see how
moody Nick is."
"Sinadya mo `ata `to, eh."
"Sinadya? Hindi kaya. Ano naman
sa tingin mo ang dahilan ko kung bakit ko `yon gagawin?"
"Ikaw ano ba ang dahilan
mo?" Balik-tanong niya dito.
"Kasalanan ko `to, eh. Dapat
hindi na lang ako pumayag na sumama ka. Umuwi ka na kaya o kaya mag-iba ka ng
ruta. Hayaan mo na kami muna dito ni Mack, hanggang sa um-okay ang mood niya."
Sumimangot ito. "Grabe ka. Concern
ka kay Mack pero sa `kin hindi? Ang sama mo Vin."
Napangiwi siya sa sinabi nito.
"Pasensya na. Suggestion lang naman `yon, eh."
"Suggestion daw? Sabihin mo
itinataboy mo talaga ako. Bahala ka na nga diyan," sabi nito saka lumayo
sa kanya.
Napasunod na lamang ang tingin niya
dito. Naiwan siyang nag-iisa. Napabuntung-hininga na lamang siya at walang
sinundan sa mga ito. Gumawa rin siya ng sarili niyang daan. Pumunta siya sa Booksale
para tumingin ng libro.
Sa abala niyang tumingin-tingin sa
dami ng libro doon ay hindi niya napansin na may kasalubong siya. Humingi siya
ng paumanhin. Only to find out the person he bumped, si Nick. Agad siyang
ngumiti. Ganundin ito.
"Nagbabasa ka rin pala,"
pagbibiro nito kahit na nasabi na niya dito na mahilig siyang magbasa. Romance
nga lang ang genre.
"Oo naman," aniya.
"May kasama ka ba?" tanong niya.
"Wala. Mag-isa lang ako. Eh,
ikaw?"
"Meron. `Yong mga pinsan mo
kaso iniwan ako."
"Ganoon? Bakit ka iniwan?"
Hindi niya ito sinagot. Nagkunwari
siyang tiningnan ang isang libro na malapit sa kanya. Alam niya ang rason kung
bakit siya iniwan ni Joen pero hindi kay Mack.
"Pagkatapos mo dito saan ka na
pupunta?"
Mula sa binabasang libro ay bumaling
siya dito. "Wala na akong pupuntahan. Tinatamad na `ko na hanapin `yong
dalawa. Bakit mo pala naitanong?"
"Gusto mong kumain?"
"Saan naman?"
"Kahit saan. Ikaw ang bahala
kung saan mo gustong kumain."
"Sa labas na lang. Sa turo-turo
o sa karinderya sa labas, gusto mo?"
Ngumiti si Nick at in-adjust ang
eyeglass na suot. "Gustong-gusto. Let's go," yaya nito.
Agad naman siyang tumalima. Lumabas
sila ng Booksale at tinungo ang exit ng mall. Nang makalabas ay agad silang
naghanap ng makakainan. Kahit na medyo worried siya sa dalawang kasama kanina
ay pilit niyang binabalewala iyon. Malaki naman na ang mga ito at kaya na ang
buhay. Hindi naman siguro mawawala ang dalawa at hindi siya hahanapin. After
all, ang mga ito naman ang nang-iwan.
Nauwi sila ni Nick sa pagkain ng
kwek-kwek at calamares sa tabi ng isang school na nasa harap ng mall. Sarap na
sarap si Nick sa pagkain niyon, tila sanay na sanay ito. Una itong kumuha ng anim
na pirasong kwek-kwek at nilagyan ng maraming suka ang lalagayan at pipino.
Nang maubos ay humingi ito ng panibagong plastic cup sa nagtitinda at sunod
naman itong kumuha ng calamares. Nick ate with so much gusto at dahil doon ay
napakain rin siya ng marami.
"Lagi ka bang kumakain sa mga
katulad nito?"
Uminom muna ng buko juice si Nick
bago sumagot. "Oo. Sanay na sanay ako. Gusto mo pa ba? Try mo naman `yong
banana cue nila." Ang sabi nito na nilalantakan ang biniling banana cue
kahit na may kwek-kwek pa itong kinakain.
"Hindi na. Tama na ako dito sa
kwek-kwek at calamares. Ikaw baka gusto mo pa?"
Instead of answering his question. Tumusok
ito ng isang kwek-kwek at inumang sa kanya. "Say ah," anito na parang
bata siya na pinapakain. Napatingin siya sa kwek-kwek at calamares vendor.
Nakangiti ito at parang sayang-saya sa nakikita. Bumaling si Nick sa vendor.
"Wala namang masama kung susubuan
ko siya, `di ba manong?"
Tumango ito. "Wala, sir. Ayos nga
`yan, ang bait n'yo ngang kaibigan."
Bumaling sa kanya si Nick. Nakangiti.
Kung alam lang ng tindero kung ano ang preference nila, masabi pa kaya nito iyon?
"Say ah, Vin. Okay lang naman kay
manong na subuan kita. `Wag ka ng mahiya."
Napipilitan man ay ibinuka niya ang bibig.
Lumawak ang pagkakangiti ni Nick at isinubo sa kanya ang pagkain. Nginuya niya iyon.
Nagulat siya ng punasan ni Nick ang gilid ng labi niya gamit ang hinlalaki nito.
"May sauce, o," ang sabi nito
saka ipinakita iyon sa kanya.
Akmang susubuan na naman siya nito nang
tumanggi siya. "Busog na ako, Nick. Ikaw na lang ang kumain n'yan," aniya.
May isang kwek-kwek pa sa disposable glass na hawak nito. Tinusok nito iyon at ito
na ang kumain. "Baka gusto mo pa," sabi niya.
Umiling ito. "Hindi na. Ayaw mo
naman na, eh. After this, balik tayo sa loob ng mall, ah. May bibilhin lang
ako."
Tumango siya. "Okay. Wala naman
akong gagawin. Magpalamig muna tayo sa loob."
Tumawa ito.
Pagkatapos nilang kumain ay bumalik
nga sila sa loob ng mall. Nagtungo sila ni Nick sa Blue Magic.
"Kanino mo ibibigay ang bibilhin
mo dito?"
"Sa`yo," mabilis na sagot
nito na ikinatigil niya.
"Bakit mo naman ako bibigyan ng
stuff toy?"
"For our friendship, Vin. Or
maybe because I like you." Ang sabi nito. May pagbibiro sa tono pero
makikita ang kaseryosohan sa mukha.
"May gu-gusto ka sa `kin?"
"Yeah." Kampanteng sagot
nito. Mula sa tinitingnan nitong teddy bear ay tiningnan siya nito. "Okay
lang ba sa `yo kung liligawan kita?"
Hindi siya nakasagot sa sinabi nito.
"Base on your reaction, mukhang
hindi okay. Then I'll take is as a no. If this is not the right time maybe some
other time Vin. For now let's just know each other, well. Okay lang ba sa `yo
`yon?"
Tumango na lang siya. Speechless pa
rin siya sa sinabi nito. Ito ang unang pagkakataon na may lalaking nagsabi sa
kanya na liligawan siya at may gusto sa kanya. Hindi siya makapaniwala. Inabot
ni Nick ang kamay niya at hinawakan iyon nang mahigpit pero sa masuyong paraan.
Mabuti na lamang at nasa sulok silang bahagi ng store. Walang makakakita sa ginawa
nito. Mas nagulat siya sa sunod nitong ginawa. Lumapit ito sa kanya at binigyan
siya ng mabilis na halik sa pisngi. Tigalgal siya. Ramdam niya na namula ang
pisngi niya sa ginawa nito. Wala sa sariling napahawak siya sa pisngi saka
tumingin kay Nick. Nakangiti lamang ito.
"You look cute, Vin. I really like
you."
Pagkasabi nito niyon ay binitawan
nito ang kamay niya at pumili ng teddy bear na ibibigay sa kanya. "What
color do you like?"
"Ka-kahit ano." Nauutal
niyang sagot. Still in shock pa rin siya sa confession at sa ginawa nito.
"Nick, `wag mo na kaya akong bilhan ng teddy bear. Libro na lang kaya para
mas may pakinabang," sabi niya. At last he found his voice.
"Sigurado ka?"
"Oo."
"Ikaw ang bahala pero bibili pa
rin ako nito," anito habang hawak ang asul na stuff toy. Wala na siyang
nagawa ng pumunta ito sa harap ng cashier para mabayaran iyon. Nang makapagbayad
at nakuha na ang binili ay agad silang lumabas at dumiretso sa Booksale. Habang
naglalakad ay hinawakan nito ang kamay niya. Parang wala itong pakialam kahit
na marami ang tao sa loob ng mall at iilan sa mga ito ay nakatingin sa kanilang
dalawa. Akala niya ay discreet ito? Bakit nagpapakita ito ng PDA? Siya ang
nahihiya sa ginagawa nito. Tatanggalin sana niya ang kamay sa pagkakahawak nito
ngunit mas humigpit iyon.
Napayuko na lang siya habang kasabay
ito sa paglalakad. Hindi niya kayang tingnan ang mga tingin ng taong sa paligid
nila. Naramdaman niya ang paghinto ni Nick. Napahinto rin siya. Kasunod niyon
ang baritonong boses ng lalaking kasama lang niya kanina.
"Bakit kayo magkasama?"
Tiningnan niya ang pinanggalingan ng
boses. Si Joen. Seryoso ang ekspresyon ng mukha nito. May pagtatanong din doon.
Nakita niya ang pagtiim ng bagang nito nang makita ang magkahawak nilang kamay
ni Nick.
Nagtaka naman
siya sa reaksyon nitong ganoon.
"Nag-de-date kami." Mabilis
na sagot ni Nick kay Joen. "I told him earlier that I like him."
Masayang sabi nito.
"Anong sabi ni Vin?"
"Wala pa."
"Wala pa naman pala, Nick.
Bakit nakahawak ka na sa kamay niya?"
"Sa gusto ko, eh."
Nagulat siya nang alisin ni Joen ang
kamay niya sa mahigpit na hawak ni Nick.
"You're making so much
advantage on him, Nick. `Wag gan'un man."
"Ba't ka ba nakikialam? Panira
ka ng moment namin ni Vin, eh. Can you find your own business, Joen."
"Wala akong ibang business
kundi si Vin."
Nagtatanong ang tingin na ibinigay dito
ni Nick. Passive naman ang reaction niya sa sinabi nito.
Saglit itong natigilan. "Business
ko si Vin dahil kaibigan ko siya. At ako ang kasama niya dito pati si
Mack."
"Whatever Joen. Ang kwento sa
`kin ni Vin iniwanan n'yo siya ni Mack. Tapos nagkita kami sa Booksale at
niyaya ko siya na kumain then sinabi ko sa kanya na gusto ko siya. Liligawan ko
siya."
"`Wag ka ngang mayabang,"
naaasar na sabi dito ni Joen. "Magyabang ka kung sinagot ka na. Sa pagkakaalam
ko may nililigawan kang babae? How come na liligawan mo si Vin? `Wag ka ngang
maloko Nick."
"Wala na akong nililigawan. Sinagot
na niya `yong isang manliligaw niya."
"Kaya gusto mong ligawan si
Vin?"
"May masama ba d'un?"
"Meron. Malaki."
"Pwede ba kayong dalawa. Umayos
nga kayo. Tandaan n'yo na nasa mall kayo at hindi sa bahay n'yo," saway
niya sa mga ito.
Natigilan ang mga ito at tumingin sa
paligid. Tumahimik ang dalawa at parang walang nangyari na naglakad. Sumunod na
lamang siya sa dalawa. May mga topak talaga ang magpi-pinsan. Natatawa na
lamang siya sa naiisip sa kabila ng kaba na nararamdaman.
Nang nasa harap na sila ng Booksale
ay agad siyang pinapili ni Nick. Excited naman siyang tumalima. Dahil sa wala
naman siyang pambili ng mga romance at suspense-thriller na novel ay excited
siya. Tuluyang nawala ang kabang nararamdaman niya. Matagal na kasing nakatengga
sa listahan niya ng bibilhin na libro ang mga pinili niya. Apat na libro iyon.
"Heto na," aniya at
ipinakita kay Nick ang mga libro.
"Babasahin mo ang mga iyan?
Lahat `yan?" Tanong ni Joen.
"Oo," agad niyang sagot.
Iaabot niya kay Nick ang mga libro
pero naunang abutin iyon ni Joen. "Ako
na ang magbabayad nito," anito.
"Ako ang nagsabi kay Vin na
magbabayad niyan. `Wag ka ngang epal Joen."
Hindi ito pinakinggan ni Joen.
Dumiretso ito sa counter at binayaran ang mga libro. Napailing na lang siya.
Halata naman ang pagka-asar sa mukha ni Nick.
"Pumili ka na lang ng ibang
libro. This time ako na ang magbabayad. Pagpasensiyahan mo na ang kakulitan ng
pinsan ko."
"Sanay na ako," aniya.
"Makulit naman talaga ang pinsan mo." Pagkasabi niyon ay namula siya
ng maalala ang eksena sa loob ng kwarto ni Joen.
"Mamili ka na lang ulit. At
`yong mga pipiliin mo ako na ang magbabayad, this time." Pag-uulit nito sa
sinabi.
"Hindi na. Tama na sa `kin ang mga
`yon. Salamat na lang," nakangiting sabi niya.
Bumuntung-hininga ito. "Okay. Ikaw
ang bahala."
"Vin, heto na `yong mga libro mo,"
nakangiting sabi ni Joen nang bumalik ito.
Agad niyang tinanggap iyon. "Salamat."
"Dapat akong papasalamatan ni Vin,
hindi ikaw Joen," aburidong sabi ni Nick. "Vin, heto na `yong binili ko
kanina," anito saka ibinigay sa kanya ang paper bag na dala nito. Tinanggap
niya rin iyon. Dahil sa hindi naman niya iyon nahawakan nang mabuti ay kinuha
iyon sa kanya ni Joen.
Napasimangot na lamang siya. Ang
kulit talaga ng lalaking ito.
"Hindi `yan para sa `yo, bakit
mo kinuha?" Tanong dito ni Nick. Nakakunot na rin ang noo nito. Halata na
nagpipigil na masinghalan si Joen. Nagtitimpi.
Hindi ito pinansin ni Joen. Sa halip
ay binuksan nito ang paper bag na dala at inilabas ang asul na stuff toy na bear
na siyang laman niyon. Pagkatapos ay ibinalik nito ang stuff toy sa paper bag
at ibinigay sa kanya. Walang mababakas na emosyon sa mukha. Tahimik na kinuha
niya iyon saka sila nito tinalikuran.
"Anong problema n'un?"
tanong niya kay Nick.
Nagkibit lang ito ng balikat.
"Ewan ko. May topak `yon, eh."
"Ang bilis palagi magbago ng
mood parang babae. Pare-pareho kayong magpi-pinsan."
"Hindi kaya." Tanggi nito.
"`Di hindi. Tara sundan na
natin ang pinsan mong moody." Ang sabi niya saka naunang naglakad.
Natawa
ito at sumunod sa kanya.
Umagapay ito sa kanya na maglakad. Habang
naglalakad sila ay nakatuon ang isipan niya sa reaksyon ni Joen kanina. Nasa
unahan nila ito at parang aburido. Hindi niya alam kung ano ang dahilan ng
pagkaka-ganoon nito. Ang pagbabago ng mood ni Joen ay kinakasanayan na niya
pero minsan ay hindi niya maarok kung ano ang dahilan. Kung mayroon sana siyang
kapangyarihan na mag-mind read ay baka ginamit na niya iyon dito. Naguguluhan
siya sa pagbabago ng mood nito at tumatatak sa kanya na parang nagseselos ito
sa pinagagawa ni Nick pero ayaw naman niyang lubusan na maniwala doon. He knew
better.
Ang mga katulad niya na alanganin ay
hindi dapat nagbibigay ng conclusion sa mga bagay-bagay na ginagawa ng isang
lalaki o ibang bisexual o ibang kauri niya dahil kung gagawin niya iyon ay lagi
lamang siyang mauuwing talunan. Sila. Jumping into something was not him. Ayaw
niyang mag-assume at magbigay ng kulay sa mga bagay-bagay.
Napahinto siya sa paglalakad nang huminto
si Nick. Nagtatanong ang tingin na bumaling siya dito.
"Bakit ka huminto?"
"Nag-ba-vibrate ang phone ko, someone's
calling," anito at kinuha ang phone nito sa bulsa. "My mother,"
imporma nito sa kanya. Sinagot nito ang tawag. Patango-tango ito at sumasagot
sa bawat sinasabi ng ina nito. Pagkatapos nitong makausap ang mama nito ay
ibinalik na nito ang phone sa bulsa.
"Anong pinag-usapan n'yo?"
Pag-uusisa niya.
"May inutos siya sa `kin,"
anito. "Vin, is it okay to you kung mauuna na ako?"
Tumango siya. "Okay lang. Pauwi
na rin naman ako. Sabay na tayo lumabas ng mall."
"Nice idea," nakangiting
sagot nito then inakbayan siya.
Nagulat siya sa ginawa nito.
Pasimple siyang umalis sa pagkaka-akbay nito at lumayo dito. Nagtatanong ang
tingin na ibinigay sa kanya ni Nick.
"This was the secod time you did
that. Napapansin ko na ayaw mong magpa-akbay. Naiilang ka ba? Nahihiya? O may
kiliti ka lang sa part na `yan ng katawan mo?"
Hindi siya sumagot. Hindi niya alam
kung ano ang isasagot. Nakahinga siya nang maluwang ng umeksena si Joen.
"Kailangan pa bang itanong `yan
Nichollo. It was obvious that Vin doesn't want you to do that. Naiilang siya,
nahihiya na rin at the same time. `Wag kang umakto na parang boyfriend ka
niya."
"I'm just asking. Bawal bang magtanong
as a concern friend, Joen?"
"Mabuti kung ginagawa mo `yon
bilang isang kaibigan. May ulterior motive ka, eh. `Wag mo nga akong lokohin.
Mapagsamantala ka rin, eh."
Nakita niya ang pagtiim ng bagang ni
Nick. Kumuyom rin ang kamao nito. Tila anumang oras ay susugurin si Joen.
Magsasalita pa sana si Joen nang lapitan niya ito hawakan sa siko. Pasimple
siyang umiling. Mabuti na lang at nakinig naman ito sa kanya. Inalis nito ang
kamay niyang nakahawak sa siko nito saka sila tinalikuran at nauna ulit na
naglakad.
Bumaling siya kay Nick. "Pagpasensiyahan
mo na ang pinsan mo, Nick. Bad mood siya, eh. Ako na ang humihingi ng paumanhin
sa ginawa niya."
Pilit na nginitian siya ni Nick.
"Sanay na ako sa mga ganoon na patutsada niya pero iba ngayon. Mukhang may
pinaghuhugutan. Hindi mo na kailangan pang humingi ng paumanhin sa `kin para sa
kanya. Hindi mo responsibilidad ang actions ng pinsan ko."
"Kahit na. Humihingi pa rin ako
ng paumanhin."
"Ikaw ang bahala, Vin. Para
maging okay ako yakapin mo na lang ako," anito. May twinkle sa mata. Ang
dali rin ng transition ng mood nito.
"Mapagsamantala ka nga,"
pagbibiro niya na ikinatawa nito.
"But I'm serious Vin. Magiging okay
ako kapag niyakap mo ko."
"`Wag ka ngang baliw,"
aniya saka binilisan ang paglalakad niya.
"Hindi ako baliw. Seryoso
talaga ako. `Pag sa parking lot na tayo yayakapin kita," anito saka
humabol sa kanya.
"Ang kulit mo rin, noh?"
"Basta yayakapin kita,"
parang batang sabi nito.
"Bahala ka nga."
Maluwang itong ngumiti. "That's
good. Dapat pala dinadaan ka sa kulit para magawa ko ang gusto kong
gawin."
"Ay ewan," aniya saka
humabol kay Joen.
Nang makarating sila sa parking lot
ay medyo naglagay siya ng distansya sa pagitan nila ni Nick. Kay Joen siya
dumikit. Hindi naman siya nangako kay Nick na magpapayakap siya dito kaya pwede
niyang hindi iyon gawin.
"`Yong hug ko Vin, nasaan na?"
ungot nito.
Joen looked at him intently. Kahit
na tatlo sila na magkakasama ay hindi nito pinapansin si Nick. "Ano ang
ibig sabihin niya, Vin? Papayakap ka sa kanya? Para saan?"
"Hindi naman. Hindi naman ako
nangako. Sabi ko bahala siya pero nagbago na ang isip ko."
"Sabihin mo sa kanya,"
anito. "Bakit kasi hindi ka tumanggi? Ang daling magsabi ng 'hindi' hindi
mo ginawa. Ngayon aayaw ka," panenermon nito
saka siya
iniwan.
Naiwan siyang nakasunod ang tingin
dito. Walang pakisama talaga ang lalaking ito. Kaya nga siya nagdidikit dito
dahil ayaw niyang magpayakap kay Nick. Napaisip siya. Pero siya naman ang
nagpasubo sa sarili niya. Bakit ba kasi hindi siya tumanggi? May punto naman
talaga si Joen. May karapatan itong sermunan siya. Saka yakap lang naman ang
hinihingi ni Nick. Kung makaarte siya ay parang puri niya ang kukunin. Eh.. wa--.
Natigil siya sa pag-iisip nang magsalita
si Nick.
"I'm running out of time, Vin.
Kailangan ko na ang yakap mo. Hindi pa rin ako okay." Ang sabi nito sabay
sipat sa suot nitong relong pambisig. Ayos rin ang lalaking ito. Binigyan pa
siya ng ultimatum para makayakap agad ito.
"So ang labas pampa-okay ang
yakap ko-." Hindi na niya natapos pa ang sasabihin. Naramdaman na niya ang
mga braso ni Nick na yumakap sa kanya. Mahigpit ang pagkakayakap nito. And then
he kissed his temple. Next to it was his cheeks. Talagang tama si Joen
mapagsamantala ang lalaking ito.
Nang makuha nito ang gusto ay agad
itong kumalas sa pagkakayakap sa kanya. Nakangiti. Sumakay ito sa kotse nito
saka kumaway. Hindi pa nito pinapaandar ang kotse nito. Inilabas nito ang ulo
sa bintana.
"See you sa restaurant na lang Vin.
Maghihintay rin ako sa sagot mo kung papayag ka na ligawan kita."
INAAMIN NI
Joen na medyo na-badtrip siya sa simpleng pagtataboy na ginawa ni Vin sa kanya.
Mas inuna pa kasi nitong isipin ang nararamdaman ni Mack kaysa sa kanya. Hindi
rin niya maiwasan ang makadama ng selos sa pinakita nitong concern sa actions
ni Mack. Nagseselos siya. Sobra.
Kung wala lang siya sa pampublikong
lugar ay baka kanina pa niya sinabunutan ang sarili dala ng sobrang frustration.
Bakit parang ang dali kay Vin na balewalain ang nararamdaman niya? Bakit mas
inuna pa nito si Mack kaysa sa kanya samantalang sila naman ang palaging
magkasama? Kahit na magkaibigan na sila nito at nasabi na niya dito ang tungkol
sa pagkatao niya, sa personal na aspeto, ay tila mayroon pa ring kulang. It was
just like that Vin was still putting some distance to him. Parang hindi siya sapat
dito. Parang hindi pa iyon sapat para lubusan na magtiwala sa kanya ito. Mas
pinapahalagahan nito ang mga pinsan niya.
Katulad na lang kanina na nasa bahay
sila nito, habang kumakain. He was just suggesting but Vin just burst out his
emotion. Sa totoo lang ay talagang nagulat siya sa outburst nito. Tila may
pinaghuhugutan. Na-curious siya ngunit ang kuryusidad na iyon ay itinago niya
sa sarili lalo na nang sabihin nito na huwag na nilang pag-usapan iyon.
Malalim. May lalim ang galit na nadarama ni Vin para sa ama nito.
Oh, well. Bumuntung-hininga siya. Ang
mga naiisip niya ay nagpapagulo lamang sa estado ng puso niya. May pag-aalala
siyang nararamdaman sa pinakita nito. Kahit na naiinis siya dito ay hindi naman
niya lubusan iyong magawa dahil mas nangingibabaw ang pagkakagusto at
pagmamahal niya dito.
Pagkatapos niyang ma-badtrip kay Vin
at iwanan ito sa gitna ng mall ay nagbabakasakali siya na susundan siya nito.
Susuyuin at hihingi ng paumanhin sa ginawa nito pero hindi iyon nangyari. Huminto
siya at tumingin sa kanyang likuran. Wala namang Vin ang nakasunod sa kanya. Sa
halip ay gumawa ito ng sariling daan. Kung sa kanan si Mack pumunta at siya ay
sa kaliwa, si Vin ay sa gitna. Ang pakunswelo na lamang niya ay wala itong
sinundan sa kanila ni Mack. At doon ay nakahinga siya nang maluwang.
Nagdesisyon siya na ito na lang ang
sundan. Nagbigay siya ng ilang metro sa pagitan nila. Hindi siya dapat
magpakakampante dahil baka bigla na lang itong tumingin sa likuran at makita
siya. Baka mabuko siya nito. Mabuti na lang at may karamihan ang tao sa loob ng
mall sa mga oras na iyon. Malaya niyang masusundan ito at mabilis siyang
makakapagtago.
Naglakad ito at huminto sa tapat ng Booksale.
Tumingin-tingin sa mga naka-display doon. Maya-maya ay pumasok ito. Hindi na
siya pumasok sa loob ng Booksale. Nagkasya na lang siya na tanawin ito mula sa
labas na hindi kalayuan doon. Naiangat niya ang sarili sa upuan. Bahagyang
nabigla ng mabangga ni Vin ang kasalubong nitong lalaki. Pinigilan niya ang
sarili na pumasok at saklolohan ito. Pero, hindi rin niya napigilan ang sarili
na lumapit doon at pumasok.
Only to find out whose the man that Vin
bumped. It was Nick. Bigla siyang kinabahan lalo na nang maisip na isang
asungot si Nick para sa kanya pagdating kay Vin. Bigla rin siyang nagsisi.
Dapat pala ay lumapit na lang siya kay Vin at hindi nag-astang stalker. Kung
alam lang niyang nandito si Nick ay hindi na sana siya lumayo dito para
nabakuran niya ito. Naitaboy niya nga si Mack, si Nick naman ang problema
ngayon.
Nag-usap ang dalawa. Maya-maya ay
naglakad palabas ng Booksale. Dali-dali niyang sinundan ang mga ito sa hindi
mahahalatang paraan. Huminto siya sa
tapat ng isang boutique at tumingin -tingin ng mga naka-display doon nang
huminto ang mga ito. Nang naglakad na ulit ang mga ito ay sinigurado niya na
may kalayuan na ang mga ito sa kanya. Sumunod siiya. Patungo na ang mga ito sa exit
ng mall.
Napakunot-noo siya.
Uuwi na ba si Vin?
Ihahatid ba ito ni Nick?
Nabubwisit na siya!
Kung uuwi si Vin at ihahatid ito ni
Nick ay malalaman ng pinsan niya ang bahay ni Vin at baka pumunta ito doon
palagi. HIndi pwede iyon dahil siya lang dapat ang makaalam ng bahay ni Vin.
Nabwisit nga rin siya kanina nang makita si Mack at sunduin si Vin sa bahay
nito.
Pigilan na niya kaya ang mga ito.
Ngunit nagpigil siya.
Kailangan muna niyang makasigurado.
Nasagot ang mga katanungan niya nang
tunguhin ng dalawa ang mga nagtitinda ng pagkain sa gilid ng isang school na
nasa harap ng mall. Kumain ang mga ito doon.
His fist clenched. Jealousy in his
heart rises as he saw the sweetness of the two. Gusto niyang manuntok. Gusto
niyang suntukin ang mukha ni Nick sa ginawa nito. Sinubuan ni Nick si Vin ng
kwek-kwek at pinunasan pa nito gamit ang hinlalaki ang gilid ng labi ni Vin. Akala
ba niya ay discreet ito? Bakit ang mga actuations nito ay nagpapakita ng
pagiging bakla? Sa harap pa ng publiko!
Nag-usap ang mga ito. Pagkatapos maubos
ang mga kinakain ay tumawid ang mga ito pabalik sa mall. Pumunta siya sa harap
ng Mister Donut at nagkunwaring tumingin doon. He hold his breathe when they passed.
Mabuti at hindi siya nakilala ng mga ito.
Tiananong pa siya ng tindero kung
bibili siya ng donut. Para hindi ito mapahiya at ganundin siya ay bumili siya
ng isa. While stalking the two he will eat the donut he bought.
Sumunod siya sa mga ito.
Kung may makakaalam lang ng
pinagagawa niya, sigurado siya na pagtatawanan siya. The full of himself, Johanson
Enrique is stalking someone. Sinong mag-aakala na magagawa niya ang bagay na
katulad nito? Siya ang sinusundan ng mga babae pati mga binabae pero ginagawa
niya iyon ngayon. Unbelievably stupid! Ganito pala siya kapag magmahal. Intense
but more intense right now.
The two ended in Blue Magic to see
some stuff toy. Dahil pumwesto ang mga ito sa sulok ay nagdesisyon na rin
siyang pumasok. Hindi naman siya makikita ng mga ito at may kaatasan naman ang mga
estante na pinalalagyan ng mga naka-display na paninda. Gusto niyang marinig
ang pag-uusapan ng dalawa. Mataman ang ginawa niyang pakikinig.
Kumuyom ang kamao niya nang marinig
ang sinabi ni Nick kay Vin. Nagtapat ng pagkakagusto si Nick kay Vin. Naging
mariin ang pagkakakuyom ng kamao niya sa sunod nitong ginawa. Hinawakan nito
ang kamay ni Vin. Kasunod ay hinalikan nito sa pisngi. His cousin also asked if
he can woo Vin. Thank God, Vin didn't answered. Thanks for Him for letting Vin
to be astounded on what Nick just confessed and said. Iyon ang pakunswelo niya.
Kahit papaano ay pumanatag ang kalooban niya.
He decided to go out. Kung may
sasabihin pa si Nick at kung papayag si Vin na maligawan ito ni Nick ay ayaw na
niyang marinig. He already had enough. Hindi niya kaya. Kanina sa labas habang
kumakain ang mga ito ay sobra na siyang nagseselos, ngayon ay nagseselos na
naman siya at mas higit pa iyon.
Umupo siya sa upuan na nakita niya.
Doon siya nag-isip. Kinalma niya ang sarili. He was in resentment saying to Vin
that he was just for girl and will never fall for someone like him. Bakit ba
kasi sinabi pa niya iyon? He just swallowed it. Ang tapang at lakas ng loob
niyang magsalita ng may pinalidad, kakainin rin pala niya. Dapat na ba niyang
sabihin kay Vin ang nararamdaman niya? Ito na ba ang tamang panahon para
magtapat siya dito? Ipinatong niya ang kanyang magkabilang siko sa mga hita
niya saka isinubsob ang mukha sa kanyang palad.
Naguguluhan siya.
May bahagi ng pagkatao niya na
nagsasabing sabihin na kay Vin ang nararamdaman niya pero ang kabilang bahagi
ay nagpipigil at tila sinasabing 'may tamang panahon para dyan'. Pero kailan
ang tamang panahon na iyon? Kapag sinagot na ni Vin si Nick? Kapag umeksena na
rin si Mack? Kapag huli na ang lahat?
Right time will come. Confessing to
him this soon can lead to something. Masyadong mabilis ang mga nangyayari,
Joen. First, the two of you were enemy and because of your persistence, the two
of you became friends. You're comfortable with each other for just a short
period of time. For just one day. `Wag mong guluhin ang pagkakaibigan n'yo
dahil sa nararamdaman mo. Trust me. Right time will come for the confession.
Kilalanin mo ng mabuti si Vin. His inner self said.
Ano ba `to? Dahil sa nararamdaman
niya kay Vin, nakikipagtalo na rin siya sa kanyang sarili. Malala na talaga
siya.
Nag-angat siya ng tingin nang
marinig niya na may tumawag sa pangalan niya. He looked around. Nakita niya sa
hindi kalayuan ang pamilyar na mukha ng isang babae. The girl was one of his
fling. Kilala niya ito sa mukha pero nakalimutan na niya ang pangalan nito.
Basta ang natatandaan niya ay mas matanda ito sa kanya ng tatlong taon. He
preferred older women for flings because of experience. Mas magaling ang mga
ito sa sekswal na aspeto at alam niyang ma-sa-satisfied siya. Noon iyon, pero
ngayon? Nagdududa siya.
Para hindi magmukhang wala siyang
pakialam ay gumanti siya ng ngiti. Mukhang iyon naman ang hinihintay na signal
ng babae dahil naglakad ito palapit sa kanya at tumabi sa kanya. Dikit na dikit
kahit na maluwang ang upuan.
"How are you, Joen?" The
lady seductively asked. Hinawakan nito ang braso niya sa masuyong paraan at
pinagapang ang daliri doon sa pa-simpleng paraan. Nagbibigay ito ng motibo.
Nagbibigay ng senyales na pwede ito.
"I'm fine," matipid niyang
sagot. Hindi niya pinansin ang ginagawa nito.
Napaigtad siya nang ilapit ng babae
ang mukha nito sa mukha niya at halikan ang sulok ng labi niya. And after that she
simply licked it. Kung sa ibang pagkakataon ay baka pinatulan na niya ito.
Yayayain sa pinakamalapit na hotel at doon sila maglalaro ng apoy hanggang sa
magsawa siya. Pero hindi na ngayon. All of his senses were focused on one
person, to Vin.
Katulad nang dati niyang gawi kapag
hindi siya interesado ay marahas siyang lumayo sa babae. Nagulat ito sa ginawa
niya pero hindi niya pinansin. Halata rin na napahiya.
"I'm not in the mood,
miss," malamig niyang tugon saka ito iniwan.
Hindi naman nakapagsalita ang babae.
Natameme ito.
Eksaktong papalayo na siya sa babae
nang makita niyang palabas naman si Nick at Vin sa pinanggalingan ng mga ito.
Tumalim ang titig niya nang makita na hawak ni Nick ang kamay ni Vin. Hindi na
siya nakatiis. Walang pag-iisip na basta na lamang siya nagpakita sa mga ito. Humarang
siya sa daraanan ni nick.
Kailangan na niyang pigilan ang
kahibangan na ito.
Nagseselos na siya nang sobra-sobra.
At baka anong oras ay sumabog na
lang siya.
"Bakit magkasama kayong
dalawa?" Iyon ang tanong niya sa mga ito.
Sumagot si Nick at nag-angat naman
ng paningin si Vin. Sigurado siyang nagtataka ito kung bakit siya napatiim-bagang
habang nakatingin sa kamay nito na hawak ni Nick.
"Nag-de-date kami. I told him
earlier that I like him." Iyon ang sagot ng pinsan niya.
Kung ano pa ang sinabi nito at sinagot
naman niya. Pilit niyang tinanggal ang kamay ni Vin na hawak ni Nick. Naging
matagumpay naman siya. Okay lang sa kanya na tinawag siya ni Nick na panira ng
moment ng mga ito dahil iyon naman talaga ang sadya niya. Nick was really
making so much advantage to Vin.
Magkakasabay na silang tatlo na
pumunta ng Booksale dahil ibibili daw ni Nick ng libro si Vin. Siyempre,
umeksena na naman siya. Bago pa maiabot ni Vin ang mga librong napili nito kay
Nick ay inunahan na niya ito. Siya na ang nagbayad sa counter at nang mabayaran
ay bumalik na siya sa mga ito at ibinigay iyon kay Vin. Nagpasalamat ito sa
kanya. Sapat na iyon sa kanya. Ibinigay rin ni Nick ang hawak nitong paper bag
kay Vin pagkatapos nitong sabihin na dapat ay ito ang pasasalamatan ni Vin at
hindi siya. Dahil hindi naman iyon nahawakan ng mabuti ni Vin, ang ginawa niya ay
kinuha iyon dito. Kahit na nagtanong si Nick kung bakit niya iyon kinuha. Hindi
niya ito pinansin at binuksan ang paper bag. Inilabas niya ang laman niyon
kahit alam niyang stuff toy. Nakita niya ang isang asul na teddy bear. Pagkatapos
ay ibinalik niya ang stuff toy sa paper bag at ibinigay iyon kay Vin. Walang
mababakas na emosyon sa mukha niya. Tahimik na kinuha iyon ni Vin saka niya
tinalikuran ang mga ito.
Habang
palayo sa mga ito ay isang bagay lang ang naglalaro sa isipan niya. Darating
ang araw ay ibibili rin niya ng isang bagay si Vin. Bagay na alam niyang
magiging mahalaga sa kanilang dalawa. At kung ano iyon ay hindi pa niya alam.
Hinayaan na muna niya ang dalawa. Nauna
siyang naglakad sa mga ito pero hindi lumalayo. He still clearly heard what the
two were talking about. Huminto siya ng huminto ang mga ito. A smile curved ih
his lips. Narinig niyang tumawag ang mommy ni Nick dito. Mukhang masosolo na
niya si Vin. And luckily it will happen dahil nagpaalam na si Nick kay Vin. Ang
hindi lang niya gusto ay ang sinabi ni Vin na uuwi na rin ito. Hindi iyon pwede
dahil siya naman dapat ang makasama nito. Pero natigilan siya. Kahit pala hindi
niya makasama ito sa pamamasyal ay pwede naman siyang mag-stay sa bahay nito.
Kahit nga doon na siya matulog, katabi ito, ay gagawin niya.
Nagulat siya nang akbayan ni Nick si
Vin. Mabuti na lang at umiwas ito at lumayo kay Nick. Tinanong ito ng pinsan
niya kung bakit ginawa iyon. Nagngitngit siya nang marinig na, hindi lang iyon
ang una na ginawa nito. Pangalawa na pala iyon. Hindi sumagot si Vin. Tila
hindi nito alam kung ano ang sasabihin. Bakit nga ba ayaw nitong magpa-akbay? Pero
naakbayan na niya ito. Sa loob pa ng kanyang kwarto. May advances pala siya sa
mga pinsan. Isang magandang senyales iyon.
"Kailangan pa bang itanong `yan
Nichollo. It was obvious that Vin doesn't want you to do that. Naiilang siya,
nahihiya na rin at the same time. `Wag kang umakto na parang boyfriend ka
niya." He interfered.
"I'm
just asking. Bawal bang magtanong as a concern friend, Joen?"
"Mabuti
kung ginagawa mo `yon bilang isang kaibigan. May ulterior motive ka, eh. `Wag
mo nga akong lokohin. Mapagsamantala ka rin, eh."
Nakita niya ang pagtiim ng bagang ni
Nick. Kumuyom din ang kamao nito. Tila anumang oras ay susugurin siya.
Magsasalita pa sana siya nang lapitan siya ni Vin at hawakan sa siko. Pasimple
rin itong umiling na parang sinasabi na tumigil na siya. Hindi niya alam kung
ano ang mayroon ito pero nakapagpigil siya. Pangalawang pagkakataon na ito. Ang
ginawa niya ay tinalikuran ang mga ito saka siya naglakad. Pasalamat na lang si
Nick kay Vin. Dahil kung hindi siya nito pinigilan ay baka mag-rambol sila dito,
sa loob ng mall.
Nang makarating sila sa parking lot ay medyo
naglagay ng distansya si Vin sa pagitan nito at ni Nick. Sa kanya ito dumikit.
"`Yong hug ko Vin, nasaan
na?" ungot ni Nick kay Vin. Agad na kumulo ang dugo niya. But still, he
hold his temper.
What he did he looked at him
intently. Kahit na tatlo sila na magkakasama ay hindi na niya pinapansin si
Nick. "Ano ang ibig sabihin niya, Vin? Papayakap ka sa kanya? Para
saan?" Sunod-sunod na tanong niya dito.
"Hindi
naman. Hindi naman ako nangako. Sabi ko bahala siya pero nagbago na ang isip
ko."
"Sabihin
mo sa kanya," anito. "Bakit kasi hindi ka tumanggi? Ang daling
magsabi ng 'hindi' hindi mo ginawa. Ngayon aayaw ka," panenermon niya dito,
saka niya iniwan.
Naiwan
itong nakasunod ang tingin sa kanya. Again, nagparaya siya. Lumayo siya sa mga
ito. Nagsasalita si Vin nang matigil ito at yakapin ni Nick. Kitang-kita niya
ang ginawa nitong paghalik sa tuktok ng ulo at sa pisngi ni Vin. Yakap lang
dapat! Bakit may kasama pang halik? Talagang tama siya. Mapagsamantala talaga ang
pinsan niya. Sinasamantala nito si
Vin.
Saka lamang siya nakahinga nang
maluwang ng sumakay na si Nick sa kotse nito. Pero bago ito umalis ay may
sinabi pa ito na ayaw na niyang balikan pa.
At last! He will have his own moment
with him. This time, sigurado siya na wala ng istorbo. Wala na si Mack pati si
Nick.
Lumapit siya kay Vin.
"Ako na nag magdadala ng mga
`yan," aniya dito saka kinuha ang mga dala nito.
Halatang nabigla ito sa ginawa niya
pero napangiti ito.
"Gentleman ka rin pala, Joen.
Ngayon ko lang nalaman," pagbibiro nito.
"Kilalanin mo kasi ako ng
mabuti bago mo ako husgahan. I'm good in my own rightful way, Vin. Baka kapag
nakita mo ang mga good side ko ay ma-inlove ka sa `kin."
"May mga good side ka nga pero
nag-uumapaw naman ang bad side mo. Feelingero
ka masyado."
"Whatever. Saan mo gustong
pumunta pa? Gusto mong kumain?" Silly him to asked that. Alam naman niyang
marami ang nakain nito kanina pero hindi naman masama ang mag-try. Right? Malay
niya, baka kumagat.
"Ililibre mo `ko?" Tanong
ni Vin.
"Of course. Kaya nga ako
nagyayaya, `di ba?"
Vin smiled. "Take out na lang
tayo. Sa bahay na tayo kumain. Iyon ay kung gusto mo?"
Gustong-gusto. Ang laman ng isipan
niya.
Si Vin na rin ang gumawa ng dahilan
para makasama niya ito nang matagal.
Nauwi sila sa Pizza Hut at
nag-take-out ng dalawang kahon na pizza. Sinabi ni Vin na isa lang ang bilhin
pero stubborn siya. Dalawa pa rin ang binili niya. Wala ng nagawa si Vin. Ang
rason niya ay isa sa kanila at ang isa ay kay Lola Fe. Kailangan niyang
magdagdag ng pogi points kay Lola Fe. Dapat ay maging close sila para labas
masok siya sa bahay ng mga ito at pwede siya matulog sa bahay ng mga ito. Si
Lola Fe na muna ang liligawan niya. He need to gain Lola Fe's trust.
Lihim siyang napangiti.
Good
thinking, Johanson Enrique. Sa mga naisip mo na `yan, aani ka.
What a brilliant idea papa joen...
ReplyDeleteBruneiyuki214
Bruneiyuki214, masasawi rin si joen. Let's find out in the next chapter. Hahaha.
Deletesimula na ng bangayan nang magpisan sobrang cute vienne chase, keep up the good works, author , I LOVE IT he he he he
ReplyDeleteSalamat, magpakilala ka kuya! Hindi kita kilala.. :) paano kita niyan mababati?
Deleteunspoken words are usually translated into actions..
ReplyDeletebut without clarifications of intent.. it is usually misinterpreted into
other stuffs... booom panesss.. haaaha
kc nmn Joen ko.. hahaha.. pero lamang ka pa rin kht nakaka kilig din si
nick..hahaaha.. (parang akin talga sya e, at ako si vin) ahahaa
danda2 ;))
jihi ng pampanga
Jihi, pwede ko na bang i-apply dito ang kantang when you say nothing at all? :)
Deletepwedeee kuya..ahaha.. ay speaking of music po.. pd parequest?? hhehe plssssss?? sana me background music ung sa entry mo po.. para po mas damang2 ung eksena?? hahaha.. suggestion lng nmn po :) hihi
DeleteHahah.. hindi ko ma-ga-grant ang request mo. Tsk.. pasensya na. Hindi ako marunong maglagay ng background at hindi ko alam kung ano ang dapat i-background na music every scene. Sensya na.
DeleteTnx sa suggestion!
Go #teamjoen
ReplyDelete-hardname-
Team Joen! Wohoo! Pagkatapos ng chapter nine mawawala siya sa eksna, Hardname!
DeleteHuwat? Mawawala sya? Pero babalik din?
Delete-hardname-
Parang ganoon na nga. What I mean, mawawalan muna sila ng moment ni vin. Yung dalawa muna. Pero babalik siya. HahaHaha
DeleteHardname, wat palang sinasabi mo na hindi mo aq ma-i-add sa fb? Hehe..
Maganda ang story...kakakilig. Good job Mr Author...
ReplyDeleteThank you po
DeleteWah!! Ang gulo gulo nilang magpipinsan hehehe.. oi joen wag mu namn masyadong sungitan c vin.. pareho kayo, ang taray nyo.. hehehe..
ReplyDeleteNice chappy... :))
-joma
Salamat naman at nagustuhan mo, joma. Hihihi..
DeleteMarami silang bagay na pinag-aawayan pero magkapareho sila. Haha
Awwwe. Ang cute ni Joen magselos. Bet ko tlaga ang mga straight na naiinlove sa beks. Hihi
ReplyDelete-Zar
Zar, cute ba? Kala ko kasi hindi eh.. nasobrahan masyado pakiramdam ko. Haha
DeleteHaist, the long wait is over, Uganda naman author, sang satrap mainlovebabo. Lolz go team born, wag Sana masopla no Lola fe, thank you author to this amazing stories, continue our craft taking no point. tnx a lot at congrats
ReplyDeleteUy, kuya, bakit hindi ka nagpapakilala tuwing nag-co-comment ka? Paano kita mababati nyan?
DeleteSalamat dahil nagandahan ka. Sino pala si team born? Di ko gets. Hindi siya masosopla ni Lola Fe, kuya anon, bet na bet siya!
Ako po ang dpat magpasalamat dahil pinagtiya-tiyagaan nyo ang story na to.
Tnx a lots!
:))
ReplyDeleteI like this story, yung nakakaexcite! looking forward for the next chapter, di tulad ng ibang author na tinatapos yung chapter na naiinis yung readers. Nice one mr author!
ReplyDeleteBen
Salamat sa like mr. Ben.. hehehe.. meganun po talaga ^_^
Delete