Starfish
[Chapter 3]
By: crayon
****Lui****
June 17
Masaya akong naglalaro ng xbox ng makarinig ako ng katok sa aking kwarto. Pinagsawalang kibo ko lamang ito at nagpatuloy ako sa paglalaro. Maya-maya ay narinig ko ang pagbukas ng pinto, hindi ko binigyang pansin kung sinuman ang gumagambala sa aking pananahimik at tinuon ko lalo ang aking atensyon sa tv sa aking harapan.
"Anak, bakit hindi ka pa naliligo?", rinig ko ang pamilyar na boses ng aking ina pero hindi ako sumagot.
"Lucas?! Naririnig mo ba ako!?!", nauulinigan ko na ang pagkainis sa boses ng aking ina. Nagmatigas pa din ako at hindi siya pinansin.
"Lucas Willard Salviejo!!!", bahagya akong nagulat ng tumaas ng ilang octave ang boses ng aking ina. Halata ang inis nito sa hindi ko pagpansin sa kanya.
Ilang linggo ko na kasing hindi pinapansin ang aking mga magulang mula ng simulan nila ang kanilang kahibangan.
Sa takot na putukan ng ugat sa ulo ang aking ina ay napilitan akong kausapin ito.
"What?!", medyo pabalang kong sagot para iparating na hindi ako natutuwa sa panggugulo nila. Hindi ko naman inaalis ang aking tingin sa nilalaro ko.
"Lord have mercy! Is that how you speak to your mother Lucas?", bahagya naman akong naguilty sa ginawa ko pero hindi ako humingi ng paumanhin at pinagpatuloy ko lang ang paglalaro.
"You know that we've arranged a dinner for you and Mr. Dizon's daughter tonight, and instead of fixing yourself to look a little human again, here you are playing that stupid game like you're an eight year old bum!", simula ng aking ina sa kanyang daily dose of sermon na ilang linggo ko na ding naririnig.
"I mean look at you, when was the last time you've thought about shaving?! Your hair is a bird's nest and you smell like a long-forgotten poodle in Paris! Mabango pa nga ata yung aso sayo. My goodness! And your room is like...", tumigil sa pagsasalita ang aking ina saka luminga-linga para inspeksyonin ang kalat sa aking kwarto. "Kelan mo pa napagdesisyonang gawing basurahan ang kwarto mo!?!", hiyaw ng aking ina.
"You're exaggerating mom.", sagot ko. Totoong hindi ako nag-aayos ng aking sarili dahil sa ayaw kong may magkagusto sa akin. Hindi ako nagpapagupit ng buhok o nagsha-shave kaya mukha akong ermitanyo. "And i didn't agree to meet that old man's daughter.", walang gana kong dugtong.
"Sinasabi mo lang yan dahil hindi mo pa nakikita yung anak nya. I'm sure you're gonna like Jane. She's beautiful, smart, and her family has been doing business with our company for years. She's going to be a perfect wife and she's eager to meet you.", pangungumbinsi ng aking ina.
"I doubt that. Admit it mom, you have a queer understanding of the word beautiful. Remember Sheila? The girl you asked me to date. You told me she's beautiful, in my own terms she is a big fat wart in braces desperate to have a boyfriend.", pambabara ko sa aking ina. Pasakit na nga sa akin yung pilitin akong i-date yung mga babaeng hindi ko gusto, idagdag pa yung hindi nila ako maihanap ng presentableng makakapareha.
"Maganda naman talaga si Sheila nung makita ko siya nung bata pa, hindi ko lang alam kung anong nangyare. But don't worry this time i made sure that your going to meet a fine lady. So stop doing that non-sense and get yourself to take a bath!", muling sigaw ng aking ina ng mapansing walang tigil pa din ako sa paglalaro. "Mag-ayos ka na Lucas! Huwag mong hintaying tawagan ko pa si Manang Osa para paliguan ka at bihisan!", banta ng aking ina bago tuluyang lumabas ng kwarto.
Nang marinig ko ang pagsara ng aking kwarto ay naibalibag ko ang controller ng aking xbox dahil sa inis. I have to suffer another night of torture with some girl my parents thought to be a perfect wife.
Napahiga ako sa kama at napatulala sa kisame ng aking kwarto. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayare. This is insane!
Ilang buwan na ang nakalilipas ng pilitin ako ng aking mga magulang na maghanap ng mapapangasawa. Gusto na raw nilang magka-apo at sa tingin nila ay nasa hustong edad na raw ako para mag-asawa. Akala ko nung una ay nagbibiro lamang sila. I sticked with my usual habit of dating/sleeping with random girls i meet in bars. Nang malaman ng aking magulang ang gawa ko ay inulan ako ng sermon sa kanila. Next thing i knew, i was dating the daughters of their business associates, which is madness. I tried to keep myself occupied with work hoping my parents would stop that stupid dating game but i was wrong. It only made the situation worse by tenfolds. They took me out of the company so i can focus on looking for my bride to be. I ended up as a bum, hiding in my room avoiding every girl they try to throw at me.
Hindi ako makapaniwalang may mga magulang pa na kinokonsidera ang arranged marriage sa panahon ngayon. Ganun ba ako kapanget para tulungan pa ako ng magulang ko na maghanap ng asawa o sadyang desperado lang silang magka-apo. Minsan ay naiisip kong mambuntis na lang ng kung sino para matigil sila sa kanilang kahibangan.
Pinasya kong maligo na ng maalala ang banta ng aking ina. Ayaw ko naman na maabala pa si Manang Osa na yaya ko mula pa nung bata ako.
Hindi na ako nag-abala pang mag-ahit. Gusto kong mukha akong basura sa gabing ito. Kelangan maturn off ang kung sinumang makakadate ko. Pinili ko din ang pinakalumang damit na meron ako. Siniguro kong mukha akong baduy sa aking susuotin. Di bale ng magmukhang tanga kesa naman magustuhan ako ng ka-date ko at magpumilit na makasal ako sa kanya.
Lumabas ako ng kwarto at tinungo ang aming living room kung saan ko dinatnan ang aking mga magulang na nag-uusap.
Napataas naman ang kaliwang kilay ng aking ina ng makita ang aking ayos. Magsasalita na sana ito pero inawat lang siya ng aking ama.
"Iho eto ang baon mo, we already reserved you a table sa restaurant ng tita mo. Please treat Jane nicely.", pakiusap ng aking ama. Mukha namang akong tanga habang inaabot niya sa akin ang baon kong pera, para akong estudyante na naka-asa lang sa magulang. "Leave now, you should not make her wait.", payo niya.
Walang kibo kong kinuha yung pera at tumalikod na sa kanila. Paglabas ko ng bahay ay nakita kong nakalabas na mula sa garahe ang aking kotse na ilang araw din nilang ipinagdamot sa akin.
Matapos ang ilang araw na pagkukulong sa kwarto ay namiss ko ang pagda-drive. Mabilis kong pinaandar ang aking kotse palayo sa aming bahay. Binagalan ko lamang ang pagpapatakbo ng kotse ng maalala ko si Kyle. Ayaw kong may mabangga akong inosenteng tao dahil sa kamiserablehan ko.
Muli kong naramdaman ang pagiging malaya ng mga sandaling iyon. Sa ilang linggo kasing pangungulit sa akin ng magulang ko ay wala akong ginawa kundi ang magkulong sa kwarto. Hindi nila ipinapagamit sa akin ang kotseng bigay nila. Pati ang mga credit cards ko at mga accounts ko sa bangko na naka-link sa kanila o sa kumpanya ay naka-hold din. May sarili naman akong pero sa bangko pero hangga't maaari ay hindi ko iyon pinapakialaman. Sa pakiramdam ko kasi ay may masamang mangyayari at mapipilitan akong gamitin iyon sa hinaharap.
Pasado alas-syete na ng makarating ako sa restaurant na paggaganapan ng aking blind date.
Kilala na ako ng mga waiter sa restaurant na iyon dahil sa pagmamay-ari ito ng aking tita at doon din lagi nagaganap ang aking mga blind dates. Pagpasok ko sa loob ng restaurant ay binati ako ng receptionist at agad iginiya sa lamesang pinareserba ng aking mga magulang.
Wala gaanong tao ng gabing iyon sa naturang restaurant. Wala pa din ang aking makaka-date kaya pinasya ko munang maglaro ng games sa aking cellphone. Mahigit dalawampung minuto din ang lumipas bago ako nakarinig ng mga papalapit na yabag sa aking lamesa.
"Hi! Ikaw ba si Lucas?", matinis na bati ng babaeng lumapit sa akin. Hindi ako nagtaas ng tingin at nagpatuloy lamang ako sa paglalaro. Tumango lang ako bilang sagot.
"Nice to see you Lucas, i'm Jane Dizon.", magiliw na pagpapakilala ng babae na dinedma ko lang. Kita ko sa gilid ng aking mata ang nakalahad na kamay ng babae, hindi ako nag-abala pa na abutin iyon. Mabuti na yung ganitong hindi ko siya pinapansin.
"Pwede bang itigil mo muna yang ginagawa mo para makapag-usap tayo?", wika ni Jane habang itinitiklop ang palad nyang nakalahad kanina. Bahagya naman akong nainis sa pagiging makulit nito pero itinabi ko na din ang aking cellphone dahil baka kung ano pa ang isumbong ng isang ito sa aking mga magulang.
"Thank you.", sabi ni Jane ng makitang ibinulsa ko na ang aking phone.
Nang tingnan ko ang aking ka-date ay sandali akong natigilan.
She's not like Sheila or any girl that my parents asked me to date before. She's stunningly beautiful. With her proud chest, narrow waist, and wide hips she is the definition of the word sexy.
I saw her smile. Perfect white teeth. Delicate nose and rosy lips. Angelic eyes. She is really gorgeous!
Noon ko lang napagtanto na bahagyang nakabukas ang aking bibig. Tila naaliw si Jane sa nakita niyang reaksyon sa akin dahil lalong lumapad ang kanyang pagkakangiti.
"Do you like what you see?", nanunukso niyang tanong. Awtomatiko namang nagsalubong ang aking kilay dahil pakiramdam ko ay pinagkakatuwaan niya ako.
Bahagya tuloy akong nagsisi na hindi ko ginawang maging presentable ngayong gabi marahil ay iniisip niya na kaya ako hinahanapan ng ka-date ng magulang ko ay dahil sa itsura ko.
Nang makaupo si Jane ay agad na lumapit ang waiter para kunin ang aming order. Hinayaan ko na lamang siya ang mamimili ng aming kakainin. Nang mapansin kong puro gulay ang kanyang inorder ay agad akong nagdagdag ng mga beef at chicken sa aming pagkain. Wala akong pakialam kung nagda-diet sya.
"So, tell me more about yourself Lucas. I wish to know you more.", magiliw na sabi ni Jane sa akin. Napasimangot naman ako dahil sa tono ng kanyang pananalita, tila excited talaga siya na makilala ako.
Hindi ko siya sinagot at ibinaling ko ang tingin ko sa ibang direksyon para maisip nyang hindi ako interisadong kausap siya.
"Your mom showed me some of your baby pictures, i remember seeing one picture where you played piano. Do you still play piano? I like guys who are into music.", patuloy ni Jane. Balewala sa kanya ang hindi ko pamamansin.
"I'm tone deaf.", walang gana kong sagot.
"Oh! That's okay, i mean music can be boring sometimes. But i know you're good in basketball, right?", lalo akong naiinis sa mga tanong na ibinabato sa akin ni Jane.
"No, i'm not.", suplado ko pa ding sagot.
"Oww, so what do you do in your spare time?", di paaawat na tanong ni Jane.
"Nothing."
"Ok, ilang taon ka na nga uli?"
"18.", pamimilosopo ko kay Jane para tantanan niya na ako.
"Ha?! Sabi ng mom mo 26 ka na daw.", medyo naguguluhan niyang tanong.
"Alam mo naman pala eh, bakit tinatanong mo pa uli?!", pambabara ko.
Natigil lamang ang aming pag-uusap ng dumating ang waiter para i-serve yung soup namin. Tahimik lamang akong kumain. Paminsan-minsan pa din siyang nagtatanong pero hindi ko na sya sinasagot.
Nang matapos kami kumain ay halata na din ang pagkayamot sa akin ni Jane. Lihim naman akong napangiti dahil mukhang nagtagumpay ang plano ko ngayong gabi.
"If you're done, we can go home now. I'm already sleepy.", wika ko kay Jane.
"You're such a jerk!", bahagya akong nagulat sa pag-iiba ng aura ni Jane. "Kung iniisip mo na nag-eenjoy ako sa pakikipagdate sa taong di ko kilala, nagkakamali ka! Pareho lang tayong biktima ng kabaliwan ng mga magulang natin.", galit na litanya ni Jane.
"Good! So, can we go now?", sarkastiko kong sagot.
Inirapan lamang ako ni Jane at padabog na umalis mula sa aming lamesa. Alam kong pinagtitinginan kami ng ibang kumakain doon pero wala akong pakialam.
Sumunod na din akong lumabas ng restaurant at tinungo ang aking kotse. Medyo maaga pa naman para umuwe, kaya naisip ko na mag-bar hopping muna. Namiss ko din kasi talaga ang uminom. May reserba naman akong damit sa kotse kaya pwede akong magpalit para magmukha naman akong presentable.
------------
Kinabukasan ay nagising ako sa malakas na katok sa aking kwarto. Nang tingnan ko ang oras sa aking relo ay pasado alas-dos na ng hapon. Pupungas-pungas kong tinungo ang pinto para tingnan kung sino ang nanggugulo sa aking pagtulog.
Nang buksan ko ang pinto ng aking kwarto ay agad bumungad sa akin ang nakangiting mukha ng aking ina.
"Good morning iho!", magiliw na bati nito sa akin.
Agad na nagsalubong ang aking kilay dahil sa kakaibang pagbati ng aking ina. Ilang araw na kasi itong naiinis sa aking mga ginagawa kaya nakakapanibago ang magiliw nitong pagbati sa akin.
"Mag-ayos ka na iho at ipinaghain na kita ng pananghalian sa baba. Bilisan mo at doon na lang kita sa dining hihintayin.", masaya nitong sabi saka naglakad palayo sa akin.
Naiwan naman akong nakatanga sa pintuan ng aking kwarto. Hindi ko maproseso ang mga nangyayari ngayong umaga. Inaasahan kong sesermunan ako ng aking ina dahil sa pag-uwi ko ng lasing at sa pakikitungo ko kagabi kay Jane.
Naguguluhan man ay nag-ayos na din ako ng aking sarili dahil nakaramdam na din naman ako ng pagkagutom.
Dinatnan ko ang aking mga magulang na nasa dining at masayang nag-uusap. Agad naman akong umupo sa aking pwesto para makakain na.
"Kumain ka na iho. Namayat ka ng bahagya dahil sa pagkukulong mo sa kwarto mo.", pahayag ng aking ina. Hindi ko talaga nagugustuhan ang paraan ng pagtrato sa akin ngayon ni mama. Pakiramdan ko ay may masamang mangyayari sa akin ngayong araw.
Ipinagsa walang bahala ko na lang muna ang aking mga agam-agam at tinuon ko ang aking atensyon sa pagkain. Nang matapos akong kumain ay napagdesisyonan kong magkulong na lamang sa kwarto maghapon pero agad akong pinigilan ni Papa bago pa man ako makatayo.
"Iho, we're glad tha you've finally come back to your senses.", masayang panimula ng aking ina.
"What do you mean?", naguguluhan ko nga tanong.
"Oh, c'mon don't deny it.", natatawang sabi ni Mama na lalo lamang nagpakunot sa aking noo.
"Hindi ko po kayo maintindihan."
"Anak, tumawag kanina si Mr. Dizon para ibalitang nagustuhan ka ni Jane. And we're already planning your engagement.", pagbabalita ni Papa.
Para naman akong lalagnatin bigla. Pakiramdam ko ay dumating na ang araw na kinatatakutan ko. No! This can't be happening! Hindi ako makapapayag.
Dali-dali akong tumayo sa aking kinauupuan at tumungo sa aking kwarto.
...to be cont'd...
Lagot si Lui. Alam ko na ang gagawin niya. Haha.
ReplyDelete-- Rye Evangelista
This is insane! Hahaha! Maybe that Jane is just up to something and she's not really into Lui. I'm just excited now for the next chapters. Lui and Renz? Yeessss! Crayon you're really amazing. Like WOW! - Kris :)
ReplyDeleteeto na yung update? seriously?
ReplyDeleteExcited na ako kung pano magkukrus ulit ang landas ni lui at starfish. Ngayon pa lang kinikilig na ako. Hihihi.
ReplyDelete-hardname-
Sana mabasa ni Mike ito.... Aware ba siya sa FB account na M2M_Bi Stories? Posted the story mo dun na "SUAACK"... Baka lang di ka aware parang napansin ko lang na wala ata credit na ilaw ang sumulat nun unlike sa ibang stories na nakalagay kung simo ang gumawa....
ReplyDeleteShooocks! Lui at Renz na ba to? Huhuhu excited na akoooo! Bakit ang ikli po ng chapter? Sana habaan sa susunod. But I like the initial plot! ~Ken
ReplyDeleteMatpos kong basahin itong chapter na to, medyo naguguluhan ako... Sino si Lucas? Only when I read the comments that they mentioned Lui. Ahh! I see, I know Lui at saka pa lang ako naging excited! Sorry Mr author medyo nawala ako!, and npow I cant wait to see the next chapter. I Love your stories and happy akong mag iintay. Thank you and God bless you.
ReplyDeleteBen
Kuya crayooon!!! Tagal kong hinintay tong series na too. Hahaha 3 book na. And been a fan since book one. Sorry ngayon lang ako nakapag comment kasi busy sa school. Minarathon ko talaga tong series mo haha well first 3 palang naman so no biggie. Do I smell a lui and renz teamup? Or may bago nanamang character. Happy na you still let us see some snips from the current lovebirds Aki and kyle :))
ReplyDeleteForever a fan. Ps. Galing mo talagang magsulat and i hope janes lesbo haha. Wink wink.
Wala ka parin kupas.
-ichigoxd
Lui and Renz na to! :) ~Ken
ReplyDeleteKelan kaya magkikita si lui at renz??? Hehehee excited langs
ReplyDeletesi lui pala to?
ReplyDeletedamn . . .
nalimutan ko real name ni lui . . .
haha
:)
must awaited stories