“Nay,”
paglambing ni Gio kay Tita Criselda, “pakausap po kay tatay
please.” Nagmamakaawa ang tono ni Gio na para bang nagkasala ng
malaki sa kanyang ama.
“Anak,”
tawag ni Tita Criselda, “wag na lang muna ngayon. Hindi pa
nahimasmasan ang tatay mo sa mga pinaggagagawa mo. Next time na
lang.” Malungkot ang boses ni Tita Criselda na para bang
nanghahaplos.
“Sige
nay. Pakisabi na lang po na mahal ko si tatay.” Malungkot ang tono
ni Gio.
“Anak,
nabubulag lang iyang tatay mo sa ngayon. Kahit ganyan si Vergel,
mahal na mahal ka niya. I love you anak. Pag-igihan mo ha?”
“Opo.
I love you. Bye.” Binaba ni Gio ang tawag at nilingon si Arlene,
ang kanyang manager na matanda sa kanya ng dalawang taon. Minsan
silang naging magkasintahan pero ayaw na ni Gio dahil sa una, si
Angelo pa rin ang mahal ni Gio. Ngunit si Arlene, pagbalik-baliktarin
man ang mundo, mahal na mahal ni Arlene si Gio.
Nang
nagtama ang kanilang mga tingin, ngumiti si Arlene kay Gio sabay
yakap dito, “magkagalit pa rin kayo ng tatay mo?” Malambing na
tanong ni Arlene kay Gio. Tumango naman si Gio.
“Ay
naku Gio, kahit ganon iyong kaibigan mo, hindi mo rin kasi sana
ginawa iyon. Hindi mo masisisi ang papa mo kung ganon siya magalit.
Naging bahagi na rin kasi ng puso ng papa mo si Angelo. Mabait naman
siya di ba? Alam mo kahit break na tayo, handa akong palayain ka kung
siya naman pala ang papalit sa akin.” Hinaplos ni Arlene si Gio sa
ulo.
“Walong
taon na Arlene. Walong taon na! Hanggang ngayon siya pa rin... Ang
sakit pala kung paulit-ulit mong maaalala na wala na ang taong mahal
mo... ang taong mahal mo na nawala nang dahil sa'yo rin pala. Ang
sakit pala Arlene. Ang sakit sakit!”Iyak ni Gio habang inaalo siya
ni Arlene.
“Sige
na,” kumalas sa yakapan si Arlene at kumuha ng panyo, “past is
past. Kailangan mong maipasa ang audition na'to. Big time ang
director. Kung makukuha ka rito, malaki ang chansa na magkakaroon ka
ng pangalan sa international scene. Kaya ayusin mo ha?” Ngiti ni
Arlene habang tinatapik ang pisngi ni Gio.
Tumango
lang si Gio bilang sagot.
“Nga
pala Arlene, di ba gay movie to?”
“Oo,
bakit? Ayaw mo?”
“Hindi...
ano bang role na sinulat mo na papasukan ko?”
“Leading
man.”
“...eh
puro leading man naman to Arlene eh. Wag ka nga magbiro. Gay movie
nga di ba?”
“Leading
man nga! Bakla yung bida. Pero mas asatig tingnan iyong leading man.
Lalaki fan base mo rito dahil sasabihin nila na hindi ka takot kumuha
ng challenging na role. Hahangaan ka ng LGBTQQI community at
magkakaroon ka ng limpak limpak na award. Kaya ayusin mo to ha? Alam
ko may talent ka. Manager mo ako. Wag ka magpadala masyado sa tema.
At higit sa lahat, wag kang magpahalata na bakla ka. Baka lugi tayong
dalawa pareho nito.” Authoritative na boses ni Arlene habang
inaayos ang buhok ni Gio.
“Sige
Arlene. Eto na.” Tumayo si Gio at kinundisyon ang sarili na wag
madala sa tema ng script. Kailangan
kong makuha to. Kailangan kong kunin to. Akin tong role na to. Hindi
ka pa nabigo sa mga casting roles na gusto mo Gio. 28 ka na, sa tanda
mong iyan kaya mo pa. Go Gio, go!
“Next
na po!” Sigaw ng kuya paglabas ng isang closed room. Sumunod si Gio
kay kuya at pumasok sila sa closed room. Bago pa man nakapasok si
Gio, nilingon niya si Arlene na nakasmile sa kanya. Para bang
nagsasabing: “Kaya mo yan!”
Nang
nilingon ni Gio ang loob ng closed room, nakakasinag ang araw. Tantya
niya maduduling siya sa sobrang ilaw. Sinikap niyang tingnan ang nasa
harap at nakita niya ang isang babae na nasa edad 40's, isang lalake
na nasa edad 20's, at isang matanda na mga 60's. Siguro yan
ang direktor. Mukang batikan eh. Kaya to Gio. Go for gold!
Nilibot
pa ni Gio ang kanyang tingin at nakita niya ang isang lalaki na
malaki ang katawan, naka-ball cap na nakalabas ang tab, naka-scarf,
naka-shades, at mariin na tinitignan ang laptop na parang walang paki
sa nag-audition. Nasa gilid talaga siya ng silid at nawewerduhan si
Gio sa kanya dahil hindi pa nabigo si Gio na mang-akit ng tingin.
“Hi
Gio.” Bati ng babae na nasa edad 40's.
“Hello
po.” Confident na sagot ni Gio sabay kindat dito.
“Just
introduce yourself. Tapos here's the script. No need to memorize.
Basahin mo lang tapos exagge mo ang feelings.” Sabay abot ng babae
sa script kay Gio. Tinanggap naman ito ni Gio at nagsimula na siyang
magbasa: “SUNOG!! SUNOG!! SUNOG!!” Sigaw ni Gio na para bang
natataranta.
"Galing
ng trip ko 'tol noh? Di nga maipinta ang mukha mo sa taranta.
Hahaha." Sabay palakpak na para bang natutuwa.
“Tangina
mo naman Gio oh, pinagtitripan mo na naman ako!” Basa ng isang
staff na nasa gilid ng camera sa harap ni Gio.
"Teka
lang! Ano ka ba, kailangan mong magising kasi nga di ba may racket
tayo ngayon? Para kang mantika sa ref eh, tagal mong gisingin." May
halong inis na giit ni Gio.
Teka,
familiar to ha? Parang... parang...Pagtataka ni Gio. Parang
may mali.
“Teka
ma'am,” pagputol ni Gio, “wala na po bang ibang script diyan?
Para kasing awkward ng script na to. Kung pwede lang naman po.”
Nahihiyang tugon ni Gio. Nagtinginan ang mga panelists, pati na rin
ang babae at tiningnan siya ulit. Maya-maya, napansin ni Gio na
nagprint ang taong naka-scarf at naka-shades at naka-cap. Tinignan
ito ng babaeng nasa edad 40 at inutusan ang staff na kunin ang
naka-print para kay Gio.
“Eto
po sir oh.” Tinanggap naman ni Gio ang script at binasa niya ito
bago nagsalita.
GIO:
Angelo, tingnan mo nga ako? (Naiinis) Ilang beses kayo nagtatabi
ni Gab matulog? Bakit di ko alam to? Sabihin mo nga! Bakit hindi ka
nagpapaalam sa akin? May nangyari na ba sa inyo? (Insistent tone)
[Angelo,
no dialogue, typing. Gio, tayo. Mamemewang.]
GIO: Angelo,
kausapin mo nga ako! Ano ba kasi ako sa'yo? Bakit wala na akong ideya
tungkol sa buhay mo? Bakit ka na ba lumalayo sa akin? Di mo ba alam
araw-araw kitang hinahanap? Iniisip kita, for goodness' sake! (SIGAW)
[Angelo,
no dialogue, typing. Gio, tayo. Kakamot sa ulo.]
GIO:
Yan kasi ang hirap sa iyo Angelo eh! Ikaw na nga ang kinakausap,
nagmamatigas ka pa. (SIGAW) Subukan mo kayang wag masyadong
magmatigas upang mapakikinggan mo ako, at ang lahat ng tao! (SUMBAT)
Sabihin mo nga, mahalaga pa ba ako sa'yo kagaya ng pagpapahalaga ko
sa'yo?! (SUMBAT)
“No,
this can't be.” Umiling si Gio. “Ma'am, with all due respect,
bakit po ang mga script niyo masyadong true to life? I'm sorry for
being unprofessional right now, pero ma'am do I smell someone in
here?” Tuloy-tuloy na tanong ni Gio na may halong inis. Nagtinginan
ang mga panelist.
“Better
script please.” Hiling ni Gio na may halong sarkastikong tono.
Maya-maya
tumunog na naman ang printer ng lalakeng naka-cap, scarf, at shades.
Kinuha na naman ng staff at binigay kay Gio. Binasa na naman niya ito
bago bigkasin.
GIO:
I don't know what to believe in Angelo (ILING) I'm sorry
Angelo. Galit na galit ako sa'yo hanggang ngayon. I never thought na
magagawa mo iyon sa akin. Gusto na kitang kalimutan. Gusto na kitang
ibasura. I don't like you anymore. Hindi dahil sa binaboy mo ako,
pero dahil ayokong may kaibigan akong baboy, malandi. I'm sorry. I
sure do hope it's alright with you. (SILENT BUT DEADLY)
ANGELO:
Thanks for the friendship Gio. Thanks. Wala akong magagawa kung
hanggang dito na lang ako sa buhay mo. Always remember na I stand by
what I believe in, it was unintentional. Alam kong nandidiri ka sa
akin, but maybe that's just it. And I never regret anything in our
friendship, sa buong labing apat na taon na nabubuhay ako, isa kang
mabuting kaibigan. Whether you think I was not a good friend to you
or otherwise, it depends on you. Ingat ka na lang palagi. (LUHA,
SILENT CRY)
“Teka,”
tumaas ang tono ni Gio. Kumunot ang noo niya at tinapon ang script na
kabibigay lang, “sino ba ang director at scriptwriter dito?! Bakit
ang pepersonal ng script?! May kilala ba ako? Sino ba ang director?!”
Galit na galit na sigaw ni Gio. Mistulang tumaas kaagad ang blood
pressure niya dahil sa pagiging personal ng script. Maya-maya, tumayo
ang lalaki na naka-scarf. Tinanggal niya ang scarf, ang sunglass, at
cap niya.
Hindi
nakagalaw si Gio sa kanyang nakita.
“Hello.
Those three in the table are my producers and co-producers. I don't
think it's ethical to shout to your potential money-makers. You are
looking for me, I will be most pleased to let you know I'll direct
this movie, and I'll write the script. Now, answer my question, do
you want it or not?” Nagbabantang tanong ng lalake na ikinataas ng
tensyon sa loob ng silid.
Hindi
makapagsalita si Gio sa nalaman. Ang director pala ay nasa gilid
lang, tapos parang umaasta pa siyang boss.
Ngunit
higit sa lahat, mas nagulat si Gio sa sunod niyang malalaman.
Mabigat
na nilapitan ni Gio ang lalake. Nanlalabo ang mga paningin ni Gio
dahil sa namumuong luha at mistulang may daga siya sa dibdib.
“Hindi
maaari,” mahinang sabi ni Gio, “Angelo?” pinatong ni Gio ang
kanyang mga kamay sa magkabilang balikat ng lalake. Tinignan ng
lalake ang mga kamay ni Gio at bumalik ng tingin sa mga mata nito.
Masama ang tingin nito kay Gio at kunot noo itong nakatingin na
parang nakasimangot.
“You
got me mistaken for somebody else,” sabay hampas sa mga braso ni
Gio upang mabitiwan nito ang mga balikat niya.
“...or
not,"
ngumisi ng pakutya ang lalaki
"I'm
PM Realoso.”
Gapangin
mo ako. Saktan mo ako. 2
7.1.14
---
Huwag magpahuli:
1. Gapangin mo ako. Saktan mo ako.
Teaser | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 | 17 | 18 | 19 I 20, 21, 22: Final
after 15 days nag update na rin pero puro teaser sana pagkatapos ni Gio chapter 1 na
ReplyDelete123
So susunod pa pala si Dimitri at yung kanyang story.
ReplyDeleteThis story is Awesome! Keep it up Mr Author
A Handsome Reader from CDO
123
nakakagigil ang tagal talaga ng part 2 gmksmk..peace...atat lang..
ReplyDeletebruneiyuki214
Sana may ganito din na teaser para kay Gab. Sana si Gab at angelo magkatuluyan hihihi
ReplyDeleteBoholano blogger
Simulan nyo na ang story..please......tagal na namin naghihintay....
ReplyDeleteAng tagal naman neto sana mag start na ang susunod na kwento nito please po author 😁🙏🙏
ReplyDeleteMr. Author. May na po. Yung dalawang story wala pading teaser?
ReplyDeleteBoooooooooom! Dahek! Eto ns pinaka nkakaEXCITE NA TRAILER!!" HZHAHA Pls pls pls... update na po boy cookies!!! Pls.. :))
ReplyDeleteWala pong update sa kahit magkaiba at Sana masimulan na ang boyfriend zone. Xie xie
ReplyDeleteAll teasers are really good but somehow sobrang dami ng kaabang kaabang that make the story bored. Hehe. Comment lang naman yun. Kasi you have a lot of scenes in different time, can we say that the first 5chapters of this story are just all introduction? Make sense. But im still waiting in this story. Tandaan sana natin, masama ang sobra. Hehe. Good job mr. Author.
ReplyDelete-tyler
yung kahit magkaiba, bkit wla po? May na po kc at april ang date na ilalabas.
ReplyDeleteAndami mong arte. Di naman necessary yung comment mo tapos gugustuhin mo rin naman pala yung kwento. Tanga mo! I like the story pa rin and this is how he sells his story so walang pakialaman. And besides di mo pa naman nababasa yung kwento ha paano mo nasasbing boring. Ulol.
ReplyDeleteDon't listen to him Mr. Author. For me, nagagandahan ako, walang arte, walang kiyeme. Yung iba nagkocomment para may masabi lang.
first time ko makabasa ng ganitong story na andaming part na teaser,ingat lang author baka sa haba ng teaser baka mawalan na gana magbasa mga readers mo dahil mapagtagpi-tagpi na nila ang kalalabasan ng story mo.
ReplyDeleteNoted po. Pero if you think napagtagpi-tagpi niyo na, that I am not sure. Hindi ko naman po siguro ilalabas ang teasers kung napagtagpi tagpi ko na bilang reader ang sariling kwento ko di ba? Pero anyways ty!
Delete-Cookie Cutter
Isa lang po masasabi ko, pagtagpi-tagpiin ninyo ang kinalalabasan ng kwento... kung kaya niyo? ;)
Delete-Cookie Cutter
Saanna ibang story niyo?
Delete123
ohh yeah.. tagal ko tong inintay... bitin na bitin na talaga akooooooo!!!!!!!
ReplyDeletePwede bang iost na yan!
ReplyDeleteMalapit na ang pasukan!
busy busyhan nanaman ako
-Hiya!
Awtsu! Im so excited to read this! I like stories na may gantihan ek ek! Ahahaha push na yan.
ReplyDeleteIvam D.
tnx for the update, sana mas mahaba na sa susunod. goodluck po!
ReplyDeletetnx for the update. sana sa susunod mas mahaba na para hindi bitin, he he he. goodluck
ReplyDeletewaaaaaaaaaaaaaaaaa! love it!
ReplyDeletetnx author idol hAHAHA! ALAM kung na PM na kita noon at salamat dahil di mo ako inisnob hahahaha! super excited na ako dito kc parang sa petsa pa ng B-day ko ito hahahaha good lock po and keep smiling always
ReplyDeleteAND GOD BE THE GLORY TO US!
Sana magkatuluyan si Riza at Angelo. Mapaghigante at patayin niya iyong mga characters na sumira sa kanya kasama na din si Gab at pamilya ni Gio. Lupet ano, dapat lang! very strong and powerful ng mood sa storyang ito.
ReplyDeleteasan na ba si dimitri? sabi dito may daw... huhuhuhu
ReplyDeletepls.. plss.. plss. author pakisimulan na po ung book 2. parang awa mo na.....
ReplyDelete