Note:
1. Magandang araw sa lahat! Ito na po ang Chapter 6. Abot-langit pa rin ang pasasalamat ko sa mga sumusubaybay at sa mga nag-iiwan ng mga komento dito sa mga kabanata ng kwento na ginawa ko. Pati na rin sa mga silent readers, salamat po talaga! (Sorry po kung hindi ako tumutugon o nagrereply sa mga comments tsaka hindi ko po kayo na special mention kasi puputol-putol ang internet namin, parang tanga lang, nakakawarla.)
2. Maraming salamat po kay Kuya Mike na palagi kong ginugulo at saka kay Kuya Ponse. Pasensya na po talaga! Ngunit abot langit naman ang pasasalamat ko sa inyo. Kayo ang nagbigay katuparan sa pangarap kong maging manunulat. Kahit baguhan pa lamang ako at panay ang pangungulit ko sa inyo, natiis niyo pa rin ako. Nakakawarla talaga ang haba ng pasensiya niyo kaya idol ko na kayo, ipagdadasal ko kayo ngayong gabi. Huehue <3
3. Ang updates ko po ay every Saturday, Sunday, Tuesday, at Thursday. Kung type niyo po ang kwento ko, abangan po ang mga updates sa mga araw na ito. Dahil kung type niyo ako, e di type ko rin kayo. Dejk hahahahahahaha.
Enjoy!
Disclaimer:
1. Ang larawan ay hindi ko pag-aari. Ginamit ko lang ito para may visual representation ang mga character sa kuwento. Kung meron man ang na-ooffend sa larawan, paki-e-mail po ako at tatanggalin ko ang larawan asap.
2. May mga pangalan ng tao, bagay, o establishment na po akong imemention sa chapter na ito. Nais ko lang pong ipaabot na kung meron man pong na-ooffend sa mga pangalan na namention ko sa chapter na ito, conincidence lang po iyon at walang anong iba pa. Fiction po ang kwentong ito, at kung may pagkakahawig man sa totoong buhay ni kanino, nais ko pong magpaumanhin sa pagkakapareho.
3. May mga konsepto pong ginamit sa kwento na maaaring hindi tumutugma sa totoong buhay. Nais ko lang pong ipaabot na for entertainment purposes only lamang ang kwento nating ito.
E-mail address: comegetmycookies@gmail.com
Facebook account: www.facebook.com/boy.cookies.16 (Boy Cookies)
---
Chapter 6
"D-Dimitri?" Nanatiling nakatayo si Angelo habang tinanggap ang dalawang snickers na inalok ni Dimitri sa kanya.
"Ano ka ba Angelo, bakit para kang nakakita ng multo diyan? Opo ka na! Magsisimula na oh!" Pag-aalala ni Dimitri. Hinila niya sa kamay si Angelo. Nagulat naman si Angelo sa tinuran ni Dimitri at nararamdaman niya ang daloy ng kuryente sa kanyang katawan.
"Bakit ka nandito?" Nanatiling nagulat si Angelo habang tinitignan si Dimitri. Nang mahawi ng kanyang tingin si Dimitri, malawak ang ngiti nito at humahanga si Angelo sa mga biloy nito sa gilid ng kanyang mga labi. Parang anghel ang mukha ni Dimitri, at dahan-dahang ngiti ang gumuguhit sa mukha ni Angelo habang pinagmamasdan si Dimitri. Naiisip niya kasi ang maamong mukha ni Dimitri noong nagkita sila muli bago magsembreak, iyong time na nabugbog si Dimitri at abot-langit ang saya niya na niligtas siya ni Angelo to the point na umiyak siya.
"Bakit ikaw lang ba matalino sa math?" Mataray na sagot ni Dimitri at hindi na tinignan si Angelo.
"Hindi! Akala ko si Gio? Sabi kasi ni dean si Gio. Taga-Mechanical Engineering?" Balisang tanong ni Angelo.
"Hindi nakarating si Gio. Supposed to be uuwi sila ngayon galing sa audition, ngunit nastranded sila sa isang probinsya sa Mindanao. Bukas pa sila makakauwi. Kainin mo na iyang snickers mo binili ko iyan para sa'yo. Alam kong hindi ka pa kumakain. Huwag mo nang hanapin si Gio kasi mas gwapo naman ako sa kanya at saka hindi kita iiwan di kagaya niya iniwan na lang parang tuta. Nakakaseselos iyang paghahanap mo sa kanya ha!" Matigas na sagot ni Dimitri at hindi pa rin sinuklian ng tingin si Angelo.
"Tapos?"
"Pinakiusapan ni Gio na ang susunod na lang sa kanya ang hahalili sa kanya."
"So ikaw pala ang sunod sa kanya?"
"Obvious ba? Ang results ng departmentals, silbi ikaw yung una, second si Gio, third ako." Pagsusungit ni Dimitri.
Simula kagabi kasi na nag-away sila, walang lakas si Angelo na humarap kay Dimitri. Although gusto niyang kausapin si Dimitri, hindi niya magawa kasi nararamdaman niya ang nag-uumapaw na galit nito sa kanya. Kaya hindi niya maiwasang tanungin si Dimitri tungkol sa emosyon nito sa kanya.
"Akala ko ba galit ka sa akin?" Nahihiyang tanong ni Angelo habang nilalaro ang mga daliri sa snickers bars na binigay ni Dimitri sa kanya.
"Oo, galit ako sa'yo, pero mamaya na lang kita kakausapin tungkol diyan. Bakit ba ang tagal mong balatan iyan? Akin na nga! Nagagalit ako sa'yo!" Hinablot ni Dimitri ang isang bar ng snickers, binalatan at isinubo kay Angelo. Natutuwa si Angelo. Tinitigan niya si Dimitri at hindi niya maiwasang maaliw kay Dimitri na pagalit kuno na sinusubuan si Angelo ng chocolate at umaarteng nagagalit. Si Dimitri naman ay pinilit na kunutin ang noo, pagsalubungin ang mga kilay, at sumimangot para magmukhang galit kay Angelo. Hindi niya pa kasi kayang maiwagwag sa puso niya ang inggit na nararamdaman niya.
"Sorry kung ano mang nagawa k-"
"SSSSSH! Magsisimula na! Ubusin mo na to, dali!" Pagpapadali ni Dimitri kay Angelo na punong-puno ang bibig ng chocolate. Inubos ni Angelo ang chocolate at nang maibigay na ang test paper, sinagot nila ito kaagad. Dumaan ang tatlumpung minuto at natapos din ang exam. Pinapapass na ang mga papel. In ten minutes ifla-flash na raw ang resulta ng first level. Dumaan na naman ang sumunod na ten minutes at iaannounce na lang raw ang resulta dahil nasira ang projector na dala ng mga organizers.
Hinawakan ni Angelo ang mga kamay ni Dimitri at pumikit. Ayaw ni Angelo na mapahiya sa dean at sa paaralan. Siguro okay na rin kasi ginawa naman lahat ni Angelo upang maipanalo ang team at ang school nila. Siguro kung hindi papalarin okay lang naman, nakipagsalamuha sila sa bakbakan at utakan na ang mga kalaban ay mas matanda pa kay Gandhi at ang iba ay halatang nasa master's na or second coursers. Maging representative siguro, big achievement na para sa kanya bilang isang freshman, at hindi pa naman niya major.
Si Dimitri naman ay hindi maiwasang mailang kay Angelo. Pinapakiramdaman niya si Angelo habang nagpaubaya sa paghawak ng kamay. Ginantihan na niya rin ito nang hawak, pero deep down ay masayang-masaya siya dahil si Angelo na mismo ang unang humawak sa kanyang kamay.
Habang hinahawakan ni Angelo ang kamay ni Dimitri, nagdadasal siya na sana tawagin ang kanilang school.
"Welcome to the National Math Competition, I'm Jannu and I'm one of the organizers. After summing up and checking your team papers, only 77 teams will advance to the next level. Shall we start the countdown?"
"First team to advance... University of South and West.
Second team to advance... Philippine State University of Asia.
Third team... Normal Philippines School of Economics..."
Tinawag na ang top 30 teams, ngunit hindi pa natawag ang SEAU.
Top 40...
Top 50...
Top 60...
Top 70...
"I'm sorry Dimitri. Hindi ko makakaya ito. Sorry talaga tol kung babagsak tayo dahil sa akin. Hindi ko talaga sinasadya. Siguro may next time pa naman di ba?" Napuputol-putol na ang pagsasalita ni Angelo dahil sa kaba at nagsisimula na siyang humikbi. Hawak pa rin niya ang kamay ni Dimitri.
"Tumahimik ka asawa ko, galit pa ako sa'yo." Matigas na sagot ni Dimitri. Isang malakas naman na suntok sa balikat ang natanggap niya mula kay Angelo. Nagulat si Dimitri at tinignan niya si Angelo. Naantig ang puso ni Dimitri sa mukha ni Angelo, dahil tulo na ng tulo ang kanyang mga luha at naiiba na ang mukha nito.
"Ayan ka na naman Dimitri eh, nag-aalala na nga ako, kinukulit mo pa ako." At nagbreak down na si Angelo. Sinubsob na niya ang kanyang mukha sa kanyang mga palad. Naalerto naman si Dimitri at kaagad na niyakap si Angelo. Tinatapik-tapik pa niya ang likod ni Angelo at pinaparamdam niya na okay lang ang lahat. Gustong mainis ni Dimitri kay Angelo dahil sa selos pero nawala ang lahat nang ito nang nakita niya ang malungkot na mukha nito.
"Edi manahimik ka kung hindi kukulitin kita at hahalikan kita!" Bulong ni Dimitri sa tenga ni Angelo habang magkayakap sila. Kumalas na si Dimitri at kinurot ang ilong ni Angelo. Napa-ungol naman sa sakit si Angelo. Natigilan si Angelo sa ginawa ni Dimitri. Hindi rin naman siguro kasi tanga si Angelo para malaman na panglalandi na ang ginawa ni Dimitri sa kanya nitong nakaraang mga araw.
"Bakla ka ba?" Diretsahang tanong ni Angelo.
"Sssh! Alam ko gusto mong magpahalik, mamaya na!" Mabilis na sagot ni Dimitri sabay pwesto sa kanyang hintuturo sa mga labi ni Angelo. Hindi na niya ito sinuklian ng tingin.
"Top 71st, American-Philippine Colleges
Top 72nd, State of Southern Laguna
Top 73rd, University of the Rich and Poor Sabah
Top 74th, College of St. Mary's..."
"I'm sorry talaga Dimitri. Tol, I'm sorry! Gago ako, hindi ako nagfocus! Sorry!" Isinubsob na ni Angelo ang mukha niya sa balikat ni Dimitri. Pumikit na lamang si Dimitri at hinaplos ang pisngi ni Angelo.
"Top 75th, Up and Down University State of Mindoro..."
"Dimitri... Pagsisisihan ko ito habang buhay, I'm sorry. Sana please wag kang magalit sa akin..." Hinigpitan pa ni Angelo ang paghawak sa kamay ni Dimitri at nahiga na sa braso ni Dimitri. Dalawang kamay na ang hawak ni Angelo sa kamay ni Dimitri dahil sa sobrang kaba. Ngiti-ngiti naman si Dimitri sa ginawa ni Angelo. Kinikilig ba ako? Hahahahaha, ang sarap pala sa pakiramdam. Sa isip niya.
"Top 76th, University of the Matatalino..."
Walang anu-ano ay niyakap na ni Angelo paharap si Dimitri at umiyak sa mga dibdib ni Dimitri. Wala nang nagawa si Dimitri dahil sa bilis ng paggalaw ni Angelo. Nagulat noong una si Dimitri, ngunit kalaunan ay gumanti na rin ito ng yakap at hinahagod-hagod ang likod ni Angelo.
"I'm sorry, Dimitri!" Patuloy na pag-iyak ni Angelo sa dibdib ni Dimitri samantalang diniin pa ni Dimitri ang pagtulak ng ulo ni Angelo sa kanyang dibdib.
"And last in the spot... Top 77th, Pacific East and Northern Philippines' College!"
Lumakas ang iyak ni Angelo at bumuhos pa ang kanyang mga luha sa mga dibdib ni Dimitri. Hindi na napigilan ni Angelo at pinulupot niya sa buong katawan ni Dimitri ang kanyang mga braso at umiyak na sa mga leeg ni Dimitri. Kung pagmamasdan ang dalawa ay para silang magnobyo sa ganoong lagay. Pinagtitinginan na sila ng mga tao dahil una, sa nakakabinging hagulgol. Ikalawa, dahil sa mistulang sweetness ng dalawa. May iba na nandidiri, ang iba ay naweweirduhan, ang iba naman ay masaya at ang karamihan ay nakangiti. Alam ni Dimitri na pinagtitinginan na rin siya, ngunit wala lang si Dimitri at sinuklian niya na rin ng yakap si Angelo. Malungkot siya dahil hindi sila nakapwesto, ngunit mas masaya naman siya dahil si Angelo na mismo ang yumakap sa kanya. Hinihiling niya sa kanyang sarili na sana wag na matapos ang kabiguan nila, ngunit nasasaktan naman siyang nakikita si Angelo na umiiyak.
Nakalipas ang limang minuto ay ganun pa rin ang ayos ng dalawa. Hindi nila alintana ang sasabihin ng ibang tao sa kanilang ayos. Enjoy na enjoy si Dimitri sa kanilang tagpo.
Nawalan na ng lakas ang mahigit 3/4 na natanggal sa team exam. Ang iba ay umuwi, ang iba ay piniling manatili na lang muna. Dahil nagugutom na silang dalawa, nagpasiya silang bumili muna ng pagkain at tumambay na lang sa gilid ng auditorium. Maririnig naman kasi ang mga instructions para sa mga manlalahok. Hindi magawang magsalita ni Angelo dahil nararamdaman niyang siya ang may kasalanan kung bakit hindi sila napabilang sa top 77 teams.
Nasa lagay sila sa pagkain ng pizza nang sinalubong sila ni Dean Realoso.
"Hi handsome guys. Okay lang iyon. I have never been surprised by the turn outs. Dalawang first year students, ang isa ay fourteen ang isa ay sixteen, I have never been so surprised. Let's train na lang siguro next time okay?" Sabi ng matanda sabay ngiti sa dalawa.
"Sorry ma'am..." Nakayuko si Angelo. Nakausli ang ibabang labi ni Angelo habang maiiyak na naman.
"Okay lang iyon Angelo. Failing the competition doesn't make you less smarter. I still believe in your capabilities. Kayanin na lang natin next time okay?" Pag-aalo ng matanda kay Angelo sabay labas ng thumbs up na senyas.
"Okay po..." Natahimik si Angelo.
"Ma'am, nagsisimula na po ba ang level 2?" Tanong ni Dimitri.
"Wala pa. Natagalan ata ang mga organizers. Parang may issue eh. Do you guys want to rest? I can let you go. You can go, actually."
"Dito lang po muna kami ni Angelo, ma'am. Umiiyak pa ata itong asawa ko eh." Sabay akbay kay Angelo. Nagpaubaya na lang muna si Angelo kahit alam niyang binabanatan na naman siya. Alam niya kasing galit pa si Dimitri sa kanya. Sa kabilang banda, nagulat naman talaga siya dahil akala niya ay galit si Dimitri sa kanya. Ngunit ngayon ay confident pa na makaakbay kay Angelo na parang walang ikinagalit ang mokong. Baka kasi andiyan si dean kaya di niya magawang magalit. Tsk. Si Angelo sa kanyang isip.
"Okay, kayo talaga mukha kayong magnobyo." Binatukan ni dean si Dimitri.
"Ma'am! Pati ba naman ikaw?" Mabilis na sigaw ni Angelo habang nakakunot ang mukha.
"Okay fine Mr. Montemayor. I'm going. Marami pang gagawin sa office. Take care both of you. See you around. Don't mess around, mamaya na yang sweetness okay?" Kumaway na ang matandang dean at naglakad palayo.
"Kayo rin po." Sagot ni Dimitri.
Maya-maya ay nawala na sa paningin nila si Dean Realoso.
"Dimitri?" Mahinang tawag ni Angelo kay Dimitri.
"KUYA Dimitri sabi eh. Bakit ba ang kulit?"
"KUYA Dimitri, galit ka ba sa akin?" Nahihiyang tanong ni Angelo.
"Dahil sa event? Hindi. Hindi dahil sa event? Oo."
"Bakit ka ba naman kasi nagwalk out kahapon di mo man lang ako kinausap!" Sumimangot si Angelo at nagka-crack na naman ang kanyang boses. Nataranta naman si Dimitri kasi alam niyang iiyak na naman si Angelo... at ayaw niyang makitang umiiyak ito.
"Ano ka ba Angelo, kakausapin mo ba ang taong kinagagalitan mo?" Seryosong sagot ni Dimitri.
"Sorry na oh." Pumatak na ang luha ni Angelo.
"Ewan. Punasan mo nga iyang mukha mo. Di ko alam kung bakit ang pangit mong umiyak. Kung di lang kita asawa di ako magpapayakap sa'yo kanina."
"Sabihin mo na kasi sa akin tol bakit ka galit. Di ko talaga alam eh." Tuloy-tuloy ang iyak ni Angelo.
Tinitigan ng malalim ni Dimitri si Angelo. Blangko ang kanyang ekspresyon at kahit isang emosyon ay hindi mababasa.
"Akala ko ba matalino ka Angelo?"
Hindi nagsalita si Angelo. Nakaupo silang dalawa sa staircase malapit sa pintuan ng auditorium. Niyakap ni Angelo ang kanyang tuhod samantalang panay sa kain itong si Dimitri. Nakapatong ang baba ni Angelo sa kanyang mga tuhod. Nataranta na lang si Dimitri nang may tuloy-tuloy at walang tigil ang pagpatak ng luha ni Angelo.
"Hoy? Angelo? Bakit ka umiiyak?" Nataranta si Dimitri at inaalog-alog si Angelo.
Hindi umimik si Angelo, dinilaan niya ang kanyang mga labi at pinunasan ang kanyang mga luha.
"Angelo? Hoy! Magsalita ka nga!" Pasigaw ni Dimitri. Halata na ang pag-aalala niya.
"Humarap ka nga sa akin upang magkaintindihan tayo!" Hinila ni Dimitri si Angelo paharap sa kanya.
"Huwag kuya please." Kumalas si Angelo at humarap sa kabilang direksyon, iyong hindi humaharap kay Dimitri.
"Okay. Hindi ako galit sa'yo okay? Nagtatampo lang ako..." Pag-give up ni Dimitri.
"Bakit naman?" Pagtanong ni Angelo.
"Kasi naman..."
"Kasi ano?"
Huminga ng malalim si Dimitri at hinilamos ang kanyang mga kamay sa kanyang mukha.
"Ako kasi... alam mo na... si Laurel? Kahapon.. Ah-ah.. eh.. nagseselo-"
"Excuse me po, kayo po ba ang contestants from SEAU?" Sulpot ng isang lalake sa kanilang dalawa. Naputol si Dimitri sa kanyang gustong sabihin.
"ANO BA YAN PUTANGINA! OO KAMI BAKIT BA?" Istorbo naman tong isang to. Sa isip ni Dimitri.
"Sorry na po kuya, pinapahanap po kasi kayo ng mga organizers. May discripancies daw sa results niyo. At seryoso ito."
"Ha? Tapos? Tanggal naman po kami kuya eh." Pagdahilan ni Angelo.
"Kausapin niyo na lang po ang mga organizers para sa mga sanctions. Salamat po."
Nagkatinginan si Angelo at si Dimitri. Nagtatanong ang kanilang mga expression sa mukha. Di nila malaman kung anong discripancies ang tinutukoy. Napagkamalan kaya silang nagcheat?
"Kuya?"
"Oy himala, kuya na iyong tawag mo sa akin ha."
"Mang-inis ka pa. Susuntukin kita kahit umiiyak ako!" Sabay pakita sa kanyang kamao.
"May atraso ka pa sa akin, huwag kang angas diyan." Binatukan ni Dimitri si Angelo.
"Kuya naman kasi eh. Bakit ba naman tayo pinapatawag? Nagcheat ka ba?"
"Hindi noh! Baka ikaw diyan kasi panay ang tingin mo sa mukha ko kanina. Crush mo ako noh? Iyong-iyo lang ako, promise!" Nilahad ni Dimitri ang kanyang palad sa hangin na parang nagpapanata.
"Kapal mo kuya sarap mo sapakin."
"Totoo naman! Kaya siguro di ka nakasagot kanina dahil sobrang gwapo ko at sobrang sarap ng katawan ko kaya pinagnanasahan mo ako habang sinasagutan natin ang team test kanina? Ikaw haaaaa, love din naman kita Angelo eh!" Nilapit ni Dimitri ang kanyang mga labi sa pisngi ni Angelo ngunit mabilis na nakaiwas si Angelo at masama ang tingin nito kay Dimitri.
"Halika na nga kausapin na natin baka anong importante. Baka kagatin mo pa ako eh." Umaarteng natatakot si Dimitri kay Angelo. Tinutukso niya pa talaga. Tumayo silang dalawa at agad na pumasok sa auditorium. Pinagtitinginan na sila ng mga tao na para bang may mali silang ginawa.
"Kuya, sigurado ka bang wala kang mali na nagawa? Ipapabugbog talaga kita sa mga tambay pag meron. Nakakahiya to." Natatakot si Angelo sabay patong ng kanyang kamay sa balikat ni Dimitri.
"Wala nga ano ka ba!" Sabay akbay kay Angelo.
Nakaabot na sila sa mesa ng mga organizers. Nang nakita na sila ng isa sa mga organizers ay pinaupo sila. Tinignan nila ang paligid at kitang-kita nila ang mga tao na nagbubulungan, pinag-uusapan sila.
"Hi, are you from SEAU?"
"Yes ma'am, why?" Sagot ni Dimitri.
"I'm sorry. You have to leave." Diretsong tugon ng isa sa mga organizers. Nagkatinginan si Dimitri at Angelo. Nangungusap ang kanilang mga tingin. Natatakot sila at nagtataka kung bakit sila pinapapaalis. Wala naman silang ginawang masama at sinagutan lang naman nila ang exam.
"Excuse me?" Sabat ni Angelo.
"Yes. You have to leave here." Pag-ulit ng organizer.
"Why? Have we done something wrong?" Tanong ni Dimitri.
Hinawakan ulit ni Angelo ang kamay ni Dimitri at pinulupot ang mga daliri sa mga daliri ni Dimitri. Shit! Eto na Dimitri! Si Angelo pa talaga ang unang nakipagholding hands! Ang gwapo mo talaga Dimitri! HAHAHAHAHAHAHA SANA MAG-USAP NA LANG KAMI NG MGA ORGANIZERS MAGPAKAILANMAN!! Sigaw ni Dimitri sa kanyang sarili at hindi siya makafocus sa organizer na nagsasalita dahil sa kilig na kanyang nararamdaman.
"Uh-hum." Ani ng lalaking host na nasa mic stand. Lumingon ang lahat pati sila Angelo at Dimitri sa lalaking nagtanggal ng bara sa kanyang lalamunan.
"After a careful deliberation, we have found at that there were discripancies. There was a team who scored zero in the exam, that is SEAU. It was because they used a pencil in answering the team test. Unfortunately, the machine cannot comprehend pencil marks. When we manually checked the paper of SEAU, we have found out that they are the only team that got a perfect score... if they haven't used a pencil."
"It took a lot of time for the organizers to trim down the discripancies, but the organizers decided to deem SEAU as the first placer on that exam as a simple mistake can never make their answers wrong. Besides, one organizer argued that no instruction of what writing material is required to use. As SEAU is deemed to be the first placer... Which means that the top 77th placer announced a while ago will be disqualified to perform anymore on the next level."
Napayakap na naman si Angelo kay Dimitri at bineso-beso pa si Dimitri dahil sa sobrang tuwa.
"YES KUYA! NARINIG MO! YES! YES!" Napatalon si Angelo at Dimitri. Magkayakap ang dalawa at patalon-talon na labis naman na ikinatuwa ng audience. Palakpakan at hiyawan ang namutawi sa auditorium sa mga oras na iyon.
Hindi nagsalita si Dimitri, bagkus niyakap niya pa ng husto si Angelo. Nanlaki ang mga mata ng mga ng organizers at kung hindi lang math contest ang sinalihan ng dalawa ay mapagkakamalan talaga silang magsyota.
"The 77th team to advance announced earlier raised an appeal, but the appeal was trashed as one of their team member was found with a cheatnote stapled in its skirt. Mind you contestants, that any forms of cheating will never be tolerated. Negligence of instructions maybe tolerated, but not cheating. That's all. Congratulations SEAU. National Math Competition resumes."
Nagpalakpakan ang mga tao at masayang-masaya si Angelo sa balitang dumating.
Bumalik na sa pwesto si Angelo at si Dimitri ngunit ang nakapagtataka ay habang naglalakad sila... magkahawak ang kamay ng dalawa. Kinakantyawan na ng mga audience silang dalawa ngunit parang hindi pa rin nila napansin na pinagtitripan na sila.
Hanggang sa makaupo na ang dalawa at inannounce na ang instructions, magkahawak pa rin ang kanilang kamay. Dahil sa makulit din ang organizers, nakita na lang ng dalawa sa screen ang dalawang kamay ng magkaibang tao na magkahawak. Nang mapansin ng dalawa ang mga kamay na magkahawak, tumawa pa sila kasi akala nila hindi sila ang magkahawak kamay. Hindi kasi nakikita ang mukha, kundi kamay lang ang nakikita. Nang ipinakita ang mukha, namula si Angelo. Sila palang dalawa ni Dimitri ang nakunan na magkahawak kamay. Agad na kumalas si Angelo at nagtawanan ang mga tao.
Humupa na ang kantyawan at tuksuhan nang magsimula na ang round 2. Hindi pwedeng magkamali sa unang beses sa pagsumite ng answers, kung hindi, malalagay sila sa last priority sa top 33 teams.
Binigay na ang problem. Agad nag-solve ang mga kalahok. Mabilis pa sa alas-kwatro ay nagdraft na ng solution si Angelo. Ang iba ay nag-aanalyze pa. Ten minutes pa lang ang na-consume ngunit tumayo na si Dimitri at Angelo at sinubmit ang kanilang papel. Nang idouble check ng mga organizers ang papel ni Angelo at Dimitri...
"We have our first team to advance to the next level."
Pasok na naman sila. Nagtuloy-tuloy ang kanilang swerte. Sa third level, inverse problem solving naman. Nagsolve si Dimitri.
"Hindi pwede iyan kuya. Mali ang figures mo, check mo ulit." Pagcocorrection ni Angelo habang malagkit siyang tinitignan ni Dimitri. Nagsolve sila ulit at napatunayan ngang mali ang figures ni Dimitri. Nag trial and error lang si Angelo gamit ang kanyan estimate, at sa first try nya lang, nakuha niya ang tamang sagot. Sila na naman ang naunang tumayo at lumapit sa mga organizers.
"We have our first team to the finals."
Sa quiz bowl, mahihirap ang mga tanong. Ngunit pag-rank ng scores, dalawang school ang nagtie. Ang SEAU at ang USABCDEFGHI. Tie break lang ang kulang para matapos ang quiz bowl.
Maraming tie break questions ang tinanong, ngunit parehong tama ang dalawang teams. Dahil nakakabagot na dahil na sa mahigit 32 tie break questions na ang natanong, at wala pa ring champion, nag-isip ng magandang gimik ang organizers. Yes or No lang ang sagot ng mga contestants and in 3 seconds dapat may sagot na sila. First one to raise the answer, then explain.
"Kuya tulungan mo sana ako please." Kinakabahang mukha ni Angelo habang pinatong ang kanyang palad sa hita ni Dimitri.
"Lambingin mo muna ako?" Pagpapacute ni Dimitri sabay hawak ng kamay ni Angelo na nakapatong sa kanyang hita at hinalikan ito.
"Lambing lang pala. Eto oh." Mabilis na tinanggal ni Angelo ang kanyang kamay at sinuntok sa dibdib si Dimitri. Napasigaw naman si Dimitri sa sakit at nagtawanan ang dalawa. Masayang-masaya silang naghaharutan.
"Kaya iyan. 'No' ang isagot mo tapos, prove. Simple. Oral proving lang iyan." Inakbayan ni Dimitri si Angelo.
"Here's the question. Can zero over zero be equals to one?" Tanong ng quizmaster. Walang dali-dali ay inisa ni Dimitri ang "No"
"SEAU, please prove." Pag-acknowledge ng judge sa kanila.
"This is simple. Because a number in numerator can never be the same to the same number in the denominator. For example, the zero in numerator means there is nothing to divide. But zero in the denominator means there is nothing to divide to. Another example, one in the numerator maybe one unit to the denominator. But if the denominator is zero, then absolutely one can never be divided to anyone else. Ultimately, anything divided by zero is undefined. Because zero in the numerator means completely nothing to any number in the denominator, except for zero because you cannot divide something to no one. Because nothing divided to nothing, will always be indefinite. The quality of nothing is only applicable once basis for division is provided. But any unit divided to nothing, well you can't call that a division!"
"DAMN!" Sigaw ng USABCDEFGHI contestants. Hindi sila makapaniwala na natalo sila sa isang simpleng tanong.
"That is correct." Palakpakan ang mga tao.
"May I call on UM, our third placer, to join USABCDEFGHI and SEAU for the awarding."
"Third place, UM. Second place, USABCDEFGHI, and the returning champion, SEAU! Congratulations!" Mabilis na dumaan ang awarding at tinanggap na nila ang kanilang mga medalya. Umiyak-iyak si Angelo. Sinusuntok suntok niya sa likod si Dimitri sa nagawa nila. Pagkatapos ng ilang picture taking, ng media interviews, tumakbo ang dalawa sa office ni dean.
"Ma'am! Ma'am! FIRST PLACE PO!" Sigaw ni Angelo na pinapakita pa ang tropeyo.
"Ha? Paanong? Akala ko ba'y?"
At kinuwento ni Angelo at Dimitri ang mga nangyari sa event.
"Ganoon ba? Pangit naman mag-oovertime ako rito kasi marami pang gagawin. You guys celebrate. Bigyan ko na lang kayo ng budget, you guys have a date."
"Ma'am! Ibabato ko tong tropeyo sa inyo, bahala na kung 50+ na kayo!" At akmang itatapon ni Angelo ang tropeyo kay dean.
"Joke lang. Brutal mo! Heto talagang si Angelo hindi natatakot sa dean." Pabirong umiiling si dean.
"Kasi kayo naman po eh. Nakakainis. Nanalo na nga tayo, nang-aasar pa kayo!" Sumimangot si Angelo.
"Okay. Sige kalma ka na. Eto 2,000. Go somewhere, enjoy yourselves. Have fun. Alis na kayo. Go! I'll talk to you some time."
"Thank you po!" Umalis na sina Dimitri at Angelo.
-----------------------------------
Masayang nagkuwentuhan si Angelo at Dimitri sa pangyayari kanina tungkol sa nangyaring kumpetisyon at di sila makapaniwala na nanalo sila hanggang ngayon.
"Kuya, galit ka pa ba sa akin?" Pag-bago ni Angelo sa topic.
"Hindi na." Patuloy sa pagkain si Dimitri.
"May sasabihin ka sana kuya eh. Naaalala ko. Ano ngayon bakit ka nagtatampo?" Tinitignan pa rin ni Angelo si Dimitri na busy sa pagkain.
"Ah yun? Wala..." Tuloy-tuloy pa rin si Dimitri sa pagkain at hindi man lang tumigil upang tingnan si Angelo.
"Sabihin mo na kasi kuya." Inaalog na ni Angelo si Dimitri. Napatigil naman si Dimitri at tinignan ng diretso si Angelo sa mata, isang malagkit na tingin.
"Wala nga sabi eh. Titigil ka ba o pakakasalan kita?" Banat ni Dimitri kay Angelo para tumigil.
"E bakit ka nagwalk out?"
"Ang kulit naman oh! Sabik ka sigurong pakasalan ako noh? Masakit nga ang tiyan ko nang mga oras na iyon."
"Not believing."
"Really? How about this?" At hinalikan ni Dimitri si Angelo sa pisngi.
Natigilan si Angelo. Nagulat siya. Hindi dahil sa hinalikan siya ni Dimitri sa pisngi sa isang publikong lugar kung saan marami ang nakakakita sa kanila, kung hindi dahil sa naramdaman niya. Nakaramdam siya ng kiliti at kuryente sa sandaling naglapat ang kanyang pisngi at ang mga labi ni Dimitri. Hindi pwede ito. Sa isip niya.
"K-kuya? Para saan iyon? Tangina naman oh." Biglang tanong ni Angelo.
"Friendly thank you kiss iyon. Sa ginawa mo ngayong araw na ito. Di mo alam kung gaano mo ako pinasaya dahil sa event at sa effort mo. Huwag mo sanang mamasamain." Sabi ni Dimitri sabay hawak sa kamay ni Angelo.
"Okay. Una na lang ako sa'yo sa room kuya ha? Sumakit ang ulo ko." Hindi pa rin nawala ang pagkabigla ni Angelo at gusto niya munang iwasan si Dimitri.
"Talaga? Sabay na tayo, babayaran na lang natin ito."
"Huwag na kuya. Okay lang. Enjoy ka diyan. Masama talaga ang pakiramdam ko." Pagdadahilan ni Angelo. Tumayo na ito walang pagdadalawang isip ay tumayo si Angelo at sumakay ng shuttle papuntang dorm. Sa kalapit na restaurant lang naman sila kumain, yung nasa loob lang ng school.
Pagdating ni Angelo sa room, hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Dumiretso siya sa CR at hinarap ang salamin sa banyo.
"Ano ba 'to! Bakit ako nakulangan sa eksplenasyon ni Dimitri kanina?! Bakit ako nakaramdam nang hinalikan niya ako?! Iyon bang pakiramdam na kay Corina ko lang naramdaman. Angelo, bakla ka ba? BAKLA KA BA?! Hindi pwede, hindi pwede. Dapat labanan ko ito. Nakakahiya sa akin, at mas lalong lalo na sa kanya. Baka isipin niyang nagkakagusto ako sa kanya. Hindi! Bakit! Oo! Mahal ko ba siya?! Hindi ko alam... ARGH!!!!!" Sinusuntok-suntok at sinasabunutan niya ang sarili. Pinaandar niya ang tubig at nanghilamos. Tinignan niya ang sariling repleksyon sa salamin at tumatangis na ito.
Dahil sa pagod ng event at gulo-gulo ang isip ni Angelo, napagdesisyunan niyang humiga na muna at matulog. Gusto niyang magpahinga sa rami ng mga nangyari ngayong araw. Humihikbi siyang mahinang naglakad patungo sa kama.
Magpapahinga na sana siya nang napansin niya na nakabukas ang pintuan. Dahil patay naman ang ilaw sa loob ng kwarto nila ay maliwanag ang sinag ng ilaw mula sa lobby. Sinara na niya ang pintuan at binuksan ang ilaw. Nagulat siya sa kanyang nakita. Nandoon na pala si Dimitri sa higaan niya at nakatulog. Kanina pa ba siya dito? Narinig ba niya ang pinagsasasabi ko kanina? Lagot!! Sa isip niya.
"Kuya, kuya!" Inaalog-alog pa niya si Dimitri. Hindi siya mapakali at ginising niya talaga si Dimitri.
"Bakit?" Pakusot-kusot sa mata itong si Dimitri at nagtunog nairita kuno.
"Kanina ka pa ba jan?" Mabilis na nagtanong si Angelo.
"Bago lang, bakit?"
"Nabayaran mo ba ang kinain natin bago ka umalis?" Paglihis ni Angelo sa kanyang kinatatakutan na paksa.
"Oo, shempre naman ano ako kawatan? Ikaw nga ang magnanakaw diyan, ninakaw mo ang puso ko!" Pambabanat ni Dimitri kay Angelo. Isang malakas na suntok sa braso ang natanggap ni Dimitri at natawa naman si Dimitri sa pangungulit kay Angelo. Akala niya ay makikitawa si Angelo, ngunit nakasimangot pa rin ito at parang naiihi ang mukha.
"May narinig ka ba?" Tanong ni Angelo kay Dimitri habang sinuntok ulit ito sa braso.
"Na mahal mo ako? Oo alam ko na iyon. Gwapo kaya ako!" Sabay kindat kay Angelo.
"Huwag ka nga magbiro diyan! Bubugbugin kita. May narinig ka ba?" Sinuntok na niya naman ito sa braso.
"OO NGA NARINIG KO ANG DRAMA MO. ANO BA! ANAKAN KITA DIYAN EH!" Sigaw ni Dimitri sabay haplos sa hita ni Angelo. Natigilan si Angelo.
"Okay lang naman iyon Angelo eh. Alam ko namang yummy ako. Kaya huwag kang mag-alala, marami na kayong naglalaway sa akin." Sabi ni Dimitri habang patuloy siya sa paghimas sa hita ni Angelo.
Hindi nagsalita si Angelo. Hindi niya alam kung nagbibiro ba ito o may narinig nga ba talaga siya. Pero bahala na, wala namang mawawala. Parang nadaganan ng isang truck na graba si Angelo at hindi siya makagalaw. Nanlalamig siya at kulang na lang ay prituhin siya ni Miriam Defensor-Santiago upang uminit balik. Daig niya pa si Napoles sa pagkakaguilty. Nanginginig siya at naiiyak. Di niya alam kung bakit. Nandidiri ba siya sa sarili niya?
Humihikbi si Angelo at dinig na dinig ito ni Dimitri. Hindi alam ni Angelo kung ano ang gagawin. Nawawalan siya ng lakas. Patuloy siya sa pagiyak at humiga na lamang siya sa kanyang kama. Mga five minutes siyang nag-iiyak nang may naramdaman siyang may tumabi sa kanyang likuran.
"Angelo, huwag ka nang umiyak, please?" Humiga si Dimitri sa kama ni Angelo at ipinatong ang kanyang kamay sa braso ni Angelo. Nakatalikod si Angelo mula kay Dimitri.
"Alis ka diyan Dimitri, masusuntok kita. Putang ina." Nadidisturbo ang kanyang pagsasalita dahil sa pag-iiyak.
"Tumigil ka muna sa pag-iyak."
"Isa."
"Tigil ka muna sabi." Niyakap ni Dimitri si Angelo at idiniin ang mukha sa braso ni Angelo.
Mabilis pa sa alas-kuwatro at tinuhod ni Angelo ang bayag ni Dimitri. Napasigaw si Dimitri sa sakit dahil diin na diin ni Angelo ang pagkakasipa. Paika-ikang tumayo si Dimitri at bumalik sa kanyang higaan.
"Ano ba Angelo? Paano tayo magkakaanak niyan? Binaog mo ang asawa mo? Aray naman po!!" Sigaw ni Dimitri. Ngunit hindi na ito sinakyan ni Angelo dahil iniisip niya pa rin kung narinig ba talaga ni Dimitri ang pagsasalita niya sa salamin kanina.
Nakatulog na ang dalawa.
Kinabukasan, dahil parang may tensyon na naman na namamagitan sa dalawa, nagising una si Angelo at maagang iniwan ang dorm. Ayaw niyang makita siya ni Dimitri dahil naiilang siya. Hindi pa rin siya sigurado kung narinig ba siya ni Dimitri o hindi. Alas-sais pa lang ay iniwan na niya ang silid at nag-almusal sa turo-turo sa labas ng kanilang paaralan. Hindi naman siya nag-aalala kay Dimitri kasi araw-araw niyang pinag-iwanan ng pera sa headboard si Dimitri na sakto lamang sa breakfast at lunch. At kung hihingi ng extra para sa project, maliit lang ang sobra na binibigay ni Angelo.
Naupo na siya sa turo-turo nang may tumabi sa kanyang lalaki.
"Tol, musta na kayo ni Dimitri?" Si Gabby.
"Malay ko kay Dimitri?" Sagot ni Angelo habang kumakain na ng lumpia at kanin. Hindi niya man lang tinapunan ng tingin si Gabby.
"Di ba campus couple kayo?"
Naubo si Angelo sa narinig. Kahapon nga lang sila nagkakatensyon ulit, tapos heto breaking news na naman silang dalawa. God, give me a break! Sambit ni Angelo sa kanyang sarili.
"Ha? Tangina, sinong may pakana niyan dahil tatanggalan ko ng mga utong." Matigas na sabi ni Angelo habang masama ang tingin kay Gabby.
"Bakit ba ang init init ng ulo mo? Okay naman kayo ni Dimitri ha!" Tinapik ni Gabby si Angelo sa likod ngunit umiwas si Angelo at dire-direstong nagtanong.
"Di ako bakla Gabby, okay?"
"Hindi ko sinasabing bakla ka Angelo. Sheez. At ano naman ang problema sa pagiging bakla? Crush naman kita, ang gwapo mo po!! Kaya kalma ka, pwede?" Kinurot ni Gabby si Angelo sa baba. Hindi na ito sinakyan pa ni Angelo dahil alam niyang kagaya nila Dimitri at Gio at Tito Jun at Dean Realoso, nang-aasar lang si Gabby.
"Biro biro lang naman iyan eh! Bromance bromance lang naman. Bakit ba affected ka?" Dugtong ni Gabby. Natigilan si Angelo deep down, kasi apektado naman talaga siya. Dahil alam niyang sa kaibutiran ng kanyang puso, unti-unting may nararamdaman na siya para kay Dimitri.
"W-wala! Kumain ka na lang nga diyan Gab! Kung ano ano pang iniisip mo eh!" Sumubo ulit si Angelo at patay-malisya sa presensya ni Gab.
"Bakit ba! Wala namang masama diyan. Actually marami na nga kayong fans." Sabay tapik sa balikat ni Angelo si Gab.
"Wala akong pakialam. Kung gusto nila, sila na lang makipaglandian kay Dimitri. Ayoko." Matigas na salita ni Angelo.
"Teka, nag-aaway ba kayo? LQ haaaa. Benta tol bagay kayo!" Tawa-tawa si Gabby.
"Putang ina mo talaga Gabby. Sinisira mo araw ko eh. Makapag-joke ka sa akin parang ang close close natin!" Pambara ni Angelo.
"Bahala kang magmura diyan, basta ako, boto ako sa inyo. Hahahaha!" Patuloy sa pagtawa si Gabby.
"Magaling naman. Keep up mo iyang boy, flat one ka diyan grabe." Umirap si Angelo at patuloy sa pagkain.
"Bakit kasi di mo na aminin na bagay kayo ni Dimitri. Iyan lang naman. Bakit ba, mahirap ba Angelo? Nahihirapan ba si Dimitring mahalin ka? Kasi pwedeng-pwede ako!" Banat ni Gab kay Angelo.
"Gabby, gusto mong duguin ko yang panga mo? Baka masabunutan pa ako ng may sayad na girlfriend mo sa mga biro mo!"
"Okay, fine. Sorry. Pero itaga mo sa bato, hindi mo iyan malalusutan. Kung kayo talaga ang matatadhana, babae ka man o lalake, kayo talaga. Walang atrasan. Sabi nga nila the more you hate, the more you love. Baka mas mapapabilis pa yata ang proseso. Hmmm." Sumubo na si Gab at nagsimula ng kumain. Hindi na ito pinaunlakan pa ni Angelo.
"Kuya bayad po. Pumangit ang lasa ng lumpia niyo. Pakiluto ulit." Hindi pinansin ni Angelo si Gabby at patuloy sa pagbabayad.
"Angelo, saan ka ba pupunta?" Pang-aasar na tanong ni Gab.
"Sa lugar na bihirang mabigkas ang pangalan niya. Ayaw ko, kaya please tigilan niyo ako." Seryoso at mataray na tugon ni Angelo.
"Wala kang matatakbuhan sa campus. Sorry ka."
"Tingnan natin. Alis na ako. Kita na lang tayo pag hindi na buwisit ang mukha mo. Ikamusta mo na lang ako kay Gio. Umuwi na ba siya?"
"Woi, ano ka ba. May Dimitri ka nga, mag-ji-Gio ka pa?"
"Ewan. Fuck you mo talaga Gabby. Wala na sira na."
At umalis na rin si Angelo. Hindi siya makapaniwala na kalat na talaga sa buong campus ang "bromance" daw di umano sa pagitan nilang dalawa. Hindi naman sa ayaw ni Angelo kay Dimitri, sa katunayan, nagtataka nga si Angelo di ba? Ngunit ayaw niya talagang mahulog sa lalake ng tuluyan. Ayaw niya maging bakla. Hinding-hindi niya mapapatawad ang sarili niya.
Pumasok na sa unang subject sa araw na iyon si Angelo. Dahil maaga siyang pumasok, siya ang unang estudyante sa classroom. Nagbasa-basa muna siya ng notes dahil magdidiscuss sila mamaya.
Isa-isa nang dumadami ang mga tao sa silid. Nagsipasukan na ang iba't-ibang estudyante. Wala naman kay Angelo iyon kasi ganoon naman talaga ang scenario basta't first subject.
Nasa kalagitnaan siya ng pagbabasa nang may lumapit sa kanyang babae.
"Hi Angelo! Crush na crush ko talaga kayo ni papa Dimitri! Matalino na, gwapo na, makikisig pa!"
"Naku, salamat miss. Nambola ka pa." Nahihiyang pasasalamat ni Angelo habang tinitimpi ang sariling sapakin ang babae dahil sa pagbigkas ng pangalan ni Angelo.
"Pero ikaw talaga ang crush ko Kuya Angelo. I'm Anna nga pala. Third year business administration."
"Naku ate, Siguro nasa 19 ka na ano?"
"Oo kuya, paano mo nalaman? How old are you na pala?"
"Naku! 14 pa po ako ate! Hahahaha."
"Ang cute mo namang tumawa Angelo! Mas lalo akong nahuhulog sa iyo! Hahahaha. Pa-autograph nga ng picture mo." At ipinakita niya ang isang litrato.
Nanlilisik sa galit si Angelo nang makita niya ang litrato nila ni Dimitri kahapon. Nakacollage ito. Ang isa ay iyong nakahawak siya ng kamay kay Dimitri, at nakapikit siya, ang isa ay noong niyakap niya si Dimitri at umiiyak sa kanyang leeg, ang isa ay iyong kahit nakaupo na sila ay magkahawak kamay pa rin sila, ang isa ay noon yumakap siya kay Dimitri at binuhat siya, at ang isa ay ang paglapit ng kanilang mga mukha pagkatapos nilang madeklarang champion sa National Math Competition.
"Pirmahan mo na Angelo Pogi, please please please!" Huwag ka nang magtaka sa kagwapuhan mo.
"Ate, saan ka kumuha ng mga litratong ito?" Mabilis na tanong ni Angelo.
"Umm, hello? Ako kaya ang nagkuha niyan!" Maarteng sagot ng babae na parang konyo lang.
"Paano mo naman nalaman ang tungkol sa NMC na halos walang pakialam ang lahat ng tao dito sa event na iyon?"
"Angelo, business ad student ako, kaya may math din kami. Sige na please pirmahan mo na gwapo. Kung hindi aagawin kita mula kay Papa Dimitri sige ka."
"Hay naku miss, pipirmahan ko talaga, pakiagaw na lang ako mula sa kanya, please lang." Pinirmahan ito ni Angelo gamit ang kanyang pentel pen.
"Sigurado ka ba diyan? Parang gusto mo nga si Papa Dimitri eh!" Pagtukso ng babae habang dahan-dahan nang naglakad palayo kay Angelo as soon as natanggap niya ang litratong pinirmahan ni Angelo.
Akala ni Angelo iyon lang ang magpapapirma sa kanya, marami palang sumunod kay Anna! Mapa babae o lalake, nakikipicture kay Angelo. Ang isa nga ay pinapipirma ang kanyang puting t-shirt. Hindi aakalain ni Angelo na para na siyang artistang turingin ng mga kaklase niya.
Pumasok ang professor at nagklase sila. Pagkatapos ng klase ay major subject na nila. Pumasok siya sa mass comm lab nila at nakita niya ang kanyang mga kaklase na nakakatukso ang tingin.
Lumapit si Laurel kay Angelo at nakipagkuwentuhan.
"Balita ko nanalo raw kayo kagabi."
"A-ah? Oo. Hihi."
"Alam mo ba na kadalasan sa mga sumali doon ay mga gurang na, second degree o kaya'y master's?"
"Oo alam ko po."
"Kaya genius ka talaga Angelo. Wala nang makakapantay sa talino mo. Idol na talaga kita."
"Hindi naman Laurel. Nambobola ka pa, wala akong piso ano ka!"
Tawanan.
"Ahh, Angelo? Ayos lang ba sa'yo na sumabay ka sa amin sa lunch? Para at least bonding ba. Hindi ka kasi namin nakasama at nakabonding dahil emo na emo ka noong first sem."
"Okay lang naman po. Saan ba kayo kakain?"
"Saan gusto mo? Fastfood? Halata kasing pangsosyalan ang taste mo eh."
"Hindi ha! Allowance lang iyon. Turo-turo lang sa akin, solve na."
"Magaling, turo-turo lang din kami!"
"Sige, see you later!"
Isang oras ang dumaan at natapos din ang lecture.
"Angelo, halika na!" Ani ni Laurel. Tumango lang si Angelo.
Sabay nang naglakad si Angelo at Laurel patungong labasan ng eskwelahan. Habang naglalakad sila ay pansin nila ang mga tingin ng mga taong nakapaligid sa kanila. Hindi maiwasang mailang ni Angelo kasi nga hindi pa siya sanay.
Nakaabot na sa turo-turo sina Laurel at Angelo. Umorder na sila ng pagkain at nagsimulang ngumuya.
Habang kumakain sila, napapansin ni Angelo ang mga lalaki sa kabilang mesa na panakaw ng tingin sa dalawa. Tinitigan lang ito ni Angelo.
"Siya nga pala Laurel, nasaan ang iba nating mga kaklase?"
"Ay, hindi nga pala sila makakapunta kasi may project sila."
"First week ng second sem, may project kaagad?"
"Oo, terror ng prof nila noh?"
"Ah. Ikaw kamusta ka naman Laurel."
"Ayos lang naman talaga. Enjoy naman sa course ko kahit medyo may kahirapan. Ikaw ba?"
"Hindi masyadong maayos. Bakit ba naman kasi nilang ginagawang couple kami ni Dimitri."
"Dimitri? Iyong tiga-Fine Arts? Oo, narinig ko nga ang bromance niyong dalawa. Bagay naman kayo eh. Fan niyo nga ako!"
"Naku Laura! Pati ba naman ikaw?"
"Bakit Angelo? Okay lang naman iyon. Sure naman akong trip trip lang ng mga estudyante iyon. Pareho naman kayong lalake gumalaw. Mas masarap lang talaga ang muscles niya kaya sorry ka teh! Actually mas lalake ka pa nga sa kanya. Pero pipiliin ko siya kasi ang sarap niya talaga grabe! Pareho kayong gwapo, ikaw moreno, siya maputi. Pareho kayong matalino, ikaw marunong magsalita at sa kung ano-ano pa, siya forte niya ang pagpipinta at kung ano-ano pang butingting. Pares pares lang naman iyan, isang katuwaan na binigyang kulay upang may mapagkukunan ng tuwa. Pinapares kayo kasi pareho kayong boyfriend material. Tapos medyo close pa kayo. Tapos roommates pa talaga kayo. Kaya chill ka lang okay? Except kung may nararamdaman ka nang katotohanan sa pagitan niyo." Seryosong tinignan ni Laurel si Angelo.
"Baki kasi isipin nilang-"
"Bakla ka? Naku Angelo, Sigurado akong hindi kayo bakla. At saka kung magiging bakla kayo, ano namang meron? Wala namang masama di ba? At least mas gwapo kayo at wala kayong ginagawang masama, kaysa sa ibang straight diyan na puro papaiyak lang sa babae ang nalalaman. Tapos, hindi naman masyadong kagwapuhan."
"Pero-"
"Wag kang mag-alala Angelo okay? Kung maging totoo man iyang biro biro, na gusto niyo ang isa't isa, hindi iyang nakakabawas ng pagkatao niyo. Isipin niyo lang na basta't wala kayong ginagawang masama, hindi kayo nananakita ng kapwa, okay na iyon. Tsaka kung magbreak man kayo, pakalalaki ka ha? Para mainlove ka naman sa akin." Sabi ni Laurel na may patawa-tawa pa.
"Hay naku Laurel. Puro ka biro."
"Hindi naman. Mataas pa rin ang respeto ko sa iyo. Wag mo na ngang isipin kung ano'ng iniisip ng iba. Isipin mo kung anong gusto mo."
Bumalik sila sa pagkain nang lumapit ang mga lalaking kanina pa panakaw ng tingin sa kanila.
"Tol, ikaw si Angelo di ba?"
"Oo. Bakit, anong atin?"
"Congratulations nga pala, kapapanalo niyo lang kahapon ng hubby mo."
"Hubby?" Nagulat si Angelo sa tawag nila kay Dimitri.
"Oo, hindi mo pa ba narinig? Kayo ngayon ang number one couple uy!"
"Ha? Saan?"
"Nagmamaang-maangan ka pa diyan eh! Tingnan mo na lang sa student lounge website. Tol, alam ko sa sariling straight ako. At boto ako sa inyong dalawa, ano mang mangyari. Sana tropa ko kayo."
Hindi na ito pinansin ni Angelo, dali-dali siyang tumayo, nagbayad, at tumakbo.
"ANGELO, SAAN KA PUPUNTA?!"
"Sa library lang Laurel!"
Nakaabot si Angelo sa library at pumunta sa website ng student lounge. Expectedly, sila na naman ang headline: SEAU grabs NMC's title after 31 years! (Thanks to Dimi-Gelo love team)
May iba pang news na ganito ang title:
Is love and inspiration a good variable in solving equations?
Learn Maths and love with SEAU's hottest bromance: Dimitri and Angelo!
Tinignan rin niya ang side tabs at nakita niya ang isang poll:
VOTE FOR YOUR HOTTEST LOVETEAM!
1. Miranda and Clyde - 6.52% votes
2. Gab and Corina - 0.76% votes
3. Angelo and Dimitri - 10.47% votes
4. Angelo and Dimitri forever <3 - 82.25% votes
SEAU vote now and we will announce the hottest love team on student's night!
Ngunit naguguluhan si Angelo. Hindi naman talaga kasi sa hindi niya gusto ang mga pangyayari, in fact parang gusto niya at nakukulangan pa siya. Iniisip niya kung bakit ayaw niya ba talaga, pero parang liberating ang dating sa kanya. Masasabi niya ngayon na parang lonely siya kapag wala si Dimitri, pero handa na ba talaga siyang suungin ang kakaibang pagmamahalan at pagkatao?
Okay. Dimitri. Nahuhulog na ako sa'yo pare. Pero hindi muna ngayon. Please? Hindi pa ako handa. Iyak ni Angelo sa loob. Tinitignan niya pa ang mga facebook page na ginawa ng Fine Arts Society. Nakapost doon ang mga obra ng mga tiga-fine arts society kung saan nandoon ang picture na nakaholding hands umano sina Angelo at Dimitri, iyong picture pa na umiyak si Angelo sa balikat ni Angelo, nakasandal habang umiiyak at nagholding hands pa, andoon ang unang kita ng mga tao sa kanila - sa dorm kung saan nagsisigaw sila na nakaboxer shorts at t-shirt lang si Angelo at nakatuwalya lang si Dimitri.
Pumunta rin siya sa youtube at nakita niya ang iba't-ibang parody ng mga tiga-SEAU kung saan ang dialogue ay iyong mga pinagsasasabi nila nang bagong dating pa sila sa dorm, yung nagsisisigaw sila sa lobby ng dorm.
Napili ni Angelo ang isang video at pinlay ito.
"ANGELO, PLEASE! I'M SORRY! HINDI KO NA GAGAWIN ULIT YUN!" Nagsisisigaw si Dimitri sa lobby.
"DIMITRI, NO! NAGKASALA TAYO! WAG NA NATING DAGDAGAN!" Pasigaw na sagot ni Angelo na di man lang nililingon si Dimitri.
Sa puntong iyon ay pinagtitinginan na sila ng mga tao sa lobby. Una, dahil si Dimitri nakatapis lang ng tuwalya. Ikalawa, dahil nagsisigawan na sila.
"ANGELO! HUMARAP KA NGA SA AKIN!" Hinila ni Dimitri si Angelo para tumalikod. Nagtagumpay si Dimitri sa paghila kay Angelo. Buong lakas niyang pinatalikod si Angelo, at ngayon magkaharap na sila.
"I'M SORRY OKAY?! NORMAL LANG IYON SA ATIN. ANO KA BA?" Ang dalawang kamay ni Dimitri ay nasa magkabilang balikat ni Angelo.
"NORMAL? FOR YOU YES. PERO SINAYANG MO LANG ANG TRUST KO DIMITRI. HINDI PA NGA AKO HANDA, BINUKSAN MO NA AGAD? WOW LANG! BINASTOS MO AKO! UGH!" Sigaw ni Angelo habang pilit na tinatanggal ang mga kamay ni Dimitri sa kanyang balikat.
Lumapit na ang babae sa information desk sa kanila.
"Mga sir, baka pwedeng sa ibang lugar niyo na lang po pag-usapan ang love quarrel niyo..." Mahinang pag-aalo ng babae sa dalawa.
Nilingon ni Angelo ang babae. "Miss? LOVE QUARREL? Ano bang iniisip mo miss ha?"
"Baka sir hindi mo pinagbigyan si sir sa'yo ngayong gabi kasi hindi ka pa... handa? Sabi mo lang kanina? Naku sir mga babata pa kayo, gumaganyan na kayong dalawa ni Dimitri. Sana naman po nagbihis kayo kahit papaano! Naka-boxer shorts ka lang tapos iyong kasama niyo nakatuwalya lang. May room naman po kayo sir eh." Nahihiyang pakiusap ng babaeng taga information desk.
"NO ATE! THAT'S NOT THE CASE!" Sigaw ni Angelo sa babae.
"SO WHAT IS? MY GOD ANGELO, HINDI NAMAN TAYO MAG-IILANGAN SA MGA BAGAY KAGAYA NOON, SIYEMPRE ROOMMATES TAYO. THINGS LIKE THOSE HAPPEN!" Sigaw ni Dimitri kay Angelo.
Patuloy sa pagsisigawan ang dalawa. Bilang isang taong nasa lobby sa mga oras na iyon, parang double-meaning talaga pakinggan ang conversation nila. Kaya pinagtitinginan na sila ng mga tao. Lovers' quarrel daw sabi pa ng iba. Pinag-uusapan na sila at inakala ng mga tao na magnobyo talaga sila.
Dahil malilikot ang kanilang kamay at nagtuturuan na sila, nadaplisan ni Dimitri ang kanyang tuwalya. Nalaglag ang kanyang tuwalya at tumambad ang boxer shorts na kanyang suot. Natigilan silang dalawa. Hindi na pinulot pang muli ni Dimitri ang tuwalya upang ibalik sa pagkakapulupot nito dahil busy siya sa pakikipagsigawan kay Angelo.
Bumaba ang tingin ni Angelo sa gitnaang bahagi ni Dimitri. Nagulat siya hindi dahil sa nalaglag ang tuwalya. Kundi...
"DIMITRI NAMAN OH BOXER SHORTS KO YAN!" Sigaw ni Angelo.
Natawa si Angelo. Ngayon niya lang naisip na ang sagwa palang pakinggan ng kanilang pinag-usapan ni Dimitri noong nalaman niya na magroommates pala sila. Natutuwa si Angelo kasi nakakatawa pala talaga ang kanilang pinag-usapan noon kung hindi talaga alam ng tao ang totoong pinag-usapan.
Binuksan ni Angelo ang kanyang profile at ginawa niyang profile picture ang pagkapanalo nila ni Dimitri. Magkadikit ang kanilang mga mukha at halatang masayang-masaya sila sa karangalan na kanilang natanggap. Sa gilid ng kanilang mga masasayang mukha ay ang kanilang tropeyo at mga medalya.
Nasa ganoon siyang pag-iinternet nang mapansin niyang may naglike at nagcomment.
Dimitri Valiejo likes your profile picture.
Dimitri Valiejo posts a comment on your profile picture: "<3"
Aaminin ni Angelo, kinilig siya sa comment ni Dimitri, at mas lalong-lalo na sa comment niyang heart. Hindi mapagsidlan ang kilig na nararamdaman ni Angelo sa mga oras na iyon.
Binuksan niya ang kanyang friend request at nakita niyang inadd siya ni Dimitri. Hindi pa pala sila friends. Inaccept ito ni Angelo. At mas nagulat pa siya sa sunod niyang nakita: Nagkaroon siya ng 4,539 friend requests. Dahil busy pa siya sa ngayon, si Dimitri muna ang inaccept niya. Ngunit napagod din siyang isa-isahin silang lahat, inaccept niya lahat.
Sunod na dumami ang mga naglike sa kanilang profile picture.
Nagcomment ulit si Dimitri sa profile picture ni Angelo.
Dimitri Valiejo: Pa-copy ako asawa ko ha?
Gel Monte: Asawahin mo yang mukha mo.
Dimitri: Bakit naman, e anjan ka na? It has always been you eh... :(
Parang paputok kung maglike ang mga bagong accept na mga friends ni Angelo. 3,210 ang naglike sa profile picture niya, at mahigit isang libo ang naglike sa mga comment nila profile picture.
Tuloy si Dimitri sa pag-cocomment sa profile picture ni Angelo.
Gel: Kainis ka talaga Dimitri, bubugbugin kita pag dating ko sa dorm room.
Dimitri: Bakit mo naman ako bububugin? Warm up ba para sa gagawin pa natin after? :>
Gel: Baboy mo pare. Pakamatay ka.
Dimitri: Ayoko nga. Mas gusto kong mabuhay para sa'yo! :>
Gel: Huwag ka na nga magcomment dito. Sapakin kita jan eh
Dimitri: Huwag naman, gagawa pa tayo ng bata este, project di ba?
Gel: UGH!
Dimitri: Huwag ka munang magpractice umungol, wala pa nga eh!
Gel: TANGINA MO!!!!
Dimitri: Napamura ka pa! Bakit enjoy ba ang orgasm habang kachat mo ako?
Gel: Block na lang nga kita!
Dimitri: Hindi mo yan magagawa kasi mahal mo ako
Gel: Tapos ikaw ang panay ng banat sa akin? Hmm...
Dimitri: Ganyan kita ka <3
Gel: Bahala ka nga jan tol
Dimitri: Uy. :(
Gel: .
Dimitri: Sorry na. :(
Dimitri: Angelo? Sorry na...
Dimitri: Saan ka ba ngayon? Bakit wala ka sa dorm?
Gel: Dimitri bakit mo ba ginagawang chatbox ang prof pic ko.
Dimitri: Corrections: *KUYA Dimitri *prof pic naten
Gel: ?
Tinignan ni Angelo ang profile picture ni Dimitri, pareho pala sila ng profile picture. Maraming nagcomment sa profile picture ni Dimitri:
A: Wow! Bagay kau kua!
B: Perfect!!
C: Destiny!!
D: Pakasal na kayo bukas plz!
Dimitri: Oo, ikaw ninang ko ^
D: Mangloloko ka, birthday mo nga kinalimutan mo ako!
E: Bakit ang guwaguwapo nio tol!! Penge punla niyo ilalagay ko sa gf ko para gwapo naman lahi namen! PAngit ko kc!!
F: Threesome tau plz! dejk
G: Kayo na sana forever plzzzzzz
Kinilig si Angelo sa kanyang mga nabasa. Ngunit hindi pa talaga siya handa. Ayaw niyang magmukhang tanga sa kilig kaya napagpasiyahan na niyang maglog-out.
Nag-log out na siya at bumalik na sa dorm. Dumaan muna siya sa coffee shop upang bumili ng kape. Nauumay kasi siya sa bawang na kinain kanina sa turo-turo. Doon niya nakita si Dimitri na may kasamang babae. Masaya silang nagkuwekuwentuhan. At ang babae ay panay sa paglalandi kay Dimitri, at nagpaubaya naman si Dimitri.
Natigilan si Angelo. Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Parang may bombang sumabog sa kanyang dibdib na nagkalat lahat ng laman niya at gusto niya buuin isa-isa ngunit wala siyang sapat na lakas na gawin ito. Nasasaktan siya.
Hindi niya namalayang pumatak na pala ang kanyang luha.
Nagseselos siya. Nasaktan siya sa kanyang nakita. At di lang iyan...
Mahal na niya si Dimitri. Bakit Dimitri? Nakatayo lang siya sa labas ng coffee shop, pinagmamasdan sa malayo ang kanyang taong minamahal habang pumapatak ang tubig ng kalungkutan mula sa kanyang mga mata.
Itutuloy.
Gapangin mo ako. Saktan mo ako.
nakakakilig naman po. nagkakamabutihan naba yung asot-pusa? dahil sa halik ni dim natauhan si gel haha. nagtataka lang ako, pinalaking mabuting anak si gel, bakit ganun nlng sya kung magmura. ke bata-bata pa pero ang tunog tunog kung makapagmura.
ReplyDeletebharu
Pinalaki naman siguro siyang mabuting anak, hindi naman siguro mabuting pari? Hahahahahah, thank you po! :))
DeleteWow. Kilig naman. Hehe.. galing mo talaga mr. Author. Keep it up. Kaabang abang lagi.
ReplyDeleteThank you po! Sisikapin ko pong mas maging kaabang-abang ang mga susunod na tagpo. Thank you po! :))
DeleteAw. </33
ReplyDeleteOkay na sana ee. XD But, as the saying goes by ...
ang mga bagay na madaling makuha ..
ay ang mga bagay na madaling mawala.
OHA! kaya pahirapan. XD
Thanks for making up my day Mr. author!
I really really really love this story.
Nux naman po, nangaral ka pa! Huehue, dejk lang. Thank you po! :))
DeleteFuck Bitin!!!!! Sana may moment din si Gio at Gel "GiGel"
ReplyDelete-Hiya!
But wait! There's more... Chill lang po. :))
Deletehahaix ganda talaga ng story hehehe pro mas na bitin ako eh :-)
ReplyDeleteFranz
Thank you po! Sana magustuhan niyo ang mga susunod na chapters! :))
DeleteWow! Kilig much! Ang ganda!
ReplyDelete-hardname-
Salamat po! :))
Deletesuper ganda ng story... can't wait for the following chapters... so excited.. keep it up mr. author...
ReplyDeleteThank you po! :))
DeleteKinikilig ako! Tangina I like this so much! Will wait for the next chapters.
ReplyDeleteNaiimagine ko si Angelo ang nagmura nito. Hahaha, salamat po! :))
DeleteKeep up the great work author! Kaabang abang ang story mo, nakakapagisip talaga kng sino sino yung mga nsa teaser. Haays at ang haba ng bawat chapter, galing!
ReplyDeleteOps! Di pa tayo sure... Marami pa ang mga mangyayari. Hahaha, salamat po! :))
DeleteAmazing story !!! More pls!!! <3
ReplyDeleteYan ang mahirap eh! Gusto mong iwasan at ayaw mong papaniwalain ang puso mo na may nararamdaman ka pero pag nakita mo ung tao na may kasamang iba eh bigla kang may mararamdamang sakit sa dibdib mo. It happens!
ReplyDeleteWhat an wonderful post. Thank you for the post.Grey Office Furniture For Sale
ReplyDelete