Followers

Sunday, November 10, 2013

Gapangin mo ako. Saktan mo ako. [Chapter 02]



Teaser | 1

Note: Magandang araw sa lahat! Ito na po ang Chapter 2. Maraming salamat po sa mga nagkomento at sa mga magkokomento pa sa kuwento. Maraming salamat din po sa pagbabasa! Maraming salamat po!

Disclaimer:


1. Ang larawan ay hindi ko pag-aari. Ginamit ko lang ito para may visual representation ang mga character sa kuwento. Kung meron man ang na-ooffend sa larawan, paki-e-mail po ako at tatanggalin ko ang larawan asap.

2. May mga pangalan ng tao, bagay, o establishment na po akong imemention sa chapter na ito. Nais ko lang pong ipaabot na kung meron man pong na-ooffend sa mga pangalan na namention ko sa chapter na ito, conincidence lang po iyon at walang anong iba pa. Fiction po ang kwentong ito, at kung may pagkakahawig man sa totoong buhay ni kanino, nais ko pong magpaumanhin sa pagkakapareho.

E-mail address: comegetmycookies@gmail.com
Facebook account: www.facebook.com/boy.cookies.16 (Boy Cookies)

Sana po magustuhan ninyo ang kuwento. Maraming salamat!


--- 
Chapter 2



Malapit na rin matapos ang first semester ng first year ni Angelo.

Oo, tama kayo, nakapag-aral si Angelo at si Gio. Akala niyo hindi makakapag-aral si Angelo ano?

Paano?

Mahigit pitong buwan na ang nakalipas nang makauwi sina Angelo at Gio galing sa racket nilang pag-aatupag ng mga inumin. Pag-uwi ni Angelo sa kanila, mayroon pala siyang bisitang hindi inaasahan.

Nakita niya ang magarang sasakyan sa tapat ng barong-barong nila. Kulay light blue, maganda at parang milyones ang bilihan.

Nagtaka si Angelo kung bakit may sasakyan na naka-park. May bisita ba? Siguro magpapalaba lang kay nanay. Sa isip niya.

Nasa tapat na siya ng pintuan at hinubad na niya ang kanyang sapatos. Papasok na sana siya ng sala nang...

"NAY! ANDITO NA PO AK-"

Hindi nakapagsalita si Angelo sa kanyang nakita. Oo, totoo. Nagulat siya at nanigas ang buong katawan niya.

"Uy, andito na pala ang inaantay namin." Bati ng isang lalaki habang tumayo at pumalakpak.

Kitang-kita ni Angelo ang lalake, kilalang-kilala niya ito. At hindi siya nagkakamali. Malamig ang kanyang mga kamay at hindi siya makagalaw sa sobrang kaba. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib at mistulang may mga paru-parung gustung kumawala sa kanyang sikmura.

Nanlaki ang kanyang mga mata. Sa higit dalawang minuto ay nasa tapat lamang siya ng pinto ng bahay nila at pinagmamasdan ang lalaking nasa harap niya. Kinusot niya ang kanyang mga mata at baka siguro nagkamali lang siya o baka kaya'y namalik-mata lang siya.

Ngunit mali, totoo talaga ang bisitang kanyang nakikita.

"M-Magandang gabi po sir.. B-Bakit p-po kayo nand-dito?" Utal utal na pagsasalita ni Angelo na nagpapahiwatig ng pagkakaba niya.

Tumawa lang ang lalake.

"Bakit hijo? Ayaw mo bang makita ako?"

"H-Hindi naman po sa ganon." Pumasok si Angelo habang pinagmamasdan pa rin ang lalaki. Matanda na ito nasa mid-40's. Ngunit hindi mo mahahalata na masyado na siyang matanda dahil sa kanyang tindig at postura. Well-modulated ang kanyang boses at maingat gumalaw, ngunit hindi malamya.

Hinila ni Angelo ang silya at umupo kaharap ng lalaking bisita.

"H-Hindi ko lang naman p-po inaasahan na mapapalagi kayo dito. Ano po palang atin?"

"Kilala mo pala ako ha, magpapakilala pa ba ako?" Tumawa ang lalaki at umupo.

"O-Okay lang naman po. Kayo ang bahala." Kinakabahan pa rin si Angelo. Na-starstruck siya sa kanyang nakita.

Inilahad ng lalaki ang kanyang palad upang makipagkamayan.

"Jun Salviejo, NGC Broadcasting Corp., field reported, broadcast director, department head."

"A-ako nga pala si Angelo Montemayor, 14 years old po."

Hindi makapaniwala si Angelo na kaharap na niya ngayon ang idolo niyang tagapag-ulat. Araw-araw nanunood ng balita itong si Angelo upang mapag-aralan ang basics ng pagiging isang reporter mula sa kanyang idolo. At ngayon, nasa bahay na niya ang kanyang idolong reporter. Face-to-face encounter pa!

"Jun, dito ka na lang maghapunan?" Pag-imbita ni Aling Martil habang papasok ng sala.

"Huwag na Martil, iimbitahin ko lang itong si Angelo na maghapunan sa amin. May mahalaga akong sasabihin sa kanya. Seryoso."

"O sige ikaw bahala." Si Aling Martil. Ngumiti ito kay Angelo habang naghuhugas ng plato.

"Kuya andito ka na pala!" Bati ng isang bata na patakbong lumapit kay Angelo. Nakabuka ang mga braso at magpapayakap sa kanyang kuya.

"Uy, may kapatid ka pala. Anak ba ito ni Martil?" Tanong ni Jun habang nakangiti. Tuwang-tuwa siya sa bata.

"A-ay, hindi po. Pinsan ko po siya. Iniwan ng nanay niya nang mga 3 years old pa siya. Inampon po siya ni nanay. Totoong anak po ang turing ni nanay sa kanya. Bati ka na kay Tito, Angela." Sabi ni Angelo at hinalikan ang batang babae sa pisngi.

"Hello po manong, ako po si Angela. 7 years old, grade 5 na po ako sa susunod na pasukan!" Ngumiti ang batang cute habang kumakaway kay Jun Salviejo.

Tuwang-tuwa si Jun kay Angela. Makulit si Angela, palatawa, at nakakahawa ang kanyang kasiyahan.

"Ang aga naman mag-grade 5 nitong pinsan mo Angelo?" Tanong ni Jun.

"A-Ah, opo. Tatlong year level po kasi ang advancement niyan."

"Talaga?"

"Opo. Nakakasabay naman siya sa mga kaklase niya noong nakaraang pasukan. Ayos naman po. Hindi siya nahihirapan."

"Matalino pala, katulad mo. Siya nga pala, andito ako upang sunduin ka kasi maghahapunan tayo. May pag-uusapan lang tayong seryoso."

"Magpapaalam po muna ako kay nana-"

"Huwag na. Napagpaalam na kita. Payag naman nanay mo." Tumayo si Jun Salviejo at hinila na si Angelo para tumayo. Napilitan tumayo si Angelo at nagpaubaya na lang kay Jun.

"Kayo po bahala. Nakabihis racket pa po kasi ako eh, ayos lang ba?" Nag-aalangan pa rin si Angelo na sumama kay Jun.

"Walang problema yan. Ano ba racket mo kanina?"

"A-ay, nakikisabay lang po sa bestfriend ko. Dawit lang naman po. Sa catering po kanina sa Grand Hotel. Nag-convention po kasi iyong NGC Broadcasting Corp. kanina."

"Ah! Oo nga pala. Hindi ako lumahok kasi ayaw kong makipag-plastikan sa CEO. Not in good terms kasi kami. Masyadong arogante."

"G-Ganoon po ba?"

"O siya tama na ang usap usap. Halika na." Sabay hila nang pagkalakas-lakas kay Angelo.

"Kuya, saan po ba kayo pupunta ni Tito?" Paglalambing ng bata.

"Kakain lang kung saan baby. Dito ka na lang kay nanay ha? Importante daw itong sasabihin ni Tito Jun mo eh."

"Okay po. Ingat po kayo palagi." Hinalikan ni Angela si Angelo at Jun. Lumabas na si Angelo. Nang patungo na sila sa labas ng bahay ay nandoon sa tapat ng kalsada si Martil nagbebenta ng mangga.

"Martil, kukunin ko lang tong anak mo ha? Uuwi rin kami mamaya bago mag alas-dyis."

"Sige pare. Ikaw na bahala. Anak, pakabait ka kay Pareng Jun ah?"

"Opo nay." Sagot ni Angelo.

Binuksan na ang sports car na mamahalin na naka-park sa tapat ng bahay nina Jun. Hanggang ngayon di pa rin makapaniwala si Angelo na nakikita niya ang idolo niyang reporter. SWERTE KO GRABE!! SHIT!!

Nakapasok na ang dalawa at pinaandar na ni Sir Jun ang sasakyan. Ngunit naguguluhan si Angelo. Bakit magkakakilala sila ni inay? Bakit parang kilalang-kilala nila ang isa't-isa nang lubusan?

"Ummm, Sir Jun." Pambungad ni Angelo.

"Tito Jun na lang Angelo." Tugon ni Jun habang patuloy sa pag-dadrive.

"Tito Jun, magkakakilala na po ba talaga kayo ni inay?"

"Ah, hindi. Kanina lang kami nagkakakilala. Ayos din nanay mo eh. Parang di babae. Astigin."

"A-Ah, ganoon po ba." Hindi na-satisfy si Angelo sa sagot ni Jun ngunit hindi na niya inalam pang maigi.

"Magkuwento ka naman Angelo." Aya ni Jun.

"Tungkol saan po tito?"

"Sa buhay mo, high school."

"S-sige. Nagtapos po ako ng high school sa Philippine Integrated High School."

"Tapos? May honor ka bang natanggap?"

"Ah, eh. Yun po ba? Nakakahiya naman po."

"Okay lang iyan. Meron ba?"

"Swerte naman po at naging Valedictorian."

"Matalino ka pala?"

"Di naman po."

"Balita sakin ng nanay mo, nakapunta ka na raw sa New Zealand, Canada, UK, Singapore, Zimbabwe, Australia, at kung saan saan pa about debate?"

"Ah, oo po. Wala naman talaga kaming pera tito. Nagpapa-fund lang sa DepEd, o di kayay sa DFA, o di kayay sa mga NGO."

"See? Bukod sa matalino na, maabilidad pa!"

"Hindi naman po."

"Nagpapakumbaba ka pa diyan eh."

Tawanan.

"T-tito, bakit po pala kayo nandito sa probinsya? Di ba taga-Maynila kayo?"

"I was about to attend a convention, right?"

"Yes, of course tito. What I mean is that, why your company and you really have to go all this way just to hold a company event? Couldn't it be in some fancy event centers you have in the city?"

"I actually suggested to make that event low-profile. Grandyaryo, yung CEO namin, wanted it to be widely-known. It didn't really have to. It's a company meeting for great's sake. And if we are going to hold it somewhere else in Manila, that would be total chaos. Media outlets would swarm down and make the event high-profile, which I think isn't necessary. That was why."

"Okay."

"And to bring news as well."

"Of course tito, you're a reporter."

"Not that type of news, I meant another news. A news about you." Ngumiti si Jun kay Angelo.

Naguluhan si Angelo sa sinabi ng idolo. Hindi na niya pinaunlakan pa at humarap na lamang siya sa bintana, pinagmasdan ang iba't-ibang kulay ng mga ilaw sa gabi na naglalaro sa madilim na kalye.

Hindi namalayan ni Angelo na nakatulog na pala siya.

"Angelo... Angelo. We're here." Paggising ni Jun kay Angelo.

Nagising si Angelo at nakita niya ang isang malaking bahay na may limang palapag. Bumaba siya ng sasakyan at tinitignan ang paligid. Namangha siya sa laki ng bahay. Parang isang kastilyo ang ganda ng bahay na kanyang nakikita ngayon.

"Is this your property tito?"

"Yeah. This is exclusive to me and my family, and to recognized visitors as well."

"Hanep sa laki tito ha. Parang isang subdivision na!" Tuwang-tuwa si Angelo.

"Ano ka ba, binola mo pa ako eh! Pasok ka na sa bahay. Lock ko lang itong sasakyan." Tinapik ni Jun si Angelo sa balikat. Nakuha naman ni Angelo ang gustong ipaabot ni Tito Jun.

Lumakad si Angelo patungo sa main door ng bahay nila Tito Jun. Malaki talaga ang bahay, parang kastilyo. Kulay brown ito at malinis ang paligid. Ang lawn ay napapalamutian ng malinis na pagkaka-cut na mga damo at isang fountain na nag-iiba ang kulay ng tubig dahil sa ilaw.

"Magandang gabi po sir. Bisita po ba kayo ni Sir Jun?" Bati ng isang katulong.

"Ah? Oo yata manang. Wag na lang po iyong "po" at "sir". Nakakahiya po." Nahihiyang pakiusap ni Angelo.

"Sige, walang problema. Ako si Amanda, tatlumpu't taong tagapamahala ni Sir Jun sa kanyang bahay. Pasok po kayo at nakahanda na ang hapunan." Ngumiti ang matanda sa kanya.

"Salamat po."

Pumasok siya at mas namangha siya sa disensyo sa loob ng bahay. Parang isang building ang laki ng interior ng bahay, hayop sa ganda at kulay. Moderno ang pagkakaayos ng mga gamit at malawak ang espasyo. Siguro kahit dalawampung bahay nila Angelo ang nasa loob, mas malaki pa rin ang bahay nila Tito Jun.

"Halika na Angelo. Doon tayo sa dining table. Manang Amanda pakitawag na po si Junior." Hinila siya ni Tito Jun papasok at pinaupo sa hapag kainan.

"S-sir este T-tito... Ang laki naman po ng bahay niyo, ilang silid po ba ang nandito?"

"25. Isang master's bedroom, dalawang single room. limang guest room. dalawang maid's quarter, living room, dining room, music room, AVR, theatre, radio operating room, dalawang study room, dalawang computer area, isang dance studio, isang arts studio, bar, gym, swimming pool and jacuzzi room sa labas. Meron ding kitchen at garden. Ang workshop nasa labas."

"Ang dami naman pong rooms. Ilan po ba naman kayo?"

"Kami lang dalawa ng anak ko."

"Po?"

"Oo."

"Tapos kayo pong dalawa di ba kadalasang nasa Maynila?"

"Yeah, may work ako doon, tapos doon din siya nag-aaral."

"So ano pong silbi ng bahay niyo dito?"

"Ginagamit naman ito ng iba't-ibang universities and schools. Kaya nga lang, they have to rent per rate. This is the way I pay my maids without getting it out from my paycheck. Hassle kasi. And nirerequire ko rin ang dalawang maintenance for aftercare and assistance kung lilinisin na ang mga ginamit. Sa music room, mga Music Majors from different universities utilize them. AVR and Mini-theatre room is open for rent every Thursday to Sunday. Kahit sino pwede pumunta dito to watch movies they like etc. Schools can also use AVR and Theatre for event centers. We have Radio Operating Room na kadalasang ginagamit ng mga Electrical Engineers, Computer Engineers, Mass Comm majors, etc. Study room and computer areas for rent din yan any time visitors want to use them. Dance studio open anytime yan. Arts Studio is composed of dark room, computer graphics, etc. Malaki ang space doon. Fine Arts Majors just have to bring necessary materials. Bar for HRM students. May basag, bayad ng school - kawawa naman. Gym, anytime can just use the gym. Pero after 8 closed na talaga. Swimming pool para iyan sa mga may PE classes. I want to make it public but schools can rent for exclusive use. Jacuzzis are available anytime people want to rent them. Kitchen is mostly used by Culinary arts majors, tapos sa garden andoon iyong mga plant samples ng mga farming and agriculture students. Workshop para sa mga mechanical and industrial engineering students."

"Galing naman po, parang eskwelahan na pala itong bahay niyo. Complete facilities ha!"

"Correct! Kulang na lang classrooms and teachers. Hahaha, pero you know Angelo, I'm slowly laying down in broadcasting."

"Why sir?"

"I want to teach students. Most especially broadcast majors. May naisip ka na bang degree program for college?"

"Gusto ko po talaga maging broadcaster kagaya niyo po eh. Sa totoo lang, idol ko po talaga kayo. Huwag niyo po sanang isipin na sumisipsip ako sa inyo kasi magaling po talaga kayo eh. Ah! Ano ba to nakakahiya..."

"Eto naman oh, nahiya ka pa?"

"Dad I'm here." Umupo ang lalake sa harap na upuan ni Angelo.

Ang mesa nila ay hindi naman masyadong kalakihan. Adjustable nga actually. Pwede maadjust ang lawak o haba ng mesa depende sa dami ng tao na gustong gumamit. Pero by that time, one meter by one meter lang ang sukat ng mesa.

"Oh, dad, by the way. We have a visito-" Naputol ang wika ng anak ni Jun nang makita si Angelo.

Oo! Naalala ni Angelo. ANAK NGA PALA NI JUN SALVIEJO ANG YABANG ANGAS MASTER POTA! Bulalas ng isip ni Angelo.

"You! That waiter!" Sigaw ng anak ni Tito Jun.

"Dimitri Salviejo?!" Tanong ni Angelo.

"Do you guys know each other?" Tanong ni Tito Jun sa dalawa.

"No!" sagot ni Angelo. "Yes!" sagot ni Dimitri. Sabay lang sumigaw ang dalawa.

"Wait. Angelo says no, and Dimitri says yes. Which is which?"

"Ah, no sir-" Pagsisimula ni Angelo.

"No, shut up! Let me explain!" Pagsabat ni Dimitri. Natigilan si Angelo sa inasal ng lalaki kaya nagmaktol na lang siya. "Yabang naman nito."

"Suntukin kita gusto mo?" Hamon ni Dimitri.

"Suntukin mo!" Hinamon naman ni Angelo si Dimitri pabalik.

Nanggagalaiti na sa galit ang dalawa. Galit si Angelo kay Dimitri dahil sa angking yabang nito. Si Dimitri naman galit dahil sa pagsasagutan nilang dalawa ni Angelo.

"SHUT UP BOTH OF YOU! DIMITRI SIT DOWN! EAT!" Sigaw ni Tito Jun habang patuloy na sinusuntok ang mesa. Natigilan ang dalawa sa lakas ng dabog na nagawa ni Tito Jun. Katahimikan ng mga 3 minuto. Ingay lang ng mga kutsara at tinidor ang namutawi sa mga oras na iyon.

Tumawa ng malakas si Tito Jun na kinagulat ng dalawa.

"You know guys, I wouldn't mind my son dating a man." Nagulat sina Dimitri at Angelo sa pagbukas ni Tito Jun ng conversation.

"DAD WHAT THE FUCK?!" Sigaw ni Dimitri. Nabilaukan naman si Angelo.

"I mean, I know son you're not gay. Pero that's how your mom and I first met. Exactly this scene."

"Dad one more and I'll be walking out." Pagbabanta ni Dimitri.

"Then walk out." Pagsabat ni Angelo habang patuloy sa pagkain. Hindi niya tinignan si Dimitri at patuloy pa rin sa pagkain.

"Excuse me?" Tumigil si Dimitri at tinitigan si Angelo.

Nahinto sa pagkain si Angelo at matalas din ang titig na tinapon kay Dimitri. Nanghahamon.

"I said, walk out. You may look like a man but you're no man when it comes to jokes. I pity your friends for that."

"Are you challenging me?"

"Do you think you deserve my challenge?"

"Tigilan niyo na iyan or else bukas ipapakasal ko kayo. Gusto ko na rin ng apo Dimitri." Tawa-tawa lang si Tito Jun.

Hindi na umimik si Dimitri. Halatang nagpupuyos na siya sa inis at galit na kanyang nararamdaman. Hindi naman maunawaan ni Angelo ang mararamdaman - matutuwa ba siya kasi napapahiya ang taong kinaiinisan niya, o maiinis siya kasi kaharap niya ang taong kinaiinisan niya.

"Can we move on now, gentlemen? I want you to meet each other. Son, introduce yourself."

Walang magawa si Dimitri kung hindi iintroduce ang sarili. Naniniwala kasi siyang dapat walang rason upang hindi makipagkilala sa ibang tao whether you like that person or not. Hindi ka makikipagkilala, it would appear na takot kang makilala ng ibang tao.

Huminga nang malalim si Dimitri. Nag-iba ang kanyang expression at ngumiti kay Angelo. Inilahad niya ang kanyang palad.

"Hi pare, Dimitri John Salviejo, 16 years old."

Naweirduhan si Angelo sa pagbago ng mood ni Dimitri, kaya sinakayan niya nalang ito.

"Anthony Montemayor, 14 years old."

"FOURTEEN?" Sabay na tanong ni Dimitri at Tito Jun.

"Yes, fourteen years old." At ngumiti siya.

"But how come you look so mature?" Tanong ni Dimitri

"How about you ask 6 footer 16 year old guy out there?" Tumawa si Angelo at tinutukoy si Dimitri.

At nagtawanan silang tatlo (kahit obvious ang pakikipagplastikan ng dalawa).

"Nice meeting you Dimitri." Ngumiti si Angelo.

"You too Angelo." Ngumiti rin si Dimitri.

"Nice guys. Dimitri you may kiss your wife." Tumawa si Tito Jun.

Nasira ang mukha ni Angelo ngunit natawa lang siya sa pagkakwela ni Tito Jun. Si Dimitri naman ay inirapan na lamang ang kanyang tatay.

"What's with the face Angelo? Gwapo naman ang anak ko di ba? Mana sa akin? Matangkad? Maabilidad? Have you seen his painting a while ago?"

"I did Tito." Matipid na sagot ni Angelo at patuloy sa pagkain.

"No, call me "dad" since ipapakasal ko kayo ni Dimitri bukas." Tawa ng tawa lang si Tito Jun.

"Kayo talaga tito, iniinis niyo iyang si Dimitri." Ngunit kunot pa rin ang mukha ni Dimitri.

"May talent naman itong anak ko Angelo. Aside from magaling siya magsalita kagaya ng papa niya, magaling rin siya magpinta. Marami na ngang nabentang paintings iyang si Dimitri, siguro kulang na lang palayasin ko iyan dito at mamuhay mag-isa since my business na siya at di na niya ako kailangan. Mayaman na tong mokong ko kaya sure ako Angelo na may ipangkakain siya sa anak ninyo."

"DAD!" Sigaw ni Dimitri.

Natutuwa si Angelo sa pagkakulit nitong tatay ni Dimitri. Ang saya siguro magkaroon ng tatay na kagaya ni Tito Jun, ano? Sa isip niya.

"Ikaw Dimitri, bakit naman ayaw mo kay Angelo? Gwapo naman oh. Debater. Matalino. Balita ko Angelo, one of the most outstanding students ka raw sa assessment test. Ika-6th ka sa buong batch sa buong Pilipinas, di ba?"

"Ah, eh... opo. Pero hindi naman iyon sukatan upang masabi natin na matalino ang isang tao o hindi."

"Nahiya ka pa. Pero imagine, 14 years old topping the national assessment ranking test. That doesn't happen everyday! Pero alam mo Angelo, proud father rin kaya ako kasi itong anak ko, 8th!"

"Ganoon po ba? Genius ka pala Dimitri."

"Thanks." tipid na sagot ni Dimitri.

Tinapos na nila ang kanilang pagkain at sa buong oras na kumakain sila ay si Tito Jun lang palagi ang nagsasalita. Hindi man lang magawang tingnan ni Dimitri si Angelo o si Angelo na tingnan si Dimitri. Walang imikan.

Nang natapos na silang kumain, dumiretso sila sa garden table. May kailangan daw sabihin si Tito Jun sa dalawa.

"The reason I sent you here to talk Angelo, is that to let you know that Dimitri, You, and your friend Gio, will receive a full college scholarship grant for 4 years. The dean of communication asked me to inform you about the offer. Here." May iniabot na paper si Tito Jun kay Dimitri at Angelo.

GREETINGS OF PEACE!

    We, from the South East Asia University, is proud to provide you with a full scholarship covering any 4-year degree program you prefer to enroll in. This is to continue the legacy of SEA-U in building bridges for the most talented in continuing dreams. This scholarship is only offered to the Top 10 selected deserving high school students around the country. And we are more than happy to announce that you placed a spot after the final screening. All expenses as soon as you get to the school premises will be provided for - dormitory, food allowance, book allowance, clothing allowance, tuition fee, and any other school fees. Plus, you will be rewarded with a laptop unit for placing in our selection.
    If you are interested to avail the scholarship, please proceed to the executive office of the University located at the address written below anytime before enrollment starts. Otherwise, please disregard the letter anyway. Attached with the letter is the list of requirement you must bring in order to fully claim your scholarship.
    This scholarship grant giving is done every five years as a symbol of altruism of our late school president. This is to continue his legacy in creating great leaders for the future.
    We encourage you to take chance, and we will be expecting you as the school year starts!

Thank you!

SEA-University Secretariat


"DAD! Is this, oh my God, I can't believe this." Napaluha si Dimitri.

"Hindi ako makapaniwala dito Tito. Bakit ako?" Naguguluhan si Angelo.

"You boys deserve that. I'm more than happy to let you know that." Sabi ni Tito Jun.

"And I'm more than proud to have a son like you." Niyakap ni Tito Jun si Dimitri. Mangiyak-iyak ang dalawa sa pag-tanggap ng kanya-kanyang yakap.

"You boys do your best, okay? Paki-inform na rin iyong kaibigan mo Angelo."

"I will sir."

"Now boys, news is down, and it's getting late. Angelo if you don't mind, ipapahatid na lang kita kay Dimitri okay? I'm already tired. I want to take rest." Tumayo na silang tatlo at nagkamayan.

"Ay wag na po sir. Mag-cocommute na lang po ako." Pagtanggi ni Angelo.

"No, no Angelo. I insist." Sabi ni Tito Jun.

"Don't worry Dad, I know where he lives." Sabi ni Dimitri habang hinihila niya si Angelo sa braso.

"Okay, that's settled then. Safe trip guys." Sabi ni Tito Jun habang humakbang na siya papasok sa bahay nila.

Naglakad na sina Angelo at Dimitri patungo sa sasakyan. Kagaya kanina, wala pa ring imik ang dalawa at hindi man lang sila nag-oopen ng topic. Nang nakapwesto na ang dalawa sa sasakyan, pina-andar na ito ni Dimitri. Binabaybay na nila ang daan ngunit wala pa ring umimik. Para mawala ang pagkaboring at pagkaawkward ng atmosphere, pinaandar ni Dimitri ang radyo at tumunog ang isang love song.

Beautiful in my eyes

You're my peace of mind
In this crazy world.
You're everything I've tried to find,
Your love is a pearl.
You're my Mona Lisa,
You're my rainbow skies,

Refrain:
And my only prayer is that you realize
You'll always be beautiful in my eyes.

The world will turn,
And the seasons will change,
And all the lesson we will learn
Will be beautiful and strange.
We'll have our fill of tears,
Our share of sighs.

Refrain:
And my only paryer is that you realize
You'll always be beautiful in my eyes.

Chorus:
You will always be beautiful in my eyes.
And the passing years will show

That you will always grow
Ever more beautiful in my eyes.

When there are lines upon my face
From a lifetime of smiles,
When the time comes to embrace
For one long last while,
We can laugh about how time really flies.
We won't say goodbye 'cause true love never dies.
You'll always be beautiful in my eyes.

Chorus:
You will always be beautiful in my eyes.
And the passing years will show
That you will always grow
Ever more beautiful in my eyes.


The passing years will show that you will always grow
Ever more beautiful in my eyes.


Mas naging awkward ang set-up nila Angelo sa mga oras na iyon. Di maipaliwanang ni Angelo kung bakit ganoong kanta pa ang tumugtog sa radyo. Nahihiya tuloy si Angelo samantalang si Dimitri ay enjoy na enjoy sa pagkanta. Para tuloy silang magsing-irog. Ngunit sinubukan ni Angelo na maging patay-malisya sa pagka-awkward ng hangin.

Ilang minuto pa ay naabot na nila ang hotel na pinag-event-an kaninang umaga.

"Dimitri, bakit tayo nandito? Anong gagawin natin dito?" Tuloy tuloy na tanong ni Angelo kay Dimitri. Naguguluhan siya.

"Di ko alam bahay mo eh, sorry." Humarap si Dimitri sa kanya at ngumiti. Bakas ang pagkahiya niya kay Angelo.

"Ah sige, baba na lang ako. Salamat pala ha. Pakisabi na lang kay Tito Jun salamat talaga sa lahat." Ngumiti si Angelo. Malalim ang titig ni Dimitri sa kanya. Hindi man lang tumango si Dimitri sa pamamaalam ni Angelo. Walang bakas ng expression ang mukha ni Dimitri sa mga oras na iyon. Blangko at pawang mga mata lamang ang tumutusok sa ego ni Angelo.

Binuksan na ni Angelo ang pintuan nang biglang hinawakan ni Dimitri ang kanyang kamay at hinila pabalik. Dahil malakas si Dimitri, nahila pabalik si Angelo.

"Teka nga lang dito ka nga muna!" Pasigaw ni Dimitri at sinarado ulit ang pintuan ni Angelo.

"Bakit ba Dimitri? Tangina, ano na naman bang problema?!"

"Liligawan kita..." Nakayukong sabi ni Dimitri kay Angelo habang nakahawak pa rin siya sa kamay ni Angelo.

"Dimitri umayos ka diyan, susuntukin kita!" Tinanggal ni Angelo ang kanyang kamay at pinakita ang kamao sa harap ni Dimitri.

"Gago! Biro lang. Gusto ko lang magsorry sa inasal ko sa'yo kaninang umaga sa hotel. Hindi ko talaga sinasadya maging mainitin ang ulo. Tsaka kanina sa kainan. I'm sorry kung mainit ang ulo ko." Sinserong paghingi ng tawad ni Dimitri habang nakatitig sa mga mata ni Angelo.

"Ano ka ba Dimitri, ayos lang iyon. Wala iyon sa akin. Tanggap kitang suplado ka parts, walang problema iyan." Tinapik ni Angelo si Dimitri sa balikat.

"Parts?"

"Partner."

"Pwede ba Dimitri na lang?"

"Kagaya nito. Suplado na naman. Sungit mo boy bahala ka bababa na ako." Tawa-tawa si Angelo. Lalabas na sana siya nang hinila na naman siya ni Dimitri sa braso.

"Teka nga!" Sigaw ni Dimitri. "Hatid na kita sa inyo. Instruct mo na lang sa akin." Ngumiti si Dimitri kay Angelo.

"Sige, ikaw bahala. Baka hindi mo kayanin ang bahay namin." Tumawa lang si Angelo.

"Dami mo kasing sinasabi, kainis." Pagrereklamo ni Dimitri kay Angelo. Napilitan na lamang si Angelo na pumasok sa sasakyan at magpadrive kay Dimitri. Binaybay nila ang daan at panay sa pag-instruct si Angelo kay Dimitri.

Sa kaloob-looban ni Angelo ay natutuwa siya kasi masarap palang pagtripan itong si Dimitri. Pikon, pero mabait naman pala. Akala ni Angelo ay talagang mayabang at maangas ang taong ito ngunit dahan-dahan na palang nakikilala ni Angelo si Dimitri.

Tinuro ni Angelo ang daan patungo sa kanilang bahay, at nakaabot naman sila sa wakas. Tumigil ang sasakyan sa tapat ng barong-barong nila Angelo.

"Dimitri, maraming salamat talaga. Ingat ka." Ngumiti si Angelo kay Dimitri.

"Sige parts."

"Parts?"

"Oo, di ba sabi mo, parts? Partner?"

"Pwede ba Angelo na lang?"

Tawanan.

"Salamat talaga. Pakisalamat na lang din kay Tito Jun." Sabay tapik sa balikat ni Dimitri.

"Sige. Ingat." Kumaway si Dimitri kay Angelo. Kumaway na rin pabalik si Angelo.

Bumaba na si Angelo sa sasakyan. Nginitian niya si Dimitri habang nakatayo siya sa harap ng bahay nila at kumaway din naman si Dimitri. Pumasok na sa bahay nila. Nakatulog na si Aling Martil at Angela.

Fast forward, enrolment.

Kasama ni Angelo si Gio na mag-enrol sa South East Asia - University, ang top private school sa buong Pilipinas. Pasok sa top 10 performing school in the world. Hindi magkamayaw sa tuwa si Gio sa balitang kanyang natanggap.

Nakapag-enrol na sila at napasyal na rin sila sa dorm na titirhan nila. May tig-iisang kwarto kada scholar. May food allowance na 5,000 ang buwanan, book allowance na 5,000 rin, clothing allowance na 6,000, at libre na sila sa lahat ng bayarin sa paaralan na umaabot sa 5,000 kada unit. Maswerte ang dalawa sa natamo nilang grasya.

Tapos nang magpa-enrol nang nakita ni Jun Salviejo ang dalawa sa fountain park ng university.

"Uy! Angelo, kamusta ka na?" Bati ni Tito Jun habang kumakaway.

"Ayos lang naman po Tito Jun. Ito nga pala si Gio Santos sir. Iyong scholar rin, bestfriend ko po siya."

"Magandang araw po." Bati ni Gio kay Jun.

"Magandang araw din sa'yo hijo. Kamusta naman inyong bagong paaralan?

"Malaki po masyado. Mabuti na lang may dorm, tapos uuwi sana kami para makapag-ayos na kasi raw po dapat one month before classes start daw sir, dapat naka-sign up na kami sa dorm. May admission slip naman kami doon so ayos na. Tapos heto, tatlong linggo na lang pasukan na. Kaya mag-checheck-in na po kami pagkatapos nito."

"Sige. Mabuti iyan. O siya siya iwan ko muna kayo ha?"

"Sige po. Thank you."

At lumakad na silang dalawa.

Fast forward, check in.

"Bilisan mo nga diyan Gio ang bagal bagal mo naman eh!" Sigaw ni Angelo habang naglalakad na sila patungo sa dorm. Naunang naglakad si Angelo kay Gio at may mga sampung metro na ang kanilang pagitan.

"Ano ka ba bakit ba atat na atat ka ha?!" Hingal na hingal na si Gio. Masyadong steepe kasi ang daan patungong dorm at mataas ang slope. Okay lang kung may sasakyan, ngunit mahirap lakarin.

"Pagod na ako kaya halika na, bilisan mo naman oh please gusto ko na matulog!" Sigaw ni Angelo kay Gio.

"Oh eto na!" Humarurot na ng takbo si Gio.

Walang anu-ano ay diretsong kumaripas ng takbo si Angelo at si Gio patungong dorm buhat buhat ang dalawang malalaking maleta. Namangha sila sa ganda ng dorm, parang hotel lang. Maliwanag at kulay gold ang dingding. May student lounge din sa lobby at masyadong malawak ang lobby nila.

Nang makapasok na sila ay diretso na sila sa information desk.

"Magandang gabi po, checheck-in po kami. Tapos na pong bayaran ang mga dorm namin." Sabi ni Angelo sa babae sa information center.

"ID Number po nila sir?" Tanong ng babae.

"2014-9xxxxx-xx at 2014-3xxxxx-xx" Si Angelo.

"Okay po, registered po kayo dito. Kayo po ba sina Angelo Montemayor at Gio Gabriel Santos?"

"Opo, kami po." Sagot ni Gio.

"Sir, paaalahanan ko lang po kayo na magkakaroon kayo ng roommate kada isa sa inyo."

"Ilan po kami sa isang kwarto ate?" Tanong ni Gio.

"Dalawa po."

"Pwede po bang kami ni Angelo na lang sa isang kwarto ate?" Si Gio.

"I'm sorry sir, since huli na po kayong nakapag-register at nakapag-enroll Sir Gio, naubusan na po kayo ng room choice. Actually po, ubos na rin po iyong rooms kasi marami ang nag-sign up for dormitory rooms. Ang iba nakapili na pong magparoommate. First come, first serve pa rin po kasi ang basis dito."

"Okay lang iyon Gio, gala na lang tayo mamaya." Tinapik ni Angelo si Gio sa balikat.

"Anong room po ba si Angelo Montemayor ate?" Tanong ni Gio.

"Room 619 po. At saka si Sir Gio naman po ay sa Room 513."

"Ayos lang iyon tol one level away lang pala." Sabi ni Gio. Nakaplaster sa kanyang mukha ang isang ngiting parang nabigo sa pag-ibig.

"Eto po yung susi niyo, may guidelines na po sa rooms niyo, pakibasa na lang po sa mga policy tapos be reminded lang po na magkakaroon ng orientation bukas ng umaga. Kung may mga problema po tawag lang po kayo sa information, may kopya po ng mga telephone numbers sa inyong rooms, pakitingnan na lang po."

"Sige ate, thank you!" Nagpasalamat ang dalawa. Nilakad nila Angelo at Gio ang direksyon patungo sa elevator. Madilim ang mukha ni Gio na parang natalo sa isang pustahan at hindi na makukuhang pumusta pa muli.

"Oh, napano ka diyan Gio?" Tanong ni Angelo.

"Pangit kasi di tayo roommates! Paano pag kailangan mo tulong ko?" Pagpapatawa ni Gio habang nakasimangot pa rin.

"Gago ka talaga. May coffee shop naman doon, doon na lang tayo mag-aral bili na lang tayo ng bottled water. Hahahaha!"

"Di nga ako makapaniwala Angelo eh, andito na tayo. Ang opportunity pa ang lumapit sa atin. Noon, kayod kayod tayong naghahanap ng pera tapos heto, ang scholarship pa ang lumapit sa atin. Swerte talaga natin oh."

Tumigil ang elevator sa level 2 at may isang babaeng pumasok.

Panay ang sulyap ng babae kay Angelo. Naglalandi sa tingin. Nagnanasa. Wala rin namang nararamdaman si Angelo kasi nga bata pa siya, hindi pa masayadong may alam sa mga bagay kagaya nito. Panay naman ang tukso na tingin ni Gio kay Angelo. Ngingisi-ngisi na ang gago sa loob ng elevator pero parang walang epekto ito kay Angelo.

Bumaba ang babae sa level 4.

"Tol! Crush ka noon!" Sigaw ni Gio kay Angelo habang ginugulo ang buhok nito.

"Ha?"

"Crush ka nung babae uy!"

"Talaga? Okay." Tumawa lang si Angelo at hindi na dinugtungan ang sinabi ni Gio.

"Bakit ba ang manhid mo? Kainis to oh. Ayaw mo ba sa babae?" Nanghihinayang na tanong ni Gio.

"Gusto ko sa babae, pero hindi ngayon. Tsaka di pa nga ako marunong sumalsal tapos makikipagrelasyon pa ako? Tanga lang?"

"Iba naman kasi yang salsal eh!"

"Baka pag humingi iyon ng init ng katawan, hindi ko maibigay kasi di pa ako marunong magpalabas. Practice muna ako tapos bubuntisin ko love ko." Tumawa si Angelo.

Hinawakan ni Gio ang pagkalalaki ni Angelo. Minamasa-masahe. Hinihimas-himas.

Nagulat si Angelo sa ginawa ni Gio kaya tinanggal niya ang kamay ni Gio at sinuntok ito sa balikat.

"Huy gago ka! Bakla ka ba!" Sigaw ni Angelo kay Gio.

"Tingnan mo nga oh, tumayo! Edi magpractice ka na gago! Para makapangligaw ka na. Hay naku." Si Gio sabay nguso sa pagkalalaki ni Angelo.

"Di pa nga iyan priority ko Gio eh." Tumawa silang dalawa.

"Para kang babae, tangina mo. Sige uy. Dito na ako bababa. 513, katok ka na lang kung may kailangan ka."  Si Gio.

"Okay sige tol. 619 ako."

Bumaba na si Gio sa level 5. Kinawayan ni Gio si Angelo. Tumango lang si Angelo.

Nang makaabot na sa level 6, bumaba na rin si Angelo at dala-dala ang dalawang malalaking maleta niya. Nang makita niya ang room 619, inikot niya ang door knob at hindi ito naka-lock. Binuksan ni Angelo ang pintuan at wala namang tao.

May nakita siyang dalawang single bed na magkahiwalay. Pinili niya ang malapit sa pintuan. Agad siyang nag-ayos ng gamit at nagligpit ng bag at kung anu-ano pa. Sunod ay naghubad siya ng damit at pantalon, brief lang ang naiwan sa kanya. Wala siyang pakialam, maganda naman katawan niya. Tsaka maiintindihan naman siguro ng roommate niya na paparating pa lang kung maghuhubad siya, wala naman siguro daw malisya kasi pareho naman silang lalaki.

Maya-maya ay nararamdaman ni Angelo na naiihi siya. Pumasok siya sa banyo at umihi. Nagtaka siya kung bakit naka-on ang shower. May tao dito? Tanong niya sa sarili. May kurtina na nag-seseparate sa toilet at shower.

"Anak ng tupa naman oh kita mo pang may naliligo!" Sigaw ng lalaki mula sa shower area.

Nagulat si Angelo sa taong sumigaw. Kilala niya yun. Dali dali siyang umihi upang makaalis dahil may hinala siya kung sino ang lalaki ngunit hindi maubos-ubos ang kanyang ihi.

"Ano ba?! Lalabas ka o ano?" Bulyaw ng lalaki sa loob ng shower area.

"Para kang babae. Naiihi nga ang tao oh. May kurtina naman di ko masisilip puki mo." Sagot ni Angelo habang pinabibilis pa ang daloy ng ihi ngunit hindi pa talaga siya matapos.

Hindi na nagsalita ang lalaki.

Hindi na nga nagsalita ang lalaki pero suddenly bumukas ang kurtina.

Binuksan ng taong nagshoshower ang kurtina dahil sa galit at tinignan kung sino ang umiihi.

Nasa ganoong pusisyon pa si Angelo sa pag-papalabas ng kanyang burat nang nakita niyang nakatingin sa kanya ang lalaki na nanggagalaiti sa galit.

Nagulat siya dahil ginawa iyon ng lalaki at walang kiyemeng ayos lang sa lalakeng nasa shower na makita siyang hubo't hubad.

Ngunit mas nagulat siya sa kanyang hinala. Ang lalake nakahubad. Wait, there's more! Kilala niya ang lalaki.

Napaka-awkward para sa dalawang lalake ang ganoong pangyayari. Kapwa sila nakahubad ngunit iba ang dating ng lalaking nasa shower, galit na galit.

At nang iaangat niya ang kanyang mukha upang tingnan kung sino ang lalakeng nasa shower, nanliit siya.

Tama ang kanyang hinala. Kilala niya nga ang lalaki - ang lalaking nakahubad actually.

Ang lalaking nasa shower... ay si Dimitri.

Itutuloy...


Gapangin mo ako. Saktan mo ako.

29 comments:

  1. maganda po story. naiiba itong kwento na ito. kaabang-abang. parang asot-pusa lang si dim at angelo ah. nakaka inlove si angelo. ang talino pa.

    bharu

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi bharu! Thank you po! Mga aso't-pusa lang, sarap isahog sa siopao. Dejk. Thank you po sa pagbabasa! :)

      Delete
  2. Very nice. Ganda agad ng flow. Keep it up mr. Author.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you po! Mas gaganda pa po ang susunod na chapters. (Chauce.) Hahahaha. Thank you po sa pagbabasa! :)

      Delete
  3. tama asot pusa lang tapos maiinlove galing ng tema. tnx again. waiting for the next chapter

    randzmesia

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you po randzmesia! Bukas na po ang susunod na chapter. Maraming salamat po sa pagbabasa! :)

      Delete
  4. this made my day interesting... sulit basahin.. mabilis ang facing.. di magulo at madaling intindihin.. sana wag lang dumami ang characters.. lalo na at mahahaba ang chapters... nice! keep up the good work! GBU

    -arejay kerisawa

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you po arejay kerisawa! Bonus na lang po ang haba at laman ng chapters. Thank you po sa pagbabasa! :)

      Delete
  5. Replies
    1. Thank you po sa pagbabasa rascal! Nux naman kung maka "galing nmn" hahahah. Thank you po talaga! I'll never let you down. Rexona. Hahahahah! (Waley eh.)

      Delete
  6. Replies
    1. Thank you po Anon! I'll keep this story interesting and hot. Charaught. Hahahahahaha.

      Delete
  7. Ang ganda! Interesting! Kaabang-abang. Buti at every other day ang update.

    -hardname-

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi -hardname-! Thank you po! Abangan po ang mga susunod na chapters! Maraming salamat po sa pagbabasa! :)

      Delete
  8. SUPER INTERESTING TALAGA! Please update.author kasi I am loving your story! More power!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you po! Bukas na po ang susunod na chapter. Maraming salamat sa pagbabasa ng kuwento ko. More kili kili powers lang po ang meron ako, dejk. (Waley eh.) Hahahahahah

      Delete
  9. Sana Tuesday na!!!!!

    -Hiya!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mamaya alas-dose na -Hiya!!!! Nkklk pati ako na-eexcite. Hahahahaha. Thank you po sa pagbabasa! :)

      Delete
  10. ganda ng story na ito i can wait to to read the following chapter i hope update na to hehehe


    Franz

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you po Franz! Mamayang alas-dose na ang susunod na chapter! Maraming salamat sa pagbabasa! :)

      Delete
  11. Interesting :))

    Love at first hate ang drama nito ah

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi Raffy! Thank you po! Baka malay natin maging hate at first love ito? Di natin alam. Hahahah dejk lang. Thank you po sa pagbabasa! :)

      Delete
  12. basa uli, mukang may nakaraan sa tatay ni Dimitri at nanay ni Angelo. Pare ang tawag at parang matagal ng magkakilala.

    bharu

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi bharu! Hahahaha tanong mo kay Jun, siya may alam eh! Hahahahahah dejk lang. Thank you po sa pagbabasa! :)

      Delete
  13. Malamang pagselosan ni gio si dimz.......gsto ko tong story na to..update na agad...

    0702

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi 0702! Mamaya nang alas-dose ang update. Salamat po sa pagbabasa! Abangan! :)

      Delete
  14. I am starting to love the flow of the story. <3 Yay

    ReplyDelete
  15. Sorry di ako makarelate! malayo kasi sa katotohanan! maraming tanong! hanap hanap ng iba!

    ReplyDelete
  16. Napakaswerte nmang mga scholars ito. Grabe ang privilege! Mukang may gusto rin si Gio kay Angelo ah! Given na sina Angelo at Dimitri. Alam ko ganyan din ang amount ng tuition sa AIM, more or less, eh!

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails