by aparadorprince
Author’s Note:
Hi everyone, Undas na! Pero hindi pa ako magpapaawat sa pag-update. Sana
nagulat kayo sa last part, kasi ako din nagulat eh. Haha J Anyway, enjoy reading and you
can backtrack previous chapters to catch up with some of the scenes na maoopen
dito sa part na to. Mas magiging masaya to diba?
**aparadorprince
DATI 11
Halos hindi makapaniwala si Arran sa
takbo ng pangyayari mula nang umuwi siya. Kaharap niya ngayon si Biboy – ang
tunay na Biboy. This could mean one thing, Robert is not his childhood friend.
That explains why he didn’t remember Arran as a kid. Kung bakit parang malayo
ang childhood ni Robert sa kanya – dahil hindi siya ang kababata nito. Ngunit
paano nangyari ‘yun? Hindi ba’t Robert din ang pangalan ni Biboy? Nahihilo na
siya sa mga tanong at sagot na umiikot sa isip niya.
Nanatili naman si Biboy sa harap ni
Arran, at bahagya nitong niyugyog ang balikat ng natahimik na kababata. “Are
you okay? Hindi ka makapaniwala ‘no?”natatawang banggit ni Biboy. He motioned
Arran to sit down.
Nakatulala pa rin si Arran matapos
makaupo. “Kung ikaw si Biboy, sino yung nakatira sa bahay ninyo sa Laguna?”
tanong niya.
Ngumiti si Biboy sa tanong ng
kalaro, “I’m sorry if I didn’t tell you what happened after your family moved
to Manila. We migrated to the States and stayed there for almost twenty years.
Pero bago kami umalis, nagdecide si mama na ibenta na lang yung bahay sa
probinsya since she’s not coming back here. Nabili ng pamilya nila Robert yung
bahay, and I met them for almost a week before we went abroad. Coincidence nga
‘no, parehong Robert pa ang pangalan nung anak ng bumili ng bahay namin.”
Sunod-sunod na paliwanag nito.
Tumango na lamang si Arran sa sinabi
ng kababata. Magkaibang tao talaga si Robert at Biboy, that’s why Robert was
distant at first. Kasi hindi naman talaga nito kilala si Arran to begin with.
Dumating naman si Rina at may dalang
orange juice at kape. “Biboy, natataandaan ko pa na orange juice talaga ang
paborito mo ‘nung bata ka pa. Anak, hetong kape oh.” Nakangiting turan nito.
Nagpasalamat ang dalawa at agad na bumalik si Rina sa kusina.
Uminom si Biboy ng juice bago
nagsalita, “So you mean, doon ka nagstay sa bahay namin dati sa Laguna? Buti
pinayagan ka ‘nung owners.” Tanong nito.
“Personal issues. Mom arranged
everything, I got into a car crash last week and felt like I had to take a break.
So naisip ko lang pumunta sa Laguna. Mabait din naman yung nakatira ‘dun. Teka,
bakit ka nga pala umuwi sa Pilipinas?”
“After graduating from college,
gusto ko sanang magkaroon ng career dito sa Pilipinas. And besides, I made a
promise to someone that we’ll meet again…” nakatingin si Biboy sa mata ni
Arran, at tila na-conscious naman ang huli. Biboy’s eyes were pitch black in
contrast to Robert’s auburn eyes. “As you can see, hindi ako naging astronaut.
I took up Visual and Graphic Arts. Ikaw, anong nangyari sa’yo?”
Medyo nagsisink-in na rin ang lahat
para kay Arran. “I took up Broadcasting, but didn’t pursue it. Applied to a
call center and worked there up until today. Hindi ka naging astronaut, edi
hindi ka nagkaroon ng Bio Particles?”
nakangiting sagot nito.
Napakamot ng ulo si Biboy, “Oo nga
eh, pero hindi ka rin naman nakakuha ng Birdonic
Waves ah! But seriously after all these years, I still think Bioman is way better than Jetman.”
“Let’s try not to argue about that
anymore, you know Jetman always
wins.”
Biboy let out a hearty laugh. “You
know, you never changed. Jetman fan
ka pa rin. At mas matangkad pa rin ako sa’yo. Naalala mo pa ba ‘nung sinabi
mong hindi mo na ako papansinin kapag tumangkad ka kaysa sa akin? That will
never happen now.” Saad nito. Nagsimula na rin tumawa si Arran sa tinuran ni
Biboy. His childhood friend still is as cheerful as before, no wonder he didn’t
realize Robert could be the opposite at times.
Tumigil si Biboy sa pagtawa, at
ipinatong ang kamay sa hita ni Arran. “Isa pa, meron akong mga pangako na dapat
tuparin hindi ba?” seryosong turan nito. May kinuha si Biboy mula sa kanyang
bulsa at inilagay sa kamay ni Arran. Ang kanyang Tamagochi at isang singsing na kulay orange. “Iningatan ko yung mga
binigay mo noon, Ran-ran.”
Tiningnan ni Arran ang mga laruan sa
kamay niya. Naalala niya ang mga ito, ang mga gamit na ibinigay niya kay Biboy
bago sila lumuwas ng Maynila. Hinawakan niya ang kulay berdeng Tamagochi, halos
hindi ito nagasgasan, at may plastic na nakasuksok sa gilid nito. Hinila niya
ang plastic at nagulat siya sa nangyari.
“The Tamagochi is still working, iningatan ko talaga ‘yan. Kaso namatay
na si Brownie.”
Napangiti si Arran sa ipinakita ng
kababata, he did not expect that Biboy would cherish what he gave him, just
like he treasured his share. “Sandali lang…” ang sabi ni Arran bago
nagmamadaling umakyat sa kwarto.
Bumaba siya at iniabot kay Biboy ang
susi ng sasakyan niya. “Sorry, ginawa kong key chain yung paboritong Matchbox mo.” Napangiti si Biboy sa ipinakita
ni Arran. “Wow, nasa ‘yo pa pala ‘yan!” natutuwang sambit nito, at agad na
pinagmasdan ang laruang kotse.
Ngumiti si Arran. “May isa pa…” he
continued, and opened his other hand. Hawak naman niya ang singsing na kulay
berde, ang singsing na ibinigay ng kalaro niya noon.
Narinig niyang tumawa si Biboy, at
nagulat si Arran nang bigla na lamang siyang yakapin nito. “Thank you Ran-ran,
hindi mo ako nakalimutan.” He heard him say it silently, and gently sobbing.
Umiiyak si Biboy. Niyakap din ni Arran ang kababata ang hinagod ang likod.
“Hey, don’t cry.”
Nagpunas ng luha si Biboy, at
natatawa ng bahagya. “I’m sorry, na-overwhelm lang ako. Akala ko kasi
makakalimutan mo na ako, Ran-ran.”
“I never did. Makakalimutan ko ba
ang hero ko?”
Ngumiti si Biboy sa narinig, at
tiningnan ang oras sa wristwatch. “Hey, it’s kinda late. I better go. Di’ba may
trabaho ka pa bukas?”
Tumango lamang si Arran, at
nagpaalam na si Biboy sa kanya. Sinabi nitong babalik na lamang siya sa ibang
araw dahil may mga business presentations din siyang gagawin bukas.
“I’ll see you soon.” Ang maikling
sambit ni Biboy bago niya pinaandar ang kotse niya. Kumaway lamang si Arran sa
kanya at pumasok na sa bahay.
Umupo si Arran sa labas ng bahay
nila at napabuntong-hininga. He never expected that this day would have a
really weird twist. Nagtataka siya kung bakit hindi sinabi ni Robert na hindi
siya ang kalaro nito dati. Siguro ay hindi rin naman siya nagtanong. He just
assumed.
Ilang araw din na naging busy si
Arran sa opisina dahil natambakan siya ng mga paperworks. Hindi naman siya
pinabayaan ng kanyang mga kaopisina at tinulungan siya sa trabaho. Kakalabas
lang ni sa building nang biglang may bumusina sa harap niya. Tiningnan niya
kung sino ang tao sa kotse, at unti-unting nagroll-down ang bintana…
Si Robert.
“Hop in.” he said, opening the door.
Agad na sumakay si Arran, at sa
pagsara ng pinto ay agad na ginagap ni Robert ang kanyang kamay. “This is quite
a surprise, how did you find me?”
“It’s called Facebook, Arran.”
Maikli niyang sagot. “I hope you’re free today.” Dugtong pa ni Robert habang
nagsimulang magmaneho ng Itim na Mitsubishi.
Napanguso
naman si Arran. “Saan tayo pupunta?” Nabigla talaga siya nang makita si Robert
sa harap ng opisina nila. Hindi niya alam na may stalker abilities pala si
mokong, at siya naman ay open sa lahat ang Facebook account.
“We’re
gonna have dinner later. But first, I wanna show you something.” Sagot naman ni
Robert habang nakatuon ang atensiyon sa pagmamaneho. Halos dalawampung minuto
silang nagbiyahe hanggang marating nila ang isang nakasarang puwesto sa may
Taguig.
“I
just bought this space, mag-eexpand na ako ng business.” Ang simula ni Robert
nang makababa na sila sa kotse. Alam ni Arran na may printing press si mokong
ngunit hindi niya alam na magtatayo na rin siya ng branch dito sa Manila. “Some
of my clients are from Manila, and I want to cater to printing newsletters and
probably some books. Bahala na.” dugtong pa nito.
Tahimik
na nagmamasid lang si Arran sa kanya, hindi pa kasi niya nakikita si Robert na
nag-aasikaso ng negosyo niya.
“Ano
pala ang buong pangalan mo?” Wala sa sariling tanong ni Arran. Tutal nalaman
naman niyang hindi pala si Robert ang kababata niya, he thought it would be
fair to know who he really is. Tiningnan lang siya ni Rob at tila nagtataka.
“Robert Mendoza, bakit?”
“Robert Mendoza, bakit?”
“Wala
naman. Nalaman ko kasing hindi pala ikaw yung kababata ko.”
“Hindi
nga. Nakalimutan ko yatang sabihin sa’yo.” Sagot naman ni Robert at napakamot
sa ulo. “I thought it wasn’t that important to know.” Dugtong pa nito.
Tumango lamang si Arran, dahil alam na rin
naman niya ang totoo. This revelation gave way to a new set of questions racing
on his mind. Kung nagfafall na siya para kay Robert, is it because he was
thinking that he was Biboy? Did he really fall for Robert, or is it Biboy?
Litong-lito na siya habang iniikot siya ni Robert sa lugar. “Hindi pa tapos ang
construction, but I expect it to be done in three months.” Tuloy na paliwanag
ni Robert, while Arran was drifting away because of his unanswered questions.
Napansin
na lamang niya na seryosong nakatingin sa kanya si Robert. “What are you
thinking?” he asked. Napailing si Arran, “W-wala. Medyo busy lang sa trabaho.”
Palusot niya.
“You
should not think about work when you’re outside the office, especially with
me.” Seryosong sagot naman ni Robert. Nanatiling nakatingin ito sa mata ni
Arran, which made the latter feel uneasy. Mabilis siyang nadidistract kapag
tinitingnan na siya ni mokong.
“And
here you are, giving me a tour in your soon-to-be office. Hindi yata patas
‘yun.” He snickered. Nagulat na lamang si Arran nang agad na hinawakan ni
Robert ang kamay niya, and flashed his winning smile.
Pinisil
ng marahan ni Robert ang palad ni Arran. “I just want you to be a part of my
plans. Become a part of my future.” He said, smiling.
Pinamulahan
naman ng pisngi si Arran, at agad na hinila palayo ang kamay niya. “H-hey,
don’t say silly stuff.” Depensa niya, habang tinatakpan ang mukha. Nahihiya na
siyang harap-harapan siyang kinikilig.
Tumalikod
si Robert kay Arran at nagsimulang maglakad. “Just stating some facts, hindi
naman siguro masamang mag-share.” Ang sabi niya. Hindi maiwasang mapangiti si
Robert sa ikinikilos ni Arran. Halatang attracted na ang binata sa kanya, just
like how attracted he is to Arran. Hindi naman niya pinaglalaruan ang feelings
ng binata, gusto lang niya malaman kung hanggang saan na ang pagtingin nito sa
kanya. He’s hoping that Arran will really become part of his future, since he’s
starting to plan his future with him as early as now.
Sinundan
naman siya ni Arran papuntang kotse, at nagdinner sa isang Japanese restaurant
pagkatapos. Bago umuwi si Robert sa inuupahang apartment sa Legarda ay inihatid
nito si Arran sa kanilang bahay. ginawaran niya ng isang masuyong halik sa labi
ang binata bago ito tuluyang makababa.
“I
hope that’s enough sign that I like you.” Mahinang usal ni Robert matapos
halikan ang binata. Ngumiti lang si Arran. “I know. And I hope that kissing you
back is enough for me to say that the feeling is mutual.”
“Oh
siya, bumaba ka na ng kotse. I might take you home if you don’t.” warning ni
Robert habang pinapaandar muli ang sasakyan. Tumawa lang si Arran at bumaba na
nga ng kotse. Kinawayan pa niya si
Robert habang papalayo ang Mitsubishi.
Napansin
ni Arran na nakagarahe na ang kanyang asul na kotse, napangiti nang malamang
naayos na si Brownie. Nag-doorbell si Arran, expecting that her mom is home but
he was shocked to see her sister to open the door for him. Ashley became
obviously upset and looked apologetic.
“Kuya,
sorry na talaga. Please, wag ka na magalit.” Ang pagsusumamo ng dalaga sa
kanya. Napabuntong-hininga na lamang si Arran. “Hindi na ako galit, ano ka ba.”
Ngiti niya. Matapos ang kanyang pagbabakasyon ay tila gumaan na ang
nararamdaman niya para sa kapatid. Siguro, kahit anong galit ang itanim niya
para kay Ashley ay nangingibabaw pa rin ang katotohanan na kapatid pa rin niya
ito. Even though she could be a total bitch.
“Basta
huwag mo nang uulitin.” Dugtong ni Arran. Ashley tried to stifle her tears and
hugged his brother. “Salamat talaga kuya, at sorry.” Paumanhin uilt nito.
Matapos
ang eksena nilang magkapatid ay umakyat na ito sa kanyang kwarto. Naikwento na
ng kanyang mommy na matapos na magkaalamang buntis si Ashley ay halos hindi na
ito lumalabas ng bahay upang gumimik, at inaalagaan na rin ang kanyang
kalusugan.
Nagtext
na rin si Robert sa kanya na nakauwi na siya. Humiga na si Arran sa kanyang
kama ngunit maya-maya ay nakarinig siya ng mahihinang katok sa pinto. “Kuya
Arran, may naghahanap sa’yo.” Narinig niyang sabi ni Ashley mula sa labas ng
pintuan.
Napakunot
ang noo niya dahil kakatext lang ni Robert kanina. Baka naman isosorpresa na
naman siya? Dali-dali siyang bumaba at nagulat nang hindi si Rob ang nakaupo sa
sofa kundi ang kanyang kababatang si Biboy.
Napansin
naman ni Biboy na pababa na siya at napangiti ito. Tiningnan ni Arran ang isang
box ng chocolates na kalapit ng kanyang kababata, at isang asong stuffed toy na
kulay gray.
“Hi
Ran-ran, binili ko para sa’yo. Para naman maalala mo si Brownie. Di’ba ikaw nga
ang nagsabing hindi brown si Brownie.” Natatawang sambit ni Biboy.
Nagpasalamat
naman si Arran sa natanggap na regalo. “Hindi ka na pala dapat nag-abala pa.
Pero salamat.” ang nahihiyang sagot niya.
Umupo
si Arran sa upuang katapat ni Biboy. Hindi niya alam ang sasabihin sa dating
kalaro, sa mga binigay niya kasi eh parang… nanliligaw
ito sa kanya.
“Napansin
ko pala yung blue na kotse dun sa labas, kamukha nung Matchbox na ibinigay ko
dati.” Ang masayang banggit ni Biboy. Napakamot lang ng ulo si Arran. “Ah, eh..
Oo nga. Brownie nga din tawag ko sa kotse.” Pag-amin niya
Lalo
namang napangiti si Biboy sa narinig. “Wow! So talagang hindi mo ako
nakalimutan.” Tumango lang si Arran bilang pagsang-ayon. “Teka, bakit ka pala
napadalaw?” ang naitanong ni Arran sa kalaro.
Agad
namang natigilan si Biboy at tila hindi alam ang sasabihin. “I just want to
tell you something, and I hope it doesn’t offend you…” pasimula niya. Kinabahan
naman si Arran sa biglaang pagseryoso ng mukha ni Biboy.
“The
truth is, I have been thinking about this for a while now. And I want us to be
more than childhood friends. Ran-ran, I might have been in love with you ever
since we were kids.” Ang pag-amin ni Biboy, pinamumulahan ito ng pisngi.
Arran
was taken aback with what he heard. Gusto siya ni Biboy? Paano si Robert?
“I
asked your mom and she gave me the permission to court you, so ikaw na lang ang
kulang.” Nagsimula nang ngumiti si Biboy, now that he was able to get it off
his chest.
Kinakabahan
si Arran sa takbo ng pangyayari. Hindi pa naman opisyal na magkarelasyon sila
ni Robert, pero no-brainer na may pagkakaunawaan sila. Ngunit napapaisip siya
kung nag-fall siya kay Robert dahil naiisip niya na si Biboy ito. Ngunit
nagkamali siya. And now here’s Biboy, laid his cards on the table and told him
he liked him. Nakakabaliw isipin.
“I…
I don’t know what to say, Biboy. Really.”
Ngumiti
lang si Biboy. “It’s fine, I guess I have to show you how serious I am. Anyway,
I have to go but I’ll be back in a couple of days. Client meeting. I hope you
understand.” Ang sabi ni Biboy at tumayo na mula sa kanyang pagkakaupo. Tumayo
na rin si Arran upang ihatid ang bisita sa pintuan.
“I
just came here to tell you how I feel, Ran-ran. I’ll see you soon?” ang sabi ni
Biboy. Tumango si Arran. “Yeah, see you soon.”
Biboy
gave Arran a quick kiss on the cheek. “Sorry for being too straightforward.” He
said, blushing. Nagsimula nang maglakad si Biboy palayo ng bahay nila.
Isinara
na ni Arran ang pintuan at napasandal ito. He let out a sigh. Nagulat na lamang
siya nang makita ang kanyang kapatid na lumabas mula sa kusina, may dalang
isang basong gatas at isang mug ng kape. “So, a suitor…” ang simula nito.
Naisip
ni Arran na magsisimula na namang mang-asar ang kapatid. Pinagmasdan lamang
niya ito habang umupo sa sofa. “Pwedeng humingi ng chocolates mamaya?”
nakangiting tanong ni Ashley. “Come here, lalamig na kape mo.” Dugtong pa nito.
Naglakad
si Arran papunta sa sala at lumapit sa kapatid. Nagsimulang inumin ni Ashley
ang kanyang gatas. “So, kuya Biboy finally had the strength to tell you he
likes you. Nakakakilig.” Ang natatawang sambit ng kapatid. “Actually, ilang
beses na siyang nag-open up kay mommy saka sa akin habang nagbabakasyon ka. So
kuya, what’s the score?” ang sunod-sunod na sabi pa nito.
Humigop
ng kape si Arran. “Sa totoo lang, hindi ko alam eh.” He started thinking about
Robert. Is he already cheating? Kahit ang sarili niyang mga tanong ay hindi
niya masagot.
“I
thought you like him too, considering you kept all the toys he gave you when
you were kids.”
Tugon ni Ashley habang hinahalo ang gatas sa baso.
Ininom niya ito pagkatapos, bottoms-up.
Napabuntong-hininga
si Arran. “See, that’s the problem…” pasimula niya. Ikinuwento niya ang
nangyari sa kanyang bakasyon, ang tungkol kay Robert at sa mistaken identity
nito. Napakunot naman ng noo si Ashley matapos marinig ang kwento.
“Kuya,
problema nga ‘yan.”
Author parequest nmn... pwede po ba na mag lagay ka ng picture ng mga character. About kila roboert, robert at arran...
ReplyDeleteThanks.....
Ghie of valenzuela
I'll try :) salamat sa comment ghie
Deleteat nasagot nga ang mga katanungan ko sa nakaraang kabanata. problema ngang malaki yan! nafall ka na yata kay rob eh. tas eto na si biboy na sabi mo ay hero ng buhay mo. sino pipiliin mo? kay biboy ka nalang. mas kilala mo sya. at maginoo pa. sa pisngi kalang hinalikan. pero yung isa sa lips agad haha. ang sarap kaya humalik sa lips, lalo na kung malambot. biboy wag kang babagal-bagal, dapat kasi dika na umalis at nakitulog ka nalang dapat, katabi mopa sana c ran-ran. thanks sa update.
ReplyDelete0309
Haha. Sino ba talaga ang bet mo 0309? Lol
DeleteShit! Sabi na nga ganito ang mangyayari! Pero fark it, pareho ko silang gusto kay Arran!
ReplyDeletePatay tayo dyan Ken, kailangan mo pumili ng side
DeleteHehe :)
Huh ang hirap magdecide ran-ran noh?
ReplyDeleteHi kuya anon. Ikaw ba may napipili na?
DeleteYIS, may update na! HAHA. :)
ReplyDeleteYun oh, torn between two lovers. ayyiie. XD
Abang2 sa mga susunod na mangyayari.
Hmmm, sino ba sa dalawang Robert ang bagay kay kuya Arran ..
Hmmmm.... Parang 55 for Biboy at 45 kay Robert.
Sh!T, hirap magdecide. XD
More kilig moments, pls. :3
Lol kayo bahala pumili ng side coffee prince. Haha
DeleteNaguguluhan na nga rin ako ee. haha!
DeleteRobert na. XD
This is how a romance story should be! Eeeeehh medyo mukhang madaming maka karelate. :)
ReplyDelete-dilos.
You're right dilos :)
Delete-cj ^___________^v
So relate ka as Arran? Naks! :)
Delete-dilos
Lol madam ba ang makakarelate? Hmmm
DeleteAhahahaha di ako makapagdecide kung Team Robert 1.0 o Team Robert 2.0!!!! Waaaa grabe kuya aparador prince! Worth it ang paghihintay ko!!!!
ReplyDeleteAng galing galing mo talaga! Ituloy mo lang kuya aparador prince
-cj ^________________^
Haha salamat cj. Sino ba ang 1.0 at 2.0?
Deletenice bumait n c ashley
ReplyDeleteOo nga mars. Si ashley na tuloy ang bestfriend ni arran
DeleteHaha
galing..
ReplyDeletemarc
Hi marc. Salamat sa comment. Hehe
DeleteYun, nasagot na nga ang mga katanungan. Pero ang bilis ni biboy ah. Di na nagpatumpik-tumpik pa. Ligaw agad. Pero cno nga ba mas bagay kay arran. Author idescribe mo naman kung ano na itsura ngayon ni biboy para naman may idea kami.
ReplyDelete-hardname-
Hi hardname. Nadescribe ko naman itsura ni Biboy sa part 10. Hehe
DeleteHala hala hala..... Tatsulok ito hahaha anyway kung sino kay robert at biboy ang piliin ni arran ay ok lang parehong nakakilig :))))
ReplyDeleteHi PJ. So wala pang team? Haha. Salamat sa pagbabasa!
DeleteKanya kanya na ng Team...basta ako dun kay TEAM ROBERT MENDOZA :))
ReplyDeleteHaba ng hair ni Arran sarap gupitin hahahaha
Kakakilig tong episode na to....more kilig pa !
Pahabaiin mu pa to mga hangang chapters 50
Pra masya hahaha
Kudos !!
TOMOH!!!! Mas mahabang chapters! Mas mahabang kilig! Mas mahabang saya hahaha
DeleteHello Raffy. Naku sobrang haba ng 50 chapters. Haha. Ang haba ba ng buhok ni Arran? Lol
Deleteahay.. bongels nmn ng twist!
ReplyDeletekakalerki!
pero kahirap nmn ng sitwasyon ni ranran. hay..
Tama ka dyan ferds
DeleteAt lalong magiging mahirap ang sitwasyon ni Arran sa mga susunod na chapter
Haha :)
Si biboy o si Robert? Si robert o si biboy?
ReplyDeleteAy kuya ano.. hindi makapili? Hehe
DeleteSo, it's the guy whom you have lots of memories with vs. the guy whom you share undeniable chemistry with. Exciting!
ReplyDeleteHi Rico. Eksakto ang description mo. Haha. So who would you pick, then?
DeleteHAHAHA XD
ReplyDeleteKung hndi si Biboy yong isang Robert , bt iniiwasan nya sa isang chapter si TIN.TIN ? Lol :D
Grabee . GANDA po ng Flow :P i love it ^_^ Next Chapter Please ***
-Eyriel ;)
Hello eyriel. Naku kahit naman siguro iiwasan si tintin. Haha
DeleteTorn between two lovers...hirap nyan ranran. Choose d best at tlagang mahal mo. Tnx author
ReplyDeleteRandzmesia
Mahirap talaga randz. Sana nga piliin ni arran ang tama para sa kanya.
DeleteNakakabaliw. Hndi ko rin alam kung sino nga ang dapat makatuluyan ni arran....but i like rob more. :) <3
ReplyDelete-- gavi :)
Hmmm gavi tingnan nalang natin kung si rob nga ang para kay arran. Haha
Deleteweewww... medyo na late ako sa pagbabasa medyo busy kasi, but since i really love this story i confer some of my time just to visit here and read this chapter,,,
ReplyDeletenasagot nga nitong part na to ung mga tanong ko sa part 10.. hehe
tsk tsk tsk... eto ung part na masasabi kong.... ARRAN,, ikaw na!!! hehehe
di muna ako pupusta kung kay robert ako or kay biboy... mahirap magkamali,. :D
@jrae: lagyan mo naman ng pic ung character ni ranran, biboy, tsaka robert.. para naman may iniimagine kaming mga readers mo while we are reading.. tahahaha,,,
-hyun jae lian
Hello. Subukan kong lagyan ng pictures ah. Kaso kahit ako wala din maisip na pics na ilalagay. Lol :)
DeletePengeng gunting! Isang gupit lang sa mahabang buhok ni arran! :))))
ReplyDeleteBigyan ng gunting! Haha
Delete