Followers

Tuesday, November 26, 2013

Na KAREN CARPENTER Lang 8



Hindi alam ni Doc Racky kung saan siya nakakuha at nakahugot ng lakas ng loob at pasensya habang nagde-Date sila ni Doms at talaga namang every seconds na magkasama sila nang gabing iyo'y nanliliit talaga siya lalong-lalo na kapag may makakasalubong silang mga tao sa Mall na titignan silang dalawa ni Dominic at one time ay may nagbulungan pa habang tumatawa na nakatingin sa kanila...
Talagang takaw attention sa public ang parehong Red shirt na suot nilang dalawa and kahit habang nagdi-Dinner  sila ni Doms ay pinagtitinginan sila ng tao and even ang Barista kanina sa Starbucks ay huling-huli ni Doc Racky na tinignan muna nito ang suot nilang dalawang Red na Shirt at napaSmile bago kunin ang kanilang Order na Frappe...
"I really enjoyed our date..." Ang naka-Smile na sambit ni Doms nang inihinto na ni Doc Racky ang sasakyan nito sa harap ng kanilang bahay.
Walang pasabing hinalikan na naman muli ni Doms ang nananahimik na si Doc Racky sabay hawak at lamas ulit ni Doms sa Crotch nito...
"What's wrong..." Ang biglang usal ni Doms nang maramdaman niyang hindi nagre-React sa kaniyang French Kiss itong si Doc Racky.
"Medyo masama lang ang timpla ko..." Ang mahinang reply naman ni Doc Racky.
"Just like what I said... Itulog mo lang yan Doc and bukas na bukas eh okay na ang pakiramdam mo..." Ang sweet na sweet na paalala ni Doms.
"I will..." Ani naman ni Doc Racky ng may pagka-Bitter.
Nagsabi itong si Doc Racky kanina kay Doms na medyo hindi maganda ang kaniyang pakiramdam ngunit binalewala ito ni Doms at sinabi nitong kulang lang siya sa pasyal dahil palagi siyang busy sa kaniyang work sa Animal Hospital and sa pagvo-Volunteer niya sa Red Cross...
"Magjo-Jogging ba tayo bukas..." Ang next na tanong ni Doms.
"Cancel muna natin Doms... Parang gusto kong magising ng late tomorrow..." Ang matamlay na sambit naman ni Doc Racky.
"MWAAAH... Just take a rest and you'll feel better... Bye na Doc..." Ang last na sambit ni Doms after niyang bigyan ng goodbye and goodnight kiss itong si Doc Racky sabay baba niya sa kotse nito.
"HAAAY..." Ang bugtong hininga naman ni Doc Racky dahil parang gumaan-gaan ang kaniyang paghinga't pakiramdam nang makababa na itong si Doms sa kaniyang kotse.
TOK TOK TOK!
Kaagad na ibinaba ni Doc Racky ang salamin ng bintana sa kaniyang side nang kumatok itong si Doms...
"Video Chat tayo after an hour..." Ang masayang bungad kaagad nitong si Doms kay Doc Racky.
"Ha... I want to sleep early..." Ang explain naman ni Doc Racky.
"Hindi ka pa naman nyan makakatulog eh... It wouldn't take a lot of your time... I'll see you online... Love You..." Ang mabilis na explain naman ni Doms and just like before ay hindi na nakatanggi pa itong si Doc Racy.
...
...
...
Nanggigigil na nagDrive pabalik sa kaniyang bahay itong si Doc Racky at talaga namang biglang kumulo't uminit talaga ang kaniyang dugo ng mga sandaling iyon...
"GRRRRRRR..." Ang tanging naiusal na lamang ni Doc Racky that time dahil banas na banas na siya sa behaviour ni Dominic.
Ipinarada muna ni Doc Racky ang kaniyang kotse sa harap ng kanilang bahay at hindi muna siya nakababa kaagad dahil sa tindi ng emotions niya ng mga sandaling iyon...
Gustong maiyak nitong si Doc Racky at talaga namang pakiramdam niya'y napaka-out of the line na talaga itong si Dominic sa kanilang relationship ngunit deep in his mind ay batid niyang malaki din naman ang kaniyang pagkakamali...
Nagsisisi itong si Doc Racky kung bakit niya minadali itong si Doms at hindi niya muna kinilala't kinilatis ang pag-uugali nito...
Aminado naman itong si Doc Racky na attracted na kaagad siya kay Doms at naOverwhelmed siya nang makita niya ito't sinungitan noong nahuli niyang pinatatae nito si Thalia sa Kalsada...
Alam din ni Doc Racky na pupuwede naman niyang sabihin kay Doms na na-a-Out of line na ito kaya lang ay bothered siya na baka masamain ito ni Doms...
Naiintindihan naman niya itong si Doms at alam din nitong si Doc Racky na ginagawa lang nito ang alam nitong makabubuti sa kanilang relationship...
"PERO SOBRA NA..." Ang nangigigil na outburst ng talunang si Doc Racky.
Madali lang isipin na pupuwede niyang pagsabihan si Doms pero kapag sinisimulan ng magplano nitong si Doc Racky ay para bang nababahag ang kaniyang buntot dahil baka mapunta sa di maganda ang maging outcome...
"Relax lang..." Ang sunod na sinambit ni Doc Racky habang kinakalma niya ang kaniyang sarili.
Natutuksong itong si Doc Racky na iwanan na lamang sa ere itong si Doms ng walang pasabi upang makawala na siya ngunit malakas din ang kabig ng kaniyang puso't kunsensya na hindi maganda ang gagawin niya...
And the fact na nagsisimula pa lamang sila sa kanilang relationship ay susukuan na niya kaagad ang hindi magandang ugali ni Doms...
"BAHALA NA..." Ang galit na sambit ni Doc Racky sabay baba niya sa kaniyang sasakyan upang buksan na ang gate ng kanilang bahay at maigarahe na ang kaniyang kotse.

**************

Sa kusina na lamang pumasok itong si Doms dahil nakaLock na ang kanilang front door at kaagad niyang nabungaran ang kaniyang Mommy Juliet na nagbubukas ng Ref...
"Kumusta lakad nyo..." Ang bungad ni Mommy Juliet sa anak nang binigyan siya ni Doms ng isang Kiss sa cheek.
"Kakapagod... G'night na po Ma..." Ang reply lang ni Doms at pagkatapos ay umakyat na siya sa kaniyang room at talaga namang looking forward siya sa Video Chat nila ni Doc Racky.
Since first Boyfriend ni Doms itong si Doc Racky ay namiMiss na niya agad ito kahit na buong gabi na silang magkasama sa kanilang Date...
Naiwan na lamang na nakaSmile itong si Mommy Juliet at nang masigurado na niyang siya na lamang ang nasa Kitchen ay kaagad niyang kinuha mula sa loob ng fridge ang binili nilang Manggang hilaw kanina ni Tita Luisa sa palengke at pagkatapos ay kinuha na din niya ang Peeler at mabilis siyang dumirecho sa kanilang salas upang manood ng TV...
Minsan kasi'y medyo late na din kung dalawin ng antok itong si Mommy Juliet kaya naman ay nagmiMidnight snack na lamang siya't nanonood ng late news...
Pagkabukas ni Mommy Juliet ng TV ay kaagad niyang napansin na nakasalampak itong si Thalia sa Sofa at natutulog...
Inilapag ni Mommy Juliet ang supot ng manggang hilaw at peeler at pagkatapos ay kaniyang kinuha ang kaniyang Prada na HandBag na nasa sa isang maliit na cofee table na malapit sa pintuan ng salas...
"Midnight snack tayo Thalia..." Ang masayang pag-invite ni Mommy Juliet sa kanilang Pet nang mapansin niyang naalimpungatan ito.
Habang nanonood ng TV ay binabalatan na ni Mommy Juliet ang Manggang Hilaw at nang makita ito ni Thalia ay tumaas ang dalawang tainga nito at mabilis siyang lumapit kay Mommy Juliet...
"Wait lang Thalia..." Ang natatawang sambit ni Mommy Juliet nang  walang tigil siyang kinakalabit ni Thalia.
Hindi malaman-laman ni Thalia kung bakit bigla na lamang siyang naglaway nang makita niya ang binabalatang Manggang Hilaw nitong si Mommy Juliet...
"Dati hindi mo naman pinapansin ang Manggang Hilaw ah..." Ang nagtatakang sambit ni Mommy Juliet dahil kaagad na nginuya't nilunok ni Thalia ang ibinigay niya ditong isang slice ng Mangang Hilaw.
"Secret lang natin ha..." Ang next na natatawang sambit ni Mommy Juliet sa namamangos ng Manggang si Thalia nang inilabas niya mula sa kaniyang Prada HandBag ang isang maliit na bote ng Barrio Fiesta Sweet Bagoong.
"PLOK!!!" Ang matining na tunog ng pag-Pop nang binuksan na ni Mommy Juliet ang bagong bili niyang bote ng Barrio Fiesta Sweet Bagoong.
Hindi maipaliwanag na talaga ng matabang si Thalia ang kaniyang sarili dahil lalo pa siyang naglaway nang maamoy niya ang Bagoong...
"ARF..." Ang malakas na kahol ni Thalia at pagkatapos ay nilapitan niyang muli itong si Mommy Juliet.
"SHHHHH... BAKA MAHULI TAYO THALIA..." Ang mabilis na saway naman ni Mommy Juliet sa kanilang matabang Labrador Golden Retriever.
Kahit na Vegetarian kasi itong si Mommy Juliet ay hindi nito maiwas-iwasang paminsan-minsan na kumain ng kaniyang paboritong cheat food na Manggang Hilaw and Bagoong...
Biglang tumaas ang dalawang mga kilay nitong si Mommy Juliet nang makita niyang sarap na sarap itong si Thalia na kinakain ang ibinigay niya ditong isang Slice ng Manggang Hilaw na nilagyan niya ng Bagoong...
"Para ka namang naglilihi..." Ang natatawang sambit ni Mommy Juliet habang masaya silang kumakain ni Thalia dahil first time niyang makita ang kanilang Pet na kumain nito at talaga naman kasing inii-Snob ni Thalia noon ang Mangga hilaw and Bagoong.

*******Monday 7:00 am*******

Maagang nagising at naunahan nitong si Doms ang kaniyang alarm clock at pagkatapos niyang mag prepare for work ay kaagad siyang lumabas na ng kaniyang room at pagkatapos ay dumirecho siyang palabas na ng bahay...
"Di ka ba magbre-Breakfast..." Ang paghabol ni Tita Luisa nang makita niyang paalis na itong si Dominic.
"Hindi na po Ta... Pupunta lang po ako kina Doc Racky..."
"Wait lang... Dalhin mo na din ito... Doon din naman pala ang punta mo..."
Kaagad na hinablot ni Doms ang supot ng Lansones na iniabot sa kaniya ni Tita Luisa...
"Pakisabi kay Doc pinabibigay ni Juliet... Mura kasi kahapon nang pumunta kami sa Palengke..." Ang pahabol ni Tita Luisa kay Dominic.
"Pakisabi kina Mommy na umalis na po ako..." Ang reply ni Dominic habang diredirecho na siyang lumabas sa pintuan.
"Ang aga-aga mukhang bad trip..." Ang nasambit na lamang ni Tita Luisa dahil hindi na siya nilingon pa nitong si Dominic.
...
...
...
Inis na inis talaga itong si Doms hanggang ngayon dahil hindi sa kaniya nakipagVideo chat kagabi itong si Doc Racky...
Hindi naSatisfy itong si Doms sa paalam nitong si Doc Racky via text message na hindi na nito talaga kaya pang makipagVideo chat dahil masama nga ang pakiramdam nito...
Lalong nagLevel up ang pagkaBad Trip ni Doms nang makita niyang nakalabas na ang kotse nitong si Doc Racky at nasa kalagitnaan ito ng pagsasara ng Gate ng bahay nito...
NakaSemi Formal na 3/4 Dark Blue Polo sleeves at Gray slacks itong si Doc Racky at that time at gwapong-gwapo talaga...
"Kala ko ba masama ang pakiramdam mo at gusto mong Late nang gumising..." Ang bungad ni Dominic nang makalapit na siya sa biglang nagulat na si Doc Racky.
"Hi Doms... Ikaw pala... Medyo okay okay na ako... May appointment pala ako ngayong umaga sa Animal Hospital..." Ang mabilis na explain naman ni Doc Racky.
Hindi ipinakita ni Doc Racky kay Doms na medyo kinakabahan siya that time dahil wala naman talaga siyang appointment that morning at talagang nagDecide siyang pumunta na lamang ng Animal Hospital para maiwasan nga itong si Doms...
Alam kasi nitong si Doc Racky na baka magwating at magDemand ng explanation from him ang demanding na si Doms nang hindi siya nakipagVideo Chat dito kagabi at ngayon nga'y naging tama ang hinala nya kaya lamang ay naabutan pa din siya nitong si Doms habang papaalis siya...
"Bakit hindi ka nakipagVideo Chat kagabi kahit ilang minutes lang..." Ang biglang sambit ni Doms sa pasakay sa kotseng si Doc Racky.
"Masama talaga ang pakiramdam ko kagabi... Sorry Doms... Bawi na lang ako next time... Text na lang kita pag nasa Clinic na ako...Love You..." Ang mabilis na paalam ni Doc Racky habang papasakay na ito sa kaniyang Honda Civic.
"Teka pinabibigay sa'yo ni Mommy..." Ang medyo inis pa ding sambit ni Doms nang iniabot na niya ang hawak niyang supot ng Lansones kay Doc Racky.
"Pakilagay na lang sa table sa kitchen at talaga namang nagmamadali ako... Bukas yung pintuan ng Kitchen..." Ang mabilis na sambit naman kaagad ni Doc Racky.
"Bakit hindi ka nagla-Locked Up..." Ang next na puna naman ni Doms.
"Wala naman sigurong makakapasok na akyat bahay dito sa subdivision..."
"Kahit na... Delikado ang panahon ngayon... We really need to talk..." Ang demand ni Doms.
"Later na lang pag uwi ko... PakiLock na lang yung pintuan sa Kitchen pag alis mo... Sige na... Bye na Doms..." Ang mabilis na usal naman ni Doc Racky at talaga namang gusto na niyang makaalis dahil ayaw na niyang kausapin pa itong si Doms lalong lalo na nang marinig niya ang sinabi nitong 'We Really Need To Talk'.
...
...
...
Hinahabol na naman ni Doc Racky ang kaniyang hininga habang binabagtas niya ang highway papunta sa kanilang Animal Hospital at talaga namang nasu-Suffocate na siya sa presence nitong si Doms...
"Relax ka lang... Hindi matatapos ang araw na ito eh magiging okay na ang lahat..." Ang bulong ni Doc Racky sa kaniyang sarili.
That time ay nakapagDecide na itong si Doc Racky na kausapin itong si Dominic pagkauwi niya mamaya tungkol sa pagiging demanding nito sa kanilang relationship at bahala na kung masamain ito ni Doms basta ang importante ay masabi niya ang ayaw niyang ugali nito...

**************

Napabugtong hininga na lamang itong si Dominic nang makaalis na itong si Doc Racky at talaga namang wala siyang kamuwang-muwang at clueless na clueless talaga siya na ganoon ang epekto niya sa kaniyang partner...
Tahimik na lamang na pumasok sa bahay ni Doc Racky itong si Doms at inilagay niya sa Fridge ang supot ng Lansonez na padala ni Mommy Juliet for Doc Racky...
Tinignan muna ni Doms ang time sa kaniyang Fossil WristWatch at nang makita niyang medyo maaga pa ay dumirecho itong si Doms sa Salas ni Doc Racky...
Kahit na medyo naiinis itong si Doms kay Doc Racky ay nakuha pa din niyang iCheck kung maayos pa din ba ang pagkaka-Arrange sa mga gamit ni Doc Racky sa loob ng bahay nito...
Naging Satisfied naman itong si Doms sa kaniyang nakita dahil parang hindi nagalaw at nadumihan ang mga furnitures sa loob ng bahay ni Doc Racky...
"Wala namang masama..." Ang sambit ni Doms sa sarili nang mapagawi ang kaniyang tingin sa direction ng room ni Doc Racky.
"MagPartner naman kami..." Ang next na sinabi ni Doms upang i-Justify ang kaniyang gagawin that time.
Walang katinag-tinag at hindi nagdadalawang isip itong si Doms na dumirecho sa room ni Doc Racky at pumasok upang tignan kung nailigpit ba nitong si Doc Racky ang pinaghigaan nito...
Alam ni Doms na mang-i-Invade siya ng privacy pero naniniwala siyang may karapatan siya at priviledge naman niya iyon dahil Couple na nga sila nitong si Doc Racky...
"What will you do without me..." Ang proud na pagbugtong hininga na lamang ni Doms nang makita niyang unKept pa ang bed ni Doc Racky.
Pailing-iling lang itong si Doms habang itinutupi niya ang kumot at iniaayos ang bedsheet at ang mga unan ni Doc Racky...
Wala talagang kamalay-malay itong si Doms na medyo nagiging out of line na siya dahil ang tanging nasa sa isip lamang niya'y maging maayos at maging perfect ang kanilang relationship nitong si Doc Racky...
Medyo concerned din siya kay Doc Racky dahil walang nag-aalaga dito kaya naman pinangangatawanan na nga niya ang pagiging pka-Partner nito...
Talagang nilubos-lubos na ni Doms that time ang pang-i-invade niya ng Privacy nang binuksan niya ang cabinet nitong si Doc at tinignan kung nakatuping maayos ang mga damit nito...
Talagang ininspeksyon niya ang bawat sulok ng kuwarto ni Doc Racky at saka lamang niya napansing may isang pintuan pa pala sa loob ng room ni Doc Racky...
Nakita din ni Doms ang LapTop ni Doc Racky at doo'y mabilis niyang binuksan ito upang iCheck na din...
"Wala namang masama... Titignan ko lang..." Ang sambit ulit ni Doms sa kaniyang sarili habang hinihintay niyang magBoot ang LapTop ni Doc Racky.
Medyo natagalan ang LapTop ni Doc Racky kaya nama'y habang hinihintay na magBoot up ni Doms ito'y binuksan niya ang napansin niya kaninang isa pang pintuan sa loob ng room na inakala niyang Bathroom...
Medyo na-Impress itong si Doms nang makita niyang isa palang walk-in Closet ang nasa sa likod ng pintuan...
Wala itong mga damit bagkus ay puro kahon lamang at in-Assume kaagad ni Doms na mga  hindi pa ito nai-a-Unpack ni Doc Racky kaya nama'y minabuti ni Doms na tignan kung ano nga ba ang laman ng mga ito...
"What's this..." Ang nasambit ni Doms sa kaniyang sarili nang makita niyang puro mga papeles ang laman ng unang box niyang binuksan.
Babasahin na sana ni Doms ang una niyang nahawakang mga papers nang may napansin siyang kakaiba sa laman ng kahon...
Mabilis na dinampot iyon ni Doms at doon niya napag-alamanan isa itong Litrato at talaga namang lumuwa ang mga mata niya kasabay ng kaniyang pagSinghap nang makita niya kung sino ang nasa sa picture...

1 min...

3 mins...

5 mins...

It took Five mins bago mahimasmasan itong si Doms dahil sa kaniyang pagkakaShock sa kaniyang nakitang Photo...
Nagmamadaling lumabas itong si Doms mula sa room ni Doc Racky at pagkatapos ay diredirecho na siyang tuluyang lumabas ng bahay...
Hindi maipaliwanag ni Doms ang kaniyang emotions that time...
Hindi na din niya mapigilang mapaluha habang naglalakad siya pabalik sa kanilang bahay...
...
...
...
Laking gulat talaga ni Tita Luisa habang nagwawalis siya sa labas ng bahay nang makita niyang nagdadabog na pumasok sa gate nila itong si Doms...
"Kala ko ba umalis ka na..." Ang bati ni Tita Luisa kay Dominic.
"Ta... Pabukas naman ang gate... Gagamitin ko yung Adventure..." Ang reply na lamang ni Doms.
Tahimik namang binuksan ni Tita Luisa ang gate ng bahay at hindi na niya kinausap pa itong si Doms hanggang sa makaalis na ito na drina-Drive ang kanilang Adventure...
"Anyare kaya sa batang iyon..." Ang sambit na lamang ni Tita Luisa dahil hindi siya pupuwedeng magkamali dahil kitang kita niyang luhaan ang kaniyang pamangkin.

**************

Mabilis na nakarating naman itong si Doms sa Museong Pambata at pagkaPark niya sa Adventure ay kaagad siyang pumasok sa Museum at hinanap itong si Myrtle...
Naibuhos na ni Doms ang lahat ng luha dulot ng sama ng loob kanina sa loob ng Adventure habang nagbibiyahe siya papasok at ngayo nga'y nang-gagalaiti siya sa galit habang papasok siya sa employees lounge ng Museum...
"GOOD MORNING CRUSH..." Ang malanding bungad kaagad ni Myrtle nang makapasok na itong si Doms.
"Let's talk..." Ang walang emotion na sambit naman kaagad ni Doms sa biglang natigilang si Myrtle.
Tahimik na lamang na sumunod itong si Myrtle kay Doms at hindi na siya nagtanong pa dahil napansin niyang medyo namumugto ang dalawang mga mata nito...
Pagkapasok na pagkapasok nilang dalawa sa Restoration room ay tiniyak muna ni Doms na sila lamang dalawa ni Myrtle ang nasa sa loob bago niya niLock ang pintuan...
"Doms... Ang aga naman nito... Hi... hi... hi..." Ang malanding outburst naman ni Myrtle.
"May asawa na pala si Doc Racky..." Ang straight to the point na tanong kaagad ni Doms sa natameme na namang si Myrtle.
"HA???"
"May asawa na pala si Doc Racky... Hindi mo ba yun alam..." Ulit muli ni Dominic.
"May asawa na siya... Alam ko... Paano mo nalaman Doms... Sinabi na ba sa'yo ng Pinsan ko..."
"Hindi... Aksidente ko lang na nalaman..."
"Eh ano naman ngayon Doms kung may asawa na si Kuya Racky... Ano naman ngayon sa'yo..." Ang pilyang sambit naman ni Myrtle.
"HA???" Ang gulat na reply naman ni Doms.
"Sabi ko... Ano naman sa'yo kung may asawa na si Kuya Racky..."
"Wa-wala..." Ang nauutal na sambit ng natauhang bigla na si Dominic.
Dahil sa sobrang galit niya nang makita niya ang Wedding Picture ni Doc Racky ay nagDecide siya na iConfirm ito kay Myrtle at ngayon nga'y medyo kinakabahan na itong si Doms dahil sa malisyosong tingin sa kaniya ngayon ni Myrtle...
Batid ni Doms na clueless itong si Myrtle about his sexuality ngunit dahil sa kaniyang pabigla-biglang action ay tila mabubuko na ni Myrtle ang kaniyang itinatagong kalansahan...
"Bakit Doms... Ba't mo tinatanong..." Ang next na panunukso ni Myrtle.
Kinutuban kaagad itong si Doms sa kaniyang kaharap na parang may alam na itong si Myrtle...
"Wa-wala..." Ang ulit na reply ni Doms.
"SELOS KA BA???" Ang next na sinabi ni Myrtle na nagpalaki kaagad sa dalawang mga mata ni Dominic.
"MAY ALAM KA BA MYRTLE..." Ang gulat na tanong ni Doms.
"Alam kong kayo na ng pinsan ko..." Ang nakaSmile na sambit naman ni Myrtle.
"Don't worry Doms... Walang makakaalam nito... Secret lang natin..." Ang next na sinabi ni Myrtle nang makita niyang slight na nagambala ang pagmumukha ni Dominic.
"Ewan ko ba kay Kuya Racky kung bakit sineryoso ang pustahan sa iyo..." Ang next na sinabi ni Myrtle.
"PAKIULET???!!!" Ang biglang tanong naman ni Doms.
"AY!!! Wala..." Ang natauhang sambit naman ni Myrtle.
"ANONG PUSTAHAN..." Ang sambit muli ni Doms.
"Wa-wa-wala... I-i-ibang usapan yun Doms... Si-si-sige lalabas na ako at may nakaSchedule pa akong School na magpi-Field Trip this Morning kaya kailangan ko ng magPrepare..." Ang nauutal na mahabang explaination ni Myrtle ngunit huli na ang lahat dahil nahawakan na siya sa kaniyang braso nitong si Doms.
"May kailangan kang sabihin sa akin... Sabihin mo na..." Ang galit na sambit ni Doms sa kinakabahang si Myrtle.
"I'll explain everything..." Ang mabilis na sinabi naman ni Myrtle dahil talaga namang natakot siya at now lang niya nakitang nanlilisik sa galit ang mga mata ni Dominic.
Kahit na magsisi itong si Myrtle dahil sa kaniyang pagiging pilya't madaldal ay wala na siyang nagawa pa kungdi ipagtapat ang lahat-lahat kay Dominic dahil sa kaniyang pagkakadulas sa kaniyang mga sinabi kanina...
Kaagad namang ini-Explain ng kinakabahan at naCorner na si Myrtle kay Doms kung ano yung pustahang sinasabi niya...

*******Myrtle's FlashBack*******

"Bakit naman bigla-bigla ang panliLibre mo sa akin sa StarBucks..."
"May itatanong lang ako Myrtle..."
"Ano yun Kuya Racky..."
"Kilala mo ba si Dominic... Doms ang palayaw... Nagtratrabaho din siya sa Museong Pambata..."
"I Know him... Bakit mo tinatanong..."
"Wala lang... Kapitbahay kasi namin..."
"Eh bakit mo nga tinatanong... "
"Bakla ba yun..."
"HINDI ANO... Teka... Bakit mo tinatanong kung beki si Doms..."
"Ang gwapo eh..."
"EWAN KO SA'YO KUYA RACKY... Huwag mo ngang igaya ang lahat ng gwapo sa'yo..."
"Yun ang una kong impression sa kaniya nung makita ko siya sa Village namin eh..."
"Talaga Kuya Racky..."
"Yup... It takes one to know one..."
"Hmmm..."
"Anong Hmmm Myrtle ha..."
"Pumasok na din ang Idea na yan sa isip ko... Pero hindi ko pa Confirm na Paminta si Doms..."
"Pustahan... Kagaya ko din yang si Doms..."
"Teka nga lang Kuya Racky... Interesado ka ba kay Doms... HA..."
"I'm attracted to him noong una ko siyang nakita... "
"AKIN NA SIYA ANO... Eh paano na ang asawa mo ha..."
"I don't want to talk about her..."
"Magtapat ka nga Kuya Racky... Type mo ba talaga si Doms... Hindi naman kita masisi at talaga namang artistahin iyon... Kaya nga type ko din eh..."
"Ganito na lang... May the best man win... Or woman... Ano call ka..."
"Hindi bakla si Doms ano..."
"Sigurado ka..."
"Oo naman Kuya Racky..."
"Ano ang ipupusta mo..."
"I'll treat you ng isang Frappe..."
"Call... Pero walang iyakan Myrtle..."
"CALL... Teka... May Charity event sa Museum... Di ba taga Red Cross ka..."
"Yup..."
"That's good... Kasi nagmeMedical mission ang mga taga Red Cross tuwing may Charity event kami kaya pupuwede kang pumunta doon..."
"What for..."
"Para makita mo kung gaano kami kaSweet ni Doms..."
"Thats a good idea Myrtle..."
"Basta sakyan mo na lang ang gagawin ko Kuya Racky para hindi makahalata si Doms na may plano tayo at baka malagot ako kapag nalaman nung pinagpustahan natin siya..."
"Promise Myrtle... Hindi niya malalaman... Basta walang iyakan ha just inCase mapasa-akin si Doms..."
"Walang iyakan talaga Kuya Racky..."

*******End Of FlashBack*******

After na masabi na ni Myrtle ang lahat-lahat ay napaupo na lamang itong si Doms sa isang monoblock chair at talaga namang nanlambot ang kaniyang dalawang tuhod sa kaniyang napag-alamanan...
"Are you okay..." Ang concern na tanong ni Myrtle nang mapansin niyang tulala itong si Dominic.
"Just leave me alone... Just keep it between you and me... Don't tell Doc Racky..." Ang napipiyok na mahinang sambit ni Doms kay Myrtle.
"Doms..."
"Just leave me alone... Please..."
Hindi na nagsalita pa itong si Myrtle at kaagad siyang lumabas mula sa Restoration room ng may mabigat na dinadala sa kaniyang damdamin...
Guilty na guilty itong si Myrtle dahil sa hitsura nitong si Dominic nang kaniyang iniwan na ito...
Hindi mapakali itong si Myrtle at awang-awa siya kay Doms kaya nama'y nagmamadali niyang tinawagan ang kaniyang pinsang si Doc Racky...
"Napatawag ka..." Ang bungad ni Doc Raky from the other line.
"LAGOT KA KUYA RACKY..."
"Anong pinagsasabi mo..."
"Lagot ka kay Doms..."
"HA???"
"Alam na ni Doms na may Asawa ka..."
"Ba't sinabi mo... Sasabihin ko naman sa kaniya in Due time..."
"Hindi ko sinabi ano... Tinanong lang niya ako at naCorner niya ako kaya sinabi ko na may asawa ka na... Kaya nalaman din niya ang pustahan natin..."
"YUNG PUSTAHAN..." Ang gulat na outburst naman ni Doc Racky.
"SYET..." Ang nasambit na lamang ni Myrtle dahil nadulas na naman siya sa kaniyang mga sinasabi sa pangalawang pagkakaton.
...
...
...
Habang nag-e-Explain na naman itong si Myrtle sa kaniyang pinsang si Doc Racky over the phone ay tahimik lamang na lumuluha itong si Doms dahil sa pagkaawa niya sa kaniyang sarili dahil sa kaniyang sinapit...

*******6:30pm*******

Maagang umuwi itong si Doc Racky from the Animal Hospital at talaga namang hindi siya makapagConcentrate ng araw na iyon...
Hindi muna iginarahe ni Doc Racky ang kaniyang Honda Civic bagkus ay iniwan na lamang niya itong nakaPark sa tapat ng kanilang bahay...
Matamlay na pumasok ng kaniyang bahay itong si Doc Racky habang tinitignan niyang muli ang kankang iPhone...
NapaSigh na lamang itong si Doc Racky nang wala pa ding reply sa kaniya itong si Doms...
Maghapon kasing tini-Text ni Doc Racky itong si Doms ngunit maghapon ding walang paramdam ito sa kaniya...
...
...
...
Balak ngayon ni Doc Racky na puntahan itong si Doms sa kanilang bahay after niyang makapagShower...
...
...
...
Kasabay ng pagpasok niya sa kaniyang room ay nanlaki ang dalawang mga mata nitong si Doc Racky dahil sa kaniyang nadatnan...
...
...
...
"WHAT THE FUCK..." Ang nang-giGigil na nasambit na lamang ni Doc Racky habang pinagmamasdan niya ang naka-On at nakaStandby niyang Laptop sa kaniyang Desk.
Sigurado si Doc Racky na iniwan niyang nakaOff ang kaniyang LapTop na pang Personal use at alam na alam din niya kung sino ang nagbukas nito...
Lalong kumulo ang dugo nitong si Doc Racky nang makita niyang nakabukas ang kaniyang Cabinet and ang kaniyang walk-in Closet...
Hindi na nagulat pa itong si Doc Racky nang makita niyang nakabukas ang isang kahon na nasa sa loob ng kaniyang walk in Closet at nakalabas ang wedding photo niya kasama ang kaniyang Wife...
Naliwanagan na din itong si Doc Racky kung bakit nalamang bigla ni Doms na may asawa na siya...
Balak naman kasing sabihin ni Doc Racky ito kay Doms kaya lamang ay tumitiyempo pa siya ng magandang pagkakataon...
Kung kanina'y nangangamba itong si Doc Racky na baka nagtatampo or nagagalit na sa kaniya itong si Doms ay kabaligtaran naman ang nararamdaman niya ngayon...
Mabilis na nagDial itong si Doc Racky sa kaniyang iPhone and after ilang seconds lang ay sinagot na ni Dominic ang kaniyang Call...
"Doms..."
"Doc..."
"We need to talk... Punta ka dito sa house... Nakauwi na ako..."
"On the way na ako at talagang inaabangan ko na makauwi ka na at talagang gusto kitang makausap..." Ang matigas and walang emotion na sinabi ni Doms sabay end niya ng call.
"SO BE IT..." Ang nagNgingit-ngit na usal ni Doc Racky at talaga namang hindi na niya mapigilan ang pagkulo ng kaniyang dugo dahil sa pang-i-invade ni Doms sa kaniyang room.
Kung gaano kainit ang ulo ni Doc Racky ay ganun din naman ang pang-gagalaiti nitong si Doms that time habang naglalakad ito papunta sa bahay ni Doc Racky...
That time ay iniipon na nina Doms and Doc Racky ang kanilang mga gustong sabihin sa isa't isa...
Napagdesisyunan na din ng dalawa na hindi na sila mag-aatubiling sabihin ang kanilang mga kinikimkim at talaga namang sasabihin nilla ang nais nilang sabihin sa pagmumukha ng bawat isa...

  Part 1 - Merry Christmas Darling
Part 2 - Breaking Up Is Hard To Do
Part 3 - I Can't Smile Without You
Part 4 - I Need To Be In Love
Part 5 - Close To You
Part 6 - There's A Kind Of Hush
Part 7 - Love Me For What I Am
Part 8 - GoodBye To Love
Part 9 - Super Star (Baby Baby Baby)
Finale - You


To Be Continued

33 comments:

  1. Unahan ko na kayo... DON'T TAKE SIDES HA...

    Basta alam naman natin kung ano ang mga pagkakamali nila...

    Again... Let this be a warning sa mga couples dyan...

    Yun lang!

    NaExplain na ni Ponse!

    YABYU!!!

    ReplyDelete
  2. hayyyy ayan na nga ba, mag uusap pag sa huli na at napuno na. kung umpisa pa lang kasi kinausap ng ang bawat isa ng maayos, walang lalabas na may kasalanan sa kahit na sino. relationship is partnership. dapat parehong magtulungan to make it work. parehong may mali sa kanila at pareho nilang dapat ayusin. si doc din ang nag tulak kay doms na mag invade ng privacy nya kasi di nya sinet ang rules ng relationship nila.on the other hand, doc made a mistake on having a relationship without being 100% honest, idagdag pa ang issue ng pustahan.
    hayyy anyways, masarap pa din mainlove, im hoping na mapupunta pa dn to sa happy ending since pasko na dapat good vibes ang lahat and matuto sa experiences nila doc and dom (pati ni thaliang Maria Maharot) LOL

    ReplyDelete
    Replies
    1. Eh sa ayaw nila kasing magaron ng Conflict! Yun naman ang pagkakamali din Mr.Stan ng ibang couples ih. Kung kayang tiisin eh titiisin hanggang sa BOOM!

      Delete
  3. Smell blood hmmmnn...

    Last three part na pala to...haits kakalungkot
    Anyway congrats po ng maraming ^____^

    ReplyDelete
    Replies
    1. See you sa Rambulan Kuya Raffy :))

      TC AND GOD BLESS :))

      Delete
  4. Donya Ina ikaw ba yan??? hehehehhe mag congrats lang ako kay Thalia, akin na ang isa ha hehehehhehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Parang naglaway lang naman sa Mangga't bagoong Kuya PJ :))

      Delete
    2. tulo laway ko nga kagabi pag basa sa mangga

      Delete
    3. Indian Mango at Barrio Fiesta Sweet Style :)) THE BEEEESSSST!!!

      Delete
    4. ok na ako sa MAMA LUZ Uyap hehehhehe

      Delete
  5. yep, giyera nga :o

    peo sobra na talaga si dom nakakainis -_-

    ReplyDelete
    Replies
    1. May kinalagyan siya sa pang-i-invade niya Lawfer :))

      Delete
  6. hahahaha...... i was really surprised..... Surprisingly bitin..... hahaha

    ReplyDelete
  7. hahahaha...... i was really surprised..... Surprisingly bitin..... hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi naman siguro Kuya Patryck :)) talagang sa ibang chapter ang confrontation nila :))

      Delete
  8. parang world war 3 to ah. parehong magsasalubong ng init ng ulo! malaking gulo toh. pero sana magkaintindihan din sana sila at maitama ang mga mali nila. kasama nmn talaga yan sa relasyon.

    may kahihitnanan naman pala ang pagiging pakialamero ni doms, ayun natuklasan nya tuloy ang tinatago ni doc. pati pustahan nalaman din ni doms at me alam pala si myrtle sa kanila. buntis si thalia! takaw na takaw sa manggang hilaw. hahaha! thanks sa update.

    0309

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ganyan ba talaga Kuya 0309 kapag buntis :)) Hahaha! :))

      Delete
  9. ayan na! magkakaalaman na ng saloobin! love u doc! lol!

    tonix

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yup Kuya Tonix... Pinaabot pa nila sa ganyan... Ganyan naman talaga minsan ih :))

      Delete
  10. Ooooohhhh, eto na po ang first major couple fight. Sino kaya ang titiklop? Hahahaha.:)) Pero seriously, sakit 'yan ng halos lahat sa atin, aminin. Taguan ng feelings kahit hindi dapat tapos saka na lang puputok kapag sobra na.

    Thanks, Friend! Exciting ang mangyayari sa confrontation. Paano kaya nila iha-handle? Hmmm. At si Thalia, my baby girl, magkaka-babies na rin! Penge isa!:))

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kung maiiwasan naman talaga ang confrontation eh dapat iwasan Kuya Rico pero sometimes bigla na lang napupuno kaya dapat maging sensitive ang mga couple sa kanilang mga kaPartner din :))

      Delete
  11. hay saan hahantong angmga rebelasyong nangyari sa chapter na ito? hindi na ko makapaghintay. tnx sa update

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang hint eh yung mga Kanta ng The Carpenters Kuyang Anon. :)) Lagay ka naman ng name next time :)) TC AND GOD BLESS!!!

      Delete
  12. hannnuuuu bayan... pareho lang silang may mali.. minsan maganda din magset ng rules between the two of you...

    -arejay kerisawa

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kaya alam mo na Kuya Arejay ang mga do's and Don'ts sa isang relationship di ba :)) Hahaha!!!

      Delete
  13. Nako po nagkapatong patong na mga sama ng loob..well ayos na din yan para magkaliwanagan na sila Doms at Doc Racky kasi di na talaga healthy mga nangyayari sa kanila..

    Jusko si Thalia naglilihi hahaha!adik ka talaga Kuya Ponse haha!may manggat bagoong pa na banat! :D

    Thanks Kuya :) malapit nang matapos to..until next chap Kuya Ponse :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mas mabuti pa si Thalia ih :)) Nyahahaha!!!

      Delete
  14. nakakainis sila pareho lalo na si Dom, sobra na siya!!

    Sana maghiwalay na silang dalawa!!!! haha!

    ReplyDelete
  15. As always, Tatak Ponse... :D

    hala panu kaya pag sumabog na yung 2 bulkan... parehu naman talaga silang may kasalanan... peru kampi talaga ako kay doc :D

    pasenxa na pons, lagi akong updated peru ngayun lang nakapagcomment, nakablock sa ofc yung comment eh..

    ~JACK

    ReplyDelete
    Replies
    1. Walang bawian sa kinakampihan Kuya Jack ha :)) LOLs :))

      See you sa next part! :))

      Delete
  16. ito na malapit na excited na kuya ponse sa next chapter....

    ReplyDelete
    Replies
    1. May isa pang mangyayare Kuya Bobby :))

      Delete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails