Followers

Thursday, November 14, 2013

Gapangin mo ako. Saktan mo ako. [Chapter 04]


Teaser | 123
Note

1. Magandang araw sa lahat! Ito na po ang Chapter 4. Salamat po sa pagsusubaybay, pag-iwan ng komento, at sa pagbabasa ng kuwento! Masaya po akong masaya kayo sa kuwentong ginawa ko.

2. Maraming salamat po kay Kuya Mike na palagi kong ginugulo at saka kay Kuya Ponse. Pasensya na po talaga! Ngunit abot langit naman ang pasasalamat ko sa inyo. Kayo ang nagbigay katuparan sa pangarap kong maging manunulat. Kahit baguhan pa lamang ako at panay ang pangungulit ko sa inyo, natiis niyo pa rin ako. Nakakawarla talaga ang haba ng pasensiya niyo kaya idol ko na kayo, ipagdadasal ko kayo ngayong gabi. Huehue <3
 


3. Ang updates ko po ay every Saturday, Sunday, Tuesday, at Thursday. Kung type niyo po ang kwento ko, abangan po ang mga updates sa mga araw na ito. Dahil kung type niyo ako, e di type ko rin kayo. Dejk hahahahahahaha.

Enjoy!

Disclaimer:


1. Ang larawan ay hindi ko pag-aari. Ginamit ko lang ito para may visual representation ang mga character sa kuwento. Kung meron man ang na-ooffend sa larawan, paki-e-mail po ako at tatanggalin ko ang larawan asap.

2. May mga pangalan ng tao, bagay, o establishment na po akong imemention sa chapter na ito. Nais ko lang pong ipaabot na kung meron man pong na-ooffend sa mga pangalan na namention ko sa chapter na ito, conincidence lang po iyon at walang anong iba pa. Fiction po ang kwentong ito, at kung may pagkakahawig man sa totoong buhay ni kanino, nais ko pong magpaumanhin sa pagkakapareho.

E-mail address: comegetmycookies@gmail.com
Facebook account: www.facebook.com/boy.cookies.16 (Boy Cookies)

Sana po magustuhan ninyo ang kuwento. Maraming salamat!

---
Chapter 4



Pagkagising ni Angelo, wala na si Dimitri. Malamang maagang gumising. Sa paggising niya, nararamdaman niyang may panibagong pakulo na naman si Dimitri laban sa kanya. Handa na naman ako. Bumangon si Angelo mula sa kama at inayos ito. Huminga ng malalim si Angelo. Kinakabahan pa rin siya sa gagawin ni Dimitri laban sa kanya.

Almost one sem na rin siyang nagtataka kung bakit patuloy ang pambubully ni Dimitri sa kanya. Araw-araw, tinitiis niya lang ito at iniiyak. Ayaw niya kasing patulan si Dimitri kasi kahit papaano, may puwang pa rin itong si Dimitri sa puso ni Angelo. Kahit papaano, naniniwala pa rin siyang hindi masama si Dimitri. Walang saysay kung papatulan niya pa ito. At isa pa, may pangako siyang binitawan kay Tito Jun na iintindihin niya pa rin si Dimitri anuman ang mangyari

Naligo si Angelo at nagbihis. Nagwithdraw siya ng pera upang iwan na lang sa mesa ni Dimitri. Sa pagtatapos ng semestre, hindi niya kasi nagawang pakisamahan si Dimitri dahil sa pagsasama nila ni Corina. Hindi niya alam kung galit ba ito sa kanya o kung anuman, ngunit nararamdaman niya pa rin na may responsibilidad pa rin siyang dapat gampanan at may pangako siyang dapat tuparin. Alam niya kasing babalik din yun at kukunin ang pera, kakailanganin ni Dimitri iyon dahil aalis na siya. Magugutom lang si Angelo sa kahihintay kay Dimitri kasi alam niyang hindi makikipagsabay si Dimitri sa kanya, galit nga ito eh. Hanggang ngayon, ni sentimo ay walang ginamit si Angelo sa perang binigay ni Tito Jun kasi ayaw niyang pagdating ng panahon ay sisingilin siya sa mga kabaitan na ginawa ng mga tao sa kanya. Chill lang siya. May bahagi rin naman ng utak niya na kahit papaano, may concern pa rin siya para kay Dimitri.

Papunta siya ng library upang makapag-internet. Kailangan niyang mag-facebook upang tingnan kung nakasagot na ba ang kanyang butihing ina. Magtatapos na kasi ang semestre at uuwi na siya para sa sembreak. Kahit puro sakit at pang-aapi ang kanyang naramdaman sa paaralan, simula nang iniwan siya ni Gio, sa panloloko ni Corina, sa pambubully ni Dimitri, siguro panahon naman upang umuwi siya para makapagpahinga.

Pagkapasok niya ng library, ibang aura ang kanyang naramdaman. Pinagtitinginan siya ng mga tao. Nararamdaman niyang pinag-uusapan siya. Hindi niya alam kung bakit. Patuloy lang siya sa paglalakad upang humanap ng computer na pwedeng gamitin nang doon sa dulo ng mga mesa, nakita niya si Corina - ang babaeng minahal niya. Kasama ang isang lalake. At hindi siya nagkakamali sa identity ng lalake, kilala niya ito.

Si Gabby - roommate ni Gio.

Mistulang isang magasin ng punyal ang sumaksak sa kanyang puso sa kanyang nakita. Nakukutuban na niyang hindi na siya mahal ni Corina - o hindi man lang minahal. Nasasaktan siyang nakikita si Corina na may kasamang iba kasi naalala niya ang kanyang katangahan. Hindi naman ipagkakaila na may pag-ibig pa siyang natira para kay Corina, ngunit dahan-dahan na itong napapalitan ng hinagpis at galit. Sa loob ng anim na buwan nagsakripisyo siya lahat lahat, hindi naman siya nagkulang kay Corina, naging mabuting boyfriend naman siya. Ngunit sa huli hindi niya aakalaing si Corina ay kay Gabby pala mapupunta - sa kaibigan pa ni Angelo.

Nasasaktan siya. Nagparaya siya sa wala.

At least masaya naman si Corina. At least kay Gabby naman siya napunta. Mas mabuti na iyong ganoon. Sa isip niya.

Habang naglalakad siya ay patuloy pa rin ang mga titig na kanyang natatanggap. Hindi niya pinaunlakan ang mga ito at dire-diretso lang siya sa paglalakad. Makakasalubong niya rin sina Corina at Gabby, pero wala na siyang pakialam.

Masakit, pero pipilitin. Moving on, moving on. Sa isip niya.

Nang makasalubong na niya si Corina, nakita niya na tinitignan siya ni Gabby.

"Uy, Angelo pare! Kamusta ka na!" Tumayo si Gabby at yayakapin sana si Angelo.

Umangat ang ulo ni Angelo at ngumiti. "Ayos lang naman. Buhay pa rin." At yumakap na rin si Angelo kay Gabby. Magkaibigan naman talaga sila eh. Di lang siguro close, pero nararamdaman niyang walang tensyon sa pagitan nilang dalawa.

Wag mo yang pansinin! Mang-aagaw iyan! Inigaw niya ang girlfriend mo!
Sigaw ng isang bahagi ng kanyang isip.

Wag kang makinig diyan! Hindi niya naman kasalanan mapunta sa kanya si Corina!
Sabi ng kabilang bahagi ng kanyang isip.

At dahiil magkaibigan naman talaga sila ni Gabby, hindi na niya nilalagyan pa ng tensyon ang kanilang friendship. Tama nga, hindi naman niya talaga kasalanan kung sa kanya nagkakagusto si Corina. Siguro nga walang ideya si Gabby na nagkaroon pala ng relasyon si Angelo at Corina, isang relasyon na peke at hindi naging totoo sa simula.

"Kamusta ka na? Balita ko nabubully ka raw palagi eh." Pag-aalala ni Gabby kay Angelo sabay akbay kay Angelo.

"Wala yun. Si Dimitri lang naman yun. Alam mo na, isip bata." Sabay ng pilit na tawa.

"Hindi naman ganoon kasi ang kaso Angelo. Mapakaibigan mo o hindi, dapat may respeto ang trip. Gina-gang bully ka na nga, kaibigan pa rin? Ano ka ba! Di na tama iyan eh! Lumaban ka naman."

"Huwag na. Ayaw ko namang palalain pa lahat eh. Ayos na ako." Ngumiti si Angelo kay Gab.

"Tol, hindi man tayo ganoon ka-close, kaibigan mo pa rin ako. May problema ka, sabihin mo sa akin, ha? Sabi ko na nga ba, hindi ko gusto iyang Dimitri na iyan noong una eh. Tapos ngayon, sinasaktan ka pa niya!" May diin ang boses ni Gabby sabay yakap kay Angelo. Habang niyayakap ni Gab si Angelo ay hinahagod niya ang likod ni Angelo. Nagulat naman si Angelo sa ginawa ni Gab. Naantig ang puso niya. Nararamdaman niya kasi ang pagmamalasakit ni Gab sa kanya sa kabila nang mga pangyayari, sa bullying, at sa problema ni Angelo sa puso. Si Corina naman, nagsimulang manginig ang mga tuhod habang pinagmamasdan si Angelo.

Problema pala huh?
Sa isip niya. Binaling niya ang kanyang tingin kay Corina na nakaupo pa rin sa upuan. Tinitignan niya si Corina nang napansin ito ni Gabby. Kaya naisipan ng huli na ipakilala si Corina kay Angelo at vice versa.

"Ah! Siya nga pala Angelo. Si Corina, girlfriend ko. Mag-si-6th monthsary na kami bukas." Sabi ni Gabby na may kakaibang ngiti sa kanyang mukha at aliwalas sa kanyang aura. Natigilan naman si Angelo sa kanyang narinig. Parang nabasag lahat ng babasagin sa harap ni Angelo nang marinig niya ang "6th monthsary". Kahapon pa lang kasi nabunyag ang lahat, sa supposed to be 6th anniversary nila ni Corina. Kung magsi-six months na sila ni Gabby, ibig sabihin, all this time, pinaikot siya ni Corina. Sa anim na buwan, ginago siya ni Corina. Matapos silang magkakilala ni Angelo, nilandi niya na naman si Gabby. So totoo pala na niloko ako ni Corina at pinaikot ha? Hahahhaha, pinagsabay pa niya kami. Walang hiya. Sabi ni Angelo sa kanyang isip. Tinitigan niya ng maigi si Corina. Si Corina, tinitigan naman si Angelo ng diretso, nanghahamon. May gana pa talagang manghamon ang babaeng ito ha? Hahahahaha, tingnan natin. Napatawa si Angelo sa kanyang naisip.

Sa nakita at nalaman ni Angelo, parang nawala lahat ng pagmamahal niya kay Corina at napalitan ng pagsumbat, pagkamuhi, at galit. Gusto niyang sumbatan at bulyawan si Corina ngayon mismo, pero ayaw niya ng eskandalo. Kaya naisipan niyang pasikretong takutin si Corina deep down. Read-between-the-lines kumbaga.

Nagtitigan sila ni Corina. Siguro ito na ang simula upang magpakatatag ako. Hahamunin kitang babae ka! Humanda ka! Sa isip niya.

Pagkatapos niyang tapunan ng titig si Corina, ngumiti si Angelo. Inilahad niya ang kanyang kamay at nagpakilala tila ba hindi nila kilala ang isa't isa.

"Angelo Montemayor. BA Mass Communication. How are you?"

Tinignan ni Corina ang kamay ni Angelo at nagdadalawang-isip kung tatanggapin niya ba ito o hindi. Bahala na! Ani ni Corina.

"Corina. BS Math." Ang matipid na sambit ni Corina. Hindi niya man lang magawang ngitian si Angelo dahil naiilang siya. Hindi niya naman kasi inakalang pagkatapos nilang magbreak kahapon, magkikita ulit sila kinabukasan.

"Halika upo ka muna dito Angelo. Kami lang kasing dalawa ni babes ang nakaupo rito eh. Samahan mo na kami. Magkwentuhan na lang tayo bahala na ang librarian diyan." Malawak ang ngiti ni Gabby at inalok ni Gabby na maupo si Angelo sa harap nila ni Corina. Nang maupo na si Angelo, magkaharap at magkatapat lang sila ni Corina ng upuan. Kaya panay ang iwas tingin si Corina at nawala ang tapang ng kanyang pagtitig na pinakita niya kay Angelo kanina.

"Sige walang problema." Sumagot si Angelo at binigyan ng isang sarkastikong ngiti si Corina. Isang ngiti na nanghahamon, nang-iinis, nang-uudyok. Umupo silang dalawa ni Gabby. Si Gabby sa tabi ni Corina. Sa harap ni Corina si Angelo.

"Kamusta na ang lovelife? Wala ka bang nililigawan ngayon?" Panimula ni Gabby habang nakaplaster pa rin ang kanyang ngiti.

"Ako? Heto single. Masaya naman. Bahala na sigurong single, wag lang MANLOKO." Sagot ni Angelo. Binigyang diin niya talaga ang pagbigkas ng salitang "MANLOLOKO". Alam niya na natatamaan si Corina sa kanyang mga sinasabi. Gusto niyang patamaan si Corina at palabasing tanga kay Gabby, sa taong bagong mahal niya. Gusto ni Angelo na maghiganti at maranasan ni Corina kay Gabby ang kanyang naranasan kay Corina.

"Hahahahaha! Bitter tayo tol ha! Ako, alam kong hindi ako lolokohin ni Corina." Sabay yakap ni Gab kay Corina at hinalikan ito sa ulo.

"Talaga? We can never be so sure..." Sarkastikong tono ni Angelo at tinitignan niya si Corina sabay pabalang na umiling.

"Oo, naman! Di ba Corina?" Inakbayan ni Gabby si Corina at nilambing niya ito. Parang tuod si Corina at hindi man lang siya makagalaw. Nanginginig siya at naninigas ang kanyang buong katawan. Hindi niya magawang tingnan ng diresto si Angelo at umiiwas ito sa mga mata ni Angelo.

"Ha? eh.. O-oo!" Tarantang sagot ni Corina. Sa puntong ito, nararamdaman na ni Angelo ang tensyon sa loob ni Corina.

Nataranta na si puta. Hahaha, magaling tong ginagawa ko. Sabi ng isip ni Angelo.

"Bitter talaga kasi ako ngayon pare eh. Kasi, may nakarelasyon ako, 6th months na rin sana kami kagaya ninyo, kahapon. Kaso manloloko ang babae! Manggagamit! Ginamit niya lang ako para makapasok siya sa sorority! Naku, naku, naku. Tsk. Tsk. Tsk." Pinatatamaan ni Angelo si Corina at iniinis niya ito. Umiiling si Angelo at hindi man lang alam ni Corina ang gagawin. Bawat bigkas niya ay may pabalang na tono na unti-unting nagpapataranta kay Corina. Alam niyang natataranta na talaga si Corina. Nagugustuhan niya ang kanyang simulang paghihiganti.

"Ano ba naman iyan! Hindi dapat manggamit ng tao! Alam mo Angelo, ang pinakaayaw ko sa lahat, iyang taong manggagamit! Tsk. Kahit hindi ako ang taong ginamit, pero malaman ko lang talaga na ginamit niya ang iba? Grabe, matuturn off ako sa kanya. Di ba member ka rin ng sorority, Corina?" Tanong ni Gab sabay hawak sa kamay ni Corina.

"A-ah? O-oo!" Hindi magawang tingnan ni Corina ang mga kausap.

"Kilala mo ba iyang sinasabi ni Angelo?" Hinalikan ni Gab ang kamay ni Corina.

"A-ah, eh. H-hindi eh." Nauutal na sagot ni Corina.

"Ows?" Sarkastikong sabat ni Angelo habang nakangising palaka. Nagsasasaya na ang buong katawan ni Angelo sa reaksyun ni Corina. Ngayon nalaman niya pa na ang taong mahal ni Corina ay ayaw sa pag-uugali ni Corina. At dahil dito, parang naiihi na ang mukha ni Corina.

"Wag naman ganun Gab. Kung magsorry naman sa'yo ang tao?" Baling ni Angelo kay Gab.

"Hindi pa rin Angelo eh! Kahit magsorry pa siya, hindi ko na talaga gusto. Matuturn off talaga ako. Kasi pag nagawa na once, sure ako gagawin niya ulit iyon. Baka sa akin pa! Kasi ang sorry, sa bibig lang iyan. Mawawala lang iyan. Makakalimutan. Pero kung hindi niya talaga gusto manggamit ng tao, hindi niya gagawin yun! Kasi kung may sapat na lakas siya na gawin iyun once, hindi malayo na magkakaroon siya ng parehong sapat na lakas upang gawin iyun ulit." Seryoso at mariin na sabi ni Gabby. Habang nagsasalita si Gabby ay tinapunan ni Angelo ng isang nang-iinis na titig si Corina at nakakalokong ngiti. Hindi na mapakali si Corina sa mga narinig galing kay Gab. Gustong-gusto niya talaga ang tao, higit pa sa buhay niya. Tapos, ito lang ang maririnig niya, tungkol pa talaga sa kanya. Wait, mahal niya ba talaga si Gab? May duda ako eh.... Si Angelo, sa isip niya.

Hindi na kumportable si Corina.

"Babes? Labas na tayo please. Malamig na talaga masyado eh." Anyaya ni Corina sabay iwas sa paksa na pinag-uusapan nila.

"Leaving so soon? We're just getting started!" Excited na wika ni Angelo sabay high-five kay Gabby. Nakatitig pa rin siya kay Corina at nang-iinis na facial expression pa rin ang binibigay niya kay Corina.

"Just kidding. You can actually go. Easy lang naman habulin ang dagang kakawala eh. Haha!" Tumawa si Angelo at tumayo. Nakitawa na rin si Gab sa sinabi ni Angelo. Halata naman ang kaba at ilang sa mukha ni Corina, parang natatae na naiihi.

"O sige. Alis na muna kami pare ha? Ingat ka." Pamamaalam ni Gab sabay tapik sa balikat at kindat kay Angelo. Tumayo na silang dalawa ni Corina. Si Gab ay nakaakbay kay Corina, at si Corina ay nakayakap naman kay Gab.

"O sige, walang problema tol. Take care Gab. TAKE CARE CORINA HA? MAHIRAP NA..." Pinutol ni Angelo ang kanyang gustong sabihin. Tumayo ito at lumapit sa tenga ni Corina. "Mahirap na mabisto." Bulong ni Angelo. Nilayo ni Corina ang kanyang mukha mula kay Angelo at nararamdaman niya ang pagpapakaba ni Angelo sa kanya. Sumimangot ito kay Angelo at lumingon kay Gab sabay plastar ng isang peke at kinakabahang ngiti. Tumawa lang si Gab sa pangtitrip ni Angelo kay Corina, kahit wala siyang alam sa namagitan kina Corina at Angelo.

Nang makaalis na ang dalawa, tawa ng tawa si Angelo at hindi magkamayaw sa tuwa sa kanyang paghihiganting ginawa kanina. Simula pa lang iyan, Corina. More to go. Sa isip niya.

Dumiretso na siya sa internet den ng library at nag-facebook. Nang makalog-in na siya, nakita niyang may reply na galing sa kanyang mama. Excited na siyang umuwi at magpahinga. Excited na siyang makita ang kanyang ina at mayakap ang kanyang kapatid.

To: Gel Monte
From: Martil Montemayor

Hello anak! Kamusta ka na diyan?? Ok ka lang ba?? Nakakain ka ba ng maayos?? Nakakatulog ka ba ng maayos?? Nakakapag-aral ka ba ng mabuti?? Balita ko malapit na matapos ang semestre... Maaari bang umuwi ka?? Miss na miss ka na nmin ni Angela... Aasahan ko ang sagot mo anak... Hindi ako marunong magtype kaya si Angela na ang pinatype ko...

Pakabait ka anak ha?? Mahal ka namin...


Kulang na lang ay maiyak si Angelo sa kanyang nabasa. Doon niya lang naramdaman na may nagmamalasakit pa pala sa kanya maliban kay Gab. Gusto niya na talagang umuwi, namiss na niya ang matigas na higaan, ang amoy ng corned beef at daing, ang kanin na presko, ang tubig na hindi mineral water, ang electric fan, ang upuang kahoy sa sala.

To: Martil Montemayor
From: Gel Monte

Inay! Miss na miss ko na rin kayo. Uuwi po ako pagkatapos ng sem. Isasama ko po si Gio, matagal na rin kasi kaming di nagkikita. Hindi na nga po kami nagkasama hindi pa nagsimula ang semestre. Pero ayos lang iyon ma. Pagkatapos kong matapos lahat ng requirements, uuwi po ako agad agad.

I love you po.


At doon na nagsimulang pumatak ang luha ni Angelo. Oo, namimiss na niya ang kanyang pamilya.

Matapos siyang makapagmessage ay tinignan niya ang facebook ni Gio. Ang laking pinagbago ni Gio. Mula sa mahabang buhok, pinagupitan niya pala para makasali siya sa banda. Maikli na ang kanyang buhok at mas bagay sa kanya ang clean cut. Simula pa man noon, mahilig kasing makipagkaibigan at noon pa man ay pangarap ni Gio na tumugtog sa entablado. Nakita niya rin ang mga picture ni Gio sa kanyang mga gig. Kung saan saan napupunta si Gio at ang kanyang banda. Tinignan niya rin ang timeline ni Gio at puno ito ng mga messages na nagpapahayag ng paghanga at pag-idolo kay Gio. People-person kasi itong si Gio, gustong makipagsalamuha. Sikat na talaga si Gio, gwapo pa, tapos ngayon crush pa talaga ng buong bayan. Masayang-masaya ako at ito na ang katuparan ng mga pangarap niya. Sana di pa niya ako nakakalimutan. Sa isip ni Angelo habang napasimangot. Nalulungkot siya at namimiss na niya ang bestfriend niya. Isang sem na rin silang hindi nagkikita nang maayos.

Alam niya naman kasi na hindi niya maaabutan si Gio sa kanyang room. Malamang kesyo busy sa pag-aaral, kesyo busy sa gig, kesyo busy sa pagpapractice. Basang-basa na ito ni Angelo. Kabisado na niya ito. Kaya napagpasiyahan na lang ni Angelo na mag-iwan ng mensahe para sa kanyang bestfriend sa facebook.

To: Gio Santos
From: Gel Monte

Tol! Ready na ako umuwi. Sama ka ba? Btw bestfriend, layo na nang inabot ha. Hindi na kita maabot. Pero alam ko namang nag-eenjoy ka diyan sa pusisyon mo eh. Ingat ka palagi tol. Di na kita pipigilan. Kain ka palagi.

Proud na proud ako sa'yo tol! :)


Wala psa sa alas-kuwatro ay nag-reply si Gio. Hindi pala siya nakaonline status pero online siya. Nag-chatback si Gio sa kanya.

Gio: Hoy anong drama yan
Gel: Online ka pala
Gio: Hindi ako uuwi. Busy sa banda eh. Daan ka na lang sa room please? May ipapadala ako kina mama.
Gel: Ok. Sabi ko na nga ba.
Gio: Ge. Dito ha? Kailangan nila mama to.
Gel: Onga po. Ngayon LBC na rin ako sa'yo. Tangina mo. Sige pagkatapos ko dito diyan ako.


Nag-offline na si Angelo at umalis na ng library. Napagdesisyunan niyang dumaan muna sa mga kanto kanto upang bumili ng taho. Wala kasing taho sa loob ng paaralan nila.

Nakabili na siya ng taho at naglalakad na papuntang dorm nang pinagtatapunan siya ng mga lalaki ng mga water balloon. Kay Dimitri na naman galing iyon, alam niya. Nang maramdaman niya ang lamig ng tubig, hindi na siya kumibo. Wala na siyang ginawa kasi sanay na siya, wala na siyang nararamdaman. Nasanay na siya sa mga pang-aapi ni Dimitri.

Ang akala niyang water balloon ay hindi pala water balloon, kulay dilaw. Mapanghe. Shit! Ihi ba to? Puta ang baho! Kadiri! Sigaw ni Angelo sa kanyang isip.

Oo, ang loob ng water balloon ay ihi.

Pinagtatawanan siya ng mga tao at ang iba ay pinandidirihan siya. Ngunit wala na sa kanya iyon. Pagkatapos niyang tapunan ay lumapit si Dimitri at sumigaw.

"LADIES AND GENTLEMEN, I PRESENT YOU... BOY IHI! HAHAHAHAH"

At nagtawanan ang mga tao. Hindi na niya pinansin iyon. Ang iba ay pinagpipicturan na siya at kinukunan ng video. Hindi na niya iyon alintana kung mapapahiya siya. Si Dimitri naman talaga ang mapapahiya dahil siya ang may masamang ginawa, at hindi si Angelo.

Ang akala niya'y tapos na ay simula pa lang pala.

May lalaking tumakbo sa kanyang likuran at pinalo siya ng isang dos por dos na kahoy sa pwet. Masakit. Mahapdi. Malakas ang pagkakapalo. Napasigaw siya sa sakit. Tumalikod siya upang habulin ang lalaki, ngunit natigilan siya nang may nararamdaman siyang tumutusok sa kanyang likuran. Hinugot niya ang isa sa mga tusok at nakita niya... darts. Nang tumalikod na naman siya upang habulin ang mga lalaking nagtatapon ng darts, kaagad na binalutan ang kanyang ulo ng itim na sako, hindi siya nakakita at hindi siya nakahinga... Dumapa siya at nag-aagaw hininga, malalim, mariin. Nakita na niya naman na may dala dalang water balloons sina Dimitri... Akala niya'y ihi na naman. Ngunit iba na. Pintura ang laman ng water balloons, iba't-ibang kulay. Parang artwork na si Angelo dahil sa iba't-ibang spots ng kulay sa kanyang katawan dahil sa mga paint balloons na tinapon nina Dimitri. Agad na tumayo si Angelo at tumakbo sa staircase sa gilid. Hindi na lang siya papasok sa lobby kasi pagtitinginan na naman siya. Nakakahiya naman.

Nang makaalis na siya narinig niya ang mga malakas na tawa ng mga lalaki. Dinig na dinig niya si Dimitri: "AYOS MGA TOL! HAHAHAHAHAHAHA!"

Gusto niyang sumabog at umiyak sa kanyang kahihinatnan. Habang inakyat niya ang mga hagdanan ay tumutulo ang kanyang mga luha. Bakit ba ito ginagawa ni Dimitri? Putang ina naman oh. Sobra na ha. Nakakabastos na! Ngunit pinipigilan niyang maiyak.

Nang makaabot na siya sa 6th floor, tinungo niya ang room at binuksan ang pintuan. Kaagad siyang naligo at nagbihis. Gusto niyang kuskusin pati dila niya sa panghe ng ihi kanina. Nang nakabihis na siya, binuksan na niya ang laptop unit na bahagi ng scholarship na binigay sa kanya. Nakaconnect siya sa room wifi at binuksan ang student circle website ng paaralan.

Eto ang headline: DIMITRI SALVIEJO, THE HOT BULLY HATES ANGELO, THE SCHOOL GENIUS. NEW LOVE TEAM?

Sari saring comments ang kanyang nabasa kagaya nang:

"Di ba roommates sila?"
"Di ba lovers sila? Nag-LQ nga yan bago nagstart yung classes."
"Di ba friends sila?"
"Di ba Jun and Angelo are friends? Bakit naman aawayin ni Dimitri ang friend ng dad niya?"
"Di ba Fine Arts si Dimitri and Angelo's Mass Comm? Ang layo naman!"
"Is this another LQ?"
"The more you hate the more you love..."
"They're like cat and mouse. They look good together!"
"I think pakulo lang nila yan kasi they're couples! No doubt!"
"Bagay naman sila... #bromance"
"Grabe naman ang pasensya nitong si Angelo... unfathomable!"
"Nagpapapansin lang iyang si Dimitri kay Angelo eh!"
"So gay"
"Isang disiplinadong tao talaga si Angelo."
"Ano ba naman iyang si Dimitri! 14 lang iyang si Angelo eh!"
"Baka crush ni Dimitri si Angelo! Cute naman sila together."
"Sila iyong nag-LQ last summer eh! Sa lobby. Si Angelo nakaboxers shorts si Dimitri nakatuwalya. HAHAHAHAH #nakakapagduda"


At kung anu-ano pa. Natawa na lang si Angelo. Siguro nga isip bata lang talaga si Dimitri kaya palagi niyang binubully si Angelo. And sa part ni Angelo, iniintindi niya na lang si Dimitri kahit 2 years older pa ito. Kasi kahit papaano, naniniwala kasi si Angelo na mabait na tao si Dimitri. Kaya ginagawa niya ang best niya para maging kalmado. Hindi na niya rin pinapatulan ang mga spekulasyon dahil alam niyang walang malisya ang kanilang pagkakaibigan.

Nasa ganoon siyang pagbabasa nang may nagmessage kay Angelo sa facebook. Ang teacher pala niya sa Math, si Dean Realoso.

To: Gel Monte
From: SEAU Jonah Realoso

Hello Angelo! Can you stop by the College of Math? I have to ask something from you. Thanks. Be at my office by 5 PM. Don't reply na lang.


Pagkatapos mabasa ni Angelo ang mensahe, tinignan niya ang relos. 3:34 PM na pala, kailangan niya pang mag-impake nang bahagya kasi uuwi na siya. Kinuha niya ang kanyang mga gamit, lahat. Nag-iimpake siya nang may kumatok sa pintuan. Pinagbuksan niya ito.

Si Gio.

"Uy bestfriend!" Sigaw ni Gio.

"Tangina mo. Bestfriend mo lang ako kung magpapadala ka ng gamit." Pagmamaktol ni Angelo. Tumalikod ito at tinungo ang kama niya.

"Ikaw naman. Nagtampo pa oh. Lambingin kita diyan eh." Niyakap ni Gio si Angelo mula sa likod.

"Bakit ba naman kasi ang busy busy mo na Gio. Pwede namang later na lang yang banda." Nagpupumiglas si Angelo sa yakap ni Gio. Bumalik siya sa pag-iimpake at hindi man lang pinaunlakan si Gio.

"Tol? Alam mo naman kung gaano ko kagusto ang mapabilang sa kanila. Kaya sige na please, pagbigyan mo muna ako. Ngayon lang to eh, basta sa pasko uuwi tayo sabay, promise. Namiss kaya kita baby ko." Hinalikan ni Gio si Angelo sa pisngi at nahiga si Gio sa kandungan ni Angelo habang busy sa pagtutupi ng mga damit si Angelo. Hindi na nagulat si Angelo sa pahalik-halik ni Gio kasi sweet talaga iyang si Gio kay Angelo. Minsan nakakalimutan ni Gio na lalaki si Angelo. Sa tuwing ginagawang babae ni Gio si Angelo, binabatukan niya na lang ito o di kaya'y mapapairap na lang.

"Bahala ka nga diyan. Tabi." Matipid na wika ni Angelo. Bumangon naman sa pagkakahiga si Gio.

"Wag ka na magtampo tol oh, please? Mahal kaya kita!" Tinabihan ni Gio si Angelo sa pag-upo sa gilid ng kama at inakbayan.

"Bakit naman ako magtatampo? Ano naman ako sa'yo? Bestfriend mo lang ako... Tagadala pa nga eh... Mahal mo lang siguro ako kung may gusto kang ipadadala." Patuloy sa pagtutupi ng damit si Angelo at hindi man lang tinignan si Gio.

"Paano kung mahigit pa sa bestfriend ang tingin ko sa'yo?" Hinimas ni Gio ang balikat ni Angelo habang malagkit na tinitignan si Angelo.

"Sasapakin kita." Malabnaw na sagot ni Angelo.

"Ows?"

"Malutong na suntok, iyong bagong prito." Pinakita ni Angelo ang kanyang kamao sa mukha ni Gio.

"Kung magtatampo ka pa, hahalikan na talaga kita." Hinihimas pa rin ni Gio ang balikat ni Angelo.

"Okay. Hindi na ako nagtatampo. Baka kasi hindi ka pa nagtoothbrush eh." Tinanggal ni Angelo ang pagkakaakbay ni Gio sa kanya. Hindi nagbago ang mukha ni Angelo at blangko pa rin ang kanyang mukha.

"TOL NAMAN HAPON NA, NAGTOOTHBRUSH NAMAN AKO NO!" At kinurot ni Gio si Angelo sa tagiliran. Naghabulan sila at nagkikilitian kagaya nang ginagawa nila simula bata pa sila. Madaling kilitiin kasi itong si Angelo. Si Gio naman, sa leeg ang kiliti. Masayang-masaya sila. Sa nakalipas na sem lamang naramdaman muli ni Angelo ang pagiging bestfriend ni Gio. Malutong na ang tawa ni Angelo at hindi na niya ito pinipilit. Siguro tama na ang pag-iyak. Siguro tama na ang pag-aalala. Sa isip ni Angelo.

Nasa ganoon silang paghaharutan nang biglang bumukas ang pintuan. Si Dimitri.

Tinitigan sila ni Dimitri, blangko ang mukha ni Dimitri at maya-maya ay nagsalita: "Ang landi niyo. Ilock niyo naman sa susunod." Dumiretso si Dimitri at may hinahalukay sa kanyang cabinet.

Natigilan si Gio at Angelo at inayos ang sarili. Ngumiti si Gio kay Dimitri samantalang masama namang tinitingnan ni Dimitri si Angelo. Galit? Selos? Tampo? Di natin alam. Si Angelo patuloy pa rin sa pagtutupi ng mga damit at pag-iimpake na parang wala lang si Dimitri. Hindi niya rin tinignan o binati man lang si Dimitri. Naiilang kasi siya.

"Dimitri! Kamusta ka na?" Bati ni Gio at umupo ito sa kama ni Dimitri.

"Eto ayos. Enjoy naman. Ikaw? Sarap na sarap ka yatang makipagharutan sa asawa ko eh." Blangkong tono ni Dimitri na parang hindi interesadong makipag-usap. Hindi tumigil sa paghalukay ng gamit sa cabinet si Dimitri at hindi rin siya tumigil upang kausapin si Gio.

Bumabanat tapos nambubully? Tanga ba siya?
Napasinghag si Angelo sa kanyang narinig. Si Gio naman ay nagulat at hindi alam ang sasabihin.

"Eto, banda banda rin." At umakmang naggigitara si Gio.

"Pansin ko nga pinagupitan mo ang buhok mo eh. Part pa ba yan ng banda?"

"Ah? Oo, request ng mga kasama ko, magulo raw kasi tingnan." Hinimas ni Gio ang kanyang buhok.

"Pwede may request din ako? Off-limits ka kay Angelo." Matigas na usal ni Dimitri.

Nanlaki ang mga mata ni Gio at Angelo. Nagulat silang dalawa sa sinabi ni Gio. Nagkatinginan sila Angelo at Gio. Kumukunot ang noo ni Angelo at gustung-gusto na niyang sapakin si Dimitri sa mga oras na iyon.

"A-Ah.. E-Eh, bakit naman Dimitri?" Nauutal na tanong ni Gio.

"Because he's mine. You should know that." Halukay nang halukay si Dimitri sa kanyang cabinet.

Tumawa na lamang si Gio nang pagkapeke-peke. Ang awkward naman nito Angelo. Help? Ang sinasabi ng mga mata ni Gio habang tinitignan si Angelo. Ngunit hindi man lang sinuklian ni Angelo ang mga tingin ni Gio.

Tumigil sa paghalukay si Dimitri at sinarado ang cabinet. Nang makuntento na sa kanyang hinanap ay tumayo na ito at nagpaalam. "I'm going." Tinapunan niya ng snickers si Angelo at lumabas si Dimitri na matalim ang tingin kay Angelo.

Napansin iyon ni Gio.

"Napano iyon? Kayo na ba?" Bumalik si Gio sa kama ni Angelo at tinapik si Angelo sa balikat.

"No, are you trying to say I'm gay? Bakit ba?" Tuloy pa rin sa pag-aayos ng gamit si Angelo.

"Nag-away ba kayo? Nanliligaw ba siya? At ano ito?" Galit na tono ni Gio habang kinukuha ang snickers bar at pinapakita kay Angelo.

"Not that I remember. Wala naman akong ginawang masama sa kanya." Mapaklang sagot ni Angelo.

"Eh bakit iyon? Nagseselos ata sa akin eh. Nanliligaw ata. Benta ka sa mga lalake tol! Ang gwapo mo talaga boy, pa kiss nga!" At nilalapit ni Gio ang kanyang mukha sa pisngi ni Angelo. Pinipigilan naman ni Angelo si Gio na halikan siya. Umiiwas siya sa mga labi ni Gio habang patuloy pa rin sa pag-iimpake.

Tawanan. Tumigil na si Gio nang nasiyahan.

"O siya sige, pupuntahan ko muna girlfriend ko. Eto na pala ang ipapadala ko sana sa'yo." Sabay patong ni Gio nang hindi kabigatang box sa kama ni Angelo.

"Sige iwan mo lang diyan. Mag-iimpake lang ako sandali. Aayusin ko lang. Baka mapaaga ako ng luwas. Baka bukas, I don't know. Mamaya, ewan." Nagkibit-balikat si Angelo.

"Sige. Uy, may girlfriend ka na ba?" Tanong ni Gio sabay tapik sa hita ni Angelo.

"Wala pa. No official record tol. Ayos lang. Maglalaway din yang mga yan sa akin." Inayos ni Angelo ang kanyang mga envelope at kung anu-ano pa.

"Kumag mo. Uy kilala mo ba si Amy?"

Natigilan si Angelo sa tanong ni Gio. Siyempre, para kay Angelo, makakalimutan niya ba ang kasabwat ng manloloko niyang ex sa paggamit sa kanya para makapasok lang sa sorority. Oo, ang bestfriend ng maldita kong ex na manloloko. Sa isip niya. "Yung taga-sorority? O bakit?"

"Siya girlfriend ko tol. Ganda niya noh?" Lumawak ang ngiti ni Gio. Hindi sumagot si Angelo at tinigilan niya ang kanyang ginagawa. Tinitigan niya lamang ang kanyang bestfriend, isang tingin na nakakatusok ng kaluluwa. Seryoso.

"Bakit ganyan ka kung makatingin? Crush mo rin ba siya?" Sumimangot si Gio.

"No." Matipid na sagot ni Angelo. Naisip na niya naman ang rebelasyon ng mga kasuningalingan kagabi, na si Corina mismo ang nagsiwalat.

"Bakit nga anong problema?" Pamimilit ni Gio habang inaalog si Angelo.

"Gaano katagal na ba kayo?"

"Mag si-six. Bakit ba?"

"Makikipagbreak din yan sa'yo." Nagflashback lahat nang mga pangyayari sa kanila ni Corina, at exaktong anim na buwan din si Amy kay Gio. Di kaya'y initiation din si Gio? Sa isip ni Angelo. Hindi na niya ito inisip pang muli. Bumalik siya sa pag-ayos ng kanyang gamit.

"Paano mo nalaman?" Nagulat si Gio sa sinabi ni Angelo. Seryoso na kasi ang tono ni Angelo.

Tumigil si Angelo at hinarap si Gio. "Bestfriend mo ba ako tol, o hindi?"

"Alam ko yan Angelo, pero di ka naman siguro manghuhula?"

"Basta, alam ko. Pang-ilang girlfriend mo na ba yan?"

"Mga pangtatlumpu't-pito na?"

"Sa bagay, sa dami ba naman ng break ups mo, manhid ka na siguro. O siya layas na magliligpit lang ako ng kwarto." Biro ni Angelo. Tinulak niya si Gio na nagpapahiwatig na pinaaalis na niya ito.

"Ang gulo mong kausap. Sige bye na. Ingat ka ha? Ikaw pa naman ang one and only boy lovey dovey ko" At lumabas na si Gio sa silid ni Angelo sabay tapon ng flying kiss. Hindi na ito dinugtungan pa ni Angelo at nagbitaw na lang ng isang dirty finger sign kay Gio habang sinasara niya ang pintuan.

Matapos ang isang oras ay natapos na si Angelo sa pag-iimpake at pagtatago ng mga bagay bagay para ready na siyang umuwi bukas. Nagligpit na rin siya ng kwarto kasi alam niyang pagbalik ni Dimitri magugulo na naman. Gusto niya malinis pa rin ang kwarto kahit aalis na siya. Ganito niya inaalagaan si Dimitri kasi iyan ang panata niya kay Tito Jun.

Mag 4:50 PM na nang matapos na siya. Nilakad na niya ang office ng dean upang makipagkita kay Dean Realoso.

"Buksan mo lang ang pinto diyan sir. Andiyan lang si dean sa loob." Panuto ng student assistant kay Angelo.

Binuksan ni Angelo ang pintuan at nakita niya si dean na masayang-masaya ang mukha.

"Magandang araw po." Bati ni Angelo sa babaeng dean.

"Uy sa'yo rin. Halika upo ka diyan." Alok ni dean sabay turo sa upuan sa tapat ng mesa ni dean. Naupo si Angelo.

"Ma'am Realoso, ano po ba uli iyong ipagagawa niyo sa akin?" Pagbukas ni Angelo ng usapan.

"Ah, okay. Among the brightest students in this university, ikaw ang napili ko na lumahok and to represent our university for the most prestigious math competition in the national history."

"Ma'am?" Naguguluhan si Angelo sa wika ng dean.

"NMC? National Math Competition."

"Ma'am, di ko maintindihan. Bakit ako?" Napakamot si Angelo sa kanyang ulo at hindi niya maisip kung bakit siya. Hindi naman siya kagalingan sa math.

"Pinagbasehan ko ito sa inyong mga departmentals exam. Ikaw ang nakakuha ng pinakamataas na marka with 98.93%, highes so far. In my years of teaching, I give difficult departmentals exam na kahit ang mga math majors ay hindi nakaabot ng 80%."

"Seryoso po kayo?" Nilapit ni Angelo ang kanyang mukha sa kay dean at sumandal sa mesa.

"Oo. And don't worry, it's a partner-type competition. May kapartner ka." Ngumiti si dean kay Angelo.

"Pwede ko na po ba siyang makilala?"

"No, I'm not sure. Hindi ko pa kasi natutukoy kung sino. But definitely I'm seeing someone from Mechanical Engineering department. He's so busy with his rock band kaya hindi ko siya nakokontak. Pero anyway, I think you know him. You'd be perfect pair."

Naisip ni Angelo si Gio, Mechanical Engineering department kasi ang kanyang degree program. Sigurado rin si Angelo na mani na lang kung si Gio ang kasama niya kasi magaling din sa math itong si Gio. Kampanteng kampante na itong si Angelo na si Gio na talaga ang makakasama niya sa competition.

"Okay po. When do we meet ma'am? Do we have to train?" Kumalma na si Angelo at iniisip kung paano icondition ang sarili. Di naman kasi siya talagang confident eh. Di niya kasi forte ang math.

"I think you don't need training anymore, Angelo. I just need your commitment. Basa ka na lang ng kahit anong math books. Yan lang please. I will not put pressure on you. Refesh lang. I know we can beat this thing this year, with you and your partner. Can you do this for me?" Pag-aassure ni dean sabay haplos sa ulo ni Angelo.

"A-Ah, eh.. O-Okay po. Maraming salamat po." Ngumiti si Angelo na pagkahilaw-hilaw.

"Anyways, it's almost sembreak. I want you to go home and relax, okay? Review na lang ng konti, then first thing in 2nd sem, magbriefing na lang tayo the day before magsimula iyong contest."

"Okay po."

"Don't worry sa iyong mga remaining requirements, tapos ka na ba?"

"Isa na lang ma'am, paper sa psychology. Tapos na rin naman po, tapos ipa-e-mail lang ni sir."

"Okay good. Gusto ko maayos ka contest. I know you have been bullied and all, pero magpakatatag ka okay? Move on, huwag mong intindihin iyong mga bullies, eventually they'll go away." Ngumiti si dean at tinapik si Angelo sa pisngi.

"Thank you po ma'am." Ngumiti si Angelo. Hindi na rin siya nagulat na pati si dean alam na ang tungkol sa bullying case niya kasi naman sikat na sikat na ang issue nila at hot issue ito sa school nila.

"You know, I was a victim of bullying as well. And seeing you, I wish I could do something. Pero this is an open school, kahit private school tayo, walang power ang school sa personal problems and behaviors. Be strong Angelo."

"Okay po. Aalis na po ako ma'am? Lalim na kasi ng topic natin eh. Mag-eemail pa po kasi ako ng requirements. Gusto ko maaga akong makauwi. Kaagad. Siguro now or tomorrow." Giit ni Angelo kay dean.

"Sige hijo. No problem. You may go. I suggest you send your paper now, so your professor won't disturb you on your vacation. Well, you know... Psych department faculty staff here in our school is... well..." Hindi na tinuloy ni Dean ang gustong sabihin at nag-aksyon na lang na piputol ang leeg niya sabay simangot.

"Thank you ma'am." Tumayo na si Angelo. Lumabas na siya sa dean's office, bumalik sa dorm, nag-email ng finals paper sa psych. Siguro mas mabuting maaga siyang magbabakasyon para mahaba-haba ang kanyang vacation sa probinsya. Hindi pa rin siya makapaniwala na irerepresenta niya ang SEAU para sa NMC. Isang competition na handang ikamamatay ng mga math majors at ng mga matatanda na nagpipilit mag-aral ng masteral's para mapanalo lamang ang NMC. Ngunit for the mean time, mas minabuti muna ni Angelo na iwan ang mga problema sa paaralan at ikondisyon ang sarili para sa bakasyon niya sa probinsya.

Nang maka-e-mail na si Angelo at nakauwi sa dorm, tumungo na si Angelo sa terminal para makauwi na ng probinsya. Handa na niya iwan lahat nang problema sa Maynila.

---------------------

Bumalik na si Dimitri sa kwarto. Nagulat siya dahil wala na siyang Angelo na nadatnan. Akala pa niya naman ay biro-biro lang ni Angelo ang pag-alis niya. Nakita niyang wala na ang bedsheet at mga unan ni Angelo. Tinignan niya rin ang kanyang closet at nakita niyang wala na roon ang mga gamit ni Angelo. Binuksan niya ang drawer at nakita niya ang isang sobre. May nakasulat na To Dimitri

(Kuya) Dimitri

Umuwi lang po ako sa amin. Pakabait ka po. Pinagwithdraw na rin kita ng pera, nandoon lang sa headboard. See you soon. Take care po. Huwag kalimutang kumain. :)

Angelo

PS. Good for two months po iyang winithdraw ko. Kung kulang pa rin po mangutang ka na lang, babayaran ko sa perang binigay ng tatay mo para sa akin. Ingat ka po palagi. :)


Bakit ba ang bait bait mo Angelo? Nakakainis ka! Bahala ka! Ayoko munang umuwi nakakainis ka talaga! Bahala ka diyan mag-isa sa probinsya! Akala ko pa naman sasamahan mo ako dito! Ugh. Bahala ka talaga!
Sigaw ni Dimitri sa isip. Nagagalit siya sa pag-uwi ni Angelo sa probinsya. Mag-isa na naman siya sa buong sembreak, at nakakabagot iyon sa part niya. Kinakagat-kagat niya ang kanyang unan habang sinusuntok ang sarili.

Humiga na lang si Dimitri at umiyak. Hihintayin na lang kita dito. Sabi niya sa sarili. Kalaunan ay nakatulog na siya... na umiiyak.

-------------------

Nasa terminal na ng bus ng probinsya nila si Angelo. Nakaabot na pala siya sa probinsya. Hindi niya namalayan dahil nakatulog pala siya. Bumaba siya ng bus at naglakad ng ilang metro, malapit lang kasi ang bahay nila Gio sa terminal. May kailangan pa kasi siyang ipaabot sa nanay at tatay ni Gio.

Nakaabot na siya sa barong-barong na bahay nila Gio. Kagaya pa rin ng dati, what does he expect. One sem lang naman siyang nawala.

"Tao po?" Pumasok si Angelo sa loob ng sala. Walang tao. Madilim.

"Boooo!" Bumulaga ang isang lalaking nasa mid-40's kay Angelo.

"AY ANAK NG TAE!" Sigaw ni Angelo dahil sa gulat.

"HAHAHAHAHAHA. Kakagulat ba Angelo?" Tumawa ang lalaki at tuwang-tuwa itong nagulat si Angelo sa kanya.

"Kayo talaga uncle wala talaga kayong kakupas-kupas. Oo, da best pa rin kayo sa panggugulat." Tinapik ni Angelo ang lalake at inakbayan niya ito.

"Anong gusto mo tubig o water?" Biro ng ama ni Gio kay Angelo.

"Kayo talaga uncle, okay lang." Tumawa si Angelo.

"Upo ka diyan." Tumabi na ang tatay ni Gio sa kanya sa sofa.

"Uncle, pinabibigay po pala ni Gio itong box." Binuhat ni Angelo ang box papasok ng sala nila.

"Ano ito?" Tinanggap ng tatay ni Gio ang kahon.

"Di ko po alam. Malamang mga gamit po. May allowance po kasi siya."

"Heto talagang batang to oh, sabi ng okay lang kami ng mama niya dito. Criselda!! Halika, andito si Angelo!!" Sigaw ng lalaki at pasigaw namang sumagot ang babae.

"Andiyan na! Sandali magbabanlaw lang!" Sigaw ng babaeng nasa likod ng bahay. Dali-daling tumakbo ang babae patungo sa sala at pinunasan ang kanyang mga kamay gamit ang kanyang palda.

"Hoy! Angelo ikaw pala iyan." Salubong ng babae kay Angelo. Pumasok ito ng sala at tumabi kay Angelo.

"Anong gusto mong kainin?" Alok ng lalake kay Angelo.

"Wala po, kayo talaga uncle!" Tumawa sila dahil sa kakulitan ng uncle niya.

"Pagpasensyahan mo na yang uncle mo. Namimiss ka nyan eh." Sabi ng Tita Criselda.

"Ay! Kayo naman po. Okay lang! Siya nga pala po, pinapadala ni Gio ang kahon na iyan. Tapos, hindi raw muna siya makakauwi ngayon dahil busy siya sa banda nila." Sabay nguso sa kahon box na nakapatong sa taas ng maliit na mesa nila.

"Talaga may banda na si Gio?" Excited na tanong ng lalaki. Malapad ang kanyang ngiti at biglang umaliwalas ang kanyang mukha.

"Ano ka ba Vergel? Bago nga lang nagtext ang anak mo. Tsaka hindi naman malayong sumikat iyang anak natin kasi marunong naman talaga iyong tumugtog ng gitara." Sagot ni Tita Criselda sabay batok sa kanyang asawa.

"Hindi naman sa ganon. Pero ang bilis ata? Hindi na siya magraracket simula ngayon di ba?" Sabi ni Tito Vergel.

"Okay lang naman, marami-rami rin naman ang kanyang kita siguro uncle. Tapos may mga tagahanga na siya. Sige uncle, antie, hindi na po ako magtatagal, sasalubungin ko na rin po sila nanay." Tumayo na si Angelo na naghuhudyat na aalis na siya.

"Hindi ka ba muna mag-aalmusal? Gabi ka na ata naka-bus, ngayong umaga ka lang nakarating tapos aalis ka na?" Pag-aalala ni Tita Criselda. Sumimangot ito at nag-aalala ang mukha.

"Ayos lang po. Doon na lang ako sa amin magpapahinga. Madaling araw pa po kasi eh. Tapos gising pa kayo. Nakakahiya na po." Tumanggi si Angelo at ngumiti.

"Oh siya ikaw bahala Angelo. Nahiya ka pa, eh ang kapal nga ng mukha mo! Ingat ka ha. Ako na magdadala ng bag mo." Alok ni Tito Vergel habang pinupulot ang bag ni Angelo.

"Wag na po-"

"Alam mo, matigas pa rin ang ulo mo, para kang si Gio. Parang anak na nga kita!"

"Sige po, kayo po." Sumuko si Angelo at hinayaan niya na lang si Tito Vergel na buhatin ang kanyang bag.

Hindi lang hinatid ni Tito Vergel si Angelo sa labas ng bahay nila, pinagdrive pa niya ito papunta sa kanila gamit ang kanilang tricycle. At di pa nakuntento si Tito Vergel at siya pa talaga ang nagbaba ng mga gamit ni Angelo.

"MARTIIIIIL! MAREEE! ANDITO SI ANGELO!!!!" Sigaw ni Tito Vergel mula sa labas ng bahay.

Dumungaw si Aling Martil mula sa bintana at nakita si Angelo at si Vergel.

"Sandali lang, andiyan na ako!" Excited na sumigaw si Aling Martil at malaki ang ngiti sa kanyang mukha.

Bumaba si Aling Martil at sinalubong silang dalawa. Binuksan niya ang pintuan at pinapasok ang dalawang lalake.

"Pasok kayo. Naku pare nag-abala ka pa talaga sa batang ito."

"Ano ka ba mare, pareho lang kayo ng anak mo, hiya-hiyaan ang dating pero napapagod na. Alam mo naman na parang anak ko na rin yang anak mo dahil kulang na lang ipagkabit ang pusod ng anak ko sa anak mo!" Ginulo ni Tito Vergel ang buhok ni Angelo.

Tawanan.

"Gusto mo bang mag-almusal muna pare? Kahit kape lang, madaling-araw ka pa talagang ginulo ni Angelo." Sabay buhat sa bag ni Angelo para ipatong sa kanilang bangko.

"Ah wag na mare. Alis na ako. Dun na ako sa amin."

"Oh sige, mag-ingat ka pare."

"Sige alis na ako. Salamat Angelo, salamat mare!" Kumaway si Tito Vergel kay Angelo at gumanti rin si Angelo. Sumakay na sa tricycle itong si Tito Vergel at umalis na.

Nagyakapan ang mag-ina.

"Anak kamusta ka na? Upo ka. Pagod ka ba anak? Gutom ka ba?" Nag-aalalang sunud-sunod na tanong ni Aling Martil kay Angelo.

"Nay, huwag na po kayong mag-alala. Natanggap niyo po ba ang pera na pinapadala ko?" Naupo si Angelo ganoon din naman si Aling Martil.

"Oo anak, maraming salamat, ginamit ko lahat ng iyon para sa gastusin ni Angela. First honor na naman iyang kapatid mo!" Pagmamayabang ni Aling Martil kay Angelo.

"Hindi na ako nagulat. Matalino naman talaga iyang batang iyan eh." Sabi ni Angelo habang hinuhubad ang kanyang sapatos.

"Mana ba sa akin?" Pangungulit ni Aling Martil kay Angelo. Napatigil si Angelo at seryoso niyang tinignan si Aling Martil.

"Dami mong alam nay! Oy nay, matutulog muna ako ha? Pagod po kasi ako. Mamaya na lang ako kakain. Tsaka pupunta po ako sa mall mamaya, papasyal. Gusto niyo bang sumama ni Angela?"

"Ay naku anak, kayo na lang ni Angela. Dito na ako sa bahay. Kailangan pang tapusin ang maraming bagay." Tumayo si Aling Martil at nag-stretching.

"O sige inay. Kamusta po kayo? Maayos po ba naman kayo dito?" Hinubad ni Angelo ang kanyang medyas.

"Oo anak. Salamat talaga sa lahat ng tulong mo. Di ka na sana nag-abala." Sabay haplos ng matanda sa ulo ni Angelo.

"Ano ka ba inay. Okay lang." Hindi nagsalita si Angelo at iniisip na niya na parang maayos na nang bahagya ang kanyang nararamdaman kumpara nung nasa SEAU pa siya. Dito sa bahay, walang pag-aalala, walang stress, walang bully. Pagmamahal at pag-aaruga lamang ang meron. Natulala siya at halatang malalim ang kanyang iniisip.

"Anak? May problema ka ba?" Bumalik sa pagkakaupo si Aling Martil at inakbayan ang kanyang anak.

"Ha? Wala nay, pagod lang talaga." Pagdadahilan ni Angelo habang namumuo na ang mga luha sa kanyang mga mata. Hindi niya magawang tingnan ang kanyang inay dahil alam niyang kapag tinignan niya ang kanyang inay sa mata, mababasa nito ang kanyang nararamdaman.

"Alam mo ba anak, ganyan din ang sinasabi ko sa papa mo noong iniisip ko pa saan ako kukuha ng panggatas mo. Ngunit hindi bumuti aking pakiramdam." Hinahagod ng nanay niya ang kanyang likuran.

"Hindi nay, mas naisip ko lang na sana dito na lang ako. Na sana, hindi na lang ako tumuloy sa SEAU." At pumatak na ang kanyang mga luha.

"Bakit naman? Maganda nga ang opportunity doon, diba?" Hinahaplos-haplos ng kanyang inay ang ulo ni Angelo.

"Oo, nay. Pero..." Patuloy na lumuha si Angelo. Labis na saya ang kanyang nadarama na nakauwi na siya at may makakausap siya sa kanyang problema. May mapaghuhugutan siyang lakas at may mapagbabagsakan siya ng sama ng loob.

"Sige lang anak, iyak mo lang iyan." Hinagod hagod ng kanyang inay ang kanyang likuran at yumakap si Angelo sa kanyang inay, tumatangis. Malakas ang hagulgol ni Angelo. At dahil hindi siya makatiis sa kanyang inay, isinalaysay na niya ang kanyang mga pangyayari sa SEAU. Ang kanyang mga problema, at kung ano-ano pa, simula noong nagkalayo sila ni Gio, nasaktan siya ni Corina, hanggang sa inaapi siya ni Dimitri.

"Alam mo anak, hindi naman kasi ako dapat manghimasok sa problema mo. Pero ayaw ko rin namang nakikita kang umiiyak, siyempre. Anak kita, hindi kita matitiis. Pero hangad ko ang kaligayahan mo. Gusto mo bang ipagpatuloy ang pag-aaral at kumuha ng degree sa SEAU?"

"Opo." Pinunasan ni Angelo ang kanyang pisngi na basang-basa na sa luha.

"Gusto mo bang maging reporter?"

"Opo." Dahan-dahan na lumuluwag ang damdamin ni Angelo. Unti-unting natatanggal ang bigat sa kanyang damdamin.

"Sigurado ka bang pangarap mo talaga iyan, at hindi dahil sa naaawa ka lang sa akin dahil naudlot ang aking pangarap maging reporter?"

"Opo."

"Gusto mo ba ang mga tao sa paligid mo roon?"

"Opo, pero may iilang sakit sa ulo."

"Kita mo na? Iilan lang pala ang sakit sa ulo. Kaya mo bang panindigan ang desisyon mong tapusin ang iyong pag-aaral sa SEAU?"

"Opo."

"Kaya mo bang ipagpalit ang iyong pangarap dahil lang sa iilang taong hindi nagpapasaya sa'yo?"

"Hindi po ano!"

"Andiyan na pala iyan eh. Gusto ko lang naman kung ano ang mabuti para sa iyo anak. Pero kung hindi mo na kaya, mayroon namang state university dito sa atin. Doon ka na lang kung hindi mo kaya sa SEAU."

"Ayaw ko po nay no! SEAU pa rin." Pinilit tumawa ni Angelo at naramdaman niya ang ibayong saya.

"O. Edi pahirin mo iyang luha mo at tumigil ka na sa pag-iisip ng kung anu-ano. Isang iyak lang iyan anak, mawawala na iyan. Trust me, been there, done that."

"Naks! Hanep english mo nay ha."

"Oo! Isa kaya ako sa pinakamagaling mag-english noon, sa akin mo yan namana!"

Nagtawanan silang dalawa.

"Sige anak, maglalaba lang muna ako sa likod. Kahit madaling araw, kailangan. Akyat ka na at magpahinga. Sigurado akong pagod ka."

"Salamat talaga nay." At niyakap niya ang kanyang inay.

"Walang problema anak, basta't para sa'yo."

Kumalas ang kanyang ina at dumeretso sa likod ng kanyang bahay.

Pumasok na si Angelo sa kanyang silid. Namiss niya ang matigas na kutson nila ang electric fan, at kung ano-ano pa. Mistulang limang taon siyang nawala sa pamamahay nila, ngunit ang totoo, isang sem lang pala.

-------------------------

"Kuya!!! Kuya!!!" Sigaw ni Angela sa kanyang kuya upang magising ito.

"O, Angela? Ready ka na? Tara na." Nagising si Angelo at bumangon mula sa kama.

"Oo kuya, pinasuot ako ni mama ng dress kasi ipapasyal mo raw ako." Sabi ni Angela na maharot ang tono ng pagsasalita. Nakakulay pink ang suot ni Angela na dress na pinaresan ng school shoes niya. Ang cute cute tingnan ng bata, inosenteng-inosente.

"Ang cute cute mo talagang bata ka. Sige labas ka muna magbibihis lang si kuya." Lumabas si Angelo sa silid ni Angelo. Nagbihis na siya at nagpaalam na rin siya kay Aling Martil. Sumakay sila ng tricycle patungong mall. Kumain sila sa restaurant at nagkwentuhan tungkol sa pagiging first honor ni Angela, at kung anu-ano pa. Sa crush ni Angela, sa pagiging muse ni Angela noong intrams nila. Ang saya saya tingnan ng dalawa habang enjoy na enjoy sila sa kanilang kinakain.

Bumili rin ng mga bagong t-shirt si Angelo. Dahil may allowance naman rin siya, napagpasiyahan nyang magtabi ng kalahati sa kanyang clothing allowance upang makabili ng mga magagandang damit. Bumili na rin siya ng dalawang bagong maong at isang pares ng sapatos. Paulit-ulit na rin kasi ang kanyang mga damit.

Bumili rin ng isang set ng bagong duster itong si Angelo para sa kanyang nanay. Binilhan niya rin ito ng mga bagong blouse at shorts na tiga-tuhod. Ayaw kasi ni Aling Martil sa mga sexy na bagay.

At siyempre, binilhan niya rin ng bagong pajama, pambahay, at panggala si Angela. Masayang-masaya sa pamimili si Angela sa mga damit dahil marami raw ang mga magaganda na hindi niya kayang iwan ang isa sa isa. Ang sandaling iyon ay napakahalaga para sa magkapatid ang turingan.

Napagpasiyahan nilang maglaro muna sa Quantum upang maaliw si Angela bago sila umalis. Naglaro sila ng kung anu-ano hanggang sa napagod sila at naisipan nilang umalis na ng mall.

Dahil gusto nilang maggala gala ng konti, naglakad silang Angelo mula sa mall papunta sa park. May makukulay na fountain at nag-eenjoy si Angela na bigyan ng lecture ang kanyang kuya tungkol sa mga constellations na bago niya lang natutunan sa kanyang klase. Aliw na aliw sa kanya si Angelo na nakikinig habang kumakain sila ng popcorn, cotton candy, scramble, at ice cream. At dahil inaantok na si Angela, sumakay na sila ng tricycle pauwi.

Pag-uwi ng bahay, panay ang kwento ng bata tungkol sa masayang araw na naranasan niya. Masaya namang nakikinig ang kanyang nanay at di namalayan na nakatulog na pala ang bata sa pagkwento.

Binigay na ni Angelo ang kanyang mga pinamili sa kanyang nanay. Masayang-masaya ang kanyang nanay dahil hindi na niya kailangan magsuot ng isang duster sa tatlong araw. Ngunit kagaya ng palaging sabi niya kay Angelo: "Hindi ka na sana nag-abala pa." Umiling lang si Angelo at walang nagawa si Aling Martil kundi tanggapin ang regalo ng kanyang anak.

Nasa ganoon silang pagbubukas ng mga pinamili ng mapansin ni Angelo na parang may nawawala sa kanya. Sinubukan niyang kapain ang kanyang back pocket, at totoo ngang nawawala ang kanyang wallet. Nataranta siya at naisipan niyang baka nasa park lang ang kaniyang wallet. Matagal-tagal kasi silang tumambay ni Angela doon.

"Nay, sandali lang. Kailang ko bumalik kasi nawawala ang pitaka ko." Mabilis na wika ni Angelo.

"Hayaan mo na iyon anak, magkaano ba ang laman noon?"

"Otsenta na lang po."

"Otsenta lang naman pala. Hayaan mo na. Baka mapagtripan ka pa ng mga tambay."

"Hindi po nay, otsenta mil ang laman non! Andoon sa loob ang ATM ko! Tsaka kakilala ko naman iyang mga tambay diyan eh. Okay lang."

"O siya sige hala. Balikan mo na. Lakad na." Pagpahintulot ng kanyang inay. Mabilis pa sa alas-kwatro ay tinakbo ni Angelo ang park. Palingon-lingon siya. Nakita niya ang bench na inuupuan nila ni Angela kanina at nakita niya ang kanyang wallet. Ayos! Hindi naman pala nawala. Hihimatayin talaga ako kung mawawala ito! Phew! Sa isip niya.

-----------------

"Nasaan po ba nakatayo ang bahay nila Montemayor?" Wika at tumigil si Dimitri upang tanungin ang tambay tungkol sa bahay nila Angelo. Lumapit ang isang tambay sa kanya at sumandal sa kanyang sasakyan.

"Bakit? Sino ka ba? Baka arsonist ka noh? Alis ka dito!" Pagtaboy ng tambay sa lalaki.

"Hindi po. Kailangan po talagang mahanap siya." Pagdadahilan ng Dimitri sa tambay. Pasilip-silip ang tambay sa loob ng sasakyan ng lalaki. Napansin ng tambay ang swiss knife sa back seat.

"Bakit nga?! Bakit may patalim jan sa back seat mo? Sino ka ba talaga ha? Anong pakay mo rito? Mamatay-tao ka nga eh, sabi ko na nga ba! Di ka namin kilala dito! Sino nagpdala sa'yo?!" Hinila ng tambay si Dimitri palabas ng sasakyan ngunit mabilis na winaksi ng lalaki ang pagkakahawak ng tambay sa kanya.

"Gago ka pala eh nagtatanong ako ng maayos babastusin mo ako! Edi sana sinabi mo na lang pala na di mo siya kilala at di mo alam ang pangalan niya! Saksakin kita diyan." Banta ni Dimitri sa tambay. Nagagalit na talaga siya sa tambay at sa pag-asta nito.

"Saksakin mo! Tangina mo, baba ka nga jan! Baba!" Pilit na binuksan ng tambay ang driver's seat at hinila palabas si Dimitri mula sa loob ng sasakyan. Tinapon siya nito sa sahig at sinimulang pagsusuntukin ng tambay. Walang nagawa si Dimitri.

"TOL! TULONG! MAY ARSONIST DITO, MASAMANG BALAK SA LUPA NATIN. BAKA SUSUNUGIN TAYO NETO!" Humingi ng tulong ang tambay habang lupaypay sa pasa si Dimitri. Hindi kasi siya marunong makipagsuntukan. Nakahiga ito at pumaigtad dahil sa sakit ng pagkakasuntok ng tambay.

Agad na dumating ang anim pa na mga lalaki at sinimulan siyang pag-uupakan ng mga tambay. Dahil sa gabi na ng mga oras na iyon ay wala masyadong nakakakita sa kanila kaya walang mapaghihingan ng tulong. Bawat suntok at bawat tadyak ay nararamdaman niya sa kanyang katawan. Mawawalan na sana siya ng malay-tao nang may sumigaw.

"Psssst!! Hoy! Tigilan niyo yan!" Isang matalas na sigaw ang narinig ng mga lalake. Natigilan ang mga tambay na pagsusuntukin si Dimitri at palingon-lingon upang hanapin kung sino ang nagpatigil sa kanila.

"Kung nasaan ka man ngayon, huwag kang makialam dito! Kami ang may responsibilidad sa paghaharang sa mga masasamang loob dito sa ating barangay!" Malakas na sigaw ng lalaki sa madilim na langit. Sobrang lakas na siguradong maririnig ng taong nangingialam.

Ngunit hindi pa rin nasayahan ang mga tambay. Pinagsusuntukan at pinagtatadyak pa rin nila si Dimitri na sumusuko na. Hindi na ito nanlaban at napapikit na lang ito. Dahan-dahan ang pagdilim ng kanyang paningin habang tinatanggap ang bawat sakit at hapdi. Nanghihina na siya at ilang oras ay mawawalan na siya ng malay-tao.

Bago pa mawalan ng malay si Dimitri, sinubukan niyang buksan ang kanyang mga mata kahit wala na siyang lakas. Nakita niyang may humila sa isang tambay at pinagsusuntok ito. Nadapa ang tambay at kumapit sa tiyan dahil sa lakas ng tadyak ng misteryosong lalake na mistulang tumutulong kay Dimitri.

Nang makita ni Dimitri ang mukha ng lalaki, kahit malabo ang kanyang paningin dahil sa luhang namumuo sa kanyang mga mata, hindi niya maiwasang ngumiti. Hindi dahil sa sakit na kanyang tinama... Kung hindi dahil...

"Angelo?" Tawag ni Dimitri sa misteryosong lalaki.

Itutuloy...

Gapangin mo ako. Saktan mo ako.

12 comments:

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. Waaaahh. Bitin ulit. May gusto din c gio kay angelo.

    -hardname-

    ReplyDelete
  3. Ngayon ano ka dimitri kung cno binubully mo xa pa magliligtas sayo...karma yan.

    Randzmesia

    ReplyDelete
  4. ganda.. next chapter na agad author.. :)

    ReplyDelete
  5. I really love this story. Thanks for the update.


    Waiting for the next chapter. :)

    ReplyDelete
  6. Ohmygod! Bagong chapter! Gusto ko ang nangyayari sa kuwento! Keep it up author!

    ReplyDelete
  7. hala naman.. dimitri bakit ganyan ka? nananakit ka?

    ReplyDelete
  8. Naku..kung ako yan d ko tutulungan nyan eh pag katapos ng mga pinag gagawang pam bubuly ay naku pagugulpi ko talaga yan :)))

    More !!

    ReplyDelete
  9. WAAAAAA BITIN NGA// HAHA ANG GANDA NA I ARAW ARAW NA ANG UPDATE.. HAHAHHA NICE PO ANG STORY.....

    NPA

    ReplyDelete
  10. ganda nmn! mahal ba ni gel si dim, kaya todo pagintindi nlng ginagawa nya? gumawa na rin lang ng sulat, bakit di nya binully sa sulat na di na sya babalik ng school ksi dina sya sckolar at may bagsak sya. hehe.

    nagtataka lang ako kay Dean na alam pala yung ginagawang pangbu-bully, perop wlang ginagawang aksyon. Tama, walang paki ang skul kung s labas nangyayari. pero kung sa loob ng skul, meron nmn dapat pakialam. at kahit an siguro s labas, e dapat me pakialam. Dapat kausapin nya yung mga yun. tas bully din pala sya nung araw. E di alam nya yung feelings ng ganun. ang grado mo sakin Dean ay FAILED. Ok babaguhin ko INC para maiayos mo yang mali mo.

    hindi tama yung sasaktan ka sa pambubully. babatuhin ng ihi at pintura? anong aksyon ginawa ng skul? WALA. hehe. thanks po sa update.

    bharu

    ReplyDelete
  11. kaabangabang...

    15 na ngayon... yehey...

    ReplyDelete
  12. This is worth my time. Grabe. I love this.
    Kaso, kakastress yung pambubully ni Dmitri. GRABEHAN lang ee! IHI . Arg!

    Anyway .. ankyut siguro pag inamin na ni Dmitri feelings nya kay Angelo.
    WAW! Love Triangle. HAHA!
    I love the character of Gio din. ahyee. XD :">

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails