Followers

Saturday, November 30, 2013

1 Chapter Short Story Special: Waiting Shed.

Waiting Shed

By Yoseph D.

FB:https://www.facebook.com/yoseph.doms


Author's Note:

Hi!

Sorry kung ngayon lang uli ako nakabalik sa pagsusulat dahil napakabusy lang talaga ang lolo niyo dahil sa school works and org works. Nakakabaliw lang sa totoo lang. BTW, sana magustuhan niyo po yung gawa ko. BTW, itutuloy ko ang TL pramis. Sorry talaga guys for inconvinience.

-Sephyyy :3

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Minsan, mahirap maghintay sa taong nakatakda ng para sa iyo dahil nakakasawa din yung hintay ka ng hintay pero dumadating din pala sa wala! Nakakasura lang at nakaka-urat pa! Oo nga pala, ako pala si Edison Rodriguez.  Isa akong BA Communication Sophomore student sa isang university sa may U-Belt. Actually, sa probinsya ako nag high school at dito na ako sa Maynila pinag-aral ng parents ko dahil gusto nila ng magandang buhay para sa akin. Ayun, masaya naman ang buhay kolehiyo dito sa Maynila kahit sobrang nakakastress dahil sa dami ng pinapagawa at yung polusyon sa ingay,hangin at kung ano-ano pa.

Heto na! Sisimula ko ang aking istorya.

5:30 na! Ang hirap pa din makasakay dahil sa  laging puno ang mga jeep dito sa may Espanya dahil sa laging punuan doon. Sumasakit na talaga yung puwit ko sa sobrang tagal at feeling ko talaga naluluto na siya dahil sa sobrang tagal! Haynako ewan ko ba, forever lang talaga mahirap makasakay dito at laging nga-nga pa ako dito. Eto lang talaga ang hirap kapag bumabyahe.

At sa hindi ko rin inasahan, may isang lalaki na nagtanong sa akin.

“Dre, pwede bang tumabi sayo?”

Napasagot naman ako.

“Okay lang naman.”

“Thank you!”  Sabay ngiti niya sa akin.

Hindi ko man maimagine na ngingiti at tatabi pa yung lalaking yun. Parang he’s out of the blue na ganun. Actually, lagi ko na siyang nakikita dito sa waiting shed na ito. Isa siyang student sa may school dito sa may Espanya at feeling ko isa siyang Engineering student. Astig niya umayos ng kanyang sarili dahil yung buhok niya parang buhok ni Alec Dungo ng PBB  at kuhang kuha niya ang pagkahawig ng mukha niya kay Alec. Shet! Napopogian ako sa kanya! Sobrang poging-pogi talaga ako sa kanya. Sa totoo lang, isa akong discreet gay. Hindi ako yung gay na katulad ng iba na gusto magdamit pambabae, yung makapal ang make up and all that stuff. I’m just attracted to guys yun lang at walang iba!

At sa hindi ko namang inasahan, bigla niya akong kinausap.

“Dre, matagal na din kita nakikita dito sa may waiting shed ah.” 

“Ako din naman dre, matagal na din kitang nakikita dito. Oo nga pala, what’s your name?”

“Terrence Santiago nga pala dre. And you are?”

“Edison Rodriguez nga pala. Nice to meet you Terrence!”

Iniabot ko ang aking kamay sa kanya para makipag-shake hands.

“Nice to meet you din Edison.” Sabay ngumiti siya sa akin.

Parang nakuryente ako sa kilig dahil nakipagkamay din itong si Terrence sa akin. Sa wakas at nalaman ko din ang pangalan niya at nakilala ko na din siya. Hindi na lang ako yung pa-seen zoned lang dito sa waiting shed.  Since mukhang matatagalan pa ata ako makasakay, kinausap ko muna siya para maging friends kami.


“Ang hirap makasakay dito noh Terrence?”

“Oo nga eh.  After 10 years bago ka makasakay. Sa totoo lang dre, hirap na hirap na din akong makasakay dito.”

“I feel you bro..” Sabay nag pat siya sa aking likod

“Hahaha.. Oo nga pala, saan ka pala nakatira?”

“Las PiƱas lang naman Terrence. Ikaw ba?”

“Cavite lang naman Edison. Sa sobrang lapit eh gusto ko na tuloy mag dorm dahil sa sobrang lapit at sarap byumahe!”

“Ang sarcastic mo naman masyado Terrence.” Sabay tumawa ako sa sinabi niya.

“Hahaha syempre.  Okay lang ba na maging friends tayo Edison?”

“Oo naman! Walang problema yun sa akin noh. Actually, matagal na nga kitang gusto na maging kaibigan eh.”

“Wow naman! Bakit hindi mo ko pinapansin kapag nakikita mo ako sa waiting shed kung gusto mo ako maging kaibigan?”

“May hiya naman ako syempre baka pag pinansin naman kita eh baka sapakin mo ko bigla.”

“Hahaha! Sa bagay..  Ang kulit mo palang kausap.”

“Ganun talaga Terrence.. Akala ko nga masungit ka eh!”

“Mukha lang yun! Oo nga pala, let’s exchange numbers you want?”

“Oo naman. Sige ba!”

Nagpalitan kami ng cellphone at nagexchange numbers kaming dalawa. Hindi ko man maisip na siya pa mismo ang nag-aya na magpalitan kami ng numero ng cellphone dahil ako na sana ang magaaya dahil syempre sa buong buhay ko eh ako lagi ang nanghihingi ng number ng mga nakikilala ko.

Sa hindi namin inaasahan, nagkaroon na pala ng jeep. Hindi na kami nag-atubili na sumakay ni Terrence dahil gabi na nun. Ayun, nagkatabi naman kami sa jeep at tinuloy lang namin ang usapan namin.


“Edison, anong course mo pala?”

“Communications. Ikaw ba?”

“Computer Science.”

“Akala ko Engineering… “

“Ahh.. dahil sa nakalagay sa uniform ko?”

“Yep..” Napa-nod ako.

“Ahh.. Under din kasi kami ng Engineering kaya ganun.”

“Ahh kaya pala.. Pero maganda ang Com-Sci ah!”

“Yep.  Maganda rin naman ang Communications ah! Actually, parang kahawig mo si Paul Salas.”

“Weh? Seryoso ka ba diyan? Eh ikaw nga kahawig mo si Alec Dungo eh.”

“Marami nga din ang nagsasabi pero mas pogi ako dun!”

“Ang hangin mo ah!”

“Hahaha joke lang naman.”

Biglang sumigaw ang driver kung saan bababa si Terrence at bigla na lang itong bumaba. Nakakadisappoint lang dahil parang walang paalam sa akin. At biglang nag-beep ang phone ko at may nagtext sa akin. Binasa ko agad ito at hindi ko expect na siya pala ang magtetext!

From: Terrence Santiago

Hey Edison! Ingat ka pauwi. Let’s hang-out sometimes kapag may time ka. I hope that na maging good friends tayo. :D

-Terrence Lo Santiago aka  Alec Dungo :P

Natawa na kinilig ako deep inside sa message niyang iyon. Gusto kong sumigaw na tumalo na parang ewan dahil dun. Syempre ako naman nagreply din ako sa kanya.

To: Terrence Sebastian

Thank you Terrence!  Ikaw din magingat ka. Sure thing! Same here, I hope na hindi lang maging good kundi awesome friends tayo :DD!

-Edison Dinalupihan Rodriguez aka Paul Salas.

Sa paguwi ko sa bahay, parang lutang ako na ewan dahil sa sobrang kilig. Nagulat ako sa pagbatok ng aking pinsan na si Kuya Ellis sa akin at biglang nagalit ako ng konti sa kanya.

“KUYA ELLIS! ANG SAKET NON AH!” Ang reaksyon ko sa napakalakas na pagbatok ni Kuya Ellis sa akin.

“Sino naman kasing hindi hahampasin eh mukha kang nakashabu!”

“Alangan in love ako!” Ang walang tapang na sagot ko.

“Naks naman! Babae o lalaki?”

“Secret!”

“Baka gusto mo palayasin kita dito sa apartment ng di oras at pauwiin kita sa Pampanga ng di oras Edison!”

Syempre, no choice ako at umamin na din ako kay Kuya Ellis kahit masapak ako netong Kuya ko.

“Lalaki po kuya.”

Nashock si Kuya Ellis sa akin at bigla akong hinampas.

“Langya ka! Wag kang magbiro.”

“OO NGA KUYA ELLIS! Walang halong biro.”

“Nako nako! Nagmana ka pala sa akin hahaha.”

“Gay ka din Kuya Ellis?”

Bigla nanaman akong ulit hinampas ni Kuya Ellis

“Hindi noh! Bisexual ako Insan! Ikaw siguro ang Gay noh?”

“Oo. Gay ako. Hindi naman ako yung gay na gustong magbihis ng pambabaeng damit at yung aarte arte ng parang babae. Siguro, kayo ni Kuya Kael noh?”

“Hindi noh! Kung pwede lang maging kami diba? Hahaha. Ikaw Insan tigilan mo ko diyan sa tanong na yan!”

“Okay Kuya Ellis. Pagamit naman ng Lappy mo Kuya Ellis oh?!”

“Yoko nga! Meron ka na eh.”

“Wala kaya!”

“Tara Edison, punta tayo sa dining area para malaman mo.”

Pumunta kami kaagad sa kusina ni Kuya Ellis para malaman ko kung nagsasabi nga siya ng totoo. At sa hindi ko inaasahan, biglang meron bumulagta na isang Laptop Bag sa may table sa kusina.

“Totoo nga Kuya Ellis! Sino nagbigay?”

“Secret Insan!”

“Ay weh?! Kuya Ellis naman eh. Sige na please? Pretty please? Sige sasabihin ko kay Tito Jose na bisexual ka.” Ang aking pagbabanta sa kanya.

“Okay fine. Ako lang naman ang nagbigay niyan syempre. Alam ko naman na kailangan mo na rin naman yan Insan kaya binilhan kita ng lappy para hindi ka na manghiram sa akin dahil marami din akong ginagawa sa lappy ko din. I hope na ingatan mo yan insan kung hindi, baka sabihin ko kay Tito Wally na gay ka.”

“THANK YOU KUYA ELLIS! THE BEST KUYA/PINSAN KA TALAGA EH. LOVE YOU!”
Niyakap ko ng sobrang higpit si Kuya Ellis dahil sa binigay niyang laptop. Hindi ko din talaga inaasahan na bibigyan niya ako ng laptop.

“Wala yuunn… TAMA NA YAKAP AT HINDI NA AKO MAKAHINGA INSAN SAYO EH.”

“Minsan lang naman maglambing sayo Kuya Ellis.”

“Hindi na ako makahinga sa sobrang higpit ng yakap mo sa akin eh!”

Tinanggal ko na ang pagkakayakap ko kay Kuya Ellis at sinubukan ko na ang lappy na binigay niya sa akin. Isa lang naman siya na lappy na 15 inches tapos kulay black lang naman na core i5 na. Astig lang diba? Okay, eto na. Sa pagkabukas ko ng aking lappy, inuna ko munang buksan ang internet browser tapos fb na. Nagulat ako na may isang friend request ako at tinignan ko naman ito kaagad. Nagulat ako na si Terrence pala ang nag-add sa akin at syempre in-accept ko naman siya kaagad. Ang cool ng full name niya shemay! Terrence Dave Jason Lo Santiago.  Since singkit siya kaya hindi na ako magtataka na Lo ang kanyang last name. At ayun, bigla siyang nag PM at sinagot ko naman agad.


Terrence Dave Jason Lo Santiago: Hi
J.

Edison Kester Dinalupihan Rodriguez: Hello :D! Paano mo nahanap ang FB ko?

Terrence Dave Jason Lo Santiago : Ayun, Research-research din pag may time. :P

Edison Kester Dinalupihan Rodriguez: Okayy…

Terrence Dave Jason Lo Santiago: Sungit mo naman..

Edison Kester Dinalupihan Rodriguez: Hindi kaya.

Terrence Dave Jason Lo Santiago: BTW, Thanks for the approval ;).

Edison Kester Dinalupihan Rodriguez: Wala yun :D.

Terrence Dave Jason Lo Santiago: Hahaha. Sabay tayo uli bukas?

Edison Kester Dinalupihan Rodriguez: Sige ba! Wala yun sa akin.

Terrence Dave Jason Lo Santiago: Yaaay! BTW, Cool name.

Edison Kester Dinalupihan Rodriguez: Same as yours lalo na yung DP mo.

“Thank you. Well, gwapong-gwapo talaga ako sa DP mo Terrence! You’re so hot sobra tapos naka black sando ka pa and fitted pa! BOOM”

Terrence Dave Jason Lo Santiago: Wow thank you. Pogi kasi ako alam mo yun haha.

“Oo pogi ka pero wag mo naman ipalandakan baka mahulog ako sayo ng tuluyan niyan eh….”

Edison Kester Dinalupihan Rodriguez: Hahaha. Ikaw na pogi!

Terrence Dave Jason Lo Santiago: Pogi ka din naman ah. BTW, are you free din ba this Saturday?

“WHAT?! Nagyayaya siya for Saturday? Uhhmmm…. I guess I need to take this opportunity na dahil niyaya niya talaga ako na mag date kami. DATE? AGAD AGAD? Pwedeng hangout muna. Sorry di ko lang mapigilan.”

Edison Kester Dinalupihan Rodriguez: Sure. Anung gagawin natin for Saturday?

Terrence Dave Jason Lo Santiago: I just want to hang-out with you lang naman and para makilala naman natin ang isa’t-isa.
“TAMA BA YUNG NAKITA KO AH?! PARA MAKILALA NAMIN ANG ISA’T-ISA? OKAY FINE MASAYA NA AKO DITO HAHAHA.”

Edison Kester Dinalupihan Rodriguez: Sige ba! Saan naman tayo magkikita?

Terrence Dave Jason Lo Santiago: Sa waiting shed kung saan tayo lagi naghihintay ng masasakyan natin pauwi.

Edison Kester Dinalupihan Rodriguez: What time naman?

Terrence Dave Jason Lo Santiago: 10AM.

Edison Kester Dinalupihan Rodriguez: Sure. 10 AM!

Terrence Dave Jason Lo Santiago: Yay! Kitakits ah ;). Oo nga pala Edison, sleep na ako ah? Maaga pa kasi ako bukas for school. Ikaw din matulog ka na baka kulangin ka sa energy niyan. Good night and Sweet Dreams :D.

Edison Kester Dinalupihan Rodriguez: Good night din Terrence aka Alec Dungo. :D! Same to you.

Terrence Dave Jason Lo Santiago: Good night din Edison aka Paul Salas. Tulog na ah? BTW, itetext kita ngayon haha.

Edison Kester Dinalupihan Rodriguez: HAHAHA Okay fine.

Pinatay ko na kaagad ang aking lappy para at least mapahinga ko na din at syempre pinapatulog na din ako ni Dear Crush. Pinili ko na din namang magpahinga sa kwarto namin ni Kuya Ellis at mahiga na lang sa aking kama hanggang sa makatulog na. Nagulat si Kuya Ellis sa akin dahil parang unusual daw ang ginagawa ko.

“Oy insan! Naninibago yata ako sa’yo ngayon ah? Yan ba epekto ng pagiging inlove mo?”

“Kuya, hindi naman. Sadyang gusto ko na lang matulog ngayon dahil pagod din ako sa byahe.”
Yun na lang ang idinahilan ko para at least syempre ayoko naman sabihin na pinapatulog na ako kaagad ni  Terrence kasi baka magtaka si Kuya Ellis na baka boyfriend ko na siya.

“Weh Insan? Seryoso ka ba diyan?”

“Pagod lang ako kaya gusto ko muna matulog at syempre kuya ayoko naman maging pangit at sayang naman ang kagwapuhan ko!”

“Hahah oo na pogi ka na. O sige good night Insan!”

“Good night din Kuya!”

Bago muna ako matulog, chineck ko muna yung aking cellphone kung nagtext nga si Terrence.  Di ko talagang aakalain na talagang magtetext nga si Terrence. Binasa ko kaagad ang kanyang pinadalang text niya para sa akin.

From: Terrence Santiago

Hey Edison! Tulog na ah?
J. Have a good sleep dude and Good Night ule :D!

XXXXX
Ayun lang ang kanyang text pero ayun, parang feeling ko nakakagaan lang ang isang text ni Terrence dahil syempre sino bang hindi gagaan ang loob kung ganun ang itetext sayo ng crush mo diba? So ayun, I will now sleep na may peace.

Friday. 4:30 PM

Natapos na din ang klase at uwian na rin sa wakas! Maraming ginawa sa klase and marami pang aalahaning assignments! I hate it so much pero okay lang ito! Nagtungo nanaman ako syempre sa waiting shed para maghintay ng masasakyan pauwi. Nung pagkapunta ko sa waiting shed, nakita ko nanaman si Terrence na nakaupo sa waiting shed at tinawag niya ako. Lumapit naman kaagad at kinausap ko din siya kaagad.

“Hey Terrence!”  Sabay kumaway ako.

“Hi Edison. Kumusta naman ang araw mo?” Sabay ngumiti siya with dimples on the side.
“Okay lang naman kahit nakakastress dahil sa dami ng ginawa eh. Ikaw ba Edison?”

“Eto, okay lang kahit nakakastress din ang maging ComSci Student. Hindi biro ang magprogramming ah?”

Halata sa kanyang  mukha na mukhang stress na din siya. Bigla akong nagpat sa kanyang likod at sinabi ko na..

“Okay lang yan Terrence, kaya mo yan ikaw pa!”

“Salamat Edison ah? Since maaga pa naman, punta tayo sa hepalane at kumain tayo ng tusok-tusok!”

“Uhhmm.. Kumakain ka ng siomai rice?

“Oo naman! Tingin mo sa akin, susyalin? Hindi noh. Sige na Edison! Please?”

“Oo na. Mapilit ka masyado ah?”

“Get used to it Edison.” Sabay nag-pat siya sa aking likod.

“Okay fine haha.”

Dumeretso na kami doon sa hepalane at naglakad lang talaga kami papunta doon. Nung nakarating na kami doon, dinala niya ako sa isang siomai stall na 25 pesos na anim ang siomai na may kanin na. Hindi ko nga akalain na mahilig siya sa siomai dahil nga yung school niya ay sosyalin.

“Hilig mo pala sa ganitong lugar kumain noh Terrence?” Ang nagtatakang tanong ko sa kanya.

“Oo naman! Hindi naman ako maarte in terms of food.” Ang malinaw na sagot ni Terrence sa akin.

“Akala ko kasi…”

Biglang napatigil ako sa pagsasalita dahil sumingit si Terrence.
“Akala mo kasi dahil sa isang prestihiyosong pamantasan ako nag-aaral? Hindi naman lahat ng nag-aaral sa school namin ganun. Minsan may mga taong matipid at scholar din doon sa school namin.”

Napangiti na lang ako at kumain na lang dahil ayoko na rin siyang sagutin dahil meron naman siyang punto sa kanyang sinabi. Nakakatuwa nga naman kasamang kumain si Terrence dahil kapag naubusan ka ng ulam, iseshare niya sayo and siya na ang bumili ng drinks ko. Nakakahiya nga lang syempre pero tinanggap ko na lang dahil syempre nabili na niya eh. Pagkatapos naming kumain ay naglakad-lakad lang kami simula Morayta hanggang Mendiola dahil gusto ni Terrence na mapasyal ang ibang lugar dito sa University Belt. 

Makalipas ng 1 oras, natapos din namin libutin ang buong U-Belt at bumalik na uli kami sa waiting shed sa may Espanya. Hindi ko man maexplain dahil sa sobrang sayang kasama si Terrence na umiikot at gumala dito sa U-Belt. At nung nakarating na kami sa waiting shed, biglang sumakay na kami sa jeep dahil mukhang gagabihin na din kasi kami ng uwi at magra-rush hour na din nung panahon na iyon.
Habang nakasakay kami sa jeep, nagusap na lang kaming dalawa via text para hindi kami marinig ng mga tao dahil siguro trip niya lang nung time na iyon.

Text Convo:

Terrence Santiago: Uy! Salamat pala kanina. Na-enjoy kitang kasama sobra. Sa Sabado uli ah?

Me: Osige ba. Masaya din ako na kasama kita dahil ang kulit mo in a good way . ;)

Terrence Santiago: Sus, HAHA. Boring kaya ako kasama.

Me: Weh? Boring your face.

Terrence Santiago: Hahaha. Hindi naman. BTW, nakakabugnot noh?

Me: Oo nga eh. Sobrang traffic kaya.

Terrence Santiago: Hahah. Buryo na buryo na ako dito sa jeep dude sa totoo lang. BTW, dude pala tawagan natin ah?

Me: Parang magsyota naman tayo sa lagay nay an. May tawagan pa!

Terrence Santiago: Hahah. Simula kasi ngayon, niyaya na kita maging bestfriend mo kung okay lang sa iyo?

Napaisip ako sa tinanong niya na iyon pero napa-go na lang ako dahil siguro magaan din ang pakiramdam ko na mukhang masaya na maging bestfriend kami.

Me: Oo naman. Walang problema dun dude :D

Terrence Santiago: Yun oh! Oo nga pala, nandito ka na pala sa bababaan mo.

Napatingin ako sa bintana ng jeep.

Me: Ayy oo nga! Sige, bababa na ako.

Terrence Santiago: Sige dude. Ingat ka :D.

Masaya naman siya kausap sobra. I had so much fun talking and hanging out with Terrence dahil official bestfriends na kami.  Simula nung nanging magbestfriends kami, dun nagsimula ang lahat ng sabay-sabay na uwian tapos madalas na hang-outs and marami pang iba.  Ganito din pala ang feeling ng may bestfriend noh? Hindi ko naman kasi naranasan ang magkaroon ng bestfriend dahil siguro tahimik lang din ako since elementary dahil siguro tahimik lang din naman ako and hindi ako masyado mahilig lumabas kasama ang mga kaklase ko kahit ngayong college except lang yung naging magkaibigan kami ni Terrence.  Masaya nga yung may bestfriend kang ganito. Actually, habang patagal ng patagal kaming magkasama ay parang nahuhulog na ang loob ko sa kanya. One time, habang nakaupo kami sa grass sa may park, nagkausapan lang kami ng masinsinan sa mga bagay-bagay.

“Terrence!”  Kinalabit ko siya.

“Oh? Bakit dude?”

“Kung may magkakagusto sayo na kapwa mo lalaki, ano ang magiging response mo?”

“Sasapakin ko.”

“Seryoso ka ba diyan?” Ang seryoso kong tanong sa kanya.

“Syempre joke lang iyon  dude. Okay lang sa akin syempre.”

“Swear?”

“Oo noh! Bakit, walang masama kung magkakagusto sa akin na kapwa ko lalaki dahil di ko naman kasalanan kung magkakagusto ako sa kanya eh? Ano ba magagawa ko? Wala naman eh pero sasabihin ko na friends lang kami.”

“Ahh….”

“Eto dude, kung sa kapwa ko lalaki ako magkakagusto ay siguro baka ikaw na yung gugustuhin ko.”

Napaisip ako dun sa sinabi niyang iyon.

“Bakit naman?”

“Wala lang hahah. Basta. Pero it doesn’t mean na gusto kita ah!”

“Hahaha. Okay.”


Sa mga sinabi niyang iyon, mas nahulog ako sa kanya ng tuluyan sa kanya. Sa mga sumunod naming lakad ay ganun pa din parang walang nagbago pero nagbago ang lahat sa isang iglap nung may pinakilala siya sa aking babae na gusto niya at nagpatulong siya na pasagutin ito at pagkalipas naman ng 1 linggo ay naging sila. Simula ng naging sila ay nabawasan na ang mga lakad namin at kapag magyayaya siya ng hangout kasama ang kanyang gf ay humihindi na lang ako dahil alam kong baka masaktan lang ako. Sakit eh. Nung mga oras na iyon, nagpakamukmok na lang ako sa kama ko at umiiyak na lang ako. Hindi lang araw o lingo kundi buwan. Bale 5 buwan akong umiiwas sa kanya dahil alam kong baka makakasira lang ako sa kanilang relasyon. May isang araw na biglang kinausap ako ni Kuya Ellis dahil napansin niya na malungkot ako lagi at napapaiyak na lang.

“Insan, may problema ba?”

“Wala naman kuya. Bakit?”

“Umamin ka nga sa akin Edison. Ilang buwan ka nang nagiiyak diyan at hindi ka na kumakain diyan tapos bumaba pa grades mo at buti na lang wala kang bagsak.”

Napayakap na lang ako kay Kuya Ellis at umiyak ako.

“Kuya, hindi ko na kaya! Sana pala hindi ko na lang minahal si Terrence. Tanga ko masyado? Sakit pala na ang mahal mo ay may mahal na iba!”

“Insan, okay lang yan. Talagang masakit minsan ang magmahal dahil pag nagmahal ka ng isang tao ay aasahan mo ang sakit dahil hindi lang puro sa sarap ang pagmamahal dahil may hirap din ito. Bata ka pa Edison, marami ka pang makikilala diyan. Iiyak mo lang yan at darating din ang araw na magiging okay ka na din.”

“Siguro nga kuya. Basta kakayanin ko ito!”

“Yan! Dapat ah.”

Sa mga sinabi ni Kuya Ellis sa akin, lumakas ang loob ko na kalimutan ko siya at nagpakabusy-busy din ako. Lumipat na din ako ng waiting shed para iwasan ko na din si Terrence baka masaktan lang ako sat wing makikita ko siya. Syempre, nagpalit na din ako ng number para hindi na rin niya ako makatext at naka offline ako sa kanya sa fb para hindi niya mapansin ako.

Dalawang taon nang nakalilipas…

Graduating na din ako sa wakas, masaya ang buhay graduating at malapit na din matapos ang lahat ng paghihirap ko para makatapos ng BA Communications. I’m partially moved on na din naman kay Terrence and talagang nagpakabusy na lang ako sa school works and I try na makipagfriends sa ibang mga classmates ko. Ayun, successful naman dahil di ko alam na gusto rin pala nila sa akin makipagfriends.

Zero pa din ang love life ko hanggang ngayon and wala pa ulit akong bestfriend. Minsan, nagtataka din ako kung kumusta na si Terrence ngayon. Napagisipan ko na dumaan uli ako doon sa may dating waiting shed kung saan ako sumasakay pauwi.

12AM na, Pauwi na ako nun at dun ako naghintay ng masasakyan sa may waiting shed kung saan kami nagkakilala ni Terrence.  Sa hindi ko inaasahan, napansin ko na doon pa din pala naghihintay si Terrence pero siya lang mag-isa. Nilapitan ko siya at biglang kinausap niya ako.

“DUDE! Long time no see.”  Ang pambungad niya sa akin.

“Oo nga eh.” Sagot ko.

“Kumusta ka na? Tagal nating di nagkita at naguusap ah?”

“Okay lang naman ako. Eto, stressed sa thesis. Ikaw ba?”

“Okay lang naman ako. Single na 1 year ago at stressed din sa thesis.”

“Naghiwalay na kayo?”

“Unfortunately, yes.”

“Sayang naman dude.”

“Okay lang. I realized kasi na hindi ko siya talaga mahal. Oo nga pala bakit hindi mo na ako pinapansin ah Edison?”

“Busy sa school eh.”

“Yun lang ba?”

“Oo, yun lang.”

“Parang kasi feeling ko galit ka sa akin eh.”

“Ewan ko.”

“Aminin mo na kasi..”

Hindi ko napigilang lumuha sa harap niya.
“Bakit ka umiiyak dude?”

“Dude, gusto mo malaman kung bakit ako lumayo sayo?”

“Oo dude gusto ko malaman dahil bestfriend mo ko tapos iiwanan mo na lang ako sa ere ng biglaan? Anong klase kang bestfriend ah?”

“T*ngina simple lang. Mahal kita Terrence yun lang yun.”

Natameme si Terrence sa sinabi kong iyon.

“Lumayo ako sayo dahil alam kong wala akong karapatang magalit sayo dahil bestfriend lang kita at ayoko din na baka dumating ng araw ay pag nalaman mo bigla na mahal kita ay iwasan at iwanan lang kita.”

Sumagot si Terrence pagkatapos kong magsalita, pero hindi ko inexpect na ayun ang sasabihin niya sa akin dahil hindi ito kapani-paniwala.

“Sa totoo lang, ikaw ang dahilan kung bakit kami naghiwalay ni Anne dahil sayo. Iniwanan ko siya dahil ikaw talaga ang mahal ko! Naalala mo yung sinabi ko sayo sa park, hindi ko kayang aminin sayo dahil baka layuan mo din ako. Sa tuwing nakikita kita sa waiting shed na ito, simula nun ay lagi lang kita nun tinititigan ko pero nahihiya din ako sayo makipagkaibigan hanggang sa nilakasan ko ang loob ko na kaibiganin kita at ayun, successful naman eh. Sana hindi ko na lang pala pinatagal. Sorry talaga pero I still love you.”

Natameme lang ako sa lagay na iyon at sa hindi ko inaasahan ay hahalikan niya ako. Habang naglalapat ang labi ay dinadama ko sa bawat galaw ng labi at dun ko ipinakita ang aking nag-aalab na damdamin ng pananabik sa pagamahal ko para kay Terrence. Pagkatapos naming maghalikan ay humiga ako sa kanyang balikat at nagusap kami tungkol sa nangyari.

“Terrence.”

“Bakit Edison?”

“Hindi ko rin pala akalain na mahal mo din pala ako.”

“Ako rin naman eh. Hindi ko rin akalain na mahal mo pala din ako. Sana pala hindi na lang pala ako nagkagirlfriend.”

“Gago ka kasi Terrence!”

“Tayo na ba?”

“Anong tayo na ba? Ligawan mo muna ako syempre Terrence!”

“Bakit pa kita liligawan?”

“Para pormal naman hindi yung naghalikan lang tayo ay mag-on na agad?”

Biglang kinurot ni Terrence ang cheeks ko nung time na iyon.

“Sige. Sana pala noon pa kita niligawan noh?”

“Oo sana nga pero okay na din. I love you ulit Terrence Dave Jason Lo Santiago!”

“I love you din Edison Kester Dinalupihan Rodriguez. Gagawin ko ang lahat para mapasagot lang kita.”

“Sus, maniwala ako sayo baka lokohin mo lang ako.”

“Promise, hindi kita lolokohin forever.”

“Ayoko ng forever.”

Biglang nagsad face si Terrence.

“Bakit ayaw mo?”

“Kasi gusto ko, 5ever.”

Kinurot ako ulit ni Terrence sa cheeks.

“Kaw talaga! Oo sige 5ever.”

"Yehey! Pero patunayan mo muna na ever ah Terrence Dave Jason Lo Santiago?"

"I will Edison Kester Dinalupihan Rodriguez. Kahit mamatay man ako sa harap mo."

"Haha oo na. Thank you pala ah dude."

"Welcome dude."

Bumalik na ang lahat sa normal nung nagkita kami ulit ni Terrence. Sa mga sumunod na araw, lagi na kaming sabay umuwi ni Terrence at lagi kami ulit nag-hahang out or should I call date na dahil nga nililigawan na niya ako. Makalipas ng 5 buwan ay sinagot ko na si Terrence dahil he proves that he love me so much. Sobrang saya ko talaga dahil kailangan pa talaga naming dumaan sa ganoon bago pa makarating sa ganitong stage na magiging kami rin pala sa huli. Ngayon, 3 years and still counting na mag-on kami ni Terrence and we’re currently living in London sa iisang bahay. Nagtatrabaho na ako ngayon sa isang TV station dito production assistant at si Terrence naman ay isang programmer sa isang cellphone company. Ilang days na lang ay ikakasal na din kami sa wakas! Nakakakaba na excited naman. Siguro hanggang dito na lang ang istorya namin ni Terrence. Hanggang sa muli.


Wakas.


8 comments:

  1. congratulations! reAlly inspiring :)

    -veno

    ReplyDelete
  2. Di pa ko nangangalahati, itinigil ko na ang pagbabasa, sayang yung time ko!
    Di ka nga crossdresser o nagmemake up, pero daig mo pa yung prloristang bakla!

    ReplyDelete
  3. I'm from that school in espanya. And sa pagkakaalam ko, kung taga paranaque ka at cavite siya, magkaiba kayo dapat ng sakayan. Sa magkaibang side kayo dapat ng espana girl. Though medyo maganda naman ung story.

    ReplyDelete
  4. Inedit ko: Pinalitan ko ng Las PiƱas yung P'que.

    ReplyDelete
  5. yoseph huwag mong pansinin ang paninira sa iyo, write lang ng write,we are not perfect , buti nakasulat ka ng story ang iba paninira langDUDE!!!!!!!!

    ReplyDelete
  6. I like the story. Baklang bakla ang peg. Hehehe

    ReplyDelete
  7. Like it. Pero expected ko na yung ending. Try mo maglgay ng twist next time. Yun lng.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails