Followers

Saturday, November 16, 2013

I Need To 3


 By Hopeless Bisexual
ANG NAKARAAN...

"Puta, si Rome iyon ah at si..."

Kaya pala. May lakad pala sila ni Lourdes at magkaholding hands sila. Masaya sila sa presensya ng isa't isa. Dito na talaga ako naawa sa sarili ko. Puta dito pa yata sa shade na ito sila papunta. Fuck. I need to go. Ayoko maging third wheel. Pero nakita nila ako.

"Amiel" tawag sa akin ni Lourdes.

"Hi" tugon ko kay Lourdes. Hindi ko pinansin si Rome. Mukha ring wala sa mood si Rome para kausapin ako.

"I got to go." dagdag ko.

"Malakas ang ulan. Wala kang payong," sagot ni Lourdes.

"Hindi mo iyan mapipigilan. Pag ginusto niya, gagawin niya." sabat ni Rome.

As usual, ang sakit kasi nagexpect ako na pipigilan nya din ako. Mabuti pa yung girlfriend niya may puso at concern sa akin.

Dali dali kong sinugod ang malakas na ulan. Basang basa ako ng ulan. Dito na ako napaiyak at humagulhol ng todo. Okay lang to. Wala namang nakakakita sa akin dahil malakas nga ang ulan at madilim ang langit. Naaawa na ako sa sarili ko. Niloko ako at pinaaasa. Ni hindi man lang ako inabisuhan na hindi kami tuloy.


************

Napagdesisyunan ko na huwag na muna ako pumasok sa gabing iyon dahil sa dalawang dahilan. Una, mukhang magkakasakit yata ako dahil sinugod ko ang ulan. Ikalawa, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at umiyak ako sa harap ng klase dahil sa sakit na nararamdaman ko sa ginawa ni Rome na pang-iindyan sa usapan namin. In short, pinaasa niya ako. Pinagmukha niya akong tanga.

Eventually, I received a text from him.

Rome: Miel, malelate ako ng pasok. Update me if may prof na.

Puta. Gago ka ba? Ano ako tanga? Matapos mo akong paghintayin kanina? Bahala ka sa buhay mo.

Hindi ako nagreply sa kanya. Bahala siya sa buhay niya. Nakaidlip ako habang nakatitig lang sa cellphone ko. Mga 7pm ng gabi, bigla akong naalimpungatan. Ang daming text messages galing sa mga kaklase ko. Hinahanap nila ako. Na-touch naman ako kaso bigla akong nalungkot kasi walang text si Rome di tulad dati na hinahanap niya ako.

"Iba na talaga ang case ngayon," sabi ko sa aking sarili.

Tinext ko mga classmates ko na nagtatanong na hindi maganda ang pakiramdam ko kaya hindi ako pumasok sa klase.

Gusto kong mag unwind. Since maaga pa, tinext ko si Rica para magdinner. She agreed and we went to a mall. We ate on Tokyo Tokyo since paborito namin ang Asian cuisine particularly Japanese. We also went window shopping. Habang naglalakad kami ay bigla syang naging sweet sa akin. She coiled her arms on mine.

"Bruha, sumakay ka sa trip natin. Nakita ko mga kabarkada mo at si Rome," sambit sa akin ni Rica. Loka loka talaga ang babaeng ito. Ang talas ng paningin. Pero sumakay na din ako.

Kapag sinuswerte ka nga naman, hindi kami nakita nang buong barkada. I saw them na umuuwi na after buying some stuff sa national bookstore. School supplies siguro. Kaso, accidentally, nasalubong namin ni Rica si Rome.

Umiwas ako ng tingin. Kunwari kausap ko si Rica. Binati siya ni Rica kaya napatingin na rin ako. He smiled at her and he tapped my shoulder. Wala akong ginawang feedback. After ng pangyayaring iyon, hinatid ko si Rica sa condo niya since katabi lang ng mall yung place niya. Unfortunately, habang papauwi ako ay nakita ko si Rome na nasa exit gate ng mall na parang may hinihintay.

As usual, hindi ko pa din siya pinansin. Lumabas ako ng mall at sumunod yata siya sa akin. Ewan ko. Parang lumabas siya at pakiramdam ko sumusunod siya sa akin. Nang malapit na ako sa jeep, pinili kong hindi ako sumakay dahil confirmed sinusundan niya ako. Macocorner niya ako sa jeep. Ayokong mag-burst ang emotions ko doon. So, minabuti kong maglakad kahit medyo malayo ang bahay ko. Okay na rin yun. Makakapag-exercise pa ako. Hehehe.

Until finally, nakarating ako sa gate ng bahay namin. Akala ko wala na siya ngunit bigla siyang sumulpot sa likuran ko.

"May sakit pala huh. Bakit hindi ka pumasok kanina. Lumandi ka lang kasama yung fiancee mo na si Rica eh. Kailan ka pa natutong magsinungaling?" nagbibiro niyong tanong.

"Wala kang pakialam. Wala akong panahon magpaliwanag sa mga walang kuwentang taong katulad mo." Shit. Nasabi ko yun. Achievement! Grabe ang bilis ng tibok ng puso ko hanggang ngayon. Medyo naluluha ako pero fulfilling.

"Miel, kausapin mo nga ako ng matino," utos niya. May authority ang tono niya.

"Anong kailangan mo?" sagot ko habang nakatalikod ako sa kanya.

"Gusto kitang makausap. Naguguluhan ako. Please? Kwentuhan tayo?"

"Wow. Bago to ah. Lumalapit ka sa akin dahil gusto mo akong makakwentuhan? Hahaha. Himala. Wala ka yatang pabor na hihingin? Hahaha" sarkastiko kong tugon.

"Ano ba, Miel? Ano bang nangyayari sa'yo? Bakit parang ang laki ng galit mo sa akin?"

"Umalis ka na. Ayokong mag-aksaya ng panahon sa mga taong katulad mo."

Pumasok ako ng gate at nagpumilit siyang pumasok. Kahit hinaharangan ko siya, nakapasok siya sa bakuran namin. Buti nalang walang tao. Ako lang ang tao sa bahay noon.

"Ano ba?! Hindi ka ba nakakaintindi? Umalis ka na. Hindi ka welcome dito!"

"Aalis ako pag sinabi mo ang dahilan kung bakit hindi ka pumasok sa klase kanina."

"Bakit ba? Magulang ba kita? Ha?! Bakit ba ang dami mong tanong!"

"Nag-aaalala kasi ako sayo! Bwisit! Concern ako sa mga nangyayari sayo. Bakit hindi mo makita iyon?!" bulyaw niya. Napikon na rin siguro siya sa akin.

"Wow. Concern pala ha? Talaga? Alam mo ang plastic mo!"

Kinuwelyuhan niya ako. Natakot na ako sa mga mangyayari. Galit ang mata niya. Nakaya niya akong i-angat kahit kung tutuusin mas malaki katawan ko at mas mabigat ako sa kanya.

"Ulitin mo nga ang sinabi mo."

"Plastic ka." matapang kong tugon.

"Ano?"

"Plastic ka. Akala ko kaibigan kita. Yun pala hindi!" dito na tumulo ang luha ko. Humahagulhol na ako sa sakit na naramdaman ko.

Nakita niya akong umiiyak. Nagulat siya sa nakikita niya. Ito kasi ang first time na makita niya akong umiiyak.

"Ano ba ang nagawa kong mali, Miel? Sabihin mo naman sa akin. Nahihirapan din kasi ako."

"Kanina! Pinaghintay mo ako sa wala! Ilang oras akong naghintay doon. Ni wala ka man lang abiso na hindi tayo matutuloy!"

"Sorry. Nagtext kasi si Lourdes kailangan niya ng kasama."

"Oo nga naman. Girlfriend mo nga pala si Lourdes. Kaibigan lang ako. Syempre mas uunahin mo ang girlfriend mo kesa sa akin. Pero, PUTANG INA MO! May cellphone tayong tinatawag at imposibleng hindi mo ako matetext kasi NAKAPLAN KA!" galit na galit kong sambit ko sa kanya.

"Ano ba ang gusto mong gawin ko?! Ang hirap mo kausap! Bakit, nagseselos ka ba kay Lourdes?"

"Hindi ako nagseselos. Puta. Ang sinasabi ko dito parang hindi ka kaibigan kaninang umaga. Buti pa yung girlfriend mo concern sa akin. Eh ikaw? May ginawa ka ba? Hinayaan mo akong mabasa sa ulan. Ni hindi mo man lang ako pinigilan?"

"Eh kasi yun ang gusto mo. Matigas ang ulo mo. Pag ginusto mo yun ang masusunod kaya hindi kita pinigilan!"

"Kahit na. Rome, ang sakit. Alam mo ba ang sinakripisyo ko para lang masamahan kita kanina? Ha?! Tapos hindi mo ako inabisuhan na hindi pala tuloy. Bwisit!' Wala ng luha ang tumutulo sa akin. Pero ramdam ko ang pula ng mata ko.

"Alam mo hindi na kita maintindihan eh. Simula nang naging kami ni Lourdes lagi ka nalang aburido. Ano bang meron? Minsan hindi ko maisip na nagseselos ka. Oo nga siguro. Nagseselos ka! Bakit ka nagseselos, bakla ka ba? Ha? Bakla ka?"

Dumilim ang paningin ko at bigla ko syang sinampal.

"Rome, umalis ka na. Umalis ka na kung ayaw mo ng gulo. Kung hindi ka pa aalis sa loob ng dalawang minuto ay tatawag ako ng barangay tanod upang ikulong ka magdamag sa selda."

Lumaglag ulit ang luha ko.

"Miel, sorry. Hindi ko sinasadya. Nadala lang ako ng damdamin ko. Miel." Lumapit siya at niyakap ako. Ang sarap sa pakiramdam na yakapin niya ako. Ang init ng katawan niya. Gusto ko din gumanti ng yakap na mahigpit kaso nagdadalawang isip ako. Hindi pwede to nahuhulog ulit ako sa charm niya.

Bumitiw siya sa pagkakayakap sa akin. Tumutulo ang luha ko. Pinahid niya mismo ito.

"Miel?"

"Wag mo akong tawaging, Miel. Ang sakit Rome. Pinaasa mo ako sa isang lakad. Ni hindi mo ako inabisuhan na hindi matutuloy. Pinagmukha mo akong tanga kahihintay sa iyo. Rome, alam mo ba ang sinakripisyo ko para masamahan lang kita? Dapat magkikita kami nung bestfriend ko nung high school. Ngayon lang siya umuwi galing Hong Kong. Bukas aaalis na siya. Hindi lang iyon, Rome. Nagawa mo akong pabayaan sumugod sa malakas na ulan. Ni hindi mo ako pinigilan. Wala kang ginawa. Pero naiintindihan ko naman kasi nga nandoon si Lourdes."

"Sorry, Miel. Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko. Pero, sorry."

Tumigil na ang pagpatak ng luha ko. Nagkaroon ng kaunting katahimikan sa pagitan ng aming dalawa nang biglang sumulpot sa gate si Rica at nagsalita,

"Rome, nadinig ko lahat ng sigawan niyo ni Amiel. Please, Rome umalis ka na muna. Konting respeto naman sa kaibigan mo," malamig na tugon ni Rica.

Tumingin siya sa akin at naglakad palabas. Bago siya umalis ay tumingin muli siya sa akin. Nangungusap ang mga mata niya. Wari'y nagsisisi sa mga nagaw niya at humihingi ng tawad.

"Miel," sambit niya. Ang kanyang tono ay parang nagmamakaawa.

"Layuan mo muna ako. Kahit sandali lang." sabi ko sa kanya.

"Pero..." Nakatitig pa din siya na parang nagpapaawa.

"Magkaibigan pa din tayo kaso hindi na katulad noong dati."



ITUTULOY...

2 comments:

  1. Any hirap naman. Haaayy. Wawa si Rome. Medyo may topak din si Miel ee! Hindi naman dapat OA. Pero gusto ko pa rin yung kuwento.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails