Followers

Monday, November 25, 2013

PLaRO- Chapter 6 " Kumag at Buenas"


maraming salamat sa mga patuloy pa ding nagbabasa :)

specially sa mga nakikita kong nagcocomment :) wahaha..

http://www.wattpad.com/user/tridentaquos

https://www.facebook.com/iwillkillyousoftly




good luck ---:)

-trident-


------------------------------------------------------------------------------------------------------------
PLaRO- Chapter 6 " Kumag at Buenas"


Jero's POV

Madilim na ng lumabas kami ng gate ng school. Sa di inaasahang pangyayari ay nakita kong muli ang dating kasama ko sa pangangarap na ngayo'y taga bigay na ng bangungot sa akin.

"Jero..Una na kami nila Dolly, Sahara at Patricia." Pagsegway ni Patrick

"Sige, mauna na kayo guys, ingat sa paguwi..Patrick, ingatan mo sila puro babae yan.." pamamaalam ko sa mga kaibigan ko habang nakatingin ako ng masama kay Conrad.

"Ok copy best!" pagsaludo ni Patrick

"Anu ba meron Patrick?" Dinig kong tanong ni Sahara kay Patrick.

"Basta, pabayaan na natin yung dalawang magkaibigan magusap." pagsisinungaling ni Patrick habang naglalakad ang mga kaibigan ko papalayo.

lumayo na rin kami ni Conrad.

"Doon tayo sa wala masyadong tao, balik tayo sa loob ng university, sa may parking lot." utos ko kay Conrad.

Habang naglalakad kami ay nagdidilim na naman ang kalangitan, mukhang uulan ata.

"Tama na siguro dito at wala nang makakarinig pa sa ating dalawa....ano pa ba ang sasabihin mo conrad?Ano pa ba yung mga kasinungalingan na nais mong ipapaniwala pa sa akin?" Panimula ko.

"Nais ko muling humingi ng tawad, at nais ko sanang humingi ng isa pang pagkakataon." muling paghingi ng tawad sa akin ni Conrad.

"Narinig mo na ang sagot ko dati pa di ba? o gusto mo pa yatang makipaglaro sa akin? ...ayoko na please lang." Paanas na sambit ko habang naglalakad ng pabalikbalik at si Conrad ay nakasandal sa pader.

"Handa naman akong magbago eh.."putol na sasabihin sana niya.

"Magbago? eh ... hindi ba pumasok yan sa isip mo habang tayo pa NOON Charles?..HA??" nang ako'y sumigaw na dahil sa galit.

"Sorry na nga please.." pagmamakaawa niya sa akin at biglang lumuhod at niyuyugyog ang kaliwa kong binti.

"Yung paa ko at binti ko parang kinukuyakoy, nahahard ako haha,,,...MALI!! MALI!! dapat serious ka Jero ,dapat serious....."pagkokondisyon ko sa isip ko.

"UMALIS KA NA PLEASE LANG!!....kung ayaw mong mawalan pa ako ng respeto sa iyo!!!.." paanas kong sambit kay Conrad.

"Kahit pagiging kaibigan lang natin ang ma save ko please lang...huhuhu...doon din naman tayo nagsimula...kahiiiitt yuuuunn na laaang!! ...huhuhu" pagtangis niya sa akin habang nakaluhod at nakakapit pa rin sa mga binti ko at paa.

"Pagiisipan ko, pwede ka na bang umalis? ...gusto kong mapagisa muna at wag ka munang magpapakita ...PLEASE LANG CONRAD." utos ko kay conrad.

Lumayo na si Conrad sa akin at may narinig akong may binubulong siya pero di ko nalamang iyon papansinin. Patuloy ko pa ring pinagiisipan ang kanyang pakikipagbalik bilang kaibigan..wala na talaga akong nararamdamang pagmamahal para sa kanya na higit pa sa isang kaibigan.

 ♪ ..Booty work ,booty work..boo..boo..booty work .. ♪--nagtext ang mokong --si mccoy

Mccoy:  San ka na pare? nakauwi ka na ba?

Jero: Dito pa school hehe..pauwi na rin ako

Mccoy: Akala ko ba kanina nakalabas na kayo ng school?

Jero: Ou nga, Kaso biglang nagtext yung isa kong professor , may iniutos kasi..

Mccoy: Ah! ganun ba sige ingat..


At ayun after nun ay hindi na ako nag reply, papalabas pa lang ako ng school ng biglang lumakas ang ulan.

http://www.youtube.com/watch?v=aIHtQUnpl5I    ---(pa play .. if possible)

"Hala! kailangan ko nang makahanap ng masisislungan, bakit wala kasing waiting shed dito eh....nakakashiit!!!!...ay tanga oo nga pla meron pla kaso malayo naman sa may kabilang kanto pa.." aking pagrereklamo

At paglabas ko ng gate ay may sumisigaw...

"HEEEEYYYYY-----taong nababasa ng ulan..!!" sabi nung sumisigaw..

Di ko nilingon baka mamaya masamang lamang lupa to ..binilisan ko ang paglakad ko ..di ako tumakbo kasi baka madulas pa ako.

"HEEEEEEEEEEEEYYYYYYYYYYYYYYY!!!!!!!!" sigaw nung lalaking tumatawag sa akin.

"Tae bakit ang lakas na ngayon ..malapit na kaya siya sa akin? mabilis naman paglakad ko"...

"HEYYYYYYYYYYYYY! TUMINGIN KA NGA DITOOOOO..nababasa ka na ng ulan pare."sabi sa akin nung sumisigaw,

Paglingon ko...

"Si Sanchez?" pagtataka ko

"Eto share tayo sa payong...silong ka...kasya pa naman tayo eh..at saka way ko na rin ito sa paghingi ng sorry dahil sa game namin kanina ..."sabi niya sa akin..

"Yung kanina? ...wala yun alam naman natin na parehas nating di inaasahan at ginusto yun.." Pagpapaliwanag ko sa kanya..

"Ahm....by the way I'm Colby and you are?" pagtatanong na aking pangalan ni Colby,,

"Jero pare..heheh nice to meet you!" Bati ko kay Colby.

"Oh...parang familiar ahha...saan way mo pauwi? para sabay na tayo if same route lang dadaanan nating dalawa." tanong sa akin ni Colby.

"Papuntang brgy. pinagbuhatan taga dun ako eh..eh ikaw san dre?" Tanong ko sakanya.

"Sa baranggay kung saan ka uuwi haha..taga doon din ako..tara na at lakas na ng ulan" galak na tuwang sambit ni Colby. 

"Hahahah lakas ng ulan dali takbo dun sa may waiting shed sa may kanto ..bilisan lang natin " tumatakbo kami ng sabay papunta sa waiting shed... ang kakaibang napansin ko lang sa kanya ...alam mo yung exagerated na tawa ,pero sa kanya nacucutan ako hahaha....
Nakarating na kami sa waiting shed.

"Ano pinagkakaabalahan mo sa school, except sa pagaaral?" tanong sa akin ni Colby.

"Ano ba? ahmm..kasali ako sa journalism...sumasayaw ...yun..heheh ..at ikaw di na kita tatanungin kilala ka na sa school eh ..sa laki mo bang yan...hahaha" Biro ko kay Colby.

"sa laki lang ba? (pagsimangot niya) ...meron pa  ba? ahaha (biglang ngumiti ang gago)" nakakalokong si Colby.

"ahahah adik ka talaga .......wala pa bang jeep ? puro puno...." Reklamo ko sa kanya.

"Bakit ka sa akin nagrereklamo? haha ako driver? pagalitan natin si manong driver mamaya.. bat antagal niya..." sabi ni Colby

at may humintong jeep sa aming harapan at kami'y sumakay, nagkwentuhan kami ng nagkwentuhan yung tipong  FC agad o feeling close. Mabait naman si Colby ,ramdam ko sa paraan kung paano niya ako kausapin. Hindi daw siya mayaman at hindi rin mahirap yun ang sabi niya. Siya yung tipo ng tao na madaling makagaangan ng loob. Kaso konti lang daw ang kaibigan niya. Ang laking tao niya  KASI EH! MASKI AKONG MATANGKAD NA sa paningin ng iba ...nanliliit ako kapag katabi ko siya ...nagmimistulan akong batang yagit.haha

"Oh ,,,hanggang dito na lang ang jeep ko mga bata." sabi ni manong driver

Kami na lang pala ni Colby ang natira dito sa jeep...Bumaba na kami at nagpaalam na sa isat isa.

"Pre, dito na ako sa terminal ng tricycle, Ikaw saan ka sasakay pauwi?" Tanong ko sa kanya.

"Doon pa ako sa may kabila,papuntang kenneth road." sabi niya sa akin habang nakanguso paturo dun sa may isa pang terminal.

"Sige ,bye bye na, thanks sa payong at pagsabay..pagkawy at pamamaalam ko sa kanya.

"Bye din at salamat" si Colby.

at ngumiti ang gago...haha yung BILOY niya litaw ang laki..

sumakay na ako ng tricycle pauwi ng bahay.


Paguwi ko ng bahay....


may nareceive akong text.

Mccoy: Hey , Jero musta dito ako sa haus kauuwi lang ...iakw kamusta na? nasa school ka pa rin ba?

sagot ko..

Jero: Dito na ako sa haus...gue pahinga muna ako ..hehe and dami rin kasing ginawa sa school..! Ingat...

Pagpasok ko ng bahay ,ayun si ate na unahan ako sa paguwi...haha.. gabi ng asaran nanaman ito si ate. Trip ako ni ate kada uwi ko, kung kapatid ka ni Ate? ..hay naku kung pikunin ka..talo ka ..well haha immune na ako ahha ..

Nagdinner na kami at nagsisikanyakanyang ayos na para sa pagtulog. Nakapag hilamos na ako at nakapagbihis.. Ginawa ko na rin yung mga homework ko ..yung mahirap na sagutan bukas na lang sa school magtatanong ako ..gusto ko lagi rush hahah .....Hihilata na ako (mahihiga) ng bigla may...


nag text......




-----------------------------------------------to be continued------------------------------------------------------

notes...heheh naka draft na po ako for chapter 7 :) .

2 comments:

  1. Feeling ko talaga c mccoy c sanchez eh. Bitin na naman.

    -hardname-

    ReplyDelete
  2. hardname ---fb mo?

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails