ANNOUNCEMENT:
1. Uhh, siya nga pala po. Ang updates ko mula sa Sunday, Tuesday, Thursday, at Saturday ay magiging Tuesday at Friday na lang po. Inuulit ko po, ang updates ko ay magiging Tuesday at Friday
na po. Ito po ay dahil sa wala na po akong masyadong oras sa
pag-oonline dahil may part-time job na po ako sa McDonald's, alam niyo
naman sa hirap ng buhay. Tapos nag-aaral pa po ako. Kailangan ko po
talaga mag-adjust ng time para makabayad naman ng internet at phone
connection, para at least kahit papaano ay nakaka-connect pa rin ako sa
inyo at makapost dito.
Buong puso po akong humihingi ng paumanhin at sana po ay maunawaan niyo :( May updates pa po naman, regular. In fact, tapos na po akong isulat ito. Nahihirapan ako sa pag-edit at pag-proofread (Doon po talaga ako natatagalan kasi hindi ako bihasa sa wikang tagalog/filipino). So total magpapasko naman, at para makabawi naman ako sa inyo, may mga sorpresa ako.
a.
Dinagdagan ko pa ang mga kapana-panabik na mga tagpo at kaguluhan sa
kwento tungkol sa buhay ni Angelo. Maraming thrills at mga unexpected
turn out events na mas lalong nagpaganda sa kwento (I think) kaysa sa una ko siyang sinulat. Mas hahabaan ko rin po bawat chapter para sulit naman ang paghihintay. Ginagawa ko po ang best ko para mas worth while ang bawat chapter.
b.
Sinisimulan ko na rin po ang pagsulat ng bagong story. Isang kwentong
may pagka-magical at fantasy po, pero siyempre hindi mawawala ang
pag-ibig. Hindi lang iyan! Nagsisimula na rin po ako sa draft ko sa isa
na namang bagong kwento na puno ng drama at aksyon. Iba po ang mga
kwentong sinisimulan ko ngayon kumpara dito sa Gapangin mo ako. Saktan mo ako. May distinct character at features po ang mga kwentong ginagawa ko ngayon.
NOTE:
1.
Magandang araw sa lahat! Ito na po ang Chapter 7. Congratulations muna kina Angelo at Dimitri sa pagpanalo ng National Math Competitions! Ngunit, subalit, datapwat, sino ang bagong babae na kinaseselosan ni Angelo? Siya na ba ang bruha sa buhay niya? Hmmm. Anyways, abot-langit pa rin
ang pasasalamat ko sa mga sumusubaybay at sa mga nag-iiwan ng mga
komento dito sa mga kabanata ng kwento na ginawa ko. Pati na rin sa mga
silent readers, salamat po talaga! (Sorry po kung hindi ako tumutugon o
nagrereply sa mga comments tsaka hindi ko po kayo na special mention
kasi puputol-putol ang internet namin, parang tanga lang, nakakawarla.)
2. Maraming salamat po kay Kuya Mike na palagi kong ginugulo at saka kay Kuya Ponse. Pasensya na po talaga! Ngunit abot langit naman ang pasasalamat ko sa inyo. Kayo ang nagbigay katuparan sa pangarap kong maging manunulat. Kahit baguhan pa lamang ako at panay ang pangungulit ko sa inyo, natiis niyo pa rin ako. Nakakawarla talaga ang haba ng pasensiya niyo kaya idol ko na kayo, ipagdadasal ko kayo ngayong gabi. Huehue <3
Enjoy!
Disclaimer:
1. Ang larawan ay hindi ko pag-aari. Ginamit ko lang ito para may visual representation ang mga character sa kuwento. Kung meron man ang na-ooffend sa larawan, paki-e-mail po ako at tatanggalin ko ang larawan asap.
2. May mga pangalan ng tao, bagay, o establishment na po akong imemention sa chapter na ito. Nais ko lang pong ipaabot na kung meron man pong na-ooffend sa mga pangalan na namention ko sa chapter na ito, conincidence lang po iyon at walang anong iba pa. Fiction po ang kwentong ito, at kung may pagkakahawig man sa totoong buhay ni kanino, nais ko pong magpaumanhin sa pagkakapareho.
3. May mga konsepto pong ginamit sa kwento na maaaring hindi tumutugma sa totoong buhay. Nais ko lang pong ipaabot na for entertainment purposes only lamang ang kwento nating ito.
E-mail address: comegetmycookies@gmail.com
Facebook account: www.facebook.com/boy.cookies.16 (Boy Cookies)
Sana po magustuhan ninyo ang kuwento. Maraming salamat!
---
Chapter 7
Nakatayo lang si Angelo sa labas ng coffee shop habang pinapanood ang taong mahal niya na masayang-masaya sa piling ng iba. Natural ang saya sa mukha ni Dimitri, isang ngiti na hindi pa niya nakita noon. Ang saya-saya niya kasama nung babae, isang saya na hindi niya man lang pinakita kahit noong kasama niya ako. Sa isip niya. Habang pinagmamasdan niya ang dalawa na naghaharutan at nagkikilitian, nararamdaman ni Angelo sa kanyang kaloob-looban na dahan-dahang napupunit ang kanyang puso. Ang sakit pala! Nanlalabo na ang kanyang paningin dahil sa luhang pumapatak. Ang sakit sakit! Sigaw niya sa sarili.
Hindi na nagawang titigan pa ni Angelo ang mga pangyayaring nagaganap sa coffee shop. Tumalikod na lang ito at lumakad papalayo. Hindi niya kayang pumasok sa coffee shop. Bakit ba ito ginagawa ni Dimitri? Teka, bakit naman ako magpapaapekto? Leche, bakit ba mahal kita!
Dumiretso na lang siya sa dorm room nila at walang ginawa kung hindi ang umiyak at umiyak na lang. Masakit. Bakit ba kasi ako nagseselos?
"Bakit ba kung kailan natanggap ko na lalaki ang mahal ko, siya pa ngayon ang sisira sa damdamin ko? Bakit? Argh, nakakainis!" Sigaw ni Angelo.
Ngunit may klase pa siya sa hapon, hindi niya maaaring ipagpalit ang mga klase niya sa hapon dahil lang sa kanyang selos at inggit. Wala na akong magagawa. After all, straight pa rin siguro si Dimitri, babae ang hanap. Ang magkaanak, magkapamilya, at maging ama. Bakit ba naging bakla pa ako? Naging bakla lang ako sa wala! Ugh. Nakakainis!! Sa isip niya. Tumayo siya at naghanda ng kanyang mga gamit para sa mga klase niya sa hapon. Tinumbok niya ang banyo at nanghilamos, hinarap niya ang salamin. Pinilit niyang ngumiti kahit namumula ang kanyang mga mata dahil sa ilang oras na pag-iiyak. Nang nakuntento na siya sa pekeng ngiti niya, hinablot na niya ang kanyang bag at umalis.
Pumasok siya sa klase niya na namumugto ang mata. Halatang-halata ng mga kaklase niya na galing sa pag-iyak si Angelo. Si Angelo, walang magawa kung hindi ang makinig at umacting na parang walang nangyayari sa kanya. Paminsan-minsan tumatawa sa mga biro ng guro, at paminsan-minsan pinaplastik ang ngiti. Matapos ang klase niya sa hapon, tuliro pa rin si Angelo at nakatulala lang. Nakaupo lang siya sa fountain park ng kanilang paaralan. Ang mga bata ay masayang naglalaro at ang mga tao ay masayang nagpipiknik. Masarap kasing gawing piknikan ang fountain park ng SEAU kapag magdadapit hapon na. Naiinggit siya kasi may mga pamilya na masayang-masaya, may mga magjowa, may mga magkakaibigan. Tapos heto si Angelo, walang kasama, walang kinakausap, walang kinikibo. Mabuti pa ang mga bata, walang pinag-aalala. Masaya, playful, at walang problema. Heto ako, may problema... isang problemang kakaiba. Nabakla ako, at kahit kailan hindi ko na magagawang maging tuluyang lalake pa. Bakit ba naman kasi Dimitri?! Sa isip ni Angelo. Tumulo na naman ang kanyang mga luha at umiiyak na naman siya. Nasa ganoon siyag pag-iisip nang may tumabi sa kanya.
"Malalim yata iyang iniisip mo Angelo ha? Kausapin mo ako baka matulungan kita sa problema mo."
Natigilan si Angelo. Kilala niya ang may-ari ng boses na iyon.
"Gio?" Bigla niyang pinunasan ang kanyang mukha upang hindi maging obvious na umiiyak siya. Pinilit niyang tumawa.
"Problema mo babes? Hit me. Spill." Pagyaya ni Gio sabay akbay kay Angelo. Naging kumportable naman si Angelo. Dahil sa pagmamalasakit na naramdaman niya mula kay Gio, hindi niya napigilan ang humagulgol at humikbi, wala na siyang choice. Si Gio na iyon eh, kilala siya ni Gio.
"W-Wala tol. Problemang academics lang... Di ko kasi naipass iyong paper ko kaya singko ang nakuha ko." Sabi ni Angelo habang iniiwasang tingnan si Gio.
"Naku mahal ko... sa akin ka pa magsisinungaling eh pati bulbol mo kwentado ko na." Pang-aalo ni Gio sabay himas sa balikat ni Angelo.
"Wala to. Bakit ka ba nandito? Akala ko ba busy ka na palagi. Mas pinili mo pa nga iyang banda mo kaysa sa akin!" Punas ng punas si Angelo sa kanyang mga luha habang iniiwasan niyang pag-usapan nila ang kanyang problema.
"Ano ka ba? Kararating ko nga lang, susungitan mo ko kaagad? Nagtatampo pa oh! Sus, halikan kita diyan. Miss mo siguro ang pagkikiliti ko sa'yo noh? Iniiba mo pa ang topic ha. Heto para sa'yo! Eto pa!" Pagpapagaan ni Gio sa loob ni Angelo sabay kiliti sa tagiliran nito. Hindi naman maiwasan ni Angelo na mag-react dahil weakness niya talaga ang kilitiin. Nang humupa na ang tawanan, nagsalita na si Angelo.
"Hindi naman sa ganoon Gio, nakakainis ka kasi. Sasabihin mong busy ka, tapos ngayon tatabi-tabi ka? Gago ka ba? Nagpapaasa ka ng kaibigan eh."
"Sorry naman diyan tol. Yakapin na lang kita. Bakit ka nga ba nag-iisa? Nasaan si Dimitri?" Tanong ni Gio habang niyayakap niya si Angelo.
Hindi nagsalita si Angelo.
"Bakit ka ba tahimik? Nag-away ba kayo? Uy, by the way, bromance bromance pala kayo ha. Ayeee. Narinig ko na! Nakakaselos naman! Nawala lang nga ako, pinalitan mo ako kaagad..." Mahinang pagmamaktol ni Gio sabay kirot sa pisngi ni Angelo.
"Pwede ba Gio, tantanan mo ako. Naiinis ako." Mataray na sambit ni Angelo habang iniiwag ang kamay ni Gio.
"May problema ka eh! Sabihin mo na kasi! Para kang babae. Gusto mo pa ng lambing galing sa gwapong bestfriend mo." Hinihimas ni Gio ang hita ni Angelo.
"Wala nga, pucha! Kulit mo, baka masapak kita diyan!" Tinanggal ni Angelo ang kamay ni Gio sa kanyang hita.
"Sapakin mo ako, mas malaki naman katawan ko, at mas malakas kaya ako sa'yo! Kiliti lang iyang sapak mo sa mukha ko! Hahahahah"
"Diyan ka na nga." Tumayo si Angelo ngunit hinila siya pabalik ni Gio para maupo.
"Teka nga, teka nga. Bakit ba kasi galit ka? Masayahing tao ka naman ah? Baka namiss mo lang talaga ang katawan at kagwapuhan ko noh?" Pangungulit ni Gio na hindi na sinakyan pang muli ni Angelo. Napabuntong-hininga si Angelo.
"Sorry, pagod lang talaga ako. Samahan mo nga ako, bibili ako ng cellphone." Hinihila ni Angelo si Gio patayo.
"Wala ka pang cellphone? Akala ko ba bumili ka na? Di mo naman kailangan kasi ako lang naman ang kailangan mo." Sabay tapon ng nakakalokong ngiti.
"Tumigil ka nga diyan! Iniwan mo nga ako. Hindi pa nga kasi nag-iipon ako para sa buwanang padala ko kina Angela. Kaya halika na, tayo ka na jan nang makauwi tayo nang mas maaga." Patuloy sa paghila si Angelo kay Gio.
Walang nagawa si Gio kung hindi ang magpaubaya na lang kay Angelo. Nagjeep sila papunta sa pinakamalaking mall sa Manila. Nagkuwentuhan sila tungkol sa pagkakadelay ng flight nila ni Gio pabalik sa Maynila. Nang makaabot na sila sa mall, bumili ng dalawang cellphone units si Angelo.
"Ako na magbabayad niyan tol." Alok ni Gio sabay hawak sa kamay ni Angelo.
"Di, okay lang Gio. Heto naman, ginawa mo pa akong pulubi." Tinapik ni Angelo si Gio sa balikat.
"Hindi na nga lang nga. Maraming taon din akong nawala di ba? Namiss ko ang mga labi mo Angelo... alam mo ba iyon?" Sambit ni Gio sabay haplos sa mga labi ni Angelo. Napangisi na lang si Angelo.
"OA mo tol, drama mo! Para kang Judy Ann Santos, leche ka. Wag na, ako na. At huwag mong mahawak-hawak ang mga labi mo baka magalit ang girlfriend mo sa akin at pag-initan ako noon." Hinawi ni Angelo ang kamay ni Gio habang tumatawa sabay labas ng kanyang pitaka.
"Di ako na, okay lang talaga." Pinigilan ni Gio si Angelo na buksan ang kanyang wallet sabay akbay at halik sa ulo nito. Nagpaubaya na lang si Angelo. Nasanay na siya sa pang-swee-sweetums ni Gio.
"Magagalit ako sa'yo Gio." Matigas na sabi ni Angelo habang tinitingnan si Gio ng masama.
"Okay sige. Sorry na. Halikan mo na lang ako sa pisngi." Masayang sambit ni Gio sabay pindot-pindot sa kanyang pisngi.
"Narinig mo ba Gio? Marunong na humalik ang mga kamao ko?" Naiinis na tugon ni Angelo kay Gio.
"Ay naku, nakakatakot talaga!!" Pabirong tukso ni Gio kay Angelo habang umaarteng natatakot.
Nang mabayaran na, dumiretso sila sa LBC. Bumili na rin sila ng sim card at ipadadala nila ito kina Aling Martil upang may contact naman sila. Kahit hindi kabisado ni Aling Martil ang pag-assemble, tiwalang-tiwala naman si Angelo kay Angela kasi matalinong bata si Angela, madaling nakakaintindi ng mga panuto. Ang unit na binili ni Angelo ay isang motorola na may keypads. Gusto niyang bumili ng touchscreen, hindi naman siya nagkukulang kaso mahirap gamitin.
Pagkatapos nilang bumili ng cellphone ay naglakad na sila palabas ng mall nang hinila ni Gio si Angelo papasok sa isang restaurant.
"Uy, ugok! Anong gagawin natin dito?" Tanong ni Angelo habang nagmamatigas.
"Magpapagupit Angelo." Pabalang na sagot ni Gio.
"Wag na! Mas masarap sa turo-turo." Winaksi ni Angelo ang kamay ni Gio.
"Ano ka ba! Madumi kaya doon!" Hinila ni Gio si Angelo at hinawakan ang kamay nito. Pinulupot niya ang kanyang mga daliri sa mga daliri ni Angelo.
"Arte arte mo naman. Nakapag-gig ka lang sa iba't-ibang sosyal na lugar, gumaganyan ka na?" Pambara ni Angelo kay Gio na walang humpay sa paghila sa kanya.
"Ano ka ba? Celebrate lang tayo. Miss lang kita." Tumigil sa paghila si Gio, yumuko habang magkahawak pa rin ang kanilang mga kamay. Nagpaubaya naman si Angelo at naantig ang kanyang puso sa malungkot na mukha ni Gio.
"Bakit kasi? Anong meron?" Mahina ngunit mataray na tanong ni Angelo.
"Wag ka na ngang maarte diyan tol. Kain na tayo kasi may sasabihin ako." Diniin niya pa ang pagkakahawak ng kamay ni Angelo sabay akbay nito. Sa lagay na iyon ay mukhang magsyota sila kung tingnan. Nang makaupo na, tinawag nila ang waiter at umorder ng pagkain. Matapos nilang umorder ay umalis na ang waiter.
"Anong meron Gio?" Pambukas ni Angelo sa topic.
"May good news kasi ako!" Masayang tugon ni Gio sabay gulo sa buhok ni Angelo. Napasimangot naman si Angelo sa ginawa ni Gio sa kanyang buhok.
"Sirit na."
"Anong gusto mong isirit ko sa'yo?" Mariin na tinitignan ni Gio si Angelo sabay baba-taas ng kanyang mga kilay habang nakangising aso.
"Manyak ka talaga Gio kahit kailan." Umirap na lang si Angelo.
"Biro lang. Bilis mo nang mainis ngayon ha. Bakit nag-sex na ba kayo ni Dimitri at hindi ka nireregla ngayon? Dapat ako ang una sa'yo ha!" Pagbibiro ni Gio. Natigilan si Angelo sa sinabi ni Gio. Pinipilit niya kasing huwag isipin si Dimitri, at heto ngayon, bestfriend pa niya talaga ang nagpapaalala sa kanya. Nagbago ang expression ng mukha nito, mas lalo pa itong nagalit.
"Pati ba naman ikaw." Seryosong tono ni Angelo. Tumayo siya at nagsimulang lumakad palabas.
"TEKA ANGELO! JOKE LANG! ITO NAMAN HINDI NA MABIRO!! BALIK KA DITO UY!" Sigaw ni Gio. Dahil masyadong mababa ang boses ni Gio, at malakas ang dating lalo na kung sisigaw siya, pinagtitinginan na sila ng mga tao sa restaurant. At dahil nararamdaman na ni Angelo na tinitignan sila ng mga tao, wala siyang nagawa kung hindi ang bumalik sa mesa nila ni Gio. Ayaw niya naman kasing mapahiya si Gio, lalo na't ngayon lang sila muli nagkita.
"Huwag ka kasing magbiro tungkol kay Dimitri o bromance bromance na iyan. Nakakainis kayong lahat eh. Ginagawa niyo akong bakla." Pagmamaktol ni Angelo habang naupo na siya sa harap na sofa ni Gio sabay pigil sa kanyang mga luha.
"Sorry na po. O sige, heto na ang good news ko. Una, kinuha ang aming banda na tumugtog sa isang hotel na malapit lang sa SEAU? Yung 7-stars hotel daw? Gabi kami tutugtog. Big time ano?"
"Oo. Magaling. Masaya ako para sa'yo." Sarkastikong bati ni Angelo.
"Alam kong masaya ka para sa akin kahit masungit kang tao. Pangalawa, Na-decrease sa 8 sems ang aking curriculum."
"Mech Eng? Bakit? Di ba five years yun? 10 sems?"
"Oo, pinakiusapan ko kasi ang registrar, dean, at ang president na ipa-shrink ang subjects ko. So ayun, yung kinuha ko noong first sem ay puro major subjects. Tapos iyong dalawang sem na puro minor subjects, dinistribute nila sa 8 sems. Overload ako every sem. Astig noh?"
"So ang standing mo ngayon, second year?"
"Oo. Ibig sabihin, sabay tayong gagraduate! Nangako tayo di ba na dapat sabay tayong gagraduate sa elementary, high school, college, o kahit masteral's o doctorate pa iyan?"
Ngumiti si Angelo dahil naalala pa pala ng bestfriend niya ang pangako nilang iyon. Tsaka masaya rin siya na sabay silang gagraduate ng bestfriend niya. Ang simangot niya ay dahan-dahang napalitan ng ngiting tipid ngumit sinsero ang saya.
"O see? Ngumingiti ka na kasi! Hahahaha." Tukso ni Gio.
Hindi nagsalita ang dalawa, parang nagkakailangan. Walang ni isa sa kanila ay nagsalita at nag-open ng bagong topic.
"Bakit nga ba ngayon ka lang nakarating?" Tanong ni Angelo.
"Kasi nastranded kasi kami. Sayang sana tayo yung nanalo sa NMC. First time natin iyon di ba na hindi tayo ang magkasama?"
"Oo. Arte mo kasi, may pa stranded stranded ka pa. Bakit naman kayo nastranded?"
"Eh kasi madaling araw ang flight namin. Kaso, the night before yung flight namin, nag-inuman kami. Tapos, iyung dalawang kasama namin, hindi nakagising nang maaga dahil lasing na lasing. Alangan namang iwan namin sila doon sa Mindanao. Hinintay na lang namin. Binulyawan ko nga sila kung bakit sila di gumising nang maaga. Di tuloy natin kasamang naipanalo ang NMC. Tinawagan ko si dean para sabihing hindi ako makakarating kasi nga na stranded kami. Kaya sinabi ko na rin na kung sino man ang sumunod sa akin, siya na lang ang papalit sa akin na partner mo. Which happens to be Dimitri. Small world noh?"
"Oo. Nagulat nga ako na siya ang kasama ko. Pero magaling naman talaga rin siya. Siya ang sumagot sa finals na nagpapanalo sa amin."
"Talaga? Sinong mas magaling sa amin? Wag kang magkakamaling sabihing siya dahil hihiwalayan kita at mamimiss mo ang gwapong bestfriend mo." Umaarteng nagagalit si Gio na labis na ikinatawa ni Angelo.
"Di, seryoso. Hanep niyo naman. From Institute of Liberal Arts pa talaga ang nanalo, Mass Comm tsaka Fine Arts. Di man lang Math major or Commerce major or Engineering major." Sabay haplos sa mukha ni Angelo.
"Wala tayong magagawa kung sadyang magagaling ang mga tiga-Liberal Arts kesa sa mga nagmemajor na kumakain ng math diyan."
"Oops, hindi ako tinamaan. Kasi supposed to be, Mech Eng ang partner mo di ba? Siguro ako nagpapanalo dun. Siguro magiging proud ang magiging anak natin in the future kung sinabi kong tayong dalawa ang nakapanalo dun." Hambog na sambit ni Gio sabay tingin sa langit at may pakagat-kagat pa ng labi na ikinatuwa naman ni Angelo.
"Sus, hangin mo pare. Nastranded din ba ang hanging habagat diyan sa utak mo? Para ka lang si Dimi-" Natigilan siya kasi supposed to be pinipigilan niyang mabigkas ang pangalan ni Dimitri pero heto siya ngayon, binibigkas na niya, pinag-uusapan pa nila. Nagbalik tuloy sa kanyang isip ang eksenang may kaharutan si Dimitri sa coffee shop. Nasasaktan siyang sa tuwing naiisip ang imahen na iyon.
"Uy, sakit nun ha. Si Dimitri pa talaga ang naaalala mo samantalang andito naman ako all this time." Nakayuko si Gio sabay simangot.
"Biro lang Gio. Pambawi ko sa'yo sa mga bromance bromance mo na yan." Pinilit ni Angelo na tumawa habang pinipigil niya ang kanyang mga luha na mula sa kanyang pagseselos. Natahimik si Gio. Hindi na rin nagsalita pa si Angelo pagkatapos niyang maopen ang topic muli tungkol sa bromance.
"Angelo..."
"Hmm?"
"Seryosong tanong ha, wag ka sanang magalit."
"Fire." Kinakabahan si Angelo habang tinignan mata sa mata itong si Gio.
"Gusto mo ba si Dimitri?" Seryosong tanong ni Gio habang sinusuklian ang matalas na titig ni Angelo.
Natigilan silang dalawa. Napairap si Angelo sa tanong. Hindi dahil sa hindi niya gusto si Dimitri, kung hindi dahil hindi pa siya handang sagutin ang tanong na iyon. Alam niyang may nararamdaman na siya para kay Dimitri, pero kahit sabihin pa niyang mahal niya si Dimitri ay hindi pa talaga siya sigurado kung ready na ba siya. Baka naglevel up lang ang pagkakagusto niya kay Dimitri kasi, naghahanap siya ng father figure. Sa tanang buhay ni Angelo hindi kasi siya nagkaroon ng ama at kahit tao na tinitingalang ama. Si Aling Martil na ang nagsilbing ama at ina niya. Dahil sa tanong ni Gio, nanlamig si Angelo. Ayaw niyang sagutin ang tanong. Hindi niya gusto ang tanong, at gusto niya itong ilagan. Ayaw niya. Ayaw niya. Heto na tayo Angelo... Anong sagot mo? Sa isip niya.
Mahigit limang minuto na ang nakaraan ngunit hindi pa rin sila nag-iimikan ni Gio. Hindi pa rin niya sinagot ang tanong ni Gio tungkol sa kanila ni Dimitri. Sa loob ng limang minutong iyon ay tinitigan din pala siya ni Gio sa mata. Ngunit pailag-ilag si Angelo at yumuko na lang siya.
"Gio, pwede ba sa atin lang ito?"
Napabuntong-hininga si Gio. Isang malalim na hinga na aakalain mong galing pa sa pwet.
"Gusto ko si Dimitri bilang kaibigan. Alam mo, sa panahong nawala ka dahil busy ka sa pagbabanda, andoon siya. Noong sembreak na gusto kong makipag-bonding sa'yo ngunit busy ka sa pagbabanda, andoon siya. Noong first sem na bugbog ako sa mga problema, wala ka dahil sa pagbabanda. Andoon siya, hindi bilang isang kaibigan kung hindi isang taong nangangailangan ng kaibigan. Hindi ko siya ikukumpara sa iyo, dahil iba ka talaga. Ikaw ang best friend ko tol. Pero hindi ko rin maiiwasang may puwang na rin siya sa puso ko, sa panahon na kailangan ko ng taong mapagkakatiwalaan, andiyan siya. Siyempre sa inyong dalawa, pipiliin kita. Ngunit may halaga na rin siya sa akin."
Natahimik si Gio. Yumuko siya.
"Pero hindi ko naman pinagsisisihan na hindi kita ginulo sa pagbabanda mo Gio eh. Nakikita kong masaya ka sa ginagawa mo. Noon, gusgusin ka kung manamit, ngayon, para ka nang modelo. Ang buhok mong mahaba na parang babae, nawala na, isang magandang hairstyle na ang meron ka. Mamahalin. Halata naman na nag-eenjoy ka, at hindi ko ipagpapalit ang kasiyahan mo para hilahin kita para lang meron akong kaibigan. Siyempre, kaibigan mo rin ako. Kung saan ka masaya, masaya rin ako para sa'yo. Ganyan naman dapat palagi ang bestfriend di ba? Ang magkasuportahan?"
"Salamat Angelo ha. Hindi ko alam kung gaano katagal na pala akong nawala sa'yo." Maluha-luha na si Gio sabay hawak sa kamay ni Angelo.
"Mahaba Gio, mahaba. Pero walang magbabago, bestfriend mo pa rin ako." Ngumiti si Angelo. Pinipilit niyang labanan ang luha na namumuo dahil sa kalungkutan... dahil sa selos sa babaeng kasama ni Dimitri.
"Salamat talaga Angelo. Ang swerte ko sa'yo." Ngumiti si Gio at hinalikan niya sa noo si Angelo.
"Pero hindi mo pa rin nasagot ang tanong ko. Gusto mo ba si Dimitri bilang... syota?" Pagbalik ni Gio.
Natigilan si Angelo.
"Hindi. Pero aaminin ko nag-eenjoy ako sa kanya. Masaya pala siyang kasama. Pero hindi ko siya magugustuhan. Hindi ako bakla. Gusto mo maging bakla ako Gio?" Nanghahamon na tanong ni Angelo kay Gio. Natigilan si Gio.
"W-Wala namang masama sa pagiging bakla ha?" Sigaw ni Gio. Nagulat naman si Angelo kung bakit tunog defensive si Gio.
"I mean. Siyempre, hindi Angelo! Gusto ko lalaki ka pa rin! Iba pa rin ang straight ano!" Nauutal na pagdadahilan ni Gio kay Angelo. Nagpintig ang tenga ni Angelo sa narinig. Paano kung malalaman ni Gio ang totoong nararamdaman ni Angelo kay Dimitri? Na... nababakla na siya? Natahimik ang dalawa at hindi sumagot si Angelo.
"Wala naman siguro Angelo, di ba? Meron ba?" Seryosong pag-confirm ni Gio.
"Sa tingin mo Gio?" Diretsahang sagot ni Angelo.
"Wala, sa tingin ko sa bromance bromance niyo ay hanggang trip lang. Kung magiging bakla ka Angelo, magagalit ako sa'yo. Itatakwil talaga kita." Pambabanta ni Gio na labis namang ikinabilis ng pagtibok ng pusok ni Angelo. Kinakabahan siya. Shit! Paano kung itatakwil ako ni Gio? Paano kung... Pag-aalangan ni Angelo sa isip niya. Hindi na ito sinagot ni Angelo at umilag na lang siya sa paksa nila.
Hindi na nagsalita ang dalawa. Dumating na ang pagkain nilang inorder. Kumain na sila at nagkuwentuhan tungkol sa mga experience nila. Si Gio kinuwento ang kanyng karanasan sa paglalakbay sa iba't ibang lugar upang tumugtog. Kinuwento din nya ang relasyon nila ni Amy, ang mga pagtatalik nila, ang mga kulitan at alitan, etc. Kinuwento din niya kung paano niya nagustuhan ang bagong buhay niya, kung paano siya magaling nakakakuha ng mga chicks at kung anu-ano pa.
Si Angelo naman, kinuwento ang NMC, ang mga hinanakit niya noong first sem, ang mga pagdaramdam niya na wala si Gio, si Angela at si Aling Martil, si Antie Criselda at Uncle Vergel (mga magulang ni Gio), at ang kanilang bayan.
"At alam mo kung anong sinabi ni Angela? Sabi niya: Kuya feeling ko crush ako ni John. HAHAHAH!"
"Grabe si Angela, nakakaramdam kaagad! Magandang bata naman iyon paglaki eh. Halata."
Tawanan.
"Kamusta naman ang sembreak mo Angelo?" Excited na tanong ni Gio.
"Okay lang Gio. Madalas si Dimitri makitulog sa amin. Nakakatawa nga eh, lakas humilik ng gago! Hahahahahaha!" Tawa-tawa si Angelo.
"Ah. Ganun ba." Umiba ang tono at expression ni Gio. Napasimangot ito at piniling bumalik sa pagkain.
"Oo, tapos pinakain namin siya ni inay ng laing. Sabi ko kay nanay na damihan ang sili para mas masarap. E damulag itong si Dimitri eh, nakakatuwa. Isang kutsarang puno ng laing ang sinubo niya. Ayun, lumaki ang butas ng ilong sa sobrang anghang! Hahahahahahaha" Tawa tawa pa rin si Angelo.
"Hehe. Kakatuwa naman." Mapaklang compliment ni Gio.
"Tsaka may minsan, naligo kami sa baywalk? Doon malapit sa daungan ng barko? Yung bahaging malinis? Muntik na siyang malunod. Ako pa talaga ang nagsalba sa kanya! HAHAHAHAHAHA!"
Hindi nagsalita si Gio at patuloy lamang sa pagkain. Tumango na lang siya at paminsan-minsang tumatawa ng papeke. Tinignan niya ang mukha ni Angelo at halata rito ang saya at tuwa. Napansin naman ni Angelo ang pagkawala ng gana ni Gio. Nasarapan siguro si Gio sa pagkain kaya hindi na siya masyadong nagsalita. Sa isip ni Angelo.
Patuloy sa pagkwento si Angelo tungkol kay Dimitri hanggang sa matapos na silang kumain. Hanggang sa patungong dorm, inaanyayahan ni Angelo na magkuwento naman si Gio. Ngunit hindi na nagkwento si Gio. Napansin naman ni Angelo ang pagbabago ng expression ni Gio ngunit pinili niya na lang na wag kulitin si Gio tungkol dito.
"Pasensya ka na talaga tol. Masama ang pakiramdam ko kaya hindi ako masyadong nakakapagkuwentuhan." Pagdadahilan ni Gio.
"Sige. Magpahinga ka na lang tol ha? Una na ako sa room. Baka andun na si Dimitri. Pakakainin ko pa iyon. Salamat pala Gio! Ingat!" Nag-high five sila at nagyakapan. Umakyat na si Angelo sa stairs at tinungo ang room 619.
Binuksan niya ang pintuan at nakita niya si Dimitri na nakahiga sa kama at naghihintay lang sa kanya. Tinignan niya ang mukha ni Dimitri, bumalik na naman ang selos na naramdaman niya kanina sa coffee shop. Nawala na sana nang binuksan niya ang topic tungkol sa kanila ni Dimitri kay Gio, ngayon bumalik na naman ang galit at selos sa kanyang puso.
Si Dimitri naman, halatang galit. Nakasimangot ang nguso at nagsasabong ang mga kilay. Parang hagdan-hagdang palayan ang kunot sa noo ni Dimitri at umirap irap ito nang dumating si Angelo.
"Dimitri, kanina ka pa ba? Kumain ka na b-" Seryosong tanong ni Angelo.
"Saan ka galing?" Ang mataray na tanong ni Dimitri.
"Kumain lang ako." Matigas na pagsalita ni Angelo.
"Talaga? Masarap bang kasama si Laurel habang ginugutom mo ang alaga mo dito sa dorm? Masarap ba siyang kasamang kumain? Ha?!" Tumayo si Dimitri at lumapit kay Angelo. Nandilim ang paningin ni Angelo sa narinig.
"Teka, ikaw nga diyan ang wala! Hinahanap kita tapos nakikipaglandian ka doon sa coffee shop! Tapos problema ko pa na hindi kita inaanyayahan?" Pagdadahilan ni Angelo habang tumaas ang kanyang boses.
"Nakita mo naman pala ako, bakit di mo na lang ako nilapitan at binigyan ng budget pangkain?"
"H-Ha? H-Hindi kita nakita ano! Nabalitaan ko lang." Pagsisinungaling ni Angelo kay Dimitri. Hindi naman nasiyahan si Dimitri at mas lalong napasimangot pa ito.
"Inabandona mo na nga ako, nakikipagtsimisan ka rin pala? Sinong nakichismis sa'yo? Iyong babae mong si Laurel? Saan niyo ako pinag-usapan? Sa kama? Nagdinner in bed ba kayong dalawa? Masarap ba siyang sumubo? Baka di naman dinner ang sinusubo niya kanina? Mahiya naman kayong dalawa! Iniiwan mo na naman ako!" Sumigaw si Dimitri habang tinulak si Angelo patungo sa pintuan. Nilapit niya ang kanyang mukha at dinabog ang pintuan. Magkalapit ang kanilang mga labi at ramdam na ramdam nila ang mabibigat na paghinga ng isa't-isa. Naluluha na si Dimitri habang tinitignan si Angelo, at si Angelo naman ay natakot at kinakabahan.
"Bakit ba Dimitri? Kailangan ba palagi nandiyan ka sa tabi ko kahit magjajakol ako?" Mahinang tanong ni Angelo kay Dimitri. Pumatak na ang mga luha ni Dimitri at humagulgol na ito.
"Bakit anong masama doon kung kahit nagjajakol ka andiyan ako? May masama ba? Gusto mo nga ako pa magjakol sa'yo?! Sabi ko naman sa'yo di ba huwag mo akong iwan?!" Sumigaw si Dimitri at niyakap niya si Angelo. Nasubsob si Angelo sa dibdib ni Dimitri at maya maya pa'y umiyak na ang dalawa.
"Bakit kailangan bang nakadikit ka palagi sa akin Dimitri? Tapos... sinasaktan mo ako?" Tanong ni Angelo kay Dimitri habang magkayakap pa rin silang dalawa.
"Kasi nga nasa sa'yo ang budget ko? Baka ipangmotel mo pa iyan kay Laurel!" Kumalas sa yakapan si Dimitri at naupo sa kanyang kama habang sinusubsob ang sariling mukha sa kanyang mga palad.
"Tapos ano namang mali dun? Bakit? Sa tingin mo ba wala akong allowance pang motel? Di ko kailangan ang pera mo Dimitri." Matigas ngunit malungkot na sagot ni Angelo.
"Samahan mo na lang ako kasi!" Nahiga si Dimitri sa kanyang kama at tinabunan ang sarili ng kumot. Natatawa naman si Angelo sa sinabi ni Dimitri. Magpapasama lang pala? Hay naku... Ang gwapo talaga ng batang ito. Kung hindi lang kita mahal! Sa isip niya. Mistulang nawala lahat ng selos at galit na naramdaman niya kanina.
"Ayan lang pala ang ikinagalit mo? Tara na nga Dimitri para kang dalaga diyan." Lumapit si Angelo habang pinupunasan ang mga luhang natuyo. Hinila niya si Dimitri upang bumangon ngunit mabigat si Dimitri.
"Ayoko, galit ako sa'yo. Mas pinipili mo pa iyang Laurel mo kaysa sa akin!" Tumalikod si Dimitri mula kay Angelo.
"Andiyan na naman tayo Dimitri eh! Si Gio lang nga kasama ko kanina! At saka parang mas gusto mong kasama iyong babae sa coffee shop eh! Di mo na ako kailangan. Ang saya mo nga kanina."
"Iyon pa rin iyon! Hinahanap kita pag lunch, nalaman ko na lang ngayong hapon na si Laurel kasama mo!" Pasigaw na nagmamaktol si Dimitri.
"Ikaw nga diyan libog na libog ka sa coffee shop! Nakakainis!" Napasinghag si Angelo dahil sa selos at nahiga na rin sa kanyang sariling kama. Tumalikod na rin siya mula kay Dimitri.
"Bakit ka naiinis Angelo? Nagseselos ka ba?" Bumangon si Dimitri at napaupo sa kama ni Angelo.
"Bakit ka rin naiinis kay Laurel? Nagseselos ka rin ba Dimitri?" Hinarap ni Angelo si Dimitri.
"Hindi mo sinasagot ang tanong ko, Angelo. Mahal mo na ba ako?" Nakangiting aso si Dimitri at mapanuksong tinignan si Angelo.
"Eto hapunan mo oh. Bumili ka na lang ng kahit ano. Eto dinner mo sabi ng tatay mo 400 daw bigay ko sa'yo. Ibalik mo iyang sukli!" Masungit na tinapon ni Angelo ang 500 peso sa kandungan ni Dimitri at bumalik sa pagkakahiga nang nakatalikod mula kay Dimitri.
"Sagutin mo nga ako Angelo. Nagseselos ka ano?" Inuuyog ni Dimitri si Angelo.
"Matutulog na ako Dimitri, huwag mo akong guluhin." Patuloy na humiga na si Angelo sa kanyang kama habang tinataboy si Dimitri.
Napangiti naman si Dimitri. Hindi na inistorbo pa ni Dimitri si Angelo. Lumabas na lang si Dimitri at nakatulog na nang mahimbing si Angelo.
-----------------------
Kinabukasan, nagising si Angelo na wala si Dimitri sa kanyang kama. Hindi na ito pinansin ni Angelo at patuloy pa rin siya sa kanyang routine. Gumising siya, naligo, nagbihis. Kumain, at nag-iwan ng pera para sa lunch at dinner ni Dimitri. Nag-ayos ng mga gamit, niligpit ang pinaghigaan, at pumasok na. Dahil sa araw na iyon, major subject nila ang unang subject, si Laurel na naman ang kasama niya. Si Laurel naman talaga ang kasa-kasama niya sa kanilang block. Marami namang kaibigan si Angelo sa kanilang mga kaklase, ngunit iba talaga ang pagiging close nila ni Laurel.
Napansin ni Laurel ang pagiging down ni Angelo at pagiging matamlay nito.
"Angelo, okay ka lang ba?" Tumabi si Laurel kay Angelo habang hinahaplos ang likod nito.
"Oo, ayos lang. Medyo masama lang ang pakiramdam." Nagdahilan si Angelo habang umiwas tingnan si Laurel. Iniisip niya kasi ang tanong ni Dimitri kahapon.
Mahal mo na ba ako?
Mahal mo na ba ako?
Mahal mo na ba ako?
Paulit-ulit itong ume-echo sa kanyang tenga.
"Bakit may problema ka na naman?" Pag-aalala ni Laurel habag nilalaro ang mga daliri sa ulo ni Angelo.
"Wala naman." Matabang na sagot ni Angelo.
"O sabay naman tayo ulit sa turo-turo ha?" Ngumiti si Laurel sa kanya.
"O sige ba." Tumango na lang si Angelo at ngumiti. Natapos ang klase nila. Lumabas na sila ng classroom at magkakasalubong sila ni Gio. Nang magkalapit na sila ay kumaway si Angelo kay Gio. Pero parang hindi napansin ni Gio si Angelo dahil busy siya sa pakikipag-usap. Nang magkakasalubong na talaga sila, binati ni Angelo si Gio.
"Uy, tol!" Bungad ni Angelo.
Pero parang hangin lang si Angelo kay Gio. Hindi pa rin napansin ni Gio si Angelo, kasi naka-earphones pala ito habang nakikipag-usap. E dahil mas matangkad naman si Gio kay Angelo, at matatangkad ang mga kaibigan ni Gio, hindi na naisipan pang yukuin si Angelo dahil hindi rin niya naman napansin ito.
"Anong problema noon?" Tanong ni Laurel
"Ah, baka nabusy lang sa pakikipag-usap. Alam mo naman si Gio, madaldal."
"Parang iniiwasan ka nun eh. Balita ko nagrerecover daw sila ulit mula sa pagkakalugmok. Bumaba kasi ang demand nila."
"Okay lang iyon. May downs naman talaga lahat ng tao sa buhay eh."
"Sabi mo eh. Uy, kamusta na kayo ni Papa Dimitri?" Mabilis na tanong ni Laurel habang kinikilig. Natigilan naman si Angelo sa tanong ni Laurel at hindi niya alam kung anong sasabihin.
"Ah.. eh. Y-Yun na nga eh. Paggising ko kanina wala siya sa kama niya."
"Teka, in love ka na ba sa kanya Angelo?" Mabilis na sumabat si Laurel at seryoso ang mukha kay Angelo. Nakakatusok ng kaluluwa ang mga mata ni Laurel na parang tinutuhog si Angelo. Hindi sumagot si Angelo, tinignan lamang si Laurel. Hindi niya talaga alam kung ano ang isasagot basta't mga tanong na patunkol kay Dimitri. Mariin pa rin ang pagtitig ni Laurel sa kanya habang hindi sumasagot si Angelo at ginantihan lamang ng titig si Laurel. Patagal ng patagal silang nagtitigan, unti-unti namang gumuguhit ang isang malawak na ngiti sa mga labi ni Laurel.
"OH MY GOD!" Sigaw ni Laurel na kinikilig.
"Sssshhhhh!" Pagpapaamo ni Angelo kay Laurel.
"Alam mo Angelo, crush ko kayong dalawa, ngunit gusto ko talaga kayong magkatuluyan. Hahahahahaha!" Tawa tawa si Laurel habang hinahamapas-hampas si Angelo. Nahihiya naman si Angelo dahil masyadong malakas ang boses ni Laurel at tinutuunan na sila ng pansin ng mga taong nakakasabay nila sa paglalakad dahil sa ubod ng lakas ng boses ni Laurel. Nang makadaan sila sa football field, hinila ni Angelo si Laurel at naupo sa grass sa football field nila.
"Kailan pa Angelo?" Pagmamadaling tanong ni Laurel habang nakaplastar pa rin ang ngiti sa kanyang mga labi.
"Bungangera ka rin pala Laurel. Hindi ko alam. Naninibago nga lang ako eh. Kasi, hindi naman normal ito sa paningin ng ating society di ba?"
"Bakit mo naman kailangan mag conform sa kanila? Wala ka na bang karapatan na gawin kung ano ang gusto ng nararamdaman mo?"
"Yun na nga Laurel, hindi ako sigurado kung mahal ko na ba si Dimitri. Ang alam ko, may nararamdaman ako para sa kanya. Isang paghanga. Ewan. Siguro dahil wala akong kapatid na lalaki at wala akong ama. Hay nako. Diyos ko po tulungan mo ako."
"Alam mo Angelo, wala namang problema diyan eh. Idol pa rin kita. Isa pa alam ko naman na hindi ka bakla, pero may nararamdaman ka para kay Dimitri. Alam ko iyan. Kasi pag sineseryoso ng isang tao ang nararamdaman, nangangahulugan itong tinotoo mo na at naaapektuhan ka. Nakakainis naman iyang si Papa Dimitri eh! Bakit siya pa ang karibal ko sa'yo! Ang gwapo gwapo naman nun, wala akong panalo dun sa'yo!"
"Puro ka biro Laurel eh. Seryoso, hindi ka nandidiri sa akin?"
"Hindi! Bakit naman? Wala ka namang ginagawang malaswa eh. Kung totoo man iyang nararamdaman mo, sigurado akong pagmamahal lang iyan at hindi kalibugan. Kaya nga crush kita kasi okay kang kasama." Nangingisay na sa kilig si Laurel habang inuuyog-uyog si Angelo.
"Crush mo ako?" Seryosong pag-ulit ni Angelo.
"Oo, bakit crush mo rin ako? Please naman oh? Magiging lalaki ka sa akin." Pagbibiro ni Laurel sabay taas baba sa hita ni Angelo.
"Noon... crush kita."
"Kainis na! Sabi na nga ba ang lakas ng Dimitri na iyan. Sige lang, hayaan mo. Pag naging sikat ako, mahuhulog ka sa akin. Akin ka lang Angelo!" Malanding tugon ni Laurel.
Tawanan.
"Kailan pa ba iyan Angelo?"
"Ang alin? Ang nararamdaman ko kay Dimitri?"
"Hindi, ang pustiso ng lola mo kailan mo isusuot. Ano ka ba, siyempre oo!" Pabalang na sagot ni Laurel habang binatukan si Angelo.
"Di ko alam. Kusa lang lumabas." Mahinang sagot ni Angelo habang patingin-tingin sa paligid.
"Tapos anong sabi ng daddy niya?"
"Naku, Laurel! Isa pa iyang daddy niya, ang lakas bumanat niyan. Palagi niya akong pinagtutulakan kay Dimitri. Kesyo bagay raw kami, kesyo okay lang daw na bakla ang anak niya basta ako raw. Loko loko talaga." Umirap si Angelo at napasinghag.
"Edi perfect family na pala kayo! Naku pasalamat ka sa akin Angelo magaling akong kaibigan hindi ako magtatalak." Tumawa si Laurel.
"Huwag ka na nga Laurel. Magaan naman talaga ang loob ko sa'yo eh." Ngumiti si Angelo kay Laurel.
"Sayang nga lang may Dimitri ka na... Ako na lang sana Angelo please." Sabay iling ni Laurel habang sumimangot.
Tawanan na naman (Puro na lang tawa, parang mga tanga putcha)
Nasa ganoon silang pag-uusap nang makita ni Angelo si Dimitri na kasama ang babae na nakita niya sa coffee shop. Maganda ang babae, miyembro ng sikat na sorority ng mga magaganda at sikat sa paaralan, iyong kina Corina. Napako ang tingin ni Angelo sa kanilang dalawa na masayang magkasama at sweet na sweet sa isa't isa. Nakaakbay pa si Dimitri sa babae habang nagbubulungan sila at ang lapit-lapit pa ng kanilang mga mukha. Nararamdaman na naman ni Angelo ang sakit, parang tinatadtad ng saksak ang puso niya sa kanyang nasaksihan.
"OH MY GOD PAPA ANGELO! IS THAT YOUR BOYFRIEND? SINONG MANANANGGAL NAMAN IYAN?" Padabog na pagsasalita ni Laurel.
"Ikaw talaga Laurel! Upo ka nga diyan! Bombastic ka neng eh!"
"BOMBASTIC NA KUNG BOMBASTIC! AYAW KO NA MASASAKTAN KA. UUPAKAN KO IYANG BOYFRIEND MO EH! NANGANGALIWA!" Sumigaw si Laurel na ikinalingon naman ng mga tao pati sila Dimitri at ang babaeng kasama niya.
"U-upo ka Laurel please. Papalapit na sila oh!" Hinila ni Angelo si Laurel paupo ngunit matigas pa rin si Laurel at akmang galit na galit sa dalawa. Nakita ni Angelo na palapit silang Dimitri at ang babaeng kanyang kasama. Nagseselos siya. Ayaw niyang makita ni Dimitri na nagseselos siya.
Ang ginawa ni Angelo ay hinila niya si Laurel at naglakad sila papasalubong kina Dimitri. Hinawakan niya sa kamay si Laurel na para bang magkasintahan sila.
"UY PAPA ANGELO ANONG GINAGAWA MO! BITIWAN MO AK-" Hindi nakapagsalita si Laurel nang inakbayan na siya ni Angelo.
"Uy, Dimitri, andiyan ka pala." Bati ni Angelo kay Dimitri nang magkaharap na sila. Tinignan ni Dimitri si Angelo na nakipagholding hands kay Laurel, head to toe. Mula sa ngiti ni Dimitri ay nabaligtad ito sa simangot. Samantalang si Angelo ay ngiti-ngiting gago naman ang pinakita kay Dimitri habang bumati.
"Saan kayo? Kakain kami ni hun ko eh." Nagsalita ang babaeng kasama ni Dimitri.
Nagpintig ang tenga ni Angelo sa narinig. "Hun" pala huh? Hahahaha, subukan mo ako Dimitri.
"Ganon ba? Perfect! Kakain din kami ni babe sa isang restaurant sa SM. Gusto niyo bang sumabay?" Ngiti ngiti pa rin si Angelo. Humigpit din ang hawak ni Laurel na nagpapahiwatig na "Patay ka sa akin mamaya Angelo, marami kang dapat ipaliwanag sa maganda mong kaibigan."
"Ano hun? Payag ka ba na isama natin ang bromance mo?" Tanong ng babaeng malandi kay Dimitri sabay laro sa kanyang hintuturo sa dibdib ni Dimitri. Kitang-kita ni Angelo at Laurel ang kalandian ng babaeng tagasorority at nanlaki ang mga mata nilang dalawa. Naku naman! Kung di ka lang babae ay susuntukin kitang makating puta ka!
Pinisil ni Angelo ang kamay ni Laurel. Gusto niya na landiin din siya ni Laurel. Naunawaan naman kaagad ito ni Laurel.
"Alam niyo, pumunta na tayo please. Sure ako gutom na si babe ko." Sabay halik ni Laurel sa pisngi ni Angelo.
Nanlaki ang mga mata ni Dimitri sa kanyang nakita. Hindi niya maipaliwanag ang selos na nararamdaman niya nang maglapat ang labi ni Laurel sa pisngi ni Angelo. Nararamdaman na rin ni Angelo na napapansin siya ni Dimitri. Tumango lang si Dimitri at sumunod na sa paglalakad sila Laurel at Angelo kina Dimitri. Sumakay sila sa sasakyan ni Dimitri. Nasa front seat sina Dimitri at ang babaeng taga sorority, nasa backseat naman sina Laurel at Angelo.
Pati sa loob ng sasakyan ay magkahawak kamay pa rin sina Angelo at Laurel. May pakindat-kindat pang nalalaman itong si Laurel. Habang nag-uusap naman sila ay napapakagat-labi itong si Angelo at napadila sa kanyang mga labi. Pinapakita niya kay Dimitri ang kalandian na kayang gawin ni Angelo at Laurel.
Napansin ni Dimitri mula sa salamin ang paghaharutan nina Angelo at Laurel. Habang nagdadrive naman si Dimitri, ipinatong niya ang kanyang kamay sa hita ng babaeng taga sorority. Ang babae naman ay napahawak sa hita ni Dimitri at sumandal sa kanyang balikat.
Panakaw ng tingin si Angelo kina Dimitri at sa babae. Nagtagpo ang kanilang mga tingin mula sa salamin. Napa-smirk si Dimitri nang magtagpo ang kanilang mga tingin. Ngiti ngiti lang si Angelo.
Hinila ni Angelo si Laurel papalapit sa kanya at napasandal naman si Laurel sa katawan ni Angelo. Malapit na malapit talaga ang katawan ni Laurel at ni Angelo at mistulang nadidikit ito. Inakbayan ni Angelo si Laurel at ipinasok naman ni Laurel ang kanyang braso sa tagiliran ni Angelo.
Panakaw naman ng tingin si Dimitri kay Angelo, hindi na pinansin ni Angelo kung nakatingin ba si Dimitri sa kanila o hindi. Nang mapastop sila sa traffic light, agad kinuha ni Dimitri ang ulo ng babae at hinalikan ito sa noo.
Napansin ito ni Angelo. Tinignan ni Angelo si Laurel. Nag-uusap ang kanilang mga tingin.
Sige na Laurel ngayon lang.
Angelo, huwag. Crush kita pero ayaw kong mababoy.
Hindi binababoy Laurel. Halik lang naman!
Bahala ka diyan. Crush naman kita, kaya bahala na!
At sinunggaban ni Laurel si Angelo ng halik... sa labi. Napatingin ang babaeng tiga-sorority sa kanilang dalawa: "Wow, bagay din pala kayo Angelo!" Sabay palakpak at tuwang-tuwa pa ang babae. Tinignan ni Angelo si Dimitri, nang-irap na lang ito sa sinabi ng kasama niya. Napasinghag naman si Dimitri at panay siya sa pagtanggal ng bara sa kanyang lalamunan habang tinitignan si Angelo ng panakaw. Nagkakindatan naman si Angelo at Laurel. Hahalikan sana muli ni Laurel si Angelo nang... SCREEEEECH.
Biglang nag-brake si Dimitri at natapon sa harapang direksyon sina Angelo at Laurel. Hindi natuloy ang kanilang halikan. Success! Galing galing mo talaga Dimitri! Sus, muntikan na iyon ha! Ngumisi si Dimitri.
"NA PAANO BA YON?" Sigaw ni Angelo.
"Wala. Napalakas ang apak ko sa brake." Mapaklang sagot ni Dimitri na walang kabuhay-buhay at hindi man lang nagpakita ng bakas ng kasiyahan. Pero sa loob loob niya ay pangisi-ngisi na siya. Habang binabaybay nila ang kalsada, kanya-kanya ng paraan ang dalawa upang asarin ang isa't-isa.
Ganoon pa rin ang ayos nila hanggang sa makaabot na sila sa restaurant. Naupo sila sa isang mesa at nag-order. Nang kinuha na ng waiter ang kanilang order, umalis na ang waiter. Saglit munang nag-usap ang magkakasama. Magkatabi sina Angelo at Laurel na nakaharap sina Dimitri at Maryanne.
"Nga pala, Dimitri and girl, this is my girlfriend, Laurel." Pagbukas ni Angelo. Ngumiti naman si Laurel sa dalawa at kumaway kay Dimitri. Masamang tingin ang binato ni Dimitri kay Laurel. Nagbago naman ang mukha ni Dimitri at nag-abot ang dalawang kilay nito.
"I want you to meet my long-time crush, Maryanne." Pagganti ni Dimitri kay Angelo. Inakbayan niya si Maryanne at hinalikan ito sa pisngi. Nanlaki naman ang mga mata ni Angelo sa nakita. Kulang na lang ay mahulog ang kanyang panga dahil sa gulat. Hindi pa nakuntento si Dimitri at hinalikan niya muli sa pisngi si Maryanne habang tinitignan si Angelo at ngumiti pa! Naramdaman naman ni Angelo sa kanyang kalooban ang init at galit at selos at frustration. Sinipa ni Angelo ang mesa na naging dahilan ng pagkatapon ng tubig. Natigilan sina Dimitri at Maryanne at agad nilang nilayo ang kanilang mga mukha. Nagpatawag sila ng waiter upang punasan ang natapon na tubig. Nagbalik naman sa normal ang lahat pagkatapos.
"So how long have you been together, Laurel?" Tanong ni Maryanne habang nakangiti kay Angelo at Laurel.
"Ah, eh, a-around 2 months. W-We're seeing each other for 2 months now. Yeah." Sagot ni Laurel.
"Ah talaga? You guys are seeing each other for quite some time. One week pa lang kami ni Dimitri eh. He's such a cute guy. I know this relationship will go somewhere." Sabi ni Maryanne sabay kurot sa pisngi ni Dimitri. Si Dimitri naman, ngiting aso. Halatang nag-eenjoy.
Namula ang tenga ni Angelo sa nakita, kinurot ni Angelo ang hita ni Laurel at gusto niyang higitan pa ni Laurel ang panghaharot ni Maryanne kay Dimitri sa kanya.
"AAAAAAAAAAAARGH!" Malakas na sigaw ni Laurel dahil sa sakit.
"Are you alright?" Tanong ni Maryanne. Nataranta ito at nagulat.
"Yeah, yeah. I'm fine. I just remember, my umm, my grades. Wooh! Lumabas na kasi ang results ng dean's list." Sabay pilit na tawa sa kanyang mga kaharap sabay pailing-iling at panaka-nakang giggle. Bumibigat ang kanyang hininga dahil sa sakit ng pagkurot ni Angelo sa kanyang hita.
Nagsidatingan na ang mga pagkain na inorder na. Nakaready na ang lahat at nagsimula na silang kumain.
"Yeah! I heard na nakapasok daw si baby Dimitri ko." Sabay halik ni Maryanne sa pisngi ni Dimitri.
"Uh-huh! Uh-huh! Hrrrrm! Sorry guys I don't feel well today." Excuse ni Angelo pagkatapos niyang maubo.
"Pang-ilan ka sa Institute of Liberal Arts hun?" Tanong ni Maryanne.
"Second." Matipid na sagot ni Dimitri.
"Good! Parang aabot pala ang bromance hanggang sa dean's list. Kasi first itong si cutie pie ko." Sabay kurot ni Laurel sa mukha ni Angelo at hinalikan pa ito sa pisngi. Nang-init ang mukha ni Dimitri. Kaya kinuha niya ang lasagna at umarteng nabitawan ito habang iniangat niya ang plato. Natapon tuloy ang pagkain sa tapat nila Angelo at Laurel na labis namang ikinagulat nila. Hindi tuloy nahalikan muli ni Laurel si Angelo. That's what you get. Si Dimitri sa kanyang isip. Ngunit hindi nagpatinag si Laurel at Angelo. Gagantihan sana ni Angelo ng halik si Laurel nang sumigaw si Dimitri.
"AHHH! OH MY GOD. I'm so sorry. Mainit ang sabaw. Napaso ang dila ko." Sabay inom ng tubig ni Dimitri. Ngunit nabitawan niya ang baso at natapon muli ang tubig at nabasa si Angelo sa kanyang T-shirt.
"Oh shit!" Sigaw ni Angelo. "Excuse me. I have to go to the bathroom." Pag-excuse ni Angelo habang naglakad patungong bathroom.
"I'm sorry girls. I have to check him out." Tumayo na rin si Dimitri at sinundan si Angelo sa bathroom. Nasa loob na ng bathroom ang dalawa. Si Angelo ay panay punas sa kanyang T-shirt na natapunan ng lasagna at tubig. Ungol siya ng ungol dahil sa galit. Nadumihan tuloy ang damit ko! Kainis na Dimitri, oo! Sa isip niya. Nasa ganoon siyang lagay nang makita niyang si Dimitri na lumabas ng cubicle at lumapit sa lababo upang maghugas ng kamay.
"Thanks for the lasagna and water treat, jerk." Sarkastikong tono ni Angelo.
"I think I should thank you first dahil sa tubig na sinadya mong itapon before I messed your shirt up twice." Matigas na sagot ni Dimitri habang nanghuhugas ng kamay.
"TSSSS!" Sigaw ni Angelo at lumabas na sa bathroom. Sumunod naman si Dimitri at bumalik na sila sa kanya-kanya nilang puwesto. Pagbalik nila ay nakita nilang masayang nag-uusap ang mga babae at nalinis na rin ang paulit-ulit na pagtatapon ng pagkain at tubig sa mesa. Ganoon ang pag-uusap nila hanggang sa matapos sila. Wala masyadong sagot si Dimitri sa buong conversation nila. Tahimik naman si Angelo at padabog na kumakain.
Pagkatapos nilang kumain ay nagvolunteer na si Dimitri na ihatid sila pabalik sa school. Papasok na sana si Angelo sa backseat kasama si Laurel nang nagrequest si Maryanne kay Angelo.
"Ummm, Angelo? Can I sit beside Laurel. I really want to talk to her and it's so inconvenient for me to do so from the front seat. Maybe you can sit beside Dimi-"
"NO!" Mabilis na sigaw ni Angelo na labis namang ikinagulat ng lahat. Nahiya si Angelo sa kanyang ginawa kasi mukhang guilty tuloy siya tingnan at ayaw niyang tumabi kay Dimtiri.
"I mean, no! No, I won't sit here. I'll sit beside Dimitri, sure..." Mabilis na pagfollow up ni Angelo habang naupo sa front seat na katabi ng driver's seat. Napangiti naman si Maryanne at nakipag-usap na kay Laurel. Habang si Dimitri ay ngisi-ngisi lang samantalang pinaandar at nagdrive.
Masarap ang kuwentuhan ni Laurel at Maryanne na nasa backseat, at sina Dimitri naman at Angelo ang nasa front seat ngayon. Hindi man lang nagkwentuhan o nagtinginan ang dalawa. Nagdahilan ang dalawa na hindi na sila didiretso sa school kasi may kanya kanya pa silang gimik na gagampanan.
Nang makababa na ang dalawang babae, walang imik ang dalawang binata sa loob ng sasakyan.
"Ibaba mo na lang ako sa cafeteria." Utos ni Angelo.
"Hindi, sasamahan mo ako sa parking area." Nagmatigas si Dimitri at nakakunot pa rin ang noo nito. Hindi man lang niya tinignan pabalik si Angelo.
"Hindi, may gagawin pa ako Dimitri. Ibaba mo ako sa cafeteria." Matigas na tono ni Angelo. Umirap lang si Dimitri.
"KUYA Dimitri?" Pag-correction ni Dimitri kay Angelo.
"KUYA Dimitri, may gagawin pa ako. Please." Padabog na pakiusap ni Angelo.
"Sabay nga tayo, di ba? Sa dorm mo na gawin iyan." Sabi ni Dimitri.
Nakapark na ang sasakyan sa parking area. Wala pa ring imik ang dalawa. Naiwan silang nakaupo at nagkatinginan sa magkabilang side. Mahigit mga 5 minuto na ang nakalipas simula nang mapark na ang sasakyan ay wala pa rin sa dalawa ang lumabas ng sasakyan.
"May sasabihin ka ba sa akin Angelo?" Tanong ni Dimitri.
"Meron ba akong dapat sabihin sa iyo kuya?" Mapaklang tanong ni Angelo.
"Nagseselos ka ba? Kayo na ba?" Seryosong tanong ni Dimitri. Napabuntong hininga si Dimitri ngunit diretso pa rin siyang nagsasalita.
"Ano naman sa'yo? Hindi naman siguro ako nangingialam sa kalandian mo kay Maryanne di ba? Maganda naman siya. Bagay na bagay kayong dalawa! Malilibog!" Sigaw ni Angelo habang namumuo ang mga luha sa kanyang mga mata. Umiwas siya ng tingin kay Dimitri at hinarap ang bintana. Hinila ni Dimitri ang baba ni Angelo para magkaharap ang kanilang mga mukha. Ngunit mabilis na binalik ni Angelo ang pag-iwas kay Dimitri.
"Tingnan mo nga ako Angelo. Tingnan mo ako! Sa mata!" Sinandwich ni Dimitri ang mukha ni Angelo. Inipit niya ang mukha ni Angelo sa kanyang mga palad at pinaharap kay Angelo.
"ANO BA! BITIWAN MO AKO!" Nanlaban ng hawak si Angelo habang tumutulo na ang kanyang mga luha dahil sa pinaghalong selos at galit. Dahil hindi naman masyadong tinted ang sasakyan ni Dimitri, bawat tao na dumadaan ay napapalingon sa kanilang direksyon.
"WAG MONG PIGILAN ANG SARILI MO ANGELO. TINGNAN MO AKO!" Patuloy sa paghila si Dimitri sa mukha ni Angelo palapit sa kanya upang magkatinginan sila. Maya maya ay hindi na nanlaban si Angelo at nagpaubaya na lang siya kay Dimitri. Nasa mga palad ni Dimitri ang magkabilang pisngi ni Angelo. Mga ilang pulgada lang ang layo ng kanilang mga mukha. Iyak ng iyak si Angelo.
Matalas ang titig ni Dimitri sa kanya. Malagkit. Paligoy-ligoy ang mga mata ni Dimitri sa iba't-ibang bahagi ng mukha ni Angelo. Nakiramdam naman si Angelo. Hindi niya maiwasang kiligin habang pinagmamasdan niyang si Dimitri na mariin na tinitignan at tila minememorize ang kanyang mukha sa kabila ng pagkalapit-lapit ng kanilang mga mukha. Parang nawala lahat ng sama ng loob niya kay Dimitri. Ilang minutong ganoon ang kanilang posisyon. Nang makahugot na ng sapat ng lakas si Angelo, hinawi niya ang kanyang sariling ulo mula sa pagkakahawak ni Dimitri. Nagtagumpay siya. Kaagad siyang umiwas ng tingin ngunit pwersahang pinisil ng kanang palad ni Dimitri ang baba ni Angelo at hinila siya muli palapit sa mukha nito. Hindi siya makapaniwala sa sunod na nangyari.
"Umnggh!!" Ungol ni Angelo habang pinilit ni Dimitri na ilapat ang kanilang mga labi. Nanlaban si Angelo. Pilit niyang ginagalaw ang kanyang ulo ngunit sadyang malakas si Dimitri at hindi siya makawala sa pagkakahawak nito. Sa sumunod na sandali, hindi na siya gumalaw pa, ngunit hindi siya gumanti ng halik.
OMG!! NAGHAHALIKAN KAMI!! ANG LAMBOT NG LABI NIYA!! NAKU, TOTOO NA BA TALAGA TO? SANA ITO NA!! SANA!! Sigaw niya sa kanyang isip. Nang naramdaman niyang hindi na nakahawak si Dimitri sa kanyang ulo, kumalas siya. Matagal silang nagtitigan ni Dimitri.
"I'm sorry. I never mean-" Pagdadahilan ni Angelo habang hinihilamos ang sariling mukha sa kanyang mga palad.
"No... I'm sorry. Nadala lang ako. Bakit kasi may Laurel ka pa!!" Pagbubulakbol ni Dimitri sabay hampas sa manibela.
Nagulat si Angelo sa kanyang narinig.
"Nagseselos ka ba... Dimitri?" Mahinang tanong ni Angelo.
"H-HA? HAHAHAHAH, HINDI HA!" Nagdahilan si Dimitri habang natataranta at pekeng tumawa. Nasa ganoong pagpeke ng tawa si Dimitri nang...
SPLAK!
Isang malakas na sampal ang natanggap ni Dimitri sa mukha. Sinampal siya ni Angelo at patuloy sa pag-iiyak. Natigilan si Dimitri at napatingin kay Angelo dahil sa gulat. Hikbi at luha lang ang isinukli ni Angelo.. at masamang titig.
"BAKIT BA ANGELO?! HINDI KA PA BA NAKAKATUNOG?! SHIT!! OO! NAGSESELOS AKO KAY LAUREL!! NOON PA!!" Sigaw ni Dimitri. Naluluha na rin siya at hinahampas hampas niya ang manibela. Hindi maikakaila ni Angelo na may saya siyang naramdaman sa kanyang puso... Na nagseselos pala ang taong mahal niya sa babaeng pinangseselos niya rito. Iyak ng iyak si Dimitri at nababasa na ang kanyang T-shirt dahil sa mga luha na pumapatak.
"But..." Napabuntong-hininga si Dimitri.
"I'm sorry Angelo. I like Maryanne now. And not just that. I like her better than I liked you. Nakakainis lang kung bakit hindi ako maka-move on sa'yo. And honestly, nilalabanan ko. But undeniably, you are really special to me. I just hope na walang mamumuong pag-ibig sa amin ni Maryanne... Dating stage pa naman. Maybe you can wait for me? I'm sorry... I'm still looking for a reason to like you again. But I just can't. Maybe in the right time. Maybe next time babalikan kita. And I'll make you feel better." Iyak ng iyak si Dimitri habang binabaon ang mukha sa kanyang mga palad.
SPLAK!
Sinampal muli ni Angelo si Dimitri sa pisngi. Parang sampung milyong beses siyang sinampal ni Bella Flores sa kanyang narinig. Mas lalong bumibigat ang kanyang puso at gusto niyang magpalamon na lamang sa lupa. Ayaw niya pang mapahiya kay Dimitri any longer, so he freshened up, maintained his poise, and breathed heavily. Ang sakit... Pero I'll gamble. I'll try... I'll wait for him.. Hihintayin kita Dimitri. Next time it is. Sa isip ni Angelo.
Tinapik niya si Dimitri sa balikat at lumingon si Dimitri sa kanya. Nginitian niya si Dimitri habang pilit na pinipigilan ang kanyang mga luha. Maybe it's not the right time. Pero I'll make sure the next time our paths cross, I will take all my chance.
"Thanks for the ride." Bumaba si Angelo at hinampas ang pintuan. Dali-daling tumakbo si Angelo sa dorm, pumasok sa elevator at pumasok sa room. Kailangan niyang magpahinga dahil may pasok pa siya mamayang alas tres. Masikip ang kanyang dibdib at mabigat ang kanyang kalooban. Nagkasagutan na naman sila ni Dimitri dahil sa kanyang selos kay Maryanne. Dahil wala pa namang alas-tres, nagfacebook muna siya.
Juan dela Cruz and 20,234 others like your profile picture.
Sorry 20,235. Hindi ata magiging kami. Sa isip niya. Ngumiti si Angelo at bumagsak ang kanyang mga luha.
Nasasaktan kasi si Angelo. Tama lang ba ang ginawa niya? Tama lang ba ang pinaggagawa nilang dalawa? Alam niyang nagseselos siya kay Maryanne. Maganda naman kasi si Maryanne, sexy, sikat. Siyempre, straight din naman silang dalawa ni Dimitri, hindi malayong hindi magtagal ang relasyon nilang dalawa. Teka, wala pa naman silang relasyon?
Ano ba tong iniisip ko! ARGH!
Ganoon pa rin ang set-up ng dalawa hanggang sa magdedember na. Hindi sila nagkikibuan kung magkasama sila. Hindi sila kagaya nang dati na kumportable sa isa't isa. Kung minsan ay nag-iiwasan na sila.
Madalas na rin nakikita ng isa't isa na magkasama sila sa kani-kanilang "girlfriend". Siguro sa part ni Angelo alam niyang fake lang ang sa kanila ni Laurel, game din naman si Laurel. Pero sila na nga ba talaga ni Maryanne? Masakit. Nasasaktan si Angelo.
Walang kibuan sa dorm room. Nag-iiwanan na lang. At para di maulit ang pagtatalo nila, nagsulat ng liham si Angelo para kay Dimitri, alam niya naman na babasahin niya iyon at alam niyang hindi rin naman mabuti ang pakikitungo nila sa isa't-isa kung magkaharap sila.
(Kuya) Dimitri. [Iyan naman kasi talaga ang gusto mong tawag sa'yo eh]
Sa mga nagdaan na araw ay napapansin kong busy tayong dalawa sa kanya-kanya nating gawain. Ayaw ko namang paghigpitan kasa aspetong pinansyal. Heto, pinagkakatiwala ko na sa iyo ang ATM card na pinagawa ng tatay mo sa akin. Kaya mo na siguro ang sarili mo kuya di ba?
Nalaman ko kasing wala akong karapatang manghimasok sa buhay mo. Sa huli, ano ba naman ako sa buhay mo? Kaibigan lang. Wrong, roommate nga lang siguro. Ayaw ko nang ipagsiksikan ang sarili ko sa'yo. Masaya na ako dun.
Ingatan mo sarili mo paligi. Wag ka sanang gasta ng gasta.
-Angelo.
-------------
Disyembre na, malapit na ang student's night. Hanggang ngayon, hindi pa rin nagkakausap si Angelo at Dimitri. Minsan, nagkukumpetensya na ang dalawa. May isang panahon na magkaklase sila sa isang minor subject, seatmates sila, ngunit hindi sila nag-uusap.
Nasasaktan si Angelo. Masakit mawalay sa taong miss na miss mo, sa taong mahal na mahal mo. At andyan nang nasa tabi mo lang siya, ngunit parang mahirap pa ring abutin siya. Nawala na ang dating friendship at closeness nilang dalawa sa isa't-isa. Nakakamiss din naman kung minsan, walang banat, walang lambing. At least masaya naman siguro siya kay Maryanne. Parang sila na nga eh. Ang sweet sweet nila sa isa't-isa, at masayang masaya si Dimitri. Hayy nako, sabi ko na nga ba at walang patutunguhan itong nararamdaman ko para sa kanya. Parang wala na nga talagang next time. Iniiyak na lang ito ni Angelo.
Isang araw, may partner project. Mabilis na nakapili ang mga kaklase nila ng kapartner. Naiwan na lang silang dalawa. Nagkapartner sila, ngunit walang project na naipasa kasi hindi man lang nag-uusap ang dalawa.
Kung magkasalubong ang kanilang mga lakad, nag-iiwasan silang dalawa.
At madalas pa nilang nakikilala ang kanya kanyang mga 'girlfriends' nila. Ewan kay Dimitri, pero kay Angelo, nasasaktan siya. Masakit na masakit para sa kanya.
Ganoon na sila kalayo sa isa't-isa kagaya noon. Ang pagkakaiba lang, masaya si Angelo sa kaibigan niyang si Laurel, at mas ibayong saya ang nakikita niya kay Dimitri.
Si Gio naman, umiiwas na rin kay Angelo. Walang text, walang tawag, walang bati. Wala lahat. Naulit na naman ang pag-iwan ni Gio kay Angelo sa ere. Kung kailan sana ay kailangan niya ng karamay tungkol sa kanyang mga problema, iyon naman ang time na iiwas si Gio. Hindi nga niya ma-figure out kung bakit iniiwan at iniiwasan na siya ni Gio. Ano na naman ba ang nagawa kong mali? Namimiss ko na ang bestfriend ko! Sa isip niya.
And most of the time, si Laurel ang kasama niya.
-----------
"Friend, friend!" Sigaw ni Laurel kay Angelo.
"Oh, bakit?" Nataranta si Angelo.
Nasa fountain park sila, nag-aaral doon si Angelo para sa nalalapit nilang long exam.
"Sali ka Mr. Freshman oh?" Tumabi si Laurel kay Angelo. Naging stress reliever na kasi ni Angelo ang mag-aral sa fountain park.
"Ano ka Laurel? Gago! Hindi ako para diyan! Ang pangit ko nga oh, tingnan mo!" Umiling si Angelo sabay himas sa mukha niya.
"Ano ka ba? Minumura mo pa ako! Guwapo ka naman ha? Dark? Check. Handsome? Very Check. Tall, okay na ang 5'7" Pero ano ka ba, pwede ka!!" Pangungulit ni Laurel habang inuuyog itong si Angelo.
"Medyo bastos ka rin pala Laurel. Pwedeng huwag ako ang gambalain mo?" Napairap na lang si Angelo at nagbasa ulit.
"Sumali ka na please." Napapout sa lips si Laurel at naiiyak ang mga mata. Tinignan ni Angelo si Laurel at hindi niya maiwasang bumigay sa mga mukha na kaawa-awa.
"Mahal iyan, maraming preparation." Iniiwasan niyang tingnan si Laurel para hindi siya maawa. Ngunit alam niyang bibigay din siya.
"Hindi. Impromptu lang naman. Walang dapat paghandaan. Sumali nga ako, tapos wala lang. Chill, ganon. Sige na please!!"
"Okay. Kailan na ba iyan gaganapin?" Tanong ni Angelo habang nag-give up na sa pangungulit nitong si Laurel.
"Yay!! Mamaya, sa freedom square, sa studen'ts night." Ngumiti si Laurel sabay yakap kay Angelo.
"HA?" Nagulat si Angelo sa bilis ng panahon. Student's night na pala mamaya? Naku! Sa isip niya. Kumalas siya sa pagkakayakap ni Laurel.
"Wala ngang dapat paghandaan di ba? Dress at your best lang, ganun ang theme." Ngumiti si Laurel sabay tapik sa kanyang balikat.
"Okay fine. Anong oras?" Umirap na lang si Angelo at alam niyang natutuwa si Laurel sa kanyang naging desisyon.
"8:30 ng gabi."
"Late na yan ha?"
"Night nga! Tanga lang?" Binatukan ni Laurel si Angelo.
"Okay, sorry na po."
"Ayos iyon Angelo, maraming inuman. Free-flowing daw yung drinks at alcohol."
"Ah, okay. Hindi ako umiinom eh." Awkward na tumawa si Angelo.
"Teka... hindi ka pa umiinom ano? HAHAHAHAHAHA!"
"Oo. Ano namang nakakatawa?"
"Wala lang. Cute mo. Totoy ka pa lang talaga. Hindi ka pa nagbibinata haahahah! Naggagatas ka pa lang siguro. HAHAHAHAH!"
"Nakakatawa, sige alis na please. Nag-aaral pa ako." Masungit na pagtataboy ni Angelo kay Laurel sabay tulak nito.
"Mamaya ha? Freedom square? Before 8 dapat andon ka na." Tumayo si Laurel at kumindat kay Angelo.
"Okay." Tumango lang si Angelo at pinatuloy ang pagbabasa.
Dahil alas sais na ng gabi, napasyahan ni Angelo na kumain at pumili na ng damit. Pagbalik niya sa kanyang room, wala si Dimitri. Okay lang, sanay na ako. Baka kasama na niya naman si Maryanne. Napabuntong-hininga siya.
Naligo si Angelo at nagbihis ng pinakamagandang damit. Pinili niya ang sando na batak ang kanyang muscles at hubog ng katawan, tapos isang cardigan na bigay ni Gio sa kanya, tapos maroon pants, at gray na boat shoes.
Hinarap niya ang sarili sa salamin, inayos ang kanyang buhok. Nang masiyahan sa kanyang nakita, umalis na at tumungo sa freedom square.
Di nya namalayan na 8:20 PM na pala. Nakaabot siya ng freedom square nang 8:30. Hingal na hingal siya dahil tinakbo niya lang ang freedom square mula sa kanilang dorm.
"ANGELO MONTEMAYOR! ANGELO MONTEMAYOR! ANDITO KA BA?" Sigaw ng babaeng may headset sa ulo.
Nasa backstage si Angelo. Kumaway siya sa babaeng nakaheadset upang masignal na andoon na siya. Nakita siya ng babae at pinakiusapang sumunod na sa stage.
"Excited ka na ba, Angelo?"
"Opo. Kinakabahan ako sa contest."
"Contest?" Pag-ulit ng babae na tila nagtataka.
"Oo, contest to di ba? May event?"
"Ewan. Tagahanap lang ako dito eh. Bahala ka na nga diyan. Andoon na lahat ng kalahok. Ikaw na lang ang hinahanap. Nakaupo na sila sa upuan sa stage." Stress na stress na ang babae.
"Upuan?" Nagtataka si Angelo. Bakit may upuan sa isang pageant-like contest? Sa isip niya.
"Uupo po kayong lahat Angelo. Wag kang mag-alala, chill lang. First time pang ganito ka unique ang student's night. Thank you sa'yo!" Tinapik ng babae ang kanyang likod.
"Ahhhh." Ngunit hindi siya kuntento sa paliwanang ng babae. Kinakabahan siya. Alam niyang may kakaibang nagaganap na hindi niya alam.
Patuloy pa silang naglakad patungo sa ibaba ng stage. Nakita ni Angelo ang pitong hydraulics na nakaangat na. Nagtaka naman siya kasi paanong uupo kung parang mala-beauty pageant naman pala ang theme?
"Ate, bakit di pa nakaangat sa stage ang isang hydraulic?"
"Para sa'yo yan. Ikaw na lang nga ang hinihintay. Eto microphone mo." Sabay abot ng babae sa kanya sa microphone.
"Tip ko sa'yo Angelo, be natural, okay? Panalunin mo 'to!" Tapik ng babae sa kanya.
"Teka, akala ko ba Mr. and Ms. Freshman to? Bakit may mic? Magsasalita ba kami?"
"Ano ka ba Angelo, Mass Comm major ka di ba? Shempre paano kayo maririnig ng mga tao?"
"Ah, okay." Tumango si Angelo. Naka-position na siya sa hydraulics at nagbuntong hininga. Kinakabahan na siya. Parang may hindi tama talaga eh... Something's not right. Umiiling si Angelo sa sarili.
"Ready ka na? Iaangat ka na. Nasa ibaba tayo ng stage ngayon. Pag-launch ko sa hydraulic, lalabas ka sa stage. Kaway ka lang at umupo ka sa bakanteng upuan. Copy?"
"Opo ate." Tumango si Angelo.
"Good luck. Ready in 10, 9, 8, 7, 6, 5, 4, 3, 2, 1." Pinindot ni ateng mass comm ang isang remote at dahan-dahan nang umangat si Angelo.
"EVERYONE PLEASE WELCOME, THE SEAU HOTTEST GENIUS, ANGELO MONTEMAYOR!"
Narinig ni Angelo ang introduction. Unti-unti siyang umaangat at nanginginig ang kanyang mga tuhod. Lumakas ang kabog ng kanyang dibdib. Nang nasa stage na siya, kitang kita niya ang mga tao nagpapalakpakan. Maraming tao ang nakaharap sa stage, tantya niya nasa mga 10,000. Napapikit siya kung minsan tumatama ang ilaw sa kanyang mata, nasisinigan siya. Palingon-lingon siya sa kanyang harap at grabe ang sinag ng ilaw. Samu't-saring kantyaw at hiyawan ang kanyang narinig.
"ANGELO I LOVE YOU!"
"MAHAL KA NAMIN ANGELO PAKISS!"
May nakita rin siyang iilang mga karatula na ganito ang nakasulat:
BUNTISIN MO AKO ANGELO MATALINO GWAPO ANAKAN MO KAMI -MASSCOMM
DIMITRI AND ANGELO FOREVER!! DiGel <33
Teka? Bakit may Dimitri at Angelo? Bakit may DiGel? Ano ba 'to? Contest ba talaga to? Nakikita niya ang mga palakpak at saya ng mga taong nakakita sa kanya.
Dahil dito, mas ngumiti pa si Angelo, well at least pinilit niya. Babae, binabae, o kahit lalaki nabibighani sa kanyang kakaibang ngiti. Ngunit nawala ang ngiti niya nang tumalikod siya. Hindi siya makapaniwala. Nanatili siyang nakatayo at nanigas sa harap ng mga tao.
Bakit nangyayari ito? Akala ko Mr. and Ms. Freshman? Bakit wala si Laurel? At bakit andito si...
...Dimitri?
"SOUTH EAST ASIA UNIVERSITY, WE HAVE FOUR OF THE HOTTEST LOVE TEAMS IN THE HISTORY OF EVER!! WELCOME TO THE STUDENT'S NIGHT LOVE TALK!!" Sigaw ng host.
WHAT THE FUCK?
Itutuloy...
Gapangin mo ako. Saktan mo ako.
Ang ganda talaga ng kwento! Di na ako makahintay sa susunod na chapter!
ReplyDelete-hardname-
Pucha. Bat ang galing mong magpakilig author Hahahaha
ReplyDelete-Kevin
Nak nam!!!!
ReplyDeletesige bitinin mo pa
hahaha
- ChuChi :)
WAAAA ang ganda na... hahha na bitin ako.. haha mr writer... hahaha nice job .. waaa pero tagal tagal pa ng nxt update waaaaaaaaaaaaa......... favor namn pa gawang 3 times a wik ang update hahaha ala kc ako magawa kung di amg bas lng.. waaaa bawal kc fb dito waaaaaa
ReplyDeleteang batang npa.......
Antok nako, mamayang hapon nlang ako magcomment. promise, sobrang kilig ako hehe. salamat po sa update
ReplyDeletebharu
Haha.. Ganda. Next chapter ma agad
ReplyDeletei enjoyed reading it. so cool...next pls. tnx author
ReplyDeleterandzmesia
Ganda.. kaabang abang. Cant wait. Sarap basahin. Salamat mr. Author.
ReplyDeleteUgh, sana magkabati na si Dim at Gelo! Wala tuloy kilig moments.
ReplyDeleteSuper kilig talaga pag may selosan :)))
ReplyDeletebakit ganun si dimitri? tagos sa puso kung umiyak, pero ano yung ginawa nya kay angelo, nagkaron pa ng selosan blues. balewala din nmn pla yun kay Dimitri. nakakaasar lang hehe. Si Gio nmn parang kabuteng pasulpot-sulpot. bespren nya diman lang mabigyan ng atensyon kahit man lang text wala. Baka nmn me gusto si gio kay angelo kaya umiiwas nlang.
ReplyDeletebharu
nakakatuwa.. hindi pa kasi mag-aminan eh.. pareho lang kayong nahihirapan... hmmmmm..
ReplyDelete-arejay kerisawa
grabe! ang ganda nga kwento! sana everyday ang update! hahaha
ReplyDeleteingon ani pud unta ako lovelife oi! haha
tonix
Aw. <33 Sheeeeett!. HAHAHA!
ReplyDeleteD ko lam kung anong mararamdaman ko ee. HAHA.
Gudlak. :3
Aw. <33 Sheeeeett!. HAHAHA!
ReplyDeleteD ko lam kung anong mararamdaman ko ee. HAHA.
Gudlak. :3
nice
ReplyDeletemarc
Ang sarap sanang umibig kya lng masakit ding msaktan! Well, subukan na muna. Bahala na si Batman pag nsaktan.
ReplyDelete