Followers

Saturday, November 2, 2013

Less Than Three- Part 36

NOTE!!! GUYS PAKIBASA!

Sorry po talaga kung every saturday lang ako nakakapg update. Haixt. Busy talaga. At isa pa di na umuusad yung kwneto. Hahahah. Di pa suya nadadagdagan kaya konting hinay lang po ha. Hope you;ll understand.



---------------------------------------


This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.

The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.

This story is a fiction. Any resemblance to namesplacesevents and others are not intended and coincidence only.

The stories I've written are for 18 years old and above.

No animals are hurt in this story.

The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.

The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.

You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.

Enjoy everybody and thanks for reading my stories.

Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)


You can contact me through:
1. Facebook Page:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

4. Facebook:

Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)

5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)




Always Here,

Dylan Kyle Santos

....................................................................................


Chapter 36

(Explosion...)


[Alex’s POV]


Isang malakas na pag sabog ang naganap at tanging makakapal na usok ang aking nakita sa aking paligid sa mga oras na iyon. 


Halos mabuwal ako dahil sa lakas ng pagsabog na nangyari noon. 


Ilang ulit akong sumisigaw para sa kakaunting tulong pero ni isa ay walang sumagsagot. 


Hinanap ko sila mama pero tila ba para silang bula na biglang nawala. 


Habang kinakapa ko ang sahig ay may dugo akong nahawakan.


“Ma… kuya… RD… bunso… nasaan kayo?!” sigaw ko.


Walang sumasagot ni isa sa kanila kaya naman lalo akong kinabahan. 


Wala pa rin akong maaninag sa aking paligid dahil na rin sa tindi ng dilim sa loob ng lugar na iyon. 


Nangangapa pa rin ako at baka sakaling may tao akong mahagilap pero mailap ang pagkakataon.


Di ko na mapigilang umiyak dahil sa lahat ng ayoko ay yung nag-iisa ako. 


Napakaiyakin ko talaga kahit kalian. 


Natatakot ako. 


Hindi ko alam ang nangyayari. 


Kinakabahan ako sa mga maaring nangyari sa kanila.








Maya-maya ay nakarinig ako ng kaguluhan. 



Nakarinig ako ng kung anu-anong hiyawan na lalong nagpakaba sa akin. 


Agad kong hinanap ang mga boses na iyon at tila ba walang hangganan ang lugar na iyon.



Unti-unting humupa ang usok at tanging kadiliman nalang ang aking naaninag. 


Isang mumunting ilaw ang nakita ko at agad kong pinuntahan iyon. 


Umaasa ako na sana, ito na yung mag-re-rescue sa amin.



May kokoonti pa rin usok akong nakita hanggang sa may naaninag na akong tao. 


Habang naglalakad ako papunta doon ay sinusundan ako ng mumunting ilaw. 


Agad akong napatigil at hinayaan na lang na lumapit ang taong iyon.



Isang di pamilyar na tao ang lumapit at nagbigay ng isang rosas. 


May nakaimpit na sulat doon at binuksan ko ito. 


Hindi nagtagal ay tumakbo ang lalaking iyon. 


Bubuklatin ko pa lang ang sulat ng may biglang tumugtog.




Singing Radiohead at the top of our lungs
With the boom box blaring as we're falling in love
I got a bottle of whatever, but it’s getting us drunk
Singing here's to never growing up



Biglang nagka spot light sa kinaroroonan ni Charlene. 


Napako na lang ako sa kinatatayuan ko dahil sa hindi ko pa rin maintindihan ang nangyayari. 


Bigla siyang ngumiti sa akin at para bang nagkaroon ako ng ideya sa mga nangyayari.


Call up all our friends
Go hard this weekend
For no damn reason,
I don't think we'll ever change


Biglang lumipat ang spot light at nakita kong tinutukan nun si kuya. 


Nagulat ako ng magsimulang kumanta si Kuya dahil sa hindi naman siya kumakanta sa public. 


Napangiti na lanag ako noon.



Meet you at the spot,
Half past ten o'clock
We don't ever stop,
And we're never gonna change



After ni kuya ay lumipat ulit ang spt light at itinuro nito si ate Kate. 


Biglang lumabas si Ate Kate atsiya naman ang kumanta. 


Napangiti naman ako ulit dahil sa hindi ko inaasahan na gagawin nila ang ganitong surprise.


Say, oh just say forever, stay
If you stay forever, hey
We can stay forever young



Matapos ni Ate Kate ay si RD. nakangiti ito at naka peace sign. 


Humanda talaga sila sa akin. Shit! Ang lakas ng trip ng mga to. 


Grabeng surprise talaga ang ginawa nila.



Singing Radiohead at the top of our lungs
With the boom box blaring as we're falling in love
I got a bottle of whatever, but it’s getting us drunk
Singing here's to never growing up



Nagpatuloy ang kanta at unti-unti nagliwanag ang paligid. 


Una kong nakita sila mama at bunso na nakangiti sa akin. 


Malapit sila sa akin at nakangiti sila at bigla nila akong niyakap ng mahigpit.


Sumunod naman ay ang mga kaibigan ko sa school at ibang professors. 


Napahawak na lang ako sa aking bibig nung makita ko sila. 


Unti-unti ay nakaramdam na ako ng pagtulo ng aking luha.


Ikinagulat ko rin ang pagdating nila papa. 


Akala ko ba nasa Cebu siya? 


pati siya ay sinurprise ako. 



Malamang kasama ito sa mga plano niya. 


Lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.


Sumunod sila Jake at ang iba pa. 


nakangiti sila at may hawak na banner na “Happy Birthday Alex!” 



Dahil sa tindi ng kasiyahan ko sa araw na iyon ay hindi ko na rin napigilan ang mapaiyak ng sobra.


Sumunod na nakita ko ay si Arjay na nakatayo malapit kila Charlene. 


Ngumiti naman ako at ginantihan ang ngiti niya. 


Nagwink siya sa akin at nagthumbs up.


Hinanap ko ng tingin si Kieth at nagbabakasakali na umuwi siya para sa akin. 


Pero wala ng sumunod dahil natapos na kila Charlene ang kasiyahan. 


Nadismaya na naman ako ng sobra, kaya part ng puso ko ay wasak dahil sa wala ang taong mahal ko. 


Pero hindi dapat ako magpaapekto, birthday mo to Alex, kaya mo yan.



Nagbukas na ang ilaw at nakita ko na ang buong surpresa nilang lahat. 


Napaiyak naman ako ng sobra sa nakita ko. 


Di ko akalain na mageeffort sila ng ganito. 


Di magkamayaw ang sigawan nila at bati nila sa akin.


Isa-isa nila akong muling niyakap at hinalkan sa pisngi. 


Naiiyak pa rin ako sa nangyari kaya binigyan na nila ako ng panyo. 


Mukha na ata akong pulubi sa ayos ko ngayon. 


Ni hindi man lang ako nakapagprepare ng damit.


“Anak ano ba naman yan, para ka pang gusguin kung umiyak. Pahirin mo nga yan. Kagwapo eh. Hahaha” Sabi ni mama.


“Eh kasi ma eh… tinakot ninyo ako. Akala ko wala na kayo. Natakot ako ng sobra. Tapos biglang ganito. Huhuhuhu”


“Happy birthday anak.” Nagsalita bigla si papa mula sa aking likuran.


“Pa!” agad ko siyang niyakap.


“Ang bigat na ng baby ko ah. Hope nagustuhan mo ang surpresa naming sa iyo.” Sabi niya


“Pa… akala ko ba nasa Cebu kayo?”


“Siyempre sorpresa nga eh.”


“Salamat po. Kaya pala parang natatawa kayo kanina. Naku humanda talaga kayo sa akin.”


“Enjoy your party anak.” Sabi ni papa.


Pinaupo nila ako sa upuan na naroon sa center ng lugar na iyon. 


Di pa rin ako makapaniwala sa mga nakikita ko ngayon dahil unexpected talaga na gagawin nila ito. 


Di ko pa rin mapawi ang ngiti ko, kahit na may kulang, kulang na nagdudulot ng kasiyahan sa akin.


Nagsimula ang isang maliit ng program para sa akin. 


Tawanan at kung anu-ano pa. maraming nag message sa akin hanggang sa ako ang pinag message nila.




“Sa totoo lang, gusto ko kayong batukan lahat. Nakakainis kasi. Kung alam lang ninyo ang naramdaman ko nung may mahawakan akong dugo sa sahig, yung wala akong maaninag, yung mismong may malakas na pagsabog akong narinig tapos bigla na lang akong nabuwag dahil sa takot. Aatakihin na ako sa puso kanina sa nangyari, kung may sakit lang ako sa puso eh piñata na ninyo ako sa sarili kong birthday. Ginawa ninyo akong baliw sa kaiisip sa mga nangyayari kanina. Nakakainis. Eksena ninyo kahit kalian eh.” Lahat sila nagtawanan.



“Pero, maasaya ako sa ginawa ninyong lahat. Halos di ko mapaliwanag kung ano ang nararamdaman ko. Mixed emotions lahat. Nagpapasalamat ako sa lahat ng nasa likod na ito. Si Ate Kate si kuya… bunso, si RD… si papa at sa lahat pa. lalo na pala sa best friend kong si Charlene at alam kong magtatampo siya kapag di ko siya binati. Baka magkasingilan pa kami after na ito kaya ayan ha bnati na kita para naman matuwa ka. Kwits na tayo ha. Hahahah” Nagtawanan ulit sila.



“Loka ka talaga.” Sigaw ni Charlene.



“Pero nagpapasalamat din ako ng higit kay papa at lalo na kay mama. Salamat po sa inyo at narito ako ngayon… kung hindi nangyari yun… walang Alex ang nabuo…” nagtawanan ulit sila.



“Ay sorry, Tita… excuse po ah… sorry.” Sabi ko.



“Ayos lang… birthday mo naman. Pati wala na iyon.” Sagot nito at nagtawanan sila.




“Para pala sa isang tao na ginawan ako ng surpresa kanina, Tabs… Salamat ng sobra. Ikaw3 ang lagging nasa tabi ko, ikaw yung lagging umaalalay sa akin, ang nagpapatawa, ang nanloloko at nambubully sa akin. Salamat ng marami. Balang araw ay maibabalik ko din ang kabutihan mo sa akin. Thank you tabs.” At lahat sila ay naghalinghingan at nagtawanan.




“Pero nais ko lang magpasalamat sa isang taong pumunta ngayon dito… marami ang hindi nakakalaam sa kung ano ang meron kami… marami ang naguguluhan sa kung ano nga bang connection mayroon kami… kaya yung naka blue sa likod... halika nga at lumapit ka sa kapatid mo…”




Alam kong nagulat ang ilan at sila mama. 



Di siguro nila inaakala sa kung ano ang nangyayari na sa aming dalawa. 


Ang alam pa rin nila ay magkaaway kami at hindi kami naguusap. 


Agad naman niya akong niyakap na labis namang ikinatuwa ng lahat. 


Nagpalakpakan silang lahat.


“Gusto ko po sanang ipakilala ang ikatlo kong kapatid… si Arjay.” At lahat sila ay naghiyawan.



“Ma… pa… si Arjay kapatid ko… okay na kami… nagkaayos na kami.. at pinapangako naming na hinding-hindi na kami mag-aaway…” napansin ko ang pagluha ni papa.



“Pa… eto nay un… eto na yung pinapangarap mo… Kaya less stress na ha. Dagdag baon rin at alam na, dagdag panggagla na rin. Hahaha” sabi ni Arjay at nagtawanan na naman ang lahat.


“Pasalamat lang ako sa mokong na ito at iniligtas niya ang dangal ko.”


“Well napaka lampa mo kasi.”


“Hindi naman.”


“Aysus… pero may surpresa kami sayo.”


“Hindi pa tapos ang lahat?”


“Hindi pa. Ano ka ba, we are just getting started. We are getting to fired up.”








“Yeah... we are just starting…” narinig ko ang boses ni Kieth sa aking likuran.








Nakaramdam ng lukso ng tibok ng puso ang aking puso.


 Agad akong napatalikod at hinanap si Kieth. 


Halos mapaluha na ako nung marinig ko pa lang ang boses niya. 


Hindi ako magkamayaw na hanapin siya dahil sa sobra ko siyang namiss.


Hinanap ko ang boses na pinanggagalingan nun at sa wakas, nakita ko rin iyon. 


Masaya ako pero nadismaya ako. 


Akala ko nandito siya, akala ko makakasama ko siya… pero hindi… pero sa isip ko, ayos na rin… sa wakas nakita ko na siya. ang mukha niya.




Nasa skype siya at nag web cam talk kami. 


Nasa isang malaking projector siya at expose ang mukha niya sa aking nasa likuran. 


Agad namang tumulo ang luha ko sa maraming paraan. 


Nakangiti siya sa akin.



“Hi mahal ko…”sabi niya at naghiyawan ang lahat.


“Hello…” tanging nasagot ko.



“Ang tipid ata ng sagot ng mahal ko sa akin. Pero, alam ko nagtatampo ka na sa akin… alam kong nagkakaroon ka na ng doubt sa akin…”


“Buti alam mo… Paksyet ka, pinaiyak mo ako…” pinipigilan ko ang lumuha.


“Ay… birthday mo… ano ka ba? Wag ka nga. Wag kang iiyak, kundi di ako babalik jan sa Pilipinas.”


“Wag ka ng umalikn dito. Napapsarap ka na jan eh. May babae ka na ata jan eh. Jan ka na.” nagtawanan sila.


“Babe naman, alam kong mas gugustuhin mo pa rin naman akong makita.”



“Sobra kitang namimiss alam mo ba? Namimiss na kita. Sobrang na mimiss na kita. Oo, paulit-ulit ako dahil yun talaga ang nararamdaman ko. Kapag hindi tayo nagkakausap, parang araw-araw nasasaktan ako. Nakakainis ka. Tapos di mo pa ako binabati.”




“Sorry mahal ko ha. Di kita makakasama. Sorry ah. Mahal na mahal kita. Happy birthday mahal. Sorry, kagabi babatiin na sana kita kaso pinigilan nila ako.. sorry talaga.”



“Ayos lang… naiintindihan ko. Kung may purpose naman h maluwag kong tatanggapin. Pero sana ay bumalik ka na dito sa akin.”


“Gusto ka nga pa lang batiin nila mama.” Sabi ni Kieth


“Hay anak… sorry di kami makakauwi jan. itong si Kieth gusting-gusto ka ng makita. Happy birthday anak.” Sabi nito.


“Salamat po. Kamusta pala po si papa?”


“Eto siya oh.”


“Alex anak… ano kamusta ka na? okay na naman ako. Doing fine. Happy birthday. Sorry kung inaagaw ko ang anak ko ha. Konting panahon na lang. hintay-hintay lang.”



“Opo… pagaling po kayo agad ng makauwi na yang gwapo ninyong anak.” Sabi ko.


“Naku iho wag kang mag-alala, bantay sarado tong si Kieth, kahit pinagkakaguluhan na ng araming chicks eh ikaw pa rin ang inuuna.”


“Mahal ko!!!!” biglang luambas sa screen si Kieth.



“Grabe. Di naman halata na miss mo ako.”


“Gusto na kitang yakapin… haixt.”


“Ako din… gusto na kitang yakapin.”


“Haixt. Enjoy your birthday ha. Kahit na nagsasawa ka na sa mukhang ito, mahal na mahal pa rin kita. Alam kong hindi ako perfect boyfriend at hindi ako perfect na tao at nakakagawa ng pagkakamali, pero sana wag kang magsasawang mahalin ako. Alam mong ikaw na ang mundong ginagalawan ko. Hindi ko kakayaning mawala ka. Alam kong mahal mo ako at ganun din naman ako sayo. Tandaan mo lang lagi na narito ka sa puso ko. I LOVE YOU!!!”



Halos lahat sila ay naghiyawan sa narinig kay Kieth. 


Parang nagkaroon naman ng sigla ang puso ko sa mga narinig ko. 


Para bang nagliwanag ang aking mundo.


“Aalis ka na?”


“Oo? Pati di ka mag e-enjoy kapag nandito ako. Try to be happy without me in your birthday for now. Babawi ako sa mga birthday mo pa. Promise yan.”



“How I wish you are with me.”


“How I wish nga mahal ko.”


“Anong gift mo sa akin?” tanong ko.


“May cake kami dito. Ibibigay ko sayo.”


“Baka naman makain ko pa yan. Baka sira nay na pagdating dito.”


“Oi hindi ah. Papa LBC ko to para sayo. Yaan mo, diyan mapapanis dahil papasarapin pa yan ng pagmamahal ko.”


“Ay ewan.”


“Oh siya, Blow you candles na.”


“Sige lang ha.”


“Make your wish… then 1… 2… 3..” at hinipan ko yun kahit wala naman akong hihipan.


“happy birthday to me.” Sabi ko.


“Enjoy mahal ko.”


“Bye… missing you na. I love you.”


“I love you too.”


Then nagpalakpakan sila. 



Dumating ang isang higanteng cake na may maraming candles. 


Sabihin lang nila kung gusto na nila akong patayin sa pag-ihip.


“Exage sa cake ah.” Sabi ko.



“Medyo mahal yan.” Sabi ni Charlene.



“So magkwe-kwentahan na tayo agad-agad? Ganyanan eh. Birthday ko oh.”


“Ang arte mo. Hahaha. Siya, wish ka muna best.”



Ipinikit ko ang aking mata at inisip ang aking kahilingan. 


Masaya na ako sa birthday ko. Kahit papaano ay nakumpleto na rin ako. 


Ayaw ko nang mag-isip ng kung anu-ano at kailangan ayusin ko na ang mga bagay-bagay.


Hinipan ko yung candles at lahat sila nagpalakpakan. 


I open my eyes and start to smile one by one to them.


 Lahat sila naghiyawan. 


Kumanta silang ng isang “happy Birthday Song” para sa akin. 


Matapos iyon ay nagkaroon na ng malalakas na palakpakan at hiyawan.


“Party party! Sigaw ko”


“Excited lang babe?” napatingin ako sa likod ko.










Yung taong may hawak ng cake ko… si Kieth?


 Pero kanina si Jake ang may hawak ng cake ko. 


Natigilan ako at parang na-starstruck sa nangyare. 



Shit!


Di na ako nagpatumpik tumpik pa at niyakap siya. 



yung cake muntikan ng mahulog pero kinuha naman ito agad nila Charlene. 



Grabe ang kaba na nararamdaman ko ngayon, ang lalakas ng tibok ng puso ko na nararamdaman ko ngayon. 



Hindi pa rin ako makapaniwala na narito na nga siya.



Di na ako nagpigil sa mga luha na tumulo sa aking mga mata. 



Napahagulgol na lang ako sa saya. 



Napakasaya ko ngayon, sa wakas nayakap ko na siya. sa wakas, kasama ko na siya.




[RD’s POV]



Watching him na masaya, masaya na rin ako. 



Kahit masakit, sobrang sakit ay ayos lang dahil nakikita ko muli ang kasiyahan sa kanyang mukha. Kaya nga lahat ng effort ko ibinigay ko kasi alam kong last na yun. 



Dahil last time ko ng makakasama si Alex.



Kieth is back and now, I am nothing. 



Nasasakatn lang ako sa nakikita ko kaya mas mabuting umalis na ako. 


Ayoko rin namang saktan pa ang puso ko, ayoko ng masaktan ang sarili ko.


Ang puso ng tao ay parang paa, napapagod… namamanhid… at higit sa lahat nasasaktan. 


Nasasaktan ako kahit alam kong hindi dapat. 


Ayaw ko na sanang makialam pero hindi ko rin naman matiis si Alex.



Habang paplayo ako sa lugar na iyon, natawag ng aking pansin ang isang lalaki na pamilyar sa akin… si Arjay. 



“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kaniya.


“Inaabangan ka.”


“Bakit?”



“You need someone to lean on.”



“I’m okay. Baka nga ikaw ang kailangan ng taong masasandalan. Am I right?”



“You’re not okay. At isa pa, wag mo ngang baguhin ang usapan. Me and my brother are now okay. Unti-unti ay nakakamove on na ako kay Kieth.”


“Okay sabi mo. Pero I’m okay lang.”



“You really love him, don’t you?.”



“So much.”


“Love more than mine.”


“Let’s not just talk about it.”


“Just kidding.”


“Tara.”


“Saan ba?”


“Magpakasaya.”


"When you really care about someone, their happiness is more important rather than ours.”


“You definitely hit the note.”


“Tara na nga. Mamaya maglaslas pa tayo dito.”


“When someone’s happiness is also your happiness… that’s love.”


“Yeah. It is.”


Hinila na niya ako sa sasakyan niya at pinaandar niya yung sasakyan. 



Sa kung saan man kami pupunta, yun ang hindi ko alam. 


Ang nasa isip ko lang ngayon ay ang magliwaliw dahil gusto kong libangin ang puso kong duguan dahil sa lintik na pagmamahal na nararamdaman ko.



Inihilig ko na lang ang sarili ko at unti-unti ay naramdaman kong bumibigat ang aking mga talukap sa mata. 


Nakatulog na pala ako ng hindi ko nalalaman. 


Nagising na lang ako nung biglang may dumapong malamig na bagay sa mukha ko. 


Si Arjay pala yun. May dala siyang tanduay ice at inilagay sa mukha ko para magising ako.


“Mukhang pagod ka ah. Tignan mo ang itsura mo, puyat na puyat.” Sabi niya


“Medyo.”


“Masyado mong minamahal kasi kapatid ko. Todo effort ka pa kanina. Iba talaga ang dala ng pagmamahal sayo RD. di ko akalin na makikita kitang ganyan. This is the first time na makkita kitang nagkakaganyan. Sabagay, nang dahil sa akin ay naipit ka na.”


“Heheheh. Nakakatuwang isipin lang na dati-rati ay patay na patay ako sayo. Pero I just found out na it’s just an infatuation. Nung dumating si Alex, doon ko nalaman na mahal ko pa rin pala siya. Maybe I’m just coward.” Sabi ko.


“Pero, gusto ko namang makitang Masaya silang dalawa. Sana nga lang din a tayo makagulo pa.”


“Sana nga.”


“Cheer up.”


“Sure. Hahaha. Pero, naks pakapatid-kapatid na ang tawag mo sa kanya… pero dati…”


“Just end that.”


“Okay.”



“Kamusta na pala pakiramdam mo?”


“eto inaantok pa. haixt.”


“Palusot.”


“Hahaha. Naka-move on ka na ba kay Kieth?” tanong ko.


“Medyo-medyo.”


“Paanong medyo-medyo?”


“Natatanggap ko na paunti-unti. Namumuhay na ako na wala siya. wala na rin namang saysay kung aagawin ko pa si Kieth kay Alex. In fact, alam kong sila rin naman bandang huli at wala na akong magagawa kaya mag le-let go na ako.”


“Para namang tinamaan ako doon.”


“Hindi mo ba kayang iwanan si Alex?”


“Ayoko… may bahagi sa puso ko na nagsasabing panghawakan ko ang feelings ko.”


“Pero alam mo namang masasaktan ka lang diba?”


“Wala akong pakiaalam. Simula noong mahalin ko si Alex ay tinanggap ko na ang katoohanan na maari akong masaktan sa mga gagawin ko.”


“Sa tanang buhay ko at sa pagsasama natin, ngayon lang kita nakitang desperado.”


“Desperado na kung desperado pero talagang mahal ko lang ang kapatid mo.”


“Mahal ka ba niya?”


“Nararamdaman kong may puwang din ako sa puso niya, umaasa ako na somehow, marealize niya yun at ako ang piliin niya.”


“Hindi ka ba natatakot na sa ginagawa mo ay makakasira ka ng isang true love story, yung tipong fairy tale na?”


“Walang totoong fairy tale sa totoong buhay… yan ang tandaan mo.”


“Natatakot lang kasi ako sa nangyayari sayo. You change a lot.”


“Masyado mo na ata nalalaman ang kasakiman ko. Haixt. Masama na ba ako? Kontrabida nab a ako sa palagay mo?”



“Free your self from your doom.”



Naramdaman ko na lang ang sarili kong unti-unting umiiyak. 



Naramdaman ko ang sarili ikong nakakaramdam ng sakit galing sa aking puso. 



Nasasaktan ako sa mga nangyayari sa akin.



“Hindi ko na alam ang gagawin ko…”



Niyakap ako ni Arjay. 


Tinapik niya ang likod ko at nagsalita siya. 


“Kung mahal mo ang kapatid ko, matuto kang magparaya, mag let go. Piliin mo yung option na magpapaligaya sa kanya. Kung liligaya siya kay Kieth, hayaan mo. Kapag sayo siya liligaya, saka mo siya ipaglaban.”



“Minsan pala…. Minsan pala ay dapat alam mo kung saan ka lulugar. Hindi lahat ng mga bahay, tama ang gagawin mo. Gagawin ko kung ano yung sa tingin kong tama, pero kapag naramdaman kong mali na ako, titigil ako. Susundin ko kung anuman ang sinasabi ng puso ko na dapat kong gawin. Maraming salamat.”




“Wag ka lang mawawalan ng pag-asa. Cheer up ha.”


“Salamat.”


“Walang anuman. Pero salamat, salamat at pinasaya mo ang kapatid ko. Basta tandaan mo lang na kung saan siya liligaya ay yun ang piliin mo. Your love happiness is your own happiness.”


“It’s been rare na makita kang Masaya na tulad ngayon.” Sabi ko.


“I’m just overwhelm na okay na yung feelings ko. Na okay na ako. Na ready na akong mag give up at ready na akong magpaubaya. Im doing it kasi nararamdaman ko na okay na ako, I’m really fine right now.”


“Tara nga mag inuman na lang tayo.”


“Magdrive ka pa, wag masyadong uminom.”


“Tara sa bahay.” Yaya ko.


“Sige. Wait bili lang ako ng iba pa.”


“Sige.”


Alam kong hindi ko makakalimutan ang lahat ng sakit matapos kong uminom pero kahit saglit lang ay gustong makalimot. 


Alam kong masaya si Alex sa piling ni Kieth ngayon. 


Birthday niya ngayon at mukhang masayang-masaya siya. 


I hope na maalala man lang niya ako, kahit saglit lang.







[Kieth’s POV]



I’m the happiest man ever. 



Shit lang dahil sa wakas ay nakita ko na rin si Alex, ang taong pinakamamahal ko. 


Ang tagal kong inasam ito. 


Hindi ko siya mabitawan sa aking mga bisig. 



Ayaw kong mawala siya sa pagkakahawak ko.



“Miss na miss mo ang boyfriend mo ha.” Sabi bigla ni Kuya.




“Sobra nga eh.” Niyakap ko ulit ng mahigpit si Alex.




“Lamog na nga ako eh.” Biglang sabat ni Alex.




“Bakit hindi mo ba ako namiss?”




“Miss na miss. Sobrang miss. Yung tipong gabi-gabi iniiyakan kita dahil sa sobrang mahal kita.”



“Awww. Ang sweet.” Si Ate Kate.




“Ate magpapakasal na kami ha.”



“Batukan kita. Paunahin mo muna ako.”



“Nag-usap na kami ni mama.” Sabi ko



“Oh? Di nga?” si Alex.



“Malma ka kapatid. Sa susunod di ka na namin ilalayo, mamaya eh kung ano na gagawin mo.



“Tss. Halos masiraan ako ng ulo doon sa iabng bansa dahil yung mahal ko ay nandito sa Pilipinas.”




“Naku anak, kung anu-ano ang iniisip mo ah. Nag-usap nga tayo pero masyado mong sineryoso.”



“Ma… may ipapakain naman ako dito sa magiging asawa ko.”



“Mamanhikan ka muna jan sa magiging manugang mo.”



“Boto naman sila sa akin.”


“Mag-aral muna kayo. Kayo talaga.”



“Naku… adik mo. Si mama boto sayo, eh di ka pa namamanhikan sa isa.” Sabi ni Alex.



“Alam mo namang bokya ako jan. Mahal, kung gusto mong matuloy ang kasal natin, din a antin kailangan approval niyan.”



“Try mo lang naman. Para sa akin, alam ko namang magiging okay kayo. Mag-usap lang kayo ng maayos.”




“Saka na. Hindi ko pa rin naman nakakalimutan yung mga pinagsasabi niya sa akin.”



“Kaw talaga.”




“Nga pala anak… sabihin mo na yung good news mo.” Sabi ni mama.




“Ano yun?” tanong ni Alex.




“Secret.”




“Ano nga? Pabitin naman to eh.”




“SIge na nga. Pero isang kundisyon.”




“Ano yun?”




“Kiss.”



“Ewan sayo.”



“Sige wag na.”


“Oh eto na.”


Hinalikan niya ako sa labi. 


Smack lang dapat yun pero niyakap ko siya at hinalikan. 



Torrid kung torrid and I don’t care kung sino man ang nandoon. 


Namiss ko yung halik ng mahal ko.


Kinurot niya ako sa baywang ko kaya napatigil ako. 


“Aray.” Sabi ko.


“Ang salbahe ah.”


“Ayaw mo ba?”


“Mamaya na.” tapos kinidatan niya ako.



Napalunok naman ako agad sa sinabi niya sa akin. 


Shit, mamaya daw. 


Ibig sabihin, waaah. 


This is it pansit. 


Nakaramdam naman ako ng init bigla kaya napa unbutton ako nung suot kong sweater. 


Shemay, nag-iba bigla ang pakiramdam ko.


“Nag init bigla si kapatid.” Sabi ni Ate.


“Di ah.”


“Makaka-jackpot ka mamaya.” Si Kuya.


“Hoy... babata ninyo pa eh. Alex sa tabi kita matutulog mamaya ha.” Si mama.


“Hahahaha. Oh narinig mo babe, sa tabi daw ako ni mama matutulog.”


“Ma… behave lang kami promise.. wala kayong maririnig na ingay.” Sabi ko.



“Aba… at may balak ka talaga.”


“Ma, eto rin naman ang pa-birthday ko sa kanya. Alam ko namang inaasam niya ako ma.”


“Tumigil ka nga. Dami mong alam. Di ka na nahiya kay tita.” Si Ate.


“Yung good news mo? Yun na ba yun?” Singit ni Alex.


“Joke lang yun.”


“Ahrrrgsh. Grabe.”


“Joke lang.”


“Ano nga kasi? Pabitin.”


“Excited lang?”



“Ewan sayo. Jan ka na lang. aasikasuhin ko pa mga bisita.”


“Di na tayo maglalayo…” sabi niya


“Ha?”


“Di na kita iiwan, dito na ako sa tabi mo magpakailanman. Di na ako aalis jan sa tabi mo at magsasama tayo mag pakialnman.” Sabi ko.


“Ibig sabihin….”


“Yup… okay na si papa. He’s alright at pwede na kaming umuwi dito. Tapos na yung therapy niya at successful ito.”


Napatalon siya sa tuwa at niyakap ako ng mahigpit. 


Naamoy ko na naman ang pabango nia nakay tagal kong hinanap hanap. 


Di ko napigilan ang sarili ko at nahalikan ko siya sa leeg. 


Agad naman siyang kumawala.


“Excited?”


“Medyo.” 



Bigla naman akong bumulong sa kanya. 


“Babe, kung alam mo lang, I reserve everything for you. Ilang buwan kong nagpigil kaya alam mo na ang mangyayari mamaya.” Then I kissed him.


“Adik mo lang. ANg libog mo kahit kalian.”


Lumayo siya ng onti sa akin at umupo sa may upuan. 


Tumabi ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya.


 “I love you.” Sabi ko.



“I love you too.”


“Nga pala, paano yung pag-aaral mo?”


“Hindi naman ako nag cross enroll, tinutulan ako ni papa. Bali, naka enroll ako sa school natin. hahaha. Hindi ko lang talaga pinasabi kay ate. Ang alam din kasi niya ay magcorss enroll ako but then, hinarang ni papa.”


“I’m the most happiest person in this world.”


“No, we are.”


“Salamat.”


“Sorry sa mga pagkukulang ko. Hope may babalikan pa ako.”


“Siyempre naman.”


“Baka kasi alam mo na, may naipalit ka na sa akin. Pero promise, wala akong kalokohang ginawa doon, itanong mo pa kay Arjay. At isa pa, ikaw ang nasa isip ko. Lagi lang akong nasa bahay namin.”


“Masyado ka ng defensive ha.”


“Just stating the facts.”


“Okay sige pagbigyan.”


“I love you..”


“I love you too.”


Ilang sandali lang ay napansin kong palinga-linga siya. 


Hindi ko alam kung bakit kaya nagtanong ako sa kanya. 



“May hinahanap ka ba?”



“Ah eh… si Arjay biglang nawala eh…”




“Ah ganun ba… Uhm… oo nga no.”




“Kasi pati si RD di ko na mahagilap.”



Natahimik na lang ako sa sinabi niya. 


Napansin siguro niya ito kaya nagtanong siya sa akin. 


Hinarap niya ako at muli, hinawakan niya ang kamay ko.



 Hinalikan niya ito at nagsimula ng magtanong.


“May problema ba?”


“Wala naman. I’m okay.”


“You’re lying.”


“No Im not. I’m not lying from you.”


“Yes you are. Kilala kita. Oh malapit ka ng mabadtrip nan.”


“Naiinis lang ako.”


“Bakit?”


“Ako ang nandito pero iba ang hinahanap mo.”



“Napakaseloso mo naman.”





“Im serious and Im not joking.”





“Sorry.”


“Okay.”


“Wag ka ng magalit.”


“Hindi ako galit.”


“Eh bakit nakasimangot ka? Baka naman badtrip ka lang sa akin. Sabihin mo lang.”


“Badtrip lang talaga ako.”


“Sorry na. Ako na naman ang nakabadtrip sayo.”


Nagulat na lang ako nung lumuhod siya sa harapan ko. 


“Hey stand up. Nakakahiya sa kanila oh. Birthday na birthday mo eh umeeksena pa ako dito.”


“Galit ka sa akin eh.”


“Hindi ah.”


“Galit ka eh.”


“Napaka-childish mo.”


“Mas childish ka.”


“Okay na. sige na. baka kung ano pa siipin nila eh.”



“Di ka na galit?”


“Hindi na.”


“Sige. I love you.”


“I love you too.”


“Halika nga dito.”


“Saan?”


“Upo ka sa lap ko.”


Niyakap ko siya ng nakatalikod siya sa akin.



 “Alam mo ba, tuwing umaga, nagtitiis ako na kayakap ang unan ko. Namimiss kasi kita. Pati yang amoy mo namiss ko.”


“Wag mo akong amuyin, ang baho ko nga oh.”


“Di ah. Mabango ang pawis ng mahal ko. Namiss ko kung ano ka. Haixt.”


“Ang swerte ko sayo mahal ko.” Sabi niya


“Bakit naman?”


“Kasi you always ensure that I will feel inlove to you.”


“Sorry ka kung minsan kulang ang ibinibigay ko.”


“Ano ka ba sobra-sobra nga eh. Ako nga tong may pagkukulang.”


“Let’s just forget it.”


“Okay.”


“Basta tandaan mo yung sinabi mo kanina.”


“Ano yun?”


“You will be mine tonight.”


“Wala akong sinabi.”


“Pero we made a promise… pagbalik ko… we will become one. Akin ka na mamaya. At excited ako doon.”


Nararamdaman ko na yung paglaki nung nasa between ng legs ko. 



Alam kong nararamdaman na niya iyon kaya tumayo siya. 


Bigla naman akong napatawa sa kanya.


Kitang-kita ko ang pamumula niya at tinawanan ko siya.


 Agad naman siyang tumakbo palayo. 


Natawa na lang ako sa nangyari sa kanya. Haixt. 


Kaya kong maghintay at hindi ko naman siya pipilitin. 


I love him so much and I respect him.


Bigla akong nagutom kaya tumayo ako at kumain ng handa niya. 


Medyo wala rin akong pahinga dahil na rin sa byahe naming kanina.


 Kauuwi lang naming ng Pilipinas at wala pa akong definite na tulog.



(Itutuloy)

5 comments:

  1. Ang ganda ng story, kieth wag mo na paiyakin si alex ha.

    ReplyDelete
  2. kaya ko nagustuhan tong kwnto na to kasi pwede mong ispin n pwede syang iapply sa real life. pero, yung birthdy surprise na may pagsabog sabog, tapos matatakot yung bida, tapos andun mga professors at student body, na may kumakanta-kanta, nagiging OA na yung kwento. hindi na realistic unlike sa mga unang chapters. tsaka sa una lalaking lalaki si alex biglang naging babaeng babae na OA din nagi2ng reactions. on the brighter side, may progress na ung kwento, anjan na si keith.

    ReplyDelete
  3. One of the best stories tlaga to for me!! Congratulations Mr.Author ang galing mo!!! Keep it up! Gusto ko na tuloy mainlove..hahaa thanks anyway! :)

    ReplyDelete
  4. Kuya Kyle!!! HAhaahha, first time kong magcomment! I like all your stories, keep it up. Naku,, anu kaya ang mangyayari sa story na ito.:)) NAkakaexcite!

    _Josh

    ReplyDelete
  5. ganda ng mga stories mo Kyle.. congrats ^_^

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails