Followers

Sunday, November 24, 2013

WONDER ERMINGARD (Preview)


"Ne... Ano Ba... Magtiwala ka sa akin at isubo mo na ang bato at nanganganib na sa kamay ng mga Rapist ang Babae..." Ang ani ng Lola sa dalaga.

"La naman... Gutom langyan... Tumawag na lang po tayo ng Pulis..." Ang sagot naman ni Ermingard.

"Baka mahuli na ang lahat... Kung ayaw mo eh ako na lang ang magsusubo ng bato..." Ang naiinis na sambit ng matandang babae sa ayaw pa ding maniwalang dalaga.

"Lola naman ih..." Ang maarteng reklamo ng Dalaga at wala na siyang nagawa pa at kaagad niyang kinuha sa kaniyang bulsa ang ibinigay na puting bato kanina ng matandang babae.

"Isubo mo na..." Ang nagpaPanic na usal ng matanda.

"Magtiwala ka Ineng..." Ang dugtong pa ng matandang babae.

"Tapos sisigaw ako ng Darna..." Ang pilyang sagot naman ni Ermingard.

"TANGA!!! Ibang bato naman yun!!!" Ang galit na usal naman ng matandang babae.

"SAKLOLOOOOOOOO!!!" Ang malakas na sigaw muli ng babaeng nireRape.

"Bilisan mo na Ineng..." Ang muling pakiusap ng nag-aalalang Matandang Babae.

"Sige na nga Lola..." Ang sambit na lamang ni Ermingard sa matanda.

Hindi pa rin talaga makapaniwala ang Tindera ng Isda na si Ermingard sa sinabi sa kaniya ng matandang babae na siya ang magiging tagapagmana ng mahiwagang bato dahil sa kaniyang ipinakitang kabusilakan ng kaniyang puso dito kanina...

Sadyang matulungin lang talaga ang maarteng dalaga kaya naman kaniyang tinulungan ang matandng babae at higit sa lahat ay hindi talaga siya naniniwala sa sinasabi sa kaniya ng matanda na may kapangyarihan ang mahiwagang bato...

"Pagkalunok mo ng bato ay lagyan mo lang ng 'WONDER' ang pangalan mo at yun ang isigaw mo..." Ang muling ani ng matandang babae kay Ermingard.

"Wonder Ermingard?" Ang pagkoConfirm naman ng dalaga.

"Oo Ineng..."

Kahit na nagdadalawang isip ang dalaga'y agad niyang sinunod ang sinabi ng matanda at kaniya nang isinubo ng puting bato...

Nang akmang lulununin na ni Ermingard ang bato'y nanlaki ang kaniyang dalawang mga mata nang bigla na lamang bumara sa kaniyang lalamunan ang bato...

"UWAAARRRRRGGGGGKKK..." Ang nasusukang duwal ng dalaga sabay suka niya ng bato.

Labis ang pagkagulat ng Matandang Babae nang tamang tamang tumalsik ang bato mula sa bunganga ni Ermingard at direDirecho itong naShoot sa banyera ng mga buhay na Tilapiang paninda ni Ermingard..."

"Dali kunin mo ang Bato..." Ang nagpaPanic na sambulat ng matandang babae sa Dalaga.

"SAKLOLOOOOOOOO!!!" Ang muling tili ng babae na siyang ikinaPanic na din ni Ermingard.

"SYET!!! NASAN NA!!!" Ang bulalas ni Ermingard nang wala siyang nakapa sa loob ng banyera ng mga tumatalong tilapia.

"Hanapin mo at dyan lang nahulog..." Ang inis na sambit ng Matandang Babae ngunit Clueless na Clueless ang dalawa dahil hindi nila alam na nilunok na pala ng isang Tilapia ang mahiwagang Bato....


ABANGAN ANG UNANG PAGSABAK SA BAKABAKAN
NG ATING BIDANG SI ERMINGARD SA

MALAPIT NA!!!

3 comments:

  1. Hahaha preview pa lang funny na kuya ponse..

    Cguro ubg tilapia wonder tilapia hehe

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails