kinabukasan
pagpasok halos hindi matigil yung paghihikab ko..bakit ba hindi maalis sa isip
ko si irene..napabuntong hininga lang ako pagbaba ng motor ko. "Sarap mo
suntukin aldred." batok ko sa sarili ko.. " si blue lang..sya lang
naiintindihan mo." pinuno ko lang ng hangin yung dibdib ko saka nagsimulang
maglakad papunta sa room namin.. Malayo palang tanaw na tanaw ko na si irene na
nasa harap ng room namen.. Pinagmasdan ko lang sya habang naglalakad ako
Pinilit ko naman ngumiti sa kanya.. Ano bang gagawin ko.. Hindi pwedeng
ganito..
" morning crush." matamis na
ngiti nito.
" morning din anong ginagawa mo dito.?"
" wala lang.. Here oh.?" ngiti niya saka inabot sakin yung
sandwich na hawak niya. Kumunot naman yung noo ko.
" bakit mo ko binibigyan niyan.?"
" eh kasi di ba sabin mo ayaw mo ng chocolate or flowers.. Kaya
sandwich nalang..? Tanggapin mo na saka kaibigan mo nanaman ako di ba.?"
" irene kasi.. Hindi mo kailangan gawin to."
" sige na please..?"
" ok sige.. Pero last na to huh.. ?"
" ayoko.. Tomorrow anong gusto mo.?" ngiti niya napakamot
naman ako sa ulo skaa muling inabot sa kanya yung sandwich
" irene kasi alam mo naman di ba na may syota ako.?"
" yeah pero sabi mo understanding naman sya.. Sige na.. Napapasaya
mo kasi ako kaya gusto ko lang suklian yun.?"
" yeah understanding sya.. Pero hindi ko naman sinabi na hindi sya
seloso di ba... Kasi nagseselos sya sayo eh.?"
" ganun ba.. Sige na nga last na to.. Tanggapin mo na yan.."
" tatangapin ko to.. Kung ipapromise mong last na to.. "
" ok sige promise."
" wala naman tong gayuma
right.?" pilit na ngiti ko.. Natawa naman sya sa sinabi ko.
" hindi naman ako ganun.. Grabe ka aldred huh.. Crush kita pero
hindi naman ako marunong nun.. Pero effective ba yung ganun.?" kunot ang noong
tanong niya kaya napangiti lang ako.
" malay ko.. Bakit mo tinatanung.. Hindi na talaga ko tatangap ng
kahit na anong food from you." ngiti ko sa kanya.
" ay grabe.. Joke lang hindi ko gagawin yun.."
" ok sige.. Pasok na ko.. See
you around."
" ok alis na ko..bye aldred.." ngiti niya saka tumalikod at
naglakad.. Pinagmasdan ko lang sya habang papalayo sakin.. Napabuntong hininga
lang ako.. Papasok na sana ako ng may napansin ako sa sahig.. Agad ko naman
tong dinampot.. I.D niya.. Irene Sebastian..? Kaapilido pa niya si
blue..nababaliw ka na aldred.. Saad ko lang saka nilagay sa bulsa ko yung I.D
ni irene.
Reccess na nun. Naglalakad na ko papuntang canteen ng lumapit sa akin si
lyka.. Isa sa mga namumuno sa ginagawa naming stage play.
" aldred... Wala tayong praktis mamaya huh."
" bakit.?"
" eh sa absent yung princess mo.. Kaya pano tayo magpapraktis.. May
sakit daw eh.?"
" ganun edi ba lyka.. Malapit na yung play natin.. Ano daw sakit ni
karen.?"
" duengue daw eh.. I hope gumaling sya agad.. Kailangan natin
maperfect yung play natin eh.. malapit na pa naman yung anniversary ng
school."
" hindi naman siguro
sya malala.. ?"
" sana.. Pupunta ko
dun after class.. Gusto mo sumama.?"
" uhm lyka kasi may
lakad ako mamaya eh.. Pakasabi nalang kay karen get well soon.."
" ok sure.."
" uhm wait lyka..
What if kung hindi na kaya ni karen magperform pa sa play. Anong option
natin.?"
" ahh.. Iniisip ko na din yan eh.. Nakausap ko si
irene.. Kilala mo sya di ba.?"
" yeah..
Bakit.?"
" hindi mo ba
napapansin lagi syang nandun kapag may praktis tayo.. Lalo na kung yung scene
mo yung pinapraktis natin.. Lage syang nasa gilid.. Well if and only if lang
naman.. Mukha naman bagay sa kanya yung role eh.."
" eh anong sabi
niya.?"
" ok daw sa kanya.
Mukha ngang natuwa pa eh.. Laki ng gusto sayo nun.."
" ah ok.."
" sige prince aldred.. Una na ko..
Mukhang gutom ka na eh." ngiti ni lyka kaya natawa lang ako.
" eh ikaw hindi ka
pupunta ng canteen..?"
" dami kong
kailangan gawin eh.. Lunch nalang ako babawi. Alis na ko.." saad niya..
" ganun.. Sayang
ililibre sana kita eh.?" saad ko saka tumalikod.
" teka.. Ililibre mo
ko..?" harang niya sa dinadaanan ko..
" joke lang.. Ang
yaman yaman mo.. Dapat nga ako ilibre mo eh."
" hoy aldred.. Mas
mayaman kayo.. Ilibre mo na ko.."
" eh kala ko ba may
gagawin ka pa.?"
" ah oo nga
pala.." kamot niya sa ulo.. " uhm ganito nalang since ililibre mo ko..
Dalhin mo nalang din sa room ko..?" ngiti niya.
" ate lyka ililibre
na nga kita.. Tapos dadalhin ko pa sa room mo.. Abuso ah..?"
" anong ate..? Gusto
mo batukan kita.?"
" joke lang.."
" basta dalhin mo
nalang huh,. Ganyan dapat ang prinsipe.. Mabaiittttt.. Una na ko." ngiti
niya saka tumalikod.. Napakamot lang ako sa ulo saka nagsimulang maglakad.
" mapapagastos tuloy ako.
Hangang maguwian na.. Tinatahak
na ng motor ko yung papuntang school ni blue ng makita si irene na naglalakad..
Hininto ko naman yung motor sa tapat niya saka tinagal yung helmet.. Kita ko
naman yung gulat sa mukha niya dun ko nakita yung patak ng luha sa mata niya.
" bakit ka naglalakad.?"
" ah eh.. Wala
lang..?"
" anong wala lang..
Umiiyak ka ba.?"
" no hindi...uhmm san
ka papunta.. Hindi naman to yung way mo di ba.?"
" ah susunduin ko kasi si blue sa
school nila.. Bakit ka naglalakad.?"
" uhmm.. I lost my wallet.." nakatungo niyang saad.
" huh nawala.. ? Bakit hindi ka nalang nangutang sa mga classmates
mo.. Wala ka bang kaibigan.?"
" meron naman kaso nahihiya ako eh.. Sige na sunduin mo na si
blue.. Baka nagaantay na yun.?"
" maaga pa naman.. Hatid na kita."
" no.. Wag na.. Baka makita tayo ni blue..saka malapit nanaman ako
eh.. Una ka na.?"
" sakay ka na.. Maaga pa."
" aldred kaya ko na.. Sige na." ngiti niya lang sakin.
" i insist.. Tara na sakay na.?"
" makulit pala yung crush ko.." natatawa niyang saad. "
ok lang talaga ko.."
" ok ka jan.. Eh nakita kaya kitang umiiyak habang naglalakad.. Yun
ba yung ok.?"
" uhm napuwing lang ako.. Ang alikabok kaya."
" lokohin mo pa ko
tara na.. Hatid na kita.. Mejo maaga pa naman eh saka kung sumakay ka na kanina
pa.. For sure andun na tayo sa inyo."
" aldred ok lang talaga ko.?"
" irene.. Wag ka ng makulit.. Hindi ako aalis hanggang hindi kita
naihahatid.. Hindi kaya bagay sayo na naglalakad lang.. Tara na please.?"
" pero aldred..?"
" please.?"
" ok.. Mapilit ka eh.. Kung hindi lang kita crush.. Ang totoo kasi
takot ako sumakay sa motor.?" pilit na ngiti niya sakin.
" takot ka sa motor.. Eh yung tricycle? Motor yun di ba.?"
ngiti ko sa kanya.. Natawa naman si irene sa sinabi ko.
" iba naman yun... Yang motor mo single lang.. Walang sidecar..
Kaya nakakatakot saka madami kayang naakasidente sa motor.. Hindi ka ba
natatakot.?"
" nasa pag-iingat naman yan.. Saka yung mga naaksidente kadalasan
mga lasing eh.. Hindi naman ako lasing so bakit ka magtatakot..sakay ka
na..?"
" eh di ba.. Naaksidente ka na before.. Hindi ka naman lasing
nun."
" pano mo nalaman yun.?"
" nakita kita before.. Paika ika ka maglakad.. Tapos tinanong ko
yung classmate mo.. Sabi naaksidente ka daw sa motor." irap niya sakin
napangiti lang ako.
" minor injury lang naman yun.. Sakay ka na promise mag-iingat
ako.?"
" natatakot talaga ko eh.?"
" irene kasi.. Uhm baka uwian na nila blue.. Sakay ka na.?"
kita ko naman na natigilan sya saka humugot ng malalim na hininga pagkatapos ay
tumitig lang sya sakin.. " sasakay ka na ba.?"
" ok.. Pero please magingat ka sa pagdadrive huh.?" napangiti
lang ako sa sinabi niya. " aldred kahit crush kita.. Takot akong mamatay..
May mga gusto pa kong gawin.?"
" don't worry... Akong bahala sayo.. Sakay ka na miss
beautiful"
" bolero ka pala huh.." saad niya lang pagsakay sa likod ko..
Natigilan lang ako ng maramdaman yung kamay niya sa bewang ko. " aldred ok
lang ba kung dito ako humawak.?"
" yyyeeaah.. Kapit ka huh." saad ko nalang saka pinaandar yung
motor... Sinabi niya naman sakin kung san sya nakatira hanggang makarating kami
sa tapat ng isang malaking bahay bumaba naman sya pag tigil ng motor..
" hindi ka naman pala nakakatakot magdrive eh.." ngiti niya
lang sakin.
" sabi sayo eh.. Bakit parang iba yung way mo kanina...eh malapit
lang pala bahay niyo.?" napansin ko naman na natigilan sya saka kinuha
yung phone niya sa bag.
" ahh ehhh.. Kasi may dadaanan pa sana ako..?"
" oo nga pala kinausap ka ni lyka.?"
" yeah.. Sabi niya kung hindi kaya ni karen.? Na magperform pa..
Kung pwede daw ako..?"
" yeah.. Nasabi niya nga sakin.. Ok lang sayo.?"
" oo naman.. Kabisado ko kaya yung mga lines nung princess mo.. Eh
parang mas magaling pa ko dun eh.."
" wehh hindi nga.?"
" oo nga.. Hindi ko nga alam kung bakit yun ang napiling princess
.. Wala man lang kabuhay buhay.. Maganda nga. Kaso parang hindi naman marunong
mag-act."
" grabe ka naman.. Magaling naman si karen ah..?"
" hindi kaya.. Pero syempre sana gumaling sya.. Pero kung hindi.. Tingin ko mas bagay
tayo."
" tingin mo.?"
" yeah.. Mas sobrang bagay tayo.."
" ah ok.. Una na ko huh.. Sunduin ko pa pala si blue eh."
ngiti ko lang.
" sige.. Ingat ka crush." saad lang niya tinanguan ko naman
sya saka pinaandar yung motor.. Tama ba tong ginagawa ko.. Naawa lang ako sa
kanya.. Hindi naman siguro iba yung nararamdaman ko..
SI IRENE
ilang sandali akong nakatayo sa labas ng bahay ng makita yung sasakyan
ni daddy sa di kalayuan.. I know nakita niya si aldred..napangiti lang ako
habang nakatingin sa sasakyan Binuksan ko naman yung gate saka pumasok maya
maya narinig ko na tumigil yung kotse sa harap ng bahay.. Muli lang ako humarap
dito.. bumaba lang si daddy mula sa sasakyan saka pumasok sa gate.
" bakit kasama mo sya.?" galit na saad nito . " irene
sumagot ka bakit kasama mo si aldred.?"
" bakit anong masama kung kasama ko sya.?" sarkastiko kong
ngiti kay daddy saka pumasok sa loob ng bahay pero sumunod lang sya sakin saka
hinawakan ako sa braso.
" ilang beses ko bang sasabihin na wag mo ko tinatalikuran.. ako pa
rin ang daddy mo.?"
" daddy.? Talaga lang huh." sinamaan ko lang sya ng tingin
ramdam ko naman na humigpit yung hawak niya sa braso ko.
" bitiwan mo ko . "
" anong gagawin mo huh.?"
" Dun ka na sa asawa mo. Ano bang ginagawa mo dito.?" agad ko
lang tinggal yung kamay niya sa braso ko.
" alam mong may relasyon sila ng anak ko.?!"
" i know dad.." ngiti ko lang.
" irene anong pinaplano mo.?!"
" wala.?? ano naman tingin mong pinaplano ko... Hindi ka ba
magtatanong kung nasan si mama..?.. Alam mo bang dinadala niya na dito yung
lalake niya..?"
" irene please layuan mo si aldred.."
" at bakit ko sya lalayuan..ahhhh dahil sa syota sya ng bakla mong
anak..? Manigas ka.!"
" irene anak.. Ako nalang.. Wag si blue..?"
" tingin mo ba dad mahal ko si aldred.. HIndi.!.. Kasi galit ako
sayo.. At si blue ang gagantihan ko..!"
" Lalayuan mo sya."
" bakit.. Hindi ko gagawin yun.. Di ba ang saya.. masasaktan yung
anak mo.. Ang saya di ba.?.. So lumabas ka na daddy baka hinahanap ka na ng
asawa mo.. "
" irene.."
" daddy may tanong ako.. Kahit konti ba minahal mo kami ni mama.
Kahit konti ba nagkapuwang ba kami jan sa puso mo.? O talagang kabit lang ang
tingin mo kay mommy.. At sakin.. Isang dakilang anak sa labas.?"
" irene binigay ko lahat ng
pangingilangan mo.. Hindi ako nagkulang."
" binigay mo lahat..? Hindi.. Kasi kahit kailan hindi ko naramdaman
na minahal niyo kami ni mama... Narinig ko pa nga last time nung nagaaway kayo
ni mama.. Di ba sabi mo.. Kami yung pinakamalaking pagkakamaling nagawa mo sa
buhay mo.? At pinapangako ko sayo.. Ako ang pagkakamaling sisira sayo."
" anak mahal kita..?"
" talaga.. ? Hindi.. Hindi mo ko mahal daddy.. Bata palang ako
ramdam ko na yun.. Di ba gusto mo pang ipalaglag ako ni mama.. Pagmamahal ba
ang tawag mo dun.? Ganun ka ba magmahal..? Huh ganun ka magmahal..?" duro
ko kay daddy.. Pinigilan ko naman pumatak yung mga luha sa mata ko.. Aya kong
makita niya kong umiiyak hindi ko ipapakita sa kanya na mahina ako.. Hindi ako
papayag.
" irene.. Wag mo idamay si blue.. Anong kailangan mo sabihin mo
lang.?"
" si aldred lang ang kailangan ko.. Sya lang.. Alam mo kasi kung
hindi mo naman binuntis si mama nuon at hindi ka nagtaksil sa asawa mo.. Edi
sana wala kang problema ngayon at hindi ako nasasaktan ngayon..."
" hindi mo aagawin si aldred." natawa naman ako ng payak..
Hinawakan naman ni daddy yung braso ko sinimaan ko lang sya ng tingin. "
hindi.. Naiintindihan mo ba huh."
" nasasaktan ako dad.!"
" binabalaan kita irene.."
" tingin mo matatakot ako dad.. Ikaw ang matakot.. Pasalamat ka
wala akong ginagawa para masira yang pamilyang pinakaiingatan mo.. Kaya kong
gawin yun ..oo kaya ko..pero anong ginawa ko Lumipat ako ng school para iwasan
si blue.. Di pa ba sapat yun.. Daddy hindi ako nangulo.. Kahit si mama walang
ginawa.."
" wag si aldred.. Madaming lalake jan.. Wag sya naiintindihan
mo.!"
" dad.. Binigay ko na kay blue lahat.. Hindi ako humingi ng
atensyon sayo..uhmm oo nga pala Kahit naman humingi ako.. Hindi mo parin
ibibigay di ba.. Dad si aldred aagwin ko sya."gigil na saad ko tinagal ko
naman yung kamay ni daddy sa braso ko kita ko lang yung pagnganngalit ng ngipin
niya..
" hindi mo gagawin yun.."
" aagawin ko sya daddy.." gigil na saad ko. " Tandaan mo
yan.. At si blue..? Sinusurado kong sya ang iiyak.. Tama na. Sya naman ngayon
ang iiyak."
" hindi ko hahayaang mangyare yun."
" anong gagawin mo dad..?"
" mahal ni aldred si blue.. Kaya hindi mangyayare yang gusto
mo.."
" talaga daddy..?"
ngiti ko lang.. " si aldred.. I think nagkakagusto na sya sakin.. Konti
nalang.. Mapupunta na sya skain.."
" kakausapin ko si aldred,"
" subukan mo dad.." gigil na saad ko.. "pag ginawa mo yun
hindi ko lang aagwin si aldred.. Wawasakin ko pa yang pamilya mo..! Ang gusto
ko lang naman ngayon.. Makitang nagdudusa yung anak mo.. Katulad ng pagdudusa
ko ngayon.!" kita ko naman yung sama ng tingin sakin ni daddy. "
parang gusto mo ko patayin dad ah."
" irene binabalaan kita..!"
" aagawin ko sya kay blue..! Aagawin ko yung nagiisang taong
pinakaiingatan ng anak mo." isang sampal naman ang dumapo sa pisnge ko..
Napangiti lang ako pagkatapos ng sampal na yun saka tumitig sa mata ni daddy.
" bakit parang humina yung sampal mo dad.. Tumatanda ka na.. Malapit ka na
mamatay... At sana mangyare na yun soon" saad ko lang saka tumalikod.
" pakisara yung gate." sigaw ko saka pumasok sa kwarto.. Dun naman
tumulo yung luha sa mata ko.. " ihanda mo na ang sarili mo blue..
Mapupunta na sakin si aldred.!"
ang ganda ng story this is my frist time to comment, well job mr author, nakakainspire maging author :D
ReplyDeletekumplikado na mga sitwasyon, medyo gumugulo na. maagaw kaya ni irene si red? diko nmn masisisi si irene sa inasta nya sa daddy nya. ganun talaga pag nagtanim ng galit. pero mawawala din nmn yan pag nagkaayos.
ReplyDelete0309
Awwwww. Bad ni irene.. Sana hindi maagaw ni irene si aldred kay blue. Kawawa na naman si blue.. Kawawa din si aldred. Walang kaalam alam.. Aldred focus lang kay blue. Hehehehe..
ReplyDeletethanks sa update nasaan na c gio a c jeff to
ReplyDeleteOh my G! Aldred wag kang papatukso kay irene. Dapat kay blue ka lng. Makakatikim ka sakin pag nangyari un (may ganun talga?!)
ReplyDelete-hardname-
ano ba yan? Pinapagulo nman ang kwento eh
ReplyDeleteTaena tagal magupdate
ReplyDeleteWow, ang lalim ng pinanggagalingan ng mgs characters
ReplyDelete