Salamat po sa pagsubaybay at sa patience sa paghihintay. Sana magustuhan niyo po ang chapter. May idea na siguro ang iba sa campus na nasa istorya. :)
Comment, suggestion or violent reaction? Comment lang po dito o e-mail po niyo ako sa karatekid.stories@gmail.com.
Chapter 15
-Keith-
“Pareng Keith” agaw pansin ni
Roby, College rep ng Arts and Sciences.
Katatapos lamang ng aming huling miting para sa semester. Bago mag lunch kami nagmiting dahil ito ang
suggestion ng karamihan. Wala namang
agenda kaya parang get together na namin ito bago magtapos ang semester. Sabay-sabay kaming naglulunch sa student
union building. “Nabalitaan mo ba ung gulong
pinasok na naman ng frat nina Alex kagabi?”
Mula sa pagiging lutang sa pag-iisip, natawag ang atensyon ko sa sinabi
nito. Nafocus ang atensyon ng mga
kasamahan ko sa student council sa aming pag-uusap.
“Na naman?” wika ni Jade,
College rep ng Forestry na katabi ni Roby.
“Ikaw talaga Jade, huli ka
naman sa balita. Masyado ba talagang
malayo ang bundok na iyong pinanggalingan?” pang-aasar ni Mico, College rep ng Dev.
Com, kay Jade na kinurot naman nito sa braso.
Kadalasang inaasar nito si Jade dahil sa course nito na ang building ay
nasa kabundukan. Napaaray si Mico sa
sakit pero ipinagpatuloy nito ang pagsasalita. “Binugbog daw sina Alex at apat na miyembro ng
frat nila ng isa lamang kacollege ni Keith” wika nito kay Jade. “Totoo ba yun Keith? Kilala ko ba ung bumugbog?” tanong nito sa akin.
“Kilala ko kung sino” sumingit
si Divine, College rep ng Economics and Management. Sa kanya napunta ang atensyon ng grupo imbes
na sa akin na dapat sumagot ng tanong.
“Ung kaibigan ni Keith na umatend sa birthday party niya, si Yuri” nagtatanong
ang itsura ng grupo “ung kaisa-isang nalasing dun sa laro,” dagdag pa niya.
“Weeeeeeeeh, hindi nga?” mukhang
may naalala si Jade. “Di ba yun ung
umamin na bakla?” Tila naalala naman ng iba
kung sino ang tinutukoy nito.
“Ung mukhang hapon?” tanong ni
Roby kay Divine na ikinatango naman nito.
“Sus, totoo naman kaya iyon? Eh
sa liit noon, imposible ata. Baka naman
chismis lang iyan.”
“YUN PALA YUN” sigaw ni Marian,
College rep ng Human Ecology. Sa kanya
napunta ang atensyon ng lahat dahil sa sigaw niya. “Kaya pala namumukhaan ko siya. Nakita ko ung nangyari. Ako nga ung tumawag ng pulis eh” pagmamalaki pa
niya. Ikinuwento rin niya kung anong mga
nangyari kasama na ung mga detalyeng hindi naikuwento ni AN at Diana
kagabi.
Kitang kita ang pagkamangha sa
lahat dahil sa mga sinabi ni Marian. Parang
iniisip pa nila kung totoo ba talaga ang mga iyon. Pero dahil personal niya itong nakita at
idinetalye sa amin ang mga nangyari, wala ng kumontra sa kanya. Hindi ko alam na sinalag pala ni Yuri ung
tama ng arnis na dapat sana ay kay AN, isang detalyeng hindi naikwento kagabi
nina Diana. Pero dahil sinabi ni Marian
kung paano nakarecover si Yuri sa pagkakahampas sa kanya ng arnis, nawala rin
ang panandalian kong pag-aalala.
Hanggang ngayon, kahit halos
tatlong buwan na simula noong umamin na bakla siya, hindi ko pa rin talaga
maintindihan ang aking nararamdaman para kay Yuri.
Noong party, nagulat talaga ako
sa kanyang inamin kaya naman hindi rin ako nakakilos sa aking kinauupuan kahit
bumagsak siya dahil sa pagkalasing.
Hindi ko akalain na ang astig na taong ito ay bakla pala! Noong umalis sina AN, Kuya Kurt at Diana at
dinala si Yuri sa isang guest room sa aming bahay, bigla namang lumakas ang
usapan ng aking mga kasama sa org at student council tungkol sa kanyang inamin. Sari-saring mga kuru-kuro ang lumabas dahil
sa kanyang inamin. May mga nagsabi na tama
sila sa kanilang hinala at malamang nakipaglapit lamang ito dahil may gusto ito
sa akin. Mayroon ring nagsabi na kaya
siguro ganoon ang ugali nito ay dahil na rin sa katauhan nito. May mga nagsuhestiyon rin na layuan ko na ito
dahil makakasira ito sa aking imahe sa campus.
Hindi rin maawat sa katatawa at
kung anu-ano rin ang sinabi ni Katrina noong nakaalis na sina Yuri. Kahit wala na si Yuri, kung anu-anong insulto
pa rin ang sinasabi nito ukol dito. Ipinagtanggol
naman ni Tania si Yuri at dahil sa wala naman siyang kakampi sa party (sumama
si AN sa pag-assist sa natumbang si Yuri), umalis na rin si Katrina.
“Keith, pwede mo bang kunin ung
gamit ni Yuri?” bumalik si Kuya Kurt ilang sandali pagkatapos niyang dalhin si
Yuri. “Hindi ko kasi alam kung saan niya
inilagay.”
“Kuya, kunin mo na lang sa
aking kuwarto” dahil sa malalim na pag-iisip, ayon ang aking tanging isinagot sa
kanyang tanong. Ni hindi ko rin
kinumusta ang kalagayan ni Yuri.
“Sige, ako na lang. Baka makaabala pa kasi siya sa’yo” sarkastikong
wika ni Kuya. Magkahalong lungkot at
galit ang makikita sa kanyang mukha habang sinasabi niya ito. Alam ni Kuya na nagbago ang aking pakikitungo
kay Yuri dahil sa inamin nito.
Noong gabing iyon, hanggang
madaling araw ako nag-inom para mabura lang ang aking iniisip. Kinabukasan, hindi ko na inabutan sina Yuri,
si Diana pati na rin si Kuya Kurt sa aking paggising. Sinabi lang ng aming katulong na maaga raw
umalis sina Yuri at Diana at si Kuya Kurt ay babalik na raw sa Cebu. Hindi na rin bumalik si Kuya Kurt kahit noong
Christmas at bagong taon dahil raw sa tambak na trabaho nitong naiwan sa
Cebu.
Noong break, hindi mawala sa
aking isipan kung anung dapat kong gawin sa darating na pasukan. Dapat ko ba siyang kausapin o huwag na lamang
siyang pansinin. Sa totoo lang, hindi
naman ako galit sa kanya dahil sa kanyang hindi pag-amin. Ang inaalala ko lang naman ay baka masira rin
ang aking imahe sa campus kapag nagkalapit kami katulad ng sinasabi ng iba kong
kasamahan sa org. Hindi sa hindi ako
nakikipagkaibigan sa mga bakla pero dahil alam ko, kapag nakipaglapit ako kay
Yuri, hindi ko rin mapipigilan ang aking sarili at baka mas lumalim pa ang aking
pagtingin para sa kanya. Kaya naman
nagdesisyon akong huwag na lamang siyang kausapin.
Dumating muli ang pasukan. Katulad nang aking naging desisyon, hindi ko
na nga kinausap si Yuri. Kapag lecture
ng programming, umuupo ako ng malayo sa kanya.
Sa laboratory naman, kapag matapos ang ilang announcement na dapat
sabihin ng aming prof, umaalis na rin ako at hinahayaan siyang gawin ang aming exercise. Hindi ko iniintindi si Yuri. Para bang hindi siya nag-eexist kahit pa
kapartner ko siya sa lab. Bahala na kung
mahulog ako dahil sa hindi paggawa ng exercise.
Alam ko kasing kapag sinabi ni Yuri na hindi ako nakikipagcooperate sa
paggawa ng exercise, pwede rin akong bumagsak.
Pero wala akong complain na narinig mula sa kanya. Hindi niya rin ako tinangkang kausapin kaya
naman mas madali sa aking layuan siya.
Kapansin-pansin rin ang
biglaang pag-babago ng ugali ni Yuri.
Kung noon bago ang Christmas break ay kahit papaano ay nakikipag-usap na
ito, bumalik na muli ang dating pakikitungo nito sa tao. Hindi, mas lumayo pa pala siya sa mga
ito. Hindi na siya nalalapitan ng tao
kapag wala sa silid-aralan dahil kusa talaga itong umiiwas (marami ang
nakakapansin). Umuupo sa upuan na
malapit sa pintuan at biglang naglalaho pagnagdismiss ang instructor (base na
rin sa kuwento ng ilang orgmate ko na kaklase ni Yuri). Ni hindi na rin siya sumasagot sa mga tanong
ng instructor at hindi na rin nagcoconsult sa mga ito.
Minsan, bago magsimula ang
klase sa lecture sa programming, narinig ko ang pagsigaw ng isang bakla habang
kausap nito si Yuri. Marahil nainis ito
kaya naman kung anu-anong masasakit na salita ang sinabi nito. Lahat ng mata ay nakatutok sa usapan nila
pero walang reaksyon ang makikita sa mukha ni Yuri. Blanko.
Kung ung dating Yuri siguro iyon, malamang sumagot rin ito at ipahiya
rin niya ang sumisigaw sa kanya. Pero
hindi siya nagsalita at parang walang naririnig base sa ekspresyon ng mukha
nito. Wala na rin nakakakita sa kanya
kapag walang klase kahit halos lahat ng subject niya ay sa engineering na. Ni hindi nga siya nakikitang kumain sa canteen. Alam ko, isa ako sa naging dahilan ng kanyang
pagbabago kaya naman lalong hindi mawala siya sa aking isipan kahit pilit ko
man siyang tanggalin dito.
Upang kahit papaano ay malihis
ang aking mga iniisip, kinuha ko lahat ng trabaho sa aking mga orgs. Kahit ako pa ang presidente ng mga ito, ako
ang gumagawa ng kaliit liitang trabaho para mas lalong mawala ang aking mga
iniisip. Hindi naman nangiba ang aking
mga kasamahan dahil bago pa magchristmas break ay ganito naman talaga ako. Kadalasan nga ay hindi ako nakakapaglunch
dahil sa dami ng aking mga trabaho.
Ang tanging nakapansin lamang
ng aking pagbabago ay ang aking girlfriend na si Tania. Simula kasi ng bumalik ang pasukan, bihirang
bihira na rin kaming kumain ng sabay kaya naman napansin rin niya ang aking
masyadong pagiging busy. One time,
matapos ang aming miting na inabot ng hanggang alas onse ng gabi, kumain kami
ng sabay sa isang fastfood restaurant.
Nag-usap kami ng masinsinan.
Kinompronta niya ako kung ano ba talaga ang aking problema at nagbago
ako. Pero dahil wala naman akong maisagot
sa kanya, sinabi ko na lamang na wala. Umiyak
ito at sinabing maghiwalay na kami dahil parang hindi ko naman siya itinuturing
na kasintahan. Alam kong naging unfair
ako sa kanya kaya pumayag na lamang ako.
Parehas lamang kaming nasasaktan dahil sa aming sitwasyon. Ako, dahil sa pag-iisip kay Yuri. Siya, sa pag-iisip sa akin. Pero siya na rin ang nagsabing maging
magkaibigan pa rin kami tutal miyembro kami ng iisang org at makakaapekto ito
sa lahat lalo na’t officer kami nito.
Isang beses, mag-aala-una na ng
hapon sa library, naghahanap ako ng isang reference book sa isa kong subject ng
biglang magbrown-out. Binuksan naman ng
mga staff ang mga blinds ng library para naman kahit papaano ay may pumasok na
liwanag. Malapit lang ako sa bintana na
nakaharap sa likurang bahagi ng library nang makita ko ang iisang tao na naroroon. Si Yuri.
Kumakain ito mula sa isang lunchbox. Mukhang dito pala siya naglulunch
at nagbabaon na lang ito, marahil dahil sa mga naganap sa kanya. Kaya pala
kahit sa canteen ng aming college ay walang nakakakita sa kanya dahil hindi
pala siya doon kumakain!
Matinding pagsisisi ang idinulot
nito sa akin ng aking marealize na isa ako sa dahilan ng kanyang sitwasyon
ngayon. Hindi ko alam na ganoon pala ang
epekto nang pagkaalam ng kanyang tunay na katauhan na umabot sa punto na kahit
kumain sa canteen ay hindi niya magawa.
Nakaramdam rin ako ng matinding pagkasabik na makasama siyang muli. Kaya naman dahil sa magkahalong pagsisisi at
pagkasabik, hindi na ako nagdalawang-isip na puntahan siya. Lumabas agad ako sa library at tinungo ang
kanyang kinaroroonan habang iniisip ang aking dapat sabihin sa kanya.
Nang makarating na ako sa
likuran ng library, napansin kong dali-dali si Yuri sa pagsisilid sa bag ng
kanyang mga gamit. Nang mga ilang
hakbang na lang ako mula sa kanya, napansin ko na tumutulo ang kanyang luha na
daglian rin niyang pinahid ng kanyang braso.
Dahil sa nakita, biglaan ko ring naalala noong sumigaw si Yuri sa aking
sasakyan habang natutulog at kung paano siya lumuha kahit tulug na tulog ito. Naalala ko rin ang aking pangako sa sarili na
hindi siya iiwan. Hindi ko alam kung
bakit ngayon ko lang ulit ito naalala pero sigurado akong ang pangako kong ito
ay napako na.
Nakaramdam ako ng matinding
kahihiyan dahil alam ko na bukod sa hindi ko natupad ang aking pangako, isa na
ako sa dahilan ng kanyang mga luha ngayon.
Pagkadating ko sa kanyang lamesa, isinukbit na rin niya ang kanyang bag
sa kanyang likod at handa na itong umalis.
Hindi ko alam kung paano magbubukas ng pag-uusap kaya naman naisip ko na
lang ang pinakacommon namin, ang aming programming na subject.
Pinagsisihan ko rin ang aking
binuksang topic dahil akala niya ay concern talaga ako sa aking grade kung
bakit ako lumapit sa kanya. Akala niya iaaasa
ko na lang sa kanya ang aking grade sa subject na iyon. Kakaibang sakit ang dinulot sa akin ng aking
makita ang kanyang mapapait na ngiti kaya hindi agad ako nakahanap ng tamang
sabihin sa pagkakataong iyon. Hindi na
rin niya ako binigyan ng pagkakataon na magsalita at bigla na ring umalis.
Alam kong tunay na mabait na
tao si Yuri kaya madaling lilipas ang kanyang galit. Maghihintay na lamang ako hanggang mangyari
iyon. Nagdesisyon rin akong ipagpatuloy
ang hindi pagkibo sa kanya para mas mabilis itong mangyari. Ang hinihintay ko lamang naman ay kahit
kumain siya sa canteen. Sa ganitong
pagkakataon, malalaman kong kahit papaano ay bumalik na muli ang pakikitungo
niya sa mga tao (noong panahong hindi pa kami nagkakakilala) para simulan muli
namin ang aming pagkakaibigan. Ako mismo
ang lalapit sa kanya, hihingi ng tawad, at sasabihan siyang simulan muli ang aming
pagkakaibigan. Kaya simula noon, sa
canteen na lagi ako kumakain ng lunch para masubaybayan ko kung kakain na siya
dito.
Pero dumating ang nalalapit na
pagtatapos ng semestre na hindi man lamang nangyari iyon. Paminsan-minsan, kapag patapos na ang
lunchbreak, pumupunta ako sa likod ng library para palihim na tingnan si
Yuri. At sa tuwing gagawin ko iyon, naroon
lamang siya na nakaupo. Madalas mag-isa
lamang siya pero minsan, dumating ako sa lugar na iyon at napansin kong may
kausap siyang isang bata. Mukhang masaya
si Yuri na kausap ang bata dahil totoo ang mga ngiti nito na huli kong nakita
noong kaarawan ko pa. Natuwa naman ako
dahil kahit papaano ay nakakangiti pa rin pala si Yuri ng ganoon. Pero napalitan rin ng lungkot dahil iniisip
ko kung kelan naman kaya ako bibigyan muli ni Yuri ng ganoong ngiti.
Kagabi, noong malaman ko ang
sitwasyon ngayon ni Yuri, narealize ko rin na hinding hindi pala talaga
mangyayari ang hiningi kong senyales. Hindi
dahil malalim pa rin ang galit niya sa akin kundi dahil tinitipid niya ang
natitira nilang pera ng kanyang ina. Matinding
pagsisisi dahil hindi pa ako ang unang gumawa ng paraan para magkaayos
kami. Wala na talaga akong nasabi para
ipagtanggol pa ang aking sarili kay Diana.
Mas matinding hirap pala ang kinahaharap ngayon ni Yuri at sa tingin ko,
mas makakadagdag pa ako dito kung makikita pa niya ako. Kaya pagkatapos makipag-usap sa amin,
nagdesisyon na rin ako na sundin na lang ang sinabi ni Diana para na rin sa
ikabubuti ni Yuri. Ang hindi ko lang
talaga alam ngayon ay kung papaano ko kakayanin na tuluyan na ngang lumayo sa
kanya.
“Hoy Keith, natulala ka na
naman diyan” wika ni Roby. Napansin kong
nakatingin ang lahat sa akin na tila iniintay ang aking sagot. Hindi ko alam na nahulog na naman pala ako sa
malalim na pag-iisip.
“Ano kamo?” balik tanong ko sa
kanila.
“Parang mas wala ka ata sa
sarili mo ngayon ah” wika muli ni Roby.
“Itinatanong ni Divine kung gusto mo raw manood ng final exam ni Yuri.”
“Ano? Anong final exam?” talagang wala akong
naintindihan sa mga sinabi nito.
“Hay naku Keith, ang haba ng
sinabi ko hindi ka pala nakikinig” buntong-hininga na lamang ni Divine. “Ang sabi ko kanina, ang sabi sa amin ni
sensei kagabi na open sa public ang final exam ni Yuri, bukas ng alas-kuwatro
ng hapon sa may basketball court ng gym”, vice-captain ito ng karate club kaya
marahil iniannounce ito sa kanila ng kanilang adviser na sensei din ng karate
class. “Magpeperform daw ito ng apat na kata
at makikipagsparring raw ito sa aming team captain. Masyado yatang naimpress si sensei kay Yuri
kaya ayun na lang ang ibinigay na final exam para dito. Siya lamang naman ang mag-eexam sa kanilang
klase dahil hindi raw nito nakuha ung mga basics sa klase. Apparently, ibang istilo nito kaya hindi niya
talaga nakuha. Hindi ko alam ang kakayahan
ni Yuri sa karate pero delikado siya sa aming team captain dahil lahat ng
nakakasparring noon ay nababalian talaga ng buto. Halos lahat ata kaming miyembro ng karate
club ay manonood dahil bihira lang si captain makipagsparring sa campus. Wala naman kasing miyembro ang gustong
makasparring niya kaya ganoon. Ano? Gusto mong sumama sa amin? Manonood kaming lahat” pagtukoy nito sa lahat
ng nandoon.
“Ah eh…” hindi ko alam ang
aking isasagot. Nag-aalala ako sa mga
sinabi ni Divine para kay Yuri. Alam
kong bukod sa malaking tao ang team captain ng karate club, magaling rin ito sa
karate katulad na lamang ng sinabi ni Divine.
Pero baka madistract lang siya kapag pumunta ako kaya hindi na lang
siguro. Sasabihan ko na lamang siyang mag-ingat sa makakalaban niya kapag
nakita ko siya sa klase kahit labag ito sa sinabi ni Diana kagabi. “Sige, titingnan ko. Marami pa kasi akong dapat gawin.”
“Ano ba yan? Patapos na ang sem
hindi pa rin natatapos ang dapat mong tapusin?” disappointed na wika ni
Jade. Alam nya kasing malamang sa hindi
ang ibig sabihin ng sagot kong iyon. Nagkibit
balikat na lang ako bilang sagot sa kanya.
Kinabukasan, pumunta ako sa aming
lecture class sa programming. Kakausapin
ko sana si Yuri para warningan sa kanyang makakaharap mamaya. Pagdating ko sa pintuan ng silid, sabay
namang lumabas ang ilang estudyante kasama na ang isa kong orgmate na si Nico.
“Oh Keith” tawag nito sa
akin. “Wala raw tayong klase at sinabi
pa raw noong Martes. Tapos na naman daw ang
prefinals noong Lunes at bukas na lang daw ipopost kung sino ang magfifinals
next week.” Parehas kasi kaming absent
noong Martes kaya naman hindi rin niya alam ang announcement.
“Ha?” tangi kong nasabi. “Kung kelan huling klase, ngayon pa nawala”
medyo tumaas naman ang aking boses.
Hindi ko alam kasi kung papaaano ko pa wawarningan si Yuri.
“Interesado ka atang pumasok”
biro nito sa akin. “Tara punta tayong
tambayan at tiyak kong marami ng tao doon.”
Sumama na lamang ako sa kanya.
Pagdating namin ni Nico sa
tambayan, naabutan namin ang aming orgmates na pinag-uusapan si Yuri. Simula pa kahapon, siya na ang kalimitang
topic ng mga estuyante ng engineering dahil sa ginawang pambubugbog nito sa
fratmen nina Alex. Ngayon naman,
pinag-uusapan siya dahil sa magaganap na sparring nito sa team captain ng
karate club. Marami na rin ang nagdududa
sa nalantad nitong pagkatao dahil sino ba namang bakla ang mambubugbog sa kafrat
nina Alex at haharap sa kapitan ng karate club?
Baka raw hindi totoo ang inamin nitong bakla ito dahil masyado nga
namang lasing ito noong panahong iyon.
“Keith, sama ka sa amin” wika
ni Tania. 3:30 na ng hapon at
nagkayayaan ang grupo na manood ng final exam ni Yuri. “Punta na kami sa gym para manood ng exam ni
Yuri. Kasparring raw niya si John, ang
team captain ng karate club. Tara,
suportahan natin si Yuri.”
“Sige, susunod na lang ako” sagot
ko. Nagdadalawang isip na ako kung
pupunta ako para manood. “May tatapusin
lang.”
“Ano ba yan?” tugon ni
Tania. “Hanggang ngayon nagpapakabusy ka
pa rin?”
Wala na silang nagawa dahil
sinabi ko na last requirement sa student council ang tatapusin ko. Sinabi ko sa kanila na deadline ngayon kaya
dapat ay tapusin ko na. Pero ang totoo,
kahapon ko pa isinubmit iyon sa meeting namin.
Nagsialisan na sila upang tunguin ang gym.
Nang ako na lang ang naiwan sa
tambayan, napaisip na naman ako ng malalim ng tungkol kay Yuri. Nag-alala rin ako sa kahihinatnan ng kanyang
exam kaya naman ng 10 mins. to 4 pm na, nagdesisyon na akong tunguin ang
gym. Magtatago na lang ako para hindi
ako nito makita habang nag-eexam siya. Dala
ang aking sariling sasakyan, mabilis ko ring narating ang gym.
Pagdating sa gym,
kapansin-pansin ang maraming manonood ng final exam ni Yuri. Nakita ko sa unahang bahagi ang mga college
reps na kasama si Divine na nakadamit pangkarate pa. Nasa unahang bahagi rin ang mga miyembro ng
karate club na katulad ni Divine, nakapangkarate rin. Nakita ko rin sa unahan pero opposite na
bahagi si Diana na kasama si Luke. Nakita
ko rin ang aking mga orgmates sa aking tatlong org. Marami ring mga estudyante ng engineering at mga
estudyante ng ibang colleges ang manonood.
Sa gitnang bahagi, naroon rin ang fratmen na pinangungunahan ni
Alex. Ang iba pa sa mga ito ay may
bendahe pa sa braso na malamang kasama sa nabugbog ni Yuri. Kahit siksikan na sa gym dahil sa magaganap, wala
namang masyadong ibang estudyante ang lumapit sa grupo nila. Kaya naman pumuwesto ako sa likurang bahagi
ng mga ito para malinaw kong matanaw ang rubber mat na gaganapan ng exam ni
Yuri. Hindi na rin ako nag-abalang
magpakita sa miyembro ng student council o sa ibang miyembro ng aking mga orgs. Mukhang wala namang makakapansin sa akin
dahil abala sila sa nakikita nila sa rubber mat.
Nasa rubber mat ang nakasplit
na si Yuri habang ang ulo nito ay nakadikit sa rubber mat mismo! Sobrang pagkamangha ang makikita sa mukha ng
mga manonood dahil sa ipinapakita nitong flexibility. Bukod kasi sa nakasplit ito na bibihira
lamang sa mga taong nasa aming age bracket, nakatuon pa ang noo nito sa rubber
mat na talaga namang imposible sa ordinaryong estudyante. Daig pa niya ang mga dancers ng ibang club
dahil sa pagkalambot ng buto nito. Mukhang
nag-sstretching ito para sa kanyang magaganap na exam.
Ilang saglit pa ay tinawag na
ng adviser ng karate club ang atensyon ng lahat. Nakatayo sa kanang bahagi nito ang kapitan ng
karate club, na nakapangkarate rin at may itim na belt. Pumuwesto naman ang pawisang si Yuri sa kaliwang
bahagi nito. Suot nito ang may kalumaan
na ring pangkarate, tanda na gamit na gamit ito. Katulad ng kapitan, may suot rin itong itim
na belt. Maraming nagbulung-bulungan ng
makita si Yuri sa ayos nito. Kanina,
habang nagsstretching, hindi naman nito suot ang itim na belt. Nagulat sila dahil black belter pala ang
taong ito! May ilan ring nanlumo, katulad na lang ng
baklang lumapit dito minsan, dahil sila ang tahasang nagparinig kay Yuri ng
pang-iinsulto. Kung nagkataon kasing
napuno si Yuri, marahil malala pa ang inabot ng mga ito sa fratmen na binugbog niya. Naalala ko rin ang ilang pagkakataon na sinabi
niyang bubugbugin niya ako na ipinalagay ko na pagbibiro lang.
“Magandang hapon sa inyong
lahat. Salamat sa inyong pagpunta” panimula
ng adviser. “Sa totoo lang, ang exam na
ito ay dapat basics lang sana ng karate para kay Yuri katulad ng sinabi ko last
meeting.” Nakatuon ito sa isang grupo ng
mga estudyante na kinabibilangan ni Diana. Marahil ito ang klase ng karate. “Pero after kong makita ng malapitan ang
kanyang kakayahan, doon na ako nagdecide na ito na lamang ang ipaexam sa kanya.
Malamang, kung ung basics pa rin ang
ipapaexam ko sa kanya, bumagsak pa rin siya sa kursong ito. Pinapunta ko kayong lahat dahil alam nyo
naman kung gaano ko kadalas ikinocorrect ang batang ito. Para makabawi sa pagkapahiyang idinulot ko sa
kanya, gusto kong makita niyo ang kanyang tunay na kakayahan. Siguro wala ng magtatawa kay Yuri kapag
nakita niyo ang performance niya.”
Nakangiti ito habang binabanggit ang huling kataga na sinabi nito. “Ang magiging exam ngayon ni Yuri ay binubuo
ng apat na kata at isang sparring. Isang
empty hand kata ang ipeperform niya kasunod ang mga kata na may hawak na arnis,
nunchaku at katana. Makakaharap naman ni
Yuri sa sparring si John dela Cerna, ang kapitan ng karate club at isang 3rd
dan black belter ng Shotokan karate.”
Itinuro nito ang kapitan na nasa kaliwang bahagi niya. “Sa hindi nakakaalam, ang kata ay katulad ng
‘shadow boxing’ sa boxing kung saan parang mayroon talagang kaharap ang nagpeperform
nito. Ang dan naman ay degree ng karate na
tinatawag sa mga black belt. Dumadaan
ang mga naghahangad na mapataas pa ang belt sa mahihirap na exam na depende sa
istilo ng karate. Napansin nyo sigurong
black belt na rin si Yuri pero ibang istilo niya. Mamaya na lang niya sasabihin ang detalye.” Humarap na ito kay Yuri. “Sige Yuri, simulan mo na.” Umalis na ang mga taong nasa rubber mat at
naiwan na lang dito si Yuri.
Tumayo sa gitnang bahagi ng
rubber mat si Yuri. Blanko ang
ekspresyon nito at tila hindi iniintindi ang kanyang mga manonood. Ako nama’y nakapuwesto sa gawing tagiliran
niya kaya naman tiyak kong hindi ako makikita ni Yuri mula sa kanyang
kinatatayuan. Nakaharap siya sa
kinatatayuan ng adviser ng karate na malapit rin sa kinatatayuan nina
Diana. Nagbow siya sa mga ito at sumigaw
ng “SUSHIHO”. Biglang tumahimik ang
paligid at ang lahat ng tao ay pinagmamasdan siya sa kanyang unang kata.
Dahil wala naman akong
background ng karate, wala akong masyadong maintindihan sa kanyang ginagawa
ngayon. Nagpapamalas siya ng suntok,
sipa, at iba’t ibang tayo sa iba’t ibang anggulo. Kapansin-pansin ang lakas ng suntok at sipa
nito dahil mayroong maririnig na hangin sa bawat galaw nito. Tiyak, kung sino ang tatamaan nito ay
talagang masasaktan. Ilang beses rin
siyang pumihit ng tingin sa aking direksyon, at sa tuwing mangyayari iyon, wala
naman siyang ibang reaksyon kahit alam kong nakita niya ako. Panandalian akong natuwa dahil parang wala na
siyang galit sa akin pero nakaramdam rin ako ng kalungkutan dahil parang itinuturing
na rin niya akong hindi kilala. Ilang
beses rin siyang sumigaw ng “KIYAAAAAA” na talaga namang ikinagugulat ng mga
naroroon dahil sa lakas nito. Pagkatapos
ng tatlo o apat na minuto, natapos rin ang kanyang unang kata dahil nagbow na
muli ito.
Sinunod niyang iperform ang
katang may hawak na arnis. Dahil nakuha
ko ang PEng ito noong unang taon ko sa pag-aaral sa college, medyo familiar ako
sa mga terms nito. Ipinerform niya ang
mga ‘sinawali’ move pattern at apat na ‘anyo’ (parang kata na rin ang mga ito dahil
parang may inaatake siya habang ipineperform ang mga ito). Bilang dating mag-aaral nito, masasabi kong
malinis ang kanyang bawat galaw at maihahalintulad siya sa aming ‘guro’ noong
nag-aaral kami. Tumutunog pa sa hangin
ang bawat hambalos niya ng arnis kaya masasabi mo talagang malakas ang bawat
palo niya. Nagbow rin siya bago
magsimula at pagkatapos nito.
Isinunod naman niya ang kata na
hawak nunchaku. Bago magsimula, sumigaw
siya ng “SEIBU NUNCHAKU”. Mas
kamangha-mangha ang ipinerform niyang ito dahil hindi birong gamitin ang isang
nunchaku. Kapag mali-mali kasi ang
paggamit nito, mas masasaktan pa ang humahawak nito kaysa sa paggagamitan. Habang
ipineperform niya ito, naalala ko si Bruce Lee, na napanood ko minsan sa lumang
pelikula sa cable channel. Nakatutok ang
lahat sa ginagawa ni Yuri at wala ni isang nangahas na gumawa ng tunog. Tanging maririnig lang ay ang hampas ng
nunchaku sa paligid kahit puno ang gym ng mga tao.
Kung tumahimik ang lahat sa
ikatlong kata ni Yuri, mas lalong walang narinig sa paligid, kahit hininga ng
mga manonood, ng ilabas niya ang ikatlo niyang sandata sa kanyang kata, ang
katana. Nang inilabas niya ang katana
mula sa pinaglalagyan nito, mababakas sa iba ang pagtataka dahil mukhang hindi
nila alam na ang katana ay espadang hapones pala. Bago siya nagsimula, ito muna ay may sinabi,
“Pwede po bang lumayo-layo ung mga tao diyan sa may rubber mat?” magalang pero
walang expression nitong wika sa ibang estudyante na natatapak na sa loob ng
rubber mat. Lumayo naman ang mga
estudyanteng ito. “Kailangan ko po
kasing gamitin ang buong lawak nito sa kata kong ito kaya pasensya na po. Ipinakikilala ko nga po pala sa inyo ang
pinakapaborito ko pong katana, si Amaya” itinaas nito ang katana at nakatingin
dito na parang kinakausap. “Ibig sabihin
mo ng pangalan niya ay ‘night rain’ dahil mas nagagamit po ang kanyang
kakayahan sa gabing umuulan. Isa po siya
sa replica ng orihinal na ‘Honjo Masamune’ na pinanday ng descendant ni
Masamune mismo. Katulad po ng orihinal
na ‘Honjo Masamune’, parang naglalaho ang humahawak ng espadang ito pero hindi
katulad ng orihinal, sa gabing umuulan lamang ito nangyayari.” Ibinalik na niya sa lalagyan ang katana, hudyat
na magsisimula na siya ng kata. Pumunta
rin siya sa gitna ng rubber mat at nagbow.
Katulad ng kata niya sa arnis,
marami ring ipinerform na kata si Yuri gamit ang katana. Maiikli lamang ang mga ito at sa bawat kata
niya, bukod sa isinisigaw niya ang mga ito, hinuhugot at ibinabalik niya sa
lalagyan ang katana. Parang pinupunasan
rin niya ang talim nito ng kanyang kamay bago niya ibalik ito sa lalagyan. Parang sa pelikula ko lang nakita ang kanyang
ginagawa kaya naman hindi lang ako ang namangha dahil lahat ng naroon ay hindi
nakapagsalita. Tanging pagwasiwas lang
ng kanyang espada ang tanging maririnig sa buong gym habang pinapanood ng lahat
ang kanyang ginagawa. Nang ibalik ni
Yuri ang katana sa lalagyan sa huling pagkakataon, nagbow muli ito. Ilang segundo rin ang lumipas ng marealize
lahat ng naroroon na tapos na si Yuri sa kata saka pumalakpak ang lahat ng
naroroon.
Pumunta na rin ang sensei ng
karate sa gitna at pinasalamatan si Yuri sa kanyang ipinerform na kata. Pinuri pa niya ito na napakagaling ng mga
pinerform nitong kata kahit ang karamihan daw sa ipinerform niya ay bago lang
din sa kanya.
Binigyan niya ito ng 15 minutos
para makapagpahinga bago sa kanyang sparring sa kapitan ng karate club. Pumunta naman ito sa direksyon nina Diana at
Luke, kinuha ang bag, binuksan ito at kumuha ng tuwalya pamunas ng kanyang
pawis. Tinulungan rin siya ni Dianang
punasan ang likod nito habang nag-uusap ang mga ito.
Habang nagpapahinga si Yuri,
nagkaroon naman ng sparring sa pagitan ng ilang miyembro ng karate club bilang
pantanggal-inip sa mga manonood. Sa
bawat sparring, mayroong tumatayong dalawang referee sa magkabilang tabi ng
naglalaban na miyembro rin ng karate club.
Nagdesisyon akong pumunta muna ng banyo para umihi at ayusin ang sarili
nang hindi nagpapakita sa aking mga kaibigan.
Nasa loob ako ng isang cubicle
ng may marinig akong usapan sa loob ng CR.
Mukhang bagong pasok lamang ang mga ito at akala ay sila lamang ang nasa
loob noon.
“Sempai John, kaya mo ba si
Yuri?” tanong ng isa.
“Ung baklang iyon? Sisiw lang
yun” pagmamayabang ng team captain ng karate club. “Kita mo naman ang liit nun di ba?”
“Nakita mo ba yung kanyang mga
kata?” tanong muli nito. “Mukhang delikado
ka eh. Tingin ko mahihirapan ka sa kanya.”
”Ako pa!” pagmamayabang muli
nito. “Inaamin kong maganda ang kanyang mga kata lalo na ung may hawak siyang
katana pero wala naman yang hawak mamayas kaya panoorin mo na lang kung paano
ko siya gugulpihin mamaya.”
Lumabas na rin ako ng cubicle
at medyo nagitla pa sila sa aking paglabas.
Tuluyan ko na ring iniwan ang CR ng hindi nagbigay ng komento sa sinabi
ng kapitan. Sa loob-loob ko lang na mapahiya
sana ito mamaya. Pero sa kabilang dako
naman ay natatakot din ako para kay Yuri dahil mukhang tototohanin ng kapitan ang
sparring. Bumalik ako sa aking puwesto
kanina ng walang nakakakita sa akin.
Si Yuri ngayon ay kinakausap pa
rin ni Diana na sinasagot rin naman nito.
Di’ ko mawari ang kanilang usapan dahil malayo naman ako sa kanila. Nagbibigay naman si Yuri ng halatang pilit na
ngiti kay Diana paminsan-minsan pero kalimitan, ang walang ekspresyong mukha
ang makikita dito habang nanonood ng nagssparring. Walang mababakas na pag-aalala sa kanyang haharapin.
Ilang minuto pa ay tumayo na
muli ang sensei at tinawag ang atensyon ng mayabang na team captain at ni Yuri.
“Dahil espesyal ang labang ito,
ako ang magiging isang referee ninyong dalawa” panimula nito. Ang tumayo pang isang referee ay si Divine. “Sige, pumunta na kayo sa inyong puwesto”
sabay turo sa dalawang guhit na tinatayuan ng naglalaban. “Ang gagamitin nating rules dito ay ang sa World Karate Federation. I assume ganito rin ang rules ninyo
Yuri.” Biglang naging pormal ang
ekspresyon ng sensei at nagwika, “Otagei ni rei”. Nagbow naman sina Yuri at John sa isa’t
isa. “SHOBU HAJIME” sigaw muli ng
sensei. Bahagyang Itinaas ng dalawa ang
kanilang kamay na parang sa boxing habang tumatalon ng mahina.
Walang anu-ano ay biglang
lumapit si Yuri kay John. Dahil sa bilis
ng kilos ni Yuri, walang nagawa si John ng suntukin siya nito (na may kasama
pang malakas na “KIYAAAAAA”) sa sikmura kahit halos 1 foot ang pagkakaiba ng
height ng dalawa. Sumigaw ang sensei ng
“YAME, YAME” at pumagitna sa dalawa, si Divine hindi agad nakareact sa nangyari. Inilayo nito ang braso ni Yuri mula sa
sikmura ni John habang nakaluhod si John marahil dahil sa tindi ng sakit at parang
hindi siya makahinga. Wala pa ring
mababakas na ekspresyon kay Yuri habang si John naman ay kulang na lang ay
mamilipit sa sakit na tinanggap. Ang mga
manonood ay tila nagulat rin sa bilis ng pangyayari dahil walang reaksyon sa
mga ito kahit ilang segundo na rin ang lumipas.
“John kaya mo pa?” tanong ng
sensei sa kapitan na sinagot rin nito ng bahagyang pagtango na nangangahulugan
na kaya pa niya. “Yuri, overpower
yun. Isang violation sa rules. Hindi mo ba alam yun?” tanong naman nito kay
Yuri.
“Hindi po sensei” sagot nito sa
sensei. “Sa sparring po kasi namin, ang
tanging layunin lang ay patumbahin ang kalaban.”
“Mukhang iba nga ang rules
ninyo pero ang gagamitin natin ay yung alam namin.” Humarap naman ito sa halos nakabawi na ring
si John, “John, itutuloy mo pa ba?
Knowing Yuri, hindi natin yan mapipilit na sumunod sa rules natin. Baka kung ano pang mangyari sa iyo.”
“Ok lang po ako sensei” pilit
ang ngiti na sagot nito dito. “Hindi
naman po masyadong masakit.”
‘Hindi raw,eh kulang na lang ay
umiyak siya sa sakit’ mahina kong komento sa sagot nito.
“Sige ikaw ang bahala.” Humarap muli ito kay Yuri “Yuri, huwag mong masyadong laksan. Touch
lang ng kamao o ng sipa magkakapuntos ka na.
At saka hugutin mo agad ang suntok mo.
Magkakaviolation ka kapag ganoon. Makaapat na violation ka, talo ka.” Iminuwestra nito ang suntok na biglang
hinuhugot. Yung kay Yuri kasi ay hindi
niya agad tinanggal sa sikmura ni John at talagang kailangan pang ilayo ni
sensei.
“Susubukan ko po” mahinang
sagot ni Yuri.
“Ok, bumalik na kayo sa inyong
puwesto” sinunod naman ni Yuri at nang halos nakabawi na ring si John. “CHUKOKU” sigaw nito habang nakaharap kay
Yuri at mayroon itong isinignal sa harapan niya. Humarap muli ito sa gitna at muling nagwika
“Otagei ni rei”. Nagbow muli ang dalawa
at ng sumigaw ang sensei na “SHOBU HAJIME” muling itinaas ng dalawa ang kamay
na katulad ng ginawa nila kanina.
Sa pagkakataong ito, si John
naman ang biglang lumapit kay Yuri. Susuntok
sana ito sa mukha (habang sumisigaw ng “KIYAAAA”) pero madaling sinalag ito ni
Yuri ng kaliwang kamay at siya naman ang sumuntok sa mukha nito habang
sumisigaw rin. Dahil sa biglaang
pagsalag sa suntok at sa counterpunch na rin ni Yuri, na out-of-balance si John
at natumba ito. “YAME, YAME” sigaw muli
ng sensei at pumagitna sa dalawa habang si Divine ay muling natigilan sa
nangyari. Daglian namang tumayo si John
habang hawak nito ang ilong na tinamaan ng suntok. Pumunta ito sa isang kasamahan sa karate at
kumuha ng maliit na tuwalya. Pinunasan
nito ang ilong dahil may dumadaloy na dugo mula dito! Nilapitan ito ng sensei at kinausap ng mahina. Nilapitan rin ito ng ibang miyembro at parang
tinulungan itong punasan ang duguang mukha.
Si Yuri naman ay parang estatwang nakatingin lang sa kapitan. Ilang saglit pa ay tumigil na rin ang
pagdurugo at pinabalik na ang dalawa sa kanilang puwesto.
“Yuri, overpower ulit ang
suntok mo” wika ng sensei habang nakaharap kay Yuri. Napadako naman ang tingin ko kay John at
mababakas dito ang galit sa mukha nito habang nakatinggin kay Yuri. “Hindi naman kasi dudugo yan kung hindi
masyadong malakas” humarap ito kay John at bigla namang naging parang
nasasaktan naman ito. “Tinanong ko na si
John pero itutuloy pa rin daw niya ang sparring. Pero huwag mo namang masyadong laksan.” Humarap muli ito sa gitna at muling sumigaw na
nakaharap kay Yuri habang may isinisignal ito
“HANSOKU CHUI”. Humarap ulit sa
gitna ang sensei at muling sumigaw bilang hudyat para magbow ang dalawa at
simulan muli ang sparring.
Lumapit si Yuri sa kapitan. Mukhang natakot ito sa tinamo nito ng
maglapit sila kanina kaya naman umatras ito para dumistansya. Sumipa ang kapitan pero mabilis ring umatras
si Yuri para iwasan ang sipa. Malaki ang
pagkakaiba ng height ng dalawa kaya kung gagamiting sandata ng kapitan ay ang
paa nito ay talagang hindi basta basta makakalapit si Yuri. Ilang beses lumapit ang kapitan para sipain
si Yuri pero mabilis ring naiiwasan ito.
Sa ikalimang pagsipa ng kapitan, nagulat ang lahat ng biglang lumapit si
Yuri imbes na umiwas. Mukhang
pinag-aralan lang pala nito ang mga nauna dahil ng lumapit ito ay sinambot nito
ang sipa ng kapitan, tinalapid ang isang paa habang hawak nito ang paang
ipinangsipa dahilan para matumba ito.
Lumuhod si Yuri at binigyan ng malakas na suntok sa sikmura ang kapitan
bago sumigaw muli ang sensei para patigilin sila. Lumayo naman si Yuri sa nakahigang kapitan na
nilapitan ng sensei at ni Divine.
Hindi na naman maipinta ang
mukha ng kapitan sa sakit na tinamo at muli siyang kinausap ng sensei. Hindi rin ito nakatayo bigla dahil mahahalata
rin ang sakit sa paa nito. Marahil
nabalian ito sa paa ng sinipa nito si Yuri.
Nakakaramdam na ako ng awa sa mayabang na kapitan dahil hindi pala nito
kaya si Yuri. Tumayo na ang iika-ikang
kapitan at bumalik na sa guhit ang dalawang naglalaban. Humarap ito sa gitna ng dalawa, itinuro ang
kapitan at sumigaw, “AKA SHIKAKU.”
Itinaas nito ang kaliwang kamay at muling sumigaw, “AO NO KACHI”. Base sa sinabi ng sensei, ang nanalo ay si
Yuri. Malakas na palakpakan ang sinagot
ng mga tao sa desisyon ng sensei. Ang
hindi ko lang maintindihan ay kung paano nangyari iyon dahil nakailang
violation na rin naman ito. Marahil
sumuko na ang kapitan ng mabalian ito sa paa kaya naman si Yuri pa rin ang
nanalo.
Pagkatapos magbow ang dalawa,
lumapit si Yuri sa kapitan para kamayan ito.
Sakit pa rin ang makikita sa mukha nito pero bahagya itong ngumiti ng
nilapitan siya ni Yuri. Binigyan rin
naman siya ni Yuri ng nag-aalalang ngiti at nagsalita ito na hindi ko na
narinig. Inalalayan pa nito ang kapitan,
kasama na si Divine, para makaupo ng maayos sa isang upuan na dinala ng
kasamahan nila.
Muling pumagitna ang sensei ng
karate club sa rubber mat at nagwika upang papuntahin na rin sa gitna si
Yuri. Nagbigay ito ng maikling mensahe
tungkol sa nangyari at sinabi nga nitong sumuko na ang kapitan sa sparring kaya
si Yuri ang nanalo. Pagkatapos noon,
sinabihan nito si Yuri para sabihin nito ang background ng kanyang martial
arts.
“Limang taong gulang po ako ng
tinuruan ako ni ama ng karate na ang istilo ay ‘Kyukoshin’. Ngayon po, 2nd dan blackbelt na
rin po ako nito.” Tahimik ang lahat
habang nagsasalita si Yuri. Bahagya ring
lumungkot ang mukha nito ng mabanggit niya ang kanyang ama. “Noong sampung taong gulang po ako, sinimulan
po akong turuan ni ina ng aikido. Ngayon
po, 3rd dan blackbelt na rin po ako nito.” Maraming nagulat sa kanyang sinabi dahil
hindi lang pala isa ang istilo nito kundi dalawa! Wala talagang panama kahit pa ang kapitan ng
karate club.
Nang maramdaman ng sensei na
wala ng sasabihin si Yuri, siya na ang muling nagsalita. “Ang tipid mo namang magsalita.” Komento nito sa maikling sinabi ni Yuri. May sasabihin sana ito ng biglang nagtaas ng
kamay ang isang bakla (ung baklang nang-insulto kay Yuri) na waring may gustong
itanong. “Yes?” pagpansin nito sa
kaisa-isang taong nagtaas ng kamay.
“Yuri, bakla ka nga ba?” lakas
loob nitong tanong kay Yuri. Mababanaag
ang takot sa mukha nito pero tiningnan lang siya ni Yuri ng blanko nitong
ekspresyon.
“Magsisinungaling ako kung
sasabihin kong hindi” tangi nitong sagot.
Lumakas ang bulung-bulungan sa paligid.
Pero muling nagsalita ang baklang nagtanong kanina.
“Sali ka sa aming org” hayagang
paghikayat nito kay Yuri. Nagbigay lang
ito ng tipid na ngiti at hindi sinagot ang sinabi sa kanya.
Nagtaasan rin ng kamay ang iba
habang ang iba naman ay malakas na ring nagtatanong sa kanya ng sabay-sabay. Pinatigil lang silang lahat ng sensei ng
karate club at muling nagsalita. “Kung
gusto niyong tanungin si Yuri, iapproach niyo na lang siya. For the meantime, gusto ko lang sabihin kay
Yuri ang resulta ng kanyang exam. Dahil
sa ipinakita mong kata at sparring, ipinaaalam ko lang sa iyo at sa lahat ng
nandito na nakapasa ka sa course na ito.
Bibigyan kita ng grade na dos.
Marami siguro ang magtatanong kung bakit hindi uno, pero hindi ko rin
dapat iignore ang kanyang performance sa klase kaya nagdecision akong hanggang
dos lang ang kaya kong ibigay.”
“Ok lang po iyon sensei” ang
nakangiti at parang nakahinga ng maluwag na sagot ni Yuri.
Nagbigay ng hudyat ang sensei
na tapos na sila at pwede nang umalis ang mga manonood. May pailan-ilan ng umalis pero karamihan ay
nag-iintay, marahil para kausapin si Yuri.
Tinawag naman ng sensei si Yuri para makausap ito ng personal. Kinuha na ni Yuri ang kanyang gamit at may
ibinulong ito kay Diana. Pumunta naman
si Yuri at ang sensei sa tabihan ng gym at pumasok sa opisina nito.
Sampung minuto ang lumipas pero
hindi pa halos nababawasan ang taong nasa gym.
Bumalik na muli ang sensei sa rubber mat at nagwikang nakaalis na si
Yuri at may tatapusin pa raw ito. Lahat
ng tao na naroroon ay hayagang ipinakita ang disappointment dahil sa biglaang
pag-alis nito. Akala nang lahat na
babalik pa ito dahil narito ang bestfriend nitong si Diana na hindi naman
makikitaan ng disappointment sa mukha.
Mukhang sinabihan na ito ni Yuri kaya naman ng bumalik ang sensei,
umalis na rin ito kasama si Luke.
Nagdesisyon na rin akong umalis
sa lugar na iyon. Napagtanto kong wala
naman palang dapat ipag-alala kay Yuri sa exam niya. Nasayahan na rin ako dahil
kahit papaano ay nakita ko muli si Yuri.
Marahil ito na ang huli dahil tuluyan na rin akong lalayo sa kanya na nang
aking maalala ay bigla ko namang ikinalungkot.
Bagsak ang balikat, habang
naglalakad papunta sa aking sasakyan, nang may biglang umakbay sa akin. “Tara, inom tayo” anyaya ni AN sa akin.
“Tara” tangi ko lang sagot at
tinungo na nga namin ang aking sasakyan.
-Yuri-
Mag-aalas singko na ng matapos
ang aking exam at imbitahan ako ni sensei sa kanyang opisina. Mababasa sa mga tao sa loob ng gym na nais
talaga nila akong makausap kaya naman nagdesisyon akong dumeretso na sa
computer room galing sa opisina ni sensei.
Sinabihan ko rin si Diana ukol dito at nakiusap na huwag munang umalis
para hindi maghinala ang mga tao doon. Nakuha
naman niya agad ang aking gustong ipahiwatig kaya naman sumabay na ako kay
sensei papasok sa opisina niya.
Sa opisina, kinausap ako ni
sensei tungkol sa isang Mixed Martial Arts Tournament nagaganapin sa isang mall
sa Manila. Ipinakita niya sa akin ang
imbitasyon sa kanya galing sa organizers.
Noong una, ayaw ko talagang sumali, pero ng makita ko ang mapapanalunang
pera ng mananalo, doon na nagbago ang aking isip sa pagsali. Tiyak kong hindi ako papayagan ni inang
sumali doon pero may kalakihan ang premyo kaya naman sasali ako ng hindi ko sasabihin
sa kanya. Mabilis ko ring naiscan ang
sulat at nabasa ko ang rules na halos kagaya lang ng sparring namin sa karate
kaya naman tingin ko’y hindi ako masyadong mahihirapan sa pagkontrol ng aking
lakas hindi katulad ng kanina. Kulang-kulang
isang buwan na lang bago ang nasabing tournament pero naisip kong hindi ako
mahihirapan sa aking training.
Pakikiusapan ko na lang si kuya para tutukan niya ang aking personal na
training total magbabakasyon na rin naman.
Sa huli, pumayag akong sumali
sa tournament. Pinakiusapan ko rin si
sensei na ipalista na rin ako sa tournament at icocommunicate na lang niya ako
sa detalye. Nagsabi pa ito na ang balak
niya talaga ay ang kapitan ang pasalihin pero nang makita niya kung paano ko
nilabanan ito, doon rin nagbago ang isip niya.
Napagtanto niya na hindi sanay sa ganoong klaseng laban ang kapitan at
malamang sobra itong masasaktan sa tournament.
Napansin rin niya kung paano ko kinontrol ang aking lakas sa kumite kaya
naman mas magiging komportable raw ako sa tournament na iyon.
Matapos ang mabilis na usapan, nagbihis
na ako ng aking normal na damit sa opisina at sinabihang aalis na ako dahil may
kailangan pa akong tapusin. Nakuha rin
niya na ayaw kong makipag-usap sa mga naroroon sa loob ng gym kaya naman nang
lumabas ako, hinarangan pa ako ni sensei sa line of vision ng mga tao doon para
makaalis ako doon ng walang makakapansin.
Mabilis ko ring tinungo ang
computer room ng engineering para tapusin ang aming project ni Keith. Buti na lang at bukas na ito. Nasa loob si Engr. Ramoso at iniintay
ako. Sinabihan ko kasi siya kahapon na
makikigamit ako ng computer para sa paggawa ng project.
“Kumusta ang practical exam mo
sa PE?” tanong nito sa akin. Hanep pati
instructor ng ibang course, alam na nag practical exam ako sa PE.
“Ok naman po sir” masaya kong
sagot sa kanya. “Dos na raw po ako sabi
ni sensei.” Hindi pa rin maalis ang tuwa
dahil sigurado na akong wala akong ibinagsak na subject ngayon.
“That’s good” sagot ni Engr. “Si Keith pupunta ba dito?” walang kaalam-alam
ang aming instructor na ako lang talaga ang gagawa ng aming project. Itinanong nga nito kung bakit doon kami
gagawa ng project pero idinahilan ko na lang na doon ko na ito nasimulan at
hassle pa kung lilipat pa ako ng computer.
Masyado kasing maraming app ang aking ipinoprogram kaya kapag lumipat
ako ay katakot-takot na revision pa ang aking gagawin. Totoo ang aking sinabi pero hindi ko sinabi
sa kanya na hindi kami nag-uusap ni Keith ngayon at ayaw ko na siyang maghinala
na ako lahat ang gumawa ng exercise/project namin.
“Hindi po” maikli kong sagot. “Okay naman po, kasi matatapos na rin naman
po ang aming project.”
“Hay naku, busy pa rin hanggang
ngayon?” sagot na lang ng aming instructor.
“Ok lang kasi hindi ka naman mag-iisa ngayong gabi. Dito rin gagawa ang grupo nina Queenie. Darating raw sila mga bago mag seven.”
Nakahinga ako ng maluwag ng
malaman kong hindi naman pala ako mag-iisa ngayong gabi. Kung mayroon kasi akong isang kinatatakutan,
ito ay ang mga supernatural na nilalang katulad na lang ng multo, aswang at
kung anu-ano pa. Kahiya-hiya man pero sa
tanda kong ito ay naniniwala pa rin ako sa mga ito kahit hindi pa talaga ako
actual na nakakakita. Panandalian itong
nawala ng mamatay si ama, pero ngayon, na halos bumabalik na muli sa normal ang
lahat, bumabalik na naman ang aking kaduwagan sa mga ito.
Sinisisi ko rito ang aking mga
magulang dahil noong bata pa ako ay ito ang kanilang panakot sa akin. Dahil nga malakas ang aking pakiramdam sa
paligid, konting galaw lang ay kinukumpirma ko na kung ano ito at noong bata pa
ako, tinatakot ako ng aking mga magulang na multo/aswang raw iyon. Kinukuwentuhan
pa nila ako ukol dito at tungkol sa mga supernatural na bagay nasa Japan lang makikita
kaya naman lubos ang aking pagkatakot na hindi pa naaalis hanggang ngayon. Ang bahay lang ata namin ang tanging lugar na
hindi ko kinatatakutan dahil sanay na rin ako.
Dito sa campus, marami ring ikinukuwento sa akin si Cathy tungkol sa mga
kababalaghan kaya hindi talaga ako nagpapagabi rito ng mag-isa.
Lubos rin talaga akong
nag-alala sa paggawa ng project kaya naman pinipilit ko talagang gawin ito
pagkatapos kong gumawa ng mga exercise. Pero
dahil hindi ko pa rin ito tapos, wala lang talaga akong choice ngayon at
nakipagsapalaran lang akong tapusin ito nang hindi pa lumalalim ang gabi. Hindi ko rin naman mayaya si Diana dahil may
exam pa siya ngayong gabi at hindi pa rin niya alam ang aking matinding
pagkatakot sa mga ito. Buti naman at may
kasama pala ako dahil ang isipin pa lamang na mag-iisa ako sa isang lugar na
hindi ako pwedeng basta-basta tumakbo, eh baka hindi na ako magsubmit ng
project nito.
“Sige, uuna na ako” sabi ni
Engineer. “Patayin mo lahat ng ilaw
maliban lang ung dito sa pathway sa labas kapag aalis ka na. Ibibigay
ko sa iyo ang susi. Ibalik mo na
lang sa akin bukas sa inyong project presentation.”
Umoo na lang ako at binuksan
ang computer. Habang hinihintay kong
magboot ang computer, pumunta muna ako sa table ng instructor para simulan na
rin ang aking pagdidinner. Kinse minutos
akong kumain at dalidali kong itinago lahat sa aking bag. Sinimulan ko na ang pagpoprogram ng hindi ko
pinapansin ang aking nasa paligid.
Halos dalawang oras rin ang
lumipas, tapos na ako sa project ng may biglang kumatok sa computer room. Bigla naman akong natakot dahil hindi ko
naramdaman na may lumapit sa pinto.
Medyo madilim na rin sa labas at mag-aalas siyete na ng gabi. Kumatok muli ito at naalala ko nga pala na napupunta
pala ang grupo ni Queenie katulad ng sinabi ni Sir. Tinungo ko ang pintuan at nakahinga ako ng
maluwag dahil andito na si Queenie kasama ang kapartner niyang si Sandra. Hindi ko lang pala napansin ang kanilang presensiya
dahil sa pagiging focus ko sa paggawa.
“Yuri, ang galing mo kanina ah”
wika ni Queenie. Ito ang bungad na bati
sa akin nang magkaharap kami sa pintuan.
“Hindi ka man lamang nahirapan
sa kasparring mo ah” wika naman ni Sandra.
Sila ang iilang estudyante na
hindi ko nakitaan ng hayagang pang-iinsulto sa akin noong panahon na nalaman
nila na bakla ako kaya naman nginitian ko talaga sila bilang sagot. Kinamusta nila ako kung kumain na ako. Tinanong rin nila ako ng mga bagay tungkol sa
naging sparring ko kanina at ilang background ko sa pagkakarate. Siyempre, sinagot ko naman sila ng maayos at
pinayagan ko ring tingnan nila ng malapitan si Amaya. Sa madaling salita, nakapalagayan ko agad
sila ng loob.
Tinanong ko sila kung saan na
sila sa project at sinabi nilang matatapos na rin sila. Naghati ang dalawa na tatapusin ang project
at gagawa ng presentation. Medyo
nainggit ako sa kanila dahil talaga naman mas magaan ang trabaho kung dalawa
ang gagawa nito. Hindi na rin ako nila
tinanong tungkol kay Keith dahil alam kong alam nilang hindi naman talaga
gumagawa si Keith ng exercises namin lalo na kung project pa. Mga 15 minutes din kaming nag-usap hanggang
magdesisyon kaming magsimula na muling gumawa ng project.
Lumipas ang halos tatlong
oras. Natapos ko rin ang project at ang
paggawa ng presentation para bukas. Ibinurn
ko na rin sa isang DVD ang aming project na isusubmit. Ipinirint ko na rin ang aming magiging
presentation. Ang natitira na lamang ay
itext si Keith. Malapit na ring matapos
ang dalawa sa kanilang ginagawa kaya naman inintay ko na lang din sila bilang
pinagkatiwalaan sa susi ng room. Habang
nag-iintay, kinuha ko na ang aking celfone at nagsimula ng magtype ng message, ‘Keith,
pumunta ka sa project presentation before 1 pm bukas. Kailangan ka doon para makapagpresent ka sa
ating project. Pumunta ka na lang
earlier para mabigyan kita ng kopya ng ipepresent at ituro ko sa iyo ang
magiging part mo.’ Pagkatapos ko itong isend,
sinabi ko sa aking sarili, ‘ito na ang last effort ko, bahala ka kung
tatanggapin mo pa’.
Ilang minuto pa ay natapos na
rin ang dalawa sa kanilang ginagawa. Pagkatapos
patayin ang mga computer at ilaw at ilock ang computer room, umalis na rin kami
sa building. Wala ng masasakyan sa loob
ng campus kaya mapipilitan kaming maglakad, sila patungong dorm, ako patungong
sakayan ng jeep. Nagdesisyon na rin
akong mag out of the way muna para ihatid ang dalawa sa kanilang dorm na
tinutuluyan. Nasa loob lang ito ng
campus pero ilang metro din ang kailangan pang lakarin bago marating iyon.
Habang naglalakad kami papuntang dorm nila, nagsisimula
na ring umulan ng mahina. Nang maihatid
ko ang dalawa sa kanilang dorm, tuluyan na ring umulan ng malakas. Pinahiram nila ako ng payong para gamitin ko
sa aking paglalakad. Lakad takbo kong
binagtas ang looban ng campus dahil wala talagang taong makikita sa loob nito. Pagdating sa gate, tumigil na ako sa pagtakbo
dahil napansin kong may mga ilang tao na rin naman na naroroon.
Naglakad ako sa tabing kalsada
kung saan wala ng masyadong dumadaan na sasakyan. Naisipan ko ring dumaan ng shortcut pero
masyado ng madilim sa parteng iyon kaya naman hindi ko na itinuloy. May mga streetlights naman kaya kung sa
tabing kalsada dadaan ay hindi ako mahihirapan sa pagtakbo kung kinakailangan.
Kulang kulang kalahating kilometro
mula sa gate ng campus, habang umuulan, dumating ako sa parte ng kalsada na mukhang
napundihan ng bumbilya. Magsisimula na
sana akong tumakbo ng mapansin kong may isang grupo ng mga lalaki na kinakaladkad
ang dalawang lalaki patungo sa isang madilim na parte ng kalsada kung saan may
nakaparadang isang van. Pilit
nagmamakawala ang dalawang lalaki habang tinatakpan naman ang mga bibig nito
para hindi makasigaw.
Nang mailawan ng bahagya ang
mukha ng mga ito, ang grupo ay may takip ng bonnet ang mga mukha para hindi
sila makilala. Nagulat ako dahil ang
dalawang lalaking kinakaladkad at tinatakpan ang mga bibig ay sina AN at Keith
pala!
Bahayang natanggal ni AN ang kamay
sa bibig niya at sumigaw, “TUUUUUUULONG.”
Nakabawi ang lalaki at ibinalik ang kamay sa bibig ni AN at kitang kita
ko kung paano siya sinuntok sa sikmura. Ang
ibang kasama naman ay luminga-linga sa paligid para tingnan kung may nakakita
sa kanila. Buti na lamang at nakatago
ako sa likod ng poste, napatay ko na ang payong habang tinitingnan ko ang mga
pangyayari. Nang makitang walang ibang
tao, tumuloy ang grupo sa pagkaladkad sa dalawa.
galing talaga mr. author..
ReplyDeletemarc
Kyaaaahhh!!!! Please update pa po kayo author....
ReplyDeleteLike na like ko ang story na ito,hihihi ^_^
Kyaaaahhh!!!! Please update pa po kayo author....
ReplyDeleteLike na like ko ang story na ito,hihihi ^_^
Kyaaaahhh!!!! Please update pa po kayo author....
ReplyDeleteLike na like ko ang story na ito,hihihi ^_^
wow alam mo ito na lang binabasa ko ngayon dito kahit sa BOL inaabangan ko to... to admin wala na ba update sa true love at yung kay renz t kyle? nakalimutan ko tuloy title sa tagal ng update.
ReplyDeleteYeah inaabangan ko din ang Love sex and insecurities at true love :( antagal ng updates
Deletesalamat ng marami mr author...
ReplyDeletecongrats po talaga sa kwentong ito (mixed emotions po ako.... happy)
kagaya ng mga naunang viewers.... pls update po kaagad.....
gobless...
joe....
Next na agad....ganda talaga ng story nato !!
ReplyDeleteKudos !!
sana kunin na lng nang school bilang instructor ng PE si yuri, ma
ReplyDeletegaling namn talaga..
thank you sa update....sundan na toh plsss.....
ReplyDeletesugarspun214
good job yuri! may galit kaba kay captain? mukang napuruhan mo ah. sabagay maangas eh, dami n palang napuruhan nun. Ikaw yuri ke tapang-tapang mo, takot ka nmn pala sa multo. haha.
ReplyDeletesino n nmn kaya yung kaaway nila AN? baka yung ex nyang mataray at di matanggap na wala na sila kaya pinapadukot. ano kaya g2win ni yuri, mkpatay kaya ang Amaya nya? ang sakit nun ha.
bharu
ang talaga nito, pagpatuloy po ah :)
ReplyDeleteang ganda talag nito, kepp up the good work author :)
ReplyDeleteAyan na si amaya lol
ReplyDeleteAng ganda tlga nito
Next chapter po'
Thanks author ^__^'
Keep up the good work
×× ace ××
ganda ng pagkakasulat. next chapter na po mr author.. :)
ReplyDeletehahaix kaka basa ku lng nito kaninang madaling ganda talaga ng story ^^
ReplyDeleteFranz
ang ganda ng story keep it up!
ReplyDeletePero sana po author tuwing nag change ng character wag n paulit ulit ung scene maxado n pong mahaba sayang po ung chapters.
Thank u. M0re powers
ang ganda ng story keep it up!
ReplyDeletePero sana po author tuwing nag change ng character wag n paulit ulit ung scene maxado n pong mahaba sayang po ung chapters.
Thank u. M0re powers
update na po plzz..
ReplyDeletekailan po nxt update? salamat
ReplyDeleteupdate na please.. excited na k sa next chapter..
ReplyDeletekelan po next update nito mr. author?
ReplyDeleteupdate na po pleease i beg you mr.karate kid
ReplyDeletefrom UPLB ka?
ReplyDeletelagot kayo kay amaya..thumbs up sa author..
ReplyDelete