Followers

Tuesday, November 12, 2013

Kung Kaya Mo Akong Mahalin 15


Salamat po sa pagsubaybay at sa patience sa paghihintay.  Sana magustuhan niyo po ang chapter.  May idea na siguro ang iba sa campus na nasa istorya.  :) 

Comment, suggestion or violent reaction?  Comment lang po dito o e-mail po niyo ako sa karatekid.stories@gmail.com.  



Chapter 15



-Keith-



“Pareng Keith” agaw pansin ni Roby, College rep ng Arts and Sciences.  Katatapos lamang ng aming huling miting para sa semester.  Bago mag lunch kami nagmiting dahil ito ang suggestion ng karamihan.  Wala namang agenda kaya parang get together na namin ito bago magtapos ang semester.  Sabay-sabay kaming naglulunch sa student union building.  “Nabalitaan mo ba ung gulong pinasok na naman ng frat nina Alex kagabi?”  Mula sa pagiging lutang sa pag-iisip, natawag ang atensyon ko sa sinabi nito.  Nafocus ang atensyon ng mga kasamahan ko sa student council sa aming pag-uusap. 

“Na naman?” wika ni Jade, College rep ng Forestry na katabi ni Roby.

“Ikaw talaga Jade, huli ka naman sa balita.  Masyado ba talagang malayo ang bundok na iyong pinanggalingan?” pang-aasar ni Mico, College rep ng Dev. Com, kay Jade na kinurot naman nito sa braso.  Kadalasang inaasar nito si Jade dahil sa course nito na ang building ay nasa kabundukan.  Napaaray si Mico sa sakit pero ipinagpatuloy nito ang pagsasalita.  “Binugbog daw sina Alex at apat na miyembro ng frat nila ng isa lamang kacollege ni Keith” wika nito kay Jade.  “Totoo ba yun Keith?  Kilala ko ba ung bumugbog?” tanong nito sa akin.

“Kilala ko kung sino” sumingit si Divine, College rep ng Economics and Management.  Sa kanya napunta ang atensyon ng grupo imbes na sa akin na dapat sumagot ng tanong.  “Ung kaibigan ni Keith na umatend sa birthday party niya, si Yuri” nagtatanong ang itsura ng grupo “ung kaisa-isang nalasing dun sa laro,” dagdag pa niya.

“Weeeeeeeeh, hindi nga?” mukhang may naalala si Jade.  “Di ba yun ung umamin na bakla?”  Tila naalala naman ng iba kung sino ang tinutukoy nito.

“Ung mukhang hapon?” tanong ni Roby kay Divine na ikinatango naman nito.  “Sus, totoo naman kaya iyon?  Eh sa liit noon, imposible ata.  Baka naman chismis lang iyan.”

“YUN PALA YUN” sigaw ni Marian, College rep ng Human Ecology.  Sa kanya napunta ang atensyon ng lahat dahil sa sigaw niya.  “Kaya pala namumukhaan ko siya.  Nakita ko ung nangyari.  Ako nga ung tumawag ng pulis eh” pagmamalaki pa niya.  Ikinuwento rin niya kung anong mga nangyari kasama na ung mga detalyeng hindi naikuwento ni AN at Diana kagabi.     

Kitang kita ang pagkamangha sa lahat dahil sa mga sinabi ni Marian.  Parang iniisip pa nila kung totoo ba talaga ang mga iyon.  Pero dahil personal niya itong nakita at idinetalye sa amin ang mga nangyari, wala ng kumontra sa kanya.  Hindi ko alam na sinalag pala ni Yuri ung tama ng arnis na dapat sana ay kay AN, isang detalyeng hindi naikwento kagabi nina Diana.  Pero dahil sinabi ni Marian kung paano nakarecover si Yuri sa pagkakahampas sa kanya ng arnis, nawala rin ang panandalian kong pag-aalala. 



Hanggang ngayon, kahit halos tatlong buwan na simula noong umamin na bakla siya, hindi ko pa rin talaga maintindihan ang aking nararamdaman para kay Yuri.  

Noong party, nagulat talaga ako sa kanyang inamin kaya naman hindi rin ako nakakilos sa aking kinauupuan kahit bumagsak siya dahil sa pagkalasing.  Hindi ko akalain na ang astig na taong ito ay bakla pala!  Noong umalis sina AN, Kuya Kurt at Diana at dinala si Yuri sa isang guest room sa aming bahay, bigla namang lumakas ang usapan ng aking mga kasama sa org at student council tungkol sa kanyang inamin.  Sari-saring mga kuru-kuro ang lumabas dahil sa kanyang inamin.  May mga nagsabi na tama sila sa kanilang hinala at malamang nakipaglapit lamang ito dahil may gusto ito sa akin.  Mayroon ring nagsabi na kaya siguro ganoon ang ugali nito ay dahil na rin sa katauhan nito.  May mga nagsuhestiyon rin na layuan ko na ito dahil makakasira ito sa aking imahe sa campus.    

Hindi rin maawat sa katatawa at kung anu-ano rin ang sinabi ni Katrina noong nakaalis na sina Yuri.  Kahit wala na si Yuri, kung anu-anong insulto pa rin ang sinasabi nito ukol dito.  Ipinagtanggol naman ni Tania si Yuri at dahil sa wala naman siyang kakampi sa party (sumama si AN sa pag-assist sa natumbang si Yuri), umalis na rin si Katrina.  

“Keith, pwede mo bang kunin ung gamit ni Yuri?” bumalik si Kuya Kurt ilang sandali pagkatapos niyang dalhin si Yuri.  “Hindi ko kasi alam kung saan niya inilagay.”

“Kuya, kunin mo na lang sa aking kuwarto” dahil sa malalim na pag-iisip, ayon ang aking tanging isinagot sa kanyang tanong.  Ni hindi ko rin kinumusta ang kalagayan ni Yuri.    

“Sige, ako na lang.  Baka makaabala pa kasi siya sa’yo” sarkastikong wika ni Kuya.  Magkahalong lungkot at galit ang makikita sa kanyang mukha habang sinasabi niya ito.  Alam ni Kuya na nagbago ang aking pakikitungo kay Yuri dahil sa inamin nito. 

Noong gabing iyon, hanggang madaling araw ako nag-inom para mabura lang ang aking iniisip.  Kinabukasan, hindi ko na inabutan sina Yuri, si Diana pati na rin si Kuya Kurt sa aking paggising.  Sinabi lang ng aming katulong na maaga raw umalis sina Yuri at Diana at si Kuya Kurt ay babalik na raw sa Cebu.  Hindi na rin bumalik si Kuya Kurt kahit noong Christmas at bagong taon dahil raw sa tambak na trabaho nitong naiwan sa Cebu. 

Noong break, hindi mawala sa aking isipan kung anung dapat kong gawin sa darating na pasukan.  Dapat ko ba siyang kausapin o huwag na lamang siyang pansinin.  Sa totoo lang, hindi naman ako galit sa kanya dahil sa kanyang hindi pag-amin.  Ang inaalala ko lang naman ay baka masira rin ang aking imahe sa campus kapag nagkalapit kami katulad ng sinasabi ng iba kong kasamahan sa org.  Hindi sa hindi ako nakikipagkaibigan sa mga bakla pero dahil alam ko, kapag nakipaglapit ako kay Yuri, hindi ko rin mapipigilan ang aking sarili at baka mas lumalim pa ang aking pagtingin para sa kanya.  Kaya naman nagdesisyon akong huwag na lamang siyang kausapin.

Dumating muli ang pasukan.  Katulad nang aking naging desisyon, hindi ko na nga kinausap si Yuri.  Kapag lecture ng programming, umuupo ako ng malayo sa kanya.  Sa laboratory naman, kapag matapos ang ilang announcement na dapat sabihin ng aming prof, umaalis na rin ako at hinahayaan siyang gawin ang aming exercise.  Hindi ko iniintindi si Yuri.  Para bang hindi siya nag-eexist kahit pa kapartner ko siya sa lab.  Bahala na kung mahulog ako dahil sa hindi paggawa ng exercise.  Alam ko kasing kapag sinabi ni Yuri na hindi ako nakikipagcooperate sa paggawa ng exercise, pwede rin akong bumagsak.  Pero wala akong complain na narinig mula sa kanya.  Hindi niya rin ako tinangkang kausapin kaya naman mas madali sa aking layuan siya. 

Kapansin-pansin rin ang biglaang pag-babago ng ugali ni Yuri.  Kung noon bago ang Christmas break ay kahit papaano ay nakikipag-usap na ito, bumalik na muli ang dating pakikitungo nito sa tao.  Hindi, mas lumayo pa pala siya sa mga ito.  Hindi na siya nalalapitan ng tao kapag wala sa silid-aralan dahil kusa talaga itong umiiwas (marami ang nakakapansin).  Umuupo sa upuan na malapit sa pintuan at biglang naglalaho pagnagdismiss ang instructor (base na rin sa kuwento ng ilang orgmate ko na kaklase ni Yuri).  Ni hindi na rin siya sumasagot sa mga tanong ng instructor at hindi na rin nagcoconsult sa mga ito. 

Minsan, bago magsimula ang klase sa lecture sa programming, narinig ko ang pagsigaw ng isang bakla habang kausap nito si Yuri.  Marahil nainis ito kaya naman kung anu-anong masasakit na salita ang sinabi nito.  Lahat ng mata ay nakatutok sa usapan nila pero walang reaksyon ang makikita sa mukha ni Yuri.  Blanko.  Kung ung dating Yuri siguro iyon, malamang sumagot rin ito at ipahiya rin niya ang sumisigaw sa kanya.  Pero hindi siya nagsalita at parang walang naririnig base sa ekspresyon ng mukha nito.  Wala na rin nakakakita sa kanya kapag walang klase kahit halos lahat ng subject niya ay sa engineering na.  Ni hindi nga siya nakikitang kumain sa canteen.  Alam ko, isa ako sa naging dahilan ng kanyang pagbabago kaya naman lalong hindi mawala siya sa aking isipan kahit pilit ko man siyang tanggalin dito. 

Upang kahit papaano ay malihis ang aking mga iniisip, kinuha ko lahat ng trabaho sa aking mga orgs.  Kahit ako pa ang presidente ng mga ito, ako ang gumagawa ng kaliit liitang trabaho para mas lalong mawala ang aking mga iniisip.  Hindi naman nangiba ang aking mga kasamahan dahil bago pa magchristmas break ay ganito naman talaga ako.  Kadalasan nga ay hindi ako nakakapaglunch dahil sa dami ng aking mga trabaho. 

Ang tanging nakapansin lamang ng aking pagbabago ay ang aking girlfriend na si Tania.  Simula kasi ng bumalik ang pasukan, bihirang bihira na rin kaming kumain ng sabay kaya naman napansin rin niya ang aking masyadong pagiging busy.  One time, matapos ang aming miting na inabot ng hanggang alas onse ng gabi, kumain kami ng sabay sa isang fastfood restaurant.  Nag-usap kami ng masinsinan.  Kinompronta niya ako kung ano ba talaga ang aking problema at nagbago ako.  Pero dahil wala naman akong maisagot sa kanya, sinabi ko na lamang na wala.  Umiyak ito at sinabing maghiwalay na kami dahil parang hindi ko naman siya itinuturing na kasintahan.  Alam kong naging unfair ako sa kanya kaya pumayag na lamang ako.  Parehas lamang kaming nasasaktan dahil sa aming sitwasyon.  Ako, dahil sa pag-iisip kay Yuri.  Siya, sa pag-iisip sa akin.  Pero siya na rin ang nagsabing maging magkaibigan pa rin kami tutal miyembro kami ng iisang org at makakaapekto ito sa lahat lalo na’t officer kami nito.     

Isang beses, mag-aala-una na ng hapon sa library, naghahanap ako ng isang reference book sa isa kong subject ng biglang magbrown-out.  Binuksan naman ng mga staff ang mga blinds ng library para naman kahit papaano ay may pumasok na liwanag.  Malapit lang ako sa bintana na nakaharap sa likurang bahagi ng library nang makita ko ang iisang tao na naroroon.  Si Yuri.  Kumakain ito mula sa isang lunchbox. Mukhang dito pala siya naglulunch at nagbabaon na lang ito, marahil dahil sa mga naganap sa kanya. Kaya pala kahit sa canteen ng aming college ay walang nakakakita sa kanya dahil hindi pala siya doon kumakain!

Matinding pagsisisi ang idinulot nito sa akin ng aking marealize na isa ako sa dahilan ng kanyang sitwasyon ngayon.  Hindi ko alam na ganoon pala ang epekto nang pagkaalam ng kanyang tunay na katauhan na umabot sa punto na kahit kumain sa canteen ay hindi niya magawa.  Nakaramdam rin ako ng matinding pagkasabik na makasama siyang muli.  Kaya naman dahil sa magkahalong pagsisisi at pagkasabik, hindi na ako nagdalawang-isip na puntahan siya.  Lumabas agad ako sa library at tinungo ang kanyang kinaroroonan habang iniisip ang aking dapat sabihin sa kanya.

Nang makarating na ako sa likuran ng library, napansin kong dali-dali si Yuri sa pagsisilid sa bag ng kanyang mga gamit.  Nang mga ilang hakbang na lang ako mula sa kanya, napansin ko na tumutulo ang kanyang luha na daglian rin niyang pinahid ng kanyang braso.  Dahil sa nakita, biglaan ko ring naalala noong sumigaw si Yuri sa aking sasakyan habang natutulog at kung paano siya lumuha kahit tulug na tulog ito.  Naalala ko rin ang aking pangako sa sarili na hindi siya iiwan.  Hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang ulit ito naalala pero sigurado akong ang pangako kong ito ay napako na. 

Nakaramdam ako ng matinding kahihiyan dahil alam ko na bukod sa hindi ko natupad ang aking pangako, isa na ako sa dahilan ng kanyang mga luha ngayon.  Pagkadating ko sa kanyang lamesa, isinukbit na rin niya ang kanyang bag sa kanyang likod at handa na itong umalis.  Hindi ko alam kung paano magbubukas ng pag-uusap kaya naman naisip ko na lang ang pinakacommon namin, ang aming programming na subject. 

Pinagsisihan ko rin ang aking binuksang topic dahil akala niya ay concern talaga ako sa aking grade kung bakit ako lumapit sa kanya.  Akala niya iaaasa ko na lang sa kanya ang aking grade sa subject na iyon.  Kakaibang sakit ang dinulot sa akin ng aking makita ang kanyang mapapait na ngiti kaya hindi agad ako nakahanap ng tamang sabihin sa pagkakataong iyon.  Hindi na rin niya ako binigyan ng pagkakataon na magsalita at bigla na ring umalis.

Alam kong tunay na mabait na tao si Yuri kaya madaling lilipas ang kanyang galit.  Maghihintay na lamang ako hanggang mangyari iyon.  Nagdesisyon rin akong ipagpatuloy ang hindi pagkibo sa kanya para mas mabilis itong mangyari.  Ang hinihintay ko lamang naman ay kahit kumain siya sa canteen.  Sa ganitong pagkakataon, malalaman kong kahit papaano ay bumalik na muli ang pakikitungo niya sa mga tao (noong panahong hindi pa kami nagkakakilala) para simulan muli namin ang aming pagkakaibigan.  Ako mismo ang lalapit sa kanya, hihingi ng tawad, at sasabihan siyang simulan muli ang aming pagkakaibigan.  Kaya simula noon, sa canteen na lagi ako kumakain ng lunch para masubaybayan ko kung kakain na siya dito. 

Pero dumating ang nalalapit na pagtatapos ng semestre na hindi man lamang nangyari iyon.  Paminsan-minsan, kapag patapos na ang lunchbreak, pumupunta ako sa likod ng library para palihim na tingnan si Yuri.  At sa tuwing gagawin ko iyon, naroon lamang siya na nakaupo.  Madalas mag-isa lamang siya pero minsan, dumating ako sa lugar na iyon at napansin kong may kausap siyang isang bata.  Mukhang masaya si Yuri na kausap ang bata dahil totoo ang mga ngiti nito na huli kong nakita noong kaarawan ko pa.  Natuwa naman ako dahil kahit papaano ay nakakangiti pa rin pala si Yuri ng ganoon.  Pero napalitan rin ng lungkot dahil iniisip ko kung kelan naman kaya ako bibigyan muli ni Yuri ng ganoong ngiti. 

Kagabi, noong malaman ko ang sitwasyon ngayon ni Yuri, narealize ko rin na hinding hindi pala talaga mangyayari ang hiningi kong senyales.  Hindi dahil malalim pa rin ang galit niya sa akin kundi dahil tinitipid niya ang natitira nilang pera ng kanyang ina.  Matinding pagsisisi dahil hindi pa ako ang unang gumawa ng paraan para magkaayos kami.  Wala na talaga akong nasabi para ipagtanggol pa ang aking sarili kay Diana.  Mas matinding hirap pala ang kinahaharap ngayon ni Yuri at sa tingin ko, mas makakadagdag pa ako dito kung makikita pa niya ako.  Kaya pagkatapos makipag-usap sa amin, nagdesisyon na rin ako na sundin na lang ang sinabi ni Diana para na rin sa ikabubuti ni Yuri.  Ang hindi ko lang talaga alam ngayon ay kung papaano ko kakayanin na tuluyan na ngang lumayo sa kanya.       



“Hoy Keith, natulala ka na naman diyan” wika ni Roby.  Napansin kong nakatingin ang lahat sa akin na tila iniintay ang aking sagot.  Hindi ko alam na nahulog na naman pala ako sa malalim na pag-iisip.

“Ano kamo?” balik tanong ko sa kanila. 

“Parang mas wala ka ata sa sarili mo ngayon ah” wika muli ni Roby.  “Itinatanong ni Divine kung gusto mo raw manood ng final exam ni Yuri.”

“Ano?  Anong final exam?” talagang wala akong naintindihan sa mga sinabi nito.

“Hay naku Keith, ang haba ng sinabi ko hindi ka pala nakikinig” buntong-hininga na lamang ni Divine.  “Ang sabi ko kanina, ang sabi sa amin ni sensei kagabi na open sa public ang final exam ni Yuri, bukas ng alas-kuwatro ng hapon sa may basketball court ng gym”, vice-captain ito ng karate club kaya marahil iniannounce ito sa kanila ng kanilang adviser na sensei din ng karate class.  “Magpeperform daw ito ng apat na kata at makikipagsparring raw ito sa aming team captain.  Masyado yatang naimpress si sensei kay Yuri kaya ayun na lang ang ibinigay na final exam para dito.  Siya lamang naman ang mag-eexam sa kanilang klase dahil hindi raw nito nakuha ung mga basics sa klase.  Apparently, ibang istilo nito kaya hindi niya talaga nakuha.  Hindi ko alam ang kakayahan ni Yuri sa karate pero delikado siya sa aming team captain dahil lahat ng nakakasparring noon ay nababalian talaga ng buto.  Halos lahat ata kaming miyembro ng karate club ay manonood dahil bihira lang si captain makipagsparring sa campus.  Wala naman kasing miyembro ang gustong makasparring niya kaya ganoon.  Ano?  Gusto mong sumama sa amin?  Manonood kaming lahat” pagtukoy nito sa lahat ng nandoon.

“Ah eh…” hindi ko alam ang aking isasagot.  Nag-aalala ako sa mga sinabi ni Divine para kay Yuri.  Alam kong bukod sa malaking tao ang team captain ng karate club, magaling rin ito sa karate katulad na lamang ng sinabi ni Divine.  Pero baka madistract lang siya kapag pumunta ako kaya hindi na lang siguro. Sasabihan ko na lamang siyang mag-ingat sa makakalaban niya kapag nakita ko siya sa klase kahit labag ito sa sinabi ni Diana kagabi.  “Sige, titingnan ko.  Marami pa kasi akong dapat gawin.”

“Ano ba yan? Patapos na ang sem hindi pa rin natatapos ang dapat mong tapusin?” disappointed na wika ni Jade.  Alam nya kasing malamang sa hindi ang ibig sabihin ng sagot kong iyon.  Nagkibit balikat na lang ako bilang sagot sa kanya. 



Kinabukasan, pumunta ako sa aming lecture class sa programming.  Kakausapin ko sana si Yuri para warningan sa kanyang makakaharap mamaya.  Pagdating ko sa pintuan ng silid, sabay namang lumabas ang ilang estudyante kasama na ang isa kong orgmate na si Nico. 

“Oh Keith” tawag nito sa akin.  “Wala raw tayong klase at sinabi pa raw noong Martes.  Tapos na naman daw ang prefinals noong Lunes at bukas na lang daw ipopost kung sino ang magfifinals next week.”  Parehas kasi kaming absent noong Martes kaya naman hindi rin niya alam ang announcement. 

“Ha?” tangi kong nasabi.  “Kung kelan huling klase, ngayon pa nawala” medyo tumaas naman ang aking boses.  Hindi ko alam kasi kung papaaano ko pa wawarningan si Yuri.

“Interesado ka atang pumasok” biro nito sa akin.  “Tara punta tayong tambayan at tiyak kong marami ng tao doon.”  Sumama na lamang ako sa kanya. 

Pagdating namin ni Nico sa tambayan, naabutan namin ang aming orgmates na pinag-uusapan si Yuri.  Simula pa kahapon, siya na ang kalimitang topic ng mga estuyante ng engineering dahil sa ginawang pambubugbog nito sa fratmen nina Alex.  Ngayon naman, pinag-uusapan siya dahil sa magaganap na sparring nito sa team captain ng karate club.  Marami na rin ang nagdududa sa nalantad nitong pagkatao dahil sino ba namang bakla ang mambubugbog sa kafrat nina Alex at haharap sa kapitan ng karate club?  Baka raw hindi totoo ang inamin nitong bakla ito dahil masyado nga namang lasing ito noong panahong iyon. 

“Keith, sama ka sa amin” wika ni Tania.  3:30 na ng hapon at nagkayayaan ang grupo na manood ng final exam ni Yuri.  “Punta na kami sa gym para manood ng exam ni Yuri.  Kasparring raw niya si John, ang team captain ng karate club.  Tara, suportahan natin si Yuri.”

“Sige, susunod na lang ako” sagot ko.  Nagdadalawang isip na ako kung pupunta ako para manood.  “May tatapusin lang.” 

“Ano ba yan?” tugon ni Tania.  “Hanggang ngayon nagpapakabusy ka pa rin?” 

Wala na silang nagawa dahil sinabi ko na last requirement sa student council ang tatapusin ko.  Sinabi ko sa kanila na deadline ngayon kaya dapat ay tapusin ko na.  Pero ang totoo, kahapon ko pa isinubmit iyon sa meeting namin.  Nagsialisan na sila upang tunguin ang gym.

Nang ako na lang ang naiwan sa tambayan, napaisip na naman ako ng malalim ng tungkol kay Yuri.  Nag-alala rin ako sa kahihinatnan ng kanyang exam kaya naman ng 10 mins. to 4 pm na, nagdesisyon na akong tunguin ang gym.  Magtatago na lang ako para hindi ako nito makita habang nag-eexam siya.  Dala ang aking sariling sasakyan, mabilis ko ring narating ang gym.



Pagdating sa gym, kapansin-pansin ang maraming manonood ng final exam ni Yuri.  Nakita ko sa unahang bahagi ang mga college reps na kasama si Divine na nakadamit pangkarate pa.  Nasa unahang bahagi rin ang mga miyembro ng karate club na katulad ni Divine, nakapangkarate rin.  Nakita ko rin sa unahan pero opposite na bahagi si Diana na kasama si Luke.  Nakita ko rin ang aking mga orgmates sa aking tatlong org.  Marami ring mga estudyante ng engineering at mga estudyante ng ibang colleges ang manonood.  Sa gitnang bahagi, naroon rin ang fratmen na pinangungunahan ni Alex.  Ang iba pa sa mga ito ay may bendahe pa sa braso na malamang kasama sa nabugbog ni Yuri.  Kahit siksikan na sa gym dahil sa magaganap, wala namang masyadong ibang estudyante ang lumapit sa grupo nila.  Kaya naman pumuwesto ako sa likurang bahagi ng mga ito para malinaw kong matanaw ang rubber mat na gaganapan ng exam ni Yuri.  Hindi na rin ako nag-abalang magpakita sa miyembro ng student council o sa ibang miyembro ng aking mga orgs.  Mukhang wala namang makakapansin sa akin dahil abala sila sa nakikita nila sa rubber mat. 

Nasa rubber mat ang nakasplit na si Yuri habang ang ulo nito ay nakadikit sa rubber mat mismo!  Sobrang pagkamangha ang makikita sa mukha ng mga manonood dahil sa ipinapakita nitong flexibility.  Bukod kasi sa nakasplit ito na bibihira lamang sa mga taong nasa aming age bracket, nakatuon pa ang noo nito sa rubber mat na talaga namang imposible sa ordinaryong estudyante.  Daig pa niya ang mga dancers ng ibang club dahil sa pagkalambot ng buto nito.  Mukhang nag-sstretching ito para sa kanyang magaganap na exam. 

Ilang saglit pa ay tinawag na ng adviser ng karate club ang atensyon ng lahat.  Nakatayo sa kanang bahagi nito ang kapitan ng karate club, na nakapangkarate rin at may itim na belt.  Pumuwesto naman ang pawisang si Yuri sa kaliwang bahagi nito.  Suot nito ang may kalumaan na ring pangkarate, tanda na gamit na gamit ito.  Katulad ng kapitan, may suot rin itong itim na belt.  Maraming nagbulung-bulungan ng makita si Yuri sa ayos nito.  Kanina, habang nagsstretching, hindi naman nito suot ang itim na belt.  Nagulat sila dahil black belter pala ang taong ito!   May ilan ring nanlumo, katulad na lang ng baklang lumapit dito minsan, dahil sila ang tahasang nagparinig kay Yuri ng pang-iinsulto.  Kung nagkataon kasing napuno si Yuri, marahil malala pa ang inabot ng mga ito sa fratmen na binugbog niya.  Naalala ko rin ang ilang pagkakataon na sinabi niyang bubugbugin niya ako na ipinalagay ko na pagbibiro lang.

“Magandang hapon sa inyong lahat.  Salamat sa inyong pagpunta” panimula ng adviser.  “Sa totoo lang, ang exam na ito ay dapat basics lang sana ng karate para kay Yuri katulad ng sinabi ko last meeting.”  Nakatuon ito sa isang grupo ng mga estudyante na kinabibilangan ni Diana.  Marahil ito ang klase ng karate.  “Pero after kong makita ng malapitan ang kanyang kakayahan, doon na ako nagdecide na ito na lamang ang ipaexam sa kanya.  Malamang, kung ung basics pa rin ang ipapaexam ko sa kanya, bumagsak pa rin siya sa kursong ito.  Pinapunta ko kayong lahat dahil alam nyo naman kung gaano ko kadalas ikinocorrect ang batang ito.  Para makabawi sa pagkapahiyang idinulot ko sa kanya, gusto kong makita niyo ang kanyang tunay na kakayahan.  Siguro wala ng magtatawa kay Yuri kapag nakita niyo ang performance niya.”  Nakangiti ito habang binabanggit ang huling kataga na sinabi nito.  “Ang magiging exam ngayon ni Yuri ay binubuo ng apat na kata at isang sparring.  Isang empty hand kata ang ipeperform niya kasunod ang mga kata na may hawak na arnis, nunchaku at katana.  Makakaharap naman ni Yuri sa sparring si John dela Cerna, ang kapitan ng karate club at isang 3rd dan black belter ng Shotokan karate.”  Itinuro nito ang kapitan na nasa kaliwang bahagi niya.  “Sa hindi nakakaalam, ang kata ay katulad ng ‘shadow boxing’ sa boxing kung saan parang mayroon talagang kaharap ang nagpeperform nito.  Ang dan naman ay degree ng karate na tinatawag sa mga black belt.  Dumadaan ang mga naghahangad na mapataas pa ang belt sa mahihirap na exam na depende sa istilo ng karate.  Napansin nyo sigurong black belt na rin si Yuri pero ibang istilo niya.  Mamaya na lang niya sasabihin ang detalye.”  Humarap na ito kay Yuri.  “Sige Yuri, simulan mo na.”  Umalis na ang mga taong nasa rubber mat at naiwan na lang dito si Yuri.

Tumayo sa gitnang bahagi ng rubber mat si Yuri.  Blanko ang ekspresyon nito at tila hindi iniintindi ang kanyang mga manonood.  Ako nama’y nakapuwesto sa gawing tagiliran niya kaya naman tiyak kong hindi ako makikita ni Yuri mula sa kanyang kinatatayuan.  Nakaharap siya sa kinatatayuan ng adviser ng karate na malapit rin sa kinatatayuan nina Diana.  Nagbow siya sa mga ito at sumigaw ng “SUSHIHO”.  Biglang tumahimik ang paligid at ang lahat ng tao ay pinagmamasdan siya sa kanyang unang kata. 

Dahil wala naman akong background ng karate, wala akong masyadong maintindihan sa kanyang ginagawa ngayon.  Nagpapamalas siya ng suntok, sipa, at iba’t ibang tayo sa iba’t ibang anggulo.  Kapansin-pansin ang lakas ng suntok at sipa nito dahil mayroong maririnig na hangin sa bawat galaw nito.  Tiyak, kung sino ang tatamaan nito ay talagang masasaktan.  Ilang beses rin siyang pumihit ng tingin sa aking direksyon, at sa tuwing mangyayari iyon, wala naman siyang ibang reaksyon kahit alam kong nakita niya ako.  Panandalian akong natuwa dahil parang wala na siyang galit sa akin pero nakaramdam rin ako ng kalungkutan dahil parang itinuturing na rin niya akong hindi kilala.  Ilang beses rin siyang sumigaw ng “KIYAAAAAA” na talaga namang ikinagugulat ng mga naroroon dahil sa lakas nito.  Pagkatapos ng tatlo o apat na minuto, natapos rin ang kanyang unang kata dahil nagbow na muli ito.  

Sinunod niyang iperform ang katang may hawak na arnis.  Dahil nakuha ko ang PEng ito noong unang taon ko sa pag-aaral sa college, medyo familiar ako sa mga terms nito.  Ipinerform niya ang mga ‘sinawali’ move pattern at apat na ‘anyo’ (parang kata na rin ang mga ito dahil parang may inaatake siya habang ipineperform ang mga ito).  Bilang dating mag-aaral nito, masasabi kong malinis ang kanyang bawat galaw at maihahalintulad siya sa aming ‘guro’ noong nag-aaral kami.  Tumutunog pa sa hangin ang bawat hambalos niya ng arnis kaya masasabi mo talagang malakas ang bawat palo niya.  Nagbow rin siya bago magsimula at pagkatapos nito.  

Isinunod naman niya ang kata na hawak nunchaku.  Bago magsimula, sumigaw siya ng “SEIBU NUNCHAKU”.  Mas kamangha-mangha ang ipinerform niyang ito dahil hindi birong gamitin ang isang nunchaku.  Kapag mali-mali kasi ang paggamit nito, mas masasaktan pa ang humahawak nito kaysa sa paggagamitan. Habang ipineperform niya ito, naalala ko si Bruce Lee, na napanood ko minsan sa lumang pelikula sa cable channel.  Nakatutok ang lahat sa ginagawa ni Yuri at wala ni isang nangahas na gumawa ng tunog.  Tanging maririnig lang ay ang hampas ng nunchaku sa paligid kahit puno ang gym ng mga tao. 

Kung tumahimik ang lahat sa ikatlong kata ni Yuri, mas lalong walang narinig sa paligid, kahit hininga ng mga manonood, ng ilabas niya ang ikatlo niyang sandata sa kanyang kata, ang katana.  Nang inilabas niya ang katana mula sa pinaglalagyan nito, mababakas sa iba ang pagtataka dahil mukhang hindi nila alam na ang katana ay espadang hapones pala.  Bago siya nagsimula, ito muna ay may sinabi, “Pwede po bang lumayo-layo ung mga tao diyan sa may rubber mat?” magalang pero walang expression nitong wika sa ibang estudyante na natatapak na sa loob ng rubber mat.  Lumayo naman ang mga estudyanteng ito.  “Kailangan ko po kasing gamitin ang buong lawak nito sa kata kong ito kaya pasensya na po.  Ipinakikilala ko nga po pala sa inyo ang pinakapaborito ko pong katana, si Amaya” itinaas nito ang katana at nakatingin dito na parang kinakausap.  “Ibig sabihin mo ng pangalan niya ay ‘night rain’ dahil mas nagagamit po ang kanyang kakayahan sa gabing umuulan.  Isa po siya sa replica ng orihinal na ‘Honjo Masamune’ na pinanday ng descendant ni Masamune mismo.  Katulad po ng orihinal na ‘Honjo Masamune’, parang naglalaho ang humahawak ng espadang ito pero hindi katulad ng orihinal, sa gabing umuulan lamang ito nangyayari.”  Ibinalik na niya sa lalagyan ang katana, hudyat na magsisimula na siya ng kata.  Pumunta rin siya sa gitna ng rubber mat at nagbow. 

Katulad ng kata niya sa arnis, marami ring ipinerform na kata si Yuri gamit ang katana.  Maiikli lamang ang mga ito at sa bawat kata niya, bukod sa isinisigaw niya ang mga ito, hinuhugot at ibinabalik niya sa lalagyan ang katana.  Parang pinupunasan rin niya ang talim nito ng kanyang kamay bago niya ibalik ito sa lalagyan.  Parang sa pelikula ko lang nakita ang kanyang ginagawa kaya naman hindi lang ako ang namangha dahil lahat ng naroon ay hindi nakapagsalita.  Tanging pagwasiwas lang ng kanyang espada ang tanging maririnig sa buong gym habang pinapanood ng lahat ang kanyang ginagawa.  Nang ibalik ni Yuri ang katana sa lalagyan sa huling pagkakataon, nagbow muli ito.  Ilang segundo rin ang lumipas ng marealize lahat ng naroroon na tapos na si Yuri sa kata saka pumalakpak ang lahat ng naroroon. 

Pumunta na rin ang sensei ng karate sa gitna at pinasalamatan si Yuri sa kanyang ipinerform na kata.  Pinuri pa niya ito na napakagaling ng mga pinerform nitong kata kahit ang karamihan daw sa ipinerform niya ay bago lang din sa kanya. 

Binigyan niya ito ng 15 minutos para makapagpahinga bago sa kanyang sparring sa kapitan ng karate club.  Pumunta naman ito sa direksyon nina Diana at Luke, kinuha ang bag, binuksan ito at kumuha ng tuwalya pamunas ng kanyang pawis.  Tinulungan rin siya ni Dianang punasan ang likod nito habang nag-uusap ang mga ito. 

Habang nagpapahinga si Yuri, nagkaroon naman ng sparring sa pagitan ng ilang miyembro ng karate club bilang pantanggal-inip sa mga manonood.  Sa bawat sparring, mayroong tumatayong dalawang referee sa magkabilang tabi ng naglalaban na miyembro rin ng karate club.  Nagdesisyon akong pumunta muna ng banyo para umihi at ayusin ang sarili nang hindi nagpapakita sa aking mga kaibigan. 

Nasa loob ako ng isang cubicle ng may marinig akong usapan sa loob ng CR.  Mukhang bagong pasok lamang ang mga ito at akala ay sila lamang ang nasa loob noon. 

“Sempai John, kaya mo ba si Yuri?” tanong ng isa.    

“Ung baklang iyon? Sisiw lang yun” pagmamayabang ng team captain ng karate club.  “Kita mo naman ang liit nun di ba?”

“Nakita mo ba yung kanyang mga kata?” tanong muli nito.  “Mukhang delikado ka eh.  Tingin ko mahihirapan ka sa kanya.”

”Ako pa!” pagmamayabang muli nito. “Inaamin kong maganda ang kanyang mga kata lalo na ung may hawak siyang katana pero wala naman yang hawak mamayas kaya panoorin mo na lang kung paano ko siya gugulpihin mamaya.”

Lumabas na rin ako ng cubicle at medyo nagitla pa sila sa aking paglabas.  Tuluyan ko na ring iniwan ang CR ng hindi nagbigay ng komento sa sinabi ng kapitan.  Sa loob-loob ko lang na mapahiya sana ito mamaya.  Pero sa kabilang dako naman ay natatakot din ako para kay Yuri dahil mukhang tototohanin ng kapitan ang sparring.  Bumalik ako sa aking puwesto kanina ng walang nakakakita sa akin. 

Si Yuri ngayon ay kinakausap pa rin ni Diana na sinasagot rin naman nito.  Di’ ko mawari ang kanilang usapan dahil malayo naman ako sa kanila.  Nagbibigay naman si Yuri ng halatang pilit na ngiti kay Diana paminsan-minsan pero kalimitan, ang walang ekspresyong mukha ang makikita dito habang nanonood ng nagssparring.  Walang mababakas na pag-aalala sa kanyang haharapin.

Ilang minuto pa ay tumayo na muli ang sensei at tinawag ang atensyon ng mayabang na team captain at ni Yuri. 

“Dahil espesyal ang labang ito, ako ang magiging isang referee ninyong dalawa” panimula nito.  Ang tumayo pang isang referee ay si Divine.  “Sige, pumunta na kayo sa inyong puwesto” sabay turo sa dalawang guhit na tinatayuan ng naglalaban.  “Ang gagamitin nating rules dito ay  ang sa World Karate Federation.  I assume ganito rin ang rules ninyo Yuri.”  Biglang naging pormal ang ekspresyon ng sensei at nagwika, “Otagei ni rei”.   Nagbow naman sina Yuri at John sa isa’t isa.  “SHOBU HAJIME” sigaw muli ng sensei.  Bahagyang Itinaas ng dalawa ang kanilang kamay na parang sa boxing habang tumatalon ng mahina. 

Walang anu-ano ay biglang lumapit si Yuri kay John.  Dahil sa bilis ng kilos ni Yuri, walang nagawa si John ng suntukin siya nito (na may kasama pang malakas na “KIYAAAAAA”) sa sikmura kahit halos 1 foot ang pagkakaiba ng height ng dalawa.  Sumigaw ang sensei ng “YAME, YAME” at pumagitna sa dalawa, si Divine hindi agad nakareact sa nangyari.  Inilayo nito ang braso ni Yuri mula sa sikmura ni John habang nakaluhod si John marahil dahil sa tindi ng sakit at parang hindi siya makahinga.  Wala pa ring mababakas na ekspresyon kay Yuri habang si John naman ay kulang na lang ay mamilipit sa sakit na tinanggap.  Ang mga manonood ay tila nagulat rin sa bilis ng pangyayari dahil walang reaksyon sa mga ito kahit ilang segundo na rin ang lumipas. 

“John kaya mo pa?” tanong ng sensei sa kapitan na sinagot rin nito ng bahagyang pagtango na nangangahulugan na kaya pa niya.  “Yuri, overpower yun.  Isang violation sa rules.  Hindi mo ba alam yun?” tanong naman nito kay Yuri. 

“Hindi po sensei” sagot nito sa sensei.  “Sa sparring po kasi namin, ang tanging layunin lang ay patumbahin ang kalaban.”

“Mukhang iba nga ang rules ninyo pero ang gagamitin natin ay yung alam namin.”  Humarap naman ito sa halos nakabawi na ring si John, “John, itutuloy mo pa ba?  Knowing Yuri, hindi natin yan mapipilit na sumunod sa rules natin.  Baka kung ano pang mangyari sa iyo.”

“Ok lang po ako sensei” pilit ang ngiti na sagot nito dito.  “Hindi naman po masyadong masakit.” 

‘Hindi raw,eh kulang na lang ay umiyak siya sa sakit’ mahina kong komento sa sagot nito. 

“Sige ikaw ang bahala.”  Humarap muli ito kay Yuri  “Yuri, huwag mong masyadong laksan. Touch lang ng kamao o ng sipa magkakapuntos ka na.  At saka hugutin mo agad ang suntok mo.  Magkakaviolation ka kapag ganoon. Makaapat na violation ka, talo ka.”  Iminuwestra nito ang suntok na biglang hinuhugot.  Yung kay Yuri kasi ay hindi niya agad tinanggal sa sikmura ni John at talagang kailangan pang ilayo ni sensei. 

“Susubukan ko po” mahinang sagot ni Yuri. 

“Ok, bumalik na kayo sa inyong puwesto” sinunod naman ni Yuri at nang halos nakabawi na ring si John.  “CHUKOKU” sigaw nito habang nakaharap kay Yuri at mayroon itong isinignal sa harapan niya.  Humarap muli ito sa gitna at muling nagwika “Otagei ni rei”.  Nagbow muli ang dalawa at ng sumigaw ang sensei na “SHOBU HAJIME” muling itinaas ng dalawa ang kamay na katulad ng ginawa nila kanina. 

Sa pagkakataong ito, si John naman ang biglang lumapit kay Yuri.  Susuntok sana ito sa mukha (habang sumisigaw ng “KIYAAAA”) pero madaling sinalag ito ni Yuri ng kaliwang kamay at siya naman ang sumuntok sa mukha nito habang sumisigaw rin.  Dahil sa biglaang pagsalag sa suntok at sa counterpunch na rin ni Yuri, na out-of-balance si John at natumba ito.  “YAME, YAME” sigaw muli ng sensei at pumagitna sa dalawa habang si Divine ay muling natigilan sa nangyari.  Daglian namang tumayo si John habang hawak nito ang ilong na tinamaan ng suntok.  Pumunta ito sa isang kasamahan sa karate at kumuha ng maliit na tuwalya.  Pinunasan nito ang ilong dahil may dumadaloy na dugo mula dito!  Nilapitan ito ng sensei at kinausap ng mahina.  Nilapitan rin ito ng ibang miyembro at parang tinulungan itong punasan ang duguang mukha.  Si Yuri naman ay parang estatwang nakatingin lang sa kapitan.  Ilang saglit pa ay tumigil na rin ang pagdurugo at pinabalik na ang dalawa sa kanilang puwesto.   

“Yuri, overpower ulit ang suntok mo” wika ng sensei habang nakaharap kay Yuri.  Napadako naman ang tingin ko kay John at mababakas dito ang galit sa mukha nito habang nakatinggin kay Yuri.  “Hindi naman kasi dudugo yan kung hindi masyadong malakas” humarap ito kay John at bigla namang naging parang nasasaktan naman ito.  “Tinanong ko na si John pero itutuloy pa rin daw niya ang sparring.  Pero huwag mo namang masyadong laksan.”  Humarap muli ito sa gitna at muling sumigaw na nakaharap kay Yuri habang may isinisignal ito  “HANSOKU CHUI”.  Humarap ulit sa gitna ang sensei at muling sumigaw bilang hudyat para magbow ang dalawa at simulan muli ang sparring.

Lumapit si Yuri sa kapitan.  Mukhang natakot ito sa tinamo nito ng maglapit sila kanina kaya naman umatras ito para dumistansya.  Sumipa ang kapitan pero mabilis ring umatras si Yuri para iwasan ang sipa.  Malaki ang pagkakaiba ng height ng dalawa kaya kung gagamiting sandata ng kapitan ay ang paa nito ay talagang hindi basta basta makakalapit si Yuri.  Ilang beses lumapit ang kapitan para sipain si Yuri pero mabilis ring naiiwasan ito.  Sa ikalimang pagsipa ng kapitan, nagulat ang lahat ng biglang lumapit si Yuri imbes na umiwas.  Mukhang pinag-aralan lang pala nito ang mga nauna dahil ng lumapit ito ay sinambot nito ang sipa ng kapitan, tinalapid ang isang paa habang hawak nito ang paang ipinangsipa dahilan para matumba ito.  Lumuhod si Yuri at binigyan ng malakas na suntok sa sikmura ang kapitan bago sumigaw muli ang sensei para patigilin sila.  Lumayo naman si Yuri sa nakahigang kapitan na nilapitan ng sensei at ni Divine. 

Hindi na naman maipinta ang mukha ng kapitan sa sakit na tinamo at muli siyang kinausap ng sensei.  Hindi rin ito nakatayo bigla dahil mahahalata rin ang sakit sa paa nito.  Marahil nabalian ito sa paa ng sinipa nito si Yuri.  Nakakaramdam na ako ng awa sa mayabang na kapitan dahil hindi pala nito kaya si Yuri.  Tumayo na ang iika-ikang kapitan at bumalik na sa guhit ang dalawang naglalaban.  Humarap ito sa gitna ng dalawa, itinuro ang kapitan at sumigaw, “AKA SHIKAKU.”  Itinaas nito ang kaliwang kamay at muling sumigaw, “AO NO KACHI”.  Base sa sinabi ng sensei, ang nanalo ay si Yuri.  Malakas na palakpakan ang sinagot ng mga tao sa desisyon ng sensei.  Ang hindi ko lang maintindihan ay kung paano nangyari iyon dahil nakailang violation na rin naman ito.  Marahil sumuko na ang kapitan ng mabalian ito sa paa kaya naman si Yuri pa rin ang nanalo. 

Pagkatapos magbow ang dalawa, lumapit si Yuri sa kapitan para kamayan ito.  Sakit pa rin ang makikita sa mukha nito pero bahagya itong ngumiti ng nilapitan siya ni Yuri.  Binigyan rin naman siya ni Yuri ng nag-aalalang ngiti at nagsalita ito na hindi ko na narinig.  Inalalayan pa nito ang kapitan, kasama na si Divine, para makaupo ng maayos sa isang upuan na dinala ng kasamahan nila. 

Muling pumagitna ang sensei ng karate club sa rubber mat at nagwika upang papuntahin na rin sa gitna si Yuri.  Nagbigay ito ng maikling mensahe tungkol sa nangyari at sinabi nga nitong sumuko na ang kapitan sa sparring kaya si Yuri ang nanalo.  Pagkatapos noon, sinabihan nito si Yuri para sabihin nito ang background ng kanyang martial arts.

“Limang taong gulang po ako ng tinuruan ako ni ama ng karate na ang istilo ay ‘Kyukoshin’.  Ngayon po, 2nd dan blackbelt na rin po ako nito.”  Tahimik ang lahat habang nagsasalita si Yuri.  Bahagya ring lumungkot ang mukha nito ng mabanggit niya ang kanyang ama.  “Noong sampung taong gulang po ako, sinimulan po akong turuan ni ina ng aikido.  Ngayon po, 3rd dan blackbelt na rin po ako nito.”  Maraming nagulat sa kanyang sinabi dahil hindi lang pala isa ang istilo nito kundi dalawa!  Wala talagang panama kahit pa ang kapitan ng karate club.

Nang maramdaman ng sensei na wala ng sasabihin si Yuri, siya na ang muling nagsalita.  “Ang tipid mo namang magsalita.”  Komento nito sa maikling sinabi ni Yuri.  May sasabihin sana ito ng biglang nagtaas ng kamay ang isang bakla (ung baklang nang-insulto kay Yuri) na waring may gustong itanong.  “Yes?” pagpansin nito sa kaisa-isang taong nagtaas ng kamay.

“Yuri, bakla ka nga ba?” lakas loob nitong tanong kay Yuri.  Mababanaag ang takot sa mukha nito pero tiningnan lang siya ni Yuri ng blanko nitong ekspresyon. 

“Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi” tangi nitong sagot.  Lumakas ang bulung-bulungan sa paligid.  Pero muling nagsalita ang baklang nagtanong kanina.

“Sali ka sa aming org” hayagang paghikayat nito kay Yuri.  Nagbigay lang ito ng tipid na ngiti at hindi sinagot ang sinabi sa kanya. 

Nagtaasan rin ng kamay ang iba habang ang iba naman ay malakas na ring nagtatanong sa kanya ng sabay-sabay.  Pinatigil lang silang lahat ng sensei ng karate club at muling nagsalita.  “Kung gusto niyong tanungin si Yuri, iapproach niyo na lang siya.  For the meantime, gusto ko lang sabihin kay Yuri ang resulta ng kanyang exam.  Dahil sa ipinakita mong kata at sparring, ipinaaalam ko lang sa iyo at sa lahat ng nandito na nakapasa ka sa course na ito.  Bibigyan kita ng grade na dos.  Marami siguro ang magtatanong kung bakit hindi uno, pero hindi ko rin dapat iignore ang kanyang performance sa klase kaya nagdecision akong hanggang dos lang ang kaya kong ibigay.”

“Ok lang po iyon sensei” ang nakangiti at parang nakahinga ng maluwag na sagot ni Yuri.

Nagbigay ng hudyat ang sensei na tapos na sila at pwede nang umalis ang mga manonood.  May pailan-ilan ng umalis pero karamihan ay nag-iintay, marahil para kausapin si Yuri.  Tinawag naman ng sensei si Yuri para makausap ito ng personal.  Kinuha na ni Yuri ang kanyang gamit at may ibinulong ito kay Diana.  Pumunta naman si Yuri at ang sensei sa tabihan ng gym at pumasok sa opisina nito. 

Sampung minuto ang lumipas pero hindi pa halos nababawasan ang taong nasa gym.  Bumalik na muli ang sensei sa rubber mat at nagwikang nakaalis na si Yuri at may tatapusin pa raw ito.  Lahat ng tao na naroroon ay hayagang ipinakita ang disappointment dahil sa biglaang pag-alis nito.  Akala nang lahat na babalik pa ito dahil narito ang bestfriend nitong si Diana na hindi naman makikitaan ng disappointment sa mukha.  Mukhang sinabihan na ito ni Yuri kaya naman ng bumalik ang sensei, umalis na rin ito kasama si Luke.

Nagdesisyon na rin akong umalis sa lugar na iyon.  Napagtanto kong wala naman palang dapat ipag-alala kay Yuri sa exam niya. Nasayahan na rin ako dahil kahit papaano ay nakita ko muli si Yuri.  Marahil ito na ang huli dahil tuluyan na rin akong lalayo sa kanya na nang aking maalala ay bigla ko namang ikinalungkot. 

Bagsak ang balikat, habang naglalakad papunta sa aking sasakyan, nang may biglang umakbay sa akin.  “Tara, inom tayo” anyaya ni AN sa akin. 

“Tara” tangi ko lang sagot at tinungo na nga namin ang aking sasakyan. 



-Yuri-



Mag-aalas singko na ng matapos ang aking exam at imbitahan ako ni sensei sa kanyang opisina.  Mababasa sa mga tao sa loob ng gym na nais talaga nila akong makausap kaya naman nagdesisyon akong dumeretso na sa computer room galing sa opisina ni sensei.  Sinabihan ko rin si Diana ukol dito at nakiusap na huwag munang umalis para hindi maghinala ang mga tao doon.  Nakuha naman niya agad ang aking gustong ipahiwatig kaya naman sumabay na ako kay sensei papasok sa opisina niya. 

Sa opisina, kinausap ako ni sensei tungkol sa isang Mixed Martial Arts Tournament nagaganapin sa isang mall sa Manila.  Ipinakita niya sa akin ang imbitasyon sa kanya galing sa organizers.  Noong una, ayaw ko talagang sumali, pero ng makita ko ang mapapanalunang pera ng mananalo, doon na nagbago ang aking isip sa pagsali.  Tiyak kong hindi ako papayagan ni inang sumali doon pero may kalakihan ang premyo kaya naman sasali ako ng hindi ko sasabihin sa kanya.  Mabilis ko ring naiscan ang sulat at nabasa ko ang rules na halos kagaya lang ng sparring namin sa karate kaya naman tingin ko’y hindi ako masyadong mahihirapan sa pagkontrol ng aking lakas hindi katulad ng kanina.  Kulang-kulang isang buwan na lang bago ang nasabing tournament pero naisip kong hindi ako mahihirapan sa aking training.  Pakikiusapan ko na lang si kuya para tutukan niya ang aking personal na training total magbabakasyon na rin naman. 

Sa huli, pumayag akong sumali sa tournament.  Pinakiusapan ko rin si sensei na ipalista na rin ako sa tournament at icocommunicate na lang niya ako sa detalye.  Nagsabi pa ito na ang balak niya talaga ay ang kapitan ang pasalihin pero nang makita niya kung paano ko nilabanan ito, doon rin nagbago ang isip niya.  Napagtanto niya na hindi sanay sa ganoong klaseng laban ang kapitan at malamang sobra itong masasaktan sa tournament.  Napansin rin niya kung paano ko kinontrol ang aking lakas sa kumite kaya naman mas magiging komportable raw ako sa tournament na iyon.

Matapos ang mabilis na usapan, nagbihis na ako ng aking normal na damit sa opisina at sinabihang aalis na ako dahil may kailangan pa akong tapusin.  Nakuha rin niya na ayaw kong makipag-usap sa mga naroroon sa loob ng gym kaya naman nang lumabas ako, hinarangan pa ako ni sensei sa line of vision ng mga tao doon para makaalis ako doon ng walang makakapansin. 

Mabilis ko ring tinungo ang computer room ng engineering para tapusin ang aming project ni Keith.  Buti na lang at bukas na ito.  Nasa loob si Engr. Ramoso at iniintay ako.  Sinabihan ko kasi siya kahapon na makikigamit ako ng computer para sa paggawa ng project. 

“Kumusta ang practical exam mo sa PE?” tanong nito sa akin.  Hanep pati instructor ng ibang course, alam na nag practical exam ako sa PE.

“Ok naman po sir” masaya kong sagot sa kanya.  “Dos na raw po ako sabi ni sensei.”  Hindi pa rin maalis ang tuwa dahil sigurado na akong wala akong ibinagsak na subject ngayon. 

“That’s good” sagot ni Engr.  “Si Keith pupunta ba dito?” walang kaalam-alam ang aming instructor na ako lang talaga ang gagawa ng aming project.  Itinanong nga nito kung bakit doon kami gagawa ng project pero idinahilan ko na lang na doon ko na ito nasimulan at hassle pa kung lilipat pa ako ng computer.  Masyado kasing maraming app ang aking ipinoprogram kaya kapag lumipat ako ay katakot-takot na revision pa ang aking gagawin.  Totoo ang aking sinabi pero hindi ko sinabi sa kanya na hindi kami nag-uusap ni Keith ngayon at ayaw ko na siyang maghinala na ako lahat ang gumawa ng exercise/project namin.      

“Hindi po” maikli kong sagot.  “Okay naman po, kasi matatapos na rin naman po ang aming project.”

“Hay naku, busy pa rin hanggang ngayon?” sagot na lang ng aming instructor.  “Ok lang kasi hindi ka naman mag-iisa ngayong gabi.  Dito rin gagawa ang grupo nina Queenie.  Darating raw sila mga bago mag seven.” 

Nakahinga ako ng maluwag ng malaman kong hindi naman pala ako mag-iisa ngayong gabi.  Kung mayroon kasi akong isang kinatatakutan, ito ay ang mga supernatural na nilalang katulad na lang ng multo, aswang at kung anu-ano pa.  Kahiya-hiya man pero sa tanda kong ito ay naniniwala pa rin ako sa mga ito kahit hindi pa talaga ako actual na nakakakita.  Panandalian itong nawala ng mamatay si ama, pero ngayon, na halos bumabalik na muli sa normal ang lahat, bumabalik na naman ang aking kaduwagan sa mga ito. 

Sinisisi ko rito ang aking mga magulang dahil noong bata pa ako ay ito ang kanilang panakot sa akin.  Dahil nga malakas ang aking pakiramdam sa paligid, konting galaw lang ay kinukumpirma ko na kung ano ito at noong bata pa ako, tinatakot ako ng aking mga magulang na multo/aswang raw iyon.    Kinukuwentuhan pa nila ako ukol dito at tungkol sa mga supernatural na bagay nasa Japan lang makikita kaya naman lubos ang aking pagkatakot na hindi pa naaalis hanggang ngayon.  Ang bahay lang ata namin ang tanging lugar na hindi ko kinatatakutan dahil sanay na rin ako.  Dito sa campus, marami ring ikinukuwento sa akin si Cathy tungkol sa mga kababalaghan kaya hindi talaga ako nagpapagabi rito ng mag-isa. 

Lubos rin talaga akong nag-alala sa paggawa ng project kaya naman pinipilit ko talagang gawin ito pagkatapos kong gumawa ng mga exercise.  Pero dahil hindi ko pa rin ito tapos, wala lang talaga akong choice ngayon at nakipagsapalaran lang akong tapusin ito nang hindi pa lumalalim ang gabi.  Hindi ko rin naman mayaya si Diana dahil may exam pa siya ngayong gabi at hindi pa rin niya alam ang aking matinding pagkatakot sa mga ito.  Buti naman at may kasama pala ako dahil ang isipin pa lamang na mag-iisa ako sa isang lugar na hindi ako pwedeng basta-basta tumakbo, eh baka hindi na ako magsubmit ng project nito.   

“Sige, uuna na ako” sabi ni Engineer.  “Patayin mo lahat ng ilaw maliban lang ung dito sa pathway sa labas kapag aalis ka na.  Ibibigay  ko sa iyo ang susi.  Ibalik mo na lang sa akin bukas sa inyong project presentation.”

Umoo na lang ako at binuksan ang computer.  Habang hinihintay kong magboot ang computer, pumunta muna ako sa table ng instructor para simulan na rin ang aking pagdidinner.  Kinse minutos akong kumain at dalidali kong itinago lahat sa aking bag.  Sinimulan ko na ang pagpoprogram ng hindi ko pinapansin ang aking nasa paligid. 

Halos dalawang oras rin ang lumipas, tapos na ako sa project ng may biglang kumatok sa computer room.  Bigla naman akong natakot dahil hindi ko naramdaman na may lumapit sa pinto.  Medyo madilim na rin sa labas at mag-aalas siyete na ng gabi.  Kumatok muli ito at naalala ko nga pala na napupunta pala ang grupo ni Queenie katulad ng sinabi ni Sir.  Tinungo ko ang pintuan at nakahinga ako ng maluwag dahil andito na si Queenie kasama ang kapartner niyang si Sandra.  Hindi ko lang pala napansin ang kanilang presensiya dahil sa pagiging focus ko sa paggawa.

“Yuri, ang galing mo kanina ah” wika ni Queenie.  Ito ang bungad na bati sa akin nang magkaharap kami sa pintuan.

“Hindi ka man lamang nahirapan sa kasparring mo ah” wika naman ni Sandra.

Sila ang iilang estudyante na hindi ko nakitaan ng hayagang pang-iinsulto sa akin noong panahon na nalaman nila na bakla ako kaya naman nginitian ko talaga sila bilang sagot.  Kinamusta nila ako kung kumain na ako.  Tinanong rin nila ako ng mga bagay tungkol sa naging sparring ko kanina at ilang background ko sa pagkakarate.  Siyempre, sinagot ko naman sila ng maayos at pinayagan ko ring tingnan nila ng malapitan si Amaya.  Sa madaling salita, nakapalagayan ko agad sila ng loob. 

Tinanong ko sila kung saan na sila sa project at sinabi nilang matatapos na rin sila.  Naghati ang dalawa na tatapusin ang project at gagawa ng presentation.  Medyo nainggit ako sa kanila dahil talaga naman mas magaan ang trabaho kung dalawa ang gagawa nito.  Hindi na rin ako nila tinanong tungkol kay Keith dahil alam kong alam nilang hindi naman talaga gumagawa si Keith ng exercises namin lalo na kung project pa.  Mga 15 minutes din kaming nag-usap hanggang magdesisyon kaming magsimula na muling gumawa ng project.

Lumipas ang halos tatlong oras.  Natapos ko rin ang project at ang paggawa ng presentation para bukas.  Ibinurn ko na rin sa isang DVD ang aming project na isusubmit.  Ipinirint ko na rin ang aming magiging presentation.  Ang natitira na lamang ay itext si Keith.  Malapit na ring matapos ang dalawa sa kanilang ginagawa kaya naman inintay ko na lang din sila bilang pinagkatiwalaan sa susi ng room.  Habang nag-iintay, kinuha ko na ang aking celfone at nagsimula ng magtype ng message, ‘Keith, pumunta ka sa project presentation before 1 pm bukas.  Kailangan ka doon para makapagpresent ka sa ating project.  Pumunta ka na lang earlier para mabigyan kita ng kopya ng ipepresent at ituro ko sa iyo ang magiging part mo.’  Pagkatapos ko itong isend, sinabi ko sa aking sarili, ‘ito na ang last effort ko, bahala ka kung tatanggapin mo pa’.

Ilang minuto pa ay natapos na rin ang dalawa sa kanilang ginagawa.  Pagkatapos patayin ang mga computer at ilaw at ilock ang computer room, umalis na rin kami sa building.  Wala ng masasakyan sa loob ng campus kaya mapipilitan kaming maglakad, sila patungong dorm, ako patungong sakayan ng jeep.  Nagdesisyon na rin akong mag out of the way muna para ihatid ang dalawa sa kanilang dorm na tinutuluyan.  Nasa loob lang ito ng campus pero ilang metro din ang kailangan pang lakarin bago marating iyon.  

Habang naglalakad kami papuntang dorm nila, nagsisimula na ring umulan ng mahina.  Nang maihatid ko ang dalawa sa kanilang dorm, tuluyan na ring umulan ng malakas.  Pinahiram nila ako ng payong para gamitin ko sa aking paglalakad.  Lakad takbo kong binagtas ang looban ng campus dahil wala talagang taong makikita sa loob nito.  Pagdating sa gate, tumigil na ako sa pagtakbo dahil napansin kong may mga ilang tao na rin naman na naroroon. 

Naglakad ako sa tabing kalsada kung saan wala ng masyadong dumadaan na sasakyan.  Naisipan ko ring dumaan ng shortcut pero masyado ng madilim sa parteng iyon kaya naman hindi ko na itinuloy.  May mga streetlights naman kaya kung sa tabing kalsada dadaan ay hindi ako mahihirapan sa pagtakbo kung kinakailangan.   

Kulang kulang kalahating kilometro mula sa gate ng campus, habang umuulan, dumating ako sa parte ng kalsada na mukhang napundihan ng bumbilya.  Magsisimula na sana akong tumakbo ng mapansin kong may isang grupo ng mga lalaki na kinakaladkad ang dalawang lalaki patungo sa isang madilim na parte ng kalsada kung saan may nakaparadang isang van.  Pilit nagmamakawala ang dalawang lalaki habang tinatakpan naman ang mga bibig nito para hindi makasigaw. 

Nang mailawan ng bahagya ang mukha ng mga ito, ang grupo ay may takip ng bonnet ang mga mukha para hindi sila makilala.  Nagulat ako dahil ang dalawang lalaking kinakaladkad at tinatakpan ang mga bibig ay sina AN at Keith pala!  

Bahayang natanggal ni AN ang kamay sa bibig niya at sumigaw, “TUUUUUUULONG.”  Nakabawi ang lalaki at ibinalik ang kamay sa bibig ni AN at kitang kita ko kung paano siya sinuntok sa sikmura.  Ang ibang kasama naman ay luminga-linga sa paligid para tingnan kung may nakakita sa kanila.  Buti na lamang at nakatago ako sa likod ng poste, napatay ko na ang payong habang tinitingnan ko ang mga pangyayari.  Nang makitang walang ibang tao, tumuloy ang grupo sa pagkaladkad sa dalawa.

Mabilis kong binilang ang mga lalaki. Lima silang higit na malaki ang katawan at matangkad kina AN at Keith.  May naaaninag rin ako sa loob ng van kaya lahat lahat ay anim ang mga ito.  Ibinaba ko ang aking mga gamit sa likod ng poste, hinugot si Amaya, itinaas ito at dahan-dahan akong lumapit sa grupo!

25 comments:

  1. galing talaga mr. author..


    marc

    ReplyDelete
  2. Kyaaaahhh!!!! Please update pa po kayo author....
    Like na like ko ang story na ito,hihihi ^_^

    ReplyDelete
  3. Kyaaaahhh!!!! Please update pa po kayo author....
    Like na like ko ang story na ito,hihihi ^_^

    ReplyDelete
  4. Kyaaaahhh!!!! Please update pa po kayo author....
    Like na like ko ang story na ito,hihihi ^_^

    ReplyDelete
  5. wow alam mo ito na lang binabasa ko ngayon dito kahit sa BOL inaabangan ko to... to admin wala na ba update sa true love at yung kay renz t kyle? nakalimutan ko tuloy title sa tagal ng update.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yeah inaabangan ko din ang Love sex and insecurities at true love :( antagal ng updates

      Delete
  6. salamat ng marami mr author...

    congrats po talaga sa kwentong ito (mixed emotions po ako.... happy)

    kagaya ng mga naunang viewers.... pls update po kaagad.....

    gobless...


    joe....

    ReplyDelete
  7. Next na agad....ganda talaga ng story nato !!

    Kudos !!

    ReplyDelete
  8. sana kunin na lng nang school bilang instructor ng PE si yuri, ma
    galing namn talaga..

    ReplyDelete
  9. thank you sa update....sundan na toh plsss.....


    sugarspun214

    ReplyDelete
  10. good job yuri! may galit kaba kay captain? mukang napuruhan mo ah. sabagay maangas eh, dami n palang napuruhan nun. Ikaw yuri ke tapang-tapang mo, takot ka nmn pala sa multo. haha.

    sino n nmn kaya yung kaaway nila AN? baka yung ex nyang mataray at di matanggap na wala na sila kaya pinapadukot. ano kaya g2win ni yuri, mkpatay kaya ang Amaya nya? ang sakit nun ha.

    bharu

    ReplyDelete
  11. ang talaga nito, pagpatuloy po ah :)

    ReplyDelete
  12. ang ganda talag nito, kepp up the good work author :)

    ReplyDelete
  13. Ayan na si amaya lol

    Ang ganda tlga nito
    Next chapter po'

    Thanks author ^__^'
    Keep up the good work


    ×× ace ××

    ReplyDelete
  14. ganda ng pagkakasulat. next chapter na po mr author.. :)

    ReplyDelete
  15. hahaix kaka basa ku lng nito kaninang madaling ganda talaga ng story ^^


    Franz

    ReplyDelete
  16. ang ganda ng story keep it up!

    Pero sana po author tuwing nag change ng character wag n paulit ulit ung scene maxado n pong mahaba sayang po ung chapters.
    Thank u. M0re powers

    ReplyDelete
  17. ang ganda ng story keep it up!

    Pero sana po author tuwing nag change ng character wag n paulit ulit ung scene maxado n pong mahaba sayang po ung chapters.
    Thank u. M0re powers

    ReplyDelete
  18. update na po plzz..

    ReplyDelete
  19. kailan po nxt update? salamat

    ReplyDelete
  20. update na please.. excited na k sa next chapter..

    ReplyDelete
  21. kelan po next update nito mr. author?

    ReplyDelete
  22. update na po pleease i beg you mr.karate kid

    ReplyDelete
  23. lagot kayo kay amaya..thumbs up sa author..

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails