Dalawang araw
matapos ang nangyari sa amin ni Rome sa simbahan…
Pagpasok ko sa
classroom ay nilapitan ko ang mga kabarkada kong babae at narinig ko na
pianguusapan nila si Rome at Lourdes.
“Alam mo saying
sila Rome at Lourdes.”
“Oo nga no.
Hiwalay na agad sila eh one month palang.”
“Oo nga eh naawa
nga ako kay Rome.”
“Tama ka sis.
Hindi din naman natin masisisi si Lourdes eh. Women’s instinct. Kahit sabihin
ni Rome ang anumang dahilan, hindi maililihim ni Rome na may mahal siyang iba
bukod kay Lourdes.”
“Sino kaya iyon
sis? Ang swerte naman niya.”
Nagulat ako sa
mga nadinig ko. May isang buwan nang hiwalay si Rome at Lourdes? Bakit?
Sandali, kung isang buwan ibig sabihin nung nangyari ang engkwentro sa bar ay
hiwalay na sila? Ibig sabihin depressed si Rome ng mga panahong iyon?
Naguguluhan ako.
Bakit? May konting selos din akong naramdaman. Sino kaya ang babaeng iyon na
talagang mahal ni Rome bukod kay Lourdes.
Mixed emotions.
Tinawagan ko si Rica at kinuwento ang mga nangyari mula sa mga pangyayari nung
first day ng Simbang Gabi hanggang sa nadinig kong tsismis.
“So happy kaba
friend?”
“Not really.
Nakakaramdam ako ng selos kung sino man yung taong iyon. Naaawa din ako kay
Rome. Syempre masakit din na nakipaghiwalay sa kanya si Lourdes. Sana nandoon
ako nung mga panahong naghihirap siya. Kanino kaya siya humingi ng counsel
noon?” malungkot kong tugon.
“Friend, natouch
ako sa mga sinabi mo. Napatunayan ko talaga ngayon na mahal mo talaga siya.”
“Dati siguro.
Ngayon? Hindi na. Matapos ang lahat.”
“Uii wag kang
ganyan. Maraming pwedeng mangyari. In fact, feeling ko yung nangyari nung
Simbang Gabi ang start ulit ng love story niyo!”
“Sira. Kung ano
ano iniisip mo.”
“Asus. If I
know, kinikilig ka ngayon.”
Tama nga naman
si Rica. Kinikilig ako pag naaalala ko iyong mga nangyari sa simbahan. Madalas
kong sinasabi na sana maulit iyon kaso hindi na. Madalas ko siyang nakikita pag
simbang gabi ngunit hindi na kami nagkakatabi. Minsan nakikita ko siyang parang
nakatingin sa akin. Ganun din naman ako ngunit mabilis kong binabawi ang mga
sulyap ko. Siguro nga hanggang ngayon umaasa pa din ako sa kabila ng mga
masasakit na nangyari sa amin.
Isang araw,
ipinatawag ako ng propesor ko sa faculty room. Pumunta ako dito after ng class.
“Mr. Amiel
Enriquez, may itatanong sana ako sayo.”
“Ano po iyon,
sir?”
“Bilang guidance
counsellor mo, natutuwa ako na nagiging maayos na ulit ang grades mo at
performance sa klase. Ipagpatuloy mo lang iyan para sa isang taon grumaduate ka
ng may Latin honor.”
Natouch ako sa
sinabi ni Sir. Nainspire din akong pagbutihin pa ang pag-aaral ko.
“Kaibigan mo ba
si Mr. Rome Sandoval?”
“Ah ehhh. Kilala
ko po sya. Pero hindi po kami ganun magkadikit.”
“Talaga? Don’t
make me laugh. Close kayo. Btw, kung ayaw mong aminin na magkaibigan kayo di
kita masisisi. Siguro may mga pansarili kang rason. Humihingi lang sana ako ng
tulong upang pagsabihan mo siya na ayusin ang pag-aaral niya.”
“Sir. Hindi ko
po magagawa iyan dahil hindi nga po kami clooooseeee.”
Shit. Nakita ko
sa salamin si Rome at nadinig yung pagtatatwa ko sa kanya. Lumabas siya matapos
niya akong makita. Napatawa na lang ang propesor.
“Alam kong may
problema kayong dalawa. Ayusin niyo iyon huh.” Sabi sa akin ng propesor sabay
tapik sa aking balikat.
“Ganyan din kami
ng partner ko dati. By the way, bagay kayo. Huwag niyong palampasin ang
pagkakataon.”
Gulat na gulat
ako sa mga sinabi ng aking propesor.
Naglalakad akong
tahimik at nagiisip palabas ng paaralan nang makita ko si Rome na parang may hinihintay.
Nakita niya ako. Dali dali siyang lumapit sa akin at hinawakan ako ng mahigpit.
Hinila niya ako na parang kinakaladkad. Wala akong magawa ng mga oras na iyon.
Napakalakas niya. Isinakay niya akong jeep at bumaba kami sa tapat ng
condominium niya. Hindi ko alam kung bakit wala akong lakas upang lumaban sa
kanya. Kakaiba ang aura niya ngayon. Puno ng galit at lungkot.
***************
Bumalik ako sa
realidad. Tapos na ang pagrereminisce ko. Hinihila ako ni Rome. Narito na ulit
ako sa simula ng kwento. Namalayan ko na nagsalita ako sa kanya,
“Ano ba Rome?
Anong ginagawa mo? Nahaharass ako.”
“Sumunod ka na
lang kung ayaw mong masaktan pa.”
“Rome, bitawan
mo ako. Nasasaktan ako.”
Sumakay kami ng
elevator at kinaladkad nya ako papunta sa unit niya. Pumasok kaming dalawa.
Tinulak niya ako sa kanyang kama paupo.
“Miel, ayaw mo
na ba talaga akong maging magkaibigan?” malungkot niyang tanong.
Tumungo lang ang
ulo ko. Hindi ko din kasi alam ang isasagot ko.
“Miel, hindi mo
ba talaga ako mapapatawad?”
“Matagal na
kitang pinatawad nung binato mo ako ng bote sa ulo,” sarkastiko kong tugon.
“Maari na ba akong umalis?” Tumayo ako papunta sa pinto ngunit hinarang niya
ako.
“Hindi lang
naman kasi iyon eh.”
“Ano ba talaga
ang gusto mo! Oo sige mapapatawad kita kung maibabalik mo yung respeto na
binibigay sa akin ng mga tao. Kung maibabalik mo ang dating pagkakaibigan ng
barkada. Yung hindi nila ako pandidirian dahil bisexual ako!”
Hindi siya
nakaimik.
“Ano? Hindi mo
kaya ano?”
“Miel, gusto
kong bumalik yung dati nating pagkakaibigan.”
Napabuntong
hininga ako.
“Kaibigan? Sana
naisip mo iyan bago mo akong muntikang patayin sa bar noon.”
“Miel, wala na
kami ni Lourdes. Ano pa ba ikinagagalit mo?”
Na-offend ako sa
sinabi niya.
“So pinalalabas
mo na ganoon ako kababang tao?”
“Bakit ba ang OA
mo? Napaka over sensitive mo. Daig mo pa ang babae.”
“Kung wala ka
nang sasabihin bukod sa panlalait sa pagkatao ko, maari na ba akong umalis?”
“Pag umalis ka
ngayon sa kwarto ko, ikakalat ko sa classroom na piangsamantalahan mo ako.”
“Okay. Tutal
naman wala na silang respeto sa akin. Manhid na ako, Rome. Hindi na ako katulad
ng dati.”
Lumabas na nga
ako ng kwartong iyon. Tinawagan ko si Rica at kinuwento ang lahat. Proud ako sa
sarili ko na nagawa ko ang mga bagay na iyon. This time, hindi na ako umiiyak.
Matatag na ako. Natuto na ako.
Natutuwa sa akin
si Rica dahil sa mga ginawa ko. Indeed, she is very proud of me.
“Natakot ka ba
sa banta niya?” tanong ni Rica.
“Nope. May
delikadesa pa naman siguro sya upang hindi manira ng tao,” sagot ko.
“Besides, you
can reason out that you have a girlfriend. And that is me. Hahahaha.”
“Naaalala ko
bigla. Tanging si Rome lang ang may alam ng ‘relasyon’ natin.”
“What do you
mean?”
“Hindi niya ito
ikinukwento sa iba. Walang may alam sa barkada namin. Bakit kaya?”
“TIngin ko may
dalawang rason diyan. Una, hindi siya naniniwala. Ikalawa, sinasakyan niya yung
trip mo na secret relationship since nabigla ka nung sinabi ko na fiancée mo
ako. Siguro nagets yung ibig mong sabihin.”
“Siguro nga. By
the way, kamusta yung plano mo in the future? Sigurado ka na ba talaga?”
“Yup. Feeling ko
dito ako tinatawag.”
Nalungkot ako sa
sinabi ni Rica.
“Miel, don’t be
sad. Habang hindi pa ako pumapasok, tutulungan kita sa love story mo.”
“Pero…”
“Don’t worry.
Ikaw ang nagturo nito sa akin na God has plans for everybody,”
Napabuntong
hininga na lang ako. “O sige, sabi mo eh. Pero hindi na ba talaga kita
mapipigilan?”
Naluha siya sa
sinabi ko.
“Are you okay?”
“Miel, ang tagal
kong hinintay na sabihin mo ang bagay na iyan.” Umiiyak siya hindi dahil sa
lungkot kundi dahil sa tuwa.
“Bakit?
Naguguluhan ako.”
“Oh sige dahil
close naman tayo aaaminin ko na sayo. May feelings ako para sayo. HAhahahahaha”
“Hahahaha. Totoo
ba?” medyo nagaalinlangan kong tanong.
“Yes?”
Sabay kaming
nagtawanan. Tinanong ko siya, “Bakit ngayon mo lang sinabi? Kailan pa?”
“Matagal na. Ayoko
naming guluhin pantasya mo kay Rome. Pati okay na since I already discerned my
vocation.”
“Loka loka ka
talaga. Sure ka na bas a pagmamadre mo? Sayang ang ganda mo, teh!”
“Ganon talaga.
Tinatawag ako eh.”
“Mamimiss kita.”
“Ako din pero
gaga hindi pa naman ako aalis! Tutulungan pa kita sa love story mo.”
“Hindi ako
nagsisisi at ikaw ang naging bestfriend ko. Alam mong sa kaibuturan ng puso ko
ay mahal na mahal kita. Isang natatanging pagmamahal na sayo ko lang
naramdaman.”
“Shet! Ang corny
mo frend! Echos ka, pucha!”
“Hoy yang
bunganga mo! May madre bang nagmumura?!” pangaasar ko sa kanya.
“Ngayon lang
naman. Sinasagad ko na. baka pagpasok ko dun bawal na. hehehe”
“Baliw! Malamang
bawal magmura doon.”
Maghapon kaming
nagtatawanan. We cracked jokes to each other. Oo mamimiss ko ang babaeng ito.
Mahal ko si Rica and my love towards her is unexplainable. It is more than
friendship and more than a lover. I cannot even comprehend and explain it.
Basta, I love her and I value her like a precious metal.
POV: ROME
One week before the bar incident…
“Can we talk?”
tanong ni Lourdes sa akin.
“Of course. Lagi
naman tayong naguusap ah,” paglalambing ko sa kanya.
“Rome, I know
that it seems odd but I think we must stop this.”
“What do you
mean?”
“Rome, babae ako
at alam ko ang nangyayari sa paligid ko.”
“Hindi kita
naiintindihan.”
“I love you Rome
and I know you really love me but our relationship is over.”
Napaigtad ako sa
sinabi niya. Nagtataka at gulat na gulat.
“Why? What’s
wrong?”
“Rome, ramdam
ko. Iba ang mahal mo at kahit ikaw ay hindi ka aware doon. Masakit man sa akin
pero hindi ko na kaya. Bawat araw nararamdaman ko yung impulse nung love mo
towards that person.” Umiiyak siya.
Na-guilty ako sa
sinabi ni Lourdes. Pero bakit? Bakit ako tinamaan sa sinabi niya. Hinawakan
niya ang dibdib ko at sinabi,
“Rome. Marami na
akong cases na nabasang ganito at tanggap ko naman. Rome, mahal ka niya at
ramdam kong mahal mo din sya. Alam mo kung sinong tinutukoy ko.”
Hindi ko na
naiintindihan si Lourdes. May sapak na ba itong girlfriend ko. Bakit siya
nagiging psychic ngayon? Suddenly, biglang pumasok sa isip ko si Amiel. Si
AMiel? Bakit si Amiel ang naiisip ko ngayon?
“Lourdes, wag mo
naming gawing reason iyan para hiwalayan ako. Honestly, hindi kita maintindihan
at nawiwirduhan ako ngayon sa iyo. Kung ito man ay isang biro, hindi ka
nakakatuwa.”
She replied
while sobbing, “Im not kidding around. Maiintindihan mo din ako. Rome, I am
doing this for our sake. Ayokong masaktan ako at ikaw din sa huli. Maaga pa at
pwede pa nating ayusin ang pagkakamali natin.”
“Lourdes, are
you crazy? Lourdes, mahal kita. Ikaw ang unang babaeng minahal ko ng ganito.
Are you not contented with what I am doing?! Tell me what you want. I’ll do it
in order to prove my love and dedication to you!” I angrily insisted.
“I don’t need
anything. I’m tired of this Rome! Ayoko na ng ganito. Sawa na ako na tuwing
nagdedate tayo ay hindi ka makapag focus dahil iniisip mo si Amiel sa kung ano
mang dahilan.”
“What?! Bakit
napasok si Amiel dito?”
“Alam mo kung
anong ibig kong sabihin.”
Napaluha na rin
ako. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Niyakap ko din siya. I kissed her and
she didn’t resist. It was a very sweet kiss. But it is a farewell kiss.
“Pagisipan mong
mabuti ang lahat ng kinuwneto mo sa akin about kay Amiel. Wag sana ikaw
magsisi. But for now, thank you for a month of memories and happiness.
Remember, Rome, that I always loved you. I am doing this for the good of each
of us.” Umiiyak siya habang sinasabi ito.
“No Lourdes.
Don’t do this to me.”
She hugged me
for the last time and she ran away. I tried na habulin sya ngunit mabilis siya
nakapunta sa cab niya at sumakay dito.
“Lourdes, bakit
mo ako iniwan?”
“Kasalanan mo
ito, Amiel. Kasalanan mo itong bakla ka.”
Ito ang mga
salitang nasabi ko dahil sa galit at depression na naidulot ng paghihiwalay
naming ni Lourdes.
Inimbitahan ako
nila Miggy sa isang bar upang mai-release ko naman daw ang stress dulot ng
break up naming ni Lourdes. Nagkataon naman na nandoon si Amiel. Namiss ko ang
mga kaibigan ko. Yung tawanan at gaguhan naming. May kakaiba akong feeling
towards kay AMiel. Oo, cold siya sa akin. Ngunit iba nararamdaman ko sa kanya.
Magkahalong galit at melancholy. Namiss ko siya. Sobra. Ngunit ang feeling na
ito ay tinatalo ng galit na dulot ng hiwalayan namin ni Lourdes. Si Amiel ang
sinisisi ko kung bakit. Oo siya dapat naman talaga ang sisihin.
Dahil sa
kalasingan at bugso ng damdamin ay nangyari nga ang insidente sa bar kung saan
binato ko ng bote ng beer si Amiel sa ulo. Late na akong naabisuhan na muntik
ko na pala siyang napatay dahil sa galit. Sinabihan ako ng doctor na buti na
lang daw ay hindi nagkaroon ng internal haemorrhage si Amiel sa utak o kaya
naman hindi namuo ang dugo ditto kung hindi siguradong tepok itong kaibigan ko.
At ako? Siguradong sa kulungan ang bagsak ko.
Natatakot din
ako nung panahong iyon dahil baka kasuhan din ako ng physical injury ng pamilya
ni Amiel. Ngunit bigla kong nakita ng oras na iyon si Rica. I approached her,
“Rica, I… I… I’m
sorry.”
“Masaya ka na ba
Rome? Masaya ka na dahil nasaktan mo nan g tuluyan si Amiel? Hindi mo ba alam
na muntikan mo na siyang mapatay?”
“Hindi ko
sinasadya.”
“Hindi mo
sinadya? Oo nga naman no kaya pala yun ang nakita sa CCTV sa bar?”
“Rica…”
“Alam mo Rome
sobrang mahal ka nung tao eh na halos isakripisyo na niya ang sarili niyang
kaligayahan para mapasaya ka lang. Hindi mo ba napansin iyon?”
Tahimik lang
ako.
“Sabagay hindi
mo naman nga siya maiintindihan kasi sarado ang isip mo at nilait mo siya. Pero
kung tutuusin Rome mas lalaki umasta sayo si Amiel kasi si Amiel kinaya niya
lahat ng mental stress. Hindi siya nag give up. Oo alam ko na rin yung rason mo
na hiwalay na kayo ng girlfriend mo pero hindi iyon sapat para isisi mo kay
Amiel ang lahat!” galit na turan sa akin ni Rica.
“Hindi mo ako
naiintindihan kasi hindi naman ikaw ang hiniwalayan. Hindi din ako
maiintindihan ng boyfriend mo kasi wala siya sa lugar ko.”
“Hindi iyon ang
issue Rome. Bukod dito, napakamanhid mo. Hindi mo man lang napansin na palabas
ko lang ang lahat at dinamay ko lang si Amiel sa trip ko. So naniniwala ka na
may relasyon talaga kami? Nakakaawa ka. Pansariling pleasures mo lang ang
nakikita mo. Minsan try mo ding i-appreciate yung mga sakripisyo ng mga tao na
nasa paligid mo.”
“Wag mo akong
husgahan dahil hindi mo ako ganun kakilala! At bakit ganyan ka kung magslaita?
Ikaw ba si Amiel?”
“Nagsasalita ako
bilang si Amiel. Sinasabi ko sayo lahat ng gusto niyang sabihin dahil hindi
niya ito masasabi sa harap mo kasi bulag sya sa pagmamahal niya sa iyo!”
“Hindi ko
hiningi na mahalin niya ako.”
“Bullshit. Maghanap
ka ng kausap mo! At kung gusto mong humingi ng tawad, huwag sa akin kundi sa
Mama niya at sa kanya mismo!”
“Rome, kahit
minsan matuto kang maging sensitive hindi lang sa ibang tao maging sa sarili
mo,” dagdag pa ni Rica.
Palaisipan ang
mga huling sinabi sa akin ni Rica. It strucked my heart. Maging sensitive?
Ganoon ba ako kamanhid? Bakit ba parang sa akin bumabagsak ang lahat ng sisi?
Eh ako nga ang na-agrabyado ni Amiel eh.
Sandali, hindi totoong mag-fiancee si Amiel at Rica?
Totoo ba ito? Bakit ako napaniwala nila? Shit! Ang bobo ko. Pero bakit ganito?
Bakit natutuwa ako? Baliw na ba ako?
Tinawagan ako
nila Miggy at Andre at kinumusta ang sugat ko. Oo, hindi lang naman naman si
Amiel ang sugatan eh pati ako. Bakit parang ako ang nagiging kontrabida?
“Pre kamusta?”
“Ayos naman.
Nakauwi na ako. Hindi naman daw ganun kalala mga pasa at sugat ko sa ulo.”
“Eh si Amiel?”
“Nagising na
siya kanina pero di ko sya nalapitan. Nahihiya ako sa pamilya niya eh.”
“Ah ganon ba?
Ahh ehh Rome totoo ba ang lahat ng sinabi mo sa bar?”
“Kalimutan niyo
na muna iyon. Sana kaibigan pa din ang turing niyo kay Amiel.”
“Oo naman. Hindi
magbabago ang pagtingin naming sa kanya.”
“Salamat.
Ahhmm…”
“May gusto ka
bang hilingin sa amin pre?”
“Wala naman.
Naguguluhan lang ako.”
“Naintindihan ka
naming. Kagagaling mo lang sa break up and then dumagdag pa yung engkwentro.”
“Sige. Salamat
sa pagtawag.”
Pagdating ng
Lunes, nakatanggap ako ng isang notice mula sa student publication naming na
tanggap na raw ako sa pagiging news anchor. Kinausap ako ng adviser, si Maam
Gina.
“Ipinatawag ka namin,
Rome, dahil nagbago ang isip ng editorial board. Tanggap ka na para maging news
anchor ng local college publication natin. Tutal good looking ka naman at
matatas ka sa Filipino at English.”
Sobrang gulat na
gulat ako sa narinig ko. Tuwang tuwa ako. MAtagal ko na kasing pangarap lumabas
sa TV ng unibersidad namin.
“Maam, ano po
yung dahilan kung bakit niyo ako tinanggap?”
“Pasalamat ka sa
kaibigan mo, si Amiel. Pinatunayan niya sa amin noong nakaraang buwan na kaya
mo ang gawain dito. Nagresign siya sa slot niya at mas piniling maging writer.
Ayun.”
Nagulat ako sa
nadinig ko. Noong isang buwan? Eh hindi na kami nagiimikan noon ah? Bakit
ganoon? Nakonsensya ako bigla sa mga ginawa ko. Sinakripisyo niya ang pangarap
din niyang maging broadcaster para lumakas ang political influence niya sa
college naming? What? Napakabobong desisyon pero. Magkahalong emosyon ang
nararamdaman ko. Pero, utang na loob ko ba ito sa kanya? Hindi siguro. Ni
minsan hindi nanumbat si Amiel. Nanlambot ang tuhod ko at naluluha ako.
Dumeretso ako sa simbahan para magdasal at magpasalamat nang makita ko siyang
nakaupo at nakatitig lang sa tabernakulo. Hinintay ko ang sunod na mangyayari.
Di ko tlga alam ang gagawin ko since naguguluhan ako sa mga emosyon ko. Bahala
na kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Lord, kaw na ang bahala sa amin.
Tumayo siya at
naglakad papunta sa kinaroroonan ko kasi nandoon ang exit. Nakatungo lang siya
at ayaw niya akong tingnan. Hinarang ko siya. Binulong ko ang maikling,
“Salamat” sa kanya. Hinawi niya ang kamay ko at dumeretso siya sa paglalakad.
Naisipan ko na
subukan kong buuin ang Simbang Gabi. Alam ng puso ko na may wish ako pero di
macomprehend ng utak ko. Basta sinasabi sa akin ng damdamin ko na pilitin
kong magsimba mula Dec. 16. Siguro dahil nga hindi pa din ako nakakamove on kay
Lourdes at dumagdag pa ang panggugulo ng konsensya ko dahil sa mga nagawa ko
kay Amiel.
Unang araw, shit
late ako! Wala na akong mahanap na upuan. Wait, bingo meron pang isa. Tinakbo
ko ito buti nakasingit ako nang nabigla ako sa nakita ko. Katabi ko si Amiel!
Nagkatitigan kami at siya ang unang bumawi ng tingin. Nagulat din siya ng
makita niya ako. Shit. Very awkward.
“Lord, alam ko
na ang hiling ko kung sakaling matapos ko man ang buong Simbang Gabi. Sana
magkabati na kami ulit ni Amiel. Sana bumalik yung dati naming closeness. Sana
maging ayos na ulit kami. Kayo na po ang bahala.” Ito ang dasal na naiusal ko.
Masaya ang
pakiramdam ko habang katabi ko siya. Lalo akong sumaya nang nahawakan ko ang
kamay niya noong umaawit na kami ng Ama Namin. Noong una ayaw niyang iabot sa
akin ang kamay niya ngunit naglakas loob na akong hablutin ito. Malamig at
nanginginig ang kamay niya. Ngunit malambot ito parang baby. Hehehe. Ang sarap
hawakan ng kamay niya. Pareho yatang pasmado ang kamay naming kaya pareho itong
namamawis. Matapos ang awit ay pareho naming binitawan ang isa’t isa. Nakita ko
siyang pinahid ang kamay niya sa damit niya kasi basa ito ng pinagsamang pawis
naming dalawa.
Dumating na ang
isang bagay kung saan napaluha ako. Binati niya ako ng Peace Be With You. Hindi
ko alam ang gagawin ko pero bigla ko siyang niyakap. Matagal din iyon. ANg
sarap ng init ng katawan niya. Hanggang bumitaw na lang ako dahil sinabi niya
na nakatingin ang mga tao. Nahiya din ako sa sarili ko. Natapos ang Misa at
hindi ko namalayang nagmamadali na siyang lumabas. Nalungkot ako kasi
napakabilis ng mga pangyayari.
Totoo nga pala
na malalaman mo lang ang halaga ng isang tao kapag wala na siya sa’yo. Yung
tipong namimiss mo siya at nalulungkot ka pag naaalala niyo ang mga dati niyong
ginagawa. Yung mga moments na nasasabi mo sa sarili mo n asana bumalik yung
dati, na sana hindi ko na lang ginawa iyon, na sana naging sensitive ako, na
sana hindi ako naging duwag.
Matapos ang
nangyari sa condo namin lubos kong pinagsisishan iyong pagbabanta ko sa kanya.
Sana di ko na lang sinabi iyon. Pero alam niyo yung feeling na madinig ng
personal na itinatwa ka ng kaibigan mo? Sobrang sakit. Hindi ko akalain na
ganoon na kalala ang galit niya sa akin. Lalo kaming naging hostile sa isa’t
isa.
Patuloy pa din
akong umaattend ng Simbang Gabi. Umaasa ako na tutuparin ng Diyos ang hiling
ko. Binigyan ko ang Diyos ng deadline na sana bago magPasko kaso mukhang Malabo
na talaga. Hanggang sa…
ITUTULOY…
Nka2iyak nman ung sitwsyn n rome
ReplyDeleterome diba straight ka? ano inaarte mo jan. deadma k nga sa kanya eh. pinadiinan mopa sa sarili mo na dika magkakagusto sa ke amiel. ikaw ang sumira ng friendship nyo. yun na na lang ang natitira kay amiel e ipinagkait mopa. tas ngayon gusto mong ibalik at nanakot kapa. ibig bang sabihin gusto mo narin sya kaya ka nanakot? pagibig nga naman sadyang mahiwaga.
ReplyDelete0309