Followers

Thursday, November 21, 2013

Blue Chapter 25




Authors Note.

             Shemps Una thank you sa pagbabasa ng story na blue..2nd sorry about sa question mark nageenjoy lang pindutin.. hehehe joke lang pero promise sa susunod aayusin ko na.. 3rd sorry kung mejo matagal yung update mejo busy talaga and yung computer na gamit ko mejo sablay na.. hehe.. kung may suggestions or gusto niyo mangyare.. comment lang.. saka nga pala kay jeff.. or geo.. kalma ka lang dude.. next chapter andun ka na..hehe..  yung ibang stories ko relax lang kasi hirap magpokus nabubusit kasi ako kay irene eh.. biro lang.. basta itry ko sa next update.. ingatz kayo and goodbless..  love you all..

Add my fb acct: bluerose.claveria@gmail.com




               Nang hapon na yun tumambay lang uli ako sa gym... May meeting daw lahat ng cast ng ginagawa naming stage play.. Tulad ng dati may mga nagpapraktis parin ng sayaw..matuto din ako magsayaw someday.. Napangiti lang ako sa naisip ko saka Nilabas yung headset sa bag ko at nagsimulang makinig ng music.. Sabi nila life is just a piece of song.. You have to follow the beat and enjoy the music..

                Ilang sandali ako nasa ganun pwesto ng biglang magring yung cellphone ko.. Tiningnan ko naman kung sino yung tumatawag... " si blue.?" agad ko naman tong sinagot.

                " aldred.. Naistorbo ba kita.?"

                " hindi naman.. Actually nasa gym lang ako."

                " anong ginagawa mo jan.?"

                " uhm may meeting and siguro praktis na rin sa stage play.. May slight changes kasing gagawin.."

                " ganun ba."

                " So bakit ka  napatawag.?"

                " uhm kasi.. Namiss kita.?" napangiti lang ako ng marinig yung sinabi niya. " I know pinagtatawanan mo ko.?"

                 " hindi ah.. Namiss din  naman kita ah..."

                 " talaga.?"

                 " oo nga.. For sure wala kayong teacher noh..?"

                 " wala nga.. Since may praktis pala kayo hindi mo ko masusundo.? Kasad naman.?"

                 " wushu... Punta nalang ako sa house niyo mamaya.. Or kung gusto mo dun naman tayo sa bahay namin.? Tagal mo na kasing hindi nakakapunta sa bahay eh.. "

                  " eh aldred kasi hindi pa ko komportable sa mommy mo eh.?"

                  " blue pasensya ka na kay mommy huh.. I know may nasabi sya sayo.. Na hindi pa rin niya tayo tanggap.. Pero kinausap ko na sya.."

                  " pano mo nalaman na kinausap niya ko.?"

                  " obvious ka kaya nung birthday mo.. Blue ok lang yan.. I know naman someday magiging ok din tayo kay mommy... Hindi pa nga siguro ngayon.. Pero i know darating yunng time na yun kaya wag ka ng magalala."

                  " sana nga aldred..?"

                  " oo naman.. Akong bahala sayo.." saad ko lang.

                  " ok aldred see you nalang mamaya.. Andito na yung teacher namin.. I love you."

                  " ok sige ingats ka sa paguwi huh. Love you too."

                  " ikaw din.. Wag ka ng kung san pumunta huh" saad niya saka naputol yung linya.. Ilang sandali akong nakatingin lang sa cellphone na hawak ko.. Napangiti lang ako.. Ikaw blue.. Ikaw ang makakasama ko habang buhay.

                  " how sweet naman.." napatingala lang ako ng marinig yung boses ni irene..tinggal ko lang yung headset sa tenga ko.

                  " irene ikaw pala.." ngiti ko.. Umupo naman sya malapit sakin.

                  " sana may boyfriend din akong ganyan.. Ang sweet.. Ang swerte niya sayo" natawa lang ako sa sinabi niya.

                 " bakit hindi ka pa umuuwi.?"

                 " ah kasi.. Bakit nga ba..?." natawa lang sya saka nagkamot ng ulo. "Ahhh may praktis kasi kayo ngayon di ba..?"

                 " si karen.. Sabi ni lyka ok na daw.. Mejo magpapagaling pa nga lang pero makakapagperform pa sya."

                 " sayang nga eh..dapat ako na eh."

                 " pero sabi ni lyka magkakaroon ng slight changes.. Di ko nga alam kung ano eh. Kasi nung lunch nakita ko sya sabi niya wala daw praktis tapos biglang nagtext na meron daw."

                 " baka papalitan na yung princes.." nagkibit balikat lang sya..

                 " tingin mo.?" nagkibit balikat lang sya..

                 " I don't know.. Aldred pwede ba kong magtanong..?"

                 " anong tanong naman.?"

                 " Yung mejo personal.?"

                 " uhm depende sa tanong kung masasagot ko.? Saka syempre kapag personal na yung tanong mo..  Magtatanong din ako ng personal.? Ok lang ba.?" ngiti ko lang ilang sandali naman syang natigilan. " tanong ka na.?"

                 " uhm kamusta ka sa parents ni blue.?" napangiti lang ako sa tanong niya. Saka tumingin sa mga nagsasayaw ilang sandali lang ako hindi nagsalita saka muling lumingon kay irene.

                  " believe or not.. Okay ako sa kanila.. Siguro nung una nahirapan silang tanggapin kami ni blue.. Pero nakakatuwa kasi sinubukan nilang tanggapin hanggang one day naging ok na.. Kaya nga im happy kasi wala kaming problema ni blue."

                  " yung mommy niya mabait sayo.?"

                  " super bait. Close kami nun eh... Parang ako yung anak nun kesa kay blue.. Napamahal na sila sakin at ganun din ako sa kanila."

                  " eh yung daddy niya.?"

                  " si tito.. Actually nakakatakot talaga sya.. Pero nung nakilala ko sya mabait din sya.. natanggap niya naman kami.. Ang importante naman kasi sa parents ni blue.. Eh yung happiness ng anak nila.. Hanggang masaya si blue.. I think magiging masaya rin sila.. Ganun naman talaga dapat ang magulang di ba.. Ang swerte nga ni blue kasi ganun yung magulang niya."

                  " ang swerte niya noh.. Buo yung pamilya niya.. Pero naniniwala ako walang perpektong pamilya.. Lahat naman may bahong tinatago eh" napatingin naman ako sa kanya.. Nakatingin lang sya sa mga nagsasayaw.. "  life is so unfair.." kita ko lang yung pilit na ngiti niya sa mukha.

                  " irene yung parents mo kamusta.?"

                  " i dont want to talk about them.. Waste of time.."

                  " hindi parin ba ok.?"

                  " hindi na mgiging ok.. Kahit kailan hindi na.. I really hate my dad.. Kasalanan niya lahat to eh.. Kasalanan niya.." saad niya kita ko lang yung pagsilip ng luha sa mata niya.. Agad lang syang tumingala para hindi tumulo yun..saka pilit na ngumiti sakin.

                  " tingin mo kasalanan talaga ng daddy mo.?"

                  " oo... Hindi ko sya mapapatawad.. Yung sakit na ginawa niya dito sa puso.. Wala ng kapatawaran yun."

                  " You know what .. If you really want to be happy kailangan mong kalimutan lahat ng hatred jan sa puso mo.. Siguro masakit yung ginawa nila sayo.. pero im sure ginawa lang nila yung tama..?"

                  " tama ba yung saktan ako.? Tama ba na isipin lang nila yung mga sarili nila..  Di ba nila alam na masakit yun para sakin.. "

                  " yeah siguro nasaktan ka nila.. Pero alam mo hanggang kailan sila magsasama kung hindi naman talaga nila mahal yung isat isa..? At kung hindi naman talaga pwede.. Siguro pinili nila kung saan sila masaya.. Kung san yung alam nilang mas tama.,.. Mahirap kasi mabuhay sa kasinungalingan..  "

                  " Sana inisip nila ko.. Kasi kung may nasasaktan at kung may mas nahihirapan.. Ako yun.. Ako yung nagdudusa sa mga pagkakamali nila... Sana inisip nila na may anak sila.. Na nasasaktan ako.."

                  "siguro mahirap pa para sayo na tanggapin lahat.. Pero i hope one day maging ok ka na rin.. Maging ok na lahat.. Kasi alam mo masarap mabuhay ng walang hatred sa puso.. Yung wala kang galit jan sa dibdib mo.. Kasi kapag nangyare yun.. Dun mo mararaamdaman na masaya ka.. Sabi mo nga all your life gusto mo lang yung sumaya at mahalin.. Bakit hindi mo simulan sa sarili mo.. " nagpunas naman sya ng luha saka tumungo rinig ko lang yung mahina niyang paghikbi.. "kung patuloy kang mabubuhay sa galit.. Alam mo yung happiness na gusto mo.. Hindi mo yun makukuha.. Minsan kailangan mo lang tingnan yung mga bagay in a positive way.. Look example mahal talaga ng mama mo yung guy na sinasabi mo..  Magiging masaya na yung mama mo after all those years na nagtiis sya sa papa mo.. Na hindi naman talaga niya mahal.. Mahirap intindihin pero alam mo ang importante kasi.. Yung word na happiness.. Yun lang naman eh.."

                  " yung nga ang importante.. Pero mas okay kung magiging masaya ka without hurting someone.. Yung walang tinatapakan.. Yung walang umiiyak..?"

                  " irene.. Hindi naman maiiwasan yun eh.. Hindi maiiwasan na may masaktan..  Pero alam mo kung yung taong yun iintindihin yung sitwasyon.. Kung yung taong yun magiging malawak yung pangunawa at tatangapin yung bagay bagay.. tingin ko dun niya marerealize na being bitter is just a waste of time.."

                  " madali sabihin sayo kasi wala ka naman sa sitwasyon ko.. Hindi mo maiintindihan kasi kahit kailan hindi mararamdaman yung nararamdaman ko.. Kahit kailan hindi mo mararanasan yung sakit."

                  " yeah siguro.. Pero.."

                  " punta lang ako ng cr." saad niya saka tumayo tiningnan ko lang sya habang naglalakad.. Saka napabuntong hininga.. Magkapatid nga kayo.. Ang emo niyo parehas.. Napangiti naman ako sa naisip ko.

                   Pagkatapos ng praktis nasa parking area na ko ng lapitan ako ni lyka.. Sinimangutan ko naman sya.

                   " bakit naman gan yan mukha mo..?" napapangiti na tanong nito.

                   " eh kasi si karen nagback out na talaga.?"

                   " wala na nga tayong magagawa.. Saka i think si irene mabibigyan naman niya ng justice yung role di ba.. ?"

                   " eh di ba lyka alam mo naman yung relationship ko with blue.. Yung tungkol kasi kay irene alam niya eh.. At manunuod sya."

                   " edi sabihin mo sa kanya.. Maiintindihan niya yan for sure.. Here oh.." abot niya sa isang envelope at ice cream.

                   " ano to saka bakit may ice cream pa.?"

                   " yan na yung ticke next week ba yung play natin di ba.. At yung ice cream suhol koi sayo yan baka kasi magquit ka bigla eh.." ngiti niya natawa namna ako.

                   " ang galante mo naman manuhol.. Eh bente lang naman to eh.."

                   " magrereklamo pa magthank you ka nalang.."

                   " edi thank you.. Kung hindi siguro tinaggal yung kissing scene magbabackout na rin ako.. Sana maintindihan ni blue.. Nagseselos pa naman yun.?"

                   " maiintindihan niya yun.. Saka alam naman niya yung effort mo  pumunta sa praktis di ba.. Saka mabait naman yun.. Lambingin mo nalang.." ngiti niya. " kainin mo na muna yan.. Matutunaw yang ice cream." tinitigan ko naman yung hawak ko..saka tumingin kay lyka. " don't tell me hindi ka kumakain ng ganyan.. Yabang mo naman porket tagbebente eh.?"

                   " may sinabi ba ko.. Kwek kwek nga lang masaya na ko eh..actually hindi ako mahilig sa chocolate flavor.. Pero dahil galing sayo fine kakainin ko.." pilit na ngiti ko saka sinimulat buksan to..

                   " good.. Minsan lang ako manlibre.."

                   " wushuuu.."nguso ko lang.

                    Kinagabihan tumambay lang kami ni blue sa harap ng bahay nila habang kumakain ng kung ano ano. Ngayon nasigurado ko na awa lang yung
nararamdaman ko kay irene,. Si blue lang ang mahal ko.. Hindi ko naman mapigilan mapangiti habang tinitigan sya habang kumakain ng barbeque.


                    " bakit ganyan ka naman kung tumingin aldred.?"

                    " wala lang.. Ano kaya itsura mo kapag kulubot na balat mo.. Ganyan ka parin kaya kagwapo,? im sure papanget ka na.?" binato naman niya ko ng stick ng barbeque. " bakit namamato ka.? Madudumihan damit ko eh"

                    " papanget ka jan.. Baka ikaw.?"

                    " hoy blue malamang kahit matanda na ko.. Hearthrob parin ako.. Yung ganitong mukha hindi to kumukupas.. Wala ng expiration date to."

                    " owss hindi nga.?"

                    " shempre.. Yung mukha mo kasi mageexpire din yan.. Lalo na yang cheeks mo,, pag matanda kana lawlaw yan.? Pustahan pa tayo.. " ngiti ko kita ko naman na sumimangot sya saka hinawakan yung pisngi niya.

                    " ang sama mo aldred.. Eh kasi lage mo kinukurot pisnge ko eh.."

                    ' ang cute kasi eh... Saka kinukurot mo din naman pisnge ko eh.. Buti nalang hindi chubby cheeks ko."

                    " Kakainis ka.."

                    " wag kang magalala kahit naman ano man maging itsura mo in the future.. Mamahalin parin kita." kindat ko sa kanya.

                    " ows hindi nga.. " tumango naman ako sa kanya .

                    " blue manunuod ka ba ng stage play namin.?" saad ko lang saka tumingala sa mga star.

                    " oo naman.. Sabi mo bibigyan mo ko ng ticket.?"

                    " yeah sure ka bang gusto mong manuod.?"

                    " oo nga.. Gusto ko naman makita yung pinaghirapan mo." napabuntong hininga naman sako saka kinuha sa bulsa ko yung mga ticket saka ngumiti sa kanya saka inabot dito.

                    " bakit ang dami.?"

                    " sabi ng mommy mo gusto daw niya manuod eh.. Tapos daddy mo.. Syempre parents ko pa.. Tag apat tayo."

                    " bakit tag apat.. Eh tatlo lang naman kami.. Tapos dalawa lang naman parents mo..?" kunot ang noong niyang saad.

                   " kasi sorry blue.. Pupunta kasi si geo at saka si tita.. Ikaw may extra kang isa.. Kung gusto mo isama mo si chris para may kausap ka.. Kasi wala ako sa tabi mo eh.?"

                   " pupunta yung pinsan mo.?'

                   " oo eh.. Nabanggit ko kasi kay tita na may stage play kami.. Gusto daw niya manuod isasama niya daw si geo saka para daw makapasyal naman daw sila dito satin.?" bumuntong hininga naman sya. " blue wag mo na isipin yun si geo kaya nga gusto ko isama mo si chris para  sya yung magbabantay sayo habang wala ako sa tabi mo.?"

                   " si chris.? Hindi ka na nagseselos sa kanya.?" ngumiti lang ako saka umiling..

                   " nabasa ko kasi.. Trust ang pinakaimportante sa isang relasyon.. Eh i trust you.. Sabi mo nga di ba ako lang yung mahal mo.. Saka sabi mo nakamove na yun sayo.. So bakit pa ko magwoworry.?"

                   " sige sama ko sya huh.."

                   " sure.. Saka oo nga pala."

                   " what.?"

                   " kasi yung princes sa play namin pinalitan na..?"

                   " ano naman.?"

                   ' si irene kasi yung pinalit eh.?" natigilan naman sya sa sinabi ko saka tumingin ng deretso sakin.

                   " eh di ba ang tagal niyo ng pinapraktis yang play na yan.. Bakit kung kailan malapit na saka naman pinalitan.. Tapos si irene pa.?"

                   "eh kasi halos kabisado niya naman yung mga lines.. Yung princes kasi nagkasakit eh nagback out na kasi baka mapano pa daw sya.. you trust me naman di ba.? Trust ang pinakaimportante sa isang relasyon remember.?" ngiti ko

                   " aldred naman kasi eh..?"

                  " blue ?" tumungo naman sya kita ko lang yung pagbuntong hininga niya. " blue naiintindihan kita.. Magbaback out nalang ako.?"

                  " may magagawa ba ko eh tagal mo ng inantay yan.. Hindi naman ako kotrabida para sirain yun.?"

                  " sure ka ok lang naman sakin.. Sabihin ko nalang kay lyka na may sakit ako kaya hindi na ko makakapagperform.."

                  " ok na nga sakin.. Saka trust nga diba sabi mo..  Hindi mo naman sisirain yung trust na yun eh.."

                  "oo naman.. Pero sure ka talaga..?"

                  " oo na nga.."

                  " thanks blue.." ngiti ko lang. " and one more thing.. May kissing scene kasi sa dulo.." pilit na ngiti ko sa kanya.

                  " what..?!" halos manlaki naman yung mata niya.

                  " ang oa mo..?"

                  " anong oa dun.. Maghahalikan talaga kayo..?  You mean torrid.?" binato ko naman yung stick na binbato niya sakin kanina.

                  " torrid ka jan..  Pero parang ok yun maisuggest ko nga yun.?"

                  " bwisit ka aldred.. Ayoko na nga manuod.!"

                  " joke lang naman.. May kissing scene pero smack lang at hindi ako pumayag.. Biruin mo yun huh kiss na yun tinaggihan ko pa alam ko kasing manunuod ka eh.?"

                  " tinanggihan mo.. ?"

                  " oo eh nung una ok lang akala ko kasi hindi ka manunuod.. Eh nung sinabi mo na pupunta ka pinatanggal ko yung kissing scene."

                  " anong dinahilan mo bakit pinatangal mo.?"

                  " sabi ko manunuod yung taong mahal na mahal ko.. Kaya hindi pwede.."

                  " so kung hindi pala ko manunuod edi tuwang tuwa ka kasi may kissing scene..?"

                  " oo naman.. Kiss yun eh.." ngiti ko sa kanya sumimangot naman sya.

                  "pero bakit si irene.?"

                  " eh kasi tuwing may praktis kami nandun sya.. Kahit hindi naman sya kasali."
                  " eh bakit daw sya lageng nasa praktis niyo.?"

                  " eh di ba.. Patay na patay sakin yun. Sympre para masilayan yung kagwapuhan ko..."

                  " weehhh.." ngumiti lang ako sa kanya saka tumabi sa kinauupuan niya at hinawakan yung kamay niya.. Tumingala lang ako sa langit

                  " blue tandaan mo mahal na mahal kita.." seryoso kong saad.. " ikaw lang yung taong nagmamay ari ng puso ko.. Kung may tao man akong gustong makasama habang buhay.. Ikaw lang yun.."

                  " aldred.. Si irene.. Anong tingin mo sa kanya.?"

                  " tingin ko sa kanya..? Tao.?"

                  " yung seryoso..?" simangot niya.

                  " naawa ako sa kanya.. Yung problema niya sa parents niya.. Sana someday makatagpo sya ng taong mamahalin talaga sya.. Syempre yung kasing gwapo ko."

                  " alam mo minsan yung awa.. Pwede yan mapunta sa love."

                  " sira ka.. Iba naman yun blue.. Yung word na awa.. Kay irene yun.. Yung word na love.. Sayo lang yun.. Ikaw lang at wala ng iba.. Alam ko naman ang difference nun."

                  " basta nagseselos ako.. Natatakot ako na baka one day gumising nalang ako.. Sya na pala yung nasa puso mo..?"

                  " hindi mangyayare yun.. Hinding hindi.."

                  " yung kinuwento mo na kumain kayong dalawa sa canteen niyo.. Naisip ko lang kasi aldred.. Baka mamisinterpret ka niya. Kapag masyado kang naging mabait sa kanya.. Baka isipin niya na may chance na magkagusto ka sa kanya.."

                  " tingin mo.?" tanong ko lang marahan naman syang tumango saka pinisil yung palad ko.

                  "Alam mo hindi malayong mangyare na kapag naging malapit kayo.. Magkaroon ka ng feelings sa kanya.. Di ba.. Ganyan din yung nangyare satin.. I was down nung una tayong nagkakakilala.. Suicidal mode nga ako nun. Pero ikaw yung nandun para samahan ako.. Ikaw yung hindi sumuko sakin kahit pinagtulakan pa kita.. Ikaw yung taong muling naglagay ng ngiti sa mga labi ko at higit sa lahat tinuruan mo yung puso ko para muling magmahal.."

                 " blue.. Hindi mangyayare yun... Kasi ikaw lang yung mahal ko.. Di ba sabi ko sayo.. Nung nakita kitang umiiyak sa gitna ng kalsada.. I dont know pero nung time na yun gusto ko malaman yung dahilan ng mga luha mo.. Nung ginamot mo yung sugat sa braso ko kahit halos mamilipit ako sa sakit dahil sa pagbuhos mo ng alcohol.. Hindi ko parin mapigilan titigan yung mukha mo..hindi ko mga maintindihan yung sarili ko nun.. Kahit alam ko nahuli mo kong nakatitig sa mukha mo hindi ko iniwas yung tingin ko.. Alam mo nung time na yun gusto kitang halikan.. Gusto kita yakapin.. Gusto ko mapagaan yung nararamdaman mo.. Nung time na narealized kong mahal  nga kita.. Nangako ako sa sarili ko.. Na ikaw yung taong hinding hindi ko lolokohin.. Kasi wala namang tao na makakapalit sayo.. Blue mahal kita.. Mahal na mahal.. Yung isipin nga lang na baka iwan mo rin ako pag dating ng panahon.. Naiiyak na ko." pilit na ngiti ko sa kanya hindi ko naman mapigilan tumulo yung luha ko..pinunasan naman niya yung luha sa mukha ko. " blue ikaw lang ang nandito.." turo ko sa dibdib ko. " ikaw lang."

                  " Aldred... Mahal na mahal din kita..I will always be yours.. And you will always be mine.. Kahit ano pang mangyare.."

                  " tandaan mo yan huh.. Si irene hindi na sya makakapsok sa puso ko.. Kasi yung susi na sayo na.. Lagi mong tandaan si blue ay para kay red.. At si red ay para kay blue lang" ngiti ko nalang saka yumakap sa kanya.. Agad naman niya kong tinulak.." why.?"

                  " wag dito.. Kaw talaga..?"

                  " anong wag dito.." ngiti ko saka sya niyakap ng mahigpit.. "yayakapin kita kahit saan ko gusto."

                  " eh pano kung may makakakita satin.?"

                  " wala akong paki.. "

                 " talaga..?"

                 " oo gusto mo ikiss pa kita dito eh.?" tinakpan naman niya yung bibig niya.

                 " umayos ka nga aldred.."

                 " blue ano naman kung makita tayo ng ibang tao na magkiss .. Paki naman nila..?"

                 " aldred naman eh.?"

                 " bakit ayaw mo.?"

                 " hindi naman... Kaso.. Uhm bahala ka nga..." simangot niya.. Natawa naman ako saka sya hinalikan sa pisnge.

                 " blue sunduin kita tomorrow huh.. Wala daw kaming praktis eh.. Kakabisaduhin pa kasi ni irene yung ibang lines kaya binigyan sya ng time."

                 " sige sunduin mo ko.." ngiti niya...

                 " blue naisip ko lang.. Kung magkakaraon tayo ng anak.."

                 " anak.?"

                 " yeah.. Syempre magaampon lang tayo or pwede din yung maghanap tayo ng surrogate mother.."

                 " possible kaya yun..?"

                 " oo naman pero hindi yun ang iniisip ko.."

                 " ano naman iniisip mo.?"

                 " eh kasi ikaw si blue.. Ako si red yung magiging anak natin.. Ano kaya magandang name.?" ngiti ko lang kita ko naman yung mahina niyang pagtawa. "pwedeng yellow.. Or green.. Or black.?"

                 " sira ka aldred.?"

                 " ok nga yun eh.. Pag naging tatlo anak natin.. Makakabuo na tayo ng power ranger.. Tayo yung lalaban sa kasamaan.. "

                 " ang baliw mo.. "

                 " seryoso yun huh.. Basta bubuo tayo ng pwersa ng kabutihan.." hindi ko naman mapigilan matawa sa sinabi ko.. Kita ko rin yung pagtawa niya.

                 " tigilan mo nga aldred.. Magkakabag ako sayo eh."

                 " ikiss kita jan eh.." ngiti ko.. Sumimangot naman sya.. " joke lang "  Magkahawak kamay kaming tumingin sa langit.. Saka pinagmasdan yung kislap ng mga bituin.. Hindi ako magsasawang tumingala sa langit as long as ikaw blue ang nasa tabi ko.              

                 Kinabukasan pagdating ko sa room andun lang uli si irene sa tapat ng room namin... Hindi pwedeng laging ganito..  Paglapit ko kita ko lang yung laki ng ngiti sa labi niya.

                 " you're here again.?"

                 " shempre.. Baka kasi magutom yung crush ko kaya.. Sandwich again..?"

                 " irene you dont have to do this everday.. May pera naman ako so i think hindi ako magugutom. "

                 " pagbigyan mo na ko aldred."

                 " irene... Hindi kasi pwedeng ganito.. Actually hindi ko sinasabi kay blue na ginagawa mo to.. I know kasi magseselos sya.. Kaya kung ok lang sayo.. This would be the last...?" lumungkot naman yung mukha niya.. " irene pwede mo ko maging kaibigan kahit hindi mo to gawin.. "

                 " Aldred gusto ko kasi to.."

                 " sorry.. Pero ayoko ng ginagawa mo.."

                  " aldred may nagawa ba ko..?"

                  " nothing.. " pinilit ko naman ngumiti sa kanya saka hinawakan yung balikat niya. " irene ang gusto ko lang wag mong sayangin yung effort at oras mo sakin.."
               
                  " aldred I love you.?"

                  " Napagusapan na natin to right. Si blue lang ang nasa puso ko."

                  " Pero...?"

                  " please irene.?" bumuntong hininga naman sya saka tumungo ilang sandaling walang nagsalita saming dalawa... " ire i hope you understand."

                  " ok I understand... Pero friends parin tayo.?"

                  " yeah.. If you need a friend. Im still here."



SI IRENE


                 
                  " yeah.. If you need a friend. Im still here." ilang sandali akong hindi nagsalita.. Sinabi na ba di daddy kay aldred.. Ginagalit niya talaga ko. " irene are you ok.?"

                  " aldred about my parents..?"

                  " what about your parents.. Ok na ba sila..?"

                  " nakita mo na ba yung daddy ko.?" kumunot naman yung noo niya saka umiling..

                  " no..? Hindi ko pa sya nakita.. Nagkita na ba kami.?" saad lang niya.
                 
                  " uhm nevermind... Basta aldred. magKaibigan parin tayo huh.." pinilit ko naman ngumiti saka humugot ng malalim na hininga. ,makukuha din kita aldred.. Masisira din kayo ni blue.. " sige aldred alis na ko.."

                 " ok irene.. See you nalang sa praktis tomorrow.? Galingan mo yung pagmemorize"

                 " yeah para sayo.." ngiti ko nalang saka nagsimulang maglakad.. Hindi ako titigil.. hindi..

                Lunch time nun nasa canteen ako habang pinapanuod kumain si aldred sa di kalayuan.. Natigilan lang ako ng magring yung cellphone ko.. Tiningnan ko naman to agad.. Mommy ni aldred.

                " hello po tita. " pinilit ko naman palungkutin yung boses ko.

                " iha nabother kasi ako sa text mo.. May ginawa ba si aldred..?"
              
                " wala naman po tita.. Malungkot lang po ako..?"

                " ok ka lang ba iha..?"

                " yes tita.. Salamat po.."

                " kaya pala ako napatawag.. Nakita mo ba si aldred.?"

                " yes tita why.?"

                " nakalimutan niya yung phone niya eh.."

                " ganun po ba."

                " iha gusto mo ba dito magdinner sa house.. Para naman mejo makalimutan mo yung problema mo house niyo.. Mabago naman minsan yung enviroment mo.. Gusto din kasi kitang makakwentuhan eh."

                " kasi po tita hindi ko kasi alam yung jan sa inyo..  Saka Nahihiya po ako."

                " sus wag kang mahiya.. After ng class mo dumeretso ka na dito.. Then stay here Hanngang dinner.. Tatawagan ko si aldred para ihatid ka dito."

                " eh di ba tita nakalimutan niya po yung phone niya."

                " ay oo nga pala... Pano ba.. Gusto mo ako na sumundo sayo..?"

                " nakakahiya naman po sa inyo tita.. Wait po nakita ko po si aldred.. Gusto niyo po kausapin.?"

                " talaga ? Sige pakausap ako iha.." tumayo naman ako sa inuupuan ko saka tinahak yung pwesto ni aldred.. Umupo lang ako sa harap niya ngumiti lang ako ng makita yung pagtataka sa nakarehistro sa mga mata niya.. Hindi ko namna mapigilan titigan yung mga matang yun...hindi ako magkakagusto sayo aldred.. Dahil alam ko masasaktan lang ako.

                " hey why.?" untag niya sakin naputol naman yung pagiisip ko.

                " mommy mo gusto ka daw makausap."
               
                " si mommy.?" tumango naman ako sa kanya saka inabot yung cellphone dito. " hello mom..? Yeah nakalimutan ko nga eh.... Why.. ?" kita ko naman yung pagtitig sakin ni aldred .. "Eh kasi mom susunduin ko pa si blue eh..?.. Huh" umiwas naman ako ng tingin ng mabanggit yung pangalan ng bwisit kong kapatid. " pero mom.. Ok fine.. Pero hahatid ko muna sya bago sunduin si blue... Ok bye" inabot naman niya yung phone ko.

                 " aldred ok lang kahit hindi mo ko ihatid.. Sketch mo nalang kung saan yung house niyo."

                 " no ihahatid nalang kita.. Bago ko sunduin si blue.."

                 " pwede naman natin syang daanan. Baka kasi matagalan ka kung ihahatid mo muna ako."

                 " hindi pwede yun.. Magseselos yun kapag nakitang kasama kita.."

                 " ganun ba.? Aldred bakit parang bumalik na yung dating pakikitungo mo sakin.?" nakatungo kong saad ilang sandali naman syang hindi nakapagsalita..  " aldred kung may nagawa ako.. Sorry.?" pinilit konbg lagyan ng lungkot yung boses ko.

                 " no irene.. Wala kang ginawa.. Naisip ko lang. Tama kasi si blue.. Baka mamisinterpret mo ko.. Baka kung masyado akong maging mabait sayo.. Isipin mo na may gusto na ko sayo.. " halos mapunit naman yung palda ko sa diin ng pagkakahawak ko..blue hindi ako papatalo sayo. " ayoko mangyare yun irene.. Kasi I know mas lalo ka lang masasaktan."

                 " aldred... Naiiintindihan ko."

                 " salamat irene.. Alis na ko." saad niya saka tumayo.. Hindi ko naman napigilan yung pagtulo ng luha ko pagtalikod niya.. Tandaan mo aldred.. Mahuhulog ka rin sakin.. At sa oras na mangyare yun saka kita iiwan.. Sa oras na yun sinisigurado ko ikaw naman ang maghahabol sakin.. Bakit ka ba umiiyak irene.. Haixxtttt bwisit ka blue.

                 Uwian na nun ng mabasa ko yung text ni lyka na may meeting daw lahat ng cast ng play na ginagawa namin.. Pagdating ko sa gym naabutan ko lang si aldred na kausap si lyka.

                 "irene finally you're here." saad ni lyka ng makita ako..  Lumingon naman sakin si aldred saka pilit na ngumiti.

                  " ah may tinapos pa kasi ako.. " saad ko lang.

                  " ok na ba yung mga kinakabisado mo.?"  tanong ni lyka.. Nilabas ko naman yung script sa bag ko saka tumango.

                  " konti lang naman yung kailangan kong kabisaduhin eh.."

                  " ok good.. May papraktisin tayong ilang scene ngayon.. Kailangan maperfect natin yun.. Remember malapit na yung presentation nito.?"

                  " ate lyka kailangan na ba talaga ngayon.. Kasi may pupuntahan pa ko eh.?" pilit na ngiti ni aldred.

                  " babatukan kita aldred.. Una mas matanda ka sakin.. At pangalawa bawal magreklamo."

                  " ate lyka.. Please..?"

                  " no aldred.?" lumapit naman ako dito.

                  " aldred ok lang kahit wag mo na ko ihatid sa inyo.. Sunduin mo nalang si blue.." napabuntong hininga naman sya..

                  " lagot ako pag hindi kita hinatid.." saad niya saka tumalikod sakin at lumapit kay lyka. "ate lyka bilisan nalang natin huh.. Pwede makitxt.?" saad pa ni aldred.. Inabot naman ni lyka yung phone niya.. Ilang sandali ay binalik niya rin ito saka binaba yung gamit niya. " game.."

                   Pagkatapos ng praktis ay lumapit na sakin si aldred. " tara na bilisan na natin."

                  " ok lang naman kasi kahit hindi mo ko ihatid eh.?"

                  " ayoko makipagtalo..kailangan ko ng magmadali. Tara na.." saad niya saka kinuha yung bag niya at nagmamadaling naglakad patungo kung saan nakapark yung motor niya.. Sumunod naman ako sa kanya..

                  " bakit kasi kailangan mo pa syang sunduin.. Hindi ba niya alam yung pauwi sa kanila.? Skaa sana nagtext ka nalang na may praktis tayo.. Para umuwi na sya mag-isa" ilang sandali syang natigilan saka tumitig sakin. " ang ibig ko lang sabihin hindi naman sya babae para sunduin pa di ba.?"

                  " irene.. Its none of your bussiness.. Wala ka ng pakialam kung gusto ko syang sunduin."

                  " pero.."

                  " pwede bang wag ka nalang makialam.?"

                  " ok sabi mo eh.." kibit ko ng balikat...Halos wala kaming kibuan pagsakay ko sa likod niya.. Yumakap lang ako sa bewang niya pero agad niya itong tinaggal saka nilagay sa balikat niya..

                  Pagdating namin sa harap ng bahay nila bumaba lang ako ganun din sya tumuloy lang sya sa gate para buksan.." mom she's here!" sigaw pa niya sa loob..Hindi naman sinasadya na mapalingon ako sa di kalayuan.. Napangiti lang ako sa nakita ko.. Ohh.. Biibigyan ita ng magandang palabas blue..

                  " pasok ka na.." saad ni aldred sakin.. Lumapit naman ako sa kanya.. Tinitigan ko lang yung mga mata niya.." aldred.." ngiti ko saka sya mapusok na hinalikan.. Ilang sandali syang hindi nakagalaw sa ginawa ko ilang segundo pa ang lumipas hanggang humiwalay ako kanya saka sya nilampasan papasok sa gate nila.. Sumunod naman sya sakin at hinawakan yung braso ko para muli akong humarap sa kanya. " irene wait.. Bakit mo ginawa yun.?!"

                   " ang alin.?"

                   " bakit mo ko hinalikan.? Nabbaaliww ka na ba.?"

                   " uhm I'm sorry.. Hindi ko sinasadya..?" napailing naman sya..

                   " binibigyan mo ko ng dahilan para layuan ka.. Sa oras na gawin pa uli yun..  Hindi na uli ako lalapit sayo.. Tandaan mo hinding hindi na." kita ko lang yung sama ng tingin niya sakin.. Pinilit ko naman ngumiti sa kanya.

                   " I"m sorry aldred.. Matagal ko na kasing dream yun.. Ang mahalikan ka..finally natupad na.."

                   " aalis na ko.." simangot niya  pinunasan naman niya yung labi niya saka nagmamadaling lumabas ng gate,.. Napangiti lang ako saka nahawakan yung labi ko...aldred Magiging akin ka rin..soon




SI BLUE


                  " chris favor naman oh.?" pilit ang ngiting nilapitan ko si chris habang nakatambay sya sa bench sa gilid ng gym Kita ko naman yung ngiti niya.

                  " alam ko na yang favor mo.." saad niya napakamot naman ako sa ulo ko.. Kailangan ko kasing matuto ng gitara para sa presentation sa music subject namen.

                  " eh kasi.. Si aldred hindi sya marunong mag gitara eh... Kung okay lang naman.. Pero kung hindi hahanap nalang ako ng pwede." nakatungo kong saad.

                  " eh para namang matatangihan kita.. Eh laki ng utang na loob ko sayo eh..biruin mo yun may alam pala kong hindi mo alam.."

                  " eh malay ko ba naman kasi dun.. Music lover lang ako.. Ano nga palang ginagawa mo dito.. Bakit mag-isa ka.?"

                  " wala lang.. Nagiisip.?"

                  " ano naman iniisip mo.?" natawa naman sya ng payak..saka nakangiting tumingin sakin.

                  " kamusta kayo ni aldred.?"

                  " masaya kami... Ikaw may kasalanan ka pala.. Hindi ka pumunta nung birthday ko.. Sabi mo pupunta ka di ba.?"

                  " dumaan ako sa inyo kaya lang sabi ng mommy mo umalis ka daw.. Pinakain nga ako ng mommy mo eh.. Kala ko nga hanggang birthday mo may adobo parin.. Buti nalang wala.?"

                  " baliw.. Hindi nabanggit ni mommy na dumaan ka."

                  " eh busy ka kasi kay aldred.."

                  " hindi naman masyado.."

                  " blue.. Im happy kasi masaya ka.." saad niya habang nakatingin sa malayo.

                  " may problema ka ba chris.?"

                  " wala naman.. Kasasabi ko lang masaya ako diba."

                  " chris hindi ka magaling magsinungaling.. Halata naman na malungkot ka.. May problema ba.?"

                  " wala nga.." ngiti niya lang  " kailan kita tuturuan ng gitara.?"

                  "kaibagan mo nanaman ako chris di ba... Pwede naman mag-open ka sakin eh.?"

                  " ok lang ako.. Kaw talaga.. So kailan nga kita tuturuan.?"

                  " chris.. Wag mo kalimutan na im here huh.. " ngiti ko sa kanya.. Tumango naman sya. " pwede sa house mo ko turuan.?"

                  " sure.. Hindi pwede sa house namen.. Baka magwala si aldred.. Napakaseloso nung boyfriend mo eh."

                  " i know.. Hindi talaga pwede..tara na balik na tayo sa room..?"

                  " sige una ka na.."

                  " why... Hindi ka pa babalik sa room..?"

                  " susunod ako.." ngiti niya lang nagkibit naman ako ng balikat saka sya tinapik sa likod.

                  " una na ko huh.." saad ko lang saka naglakad pabalik sa room.. Paglingon ko kay chris. Nakatungo lang sya.. Bakit ka ba malungkot chris.. Napabuntong hininga nalang ako.

                  Hanggang maguwian halos kalahating oras na kong nasa harap ng school ngunit wala parin si aldred..pinilit ko naman libangin yung sarili ko sa panunuod ng mga taong dumadaan.. Nagulat lang ako ng may nagtakip ng mata ko..

                 " aldred.?" saad ko tinaggal ko naman yung kamay sa mata ko.. Paglingon ko nakita ko lang si chris na nakangiti.

                 " wala pa si aldred.?"

                 " wala pa nga eh.. Tapos na kayo magusap ni sir.?"

                " yeah.. Late na ah.. Bakit wala pa sya.?"

                " hindi ko nga alam eh.. Lowbat din kasi ako eh nakalimutan ko magcharge.... Pwede  makitext.?" pilit na ngiti ko sa kanya.. Ngumiti lang sya saka inabot sakin yung cellphone niya.. Pagkatapos magtext ay binalik ko rin agad sa kanya yun.

                " gusto mo hatid na kita."

                " no.. Antayin ko nalang si aldred.. Baka paparating na yun.."

                " samahan nalang kita habang inaantay sya.. Dadalhin ko yung gitara ko bukas para maturuan na kita.. Papahiram ko na rin sayo."

                " papahiram mo sakin.. Eh di ba ginagamit mo yun.?"

                " uhmm may extrang guitara naman ako eh.. Kaya ok lang.. Para rin makapagpraktis ka kahit wala ako.. Mas mabilis kang mtututo.."

                " may promis pa pala ko sayo chris noh..?"

                " anong promise.?"

                " eh di ba gusto mo pumunta kami ni aldred dun sa bar kung san ka tumutugtug.?"

                " yeah oo nga pala.. Kailan kayo pupunta.?"

                " uhm kasi busy pa si aldred sa stage play nila eh."

                " gabi naman ako tumutugtog wag mo sabihin na may praktis sya ng ganun oras.?" natatawang saad ni chris.

                " uhm kasi hindi ko pa alam eh.. Di ba every weekend ka naman tumutugtug.. Promise ko na talaga.. Kakausapin ko si aldred na pumunta kami dun this weekend"

                " promise.?"

                " yeah promise.. " napatingin lang ako sa mukha ni chris kita ko parin yung lungkot sa mata.. Pinilit niya naman ngumiti sakin. " chris i know may problema ka.?"

                " wala nga.?"

                " ows chris naman eh.. Bakit ka ba malungkot.. Hindi kaya bagay sayo..?"

                " blue.. Ok lang ako.. Dont worry kapag hindi ko na talaga kaya.. Sayo ko unang lalapit.."

                " talaga.?" kita ko naman yung lungkot sa mga mata niya. " chris hindi ka ok eh.?"

                " ok nga lang ako ..Oa.. "

                " ows hindi nga.?"           

                " tagal ni aldred ah.. Hindi naman nagreply sa text mo?" saad niya habang nakatingin sa cellphone niya.

                " ano kaya nangyare dun.?" buntong hininga ko.

                 " hatid na kaya kita.. ?"

                 ' eh kasi sabi niya kagabi susunduin niya ko eh.. Tingin mo may masamang nangyare.?"

                 " eh kung tawagan mo kaya.?" abot niya sa cellphone niya napabuntong hininga naman ako saka inabot ito.. Nagdial lang ako saka tinapat sa tenga ko yung cellphone ngunit puro ring lang yung narinig ko." hindi sumasagot.?"

                " oo eh.. Nag-aalala tuloy ako chris.?" abot ko sa phone niya.

                " wala naman sigurong masamang nangyare.. Tara hatid na kita.. Tawagan mo nalang sya pagdating sa bahay niyo.."

                " antayin ko nalang sya dito.."

                " hahatid na kita.. Hindi naman malayo bahay niyo.. Saka malay mo may nangyare nga kaya hindi niya sinasagot.. Daan na lang tayo sa house nila."

                " sana walang nangyare..?"

                " antayin mo ko dito kunin ko lang yung motor ko sa parking lot.." saad ni chris tumango naman ako.. Nasaan ka ba aldred....






SI CHRIS



                Napabuntong hininga lang ako habang sinusuksuk yung susi sa motor..blue mahal kita mahal parin kita.. I wonder if you knew how many times I thought of you.. How many nights I've stay awake thinking about you.. How many times I've sat there and cried.. I Wonder if I tell you I love you.. Bakit ba ang hirap mo kalimutan.. Saad ko lang sa sarili ko.. Pinuno ko naman ng hangin yung dibdib ko saka pinaandar yung motor.. Paglapit ko kay blue kita ko lang yung pag-aalala sa mukha niya.. Kailan ko ba uli masasabi sayo ng harapan na mahal kita..

                " chris.. Tara na..baka kasi kung ano na nangyare sa kanya eh.?"

                " yeah.. Sakay ka na.." pinilit ko naman ngumiti.

                " bakit naman kasi hindi sya nagtetext eh.."

                " relax ka lang think positive.. Papanget ka niyan."

                " nakakainis kasi sya.."

                " relax.." saad ko.. Sumakay naman sya sa likod ko ramdam ko lang yung kamay niya sa balikat ko napabuntong hininga lang ako saka pinaandar yung motor.. Papasok na kami ng subdivision nila blue ng makita ko si aldred habang nakaangkas sa kanya si irene.. " blue remember mo yung girl na nakita natin sa bookstore before.. Tanda mo pa yun.?"

             " yeah.. Si irene yung ex mo.."

             " magkakilala sila ni aldred.?"

             " yeah... Why.?"

             " yun sila oh.?" saad ko lang naramdaman ko naman na humigpit yung hawak ni blue sa balikat ko. sinundan ko naman yung motor ni aldred haggang huminto sila sa tapat ng isang bahay.. " bahay nila aldred..?" tanong ko lang.

             " chris ihinto mo muna."

             " why.?"

             " please.?" hininto ko naman sa gilid ng kalsada yung motor ko kung san tanaw namin sila aldred at irene.

             " blue" bumaba naman ng motor si blue saka pinagmasdan si aldred at irene.

             " bakit magkasama sila.. ?"

             " i don't know.."

             "tara na lapit na tayo..sakay ka na" kita ko lang yung lungkot sa mata ni blue..

             " tingin mo bakit sila magkasama.?" lingon skain ni blue. Nagkibit balikat naman ako..Pagtingin ko sa dereksyon nila aldred kita ko lang na binubuksan ni aldred yung gate.. si irene naman nakatingin sa dereksyon namin ngunit agad din nitong iniwas yung tingin niya.. Alam ko nakita niya kami ni blue. Parang tumigil lang yung mundo ng makita namin yung mapusok na paghalik ni irene kay aldred.. Paglingon ko kay blue parang nadurog yung puso ko ng makita yung mga luhang tumulo mula sa mga mata niya muli lang ako tumingin kala aldred na may galit sa mga mata.. Hayop ka aldred bumaba naman ako sa motor aktong maglalakad papunta sa dalawa ng pigilan ni blue yung braso ko.

              " wag chris.."

              " wala syang karapatang lokohin ka...!" Gigil na sa saad ko..

              " please chris.. Tara na.." saad ni blue saka tumalikod.

              " blue.. Hindi pwede.. Hahayaan mo lang ba na lokohin ka niya.?" hindi ko naman mapigilan tumulo yung luha ko ng makita yung tahimik na pagiyak ni blue.

              " chris please... Tara na.." bulong niya pagtingin ko sa dereksyon nila aldred nakita ko lang na pumasok na sila sa loob ng gate. " chris please.?"

              " blue.." lumapit naman ako sa kanya saka sya kinulong sa mga braso ko.

              " chris.. Tara na.." humiwalay naman ako sa kanya saka muling sumakay sa motor ko.. Sumakay lang din sya sa likod ko.

              " hatid na kita sa inyo.?"

              " ayoko pa umuwi.."

              " san tayo pupunta.?"

              " kahit saan.." saad lang niya napabuntong hininga naman ako.. Humanda ka sakin aldred.. Hindi mo dapat sinaktan si blue.. Humanda ka.. Saad ko lang sa isip ko saka pinaandar yung motor ko. Ramdam na ramdam ko yung bawat paghikbi ni blue sa likod ko.

              " blue kapit ka huh."

              " chris..." saad niya habang gumagaralgal yung boses.

              " iiyak mo lang pero please kumapit ka.. " hinawakan ko naman yung kamay niya sa balikat ko.." everything will be alright.." Sinandal niya naman yung ulo niya sa likod ko... 

9 comments:

  1. kay chris k nalang kc..

    ReplyDelete
  2. galing magpaikot ng kwento ah. Blue, alamin mo muna ang totoo bago magbigay ng hatol, gaya ng ginawa mo dati nung nakita mo sila ni red s park. kakainis talaga si irene. Pero alam nmn na ni red yung motibo ni irene eh. kaya wala syang magagawa. Red magback out ka nalang sa stage play nyo para masaya haha. Para lalong manggalaiti sa galit si irene. salamat po sa update.

    0309

    ReplyDelete
  3. Bwisit tlaga di irene. Sana hayaang mag-explain ni blue si red. Wala nmn kc kasalan si red. Bitch lang tlaga si irene.
    Si chris kay geo nalang xa. Hahaha. Basta red and blue pa din. Aminin na kc ni aldred kay blue ang dahilanni irene.

    ReplyDelete
  4. Hay! Kumplikado na naman. Kainis kasi si irene.

    -hardname-

    ReplyDelete
  5. Go Chris'!!!
    Lol


    Team RED prin ako haha
    Next chapter na po'
    Thanks author
    Keep it UP


    _ace

    ReplyDelete
  6. hindi na ako makapaghintay sa mga susunod na mangyayari... im so excited... :) good job mr. author...

    ReplyDelete
  7. Kainis sabi ko matutulog na ako eh., ang ganda kasi xD

    ReplyDelete
  8. Asan ung mga naunang chapters? Bakit 25 na agad?

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails