Salamat sa patuloy na pagsuporta, at sana ay patuloy niyo pa ring subaybayan ang series na ito.
Happy Reading!
--
Chapter 9
Lumipas ang mga araw at naging maganda naman ang takbo ng mga
bagay-bagay. Naikwento ko na rin kila Trisha, Juno, at Justin ang mga naging
pagbabago sa samahan namin ni Caleb. Natuwa naman silang lahat, dahil naging
maayos na rin ang pagtrato ng kapatid ko sa akin. Nakakatuwa rin na nakikita na
ng mga magulang namin ang pagbabago sa samahan namin na siyang lubusang
ikinatuwa ni papa.
Maging kay Josh ay naikwento ko na rin iyon. Niyaya ko rin siyang lumabas, ngunit sabi niya
ay busy daw siya sa Student Council elections sa school niya. Nalungkot ako,
dahil miss na miss ko na siya, ngunit inintindi ko na lamang siya dahil alam ko
kung gaano ka-stressful ang mga ganoong bagay, being a former student council
president in the past.
Ginabi na ako ng uwi, dahil may kinailangan akong interviewhin para sa
isang Journalism elective na kinuha ako, at medyo nagkaproblema kami sa
schedule ng interview kaya kinailangan kong mag-adjust. Medyo pagod na ako,
ngunit iniisip ko na lamang na Biyernes na bukas at makapagpapahinga na ako sa
weekend, dahil sa imbitasyon ni Justin para sa isang overnight sa resort ng
kaibigan niya. Oo nga pala, hindi pa ako
nagpapaalam. Kailangan ko ng magpaalam ngayong gabi, sa loob-loob ko.
Pagpasok ko ng bahay ay nadatnan ko silang lahat na kumakain na sa
hapagkainan. Lumapit na ako sa kanila at nagmano kay daddy. Binigyan ko ng
halik sa pisngi si tita Audrey, at si Selah. Nginitian ko na lamang si Caleb,
na siyang sinuklian rin ng huli. “Gabriel, ginagabi ka yata.” saad ni papa nang
makaupo na ako sa upuan sa tabi ni Selah. Ito ang nakakatuwa kay papa, na kahit
pa sobrang busy niya sa pagpapaktbo ng napakarami niyang negosyo, he still
makes it a point to eat dinner with his family. “May ininterview po kasi ako,
and nagkaproblema sa schedule, kaya gabi na po natapos.” sagot ko bilang
paliwanag. “Kumain ka na. Siguradong gutom na gutom ka na.” pahayag ni Tita
Audrey na siyang sinuklian ko ng isang tango na may kasamang ngiti.
Habang kumakain ay naalala ko ang imbitasyon ni Justin, at naisip kong
ito na ang tamang pagkakataon para magpaalam. “Uhm, dad?” pagsisimula ko. “Yes,
anak?” balik niya sa akin bago siya humigop ng sabaw. “Ah... pwede po ba ako
sumama sa kaibigan ko? Mago-overnight po kami this weekend.” pahayag ko. “OMG!
How fun! Saan naman ‘yan, kuya?” excited na singit ni Selah sa conversation.
“Sa Laguna lang naman po. Sa isang resort doon.” baling ko kay papa. Napaisip
naman siya sandali.
“Sure ka bang mababait ‘yang mga taong iyan, at hindi sila bad
influence sa iyo?” paninigurado ni papa. “Oh, kilala niyo po siya. Si Justin
Tiongson, ‘yung nakatira sa tapat natin.” pahayag ko. Nakuha ni Caleb ang
atensyon ko nang madatnan ko siyang biglang nabulunan. Umuubo-ubo siya, at
dali-dali naman siyang sinaklolohan ni Tita Audrey na kasalukuyang pinapainom
siya ng tubig galing sa baso habang hinahagod ang likod nito.
“What?! No, hindi ka pwede sumama!” pagtutol ni Caleb matapos niyang
mahimasmasan na siyang ikinagulat ko. Lahat kaming na sa lamesa ay biglang
napatingin sa kanya. “Caleb, what’s wrong with you? You can’t decide for your
brother like that. You’re good friends with Justin. Gab, kilala ko si Justin
and alam kong napakabait ang batang iyon. And it’s good na nakikipagkaibigan ka
na rin sa mga tao sa village natin. Hon, siguro naman pwede mong pagbigyan si
Gabriel na sumama sa kanila.” si Tita Audrey. Tiningnan ko lamang ang mukha ni
Caleb na kasalukuyang may bahid pa rin ng pagtutol, ngunit nang masdan ko ang
mga mata niya, ang pagkunot ng mga kilay niya... tila may iba pa akong na-sense
na emosyon doon.
Pag-aalala? Bakit naman?
Ewan. I must be imagining things.
“Okay. Payag na ako, but promise to text me kapag nakarating ka na
doon, at kapag paalis na kayo para alam kong safe ka.” si papa. “Yes po. Thanks,
dad.” ang nasabi ko na lamang. “Oh, and next week handa na ‘yung kwarto mo.
I’ll have it sorted para pagdating mo tutulugan mo na lang.” pahabol ni papa.
Napaisip naman ako sa sinabi niya, at... nalungkot. Ibig sabihin, hindi ko na
makakasama si Caleb sa iisang kwarto. Gusto kong tampalin ang noo ko dahil sa
naisip kong iyon.
Ngunit hindi ako nagpahalata, at imbes ay tinanguan na lamang si papa.
--
“You can’t go on that trip.” matigas na pahayag ni Caleb pagpasok ko
ng kwarto niya. At naramdaman kong nadagdagan lalo ang curiosity ko kung bakit
siya nagkakaganito. Ano bang masama sa isang bakasyon? Pakiramdam ko deserve ko
namang magkaroon ng break kahit papaano. “Caleb, ano bang meron? Is there
something na kailangan kong malaman kung bakit ayaw mo akong pasamahin?”
diretsong tanong ko sa kanya.
Pakiramdam ko ay hindi na siya mapakali sa pagkakataong iyon. “No,
no... just, please. If you want I can book us something this weekend. Mas
maganda pa. Kung gusto mo magbook ako ng flight just for the heck of it. Basta,
huwag ka lang sumama. I’ve been to that place. It’s nothing special.”
pagmamakaawa niya. Naramdaman ko naman na unti-unting nabawasan ang pasensya
ko... It doesn’t make sense!
“Caleb,” pagsisimula ko, sinusubukang pakalmahin ang sarili ko. “Kung
hindi mo ako mabibigyan ng valid reason kung bakit hindi ako dapat sumama,
sorry. If you’re doing this out of concern, for my safety or whatever reason,
thank you... pero malaki na ako. I can handle myself. And besides, I know
you’re friends with Justin, kaya hindi ko talaga makita ‘yung point kung bakit
ayaw mo akong pasamahin.” pahayag ko na siyang ikinailing niya. Narinig ko ang
pagbuntong-hininga niya.
“Okay... pero pwede bang pagbigyan mo na lang itong request ko?”
pagsuko niya. Tumango na lang ako bilang tugon. “Take my car. That way if
something bad happens, makakaalis ka kaagad doon.” pahayag niya at sapilitang
inilagay sa palad ko ang susi ng kotse niya. “You’re making it sound na pupunta
ako sa kung saan! It’s just a damn vacation. Ano bang problema mo?” at hindi ko
na napigilan ang sarili ko. Ngunit na-realize ko kung gaano kapangit ang naging
tunog ng sinabi ko. “Fine. I’ll drive myself.” pahayag ko.
“Thank you. I just have a bad feeling about this. Better be sure. Be safe, okay?” sagot niya.
Tumango ako, ngunit umiiling ako sa loob-loob ko.
Ano bang nakain niya?
--
Saturday, 4:20 a.m.
Matapos kong tuyuin ang katawan ko ay agad-agad na akong
nagbihis.Tiningnan ko ang hitsura ko sa salamin. Nagsuot ako ng plain white
v-neck shirt, black walking shorts, at flip flops. Inayos ko ang buhok ko, at
tiningnan kung malinis na ang ngipin ko. Mahirap na, baka may nakasingit pang
dumi o kung anuman sa braces ko. Mukhang handa na naman ako, at sigurado akong
tatawagan ako ni Justin any moment now.
Paglabas ko ng banyo ay hindi ko inaasahang madadatnan kong gising si
Caleb. Halata pa sa mga mata nito ang antok, at nakatutuwang tingnan ang magulo
at taas-taas nitong buhok. Binaling niya ang atensyon niya sa akin.
“Handang-handa ka na, ah.” komento niya, mala tang boses, matapos sipatin ang
suot ko. “Bakit gising ka na?” ang naging sagot ko na lamang. “Can’t sleep
well.” simpleng tugon niya sa akin bago maghikab muli. Napatango na lamang ako.
Chineck ko ang cellphone ko at tinext si Justin.
“Hey, I’m bringing my car. Sa
akin ka na lang sumakay. Ready na ako. Call/txt ka na lang if nsa labas ka na
ng bhy nyo. :-)”
Wala pang isang minuto ay nakatanggap agad ako ng reply.
“Bumaba ka na. Pababa na rin
ako. :)” reply niya, kaya naman kinuha ko na agad ang gym bag ko at
naglakad papunta sa pinto. “Whoa!” gulat kong bulalas nang madatnan kong nasa
likod ko na si Caleb... napakalapit niya sa akin. “Anong ginagawa mo?” taka
kong tanong sa kanya. “Ihahatid kita sa baba.” simpleng sagot niya.
Nang makalabas kami ng pinto ay nadatnan ko doon si Justin na
naghihintay sa labas ng gate ng bahay nila. Nagtaka naman ako nang biglang
nagmadali si Caleb, lumabas ng bahay namin at nagtungo kay Justin. Bigla nitong
hinila si Justin palayo sa bahay nito at naglakad ng kaunti papalayo. Nang
pagmasdan ko sila sa malayo ay nakita kong seryoso si Caleb, at si Justin ay
tumatawa lamang sa kung anumang sinasabi nito.
Biglang nagvibrate ang cellphone ko, at nadatnan ko ang isang message
mula kay Trisha.
“Oist. Ingat sa vacation with
papa Justin. Yieee. :>” reply niya na siyang ikinailing ko.
“Trish. Matulog ka muna. High ka
na naman.” ang reply ko, dismissing what she’s implying.
“Ready?” nawala ang focus ko sa cellphone ko nang makita ko na lamang
ang mukha ni Justin sa harap ko. Tumango ako at tumayo. Binuksan ko ang
compartment ng kotse ni Caleb, at sinabi kay Justin na ilagay ang mga gamit
niya doon. Nang maisara ko na iyon ay napagdesisyunan naming umalis na. Sasakay
na sana ako sa driver’s seat nang pigilan ako ni Caleb.
“Gab!” bigla-bigla niyang sigaw na siyang ikinakunot ng noo ko. “Mag-iingat ka, ha.” tila kinakabahan niyang paalala sa akin. “I can handle myself. Ingat ka rin.” paalam ko sa kanya.
--
“Ngingiti-ngiti ka diyan. Kanina pa ‘yan, ah.” komento ko kay Justin
habang kasalukuyan naming binabaybay ang SLEX. “Anong meron?” dagdag ko, kasi
kaninang umaga ko pa siya napapansin na nakangisi na parang asong ulol, at
aaminin kong medyo creepy na ang naka-plaster na ngiti sa mukha niya. “I’m just
happy. That’s all.” sagot niya, nakangiti pa rin. “And why is that?” tanong ko
sa kanya, habang naka-focus ang atensyon ko sa daan.
“Everything’s going according to plan, and dahil kasama kita.” sagot niya.
I swear, muntik ko ng maapakan ang preno dahil sa narinig ko. Binaling
ko ang tingin ko sa kanya, at hinintay kung may idadagdag pa siya. “Ang bading
mo talaga.” biro ko, ngunit sa loob-loob ko ay may naramdaman akong parang
kakaiba. Ramdam ko na konti na lang ay pagpapawisan na ako. Hindi ko alam kung
bakit ganito ang epekto ng gagong ito sa akin, when obviously alam kong
nabibiro lamang ito.
“Gusto mo naman.” pahabol niya na siyang ikinailing ko. “But
seriously... thanks for coming with me.” seryosong pahayag niya. “No problem.” wala
sa sarili kong sagot sa kanya.
Naramdaman ko na lamang ang paglapat ng kamay niya sa kamay kong wala
sa manibela. As if on instinct inilayo ko iyon, ngunit mas lalo lamang niyang
hinigpitan ang hawak sa palad ko. “Justin, stop. Ano ba ‘yang ginagawa mo?”
pagpigil ko sa kanya. His jokes are getting out of hand. “Ayoko... hey, lakasan
natin ‘yung radio. This is my jam!” excited niyang pahayag habang nakahawak ng
mahigpit ang kamay niya sa kamay ko. “You’re never going to let this go, are
you?” inis kong tanong sa kanya.
“I’m never letting go of you, Gab... c’mon! Sing with me! I know alam mo ‘tong kanta na ‘to!”
I’ve never been speechless in my life... this is the first time.
“You took my heart
From the dark
I’m falling hard
With you it’s light
You kill the shade
My burning pain
I feel like something’s
starting, starting
Playing in my head and it’s
beating loud
I feel like something’s
starting, starting
Walking on the edge ‘til we’re
crashing down”
“C’mon, Gab! Sing the chorus with me! Huwag kang KJ!” pagpipilit niya, na siyang tinalimaan ko kahit pa hindi pa ako nakaka-recover sa sinabi niya sa akin kanina. Naramdaman kong itinaas niya ang mga kamay namin bago magsimula ang chorus.
“Hit me so hard, out of nowhere
Stuck up, up in the air
Got me, got me with my eyes wide
open
So hard, out of nowhere
Stuck up, up in the air
Got me, got me with my eyes wide
open
If you tell me no, I’m not
giving up
If you tell me no, I’m not
giving up
No, never giving up, not giving
up on love
If you tell me no, I’m not
giving up
If you tell me no, I’m not
giving up
No, never giving up, not giving
up on love”
Hanggang sa matapos namin ni
Justin ang kanta ay nakahawak pa rin siya sa kamay ko, at kahit anong gawin ko
ay ayaw niya itong bitawan.
“Whooo. That’s right! I’m not
giving up, Gab.” sigaw niya nang matapos ang kanta. “Ang weird mo talaga!” puna
ko sa kanya. “Wait. Not giving up on what?” tanong ko. Kahit pa nagtataka ako
sa mga pinagkikikilos niya ay hindi ko pa rin maiwasang maging interesado kung
bakit ba talaga siya nagkakaganito.
“Seriously, Gab? Ang clueless mo
talaga.” si Justin.
“Huh?” ako.
“Whatever. Mamaya ko na lang sasabihin.”
--
Natapos ang bakasyon namin ni
Justin, at kasalukuyan akong nasa loob ng bago kong kwarto. Pagkauwing-pagkauwi
ko ay agad kong pinababa si Justin ng kotse at nagtatakbo papasok ng bahay.
Hindi ako nagparamdam kahit kanino sa pamilya ko, wala ni isa sa kanila ang
nakakaalam na nakabalik na pala ako. Napaaga ang uwi ko, dahil sa... iilang
bagay na nangyari sa bakasyong iyon. Nasabihan na lamang ako ni Ate Jen, isa sa
mga kasambahay namin, na handa na ang bagong kwarto ko kaya doon agad ako
dumiretso.
Gusto ko mang maging masaya,
dahil sa bagong kwarto ko ay hindi ko magawa. I mean, it’s such a nice room,
because nandito na lahat ng kailangan ko. Isang malaking kama, dalawang
cabinet, isang tokador, banyo, ngunit ang pinakakinatutuwa ko ay ang kulay asul
na mga dingding. Simple lamang ang kwarto, at iyon ang pinakagusto ko sa lahat.
Ngunit dahil nga sa mga nangyari sa bakasyon namin ay hindi ko magawang
ma-appreciate lahat ng ito.
Idiniin ko na lamang ang mukha ko
sa unan ko at impit na sumigaw.
“Okay, Gab. Rationalize yourself.
What happened was nothing. Nabibigla lang si Justin, o baka naman nangtri-trip
lang. Huwag kang maniwala agad. You don’t want to get hurt again after what
happened with Josh.” pagrarason ko sa sarili ko.
Naisip kong hindi healthy ang
pakikipag-usap ko sa sarili ko, kaya naman kinuha ko ang cellphone ko at wala
sa sariling dinial ang number ni Trisha. Alam kong sa mga ganitong sitwasyon ay
siya lamang ang mapagkakatiwalaan ko. Alam kong siya lamang ang makakaintindi
sa akin, at makapagbibigay ng tama at honest na advice kung ano ang mga dapat
kong gawin. Napapatulala na lamang ako tuwing naaalala ko ang mga nangyari.
Gustong-gusto kong tampalin ang sarili ko, dahil sadyang hindi pa rin ako
makapaniwala sa mga bagay na narinig ko kagabi.
“Trisha.” bungad ko sa kanya.
“Gabby! Are you on your way home
na? Kamusta naman bakasyon niyo ni Justin? Enjoy ba?” magiliw na tanong niya.
Napakagat ako ng labi. Paano ko ba sasabihin ito sa kanya?
“Hey, Gab... bakit ka natahimik?
May problema ba?” takang tanong niya.
Napabuntong-hininga ako.
“Trish... I don’t know.
Gulong-gulo na ako. Fuck, bakit ba nangyayari ‘to sa akin?” tanong ko sa kanya,
habang sinasabunutan ang sarili ko.
“Gab, tell me. Anong nangyari?”
“I think...”
“What?”
“I think Justin just asked me to
be his boyfriend.”
--
Itutuloy...
Nice. Next chap uleet haha. jk
ReplyDeleteFirst time ko mag comment dito and i really love the way you make your stories. theyre unpredictable. from unexpected till untouchble. XD
Kudos sir author.
-kevin
"Unpredictable." Pwedeng title ng bagong series ni Author kapag natapos na tong "Untouchable."
Deletenagseselos ba si caleb kaya ayaw nyang pasamahin si Gab kay justine? may nakaraan ba si caleb at justine? or may gusto ba si caleb kay Gab? Ayan mas nakakagulat na to. Maganda nmn pla naging bakasyon ni gab. Subukan mong magmahal uli, wala nmn masama eh. kasama talaga sa relasyon yung mga pagsubok. Tanggpin mona si justine. hehe
ReplyDeletebharu
Thank you author for an another update! I really love this! Grabe! Yung tipong nagpapagulong-gulong ka sa kama sa sobrang excitement at kilig!
ReplyDeleteAt anong nainom nitong si Caleb? Kinikilig ako sa kanyang overly brotherly concern kay Gab!
Or di kaya gusto ni Caleb si Justin? Wag naman sana! Sana si Gab na lang sang gusto ni Caleb!
ReplyDeleteWow!intriguing ha. Ano ang meron kina caleb at justin? May gusto ba c caleb kay justin?kasi imposible namang kay gab sya magkagusto since magkapatid cla.
ReplyDeleteWaahhh! Bitin! Pero thanks sa update. Ano ba talaga meron kay caleb at sobra sia magworry? Tas kay justin naman? Db nga friends sila? O may kinalaman toh dun sa babae from the past? At magkapatid dila right? O di anak si caleb? Uhmft? Gusto kuna maramdaman si josh sia naman talaga yung bff thou trish is really nice and sweet and moat importantly someone you can kean on. :-) :-) thanks ulit can't wait sa susunod.
ReplyDeleteOh no, I have a feeling na Justin is using Gab to get to Caleb. May unresolved issues siguro sila and si Gab ang ticket ni Justin to habe closure or start something na hindi pa nasimulan with Caleb. Mukhang masasaktan nanaman si Gab.:(
ReplyDeleteMaybe ur right rico. Kawawa naman c gab. :(
DeleteUpdate na uli tayo mr. Author! Nakakasabik talaga lahat ng chapters. Walang mintis. Ikaw na hehe
ReplyDeleteMaybe it was justin that was on the phone conversation with caleb last chapter. And i smell something fishy behind justin's sweetness on gab, hmmm... A wager or a demolition job maybe?
ReplyDelete