Followers

Monday, November 25, 2013

'Untouchable' Chapter 11

Hi, guys! First of all... sorry dahil ngayon lang ako nakapag-update. I hope you don't stop supporting this series. You see, medyo nare-realize ko na 'yung flaws ko back when I was writing Unexpected, and I'm doing my very best to evade all of them. So please understand if medyo matatagalan. Salamat sa patuloy na suporta!

Please comment on what you think about this chapter. :) Salamat!

Happy Reading!

-A. Lim

--

Chapter 11

Trisha.

“Anak, can you please go to MOA for me?” bungad ni mama sa akin pagkapasok niya ng kwarto ko. “Who were you talking to?” tanong niya nang mapansing kakababa ko pa lamang ng cellphone ko. “Uhm, si Gabriel po.” maingat kong sagot, ngunit hindi naging effective iyon dahil sa gaya ng inaasahan nanlaki ang mata ni mama at napapalakpak pa. Gustong-gusto ko na siyang batukan nang mga oras na iyon, but hey don’t get me wrong. I love her. May mga times lang talaga na para siyang baliw. Oh well, mana-mana lang ‘yan.

“Really? Patricia, I think Gab is a good kid. He’s good for you.” sabi niya. Oh no, not again. At heto na naman po tayo. “Bakit kasi hindi mo siya sinagot? Mabait siya, matalino, gwapo... ano pa bang hahanapin mo sa kanya? Niligawan ka na nga niya, eh.” pahayag ni mama. Napabuntong-hininga ako. Ma, kung alam mo lang na bisexual siya, natatawang komento ko sa loob-loob ko. “Ano ka ba, ma! Parang kapatid ko na ‘yun.” sabi ko habang inaayos ang kama ko. Ayoko kasing tingnan si mama. Matagal na niya kasing pinipilit na kaming dalawa ni Gab ang magkatuluyan. “Ma, may boyfriend po ako, okay?” sagot ko sa kanya.

“Who? That Marco kid? For sure hindi mo na naman seseryosohin ‘yon. Wala ka namang sineryoso sa kanila, eh.” buntong-hininga ni mama. Napailing na lamang ako at hindi na sumagot para matapos na ang conversation namin. “Oh, ano pong kailangan niyong ipabili sa SM?” tanong ko, pilit iniiba ang topic. Parang bumalik naman sa huwisyo si mama dahil sa sinabi ko. “Oh, right. Oo nga pala. I need you to buy everything on that list for me.” sabi niya bago iabot sa akin ang isang nakatuping papel.

“I’ll be going to HK with your father. Sorry, baby. Biglaan na naman, eh.” sabi niya. Tumango na lamang ako, dahil wala naman akong magagawa, eh. Lagi naman silang ganoon—aalis ng biglaan. “Gaano kayo katagal mawawala?” tanong ko, trying my best to look uninterested. Nasanay na rin kasi ako na palagi nila akong iniiwan. Ang daming birthdays, awarding, at kung anu-ano pang importanteng events sa buhay ko ang na-miss nila dahil sa business namin. I just do my best na intindihin sila kahit nakakalungkot. “One week.” sagot niya. Tumango naman ako. “Okay, ma. Bihis lang ako.” ngiti kong sabi sa kanya bago ko siya pinalabas ng kwarto ko.

--

Nang matapos kong bilhin ang lahat ng mga kakailanganin ni mama at papa, which mostly consisted of clothes and toiletries para sa kanilang biyahe, napagdesisyunan ko munang magbreak at bigyan ng reward ang sarili ko. Kaya naman nagpunta ako ng Starbucks upang orderin ang paborito kong drink. Pagpasok ko ay hindi ko inaasahan na madadatnan ko doon si Juno. Kasalukuyan itong naka-focus sa pagbabasa ng isang libro na agad kong narecognize dahil libro iyon para sa major subject namin. Nakasalpak din sa mga tenga niya ang earphones niya at tila sinasabayan niya ang mga lyrics ng kantang pinakikinggan niya.

Naglakad ako papalapit sa kanya at inilagay ang mga paper bags sa isang bakanteng upuan ng kanyang table. “May nakaupo na diyan, sorry.” pagtataboy niya sa akin nang hindi man lang ako tinititigan. Alam kong nagsisinungaling lamang ito, dahil gusto niyang mapag-isa habang nag-aaral. Kasalukuyang puno ang coffee shop kaya naman naisip niya sigurong may naglakas ng loob maki-share ng table sa kanya. Napangisi ako at naisip kong tanggalin ang isa sa mga earphones na nasa kanyang tainga. Nang itingala niya ang ulo niya ay bigla itong natauhan. “Hey, ikaw pala ‘yan. Sorry, I need to concentrate kasi.” paghingi niya ng pasensya. “Okay lang. Anyway, pwedeng pa-share ng table?” tanong ko. “Sure, sure.” pagpayag niya.

Kaya naman umorder na ako ng maiinom at ng makakain na rin. Binilhan ko na rin si Juno ng isang slice ng cake para naman ganahan siya mag-aral. I plan to stay with him, dahil gusto ko rin naman ng may makausap. Masyado akong nasstress sa problema ni Gabby at wala naman akong kasama sa bahay, kaya naman si Juno muna ang pagtutuunan ko ng pansin. Nang dumating lahat ng inorder ko ay nagpunta na ako sa table at inilapag doon ang tray. “Oh, I bought your favourite. Baka naman sabihin mo wala akong pakisama.” biro ko sa kanya. “Aww, thanks boo.” nakangiting pahayag niya bago ibalik ang atensyon sa pagbabasa.

Pinagmasdan ko si Juno habang tutok na tutok pa rin sa pagbabasa. Aaminin kong sobrang cute niya. Moreno siya, pero makinis at maamo ang mukha niya. Naka-braces rin siya tulad ni Gabby na siyang bumagay sa kanya. Kung niligawan lamang ako nito, malamang sinagot ko na. Matagal ko ng crush ‘to eh. But ooops, I’m not in love sa kanya noh. Parang kapatid ko na rin siya gaya ni Gab. Crush ko silang dalawa, but I don’t see myself in a relationship with any of them. Malamang kung sagutin ko man ang isa sa kanila ay hindi rin magtagal ang relasyon namin, so why bother? Masaya akong kaibigan ko silang dalawa.

“May dumi ba ako sa mukha?” tanong niya, habang naghi-highlight ng readings—ni hindi man lang tumingala para tingnan ako.

“Ahhh, wala.” pahayag ko, wala sa sarili.

“Hey, kailan nga pala midterms sa 140?” tanong ko sa kanya. “Oh... nakalimutan ko na. Here, check mo na lang sa planner ko.” sabi niya sabay abot ng planner niya. Nang mapasakamay ko na iyon ay binuksan ko ito agad. As I was browsing through his planner, may nakakuha ng atensyon ko. Sa isang page ay may mga katagang nakasulat na parang bombang sumabog sa harapan ko:

“Julian Franco Agustin x Gabriel Tan”
“Gab x Juno”
“Gabriel Tan Agustin”

I swear, muntik ko ng mabitawan ang planner niya dahil sa nakita ko. Kahit nanlalaki pa ang mata ko ay tiningnan ko siyang mabuti. Oblivious pa rin siya at walang kaalam-alam sa nakita ko. Tulala pa rin ako, at parang rebulto dahil hindi ako makagalaw. Hindi ko pwedeng ikaila na sulat-kamay nga talaga iyon ni Juno. Sino ba naman ang mag-aakala?! Syempre mabibigla ako!

“Trish, tapos ka n—Hey, okay ka lang?” tanong niya sa akin—this time, nakatingin na siya.

“Juno?” nanghihina ko pa ring tanong bago ko tuluyang ipakita sa kanya ang page ng planner niya na siyang gumulantang ng hapon ko. “Ano ‘to?” dagdag ko. Nang madako ang paningin niya sa planner niya ay nanlaki ang mga mata niya at dali-daling inagaw sa akin ang planner niya.

“Gab can never find out about this, Trish!” galit na galit na bulyaw niya sa akin.

--
“W...wait, I don’t get it. You mean kaya ka nag shift sa PolSci dahil sa kanya?” hindi ko makapaniwalang tanong kay Juno matapos niyang ikwento sa akin kung paano siya nagsimulang magkagusto kay Gab. Ngayon ay medyo nahimasmasan na ako mula sa nangyari. “Wow.” dagdag ko pa. Nahalata ko naman ang pamumula ng pisngi ni Juno dahil sa naging komento ko. “So wait... so you’re gay? Or what? No offense, babe.” pagpapatuloy ko. “I don’t believe in labels, Trish. But if would make you happy, I can say na hindi pa ako nagkakagusto sa babae kahit kailan.” simpleng sagot niya, na parang hindi na siya nagulat sa tanong ko.

“Oh my God!” singhap ko. “Bakit hindi mo sinasabi sa amin ‘yan?!” medyo nagtatampong tanong ko sa kanya. “Ah kasi... hindi naman kayo nagtatanong?!” sarkastikong balik niya sa akin. “Still! Pucha crush pa naman kita. Ano bang nangyayari sa mundong ito? Nauubos na ang mga straight na lalaki.” malungkot kong pahayag na siyang ikinatawa niya. Nakakahiya man, ay napaamin ako ng di oras. “Pero ang galing mo, ha. Hindi ko nahalata. All the while akala ko straight ka. Mas straight acting ka pa kaysa sa mga straight friends ko, eh. And sana sinabi mo na rin noong umamin si Gab.” sabi ko. “Porket bading ako dapat ba babae na rin ako kung umarte? I’m not going to change my personality just because of my preference, Trish. Ganito na ako talaga, eh.” sabi niya na siyang tinanguan ko na lamang.

“So, June... ano ng balak mo? For sure hindi ka naman magsshift to Pol Sci for nothing.” ako.

“I don’t really know. I mean... yeah I like Gab, pero I think a relationship with him won’t do our friendship good. And for sure hindi rin naman niya ako gusto.” mapait na sagot niya.

“Bi naman siya, eh. So may chance p—“

“No, he was straight before. For sure medyo confused pa rin siya kung ano talaga siya, and it’s hard to turn that around. Anyway, please huwag mo munang sabihin sa kanya. I’ll take my time.” pagputol niya sa akin.

“Hah. Better make it fast bago ka pa niya maunahan kay Gab.” bulong ko, naaalala ang kwento ni Gab tungkol kay Justin. Nang ma-realize ko kung ano ang nasabi ko ay napatulala na lang ako at minura ang sarili. Tiningnan ko si Juno at nakita kong napakunot siya ng noo niya. “W-wait. What, Trish?” pagtatanong niya. I was caught off-guard. “N-nothing.” pagde-deny ko, forcing my voice to sound confident, pero nabigo ako.

“No, Patricia. Sino ‘yung may gusto kay Gab?” seryosong demand niya. “Huh? Hindi ko alam pinagsasabi mo.” pagpapatuloy ko pa rin sa kasinungalingan ko kahit nararamdaman ko na ang kaba sa loob-loob ko. “If you’re not going to tell me...”

“OKAY! Si Justin!” pagsuko ko, knowing na ib-blackmail niya ako kapag hindi niya nakuha ang gusto niya sa akin.

Ngunit ‘di gaya ng inaasahan ko ay walang naging reaksyon si Juno. Napatango lamang ito at parang malalim ang iniisip. “Say something.” utos ko sa kanya. Tiningnan niya ako at napabuntong-hininga. “Sabi na nga ba, eh.” saad niya. “You mean, may hinala ka na dati pa?” tanong ko sa kanya. Tumango ito at bigla namang napailing. “I knew he was bad business the moment I saw him... pero Trish I have a bad feeling about this. All bias aside.” pahayag niya na siyang ikinalito ko.

“What do you mean?” pagtatanong ko. “I smell something fishy, Trisha. At aalamin ko kung ano iyon.” seryosong pahayag niya na siyang ikinatawa ko. “Selos ka lang, dude. Cut it. Huwag ka ng magreklamo, gumawa ka ng paraan para mapalapit ka kay Gabby.” pahayag ko, ngunit hindi niya ako pinansin at sinimulan na lamang niyang lantakan ang binili kong cheesecake para sa kanya.

--

Juno.

Dahil sa katangahan ko, may nakaalam na ng pinakatinatago-tago kong sikreto. Ngayon, alam na ni Trish na may lihim akong pagtingin kay Gab. Masaya ako, dahil hindi niya ako hinusgahan, ngunit kinakabahan ako tungkol sa nalaman ko sa kanya. Alam kong malabo ang chances ko kay Gab, ngunit ngayong alam ko ng may ka-kumpetensya na ako, ay tila nabuhayan ako ng loob para simulan ang plano kong mapaibig siya.

It started out as a crush, which then blossomed into a full-blown feeling of love. Una ko siyang napagmasdan noong enrolment way back noong Freshman pa lamang siya. Sophomore ako noon at isang registration assistant sa enrolment nila. Hindi ko maikakaila na ang mysterious aura niya ang siyang nakapukaw ng atensyon ko para sa kanya. Oo, mas maraming gwapo sa kanya, pero hindi nila matatawaran kung paano dalhin ni Gab ang sarili niya... lalo na kapag nagsimula siyang magsalita sa harap ng klase, o magkwento tungkol sa mga bagay na passionate siya.

Kaya naman ginawa ko lahat ng paraan para makakuha ng impormasyon tungkol sa kanya. I know it’s a bit creepy, pero ganito naman ako kapag may nagugustuhan ako, eh. I was ready to give up dahil after one month ay wala pa rin akong mahanap na impormasyon tungkol sa kanya. Sa kanya lang ako naging interesado ng ganito, kaya naman nakaka-frustrate na walang naibunga ang aking ‘research’.

Until that one fateful day.

Kasalukuyan akong nakatambay sa isa sa mga hallways sa loob ng faculty center, gawang hinihintay ko ang professor ko para magconsult tungkol sa final paper ko nang madatnan ko siya. As usual, he still carries that mysterious aura with him at hindi ko maiwasang hindi mapatunganga. Mag-isa lamang siya noon at tila may hinahanap na something. Ako lamang ang tao sa hallway na iyon, and I did my best para hindi magpahalata that I was checking him out. Kinakabahan, at excited—iyan ang mga nararamdaman ko noon. First time ko ulit siyang makita since noong enrollment dito.

Dumaan siya sa harapan ko at panandalian niya akong nasipat. Biglang nagrigodon ang puso ko nang tumigil siya at inapproach ako. Shit, alam ba niyang sinusubukan ko siyang i-stalk?! “Uhm, excuse me? Alam mo ba kung saan ‘yung Philo Department?” tanong niya sa akin, halatang frustrated na. Hindi ko siya masisi, dahil talaga namang nakakaligaw sa loob ng building na ito. Ngunit wala akong naisagot sa kanya. Napatulala ako dahil doon ko lamang siya napagmasdan ng malapitan.

“Bro?” pagtawag niya muli sa akin, na siyang dahilan para mabalik ang malay ko. “Ah... eh, yeah. Philo major ako. Samahan na kita.” alok ko, at shete gusto kong tampalin ang sarili ko sa nasabi ko. Napansin ko ang pagliwanag ng mukha niya bago tumango. “Salamat, ah. Kanina pa kasi ako paikot-ikot dito, eh. Pasensya na.” nahihiya niyang sabi sa akin. Ang cute talaga, sigaw ng sarili ko sa loob-loob ko. Para akong babae na kinikilig na ewan dahil sa epekto niya sa akin.

“Ano bang gagawin mo sa department?” tanong ko, trying to initiate a conversation. “Uhm, I’m taking Philo 1... may ipapasa akong paper. Today ang deadline kaya buti na lang nakita kita hehe.” parang bata niyang pahayag na siyang lalong ikinatuwa ko sa loob-loob ko. Nang makarating kami sa department ay sinubmit na niya kaagad ang paper niya, at wala pang isang minuto ay natapos na siya at tinahak na namin ang daan palabas ng building.

“Sorry for being rude. I’m Gabriel Tan. Gab na lang.” nakangiting pagpapakilala niya, nakalahad ang kamay. Nagcelebrate ako sa loob-loob ko dahil ngayon ay alam ko na ang pangalan niya, at nakausap ko pa siya! “J-jJuno Agustin.” utal na sagot ko sa kanya. “Nice meeting you. Hope to see you around, Juno. Salamat ulit. Sana makabawi ako sa’yo next time.” pahayag niya bago kami magkahiwalay ng landas.

And that’s where it started. Since alam ko na ang pangalan niya ay nahanap ko ang facebook profile niya. Hindi ko muna siya in-add dahil baka maghinala siya, and that’s just plain creepy if you ask me. Doon ko nalaman na Political Science major pala siya, na siyang lalong nakapagpahanga sa akin. Kaya naman the semester after, I did my best to shift to PolSci, and there you have it. Crazy? Alam ko.

But more than that, we’ve had a share of awesome memories that turned this infatuation into a full-fledged feeling of love. Especially that one time... doon ko nalaman na mahal ko na pala ang taong ‘to.

--

Flashback.

September 29, 2012

“Happy Birthday, Juno!” nakangiting bati sa akin ni Gab nang pumasok ako sa classroom namin. “Thanks.” wala sa loob kong sagot sa kanya. Kahit gustohin ko mang maging masaya sa birthday ko ay hindi ko magawa. Bakit? Dahil ice-celebrate ito ng hindi kasama ang pamilya ko. Ito ang hirap ng malayo ang school na pinapasukan mo – mapipilitan kang mamuhay mag-isa. Kaya naman tuwing semestral break, at Christmas vacation lamang ako nakakauwi sa amin para makasama ang family ko.

Umupo ako at pinilit kinumbinsi ang sarili ko na maging masaya. Nandito naman si Gab, eh. Hindi ba ito naman ang gusto kong mangyari? Ang mapalapit sa kanya? Kaya naman pinilit ko talagang itago ang pangungulilang nararamdaman ko para sa pamilya ko. “Asan si Trisha?” tanong ko nang medyo nakapag-settle na ako. “May sakit daw, eh... Uhm, okay ka lang?” pahayag niya. Ramdam ko ang pag-aalala sa tono ng boses niya na siyang ikinatuwa ko.

“Oo naman.” nakangiting pahayag ko sa kanya, pilit ikinukubli ang lungkot ko. Tumango naman si Gab at binigyan ako ng isang maliit na ngiti.

--

“Wala ka ng class after this, right?” tanong niya sa akin matapos ang huli naming class together. “Uhm, wala na nga.” pagkumpirma ko sa tanong niya. Tumango ito na tila may iniisip. “Saan ka na?” tanong niya. “Baka umuwi na ako ng dorm.” sagot ko, na siyang ikinalungkot ko nang marealize ko ang nilalaman noon. Wala naman talaga akong gagawin, eh. I have no one to celebrate my birthday with except myself. Kahit tinawagan naman ako nila mama ay hindi ko pa rin maiwasan na hilingin na sana ay nandito sila upang samahan akong i-celebrate ang isa sa mga pinaka-espesyal na araw ng buhay ko.

“Wag muna. Samahan mo muna ako. Maaga pa naman.” sabi niya sa akin. “Saan tayo pupunta?” tanong ko sa kanya. “Basta. Halika na, baka matagalan tayo maghintay ng taxi.” sabi niya sa akin na siyang ikinatawa ko. “Hala, bakit tayo magta-taxi? Di ba ayaw na ayaw mo noon? Sabi mo mahal at delikado.” balik ko sa kanya. Napabuntong-hininga siya, at mahinang ipinadyak ang kaliwang paa niya sa sahig. Nakalimutan kong maikli nga lang pala ang pasensya nitong si Gab, at halata sa kanya na medyo naiinip na ito. “Ang dami pang tanong, eh! Halika na nga. Tsk.” parang bata niyang pag-aya sa akin na siyang ikinahagikgik ko na lamang. Para hindi na siya magalit ay tumalima na ako sa gusto niya.

...

“Saan ba talaga tayo pupunta, ha?” pagpilit ko nang mapagtanto kong hindi karaniwan ang daang tinatahak namin. Ang nakakainis pa ay nang makapara kami ng taxi ay nauna siyang sumakay at isinara muna ang pinto ng taxi para hindi ko marinig ang pakikipag-usap niya sa driver tungkol sa patutunguhan namin. “Ang kulit mo. Malalaman mo rin naman, eh.” balik niya sa akin kaya hindi ko na ipinilit pa ang usaping iyon.

Idinako ko ang paningin ko sa relo ko at narealize ko na mahigit 30 minutos na pala kaming bumibyahe ni Gab. And as much as I want to admit na kinikilig ako dahil parang nagde-date na rin kaming dalawa sa ayos namin, idagdag mo pa na siya ang kasama ko ngayong espesyal na araw na ito, ay hindi ko pa ring maiwasan na magtaka kung saan niya talaga ako balak dalhin. Tiningnan ko ang dinadaanan namin at napansin kong kasalukuyan naming tinatahak ang Roxas Boulevard.

Ngayon ay medyo nagkaroon na ako ng ideya sa kung saan ako gustong dalhin ni Gab. Ngunit napakaraming pwedeng puntahan sa area na ito na hindi ko na mabilang ang possibilities. Napaisip ako... bakit nga ba niya ito ginagawa? Dahil ba birthday ko? Imposible. Napaka-assuming ko naman para isipin ko ang bagay na iyon. Siguro ay may kailangan itong puntahan o gawin at nagpapasama lamang ito. Siguro ay naawa siya sa akin, dahil mukhang malungkot ako kaya naman napagdesisyunan na niya akong isama para siguro gumaan ang pakiramdam ko. Ewan ko ba, pero alam kong hindi niya iyon gagawin dahil lamang sa gusto niya akong mapasaya.

Sa pagkakakilala ko sa kanya ay masasabi kong hindi siya iyong taong madaling magbahagi ng emosyon—kahit pa sa mga malalapit niyang kaibigan. Kahit kay Trisha na kinausap ko na dati ukol sa ganitong pag-uugali ni Gab ay kinumpirma nga ang hinala ko. He’s a very private person, kahit pa pilit niya iyon pinagtatakpan sa pamamagitan ng pagiging masayahin. At ang isa ko pang napansin sa kanya ay hindi siya iyong taong mahilig sa mga masinsinang usapan, dahil gaya nga ng sinabi ko, sarado ang mga emosyon ni Gab. Siguro ay may nangyari sa kanya dati kung bakit nagkaganito siya. Napapansin ko naman, dahil masasabi kong isa akong listener, na may mga times na parang may gustong i-share si Gab na problema, ngunit pinipigilan niya ang sarili niya. Maging sa amin, kapag may problema ang isa sa amin ni Trisha, ang laging sinasabi sa amin ni Gab ay kalimutan na ito at wala ng iba pa—that is, kung ilalabas niya ang subject. Gaya kanina, kahit nakikita ko sa kanya na alam niyang malungkot ako, hindi niya pa rin ako kinamusta. But I’m not mad at him. Naiintindihan ko naman siya dahil may mga ganoon naman talagang tao.

Maingat ko siyang pinagmasdan sa paraang hindi niya ako mahahalata. Natutuwa ako sa ayos nito ngayon. Bihira ko kasi siyang makitang naka-porma. Dahil nga likas na mainit sa loob ng campus namin kahit pa may sandamakmak na puno ang nakapaligid dito, hindi gaanong advisable ang pagporma, at imbes ay magsusuot ka na lamang ng malalamig at komportableng damit. Ngunit ngayon ay nakaporma si Gab. Nakapolo ito at pantalon, iba sa palagi niyang suot na t-shirt, shorts, at sapatos. Napansin ko rin na nitong mga nakaraang linggo ay hindi pa ito nagpapagupit, na parang sinasadya niya talagang pahabain ang buhok niya. At aaminin ko, mas bumagay ito sa kanya.

Ang isang bagay na lubusan kong pinagtataka kay Gab ay hindi niya talaga ma-realize na gwapo siya. Palagi, kapag nagbibiro si Trisha tungkol sa pagiging mag-on nila matapos niya nitong basted-in (nasaktan ako doon, by the way), ay palaging dino-down niya ang sarili niya. Ewan ko ba, dahil halos lahat sa batch namin ay naggwagwapuhan sa kanya. Syempre isa na ako doon.

“Stop checking me out, Juno.” narinig ko na lamang ang malalim niyang boses. Nang marealize ko ang sinabi niya ay parang naramdaman ko na lamang ang pagbuhos ng malamig na tubig sa katawan ko na siyang nagpabalik sa aking ulirat. “Hoy hindi, ah. Kapal mo.” sabi ko sa kanya. Maging ako ay nagulat dahil hindi ako nautal o napaamin. “Oh... malapit na pala tayo, eh.” sabi niya na siyang ipinagpasalamat ko dahil na-divert ang subject ng conversation. Muntik na talaga.

Tiningnan ko ang dinadaanan namin at nang marealize ko kung saan kami pupunta ay napatingin na lamang ako sa kanya.

“Gab... anong gagawin natin sa Star City?” takang tanong ko.

--

“Oh, saan mo gustong sumakay?” tanong niya sa akin. Ako naman ay hindi pa rin makapaniwala sa nangyayari sa amin ngayon. “Bakit mo ba ako nilibre? May pabor kang hihingin noh?” paghihinala ko. Natawa naman siya, at doon ay napansin ko na naman ang biloy niya na siyang matagal ko ng kinatutuwaan. “Ano ba, Juno?! Anong araw ba ngayon?” tanong niya matapos matawa. “September 29.” sagot ko. “Gago! Birthday mo kasi! Ito oh, gift ko sa’yo. Pansin ko kasi na kanina ka pa malungkot, eh. Kaya ayan.” sabi niya, na parang hindi iyon big deal bago ako akbayan.

Tulala. Iyan lamang siguro ang kaya kong maging reaksyon. Hindi ko naman ineexpect na gagawin ito ni Gab para sa akin. Alam kong ayaw na niyang pag-usapan ang pagiging malungkot ko, dahil hindi siya sanay sa mga ganoong bagay, kaya siguro ito ang paraan niya para mapasaya ako. hindi ko maiwasang mapangiti, dahil ramdam ko ang pagpapahalaga sa akin ni Gab ngayong araw.

Ito na siguro ang isa sa mga pinakamasaya kong birthday... at dahil iyon kay Gab.

--
Ngunit isang rebelasyon ang gumulantang ng mundo ko. When I found out he was bi, natuwa talaga ako. Hindi halata iyon kay Gab, at hangang-hanga ako sa pagiging open niya sa pagtanggap sa pagkatao niya. Ngunit after he came out, napansin kong hindi pa rin siya sigurado kung ano ba talaga siya, kaya naman mahirap i-test si Gab.

Basta ang alam ko lang ay dapat makahanap ako ng baho ni Justin. May masama kasi talaga akong kutob na may hindi siya magandang intensyon kay Gab.

--

Itutuloy...

3 comments:

  1. thanks sa update. bitin naman. kay tris at juno lang ang kwento hehe! may lihim palang nagmamahal si juno kay gab. malalaman morin juno ang baho ni justine. sa2bihin kona sayo para dika mahirapan. si caleb at justine ay nagkaron ng relasyon. haha. galing kong gumawa ng intriga!

    bharu

    ReplyDelete
  2. Love the plot twist! Di ko akalain si Juno! Tsaka ramdam ko na rin na may something kay Justin. Parang may kinalaman kay Caleb or something. Can't wait to find out.

    ReplyDelete
  3. Hi, guys. Baka matagalan pa ang susunod na update. Naospital kasi ako and baka umabot ako dito ng isang linggo. Hope you all understand and keep supporting this series. Maraming salamat. :)

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails