Followers

Monday, November 25, 2013

DATI 17


by aparadorprince


Author's Note:

       Alam ko medyo makulit na ako, but I still posted the Archive for Dati. Para hindi na rin kayo mahirapan. Weee :)

**aparadorprince

DATI 17

                Ilang araw ang nakalipas mula ang komprontasyon ni Arran kay Robert. Hindi pa rin makapaniwala si Arran sa nagawa ni Robert, lalo na at nasaktan ang kaibigan niyang si Biboy. Mahal niya si Robert, ngunit hindi naman yata tama ang panigan niya ito sa kasalanang nagawa.

                Kahit na may pinagdaraanan si Arran ay patuloy siyang pumasok sa trabaho at ginawa ang lahat ng reports niya. Subalit mapapansin ang tila panlulumo niya kahit pinipilit niyang itago ito. Hindi na rin maiwasan ng mga kaopisina niya ang magtaka sapagkat madalas ay masaya naman si Arran sa opisina, at hinala nila ay dahil ito sa kanyang trabaho. Ang hindi lang nila alam ay tungkol ito sa lovelife ng binata.

                Pinili ni Arran na huwag dalhin ang kanyang cellphone, at maging ang mga tawag ni Robert ay hindi niya sinasagot. He just needs time to think things over, kung ano nga ba ang tamang desisyon na gagawin niya. Wala rin siyang naririnig na balita kay Biboy, at natatakot siyang baka dinibdib ng kababata ang nangyaring panloloko sa kanya ni Robert.

Ngunit patuloy naman ang pagtetext at pagtawag ni Uno sa kanya. Nagrereply na lamang si Arran sa mga text ng kanyang ex, ngunit hindi sinasagot ang tawag nito dahil madalas ay nayayamot lang din ito rito.

                Palabas na siya sa opisina nang may mapansin siyang pamilyar na kotse – ang Mitsubishi ni Robert. Patuloy siyang naglakad at piniling huwag pansinin ang kotse nang unti-unting bumaba ang salamin ng kotse. Lulan nito si Robert na mapapansin ang panlulumo at pamumugto ng mga mata. Hindi na rin ito nagshave kaya mahahalata ang pagtubo ng balbas at bigote nito. Tila maiiyak si Arran sa nakita, at nais man niyang lapitan ito at patawarin ay tila napako ito sa kinatatayuan. Hindi pa siya handang kausapin si Robert, kaya umiling na lamang siya at ipinagpatuloy ang paglalakad bago pumara ng taxi pauwi. Nilingon niya agad ang kotse at imbes na sundan ang sinasakyan niyang taxi ay umandar ito patungo sa ibang direksyon.

                Kakauwi lang ni Arran mula sa opisina nang salubungin siya ni Ashley. “Hi kuya. Kamusta ang trabaho?” tanong nito. Halata na kay Ashley ang pagbubuntis nito. Ngumiti lang ng bahagya si Arran at sumagot, “Ayos naman.”

                Nagtaas naman ng kilay ang kanyang kapatid. “Naayos nyo na ba ni Robert yung gusot ninyo?” sunod na tanong nito. Pinatay muna ng dalaga ang TV at tiningnan ang kapatid.

                Umiling lamang si Arran at nagbuntong-hininga. “Not yet. I still don’t know what to tell him.”

                “Did he apologize to you?”

                Hindi iilang beses na humingi ng dispensa si Robert sa nangyari, ngunit hindi siya nagrereply sa mga text nito. Litong-lito pa rin ang isipan niya at hindi alam ang gagawin. Tumango lamang siya sa tanong ng kapatid bago sinimulang alisin ang sapatos at medyas niya.

                “You should probably talk to him, kuya. It’s taking a toll on you. Napapansin kong madalas kang tulala, saka parang andami mong iniisip.” Suhestiyon nito sa nakatatandang kapatid.

                “How about Biboy?”

                Napatigil si Ashley sandali, bago sumagot. “Kuya Biboy is a nice guy. He will forgive Robert soon. As for you, forgiving is also an option. Obvious naman na mahal mo si kuya Robert.”

                Muling nagbuntong-hininga si Arran sa narinig mula sa kapatid. “Maybe I’ll talk to him next time we meet. Sana lang kaya pa naming ayusin ang mga bagay-bagay.” Nagsimula na siyang umakyat sa hagdan patungo sa kanyang kwarto. Nais muna niyang matulog at ipahinga ang isipan sa mga pangyayari.

                “I hope so too, kuya. Good luck.” Narinig ni Arran na sagot ng kapatid bago siya tuluyang makapasok sa kanyang kwarto.

                 Alas-dos na ng hapon nang bumangon si Uno mula sa kanyang kama. May shoot pa siya mamayang hapon, at isa ito sa hinihintay niyang break. Ang clothing brand kasi na kumuha sa kanya ay isa sa mga sikat na brands na teens at young adults and target buyers. Kahit na galing lang siya sa isang gimik sa Timog noong gabi ay hindi niya inalintana ang sakit ng ulo. Bagkus ay tumuloy siya sa bathroom upang maligo. Hindi maialis ang kanyang ngiti habang naghahanda ng dadalhin niya para sa inaasam na shoot. Maaari kasing magskyrocket ang career niya matapos ang stint na ito.

                Si Biboy naman ay maagang naghanda para sa isang presentation para sa parehong clothing brand na kumuha kay Uno. Ngayong araw niya ipre-present ang kanyang idea para sa visual aspect ng commercial na gagawin matapos ang photoshoot. Ilang araw na rin niyang pinagpuyatan ang paggawa ng konsepto dahil magandang break din ito sa career niya bilang Visual Arts designer. Nagsuot siya ng light blue na polo shirt at puting slacks, at binitbit ang kanyang laptop.

                Nagkasabay pa sila Uno at Biboy sa pagbaba mula sa elevator, at tumango lamang sa isa’t-isa. Hindi pa rin sigurado si Biboy sa plano na ninanais niya upang lalong masira si Robert sa kanyang kababatang si Arran ngunit kakailanganin niya ang tulong ni Uno upang maisakatuparan ito. While Biboy was plotting for his perfect revenge, Uno had other plans. Naghiwalay ang dalawa kahit hindi nag-imikan at pumasok na kanilang mga kotse.

                Nagtungo muna si Uno sa isang coffee shop sa di kalayuan upang pakalmahin ang sarili. Kahit na mayroon na siyang ilang exposure sa print media, ay tila kinakabahan pa rin siya rito. Naging ramp model na rin siya ng ilang brands, lalo na ang mga underwear. Sa kanyang taas na 5’11” at gym-fit na pangagatawan, madalas siyang makuha ng mga agency upang magmodel ng undergarments.

                Si Biboy naman ay agad na tumungo sa location ng shoot at nagprepare para sa kanyang client meeting. Alam niyang presentable naman siya - the perfect boy-next-door, sabi nga ng iba. Agad siyang ngumiti nang makita na pumasok na ang mga client niya para sa presentation niya. Ilang minuto pa ay nagsimula na ang presentation at tila natutuwa naman si Biboy sa nagiging takbo nito dahil tila interesado ang mga kliyente niya sa presentation niya.

                Ninanais kasi ni Biboy na tila gawing back-to-school ang tema ng commercial maging ang print design ng advertisements ng clothing brand. Ngunit ang pagkakaiba ay mayroon itong dalawang aspeto – ang pagpapakita ng “honor students” at “rebel students”. Sa kanyang konsepto ay maaaring maipakita ng clothing brand ang dalawa sa kanilang koleksyon - ang mga damit na may preppy at light colors, at maging ang mga damit na rock-inspired at may dark colors.

                Nasa gitna ng pagpapaliwanag si Biboy nang biglang kumatok ang sekretarya ng kompanya, sinasabing dumating na ang model para sa shoot. Nag-excuse naman ang mga kliyente at sinabing maaari na siyang magligpit dahil ayos na ang narinig nila tungkol sa concept.. Tumango lamang si Biboy at lumabas na rin ng conference room.

                Nagulat na lamang si Biboy nang makitang si Uno pala ang model na sinasabi ng sekretarya, at nagulat din si Uno na naroon si Biboy sa loob ng opisina.

Tila hindi naman impressed ang director ng nasabing photoshoot. “If we’re going to approve the proposal of Mr. Hernandez, it will be difficult to pull that off with this gorgeous Latino god as the model.” Nailing na sabi ng director. Nagulat naman si Uno sa narinig niya. Maaari kasing pumalya ang plano at hindi pa siya makuha sa shoot.

“But Sir, Mr. Rances already signed a contract with us.” Sabad naman ng secretary. Napakamot na lamang ng ulo ang director at napaisip. “I’ll settle with this issue later, I’ll just smoke.” Saad nito bago bumaba lulan ang elevator.

Lumapit naman si Uno kay Biboy nang makalayo ang ilang tao sa opisina. “Can you tell me what’s happening?” tanong nito. Kinailangan pang yumuko ng bahagya ni Uno upang mabulungan si Biboy. The latter just smirked, “Well, it seems like your dream photoshoot will be foiled. But I’ll try to do something about it.” Sagot niya habang tinatapik ang balikat ni Uno.

“Really? Thanks…” sagot sana ni Uno ngunit patuloy na nagsalita si Biboy.

“Don’t thank me just yet, I’m still thinking of something I could get in return.” Biboy continued, his smirk never leaving his lips. Nayamot naman si Uno sa narinig. “O-of course. Walang libre sa mundo.” Tangi niyang nasabi.

Naglakad na si Biboy patungo sa sofa. “Yup. Nothing’s for free nowadays.” Tugon niya. Umupo na rin si Uno sa kalapit na sofa at tumahimik. Kinakabahan kasi siya dahil maaaring hindi na nga matuloy ang pinapangarap niyang shoot. Ilang minuto din ang kanilang hinintay nang bumalik ang executives. Nag-uusap pa rin ang mga ito nang bumukas ang pinto ng elevator.
“I really like Mr. Hernandez’ proposal, but the model doesn’t seem to fit in the concept…”
“I agree. You can’t expect a gym-fit model to wear clothes with the young adult as the target buyers...”
“It just doesn’t fit...”
“You’re right...”

Tumayo naman si Biboy nang makalapit na ang mga executives. “Excuse me for interrupting, but there are two parts in my concept, and I guess Mr. Rances will fit in perfectly if we place him as the rebel student. And besides, if he’s already signed, it will be loss of profits if you choose another model as a replacement.” Paliwanag nito. Pinakinggan naman siya ng mga kaharap at tila sumang-ayon sa sinabi ni Biboy.

“You have a point, Mr. Hernandez. We’ll continue with Mr. Rances as one of the models.” Nakangiting sagot ng isa sa kaharap niya, ngunit may tanong naman kaagad ang isang babaeng executive. “But who will we get as the good student?”

Nagtinginan ang mga executive sa isa’t isa, and then collectively looked at Biboy. He was sporting a bedhead hairstyle, baby blue polo, light brown pants and white shoes. Sabay-sabay din silang ngumiti.

“Nag-model ka na ba before, Mr. Hernandez?” tanong ng babaeng executive.

Pinamulahan naman si Biboy sa narinig. Nakuha na siya sa ilang mga play at ramp stints sa school niya sa states, ngunit hindi naman niya ito sineseryoso. “Oh no, ma’am. I’m not a professional model.” Sagot naman niya.

Ngumiti ang babaeng executive at umiling ng bahagya. “Take this as a good opportunity. And besides, you look like the perfect guy for your concept. Am I correct?” tanong niya sa board, at tila sumang-ayon naman sila.

Nahihiya man si Biboy ay wala na rin siyang nagawa nang marinig na kukunin pa rin siya bilang Creative Director ng shoot, at makatatanggap pa siya ng dagdag na bayad sa pagmomodel niya.

Tahimik man ay napakunot ng noo si Uno. Hindi siya makapaniwala na makakasama pa niya si Biboy sa shoot, ngunit hindi rin naman siya maaaring tumanggi dahil iniligtas siya ni Biboy mula sa muntikang pagkakaaalis niya bilang model ng shoot.

“Well, I guess we have a deal. We’ll prepare your contracts, Mr. Hernandez, and we’ll continue with the shoot two days from now.” Nakangiting sambit ng head ng mga executives at kinamayan si Biboy. Kinamayan din nito si Uno, at bumulong. “Mr. Hernandez saved your butt today. You should probably thank him.” Saad nito. Ngumiti lamang si Uno at tumango.

“It’s nice doing business with both of you gentlemen. If you’ll excuse us, we have other matters to discuss.” Tanging nasabi ng head ng executives, at agad din silang tumungo sa conference room.
               
                Humarap si Uno kay Biboy nang makaalis ang mga executive. “I couldn’t thank you enough, Biboy.” Nakangiting sambit nito. Hindi tuloy naiwasan ni Biboy na ngumiti rin. “It was nothing. And besides, you still owe me a favor.”

                “Of course, anything.” Tugon naman ni Uno. Magsasalita pa sana siya ngunit lumapit ang sekretarya at iniabot kay Biboy ang mga kontrata niyang kailangang pirmahan. Agad namang binasa ng huli ang mga papeles at pinirmahan.

                Hindi pa rin sigurado si Biboy sa pinasok, lalo na at hindi naman niya alam ang gagawin sa pagmomodel. Iniabot niya ang kontrata matapos pirmahan, at tumayo. “Hey Uno, can you teach me something about being a model? I’m not sure about this…” pakiusap ni Biboy. Ngumiti naman si Uno sa narinig. “Sure, I got your back.”

                “And about that favor…” pagpapatuloy ni Biboy. Tila nagulat naman si Uno dahil inakala niyang ang pabor na hihingin ni Biboy ay ang pagtuturo nito sa pagmomodel.

                “We’ll talk about that over coffee.” Nakangiti namang tugon ni Uno habang sabay silang palabas ng opisina.

                Nabanggit na ni Biboy kay Uno ang kanyang plano habang nagkakape sila malapit sa kanilang condo. Nais niyang puntahan ni Uno si Arran matapos ang kanilang shoot at piliting pumunta sa bahay ni Robert, habang siya ay kokomprontahin ang huli. Biboy just hopes to infuriate Robert so much that he might have to punch him – just in time both for Ran-ran and Uno to see. He hopes this plan would bring Arran closer to him, and finally ending Robert’s winning streak in his childhood friend’s heart.

                Tumango lamang si Uno sa narinig, at bahagyang natuwa dahil makikita niya ulit si Arran. Hindi man niya alam ang kabuuan ng plano ni Biboy ay sumang-ayon na lamang siya. He had other plans – he can convince Arran to go somewhere else and let Biboy and that Robert guy alone. He smiled as he brewed his own plan, only to be thwarted by Biboy.

                “I know what you’re thinking. Subukan mo lang na hindi sumunod sa usapan, babasagin ko mukha mo.” Banta ni Biboy. Sumimangot naman si Uno sa narinig. He guessed he had no other choice but to follow Biboy with his plan.

                Dalawang araw din na maraming ginagawa si Biboy sa pag-aasikaso sa nalalapit na shoot. Dumadaan rin siya sa unit ni Uno upang magpaturo. Sinabi ni Uno na huwag siyang masyadong mag-pose, and to act natural. At dahil isang mabait na estudyante naman ang gagawin ni Biboy ay maaari siyang ngumiti sa shoot. Pinakinggan naman ito ni Biboy, at kahit na kinakabahan ay nagdasal na lamang na maging maayos ang takbo ng shoot.

                Alas nuebe ng umaga nagsimula ang shoot. Agad silang tinulungan sa make-up at sa pagbibihis. Pinagsuot si Biboy ng puting polo, pastel yellow na pants at asul na topsider shoes. Si Uno naman ay pinagsuot din ng puting polo na may itim na T-shirt na panloob. Ripped jeans at black sneakers. Hindi naman maiwasan ni Biboy na humanga sa kaharap ngayon. Tila sakto nga para kay Uno ang maging delinquent student.

                Kinakabahan pa rin si Biboy ngunit sinabihan siya ng photographer na magrelax, at matapos ang ilang shots ay nagsimula na siyang mag-enjoy. Nagugustuhan din naman ng photographer ang rehistro ni Biboy sa mga kuha, maging ang kay Uno. May mga kuha rin na magkasama silang dalawa.

                Pinagpahinga sila Biboy at Uno matapos ang apat na oras na tuoy-tuloy na shoot. Agad na umupo si Biboy sa isang stool at yumuko sa mesang kaharap nito. Si Uno naman ay dumiretso sa pantry upang kumuha ng maiinom, at nang makita ang nakayukong si Biboy sa mesa ay nagpasyang kumuha rin ng softdrinks para sa binata. Naglakad si Uno patungo sa inuupuan ni Biboy at pumuwesto sa harap nito.

                Dahan-dahang tumukod si Uno upang ilapit ang mukha niya sa binata, bago nagsalita. “Softdrinks?” tanong nito. Nagulat na lamang siya nang biglang nag-angat ng tingin si Biboy, at halos iilang pulgada na lamang ang pagitan ng kanilang mga labi.

                Pinamulahan ng mukha si Biboy, at agad na lumayo. “H-ha?” nauutal na tanong nito. He was able to see Uno’s features up close. Tama nga ang director ng shoot, he looks like a sun-kissed Latino god.

                Napansin din ni Biboy na nag-iwas ng tingin si Uno, at inilapag ang lata ng softdrinks sa mesa. “I b-brought you something to drink. Sige.” Nauutal ding sagot nito bago nagmamadaling lumabas ng kwarto.

                Nagtungo si Uno sa labas ng kwarto at isinandal ang katawan sa dingding. The distance between him and Biboy earlier was too close. He felt like they invaded their personal bubbles. Ang hindi lang niya maipaliwanag ay kung bakit tila bigla siyang na-disorient ng makita ang mukha ni Biboy sa malapitan: ang mapungay nitong mata, ang manipis at mapula nitong labi, parang masarap yatang halikan…

                Binatukan ni Uno ang sarili. “Ano ba’ng iniisip ko?” tanong niya sa sarili. Ininom niya ang bitbit niyang softdrinks-in-can at nanatili sa pwesto niya hanggang sa tawagin na ulit siya upang ipagpatuloy ang photoshoot.

Halos alas-sais na nang matapos ang shoot. “Ang tagal pala ng mga photoshoot.” Komento ni Biboy habang inaalisan ng make-up. Hindi rin naman siya sanay sa ganoong propesyon kaya kahit na nag-enjoy siya ay napagod pa rin siya sa ginawa nila. Nagpapasalamat naman siya na naging maayos ang takbo ng shoot, at natuwa ang mga tao na naroon. May ilan ding mga tao ang naghintay sa labas ng studio, at di siya makapaniwala na mayroon na rin palang mga fans si Uno. Kahit na hindi naman siya kilala bilang isang model ay mayroon na ring ilan na nagpa-picture sa kanya at nagpa-autograph na rin. Nahihiya man si Biboy ay ngumiti na rin siya at pinagbigyan ang fans ni Uno.

                Tumawa lamang si Uno sa narinig. “Mas matagal pa yung ibang mga shoot dito. Meron akong naranasan na lagpas dose oras na eh hindi pa kami tapos.” Paliwanag nito. Tila nanlaki naman ang mata ni Biboy sa narinig. “Really? I don’t think I can do that.” Pag-amin niya.

                “If you’re committed to what you’re doing, you won’t mind if it’s tiring. You spend nights working on your concepts, right? You like what you’re doing so you don’t get easily bored with it.” Tugon lamang ni Uno. Ngumiti ito, at hindi rin naiwasan ni Biboy na ngumiti rin.

                Tila nag-isip naman si Biboy. “About our plan…” pagsisimula nito. Tumango naman si Uno. “I know, count me in.” tugon nito.

                Biboy let out a sigh, wishing that this plan will work out. He hopes that this could put an end to the race between him and that darned Robert. Naghiwalay ang dalawa patungo sa kanilang destinasyon. Si Uno ay papunta sa bahay nila Arran sa San Juan habang si Biboy naman ay patungo sa bahay ni Robert sa Legarda.

                Habang nasa byahe ang dalawa, hindi nila alam na si Arran ay nakabihis na at nagdesisyon na puntahan na si Robert sa apartment nito. Although he still can’t fully understand Robert’s motive in doing that trickery to Biboy, he still hopes that he can still patch things up between the two of them. Mahal niya si Robert, and he’s willing to hear what he has to say. Agad siyang nagpaalam kay Ashley bago siya umalis lulan ni Brownie.

                Halos sampung minuto na ang nakaraan nang makaalis si Arran nang dumating naman si Uno sa bahay ng binata. Kumatok siya at agad namang pinagbuksan ni Ashley. “Yep?” agad na tanong ng dalaga, habang may nakasubo pang kutsara sa bibig nito. Kumakain kasi siya ng ice cream habang nanunuod ng TV.

                “Is Arran home?” tanong naman ni Uno, habang tinitingnan ang loob ng bahay.

                “Nope, he just left. And you are?”

                Tumikhim muna siya; still wishing there will come a day that everybody will know him as a famous model. “Uno Rances po. Arran’s…” napatigil siya bago pa man masabi ang salitang ex. Marahil ay naikwento na siya ni Arran, and how he broke his heart. “…friend.” Dugtong nito.

                Nagtaas naman ng kilay si Ashley sa narinig. “Uh-huh.. I know you, Uno the Bastard.” Sarkastikong sagot nito. “Umalis ang kuya ko, and he doesn’t really want to see you. Bye.” Sagot ng dalaga bago isinara ang pinto.

                Napasimangot naman si Uno sa ginawa ng kapatid ni Arran, hindi akalaing makikilala pa rin siya nito kahit na hindi niya sinabing siya ang ex ng kapatid nito. Agad siyang bumalik sa kotse, at tinawagan si Biboy. Agad naman itong sinagot ng huli.

                “Arran isn’t home. What should we do next?” ang saad ni Uno nang makapag-hello ang kausap.

                “Damn, where could he be? I’m almost at Robert’s place.” Halos pabulyaw namang sagot ni Biboy sa kabilang linya.

                “Beats me. So paano, uuwi na ako?” tanong ni Uno habang pinapaandar ang sasakyan.

                Narinig niyang nagbuntong hininga ang nasa kabilang linya. “Whatever. Salamat sa pagtulong, I guess.”

                “Good luck, Biboy.” Ang tanging nasabi ni Uno bago ibinaba ang tawag. Nais man niyang balikan siya ni Arran, ngunit kung masaya na naman pala ito sa sinasabi niyang Robert, ay tila wala na rin siyang ganang habulin ito. Nagtataka lamang si Uno sa kababata ng ex niya, kung bakit tila obsessed na yata na sirain ang imahe ni Robert kay Arran. Hindi kasi niya maintindihan kung bakit ang isang tulad ni Biboy ay nagkakandarapang habulin ang kababata nito. Someone like Biboy deserves to be wooed; ang binata dapat ang hinahabol ng iba. Does that still count as love? Wala sa sariling naitanong niya bago kibit-balikat na nagmaneho pauwi sa Ortigas.

                Terrible as it may sound, but Uno secretly wishes that Biboy will fail in his plan for revenge.  Uno Siguro para matauhan na rin ito sa paghahabol sa kababata niya. At siguro…

                Para magkaroon naman siya ng chance kay Biboy?

                Napatawa siya sa naisip habang nagpa-park ng kotse sa condo niya. Agad siyang bumaba sa kotse at naglakad patungo sa elevator. Kung tama ang naiisip niya, mukhang mahaba pa ang tatakbuhin niya para maabutan si Biboy - lalo na at patuloy din ang paghabol ng binata sa kababata nito. “Wishful thinking.” tanging nausal ni Uno.
                

21 comments:

  1. Robert-Arran and Biboy-Uno. Kilig!

    -hardname-

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha may bago nang teams! Hehe :) salamat hardname :)

      Delete
  2. I have actually been reading this story since it started and I really find it interesting.. This has actually become one of the several stories I always look forward to.. Nice, really nice storyline, nice plot, nice characterization.. Keep it up author/aparadorprince.. :-)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi migz, salamat sa comment. Nakakaflatter naman :) I'm doing my best so I won't disappoint my readers.

      Delete
    2. You are welcome.. It is actually my privilege to be able to read stories like these which are well thought off.. I should be the one thanking you for sharing it to us..

      Delete
    3. To be honest, I just write randomly. Kung ano lang ang maisip kong isulat eh yun lang isusulat ko. Haha

      Delete
  3. Fine! Shift teams na nga. Biboy-Uno na ko. Kilig ay! KAINIS! Hahaha.
    -dilos

    ReplyDelete
  4. biboy-uno na lang hayaan nyo na c arran ke robert. bagay nman kayo parehong model. tnx apaprince sa update.

    randzmesia

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello randz, you're welcome. Kailangan talaga tuloy-tuloy ang update nito, nakakahiya naman sa readers. Hehe

      Delete
  5. Sabi ko na nga ba eh...biboy at uno na naman ayieeeeeeeee !!

    Matagal ko na tong binabasa I wonder why DATI ang title nito ? Mukang malapit ng masagot soon....

    Theme song ba nito yung " Dati " (PHILPOP) by Sam Conception ?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha. Dapat talaga "The Trip to Make Memories" ang title nito. Haha

      Yup, yung kanta na "Dati" yung inspirasyon ko in writing this story. So kapag pinakinggan mo yung kanta, malalaman mo kung bakit sya naging title ng story ;)

      Delete
  6. RobArran and UnoBiboy!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha may pair na talaga ;) Salamat sa comment kuya anon. Hehe

      Delete
  7. mahal talaga ni arran c rob, di rin pala makakatiis na di ka2usapin. ano kaya mangyayari pag naabutan din nya si biboy sa haus ni rob? gusto talagang makaganti ni biboy kay rob. parang di nmn yata maganda yung ganun, walang peace of mind.

    wala sa isip ko na magiging model si biboy ah. yan pa yata naging dahilan para mabaling si uno sa kanya. ayun bigla-bigla ayaw na nya kay arran. haha. masaya to. thanks sa update.

    0309

    ReplyDelete
    Replies
    1. hi 0309, halata ba kay Arran na mahal nya talaga si Rob? Hehe :) Sabagay, mahirap talaga kapag palaging may sama ng loob. Haaay Biboy.

      Gwapo naman si Biboy eh, kaya siguro naging model. Hehe. Walang problema, salamat sa palaging pagcocomment. APIR!

      Delete
  8. wow! sobrang ganda na ng story ha! pero arran and biboy pa rin ako hehe....

    tonix

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi tonix. Naku Team Biboy pa rin. Haha. Salamat sa comment

      Delete
  9. biboy-ran ran parin ako forever... haaayyyyy.. bakit sumingit pa si uno...

    -arejay kerisawa

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi arejay. By chance naman nagkakilala sila biboy at uno. Hehe :) salamat sa comment.

      Delete
  10. waaah.. paganda pa ng paganda ... congrats aparadorprince... one of the best.. ipelikula na to o libro na dapat... galeng... sana nga maging biboy-uno at robert-arran na..

    pasenxa na at ngayon lang nakapagcomment. lagi akong updated peru nakablock yung comment sa office eh..

    isa ka sa mga fave authors ko

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails