Followers

Tuesday, November 5, 2013

DATI 12



by aparadorprince


Author’s Note:
                Gusto ko ulit magpasalamat sa lahat ng nagbabasa nito, pati na rin kay Sir Michael Juha at kay Kupa Ponse na hindi nagsasawa kapag kinukulit ko. Haha. You're all awesome!

                So, my dear readers... Team Robert ba kayo o Team Biboy?
**aparadorprince

    Part 1    Part 2    Part 3    Part 4    Part 5    Part 6    Part 7    Part 8   Part 9   Part 10

DATI – Part 12

                Ilang araw pang nagpatuloy ang pagiging busy ni Arran sa opisina. Hindi na yata nauubos ang trabaho niya mula nang magbakasyon siya, ngunit hindi naman siya nagrereklamo. Pansamantala kasing nawawala ang pag-iisip niya tungkol kay Biboy at Robert.

                Nagkaroon ng mistaken identity si Robert at napagkamalan niyang ito ang dati niyang kalaro na si Biboy. Mukhang nahulog na ang loob niya sa binata nang bigla niyang malamang ibang tao pala ito. Ngayon naman ay umamin din ng nararamdaman ang kanyang kababata.

                Arran let out a stifled groan while typing his team’s stats for the week. Hindi niya alam na magiging ganito ka-komplikado ang mga sitwasyon. Naramdaman niyang may tumapik sa kanyang balikat at tiningnan niya ito. Nakatayo sa likuran niya ang kapwa TL na si Charlie. “Hey, may problema?” tanong nito.

                “Ha? Wala naman. Marami lang ginagawa.” Palusot niya. Hindi naman din alam ng kanyang kaopisina ang sexual preference niya. Narinig niyang tumawa ang kausap. “Gasgas na ‘yan. Problema sa pag-ibig no?”

                Hindi na napigilan ni Arran na tumango, at umupo naman sa kalapit niya si Charlie. “Inom lang ang katapat nyan. But seriously, huwag mo nang itago kung ano man ang talagang nilalaman ng puso mo. It doesn’t matter if it goes against your reason.” Mahinang paliwanag ng kaopisina matapos luminga-linga. Nasa break ang iba nilang kasama at dalawa silang naiwanan doon.

                “Naguguluhan lang ako…” ang tanging nasambit ni Arran. Hindi pa rin niya alam kung paano i-handle ang sitwasyon, lalo na siguro ang ikwento ito sa isang taong hindi naman alam ang lahat tungkol sa buhay niya.

                “Don’t be. Isip mo lang ang nagpapagulo sa sitwasyon, hindi ang puso mo. You know that someone’s making your heart beat faster, kahit makita mo palang siya.” Ang patuloy nito. Kumunot naman ang noo ni Arran.

                Sumandal si Charlie sa swivel chair. “Ako nga, nung nakilala ko ang misis ko, hindi ko na talaga pinakawalan. Kasi alam kong siya na yung taong tinutukoy ko. At alam kong ganun din ang nararamdaman mo para sa isang tao ngayon, Arran. You might just feel too confused to admit it.”

                Tumango na lang si Arran. Although he’s still confused, Charlie’s advice made sense. Kailangan na lamang niya i-sort out ang feelings niya – kung mahal niya si Robert dahil inakala niya na si Biboy ito, o si Biboy talaga ang laman ng puso niya.

                Tumayo na si Charlie sa kinauupuan. “Break lang ako, 10:30 na. Basta, kung naguguluhan ka pa rin, alak na ang solusyon dyan.” Tumatawang sambit nito bago lumabas ng opisina. Naiwanan si Arran at napailing. Hindi naman siya palainom ng alak, kaya mahihirapan din siyang gawin ang suhestiyon ng kaopisina. Nagpasya na lamang siyang ituloy ang paggawa ng stats ng team niya.

                Masaya naman si Arran pagkatapos ng shift niya dahil maganda ang naging performance ng team niya at muling nakapili ng mid-shift na schedule sa opisina. Nais na sana niyang umuwi agad sa bahay upang matulog na. Rest day na naman niya kinabukasan at dalawang araw siyang maaaring makapagpahinga.

                Ngunit pagdating niya sa bahay ay nagulat siya nang makitang nakaupo sa sofa si Robert, at maging ang kanyang inang si Rina. Tila nag-uusap pa ang dalawa nang buksan niya ng pinto. Agad namang tumayo ang kanyang ina. “Oh, andito ka na pala anak. May bisita ka nga pala.” Tanging nasabi nito, at nagsimulang maglakad paakyat ng kwarto. “Maiwanan ko muna kayong dalawa dito.”

                Umupo naman si Arran sa single-seater. “Anong ginagawa mo dito?” tanong niya sa nakangiting katapat. May dala si Robert na chocolate roll, at may mga plato na rin sa coffee table nila.

                “I told you, bibisita ako dito para makilala ang pamilya mo. I met your sister earlier, she’s a nice girl.” Sagot naman ni Robert, habang naghihiwa ng isang slice para kay Arran.

                Arran winced, “She could be a bitch at times.” Ang hindi maiwasang sambit niya. Tumawa naman si Robert sa narinig. “Yeah, naikwento ng mommy mo yung nangyari kaya ka pumunta sa Laguna.” Sagot nito.

                “Naikwento ba niya… lahat?” ang tanong naman ni Arran. Hindi siya makakapaniwala kung sakaling nagkwento na ang kanyang mommy tungkol sa nangyari isang buwan ang nakaraan.

                “Yup, she told me everything.” Nakangiti pa ring sagot ni Robert. “That’s why I decided to tell her that I’m courting you.”

                Nanlaki naman ang mata ni Arran sa narinig. “You told her what?” bulalas nito.

                “I told her that I’m courting you.” Oblivious na sagot ni Robert. “Sabi naman niya, ayos lang. Pero she still asked me questions about my work aside from other stuff.” Dugtong pa nito habang iniaabot ang platito na may lamang slice ng cake. “Chocolate roll?”

                “No, I don’t want a chocolate roll! I want to know kung bakit mo sinabi yun kay mommy!” ang patuloy na bulalas ni Arran. Nahihiya naman siya sa kanyang ina, lalo na’t ibang tao na ang nag-out sa kanya – ang kanyang kapatid, si Biboy, ngayon naman ay si Robert.

                Nagulat naman si Robert sa ikinilos ng kaharap. “Hey, calm down. Alam na naman ng mommy mo ang lahat, so there’s no sense in telling lies. Tanggap ka naman ng mommy mo ah!” sagot nito habang ibinaba ang platito sa lamesita. “And besides, she told me someone else is courting you.” Dugtong pa nito.

                Tila natigilan naman si Arran sa narinig. Totoong mukhang tanggap nga siya ng kanyang mommy matapos ang lahat ng nangyari. Ngunit lalo lang siyang natigilan nang narinig niyang alam ni Robert na may nanliligaw na iba sa kanya.

                “Si Biboy ba ‘yun? Yung childhood friend mo. Tama?” ang patuloy na pagsasalita ni Robert, tila naging seryoso ang ekspresyon sa mukha. Tumango lamang si Arran, at tila kay Robert na siya nahihiya.

                Nanatiling tahimik ang dalawa. Napatungo na lamang si Arran dahil hindi na rin niya alam ang sasabihin, things became awkward between the two of them. Narinig lamang niyang nagsalita si Robert. “It’s fine. I just hope that you’ll choose me in the end…” ang tanging nasambit ng kaharap.

                Magsasalita sana si Arran nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ng bahay si Ashley, at tumatawa. “Ang saya pala magwindow shopping ng gamit ng baby…” ang malakas na kwento nito. Napatingin si Arran at Robert sa pintuan. Kasunod ng dalaga ay ang kanyang kababata – si Biboy.

                Patuloy na nagsalita si Ashley. “Kuya Biboy, hintayin mo na lang si…” hindi niya natapos ang sasabihin nang mapansing nasa bahay na ang kanyang kapatid, at may bisita pa ito.

                “Andyan ka na pala, kuya…” ang mahinang sabi ng kapatid. Inobserbahan niya ang bisita ng kapatid. Maging si Biboy ay tumigil sa pagtawa at tumahimik.

                “Ah.. eh.. Robert, si Biboy – kababata ko. Biboy, si Robert – yung owner ng bahay nyo dati.” Ang pakilala naman ni Arran para mabasag ang katahimikan sa sala. Lumapit si Biboy kay Robert at nakipagkamay. Si Ashley naman ay dumikit sa kapatid niya.

                “Nice meeting you.” Ang nakangiting sabi ni Biboy habang nakikipagkamay kay Robert, ngunit naramdaman niya ang paghigpit ng kapit ng kausap. Nagtiim ang bagang niya at hinigpitan na rin ang kapit niya kay Robert.

                “Same here, ikaw pala yung kinukwento ni Arran na… kababata niya.” Ang natatawang sagot naman ni Robert. Naramdaman niyang lumalaban ang palad ni Biboy kaya lalo pa niyang hinigpitan ang kapit dito. Pumiglas naman si Biboy mula sa pagkakahawak niya at tumawa rin.

                “Oo ako nga, ngayon nga lang kami nag-cacatch up ni Ran-ran. Salamat pala at pumayag kang doon tumuloy si Ran-ran sa Laguna.” Tugon nito. Nag-aral si Biboy ng karate sa ibang bansa ngunit hindi pa rin niya maipagkakailang malakas ang kausap nito.

                Umupo na ulit si Robert sa sofa. “Wala ‘yun. I enjoyed his company when he stayed there.” Robert motioned Biboy to sit down beside him.

                Napakamot naman ng ulo si Arran sa nangyari. Komplikado na nga ang sitwasyon, mas naging komplikado pa tuloy nang dumating pa si Biboy ngayon.

                “Uhm.. Excuse lang ha? Pwede kong hiramin si Kuya?” ang putol naman ni Ashley sa dalawang bisita. Tumango lang sila Robert at Biboy, at hinila na ng dalaga ang kapatid. “Magkwentuhan muna kayo d’yan…” ang paalam pa ni Ashley.

                “Sana nga hindi na muna sila mag-usap.” Bulong naman ni Arran sa kapatid habang hinihila siya nito papuntang kitchen.

                “OMG ang awkward ng eksena, kuya. Nakita ko lang naman si kuya Biboy sa mall kanina at sinabing pupunta siya para dalawin ka, hindi ko alam na nandito rin si Robert. Sorry.” Ang paliwanag ni Ashley nang marating na nila ang kusina.

                “Ano ka ba, hindi mo naman kasalanan. I guess this is bound to happen anyway. We better get something for them to drink.” Ang sagot naman ni Arran habang kumukuha ng tray at mga baso. Tumulong naman si Ashley na kumuha ng iced tea sa fridge.

                “So kuya, nagdesisyon ka na ba? Hindi maiwasang tanong ng dalaga sa kapatid. Umiling lamang si Arran sa tanong ni Ashley at sumandal sa kitchen counter. “Ang gulo ng sitwasyon, Ash.”

                “Why don’t you give those two guys a chance? Magulo man o hindi, you better make up your mind soon. Tao lang din yang dalawang yan, may masasaktan talaga sa magiging desisyon mo. But either way, you have to choose the guy whom you really love.” Sagot naman ni Ashley sa kapatid na tila nag-iisip.

                “Pero hindi ko sigurado kung mahal ko si Robert dahil lang sa pinaalala niya sa akin si Biboy, o kung si Biboy talaga ang mahal ko at nagkataon lang na si Robert ang nagpaalala sa akin.” Napabuntong-hininga si Arran. Hindi niya alam kung paano ipaliwanag ng maayos ang dilemma niya, hindi nga siya sigurado kung naintindihan siya ng kapatid nito.

                “Piliin mo nga yung taong gusto mo talaga, regardless of your memories. I mean, they’re all cool and nostalgic but in the end, it must not be the sole reason to choose someone. Choose someone who’ll always make you happy.” Nakangiting turan ni Ashley habang nanatiling tahimik ang kapatid.

                “Ang komplikado ng lahat, eh.”

                Ipinatong ni Ashley ang pitsel ng iced tea sa tray. “You know, love is not complicated.” Tugon nito habang nagsimulang maglakad. “It’s the people that makes things complicated.” Dugtong pa nito bago tuluyang umalis papunta sa kanyang kwarto.

                Naiwanan naman si Arran sa kusina, at patuloy na nag-isip sa sinabi ng kanyang kapatid.

                Samantala, naiwanan naman sina Robert at Biboy sa sala. Pareho lamang tahimik ang dalawa habang magkalapit na nakaupo. “Nililigawan mo daw si Arran, tama ba?” mahinang tanong ni Robert sa kalapit.

                “Yup. I thought it would be better if we end up as a couple and not as childhood friends.” Sagot naman ni Biboy. Naiinis siya sa kausap. Wala nang ibang dahilan kung bakit nandito din sa bahay nila Ran-ran si Robert – nanliligaw din ito sa kanyang kababata.

                “I’m courting him too.”

                Biboy sneered. “Hindi naman kita tinatanong.” He answered, making Robert frown a bit. Biboy and Arran might have similarities too, but they’re not good attitudes to be exact.

                “I just thought you might wanna know.” Maikli niyang sagot. Kinuha niya ang platito ng cake na inayawan ni Arran kanina. “Cake?”

                Tumahimik ang dalawa nang lumabas mula sa kusina si Ashley. Ngumiti lang ang dalaga sa kanila bago umakyat patungo sa kwarto niya. Humarap naman si Biboy kay Robert matapos makaakyat si Ashley.

                Umiling lamang si Biboy sa alok ng kalapit. “No thanks. But I think Ran-ran will choose me, just because mas marami kaming pinagsamahan as kids kaysa naman sa isang linggo mong pagkakakilala sa kanya.” Biboy said bluntly. Hindi na niya maiwasang maging straightforward kay Robert, lalo na’t naiisip niyang kakompetensiya pa ito kay Ran-ran.

                “You’ll choke up on your words soon. I think you’re better off as friends.” Robert retorted. Akmang sasagot pa sana si Biboy nang lumabas na mula sa kusina si Arran na may dalang inumin. Agad na tumayo si Robert upang kunin ang tray ngunit naging mabilis din si Biboy upang bitbitin naman ang pitsel. Sinimangutan lamang ni Robert si Biboy.

                Nahihiyang umupo si Arran sa single-seater at kumain ng slice ng cake. “So, ano namang napag-usapan ninyong dalawa?” tanong niya.

                Sabay na ngumiti sila Robert at Biboy. “Wala naman.” Nagsimula nang magsalin si Robert ng iced tea sa baso at iniabot kay Arran. Nagpasalamat naman ang huli, na sinuklian lamang ng ngiti ni Robert. Nagsalin din siya sa kanyang baso bago inilapag ang pitsel. Napilitan tuloy si Biboy na magsalin para sa sarili.

                “’Di ba rest day mo ngayon?” tanong ni Robert. Tumango lamang si Arran. “Gusto ko sanang yayain kang pumunta ulit sa Laguna eh.” Paanyaya nito.

                Saglit na napaisip si Biboy sa narinig. “Tamang-tama. Gusto ko rin pumunta sa Laguna, magcatch up sa mga dati nating kalaro. Hindi ba magandang idea ‘yun Ran-ran?” ang nakangiting sabad naman niya. Nakita niyang sumimangot si Robert ngunit hindi na niya pinansin.

                “I guess… Sige sama ka sa amin, Biboy.”

                Tumayo na si Robert sa sofa. “Balik na lang ako dito mamayang hapon, Arran. Mag-empake ka na.” Ang maikling saad nito bago nagsimulang lumabas. Tumayo na rin si Biboy at niyakap si Arran. “This is gonna be fun! I better go home and pack my things too.” Sabi nito bago sumunod sa paglabas ni Robert. Naiwanan si Arran na nakaupo sa sofa, naguguluhan lalo sa nangyayari.

                Agad na hinarap ni Robert si Biboy nang makalabas sila sa bahay ni Arran. “Why do you have to meddle around and tag along?” angil nito. Nanatili namang kalmado si Biboy sa tinuran ng karibal. “Hey, that used to be my hometown. I have friends there too. Don’t take it personally. Ang sagot naman ni Biboy at unti-unting lumalayo kay Robert. Ayaw niya ng gulo, kahit na alam niya kung paano depensahan ang sarili.

                “Whatever. Just don’t get in my way next time.”

                “Same here, whatever. I told you, I’ll do everything to make Arran mine.” Simpleng sagot ni Biboy bago sumakay sa kanyang sasakyan. Si Robert naman ay wala na ring nagawa kundi ang umalis matapos siyang iwanan ng kausap.

                Hindi makapaniwala si Robert na mangyayari ang lahat ng ito. Ang buong akala niya ay mananatili na si Biboy sa ibang bansa, ngunit heto siya at sinisira ang diskarte niya kay Arran. Hindi din naman niya naisip na magkakagusto ang kababata ni Arran rito. Kailangan na lang niya sigurong patunayan na mas karapat-dapat siya para sa pagtingin ng binata.

                Hindi naman ito ang unang beses na nagkagusto si Robert. Sa katunayan ay ilan na rin ang nakarelasyon niya, may babae at may lalaki din. Ngunit mukhang kay Arran lang talaga siya tinamaan ng husto. Hindi niya maipaliwanag, pero gagawin din niya ang lahat para mapasakanya ang binata.

                Ang problema lang, pareho sila ng nais ni Biboy.

                Excited man si Biboy sa pagbabalik niya sa Laguna ay hindi naman maiwasan na mainis dahil kay Robert. Hindi niya naisip na maaaring magkagusto ito sa kababatang si Ran-ran – lalong hindi niya naiisip na babalik ang kalaro sa dati nilang bahay. At kung sakaling gawin nga ito ni Ran-ran ay baka hindi siya patuluyin ng mga bagong owner ng bahay.

                Sinuntok niya ang manibela sa sobrang pagkainis. Noong nasa ibang bansa siya, wala na siyang naisip kundi ang kanyang kalaro – lahat ng magagandang alaala nilang dalawa bilang bata. At ngayong nasa tamang edad na sila, ay may pagkakataon na siyang sabihin na mahal niya ito higit bilang kaibigan.

Kung hindi lang nakilala ni Ran-ran si Robert.

                Ilang minuto pang nanatili si Arran sa sofa, hanggang sa marinig na naman niya ang boses ng kapatid. “Wala na ‘yung dalawa?” tanong ni Ashley sa kanya.

                “Kakaalis lang. Pupunta kami sa Laguna mamaya.” Ang sagot naman ni Arran. Tumayo na ito upang ligpitin ang pinagkainan nila. Tinulungan naman siya ng kapatid sa pagliligpit. “Sinong kasama mo? Si Robert? O si kuya Biboy?” tanong nito.

                “Pareho.”

                Tumigil sa pagliligpit si Ashley. “OMG, you’re kidding! That’s gonna be so complicated, kuya!” ang bulalas nito. Ngumiti lamang si Arran sa ekspresyon ng kapatid. Mas sanay siya na ganito ang set-up niya kaysa ang dating Ashley na tila ata habangbuhay na may galit sa kanya.

                “I know. Kaya nga I’ll try to keep it down, subukan kong kilalanin silang dalawa.”

                “That’s tough. Swerte mo kuya, pinag-aagawan ka. Samantalang ako, nagdeposit na nga ng baby sa tiyan ko, ayaw pa sa akin.” Ang nakangusong turan naman ni Ashley. Napatawa si Arran dito.

                Sabay silang naglakad patungo sa kusina. Dala-dala ni Arran ang tray at pitsel habang bitbit naman ni Ashley ang box ng chocolate roll at ang patung-patong na platito. “Hindi ko naman ‘to ginusto.” Tanging sagot ni Arran. Nagbuntong-hininga rin si Ashley, suko na sa magulong set-up ng kapatid.

                Nilapag nila ang mga pinagkainan sa lababo, at dumirecho si Ashley para ilagay ang chocolate roll sa ref. “You better pack your things, kuya. Ako na ang maghuhugas.”

                “Really?”

                Ngumiti lang si Ashley. “Yup, basta sa akin na lang yung natirang cake.” Tumawa si Arran habang nagsimula na ang kapatid na maghugas ng pinggan. “Sige, sa’yo na.”


27 comments:

  1. Ano ba yan, 3 pa silang mamasyal sa laguna. Nakikinita kona na patalbugan yung dalawa para lang makuha yung atensyon ni Ran-ran. Nakakalito yan ha, pero ran-ran para dika malito, subukan morin tikman yung lips ni biboy. tas ikumpara mo yan sa halik ni rob. Kung kanino ka nasarapan, duon ka hehe.

    Ashley, ano ba nakain mo at bigla kang bumait? Siguro naglilihi ka sa kuya mo? Ganda ng payo mo sa kuya mo ha. Salamap po sa update.

    0309

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naloka ako sa tikiman ng lips. Haha :) feeling ko kasi after maaksidente ni arran e naguilty si ash. Haha :)

      Delete
  2. paktay!

    parang ansakit nmn sa kahit sino ang piliin ni ranran.
    parehas na deserving eh.

    di bale sana kung talagang mas may nakakahigit sa isa. 50/50 ang labanan eh.
    hay.. kahirap nmn mamili kapag ganun!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Lol mahirap talaga.. tingnan natin kung mas mahihirapan kayo pumili sa mga susunod na chapter. Hehe

      Delete
  3. thanks sa update, grabe ang haba ng hair mo ran-ran.

    sugarangitawagmosaakin

    ReplyDelete
  4. Mas gusto ko si robert for arran :)))

    ReplyDelete
  5. This is where it begins! Kaya mo yan Arran! Sana mapili mo na kung sino talaga yung mahal mo.

    Next chapter please. So excited!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ken kapag napili na ni arran ang mahal nya edi baka matapos na tong series. Lol :)

      Delete
  6. Haba ng hair ni Arran! Nakakaamoy ako ng mainit na labanan between Robert and Binoy at unaatikabong kiligan on the side!:))

    ReplyDelete
    Replies
    1. Galing manghula ni rico! Syempre yun talaga gusto ko mangyari. Hehe

      Delete
  7. OMG!!! Grabe kuya aparador prince! Nakakaloka naman ang chapter ngayon! Hahaha


    Ayos sa alright! Keep it up! Lalo mo pa kami pasayahin!



    ^_____________^V

    ReplyDelete
    Replies
    1. Si CJ ata to. Haha :)

      Yup mas masaya yung mga sunod na chapter

      Delete
  8. ang ganda ng martes! may update... kilig kilig habang umuulan...

    ReplyDelete
  9. Waaaaaaah. Suuuuuper! Thanks sa update. ;) i wish i could have robert for myself. :p

    - gavi :)

    ReplyDelete
  10. solid TEAM ROBERT!!!hehe

    -gerv

    ReplyDelete
    Replies
    1. Lol gerv. Ikaw na ng president ng fansclub. Joke :)

      Delete
  11. Emeged! That's what we call the "Most Complicated Situation of All Time"
    WAHAHHAHAHAH!
    Nakow, kuya Arran. Gudlak! Pero feeling ko si Robert talaga gusto mo, hindi si Biboy, You just hate to admit it kasi alam mong masasaktan ung isa. :)

    :3

    ReplyDelete
  12. ha ha ha, very much complicated? but i guess c biboy at ran ran ang magkakatuluyan. nice chapter mr. author.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ay robert mendoza name mo kuya :) panalo. Salamat sa comment. Uuuy team biboy.

      Delete
  13. Akin na lang c Robert. ..tutal naman anjan na c Biboy eh hehehehe

    Next part will be one of the best I think :))
    Gera na ito

    Go team Robert !!

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails