by aparadorprince
DATI
– Part 8
Tiningnan
muna ni Robert kung gaano karami ang tulo sa kwartong tinutuluyan ni Arran.
Medyo sumimangot siya nang nakitang basa na ang sahig maging ang kama. Agad
siyang kumuha ng mga balde at tabo na pwedeng sumalo sa tumutulong tubig. Nagdala
din siya ng mga basahan at nagsimulang magkuskos. Tumulong na rin si Arran sa
pagkukuskos ng sahig. Pareho silang nakaluhod nang napatingin si Arran kay
Robert. Nagulat na lang siya nang nakatingin din ito sa kanya.
Umiwas
ng tingin si Arran. Nakakatunaw kasi ang titig ng binata sa kanya.
Ipinagpatuloy na lamang nito ang pagkukuskos nang marinig niyang nagsalita si
Robert. “It’s impossible to sleep here tonight.” Tumango lamang siya at napaisip, papatulugin mo ba ako sa kwarto mo?
“Dun ka muna sa sofa
mamayang gabi. Basa din ang kama kaya hindi mo magagamit.” Dugtong ni Robert.
Halos malaglag ang balikat ni Arran sa narinig. He thought Robert would ask him
to sleep in his room. Assuming ka kasi masyado,
paalala niya sa sarili.
“Fine.”
Maikling tugon niya. Bad temper kicked in, and he began sulking. Bigla na
lamang siyang napatigil sa pagkukuskos. Bakit
ako affected? Naisip niya.
Natapos
ang dalawa sa pagkukuskos, ngunit hindi pa rin mawala-wala ang inis ni Arran.
Pumasok si Robert sa loob ng kwarto niya at bumalik na may blue boxer shorts at
puting T-shirt. Bumaba na si Arran at nagpalit ng damit. Pagkatapos noon ay
inayos na niya ang hihigaan niya ngayong gabi. “Parang hindi naman ako kakasya
dito. Stiff neck lang ang aabutin ko dito.” Usal niya sa sarili.
“Then
sleep on the floor. Or don’t sleep at all. You have choices.” Nagulat siya nang
biglang may nagsalita sa likod niya. Si mokong. Lumingon siya dito at talagang
hindi napigilan magsalita. “Stop being a jerk.” Angil niya, ngunit nanatiling
seryoso ang mukha ni Robert.
“Last
time I checked, nagbayad naman ako ng renta dito.”
“I
don’t need your money. You can check in if you want, if you can find a hotel
nearby.”
“Kung
nandito lang si Brownie, nakapagdrive na ako pauwi sa amin kahit umuulan.” Wala
sa sariling sagot ni Arran. Hindi niya kasi alam kung bakit biglang nawala din
sa mood itong si Robert, samantalang nagbibiruan pa sila kanina habang
naghahapunan.
Akmang
magsasalita pa ngunit biglang natigilan si Robert sa narinig. Ilang saglit din
siyang nanahimik na lalong ipinagtaka ni Arran. “G-good night.” Ang tanging
naiusal nito bago tumalikod at umakyat sa kanyang kwarto.
Nagring ang cellphone ni Arran,
tumatawag ang kanyang mommy.
“Hello mom, bakit po?” tanong ni
Arran sa kabilang linya.
“Kamusta ka d’yan? Malakas ba ang
ulan?”
“Medyo po. Maayos naman po ako
dito.” Mahinahong sagot ni Arran. Mabilis kasing makadama ang kanyang ina kung
hindi siya nagsasabi ng totoo. I am going
to sleep in a cramped sofa tonight, nais pa sana niyang idagdag.
“That’s good to hear. Rest well,
Arran. And wouldn’t it be nice to realize something after your little
vacation?” tanong ng kanyang ina. Napakunot ang noo niya. Realize something?
Hindi niya alam ang itutugon sa
sinabi ng kanyang mommy kaya sumang-ayon na lang si Arran. “I hope so too, mom.
Good night.” Humiga na rin siya at nagkumot matapos makipag-usap sa telepono.
The cold weather made him drowsy, and he fell asleep afterwards.
Alas dos y media nang makaramdam si
Arran ng mahihinang yugyog. Nagmulat siya nang mata at nakita si Robert na
nakatayo sa harap niya. “Get up. Doon ka na sa kwarto matulog.” Ang mahinang
yakag nito.
Arran stood up, still disoriented.
He felt a sharp pain on his neck upon getting up. Stiff neck, as expected.
Naunang maglakad si Robert paakyat ng kwarto at sumunod siya rito. Madilim sa
loob kaya hindi rin niya masyadong maaninag kung ano ang laman ng kwarto ni
Robert. Nang makaramdam siya ng malambot na bahagi ay kinapa niya, at nang
masiguradong kama na ito ay humiga na siya at ipinagpatuloy ang pagtulog.
Si Robert naman ay nanatiling
nakaupo sa gilid ng kama. Queen-sized ang kama kaya hindi naman masikip kung sa
iisang kama sila matutulog. He feels awkward, something unusual. Hindi siya
sanay na matulog na may katabi… O baka dahil si Arran ang katabi niya ngayon?
He dismissed the thought in his head and went to sleep as well.
Palibahasa ay mantikang matulog si
Arran kaya sa gitna ng kanyang pagtulog ay narealize niyang malambot at maluwag
na ang hinihigaan niya. He’s definitely not lying down on the sofa now.
Luminga-linga siya sa paligid, ngunit madilim kaya hindi rin siya makakita ng
gaano. Mayroon lamang na isang asul na dim light sa gilid ng kama. Umikot siya
ng pagkakahiga, at nakita ang isang natutulog na Robert. Hindi tuloy maiwasan
ni Arran na pagmasdan ang maamong mukha ng kalapit at pag-aralan ang features
ng mukha nito.
Nasa gitna siya ng pagtitig sa
kalapit nang bigla itong nagmulat ng mata. Hindi alam ni Arran ang gagawin kaya
dagli niyang ipinikit ang mata niya, at nagkunwaring natutulog. Nang magmulat
siya, nakita niyang nakatingin pa rin si Robert sa kanya.
“Arran…”
Unti-unti itong lumalapit sa kanya.
Robert held his hand and let their fingers intertwine. Arran could not believe
what is happening. Parte ba ‘to ng
panaginip? Deprived ba ako ng magandang higaan kaya naghahallucinate ako?
All his doubt melted away when he
felt Robert’s soft lips brushing against his. The kiss was gentle, yet Arran
was slowly sinking in bliss as he relished this moment.
Their lips parted from each other
after a while. Ngumiti si Arran. “What was that for?” mahinang tanong niya.
Nanatiling nakatingin si Robert sa kanya.
“Nothing. I’m just… happy that
you’re here.”
Nais sana ni Arran na hindi na
matapos ang tagpong iyon, ngunit tila hindi sumang-ayon ang kanyang antok.
Unti-unting bumigat ang kanyang mata, ngunit naramdaman niya ang mga bisig ni
Robert na yumakap sa kanya.
Alas siyete na ng gabi ngunit wala
pa ring kuryente. Kakatapos lamang nila maghapunan at ngayon ay nakaupo na sila
sa kama ni Biboy at hindi nag-iimikan. Tanging ang ilaw lamang ng emergency
light ang nagpapaliwanag sa kwarto.
“Hindi natin siguro mapapanuod yung Casper ngayon.” Ang malungkot na sabi ni
Ran-ran.
Katulad ng kalaro ay hindi din
maiwasang malungkot ni Biboy. “Oo nga eh, sayang. Baka bukas may kuryente na,
pwede na natin panuorin.” Tugon nito.
“Ano na’ng gagawin natin?” tanong
ulit ni Ran-ran. Tumahimik lamang si Biboy, halatang hindi rin alam kung ano
ang isasagot. “Magkuwentuhan na lang tayo.”
“O sige. Pero anong ikukuwento
natin?”
“Kahit ano.” Maikling sagot ni
Biboy. “Ran-ran, anong gusto mong maging paglaki mo?”
Humiga si Ran-ran sa kama at itinaas
ang dalawang kamay. “Gusto kong maging reporter sa TV. Ang galing-galing kasi
nila magsalita, parang matalino sila. Eh sabi ng teacher ko, mahina daw ako sa
English.” Pag-amin nito sa kaibigan. Tumingin siya kay Biboy. “Ikaw, anong
gusto mong maging?”
“Maging astronaut. Gusto kong sumakay
sa spaceship tapos pupunta sa ibang planeta.” Maikling sagot ni Biboy,
yakap-yakap ang mga hita.
Bigla namang bumangon si Ran-ran
mula sa pagkakahiga. “Ha? Eh di aalis ka na dito sa compound pag pupunta ka ng
ibang planeta.” Pahayag nito.
Tumango lamang ang kalaro. “Parang
ganun na nga, siyempre kailangan ‘yun.”
Naging malungkot na ang ekspresyon
sa mukha ni Ran-ran. “Kapag umalis ka,
baka wala na akong kaibigan dito sa compound.” Napansin naman iyon ni Biboy
kaya agad niyang tinapik ang balikat ng kalaro.
“Ayos lang ‘yun Ran-ran. Ikaw din
naman kapag nagrereport na sa TV, madami ka nang pupuntahang lugar. Kaya aalis
ka din dito sa compound.” Paliwanag naman ni Biboy. Napa-aah na lang si Ran-ran
nang maisip niyang tama ang sinabi ng kaibigan.
Nagsimula nang ngumiti si Ran-ran,
“Pero alam mo Biboy, kahit pumunta na ako sa malayo, hindi pa din kita
makakalimutan. Kasi ikaw ang hero ko.”
Ngumiti din si Biboy sa narinig.
“Ako din, kahit nasa ibang planeta na ako, lagi kitang maiisip.” Tugon nito.
“Pero sana sa ibang planeta may Bio
Particles para maging Bioman din
ako.” Dugtong pa niya, naiisip na maaari sana silang manuod ng mga superheroes
kung may kuryente lang.
Napatingin si Ran-ran sa labas ng
bintana, kung saan may ilang alitaptap ang lumitaw at tila nagsasayaw sa mga
dahon ng punong mangga sa bakuran nila Biboy. “Meron akong gustong itanong
sa’yo, Biboy…” mabagal na saad ni Ran-ran.
“Ano ‘yun?”
Matagal bago nagsalita si Ran-ran.
Tila tinitimbang kung paano sasabihin ang tanong niya. “Ano yung… tunay na
pangalan mo?”
Tumayo si Biboy at kinuha mula sa
backpack ang kanyang ID. Ipinakita niya ito sa kalaro. “Roberto Hernandez Jr.”
sagot niya. Umupo na ito habang patuloy na tinitingnan ni Ran-ran ang ID niya.
“Pero wag mo muna akong tatawaging Roberto, parang matanda kasi. Mas gusto ko
ang Biboy.” Nakangising dugtong niya.
Iniabot ni Ran-ran ang ID sa kalaro,
at ibinalik na ni ito ni Biboy sa kanyang bag. “O sige Biboy. Pero kapag malaki
ka na, Robert na ang gusto mong itawag sa’yo?” tanong pa ni Ran-ran. Nag-isip
ulit ang kanyang kalaro.
“Siguro. Pero gusto ko kapag malaki
na tayo, Biboy pa rin itatawag mo sa akin ha?” Pagtitiyak nito. Naisip ni Biboy
na ibalik ang tanong sa kaibigan. “Ikaw Ran-ran, ano yung totoo mong pangalan?”
“Arran Hatagami.”
Tila nalito si Biboy nang marinig
ang pangalan ng kalaro. “Allan?” pag-uulit nito. Umiling lamang si Ran-ran
habang nakangiti. “Arran.”
“Eh bakit ganun ang pangalan mo?
Pati apelyido, kakaiba din.” Muling tanong ni Biboy.
“Ewan ko kung bakit ganun ang
pangalan ko. Sabi ni mommy, taga Japan daw si daddy. Kaso tumalon sa bulkan,
kaya hindi na nakasama dito sa Pilipinas.” Paliwanag ni Ran-ran.
Tumayo na si Biboy at nagsimulang
ayusin ang kamang tutulugan nila ng kalaro. Tumulong na rin si Ran-ran at
kinuha ang ibang unan mula sa kama. Habang inaayos ni Biboy ang bedsheet ay
nagsalita ito.
“Kahit lumaki na tayo, Ran-ran pa
rin ang itatawag ko sa’yo.”
KILIGGG VIBESSSSS! Kudos! <3
ReplyDelete-dilos
Salamat dilos, kinikilig din ako! Hahaha :)
Deletehahaha..... nakakatuwang magbalik tanaw sa nakaraan. dami kong naalala. naalala ko rin best friend ko pero la namang iba akong naramdaman sa kanya. kaibigan lang talaga at kahit hanggang ngayon, kahit na more than 20 years na kaming hindi nagkikita ay magkaibigan pa rin kami.
ReplyDeleteSa kwento nin Robert at Arran naman, sana maalaala na ni RanRan si Biboy. Ano kaya ang magiging reaction niya pag nangyari ito?
Haha. Wala din akong ganung klase ng pagmamahal nung bata ako, Jasper. Wala nga akong kaibigan dati. Haha loser
DeleteActually natatandaan naman ni Arran si Biboy. Abangan ang susunod na kabanata!
Waah ganda....
ReplyDeleteMay karugtong pa ba... para kasing tapos na
hello kuya anon (part 2), meron pang kasunod. tingin ko hanggang chapter 12 yan. depende sa topak ko haha
DeleteSweet and kilig much! Keep up the good work kuya aparador prince! :) pag nakikita ko talaga na may bago ng update ang "dati" tuwang tuwa ako! Nakakaaliw talaga yung dalawang timeline! Dinadala ka sa magkaibang mundo! Isang mundo ng bagong yugto ng buhay pag-ibig at isang mundo ng kamusmusan at balik tanaw sa mga alala
ReplyDelete-cj (kuya anon) ^_________^v
(Yan nagpakilala na ako kuya aparador prince hekhek)
ang lalim ng words mo cj. haha nakakalunod. salamat sa pagbabasa. apir!
Deletenow kolang naintindihan kung bakit 2 kwento. balik tanaw pala nila yun. hehe. magsisimula na siguro s nxt chapter ang kanilang love story. palagay ko si robert lang ang nakakakilala kay arran. natakot iwanan ni arran kaya tumiklop sa pagtataray. hehe. thanks sa update.
ReplyDelete0309
lol 0309 :) nakakatuwa tong comment na to. wala lang. salamat sa pagbabasa..
DeleteNaalala ko yung bedtfriend ko nung elementary. Naughty kami nun eh. Hahaha.
ReplyDelete-james santillan
hala james anong naughty yan ha.. hahaha :)
DeleteHahaha kilig kilig kilig!! Hahaha first kiss nla dlawa un db ayiiihhhh hahaha KUDOS! More more more! Salamat sa update. :-) :-) :-) every moment is worth to remember. :-) :-) keep it up sir. :-).
ReplyDelete-marc
hello marc :) kinikilig din ako, totoo. hahaha salamat sa pagbabasa.
Deleteand yup, first kiss nila. woot
Shet medyo relate sa last part. Kaso ung akin di ko natanong yung totoong pangalan ng best friend ko nung bata ako. :)) Ang ganda ng story author, ito lagi kong inaabangan sa MSOB. :)) Keep it up! :'>
ReplyDeleteaaay sayang. hala hanapin mo na ang biboy mo kuya anon (part 3) hahaha. magpakilala kayo dali. haha
Delete:">
ReplyDelete^ This explains it all. :D
Anak, ano na namang pagpapakilig to? Paki-explain. Lab U!
Hahah.
Hahaha ;) Salamat Coffee Prince.
DeleteWow ha dalawa pa tayong Prinsipe dito. LOL
:">
ReplyDelete^ This explains it all. :D
Anak, ano na namang pagpapakilig to? Paki-explain. Lab U!
Hahah.
teka may nakalimutan pa ako icomment..
Delete"^ This explains it all. :D"
ang sagot ko dyan... "Does it?"
Anong malay mo, may kasunod pa yan. Hohoho. Loko-loko lang ang peg ko
Yeah. :3
DeleteWahaha. TY talaga kuya. Grabe kilig ko sa chapter 10. :">
Natatawa nalang c mama saken, sabi saken:
"Anak, anong nginingisi-ngisi mo jan?"
HAHAHA. Secret. XD
bitin ulit..
ReplyDelete-hardname-
aysus hardname. haha :) hintay-hintay lang. pag natapos agad yung kwento, sige ka. hehe
Deletesalamat sa pagsubaybay
Eh kasi maganda ung kwento kaya parang ang hirap mabitin. Hehehehe. Lagi ko ngang inaabangan ung update eh. Pag nakita nang meron na, basa agad. Hehehe
Delete-hardname-
Sana mejo habaan mu pa ^____^
ReplyDeleteBitin eh hehehehehe
Hello sa mga nakaka alala sa mga nakaraan jan
More :)))
Gusto ko lang magfocus dun sa kilig theme ng chapter na to. Pramis mas mahaba yung mga susunod na chapter.
DeleteThanks Raffy :)
next na!
ReplyDeleteevery four days ako nag-uupdate. haha. salamat :)
Deletegaaaahhhddd kilig! nabitinn ako!
ReplyDelete-ispartacris
Ayos lang yang nabibitin, para abangan mo yung susunod na chapter. hoho. salamat sa pagbabasa ispartacris :)
Deletei sooooo llovvveeeeee the kisssssss...
ReplyDelete-arejay kerisawa
Hahaha late na aq sa pag basa,,
ReplyDeleteNagka amnesia ba tong c ranran at ndi nya naalala c robert?? Heheh kc mas tumatatak sayo ung mga childhood memories mo eh,, heheh ganda talaga ng story nato,,
heheh salamat sa update sir aparadorprince,,
next na po :)
-Hyacin
hyacin maeexplain yun next chapter. salamat sa pagbabasa :)
DeleteI cant wait for the next chapter!!!!! Super kinilig ako...both stories are so good! Ang galing ng ideas to combine the present and the past :)
ReplyDeleteI love you na, sir! :)
salamat cris. tuloy lang sa pagbabasa. :)
DeleteI cant wait for the next chapter!!!!! Super kinilig ako...both stories are so good! Ang galing ng ideas to combine the present and the past :)
ReplyDeleteI love you na, sir! :)
i so love the story kuya... para akong tanga na kinikilig sa present story nila at tawa aq ng tawa sa past story nila dahil sa kakulitan ni ranran at biboy... i remember tuloy my childhood days,,, hayyy... magtatampo talaga ako kuya sayo pag ito hindi mo binigyan ng magandang ending... nyahahaha (feeling close lng) hahaha,,,, super duper more claps para sa kwento mo na "DATI" ... cant wait for the next part... God bless kuya... :D
ReplyDelete(nagmessage nga pala aq sa fb mo kuya,,, pa accept nalang po,, hehe)
-hyun jae lian
haha salamat :) di pa nga ako sigurado sa ending nito. bahala na, basta gagawin kong maganda talaga to para sa mga readers :)
Deletemaka-kuya ka naman. 22 pa lang ako. haha
hala.... same age lng pala tau,,, ba yan,,, jajaja,,, sory po,,, nakasanayan ko na kasi tawaging kuya kht sinong lalake na hindi ko pa msyadong kilala ehh,,,hehehehe,,, :D
DeleteSa lahat ng mga nabasa ko dito, dito lang ako nagkaroon ng guts magkomento. Natatawa talaga ako sa dahilan ng nanay nya na tumalon yung tatay nya sa isa sa bulkan sa Japan. Hahah Siguro sa Mt. Fuji yun tumalon? :3 XD
ReplyDeleteAnyway maganda yung kwento. Kahit di ko naabutan yung mga characters na si jetman at bioman na kinu'kwento ng dalawang bata. Ang saya talaga k'pag bata ka lang, wala ga'no problema. :)
-Poltergeist