Followers

Thursday, October 17, 2013

MUMU Sa Library 17 & 18

Author:
FB Account: 
Twitter Account:
WattPad: 
http://www.wattpad.com/user/YorTzekai

Part 17
Gero's Point of view
Habang naglalakad kami ni Kaiicen sa mall ay nag iisip ako ng susunod na gagawin,hindi kasi sya nagsasalita,at mukhang walang balak talagang kausapin ako. Gusto ko matawa sa mga idea na pumapasok sa utak ko,para akong bumalik sa pagiging high school. Nakarating kami sa 3rd floor ng walang nagaganap na usapan,mapapanis lang ang laway ko kung hindi pa ako magsasalita. Bigla ko tuloy naalala yung nag mall kami dati,bibili sana kami ng regalo nyang damit para kay Naynay,haay! Sakto nadaanan namin ang Cinema,tiningnan ko ang mga movies.

"Maganda ba yang Wolverine?" pagkuway tanong ko. Hindi naman ako nabigo dahil huminto sya sa paglalakad,sinipat yung poster at nilingon ako.
"Sabi nila maganda da--" hindi ko na sya pinatapos magsalita,agad ko syang hinila papunta sa bilihan ng ticket. "Tara! Panoorin natin" masaya kong sabi. Nakaramdam ako ng pagbilis ng tibok ng puso ng mahawakan ko sya mismo sa kamay. Mahal ko nga talaga sya.
"T-teka diba may kakausapin pa akong tao mamaya?" pagtanggi nya sabay hablot ng kamay nya pero hindi ko sya binitawan.
"Miss dalawang ticket,Wolverine" sabi ko sa babae saka bumaling sa kanya "maaga pa naman,marami ka pang oras" dagdag ko.
"Pe-pero" "Sige na,minsan lang to Kaii,hindi natin to nagawa nung mga bata pa tayo" nakangiti kong sabi at kinindatan sya.
Para naman syang natigilan at biglang namula. Yes! That's it! Namiss ko din yan sa kanya. Wala na syang nagawa,hindi ko binibitawan ang kamay nya,wala naman ako narinig na reklamo,matapos bumili ng popcorn at softdrinks ay pumasok na kami sa loob ng sinehan. Nag enjoy naman akong manood,dahil everytime na magugulat si Kaiicen ay napapahawak sya sa braso ko na ikinakangiti ko ng sobra,ito ata yung tinatawag nilang kilig. Ng matapos kami manood ng movie ay niyaya ko syang kumain bago kami maghiwalay. Syempre gusto ko sulitin ang araw na to.
"Ganyan ka ba lagi?" tanong ni Kaiicen sa gitna ng pagkain namin,dito na lang kami sa Chowking kumain. Napatigil ako sa pagsubo ng pagkain dahil sa tanong nya.
"Huh? Na laging ano?" taka kong tanong.
"Laging nakangiti? Nakakangawit yan" aniya na ikinahigikgik ko,nagsalubong agad ang mga kilay nya.
"Minsan,pero mas mainam na ito kesa maging pokerface,kaya ikaw practisin mo na ngumiti,dati ka namang palangiti eh" nakangiti kong sagot,pero mukhang pangit ata ang nasabi ko dahil nag iba ang timpla ng mukha nya.
"Ayaw ko na yon pag usapan,so please,tantanan mo ang kakabanggit ng nakaraan dahil hindi na importante sa akin yon" galit nyang sabi.
Natahimik ako,nasaktan ako sa sinabi nya,ganito na ba talaga sya katigas? Parang bato. Agad din naming tinapos ang pagkain at nagmamadali na syang nagpaalam. Ako naman ay muli ng mapangiti dahil kahit papano,maganda pa din ang tinakbo ng araw na ito para sa akin,sana susunod ganito rin hanggang sa lumambot ang puso ni Kaiicen.
-----
"Mukhang good mood ka anak ah?" puna sakin ni Papa pagkatapos namin mag dinner,nandito lang ako sa may lanai at nagpapahangin.
"Syempre Pa" nilingon ko si Papa at nginitian,tumabi sya sa akin,parehas kaming nakatayo,inakbayan nya ako.
"Tinawagan ako ni kuya Ian,pumunta ka daw sa kanila? Tapos nagpunta dito si Brylle at Pauline,nagpadala kasi ng meryenda ang Tito Page mo,ayun sila nina Zander,Nichi at Kebin ang nagkwentuhan" ani Papa.
"Oo nga po,nagpatulong ako kay Tito Ian eh,uhm Pa,okay lang ba sainyo ni Mama kung tulad nya ang mamahalin ko?" sabi ko naman at tumingala para tingnan ang langit. Mas hinigpitan ni Papa ang pag akbay sa akin,saka sya nagsalita.
"Hindi mahalaga sa amin kung sino ang mamahalin mo,ang mahalaga eh mahal mo,hindi naman natin pwedeng turuan ang puso kong sino ang mamahalin,the heart has a mind of its own,ako nga ng una ko palang makita Mama Prue nyo sa Laboratory ng school eh tumibok na ng kakaiba ang puso ko,nung una nalito ako,but eventually tinanggap ko din,at ipinaglaban ko sya,kaya ganun din dapat ang gawin mo anak" malambing na sabi ni Papa.
Napangiti ako,sana lahat ng tao eh tulad ni Papa,at ng mga iba pa naming kakilala na pinanindigan ang pagmamahal sa kapwa lalaki.
"Parehas kayo ng sinabi ni Tito Ian Pa" nakangiti kong sabi.
"Dahil halos pareho kami ng karanasan,matanda na si Kuya Ian at kuya Page,sooner or later eh... Huwag na nga natin pag usapan" ani Papa na ikinahagikgik ko.
"Sign of aging ba ang pagdadrama Pa?" biro ko sa kanya at ginulo nya ang buhok ko.
"Praning,now tell me,who's the lucky guy?" ani Papa.
"Si Kaiicen Pa,nagbalik na sya,pero may nagbago,kanina magkasama kami,nanonood ng sine at kumain" sagot ko naman.
"Talaga? Mabuti naman,panong nagbago? Dalhin mo naman sya dito, last week dinalaw namin ni Mama mo ang puntod ng Naynay nya"
"Mahabang kwento pa,basta pag nagtuloy tuloy yung ginagawa namin para maibalik sya sa dati,dadalhin ko sya dito sa bahay"
"Kreyd mahal? Hindi ka pa ba aakyat? Inaantok na ako" boses iyon ni Mama kaya humarap kami sa kanya.
"Nag man to man talk lang kami ni Gero mahal"ani Papa,lumapit kay Mama at humalik sa labi.
"Oh pano anak? Akyat na kami,alam mo namang hindi nakakatulog mama nyo ng hindi ako nahahawakan at si Junjun" nakangising dagdag ni Papa na ikinatawa ko.
"Baliw! Napaka manyak mo pa din!" nahihiyang sabi ni Mama,humalik na ako sa kanila ni Papa at nag good night.
"Prue,mahal tara na! May surpresa ako sayo" pahabol ni Papa kaya natawa ulit ako. Sana,kung magiging maayos ang lahat,gusto ko maging ganun din kami ni Kaiicen balang araw,hindi ako susuko.
Part 18
Gero's Pov
Patapos na akong mag review sa mga paper works na ipapasa ko na lang bukas sa pinsan kong mas mataas sa akin ang position ng may tumawag.
"Yes?" sabi ko sa secretary ko sa intercom.
"Sir Gero, Mr.Ongpauco is on the line,ikunek ko po ba?"
"Yes please" sabi ko at agad na excite at napaisip kung sino iyon? Si Kheem na mag a-update sa akin o si Kaiicen na yayayain akong lumabas? Haha! Im just in the good mood mula nung araw na iyon.
"Hello? This is Gero speaking"
"Kaya ayoko tumatawag sa mga family company eh,matagal naghihintay,but anyway,dude magkakaroon ng party ang pamilya namin, imbitado ang mga malalapit na kaibigan,so invited ka at ang mga tropa mo" mahaba agad na sabi ni Kheem na ikinatawa ko.
"Woa! Nagmamadali ka ba? At kailan naman yon?"
"This saturday,so be there"
"Agad? I'll check my schedule muna,baka may apointment ako that day" sagot ko at nag isip,ang bilis naman kasi, today is Wednesday,so dalawang araw lang ang maibibigay para makapaghanda.
"Ano ang mahalaga? Ang schedule o si Kaiicen? Dude! Pupunta yung alimangong dagat na patay na patay sa kapatid ko! I dont like that guy,kaya gagawa ka ng paraan" ani Kheem sa akin na ikinamulagat ko. Sino yung tinutukoy ng ungas na to?
"You dont like me either" ani ko.
"That was before,bata pa tayo nun,at ngayon magkaibigan na tayo,kaya nga sinusuportahan kita diba? Huwag kang KJ dude" saot niya na ikinatawa ko. Tama nga sya,sa paglipas ng panahon madaming nagbabago at nabago.
"Tama,sino ba yun?" curious kong tanong,kailangan ko syempreng makilala ang magiging karibal ko kung saka-sakali.
"He's Kennard Elizalde,naging kaibigan at classmate ni Kaiicen ng nasa ibang bansa pa kami,that guy never fails to show how he likes my brother" ani Kheem na halata na sa boses ang pagkairita. Kung ayaw ni Kheem sa Kennard na yon para kay Kaiicen,that means may kakaiba sa lalaking yon,so that also means,I should be prepared.
"Ganon ba? Sige sasabihan ko ang tropa,we will be there,at salamat nga pala ng marami tol" sincere kong sabi sa kanya.
"No worries,just make sure na maibabalik mo sa dati ang kapatid ko at kayo ang magkakatuluyan,sige na Bro,bye" anito at natapos na ang tawag. Inayos ko na ang mga papel na nagkalat sa table ko at naghanda sa pag uwi. Pagkalabas ko sa private office ko eh nakasalubong ko si kuya Kebin na sobrang lungkot ng mukha.
"Oh kuya? May problema ba?" alala kong tanong,ramdam kong hindi simpleng problema ang dinadala ng pinsan ko.
"Si Myk at Baikku na-aksidente,papunta sana sila kina Keiji para sunduin ito at pagkatapos ay pupunta sa bahay natin,pero naaksidente sila" malungkot na sabi ni Kuya Kebin. "Huh? Okay lang ba sila? Nasan na sila? Tara muna sa loob kuya" aya ko sa kanya papasok sa private office. Ng makapasok kami ay naupo sya sa couch at muling nagsalita.
"Natatakot kami insan,lalo na ako,nagkaroon na silang dalawa ng aksidente noon at ang ulo nila ang mas apektado,ngayon hindi ko na alam ang gagawin ko,baka magkaroon ng kumplikasyon sa kanila" at tumulo na ang luha ni Kuya Kebin,mahal nga talaga nya si Kuya Myk,nahabag ako,naisip ko na may mas mabibigat na problema pa pala ang ibang tao kesa sa akin.
"Kaya mo yan kuya,magpakatatag kayo ni kuya Keiji,lalo na ikaw,pupunta ka na ba sa ospital?" tango kang ang sagot ni kuya Kebin,at sabay na kaming umuwi bago sya pumunta sa ospital.
-----
"So,mukhang kailangan talaga ng superfriends power? Ganun? Nakakaloka naman kasi si bakla" ani Kikay,nandito kami sa garden,pinaunta ko kasi sila.
"At mukhang malaking party yon ah? Kailangan ko ata bumili ng bagong outfit" ani naman ni Kokoy.
"Bakit naman kasi nagkakaganun si Kaiicen,naaalala ko tuloy yung magkapitbahay pa kami" dagdag pa ni Mikoy
"Ang dami nyong dada! Ang isipin natin maibalik sa dati ang kaibigan natin na nagdadramang nakalimot,at si Gero na ang bahala dun sa Kennard" pambabara ni Butchoy sa mga ito.
"Ako talaga bahala dun,ako pa! Hindi ko basta basta ibibigay sa kung sino-sino si Kaiicen no" nakangisi kong sabi.
"Hayup! Yun yon eh! Na excite ako bigla sa party" ani Butchoy.
"Ako din! I wanna see that Kennard kung dapat ba mathreatened si Gero o hindi! Oh boy,ang haba ng buhok ni Kaii" sabi naman ni Kikay at humagikgik pa.
"Hindi ako dapat mathreatened Kiks,alam mo yan" sagot ko,pero syempre sa kaloob looban ko nangangamba ako.
"Tingnan natin Gero" ani Kikay.
"Maraming nagbabago sa paglipas ng panahon,kaya tama lang yan,kilos kilos na" dagdag ni Mikoy. 
Dapat nga ba akong mathreatened? Ang hirap din pala ng ganito,lalo pa at hindi namin alam kung anong iniisip at nararamdaman ni Kaiicen. Pano kung gusto nya yung Kennard na yon? Kaya ganun na lang din ba ka eager si Kheem dahil threatened din sya sa Kennard na yon? Basta isa lang ang alam ko,hindi ko isusuko si Kaiicen kahit ano pang mangyari.
-----
Kinabukasan,bago pumunta sa Mall ay dumaan muna ako sa ospital para dalawin sina Baikku at Kuya Myk,nandun lahat ng tropa nila at bakas sa mga mukha ng mga ito ang pag aalala,parehong nasa ICU sina Baikku at kuya Myk,halata kay kuya Kebin at kuya Keiji ang puyat,pagod at takot,napag alaman kong kritikal ang lagay ng dalawa.
Saglit ko kinausap sina kuya Kebin at kuya Keiji para iparamdam ang suporta ko,naaawa ako sa kanila,pero may sarili akong problemang dapat lutasin. Hindi nagtagal ay nilisan ko din ang ospital at tumuloy sa Mall. Ng makarating sa mall ay agad kong tinungo ang sikat na botique ng mga formal ware,pumasok ako dito at nagsimulang tumingin tingin ng mga damit kung babagay ba sa akin,hanggang sa may marinig akong pamilyar na boses.
"This Kennard I think bagay sayo para sa party,lalo kang magiging gwapo" bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang boses na yon! Si Kaiicen!
"You think so? Pero tingin ko mas bagay ka sa akin" sagot ng boses na hindi ko kilala,at pagpihit ko patalikod nakita ko sila. Si Kaiicen na nagba-blush pa at yung lalaki na nakangiti.

"Baliw ka! Sukatin mo na yan!" pagkuway sagot ni Kaiicen sabay hampas sa braso nung lalaki,at tumawa lang yung lalaki. Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko,parang tinutusok tusok ang puso ko,sa simpleng scenario na nakita ko ay nasasaktan na ako. Bakit ganun? Bakit nakita ko pa?

To Be Continued

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails