Karate Kid here! Comment, suggestion or violent reaction? Comment lang po dito o e-mail po niyo ako sa karatekid.stories@gmail.com.
Chapter 13
-Yuri-
Pagkatapos
kong malaman ang aking sinabi, mabilis akong nag-isip ng aking dapat gawin. Alam ko, kahiyahiya talaga ang naging labas
ko kagabi. Malamang galit din sa akin
ang kakaunting taong naging malapit sa akin kabilang na ang grupo nina AN at
Keith. Kung tutuusin kasi, naglihim ako
sa kanila ng napakalaking bagay.
Malamang naisip ng grupo nila na kaya lang ako nakikipaglapit ay dahil may
lihim akong pagnanasa sa kanila. Alam ko
namang hindi sila homophobic dahil civilized naman sila sa mga bakla pero iba
na sigurong usapan kapag nag-sinungaling na ang mga ito mapalapit lamang sa
kanila.
Sa
unibersidad naman, kahit papaano ay tanggap na rin naman ang third sex. Marami na kasi akong nakikita doon na
lantaran ang kanilang pagpapahayag ng kanilang nararamdaman. Mayroong mga binabaeng nagbibihis babae at
minsan pa ay mas maayos pa ang porma kaysa sa tunay na babae. Mayroon ring tomboy na gupit lalaki (minsan
nga kalbo pa) at may pormang lalaki. Karaniwan
na itong tanawin sa aming campus.
Pero iba ring usapan kapag may taong bagong naglabas nang kanilang tunay na kulay. Ilang beses na rin kasi akong nakakarinig ng ganitong balita. Karaniwan, nagiging tampulan sila ng usapan hindi lamang ng isang kolehiyo kundi nang buong campus. Hindi direkta ang pang-aalipusta pero mararamdaman pa rin ang pang-uusig sa kanilang tingin kahit wala naman talagang kasalanan sa kanila ang kanilang tinitingnan. Minsan nga, pinag-uusapan pa nila ang mga ito at tinatawanan pa. Malamang ito rin ang mangyayari sa akin. Alam ko namang sandaling panahon lamang ang mga ito pero sapat na rin ito para mawalan ang isa ng tiwala sa sarili.
Marami pang sinabi si Diana pero hindi ko na ito maintindihan dahil sa malalim akong nag-iisip. Kahit nagsasalita pa siya, bigla akong sumabat. “Umuwi na tayo” sa malungkot pero maliwanag kong tinig.
“Sige na friend ilabas mo lang iyan” sabay punas nito sa aking pisngi. Hindi ko na naman napansin na tumutulo na naman pala ang aking luha.
“Hindi, napuwing lang ako” sa nagmamatigas kong tinig. “Alis na tayo dito.”
Wala nang nagawa si Diana kundi sumunod na lamang sa akin. Kinuha ko na rin kasi ang aming gamit at dalidaling nilisan ang bahay. Nagpaalam na lamang kami sa kanilang mga katulong at nagdahilan na kailangan na talaga naming umalis. Nagtataka man dahil sa aming ayos, umoo na lamang ang mga ito. Itinawag pa nila kami ng taxi sa guardhouse na naghatid sa amin papuntang terminal ng bus pauwi.
Walang namagitan sa aming usapan ni Diana habang nasa biyahe pero sa bahay siya bumaba. Nasa bakuran na kami ng muli itong nagsalita. “Yuri, hanggang kailan ka ba ganyan?” ang malakas nitong tinig. “Bestfriend mo ako kaya sabihin mo sa akin ang iyong mga nararamdaman. Hindi ung itinatago mo lang” nagmamakaawa na ito.
Patuloy lang akong naglakad at tila hindi narinig ang kanyang mga sinabi kahit halos pasigaw na ang mga ito. Lumabas naman si ina pagkatapos magsalita ni Diana. Mukhang maaga itong nakabalik galing sa bahay ni kuya. Humalik lang ako sa pisngi ni ina at tinungo na ang aking kuwarto para makapagpalit.
Habang nasa kuwarto, narinig ko na kinamusta ni ina si Diana sa nangyari sa amin sa party. Kahit gusto kong pigilan ito na ikuwento ang nangyari, hindi na ako makahanap ng lakas na magsalita kaya hinayaan ko na lamang sila. Lumabas na ako sa kuwarto para magtungo sa likod ng bahay. Magsisibak na lang ako ng kahoy para naman kahit papaano ay mawala ang aking mga iniisip. Bago ako makalabas ng bahay, nagsalita si ina dahilan upang mapatigil ako sa paglalakad.
“Anak, sana kausapin mo kami tungkol diyan sa problema mo” nagmamakaawa na rin ang tinig ni ina. Si Diana ay nakatingin lang na parang awang-awa sa akin.
“Ina, ano pa nga ba ang sasabihin ko, eh nasabi na naman po sa inyo ni Diana lahat” at tuluyan na akong naglakad papuntang likod-bahay.
Nagdaan ang mga araw. Unang pasko at bagong taon na wala si ama kaya naman kahit andito sina ate at kuya kasama ang kani-kanilang pamilya ay hindi namin magawang magsaya ng lubusan. Hindi rin nila maiwasang mapag-usapan ang tungkol kay ama kaya naman sa tuwing lumalabas sa usapan si ama, nagpapaalam na lang ako sa kanila at kunwaring may gagawin. Wala naman silang magawa kahit nahahalata nila ang aking pag-iwas sa usapan.
Hindi ko na rin nagawang kausapin si ina tungkol sa nangyari sa akin sa party. Una, hindi ko alam ang aking sasabihin. Pangalawa, ayaw kong dumagdag pa sa alalahanin ni ina. Alam kong mahihirapan ako sa aking kakaharapin sa pasukan pero alam ko rin namang lilipas rin iyon. Sasarilinin ko na lang para na rin sa kapakanan ni ina.
Malaki naman ang pasalamat ko kay Diana. Kahit kasi hindi ako nagsasalita tungkol sa nangyari, alam niyang nag-aalala ako sa mga yun dahil sa tuwing training namin, nagyayaya itong lumabas upang makapagliwaliw raw kami. Hindi na rin ako nito kinompronta tulad ng nangyari sa amin kinabukasan sa party ni Keith. Dahil halos buong Christmas break ay kami ang magkasama, hindi ko maiwasang itanong na baka napapabayaan naman niya ang kanyang boyfriend na si Luke. Nagdahilan lang ito na umuwi si Luke sa kanila kaya hindi sila nakakapagkita. Pero alam ko, ang kanyang tunay na dahilan ay upang damayan ako. Talagang mahal ako ng aking bestfriend.
Bago magsimula muli ang pasukan, tiningnan naman namin ni ina ang natitira naming pera. Kung hindi makakakita si ina ng pagkakakitaan, tantya ko na hanggang katapusan lang ng semestre ang itatagal nang aming pera. Kaya mas kailangan naming maghigpit sa aming gastusin. Nagdesisyon na lang din akong magdala ng tanghalian sa campus para kahit lunch money man lang ay makatipid kami. Hindi naman maiiwasan ang ilang gastusin sa pag-aaral kaya kailangan ko pa ring magdala ng extra pera.
Alam kong hindi papayag si ina pero nagdesisyon na rin akong magtrabaho pagdating ng summer. Halos ubos ko na rin kasi ang aking courses kaya hindi ko na kailangang magsummer. Kung kakayanin, itutuloy ko rin ang pagtatrabaho kahit nag-aaral ako. Tutal isang taon na lang naman bago ako magtapos kaya madali na rin iyon. Alam kong wala na ring magagawa si ina kundi pumayag dahil ano pa nga ba ang aming pagpipiliian!
Dumating ang pasukan. Tulad ng inaasahan, naging usap-usapan sa buong campus ang aking naging pag-amin noong kaarawan namin ni Keith. Maraming nakatingin sa akin tuwing naglalakad ako. May nagbubulung-bulungan. May tumatawa. Mayroon ring hayagang nang-aalipusta sa pamamagitan ng pagpaparinig. Kahit sa canteen ay hindi ko na magawang makakain dahil sa kanilang mga tingin. Nagdesisyon na lang akong pumunta sa likod ng library upang duon na lang mananghalian. Tahimik, walang tao at kahit papaano ay ang pinakapayapang lugar sa akin sa buong campus. Mukhang nakatulong pa ang aking pagbabaon dahil kahit papaano ay makakaiwas ako sa mga nakakapaso nilang tingin. Wala naman akong magagawa kundi tiisin na lang ang mga ito hanggang sa lumipas. Pero minsan, napapaluha na lang ako ng hindi ko namamalayan.
Sa aking mga klase, nagdesisyon na lang akong sa likod nang karamihan ng mga estudyante pumuwesto. Paraan ko na rin ito para mas mabilis akong makalabas kapag tapos na ang klase. Kahit papaano, mababawasan ang aking mga naririnig sa tuwing nakikita ako. Mas naging mailap na rin ako sa tao. Hindi ko na hinahayaan man lang na may makalapit sa akin dahil umaalis na ako bago mangyari iyon. Isang beses habang nasa klase, may tumabi sa akin. Isa itong hayagang bakla. Inaaya ako nito na sumali raw sa club ng mga bakla. Marami itong mga sinabi tungkol doon pero hindi man lamang ako nagsalita. Dahil sa inis sa aking reaksyon, nagsabi ito ng kung anu-anong bagay bago tuluyang umalis. At simula noon wala na talagang nakipag-usap pa sa akin. Kahit ang pagcoconsult sa mga instructor ay hindi ko na rin ginawa at pinilit na lamang intindihin ang aralin base sa sinasabi nila sa klase.
Si Cathy naman ay nakikipagkita sa akin sa likod ng library upang sabay kaming mananghalian. Hinahati ko lang ang aking baon upang magkasya sa aming dalawa. Naikwento ko na sa kanya ang sitwasyon ng aming pamilya kaya naman hindi ako nito inoobligang pakainin siya. Nagwika pa nga ito na huwag na siyang pakainin pero dahil siya lang ang aking nakakausap bukod sa aking pamilya at kay Diana, pinipilit ko itong mag-kita kami kahit minsan lamang sa isang linggo. Ikinukwento ko rin sa kanya ang mga pangyayari sa aking buhay. Siya pa ngayon ang lumalabas na hingahan ko ng sama ng loob at parang siya pa ang mas matanda sa amin. Tanggap niya ang tunay kong pagkatao at sa kanya ay nakakatawa at nakakaiyak ako ng bukal sa aking puso kaya hindi ko talaga makakaya kung pati siya ay iiwasan rin ako.
Hindi ko kasi rin masyadong nakakausap ngayon si Diana dahil naging busy na rin ito sa kanyang mga aralin. Ayoko namang makihati pa sa atensyon kay Luke kaya simula ng bumalik muli ang klase, bibihira na lang din kaming magsama kahit sa uwian bukod sa aming PE.
Si Keith, dahil magkaklase kami at magkapartner pa, ay hindi maiiwasan ang aming pagkikita. Pero dahil sa galit sa akin, hindi man lamang ako nito magawang kausapin. Umaalis na lang ito basta-basta at hindi ko na siya pinipigilan pa. Ako na rin ang kusang gumagawa ng exercises namin. Sa totoo lang, pwede ko talaga siyang ireport sa aming Prof na hindi gumagawa. Pero kung gagawin ko iyon, siguradong hindi lang siya ang magagalit sa akin kundi pati na rin ang buong college namin. At saka, alam ko namang ako rin ang may kasalanan noon kaya bilang parusa na rin, hinahayaan ko na lang siya sa kanyang gustong gawin.
Lumipas ang ilang linggo ng ganoon ang aming pakikitungo sa isa’t isa. Kaya naman nagulat na lang ako ng minsan itong sumulpot sa lugar na aking kinakainan. Malayo pa lamang ito pero alam kong sa akin ito tutungo dahil wala namang ibang tao sa lugar na iyon kundi ako lang. Napansin kong tumulo na naman pala ang aking luha kaya daglian ko itong pinahid, inayos ang aking mga gamit at nagprepara na para umalis. Tapos na akong ayusin ang aking mga gamit ng umabot siya sa lugar na aking kinaroroonan.
“Pwede ba tayong mag-usap?” ang kanyang tinig. Ito ang unang beses na mag-uusap kami buhat noong kanyang kaarawan. Napagmasdan ko siyang mabuti pero parang ang laki ng pinagbago ng kanyang itsura. Medyo namayat siya at naging hungkag ang kanyang mukha. Parang masyado ata itong stress sa kanyang mga org.
“Sige” ang aking tugon. “Ano yun?”
Nag-isip siya ng ilang segundo bago muling nagsalita. “Ah, tungkol sana doon sa ating programming” parang nag-aalangan ang kanyang tinig.
Umasa akong tungkol sana ito sa aming pagkakaibigan pero alam ko namang malayo itong mangyari. “Ah ayun ba?” ang aking tugon. “Ok lang naman kung mag-iiba ka ng grupo pero alam mo namang hindi papayag si Engr. di ba? Huwag kang mag-alala, ako na ang bahala sa exercises natin. Huwag mo na ring alalahanin ang project. Ako na ang gagawa” ang derederetso kong wika. Binigyan ko rin siya ng pilit na ngiti.
Magsasalita sana siya pero inunahan ko na siya “Sige uuna na ako sa iyo. May klase pa kasi ako” binigyan ko ulit siya ng pilit na ngiti at dagliang nilisan ang lugar na iyon. Alam kong malayong mangyari na bumalik pa ang aming pagkakaibigan pero nasaktan pa rin talaga ako. Kaso, wala naman akong magagawa kundi ang tanggapin ang mga ganoong bagay. May mas matinding problema pa akong dapat harapin kaya hindi na dapat ako magpaapekto pa dito.
Si AN naman ay normal ang pakikitungo namin sa isa’t isa. Hindi nagpapansinan at hindi nagkikibuan man lang. Ganito naman talaga kami kahit bago pa ang party ni Keith kaya normal na ito sa amin. Pero tulad ng dati, nahuhuli ko pa rin siyang tumitingin sa akin. Pasimple rin niyang tatanggalin ito kapag napansin niyang alam kong tinitingnan niya ako. Hanggang ngayon ay nacoconscious pa rin ako tuwing mangyayari ito na katulad lang din ng dati.
Noong una naming klase galing sa bakasyon, hayagan ang pang-iinsulto ng girlfriend nitong si Katrina sa akin. Pero hindi naman ito pinalampas ng aking bestfriend at sinabunutan nito si Katrina. Gaganti sana si Katrina pero dumating si sensei at hindi na niya naituloy pa. Simula noon, wala ng hayagang nang-insulto sa akin sa klase namin sa PE dahil sa takot sa aking bestfriend.
Mahigit anim na linggo ang lumipas simula ng muling bumalik ang klase. Medyo nabawasan na ang mga maiinit na tingin sa akin ng tao. Alam ko namang lilipas rin ito pero hanggang ngayon ay hindi na nagbago ang pakikitungo ko sa ibang tao. Lumalayo kapag may lalapit. Kumakain sa aking lunch area sa likod ng library. Hindi nagcoconsult sa lesson. Alam ni Diana na apektado pa rin ako sa mga nangyari at dahil hindi rin kami nakakapagbonding ng matagal na panahon, inaya niya akong gumala isang Sabado sa mall malapit sa amin. Alam niya ang sitwasyon namin sa pera kaya nagmungkahi ito na siya ang taya na hindi ko na tinanggihan pa. Matagal tagal ko na ring hindi siya nakakausap kaya naman pumayag na din ako.
Pagdating sa mall, sinamahan ko si Dianang mamili ng kung anu-anong bagay. Damit, sapatos, at kahit sa underwear section ay hindi ko siya iniwanan. Pinipilit niya akong mamili at siya na raw ang bahala pero hindi ako makakatanggap ng ganoong bagay kaya kahit anong pilit niya, hindi talaga ako pumayag. Sa isang fastfood restaurant kung saan kami maglulunch, umorder kami at humanap ng mauupuan. Puno na rin sa loob ng restaurant kaya sa table sa labas kami pumuwesto. Nagpaalam siyang mag-CCR at pumasok siya loob ng restaurant habang ako ay nag-iintay ng aming inorder.
Ilang saglit pa ay may nakita akong dalawang taong naghaharutan sa mall. Pansinin ang dalawa dahil sila lang naman ang gumagawa noon doon. At walang anu-ano ay biglang hinalikan ng babae ung lalaki kaya mas lalo pa silang naging agaw pansin. Pagkatapos ng maalab na halikan ng dalawa ay nagpatuloy sa paglalakad ang dalawa. Sampung metro mula sa kinauupuan ko ng mapansin ko kung sino ang babaeng gumawa ng eksena sa mall. Si Katrina pala ito! Tiningnan ko ang kanyang kapareha at sigurado akong hindi si AN iyon! Dahil sa pagkagulat, hindi ko maialis ang tingin sa dalawa. Sigurado kasi akong hindi pa naghihiwalay si AN at Katrina dahil noong Huwebes lang ay gumawa rin ng parehas na eksena ang dalawa bago pa dumating si Sensei.
Ilang segundo ang lumipas ay napadako naman ang tingin ni Katrina sa aking kinauupuan. Nang makita niya ako, nakita ko sa kanyang itsura ang pagkagulat. Alam niyang nakita ko siya sa kanyang ginawa kaya naman marahil ito ang dahilan kung bakit napalitan ang pagkagulat ng pagkatakot. Ilang segundo pa ang lumipas ng kinausap nito ang kasama at siya naman ay pumunta sa aking kinaroroonan. Makikita na sa mukha nito ang nakakatakot at tila nagbabanta nitong itsura. Nang makalapit, agad din itong nagsalita.
“Hoy bakla! Huwag mong ipagsasabi ang iyong nakita” pagbabanta nito. “Pag ito ay nakarating kay AN, mata mo lang ang walang latay. Kaya kahit sa malandi mong kaibigan ay huwag mo nang sasabihin at baka pati siya ay madamay pa.” Nanlilisik na ang kanyang mga mata.
Napangiti na lang ako sa kanyang pahayag. Magsasalita na sana ulit siya ng mapatingin ako sa dako ng paparating na si Diana. Hawak nito ang kanyang celfone at parang nagbabasa ito ng text kaya naman sigurado akong hindi niya kami nakita. Tumingin naman si Katrina sa aking tiningnan at biglang pagkatakot na naman ang makikita sa kanyang mukha. Kaya naman dali-dali siyang umalis at hindi na muli pang nagsalita. Tinungo nito ang kapareha at hinila ito palabas ng mall.
Napailing naman ako sa aking nakita kaya pagkaupo ni Diana ay tinanong niya ako kung anong meron. Dahil na rin sa banta ni Katrina, hindi ko na lang din ikinuwento dito ang nakita. Hindi ko alam kasi kung anong kayang gawin ng babaeng iyon kaya naman natakot ako para kay Diana. Sinabi ko na lang na may naalala ako kaya naman hindi na niya iyon pinansin. Dumating na rin ang aming inorder at nagsimula na nga kaming kumain.

-AN-
Simula ng ihatid ko si Yuri, I can’t stop thinking of him. Hindi ko malimutan ang kanyang galing sa pagluluto habang pinapanood ko siya. Hindi ko rin malimutan kung gaano siya kabait sa batang si Cathy. At lalong hindi ko malimut-limutan ang kanyang ngiting nakapagpatulala sa akin. First time kong maramdaman ang ganito sa lalaki.
Thus, the next day, when me and Katrina met, I unconciously talked to her about Yuri. Ikinuwento ko sa kanya ang tungkol kay Yuri at sa pinagmulan nito base sa kuwento nina Keith at Luke. Ilang beses ko ring pinuri ang kanyang galing sa pagluluto. I didn’teven care to know what happen to her the night when she left us on the bar or why she didn’t joined me to eat in Keith’s apartment or why she scolded me on the phone when I invited her. Parang lahat ng ito ay hindi ko na naiisip dahil kay Yuri. Sinabi ko kay Katrina na sana ay huwag na niyang ulitin ang ginawa nito kay Yuri at sana ay maging magkaibigan na sila lalo na’t kaibigan na siya ng aking barkada.
Kung hindi pa ako binara ni Katrina at pinansin nito na I was talking about Yuri too much ay hindi ko pa ito mapapansin. Tumigil na ako sa pagkukwento pero pinilit ko pa rin siyang makipagkaibigan kay Yuri. It seems she was jealous of Yuri that moment because she told me that she will only do it if I will stop talking with and about Yuri. Kaya simula noon, sinunod ko na rin ang gusto niya at tinupad naman nito ang kanyang pangakong hindi guguluhin si Yuri. Hindi naman daw niya kayang makipagkaibigan sa taong namahiya sa kanya kaya naman hinayaan ko na lang na at least ay formal silang magkakilala. Well, advantage na rin yun sa akin para kahit papaano ay mapigilan ko ang aking nararamdaman para sa kanya lalo na’t may girlfriend pa akong dapat isipin at asikasuhin. Hindi na rin ako pumunta noong dalawang Saturdays na nagluto siya ng Japanese food kahit halos putulin ko na ang aking paa para lamang mapigilan ang sarili.
Dumaan ang panahon at nakasanayan ko na hindi kami nagpapansinan ni Yuri. Naging madali rin ito dahil he never acted he knew me even if we were formally introduced by our friends. Kung sa ibang tao siguro nangyari ito, babae man o lalaki, ay didikit at didikit ang mga ito sa akin. Babae dahil gustong mapalapit sa akin at sa aming magbabarkada. Lalaki dahil gustong mahawa sa aming kasikatan sa campus. Pero hindi ko pa rin talaga maiwasan ang aking pagtitig sa kanya mula sa aking kinatatayuan tuwing training namin sa karate. Halos kabisado ko nga kung kelan nagkakamali ito sa aming drills. As usual, constant correction ang ibinibigay ni sensei sa kanya.
Bago mag christmas vacation, napansin ko rin kung ano ang ipinagbago nang ugali nito. Tila nabawasan naman ang pagkaintrovert-loner nito dahil nakikipag-usap na rin ito sa aming mga classmates. Marahil dahil na rin ito sa impluwensya ng kanyang naging bestfriend na si Diana na kaklase rin namin. Sa aking part naman, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa tuwing may kausap itong ibang tao at nakikita siyang masaya. Para kasing gusto ko ring mabigyan ng ngiti nito. Sa nakikita kong ngiti niya, kahit hindi kasing ganda ng ngiti na katulad ng ibinigay nito sa akin, masasabi ko pa ring angat ito sa karamihang ngiti. Walang halong pagkaplastik.

Noong pinag-uusapan nina Diana at Keith kung paano mapapasama si Yuri sa party, matiim naman akong nakikinig. Kahit hindi naman kami nag-uusap, gusto ko pa rin siyang makita lalo na’t matagal-tagal din kaming walang klase. Kaya naman pinaghandaan ko talaga ang partying iyon ni Keith. Alam ko ring mapapaaga rin sina Keith ng dating kasama sina Yuri kaya binalak ko talagang pumunta doon ng mas maaga. Kahit papaano, gusto ko ulit makausap si Yuri.
Papunta na ako sa bahay ni Keith ng bigla namang tumawag si Katrina. Gusto raw nitong magpasundo galing sa bahay nila. Ang usapan namin talaga ay siya na ang bahalang pumunta sa party pero mukhang nagbago naman ang isip nito. Wala naman akong nagawa kundi magdrive papunta sa bahay nito. Pagdating sa kanila, medyo uminit ang ulo ko dahil hindi pa pala ito bihis! Kagagaling lang nito sa banyo at halos gawin nito ang lahat makipagsex lang ako sa kanya. Pero dahil sa init na rin ng aking ulo, pinilit ko siyang magbihis na para makapunta na kami agad sa party. Hindi naman ito nagmadali at halos dalawang oras din akong naghintay matapos lamang ito sa pagbibihis. Tinext ko na lang si Luke na malalate ako sa party.
Pagdating namin sa party ni Keith, halos lahat ng tao ay kumakain na. Pinuntahan namin si Keith para batiin ito sa kanyang kaarawan. Pinakain naman kami nito at tinungo na nga namin ang grupo ng aming magbabarkada. Andun sina Karl, Andre, at si Luke na katabi ang girlfriend nitong si Diana na katabi rin ang taong gustung-gusto kong makita, si Yuri. Pumuwesto kami ni Katrina sa katapat nitong si Yuri at nasuri ko naman ito ng mabuti. Lumitaw ang kakisigan nito sa kanyang porma. Never pa akong humanga sa lalaki maliban sa aking sarili pero ng makita ko siya, kakaibang pakiramdam ang idinulot nito sa akin.
Gustung-gusto ko ng makipag-usap sa kanya pero dahil andito rin si Katrina na todo naman ang paglalambing sa akin, hindi ko na nagawa. Alam kasi ni Katrina na mainit ang ulo ko dahil na rin sa pagtatagal niya sa pagbibihis kanina. Mainit talaga ang ulo ko sa kanya dahil noong nasa sasakyan kami hindi ko siya kinibo. Ni hindi ako nag-initiate ng conversation at hinayaan na lang si Katrina ang magsalita. Pero nang dumating kami sa party ni Keith at nakita ko si Yuri, parang nawala na ang init ng aking ulo. Hindi ko pa rin kinausap si Katrina hindi dahil sa galit pa rin ako dito kundi dahil nag-iisip ako ng paraan kung paano kami magkaka-usap ni Yuri.
Mga bandang alas nuwebe ng makisali ang magkasintahang sina Keith at Tania sa aming grupo. Kapansin-pansin naman ang kakaibang pakikitungo ni Katrina kay Tania. Alam kong hindi masyadong friendly ito pero hindi naman siya gaganito kung hindi naman galit ito sa girlfriend ni Keith. Hindi ko na lang pinansin ang tension sa dalawa. Nahahalata ko rin si Keith na patingin tingin kay Yuri habang ang buong grupo ay nag-uusap. Tahimik lang kasi si Yuri sa buong pag-uusap. Halatang hindi siya komportable sa ganoong pagtitipon. Malamang nag-aalala lang din si Keith sa kaibigan.
Matagal tagal na rin kaming nag-uusap ng aking maisip ang palaging ginagawa ng grupo, ang TRUTH OR DRINK. Kahit papaano kasi ay mapipilit na magsalita si Yuri kung papayag siyang sumali sa laro. Kaya sinimulan na namin ang laro at napilitan ngang sumali si Yuri. Habang nagpapatuloy ang laro, hindi ko rin mapalampas ang pagiging close ni Kuya Kurt kay Yuri. Medyo nagpapanting ang tainga ko kapag nakikita kong nagbubulungan ang dalawa at napapatawa naman nito si Yuri. Wala naman akong magawa kaya tumahimik na lamang ako habang palihim na tinitingnan sila. Hindi ko na nga rin naiintindihan ang nangyayari sa laro.
Nasa ikaapat na tagay na si Yuri ng pinakamatapang na alak sa gabing iyon. An impossible feat for beginners or veterans alike. Pulang-pula na ito at parang natutulog na habang nakaupo at hinihimas ang likod nito nina Kuya Kurt at Diana. Kaya naman ng ikalimang beses na mapatapat na naman ang bibig ng bote sa kanya ay nagulat ang lahat ng mag-DRINK na naman ito. Sobra-sobra na ang aking pag-aalala dahil alam ko naman na ang sobrang alcohol sa katawan ay delikado rin. Pero dahil ayaw na itong papigil sa pag-DRINK, wala ring nagawa sina Kuya Kurt at Diana.
Nang iniikot muli ni Keith ang bote at napatapat na naman ang bibig nito kay Yuri, hindi lang ako ang napatitig sa kanya kundi ang lahat ng taong naroroon. Hindi ko nga nagawang tingnan man lamang si Katrina na siya palang magbibigay ng tanong kay Yuri. Medyo nakahinga ako ng maluwag ng mag-TRUTH na ito. Alam kong pinilit lamang ito ni Diana na magTRUTH at sumagot para hindi na masyadong malasing pa.
Kahit hindi ko tinitingnan si Katrina, alam ko ring napahiya ito sa mga sinabi ni Yuri kaya siguro lalo itong naging determinadong magtanong. Nang sinagot ng pasigaw ni Yuri ang tanong ni Katrina, halos lahat ng nandoon ay natigilan. Hindi naman siya naalalayan ng mga katabi nito ng bigla siyang mapahiga matapos nitong sumigaw. Alam kong nakatulog na ito dahil na rin sa labis nitong pagkalasing.
Nang mapansin ito ng mga katabi, alam kong pilit na ginigising ni Diana si Yuri para makalipat na ito sa tutulugan nitong kuwarto. Pero hindi na ito nagising pa kaya naman inalalayan na ito ni Diana at Kuya Kurt para tumungo sa kuwartong tutulugan nito. Napansin kong nahihirapan si Diana kaya naman ako na ang nagsuhestiyon na tumulong para dalhin ito sa kanyang tutulugan. Si Keith at ang iba pang mga tao doon ay parang masyadong nagulat sa mga sinabi nito kaya siguro nakatanga lang ang mga ito sa mga nangyayari. Hindi ko na nga rin binigyan ng pansin si Katrina kahit pinigilan ako nitong tulungan si Yuri.
Habang tinutulungan ko si Kuya Kurt na dalhin sa kuwarto si Yuri, napag-isipan ko naman ang inamin nito sa lahat. May posibilidad na hindi totoo ang sinabi nito dahil sa pagkalasing pero alam ko namang mas nagsasabi ng totoo ang lasing kaysa sa mga taong nasa tamang huwisyo kaya malamang na totoo ang sinabi nito. Para sa akin, wala namang masama kung bakla nga ito. May bahagi nga ng utak ko ang sumaya dahil sa nalaman ko sa kanya.
Pagdating namin sa kuwartong tutulugan nito, ihiniga na namin doon si Yuri ng maayos. Pinakuha lang ni Diana ang gamit kay Kuya Kurt habang ako naman ay pinababalik na niya sa grupo. Hindi pa muna ako umalis kahit nilisan na ni Kuya Kurt ang kuwarto para bigyan si Yuri ng huling tingin bago umalis. Bigla namang nagsalita si Diana na parang kinakausap ako.
“Kawawa naman ang bestfriend ko, no?” Napatingin naman ako kay Diana at para itong maiiyak dahil awa nito sa kaibigan.
“Ang dami na nga niyang problema pagkatapos dumagdag pa yung kanina.” Alam ko ay ang tinutukoy niya ay ang pag-amin nito na bakla siya. Magiging malaking hamon kasi ito kay Yuri lalo na sa pagbabalik sa pasukan.
Wala akong masabi ng mga oras na yun kaya aalis na sana nang umakto naman si Yuri ng masusuka. Pinagtulungan namin ni Diana na madala ito sa CR upang doon na lamang ilabas ang masamang pakiramdam. Matapos ang ilang minuto nitong pagsusuka, pinaalalayan ni Diana sa akin si Yuri sa may kama para malinis niya ang CR na pinagsukahan nito.
Nang maihiga ko sa kama si Yuri, tinanggal ko na rin sapatos nito, niluwagan ang sinturon at ang pagkakabutones ng long-sleeves nito upang kahit papaano ay maginhawahan ito sa pagtulog. Habang tinatanggal ang pagkakabutones ng long-sleeves, hindi ko matanggal ang tingin sa mukha nito. Parang anghel ito habang natutulog.
Dumako rin ang aking tingin sa mapupula nitong labi. Walang anu-ano ay binigyan ko ito ng isang halik. Napakalambot ng labi nito habang naaamoy ko pa ang alak mula sa hininga nito. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko at ginawa ko iyon kaya ng marealize kong hinahalikan ko siya ay daglian akong kumalas at iniwan na lamang siya doon. Buti na lamang at mukhang hindi ito nakita ni Diana dahil hanggang ngayon ay may nakikinig pa rin akong lagaslas ng tubig mula CR kaya malamang hindi pa ito tapos sa paglilinis. Nakakailang hakbang na ako mula sa kuwarto ni Yuri ng makasalubong ko naman si Kuya Kurt. Sinabi ko na lang na iniwan ko sa kuwarto si Yuri at kailangan ko ng bumalik sa grupo.
Pagdating ko sa grupo, napansin kong hindi na sila naglalaro. Marami na rin ang nakaalis doon na sumali sa amin kanina. Kahit si Katrina ay hindi ko na mahagilap ng tingin. Mukhang nagpatuloy na lamang ang natitira ng inuman. Nilapitan naman ako ni Luke pagkadating ko.
“Kumusta na si Yuri?” si Luke. “Maayos na ba siya?”
“Oo pre” ako. “Nagsuka na rin kaya malamang aayos rin ang pakiramdam noon. Iniwanan ko na doon si Diana. Ok lang ba sa iyo yun?”
“Siyempre hindi” si Luke muli. “Pero alam ko namang mas kailangan siya ngayon ni Yuri. Alam mo ‘pre ang laki ng utang na loob ko doon kaya kahit ako ay nag-aalala para sa kanya.”
“Ah, siya nga pala ang nagtulay sa inyo ni Diana” naalala ko ng minsang naikuwento ni Luke noong nililigawan pa lamang nito si Diana. “Eh di ok lang sa iyo ung inamin ni Yuri kanina?” dagdag tanong ko pa.
“Oo naman” si Luke. “Alam ko namang mahirap sabihin ang ganoong bagay kaya ok lang kung nagsinungaling siya. Ewan ko lang dun sa isa?” turo nito kay Keith. Mukhang malalim rin ang iniisip nito habang patuloy ito sa pag-inom. “Isa pa, at least makakasigurado na ako na hindi ako dapat magselos pa kay Yuri” dagdag pa nito at nakangiti na rin. Hindi mawala sa isip ko ang ginawa ko kay Yuri kaya naman sumama na rin ako sa kanilang inuman.
Kinabukasan, tinanong ko si Keith kung nasaan sina Yuri pero nagsabi lamang siya na maagang umalis ang mga ito.
Lumipas ang pasko at bagong taon at nakabalik na rin ako sa aking condo dahil ilang araw na lang ay malapit na uling magpasukan. Sa buong Christmas break, dalawang beses lang kami nagkita ni Katrina at dahil parang wala ako sa huwisyo ng panahong iyon, mabilisan lang din ito. Napapansin kong parang nababawasan na rin naman ang aming pagtingin sa isa’t isa pero hindi ko na iniisip iyon. Mas pinag tutuunan ko pa ngayon ng pansin ang tungkol dun sa ginawa ko kay Yuri at kung ano ba talagang nararamdaman ko para sa kanya. Kung may gusto nga ako kay Yuri (wala na akong pakialam kung lalaki ito o bakla), alam ko namang hindi ito pwede dahil may girlfriend pa akong tao.
Hindi ko alam ang gagawin kapag nagkita muli kami kaya naman nagdesisyon akong ibabase ko na lamang ang aking gagawin sa ikikilos ni Yuri. Kapag kumilos itong parang gustong makipagkaibigan sa akin ay hindi ko na siya lalayuan at sa halip magiging mabuti akong kaibigan dito kahit ang kapalit nito ay ang relasyon namin ni Katrina. Wala na rin akong pakialam sa sasabihin ng iba na nakikipagkaibigan ako sa bakla! Kapag inignore uli ako nito katulad ng ginagawa nito dati, ganoon na lang din ang aking gagawin. Hindi naman siguro dapat na ako, ang tinuturing na pinakaguwapo sa campus, pa ang humabol sa kanya.
Dumating na muli ang aming klase sa Karate, ang aking course na pinakasasabikan ngayon. Hindi ko kasabay si Katrina ng dumating ako sa dojo dahil may dadaanan pa raw siya. Pagdating ko sa silid, nakita kong hinila ni Diana si Yuri papunta sa puwesto na dati niyang tinatayuan. Mukhang nagdesisyon ata itong sa likod pumuwesto pero hindi naman ito pinayagan ni Diana. Malamang may kaugnayan ito sa kanyang pag-amin noong party ni Keith.
Nakasalubong ko pa ang dalawa at binigyan ko naman ang mga ito ng napakatamis na ngiti. Gesture ko iyon para kahit papaano ay malaman nila na approachable pa rin ako kahit ano pa ang nalaman ko.
“Hi AN” bati ni Diana. Nakangiti na rin ito. Kabaliktaran naman ito ng reaction ni Yuri. Mukhang bumalik na naman kasi ang military facial expression nito. Walang reaction sa aking ginawa.
“Hi” bati ko pabalik. Nag-expect talaga ako na kahit papaano ay sasagot si Yuri pero wala akong narinig mula sa kanya. Mukhang nahanap ko na agad ang sagot ko. Babalik kami sa aming pagiging parang hindi magkakilala.
“Look who’s here!” wika ni Katrina mula sa aking likuran. “Ang bakla kasama ang kanyang alalay na mukhang palaka.”
Magsasalita sana si Diana pero siya na ang hinila ni Yuri papunta sa kanilang puwesto.
“HAHAHA…” malakas na tawa ni Katrina. Lalapitan ko na ito para pigilan pero nakapagsalita na muli ito. “Everyone, do you know the latest news?” tinawag nito ang atensyon ng lahat sa silid.
“Our classmate Yuri just confessed that he is gay!” ang maarteng wika nito. Napatingin ang lahat kay Yuri. Nakita ng lahat ang facial expression nito na matagal na ring hindi nakita ng karamihan. Ang walang emosyon nitong mukha. Walang senyales ng pagtutol kaya parang inamin na rin niyang totoo ang sinabi ni Katrina. Umalingaw-ngaw ang bulung-bulungan sa silid.
Habang tumatawa si Katrina, napalitan naman ang malutong na halakhak nito ng malakas na “ARAYYYYYYY!!!” Hinila na pala ni Diana ang buhok nito kaya naman napasigaw ito sa sakit.
Lalapitan ko sana si Katrina para tulungan ng magsalita naman si Diana, “Nobody messes with my friend. If I hear again another insult in any of you, believe me, mas malala pa ang aabutin nyo kaysa sa babaeng ito.” Binitiwan na rin nito ang buhok ni Katrina. May mga nakita pa akong ilang hibla ng buhok sa kamay nito kaya malamang ay talagang tinotoo nito ang paghila sa buhok ni Katrina.
“Ayan na si sensei” may isang estudyanteng sumigaw bilang warning sa gagawing pagganti ni Katrina. Wala namang nagawa si Katrina kundi pumunta sa puwesto malayo sa kinatatayuan nina Yuri at Diana sa unahan at sinundan ko na lang din ito doon.
Lumipas ang mga araw ng kami ni Katrina ay halos nagkalayo na rin ang loob. Bibihira na lang din siyang sumama sa amin sa gimik. Minsan nga kahit ang lunch o dinner hindi kami nagkakasama. Pero dahil hindi pa naman kami nagkakaroon ng formal break-up, wala akong magawa kapag nagtext o tumawag siyang magkita kami. Kahit papaano kasi ayaw kong sa akin magmumula ang paghihiwalay kaya nakikiayon na lang din ako sa kanyang mga gustong gawin.
Nagbalik normal naman ang aming pakikitungo ni Yuri sa isa’t isa. Walang communication. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin mawala sa aking isip ang aking ginawa doon sa party ni Keith. Napansin kong naging mas malayo na rin siya sa mga tao. Hindi siya nakikipag-usap sa iba maliban lamang sa kanyang bestfriend na si Diana. Nawala rin ung mga taong occasional na nakikipag-usap sa kanya. Parang bumalik ung Yuring nakita ko noong simula ng klase. Siya at ang kanyang expressionless face. Hindi ko na rin ito nakikitang nakangiti kahit kausap pa nito ang kanyang bestfriend.
Tuwing bonding session naman ng barkada ay hindi siya napag-uusapan kaya hindi ko alam ang nangyayari dito sa karamihan ng kanyang klase. Sina Keith at Luke, ang mga taong kacollege ni Yuri, lang naman ang tanging link namin sa college nila. Pero wala mang magsabi, alam kong ganito rin siya sa ibang tao. Mukhang bumalik ito sa kanyang usual na pakikitungo sa ibang tao katulad ng naikwento dati nina Keith at Luke.
Isang beses katatapos ko lang magresearch sa aming library ng makita kong naglalakad si Cathy. Mukhang hindi niya ako napansin dahil derederetso lang ito sa paglalakad. Papunta siya sa likod ng library kaya sinundan ko na lang din siya. Gusto ko kasi ulit makausap ang batang ito tungkol sa kanyang Kuya Yuri.
Sumilip ako mula sa haligi ng library ng makita ko kung sino ang pupuntahan ng batang si Cathy. Si Yuri ito. Nang makita ni Yuri ang bata, kitang kita mula sa kinatatayuan ko ang kanyang ngiting matagal-tagal ko na ring hindi nakita sa kanya. Kakaibang pakiramdam ang idinulot nito sa akin kaya naman inobserbahan ko na lang muna sila mula sa malayo. Niyakap nito ang bata, pinaupo, binigyan ito ng pagkain at sabay silang nananghalian. Dahil mukhang masaya naman ang dalawa at ayaw ko namang sirain ang mood nila kaya hindi na lang ako lumapit at nilisan na lang ang lugar na iyon.
Sunday, bago ang last week ng
klase. Naging maayos naman ang aking
pag-aaral kaya wala naman akong dapat problemahin. Kaya naman kahit sunud-sunod na ang mga
exams, nakukuha ko pa ring lumabas kasama ang aking mga kaibigan. Sama-sama kaming limang naglunch sa isang
restaurant. Matapos naming kumain at
habang nag-uusap kami tungkol sa kung anu-anong bagay. May lumapit sa aking babae. Namumukhaan ko ito bilang classmate ko sa isa
kong major subject.
“Hi AN” napatingin kaming lahat sa kanya.
“Hi AN” napatingin kaming lahat sa kanya.
“Oo naman” sagot ko na lang. Mukhang seryoso kasi ang mukha nito. Namaalam kami at pumunta kami sa isang sulok
ng restaurant kung saan malayo sa table na kinainan naming magbabarkada.
“Girlfriend mo pa ba si Katrina?”
mukhang alam ko na ang pupuntahan ng usapang ito. Alam kong sisiraan nito ang girlfriend ko
pero bilang courtesy tumango na lang ako bilang sagot sa kanya. Marami na kasi akong naeencounter na bad
rumors about Katrina at dahil wala naman silang ebidensya, hindi ko na lang
pinapatulan.
“Alam mo ba, may nakita akong
iba siyang kahalikan kahapon?” wika nito.
Nginitian ko lang siya dahil sanay na nga ako sa ganitong mga sinasabi. “Parang hindi ka naman naniniwala. Oh sige, tingnan mo na lang ito” at inilahad
niya sa akin ang kanyang celfone.
Nasa celfone nito ang larawan ni Katrina habang may kahalikang ibang lalaki. First time na may naglabas ng ebidensya laban kay Katrina kaya nagulat na lang ako. Muling nagsalita si Jam, “Kung may doubt ka sa picture, wala na akong magagawa. Pero tingnan mo kung saan sila naghahalikan, sa tapat ng isang store kung saan mayroon pang digital clock na may date at time pa. Kahapon lang yan doon sa mall sa amin.”

Nauna na ako kay Katrina sa lugar. Pagdating doon, kakaibang saya ang aking naramdaman ng nakita kong naroon rin si Yuri. Ang alam ko, lunch time lamang siya tumatambay doon at hindi ko pa siya nakita ng ganoong oras doon. Lumapit ako, nakita kong busying busy ito sa pag-aaral. Hindi man lamang ito lumingon habang papalapit ako sa kanya.
“Oh ikaw pala yan AN. Hi din” walang reaksyon muli ang ekspresyon
nito.
“Busy ka ata?” tanong ko sa kanya.
“Ah, may exam kasi kami mamayang gabi” tugon nito. Hindi muli nagbabago ang ekspresyon nito. “Sige, una na ako. Mukhang andito na pala ang girlfriend mo” naghanda na ito para umalis. Napatingin naman ako sa direksyon ng paparating na si Katrina. Makikita sa mukha nito ang pagkatakot.

“Hindi, huwag ka munang umalis. Sandali lang naman kami” ako.
Nang makarating si Katrina sa
aming lugar. Agad din itong nagsalita, “Aa-ano
ang pag-uusapan natin?” natatakot ang tinig nito.
“Tapos na tayo” ang aking maikling pahayag kay Katrina.
“Tapos na tayo” ang aking maikling pahayag kay Katrina.
“A-a-anong ibig mong sabihin?”
sagot ni Katrina.
“Matagal na akong nakakarinig ng
masasamang bagay tungkol sa iyo pero hindi ko pinapansin dahil may tiwala ako
sa iyo. Ano bang ginawa ko at niloko mo ako?” ipinakita ko na rin ang picture
niya na may kahalikan. Naubusan naman ng
kulay ang mukha nito dahil sa aking ipinakita.
Hindi ko na siya hinintay na
sumagot at niyaya na si Yuring umalis.
Tila natulala naman ito sa nakita kaya kinailangan ko pang ulitin ang
pagtawag dito bago siya nagsimulang kumilos paalis. Tinalikuran naman namin ni Yuri ang tulalang
si Katrina. Bago kami tuluyang nakaalis
sa lugar na iyon, narining naman naming nagsalita sa Katrina.
“KASALANAN MO ITONG BAKLA KA!”
sigaw nito na ang malamang na tinutukoy ay si Yuri. Hindi na namin siya nilingon habang
naglalakad. “PAGBABAYARAN MO ANG GINAWA
MO SA AKIN.”
Habang naglalakad, ipinagtaka ko
ang mga sinabi ni Katrina. Akala niya
siguro na si Yuri ang nagsabi sa akin tungkol sa kanya. Nang malapit na kami sa aking sasakyan, ako
na ang nagsimula ng aming usapan “Kain muna tayo?” nakangiti kong paanyaya. “Treat ko.
Naalala ko, hindi pa pala kita nababayaran sa panglilibre mo sa akin
dati.”
“Sabi ko sa iyo, okay na yun di
ba?” wika ni Yuri. Hindi pa rin
nagbabago ang itsura nito. “Sige uuna na
ako, magsisimula na ang exam namin eh.” Hindi
na ako nito inintay na sumagot at tuluyan ng tumakbo paalis sa lugar na
iyon.
Iiling-iling na lang ako habang
tinitingnan siya habang tumatakbo. Ito
na sana pagkakataon para makapag-usap kami pero talagang napakailap nito.
Kinabukasan, sa aming klase sa
PE. Hindi talaga pumasok si
Katrina. Okay lang naman talagang hindi
pumasok dahil may iaanounce lang naman daw si Sensei. Pero dahil gusto ko talagang makita at
makausap si Yuri ay nagawa ko pa ring pumasok.
Nakita ko ang tandem nina Yuri at Diana at duon ako pumuwesto sa lugar
malapit sa kanila. Hindi na kami pinagwarm-up
exercise at pinaupo na lamang sa aming puwesto.
“Guys, I would like to announce
that almost everyone passed this course.
So, for those who passed, you don’t have to attend the last meeting
because I will just give a practical exam that day for those who needed it.” Nagsigawan naman ang mga estudyante bilang
pagpapakita ng kasiyahan sa announcement ni sensei. “Yuri, I hate to tell you but I need you to
attend next meeting. You will be the
only one that needs to take the exam.
It’s a pass or fail exam so make sure you prepare for it. Don’t worry, I will just give you some basic
questions so you can pass this course. But,
I just can’t let it if you will pass this course without knowing the basics of
our karate. I’m giving you a chance here
so don’t screw it” ang derederetsong wika nito kay Yuri.
Napatingin naman ang lahat ng estudyante sa
kanya habang kinakausap siya ni sensei.
Alam kasi naming siya ang kaisa-isang magtatake ng practical exam dahil
na rin sa constant corrections sa kanya ni sensei. As usual, walang ekspresyon ang kanyang mukha. Tumango na lamang ito matapos magsalita ni
sensei bilang pagsang-ayon sa practical exam na ibibigay sa kanya.
Naisipan ko namang ito na siguro ang aking pagkakataon na mapalapit sa kanya. Tuturuan ko siya para sa kanyang exam sa Huwebes. Matapos ng maikling announcement ay dinismiss na rin kami.
Naisipan ko namang ito na siguro ang aking pagkakataon na mapalapit sa kanya. Tuturuan ko siya para sa kanyang exam sa Huwebes. Matapos ng maikling announcement ay dinismiss na rin kami.
Dahil alam kong palagi lang
naglalakad ang dalawang ito palabas ng campus, napag-isipan kong huwag na lang
din dalhin ang aking sasakyan. Tiyak na
hindi naman sasabay ang mga ito kaya ako na lamang ang makikisabay sa
kanila. Nagpaalam na rin ako sa dalawang
itong sasabay sa paglalakad. Wala naman
silang magawa kundi pumayag.
Naglalakad ang dalawa habang
nag-uusap ilang hakbang mula sa harapan ko habang nag-iisip naman ako ng
diskarte kung paano ko sasabihin na tuturuan ko si Yuri para sa kanyang exam. Nang makalayu-layo kami sa building na aming
pinagmulan. Napansin kong may limang
lalake na sumasabay sa amin. Nang
sumapit na kami sa lugar na halos wala ng tao ay bigla naman kaming pinalibutan
ng mga ito. Ang tatlo ay pumunta sa
bandang unahan habang ang dalawa ay nasa likuran. Napahinto naman kaming tatlo sa paglalakad.
“Hoy ikaw. Narinig ko bakla ka raw ” ang wika nang pinakalider sa lima kay Yuri. “Alam mo naman siguro ang atraso mo, ano? Kaya sumama ka na sa amin para hindi ka na masyadong masaktan.” Napatingin naman ako kay Yuri. At nakita ko na naman ang kanyang walang ekspresyon na mukha.

Update agad dali! Gusto ko ng makita kung papaano mamamangha si AN sa galing ni Yuri-san!
ReplyDeleteArigatou gozaimasu for the update! Sore wa sugoi desu yo! [Hindi ako sure kung tama yung grammar! LOL.]
update kna po nakakabitin eh hahaix
ReplyDeleteAN ngayon mu makikilala kung gaano kagaling si YURI at DIANA sa karate hehehe
welcame pala karTikid sa MSOB hehe
Franz
Kailan ang next update mr author? Sobrang excited na po ako sa next chapter. I hope mabilis lang yung update. I am looking forward for it.
ReplyDeleteJob well done. :)
J :D
WAAAA NICE NXT CHAPTER NA AGAD.. WAAAA ANG GONDO NA.....
ReplyDeleteBATANG NPA
Yuri ipakita mo ang talent mo para lalong mainlove si AN sau. Author post mu na nxt chapter.
ReplyDeleteBoholano blogger
Kinilig ako kay AN. Kiniss nya yuri..
ReplyDeleteNext update na author pls
I've been waiting for this.
ReplyDeleteNext update na po
ang ganda nmn nito, buti nmn ndagdagan n ang iilang magandang story dito s msob. More power po s author...
ReplyDeletenice ....
ReplyDeletemarc
ayeeh, exoitd na aq both yuri AT aN ayeEH, ito na inaantay next pls.
ReplyDeletenako AN dapat ipaglaban mo yang nararamdaman 4 Yuri,nako bka pag pinatagal mu pa maagaw cia ng ibA like keith, ayeEH, next chapter pls.09052830436 txt nyo naman q if my update na.ty.
ReplyDeletebugbugin mo mga yan Yuri!!!haha.matatauhan na si AN. atleast mas may decency si AN vs kay keith. kay Team AN na ko.update agad pls kuya author!galing!
ReplyDelete--gerv
Yan Yuri pakita mo kay An kung gano ka kagaling :))))
ReplyDeleteExcited much for thr next chater
ReplyDeleteI post na yan plsss
ReplyDeletekaka excite naman to, next update na please....
ReplyDeletesugarspun214
Nakakaawa nman si Yuri..... Great story so far!
ReplyDeleteWhaaaaaa.,..this is it! This is really it is!!!
ReplyDeleteAYAN,MUKHANG MAKIKITA NA NI AN ANG NATATAGONG GALING NI YURI SA KARATE,PATAY KAYONG MGA GOONS KAYO KAY YURI!!!
GO AN!! PAKITA MUNG WORTHY KA KAY YURI!!! :D
KYAAAAAA!!!!
Can't wait for the next update. :)
ReplyDeleteGo AN! Haha parang Kaichou-wa Maid Sama ah. GO YURI! BEAT THS CRAP OUT OF THOSE JERKS AND THAT LADY WHO HAS FAKE BOOBS! Sorry may naalala lang sa ibang stories na nabasa ko. XD KUDOS TO THE AUTHOR!
ReplyDeleteOh my! Kiniss ni an c yuri! Kilig!!!! Pero wait di pa ako sure kung kaninong team ako, kung yuri-an ba o yuri-keith. Hmmmmm.
ReplyDelete-hardname-
Tnx author! U made my day!
ReplyDeletenice story and i'm excited for the next chapters :)
ReplyDelete-mark
geh ipakita mo yuri ang nalalaman mo sa karate. baka makita pa ni sensei yung pangyayari e exempted kana sa practical exam at baka maka flat 1 kapa sa gade mo. kahina nmn ng utak nitong c katrina. puro galit ang nasa utak.
ReplyDeletediana ipakita mo din yung nalalaman mo sa aikido haha. c AN kaya may maitutulong? sabagay alam n nya mga basic sa karate.
May naaamoy ako, may magseselos. Malamang si Keith. sensya ka, mabagal ka eh. naunahan ka tuloy ni AN. haha.
bharu
Waaaa update please! Can't choose between TEAM Yu-N or Ki-ri hahahaha... Gusto ko masaksihan ang laban ng tatlo vs limang epal! Go kuya karate kid!!! I can't wait for your UD keep up the good work! I'm so hooked with your story :)))) banzai!!!
ReplyDelete-cj ^_________________^v
im soooo happy!! nkakakinlove ang story.... i go for AN!!... go Yuri!! beat those asshole
ReplyDeleteYuri-Keith AKOOO ! Woooh ! Pero MAS Gusto ko si AN . Ewan ? Nagugulohan ako , feel ko tuloy ako si YURI . WAHAHA xD
ReplyDeleteHaba ng hair mo gurl , sana umeksena din si Kuya Kurt para astig LOL :D
Thanks Author mwaahps . Next Chapter puhlease .. ? ^_^
- eyriel gandita
Team AN ako'!! XD
ReplyDeleteNext chapter na please'!!
×× ace ××
Go yuri!!!
ReplyDeletenext chapter na
Please
Team AN !
×× ace ××
pls paki post na ung next chapter...
ReplyDelete