318 (My Second Attempt to Love)
By: Imyours18/Niel/Nyeniel
E-mail & Facebook Account: nielisyours@yahoo.com.ph
Authors Note:
Guuuuuuuuuyyyyyyyyyyysssss! Sorry, sorry, sorry talaga kung
almost 3 weeks na akong walang update, siguro hindi na iba sa inyo yung dahilan
ko pero opo super busy po talaga kaya sorry po talaga kung naging masyadong
mahaba yung interval ng updates. Well, heto na po pala ang chapter 10.1, hinati
ko po sya sa dalawang chapter upang mas humaba pa ng konti ang story. I’m not
sure pero baka po kasi hanggang chapter 14 na lang po ang book na ito, so
malapit ko nang dispatsahin sina Colby at Xander (Brutal e noh? XD) so, get
ready sa mga twist.
Last thing, may new story po ako. Yehey! May concept po
akong naisip and hopefully wala pa po sana syang katulad na story hehe, basta
unique po ito. Ia-announce ko na lang po kapag ready na akong isulat yung
kwento.
Maraming maraming salamat guys sa mga patuloy na nag-aabang
ng story ko kahit matagal ang updates. Salamat guys! Labya all! :* God bless.
Warning: Some words used in the story are foul words. Also, there are scenes which are seductive and not appropriate to the minor readers. This story is a work of fiction only and any parallel scenes, places and names to the reality are absolutely unintentional.
Any reaction, praise, violent reaction, complains and comments regarding to my story, please contact me:
Email and facebook account: nielisyours@yahoo.com.ph
About the cover photo:
I do not own this image. Any complaint arising out of its use, please contact (nielisyours@yahoo.com) and the image will be immediately removed.
ENJOY READING =)
Chapter 10.1
Xander’s Point of
View:
“Okay class, for your midterm requirement you have to have a
play..” Ani ng professor namin sa literature. Yes! Mukhang exciting to! Since
high school kasi ay isa na talaga sa paborito ko ang pagarte. Balak ko nga sana
kumuha ng theater arts na kurso noon ngunit ayaw naman ni papa dahil daw gusto
nya ako maging engineer, e second choice ko naman ang engineering kaya naman
hindi na ako nahirapang mag-adjust.
“Ma’am! Whole class po ba ang magpe-perform?” Pagtatanong ng
isa kong classmate.
“Yes! As a whole kayo magpe-perform dahil hindi naman kayo
ganung kadami sa class nyo. Lalaban nga pala kayo sa ibang section next month,
so be ready!” Pag-aabiso ng professor namin.
“Ah, ma’am..” Pagtataas ng kamay ng isa kong classmate.
“Yes? Miss Villareal?”
“Hmmm, ano pong genre ba ang kailangan sa play?”
“Anything na hindi kayo magmumukhang tanga. Okay lang sa
akin..” Pagkakasabi ng professor namin.
After mag-klase ng prof namin ay agad naman pumunta sa harap
ang president of the class upang pagisipan na nga ang naturang play.
Sa napagusapan, isang tragic love story daw ang gagawin
namin. Medyo hawig sya sa kwento ng “one true love..” kung saan mamatay din ang
bidang babae dahil sa damage sa kanyang utak bunga ng kanyang pagkakaaksidente.
Bale, apat daw ang main character ng kwento na ginawa nila, yung bidang lalaki
at babae, yung isang lalaki na magiging kontrabida dahil sa obsession nya sa
bidang babae at isang babaeng bestfriend ng bidang lalaki kung saan may lihim
itong pagtingin dito at sya ang magco-comfort sa lalaking bida kapag nagkasakit
na at kapag namatay na ang bidang babae.
Nakapamili na ng mga supporting actors and actress ang buong
klase, sumunod naman ay ang mga bida.
“I nominate Xander, to act in the role of Rolly..” Buong
tapang na sabi ni Trina. Hindi na naman ako tumangi pa dahil gusto ko naman
talaga ang pagarte. Wag lang siguro si Trina ang makakatambal ko dito dahil
paniguradong lagot ako nito kay bes ko.
At may tatlo pang na-nominate sa klase namin. Sa huli ako
ang itinanghal na nanalo sa role ni Rolly, gusto ko din naman talaga ang role
dahil mukhang matapang at iyakan ang role kung saan yun na talaga ang mga role
na ginagampanan ko noong high school pa lang.
“And now, the nomination for the role of Cherry is now
open..”
Nakita ko naman na nagtaas ng kamay si Trina. “I
respectfully nominate myself for the role of Cherry..” Buong tapang na sabi ni
Trina. Grabe! Iba din tong si Trina, ang lakas ng confidence nyang kunin yung
role ha? Nako! Sana naman ay hindi sya ang mapili ng buong klase dahil
paniguradong magagalit na naman ang bes ko, love story pa naman to. Ayaw ko
syang saktan. :’(
At may na-nominate pang apat ngunit bigo ako. Si Trina pa rin
ang pinalad na manalo para sa role ni Cherry. Hala! Paano na to? Paano ko
i-eexplain to kay Colby?! Panigurado magagalit yun, teka sana may chance pa
para i-give up yung role ko.
“Pres, ayoko nang mag-Rolly, please?” Bulong ko sa president
namin.
“Oh bakit naman?”
“Si Colby kasi e, yung boyfriend ko. Galit yun kay Trina e,
baka magalit sa akin..” Pagpapaliwanag ko sa president namin.
“Hindi ko masasabi yan Xander, sila ang pumili e. And final
na yun, siguro mas okay kung sila ang tanungin mo..” Sabi sa akin ng president
namin. Ah! Bahala na!
“Classmates! Ayoko na kasi sa role, okay lang ba kung ibigay
na lang natin kay Fred yung role?”
Pagtatanong ko sa kanila. Tahimik.
“Bakit mo naman ibibigay?” Mataray na pagtatanong ni Trina.
“Ahh, eh.. kasi..” Mautal-utal kong sabi.
“Dahil na naman kay Colby?” Si Trina. Ooopsss! Nga pala,
alam dito sa klase naming ang about sa amin ni Colby. Napatango na lang ako sa tinanong nya.
“Alam mo Xander, wag mong dalhin dito ang personal na buhay
mo. Kasi nagaaral tayo dito, hindi naglalaro. At mas lalong hindi naglalandian,
para to sa grade na’tin. At ano naman sa boyfriend mo yun? Bakit?
Mababayaran
ba ng pagseselos nya yung grade na mawawala?” Sambit ni Trina. Grabe! Sobrang
halaga sa akin ni Colby. At ayoko sya saktan! Bakit ba kasi si Trina ang
napili? Hala!
“Pero, kaya nga papalitan e. Sige na naman Trina..”
Pagmamakaawa ko. “Classmates, please?” Dagdag ko pa.
“Alam naman natin ditong lahat kung sino ang may potential
sa pag-arte, sabihin nga nating magaling si Fred pero mas may experience ka
dahil ikaw ang nanalo ng best actors sa mga play. Kaya much better kung ikaw na
ang gaganap.” Pagpapaliwanag ni Trina.
“Oo nga naman Xander.. At saka play lang naman to, depende
na lang kay Colby kung paano nya dadalhin yung play. Para lang to sa material
thing, no string attached naman ang gagawing mga scenes..” Pag-sang ayon ng president naming kay Trina.
Nakisang-ayon na rin ang mga classmates ko sa sinabi ni Trina. At ang ending,
wala rin akong nagawa kundi tangapin na lang ang role dahil kahit anong sabihin
ko ay wala man lang nagsasabi na “Hayaan nyo na si Xander sa gusto nya..” Hindi
naman sa pagmamayabang ngunit na-kwento ko din kasi sa kanila noong nagkaroon
kami ng cell group sa klase kung saan pinagusapan namin ang mga talents namin.
Ang kailangan ko na lang gawin ay ang isipin kung paano ko
ba ipapaliwanag kay bes ko ang lahat ng ito. For sure, maiinis yun sa akin
dahil si Trina nga ang partner ko sa naturang play. Kilala ko si bes, na-kwento
ko nga lang minsan kung saan sinabi ko na isa sa mga magaganda sa babae si
Trina sa section namin.
Pinagkekwentuhan kasi namin ang mga representatives ng
sections namin sa pageant na gaganapin sa university. Ayun, nagselos na. Kaya
naman labis ang pangangamba ko kung paano ko ba sasabihin sa kanya to.
Dumaan ang isang linggo ay hindi ko pa rin magawang sabihin
kay bes ang lahat. Tapos na rin gawin ng president naming yung script para sa
play. Ngayon, practice at ime-memorize na lang namin yung mga lines. Masasabi
kong maganda ang pagkakagawa sa script dahil talagang heavy drama to! Ngunit sa
mga first scenes madaming harutan at lambingan na gagawin ang character’s namin
ni Trina. Paktay na!
Dumating ang unang practice namin. Grabe! Unang scene pa
lang may harutan na agad. Magsisimula kasi ang kwento kung saan nagkabangaan si
Cherry at si Rolly. Noong una ay nagkakahiyaan pa sila, ngunit dahil matapang
itong si Rolly ay liligawan nya si Cherry dahil may iba na syang nararamdaman
para sa dalaga.
Agad naman namin natapos ang mangilan-ilang scenes. Okay
naman ang pag-arte ng mga cast maliban kay Trina. I can say na hindi bagay sa
kanya yung role sapagkat mahinhin ang role ni Cherry. Hindi naman sa
ina-underestimate ko sya dahil may itsura naman si Trina, ngunit sa ginagawa
nyang pagarte. Hindi lumalabas ang pagkamahinhin ni Cherry.
Isang umaga, wala kaming prof kaya naman nagyaya ang mga
classmates ko na magpractice kami sa room dahil sayang nga daw yung oras. Ang
next scene na gagawin namin ay meron nang kissing scene (ngunit hindi naman talaga
magdidikit ang aming mga labi dahil sinabi ko sa organizer ng play na wag
ipagawa yun, syempre may magagalit). Heto na yung scene na pinakaayaw ko.
Grabe! Hindi ko pa rin masabi-sabi to kay bes. Paano na lang kapag nakita nya
to at..at.. ? Wag naman sana!
“Cherry..” Pagbitaw ko ng linya habang nagpapractice kami.
“Oh bakit Rolly?” Si Trina.
Tinignan ko siya. Hinawi ang buhok. Tinitigan ang mukha nya.
But, sinisigurado ko na everything is scripted. Kasi yun naman talaga.. “You
look beautiful..” Linya ko..
Pagkatapos kong gawin yun ay may narinig ako mula sa
binatana ng classroom namin. Pamilyar na boses. Pamilyar na pangalan din ang
tinatawag.
“Tehhhh! Colby! Saan ka pupunta?!” Sabi ng boses sa labas ng
classroom. Te-teka?! Boses ni Nerrisse yun ah? A-at? Ano daw?! Colby?!!!! Shit!
Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Agad akong tumakbo palabas
ng classroom. Wala na akong pakielam sa practice ng play namin. Natatakot ako,
natatakot na baka nakita to ni bes at..Shit!
Paglabas na paglabas ko ay sinalubong agad ako ni Nerrisse
ng sermon. “Anong ibig sabihin nun Xander? Bakit ka nakikipagharutan sa higad
na yun? Ipaliwanag mo nga to?!”
“Sorry Nerrisse, pero kailangan kong kausapin si bes..”
Natataranta kong sabi sabay tatakbo na sana ngunit..
“Just make sure na may reason ka sa nakita namin..
Bestfriend at boyfriend mo yan para pagtaklisalan mo at ipagpalit sa babaeng
higad. At siguraduhin mong yung reason mo ay hindi lang valid kundi totoo. Kung
hindi ewan ko na lang Xander..” Pagbabanta ni Nerrisse. Naiintindihan ko siya.
Concern sya sa boyfriend ko. Alam kong ayaw nya lang masaktan muli si Colby.
Ngunit, ang mahalaga ngayon ay malaman ni Colby ang totoo. Mali ang nasa isip
nya.. Mali ang inaakala nya sa nakita nya.
Hinanap ko si Colby kung saan saan ngunit hindi ko siya
makita. Tinignan ko na rin ang cr ng bawat floors ng school ngunit hindi ko pa
rin sya makita.
Tumawid na ako sa kabilang building kung saan ibang course
na ang nandoon ngunit wala pa rin akong Colby na makita.
Pagod na pagod na ako, ngunit ayaw pa rin tumigil ng puso ko
hanapin si Colby. Gusto kong umiyak at magsisisi sa ginawa kong pagtatago. Sana
hindi ko na lang tinago kay bes. Ayan tuloy! Gago ka Xander! Tanga ka!
Hindi ko alam pero dinala ako ng paa ko sa likod ng lumang
building ng school namin. Hindi ko alam kung bakit ako pumunta dito dahil alam
kong hindi naman pupunta dito si bes dahil takot yung mga magisa at nakakatakot
pa ang lugar.
Tumingin ako sa paligid.. “Bes ko?” Pagtawag ko sa kanya.
May ilang minuto din akong naghahanap ng bigla kong narinig
sa likod ng isang puno ang mahinang paghikbi. Matatakutin akong tao at hindi
rin ako sanay na pumuntang magisa sa lugar na hindi gaanong matao tulad nito.
Ewan ko ba ngunit hindi ko nagawang matakot sa narinig ko. Malakas ang
kumpyansa ko na si bes nga yun.
“Bes?” Pagtawag ko. Noong
makita ko kung sino ang taong nasa likod ng punong yun ay hindi nga ako
nagkamali. Parang tinatadtad sa maliliit na parte ang puso ko sa nakita ko.
Napaka-gago kong nasaktan ko si bes?!
Pagkakitang-pagkakita ko sa kanya ay agad ko siyang niyakap.
Hindi ito gumagalaw at patuloy pa rin ito sa pagiyak. Lalo naman akong naawa at
nasaktan sa nasasaksihan ko, bakit ba kasi hindi ko pa sinabi agad?!
“Bes, mali yung nakita mo. Wala kaming ginagawang masama ni
Trina. Hayaan mo kong magpaliwanag please? “ Sincere kong sabi. Hindi pa rin
siya sumasagot at patuloy ang pagiyak. Niyakap ko pa sya ng mas mahigpit.
“Please, pagusapan na’tin to?” Sincere kong sabi. Hindi ko na rin mapigilang
maluha. Natatakot ako na baka mawala sya sa akin.
“Ano pa bang ipapaliwanag mo Xander?! Kitang kita na kitang
nakikipagharutan sa lamang lupang yun! What are you expecting me to conclude? E
it seems you’re enjoying flirting with that girl!” Galit niyang sabi. Lalo
naman akong natakot na baka nga dahil dito ay mawala sa akin si Colby. Hindi ko
sya masisi, wala syang alam sa nangyari dahil tinago ko sa kanya na may play kami
at ang mas malala pa ay ang tandem namin ni Trina sa play.
Tumakbo sya ngunit agad naman akong sumunod. Hinahawakan ko
sya ngunit hindi naman ako nito pinansin. Wala na akong pakielam, mahal ko si
Colby – sobra sobra na. Kaya kahit paglunok ng sarili kong pride ay wala na
akong pakielam. Kahit may iilan nang tao dahil nakaalis na kami sa likod ng
building ay ginawa ko ang bagay na agad na pumasok sa isip ko – mali sa puso
ko. Lumuhod ako at sinabing “Please bes oh? Hayaan mo naman ako magpaliwanag.”
Sabi ko sa kanya. Natigilan siya. Tinignan nya ako. Alam kong naawa sya, yun
lang ang kailangan ko upang maipaliwanag ko sa kanya ang lahat.
“Tumayo ka dyan Xander.” Sabi nya ngunit nanatili pa rin
akong nakaluhod sa harap nya. “Please Xander, tumayo ka nga dyan? May mga
nagtitinginan na oh?” Sabi nya pa sa akin ngunit hindi pa rin ako nagpatinag.
“Tsk! Pumapayag na ako. Tara dun tayo sa may playground..” Napatingin ako sa
kanya. Tumayo ako. Sa sobrang saya ko dahil pumapayag na syang kausapin ko sya
ay nayakap ko sya ng sobrang higpit. “Salamat bes ko. Mahal na mahal kita..”
Colby’s Point of
View:
Hindi ko alam kung tanga ba ako o sadyang nagmamahal lang?
Kitang kita na ng dalawang mata ko na naghaharutan si Xander at si Trina sa
loob ng classroom nila ngunit pinagbigyan ko pa rin siyang kausapin ako. Hindi
ko alam, nasaktan ako sa nakita ko pero malaki ang parte sa katauhan ko na
bigyan sya ng pagkakataong magpaliwanag.
Ngayon, andito kami sa playground kung saan kami madalas
tumambay noon pa. Wala pa ring imikan. Alam kong mahihirapan na si bes sa akin
ngunit dahil nasaktan ako sa nakita ko ay hindi ko sya magawang kausapin o
tanungin kung bakit nga ba ganun ang nakita ko?
“Bes? Unang una sa lahat..” Sabi nya agad ko naman itong
pinutol.
“Make it straight to the point..” Malamig kong sabi. “Ano
yung nakita ko kanina?” Pagtatanong ko sa kanya.
“Bes, kasi.. kaya namin ginagawa yun dahil sa play namin..”
Nahihiya nyang sabi.
“Play? What do you mean?” Pagkukumpirma ko.
“Unang una sa lahat, gusto ko muna manghingi ng sorry. Hindi
ko nasabi sayo agad na may stage play kami at si Trina ang partner ko. Kaya
sorry bes..”
“So, alam mo naman palang si Trina ang nasa role na yun
kinuha mo pa yung role. You know our situation Xander, sobrang obsessed sa iyo
yung babaeng yun at dahil sa obsession nya ako ang tinitirada nya. Ngayon
parang mas nilalapit mo pa ang sarili mo sa kanya. At ano pa ba ang maaring
kahantungan nun? Hindi man ako yung tintirada nya malaki yung chance na maagaw
ka nya sa akin..” Sabi ko sa kanya. Nagsimula nang tumulo ang ilang patak ng
luha sa aking mga mata. “At alam mo naman ang kinakatakot ko Xander di ba? Ang
mawala ka sa piling ko..” Emosyonal kong sabi sa kanya.
“Bes, hindi ko ginusto. Nagkakamali ka. Hindi kita kayang
saktan alam mo yan. Noong una akala ko hindi si Trina ang makakapartner ko
dahil unang pinagdesisyunan ang role ko kaya pumayag ako tapos noong role naman
nya ang pinagdesisyunan doon na ako umayaw ngunit hindi nila ako pinayagan
dahil bagay daw kami at may potential daw kami sa pagarte..” Pagpapaliwanag
nya.
“Oo nga bagay kayo..” Sarkastiko kong sabi.
“Physically siguro oo, pero hindi sya ang hinahanap ng puso ko.
Kahit kaunting attraction wala akong nararamdaman dun bes. Sayo lang.. sayo
lang tumitibok to..” Sabi nya sabay turo sa puso nya. Aaminin ko, kinilig ako
sa sinabi nya ngunit hindi pa rin akong pwedeng bumigay. Hindi pa maliwanag sa
akin ang lahat.
“At yung nakita mo kanina, parte yun ng practice namin bes, yun
yung scene kung saan hindi ako makapag-focus dahil inaalala kita. Kilala mo ko
umarte bes, naka-focus ako kahit hindi ko gusto ang kapartner ko but that time
hindi ako makapagfocus dahil natatakot ako.”
“Natatakot ka kasi hindi mo sinabi agad. Kung sinabi mo yung
tungkol dyan? Sa tingin mo magagalit ba ako sayo?” Medyo may pagtataas ng tono
kong sabi sa kanya. “Sa tingin mo, mamimis-interpret ko ba ang lahat?” Dagdag
ko pa.
“Yun nga yung pagkakamali ko bes, at nagsisisi ako.
Natatakot lang naman ako, naduduwag ako na magpaalam. Made-deadlock ako if ever
na hindi ka papayag at hindi rin pumayag ang mga classmate ko na tangihan ko
yung role..” Medyo malungkot nyang sabi.
“Bakit? Yun na ba ang tingin mo sa akin bes? Unang una sa
lahat bes okay lang sa akin kahit hindi ako ang priority mo, as long as alam
kong mas mahala ang ipa-prioritize mo kaysa sa akin papayag at papayag ako..
“
Malungkot kong sabi sa kanya. “Boyfriend mo lang ako bes, at wala akong
karapatang hadlangan ang mga bagay na mas importante sayo..”
“Sorry na bes, hindi totoo yan. Mas importante ka sa akin.
Kung alam mo lang. Sorry na please?” Pagsusumamo nya sabay yakap sa akin. Hindi
iniinda ni Xander ang dami ng tao sa playground noon..
“Inaamin ko ang
pagkakamali ko bes, at humihingi ako ng isa pang chance upang i-tama yun. Sana
pagbigyan mo pa ako, please Colby? Hindi ko kayang mawala ka sa akin..”
Paghihingi nya pa ng tawad. Napansin ko namang tumutulo ang mumuntik patak ng
kanyang luha sa aking balikat kung saan sya nakasandal habang yakap-yakap ako..
Aaminin ko, na-touch ako sa ginawa ni Xander. Hindi man
ganoong ka-materialistic ang paghingi nya ng tawad o hindi nya man dinaan sa
santuhang panunuyo, ang maramdaman ko lang na sincere sya at matuklasan to ng
dalawang mata ko, ay sapat na upang mapatawad ko siya. Masasabi kong ma-swerte
talaga ako dahil mayroon akong boyfriend na ibang iba sa unang nagging pag-ibig
ko. Hindi ko na rin napigilan at nanlambot na rin ang aking puso sa paghihingi
ng tawad ni Xander. Niyakap ko din siya at sumandal ako sa ulo nya. “Okay na
bes, sa susunod wag na wag ka ng magsisikreto sa akin..” Sabi ko sa kanya.
Kinuha nya naman ang kamay ko at hinalikan ito.
“Oo, pangako ko sayo bes ko..” Maluha-luha nyang sabi.
Yun lang at balik na naman kami sa dati kung saan parati na
naman kaming sweet at kung minsan nagkakatampuhan din. Hindi na rin ako
pinapapunta ni bes sa practice ng play nila, pero nangako sya na wala daw
talagang mangyayaring ikakaselos ko sa practice na iyon. Syempre, wala naman
akong ibang magagawa kung hindi ang magtiwala sa kanya. Yun naman talaga ang
mahalaga at ang sikretong sangkap ng isang relasyon e, ang magtiwala kayo sa
isa’t isa. Alam ko, mahal ako ni bes. Sa nakikita at sa nararamdaman ko pa
lang, alam kong hindi nya ako kayang gaguhin o saktan.
May isang linggo na lang ang nalalabi bago ang valentines
day. Syempre, Masaya ako dahil araw namin yun ni Xander. Ngunit wala akong idea
kung may pakulo ba sya o kung may regalo ba sya sa akin. Well, hindi naman
importante yun e, ang mahalaga lang naman sa akin ay kasama ko siya sa
valentines day, doon pa lang masaya na ako.
Isang araw bago dumating ang valentines day ay saka naman
may bad news na dumating sa akin.
“Bes, hindi kita makakasama bukas. Kailangan naming umuwi ni
papa sa probinsya dahil may bibili na daw ng bahay namin dun..” Sabi sa akin ni
Xander. Syempre, nalungkot ako. Wala naman akong magagawa dun dahil mahina na
nga din si tito at kailangan nya ng kasama na lumuwas papunta sa probinsya
nila.
“Ah, ganun ba bes? Ano ka ba, ayos lang yun. Marami pa naman
ibang araw dyan e. Mas mahalaga si tito, wala syang kasamang lumuwas..”
Malungkot kong sabi. Pero syempre, nasasaktan ako..
“Sure ka ba bes?” Malungkot nya rin tanong.
“Oo naman, marami pa namang ibang araw para mag-celebrate..”
Nagkukunwari kong sabi.
“Tatawag na lang ako bes ko ah?” Nasabi na lang ni Xander
upang maibsan ang nararamdaman kong lungkot.
Umaga ng araw ng mga puso, parang wala ako sa mood na
bumangon ng higaan dahil useless din naman tong araw na to dahil wala si
Xander. Ngunit, syempre kailangang pumasok, buti na lang at dalawang subject
lang ang klase ko sa ngayon.
Sa school, feeling awkward naman ako dahil maraming mga
couples ang nagbibigayan ng kung ano-anong mga valuable gifts. Syempre,
nakaka-out-of-place dahil madami ding nagbibigayan sa classroom namin
samantalang ako ay andito sa isang tabi at ginagawa ang assignment naming sa
accounting.
“Teh? Nakapangalumbaba ka dyan? Asan si bes mo?” Tanong sa
akin ni Nerrisse.
“Wala teh e, umuwi ng probinsya, may kailangan daw
asikasuhin..” Malungkot kong sabi.
“Hmmm? Sayang naman, ayos lang yan, marami pa naming araw na
pwede kayo mag-celebrate. Okay lang yan..” Mag-cocomfort sa akin ni Nerrisse.
Pagkatapos ng klase ko ay agad na akong lumakad papunta sa
sakayan upang umuwi. Aaminin ko, ang bitter ng pakiramdam ko sa tuwing
nakakakita ako ng couples sa school na nagcecelebrate ng valentines day pero
wala naman kasi akong magagawa e. Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko.
Noong tinignan ko ito, isa itong text mula kay Xander.
Xander: Bes, saan ka na? Sorry talaga ah? :’( Basta tandaan
mo mahal na mahal kita. I miss you, happy valentines day. I love you :*
Ako: Dito na ako terminal bes, ayos lang naman sa akin.
Happy Valentines day too, I love you :*
Wala na sana akong balak mag-bus dahil hindi naman kami
magkasabay ni bes. Gusto ko nga sana mag-taxi e, kaso magastos daw at kailangan
daw naming magsanay na magtipid para kung mag-asawa na kami ay hindi na sa amin
mahirap mag-budget (oh di ba? Ang lakas bumanat? XD). So, yun nga wala na sana
akong balak na sumakay ng bus pero malayo pa kasi ang lalakarin kapag nag-taxi
ako. Kaya naman naglakad na lang ako ng kaunti papunta sa sakayan ng bus.
Malapit na ako sa bus ng biglang may naramdaman akong
pumiring sa aking mga mata at tinakpan ang aking bibig at saka binuhat ako ng
buhat ng isang groom sa kanyang bride. Shet! Holdap ba to?! But, parang kilala
ko yung amoy?!
-
I T U T U
L O Y
kilig much mwaaaaaaaaaa
ReplyDeletebitin naman heheh
ReplyDeletebitin hehe :)
ReplyDeleteOmg. Nagmamakaawa ako. Wag lang hanggang chapter 14. Book 3 please.
ReplyDelete