Followers

Saturday, October 12, 2013

'Untouchable' Chapter 3

Hi! Pagpasensyahan niyo na ang matagal na update, kakatapos lang kasi ng hell week ko at may tinapos akong mini thesis. Pero sembreak ko na, which means more time for me to focus on this story.

Medyo mabagal ang pacing ng story, pero sa mga susunod na chapters, it will all make sense. Sana ay patuloy niyo pa ring suportahan ito. I'd really appreciate so comments-- I want to know what you guys think. :)

Happy Reading!

---

Chapter 3: Starting Over

“Are you ready?” masuyong tanong sa akin ni Trisha kinabukasan. Nakahanda na lahat ng gamit ko, at hinihintay na ako ni daddy sa lobby ng condo ni Trisha. “I’m nervous, Trish. What if I don’t like it in there? More importantly, paano kung hindi nila ako magustuhan?” nag-aalala kong tanong sa kanya. Hinaplos naman niya ang isa kong pisngi at sinabing, “You’ll do great, Gabby. You’re an amazing person. Just be yourself, and you’ll be fine.” nakangiting pahayag niya bago ako bigyan ng isang halik sa pisngi at isang mahigpit na yakap.

“Trish, hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sa iyo... thank you. You’re a true friend.” nakangiti kong pahayag bago lumabas ng pinto. “Nako, nagiging cheesy ka na. Bumaba ka na nga! Good luck, Gabby. You’re finally getting the life you deserve. Ingat ka palagi. See you sa campus sa pasukan!” pamamaalam niya bago ako tuluyang pagsarhan ng pinto. Binigyan ko ng isang huling sulyap ang pintuan ng unit ni Trisha at naglakad na papuntang elevator na siyang magdadala sa akin pababa sa lobby.

Nang makababa ako ay nasipat ko si dad na nakaupo sa isa sa mga couches sa lobby habang gumagamit ng cellphone. Lumapit ako at kinalabit siya nang mapansin niya ako ay agad niyang tinigil ang kanyang ginagawa at tumayo. Nakangiti niya akong hinarap at sinabing, “I can’t believe this is happening.” ngiting pahayag niya. “Ako nga rin po, eh.” nahihiyang tugon ko. Niyaya na niya akong lumabas at sumakay sa kotse niya.

Namangha naman ako nang makita ko ang magarang sasakyan ng tatay ko. Totoo nga ang sinasabi sa akin ni mama na mayaman ang pamilya ni daddy kaya nakakaya niya akong sustentuhan buwan buwan ng walang mintis simula nang ipanganak ako. Medyo nahiya at nailang naman ako nang makasakay ako ng kotse, dahil pakiramdam ko ay nanliliit ako at dahil na rin sa kadahilanang hindi ako sanay sa ganitong uri ng pamumuhay, let alone sa ganitong uri ng sasakyan.

“Gusto mong kumain muna?” tanong ni daddy habang nagddrive, tinatahak ang daan papunta sa kanila. Umiling naman ako kahit nagugutom na ako, dala na rin ng hiya. Natawa naman ako sa sinabi ni daddy na kung ayaw ko daw ay siya ay gusto na niyang kumain, dahil nagugutom na raw ito. Pumayag na rin ako sa huli. Hindi ko ikakailang kahit sasandali pa lamang kaming nagkasama ni daddy, na kahit ang huling memorya ko sa kanya ay noong mga 10 years old pa lamang ako bago tuluyang putulin ni mama lahat ng communication namin, ay ang gaan-gaan na ng loob ko sa kanya. Ngayon ay napatunayan ko ng mali si mama, dahil unang araw pa lamang namin magkasama ni daddy ay ramdam na ramdam ko na ang pagiging mabait na tao nito.

Napili ni daddy na magbreakfast muna sa McDonald’s. Nahihiya daw siya na dito niya ako dinala, dahil hindi naman daw niya alam kung ano ang gusto ko at nagbabakasakali lamang siya. Pinili daw niya ang McDo para safe. Pinabulaanan ko naman iyon at sinabing hindi ako mapili sa pagkain. Medyo na-touch naman ako sa ginawang iyon ni daddy dahil nakikita ko ang pag-aalala niya sa akin; more importantly, ang pagkagusto niyang bumawi sa mga taong hindi kami nagkasama.

“Uhm, dad wala po ba kayong work ngayon?” tanong ko habang nagsslice ng pancake. Knowing his nature, kahit weekend ay malamang pumpasok ito. Umiling siya bilang tugon. “Nagleave ako for today dahil gusto kong makasama ka buong araw.” pag-amin niya. Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya at nagpatuloy na lamang sa pagkain.

“’Yung mga anak niyo po... si Caleb and Selah, how are they like? And okay lang po ba sa kanila na makikitira po ako sa inyo?” pagtatanong ko. Napaisip naman si daddy. “I already told them and okay naman daw. Si Selah, she’s very sweet. Daddy’s girl. Palaging abala sa school activities, people person. She’s very excited to meet you.” nakangiting pagbabalita ni daddy. “Eh si Caleb po?” tanong ko. Napansin ko ang pagbabago ng timpla ni daddy dahil sa tanong ko na siyang lubusan kong ikinataka. “Caleb? To be honest, I don’t know. Ewan ko ba sa batang iyon. Don’t get me wrong. Hindi siya nagrerebelde, o nagbubulakbol. In fact, he’s a straight A student, tennis player, former musician, pero may pagka-aloof. Kahit sa amin ng tita Audrey mo hindi siya gaano nago-open. I don’t know why, hindi naman siya ganoon dati.” paglalahad ni daddy. Naging interesado ako malaman ang tungkol kay Caleb dahil sa mga sinabi sa akin ni daddy. Parang... nakikita ko kasi ang sarili ko sa kanya dati base sa mga description na binigay ni daddy.

“I hope makasundo ko po sila.” pahayag ko. “I’m sure madali lang iyon... well, with Selah oo. Ewan ko na lang kay Caleb. Just tell me kung may ginawa siyang hindi ka naging komportable, okay? Basta once we arrive, feel at home. It’s your house too. I don’t want you to feel left out.” si daddy. Tumango naman ako. “I almost forgot. I had the guest room renovated para maging kwarto mo, and mukhang one week pa bago matatapos. Sorry biglaan lang kasi, but I’m working on it, anak.” paghingi niya ng paumanhin. Hindi ko naman nakita ang problema doon. “It’s okay, dad. Pwede naman ako sa sala. Kahit walang kwarto okay—“ ngunit pinutol niya ako. “No, no! The thing is, you’ll be staying with Caleb hanggang matapos ang room mo. Okay lang ba iyon?” nag-aalaangang tanong niya. For some unexplainable reason ay medyo naging uneasy ko, ngunit hindi ko iyon ipinahalata kay dad. “Yes po.” diretso kong sagot. I mean, who am I to disagree or complain? Ako ang bagong salta, eh at kailangan kong makisama.

Umalis na kami ng McDonald’s matapos kumain at tinahak na ang daan patungo sa magiging bagong tahanan ko. Habang binabaybay ang Quezon City ay hindi ko maiwasang hindi isipin kung ano ang magiging takbo ng buhay ko once I start living with my dad, with his new family. To be honest, kinakabahan ako, dahil hindi ko alam kung ano ang iisipin nila tungkol sa akin. Sino ba naman ang hindi maninibago sa isang bagong mukha na suddenly ay makikisiksik sa kanilang tahanan at makikihati sa pamilya nila? More importantly, dahil ako ang anak sa labas ni daddy.

I’m just hoping na tama nga ang sinabi ni dad na mababait nga silang tao.

Napansin ko na pumasok ang kotse namin sa isang exclusive subdivision. Kung tama ang tantya ko ay na sa Pasig na kami, which meant na ang tagal ko na palang tahimik at lutang sa mga bagay na iniisip ko. Habang iginigiya ko ang atensyon ko sa mga bahay na nandoon ay hindi ko maiwasang mamangha sa mga nakikita ko. Halatang lahat ng nakatira doon ay may kapangyarihan at nakaririwasa sa buhay. Sinabi ko sa sarili ko na ito na ang magiging buhay ko magmula ngayon at dapat masanay na ako.

“Kinakabahan ka ba?” pagbasag ni daddy sa katahimikan. Tumango ako bilang tugon. Napangiti siya ng hilaw at sinabing, “Huwag kang mag-alala. They’re good people, Gabriel. And I’m sure they’re going to like you dahil mabait kang bata.” paga-assure niya sa akin. Sinuklian ko na lamang siya ng ngiti. “And Gabriel, mamaya kakausapin natin ‘yung lawyer namin.” si daddy. Nabigla naman ako at tila naalarma. “No, dad. There’s no need to file charges against mom. Ayoko na po ng gulo.” pagpa-panic ko. Nagulat na lamang ako nang matawa si daddy. “Relax. Walang kasong ihahain. I just want na maayos na ‘yung papers mo, since sa akin ka na titira, right?... or are you planning to go back to her eventually?” naramdaman ko ang lungkot sa boses ni daddy sa sinabi niyang iyon.

Naisip ko ang sinabi sa akin ni Josh.

“No, dad. Sure, we’ll talk to your lawyer. I’m of legal age na rin naman po kaya may karapatan na po akong mamili kung kanino ko gustong sumama.” sagot ko sa kanya. Ngumiti naman siya ng matamis dahil sa narinig niya sa akin.

I really am trying to make an effort here, to understand, and to open up to my dad. I mean, ito na ang pagkakataon kong maranasan ang pagmamahal ng isang ama. Alam kong he means well, at ayoko namang sayangin ang effort niya by being cold-hearted sa kanya. Gusto ko rin namang maging masaya. Kung masasabi man na sa ginagawa ko ay parang kinakain ko na rin ang pride ko, ay wala na akong pakialam. Alam kong masaya ako at iyon ang importante.

“We’re here.” pahayag ni daddy. Napansin ko na lamang na nakatigil na kami sa labas ng isang malaking bahay. Mali pala, to say bahay is an understatement, mansion would probably be more accurate. “Wow”, di ko napigilang mapabulalas. “Welcome home, Gab.” nakangiting turan sa akin ni daddy. Talagang nakaka-overwhelm ang magiging bagong environment ko. I am not usually like this, usually ako ang nang-iintimidate sa iba, but now I don’t know. I guess I went through a dramatic personality shift over the past few years, dahil na nga rin sa mga nangyari sa akin noong high school.

Bumusina si daddy at agad naman siyang pinagbuksan ng isang naka-unipormeng kasambahay nila. Bumaba na kami at sinabihan ako ni daddy na ang mga kasambahay na ang bahala sa mga gamit ko. Kahit gusto kong tumutol dahil nahihiya ako ay nanahimik na lamang ako. Nauna ng ilang hakbang si papa at naiwan ako sa may harap ng pintuan nila. Napabuntong-hininga ako, pilit pinapalakas ang loob ko bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay.

Pagpasok ko pa lamang ay nakaramdam na ako ng pagkalula at pagkalunod dahil sa laki at ganda nito. It would be pointless for me to describe how awestruck I am ngayon. Tiningnan ko ang paligid ko at nakita kong kahit simple lamang ang mga dekorasyon sa loob ay halatang may kamahalan lahat ng ito. Nang tumingala ako ay bumungad sa akin ang isang malaking chandelier.

Naputol ang pagmuni-muni ko nang marinig ko ang boses ni daddy. Nang ibaling ko ang paningin ko ay nakita ko sa tabi niya ang isang napakagandang babae na may napakaamong mukha. Nakangiti ito at unti-unting lumapit sa akin. “Gabriel, sa wakas nagkita rin tayo.” magiliw niyang bati sa akin. Hindi ko maipaliwanag, ngunit ang gaan-gaan ng loob ko sa kanya. “Tita Audrey.” magalang kong bati sa kanya. From the looks of it, kahit hindi ko pa siya nakikita ay alam kong siya ang legal wife ni daddy. Magmamano na sana ako, ngunit ikinagulat ko na lamang nang bigla niya akong yakapin, na siyang nagpabilis ng tibok ng puso ko.

“I heard what happened. Don’t worry, nandito ka na and you’re safe with us.” pagcomfort niya sa akin. “Thanks po, tita.” pagpapasalamat ko, dahil iyon lamang ang nagawa kong sabihin. “Akala ko Chinese ka rin po.” nahihiya kong dugtong. Natawa naman silang dalawa. I thought they were a typical, traditional Chinese family, dahil iyon ang image na nabuo sa utak ko while growing up. Knowing my father, a full-blooded Chinese, and my mother na may dugong Intsik, I expected Tita Audrey to be one as well, ngunit unang kita ko pa lamang sa kanya ay halatang-halata na ang pagiging Pilipino nito. Hindi singkit ang mga mata niya gaya ni papa. Maputi siya, may mahabang buhok, at may mga matang nangungusap.

“So what do you like for lunch?” magiliw pa rin niyang pakikitungo sa akin. Nahiya naman ako at sinabi kong kahit ano ay okay lang. Talagang natutuwa ako, dahil pinaparamdam sa akin ni tita na welcome na welcome ako sa pamilya nila kahit hindi niya ako tunay na anak. To be honest, I never felt my mother do this to me, kasi palagi siyang wala sa bahay. I couldn’t help myself but envy my dad’s other children, dahil sa sobrang swerte nila to have a life like this with such wonderful parents.

Niyaya akong maupo ni tita sa sofa habang si daddy ay tinatawag ang kanyang mga anak. Sabado noon kaya walang pasok ang mga bata. Si daddy lang ang nagttrabaho sa pamilya nila, at si tita ay isang butihing housewife. “So tell me about yourself.” interesadong pagsisimula ni tita ng conversation. “Uhm, Gabriel Tan, 18, taking up Political Science...” medyo nahihiya kong pagsisimula nang putulin ako ni tita. “No, ibig kong sabihin, ano mga gusto mo? Parang nagpapakilala ka naman sa klase niyan, eh. Mga hilig mong gawin? Favorite food, music. Mga ganoong uri ng bagay.” pagtatama niya sa akin. Kahit nahihiya pa ay kinwento ko na rin ang mga gusto niyang marinig mula sa akin. And again, I found myself comparing tita Audrey and my mother. My mom never bothered to ask me about the things I like, at ni minsan ay hindi niya tinanong kung kamusta na ang studies ko. Para siyang ‘mind your own business’ na babae, unlike tita Audrey na napaka-engaging na kausap.

Sa kalagitnaan ng paglalahad ko tungkol sa buhay ko sa college ay nakarinig ako ng mga yabag ng mga paa pababa sa hagdanan nila. Ibinaling ko ang atensyon ko sa parteng iyon ng bahay at nakita kong pababa ang isang magandang dilag na may mahabang buhok, maputing kutis, at singkit na mga mata. Ngiting-ngiti siya nang mapatingin sa direksyon ko at nagmadaling bumaba ng hagdanan.

“Siya ba si Gab, mom?” excited niyang tanong kay tita. “Yes, Selah.” tugon ni tita. “Oh my God! Finally!” pagtili niya, at nagulat na lamang ako nang bigla niya akong yakapin ng mahigpit at inalog-alog pa ang katawan ko. Nang kumalas siya ay napatingin na lamang ako sa kanya, biglang-bigla sa naging reaksyon niya. “Sorry. Na-excite lang.” nahihiya niyang pahayag. “I’m Selah, your new sister! I can’t believe na magkakaroon ako ng bagong kapatid.” nakangiting pagpapakilala niya sa akin. “Likewise. Gab.” ngiting sukli ko sa kanya. Narinig ko na lamang ang pagtawa ni tita, at sinabing iiwanan niya muna kaming dalawa ni Selah para makapaghanda na siya ng lunch at para makilala pa namin ang isa’t-isa. Nang tuluyang makaalis si tita Audrey ay biglang nagsalita si Selah.

“Is it true? Na bisexual ka?” tanong niya. Nabigla naman ako sa simula, ngunit naalala ko nga ang sinabi ni dad na alam na ng buong pamilya niya at tanggap ito. “Yup, pero it’s complicated. I mean, once pa lang nangyari sa guy... kaya I don’t really know how to label myself.” nahihiya kong pagpapaliwanag, dahil obviously ay hindi ako komportable sa subject ng usapan namin. Tumango siya, at tila nag-iisip ng malalim. “Gab, alam mo ba when our father broke the news to us we were like, shocked at first, pero it gave me strength talaga.” seryosong sabi niya. Dito ay napansin kong may pagka-conyo pala itong step sister ko, pero hindi ko na lamang binigyan ng masyadaong pansin iyon, dahil hindi naman siya iyong tipong nakakairita at bagay naman ito sa personality niya.

Ngunit ang ikinataka ko ay ang huli niyang sinabi.

“What are you talking about?” takang tanong ko. Napayuko siya sandali at napabuntong-hininga. “Kasi it gave me the idea... of how my parents will react once they find out na ganoon din ako.” pag-amin niya. Nagulat naman ako dahil hindi ko iyon nahalata o naramdaman mula sa kanya. Inunawa ko na lamang siya. “They seemed cool about it with your case, so I think when I find the strength to tell them, they’ll accept me for who I am. So in a way, you tested the waters for me. So salamat ng marami talaga, Gab.” sinesero niyang pahayag.

I am really liking Selah’s personality—everyone’s personality here so far. Napaka-warm ng mga tao at napaka-welcoming. Sana ay pati ang kapatid niya ay ganoon din. Ngunit mula sa mga sinabi sa akin ni daddy ay mukhang mahihirapan akong pakitunguhan ang isa pa niyang anak. It’s just a matter of time siguro bago siya masanay sa presence ko sa bahay. Hopefully ay magiging maayos ang lahat.

“What about your brother? Alam ba niya?” maingat kong tanong. “No. I mean, yeah I think he wouldn’t care rin naman. Caleb’s protective of me, and I know how much I mean to him, pero straight as a ruler si kuya kaya I think hindi niya mage-gets ‘yung sentiments ko, ‘di ba? Like, how can he understand me if he doesn’t know ano pakiramdam noon?” pagra-rason niya. “Speaking of which. I’m gonna call him.” bigla niyang sabi. Nagtaka naman ako kung bakit inilabas niya ang cellphone niya imbis na puntahan ang kapatid niya sa kwarto nito. Ngunit naisip ko rin naman na baka wala si Caleb sa bahay sa kasalukuyan.

“Kuya, he’s here na... Don’t be such a KJ and get your lowsy ass down here... K, love you.” pakikipag-usap niya. “Nasaan ba kuya mo?” tanong ko. “In his room. He’ll change clothes lang daw.” tugon niya. Natawa naman ako sa loob-loob ko dahil talagang tinawagan pa niya ang kapatid niya kahit nasa loob lamang sila ng iisang bahay. Ganoon talaga siguro kapag mayaman ka. There are some things that I wouldn’t understand.

“So paano mong nalaman na bi ka?” tanong ko sa kanya. “Actually, I’m crushing on my best friend. And I have the same problem kasi sa kanya ko lang naman ito naramdaman so I’m still confused kung ano ba talaga ako.” pag-amin niya. Nagulat naman ako, dahil parehong-pareho kami ng pinagdaanan. “How about you?” tanong niya, halatang interesado. Maggkwento na sana ako nang makarinig ako ng mga pagyabag pababa ng hagdan.

At doon ko siya napagmasdan. Something inside me warmed up. Nang makita ko ang mukha niya ay hindi ko ikakailang natigilan ako. Ito na yata ang pinakamaamong mukhang nakita ko; mas maamo pa sa mukha ni Josh. Nagkatitigan kami, at naramdaman ko na lamang ang pagkalunod ko sa titig niyang iyon. Hindi gaya ng kapatid niya at ni daddy ay hindi singkit ang mga mata niya. Namana niya ang mata ni Tita Audrey na lubusang nangungusap.

“Gab!” sigaw ni Selah na siyang nagpabalik sa akin sa realidad.

“Kuya, he’s here na oh.” masayang pagpapakilala sa akin ni Selah kay Caleb. Tumayo ako at sinubukan kong magmukhang kalmado. “Gab nga pala.” paglalahad ko ng kamay ko. “Caleb.” simpleng tugon niya, ngunit hindi niya tinugunan ang mungkahi kong makipagkamay. Dito ko na nakita ang sinasabi ni papa tungkol sa pagiging aloof niya. I thought it was normal, dahil bago pa lamang ako at naiilang pa ito sa akin, ngunit parang nagkamali ako nang marinig ko ang mga susunod na salitang lumabas mula sa mga labi niya.

Wǒ bù xǐhuan nǐ, Gab.” sabi niya sa akin—in Chinese! Napatawa naman si Selah ng hindi oras, ngunit alam kong pilit lamang ang mga tawang iyon. “Si kuya naman! Nagchi-chinese ng wala sa oras. Gab, sabi niya ‘nice to meet you’ daw.” nine-nerbyos niyang baling sa akin, kahit pinipilit niyang hindi ipahalata ito. Tumango na lamang ako kunwari para hindi makahalata ang magkapatid.

Ramdam ko ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Ever since I was a child, my mom being part Chinese, I got acquainted with the language—enough for me to be fluent and armed with the basics. And after hearing kung ano ang sinabi sa akin ni Caleb—na in-assume niyang hindi ko naintindihan—I got the idea na mukhang hindi magiging madali ang pagstay ko sa bahay na ito.

Hindi ako maaaring magkamali na ang ibig sabihin ng sinabi niya sa akin ay “I don’t like you.”.


--

5 comments:

  1. I have been your greatest fan ever since sa story mong unexpected! Galing mo talaga!
    At nakakabitin naman!!! :)

    ReplyDelete
  2. hahaha.. isip ako ng isp kung tama ba yung translation. i don't like you nga pala yun. at yung "wo xihuan ni" yan ang i like you. eto na siguro ang simula ng kwento. ang kwento ng magkapatid kung paano magkakasundo. or baka maging lover pa hehe. thanks s update.

    0309

    ReplyDelete
  3. Exciting to!! Kaabang abang

    ReplyDelete
  4. kelan ka PO BA nagpopost ng mga updates sa mga story mo Mr, author?

    tonix

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails