Title: A Dilemma of Love
Author: Menalipo Ultramar
E-mail: menalipodeultramar@gmail.com
Author: Menalipo Ultramar
E-mail: menalipodeultramar@gmail.com
Rocco Nacino
as CHONG
Yoon Shi
Yoon as ALFONSE
Credits of
the pictures used above goes to its owners.
You may
contact me on the email address given above for any complaints or concerns.
------------------------------------------------------------------
Previous Chapter: Chapter 21
“HI POGII!!!”
Nagising si Alfonse mula sa kanyang panaginip. Kanina pa siya
pangiti-ngiti at parang tanga na lumilibot sa mall. Hindi man siya siguradong siya
ang pinukulan ng pagbating iyon, nilingon na rin niya ang pinagmulan nito.
Ang ngiting iniharap niya sa bumati ay napalitan ng
pagkagulat ng makita kung sino ito. Papalapit ngayon sa kanyang harap ang isang
lalaking nakapambihis babae. Katulad ng sa una nilang pagkikita, tila nilamukos
na naman ng pulbos ang mukha nitong lalong nagpalitaw sa mga kulubot ng kanyang
mukha. Hindi maikakailang nasa trenta na ang lalaking pagewang-gewang kung
maglakad. Ngunit ngayo’y nakatali sa likod nito ang buhok niyang kulot at
buhaghag.
Halos masilaw si Fonse sa neon yellow tight-fitting
shirt na siyang lalong nagpalitaw sa medyo malaking tiyan ng lalaking
naglalakad na tila nang-aakit patungo sa kanya.
“OH MY GADDDHHHH!!! I think I’m not gonna find you na! Ang
laki-laki ng MOA tapos dito ka pa nakipagkita! Tapos hindi ka pa nagreply sa
TEXTSSSS, take note, TEXTSSSS ko! Pasalamat ka at malakas ka sa akin, dapat nga
kagabi pa lang nag-date na tayo! NAKAKALOKA KA!!!” sambit ni Christie habang parang
kiti-kiting nagdadabog.
Biglang tumabang ang ekpresyon sa mukha ni Fonse. “Teka, DATE?”
It’s been one month since nag-umpisa ang bakasyon, and it has
also been one month since hindi sila nagkikita ni Chong. No communication. No
meet-ups. No relationship. Parang ganoon na rin ‘yun para sa kanya. He tried texting
Chong sa cellphone number nito na kung hindi pa niya kailangang kuhanin para sa
project nilang scale-model ng isang bahay ay hindi pa niya makukuha. Halos
nakakalimang text siya kada limang araw kay Chong. Halos mabaliw at mapuyat
siya sa kakahintay ng sagot. He’s been restless for almost one month, ngunit
kahit isang reply ay wala siyang natanggap. Kapag nangyari ito’y saka naman
niya tatawagan si Chong, at bigla naman itong sasagot...
“The subscriber’s
cannot be reached. Please try again later...”
Sinagot siya ni Chong...sinagot siya ni Chong sa pamamagitan
ng operator.
Maski sa Facebook ay wala silang contact. Though in-add na
niya si Chong, ay hindi pa rin ina-accept ng huli ang kanyang friend request.
He also tried messaging Chong, pero walang kahit anong mensahe ang makikita
doon kundi ang mensahe lamang niya ng pangungulit kay Chong. Halos amagin na
ang chat box nila sa kakatitig at kakasilip niya. Kulang na lamang ay i-hack niya ang account
ni Chong.
At muli, kahit na alam niyang malabo itong sumagot, sinubukan
niyang itext si Chong kagabi...
“Chong, kita naman tayo sa MOA bukas. Treat kita. Nood tayong
sine. Kahit ano, basta sama ka lang. Akong bahala. Sige na, please...”
At katulad ng dati, naubos na niya lahat ng paki-usap sa
mundo, namuti na’t lahat-lahat ang mata niya, naubusan na siya ng dugo,
naimbento na ang time machine, ngunit wala pa rin siyang nakuhang reply mula
kay Chong.
Ngunit hindi siya sumuko. Saka siya naka-isip ng gagawin para
makuha ang atensiyon ni Chong. “Sige ka, kapag hindi ka sumama, si Christie ang
isasama ko bukas. Kaming dalawa ang magdadate...”
Saka niya inilapag sa mesa sa tabi ng kama niya ang kanyang
Iphone. Na-upo siyang nakatukod ang mga siko sa mga hita at ang kanyang ulo sa
kanyang mga kamay. Seryoso niya itong tiningnan na parang sinisipat ang bawat
bahagi nito. Nagkakasalubong na ang kanyang kilay habang kinukuyom ang kanyang
mga labi na parang nanggigigil.
“Magrereply siya...Magrereply siya...”
Saka tumunog ang kanyang Iphone, senyales ng isang text.
Dali-dali niya itong kinuha at parang batang in-unlock.
“2/3 Want FREE caller
ring back. Just text the following code to 2354...”
Saka nilamon ng higanteng sinkhole ang bahay nilang halos 500
milyon ang worth.
“Bakit ba kasi hindi
siya nagparamdam? Kahit text man lang? Siguro naman hindi siya nakatira sa
bundok para hindi makapagpaload kahit minsan lang...”
Ngayon ay inaani niya ang sumpa ng kapusukan at kagaguhan na
ginawa niya.
“Alfonse! Alfonse, WUHU! Alfonse!” Sinabayan pa ito ng
pagsipol ni Christie habang kinukumpas ang kanyang kamay sa harapan ni Fonse.
Saka naman siya natauhan. “Ah, Christie, actually kasi, may
gagawin pa ako eh. Napadaan lang talaga ako dito kasi may binili ako. Tsaka na-wrong
send lang ako sa’yo eh…”
Biglang inilingkis ni Christie ang kanyang mga braso sa bisig
ni Fonse. Mas matanda man si Christie ay magkasingtangkad lamang sila ni Fonse,
kaya hindi maiiwasang pukulan sila ng mag malisyosong mga tingin ng mga taong
nasa mall.
“Sayang ka, dre!!!” sigaw ng isang lalaki mula sa isang kumpulan.
Tinangka na lamang takpan ni Fonse ang kanyang mukha habang
parang sawang nakalingkis sa kanya si Christie. “Bitawan mo na ako, hindi ako
pwedeng makita ng ganito…” pabulong niyang sabi.
“Hindi-hinding kita bibitawan hangga’t hindi mo itinutuloy
‘yung date natin…” nakangiting sabi ni Christie. Ngunit pilit ang ngiting iyon,
pilit na ngiti habang nakatingin sa mga taong tumitingin sa kanilang dalawa.
“Christie, wala naman talaga akong balak na mapipag-date
sa’yo… Tinext lang kita para takutin si Chong, hindi kasi nagrereply ‘yung
gago. Ni hindi ko man nga alam na naisend ko pala talaga sa’yo ‘yung text na
iyon eh…”
Biglang lumuwag ang pagkaka-angkla ng mga braso ni Christie
kay Fonse. “Ganon…” Nandidilat ang mga mata niya.
“OO NGA, kaya bitiwan mo na ako, at baka mamaya ay mahuli
tayo dahil sa panlalandi mo.” Halata na sa kanyang mukha ang pagka-irita.
“NO WAY, NO WAY!!! Itinext mo ako, kaya ituloy natin ang date
natin. Eklavu ka ah, gusto…” Biglang napapikit at nahinto si Christie sa
kanyang sinasabi. Naka-umang na sa kanyang mukha ang nakakuyom na kamao ni
Fonse, habang bakas naman sa magkasalubong nitong kilay ang galit.
Kapagdaka’y nahimasmasan na rin si Alfonse. “Pasensiya, ang
kulit mo kasi. Marami lang talaga akong iniisip. Pasensiya na pero hindi talaga
pwede. Hindi, ayaw ko, ayaw ko…” Wala ng nagawa si Christie kundi luwagan ang
pagkakayap kay Fonse, hanggang sa tuluyang siyang kumawala sa kanya.
“Kahit hindi na date, kahit dinner na lang…” Biglang
napalingon si Fonse. Nakita niya si Christie na inayos ang tindig at hindi na
parang kiti-kiting kumilos. Nahiwagaan siya sa gustong palabasin nito.
“…Mukhang kailangan mo ng kausap eh, baka mabaliw ka niyan…”
saka ngumiti ng maaliwalas si Christie. “Kahit na alam kong si Chong ang
pag-uusapan natin hanggang as dulo, keribels…”
Biglang napa-isip si Fonse habang iniikot ang mata sa
paligid. Nakita niya ang mga tinging kanina pa nakapukol sa kanya. Pero gusto
niyang patulan ang inaalok ni Christie, kailangan niya ng makaka-usap ngayon.
Saka niya itinuon kay Christie ang kanyang tingin at saka
ngumiti.
Walang kagatol-gatol na sumandok si Christie ng ulam mula sa malaking
mangkok na gawa sa porselana. Halos hindi naman makahinga si Fonse sa
kakatingin sa paligid. Napukaw nila ang atensiyon ng lahat ng kumakain sa
Japanese restaurant na iyon dahil sa nagagawang ingay ng pagkain ni Christie at
ng kalasingan ng mga kutsara’t plato. Dagdag pa dito ang pag-aalala na baka may
makakilala sa kanyang kasosyo ng ama.
“Sabi ko na nga, dapat
sa McDo na lang kita dinala…”
“Haaayyy, grabe ang sarap…” Biglang nag-angat ng tingin si
Christie. Nahinto siya ng mapansing nakatingin sa kanya ang halos lahat ng
kumakain sa restaurant na iyon, lalo na ang mga singkit na mata ni Fonse at ang
mukha niyang halos hindi maipinta.
Biglang bumagal ang pagpunas niya sa sabaw na kumalat sa
ilalim ng kanyang bibig.
“Hindi ko talaga mapigilan eh! First time ko sa ganito, you
know. Mukhang hindi ko na rin naman yata kailangang magpaganda sa’yo at wala
naman akong aasahan…” saka niya muling sinubo ang kutsarang puno ng pagkain.
“Teka, aasahan?” Bakas ang pagtataka sa mukha ng kayang
kaharap.
“Oo, aasahan. Mukhang hindi mo naman ako papatusin, kaya
hindi ko na kailangan pang magpaka-demure sa pagkain, no… Syempre, at first, kunwari,
‘di makabasag pinggan ako. ‘Di makabasag pinggan na lang uli ako sa’yo kapag kailangan
mo na ako…”
Kumunot ang kulay ni Fonse. “Kailangan?”
Hindi pa nalulunok ang pagkain sa bibig ay muling sumubo ng
sashimi si Christie, “Oo, kailangan. Pangangailangan. Pera, Tamod, Libog, Trip,
Romansa…Sex…Pangangailangan…”
Lalong kumunot ang noo at kilay ni Fonse.
“Pangangailangan…bow…” Isang buong sashimi ang muling isinubo
ni Christie.
Lalong kumunot ang kanina’y kunot ng mukha ni Fonse. Tinitigan
lamang niya si Christie na hindi pa rin magkanda-ugaga sa pagkain.
“Weh? Pa-innocent effect lang ang lolo mo? If I know, kayong
mga gwapo ang master diyan. Lalo na kapag mayaman. Minsan nga kahit hindi
kagwapuhan! Syempre sa una, lambing-lambing, tapos kapag nakapagpaload na, o
‘di kaya nakapagpalabas na, maghihintay na naman kami ng blue moon bago
bumalik…”
Tinapik ng marahan ni Fonse ang mesa. “Don’t count me in.
Hindi ako ganon…”
“Gaaaadddd!!! Lokohin
mong lelang mo. ‘Yang ganyang mukha, don’t count me in? Ilang months ‘yung
pinakamatagal mong girlfriend?”
Biglang napa-isip si Alfonse. “Kami ni Chong, maglilimang
buwan na kami…”
“Sabi ko, GIRLFRIEND!”
“One…One month…” atubili niyang sagot habang sumasandok ng
ramen.
Napanganga na lamang si Christie.
“Bakit? Sa inyo nga minsan, hindi naman tumatagal ng isang
araw. Minsan thirty minutes lang. MInsan mas maigsi pa nga doon…”
“Duh? Syempre bakla kami. Hindi niyo naman kailangan ng
pagmamahal mula sa amin, diba, ang kailangan niyo lang sa amin dila, supsop,
TSUPA! Alanganamang for a lifetime kang magpalabas diba? Kaya duda akong
tumatagal kayo ni Chong ng limang buwan. Sabi mo hindi na siya nagpaparamdam?
Break na kayo noon, may iba ng chinuchupa ‘yun. Nakapagsex na kayo kaya tapos
na kayo…” Tinangka niyang humalakhak ngunit puno ang kanyang bibig.
Biglang nahinto si Fonse sa pagsipsip ng sabaw.
“Oh, anong nangyari, bakit bigla kang natigilan?” ang halos
hindi maintindihang sabi ni Christie.
Biglang nanlaki ang mga singkit niyang mata. “Ah, wala. Sige
kain ka lang. Mamaya na lang tayo mag-usap…” aligaga niyang mga sagot. Maski
siya ngayon ay maingay ng kumakain. “Ang sarap pala nitong sushi, kaya pala ang
bilis-bilis mong kumain…”
Tiningnan lamang siya ng kaharap ng malamlam ang mga mata. “
‘Wag mong sabihing…”
“Anong hindi ko sasabihin…” saka muling sumubo ng sushi,
ramen, at siomai si Fonse.
Inilapit ni Christie ang kanyang mukha ng dahan-dahan sa
mukha ni Fonse. “Hindi pa kayo nakapag-sex ni Chong ano?”
Tiningnan na lamang siyang pailalaim ni Fonse na parang bata
at puno ang bibig.
“My Gahhhddd! Kayo ba talaga ni Chong?”
“OO nga…”
“Sigurado ka bang hindi lang ikaw ang nakaka-alam na kayo?”
“Oo nga, maski siya alam niya. Siya pa kayang nagsabi na kami
na…”
“May press release?” Maarteng sabi ni Christie na may kasabay
na pagpilantik ng kamay at ulo.
“Anong press release? Bakit kailangan ‘nun?”
“Press release, meaning, alam ba ng lahat?”
Mistulang nakayakap na kay Fonse ang kanyang mga braso,
“HINDI, patay ako kapag nalaman ng ibang tao…”
“So, tago?” Saka muling sumubo ng tatlong siomai si Christie.
“Malamang…” Inayos ni Chong ang kanyang Indian sit. “Kaso
duda ko, alam ng kakambal ko. Para nga yatang may nagaganap sa kanilang dalawa
ni Chong na hindi ko alam eh…”
Natigil sa paglamutak ng pagkain si Christie. “May kakambal
ka?”
“Oo, meron…” nagtatakang sagot ng kanyang kaharap.
“Pakilala mo naman ako... Gaddhhh, hindi ba kayo triplets?
Akin na lang silang dalawa…” Saka napahalakhak si Christie.
“Dalawa lang kami. At saka may girlfriend ‘yung kakambal ko,
lalaki ‘yun…”
Biglang natigil si Christie, “So, ikaw hindi ka lalaki?”
Natameme naman si Fonse habang bumagsak sa kanyang gilid ang
kanyang mga brasong kanina’y nakayakap sa kanya. “Ah, eh…”
“Uy, confuse siya…”
Umasta naming mayabang si Fonse, as if trying to redeem his
pride. “Iiwan kita dito kapag hindi mo ‘yan tinigilan. Ikaw magbabayad ng lahat
ng kinakain mo ngayon…”
“Okay po, so pikon. Eh ‘yun naman pala, bakit walang sex…” He
then gulped unceremoniously na parang nakikipagboodle fight. “Hindi ako
naniniwalang, as in never, na wala kayong sex. Lahat ng gay relationship,
nagsisimula sa sex. Kung hindi sa sex, sa pera. Hindi ka naman siguro
pinaperahan ng taong ‘yun diba, mas mukha naman siyang bading kumpara sayo…”
Saka naman sumubo si Christie ng buhay na octopus.
Nananamlay pa rin si Fonse. “Inamin naman niya sa akin na
bakla siya…”
“Oh ‘yun naman pala. Oh bakit walang sex…” Pilit na inaalis
ni Christie ang tinga dulot ng galamay ng octopus.
“Eh, kase, may mga kaming kasunduan…” Nahihiyang sabi ni
Fonse.
Natigil si Christie sa paghigop ng galamay ng ikalawa niyang
octopus. “…Kasunduan?”
“Oo, kasunduan, parang terms….” asiwa iyang sabi. “Bawal ang
akbayan ng tatlong buwan. Bawal ang kiss ng isang taon. Bawal…bawal kaming
magsex throughout the re…la…tion…ship…”
Tinitigan lamang siya ni Christie na parang lasing.
At saka umugong sa buong kwarto ang isang halakhak.
“Shhhh…” pasigaw na sabi ng iilan ding kumakain. Tinutop na
lamang ni Christie ang kanyang bibig. “Seryoso ka?” pabulong niyang sabi.
“Oo nga…” Bakas sa mukha ni Fonse ang pagkapahiya.
Umasim ang mukha ni Christie. Ang kanina’y puno niyang bibig
ay wala ng laman. “Siguro naman kahit jakol meron…”
“Wala nga, sex na rin ‘yun diba…” tila nakukulitang sagot ni
Fonse.
“Eh kiss? Siguro naman diba…”
Natigil si Fonse. “Mun…ti…kan pa lang…” habang sapo ang
kanyang ulo.
“Shet, 1700’s lang ang peg, Dalagang Pilipina lang ang drama…”
Sandaling inilayo ni Christie ang kanyang mukha. “Tumitira ng marijuana si
Chong ‘no. Anong shit ‘yun? Paki-explain nga…”
“Eh, malay ko. Hindi ko rin alam. Pero kasi noong una,
pinipilit niyang nachachallenge ko lang siya, na gusto ko lang mangopya sa
kanya, na nakahanap daw ako ng father figure sa kanya, na gusto ko lang daw
siyang maka-sex…”
Pumungay ang fake eyelashes ni Christie, “Oh, bakit? Hindi
nga ba ganoon…?”
Lumikot ang mga mata ni Fonse. “Malay ko, hindi ko alam. Pero
kasi, ang hindi ko maintindihan, bakit hindi niya naisip na gusto kong maging
girlfriend siya kasi gusto ko siya…”
Biglang napanganga ang kanyang kaharap. “Knows mo bang gusto
kitang palakpakan ngayon? Ang galling. Pang-best actor ang drama mo…”
Kumunot uli ang kilay niya.
“Charot. Hibang ka lang. Chupa lang ang kailangan mo. Kanina
ko pa nasisight ‘yang bukol sa bulsa mo. Parang ang sarap himasin…”
Lumaki ang mga mata ni Fonse. “Gago, iba ‘yang iniisip mo…”
Mula sa kanyang bulsa ay inilabas niya ang isang maliit na kahon na kulay dark
red at velvety ang telang nakapalibot.
“What’s this all about…” saka niya unti-unting binuksan ang
kahon.
Napangiti na lamang si Fonse.
Nasa loob ng kahon ang isang kwintas na gawa sa 24-karat
gold. Ang ‘lace’ nito ay alternating strips na nakabraid ng gold at white gold,
habang ang pendant naman nito ay mistulang korteng puso na may dalawang letra
na magkadugtong sa loob, pwedeng kalasin at ipagkabit uli, gawa sa ginto at may
hanay ng maliliit na diamonds na sumasabay sa cursive na script ng pendant at
palibot ng korteng puso. Naka-angkla sa isang panig ng pendant ang lace, ngunit
maaari ring lagyan ng lace ang isang bahagi ng pendant kapag pinaghiwalay.
“Shet, first time ‘to Alfonse. I LOVE YOU NA!!! Akala ko
hindi na ako makakakita ng isang papable na kagaya…” nahinto si Christie na
makitang may naka-engrave na mga pangalan sa bawat letra, sa C ay naka-ukit ang
‘Fonse’ at sa F naman ay, “…Chong…”
Lalong nangiti si Alfonse.
“Ayoko na niyan, sa’yo na ‘yan…” Halos pahagis niya itong
ibinalik kay Fonse.
Biglang lumamlam ang mata ni Fonse. “Christie, eksaktong
limang buwan na namin ngayon. Kaso kahit anong balita, wala ako sa kanya. Hindi
ko nga alam kung nabubuhay pa ‘yung gagong ‘yun. Mukhang maghihintay ako
hanggang pasukan…”
Maski ang kaharap niya ay nahawa sa kung ano mang lumukob sa
mukha at sa tinig ni Fonse. Sinabayan na lamang ni Christie ang tahimik na
pagkain ni Fonse. Laking pasasalamat naman ng matandang katabi nilang kumain at
natahimik ang bunganga ni baklang naka-neon yellow shirt.
“Alfonse, ayaw ko mang sabihin ‘to, pero parang iba na ‘yan.
Hindi na lang ‘PANGANGAILANGAN’.” Halos hindi makalakad ng maayos si Christie.
Maski ang tiyan niya ay halatang lumaki.
Napangisi na lamang siya. “Tingin mo…”
“Pero syempre, ngayon lang iyan. Tapos rin ‘yan, kapag nagsex
kayo. BONGGA!”
Tinitigan na lamang siya ni Fonse.
“Tutal naman, ramdam ko pa ‘yung galamay ng octopus sa tiyan
ko, tutulungan na kita… Gusto mong pagselosin si Chong diba…”
Maaliwalas ang mukhang sinagot niya ang kaharap. “Paano?”
“Alam mo kung saan nakatira?” Umiling si Fonse. “Hay naku,
magloko ka na! Hindi ba halata, ginagago ka lang niya. Ganyan ba para sa kanya
ang magsyota?”
Ngumit lamang ang kanyang katabi habang naglalakad ng mabagal.
“Christie, kumpara sa aming dalawa, ako ang mas maraming nagago. At kung
ginagago niya talaga ako, dapat nararamdaman kong ginagago niya ‘ko. Kaso
hindi…”
“ ‘Yan ba talaga ang na-fifeel mo, o ‘yan ang pinapamukha
mong na-fifeel mo?”
Tiningnan lamang siya ni Fonse.
“Alam ko na, magsine na lang tayo!” sigaw ni Christie.
Ang simpleng tingin kanina ni Fonse ay unti-unting lumiit.
“Alam ko na ‘yang binabalak mo. Nagawa ko na lahat ng milagro sa sinehan, kaya
tigilan mo ako. Nakita mo na kung paano ako magalit…”
“Sige na. Ako, hindi ko pa nasubukan. Marami na akong nahada
pero wala pa sa sinehan. Sige na, tutal naman, hindi ka pa nasayaran ng dila ni
Chong. Iba chumupa ang mga bakla…”
“Ayoko nga…”
“Sige na, PRETTY PLEASE…” pinagdikit niya ang kanyang mga
palad at saka umarteng parang bata.
“SINABI NGANG AYAW NIYA EH!”
Biglang napalingon si Fonse at si Christie. Nasa likod nila
ang isang lalaking maliit lamang ng kaunti sa kanila, kayumanggi, at hindi
maitatangging may dating. Naka-krus sa katawan niya ang kanyang mga braso,
nakangisi, at nakatuon sa kanila ang mga tingin nitong pailalim at napakalamig
habang nakasandal sa isang dingding.
“Oh, ba’t nakatanga lang kayo? Baka magsarado na ‘yung
sinehan, bilisan niyo na…”
“Chong, let me explain…” Lumapit si Fonse sa kanya na patuloy
na hindi natitinag. Kalmado pa rin siyang nakasandal habang kumukurap ng
dahan-dahan at buong pag-iingat. “….Nagkita lang kami ni Christie dito sa mall.
Mali ‘yang iniisip mo. Wala…”
“…Nagkita kami sa mall at kami na!!!”
Biglang napalingon si Fonse. Tiningnan niyang gulat si
Christie habang nakapamewang. Napangisi na lamang si Chong sa mga nagaganap.
“Christie, ano bang sinasabi mo? Wala akong sinabing..!!!”
pigil niyang sigaw habang papalapit kay Christie. “Pwede ba Fonse, stop this!
Tigilan mo na ‘tong kalokohan niyo at ginagago ka lang niyang taong ‘yan!!!”
Tumaas ang kilay ni Chong. Tiningnan niyang patagilid si
Christie habang lalong nangingiti. “Gina…gago?” pabulong niyang sabi.
“Don’t listen to him. Hear me first…”
“Any explanation is not needed. I know EXACTLY that’s going
around here…” Blankong tiningnan na lamang siya ni Fonse, habang sinuklian niya
ito ng tinging nang-uuyam, nang-iinsulto.
“Honey, let’s go na!” Hinablot ni Christie ang kamay ni
Fonse, ngunit hindi natinag ang huli. Mistulang nakabaon sa lupa ang kanyang
mga paa.
“Chong, please…”
“I advise na bilisan niyo na. Kokonti na lang ang tao niyan
sa sinehan. I know naman na despite the decency of the mall both of you are in,
gagawa at gagawa kayong dalawa ng kalaswaan. It’s never too late for an orgy,
right, lalo na kung ang kasama mo ay isang kaladkaring baklang walang
self-worth…”
Biglang natigil si Christie, atsaka inayos ang kanyang
tindig. “Anong sabi mo?”
Chong grinned. “You want me to repeat it?”
“NO! Ang KAPAL ng mukha mo ah? Bakit ganon ka ba kalinis para
sabihan ako ng ganyan, ha?” Nandidilat ang mga mata ni Christie. Wala na ang
pagkagaslaw sa mga kilos niya.
“Such a cliché, laging ganyan naman ang depensa kapag
iniinsulto, wala bang iba?” Umalis sa pagkakasandal si Chong. Unti-unti niyang
inalis ang pagkakayakap ng kanyang bisig sa kanyang sarili. Saka siya kumurap
ng buong pag-iingat at ngumiti. “Whether I’m a saint or not, kaladkaring bakla
ka pa rin…”
“Fuck you!” sigaw ni Christie. “Gusto mo ng iba ha? Edi ito!
E ‘diba kaladkarin ka rin naman? It takes one to know two, right? At least
‘yung pagiging kaladkarin ko, LANTAD! Hindi katulad mong nasa loob ang kulo? Aba,
aba, aba, kaladkarin ah…?” Hindi pa rin natitinag si Chong, kalmante pa rin
itong nakatayo at nakangisi, habang si Fonse naman ay hindi mapakali dahil sa
pakonti-konting tao nag-uumpukan sa kinatatayuan nila.
“Suntukan!!! Suntukan!!!”
Namewang si Christie. “E diba, pinaglalaruan mo lang naman si
Alfonse. May nalalaman ka pang bawal…bawal. Bawal ang halikan, bawal ang
yakapan, bawal ang sex. Tarantado ka ba?” Sa bawat sinasabi ni Christie na
‘bawal’ ay umuugong ang reaksiyon ng ilang nagkukumpulan. Tiningnan ni Chong si
Alfonse, ang huli’y tila nanginginig at di mapakali. Dagli niya itong tinaasan
ng isang kilay at pagilid niya itong ningitian. Tila nakuha ni Fonse ang gusto
niya, unti-unti siyang lumayo mula sa kanila, at tumayo sa isang sulok.
“Eh sex na nga lang ‘yung habol sa’yo ng tao, tapos
ipagkakait mo pa! Tapos ngayong naghahanap ng ibang alaga ‘yung tao, saka ka
babalik tapos manlilibak. At dinamay mo pa ako! Don’t you do that to me!” Kahit
na halos dalawang metro ang layo ni Fonse na kanila ay naririnig pa rin niya
ang bawat sigaw ni Christie, maski ang iilang hiyawan ng mga taong
nanggagatong.
“Chong, ano bang ginagawa mo. Wala naman sa katulad mong
gumagawa ng ganito eh…” Hindi mapakali ang mga kamay ni Fonse, mistulang itong
nanginginig.
Sa kabila ng lahat ngumiti lamang si Chong, kumurap ng
dahan-dahan, marahan, at buong pag-iingat.
“Tigilan mo nga ‘yang pagpikit-pikit mo! Tsaka ano bang
nakakatawa, ha? Putang-ina mo! Nakakapikon ka ah! Ano suntukan na lang ano! Hanggang
salita ka lang naman diba! Hanggang insulto ka lang naman diba!!! Eh parehas
lang naman tayo diba! Tamod at kantot lang rin naman ang hanap mo diba! Ayaw mo
pang aminin ano, EH KALADKARIN KA RIN NAMAN AH!!!”
Pagkatapos noon ay umalingawngaw ang maraming sigaw. Lahat ng
nasa kumpulan ay natigil at nagulat. Mabilis na lumapit si Fonse kila Chong at
maski siya ay nagulat sa nakita.
Nakahiga sa sahig si Christie at walang malay.
Tiningnan
niya si Chong. “…Ouch…” Dahan-dahan at buong pag-iingat na iniunat ng huli ang
mga daliri sa kanyang kamao. Sa mga mata nito’y wala siyang mabanaag kundi
sarili niyang repleksiyon.
-------------------------------------------------------------------
Alam kong wala ng momentum ang kwentong ito. Magaling kasi ang writer at gusto ko siyang sapukin. Pero gayon pa man, tatapusin ko pa rin ito. Hindi ko ito gagawin dahil gusto kong makakuha ng mga papuri mula sa mga mambabasa, gagawin ko ito dahil ito ang gusto kong gawin. Bonus na lang ang praises. Gagawin ko ito hindi dahil KAILANGAN kong may maikwento, gagawin ko ito dahil MAYROON akong maikukuwento. Magkaiba ang dalawang iyan.
ganda,., buti may nxt chapter na,., hindi ba ikaw ang original author?? okay lng nman,., nakakatawa prin siya,., hahaha
ReplyDeletesana regular na ang pag popost nito,., :) thanks nga pla sa pagpapatuloy.,,
Hehe, ako po ang original writer. Ang ibig ko pong sabihin eh gusto kong sapukin ang sarili dahil ang bilis kong mag-update....XD
ReplyDeleteMENALIPO ULTRAMAR!!!!
ReplyDeletesabik na sabik na ako sa kwento mo :(
silent reader mo ako :(
inaabangan ko tlga ito
GDJ
Wushu...XD
DeleteHi. James santillan here. Ung nag-email sayo.Hehe. despite the length of waiting time for this chapter, i still believe that this is one of the best. What with the complexity of the characters, originality, ingenious story telling and the depth of the story.
ReplyDeleteSana mas mapadalas yung update. :-)
-james