Followers

Friday, October 25, 2013

Love. Sex. Insecurity. [Book 2 : Chapter 16]








Love. Sex. Insecurity.
[Book 2 : Chapter 16]






By: Crayon








****Kyle****






8:41 am, Friday
June 04






Tahimik lamang si Sam habang nagkekwento ako kung paano kami nagkakilala ni Aki. Pinili kong ilihim sa kanya ang namagitan sa amin ni Renz, ang mga bagay na nangyari noong bumalik ako sa pag-aaral, at ang mga intimate moments namin ni Aki. Nang matapos ako magkwento ay nanatili lamang na nakatingin sa akin si Sam.



"Okay ka lang? Gusto mong pasaksakan din kita ng dextrose?", biro ko kay sam dahil para siyang na-bato balani sa aking mga sinabi.



"Bakla din siya?", hindi makapaniwalang sabi ni Sam.



"Ewan ko kung anung tingin niya sa kanyang sarili, pero ganun ang nangyari. Huwag mo na lang sana ikwento kahit kanino ang napag-usapan natin kasi ayaw ko na magkaroon pang muli ng panibagong dahilan si Aku para magalit sa akin.", hiling ko sa aking kausap.



"I understand pero hindi ba parang ang babaw ng dahilan niya para magalit sayo ng ganoon? I mean kung iisipin natin ang mga pinaggagawa niya sayo, sobra namang ganti ang ginagawa niya."



"Well yung huling ginawa niya, oo sobra nga iyon dahil kahit ako ay hindi ko magawang tiisin lang yung mga sinabi niya. Alam kong sa isang taong katulad mo madaling sabihin na mababaw ang pinaghuhugutan ng galit ni Aki pero alam ko sa sarili ko na mabigat ang aking naging kasalanan. Minsan na din ang nagkagusto sa taong hindi naman interesado sa akin, nagmahal ako, umasa at nasaktan, kaya alam ko kung gaano kabigat ang kinikimkim na sama ng loob sa akin ni Aki."



"Dahil sa pinagdaanan ko yung mga sakit na pinagdaanan niya, pilit ko na lang siyang inintindi sa tuwing nagagalit siya sa akin. Gusto ko talaga na magkabati kami kaya tiniis ko lahat ng mga pinapagawa niya sa akin. Sobrang laki ng naitulong sa akin ni Aki nung mga panahon na nahihirapan ako kaya ganoon."



"Pero yung mga nangyari at nasabi niya noon sa resort ay hindi ko kayang tiisin na lang. Sobra akong nasaktan. Moral ko na kasi bilang tao yung tinamaan. Kagaya nga ng sinabi ko sa aking sarili, hindi pa siguro ito yung tamang panahon para magkabati kaming muli.", litanya ko koy Sam.



"So anong plano mo ngayon?", tanong ni Sam.



"Magre-resign na ako pagbalik natin ng Manila. Since kakatapos lang naman ng board meeting, wala masyadong report akong kelangan gawin. Hindi ko kasi kaya na magtrabahong muli kasama si Aki o magpakita pang muli sa mga kasama natin sa trabaho matapos ang eksena kahapon.", napatango na lamang si Sam sa aking mga sinabi. 



"Mamimiss kita beh...", malambing na sabi ni Sam.



"Pwede naman tayo magkita kapag hindi tayo parehas na busy."



"Pramis mo yan ha?", wika niya.



"Oo naman.", nakangiti kong sagot.








****Aki****







9:03 am, Friday
June 04






Masaya ako dahil nagkamalay nang muli si Kyle. Hindi niya ako gaanong kinakausap pero hindi rin naman siya nagpakita ng anumang indikasyon ng matinding galit sa akin. Gayunpaman, alam kong may tampo pa rin siya at kailangan kong gumawa ng paraan para magkaayos kami. 



Simula ng magkita kaming muli ay si Kyle lang ang gumagawa ng attempt na magkabati kami, kaya ngayon ay ako naman ang dapat na umayos ng gulo na ako naman talaga ang nagsimula. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang makipag-ayos sa kanya. Masyado kasing madami ang mga nagawa kong kasalanan sa kanya kaya hindi uubra ang simpleng sorry lamang.



Nang makarating ako sa resort ay pasumandali akong nahiga sa aking kama. Noon ko naramdaman ang antok mula sa magdamag na pagbabantay kay Kyle.  Hindi naman ako tuluyang makatulog dahil sa aking pag-iisip. 



Naisipan kong i-text sila Gelo baka sakaling may maitulong sila sa akin.





****Kyle****






8:30 pm, Sunday
June 05






Katatapos ko lang i-type ang aking resignation letter na ipapasa ko bukas kay Aki. Desidido na akong umalis sa kumpanya nila Aki matapos ang mga nangyari. Maaga pa naman para matulog kaya naisipan kong kamustahin muna si Lui. Matagal na rin mula nung huli kaming magkausap at gusto kong makibalita sa mga nangyayari sa kanya ngayon. Nagcheck ako sa skype at sa fb pero mukhang hindi siya online ng mga sandaling iyon. Pinanatili ko lang na bukas ang aking laptop dahil umaasa ako na baka biglang mag-online si Lui, gusto ko lang siguro talaga ng kausap ng mga oras na iyon.



Mamaya ay narinig ko ang pamilyar na tunog ng chatbox ng fb. Sa pag-aakalang si Lui na iyon ay dali-dali akong bumangon mula sa aking pagkakahiga. 



Renz: hoy usap tayo sa skype.



Bago pa man ako makasagot ay nakakuha na ako ng notification sa aking skype account mula kay Renz. Nag-video call kami at nagulat ako sa ayos niya.



"Bakit ganyan ang itsura mong starfish ka? May sakit ka ba?", bungad kong tanong sa kanya. Mukha kasi siyang zombie na ewan.



"Ikaw kasi, may kasalanan ka sa akin.", sagot niya.



"Ha?! Anu naman?", pagmamaang-maangan kong sagot. Pero alam kong nagtatampo siya sa akin dahil hindi ko siya nai-text during nung outing namin na ipinangako kong gagawin ko. Matapos akong makalabas ng hospital ay hindi na ako nag-abala pang i-charge ang aking cellphone, hanggang sa mga oras na ito ay lowbat pa din ang aking phone at nasa drawer ko lamang.



"Grabe tong jellyfish na to! Akala ko ako lang ang makakalimutin, it only shows na wala talagang utak ang lahi niyo.", naiinis na sabi ni Renz. Hindi ko naman mapigilang matawa dahil mukha pa rin siyang batang paslit kapag inaasar ko.



"Hahaha, makapagsalita naman tong starfish na to! So feeling mo mas matalino ang lahi nyo ganon?", gatong ko pa sa kanya. "At least kaming mga jellyfish gumagalaw, kayo mga starfish mga tuod kayo!", natatawa kong sabi.



"Wow! Ang yabang naman! Oo tuod kami! Pero laging matigas!", pilyong sabi ni Renz. Sa pagkakakilala ko sa kanya ay alam kong may ibang meaning pa ang sinabi niya.



"Manyakis ka talaga Renz Angelo!", pambabara ko sa kanya.



"Ikaw lang naman ang ginaganito ko eh!", pagdedepensa niya.



"So ako lang kabastos-bastos sa pananaw ng isang starfish na tulad mo ganon?"



"Hindi naman sa ganon. Lahat naman kasi nagkakandarapa sa akin kaya hindi ko sila kailangan pang manyakin. Ikaw lang naman talaga ang hard to get! Tsaka ngayon sayo na lang ako tumitigas.", malisyoso nitong pahayag.



"Ang libog mo talaga kahit kelan!", pinamulahan naman ako sa biro niya. "Mabaog ka sana.", biro ko.



"Hoy! Wag kang ganyan, di magandang biro yan. Sayang ang magandang lahi ko na ikakalat ko sa mundo.", angal niya.



"Wag na! Dadami lang ang rapist sa mundo! Tsaka sino ba nagsabi sayong maganda ang lahi mo? Tingin mo gwapo ka?", pambabara ko.



"Oo naman! Nain-love ka nga sa akin di ba?!", sabi niya habang naka-plaster sa mukha niya ang isang malapad na ngiti. 



"Wala lang akong masyadong options noon.", palusot ko dahil muntik niya na akong makorner.



"Hahaha palusot ka pa! Kita mo paiibigan kita uli!", mayabang niyang hamon sa akin.



"Hindi na! Nagising na ako sa katotohanan!", natatawa kong sabi. Nakakatuwang isipin na nagagawa na naming pag-usapan ang mga nangyari dati na hindi namin nasasaktan ang isa't-isa, tanda na naka-move on na kami pareho mula sa di magandang parte ng aming pagkakaibigan.



"Seryoso ako!"



"Ano?"



"Anong ano?"



"Seryoso saan?", naguguluhan kong tanong.



"Gusto kitang ligawan.", paglilinaw niya. Hindi ko naman nagawang sumagot dahil sa pagkabigla. Tinatantya ko kung nagbibiro lamang si Renz o kung seryoso na siya.



"Gusto ko sana na personal na sabihin to sa'yo pero nung nawala ka nung outing niyo, natakot ako na baka may makauna pa sa akin at hindi ako makapapayag non. Kaya ngayon pa lang ay sinasabi ko na sayo to.", mahinahong wika ni Renz. 



"Bakit?", yun lang ang nasabi ko. Dahil karamihan sa tanong ko ay puro bakit. Bakit niya pa ito ginagawa ngayong maayos na muli ang aming pagkakaibigan? Bakit nya gustong gawing kumplikado muli ang aming buhay?



"Kasi mahal kita. Mahal kita mula pa lang nung una tayong maging magkaibigan. Mahal kita pero wala akong lakas ng loob noon na sabihin sa'yo. Mahal kita at ayaw ko na mawala ka pa uli sa akin.", hindi ako sumagot kay Renz. Nanatili lamang akong nakatitig sa kanya.



"Noong masaktan kita naging miserable ako. Alam kong maraming bagay akong di nagawa o di nasabi sayo. Naduwag ako noon Kyle, at dahil sa kaduwagan na iyon ay nawala ka sa akin.", pagpapatuloy ni Renz.



"Alam kong labis kang nasaktan dahil sa mga pagkakamali ko, maiintindihan ko kung hindi mo agad ako masusuklian ang pagmamahal ko sa'yo. Isa lang ang hinihiling ko sa'yo. Kyle... hayaan mo ako na ipakita at iparamdam sayo kung gaano kita kamahal....", dama ko ang sinseridad sa bawat salitang binibigkas ni Renz. Gayunpaman, hindi ko magawang magbigay ng sagot. May bahagi ng pagkatao ko ang nagsasabing mali na magdesisyon o mangako ako ng kung anuman sa kanya.



"Renz, i can't promise you anything.", wika ko.



"I know, and i don't want you to make any promises. Ginagawa ko to dahil ito ang dinidikta ng puso ko, kung sa huli ay hindi mo na ako kayang mahalin ng higit pa sa isang kaibigan ay maiintindihan ko."



"I don't know. I really don't know Renz. This will only complicate things again."



"I know you have your worries dahil sa pinagdaanan mo noon. I don't demand answers now Kyle pero please think about it. At kahit hindi mo naman ako payagan na manligaw ay hindi naman ako magpapapigil na ipadama sa'yo ang aking pagmamahal.", nakangising sabi ni Renz.



Matapos ang rebelasyon na iyon ay nagpaalam na ako kay Renz na matutulog na.



May isang oras na akong nakahiga pero hindi ako makatulog. Iniisip ko pa din ang napag-usapan namin ni Renz. Parang dejavu ang mga nangyayari. Dalawang taon na ang nakakaraan ay tinanong din ako ni Renz kung gusto ko siya maging boyfriend, pero tumanggi ako dahil din sa takot. Buhat noon ay naging masalimuot na ang aming pagsasamahan at dalawang taon kong pilit na ibinangon ang aking sarili. 



Sa takbo ng mga nangyayari ay parang inuulit ko ang aking pagkakamali. Takot at pangamba muli ang nararamdaman ko. Pero ang pinakamalaking tanong na hindi ko mahanapang ng kasagutan ay kung "Mahal ko pa ba si Renz?".



Nakatulog ako sa pag-iisip ng sagot sa tanong na iyon.









****Aki****






8:30 am, Monday
June 06





Mahigit isang oras na akong nakaupo sa harap ng aking desk sa loob ng aking opisina pero wala pa akong nagagawa. Nakatang lamang ako sa kawalan habang tumatakbo ang maraming bagay sa aking isip.



Hindi ko dinatnan sa desk niya kanina si Kyle. Mula ng ma-late siya noong unang araw ng pasok niya ay hindi na muling nangyari na nauna akong dumating sa opisina kaysa sa kanya. Nang pumatak ang alas-otso ay muli kong chineck kung dumating na siya ngunit walang Kyle na nakaupo sa lamesa na aking tiningnan.



Medyo ine-expect ko naman na ang ganitong eksena, matapos ang nangyari ay hindi ko na iniisip na magpapakita pang muli si Kyle dahil kung ako ang nasa posisyon niya ay noon ko pa ginawa ang umalis. Iba lang talaga ang determinasyon niya kaya nagawa niyang tumagal.



Naantala ang aking pag-iisip ng biglang bumukas ang pinto sa aking opisina. Dumungaw ang mukha ni Kyle mula sa pinto. Halata ang kakulangan nito sa tulog at lakas. Bumalik muli ang guilt na tatlong araw ko nang nararamdaman. Para akong pinipira-piraso sa tuwing makikita ko ang malulungkot na mata ni Kyle dahil alam kong ako ang dahilan ng mga hinagpis niya.



"Can i have a word with you sir?", magalang at pormal na sabi ni Kyle. Tumango lamang ako bilang sagot. Iminuwestra ko ang upuan sa aking harap para maupo si Kyle.



"How are you?", alam kong napaka-stupid ng tanong na iyon dahil kita ko naman sa kanyang mukha na hindi siya okay.



"I'm doing fine sir, thank you.", matipid niyang sagot. Noon niya inabot sa akin ang isang folder. Alam ko na kung anong nilalaman ng folder na iyon at pinaghandaan ko na ang aking gagawin.



"I will be resigning effective June 10, Friday. I apologize for the short notice but its urgent.", kalamadong dugtong niya.



Hindi na ako nag-usisa pa dahil alam ko naman na ang dahilan ng kanyang pag-alis. Batid ko ring wala na akong magagawa pa para mabago ang kanyang desisyon.



"I cannot accept this.", matigas kong sagot kay Kyle. Nakita ko ang pagkabigla sa kanyang mata. "The reason you've presented here does not merit for an immediate resignation. On normal circumstances, we will require our employees to render at least a month of service prior to the effectivity of the resignation. You should know that. You can't simply abandon your position, you have to give us time to at least look for a replacement. That's part of your contract.", pagpapatuloy ko.



"I know sir, but i hope you understand that i can no longer stay after what happened.", parang maiiyak na sabi ni Kyle sa akin. Bahagya naman akong naawa sa kanya. Tama sya sa kanyang sinabi, alam kong magiging mahirap para sa kanya ang magtrabaho pa din sa opisina matapos ang ginawa ko.



"I know where you're coming from, so i have decided to take you to a business meeting out of the metro. You only have to render 10 days of service, that's two weeks. Is that fine with you?", halata sa mukha ni Kyle ang pag-aalinlangan. Mukhang ayaw niya na talaga akong makita pa o makasama pero hindi ako makapapayag na basta na lang siya mag-resign.



"Yes.", sagot niya matapos ang isang malalim na hininga. "When are we going to leave?"



"Uhmmmm, ahhh...", hindi agad ako nakasagot. Hindi ko inaasahan na madali ko siyang mapapayag sa gusto ko. "Bukas. You can go home now so you can get yourself prepared."



Magalang na nagpaalam si Kyle at naglakad na palabas ng aking opisina. 



"Yes!", napalakas kong sabi may matching pang hampas sa lamesa. Agad naman akong naalarma dahil baka narinig ako ng mga tao sa labas lalo na si Kyle. Ayaw kong isipin niya na masaya akong magre-resign na siya.



"Yes! Yes! Napapayag ko siya!.", mahina kong sabi sa aking sarili. "Thank you Lord!".



Agad kong kinuha ang aking cellphona at tinawagan ang aking kaibigan.



"Hello Gelo?", excited kong bati sa lalaki sa kabilang linya.



"Sino to?", wika ng aking kausap.



"Siraulo ka! Umayos ka nga Gelo!"



"Hahahahaa! Maka-hello ka naman kasi para kang nanalo sa lotto.", pang-aalaska ni Gelo.



"Pumayag na si Kyle.", masaya kong balita kay Gelo. "Ikaw na ang bahala pre ha? I-text mo na lang sa akin yung details. Aalis na kami bukas."



"Ha?! Bukas agad?! Bakit ang bilis tsaka...", hindi ko na narinig pa ang ibang sinabi ni Gelo dahil tinapos ko na agad ang tawag.



Inilapag ko ang aking cellphone sa lamesa at nakangiting nakatingin sa kawalan. Hindi ko mapigilang ma-inspire sa mga nangyayari. 



"Sam.", tawag ko sa aking sekretarya. Wala pang dalawang minuto ay nasa harap ko na si Sam.



"Yes?", sarkasmong tanong sa akin ni Sam. Alam kong hanggang ngayon ay galit pa siya sa akin lalo na at nagpasa na ng resignation si Kyle.



"Look alam kong naiinis ka sa akin dahil sa mga ginawa ko kay Kyle. I'm really sorry.", seryoso kong sabi kay Sam.



"Hindi ka sa akin dapat mag-sorry at wala nang magagawa ang sorry mo!", galit na sabi ni Sam. Inihanda ko naman ang aking sarili sa sermon ni Sam. Sekretarya ko siya pero kaibigan na ang turing ko sa kanya at handa akong makinig sa mga sasabihin niya.



"Alam ko."



"Buti naman at alam mo!", asik ni Sam. "Napaka-laki mong hunghang Aki para saktan ang taong alam kong mahal mo pa din hanggang ngayon."



Nagulat naman ako sa sinabi ni Sam. Hindi ko ine-expect ang mga bagay na yon kay Sam. Wala akong ideya na may alam siya sa namagitan sa amin ni Kyle.



"Anong sinasabe mo?", tanong ko kay Sam.



"Stop being a fool Achilles! I always regard you as a good man, how can you do something like that to Kyle? Kahit ako Aki hindi ka na kilala. Ganun ba katindi ang galit mo para hindi mo magawang magpatawad? Kung pananatilihin mo yang galit mo dyan sa puso mo, magiging masaya ka ba? Ngayong wala na si Kyle sa opisina, masaya ka na ba? Nakaganti ka na at napahiya mo na siya, masaya ka na Aki ha!?!", nanggagalaiting sabi ni Sam.



"Sam, can you please calm down?", ma-awtoridad kong sabi para kumalma si Sam.



"Shut up! Kaibigan ko si Kyle, hindi, para ko na siyang kapatid. Kung siya walang ginawa sa tuwing inaapi mo siya, ibahin mo ko! Napaka-walang puso, walang kwenta, walang kaluluwa, walang utak mong employer! Wala ka man lang ginawa na anumang effort para ", sigaw ni Sam sa akin.



"Stop! Please! Hindi mo na kelangan ulit-ulitin pa, alam ko na yan, at nagsisisi ako sa mga nagawa ako. That's why i need your help.", pagpapakalma ko kay Sam. Ipinaliwanag ko kay Sam anhg balak kong gawin.



"Bakla ka! May ganyang drama pala sana sinabi mo agad! Muntik na akong putukan ng litid sa galit sayo!", natatawang sabi ni Sam.



"I would have kung hindi mo ko tinalakan agad.", sagot ko.



"Sorry naman."



"Do i have any meetings for the next to weeks?", tanong ko.



"Meron pero nothing urgent.", sagot ni Sam.



"Ok, i need you to reschedule all my appointments. I won' be around for the next two weeks."



"Copy boss!", masayang sagot ni Sam.







....to be cont'd....

1 comment:

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails